Followers

Monday, July 20, 2020

Xoxo - Keith and Kibo Chapter 2

XOXO
Keith and Kibo
CHAPTER 2


Photo credits to the owner; Lucas and Kibo!

SI KIBO

Nang matapos ang araw na yun ay dumeretso lang ako sa Chekko saka nag order ng milk tea. “ Where is he? It’s Friday so dapat andito sya.” bulong ko habang hinihintay yung order ko, nang makita ko yung tissue sa ibabaw ng table ay kumuha lang ako dito ng isa at nilabas yung ballpen ko.

Yes, I like him.

Paano nagsimula? It was 2 years ago, dito sa Chekko nagsimula. Sobrang linaw parin sa ala-ala ko kung yung araw na yun, Malamig na gabi dala ng katatapos lang na malakas na ulan. I was walking papunta sa sakayan habang hawak yung mga milk tea na binili ko it was also the day Allen and I broke up. My ex

I remembered I saw some stars in the sky that night but suddenly started to rain again.

Then a guy approached me, holding my umbrella. It was Keith.

But liking him was like a roller coster ride and it took me two years to figure out who is the real Keith Lucas Miranda. He is a JERK!

Dear table napkin.
Today he ignores me.
-xoxo

Sulat ko dito saka to tinupi at nilagay sa gilid ng mesa, ilang sandali pa ng dumating yung order ko. Bagsak ang balikat ko nun ng lumabas sa chekko habang hawak yung paborito kong milk tea.

I Really don’t understand, Bakit di niya ko pinansin sa elevator kanina?

Its seems like hindi niya ko kilala, pero imposible.

“ Hey!!” Rinig kong tawag ng kung sino kaya napalingon ako, nakita ko lang si Keith. “ Is this yours?” taas nito ng tissue na sinulatan ko kanina. “ Who are you?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

“ Kibo! Sabi ko na andito ka eh!” Rinig kong saad ni Queenie, sabay naman kaming napalingon dito. “ Oh kuya?” hanggang muling magtama yung mata naming dalawa ni keith.

There is something wrong with him, Now I know what it is.

“ Kibo?” saad ni Keith habang nakatingin sa mukha ko.

“ Why kuya?”

“ Ahh..nasaan yung blue mo na bag.” turo nito sa likod ko. Saka bakit ganyan buhok mo?” turo niya din sa buhok ko automatiko naman ako napahawak sa buhok ko, napangiti lang ako habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. 

Gotcha Keith! 

“ Why are you smiling?” Tanong ni Queenie, kita ko naman yung pag-iwas ng tingin ni Keith.

“ Si Keith, is he -” saad ko pero nagulat lang ako ng lapitan ako nito saka hawakan sa kamay at hilahin. “ Hey wait!” saad ko.

“ Kuya what is happening?”

“ Don’t follow us Queenie, kausapin ko lang sya.” saad nito wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nang makalayo ay agad niyang binitawan yung kamay ko. Kinuha ko naman yung phone ko saka nagsearch ng kung ano. 

“ Faceblindness.” bulong ko.

“ What are you doing.” turo niya sa phone ko.

“ Uhm searching?” ngiti ko pero inagaw niya lang yung phone. “ hey!” saad ko pero nakita ko lang yung pag iling niya ng makita kung ano yung nasa screen ng phone ko. “ Uhm nasira yung bag ko na blue, so yun pala palatandaan mo sakin?”

“ Huh?”

“ Yung bag ko na blue, I finally understand ano meaning ng mukha dun sa painting sa kwarto mo.”

“ Nakapasok ka na sa kwarto ko?”

“ Yeah.” tango ko. “ And I saw a book in your room.” agaw ko sa phone ko. “ Prosopagnosia?” ngiti ko sa kanya saka tinapon sa basurahan yung milk tea na hawak ko.

“ And so?”

“ So you can’t recognize faces?” tanong ko pero umiwas lang sya ng tingin. “ Kaya pala.”

“ Eh ano naman sayo? Ahh you’re gay right? You like me?” saad niyang deretsong nakatingin sakin, napalunok naman ako sa tanong na yun. “ Yeah, Tama ka pero hindi alam ni Queenie yung tungkol dun so please don’t you dare say anything about it.”

“ So, this is a secret?” ngiti ko.

“ Yeah.” tango niya saka umiwas ng tingin.

“ Keith.” saad ko habang nakatingin sa mukha niya hanggang magtama yung mata naming dalawa. “ Yes, I like you.”

“ You like me?”

“ Yeah.” Tango ko, Finally nasabi ko din.

“ Really.” sarkastikong ngiti niya. “ Do I have to like you too?”

“ Uhm.”

“ In your dreams, in your funckin dreams.” duro niya sa noo ko na agad ko naman hinawi.  “ So you like me, well ngayon palang sinasabi ko na sayo na wala tayong chance like never in a million years ako magkakagusto sayo! Tayong dalawa!? Yikes Never! Kahit sumabog pa ang araw bukas hinding hindi tayo magkakachance, or kahit maubos ang tao sa mundo never never NEVER!.” Mahabang litanya niya na ikinasimangot ko. “ Neeeeveeer.”

“ Bakit!?” inis na saad ko.

“ Bakit? Tinatanong pa ba yun?”

“ Kasi babae ang gusto mo?” 

“ Ay buti alam mo ang sagot, tatanong mo pa alam mo naman pala.” duro niya uli sa noo ko pero muli ko yun hinawi saka inis na tumingin sa kanya.

“ Stop doing that! It’s not funny!”

“ Pano ka nakapasok sa kwarto ko?”

“ Dun ako pinatulog ng Mommy mo, bakit gusto mo ba sa tabi ni Queenie ako matulog?” simangot ko.

“ Dalawang taon na kong di natutulog dun, don’t tell me inamoy amoy mo mga unan dun?” duro niya sa noo ko, gigil ko naman hinawakan yung daliri niya saka hinawi

“  Damn you! Stop doing that!”

“ Eh gusto ko eh.” ngiti niya saka ako muling dinuro sa noo, sa pagkakataon na yun at di ko na to hinawi pero sinamaan ko lang sya ng tingin, kita ko naman na umiwas sya ng tingin saka dumistansya ng konti at nilagay sa bulsa yung mga kamay niya. 

“ You are so annoying!”

“ Ano naman.” asar pa niya na lalong nagpakulo ng dugo ko. “ You like me? What the hell?” tawa pa niya. “ Are you serious or is this a joke?!”

“ My God, Kibo relax.” bulong ko habang pinapakalma ang sarili, nang idilat ko yung mata ko nakita ko lang yung nang aasar pa niyang ngiti. “ What the hell, Di ako makapaniwala na gusto kita, wait tingin mo may sakit kaya ako? Or may deperensya din ako sa mata? Tingin ko mas malala yung akin kasi pano kita nagustuhan? Look at yourself.” Gigil na saad ko habang nakatingin sa kanya. “ You are not that hansome anyway?”

“ Wow?! Huh.” di makapaniwalang saad niya. “ That is a joke.”

“ You’re not even cute.” saad ko saka sya tiningnan mula ulo hanggang paa. “ You are not tall!” Kita ko naman yung sama ng tingin niya sakin. “ Akala mo napakagwapo, you’re not that attractive. Can’t believe myself nag kagusto ako sayo, yikes I think may nagsumpa sa mata ko!”

“ Gusto mo masaktan huh!” inis na saad niya. “ Atleast hindi kasing liit mo! Mukha ka ngang high school student.”

“ but atleast I’m cute?” ngiti ko sa kanya.

“ Sino nagsabi? Nanay mo? Wag kang maniwala, kalokohan yun!”

“ Well Queenie told me na sinabi mo cute ako.” saad ko habang deretsong nakatingin sa mata niya. “ AAAAare you a liar Keith?” asar ko sa kanya, kita ko lang yung gigil sa mukha niya ng mga oras na yun.

“ Pandak!” 

“ Woww, ang tangkad mo huh!?” 

“ Wow bakit ikaw matangkad? mukha ka ngang minions.”

“ MINIONS?!! huh!” di makapaniwalang saad ko.  “ Ako MINIONS?!”

“ Or a dwarf?” ngiti niya pero sinamaan ko lang sya ng tingin. “Saka yung pangil mo.”

“ What about my pangil, cute di ba?”

“ Hindi, ang sakit sa mata. You look like a teeny weeny vampire.” 

“ Jerk!”  

 “ Sinabi ko kay Queenie na cute  ka? eh di ko nga maalala mukha mo, Itsura mo! kaya iprocess ng utak ko yung mukha mo at this moment and…” saad niya habang nakatingin sa mukha ko. ” Asan yung cute dyan, where? Where! Whereeee!”  

“ You freakin liar! Don’t you see, are you blind?” turo ko sa mukha ko. 

“ Whatever, balik na ko baka hinahanap na ko ni Vanessa.!” saad niya saka tumalikod, kala mo naman napakagwapo! Eh mas di hamak na lamang na lamang yung ex ko sa kanya..well haixt fine pantay lang sila pero hindi! napakayabang ng Keith na to! Bwiset. “ And one more thing teeny weeny boy.”  lingon niya na ikinainit ng ulo ko.

“ You want to die now huh!” asik ko sa kanya. “ asshole!”

“ Oh! snap.” ngiti niya sabay simangot. “ My secret, keep it or your dead! Bye!” saad niya saka muling tumalikod at naglakad.

“ Geeezzz!!! Madapa ka sana!” Sigaw ko , lumingon lang sya saka dumila.

“ Teeny weeny!” sigaw niya na pinaliit pa yung boses. Damn yung dugo ko tumataas, relax Kibo! Relaxxxx pero.. 

“ Waaaaahh!!” gigil na sigaw ko habang pumapadyak. “ You Keith lucas Miranda! Isinusumpa ko magbabayad ka! Ahhhhhhh nakakainis!”  

“ Kibo what are you doing?” rinig kong saad ni Queenie. “ Are you okay?” 

“ Queenie!!” yakap ko sa kanya. “ Yung kuya mo nilait ako!!” 

“ What? That jerk!” gigil na saad ni Queenie. “ Humanda sya sakin, wag kang mag alala.”

“ I hate him!” hiwalay ko sa kanya saka pumadyak. 

“ Eh bakit ka ba niya hinila? Ano ba pinag-usapan niyo.”

“ Wag ko daw ipagkalat na panget sya! Remember this Queenie yang kuya mo, he’s my enemy now! I hate him mula ulo hanggang paa!” gigil na saad ko pero natigilan lang ako ng makita yung ngiti niya habang nakatingin sakin. “ Whatttttt?” inis na saad ko.

“ You’re so cute!” natatawang saad niya na ikinasimangot ko.

“ Your kuya said I’m not!” 

“ Ayt wag kang maniwala dun, you are so cute my little vampire.” kurot niya sa pisngi ko.

“ I am not little! 21 na ko eh!” padyak ko pa.

“ Okay okay okay cutie vampire, your not little.” ngiti niya, magkapatid nga sila they are both annoying! “ Pano yung cute?” saad pa niya na lalo kong ikinasimangot.

“ Waahh! Im going home!” saad ko saka tumalikod at naglakad.

“ Kibo pano yung cute.” habol niya sa sakin. “ Please isa langgggg.”


SI KEITH

“ That annoying little munchkin!” inis na saad ko pag pasok sa milk tea shop. Pasalamat sya cute sya kung hindi binangasan ko na sya. “ Ako di gwapo? lelong niya! Yung ganitong kagwapong mukha one in a million to! At kahit sa next life niya di na sya makakaencounter ng ganitong mukhang angel na katulad ko.!” nakapameywang nasaad ko. “ Saka ako huh I’m not tall daw? Eh halos nakatingala nga sya sakin!”

“ Hoy sino kausap mo?” untag sakin ni Vanessa.

“ Wala!” inis na saad ko.

“ Hoy teka bakit ka nagagalit?” 

“ Hindi ako galit!” 

“ Ay talaga ba.” sad niya saka nagkibit ng balikat.

“ Look, tingnan mo maigi huh.” hila ko sa kanya papunta sa malaking salamin na nasa pader.

“ Ano ba yun?”  

“ Look, I know kahit mukha ko minsan hindi ko maalala pero damn! I know im too gorgeous for everyone, like kalevel ko si brad pit.”

“ Ano ba sinasabi mo Keith?” natatawang saad ni Vanessa. “ Brad pit ka jan, parehas lang kayong ,may faceblindness pero di parehas ng mukha!”

“ Look, ang tangos ng ilong ko di ba, plus ang kinis ng mukha ko idagdag mo pa yung maganda kong mga mata na kahit sinong titigan ko matutunaw at yung kissable kong lips na halos pag agawan ng mga babae. My God Vanessa! I’m so freaking handsom!e apaw na apaw yung sex appeal ko! Tapos not Attractive? Ay wow!” inis na saad ko habang pinagmamasdan yung sarili kong reflection sa salamin.

“ Ano ba problema mo?”

“ Saka 6 footer ako noh!? Not tall? mukha niya!”

“ 5’9 kalang Keith, si Trey ang 6 footer.” ngiwi niya.

 “ Ay talaga ba, konti nalang di pa pagbigyan?” iwas ko ng tingin. “ Pero di naman ako maliit!” gulo ko sa buhok ko saka mejo tinaas. “ yan, 6footer na!”  
“ Nangyayare ba sayo?”

“ May bububwit kasing nagsabi na hindi daw ako attractive and hindi daw ako matangkad! Arrrgggggg! Nakakainis! Napakadaming babaeng nagkakadarapa sakin noh tapos di attractive! Wow! Anong mata meron sya.”

“ Sino ba yan?”

“ Basta nakakainis, pasalamat sya talaga cute sya naku! Kung hindi nakipagsuntukan na ko sa kanya.”

“ So cute sya?”

“ No!” sagot ko agad. “ Hanggang 12 tayo ngayon di ba? Back to work!” inis nasaad ko saka naglakad papunta sa counter. “ Vanessa trabaho na!” saad ko pa ng makitang nakatayo lang sya habang nakangiting nakatingin sakin.

Yang Kibo na yan? Gusto niya ko? Pwes maglaway sya kasi never ko syang papatulan kahit magunaw pa lahat ng planeta sa letseng universe na to! NEVER NEVER!

 Halos ala una na ko ng madaling araw nakauwi ng gabi na yun, pag higa ko sa kama nakipagtitigan lang ako sa ceiling, bwiset talaga yang Kibo na yan! Bakit ba di mawala sa utak ko yung mga lait niya! Nagbukas lang ako ng phone saka sya hinanap sa instagram.

“ Bwiset kang Minions ka! kala mo cute ka huh! Hindi!” gigil na duro ko sa picture niya.  Namili lang ako sa mga picture niya saka tumayo at nagprint. “ I need to remember his face, please lang para maiwasan ko sya as much possible, baka mamatay ako dahil sa high blood dahil sa kanya. 

Ilaang sandali ko lang tinitigan yung picture.

“He is cute.” inis na bulong ko habang nakatingin dun sa picture na naprint ko. “ But he is annoying!” saad ko pa saka sya nilagay sa dart board ko at dumistansya ng konti.

“ You are dead now teeny weeny boy!” saad ko saka tinarget yung mukha niya ng dart hanggang tumama to sa ilong niya sa picture.  Hindi ko lng mapigilang mapangiti saka lumapit sa dart board at tinitigan yung mukha niya.

“ I hate you!” duro ko dito. “ Now you know my secret, I hate you even more.” 

SI KIBO

Umaga ng linggo ng magising ako dahil sa mabalahibong nakapatong sa mukha. 

"Piggy." ungot ko, saka tumagilid at nagtalukbong ng kumot pero naramdaman ko lang na pumasok din to at sumiksik sakin sa loob pero maya maya ay naramdaman ko na yung pagkagat nito sa daliri ko. " Piggy naman eh." saad ko saka umupo.

" Gutom ka na ba?"  tanong ko. 

"Meow meow." 

" feeling mo maiintindahan ko yan? Yung pang tao na language." 

"Meow meow." 

" Haixt fine, meow meow meow?" saad ko tumingin lang sakin to saka bumaba sa kama. " Ah gutom ka na, pwede naman kasi sabihin ng deretso." 

" Seryoso ba yang anak mo?" rinig ko sa boses ni Daddy, nanlaki naman ang mata kong napatingin sa pinto. 

" Dad, Mom?! " gulat na saad ko." Anong ginagawa niyo dito?" 

" Tingin mo ba hon, tama yung desisyon natin na hayaan sya mag-isa? Kinakausap niya yung pusa sa lengwahe nila." simangot ni Daddy, napangiti lang ako saka nagmamadaling tumayo at yumakap sa kanilang dalawa. 

" Miss you Mom!" Yakap ko kay mommy." Daddy." yakap ko din dito. 

" Saw some cupnoodles in your trash can, I told you not to eat that kind of food di ba? " Simangot ni Mommy. " and your laundry? Sabi ko may laudry shop sa baba, and meron ka ding washing machine dito pero bakit tambak yung labahan mo?" 

" Mom, busy kasi sa school. Napakadami naming dapat tapusin kasi malapit na yung finals, look halos umaga na ko natapos. " turo ko sa laptop ko na naiwan ko ng nakabukas pa." But dont worry akong bahala sa mga yun. 

“ Piggy come here.” saad ni Daddy sa pusa ko saka to nilagyan ng cat food sa kainan nito. “ are you okay here?”

“ Mejo pasaway sya dito, laging ang kalat tuwing uuwi ako.”

" Anak umuwi ka nalang kaya?" saad ni mommy, napabuntong hininga naman si daddy saka tumuloy sa sala at binuksan yung tv. 

" Kibo, kung di na kaya, come home?" rinig kong saad ni Daddy, tumango naman sakin si Mommy. 

" I'm fine, ano ba naman kayo. Magtiwala kayo sa cute niyong anak." ngiti ko. " Mom may almusal kayong dala, i'm hungy na." saad ko saka nagmamadaling pumunta sa kusina ko. Nakita ko lang dun yung mga pagkain na nakahanda sa lamesa. 

" Wow!" manghang saad ko, sa buong linggo ko na andito, ngayon lang ako makakain ng uli ng lutong bahay. 

" Baby, Anak, uwi ka na? " lambing ni Mommy. 

" Mom, di na ko baby and I have to learn to stand on my own feet, di ko naman pwede iasa sa inyo lahat." 

" Tangalan kita ng allowance?" rinig kong saad ni Daddy. 

" Dad, wag muna. Promise kapag nakahanap ako ng part time job, you dont have to give an allowance na." Saad ko habang naglalagay ng pagkain sa pinggan ko.

" Magtatrabaho ka?! " gulat na saad ni Mommy. " How about your school?! Dont you dare do that kibo! "

" Mom, to stand on my feet di ba?" 

" Hon, maybe tama sya. "

" See, love you dad. "

" But my baby. " simangot ni Mommy. 

" Mom, di na ko baby. "

" Okay i wont give you any money this comming summer break, weather you have a job o wala. Deal? " saad ni Daddy na lumapit samin. 

“ Deal!” nakangiting approve ko kay Daddy.

" Ben, dont do that? Tingin mo makakahanap sya agad ng trabaho eh mukha ngang high school student yang anak mo? " saad ni Mommy. 

" Mom! "

" Totoo anak. " ngiwi ni Daddy, inis naman akong sumubo ng pagkain." Pero honey, dapat maexperience niya din yun. Nung college ako nagwork din ako sa mga resto as waiter. Kaya hon, its okay. "

" Love you, Dad. " ngiti ko. 

" No! That is not gonna happen! I dont want to see my baby working as a waiter, never! Over my dead body! What if apihin sya dun, or sabuyan ng maduming water? Ben honey, dont that to our baby!? "

" I'm not a baby anymore." bagsak ang balikat na saad ko. 

“ No, you are!”

" He is not a baby na daw. "

" Mom, please? "

“ Pinagbigyan ka na namin dito sa condo na to kahit ayaw ko, now you want to work? How about school.”

“ Mom, sa summer break and kaya ko naman pagsabayin if ever umabot ako sa next sem, some companies offer flexible working time naman sa mga student applicant nila.” paliwanag ko. “ Mom plese?” nguso ko. “ Gusto ko maexperience yung perang alam kong pinaghirapan at pinagtrabahuhan ko?”

“ Pero Baby?”

“ I’m not a baby anymore.” nguso ko.

“But you look like a baby.” ngiwi ni Mommy.

“ Really?” ngiti ko. “ Am I cute?”  pacute na saad ko pero kinurot lang ni Mommy yung pisngi ko.

“ You are so cute my baby.”

" Eh saan mo ba balak magtrabaho? "

" I don't know yet, pero hahanap po ako. "

" See, you dont even have a plan? "

" Mom, I still have a month to find a job, dont worry. "

" Please Kibo my Baby, uwi ka na. Di mo ba miss si mommy? "

" Miss you so much Mom. "

" Uwi ka na? "

" No. " ngiti ko, natawa naman si Daddy. “ Love you, Mom.”

Nang mag tanghali ay umuwi na din sila Mommy at Daddy pagkatapos namin mag tanghalian ng sabay sabay, miss them so much pero I have to do this, kailangan ko matuto na mag-isa. And prove to them na di na ko baby.
“ Pano ba tumangkad?” nguso ko habang nagsesearch ng stretching kung pano tumangkad. Kainis naman kasi eh! Teeny weeny? Damn you Keith!

Nang mga sumunod na linggo ay sobrang naging abala ko sa pagrereview para sa finals at pagtapos ng mga requirements sa school. It feels like hell every week my God!

“ So, you are serious about having a part time job?” Saad ni Queenie habang naglalakad kami papunta sa chekko.

“ Yeah, nag apply ako dun sa resto malapit sa condo ko and pinagrerequirements na ko.” ngiti ko.  “ I am so excited.”

“ Are sure about that? Resto talaga? How about sa mall?”

“ Friend ni Dad yung owner ng resto, ayaw ako payagan ni Mommy sa iba magtrabaho.”  bagsak ang balikat na saad ko. “ Well, sabi tutulong lang daw ako sa kitchen, or pwede daw akong mag waiter pero si Mommy, sabi itago daw ako sa loob ng kitchen. Hirap talaga kapag only son, sobrang higpit.”

“ Cute din ng Mommy mo.”

“ Parang hindi naman.”

“ So sure na talaga, send your pictures na nakauniform ka huh.” ngiti niya.

“ Oo naman, first time ko magtrabaho and I’m really excited.” saad ko pero napahinto lang ako ng may maalala. “ Wait is it Monday today?”

“ Nope, Tuesday.” 

“ Ah buti naman, tara bilisan natin.” ngiti ko.

“ Why?” 

“ Kasi di ako nag chekko kahapon.”

“ Why?”

“ Kasi po may bwiset dun sa chekko kapag Monday at Friday kaya never na ko magmimilk tea dun sa ganung araw.”

” You mean si Kuya?”

“ I’m sorry Queenie, pero yung kuya mo ang pinakahuling taong ayaw kong makita sa bawat araw ng buhay ko.” simangot ko, natawa naman si Queenie.

Pagbukas ko palang sa salamin na pinto natigilan na agad ako ng makita si Keith na nasa counter.

“ Oh my, sira na araw ko.”

“ You are so OA Kibo, lets go. I know laway na laway ka na sa milk tea kaya wag mo nalang pansinin si kuya.” hila niya sakin hanggang makarating kami sa counter.

“ hello Kuya.”

“ Oh Queenie.” ngiti nito pero kita ko lang yung pagbago ng expression ng mukha niya ng magtama yung mata namin. 

“ What?” asik ko sa kanya.

“ What ka din!” inis din na saad niya.

“ Tuesday ngayon kuya, bakit andito ka?”

“ May lakad si ate Vanessa mo, so I’m here. Ano order niyo, same pa din ba?”

“ Ikaw kibo same pa din?”

“ Yeah.” walang ganang saad ko.

“ Okay kuya, wait nalang namin.” saad ko, bago tumalikod nakita ko pa tong dumila sakin. Jerk!

“ Nakakapikon yung mukha ng Kuya mo.” inis na saad ko pag upo namin. “ Ang sarap batuhin ng upuan, pigilan mo nga ako.”  

“ You like him?”

“ Yes, I like to kill him.”

“ No, I mean you like him.. yung jinojowa ganun?”

“ Dati, pero hindi na ngayon. Punong puno na ng galit yung puso ko.” simangot ko na ikinatawa niya. “ I’m serious Queenie, akala niya kung sino syang gwapo.. aixt kainis bakit kasi inamin ko pa na may gusto ako sa kanya eh.”

“ Alam niya?”

“ Yeah, at pinagtawanan niya ko, never in a million years daw na magkakagusto sya sakin. Talaga! Never in a billion years babalik yung pagkacrush ko sa kanya.” saad kong lumingon sa counter pero nakita ko lang yung nang aasar niyang ngiti. Nagdirty finger naman ako pero hinawakan lang ni Queenie yung kamay ko saka binaba.

“ Kibo, don’t do that. It’s bad.”

“ Dapat pinunas nalang sya ng Daddy mo sa kumot eh.” simangot ko.

“ What do you mean?”

 “ Wala, Maghahanap na ko ng ibang milk tea shop na pwede ko bilihan, ayoko na dito sa chekko.” nguso ko. 

“ Dahil kay Kuya?”

“ I hate him, baka mapatay ko lang sya kapag nakakita ako ng chance!? bili kaya ako ng pang lason sa daga? Tingin mo gagana sa kanya yun?”

“ Kibo!”

“ Ay Malamang hindi gumana yun!” simangot ko.
“ What if magkatuluyan kayo ni Kuya, edi magiging sister in law mo ko? Wow I like that! Exciting yun di ba? Boto ako sayo.” ngiti niya, kinilabutan naman ako sa sinabi niya. “ Why, bakit ganyan mukha mo? Parang diring diri ka naman sa kuya ko, gwapo naman sya ah.”

“ You know what Queenie.”

“ What?”

“ My schedule is pack with better things, and your kuya is not part of it, whether if it’s my schedule or the better things. Get that?”

“ Let me check my schedule.” rinig kong saad sa gilid ko, pag angat ko ng tingin nakita ko lang si Keith na may sarkastikong ngiti. “ I’m not available and definetely not interested with this teeny weeny boy. Get that Queenie?” gigil ko naman kinuha yung milk tea saka agad tinusok yung staw dito.

“ Thanks sa libre Kuya.” ngiti ni Queenie.

“ What? Wait ako magbabayad nito.” nagmamadaling kuha ko sa wallet ko pero natigilan lang ako ng makita yung loob nito, damn oo nga pala.

“ Di ba sabi mo you don’t have cash?” 

“ No worries, balik na ko. Next time dala ng cash huh.” Asar na saad ni Keith saka tumalikod, humugot naman ako ng malalim na hininga. Pagtingin ko kay Queenie pangiti ngiti lang to.

“ What?!”

“ Parang nakikita ko na yung future mo?”

“ Huh?”

“ Kaso nakikita ko din yung past mo eh.” nguso niya sa likod ko, automatiko naman akong napalingon sa likod ko. Nakita ko lang si Allen na papasok ng pinto ng chekko.


“ Damn!” 




ITUTULOY




Bonus Scene

SI KEITH

Tulala lang ako habang nakatingin sa drawer ko. “ Tatlo?, tatlo nalang??” di makapaniwalang saad ko. “ Manang Letty seryoso ka ba?”  saad ko saka nagdial sa cellphone ko. Ilang sandali pa ng may sumagot sa kabilang linya.

“ Mom.” 

“ Keith?”

“ Opo.”

“ I miss you, Anak.”

“ Miss you din po Mom, Si Manang Letty po andyan po ba?”


“  Si Manang letty? why?”

“ Mom, yung mga underwear ko, ubos na.” 

“ What?”

“ Eh si manang Letty lang po nakakapasok dito sa condo ko, kinukuha niya po kaya?” saad ko, narinig ko naman yung pagtawa ni Mommy. “ Mom I’m serious.”

“ What are you talking about?”

“ Mom, wala na kong underwear!” pagmamaktol ko na lalong ikinatawa ni Mommy. “ Don’t laugh, seryoso po ako. Tatlong piraso nalang yung nasa drawer ko at walang ibang pumapasok dito kundi si Manang letty lang.

“ Nagresign na si Manang Letty months ago.” Saad ni Mommy, natigilan naman ako.

“ Then sino naglilinis dito?” 
“ Ako.” saad ni Mommy.

“ Kinukuha mo Mom underwear ko, for what? Ano gagawin niyo dun?”

“ No! Are you crazy?”

“ Eh sino?”

“ The last time na naglinis ako, nakasalubong ko si victor, I mean Vanessa. That was Monday.” 

“ Si Vanessa?”

“ Oh I forgot Vanessa na nga pala.”

“ Damn you, Vanessa. San mo dinadala underwear ko!”  gigil na saad ko.


ITUTULOY

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails