Followers

Monday, June 27, 2016

Si Chan at si Kobe -chapter 09



Athr'sNote-

Hi guys :)

"
BubblesC, sorry kung nabitin ka sa chapter8 :p
Francis, talagang napaka-cute ng pangalan mo <3 hahahaha
Rave, woy ba't nandito ka? Haha. Miss mo na si Kash at Seven? :) at ang ingay mo tungkol sa lablyf ko. Pektusan kita dyan eh. Hahahaha
Tope, parehas tayo, kinikilig din ako. Hahahaha
DennisA, nabitin kaba sa last chapter? :) pasensya na. Haha
Vienne, ba't mo inaaway si Jaydon? Hindi siya posteng hilaw. Tisoy talaga siya <3
Yoshino, pakiss na talaga kaso biglang itutuloy, hahaha
Juss21, eto na hinihintay mo :)
RD, pasensya na sa sobrang late update. Peace tayo :)

At dun sa nagsabing accept ko na friendrequest niya, nako sino po doon? Pm niyo po ako para alam ko. Salamat :)

Mga silent readers, mag-enjoy lang po kayo sa pagbabasa ah :)
At sa mga Anonymous, thank you sa pag-iwan ng comment :) lalo na sa paghihintay at pag-intindi :)

Pasensya na sa sobrang late update. Kaya heto at chapter 09 na tayo! Enjoy na :) Hahahaha. Mahal na mahal ko kayong mga mambabasa ko <3 Maraming salamat sa ratings na binibigay niyo sa story ni Chan at Kobe :) sobrang naa-appreciate ko, lalo na yung mga comments :)
"

Salamat po sa lahat :)




Happy reading.. :)




--

Point Of View

 - K o b e -



Habang pinagmamasdan ko ang
labi ni Chan ay hindi mawala sa aking pakiramdam ang pagkasabik.

Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha, bawat segundong dumadaan ay sobrang pinapahalagahan ko.

At sa ako'y napa-pikit nalang.

Ilang sandali pang namayani ang katahimikan.

Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag ilang sandali nalang ay mahahagkan mo na ang labi ng taong importante sa'yo.


'Katahimikan..


Hanggang sa wala sa sarili akong napamulat nang tumunog yung phone ko.

Tangna konti nalang eh!

Kita ko yung napaka inosenteng mukha ni Chan na konting-konti nalang talaga ang layo sa akin.

Agad kong kinuha yung phone ko.

Message: Pst tol yung laban natin bukas na, 7pm. Kalaban natin yung mga taga 2nd street. Magready kayo.

Text ng isa sa mga kaibigan namin.


 "Mga taga 2nd street?" nasabi ko.

Saglit akong napaisip. Sino ba mga taga 2nd street?


"Ay ewan." sabi ko nalang.

Hindi ko kilala mga player dun.

Agad ko lang pinatong sa lamesa yung phone ko at pinagmasdang muli si Chan.

 "Next time nalang, daming istorbo." nasabi ko pa habang nakasalumbaba.

Agad na akong tumayo at inayos ang sarili.. ekspresyon.

Ibinalik ko yung bwisit at iritado kong ekespresyon, at sa..

 "Oi Chan gising! Kain na tayo!" malakas na sabi ko.

Kita ko naman na agad siyang nagising.

Haha, tulog manok talaga. Kapag may ingay, gising kagad.

 "Tara kain na." kunwari'y inis na sabi ko at padabog na naglakad papunta sa kusina.

Agad akong kumuha ng pinggan, kutsara at tinidor. Mapagsilbihan nga 'tong maliit na 'to.




-----


 Point Of View

 - C h a n -




Halos mapangiwi ako habang pumepwesto kami sa maliit na lamesa dito sa sala.

Yung ulam na niluto ko!! Nakapwesto sa mga kakainin at una sa lahat.. uunahin daw ni Kobe ang luto ko -.-

Ewan pero nahiya ako bigla.

Ano kasi.. ahm..

Alam niyo paba yung tungkol sa pag-ganti ko?

ARRRRGGHHH!!

Yung ulam na niluto ko.. tinadtad ko ng sili eh! At habang niluluto ko pa nga yun ay tuwang-tuwa ako dahil makapaghigiganti narin ako pero ngayon.. ahm..

NAKAKAHIYA!

Paano ba naman kasi, nag-effort siya oh.. sinabihan niya ako na maupo lang at siya na bahala mag-ayos.. kaya naman parang natauhan ako. Nakakahiya kay Kobe!!

 "Yan game.. tara kain na." ngiti ni Kobe.

Nakakapanibago talaga siya ngayon.

Alam niyo ba yun? Yung bang naiisip ko na parang may balak siyang masama kaya pinapaamo niya ako.

 "Ah, ano kasi eh.. baka hindi masarap yan." alanganing sabi ko patukoy dun sa niluto ko, kasi inilapit na niya sa pinggan niya eh.



 "Kobe wag nalang kaya yan? Eto nalang binili mo.. ano baka kasi hindi mo magustuhan yan." pahabol ko pa.

Pero wala talaga eh. Hindi niya ako pinapansin.

Ano kasi yung ulam, adobo yung hindi masarsado.. tapos pinakalasaw lasaw ko yung sili at sinali sa adobo habang niluluto.

Tinikman ko nga eh, ang anghang sobra.. sobra.

Nagpatulong pa ako kay tita eh, nasa kabilang linya siya at bawat sinasabi niya ginagawa ko.


At sa napapikit nalang ako nang makitang tinikman na niya ito.

1..

2..

3....

Wala sa sarili naman akong napamulat nang walang narinig na reklamo o reaksyon mula sakanya.

Kita ko lang siya na ganado nang kumakain, a-at.. napakabilis pa. Halata talagang nag-eenjoy siya.

Magsasalita na sana ako nang..

 "Chan totoo lang ah?.. ang sarap ng luto mo ngayon, sakto ma-anghang yung ginawa mo. Mahilig ako sa mga maa-anghang na pagkain eh."

Sabi niya habang may laman pa ang bibig. Halatang tuwang-tuwa siya.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Pero sa totoo lang, pakiramdam ko nakanganga ako ngayon dahil sa gulat.

Napatango nalang ako sakanya at wala sa sariling napakain.

O.O

Buti na lang -.- buti nalang talaga at mahilig pala ito sa maa-anghang na pagkain. Ligtas ka Chan!!

Hindi ko na uulitin yun! Basta gagawin ko lagi ang lahat maipagluto lang siya ng masarap.

Pero! Pero hindi ko maipapangako na magiging mabait ako sakanya, eh sa mala-hayop ang kagaspangan ng ugali niya eh!




-----


Point Of View

 - K o b e -

After a week..



 "Chan bilisan mo ah? Nasa labas lang kami nila Az at Dennis, bilisan mo ah?!"

Medyo malakas na pagsigaw ko. Naliligo kasi si Chan eh.

At ako naman? Eto naka-unipormeng pang-basketball.

Yung laban sana namin last week ay hindi natuloy at heto.. ngayon ang laban namin.

Na-move yung mga schedule, ginamit daw ata yung court sa ewan na event nila.

Pagkalabas ko, kita ko sila Az at Dennis na nagtatawanan. Naka-uniporme narin.

Tagal naming nabakante sa paglalaro ng basketball. Hindi rin kasi kami nagkakaroon ng oras para mag-praktis.

At kami naman ni Chan? Eto, impyerno't langit ang dating. Away, tapos magbabati dahil sa pagkain.. tapos away nanaman.

Ilang araw narin siyang natutulog sa sofa. Kaya ayan, ilang araw narin akong natutulog sa lapag -.-

Maaga lagi akong nagigising, nagse-set ako lagi ng alarm eh. Ang klasi kasi namin ay 7:30amat 5:30 palang gising na si Chan.. kasi nga nagluluto pa siya ng makakain namin.

At yun na nga, gising niya ay 5:30 kaya naman para hindi niya ako makitang natutulog sa lapag ay 5:00 palang tutunog na yung alarm ko.

Hinihintay ko pa siyang makatulog bago ako pumepwesto sa may lapag.

Dati kahit 7am or 7:30 pa yung klase ay mga 30minutes before ang gising ko eh, wala na akong pakialam kung late man at kung saan na ako mag-aamusal.

Pero ngayon -.- 5am palang gising na ako, hindi ako sanay -.- yan tuloy.. Zombie ang lagay ko kapag dating sa school.
Pero! Gwapo parin.. lam niyo na.. given, haha

At si tita Sen? Ayun halos gabi-gabi na sa bahay simula nang malaman na nasa bahay na si Chan, may katulong tuloy si Chan sa pagluluto ng pagkain.

 "Sino nga ulit mga makakalaban natin mamaya?" agad na tanong ko nang makalapit sa pwesto ng dalawa.

 "Mga taga 2nd street nga, yung sila Jaydon."

O-oh narinig niyo yun?

Team ng mga mukhang paa.

Kaya naman hindi ko narin mahintay, mamaya makakalaban na namin sila.. at malalaman ko narin kung totoo mga sabi-sabi tungkol sakanya.




-----


Point Of View

 - J a y d o n - <3



 "Chan!"

Agad na pagsigaw ko pagkasagot ni Chan sa tawag ko, excited ako eh.. Haha

 "Jaydon ano!!"

Natawa naman ako nang sumigaw rin siya.

 "Nasan ka Chan? Pwede kaba? Diba matagal na nating hinihintay yung laban namin kasi manonood ka.. Chan mamaya na laban namin, nagbibihis na nga ako eh." masayang sabi ko.

 "Nge? A-anong oras ?"

Napakunot naman ako, parang nag-iba bigla tono niya.

"7pm, kalaban namin mga taga 1st street.. sila Kobe." sabi ko.

Lalo naman akong napakunot nang hindi siya nagsalita.

 "Chan?"

 "Ano kasi Jaydon eh.."

Hinayaan ko lang siyang magsalita.

 "Ah basta basta.. osya tetext nalang kita mamaya, may gagawin pa ako eh."

At sa namatay na nga ang tawag.

Naiwan naman akong.. 'blangko'.

 "Chan?" kunot na sabi ko habang nakatingin lang sa phone ko.

Hayy.. daya naman ni Chan, sabi niya panunuorin niya ako eh.

.....


 "Tara.."

Sabi ko kina Jap at Clark at inagaw ko yung bola kay Jap.

Habang naglalakad papunta sa court ay nagdi-dribble ako.

 "Nasan si Chan? Diba manunuod yun?" tanong bigla ni Jap.

Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko rin alam eh.

 "Wait, lemme text him." agad na sabi naman ni Clark.

 "Wow, close mo?" kunot ko.

 "Wow rin ah? Sayang kasi walang maingay, ang sarap kayang kasama nun." balik niya habang sa phone niya ang pokus.

 "Oo nga, ay grabe.. kahapon yung 500 pesos ko ubos sa french fries. Adik sa pagkain si Chan noh? Puro pagkain bukambibig." sabi pa ni Jap.

Napangiti naman ako, si Chan talaga.. puro katakawan. Kilala siya sa pagkain.




-----

Point Of View

 - C h a n -



  "Ano tara na?"

Masayang bungad ko kay Kobe nang makalabas na ako mula sa kwarto niya, dun ako nagbihis eh.

 "A-ano kasi Chan, pwedeng dito ka muna? Susunduin nalang kita maya-maya.. mauna na muna kami." alanganing sabi niya.

Parang may naramdaman akong sakit bigla? Ewan? Ang gulo.

 "B-bakit?" natanong ko nalang.

Nakakainis pa dahil parang may tinatago siya.

Kanina minamadali niya ako tapos ngayon pinapaiwan niya ako dito na sila na muna daw ang mauuna? Nakakainis diba?

Nakakawalang gana, excited pa naman ako.

 "B-basta Chan, dyan kana lang muna noh? Babalikan kita." sabi niya at agad na nga siyang tumalikod at lumabas ng bahay.

Nakakainis, alam niyo yung parang napag-iwanan?


At sa naisipan ko na lang na sumunod, naglakad narin ako papunta sa may pintuan.

Napatigil naman ako nang may marinig na nagtatawanan.

Pasimple akong sumilip sa may bintana..

 "Tangna ang aga niyo naman kasi uminom, puro kayo alak kakainom niyo lang kagabi diba?" naiinis na sabi ni Kobe.

Ba't siya naiinis?

T-teka.. kilala ko yung mga yun ah?

Ang dakilang tatlong 'J'.

Si Joel, Jorrel at Jason. Ka-team nila Kobe sa school.

 "Ang papangit nung mga nadaanan namin." sabi ni Jorrel. "So very panget."


So very panget? Nyahaha
Ewan pero natawa ako, haha

Mga lasing nga sila, sa mga galaw palang nila alam na eh.

 "Tara tara.. mag 7 na oh, late pa tayo niyan." sabi pa ni Az na halatang naiinis rin.

Lalo naman akong nakaramdam ng parang sakit nang mawala na sila sa harap ng bahay.

Parang bigat lang sa pakiramdam.

Mag-isa ako dito, iniwan nila ako.

Mas lalo akong nainis nang maramdaman yung presensya ng katahimikan.

Agad lang ako pumunta sa may sofa at tinignan yung phone ko.

May text pala.

Message: Chan? Laban ngayon ng team nila Jaydon, hindi kaba manunuod?

Message: Woy Chan! Sabi ni Jaydon baka hindi ka daw makakapunta, bakit naman? Punta kana sa court! Bibili ulit kita ng fries :)

Napangiti ako sa nabasa.

Buti pa sila Jap, Clark at Jaydon sinasama ako.

Bahala na, iwanan ko nalang 'tong bahay, isasara ko nalang.

Bahala na si Kobe!

.....


 "Nagtatampo ka?"

Tanong ko kay Jaydon habang pinipigilan ko ang matawa.

Kadarating ko lang at hindi niya ako pinapansin, obvious na nagtatampo siya. Haha

Hindi niya ako kinakausap o nililingon man lang. Nilalaro niya lang sa dalawang kamay niya ang bolang dala nila.

 "Chan hayaan mo yan, tara bili nalang kita ng fries.. meron dun oh yung tag ten, bili kita ng marami." sabi naman ni Jap na katabi lang ni Clark.


 "Wait Jap, nag-iinarte pa 'to eh.." natatawang sabi ko at pabiro ko namang sinampal si Jaydon.

 "Hoy!!" sabi ko pa nang hindi talaga siya nag-react.

 "So sige, ano nalang gusto mong gawin ko? Para ayos na?" bulong ko habang nakangiti, bigla naman siyang ngumiti na mas ikinangiti ko.

 "Pakagat mo na yung labi mo." bulong niya. "Yung lower lip tapos left side mo." sabi pa niya.

Natawa ako dahil sa siya mismo ay natatawa sa kagaguhan niya.

 "Kasi naman eh, nakakainis kaya yung ginawa mo kanina." simangot niya bigla.

 "Ano wala yun, pasensya na.." nahihiyang sabi ko.

Tsk, nakakainis talaga si Kobe!

 "Buti dumating ka, dahil kung hindi susunugin ko bahay niyo."

Dapat lang, sunugin niya dapat! Nang masunugan si Kobe. Hindi na nun siya hilaw na tisoy.. Dulok na tisoy na!

 "Pst Jaydon oh.. ayan na sila Kobe, mga makakalaban niyo."

Pare-pareho naman kaming napatingin sa tinuro ni Clark.

Patay, makakalaban nga talaga ni Jaydon sila Az, Dennis at Kobe. Tsktsk, sabi na eh..

 "Yung mga kasabay mo lagi oh.." sabi ni Jaydon pagkalingon niya sa akin at pagturo niya kina Kobe.

 "So anong pinaglalaban mo?" parang batang sabi ko, pero sa nang-iinis na tono.

Lagi nalang niya sinasabi na  "yung mga kasabay mo lagi oh" kapag nakikita niya yung tatlo.

Hindi pa niya alam na kay Kobe ako nakatira, ewan pero hindi ko lang talaga trip na ipaalam sakanya.

 "Tol good luck ah? Magagaling yung mga yan, ayusin mo ah?" rinig kong sabi ni Jap. "Hindi kami sumali, para naman masolo mo yung hiyawan." tonong pagmamalaki pa niya.

Tsk tsk, bakbakan 'to patay..

 "Chan, may sasabihin ako."

Napalingon naman ako kay Jaydon, seryoso siya.

 "Ano?" kunot ko.

 "Hayaan mo muna akong maging 'ako ngayong gabi ah?"

Lalo akong napakunot sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin?

 "Alam ko kasing may galit sa akin yang mga yan, pati yung tatlong 'J na yun. Ewan ko ba, kaya sana hayaan mo munang maging 'ako.. sa laban naming ito."

Napatango nalang ako. Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin.

Ilang beses na niyang pinagtitimpihan sila Kobe.

Ewan ko ba kina Kobe, ayaw makinig sa akin. Naaangasan daw sila kay Jaydon, eh ganun lang naman talaga si Jaydon.

 "Sa court Chan, makikilala mo yung Jaydon.. yung hayop sa ring." sabi naman ni Clark.

Napapatango nalang ako.

Nakakaamoy ako ng gulo, hwag naman sana -.-




-----


Point Of View

 - K o b e -



 "Chaaaan?.."

Agad na pagtawag ko kay Chan nang makapasok ako ng gate.

 "Chan tara na?"

Napakunot naman ako nang makitang patay na lahat ng ilaw.

Agad ko lang binuksan ang mga ito at dumeretso sa kwarto.

Lalo naman akong napakunot, wala dito? Inikot ko na ang bahay pero wala parin.

Hanggang sa napatigil nalang ako nang tumunog yung phone ko.

 "Oh?" agad na sabi ko, si Az.

 "Uy Kobe? Nandito si Chan, kasama niya yung bestfriend niya."

 "Uy?.. Oy Kobe??!!.."

Agad ko lang pinatay yung tawag.

 "Puta." pag-iling ko.

Ano nanaman ba 'tong nararamdaman ko?!!

Agad lang akong umalis.

Kailangan ko na na makabalik sa court.

Sinusubukan talaga ako ni Jaydon ah? Ilalampaso ko team niya, tangna!




-----


Point Of View

 - Third Person's -




 "Hernandez.. hernandez... hernandez..... THREEEEEEEEE POINT....!!!!!"


Kasabay nang pagsigaw ng commentator ay ang malakas na hiyawan ng mga nanunuod.

Mainit ang laban, sa kasalukuyan ay lamang ang team ni Jaydon.

Basta maka-three point si Jaydon o si Kobe, isang sunud-sunod na malalakas na hiyawan ang nangingibabaw.

Si Chan, si Chan na kanina pa napapa-pikit dahil sa nangyayari.

Nakikita niya yung inis sa pagitan ng dalawa, napapapikit nalang siya sa tuwing magtitinginan ng masama yung dalawa.

 77-81 ang score.

Close fight.

Hindi alam ni Chan kung sino ang mananalo, parehas kasing magaling ang dalawang team.

Pero kung tatanungin siya?

Ang gusto niyang manalo ay ang team ni Jaydon, hindi niya alam kung bakit pero kay Jaydon ang panig niya. Kahit na may dare nanaman sila.

 "Clark."

Sabi niya pagkalingon niya sa dalawa.

 "Tara kain nalang tayo sa labas." tonong nangungumbinsi ni Chan.

Hindi talaga siya mapakali. Naiisip niya kasi na baka mag-away yung dalawang team.

 "Chan, kailangan nating makita 'to.. last quarter na eh, last 3 minutes nalang oh." sagot ni Clark at pag-akbay pa sakanya.

 "Tae oh, ang bilis humabol ni Kobe.. patay tayo nito Clark.. wag naman sana.." alanganing sabi naman ni Jap.

Aaminin ni Chan, sa kabilang banda.. gusto niyang manalo sila Kobe.

Pero dahil sa inis niya rito, si Jaydon parin ang mas gusto niyang manalo.

Kahit na may dare nanaman sila.


(
flashback



 "Grabe ka naman Jaydon, puro kadiri alam mo."

Naiinis na natatawang sabi ni Chan. Kumakain sila ng fries ni Jaydon sa iisang lalagyan, si Jaydon ang nakahawak at kain lang sila ng kain.

 "Ano ayaw mo? Kapag natalo kami.. sige wala kanang utang sa akin." nakakalokong sabi ni Jaydon.

 "Bakit pa kasi yun yung dare? Jaydon naman eh.." nabibwisit nang sabi ni Chan.

 "Arte naman Chan, parang limang segundo lang naman." naiinis narin na sabi ng isa.

Agad lang tumalikod si Jaydon mula kay Chan, napatigil tuloy sa pagkain si Chan.

 "Jaydon naman eh.. ikaw yung nag-iinarte oh." inis ni Chan. "Oo na sige na, sige na.. sige na.. SIGE NA!!"

Agad namang humarap sakanya si Jaydon na nakangiti, aaminin ni Chan.. natutuwa na kinikilig siya sa inaasta ni Jaydon.

 "Kiss, five seconds.. Deal." sabi pa ni Jaydon.

 "Oo na nga, amina yung fries.. bibili mo'ko tapos ikaw umuubos." padabog na sabi ni Chan.

Tuwang-tuwa naman si Jaydon, sobra. Hindi naman talaga seryoso yung dare eh, natatawa lang siya dahil reklamo lang ng reklamo si Chan na talagang ikinangingiti niya.



end
)


 "THREEEEEEEEEE POINT!!!!"

Isang malakas na hiyawan ang pumaloob sa court.

 "Congratulations sa mga taga 1st street.. specially sa kanilang three pointer na si Hernandez.. hindi na bago ang mga nangyari.. basta nandyan si Kobe.. 1st street for the win.. for the title.."

Masayang sabi pa ng commentator.

 "Kobe!"
 "Az!"
 "Dennis!"
 "Kobe!"
 "KOBE!!"


Sigawan ng mga manunuod.

Katulad ng inaasahan, ang tatlo nanaman ang gumawa ng mga puntos.




------


Point Of View

 - C h a n -



 "Tae sayang Chan.."

Nanghihinayang na sabi ni Jaydon habang nakangiti.

 Inabutan ko naman siya kagad ng gatorade na binili ko kanina lang sa labas.

Wala siyang pang-itaas, pawis na pawis siya.. ang init, haha

Sa nakikita kong ekspresyon niya.. parang laro lang talaga sakanya yung nangyari. Sports, ika nga.

 "Alam mo nakakatuwa ka Jaydon, hindi ka man lang pikon kahit natalo kayo noh?"

Sumimangot naman siya kagad, napakunot naman ako.

 "Oh napano ka?"

 "Naiinis nga ako eh."

 "Huh?"

 "Natalo kami, edi walang kiss." biglang pagngiti niya na ikinangiti ko rin.

Nadadala talaga ako sa mga kagaguhan niya.

 "Tumigil ka nga." pagsiko ko pa sakanya.

 "Grabe 1 point nalang eh, siguro kung kasali kami ni Clark, tsk panalo.. sure win. Tara na nga.. kain na nga lang tayo."

Napalingon kami sa nagsalita, sila Jap at Clark pala.

 "Sige sige." excited na sabi ko.

Agad naman akong tumalikod mula kay Jaydon.

 "Oh kunin mo yung pamunas mo dyan pati yung ekstrang damit mo.. dali para makaalis na tayo." pagmamadali ko.

Suot suot ko bag pack niya eh, ginawa akong yaya.

Minamadali ko siya, ewan pero ayokong makausap si Kobe dito. Kanina kasi tinitignan tignan niya ako, simula una palang.


 "Chan kaw magpunas ng pawis ko." rinig kong sabi ni Jaydon habang kinakalkal niya yung bag.

 "Jap Clark oh, parang tanga kaibigan niyo." pagsumbong ko sa dalawa.

Mag-asawa ba kami?

Sira talaga 'tong si Jaydon.

Nang maisara niya ang bag ay muli na akong humarap sakanya.

Nakangiti lang siya habang pinupunasan yung pawis niya.

 "Bilis, nagugutom na ako." simangot ko.

 "Kakakain lang natin kanina eh, 100 pesos fries kaya yun, sampung tag ten na nga yun eh." sabi niya. "Pakihawak saglit Chan."

Kinuha ko naman yung tshirt niya. Suot niya ata 'to kaninang nagwa-warm up sila.

At yung 100 pesos fries? Konti pa nga lang yung fries na yun eh, bitin pa nga ako.

 "Ang bango ah.." ngiti ko nang amuyin ko yung tshirt niya.

 "Alam mo Chan sa aming tatlo, yan ang hindi bumabaho. I mean oo hindi naman kami mabaho, tae ang babango namin palagi.. basta si Jaydon kahit magdamag na magbasketball pa yan.. nako, walang kabaho-baho." pagmamalaki ni Clark.

 "Build Up!!" pang-iinis ko. "Sus, ang baho na niya kaya oh.." sabi ko at pag-amoy ko pa kunwari sakanya.

 "Ay ewan, tara na kain na tayo.. tol bilisan mo naman." si Jap.

 "Oh buti pa si Jap, tara nga Jap mauna na tayo." sabi ko at pagtulak pa kay Jap.

Sumunod naman sila Jaydon.

 "Chan anong gusto mo? Sampung fries ulit?" rinig kong tanong ni Jaydon, inabot ko naman yung tshirt niya sakanya habang tulak tulak ko si Jap.

 "Pizza naman tayo, sagot ko na." sabi ko.

Nakakahiya, lagi nalang nila akong nililibre. Tsktsk, eh pinagkakasya lang nila daw mga pera nila sa bawat isang buwan eh. Nakakahiya, dagdag pa ako sa gastos nila.

Teka. Ngayon ko pa talaga na-realize eh noh? Haha

 "Sige Chan tama, pizza naman." rinig kong sabi naman ni Clark at naramdaman ko na tinutulak-tulak narin niya ako, nakuha ko pang matawa sa kagaguhan namin.

Alam niyo yung..

*Tren tren put put.. tren tren put put*

Nyahahaha


 "Tae ah? Jaydon tinalo ka talaga ni Bangsi." biglang sabi ni Clark.


Bangsi?

 "Sinong bangsi?" agad na tanong ko habang abala parin sa trentrenputput namin. Haha


 "Si Kobe, yung lagi mong kasabay.." sagot ni Jap.

Mas lalo ko naman siyang tinulak.. yung pasadya na na ikinatawa naman niya.

Buti pa daw sila Kobe sinasabayan ko.. pero sila daw hindi. Tsk, ewan ko ba. Hahaha


 "Guys.. alam niyo naman siguro yung trentren putput diba?" sabi ko. "Jaydon dun ka sa likod ni Clark.. dali magpaka bata na muna tayo." natatawang sabi ko pa.

Pinatong ni Jaydon sa balikat ko yung pamunas niya at agad naman siyang pumwesto sa may pinakalikod.


 "Tren tren put put.. Tren tren put put.." sabay sabay na sabi namin habang kami mismo ay natatawa sa pinaggagagawa namin.

Hays. Ako pinaka-maliit ang height. Buti nalang cute ako. Ako paba? :) hahahaha

Palabas palang kami ng court.. kaya naman agaw atensyon, lalo na yung mga sumisigaw para kay Jaydon.. talagang tuwang-tuwa sila habang pinanunuod kami.


At sa bigla nalang tumigil si Jap na nasa harap ko mula sa paglalakad kaya naman napatigil rin kami nila Clark.

Nasa may gate na kami ng court eh, palabas na sana..

O.O

Napalunok naman ako nang makita kung sino ang nakaharang sa may labasan.

Si Kobe.

Wala ng damit. Yung pang-basketball niya nakapatong sa may balikat niya.

Ang tangkad pa naman niya, kumbaga parang isang malaking harang sa gate.

Nakuha pa ng abs niya yung atensyon ko. Tsk. Ang puti talaga nito. Lakas ng dating.

Yung mga nanunuod ng basketball na nasa bandang gate na halos kay Kobe ang tingin.

Halatang nag-eenjoy sila sa katawan nito. Hays. Ba't ba kasi hindi siya magdamit?!

 "May problema?" simpleng sabi ni Jap na nagpagising naman sa akin.

Naka-poker face lang si Kobe kay Jap. Yung bang 'kilala ba kita?'.. ang dating ng tingin niya kay Jap.

Pasimple naman siyang nilampasan ni Kobe saka tumigil sa harap ko.

Nagsalubong naman yung mga mata namin.

 "Chan tara uwi na tayo." may otoridad na sabi niya.

Ewan pero imbis na mainis sa inaasta niya ay parang iba yung nararamdaman ko.. parang nangungumbinsi kasi yung mga tingin niya sa akin eh.

 "Uwi na tayo?" agad na tanong ni Jaydon pagkalapit niya. "Chan? Anong uwi na kayo?"

Patay.. sabi na eh.

 "Ah.. ahm.. ano kasi Jaydon eh.. ano kasi si Ko.."

 "Magkasama kami sa iisang bahay, bakit? May problema ka?" biglang sabat ni Kobe.

Muli akong napalunok.

 "G-ganun ba? Osya, mamaya na siya uuwi.. kasama namin siya eh. May lakad pa kaming apat." sabi naman ni Clark.

Bakit ba kasi ang iinit ng ulo nila? H-hindi ako makasabat!

Dahan-dahan na akong tinutulak ni Clark. Palakad na kami nang..

 "Chan tara uwi na tayo." muling sabi ni Kobe.

Tumigil kami ulit.

 "A-ano kasi Kobe eh.. may lakad pa kaming apat." pilit na pagngiti ko.

Hinawakan naman niya ako sa may kamay, wrist part..

Napatingin nalang ako sa pagkapit niya sa akin.

 "Chan. Uwi na tayo, please?"







Itutuloy

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails