Dear You,
How's life going? :) just kidding. I know by now, you're somewhere far and impossible to reach. Maybe I am crazy enough to write you a letter. But I can't help it, It seems that I still miss you sometimes. Eversince we went our seprate ways, it has been really hard for me to bounce back. I never realize that my whole damn world, which revolved around you, was shattered to pieces. But thank God, I managed to put it back together. And right now, I'm doing just fine.
I felt alone and trapped in life back then, but I stumbled upon some beautiful weird creatures who happens to have the same soul as mine. We got along in the world that we created. I really treasure those dramas, craziness, happiness and even weird things we all spent together. I made it through 'you' because of them.
Maybe, somewhere out there, you still keep on watching over me. At last, I can already say to you, to stop worrying about me. Because, you see, I'm not alone anymore. I have these beautiful weird creatures, I call them friends and I really love them. I finally moved on in life and I feel better.
I have been freed from the cell of your memories, but I will not forget you. I will just wait for my turn to follow you there. But for the meantime, just let me live my life in happiness. Let me find someone to spend my remaining life with. In return, I will gladly give you the rest of my eternity.
I hope you will be patient like you did back then, when we were young and happy. Just enjoy watching me fulfilling my own dreams. I assure you, while you're patiently waiting. Once I'm done here, I will give you a 'bang' and present to you our very own happy-ever-after. 😉
Thank you!
Yours truly,
Me
____________________
Dear you,
I don't know what to feel right now. How I wish you were here to tell me. Its absurd to ask you this knowing that you won't be back anytime soon. I'm in the middle of, I'm not really sure but, feeling hurt or something much worse than that. The more I try to figure it out, the more I'm confused and its making me feel worthless. Maybe you would tell me to go and ask my friends. But I'm too reluctant to do so, it's embarrassing. You knew that I'm not good at making myself clear. That's the reason why, whenever we talk you don't understand anything I say, you always pinch my cheek and tell me "you're cute".
Everytime I'm in a bad mood, nagging at you, you just curiously stare at me and trying to grab my hands. And when I'm finished throwing my anger at you, you stand, hug me tight, kiss my forehead, and looks into my eyes while asking "do you feel better now?" with a heart melting smile. You are my sedative when I'm restless. I wish that I could find someone who would comfort me like you did back then. But I know these wishes really needed one fine miracle to happen.
It is tough, nearly impossible, to find someone without comparing. Expecting that I would find someone bearing a picture of you. I might look bad, desperately hoping that somewhere out there, you exist. Without realizing that I am blinded by you once again.
I hope these tears would be enough to reach you there, sending a message that I have waited very long to tell you.
"I miss you."
Yours truly,
Me
____________________
Dear You,
"Today is a sunny day!" You used to tell me that to wake me up. It gives me joy with the perfect pain of hearing you screaming that Sesame Street theme. That day, I was in the state where I could rest all my worries, because I know that you'll always be right there. I still remember the sound of your voice bouncing around the walls to my ears while you're singing our favorite song. I wonder how you sang it beautifully without hitting the right note. It feels strange, hearing that song again with perfect pitch. It sounds irritably good that I found out, it's not the song I've been missing.
Lately, I feel lazy to get up. It always feels like rainy days; It's cold, gloomy and lonely. Those curtains waving out their tassels bringing back some memory. Memories of me lying in bed watching you fixing those curtain tassels and telling me "breakfast is ready". I was thinking of changing those with different color and style. The bedsheet, the furniture, the portraits and everything that reminds me of you. Its just that, I'm too lazy to let go of those. I was determined to throw all our pictures hanging in the wall. But I find it hard to convince myself. "One last look" I always say. Then I would find myself fast asleep, caressing our old picture together drenched in tears.
I've been sleeping longer now than I did when you were around. There is nobody there to wake me up to tell me that I'm gonna be late. The sunshine outside the window is not as bright as it was before. And there is no more silhouette of you to energize me.
I went to the place where we first met. Yes, it's still the same as it was back then; the bench, the trees, the grass and birds. The only difference is; its filled with moving shadows portraying the scene of ours, the first time we've been there. I felt happy because I found out that it wasn't only me who remembered that. Maybe, even that place missed us too.
I used to wander around that place and feel the torturing pain of envy. Watching lovers around make me sick. Hugging and kissing as if they would last a lifetime. I was bitterly annoyed. Stomping my feet around like a child throwing tantrums to seek attention. I felt like invisible, because nobody notices me. I still remember how I tripped back then. You accidentally caught me and that's when we found each others eyes. "Muntanga" you said. So shocked that I almost punch your face, but, I couldn't. No hi's nor hello's, I found you. And that's how love took us by surprise by simply making me annoyed.
I live life lazily, always sleeping. In my dreams you're there to love me. Even if I'm awake, I'm trying to dream, because that is the only way I have to escape reality. There are many times that I am running after my breath. Tearfuly praying to the heavens and asking for another chance too see you. Whispering my wishes for one last look and memorize your face one last time. "Please!" I beg.
I know it's too late to say a prayer for one last chance. I know that I can't hold you anymore the way I did before. I must be restless in finding the strength to let go of our memories. And be stupid enough to dream and wake up next to you.
I don't have anymore luxury to deserve an answer for this but...
"I . . ."
Yours truly,
Me
Followers
Friday, June 29, 2018
Ang Roommate Kong Siga [17]
My Mother, the Heroine
By Michael Juha
“Julyo! Kung ayaw mo akong
tigilan, ibubunyag ko talaga ang pinakatago-tago mong sikereto, sige ka!” ang pabirong
banta sa akin ng aking inay sa harap ng mommy ni Jerome habang nakaupo kami sa
damuhan sa isang private park kasama ang mga anak niyang sina Jason, Jonas,
Jerome na nakaupo rin at pinalibutan ang nakalatag na mga baon na pagkain.
Araw iyon kung saan ay naisipan
ng mommy ni Jerome na mag picnic. At pabirong binantaan niya ako ng ganoon dahil
tinanong siya ng mommy ni Jerome kung wala bang nanliligaw sa kanya dahil bata
pa naman daw siyang tingnan, sexy, at maganda pa. Kaya sumingit ako sa pagsagot
ng “Mayroon! Si Mang Kanor! Love na love siya noon!” Doon siya napa-mura. Ayaw
na raw niyang makarinig sa pangalang iyan.
Napahalakhak ang mommy ni Jerome
sa pabirong pagbabantang iyon ng mommy ni Jerome. “May pinakatago-tagong
sikreto pala itong si July ha?” ang pag-react niya sa sinabing iyon ng inay.
Gusto kong dilatan ng mata ang
inay nang binanggit niya ang “pinakaiingat-ingatan kong sikreto”. Ngunit bago
ko pa man nagawa iyon, sinagot na niya ang mommy ni Jerome. “Mayroon iyan.
Pareho kami ng kulay ng dugo niyan. Pareho kami ng sexual preference, boys. Like
mother, like daughter!” ang excited na pabirong sagot ng inay. Feeling proud pa
siya.
Mistulang isang bombang sumabog
sa aming harapan ang pabirong sinabing iyon ng aking inay. Lahat kami ay
natigilan. Ang mommy ni Jerome ay nanlaki ang mga matang nakatitig sa inay, sina
Jason at Jonas ay nagkatinginan saka ibinaling ang kanilang mga tingin kay inay,
si Jerome naman ay nahinto sa kanyang pag-inom ng tubig at tiningnan ako
samantalang ako naman ay nakatitig sa inay at nanggalaiti sa inay. Kung
nagkataong kami lang dalawa ang naroon sa sandaling iyon ay binulyawan ko na
talaga siya..
Hindi naman nahalata ng inay ang
aming reaksyon. Kakagat na sana siya nag mansanas nang doon na niya napansin na
haninto kaming lahat at nakatitig sa kanya. Iyong nagtaka kung bakit biglang
naging seryoso ang lahat at nakatuon sa kanya ang aming paningin. At kagaya ng
isang taong guilty at biglang narealize ang pagkakamaling lumabas sa kanyagn
bibig, binitiwan niya ang ngiting-pilit, tumawa ng hilaw, at todo paliwanag.
“Ay hehe, ang ibig kong sabihin, kung nagkataong babae lang itong anak ko ay
pareho sana kami ng hilig. Mother and daughter sana kami. Tingnan mo naman ang
mga hitsura namin, di ba magkamukha naman talaga kami?” ang pilit na
pangangatuwiran ng inay.
Tumango-tango naman si Jerome. Suportado
niya ang inay. Ngunit ako, kinakabahan na pinagmasdan ang reaksyon ng mommy ni
Jerome.
“Huwag na nga nating pansinin
iyong sinabi ko sa iyo, Grace... alam mo namang palabiro talaga ako, ehehehe.”
ang sambit ng inay na obvious ang pagka-guilty. Lalo na’t napansin niya ang lihim
kong pagdilat sa kanya, tila nanginginig siya sa pagkataranta.
Ngunit hindi tumawa ang mommy ni
Jerome. Nanatili siyang seryoso habang kinokolekta ang mga basura namin at
inilagay ang mga ito sa isang plastic. “Jason, Jonas, itapon niyo nga ang mga
ito sa basurahan!” ang utos niya sa dalawa.
“So matagal mo nang alam na
kakaiba si July?” ang tanong ng mommy ni Jerome nang kaming apat na lang ang
naiwan.
“Eh...” ang naisagot lang ng
inay na biglang lumungkot ang mukha na tiningnan ako. Wala naman talaga siyang
kawala sa pagcorner sa kanya ng mommy ni Jerome.
Yumuko na lang ako, nakaramdam
ng matinding kaba.
“A-anak ko kasi iyan, Grace eh.
Syempre, bilang ina, kung may isang tao man sa mundo na mas nakakakilala sa
kanya, walang iba iyon kundi ako. Kaya oo. Matagal ko nang alam...”
Kahit nakayuko ako, ramdam kong
tinitigan ako ng mommy ni Jerome. Nang inangat ko ang aking ulo upang tingnan
siya, nakita ko namang kay Jerome nakatutok ang kanyang mga mata. Alam kong may
pagdududa ang kanyang isip sa estado namin ni Jerome. Malakas an gkutob ko na
naghinala siya kung may relasyon kami.
Hindi na umimik pa ang mommy ni
Jerome. Natahimik na rin kami. Tila nakakabingi ang katahikan na bumalot sa
amin sa sandaling iyon. Maliban sa ingay ng iilang bata na naglalaro sa di
kalayuan, animoy naging isang sementeryo ang lugar na iyon sa biglang pagtahimk
namin. Iyong nasa gitna na sana kami ng pagbubunyi sa matinding kasiyahan
ngunit biglang nagbago ang mood sa isang iglap lang. Mistula kaming namatayan. Kulang
na na lang ay mag-iiyakan.
“Masyadong close sina July at
Jerome...” ang pagbasag ng mommy ni Jerome sa katahimikan.
“Magbest friends lang kami, Mom.
Walang malisya ang aming pagiging close sa isa’t-isa.” Ang sagot naman ni
Jerome.
“Oo nga pala. Babalik na bukas
ang asawa ko. Kung hindi lang sana malaking problema na malaman niya na may
anak ako sa labas, gusto ko sanang sa bahay na si Jerome manatili. Gusto kong
nariyan ako upang giyahan siya sa tamang landas, hindi mapahamak sa kung
anu-anong barkda, kaibigan, o grupo.” Ang paglihis ng mommy ni Jerome sa topic.
“Mom... malaki na ako. Sila ang
dapat na matakot sa akin. Kaya kong alagaan ang sarili ko. Kaya huwag niyo na
po akong intindihin. Okay lang ako, kung iyan ang inaalala mo.”
“Ito na rin siguro ang huli
nating pagtatagpo o bonding. Ayokong matuklasan ng aking asawa na nakikipagkita
ako sa mga taong hindi niya kilala, at lalong-lalo na kay Jerome. Malaking
problema ito kapag nagkataon.”
“Naintindihan namin, Grace.
Ngunit hanggang kailan ka ganyan? Nagtatago?” ang pagsingint ng inay.
“Hindi ko alam. Basta ayokong
masira ang aming relasyon, ang aking pamilya. Nasira na ito noon. At tingnan mo
si Jerome. Nasira rin ang buhay niya. Ayokong maulit itong muli kina Jason at
Jonas.”
“Pero puwede naman akong
mag-text at tumawag sa iyo mom, di ba?” ang pagsingit ni Jerome.
“No. Ayokong masilip niya ang
aking cellp phone. You have to wait until I call you. Ako lang ang puwedeng
tumawag sa iyo o mag text.”
“How about Jason and Jonas ma?
Can’t I call them?”
“No.” Ang maiksing sagot niya.
Hindi na umimik si Jerome. Ang
inay namn ay ibinaling ang topic sa masarap sa pagkain at ganda ng ambiance.
Natapos ang aming picnic na
mistulang tulala kaming tatlo ni Jerome at ang aking inay. Habang nagda-drive ang
inay, tila nagswitch siya sa ibang pagkatao. Kung nakagawian na niyang
mag-ingay at magbiro, sa pagkakataong iyon ay tahimik siya. Nabalot ng tensyion
ang tagpong iyon.
Hindi rin ako nagsalita. Tumatak
sa isip ko na dahil may pahiwatig na siya sa mommy ni Jerome na bakla nga ako,
baka ayaw ng mommy ni Jerome na magiging malapit kami sa isa’t-isa, at mas lalo
nang ayaw niyang magkaroon kami ng relasyon. Aaminin kong may takot at lungkot
akong nadarama. Gusto ko mang mainis sa inay, hindi ko rin magawa dahil alam kong
ang intensyon niya kung bakit lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig ay
ang magpatawa, mag-ingay upang sumaya ang aming bonding.
Hindi ko rin alam kung ano ang
nasa isip ni Jerome. Ipinagpalagay ko na lang na ang ikinalulungkot niya ay
iyong pagbabawal ng kanyang mommy na magkita sila at ng kanyang mga kapatid.
“Ba’t ka naman nag-emote d’yan?”
ang pabiro kong tanong sa inay, pagbasag ko sa katahimikan habang patuloy lang
siya sa pagda-drive na animoy napakalalim ng iniisip.
“Hayyy... na-guilty lang ako.”
ang sagot niya na napailing.
“Huwag kang mag-alala Mommy
Steff. Ako na ang bahala sa mommy ko. I’m sure wala iyon sa kanya. Baka
naguluhan lang siya dahil nga darating na ang asawa niya at hindi na niya puwedeng
makipagkita o magawa ang mga nakagawiang ginagawang bonding natin.”
“See? Ang OA mo lang talaga, ma.”
Ang pagsegunda ko naman. “Kung nandito lang sana si Mang Kanor upang magtirik
ng halik d’yan sa mga labi mo, siguradong mapapawi na ang iyong guilt.”
“Putanginang Kanor iyan!” ang
biglang pagbulyaw niya. “Tingnan mo? Kahit wala iyan dito, sa pangalan pa lang
ay napakamalas na! Iyang pangalan na iyan ang dahilan kung bakit biglang
lumabas sa bunganga ko iyang pisting linyang ‘Like mother like daughter’! Kaya
huawag mo nang mabanggit-banggit ang pangalan ng animal na iyon!
“Totoo naman Mom Steff. ‘Like
mother, like daughter’ naman talaga kayo eh. Ang kaibahan niyo lang, medyo
pabebe itong daughter ninyo. Ngunit ikaw...”
“Fuckgirl!” ang bigla kong
pagdugtong sa sinabi ni Jerome.
Napatingin bigla ang inay sa
akin na lumaki ang mga mata sabay abot ng kaliwa niyang kamay sa aking ulo at
sinambunutan ako. Nang nakita ito ni Jerome na nakaupo sa likuran namin, pabirong
nakisambunot din siya.
Hinawakan ko na lang ang ulo ko
at hinayaan sila sa kanilang ginawa.
“Kapag nabangga tayo, punyeta ka
ay ikaw ang may kasalanan. Fuckgirl ka d’yan. Paano maging fuckgirl itong inay
mo. Hindi na nga tumatayo iyong ari ng magpa-fuck, di ba?” Ang sambit ng inay. “At
anong ititirik? Halik? Ano yang halik na iyan, monumento? Park ba itong bibig
ko?”
“Bakit park?”
“Tirikan ng monumento!”
Iyon na. Nag-iingay na naman ang
aking mahal na inay. “I love you, ma...” ang sambit ko habang inilingkis ko ang
aking bisig sa baywang niya. Gusto ko kasing tiyakin sa kanya na hindi ako
galit sa sinabi niyang iyon sa mommy ni Jerome at hindi siya makaramdam ng
guilt sa sairli.
“I love you too, anak. Pasensya
na, hindi ko naisip na hindi pa pala alam ng mommy ni Jerome ang tungkol sa
sikreto natin eh. Nalimutan kong tayong tatlo lang ni Jerome ang may alam noon.
Pero di bale, babawi ako.”
“Okay lang iyon, ma. Mas maganda
nga ang ganoon na alam ng mommy ni Jerome na ganyan ako. Kung tatanggapin man
niya ako, mas okay. Pero kung hindi, wala akong magagawa. Para sa akin, tanging
ang pagtanggap mo lang ang pinakamahalagang bagay. Kahit ikaw lang ang
nag-iisang taong tatanggap sa akin sa buong sanlibutan ay masaya na ako.”
Hinawakan ng aking inay ang
aking bisig at pilit na isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
Binatukan naman ako ni Jerome.
“Bakla! Tanggap kita ah!” ang sambit niya.
Napahaplos ako sa aking ulo na
binatukan. Nilingon ko si Jerome at binulyawan. “Kung tanggap mo ako, tanggap!
Iyon na iyon! Ba’t ba kailangang tawagin mo akong bakla?! Hayop ka! Alam mong
ayokong tawagin ng ganyan!”
“Ano ba ang itatawag ko sa iyo?
Siga? Tomboy? Babae??? Bakla ka naman talaga eh. At tanggap ko iyon, bakla!
Bak! Bak! Bak!” ang pang-aasar niya.
“Aba at inulit pa!” ang bulyaw
ko. Pinilit ko siyang abutin ngunit inilayo naman niy ang katawan at umiilag.
Tawa naman nang tawa ang aking
inay at si Jerome. At dahil hindi ko siya mahagip, sumuko na lang ako. “Bakla
pala ha... pwes ang tawag ko rin sa iyo, Tamilok! Tam! Tam! Tam! Mr. Tam!” at
may pakanta-kanta pa.
“Bakit naman tamilok?” ang
tanong ng inay.
“Iyong kanya, hindi tumitigas.
Parang tamilok.”
“Hindi ka kasi marunong
magpaligaya ng lalaki.” Ang sagot ni Jerome.
“At kasalanan ko pa ngayon?”
Napangiti naman ang inay. “Hanapan
mo kasi ng diskarte...” ang pagsingit niya.
Napalingon ako sa kanya. “Ma...
kung si Mang Kanor nga ay hindi mo kaya, ganoon din ako. Like mother like
daughter nga, di ba?”
“Next topic please.” Ang sagot
ng inay.
Tawanan.
Iyon, napunta rin sa biruan ang lahat.
Isang araw, dahil na-miss daw ni
Jerome ang kanyang dalawang kapatid, sinuway niya ang bilin sa kanya ng kanyang
mommy na huwag nang magpakita sa kanyang mga kapatid. Kasama ako, binisita
namin sina Jason at Jonas sa kanilang eskuwelahan. Kagaya ng dati, pagkatapos
ng klase nila ay inabangan namin sa sila labas ng building. Ngunit laking gulat
namin nang lumabas na ang dalawa at binati sila ni Jerome. Hindi nila siya pinansin!
Hinabol ni Jerome ang dalawa na
nagtatakbo. Nang nahawakan ni Jerome ang bisig ni Jason, nakita siya ng daddy
nila na nasa loob ng kotse pala. Siya pala ang sumundo sa kanila.
“Hey! Hey! Hey! What do you
think you are doing???!” ang dumadagundong na boses ng daddy nina Jason at
Jonas habang nagmamadaling lumapit siya sa kanila.
Sa pagkagulat ni Jerome ay bigla
niyang nabitawan ang bisig ni Jason at mistulang tuod na lang siyang nakatayo
at nakatitig sa daddy ng mga bata.
“What do you think you are
doing???” ang paggiit niya sa tanong, bakas sa kanyang mukha ang galit at ang
boses ay tila sa isang militar na nagbigay ng kautusan sa kanyang batalyon.
“Ah, eh... S-sorry. I thought
he’s my brother. Sorry. S-sorry, Sir.” Ang sagot ni Jerome.
Hinablot ng daddy ni Jason ang
kamay niya at hinila ito patungo sa kanilang kotse. Habang hila-hila siya ng
daddy niya, kitang-kita ko namang tiningnan niya ang kanyang kuya na tila
naaawa, tila gustong lapitan. Ganoon din si Jonas. Halos maiiyak ang mukha ng
bata.
Naawa rin ako kay Jerome nang
nakabalik na kami ng boarding house. Lungkot na lungkot ang mukha at halos
hindi ako kinausap. Ang ginawa ko na lang ay ang bumili ng beer at niyaya
siyang mag-inuman sa loob ng aming kuwarto.
Maya-maya lang ay nag ring ang
kanyang cell phone. Ang mommy ni Jerome. Sinagot niya ang tawag at nag-usap
sila. Dahil naririnig ko naman ang mga sagot ni Jerome sa kanilang pag-uusap,
nakikinita kong sensitibo ang kanilang pinag-uusapan at mukhang pinagalitan si
Jerome ng kanyang mommy.
“Nagsumbong ang asawa niya na
may lalaking humawak sa kamay ni Jason, iyong kanina na hinawakan ko ang kamay
ni Jason?” ang sambit ni Jerome pagkatapos nilang mag-usap.
“At nagalit siya?”
“Oo... Huwag ko na raw ulitin
iyon kung gusto ko raw na hindi mawasak ang pamilya niya at mawalan ng ama o
ina ang aking mga kapatid.” Ang sambit niyang halatang nasaktan.
Nilapitan ko siya at tinapik ang
kanyang balikat. “Ang hirap naman ng kalagayan mo. Pero tama nga naman ang iyong
mommy. Sa tingin ko ay tiis-tiis lang muna. At least nakikita mo pa rin naman
sila, di ba?” ang sagot ko.
“Ano pa nga bang magagawa ko?
Walang choice. Pero ang isang iniutos niya sa akin ay...” Hindi niya itinuloy
ang kanyang sasabihin. Halatang nahirapan siya at yumuko na lamang.
“Ano ang utos niya sa iyo?” ang
paggiit ko sa tanong.
“Huwag na lang.”
“Ano nga iyon?”
Natahimik siya. Tinitigan ako.
“Sabi niya, maghanap daw ako ng ibang boarding house. Ayaw niyang magsama
tayo.”
Mistulang pinagtakluban ako ng
langit at lupa sa aking narinig. Biglang sumikip ang aking dibdib sa sakit. Hindi
ako nakapagsalita agad at ang aking tanging nagawa ay ang pagtitig na lang sa
kanya.
Tahimik.
“A-anong s-sagot mo?” ang
pagbasag ko sa katahimikan.
“Hindi ko siya binigyan ng sagot. Nagkataon ding naputol ang aming pag-uusap.
Nagmadali niyang pinutol ang linya dahil nakita niya raw ang kanyang asawa na
papasok na ng gate ng bahay. Tatawagan na lang daw niya uli ako.”
“Ganoon ba siya katakot sa asawa
niya?”
“Ewan ko nga ba. Tila may kakaiba
sa asawa niya.”
“I-ikaw? A-anong plano mo?” ang paglihis
ko sa topic.
“Ikaw? Papayag ka ba?”
“Nasa iyon naman iyan eh. Di ba
ako, noong una, gusto kong humiwalay din sa iyo. Ngunit tingnan mo naman,
hanggang ngayon ay narito pa rin ako. Magkasama pa rin tayo.”
“Bakit hindi mo ako iniwan?”
“Dahil gusto kitang tulungan.”
Nahinto ako sandali, pasimpleng tumalikod upang mabilisang pahirin ang luhang
basta na lang bumagsak mula sa aking mga mata. “Ngunit ngayon na nakita ko ang
malaking pagbabago mo, sa tingin ko ay puwede na tayong maghiwalay... ng kuwarto
o boarding house. Atsaka, mommy mo ang nag-utos sa iyo. Maliban sa siya ang
sumusuporta sa mga pangangailangan mo, matagal na panahon mo na siyang
inasam-asam na makita at mayakap. At ngayon na nandito na siya, tanggap ka na
niya, huwag mong hayaan na lalayo uli siya. Kaya huwag mong biguin ang
kagustuhan niya.” Ang sambit ko habang nagtuloy-tuloy na ang pagdaloy ng aking
mga luha. Tumayo ako at tumungo ng banyo.
“H-hindi. Ayokong lumipat...”
ang sagot niya.
“Huwag mong suwayin ang mommy
mo, Jerome. Bago pa lang kayong nagkita, nagkasama. Huwag mong saktan ang damdamin
niya. Isa pa, ayokong ako ang magiging sanhi ng sama ng loob niya sa iyo.
Ayokong magalit siya sa akin o sa aking inay.” Ang sagot ko habang naroon pa
ako sa loob ng banyo.
Nahinto siya. “Pag-isipan ko.”
Inayos ko ang aking sarili at
lumabas ng banyo, umupo ako sa harap ng aking study table at binuksan ang aking
laptop. “O kung gusto mo ay ako na ang lilipat ng boarding house. Di ba ilang
beses ko nang sinabi sa iyo na aalis na ako rito? Ngunit hanggang ngayon ay
narito pa rin ako. Siguro it’s about time na tuparin ko na ang sinabi kong iyon.”
“Ito naman. Di ba sabi ko sa iyo
ay pag-isipan ko?” ang paggiit niya na tila nairita sa aking sinabi.
“Eh... para hindi ka na
mahirapan pang mag-isip.” Ang paggiit ko rin.
“Paano kung ayaw ko?”
“E di, ako ang aalis....”
Hindi na siya umimik. Tila
masama ang kanyang kalooban.
Sa gabing iyon ay natulog kami
nang walang imikan at magkahiwalay ang kama. Pareho kaming nakatihaya at
nakatutok ang mga paningin sa kisame. Alam kong mahirap ang kalagayan ni
Jerome. Alam ko ring mahal niya ang kanyang mommy. Ngunit wala akong magawa
kung ang gusto ng kanyang mommy ay ilayo ang kanyang anak sa akin. Sa pagitan
ng mommy niya at ako, sino ba ako sa buhay niya?
“Bukas ay kakausapin ko siya.
Pupuntahan ko siya sa bahay habang wala ang asawa niya at ang mga kapatid ko.”
Ang sambit ni Jerome.
Hindi ko na sinagot ang sinabi
niyang iyon. Tumagilid ako patalikod sa kanya habang lihim na pinapahid ko ang
aking mga luha. Iyon na ahg huli kong natandaan. Nakatulog na ako.
Kinabukasan ay nagulat na lang
ako nang habang bakcride niya ako sa kanyang motor, doon uli ang tumbok namin
sa eskuwelahan ng kanyang mga kapatid.
“Bakit dito tayo tumungo? Di ba
pinagbawalan ka ng mommy mo na makipagkita sa kanila?” ang tanong kong may
bahid ng pag-alala.
“Okay lang iyan. Kausapin ko
lang naman sila.”
“Hindi mo sinunod ang bilin sa
iyo ng mommy mo eh!” ang paninisi ko.
Ngunit hindi natinag si Jerome
sa kanyang gustong gawin. Nang nagsilabasan na ang mga bata, doon na mas lalo
pang naramdaman ko ang kaba. May takot akong nadarama na baka hindi uli siya
papansinin nila at muling ma-disappoint.
Peraho kaming nakatayo sa harap
mismo ng main entrance/exit ng building. Nakita namin ang nagtatakbuhan na
grupo ng mga estudyante. At maya-maya lang ay nakita na naming papalabas na ang
dalawa. Nginitian namin sila. At nagulat na lang ako nang hindi lang sila
ngumiti at tumawa, kitang-kita ko rin sa kanilang mga mata ang ibayong saya. Pareho
silang nagtatakbuhan patungo kay Jerome.
“Kuyaaaaaa!” ang sigaw nilang
dalawa na ramdam mong sabik na sabik sila sa kanilang kuya. Iyong parang nawala
ang kanilang kuya sa mahabang panahon at noon lang nila muling nakita. “Na-miss
ka namin. Kuya!”
Inunat ni Jerome ang kanyang mga
bisig at nang naroon na sila, nag-group hug ang tatlo. “Na-miss din kayo ni
kuya. Grabe!!” ang sambit ni Jerome. “Mabuti naman at kilala na ninyo ako
ngayon? Ang supla-suplado ninyo noong huli ko kayong sinundo ah! Nagtampo na
ako.” ang biro ni Jerome.
“Wala kasi si Daddy ngaoyn, kuya.
Driver lang ang sundo namin. Pinagbawalan kasi kami ng mommy na layuan ka lalo
na kapag nariyan ang daddy. Baka raw magalit at mag-away sila.” Ang paliwanag
ni Jason.
“Si Mang Ondoy pala ang
sundo ninyo ngayon. Naintindihan ko na.” Nahinto siya nang sandali. “So saan
ang tungo natin ngayon?” ang tanong ni Jerome.
“Kakain na lang tayo sa labas kuya!
Doon sa kamayan sa may tabing dagat. Tapos kapag may oras pa, magmotor tayo sa
central plaza!” ang excited na sagot ni Jason.”
“Kain na lang muna tayo. Kasi
mahirap na kung matagal kayo, wala tayong rason. Baka magalit ang mommy. Ngunit
upang ma-experience mo ang motor...” baling niya kay Jason, ikaw ang magdadala
at backride mo kami ni Jonas patungo sa restaurant!” ang sigaw ni Jerome.
“Yeheeyyyy!” Ang masayang sigaw
rin ni Jason.
Kaya iyon ang nangyari. Nagtungo
kami sa nasabing restaurant na si Jason ang nagdala sa motor, si Jerome naman ay
nasa likuran ni Jason, sumusuporta sa pagdrive upang siguradong walang sablay.
Si Jonas naman ay nasa pinakadulo, nakayakap sa baywng ng kanyang kuya Jerome.
At ako, katabi ni Mang Ondoy sa
kotse, na nakasunod sa kanila. Pinakisuyuan kasi si mang Ondoy ni Jerome na
pagbigyan silang magkuya. At dahil naintindihan naman ni Mang Ondoy ang mga
bata na sabik na sabik din sa kanilang kuya kung kaya ay hindi mahirap sa kanya
ang pagkumbinsi. Sasabihin na lang daw niya sa mommy ni Jerome na nasiraan sila
ng gulong kung kaya ay natagalan.
Nakakatuwa silang tingnan. Kitang-kita
sa kanilang mga nakangiting mukha ang ibayong saya habang nakasakay silang
tatlo sa iisang motor. Nakakainggit. Parang gusto ko na rin tuloy magkaroon ng
kapatid. Kaso nga lag, hindi na puwede. May alagang tamilok din si Mang Kanor.
Nang nakarating na kami sa
restaurant, hindi mapawi sa mga mukha nila ang ngiti. Panay ang tawanan at
biruan habang hinihintay ang pagkain. Nang dumating naman ang pagkain, patuloy
pa rin sila sa kanilang masayan kuwentuhan. Nakikuwento at naki-tawa na rin
kami ni Mang Ondoy na kasalo rin nila sa pagkain.
Dumating lang sa seryosohang
usapan ang magkapatid nang naitanong ni Jerome ang kalagayan ng mommy nila sa
piling ng kanilang daddy. Sobrang seryoso na humantong sa iyakan.
“Mahigpit po ang daddy, kuya.
Sinasaktan po niya ang mommy. Sinusuntok, sinasambunutan kahit sa maliliit na
bagay lang kagaya nang minsan nalimutan ng mommy na ihanda ang isang tie na
sinabi ng daddy at ibang tie ang naihanda ng mommy, hayun, pinagsasampal at
sinambunutan siya. Minsan ay may tumawag na kaibigan ng daddy at nalimutang
sabihin ng mommy sa kanya, sinuntok niya si mommy. Nang natumba siya sa sahig, hinablot
ng daddy ang buhok niya at iyon ang hinawakan habang kinaladkad si mommy na
nakahandusay sa sahig patungo sa kuwarto nila.
Awang-awa po kami kay mommy kuya...” Ang sambit ni Jason na nag-crack
ang boses na nagsumbong. Si Jonas naman ay nagpahid na ng kanyang luha.
“Totoo iyan, Jerome.” Ang
pagpapatotoo naman ni Mang Ondoy. “Kung kaya pa lang sana naming tulungan si
Ma’am, ginawa na namin. Pati itong mga bata ay tinatakot din ng daddy nila at
sinasaktan kapag nagkamali. At sa tagal ko na sa kanila, ngayon ko lang sila
nakitang sobrang saya.”
Ramdam ko ang pagka-touched ni Jerlome
sa sinabing iyon ni Mang Ondoy. Niyakap niya ang mga kapatid. “Hayop pala iyang
daddy ninyo! Wala siyang pinag-iba sa kahayupan ng aking daddy.” ang sambit ni
Jerome na nagngalit ng ngipin sa galit. “Basta pangako ko sa inyo, hindi ko
kayo pababayaan...” ang pangako ni Jerome sa kanila.
Dahil wala namang magawa si
Jerome, binigyan na lang niya ng payo ang mga kapatid na magtiis lang muna habang
maghahanap ng paraan si Jerome. Pinayuhan din niya sila kung ano ang gagawin
kapag sinaktan sila ng mommy nila ng kanilang daddy.
***
“Bak, sama ka sa akin. Sa
restaurant tayo kakain ng lunch.” Ang text sa akin ni Jerome kinabukasa nang
nasa school na kami. May klase pa kasi iyon at nasa magkaibang classroom kami.
“Anong mayroon, Tam?” ang tanong
ko. At “Tam” na rin talaga ang tawag ko sa kanya. Kasi “Bak” rin ang tawag niya
kapag kaming dalawa lang.
“Basta! Antay ako sa iyo lobby sa
baba after ng klase mo. Sabay na tayong mag-lunch.”
Sumang-ayon ako sa kanyang
imbitasyon. Umangkas ako sa motor niya patungo sa isang restaurant na hindi
kalayuan sa aming unibersidad. Nang naroon na kami. Puno ang restaurant at
occupied ang lahat ng mesa. Ngunit dahil may reservaton siya kung kaya ay
walang problema. Nag-order siya ng pagkain. Dalawang tao para sa mesa namin at
ang ikinagulat ko ay may isang order siya ay para sa mesang nasa likurang
cubicle lang ng mesa namin. May movable na divider kasi na nakaharang sa gitna,
hindi masyadong mahahalata kung sino ang naka-occupy doon. May mga movable
dividers kasi ang bawat mesa sa parte ng restaurant na iyon, pagbibigay siguro
ng privacy kapag may mga taong gusto noon. Kaya alam ko, doon madalas kumakain
ang mga magkasintahan, o mga patagong magkarelasyon o transaksyon.
“Bakit may isang order ka roon?”
ang tanong ko habang itinuro ko ang aking likuran.
“Dito kami mag-uusap ng mommy
samantalang doon ka naman sa likuran.” Ang sagot niya.
Doon na tumaas ang aking boses.
“Gago ka ba? Ba’t dinadala mo pa ako rito kung kayo lang naman ang mag-uusap?
Nang-iinis ka ata eh! Alam mo namang hindi maganda ang tingin niya sa akin!”
“Gusto kong marinig mo ang aming
pinag-uusapan.”
“Problema ng pamilya mo gusto
mong makinig ako? Diyos ko naman Jerome! Hindi ka ba nag-iisip? Anong kagaguhan
ito?!!!” Tumayo ako at akmang aalis na sana.
Ngunit hinawakan niya ang aking
bisig. “Gusto ko lang malaman mo kung ano ang aming pinag-uusapan.”
“Wala akong pakialam Jerome?
Mag-usap kayong mag-ina at kung gusto mong malaman ko, sabihin mo na lang sa
akin, okay? Kahit magpatayan pa kayo, huwag mo akong idamay! Aalis na ako” ang bulyaw
ko.
Nakaalpas na ako sa pagkahawak
ni Jerome sa braso ko at aalis na sana ngunit nang tiningnan ko ang pinto na
salamin kung saan ay nakikita ang labas, nasa harap na pala nito ang mommy ni
Jerome.
“Shit!!!” ang bulong ko sa aking
sarili. Dali-dali akong bumalik at dahil occupied na nga ang mga mesa, wala na
akong nagawa kundi ang bumalik sa cubcle na nasa likod lang ng cubicle nilang
mag-ina.
Tamang-tama naman na dumating
ang inorder niyang pagkain. Tiningnan ko ang mga ito. Sa sarap ng putaheng
inorder ni Jerome, nakaramdamn ako ng gutom.
“Hindi ako magtatagal at baka
malaman ng asawa ko na umalis ako ng bahay...” ang narinig kong sabi ng mommy
ni Jerome sa kabilang cubicle.
“Mom... hanggang kailan ka ba
ganyan? Hanggang kailan ka makalaya sa takot? Hanggang kailan ka makalaya sa
pang-aabuso ng asawa mo? Kung mahal ka ng asawa mo, hindi ka niya saktan. Kung
mahal ka ng asawa mo, kahit sabihn mo pa ang iyong nakaraan, tanggap niya ito.”
“Jerome... Una, hindi ako sinasaktan
ng asawa ko. Pangalawa, hindi ako nagpunta rito upang sumbatan at kwestyunin
ang diskarte at desisyon ko sa buhay. Nagpunta ako rito upang malaman ang
estado ninyo ni July. Sabihin mo sa akin ang totoo. Bakla ba siya? Dahil gusto
kong marinig mismo sa iyo na hihiwalay ka na ng boarding house pag totoong
bakla siya.”
Mistulang may sumabog na malakas
na bomba sa aking harapan sa pagkarinig ko sa tanong na iyon mula sa mommy ni
Jerome. Imbes na isusubo ko na sana ang pagkain sa aking bibig, ibinalik ko ito
sa plato at hinintay ang sagot ni Jerome. Nakakabingi ang kalampag ng aking
dibdib.
Hindi agad nakasagot si Jerome. Siya
man ay tila nagulat sa diretsahang tanong ng kanyang mommy.
“Kapag bakla ba ang isang tao
mom, kailangan nating iwasan, kailangan nating pandirihan?” Ang sagot ni
Jerome. At sa sagot niyang iyon ay napagtanto ko na tuluyan nang nagbago ang
pagtingin niya sa mga bakla.
“Jerome... bakla ang daddy mo!
Alam mo ba iyan? Alam mo bang sinira niya ang buhay ko? Ang buhay natin? Alam mo
ba ang tindi ng hirap at pagdurusa ko nang magmahal ako ng isang bakla? Alam mo
ba ang sakit na naramdaman ng isang ina na iwanan at ang kanyang sariling anak?
At alam mo ba ang pinagdaanan ko ngayon bunsod ng kabaklaan ng iyong ama? Napakasakti
Jerome, sobra. Nandito pa ang sakit!” Ang sagot ng kanyang mommy na halata sa
boses na umiyak na ito.
“Mom, ang daddy iyon. Iba si
July. Please huwag mong idamay si July sa galit mo sa daddy. At kung pagdurusa
ang pag-uusapan, mom, tama ka, sinira ng daddy ang buhay mo. At kung sa tingin
mo ay mas malaki ang impact ng pagkasira ng buhay mo kaysa pagkasira ng buhay
ko dahil sa kanya, baka nagkamali po kayo. Halos magpakamatay ako, mom sa hirap
na dinanas ko sa piling ni daddy... at lalo na wala kayo. Walang ni isa mang
taong mahingian ko ng tulong. I tried looking for you. Wala ka. Nang makita
kita, you avoided me. You closed your door on me. Hanggang ngayon, mas
pinahalagahan mo ang takot na baka masira ka, masira ang buhay mo, masira ang kinabukasan
ng mga anak mo... kahit sa kabila nang sinaktan ka, halos papatayin ka ng asawa
mo. Hanggang kailan ka magdusa? Hanggang kailan ka magpaka-martir? Kailan ka matutong
humarap sa katotohanan, at lumaban, mom? Hanggang kailan ka matutong manindigan
para makalaya ka mula sa pagkaalipin mo sa takot at sa taong walang puso? You
allowed others to control your life and also blame others for your
indescretion! Alam kong may malakaing kasalanan ang daddy. But please huwag mo
siyang gawing dahilan upang pagtakpan ang mga nangyari sa buhay mo ngayon. Huwag
mo siyang gamitin upang husgahan ang ibang tao na kagaya ni July. Hindi sila
ang problema, mom. Ikaw. Take a stand for yourself, mom. Stand for your freedom
ang right! Alalahanin niyo, hindi lang si Jason at Jonas ang mga anak mo. Anak
mo rin ako. Intindihin mo rin ako at ang naramdaman ko, mom. Forget about dad.
Forget about your husband. Forget about July. Just think about me, Jason and
Jonas. Hindi ka ba masaya kung tayong apat ay magkasama? Mas pipiliin mo na na
kasama ang asawa mong sakim kaysa magkasama tayong apat? Mas pipiliin mo ba ang
asawa mo kaysa akin?”
Pagkatpos sabihin iyon ni Jerome
ay narinig ko na lang ang ingay ng pagtama ng isang malakas na sampal sa pisngi.
“I did not come here to hear
your sermon or to be told of what I did wrong and what to do with my life!” ang
mataas na boses ng mommy ni Jerome. “Tapos na iyon at wala na akong magagawa pa
sa mga nangyari. I have to do what is right!”
“Then make a stand, mom.
Ipaglaban mo kaming mga anak mo. That is the right thing to do.”
“Ipaglaban kita? Makakatulong ka
ba kung maghiwalay kami ng asawa ko at mawalan ng pamilya ang mga kapatid mo?
Mapapawi mo ba ang sama ng loob ng mga kapatid mo kapag nawalan sila ng mga
magulang at suporta? Maibibigay mo ba ng financial na mga pangangailangan
nila?”
“Ako mom... noong hiniwalayan mo
ang daddy, hindi ba ako nagdusa? Hindi ko ba nakayanan ang sobrang sakit at
sama ng loob na tinalikuran mo ako at hindi ako minahal ng daddy? Namatay ba
ako kahit walang ni isa man sa inyo ang sumuporta sa akin? Oo aaminin ko na
dumating din ako sa punto na gusto ko nang gumive-up sa buhay. Na gusto kong
magbaril sa sarili, mandamay ng ibang tao at pagbabarilin sila bago ko tuldukan
ang aking buhay. Pero nanaig pa rin ang katinuan ng aking pag-iisip. At nandito
ako, mom! Lumalaban! Nang hindi ko na natiis ang pagmamalupit ng daddy sa akin,
nanindigan ako... mag-isa dahil wala ka. Dahil kahit nag-iisa ako, alam kong
mas giginhawa ang buhay ko kapag
nakalaya ako mula sa kalupintan niya. Nilakasan ko ang loob ko na umalis sa
poder niya. Nawalan ako ng financial support. Para akong isang taong-gala na
nag-iisa sa gitna ng laot, litong-lito, hindi alam kung saan tutungo, anong
gagawin, at walang ni isang taong nakakarinig at nakakakita sa hirap na aking
pinagdaanan. Pero look at me, mom. Nakayanan ko ang lahat. Kahit wala ka! Kahit
wala ang daddy! Kaya kung hihiwalayan ka ng asawa mo, kaya rin nating tumayo!
Tayong apat ni Jason at Jonas!”
“Iba ang kalagayan mo. Iba ang
kalagayan ko.”
“Pareho ang kalagayan natin mom.
Nang dahil sa desisyon mo kung kaya nagdusa ka. Nang dahil sa desisyon mo kung
kaya nagdusa rin ako. Pareho nating gustong lumaya. Lumaya na ako. Ngayon, ikaw
naman...”
“Sinisisi mo ba ako?”
“Hindi kita sinisisi, mom!
Tanggap kong minsan sa buhay natin ay nagkakamali tayo at nagdurusa sa
pagkakamali. Ngunit kailangan nating manindigan upang itama ang lahat!”
Saglit na nahinto ang mommy ni
Jerome. “Walang mangyayari kung mag-aargumento tayo, Jerome. Hindi iyan ang
ipinunta ko rito! Sagutin mo ang tanong ko. Bakla ba si July?!!!” ang galit na paglihis
ng mommy niya sa topic.
At doon na tumaas ang boses ni
Jerome. Doon na rin kusang tumulo ang aking mga luha nang marinig ang kanyang
sagot. “Opo Mom! BAKLA SI JULY AT MAHAL KO SIYA!!!”
Hindi ko lubos maisalarawan ang
aking nadarama sa sinabing iyon ni Jerome. Pinigilan ko ang aking sariling
huwag humagulgol. Sa buong buhay ko ay hindi ko pinangarap na mahalin ng isang
lalaki, lalo na ng isang Jerome na isan gbully, na isan ghomophobic, na isang
lalaking hinahabol-habol ng kababaihan. Sa buong buhay ko ay hindi ko
pinangarap na ipaglaban niya ako sa mommy niya. Sobrang touched ako sa ginawang
iyon ni Jerome. Ngunit sa kabilang dako ay may matinding lungkot din akong
nadarama dahil sa hindi nila pagkakaunawaang mag-ina. At ayokong masira ang
kanilang relasyon nang dahil lang sa akin.
Nang inangat ko ang aking mukha,
napansin kong nagtitinginan ang ibang customers kina Jerome at sa mommy niya.
“That’s it! That’s ittt!
Pumapatol ka sa bakla! Bakla ka na rin! Wala kang pinagkaiba sa daddy mong
bakla!”
“Ma, hindi porke’t mahal ko si
July ay bakla na rin ako. Hindi ko matatanggap iyan.”
“Pwes ano ang tawag mo sa
lalaking nagmahal ng kapwa lalaki?”
“Mahal ko siya dahil si July
siya, ma. Kung ibang tao siya, hindi ko siya mamahalin. Ang bakla ay puwedeng
magmahal kahit sinong lalaki. Si July lang ang mahal ko. Kung hindi siya, hindi
na ako maaaring magmahal pa ng ibang lalaki. Noong nasa lowest part ako ng
aking buhay, wala ka, wala ang daddy, si July ang nasa tabi ko. Nang muntik
nang mapariwara ang aking buhay, si July ang nagturo sa akin sa tamang landas.
Nang panahon na ramdam kong wala nang halaga at kabuluhan ang mabuhay, nariyan
si July, ipinakita niya sa akin kung gaano kasarap ang mabuhay. Nang hindi ko
na maramdaman ang halaga ng aking pagkatao, ipinaramdam ni July na mahalaga
ako, at may saysay ang aking buhay. Nang halos mawala na ang tiwala ko sa aking
sarili at sa ibang tao, si July ang nagbalik nito sa akin. Iyong panahon na
lugmok na lugmok ako, hinawakan niya ang aking kamay upang tumayo, maglakad at
sumulong sa gitna ng unos, maabot ang ruruk ng tagumpay. Dahil sa kanya, natuto
akong bumuo at maghabi muli ng mga pangarap, natuto akong magtiwala sa aking
kakayahan, natuto akong tumingin sa positibong parte ng bawat pagsubok sa buhay.
Muli akong natutong umasa, magsikap, at makita ang kahalagahan at saysay ng
buhay . Walang ibang tao sa mundo ang nagbigay at nakagawa sa akin ng iyan,
mom. Si July lang. Hindi mo ako masisisi mom kung bakit natutunan ko siyang
mahalin.”
Sa narinig ko ay tuluyan na
akong napahagulgol. Hindi ko akalain na ang mga ginawa ko ay may malaking
impact pala sa kanya, at kinumpirma pa niya na ang lahat ng pagbabago niya ay
dahil sa akin.
“Nahihibang ka na, Jerome! Nababaliw
ka na! Pumili ka, aalis ka sa boarding house na iyon at ipagpatuloy ko ang
pagbibigay ng pera para sa mga gastusin mo, o manatili kang kasama siya at
kalimutan mo ako at mga kapatid mo. Mamili ka!”
“Mom... aalis lang ako sa
boarding house kung manindigan ka at sasabhin mo sa asawa mo na may anak ka sa
pagkadalaga. Tanggapin ka man niya ay happy tayong lahat. Ngunit kung hindi, at
least nariyan kami. Kahit wala siya, buo pa rin tayo ng mga kapatid ko. Ngayon,
kung hindi mo kayang sabihin iyan sa asawa mo, hindi ako aalis sa boarding
house. Manatili kaming magroommate si July. Mamili ka rin, mom!”
“Fine!!!” ang sagot lang ng
mommy ni Jerome. At nasilip ko na lang siyang mabilis na naglakad palabas ng
restaurant.
Litong-lito ako sa narinig na argumento
nilang mag-ina. Kung hindi manindigan ang mommy ni Jerome at manatili kaming mag-roommates,
ang sakit naman noon sa panig niya. At kung magkaroon naman ng lakas ang mommy
niya na isiwalat sa asawa niya na may anak siya sa labas, ako naman ang masasaktan.
Maghihiwalay din kami. Nakaka-touch at nakaka-proud na malamang mahal pala ako
ni jerome. At mas nakakaantig na ipinaglaban pa talaga niya ako sa harap ng
kanyang mommy. Hindi lubos maisalarawan ang aking nadarama. Gusto kong
magpunyagi sa tuwa, ngunit nalungkot din ako sa kalagayan niya.
“I’m sorry.” Ang sambit ni
Jerome nang tuluyan nang makaalis ang mommy niya mula sa restaurant at pumasok
siya sa cubicle kung nasaan ako. Hinawakan niya ang kamay ko.
”Salamat... ang sagot ko naman.”
“Salamat saan?” ang
pag-iinosente pa niya.
“Wala! Kakainis ka!” ang pag-iinosentehan
ko rin. “Paano iyan, pinanidigan mo talaga na magroommate pa rin tayo... paano
ang mga pangangailangan mo?”
“Di magtrabaho uli.”
“Sa bar?”
“Hindi. Call boy.”
“Call boy? Tamilok naman iyan
eh.”
“Sa bakla na katulad mo,
tamilok. Pero sa babae, hindi naman.”
“Ewan ko sa iyo!”
***
Kinagabihan sa kuwarto, dating
gawi. Nakahubad siya at tanging brief lang ang natira niyang saplot. Hindi ako
nagpahalata na sobrang kinikilig ako. Sariwa pa sa aking isip ang sinabi niya
sa kanyang mommy na, “Oo,, bakla si July at Mahal ko siya!” Tila mas lalo pang
tumingkad at lumakas ang aking naramdamang pagmamahal sa kanya. At ramdam kong mas lalong naging
kabigha-bighani siya sa kanyang postura na naka-brief lang.
Dahil sa sobrang galak ko sa mga
pangyayari sa araw na iyon, bumili ako ng beer upang i-celebrate ko ang
kasiyahan ko na inamin ni Jerome na mahal niya ako. At syempre, gusto kong sa
harap ko mismo niyang aminin na mahal niya ako. Iyong parang liligawan niya
ako, pasasagutin ng oo, mga ganyan.
Nang nakabalik na ako ng kuwarto
bitbit ang isang case ng beer, nagulat siya. “Anong mayroon?”
“Friday ngayon, di ba? Walang
pasok bukas” ang sagot kong nag-iinosentehan.
“Sabagay...” ang sagot niya.
Dumiretso ako sa refrigerator at
ipinasok ang mga bote ng beer habang binuksan ang dalawa nito. Iniabot ko sa
kanya ang isang beer habang nakahiga siya sa kanyang kama. Ang isang bote naman
ay tinungga ko habang naupo ako sa harap ng aking study table nagba-browse sa
internet.
Nasa ganoon akong pagi-enjoy ng
aking beer nang pinatugtog naman ni Jerome ang mini-component sa aming kuwarto.
When I am down, and, oh, my soul, so
weary
When troubles come, and my heart burdened be
Then, I am still and wait here in the silence
Until you come and sit awhile with me
Then, I am still and wait here in the silence
Until you come and sit awhile with me
You raise me up, so I can stand on
mountains
You raise me up to walk on stormy seas
I am strong when I am on your shoulders
You raise me up to more than I can be
You raise me up to walk on stormy seas
I am strong when I am on your shoulders
You raise me up to more than I can be
Saglit akong napalingon sa kanya.
Tumaas ang aking kilay. Sa intro pa lang kasi ng kanta ay parang kilala ko na
ito. Parang isang religious song.
Muling ipinagpatuloy ang aking
ginawa.
Nang nasa kalagitnaan na ang
kanta, doon na ako napahinto at nakapokus na lang sa mensahe nito. Napakamakahulugan
ng pinili niyang kanta, tugma sa kanyang sinabi tungkol sa akin. Alam kong sindaya
niyang piliin ang kantang iyon upang ialay sa akin.
Napayuko na lang ako gawa nang
muling panumblik sa aking isip sa mga sinabi niya sa kanyang mommy. Doon na tumulo
ang aking mga luha. Lihim kong pinahid ang mga ito.
Maya-maya, mula sa aking likuran
ay inilingkis niya ang kanyang bisig sa aking balikat. Ipinagapang niya ang
kanyang palad mula sa aking braso hanggang sa aking pisngi at hinaplos ito.
Hinawakan niya ang aking kamay
at pinatayo ako. Nang nakatayo na akong nakaharap sa kanya, tinanggal niya ang
aking T-shirt. Muli kaming nagyakap. Inilingkis niya ang kanyang braso sa aking
baywang at niyakap niya ako nang mahigpit. Ramdam ng aking balat ang init ng
kanyang katawan bunsod ng pagdampi ng aming mga balat. Dama ko ang pagdikit ng
kanyang bukol sa harap sa aking harapan.
Inilingkis ko rin ang aking
kamay sa kanyang katawan, iginapang ko ang aking palad mula sa umbok ng kanyang
likuran hangaang sa pang-itaas na niyang likod. Ninamnam ko ang sarap ng
pagdampi ng aking palad sa makinis niyang balat.
Maya-maya ay itinaas niya ang kanyang
mga kamay at hinaplos ang aking magkabilang pisngi habang ang aming mga mata ay
nagtitigan, mistulang nag-uusap. Hanggang sa namalayan ko na lang ang paglapat
ng aming mga labi.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Ninamnam
ko ang pagkiskisan ng aming mga dila. Hinayaan ko siyang sipsipin ang aking mga
labi habang mas lalo pa niyang hinigpitan ang kanyang pagyakap sa akin.
Nasa ganoon kami kaabala at
kataimtim sa aming paghahalikan nang biglang bumukas ang pinto.
Nahinto kami sa aming
paghahalikan at nang tiningnan namin kung sino ang nagbukas ng pinto, ang inay.
“Oh my Godddd! So sinful! So
wicked! So immoral! So perverted! So impure! So... ” hindi na niya itinuloy pa
ang sasabihin, bagkus iminuwestra ang kanyang kamay na pahiwatig na
naalibadbaran siya.
Hindi namin pinansin ang mga
sinasabi niya. Nang nakita naming inilock niya ang pinto, hinwakan ko ang mukha
ni Jerome at upang ipagpatuloy namin ang aming paghahalikan. Nabitin kasi ako.
At ayokong mangyari na mabitin uli.
Ngunit...
“Excuse me.” Ang sambit ng inay.
Hindi namin siya pinansin.
“Excuse me!” ang malakas na
sambit niya habang ang kamay ay talagang isiningit sa gitna ng aming mga mukha
ni Jerome.
Doon na ako pumalag. “Ano ba
ma???!”
“Puwedeng makagamit sa CR?”
“Hindi naka-lock iyan ma! Ano ka
ba???”
“Ah, okay, ituloy niyo na.” Ang
sambit niya. Hinawakan niya ang mga ulo namin at padabog na idiniin upang
maglapat muli ang aming mga labi sabay talikod at tinumbok ang CR.
Ituloy na sana namin ang aming
paghahalikan nang ang cell phone naman ni Jerome ang tumunog. Ayaw sana niyang
sagutin ngunit hindi ito huminto sa pagtunog.
Dahil wala sa directory ng cp
niya ang numero, pinindot niya ang speaker phone upang marinig ko.
“Kuya, si Jason ito...” ang
narining kong boses sa kabilang linya, nanginginig ang boses. “Cell phone po
ito ni Mang Ondoy.”
“Anong nangyari? Ba’t ganyan ang
boses mo?” ang tarantang tanong ni Jerome.”
“Ang mommy! Binugbog ng daddy.
Duguan po siya Kuya, baka mapatay ni Dad! Puntahan mo kami rito kuya!”
Hindi na itinuloy pa ni Jerome
ang pagtatanong sa kanyang kapatid. Dali-dali siyang nagsuot ng pantalon at
hindi na nagsupot pa ng t-shirt. Nang naisuot ko na ang aking T-shirt, dali-dali
na kaming lumabas.
“Hintay! Punyeta! Naihian ko
tuloy panty ko! Huwag ninyo akong iwanan!!!” ang pagsingit naman ng inay.
Kaya hinintay namin siya na
kalalabas lang ng banyo at inaayos-ayos pa ang kanyang panty.
Nang nasa baba na, tinumbok ni
Jerome ang motor niya. Umangkas ako kay Jerome. At marahil ay ayaw niyang ma
iwan, imbes na sa kotse niya siya sasakay sa motor din ni Jerome siya umangkas,
sa pinakalikod, angkas lalaki. Habang nakalingkis ang mga bisig ko sa katawan ni
Jerome, ang inay naman ay nakalingkis ang isang bisig niya sa katawan ko
samantalang ang isang kamay naman ay abala sa paghawak sa kanyang palda na tinatangay
ng hangin dahilan upang ma-expose ang kanyang panty.
“Punyeta itong hangin na’to! Kung
kailan may eksenang ganito ay saka naman itong lumang panty pa ang naisuot ko! Kakainis!”
ang pagmamaktol niya.
Natawa na lang ako. “Panty lang
talaga ang problema mo, no?”
“Hindi mo lang alam. Malaki ang
role ko pagdating doon.”
“May kinalaman din sa panty mo?”
“Malamang.”
Nasa gate si Mang Ondoy at ang
dalawan gkapatid ni Jerome nang dumating kami. Dahil kilala naman kami ng
guwardiya at naroon pa si Mang Ondoy, dali-daling pinapasok niya kami.
“Tumawag ka ng pulis Mang Ondoy.
Dalian mo lang.” Ang utos ni Jerome.
“Sino ang lalaking katagpo mo
kanina? Ulitin mo nga ang sinabi mo? Lalalki mo ba?” ang dumadagundong na sigaw
ng asawa ng mommy ni Jerome habang nasa labas pa kami ng bahay. Sa boses pa
lang na malakas ay nakakatakot na ito. Nagmadali kami upang makapasok.
“Anak ko ang katagpo ko, Antonio. Maniwala ka. Wala akong ibang
lalaki. May anak ko sa pagkadalaga. Siya ang kausap ko sa restaurant! Patawarin
mo ako! Nagsinungaling ako sa iyo!!!” ang pagmamakaawa ng mommy ni Jerome.
“PAPATAYIN KITAAAAAA!!!” ang
sigaw ng asawa niya.
Eksakto namang pagpasok namin sa
loob ng bahay at kitang-kita namin ang pagtutok niya ng baril sa mommy ni
Jerome at handa nang kalabitin ang gatilyo. Nakahandusay sa sahig ang mama ni
Jerome, ang mukha ay nabalot sa dugo, pati ang kanyang puting damit ay pigta
rin ng dugo. Nakakaawa ang kanyang postura.
Walang sinayang na pagkakataon
si Jerome. Singbilis ng kidlat na tinakbo niya ang asawa ng mommy niya upang
agawain ang baril. Sumunod din ako sa kanya upang suportahan siya.
Ngunit bago pa man nahawakan ni
Jerome ang kamay ng asawa ng mommy niya, pumutok na ang baril.
“BANG!!!”
Sabay naming tiningnan ang asawa
niya. Ngunit imbes ang mommy ni Jerome ang natamaan, ang aking inay ang sumalo
sa bala na sana ay tatama sa katawan ng mommy ni Jerome! Kitang-kita ko ang
dugo na dumaloy sa may bandang tiyan niya habang pilit na tinakpan naman niya ito
ng kanyang kamay.
“MAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!” ang
sigaw ko sabay lapit sa kanya at inangat ko ang katawan niya.
Habang abala ako sa pagtulong sa
aking inay, si Jerome naman ang nag manhandle sa asawa ng mommy niya.
Saglit lang ay dumating ang mga
pulis. Pinosasan nila agad ang asawa ng mommy ni Jerome at dinala sa kanilang
patrol. Ang inay ko naman at mommy ni Jerome ay isinakay sa kanilang van. Si
Mang Ondoy ang nagmaneho.
***
“Ligtas na ang inay mo.” Ang
sambit ng doktor matapos nilang operahan ang inay. Sa tiyan siya natamaan at
maswerte na wala raw natamaan na maseselang internal organ. “Maya-maya lang ay
magigising na iyan.” Dugtong niya.
Nang nakalabas na ng kuwarto ang
doktor at nurse ay siya namang pagpasok ni Jerome. Kinumusta ko ang mommy niya na
nasa kabilang kuwarto lang at okay naman daw. Nagpapahinga lang din dahil sa
matinding pagkabugbog sa kanya ng kanyang asawa.
“Malaki ang pasasalamat ng mommy
kay Mommy Staff sa pagsagip niya sa buhay ng aking mommy. Kung wala si Mommy
Steff, sa ulo ng mommy ko ang tama ng bala. Siguradong basag ang ulo niya.
Isang bayani si Mommy Steff...”
Binitiwan ko ang isang pilit na
ngiti. Tiningnan ko ang aking inay na nakapikit pa ang mga mata. Nang ibinaling
ko ang aking paningin kay Jerome, nakangisi ito na parang may masamang balak.
At hindi nga ako nagkamali.
Niyakap niya ako at siniil ng halik.
“Uhmmmmmm!!!” ang narinig naming
ungol.
Nang nilingon namin ang pinagmulan
noon, nagising na pala ang inay at nakatingin sa amin.
“Ituloy niyo lang paghahalikan
ninyo. Sanay naman akong nakipanuod lang. Sanay akong mag-isa. Sanay na akong
iniinggit.” Ang sambit ng inay. At talagang nagawa pa niyang magbiro at pinilit
na magsalita kahit halata sa mahinang boses niya na nasasaktan pa siya bunsod
ng operasyon.
“Waaah! Ang sabihin mo, gusto mo
lang na guluhin kami ngunit hindi mo kaya dahil sa mga nakakabit na tubo d’yan
sa katawan mo.”
“Doon nga kayo maghalikan sa
labas! Kayo ang papatay sa akin!” ang pilit niyang pagsasalita.
“Paanong papatayin? Bakit?”
“Papatayin ninyo ako sa inggit!
Kainis!”
Tawanan.
“Ma... inoperahan kayo at ligtas
na sabi ng doktor...”
“Alam ko. Kaya nga nakadilat pa
itong mga mata ko, ‘di ba?”
“Guwapo ang doktor na nag-opera
sa iyo ma.”
“O my Ghadddd! Talaga?” Biglang
nanlaki ang mga mata niya dahil sa excitement.
“Tinanggal niya ang panty ninyo,
ma. Sabi niya, mapanghe raw at luma.”
“Ay punyeta!” ang bigla rin
niyang pagreact. “Turukan mo nga ako ng pamapatulog! Gash! Mamamatay ako sa
hiya! Megaddd!!!”
Tawanan uli.
Subscribe to:
Posts (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.