Followers

Monday, July 27, 2020

Xoxio - Keith and Kibo chapter 4

XOXO
Keith and Kibo
CHAPTER 4


Photo credit: Lucas and Kibo
Thanks  Young for helping me sa story, and all the ideas. Thanks!
We do have private group in facebook, Just search bluerose for all the updates and you can also add me @ Mark salazar.




SI KIBO



Good people sometimes make bad decisions, bad choices.. they mess up, they let others down, hurt the people around them but that doesn’t make them a bad people. We all make mistakes it doesn’t define who you are as a person.

“ What is happening outside?” tanong nung chef sakin, napalingon lang ako sa ibang andun na nakasilip sa labas ng kitchen.

“ I don’t know chef.” kibit ko ng balikat saka pinagpatuloy yung paghihiwa ko ng ingredients.

“ May dalawang babae na nag aaway sa labas.” saad nung isang staff.

“ Bakit nag aaway?”

“ Dahil sa lalake.” natatawang saad nito, napailing lang ako saka hinubad yung apron ko. “ Chef I saw a fishball bendor jan sa malapit, break ko kasi can I eat there?” pilit na ngiti ko, marahan naman tong tumango. “ Yes! thank you chef.” saad ko saka ng mamadaling lumabas pero natigilan lang ako ng makita si Jenny kausap yung isang babae. Nasa isang table sila at halatang mainit yung pinag-uusapan nila.

“ Sila yung nag aaway?” tanong ko sa isang crew.

“ Yeah, I think on the way na yung pinaga-awayan nila.” natatawang saad nito, napabuntong hininga naman ako.  Napakatanga mo Keith kung pupunta ka.. But damn! Knowing him alam ko pupunta sya.

This is what he wanted anyway.

Dumeretso lang ako sa salamin na pinto.

“ Haixt umuulan pa.” bulong ko ng makita yung pagpatak ng ulan, lumabas lang ko saka pumuwesto sa gilid. “ I’m sure pupunta sya.” isang ngiti yung kumawala sa labi ko habang sinasalo yung palad ko yung patak ng ulan.

I like rainy day, it reminds me that sometimes the world has sad days too.

Ilang sandali pa kong nandun ng makita ko si Keith na tumatakbo, hanggang makarating to sa tapat ng salamin na pinto, nagtama yung mata naming dalawa pero agad natuon yung atensyon niya sa loob ng resto.

“ Shit.” bulong niya. “Uhm pwede magtanong?” baling niya sakin, marahan naman akong tumango. “ Mamahalin ba mga gamit jan sa loob?”

“ Mejo?” saad ko, natigilan naman sya.

“ aixt imposible, wala ka naman suot na hikaw.” saad niya nakatingin sa tenga ko. “ Thanks huh.” ngiti niya sakin. “ Damn patay ako nito kay Vanessa kapag malaki damage nagawa ng dalawang to.” napapakamot sa bulong saad niya.

Di niya ko nakilala, hikaw?

Shit, yung binigay ni Queenie? Kaya pala nakilala niya ko sa elevator.

“ Bahala na.” saad niya saka humugot ng malalim na hininga at pumasok sa loob. Sinundan ko naman sya ng tingin hanggang makita sya ni Jenny at nung isang babae. Pero napanganga lang ako ng makita yung pagbuhos ng Jenny ng tubig sa ulo nito kasunod ng mag asawang malakas na sampal, nagmamadali naman akong pumasok.

“ Jenny.” saad ni Keith.

“ You asshole, cheater, player, manloloko!” sigaw ni Jenny. “ DAMN! Keith I trusted you!”

“ And here’s another one.” nakagat ko lang yung labi ko ng dakutin nung isang babae yung spaghetti na nasa pinggan at ibato sa mukha ni Keith. Damn! Bakit kasi pumunta ka pa eh!

“ Pwede ba ko magexplain? Wendy, I told you we’re done!” saad ni Keith pero malakas na sampal lang yung sagot nung wendy sa kanya.

“ You Asshole!” Gigil na saad nito, kita ko naman yung pagbuntong hininga ni Keith. “ Gago ke Keith, we’re done? Eh kahapon lang magkatawagan tayo?”

“ Fine fien, oo na!! I’m a cheater? Satisfied! I am done here so  you guys enjoy your life..” sarkastikong saad ni Keith pero muli isang malakas na sampal yung ginawa ni Jenny. “ Sure! You want more? Do it!” ngiti ni Keith dito pero kita ko lang yung sama ng tingin nung dalawang babae sa kanya.

“ Nakakaawa ka Keith! Wala ka na ngang narating sa buhay, manloloko ka pa. Tama nga si Daddy, don’t waste my time sa isang failure na katulad mo, Ikaw ang sumira sa pangalan ng miranda dahil ikaw ang pinakabobo na may apelidong Miranda. Simpleng board di mo naipasa, nakakatawa ka!” Saad ni Jenny, kita ko lang na umiwas ng tingin si Keith. “ Puro ka lang mukha, bobo ka naman!”

“ Eh di ba nga pati yung pagiging validictorian mo nung high school luto lang din? For all we know napakalaki ng binayad ng Daddy niya sa school para makuha lang yung title na yun.. you’ve always been bobo pala.” nang tingnan ko si Keith kita ko lang yung simpleng ngiti sa labi niya, that smile.

“ Pasalamat ka kasi gwapo ka kasi kung hindi, patapon ka Keith. You are too good for nothing. Napakamanloloko mo at babaero” saad pa nung Wendy. “ Wala kang kwentang anak at wala kang kwentang tao, manloloko, cheater, parang linta na nakadikit sa mga pinsan niya na may narating na sa buhay. Eh ikaw? Where are you? Taga tinda ng Milk tea? Taga serve, may condo ka nga pero kahit yun inasa mo sa mga pinsan mo, Ano pinagmamalaki mo huh, yung big bike mo na pinaglumaan ni Trey?  You are trash, Basura ka.”

“ I don’t wanna see your face again Keith, ang tanga ko din nagpaloko ko sayo. I told you not to mess with me.” saad ni Jenny.

“ Basura? Ako basura?” iling ni Keith, nakuyom ko lang yung kamao ko nung sandaling yun.

“ And her Mom.” saad ni Jenny, lalapit sana ako ng makita kong nag angat ng tingin si Keith

“ Don’t you dare.” mahinang saad ni Keith. “ Not my Mom.”

“ Why?” sarkastikong ngiti ni Jenny.

“ Wag mo idamay si Mommy dito Jenny.”

“ Why? You are just like her, EXACTLY like her.” ngiti nito, napalunok lang ako habang nakatingin kay Keith na may pumatak na luha sa mga mata.  Queenie asked me, paano ko sya nagustuhan, pano tumibok yung puso ko para sa isang Keith Lucas Miranda.

So this is my answer.

For the past two year, nakilala ko sya..bago ko nakilala yung Pagiging Jerk niya at kung bakit ko sya sinumpa nung sinabi niya na never niya ko magugustuhan. He is an amazing person and up to now I still believe that’s the real Keith lucas Miranda..

Nung gabing yun, pagkabigay ng payong.  I witnessed something na hindi naman dapat.







FLASHBACK





“ Hey, you forgot this.” abot nito sakin ng payong, nag aabang na ko nun ng taxi sa gilid.

“ Oh I ‘m sorry.” pilit na ngiti ko habang nakatingin sa nametag na nasa uniform niya -Keith- that is his name. “ Salamat.”

“ Okay lang, balik na ko.” tango niya sakin pero nagtaka lang ako ng hindi sya humakbang, nang sundan ko yung tingin niya nakita ko lang dun yung isang kotse. May sakay tong babae at isang matandang lalake.

“ Car ng Mommy ni Queenie?” bulong ko.

It’s Queenie’s Mom but who’s with him? nakita ko na yung parents ni Queenie and I know it’s not her Dad na nasa loob ng kotse..

Nahawakan ko lang yung bibig ko ng makita yung paghalik nung lalake sa Mommy ni Queenie.

Nang tingnan ko si Keith, nakita ko lang yung sarkastikong ngiti nito saka nagsimulang humakbang. Hanggang tumapat to sa kotse at lumampas. I will never forget that stare and smile.

Ilang sandali pa ng mag ring yung phone.

“ Hey my cute vampire, nakauwi ka na?”

“ Not yet.”

“ Queenie, you told me that you have a brother na nagtatrabaho sa Chekko, what is his name?”

“ Lucas, Keith lucas.” saad niya. Oh shit! “ Pauwi palang aako, sunduin ako ni Mommy.” saad niya, nakita ko naman na bumaba ng kotse yung lalake hanggang paandarin ng Mommy ni Queenie yung sasakyan.

“ Uhm okay, uhm pasakay na ko, ingat sa pag uwi huh.”

“ Ingat ka din cutie.”  saad nito binalik ko lang sa bulsa ko yung phone ko saka wala sa sariling naglakad pabalik sa chekko. Tama ba yung nakita ko? Nanaginip ba ko? Queenie’s Mom is having an affair at nakita to mismo anak niya? Is he okay kaya?

Pagdating ko sa chekko, nakita ko lang na patay na yung ilaw nito sa loob pero may isang lalake na nakaupo sa labas habang may pinapakain na pusa. Ilang sandali ko lang syang pinagmasdan hanggang makita ko yung pagpupunas niya ng luha.

Damn, is he okay? If that’s me I don’t kung anong gagawin ko.

“ Oh God, anong gagawin ko?” bulong ko, hanggang tumayo sya at nagsuot ng helmet at tumuloy sa isang motor. “ Okay lang kaya sya?” hanggang pinaandar niya yung motor, ang nagawa ko nalang ay sundan sya ng tingin hanggang mawala sya sa paningin ko.

“ Hey There?” bati ko dun sa pusa na pinakain ni Keith. “ Umiiyak yung lalake kanina di ba, tingin mo ba okay lang sya?”

“ Meow meow.”

“ Ah I see, buti sinabi mo na okay lang sya. Mapupuyat ako kakaisip baka anong mangyare sa kanya eh.” ngiti ko saka sya hinimas sa ulo. “ Uwi na ko.”

“Meow meow.”

“ Wala ka bang bahay?” tanong ko dito pero tinuon lang nito yung atensyon sa kinakain niya. “ Gusto mo sumama sakin?”

“ Meow meow.”

“ Talaga? Sasama ka sakin? Promise papakainin kita ng lahat ng gusto mo para tumaba ka.” ngiti ko saka sya binuhat at hinimas sa ulo. “ you re so cute, you like me don’t you?”

“ Meow meow.”

“ From now on, I will call you piggy.” ngiti ko pa.

Simula ng araw na yun, kahit isang beses ata di ko nakakalimutan dumaan sa chekko, panakaw na tingnan si Keith, inalam kung kelan sya nasa chekko at kung kailan wala. Day by day parang unti unti ko syang nakikilala.

The day na lumabas yung result ng board exam niya, I was there.

Same day na nakita ko yung mga maleta na nasa Chekko.

Napakadaling basahin ng sitwasyon niya that time, and I know how sad he was.

As day goes by, I secretly watch him from afar. Silently, without being notice.

And as I watch him, I see him change. From being so serious guy into someone who’s full of energy, he smiles often specially if theres a girl around.

Nakita ko kung paano sya kadalas magpalit ng girlfriend. Girl after girl, date after date, parang walang katapusan. I saw him cheat with other girl and I know sinasadya niya because getting caught is always what he wanted.

I Don’t know why, pero nung pumunta ako sa bahay nila Queenie. Parang normal yung pamilya nila, masaya. That’s when I realise that Keith is the only one who knows the truth.

And being caught is his way of getting all the anger and guilt out of his chest.

Ilang beses na ba sya nahuli, and what ammused me is the smiles on his face after every break up.

And I saw how he look at all the girl he had, I saw that stare.. It was the stare when he saw his Mom having an affair. From that moment, I knew that I like him not because he is handsome, I like him because he is broken.. I like him and I want to pick up all the pieces that’s been shattered.

That’s when I started getting his attention. Did a lot of stuff just for him to notice me and I always failed.Bawat pagkikita parang laging unang beses niya lang ako nakita. Pero di ako sumuko, lahat ng trouble ata ginawa ko. Nasira ko yung motor niya when I ask queenie to borrow it. He paid for all the liquor na nabasag ko sa isang grocery but he never talk to me about it, di niya kami sinisi ni Queenie, instead he beg the manager to forgive us.

When we need someone to help us with our reports, he’s always there. Pero syempre si Queenie lang kausap niya lage.

Nung nasira ko yung motor niya, I offer help to pay for the damages but he told Queenie na sya ang bahala. I want to be notice by him pero parang di ako nag eexist lage para sa kanya. Tuwing nagtatama yung mata namin, minsan ngumingiti sya pero minsan tanging pag tango lang ang ginagawa niya.

For me, Keith is an amazing person coz I saw the different sides of him And I think he is amazing.

Pero

Dalawang taon na pinaikot ko yung mundo ko sa kanya tapos sasabihin niya na never sya magkakagusto sakin, na parang diring diri pa! damn jerk!

I even know kung sino yung stalker niya!




PRESENT




“ And her Mom.” saad ni Jenny, lalapit sana ako ng makita kong nag angat ng tingin si Keith

“ Don’t you dare.” mahinang saad ni Keith. “ Not my Mom.”

“ Why?” sarkastikong ngiti ni Jenny.

“ Wag mo idamay si Mommy dito Jenny.”

“ Why? You are just like her, EXACTLY like her.” ngiti nito, napalunok lang ako habang nakatingin kay Keith na may pumatak na luha sa mga mata.  “ She is a-”

“ I think, you can be sued if you continue what you are about to say.” ngiting saad ko, kita ko naman natuon sakin lahat ng atensyon ng mga tao na andun. “ What are you doing right now is a public scandal, are you aware of that? can you do it outside the resto cause don’t you see, nakakaabala kayo sa mga kumakain.” turo ko sa mga tao na andun.

“ And who are you?” nakataas ang kilay na saad ni Jenny sakin.

“ Concern citizen, do you want me to call the cops?”

“ Do it.” ngiti nito.

“ Okay, wait can I have a favor?”

“ What?”

“ Sorry if interupted you, please continue what you are about to say about his mom.” ngiti ko, kita ko naman napalingon sakin si Keith. “ So she can sue for defamation and I’m so excited to be one of the witness. We also have cctv here for the evidence. Go ahead, I want experience to be in the court.” 

“ What the hell.” saad nung isang babae.

“ So if you don’t stop, I can call the cops and report you, alarm and scandals? Cause you’re causing a disturbance here, so would you mind if I ask you to leave here, all of you actually. If you don’t want this to go big at malaman pa ng Daddy mo.”

“ bakit ka ba nangengealam?” gigil na saad ni jenny.

“ Eh bakit kayo dito nangugulo?”

“ What the hell, keith we are done! You get that! Asshole!” saad ni Jenny saka nagmamadaling kinuha yung bag niya at umalis.

“ Bye keith.” ngiti nung isang babae saka nilampasan si Keith. Kita ko naman na napabuntong hininga si Keith saka lumingon sakin.

“ Kibo?” saad niya, napangiti lng ako saka kinuha sa bulsa ko yung hikaw at nilagay sa tenga ko. Humakbang naman sya papalapit sakin at hinawakan yung kamay ko at hinila palabas ng resto.

“ Ano ba yun?” simangot ko ng makalayo kami pero kita ko lang yung titig niya sa mukha ko. “ HAy salamat wala na yung ulan. Pero bakit mo ko hinila dito?”

“ Why did you do that?”

“ Did what?”

“ Yung ginawa mo dun?”

“ Nakakaistorbo sila, ano gusto mong gawin ko tumunganga?”

“ Ano alam mo tungkol kay Mommy?”

“ Uhm wala?”

“ Sinungaling, may alam ka.”

“ Fine.” iwas ko ng tingin.

“ Don’t you dare say anything kay Queenie.”

“ Ang dami namang secret.” simangot ko.

“ Ano ba ginagawa mo dito?”

“ I’m working don’t you see?” saad ko, napalingon naman sya sa francia. “ Why?”

“ Bakit ka nagtatrabaho?”

“ Gusto ko bakit ba, gusto ko maging independent, just like you. Di ka man lang ba magtethank you sa ginawa ko kanina.”

“ Did I ask you to do that? Deserve ko lahat ng sinabi nila. Pero damn! Pati pagiging valedictorian ko dinamay nila, I worked hard for it!” simangot niya, di ko naman mapigilang mapangiti.

“ Bakit ka nakangiti?”

“ Masama?!”

“ Anyway, thanks.” iwas niya ng tingin.

“ Keith, I know nangbabae ka because of your mom, for what? To get revenge? Sana itigil mo na, kasi hindi maganda. I know you are more than that and her mistakes is not yours.”

“ Pakialam mo ba, saka because of my Mom? Nababaliw ka na ba? Wag ka ngang makialam pwede?”

“ Oo na wala akong pakialam, I hate you nga pala.” inis na saad ko, kita ko naman na napangiti sya. “ Why, bakit ganyan ngiti mo?”

“ Alam mo na nangbabae ako, pero you like me pa din?”

“ Baliw ka ba, I hate you na nga di ba?”

“ Really.”

“ Fine! I like you kasi I know you are an amazing person, Keith I know na hindi ka masama, I know na you are not a bad person so stop pretending to be one and stop trying to be one. Yeah, you did wrong, but please stop it. You know what? The sooner you fess up the sooner you can get yourself back on track.” Seryosong saad ko, kita ko naman yung titig niya sakin. “ Keith, nagkamali mommy mo pero don’t beat yourself up because of her, and stop hurting other people just because you are hurt.”

“ Damn, since I was young ginagawa na niya yun and I don’t know why she never get caught by dad. ” bulong niya, kita ko lang na may tumulong luha sa mata niya pero agad niya tong pinunasan. “ That’s why I like being caught, I want to feel what my mom would feel if Dad get a chance to know her affairs. It sucks. At pare parehas lang mga babae, I’m a cheater? bakit sila ba hindi?”

“ They’re not your mom, and her mistakes is not yours.”

“ You’re crazy.”saad niya, napabuntong hininga naman ako.

“ Balik na ko dun.” saad ko saka sya tinalikuran.

“ Madapa ka sana!” rinig kong saad niya. “ Teeny weeny.” gigil naman akong lumingon sa knya. “ teeny weeny.”

“ Jerk!” padyak ko na ikinatawa niya, inis naman kong tumalikod saka tumakbo pabalik sa resto.




SI KEITH



Halos mabingi ako sa lakas ng tugtog sa lugar na yun, nasa isang bar ako nun kasama si Trey at Vanessa.

“ You’re single again!” taas ni Trey ng baso.

“ Kailan kaya darating yung karma niyong dalawa.” simangot ni Vanessa saka uminom sa baso niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tinungga yung beer sa harap ko. Karma? Maybe I’m the Karma?

“ Bakit ganyan mukha mo Keith? Edi kapag bagong break ka, masaya ka?”

“ Gaano karaming sampal dude, nabilang mo ba?”

“ Shut up.” hawak ko sa pisngi ko. “ Solid talaga manampal si Jenny.”

“ Si Jenny pinakamatagal mo, so wala na talaga?”

“ I don’t like her.” kibit ang balikat na saad ni Vanessa. “ She’s a class A bitch, I told you not her di ba.”

“ Well maganda naman kasi yun.” ngiti ni Trey.

“ Wala eh.” buntong hininga ko. Si kibo, bakit niya ba ko tinulungan? Kala ko ba hate niya ko? Pero he likes me nga di ba? Pilit ko naman inaalala yung mukha niya, I know he’s cute but damn it! Bakit di ko maalala. At lahat ng sinabi niya? Bakit ang dami niyang alam about sakin?

Wait! Yung pangil niya. That is so cute!

“ So hanap tayo ng babae ngayon?” ngiti ni Trey.

“ Ano pa nga ba?” ngiti ko saka tumayo at nagsimulang magsayaw kasabay ng malakas na tugtog.



SI KIBO




" Bakit ang aga nila nagsarado?" nguso ko saka nagsimula maglakad ilang sandali pa ng may sumabay sa paglalakad ko. Napangiti lang ako ng makita si Queenie.

" Sabe na eh, dito naman tuloy mo eh."

" Akala ko uuwi ka na?"

" Hay nakita ko nag post ng new video yung ex mo kaya malamang ang dami mo nanaman inorder na milk tea, and i was right." turo niya sa plastic sa kamay ko, napangiti naman ako. “ Pero sarado na chekko, san ka bumili?”

“ There.” turo ko ng isa pang milk tea shop na hindi naman masarap. “ Ayoko nga sana kaso gusto ko ng matamis, kung kailan off ko saka naman sila sarado, kainis.”

" Dentistry po yung kinukuha natin tapos ang hilig hilig mo sa matamis, ang weird na nga dahil may mga pangil ka na ayaw mo naman ipaayos."  natatawang saad pa niya na tinutukoy yung ngipin ko.

" Ayoko ipaayos tong teeth ko,  someone said its so cute. Kaya never. " ngiti ko.

" penge nga ako. " agaw niya ng isang plastic sakin saka tinusok yung straw dito." Dalawang taon na simula nung nagbreak kayo, di ka pa din nakakamove on?"

" Hoy Queenie, nakamove on na ko! "

" Eh ano to? " taas niya ng hawak niyang milk tea.

" Tingin mo ba cute ako? " lingon ko sa kanya.

" May i see?"

" What?"

" Patingin nga ako ng cute? " ngiti niya, sumimangot naman ako." Dali na isang cute lang?"

" Alam mo dahil sayo, halos lahat ng nakakasalubong ko sa school sinasabi yan. Yung iba kinukurot pa yung pisngi ko nakakainis." simangot ko habang hinihimas yung pisngi ko.

" Oh di ba, cute ka kaya. Bakit mo ba natanong?"

" Pero bakit walang nagkakagusto sakin? "

" Tanga ka ba? "

" Makatanga sya oh? "

" I'm sorry I mean napakadaming nagpapadala ng letters sayo."

" Eh lalake gusto ko, you know naman na I'm gay di ba?"

" Eh di naman nila alam, saka never mo naman kasi inamin na sa iba na gay ka, hello pano nila malalaman kung di mo sasabihin? "

" Eh nahihiya ako. "

“ Whatever.”

“ Kailan kaya ako magkakalovelife.”

“ Si Kuya?”

“ Ayaw nga sakin eh!”

“ Uhm gahasain mo kaya?”

“ I’m not desperate naman.” nguso ko.

“ I have an idea.” ngiti niya.

“ What?”

“ Let’s drink tonight? Bar tayo?”

“ Maaga ako bukas eh.”

“ Ito naman eh, sige na?” saad niya na hinawakan yung kamay ko. “ Sige na Kibo?”

“ Wait let me check kung dala ko I.d ko, baka di nanaman ako papasukin.” saad ko saka tiningnan kung nadala ko yung wallet ko. “ Here.”

“ Really? Tara?”

“ Sana may gwapo tayong makilala.” pikit ko sa mga mata ko. “ Please poooo gusto ko na po ng lovelife.”

“ Wait uuwi muna ako then magpapalit ng damit, I’ll bring my car.” ngiti niya saka nagmamadaling naglakad, napangiti lang ako saka sumipsip sa milk tea na hawak ko.


Alas diyes na nun ng gabi ng pumarada sa harap ng building yung kotse ni Queenie. “ Let’s go?” baba niya ng bintana niya. Agad lang akong pumasok dito saka tiningnan yung reflection ko sa salamin.

“ Kibo, check naman what I’m wearing?”

“ Uhm nice.” ngiti ko, kita ko naman yung pagsimangot niya. “ Masyadong maiksi yung skirt mo.”

“ whatever, pero ang cute mo pa din mukha kang magsisimba.” natatawang saad niya.

“ Dali na, tara na!” simangot ko. Agad naman niyang pinaandar yung kotse. “ I’m so excited, I think kailangan ko na simulan yung pagmomove on ko jan sa kuya mo.”

“ Wag ka muna magmove on, ako naman gagawa ng paraan.”

“ Wag na!”

“ basta ako bahala, kung hindi magwork edi move on na tayo.” lingon niya sakin.

“ Ano ba plano mo?” tanong ko, binuksan naman niya yung phone niya at hinarap sakin. Nakita ko lang yung post sa instagram ni Vanessa kasama si Keith at yung bestfriend nilang si Trey. “ Dyan tayo pupunta.”

“ And?”

“  Uhmmm.. basta.” ngiti niya. Hanggang makarating kami sa bar na yun. Aktong lalampasan ko yung guard ng harangin ako nito, agad ko naman nilabas yung I.d ko saka hinarap sa kanya.

“ Bawal yung minor dito.”

“ Kuya look at my I.d.” ngiti ko, tiningnan naman nito yung I.d ko saka ilang beses tumingin sakin. “ baby face lang kuya.” ngiti ko.

“ Hey kuya, pumunta na kami dito before, don’t youn remember us?” saad ni Queenie.

“ okay okay, sige na.” saad nito. Nag apir naman kami ni queenie saka nagmamadaling pumasok sa loob. Napakalakas ng tugtog ang sumalubong samin, pagkahanap namin ng table ay agad ng umorder ng alak si Queenie.

“ Let’s have fun tonight!” ngiti niya sakin, nilibot ko naman yung tingin ko sa buong lugar hanggang makita ko sa di kalayuan si Keith, nakikipagtawanan to kala vanessa at may dalawang babae pa na nakaupo din malapit sa kanila.

“ Nangbabae nanaman.” simangot ko.

“ Saan?” tanong ni Queenie, nginuso ko naman kung saan nakapwesto sila Keith. “ Ay wag na muna natin sila pansinin, let’s enjoy the place!” saad niya saka tinaas yung beer na nasa harapan na niya.

“ Pwede kaya ako magpakalasing ngayon?” tanong ko.

“ Sure!”

“ Eh maaga ako bukas eh?”

“ Kibo, wag kang KJ! Kaya mong magpakalasing at pumasok ng maaga bukas, believe me!” ngiti niya. “ Minsan nga pumapasok tayo ng walang tulog kapag may report di ba? Ikaw pa ba kaya mo yan.”

“ Sabagay, fine! Magpapakalasing ako ngayon. Can I order hard drinks?”

“ you want hard?”

“ Sige na please?” pacute na saad ko.

“ Fine.” taas niya ng kamay at tinawag yung waiter. Natuon naman yung atensyon ko sa mga taong nagsasayaw sa gitna. Simulan ko na ba sya kalimutan, pagkatapos kong mag invest ng dalwang taon sa kanya, ang bilis bilis niya sinira! Haixt bakit ba kasi ako nagkakagusto sa sobrang straight eh! Kainis.

Nang dumating yung alak ay agad namin sinimulan ni Queenie uminom, paminsan minsan ay tumatayo kami para magsayaw kapag gusto namin yung tugtog.

Hangang mabilis na dumaan ang oras, ramdam ko na yung alak sa katawan ko pero I know na matino pa ko ng mga oras na yun, not sure lng kay Queenie.

“ Hey what are you doing here.” hila sakin ng kung sino, nang mag angat ako ng tingin nakita ko lang si Keith, agad ko naman nahawakan yung tenga ko, ay bakit ko ba suot yung hikaw na to kainis. “ Tinatanong kita anong ginagawa mo dito?”

“ Paki mo ba?” simangot ko. “ I’m with Queenie.” saad ko, tinuro naman niya si Queenie na nakasandal na kay Vanessa. “ Wow lasing na sya, gusto ko pa uminom eh.”

“ Dun na tayo sa table namin,, kinuha ko na din yung alak niyo.” saad nito wala sa sarili naman akong sumunod sa kanya.

“ Kibo?” gulat na saad ni Trey, tinanguhan ko naman sya. “ Are you drunk? Namumula ka na eh?”

“ Uhm mejo lang.” ngiti ko.

“ Hi Kibo.” bati sakin ni Vanessa, tinaguhan ko naman sya. “ You’re so cute, pwede ba kita iuwi?”

“ Vanessa.”  nakita kong simangot ni Keith, umupo naman ako sa tabi ni Queenie.

“ Oy, lasing ka na?”

“ Alam mo naman kasi na mahina ako sa hard drinks eh.” nguso niya, natawa lang ako. “ Sige na mag enjoy ka na jan, hayaan mo lang ako.”

“ I think tama na, let’s go home na.” ngiti ni Vanessa pero agad lang akong umiling.

“ Uhm okay lang na umuwi na kayo, but I’ll stay gusto ko pa kasi mag inom eh.”

“ nababaliw ka na ba? Uwi na tayo.” saad ni Keith pero sinimangutan ko lang sya.

“ Edi umuwi ka, close ba tayo?”

“ Teeny weeny.”

“ Jerk!”

 “ Dude, need ko na din umuwi eh. May client ako tomorrow.” saad ni Trey, napatingin naman si Keith sakin.

“ What?”

“ Kaya mo ba mag isa dito? Ihahatid ko na si Queenie.”

“ yeah, of course.” Approved ko sa kanya.

“ Kami na maghahatid kay Queenie, and kayong dalawa. Stay here.” saad ni vanessa.

“ Ayoko nga!” simangot ni Keith.

“ Mas lalong ayoko noh!” inis na saad ko saka nagsalin ng alak sa baso ko at agad tinungga.

“ bahala kayong dalawa.” saad ni Vanessa saka inalalayan tumayo si Queenie. Nauna naman lumabas si Keith.

“ Are you sure na okay ka lang mag isa?” tanong ni Trey sakin, ngumiti lang ako sa kanya saka tumango. “ Okay ikaw bahala, ibibilin kita sa guard huh.” saad niya saka sumunod  kala Vanessa, isang malalim na buntong hininga lang yung pinakawalan ko ng maiwan mag isa.

“ I am so alone.” bulong ko sabay tungga ng alak.

Ilang sandali pa ng may umupong babae sa harapan ko, ngumiti lang ako dito. “ I’m gay.” saad ko.

“ Uhm I’m sorry.” saad niya saka tumayo.

Nakangiti ko lang pinanuod yung mga nagsasayaw habang hawak yung baso ko.

Kapag may lalake talagang umupo sa harap ko ngayon, sa kanya ko na ibubuhos lahat ng atensyon ko for the next two years, kahit sino man sya! Kahit matanda, kahit panget o huklaban pa sya basta umupo lang sya ngayon sa harapan ko at kausapin ako.

Bahala na!

Ilang sandali pa ng may umupo sa harap ko, napalunok naman ko saka dahan dahan nag angat ng tingin.

“ Keith?” gulat na saad ko.

“ Bakit may inaasahan ka pang iba?” simangot niya.

“ Damn!” bulong ko, nagsalin naman sya ng alak sa baso niya saka agad tinungga. “ Bakit bumalik ka pa?”

“ Gusto ko pa maginom eh.”

“ Whatever.”

“ Wag ka na ngang choosy, sasamahan ka na nga eh!” inis na saad niya, umirap lng ako sa kanya saka muling nagsalin ng alak. Ayoko na makipagtalo, gusto ko mag inom para makalimutan ko na sya!

Damn it! Yung kakalimutan ko nasa harapan ko talaga dapat?

“ Wag mo nga ako titigan!” simangot niya. Ano ba nagawa kong kasalanan bakit sa kanya pa? Naging mabuting anak naman ako, naging mabuting kaibigan pero bakit napakasama ng ugali ng nagustuhan ko. “ You know what, let’s be friends.” maya maya saad niya.

“ Ayoko.” iling ko agad.

“ Ang arte mo!”

“ Paki mo ba! Eh ayoko ng friends lang eh.”

“ What?”

“ Ah wala, sabi ko ang panget mo.”

“ Mas panget ka!” saad niya saka tumunga sa alak, inis ko naman pinuno yung baso ko saka agad tong tinungga. Sya lang nagsabi na panget ako, never ko narinig yun sa kahit sino! “ Sa buong buhay ko, ikaw lang ngsabi na panget ako.” gigil na sad niya. “ I know it’s a lie.”

“ Whatever.” buntong hininga ko halos abutin kami ng alas dos ng madaling araw nun, sabay lang kami umiinom pero hindi kami nag uusap, I mean puro masasakit na salita lang ata yung binibitawan namin sa isa’t isa hanggang matawa nalang kami parehas. Nagsimula magkwentuhan, magdrama! damn it, di na maabsorb ng utak ko lahat ng sinasabi niya ng mga oras na yun.

But what I know is.. he is so damn attractive!

Habang pinagmamasdan ko sya ng mga oras na yun ramdam ko yung init mula sa katawan ko, he is so sexy.

Ang pula ng lips niya, and I like his smile. Sobrang nakakaturn on.

Ilang sandali pa ng hilahin niya ko at magsimula magsayaw.

“ I want to see you naked.” bulong ko sa kanya habang nagsasayaw kami sa gitna, nakita ko naman yung ngiti sa labi niya saka pumunta sa likod ko.

“ Are you sure?” bulong niya sa tenga ko hanggang maramdaman ko yung bagay na yun sa likod ko. “ You like that, don’t you.” nakagat ko lng yung labi ko saka marahang tumango.




SI KEITH



Naalimpungatan lng ako ng maramdaman yung mabalahibong kung ano man yun na nasa mukha ko. Damn yung ulo ko ang sakit! Nag iinat na saad ko. Nang idilat ko yung mata ko, napakunot lang yung noo ko ng makita yung pusa sa tabi ko.

At kailan pa ko nagkapusa?

Hanggang mapansin ko yung buong kwarto kung nasaan ako.

“ Holy shit! Asan ako?” bulong ko saka tumingin sa kabilang side ng kama, nakatalukbong to ng kumot kaya di ko makita kung sino. “ Wait? I was with Kibo kagabi.” bulong ko pa saka marahang tinaas yung kumot sa parte ko.

“ Damn! Bakit wala akong suot na kahit ano?”

“ Meow meow.”

“ Shhh?” saad ko sa pusa hanggang gumalaw si Kibo at humarap sakin, putek! Napalunok lang ako ng makita yung dahan dahang pagmulat ng mata niya at magtama yung tingin  naming dalawa.

Isang pilit na ngiti lang yung pinakawalan ko ng makita yung panglalake ng mata niya.

“ What the!” saad niya saka tiningnan yung loob ng kumot niya. “ What did you do to me!!!”

“ Huh? ako?” turo ko sa sarili ko  hanggang magtama yung mata naming dalawa at magsimula dumaloy lahat ng aalala sa bawat ng ugat ng utak ko, mula sa bar, hangang sa halikan namin sa cr , yung paghawak niya sa alaga ko sa taxi, at yung pagkagat niya ng labi ko sa elevator? Holy cow! At dito sa kwarto?

Nilibot ko naman yung tingin ko sa kwarto na yun hanggang mapunta sa leeg niya yung mata ko kung saan ako nag iwan ng marka.

“ That was a best night ever.” mahinang saad ko kasabay ng pilit na ngiti.

“ My virginity.” bulong niya saka pinulupot sa katawan niya yung kumot.


ITUTULOY -details natin sa susunod na chapter yung nangyare! Haha
vote, comment and follow guys mwuah!

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails