ANIL
By Michael Juha
Part 5: (Last Part)
Agad na sumaklolo si Felix at nagpagitna,
hinarap si Marrie. “Marrie ako ang saktan mo dahil ako ang naghikayat kay Boss
na pabalikin si Anil dito!” ang sigaw ni Felix.
“Ah isa ka pa! Hindi mo ba alam kung
ang ano ang ginawa niyan kay Kevin? Kung anong ginawa niyan upang masira ang
relasyon namin?! At bakit nangialam ka rito? Huwag mo akong harangan kung ayaw
mong masaktan!” ang sagot ni Marrie.
“Hindi ako aalis dito, Marrie. Sorry.
Walang kasalanan si Anil kaya huwag mo siyang idamay sa galit mo!”
Doon ay mas lalo pang nagwala si
Marrie. “Anong walang kasalanan? Walang kasalanan? Hindi mo lang alam kung ano
ang ginawa niyan! Hayop iyan! Demonyo!”
“Pwes Alam ko! alam ko ang lahat! At
may alam din ako tungkol sa iyo!!!”
“Alam? Gaga ka bang bakla ka? Ano
iyang pinagsasabi mo? Nang-iintriga ka ah!!!”
“Huwag mo akong pilitin Marrie!
Masisira ang mga plano mo kung sasabihin ko. Ikakasal ka pa naman!”
Lalong nag-init si Marrie.
“Putangina! Ba’t alam mo ang buhay ko? Stalker ka ba? May nag-utos ba sa iyo
upang i-stalk ako?”
“Sinoooo?!!!!”
“Secret!” ang sagot ni Felix sabay
bitiw ng isang ngiti nang-iinis.
“Pinagkaisahan ninyo akooo!!!” ang
sigaw ni Marrie na akmang sasampalin na si Felix.
“Sige! Sige! Saktan mo ako! Tayong
dalawa ang magkasakitan. Subukan mo! Subukan moooooooo!!!” ang mabilis ding
paghawak ni Felix sa kanyang kamay.
Ngunit nag-init na si Marrie at doon
na niya sinambunutan si Felix.
Nagsambunutan sila, nagsampalan,
nagtadyakan. Hanggang sa natumba si Marrie at hindi pa rin siya nilubayan ni
Felix.
Doon ko na sila inawat. Hinila ko Si
Felix palayo kay Marrie habang pinatayo ko naman si Marrie.
“Ano! Masakit ba! Masakit ba?!!!
Tingnan mo boobs mo, oh, hindi na pantay! Atsaka ang panty mo! Eww kadiri!
Ilang linggo mo na yang isinusuot! Yellowish na ang harapan!!!” ang sigaw ni
Felix nang nagkahiwalay na sila.
“Bakla! Mamahalin tong panty ko!
Gaga!”
“Kaya pala hindi mo pinapalitan!
Ewww! Atsaka iyang kilay mo basag na. Sayang di ko nabasag ang mukha mo!”
“Tama na Felix, tama na!” ang sigaw
ko.
“Sweetheart! Pati itong baklang ito
ay tanggalin mo upang magsama sila! Tanggalin mo sila sa trabaho nila
Sweetheart!!!” at baling kay Felix “Magsama kayong mga bakla!!!”
“Hahahaha! Tanggalin??? Alam mo ba kung
gaano kahirap ang trabaho ko rito? Kung ako ang mawawala, mahihirapang umusad
ang takbo ng departamentong ito! Pero kung ikaw ang mawawala, walang epekto ito
sa amin. Kaya ikaw ang dapat na matanggal sa buhay ni Boss!”
“Tama na iyan, Felix! Tama na!” ang
pagsingint kong muli.
Ngunti nagsasalita pa si Marrie. “Ipapatay
kitang bakla ka! Tandaan mo iyan! Ipapabaril kitaaa!”
“Wow! Thank you naman! Takot ako!!!
Aasahan ko iyan ha? Kapag hindi mo ako ipinapatay, ikaw ang ipapakulam ko!”
“Sweetheartttt! Paalisin mo na iyang
mga bakla na iyan dito!!!”
“Hahahaha!” ang malakas na tawa ni
Felix.
Hindi ako makasagot sa sinabi ni
Marrie sa akin. Tiningnan ko si Anil na nakatingin din sa akin, ang mga mata ay
tila nagtatanong, tila sinisingil ako sa paninindigang sinisisi niya sa akin
dahil hindi ko siya napanindigan.
“Keviiiiiinnnnnn!!! Palayasin mo
itong mga taong ito sweetheart! Kung hindi, ibubulgar ko talaga ang nalalaman
ko tungkol sa inyo ng baklang iyan!” ang pagturo niya kay Anil. “Kaya pala
kagabi ang tagal mong umuwi at nang umuwi ka na ay hindi ka na kumain dahil
tapos ka nang kumain? Siya pala ang kasama mo sa dinner? Nag date kayo???” ang
mas lalo pang pagsigaw ni Marrie nang hindi ako nakagsagot agad sa kanyang
sinabi.
Doon ay medyo nag-init ang aking
tainga. Ngunit bilang respeto sa kanya, pinilit kong maging mahinahon pa rin.
“Anil, Felix… doon muna kayo sa mga trabaho ninyo.” At baling ko sa iba pang
mga staff na nakiusyuso, “Doon muna kayo sa mga trabaho ninyo, okay?”
“Hindiiii! Basta paalisin mo sila
rito nganyon na! Dahil kung hindi, hindi rin kita sisiputin sa ating kasal!”
“Okay, okay… cool ka lang. Ihahatid
na kita sa sasakyan mo.” ang sagot ko naman habang ineskortan ko siya palabas
ng opisina hanggang sa kanyang sasakyan na nasa parking area.
“Basta isesante mo sila. Ayaw kong makita
pa sila rito!” ang sigaw niya nang nasa loob na siya ng kotse at nagda-drive na
paalis. “Maaga kang umuwi mamaya!”
Hindi na ako sumagot. Nakasimangot
akong tumalikod pabalik sa opisina.
“Paano na iyan?” ang may pag-alalang
tanong ni Felix nang nasa opisina na ako.
“Wala. Ano bang gagawin natin?”
“Hindi mo kami isesante si Anil gaya
nang sinabi ng fiancée mo?”
“Hindi. Akong bahala. At kapag
iginiit niya iyan at aatras siya sa aming kasal, pagbigyan ko siya. Ayoko ring
magkaroon ng asawang dino-dominate ang buhay ko. Hindi pu-puwede sa akin ang
ganoon. Buong buhay ko ay magpaalipin sa kanya? Huwag na!” ang sambit ko.
“Iyan Boss, iyan ang lalaki... may
paninindigan.” Ang sambit ni Felix. “Pero alam mo, Boss, I think in love ka.
Medyo torpe ka lang at manhid.” Sabay tingin sa akin na mistulang tatawa. “Ay
sorry po. Boss pala kita.”
Napatingin na lang ako sa kanya.
Iyong tingin na in-denial, kunyari ay galit. “Anong in-love? Anong torpe at
manhid? Ano iyang mga pinagsasabi mo?”
“Joke lang Boss… Ikaw naman hindi na
mabiro.”
“Atsaka ano iyong sinabi mo na may
alam ka kay Marrie?”
“Wala Boss… bina-bluff ko lang siya
upang ang galit niya ay mapunta sa akin at hindi na kay Anil. Effective di ba?”
“Ikaw talaga, akala ko ay kung ano na eh.”
“Psy-war Boss, psy-war.” Ang sagot ni
Felix sabay tawa.
“Oo na… magaling ka sa pang-aaway.”
“Uyyy… na-hurt siya na nasaktan ko
ang finacee niyang mahal.”
“Kasalanan niya iyon.”
“Panindigan mo na kasi si Anil Boss.
Tingnan mo may nag-comment tuloy na gago ka raw.”
“Hayaan mo sila… pero pinanindigan ko
na kayo, di ba? Hindi ko naman kayo i-sesante eh.”
“Oo pero di mo iyon nasabi sa harap
nina Anil at ng fiancée mo.”
“Hayaan mo na. At least peaceful ang
nangyari. Walang nasaktang damdamin.”
“Boss… mas masarap ang namnamin ang
isang paninindigan kapag ito ay harap-harapan ipinadama sa taong ipinaglalaban.”
“Eh… at least settled na tayo riyan…”
ang sambi tko na lang.
Iyon ang naging desisyon ko.
Pinanindigan ko talaga ang sinabi ko na hindi ko tatanggaliin si Anil at si
Felix.
Nang nakauwi na ako ng bahay ito agad
ang tanong ni Marrie. “Pinaalis mo na sila sa trabaho?”
Hindi ako kumibo, dumiretso na lang
ako sa kuwarto.
“Oh my God! Hindi mo pinaalis?
Isasakripisyo mo ang ating kasal nang dahil sa kanya?” ang pagsisigaw niya
habang sinundan ako sa kuwarto.
Hindi pa rin ako sumagot.
“Kung ganito lang pala ang
mangyayari, mabuti pang hindi na natin ituloy ang kasal na ito!”
Doon ko na siya sinagot. “Actually,
maliit na problema lang ito, sweetheart. Ngunit pinalaki mo. Ganyan ka ba kung
sakaling makasal tayo? Ang mga maliliit na issues ay pinapalaki mo? I have to
be honest sa iyo sa ganitong sitwasyon, ayaw kong dino-dominate ako, ayaw kong
nina-nag. Ayaw kong gumawa ng hakbang o desisyon na hindi pinag-uusapan, hindi
pinag-aaralan ang mga consequence. Maingat ako. Ayaw k ong padalos-dalos.
Ngayon kung tatakutin mo lang ako na hindi ituloy ang kasala, go on. Desisyon
mo iyan. Huwag mo akong sisihin.”
“Oh my God! Oh my God! Bakla ka na
rin! Mas pinapaboran mo ang mga baklang iyon! Ipinagpalit mo ako sa isang
lalaki!” ang sigaw ni Marrie habang tumatakbo palabas ng kuwarto.
Hindi ko siya sinundan. Hinayaan ko
siyang mag-iiyak sa sala. Tinumbok ko ang banyo, naligo at nagbihis. Hindi ako
nagpaapekto. Maya-maya ay nahiga ako sa kama hanggang sa nakatulog.
Nagising ako kinabukasanna niyayakap ni Marrie. “Sorry kagabi
sweetheart.” Ang sabi niya. “Papayag na ako na hindi mo na paalisin si Anil at
Felix sa opisona mo.” Dugtogn niya.
“Ok good. At gusto ko ring mag-attend
sila sa kasal natin.”
“O-okay… ikaw ang bahala.” Ang sagot
niyang may pag-aalangan.
“At papalitan ko na rin ang best man
ko. Si Anil na ang gusto kong magiging best man.”
“Papalitan mo ang kuya ko?”
“Oo… ikaw lang naman ang nagdesisyon
noon eh. Mas okay sa akin si Anil. Ang kuya mo kasi mejo may edad na, parang
hindi bagay mag best man, parang tatay ko na.”
“Oh my! Magagalit ang kuya ko nito, sweetheart!”
“E di gawin na lang natin siyang isa
sa mga groom’s men.”
“Eh… di s-sige. Ikaw ang bahala.”
“Ikaw na ang magsabi sa kanya. Ako
ang magsabi kay Anil.”
Kinabukasan sa opisina, hindi
nagreport si Anil. Nahiya raw. Naawa naman ako. Napansin kong ganyan talaga si
Anil. Iyon bang mahina ang fighting spirit, madaling masaktan, madaling
ma-discourage.
Kinulit ako ni Felix kung ano ang
napag-usapan naming ni Marrie. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Nagkasundo kami ni
Felix na pagkatapos ng trabaho ay pupuntahan ko si Anil sa bahay niya at
kausapin sa nagign desisyon ko na hindi siya isesante at gagawin ko pa siyang
best man sa kasal.
Sabay kami ni Felix na lumabas ng
office. Sa kotse ko na rin siya sumakay pauwi ng bahay niya hanggang sa
nakarating kami.
Noong una ay nag-inuman kaming tatlo
ni Felix at Anil, nagkukuwentuhan. Sinabi ko kay Anil na hindi ko siya
tatanggalin sa trabaho at na siya ang magigign best man ko. Natuwa naman siya.
At pumayag na magiging best man bagamat kinumbinsi muna siya ni Felix na
pumayag. Kaya masaya ang tagpo naming iyon. Parang iyon na iyong stag party ko,
sina Felix at Anil ang aking mga kasama.
Nang medyo gabi na at ramdam kong
malapit na akong malasing ay nagrequest ako kay Felix na kausapin ko na si Anil
na kaming dalawa lang. Tumalima si Felix. Iniwanan niya kami.
“Kumusta ka na Kap?” ang tanong ko.
“Heto, okay naman, Kap.” Ang sagot
niya.
“Ikakasal na ako bukas.”
“Oo nga eh.” Ang sagot niyang tila
malungkot ang boses. “Sana ganoon pa rin, walang pagbabago.”
“Wala namang magbabago sa akin Kap.
Baka ikaw, lalo na kung magka girlfriend ka na o mag-asawa.” Ang sagot ko.
“Hindi mangyayari iyan, Kap. Ikaw pa.
Ang lakas mo sa akin…” ang sagot din niya.
Tahimik.
“Na-miss kita…” ang seryosong sambit,
tiningnan siya sa mata sabay hawak ko sa kanyang kamay.
Hinayaan niya lang ang kamay ko habang
hinawakan nito ang kamay niya. Tiningnan din niya ako. “Na-miss din kita, Kap.”
Binitiwan ko ang isang pilit na
ngiti. Hindi ko alam kung bakit gusto kong umiyqak sa sandaling iyon. “G-gusto
kong humingi ng tawad sa iyo, Kap sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo na
nakapagdagdag sa iyong mga problema.”
“Ako rin, Kap. Pasensya na
nakadag-dap problema ako sa iyo, sa kalagayan mo. Hayan tuloy, nag-away kayo ni
Marrie.”
“Okay lang iyon, Kap. Kasalanan ko
ang lahat. Damay ka lang dito. Iba kasi ang ugali ng babaeng iyon.”
Hindi na siya kumibo.
“Hindi ko malilimutan iyong mga
nangyari sa atin, Kap.” Ang pagbasag ko sa katahimikan.
“A-ako rin Kap…”
“M-mahal mo ba ako?” ang tanong ko.
Doon na siya napangiti ng hilaw. Tinanggal
niya ang kanyang kamay mula sa aking pagkakahawak. “Kap… ikakasal ka na. Kung
sasabihin ko bang mahal kita ay hindi mo itutuloy ang pagpapakasal? At kung
sakaling hindi mo man ituloy dahil, ipagpalagay nating mahal nga kita, ayoko
naman ang ganyan. Ayaw kong magiging hadlang sa kung ano man ang mga pangarap
mo. Mas gusto kong makita ka na masaya, kasama ang babaing siyang bubuo ng
iyong pagkatao. Gusto kong makitang naabot mo ang ruruk ng tagumpay ng
kaligayahan sa buhay, ma-enjoy ang pagkakataon na ka-bonding ang mga anak… at
mararamdaman mo sa kanila kung paano ang maging isang ama.”
Natahimik ako nang sandali. “Pero di
ba sabi mo na ang prinsipyo mo ay kapag ikaw ay nasa katotohanan, ikaw ay nasa
tama, kung iyan ang iyong nararamdaman, dapat ito ay paninindigan? Maaatim mo
ba sa konsyensya mo na ang iyong prinsipyo ay binali mo?”
“Kap… wala akong binaling prinsipyo.
Katotohanan ang sinabi ko. Nasa tama ang paninidigan ko.”
“Huwag kang magsisinungaling Kap…”
“Hindi ako nagsisinungaling.”
“Kung hindi ka nagsisinungaling,
tingnan mo ako sa mata. Sabihin mong hindi mo ako mahal.”
Tiningnan niya ako. “Hindi kita
mahal.” Ang sambit niya.
Iyon lang. Hindi ko alam kung bakit
ako nasaktan nang marinig sa kanyang bibig ang salitang iyon. Tumayo ako at
nagpaalam. “Okay kung ganoon… see you na lang bukas sa kasal ko.” ang sambit ko
na hindi man lang nagpaalam kay Felix.
Mula kina Felix ay dumaan ako sa
isang restaurant at nagpabalot ng pagkain. Pagkagaling doon ay dumiretso ako sa
lugar kung saan ko unang nakita sina Tay Mito at Nay Azon nang bisitahin sila
ni Anil. Naroon pa rin sila. Binigay ko sa kanila ang dala kong pagkain.
Nagkumustahan sandali at ipinaalam ko sa kanila na ikakasal na ako. Sinabi ko
rin kay Tay Mito na pagkatapos ng kasal ay kukunin ko siyang janitor sa opisina,
kasama ni Anil samantalang si Nay Azon naman ay ibabalik ko sa bahay.
Tuwang-tuwa si Tay Mito at si Nay Azon. Hindi nila akalain ibabalik ko sila sa
bahay at si Tay Mito, na magkakaroon pa ng trabaho sa edad niyang halos 70 na.
Nakita ko naman kasing kaya pa niyang magtrabaho, at masipag siya.
Pagkagaling ko kina Tay Mito ay
dumaan ako sa isang bar. Nag-order ako ng dalawang beer. Sa pagkakataong iyon
ay gusto kong mapag-isa, magmumuni-muni, mag-isip. Iyon na ang huling gabi kung
saan ay masasabi kong libre ako, single, walang responsibility. Binalikan ko sa
aking isip ang mga bagay kung saan ay nai-enjoy ko pa ang pagiging single.
Ngunit ang pinakalaman talaga ng aking isip ko ay si Anil. Bumabalik-balik sa
aking isip ang mga masasayang araw namin, ang mga gala, ang saya na naramdaman
ko kapag kasama siya. Pakiwari ko ay hindi lang siya isang ordinaryong kaibigan
para sa akin. Tila mas mahigit pa ang aming connection sa isa’t-isa.
Umuwi ako ng bahay ng mga alas 12 na
ng hating-gabi. Dahil nasa family niya natulog si Marrie, solong-solo ko ang kuwarto
sa gabing iyon. Nang nakahiga na ako, hindi naman ako dalawin ng antok. Maraming
bumabagabag sa aking isip. Tila may naghilahan sa loob ng aking utak. Naghalo
ang excitement, ang saya at lungkot na hindi ko mawari. Pero
ipinagkibit-balikat ko na lang ito. Sabi kasi nila, kapag ganoong ikakasal na
ang isang lalaki ay ganyan daw talaga ang nararamdaman.
Nang tiningnan ko ang aking cp,
maraming miscalls si Marrie. Tinawagan ko na lang siya. Nag-worry daw siya kung
bakit hindi ko sinagot ang kanyang mga tawag. Naga-alibi na lang ako na nag-bar
kami ng mga kaibigan, nag-stag party kumbaga. Tinanong din niya ako kung handa
na ba ako. Syempre, sinagot ko siyang handa na at excited na rin.
Siguro ay may tatlong oras lang akong
nahimbing. Nagising ako ng mga alas 4 ng madaling araw. Dahil alas 9 pa naman
ang kasal, nag-work out muna ako sa aking mini-gym at pagkatapos ay naligo,
nag-almusal.
Alas 8:45 nang dumating ako ng
simbahan. Naroon na ang mga groom’s men, ang mga bride’s maid, mga sponsors,
mga imbitadong bisita, pati na ang mga tauhan sa opisina. Tatlong tao na lang
ang kulang – Si Marrie, si Felix, at si Anil.
8:55 nang dumating si Marrie. Sa suot
niyang wedding gown, litaw na litaw ang kanyang ganda. Para sa akin, siya na
ang pinakamagandang babaeng nakita ko. Bagay na bagay sa kanya ang pagkagawa ng
kanyang suot. Dagdagan pa sa napakagaling na pagkaayos ng kanyang buhok at make
up.
Sinalubong ko kaagad siya. Niyakap ko
at hinalikan sa pisngi.
Wala pang tatlong minuto ay nakita ko
namang dumating ang isang taxi. Nang lumabas ang mga sakay nito, nakita ko si
Felix na pormang-porma sa kanyang suot na slax at polo barong. Napangiti ako,
gusto ko sana siyang biruin na nagmukha siyang tunay na lalai sa kanyang suot.
Ngunit hindi ko na naituloy pa ang biro. Bumulaga kasi sa aking paningin ang
paglabas ni Anil sa taxi at mistulang na star-struck ako sa kanyang porma.
Naka-tuxedo na kagaya ko, ang buhok na ang galing na pagkagawa, dagdagan pa sa
isang lignt na make-up. Para siyang isang artista! Iyon ang pinaka-guwapong imahe
na nakita ko sa kanya. Mistulang naalipin ako ng kapangyarihan at natulala na
lang, napako ang tingin sa kanya. Lalo na nang nginitian pa niya ako. Ni hindi
ko naalala kung sinuklian ko ang kanyang ngiti. Ang tumatak sa aking isip ay
ang anyo ng kanyang mukha, iyong pamatay niyang ngiti at mga matang mistulang
nakikipag-usap.
Naputol lang ang aking pagtitig kay
Anil nang, “Sweetheart! Magsimula na ang kasal!”
“Ah, okay, okay…” ang gulat kong
sagot na mistulang iyong biglang nagising mula sa malalim na pagkahimbing.
Pumuwesto ako sa gitna ng entrance, ni hindi ko man lang nabati si Anil.
Naunang nagmartsa ang mga groom’s men
na magkapartner sa bride’s maid. Hanggang sa si Anil na ang nagmartsa kapares
sa bride’s maid. Naroon pa rin ang pagka star-struck ko sa kanya. Hindi pa rin
mapigilin ang hindi matulala. Kahit nakatalikod siya sa akin habang nagmartsa
patungo sa altar, hindi ko pa rin mawaglit sa aking isip ang kanyang mukha.
Pati ang paglalakad niya ay nakakabighani. Lalaking-lalaki. Lalo na nang napadako
ang aking paningin sa kanyang puwet, hindi ko maiwasang hindi maglaro sa isip
ko ang mga pagkakataong nakita ko ang mga iyon, nilapirot ng aking mga kamay,
nilalaro sa aking daliri ang butas sa gitna nito…
Muling nahinto ang aking pagkatulala
ng, “Sweetheart, ikaw na ang sunod…” ang narinig kong sambit ni Marrie.
At doon ko na sinimulan ang aking
pagmartsa patungo sa altar.
Maayos naman na nagsimula ang
seremonya ng kasal hanggang sa dumating ang punto kung saan ay nagtatanong ang
pari ng, “Kung sino man ang tutol sa kasal, maaaring magsalita na o habambuhay
na bubulabugin ang inyong kapayapaan…”
Sa puntong iyon ay tila napakatahimik
ng mga tao. Nilingon ko pa ang mga nakaupong mga bisita na nandoon. May mga
nakatingin sa amin at ang iba ay nakitingin sa kapwa nilang nakaupo na mga
bisita na tila nakiusyuso kung may tatayo ba at tututol.
Dahil wala namang tumutol, itutuloy na
sana ng pari ang seremonya ng sa hindi inaasahan ay may narinig akong, “Ako po
Padre, tutol po ako!” at boses lalaki ito!
Ramdam kong tila nagreact ang mga
tao, iyong nagulat ngunit pilit na pinigilan ang mga boses. Napalingon akong
bigla sa pinanggalingan nito. Lahat ng mga tao ay nakatutok sa taong tumayo… si
Anil!
Mistulang sasabog ang aking dibdib sa
aking nakitang nakatayo siya roon at halatang kinabahan, nininerbiyos ngunit
buo ang loob. Nang magkasalubong ang aming mga tingin, nagpatuloy siya, “Kap…
ayaokong maulit pa ang pagdurusa ko nang hindi ko pinanindigan ang aking
karapatan, nang lapastanganin ang aking pagkatao. Ngayong tila mauulit na naman
ito, gusto kong manindigan. Wala na akong pakialam kung kukutyain ako ng mga
tao sa gagawin kong ito, Kap. Sanay akong pinagmamaliitan, sanay akong
kinukutya, sanay akong nasasaktan. Handa akong harapin ang mga ito. Hahamakin
ko ang lahat basta maiparating ko lang sa iyo ang tunay kong naramdaman. Mahal
kita Kap… iyan ang totoo.” At baling sa mga tao, sumigaw siya, “Mahal ko po si
Mr. Kevin Del Valle!”
Ramdam kong nangingilid ang aking mga
luha sa ginawa ni Anil na iyon. Iyong awa sa kanya, iyong naramdaman ko sa
kaloob-looban ko para sa kanya… Ngunit sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay
nakatitig na lang ako sa kanya. Biglang gumulo ang aking isip at hindi malaman
kung ano ang gagawin. Pati ang pagbubulungan sa loob ng simbahan at nahinto,
tila naghihintay silang lahat kung ano ang aking sasabihin.
Nasa ganoong katahimik ang lahat
nang, “Hoy, bakla! Huwag mo ngang guluhin ang aming kasal! May paninidigan ka
pang nalalaman! Wala kang karapatang guluhin kami! Gawain ng mga demonyo ang
kabaklaan! Dapat ay malusaw ka sa simbahang ito! Mahiya ka sa balat mo!”
At dahil sa hindi ko pagsagot kay
Anil, siya na ang gumawa ng paraan upang huwag akong mapahiya. Nakayukong
tinumbok niya ang center aisle at dali-daling naglakad palabas ng simbahan.
“Hahahahahahahahaha!
Baklaaaaaaaaaaaaaa!!!” ang umaalingawngaw na tawa ni Marrie.
Ngunit hindi ako natuwa sa pagtatawa
at pagpapahiya ni Marrie kay Anil. Tiningnan ko si Marrie at ipinakita ko sa
aking mukha ang aking pagkadismaya sa kanyang inasta.
“Sweetheart… sorry.”
“Hindi ganyan ang ini-expect kong
pagtrato mo sa tao at sa loob pa man din ng simbahan, sa harap ng mga tao.” Ang
bulong ko sa kanya.
“Sorry sweetheart! Sorry!”
“Itutuloy pa ba natin ang kasal?” ang
tanong ng pari.
“Sige po Padre, ituloy niyo na po.”
Ang sabi ni Marrie.
Tiningnan ko si Anil na kasalukuyang
nasa pinto na ng simbahan at lumalabas na. May tila isang boses sa aing isip na
nanghikayat na sundan ko siya.
Akmang hahabulin ko na sana si Anil
nang hinawakan ako ni Marrie. “Sweetheart, ituloy na natin ang kasal. May
surprise ako sa iyo, buntis ako!”
Doon ako nagulat at nasorpresa. At
ang aking pagkalito ay napalitan ng ibayong tuwa. “Really???” ang sambit ko.
“Yes sweetheart. Magiging ama ka na!”
Ang sagot ni Marrie na nakangiti pa.
Nilingon kong muli ang pintuan ng
simbahan. Wala na si Anil. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga.
May kirot man sa aking puso, humarap muli ako sa altar.
Itinuloy ang seremonya ng kasal.
Hanggang sa natapos na ito at sinabihan ako ng pari na”You may kiss the bride.”
Hinalikan ko si Marrie sa gitna ng nakakabinging palakpakan ng mga tao.
Nakapirma na si Marrie sa mga papeles
at ako na ang susunod. Nang hinawakan ko na ang ballpen upang pirmahan ko ang
mga papeles, may biglang pumasok sa aking isip. Tinitigan ko ng matulis si
Marrie.
“B-bakit sweetheart?” ang tanong
niya.
“Ilang buwan na ba ang tiyan mo
sweetheart?”
“Three months.”
“Six months ka sa Italy at nabuntis
ka roon?” ang tanong ko.
Kitang-kita ko ang pagkagulat at
pamumutla ni Marrie. Ngunit hindi ko na hinintay pang magsalita siya.
“You deceived me!” ang sigaw ko
habang nagtatakbo akong lumabas ng simbahan at tinumbok ang isa sa mga
nakaparadang taxi. “Sa Norte pare! Dalian mo lang please.” ang utos ko sa
driver.
“Sweethearrrtttttt!!!” ang narinig
kong sigaw ni Marrie na sumunod din pala sa akin sa labas ng simbahan.
Ngunit wala na akong pakialam sa
kanya.
Wala pang sampung minutong umaandar
ang taxi nang nakita ko sa gilid ng kalsada si Anil. Mabilis itong naglalakad na
tila walang direksyon. Pinahinto ko ang taxi, binigyan ng 200 ang driver at
dali-dali akong bumaba. “Anillll!” ang sigaw ko.
Nakita kong huminto si Anil sa
kanyang paglalakad. Nang lumingon siya sa aking direksoyn, kitang-kita ko ang
malungkot niyang mukha habang basang-basa ng luha ang kanyang mga pisngi dahil
sa luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang mga mata.
Tuluyan na siyang huminto at humarap
sa akin. Kitang-kita ko ang biglang pagngiti niya. Ramdam ko ang matinding
kasiyahan sa kanyang mga mata habang nagpapahid siya ng luha.
Nagtatakbo ako patungo sa kanya. Tumakbo
rin siya patungo sa aking kinaroroonan.
Ngunit nang abot-kamay na naming ang
isa’t-isa, laking pagkagulat ko. Tila nag-slow motion ang lahat sa akin gisip.
Imbes na yakapin ay itinulak niya ako, dahilan upang bumagsak ako sa semento. Nataranta
ako sa kanyang inasal.
Tatanungin ko na sana siya kung bakit
ginawa niya iyon ng, “Bang! Bang! Bang!” ang narinig ko. Tatlong putok ng baril
ang aking narinig. At halos kasabay ng mga putok ay ang pagbulagta ni Anil sa semento,
sa tabi ko. Kitang-kita ko ang pagtagas ng dugo mula sa kanyang dibdib, leeg,
at bibig. Nakita kong tiningnan pa niya ako at pilit na inabot ng kanyang kamay
ang aking mukha. Tila nagmamakaawa ang kanyang tingin. Tila nakikiusap. Tila
may gusto siyang sabihin sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at
ipinatong ko ito sa aking mukha. Naramdaman kong gumalaw pa ito, tila pilit na
hinaplos ang aking pisngi. “Aniiiiiilllll!!! Aniiiiiilllll!!! Aniiiiiilllll!!!
Aniiiiiilllll!!!” ang sigaw ko.
Nang tiningnan ko kung sino ang
bumaril, si Marrie pala at kasalukuyang itinututok ang baril sa akin. Sinundan
pala niya ako.
“Kung hindi lang pala tayo
magkatuluyan… mabuti pang mamatay na lang tayong pareho!” ang sigaw niya.
Nakita kong kakalabitin n asana niya
ang gatilyo ng kanyang baril ngunit mabilis na kinuyog siya nina Felix at mga
kasama sa opisina na sumunod din pala sa akin. Dahil pinagtulungan, hindi na
naituloy pa ni Marrie ang pagpapaputok sa akin. Nadakip siya habang si Anil ay
agad naming dinala sa pinakamalapit na ospital.
***
ALAS 7:00 NG GABI, nagsiuwian na sina
Felix at mga kasama naming sa trabaho sampo ng mga nakiramay at naghatid sa
libing. Tahimik ang paligid at ramdam ko sa aking balat ang malamig at mahinang
pabugso-bugsong ihip ng hangin. Makikita na rin ang buwan sa oras na iyon. Kung
tutuusin, napakaganda ng panahon. Naalala ko pa noong ilang beses na nagkasama
kami ni Anil at full moon din, gusto niyang mag tambay muna kami sa plaza. Naiisip
niya raw kasi ang kanyang inay kapag ganoong kabilugan ng buwan. Naniniwala
siya na kung saan man naroon ang kanyang inay, pinapanood din niya ang ganda ng
gabi, ang ganda ng buwan. Kaya nagkakaroon sila ng connection. Simula noon ay
palagi na kaming lumalabas kapag full moon. Iyon din ang dahilan kung bakit sa
full moon namin inililibing si Anil. Naniniwala rin ako na kung san man siya
naroroon, pinapanood niya ako; na hindi napatid ang tali ng aming mga puso.
Masakit nga lang dahil sa ganoon kagandang paligid na iniilawan ng buwan, hindi
ko na siya kasama.
Pinatugtog ko sa aking cp ang
paborito niyang kanta –
You packed in the morning, I stared out
the window
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way.
But I miss you more than I missed you before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most
Left me just when I needed you most.
Now most every morning, I stare out the window
And I think about where you might be
I've written you letters that I'd like to send
If you would just send one to me.
'Cause I need you more than I needed before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most
Left me just when I needed you most…
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way.
But I miss you more than I missed you before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most
Left me just when I needed you most.
Now most every morning, I stare out the window
And I think about where you might be
I've written you letters that I'd like to send
If you would just send one to me.
'Cause I need you more than I needed before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most
Left me just when I needed you most…
Muling nanariwa sa aking isip ang
sandali kung saan ay tinanong ko siya kung bakit niya paborito ang kantang iyan.
Sinagot niya ako na may tao raw siyang mahal pero nararamdman niyang iiwan siya
nito. At kapag mangyaring iiwan siya, hindi raw niya pipigilan ang taong iyon.
Hindi raw niya hahadlangan.
Nang sinabi niya ito sa akin ay wala pa
akong clue kung sino ang mahal niya. Kaya biniro ko siya ng, “Akala ko ba ay
wala ka pang girlfriend! Ang daya mo ah! Tangina may itinatago ang best friend
ko?”
Na sinagot naman niya ng, “Sa panaginip
lang. Ito naman, hindi na mabiro…”
“Loko ka ah! Paniwala naman ako, pota!”
Tawa lang siya nang tawa.
Ngunit naging seryoso din ako. “Sana ay
hindi mangyayari iyan sa atin.”
“Ang alin?”
“Iyong aalis ang isa sa atin na parang
may hinanakit sa isa’t-isa, na hindi pipigilan ang pag-alis, at na magkataong
kung kailan natin kailangan ang isa’t-isa ay saka naman mawala…”
“Hindi naman mangyayari iyan sa akin
dahil ikaw ay pipigilan talaga kita. Ayaw kong basta masisira na lang ang
pagiging magbest friends natin. Kung magkalabuan man, dapat may dahilan, may
paliwanag kung bakit may problema.” Ang sabi niya.
“Mas lalo na ako!” ang sagot ko rin.
“At dapat ay pakinggan natin ang
isa’t-isa.” Ang dugtong niya.
“Syempre!” ang sagot ko rin.
“Promise?”
“Promise!”
At nag-pinky swear kami. Ganyan naman
palagi. Pinky swear.
Muli na namang bumagsak ang aking mga
luha. “Ang sakit lang Kap. Nagtatampo ako sa iyo eh. Madaya ka. Sinira mo ang
sinabi mo na pakinggan mo muna ako. Paano pa kita mapipigilan, ni hindi mo man
lang ako kinakausap bago ka pumanaw… Hindi mo sinabing aalis ka na pala! Bakit mo
ako iniwan?” ang paninisi ko.
“Pasensya na rin sa mga pagkukulang ko,
sa hindi ko kaagad pag-admit na mahal kita. Marahil ay kung inamin ko ito sa
sarili ko nang maaga at hindi ko na pinaabot pa ang araw ng kasal, hindi ito
nangyari sa iyo. Pero ikaw din kasi Kap… hindi mo inamin kaagad na mahal mo
pala ako. Hinintay mo pa ang araw ng aking kasal. Ang daya mo. Aaminin kong sa
iyo ko lang naranasan ang umibig sa kapwa lalaki, at habang buhay ako Kap…
ipangako ko sa iyo na panatilihin kong ikaw lang ang nag-iisang lalaki sa buhay
ko.
Oo nga pala, gusto kong malaman mo na
sina Tay Mito at Nay Azon ay tuluyan ko nang inampon. Balak ko ring magtayo ng
charity para sa mga matatanda na katulad nila, kagaya ng sinabi mo sa akin
isang beses na kung sana ay marami kang pera, gusto mong makatulog sa mga
matatanda na walang matutuluyan. May mga lupa naman na iniwan ang aking mga
magulang sa akin at ang iba rito ay hindi nagagamit. Magpatayo ako ng
bahay-kalinga para sa kanila, Kap. At salamat sa pagmulat mo sa aking mga mata
sa kagandahang asal ng kawanggawa, pagtulong sa kapwa, at kabutihang-loob. Saludo
ako sa iyo riyan. Nagresign na rin pala ako sa kumpanya ko, Kap. Ang totoo,
pag-aari ng mga magulang ko ang kumpanyang iyon. Gusto ko lang na magtrabaho
kaya naisipan kong ako ang maghandle sa HRD. Si Felix ang nirecommend kong
maging manager at ako, focus na sa aking charity work. Sana kung nandito ka pa,
masaya sana tayong magsama sa kawanggawa na ito. Ang lungkot lang…”
Bago ako umalis ay pinagmasdan kong
muli ang buwan. Maaliwalas ang langit, tahimik, payapa at lantad na lantad ang
buwan. Tila nakiramay ito sa sakit na aking naramdaman, pinagmasdan ako na
parang ipinadama sa akin na nariyan siya, at hindi ako nag-iisa.
Hinugot ko ang pinky swear na pinahulma
ko galing sa aming mga maliliit na daliri. Sa araw ng kanyang pagkamatay ay
nagpagawa agad ako ng dalawang molde na pinahulma ko sa aking maliit na daliri
habang naka-lock ito sa kanya ring maliit na daliri. Ginawa kong pendant ang
mga ito sa kwintas, ang isa ay suot-suot niya at ang isa naman ay suot-suot ko.
Hinugot ko rin ang maiksi niyang sulat
na ginawa bago siya pumuntang simbahan sa araw ng aking kasal. Binasa kong muli
ito –
“Dear Kap, masakit man na maging best
man ng taong mahal, gagawin ko ito dahil gusto kong kahit papaano ay maipadama
ko sa iyo ang suporta ko sa araw ng iyong kasal. Masakit na masakit para sa
akin ngunit na masaya ako para sa iyo. Kung ito ang kailangang gawin upang
ipadama ang suporta para sa taong mahal, kaya kong tiisin ang buong kahabaan ng
misa. Kahit paulit-ulit na tadtarin ang puso ko, kahit ilang beses kong
maramdamang pinapatay ang pagkatao ko, gagawin koi to para sa iyo. Ganyan kita
kamahal, Kap… Kahit buhay ko ay handa kong iaalay kung kailangan... Oo nga pala
Kap, tuluyan na akong magreresign sa kumpanya. Hindi ko alam kung saan patungo
basta gusto kong lumayo… iyong malayong-malayong malayo na hindi ko na
mararamdaman at maaalala pa ang matinding sakit ng kabiguan. Maraming salamat
sa lahat, Kap. Mahal na mahal kita. Palagi mong alagaan ang iyong sarili, Kap. Sana
ay magkita pa tayo sa bandang huli ngunit kung hindi man, tandaan mo palagi Kap
na hangad ko ang iyong kaligayahan. Maligayang bati sa iyo, Kap. Nagmamahal, -Anil.”
“Saan ka man naroroon, Kap, gusto kong
malaman mo na mahal na mahal din kita. Hihintayin ko ang araw na magsama tayong
muli. Pangakong lagi kitang dadalawin dito, sa ganitong oras, sa ganitong
kabilugan ng buwan.”
Isinukbit kong muli ang kwintas sa
aking leeg. At habang naglalakad ako patungo sa aking sasakyan, patuloy kong
pinakinggan ang paborito niyang kanta –
You packed in the morning, I stared out the window
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way.
But I miss you more than I missed you before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most…
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way.
But I miss you more than I missed you before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most…
Wakas.