Followers

Monday, October 17, 2016

ANIL (3)


ANIL 
By Michael Juha

Part 3:


NAGISING AKO kinabukasan nang walang nakitang Anil sa kuwarto. Dali-dali akong bumalikwas at hinanap siya sa kung saan-saang sulok. Kahit sa opisina ay pinuntahan ko. Ngunit wala siya roon. Nang sinilip ko ang kalsada kung wala na bang baha, humupa na ito at pati ang ulan ay huminto na rin.

Bumaba ako at tinanong ang guwardiya kung umalis nga ba si Anil. “Kanina pa Sir… mga alas 4:00 ng madaling araw.” Ang sagot ng guwardiya.

“Wala namang sinabi kung bakit? Hindi kasi nagpaalam sa akin eh.”

“Wala namang sinabi, Sir.”

Medyo nakadama ako ng kaba sa inasta ni Anil na hindi nagpaalam. Naisip ko tuloy na baka hindi niya nagustuhan ang aking ginawa sa kanya. Sa isip ko ay ang pag-agam-agam na baka pinatulan lang niya ako dahil boss niya ako at kaibigan.

Malungkot akong bumalik sa sleeping quarter. Naligo ako at nang nakapagbishis na ay dali-dali ring umalis upang umuwi ng bahay. Nagpaalam na lang ako sa guwardiya na baka ma-late sa pagpasok.  

Dahil pagod ang aking katawan at antok pa dahil sa ginawa naming ni Anil, nakatulog ako ng mahimbing. Maga-alas 12 ng ng tanghali nang nagising ako. Dali-dali akong kumain, nagbihis at pumasok sa trabaho.

Ang buong akala ko ay naroon na si Anil. Ngunit hindi pa rin daw siya pumasok at walang tawag kung ano ang nangyari sa kanya. Mas lalo pa akong kinabahan. Kaya nang matapos na ang trabaho, dali-dali akong umalis upang alamin kung ano ang nangyari. Ngunit laking gulat ko nang makarating ako sa kanilang bahay at nakita ko ang maraming tao, at sa harap ng bahay nila ay may nakasabit na itim na telang pahiwatig na may namatay. Nang pumasok ako ng bahay, nakita ko si Anil na nakatayo sa harap ng kabaong at umiiyak.

Nilapitan ko siya. “Condolence, Kap…” ang sabi ko sabay yakap sa kanya. Nang niyakap ko na siya, hindi niya sinuklian ang aking yakap. Parang may kakaiba sa kanyang ipinakita sa akin. Ngunit hindi ko na lang pinansin iyon gawa ng nangyari sa kanyang inay. Alam ko, masakit na masakit iyon para sa kanya.

Napag-alaman kong namatay ang nanay niya dahil sa atake sa sa puso. May diabetes kasi ang kanyang inay at may iniindang sakit sa kidney at hayun, nadale naman ang puso.

Hindi ako umalis ng bahay nina Anil. Ipinakita ko sa kanya na dinamayan ko siya. Inalam ko sa kapitbahay nila na nag-handle sa mga arrangements sa punerarya ang mga gastusin at mga kailangan pa. Lahat nang puwedeng bayaran ay binayaran ko. Binayaran ko na rin ang mga arrangements para sa paglibing.

Kinabukasan ay nag-file ako ng leave na tatlong araw dahil tatlong araw ang naka-set na burol. Ayaw ko kasing iwanan si Anil na solong nag-asikaso sa mga nakiramay.

Sa tatlong araw na iyon ay halos hindi ko makausap si Anil. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o dahil lang ito sa matinding lungkot na kanyang pinagdadaaanan sa pagkawala ng kanyang inay. Hinayaan ko lang siya. Ayaw kong makadagdag-problema.

Kahit tila dry si Anil sa kanyang pakikitungo sa akin, buo pa rin ang suporta ko sa kanya. Mas lalo pa nga akong naawa sa kanya at humanga rin. Hindi ko lubos maintindihna ang aking naramdaman. Bagamat ayaw kong aminin sa aking sarili ngunit tila nagkaroon na ako ng attachment kay Anil. Iyong feeling na naawa, nasasabik.

“Kap… uwi na tayo. Gabi na. Tayo na lang ang natira rito sa sementeryo” ang sambit ko sa kanya dahil gabi na iyon at naroon pa rin siya sa harap ng puntod. Iyon ang puntong inilibing na ang kanyang inay.

Hindi pa rin siya sumagot. Ayaw pa rin niya akong kausapin.

“G-galit ka ba sa akin Kap? Kausapin mo naman ako Kap, please…” ang pagmamakaawa ko. At dahil hindi pa rin siya kumibo, hinila ko na siya, tapos niyakap. “Kap… sorry kung ano man ang kasalanan ko. I’m sorry Kap.” Ang bulong ko sa kanya.

Hinayaan lang niya akong yakapin siya. “Na-guilty lang ako Kap…” ang sagot niya.

“Kap, huwag ganoon. Hindi mo kasalanan ang lahat!”

“Namatay kasi siya na wala ako sa piling niya… Pumanaw siya habang ako ay nasa iyo, at nagpakasasasa, nagpakasaya.” At napahagulgol na siya.

“Hindi mo kasalanan iyon Kap. Siguradong naintindihan ka ng inay mo.”

“S-sana Kap. Sana…”

“Ano ang plano mo ngayon?” ang tanong ko habang nasa loob kami ng aking sasakyan, minamaneho ko ito patungo sa bahay nila.

“H-hindi ko alam eh.”

“K-kung doon ka na lang kaya tumira sa akin Kap. Nag-iisa lang ako sa bahay, may dalawang bakanteng kuwarto roon, mamili ka lang kung saan mo gusto?”

Hindi siya umimik.

“Mas maganda kapag doon ka na sa bahay dahil makatipid ka sa gastos. Wala kang alalahanin sa pagkain, koryente, tubig, at renta sa bahay.”

“N-nakakahiya naman ata iyan Kap.”

“Di ba mag-best friends naman tayo?” ang sambit ko sabay abot sa kanya ng aking maliit na daliri para sa pinky swear.

Malungkot na inabot din niya ang aking hinliliit at matamlay na inilock ang kanyang daliri.

Nang narating na namin ang bahay nila, sinamahan ko siya sa loob. Ramdam ko ang lungkot ng kabuuan ng paligid. Ako man ay halos maiyak. Lalo na dahil ang bahay na tinitirhan nila ay gawa lamang sa kahoy at luma na ang mga ito. Tahimik ang looban, madilim, tanging ang aming pag-akyat lamang sa bahay na iyon ang gumagawa ng ingay. Kung bago mailibing ang kanyang inay ay may maraming taong nakiramay at mistulang nakapagpagaan sa kalooban, sa sandaling iyon ay kabaligtaran ang lahat. Wala na nga ang kanyang inay, tila itinakwil pa siya ng mga tao. Pati ang kapaligiran ay mistulang nagpighati at nakirmay sa naramdman ni Anil sa sandaling iyon. Kahit hihip ng hangin ay tila hindi mo maramdaman.

Tininingnan kong muli si Anil, bakas sa kanyang mukha ang matinding kalungkutan. Tulala na nakaupo sa isang silya. Parang napakalalim ng iniisip. Alam kong sobrang sakit an gkanyang nararamdaman. Ang kanyang inay na lang sana ang natitirang pamilya na nagmamahal sa kanya ngunit iniwan pa siya nito.

“Kunin mo na ang mga gamit mo, Kap para makaalis na tayo. Gabi na eh.” Ang utos ko.

“Nakita kong tumayo si Anil na mabagal na inihakbang ang kanyang mga paa na animoy napakabigat ng mga ito.”

Nakaupo lamang ako sa isang tabi. Narinig ko ang pagbukas niya sa cabinet at pinagmasdan ko siya habang  nag-impake siya ng kanyang mga damit. Maya-maya lang ay nakatayo na siyang nasa harapan ko, nasa isang backpack ang kanyang mga gamit at damit na nakalawit sa kanyang likuran, bitbit naman sa isa niyang kamay ang kanyang ukelele na regalo sa kanya ng kanynag inay na siya ring nagturo sa kanya sa paggamit nito.

Kinuha ko ang ukulele niya mula sa kanyang kamay atsaka tumayo ako mula sa aking kinauupuna at bumaba. Nang nasa sasakyan na ako, nakita ko si Anil na nilock ang pinto ng kanilang bahay.

Ramdam na ramdam ko ang kanyang kalungkutan. Tila hindi tanggap ng kanyang isip na lisanin ang lugar na iyon.

“May sorpresa pala ako sa iyo” ang sambit ko sa kanya nang nakarating na kami sa aking bahay at kasalukuyang binubuksan ko ang gate.

“Tay! Tay Mito! Nay Azon! Nandito na po kami!” ang sigaw ko.

Kitang-kita ko ang biglang namuong tuwa sa mukha ni Anil. “Kap! Totoo? Totoong nandito sila? Grabe! Hindi ako makapaniwala Kap!!!” ang pagsisigaw ni Anil habang tumakbo at sinalubong ang dalawang matanda. Nagyakapan silang tatlo. “Hindi ako makapaniwala na nadito na kayo Tay! Nay!” ang pagsisigaw pa rin ni Anil.

“Nabalitaan namin ang pagkamatay ng iyong inay, Anil, dahil kay Sir. Tanggapin mo ang aming pakikiramay…”

“Salamat Nay… salamat Tay…” ang sagot ni Anil na muling lumungkot ang mukha.

“Pinuntahan niya kasi kami. Gusto naming makilibing at makiramay sana ngunit wala kaming pamasahe papunta sa inyo, atsaka hindi namin alam ang bahay ninyo. Pero sabi naman ni Sir, dito na lang daw tayo magkita. Dito na rin daw kami titira, kasama ka…” ang sambit ni Nay Azon.

Nilingon ako ni Anil, bakas sa mga mata ang saya. “T-too Kap? Dito na rin sila?” ang tanong ni Anil na sinuklian ko lamang ng tango.

Niyakap ako ni Anil ng mahigpit. “Kapppp!!! Maraming-maraming salamat! Sobra.” Ang sambit niya.

“Huwag mong baliin ang buto ko Kap. Baka magiging handicap na ako!” ang biro ko.

Bumitiw siya sa kanyang pagyakap sa akin. “Maraming salamat talaga Kap. Hulog ka ng langit” ang sambit niya.

“kaya nga masakit eh.” Ang sagot ko.

“M-masakit? Bakit?”

“Nang mahulog ako ng langit muntik akong mabalian.” Ang biro ko.

Doon na siya natawa. Iyon na ang unang pagkakita k okay Anil na tumawa simula nang mamatay ang kanyang inay. Nagsitawanan na rin sina Tay Mito at Nay Azon.

“Sila na lang ang natitira kong pamilya Kap…” ang sambit ni Anil na nalungkot muli habang niyakap ang dalawang matanda.

Ako naman ang yumakap sa kanya. “Kaya nga dinala ko sila upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot mo. Alam ko rin kasi na mahal mo sila eh. Alam ko ang kuwento tungkol sa palagi mong pagbibisita sa kanila lalo na kapag may problema ka at sa kanila ka nanghihingi ng payo. Noong isang beses na masama ang iyong pakiramdam at muntik ka nang mawalan ng malay-tao, sila ang sumagip sa iyo.”

“Totoo iyan Kap. Para na rin silang mga magulang ko.”

Sa gabing iyon ay nagsama kaming apat sa aking bahay. Sabay kaming kumain, nagkuwentuhan sandali. Sa isang bakanteng kuwarto sa ground floor sina Tay Mito ang Nay Azon samantalang sa katabing kuwarto naman si Anil.

Bago natulog, niyaya ko si Anil na magkuwentuhan kami sa terrace. Gusto raw niyang makita ang kabilugan ng buwan. Nagdala na rin ako ng 6 na boteng beer na maiinum habang magkukuwentuhan kami.

“Alam mo, Kap, paborito ng inay ang ganitogn kabilugan ng buwan.” ang sambit ni Anil habang nakatingin sa maliwanag na buwan. Nagkataong full moon din iyon. “Walang ganitong full moon na pinalalampas niya na hindi niya ito titingnan. Kapag ganitong gabi na kabilugan ng buwan, palagi kaming nasa labas, nagkukuwentuhan, at tinitingnan namin ito.” Ang malungkot niyang sabi.

“Ganoon ba? Anong nagustuhan niya sa buwan? Lahat naman siguro ng tao ay nagagandahan sa bilog na buwan eh. Ako rin ay natutuwa kapag full moon. Noong bata pa ako, gusto kong gumagala, naglalaro sa plaza, o kahit magba-bonding lang kaming magbabarkada sa gilid ng kalsada, sa ilalim ng liwanag ng buwan. Masaya na kami noon.”

“Sabi kasi ng inay, ang full moon ay nakikita rin ito ng namayapa kong itay. Kaya parang nagkakaroon sila ng connection sa pamamagitan ng buwan. Masyado kasing sentimental ang inay. Kahit anong bagay na lang ay may sentimental value sa kanya, lalo na kapag may kinalaman ito sa itay. Minsan nga ay gusto kong mainis na matatwa sa inay dahil kinakausap niya ang buwan. Sasabihin, ‘Gusto kong ipaabot mo sa kanya na nami-miss ko na si Miguel. Mahal na mahal ko siya. Sana ay susunod na ako sa kanya kung saan man siya naroroon. Hindi na ako makapaghintay…’ Kapag ganyan ang sinasabi niya, maiiyak na lang ako. Syempre, naaawa ako sa aking inay, at sa isang banda ay naaawa rin ako sa aking sarili. Kasi, paano na lang ako kung mawala ang aking inay?” nahinto siya sandal at yumuko. Doon ko nakitang nagpahid na naman siya ng kanyang luha.

Niyakap ko na lang siya. Wala naman akong ibang magagawa. “Okay lang iyan, Anil. Nandito naman ako, hindi kita pababayaan.

Sinuklian ni Anil ang yakap ko. “Salamat Kap… hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kung wala ka.” Ang sabi niya.

Pagkatapos namin sa terrace ay nagtungo kami sa kuwarto. Nagtambay muna ako roon upang samahan siya at kausapin. Nagkuwento muli siya tungkol sa kanyang inay at muli ay hindi na naman niya napigilan ang huwag umiyak. Muli ay niyakap ko siya. Nagyakapan kami. Hanggang nauwi ang lahat sa halikan… at doon, nangyari muli sa amin ang bagay na iyon...

Tila wala na akong mahihiling pa sa set-up naming iyon. Masaya ako kay Anil, masaya ako na naroon sina Tay Mito at nay Azon na pumuno sa kapwa paghahangad naming pareho ni Anil na maranasan ang pagmamahal ng mga magulang. Masaya si Anil, masaya ako, at masaya rin ang dalawang matanda. At nakakatulong pa ang dalawang matanda sa bahay. Habang kami ni Anil ay nasa trabaho, sila naman ang nag-babantay at gumagawa ng mga gawaing-bahay, si Tatay Mito ay ang nag-aalaga ng lawn, nagtatanggal ng mga damo at si Nanay Azon naman ang katuwang niya sa pagtatanim ng mga bulaklak at ornamental plants. Kahit kasi matanda na sila, malalakas pa. Kaya lalong gumanda ang bahay, masaya kaming lahat.

Sa side naman namin ni Anil ay sabay kaming pumapasok at palagi kaming magkakasama. At kadalasan ay sa kuwarto ni Anil ako natutulog. At syempre, palaging may nangyayari. Hindi lang ko sigurado kung ang pagtatalik namin ni Anil ay dahil ito sa pangungulila ko sa aking girlfriend o talagang hinahanap-hanap ko na talaga ang sarap ng pakikipagtalik sa kanya.

Hindi ko rin lubos maisalarawan ang tunay kong nararamdaman para kay Anil. Ngunit dahil may girlfriend naman ako at ikakasal na nga kami, hindi ko ito binigyan ng malaking halaga. Pilit kong isiniksik sa aking utak na nangungulila lamang ako sa aking girlfriend kung kaya ay nagawa ko ang ganoon kay Anil. Sa parte naman ni Anil ay wala akong nakikitang problema. Wala naman siyang reklamo bagamat minsan ay napapansin ko siyang malungkot. Ipinagwalang bahala ko rin ito dahil nga sa pagkamatay ng kanyang inay.

Nang dumating ang aking girlfriend mula sa Italy, doon na nagsimulang magbago ang lahat. Sa bahay ko rin kasi tumira ang aking girlfriend. Nagulat siya nang nadatnan sina Anil at Tay Mito at Nay Azon. Bagamat sa una ay nagpahayag siya ng pagtutol, naintindihan rin niya ito sa kalaunan. Masisipag kasi ang dalawang matanda at masinop na masinop ang bahay.

Sa simula ay wala namang problema. Ang katalik ko ay ang aking girlfriend. Ngunit lumipas pa ang isang linggo ay hinahanap-hanap ko pa rin ang aking ginagawa kay Anil. Parang mas nangingibabaw ang sarap na katalik ko si Anil kumpara sa pakikipagtalik ko sa aking nobya. Kaya ang ginawa ko ay kapag tulog na si Marrie, papasok naman ako sa kuwarto ni Anil at doon ay ginagalaw ko siya.

Ewan… hindi ko talaga lubos maintindihan ang tunay na nararamdaman ko para kay Anil. Gusto ko siya, hinahanap-hanap ko siya, nasasabik ako sa kanya, at tila may kakaibang naramdaman ako para sa kanya. Ngunit pilit ko itong kinikitil sa aking isip. Isa pa, hindi ko matanggap sa sarili na isa akong bakla. Hindi ako ganoon. Ayaw kong maging ganoon. At si Anil, hindi ko rin alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Baka pinagbigyan lamang niya ako, o nag-eenjoy lang din siya gawa nang hindi pa niya naranasang makikipagtalik sa babae.

Isang gabi, habang umeskapo ako sa kwarto namin ng aking girlfriend, pumasok ako sa kwuarto ni Anil. Kagaya ng nakagawin, nagtalik kami. Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalik nang bigla na lang, “Mga walanghiya!!! Kaya pala palaging wala ka sa ating kuwarto!!! Putangina ninyo! Mga taksil!!!”

Si Marrie, ang girlfriend ko. Nakalimutan ko palang i-lock ang pinto ng kuwarto ni Anil. “Hindi ko akalaing bakla ka pala Kevin!!! Ayoko na! Ayoko na!!! Mga bakla!!!” ang sigaw niya sabay pahambalos na pagsara ng pinto.

Dali-dali kong sinundan siya. Nagtatakbo siya patungo sa aming kuwarto. “Sweetheart, sorry! Sorry!” ang panunuyo ko nang nasa loob na kami ng kuwarto. Niyakap ko siya.

“Don’t touch me! Nakakadiri ka!!! Kaya pala minsan nang nasa Italy ako ay hindi kita makausap sa telepono mo, iyon pala ay may iba kang kinahuhumalingan! At isang lalaki pa! Nakakasuka kayo!”

“Makinig ka kasi sa akin eh!” ang paliwanag ko.

“Ano ang ipapaliwanag mo?!!! Kitang-kita ng mga mata ko ang pagtatalik ninyo! At sarap na sarap ka, ang lakas pa ng ungol mo! Hayop!”

Natigilan ako sandali. Pinag-isipan ang gagawing alibi. “S-si Anil kasi ay… m-may pagnanasa sa akin. Isang araw, kung naalala mo iyong naaksidente ako at nabali ng isa kong braso, si Anil ang nag-asikaso sa akin. Di ba sinabi ko pa sa iyo na kung puwede kang umuwi ng Pinas upang alagaan ako? Pero ang sabi mo ay mahirap dahil nga nasa kasagsagan ka ng presentations mo sa iyong mga prospective clients at kailangang kailangan mong tuparin ang schedule mo at baka mawala sila. Si Anil ang naroon para sa akin. Hanggang sa nagpagaling ako sa bahay, si Anil pa rin ang naroon, nag-aalaga sa akin. Isang gabi na himbing ako sa aking pagtulog, nagising na lang ako nang nilalaro ng bibig ni Anil ang aking pagkalalaki. Gusto kong tumanggi sa kanyang ginawa ngunit maliban sa nasarapan ako dahil sa pangungulila ko sa iyo, naisip ko ang malaking utang na loob ko sa kanya. Kaya nagpaubaya ako. Pagkatapos noon, tinakot na niya ako na ibulgar niya sa opisina at sa iyo ang ginagawa namin. Kaya hindi ko siya mahindian. Nag-alala ako na baka layuan mo ako, na baka hihiwalayan mo ako. Mahal na mahal kita sweetheart. Ayaw kong mawala ka sa akin. Please forgive me. Iyan ang totoo.”

“Kung ganoon, palayasin mo siya rito sa bahay. Ngayon na!” Ang sambit ni Marrie na mistulang nahimasmasan na sa kanyang galit. “

“Ok sweetheart. Okay… Kausapin ko na siya ngayon at paalisin ng bahay.” Ang sagot ko. Niyakap ko siya, hinalikan, at ang naudlot na pagttalik naming ni Anil ay itinuloy ko sa aking fiancée. Pagkatapos naming magtalik ay nag-usap pa kami ng halos kalahating oras tungkol sa aming mga plano. Tiniyak ko rin sa kanya na hindi ako tatalikod sa kasal at tuloy na tuloy ito.

Pagkatapos ay dali-dali na akong tumungo sa kuwarto ni Anil upang sabihin sa kanya na bumalik na lang sa kanilang dating bahay. Siguro ay alas 12 na iyon ng hating gabi.

Ngunit nang buksan ko ang pinto ng kuwarto ni Anil, wala na siya roon. Hinanap ko ang kanyang bag at tiningnan ang cabinet kung saan niya inilagay ang kanyang mga gamit. Ngunit wala na ang mga ito. Kinatok ko rin ang kuwarto nina Tay Mito at Nay Azon. Pati sila ay wala na rin.

Dali-dali akong tumakbo sa labas ng bahay. Nang binuksan ko na ang gate, naroon sila, naglalakad palayo, tulak-tulak nila ang kariton kung saan ay naroon ang mga damit at gamit nila. Sa ilalim ng liwang ng bombilya ng mga poste ay kitang-kita ko ang tila napakabigat nilang mga paa. Ang matandang mag-asawa ay tila nahihirapang humakbang, habang si Anil ay nakayuko, bagsak ang mga balikat na tila pasan ang mundo.

Pinagmasdan ko ang mabagal nilang pag-usad. Si Anil ay suot-suot ang asul na sweatshirt na may stipe na puti at pula sa kanyang sleeves at pantalon na maong na stone washed. Naalala ko pa ang mga iyon. Iyon iyong ibinigay ko sa kanya noong nasagip niya ang building sa sunog at nailigtas ang niya ang buhay ng isang staff. Masayang-masaya siya noon. Sabi niya, nagkataon daw na iyon din ang pinangarap niyang bilhin na sweatshirt ngunit hindi lang niya mabili-bili dahil may kamahalan at kapos siya sa pera. At simula noon ay palagi na niyang isinuot ito.

Habang nasa ganoon akong pagmamasid sa kanila, bigla silang huminto at lumingon sa bahay. Doon na nila ako nakita. Kitang-kita ko ang lungkot ng kanlang mukha. Naaaninag ko ang matinding lungkot sa mga mata ni Anil habang nakatingin sa akin. Nagsisigaw ang aking puso na sabihin sa kanila na bumalik na lang sa bahay. Ngunit mas nanaig ang pagtutol ng aking utak na gawin iyo. Masisira ang buhay at mga plano ko kung pababalikin ko sila. Para akong tuod na nakatayo lang at tiningnan sila habang sila naman ay nakatingin sa akin.

Maya-maya ay muli silang tumalikod at nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Sinundan sila ng aking mga tingin hanggang sa unti-unti silang naglaho sa aking mga mata.

Nang nakapasok na ako ng gate, bigla naman bumuhos ang ulan. Lalo pa akong naguilty. Alam kong nababasa sila. Ngunit wala akong magagawa… Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong hininga at tuluyan na akong pumasok ng bahay.

Bumalik ako sa kuwarto ni Anil at nakita ko sa loob ng drawer ang isang sulat.

“Kap, pasensya ka na, umalis na ako, sasama raw sa akin sina Tay Mito at Nay Azon. Nahiya na kasi sila sa iyo at kay Marrie. Pasensy na. Gusto ko sanang manatili sila sa iyo ngunit sila mismo ang nagdesisyon na sumama sa akin. Dadalhin na rin nila ang kanilang kariton upang kahit papaano ay may masilungan sila kung sakaling hindi kami papalarin na magkaroon ng tirahan. Alam kong mali ang lahat na nangyari sa atin, Kap. Kaya umalis ako dahil ayaw kong ako ang magiging dahilan upang masira ang inyong magandang plano sa buhay, ang inyong mga pangarap ni Marrie. Maraming salamat na lang sa mga bagay na ibinigay mo sa akin, sa mga tulong mo sa amin nina Tay Mito at Nay Azon. May nangyari man sa atin, alam ko naman na parausan mo lang ako. Parang iyong sinasabi nilang fuck boy. Tanggap ko naman ito Kap. Noong mga panahon na pinagpasasahan mo ang aking katawan, gusto kong tumutol at magtanong kung nagustuhan mo ba itong gawin dahil nananabik ka sa kasintahan mong nasa malayo o nagustuhan mo ito dahil sa akin, at kung dahil sa akin man, kung laro-laro lang ba ang lahat o may nararamdaman ka para sa akin. Ngunit hindi ko na ito tinanong pa dahil sino ba ako upang magtanong, di ba? Ako iyong natulungan mo, mataas ang resperto at malaki ang pasasalamat ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, hindi ako galit at wala akong pagsisising nadarama. Charge na lang sa experience. Sanay na ako sa ganito. Kung saan man ako o kami patungo pagkatapos dito ay hindi ko alam pero sigurado naman akong magiging okay lang ang lahat. Sanay naman din kasi kami sa hirap. Hindi rin ako sigurado kung babalik pa ako sa bahay namin kasi, baka may iba nang tumira roon at masasaktan lang din ako kung babalik doon dahil siguradong maaalala ko ang inay. Ayaw kong dagdagan pa ang sakit na naramdaman ko ngayon. Ayaw kong magmukhang kawawa. Bagamat sanay akong nasasaktan at magtiis, tao rin ako, marunong din akong umiyak, marunong mag-isip kung bakit nangyari sa buhay ko ang mga ito... Sana ay hindi ko na lang naranasan ang mga ito. Sana ay hindi muna kinuha ang aking inay. Sana ay hindi na lang kita nakilala. Pero wala akong magagawa. Alam ko namang hindi talaga patas ang buhay. Kung sino pa iyong mayayaman, sila itong may natapos sa pag-aaral, sila ang may magagandang trabaho. Kabaligtaran naman para sa mga mahihirap, walang pinag-aralan, walang trabaho, nagdurusa, nagtitiis. Ikaw, mayaman, may pinag-aralan, maganda ang trabaho, at may nagmamahal. Ako, heto, kabaligtaran. At hindi pa sapat, kinuha ang kaisa-isang taong nagmamahal sana sa akin. Ang sakit lang… Oo nga pala, magreresign na rin ako sa trabaho ko sa opisina mo. Ayaw kong pati roon ay makikita ako ni Marrie at mag-aaway lang kayo. Muli ay maraming salamat sa lahat, Kap. Ang iyong kaibigan, -Anil”

(Itutuloy)

2 comments:

  1. Ang lungkot naman ng pangyayari kay anil. Nawala na si inay nya, nawala nadin si boss nya dahil pinili nyang lumayo. Siguro magpaparaya si duque pag naramdaman nyang mahal ni kevin si anil. Sadyang mahirap talaga pag malayo ang minamahal, nababaling sa iba pag nangungulila.

    Bharu

    ReplyDelete
  2. Ganda ng story. Somehow nqlulungkot ako sa story kay Anil

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails