The John
Lloyd Diary
Chapter 2
by: Apple
Green
jaceanime@gmail.com
Author’s
Note:
Hello po
ulit sa lahat! Sabado na, and as promised, eto na ang pangalawang kapitulo ng
#TheJLDiary. Well, una sa lahat, talagang planado po ang pagkubli ng ibang
detalye ng istoryang ito, para lang magkaroon ng thrill at question marks sa
utak ninyo. Pero sa tamang panahon, mare-reveal din ang lahat. Pero for now, salamat
po ng marami sa suporta.
Nais ko pong
batiin at pasalamatan sina Kuya 44, Aulric Blaine, Gilrex Laurente, Kev, Chris,
Uel, Krey, at kay Bunso Steven. Hi po sa inyo! Salamat sa magagandang feedbacks.
Hi din po kina Kuya Bryle, Ren Ren at kay Misha Xela na mga kaibigan ko sa FB.
Basta! Sa mga di ko nabati, babawi ako next time. Paki-add po ako sa FB, at
pa-like na din po ng page ko, The Red Ink. Links are found below. Salamat
salamat!
Eto na po
ang pangalawang yugto ng istoryang ito. Enjoy..
- Jace
===================================
Nung gabing
iyon, naging abala ako sa pagawa ng presentation para sa report ko kinabukasan
sa isa kong klase. Mag-aalas onse na ng gabi ng matapos ko ang presentation na
ginagawa ko.
Di pa rin
maalis sa isip ko ang nangyari kanina sa may convenience store.
Haay. Siguro
assuming lang ako. Inakala ko lang siguro na makikipagbalikan si Jeffrey. Pero
kahit naman siguro hindi, para san pa at talagang gusto niya makipag-usap? Tss.
Iniligpit ko
nalang ang mga gamit ko na nagkalat sa aking kama, pwera ang laptop ko na
nakabukas pa din, para maghanda sa aking pagtulog. Pagod ako sa buong
mag-hapon, at dagdagan pa ng mga inaalala ko sa usaping puso at pagmomove-on.
Takte! Gusto
ko nalang matulog at nang makapagpahinga din 'tong utak ko. Pero hindi pa ako
nakakaramdam ng antok. Buti nalang bukas pa ang laptop ko.
Sasakay
nalang muna ako ng spaceship at nang makabisita ako sa Planeta ni Romeo. Tamang
pampaantok lang ba, alam mo yun?
Ewan ko
talaga kung bakit bumabalik at bumabalik pa rin ako sa birtwal na komunidad na
ito. Nag-iinarte ako sa tuwing makakaramdam ako ng rejection mula sa ibang tao
sa lugar na ito, pero heto na naman ako't ayaw magpaawat. Tss. Nakaka-relate ka
ba sa katigasan ng ulo ko, kagaya nito?
"Baliw ka Levi Hidalgo. Baliw! You're helpless and
desperate."
Baliw at
desperado agad? Di ba pwedeng hopya lang?
Haaay.
Habang dumadaan ang mga araw, nararamdaman kong unti-unti na akong iniiwan ng
katinuan sa aking pag-iisip.
Baliw!
Hahaha.
Log-In:
username:
misteryoso626
password:
*******
Siguro
napaka-cliche na ng username na Misteryoso, pero gusto ko eh. Bakit ba? Yung
tipong dahil rejected palagi, hindi ko na agad-agad nilalantad at pinapakita sa
mga nagiging ka-chat ko ang aking itsura. Kaya Misteryoso, ganun!
Tas 626,
kasi yun yung numero ni Stitch sa pelikulang Lilo And Stitch. Paborito ko kasi
siyang Disney character, si Experiment 626, AKA Stitch.
Yun ang
etimolohiya ng aking username.
Messages: 0
Haaay.
"Akala mo naman may nag-aantay sa pagbabalik mo? Napaka-hopya
mo talaga."
Ewan ko
sayo. Di kita kilala. Wag mo kong kausapin! Who you?
Tinungo ko
ang listahan ng mga online na myembro malapit sa aming lugar. Hahanap nalang
ako ng mapagtitripan at mapaglilibangan. Kahit pansamantala.
Nung
iniisa-isa ko ang mga naka-online na myembro, wala naman akong mapili. Choosy
ko no? Lahat kasi ng mga naka-online, mga higad.
Obvious
naman sa mga online status at laman ng mga profile nila eh. Sus, ako pa?
Marunong kaya akong kumilatis at mag-differentiate ng mga higad sa mga hindi.
Hahaha. Hard.
Beep!
Sino na
naman tong ugok na nagmessage sa akin? Another indescent proposal, i guess?
Makikipag-sex na naman? Haay. Di na sila natuto.
Sabi ko nga
sa online status ko, I DON'T DO ONE-NIGHT
STANDS! Bakit ba kasi may mga taong hindi makaintindi? Nakapag-aral naman
sana. Tss.
Pero siguro
pag libog na ang umandar, na siyang normal sa mga tao sa planetang ito, hindi
na mahalaga ang utak.
Landi pa
more! Paking tape.
"Lebleb.."
Ang unang salita na nabasa ko sa message na yun. Kahit hindi ko kilala ang
username ng nagpadala sa akin nun, alam kong si Jeffrey iyon. "...kumusta?
Bakit di mo ako kinausap o pinansin man lang kanina?"
Wow ha!
Nakalimutan na ba niya ang sinabi niya sa akin limang linggo na ang nakakaraan?
"Lebleb.
Alam kong ikaw to."
Lebleb.
That's how he calls me, affectionately.
Mali.
Called. Nakaraan na ang lahat.
"What
do you want Jeff? Akala ko ba klaro na sa atin ang lahat? Sige na, baka makita
ka pa ng boyfriend mo na may account pa rin sa site na ito." Pagtataboy ko
sa kanya. Magkahalong galit at pagtatampo ang nararamdaman ko sa oras na to.
Galit dahil naapakan ang pride ko, at pagtatampo kasi siya mismo ang gumawa
noon sa akin nung nagkamali akong i-message siya sa FB.
"Nangungumusta
lang ang tao eh." Reply niya.
"No
need to concern yourself about me Jeffrey. Leave me alone, okay? Salamat. Good
night."
"No.
Ano ba problema mo Levi?" Waw! Isang malaking wow. Ano problema ko, eh
siya tong naunang magmessage sakin dito?
"Ano
problema ko? Bullshit! Why can't you just accept the fact that we are, a long
time ago, over? Alam mo ba ang salitang move on Jeffrey? Get a life!"
Yeah. This message confirms it. I am bitter. At lahat ng iyon ay tinuturo ko pabalik
sa kanya. Alam kong ako mismo ang tinatamaan ng mga pinagsasabi ko. But because
of this pride, I did it anyway.
"I do
have a life. A beautiful one, actually. Ikaw? Anong meron ka ngayon? I think
you should heed your words, for yourself. Get a life Levi. Shooo!"
Fuck! I know
that I went overboard, and that I had also stepped on his pride, but do I
deserve to be treated this way? Eh siya naman tong naunang magmessage sa akin?
Fuck! Shit.
Oo. Bugbog
na bugbog na ang pride ko sa maaanghang na salitang pinagbibitiwan niya. At ang
pinaka hindi ko nagustuhan sa lahat ay ang huling salita. Na para bang isa kang
aso na nagmamakaawa sa amo, na sa bandang huli ay itataboy ng ganun-ganun na
lang? Bullshit talaga.
Sa kabila ng
pag-iinit ng mga tenga at panggagalaiti ng mga bagang ko, sinubukan ko pa ring
pakalmahin ang sarili ko. Nagpakawala ng hindi ko mabilang na mga
buntong-hininga, at sinubukang wag intindihin ang mga patutsada nito sa akin.
"Ikaw din naman kasi. Siya nga ang unang nagmessage sayo,
pero pinatulan mo pa rin. Tss."
Oo na! Ako
na ang bitter. Tss.
One. Two.
Three. Four. Five. Ewan ko na kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko
para lang kumalma. Dahil kung hindi ako kakalma, magwawala talaga ako!
Sa wakas,
pagkatapos ng ilang segundong pagkukumbinsi sa sarili kong wag ng palakihin ang
gulo, nakapagtimpi pa rin ako. Blinock ko nalang ang profile na iyon para di na
makapagsend ng message sa akin.
Shit talaga!
Shit! Kahit anong pilit kong lunukin ang pride ko sa pagkakataon na yun, kasi
aminado naman akong ako ang pumatol, nagdadabog at naiinis pa rin ako dahil sa
palitan namin ng mga masasakit na salita ni Jeffrey.
Ano ba kasi
ang nangyari sa aming dalawa? Dati rati, nung kami pa, di ko talaga inakalang
aabot ang lahat sa ganito. Siguro, parehas lang kaming bitter. Tss.
Beep!
What?! Wag
mo sabihing dalawa ang account ni Jeffrey sa site na ito't ayaw talagang
tumigil sa pang-iinis sa akin.
Arrrrgh!
Nakakaasar!
"Hi.
Kumusta? Kumusta project nyo?" Sabi nung mensaheng natanggap ko.
Username:
Ikthus
Ikthus?
Napakunot-noo
ako sa username na yun. Ngayon ko lang nakita ang username na ito. Nung binisita
ko naman ang profile nito, halos blangko naman lahat. Nung sa Message History
naming dalawa, wala naman kaming previous conversations.
Weird.
Hindi ako
makapag-isip ng tama sa panahong ito kasi nga sumisilay pa rin ang galit at
inis ko sa nangyari kanina.
"What?!
Anong project? I think you are barking the wrong tree, mister." Iritadong
sagot ko sa mensahe ni Ikthus.
"Yung
project nyo. Sinabi mo sakin yun dati diba?" Bwesit ha? Nakukulitan na
ako! Naiinis na nga ako, dadagdagan pa ng ugok na to.
"Hey.
Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, pwede bang wag ako pagtripan mo?
Matulog ka nalang!" There. Sinupladuhan ko na. Nakukulitan na ako sa mga
pinagsasabi nito.
Pagkatapos
ma-i-send ang reply na yun, agad akong nag log-out at pinatay na ang laptop ko.
Sa dami ng
nangyari sa araw na to, I deserve some rest. Sana pala natulog nalang ako
kanina nung natapos kong gawin ang presentation. Di na sana ako nainis ngayon.
Haay. Putek!
Nakakaasar!
Makatulog na
nga lang.
Kinabukasan
ng hapon, pagkauwi ko sa apartment na tinutuluyan ko, agad akong bumalik sa
site.
I know that
I owe someone an apology for being so rude last night.
Si Ikthus,
na siyang napagbalingan ko ng inis at galit sa Ex ko.
"Haay. Ayan ka kasi Levi. Kapag galit ka, binubuntong mo sa
iba yang nararamdaman mo. Napaka-immature."
Kaya nga ako
magso-sorry kay Ikthus diba?
Wait. Asan
na ba ang message niya?
Nung
pagkatapos kong i-click ang message nya sa Message History ko, para sana
magreply at humingi ng paumanhin sa ginawa ko kagabi, natigilan ako.
"The
account, with the username Ikthus, was deactivated. You cannot reply to this
message." Ang nabasa kong notification na naka display sa laptop ko.
"Hala! Baka dinamdam ni Ikthus masyado ang kasungitan mo
kagabi. Patay! Immature na nga, insensitive pa."
Haaay.
Kasalanan din nya naman kasi. Kung anu-ano pinagsasabi niya kagabi na hindi ko
naman maintindihan. Asar na nga ako, dadagdagan pa ng kung sinong estranghero.
Tss. Bahala siya!
With that
being said, just to defend myself, I've shrug off things just to give myself
some peace of mind. Alam kong hindi tama ang ginawa ko kay Ikthus, pero ano pa
magagawa ko? Hindi ko alam kung saan siya hahagilapin para mag-sorry.
Bahala na si
Batman.
=============================
Finally.
Tapos na ang unang semester.
Ngayong araw
na to ang huling araw ng Final exams. Laking pasasalamat ko't nairaos namin ng
matiwasay ang pangalawa sa huling semester ko bilang isang college student.
At ang
pinaka-highlight ng araw na ito? Gagala lang naman kami mamayang gabi.
Friday
night. A perfect time to celebrate the closing of another semester.
At eto pa.
Sa sobrang kakirihan ko, napapayag ko si Jane, isa sa mga kaibigan ko, na isama
ang pinsan niyang si Gino.
Ehrmergherd.
Si Gino. Ang crush ko.
Dahil nga
magkasama kami ni Jane sa Thesis, nakikita ko na din si Gino simula pa noong
unang week ng First Sem. Isa siyang Information Technology student na pumapasok
din sa eskwelahan namin. Sanggang-dikit kasi sila nitong si Jane. Kaya kapag
may meeting ang grupo namin sa Thesis, kadalasan, nakabuntot itong si Gino kay
Jane.
"Hoy!
Nakakakilabot yang ngisi mo ha? Kalma lang Beast. Masyado kang excited."
Untag sa akin ni Maia, ang bestfriend ko. Kasama din kasi siya sa inuman
mamaya. Isa si Maia sa mga nakakaalam ng pagiging Bisexual ko. At alam niya rin
na crush ko si Gino.
"H-ha?
Halata ba beast? Hahaha." Tawa ko dito. Tawagan namin ang beast. Beast as
in hayop. Hayop sa ganda at sa kagwapuhan. Yan ang lokohan namin sa isa't isa.
"Oo
kaya. Haay. Sabagay. Ako nga na bestfriend mo, excited para sayo eh. Ano ka pa
kaya?" Naglalakad na kami pauwi sa apartment ko. Sumama na rin siya sa
akin nung hapon na yun, para sabay kami pumunta sa napag-usapang lugar mamaya.
"Unahan mo kaya si Gino beast?"
"Tss."
Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko nga sigurado kung kagaya ko rin ba si
Gino eh. Pero bahala na beast. Masaya naman ako sa crush crush na to eh. Yaan
na natin." At nagkatawanan pa kaming pareho.
Alam ni Maia
ang halos lahat sa akin. Sa naging buhay ko noon at ngayon. Ganun kami
ka-close. Halos lahat ng bagay na nangyayari sa amin, pinag-uusapan namin.
Kahit relihiyosa itong si Maia, hindi siya kagaya ng iba na masyadong makitid
ang pang-unawa. Nagpapasalamat ako't isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng
sekreto ko. Hehehehe.
"Ay
basta. Umayos ka mamaya ah? Magpa-pogi ka ng husto. Makuha si Gino sa
tingin." At humalakhak pa ito sa sinabi.
"Lol.
Ayan tayo eh! Ang supportive natin. Nyahahaha."
Pagkarating
namin sa bahay, nagpahinga lang kami, tas maya-maya ay sabay na naghapunan.
Pagkatapos pa ng isang oras, nagtext na si Jane.
Di daw makakarating
ang iba naming kabarkada.
Ganun naman
sila eh. Pag ako ang nag-aya, ayaw nila. Tss.
Pero, ang
maganda ngayon, kami lang apat ni Maia, si Jane at Gino. Makakagalaw ako ng mas
komportable. Mas makakapagpa-cute sa crush ko. Lol.
Agad na kaming
naghanda ni Maia para lumabas na ng bahay at pumunta na sa napag-usapan naming
lugar na paggaganapan ng tomahan.
Dahil
upgraded na ang phone ko ngayon, salamat ng marami kay Mama sa pag-sponsor, may
mobile app na ako ng Planeta ni Romeo kahit saan man ako pumunta, kahit wala
ang laptop ko. Nyahahaha.
Anyway, we
had arrived earlier sa bar. Wala pa sina Jane at Gino nung dumating kami.
Maya-maya ay nagpaalam muna si Maia na magsi-CR habang hinihintay pa namin ang
dalawa naming kasama.
Ako naman,
naglog-in muna sa Planeta habang mag-isa na naghihintay sa pang-apat na mesa ng
bar. Ayokong ma-bored kakahintay kay crush. Makapaglibang nga muna.
Sana naman,
wag ng sumulpot uli ang Ex ko para manira lang ng gabi. Tulad noong nangyari
tatlong linggo na ang nakakaraan. Haaay. Napabuntong-hininga pa ako ng maalala
ang komprontasyon naming iyon.
"Get a
life Levi!" Parang nababasa ko ulit sa screen ng phone ko ang message na
iyon ni Jeffrey. Naiiling nalang akong winaksi ang isiping iyon. Ayokong sirain
ang gabi na ito. Masyadong masaya ako para gawin yun. Tss.
Log-In
Username:
misteryoso626
Password:
*******
Haay. Asan
na si Maia? Bakit di pa siya nakakabalik? Siguro nagpapaganda. Lol. Ibinalik ko
naman ang atensyon ko sa phone ko. Sa mobile app ng Planeta, actually.
Welcome
back, misteryoso626.
Messages: 0
Wala pa rin.
Sabagay, sino ba naman ang magme-message sa isang profile na isang sexy Kakashi
ang profile picture, at puro rants ang mababasa sa About Me section. Hahaha!
Profile
Visitors: 7
Nung clinick
ko yun, nakita ko ang listahan ng mga bumisita sa akin sa nakaraan na mga araw.
Pito ang naka-display sa screen ng phone ko. At lahat sila, kilala ko na na
dati ng myembro ng site, pwera sa isa.
Si...
KeyRamKan?
Nung inusisa
ko pa ang username na yun, napag-alaman kong binisita niya ang profile ko
tatlong beses na sa nakalipas na dalawang araw.
Nagtagpo
naman ang aking malalago na mga kilay. Bakit kaya?
Who the hell
is KeyRamKan?
I dug
deeper. Viniew ko ang profile niya. Blangko naman. Except for the information
that tells me that he's from Cebu City.
Huh? Pano
naman nya na-search ang profile ko? Eh ang layo-layo ng kinaroroonan kong lugar
sa Cebu. Kahit sa pamamagitan ng Search Users By Area na option ng site, di pa
rin niya ako matatagpuan. Not unless talagang kilala niya ako, o isang malaking
co-incidence lang ang lahat? Weird.
Ime-message
ko na sana siya, si KeyRamKan nang bigla kong maramdaman ang pagkalabit ng
isang daliri sa aking tagiliran.
Napatingala
ako sa taong nasa harapan ko ngayon, na syang kumalabit sa akin.
Ehrmergherd!
Si Gino. Shit.
Ang gwapo
nya ngayon. Nalaglag ang panloob kong suot. Hahaha. Aba malande!
"Bakit
anlalim ata ng iniisip mo? Kanina pa ba kayo? Asan si Maia?" Sunud-sunod
na tanong sa akin ni Gino. Nasa likuran nya naman si Jane na kumakaway lang sa
akin.
"H-ha?
A-ah. D-di pa naman masyado. Si M-Maia? Nasa Powder Room pa ata." Anak ng
kwek-kwek naman, oo. Nabubulol ako. Ayokong magpahalata, pero ayan ako ngayon.
Paking tape.
"Sunduin
ko lang si Maia ha? Magre-retouch din ako. Baka may gwapo dito, magka-boyfriend
pa ako. Hahaha." Singit na paalam sa amin ni Jane. Kahit kelan talaga tong
babaeng to. Andaldal. Ang ingay. Hahaha.
Umupo na si
Gino sa silya na kaharap nung sa inuupuan ko. Di naman ako makatingin ng
direcho sa kanya. Nahihiya nga ako kasi crush ko siya. Wag kayong ano! Hehehe.
"Tapos
na din ang first semester no? Sa wakas, isang semester nalang at gagraduate na
tayo." Pagbasag ng nakakabinging katahimikan ni Gino. Nalipat ulit ang mga
tingin ko sa nakangiti niyang mukha. Shit. Ang gwapo at cute talaga niya.
"Oo nga
eh. A-ano balak niyo ni Jane after graduation? Dito lang ba kayo maghahanap ng
trabaho, o pupunta kayo sa ibang l-lugar?" Kahit nabubulol pa rin ako,
salamat naman at medyo di na masyado.
"Ewan
ko. Siguro dito nalang. Ayoko sa malayo eh. Panibagong adjustment na naman yun
para sa akin. Hassle." Napatango lang ako bilang tugon.
Sumenyas si
Gino sa waiter ng bar at nag-order na ng maiinum namin. Maya-maya pa ay
dumating na ang dalawang babae mula sa powder room.
"Hi
Maia." Masiglang bati ni Gino sa bestfriend ko. "Kumusta? Ang ganda
natin ngayon ah?"
"Ahem!"
Singit naman ni Jane na tumabi ng upo kay Gino. Nakita kong siniko ito ng
mahina ni Gino. "Erey!" Mahinang sambit nito.
"H-hi
Gino! Mambobola ka pa rin no? Di ka naman naglalaro ng basketball." At
tumawa kaming lahat, pwera si Gino. "Okay naman ako. Kayo?"
"Okay
naman ako Mai. Maganda pa rin din. Magbarkada kasi tayo diba? At sabi nung
kasabihan, Birds with the same feathers,
make a good feather duster." At sumabog ang halakhakan naming apat sa
naging sagot ni Jane. "Unlike nung iba jan, hopeless romantic." Sabay
nguso kay Gino.
"Hep
hep hep. Anong helpless romantic ang sinasabi mo Jane?" Kontra ni Gino sa
pinsan.
"Helpless
romantic. Sa ibang salita, torpe." Sagot ni Jane. At nagkatawanan na naman
kami. Ang cute lang ni Gino habang palihim ko siyang sinisipat na tumatawa.
Sa
kalagitnaan ng magulo pero masayang usapan na iyon, nag-vibrate ang phone ko.
Ewan ko kung bakit. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa.
Nung nakita
ko ang screen nito, may notification pala ako mula sa Planeta. Naka-online pa din
pala ako. Nakalimutan kong maglog-out kanina, kasi biglang dumating sina Gino.
Yung
notification?
New message.
Sa Planeta, of course.
Sino na
naman kaya ito? Basa.
"Finally!
Nag-online ka din. Kumusta?" Sabi nung message. Nung hinanap ko sa message
na yun ang username ng nagpadala, nagtagpong muli ang aking mga kilay.
Si
KeyRamKan. Yung nakita ko kanina sa Profile Visitors ko?
Naguguluhan
talaga ako. Kilala ko ba sya? Hindi ko kasi matandaan ang username niya. At
bakit niya ako hinihintay na mag-online ulit? May kung anong kyuryusidad na
namang gumapang sa buo kong katawan.
This person
is very weird. Well, not that I just encounter persons like him on this site.
Pero basta.
May kung ano
sa kanya na dapat kong malaman.
"Hi.
Good evening. I'm doing good. Ikaw? Sorry ha, pero, do I know you?" Reply
ko sa kanya. Di naman ako lalabas na bastos sa tatlo, kasi mukhang
nagkakatuwaan naman silang nag-uusap. Hehehe. I need to know this stranger
first.
"Huh? I
don't think so. Hehehe. Anyway, kumusta na ang thesis nyo?" Mas lalo pang
kumunot ang noo ko.
Bakit alam
nya ang tungkol sa Thesis namin? Samantalang, wala akong matandaan na
pinagsabihan sa site na iyon ng tungkol doon. Teka, wala nga ba?
A moment of
silence.
Sa kabila ng
ingay ng paligid, pinilit kong halungkatin ang nakakaawa kong memorya.
Then it hit
me. Suddenly, memories came rushing into my brain.
Oo nga pala!
Si Emrys. Yung hinayupak na yun na bigla-bigla nalang nawawala. Yun pala! Pero
bakit parang may dapat pa akong maalala, aside kay Emrys?
Wait. Something
is definitely missing.
Then I dove
deeper into my memories.
Bigla kong
naalala si Ikthus. Yung nagtanong sa akin dati nung tungkol sa project namin.
"Shit."
Wala sa sariling na-i-reply ko kay KeyRamKan.
Oh fuck me!
Bakit ngayon ko lang na-realize ang mga ito? Ambobo mo, Levi. Bobo!
"Why?"
Si KeyRamKan.
"Ikaw
si Emrys at Ikthus, diba?"
"Hehehehe."
Pagkompirma nito sa aking hinala.
"Shit.
I knew it!" Haaay. A feeling of relief and happiness crept into my heart.
Ewan ko kung bakit. Pero para akong bata na nasiyahan kasi naka-solve ako ng
isang malaking puzzle. I'm so proud of myself. Lol.
"Great
thinking and deductions, Levi. Ang talino mo talaga! Kumusta ka na?" Crap.
Kill me now! He remembered my name!
Oh goodness.
Sa ilang buwang inilagi ng username na misteryoso626, ngayon lang may gumawa ng
ganito at nakaalala sa totoo kong pangalan.
Siguro
assuming lang ako, pero magaan ang loob ko sa taong ito. Hindi ko alam kung
bakit. Yun ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanya, noong si Emrys pa sya,
ang totoo kong pangalan, na hindi ko naman madalas na ginagawa talaga sa mga
nakikilala ko sa site na yun.
"Okay
naman ako! Ikaw kumusta ka? Andami nating account dito ah? Hehehe."
Palihim kong pang-uusisa sa kanya.
"I'm
doing fine, Lev. Thanks. Hindi ah, dineactivate ko na si Emrys at Ikthus. Si
KeyRamKan na ako ngayon. Hehehe."
"It's
good to hear that, Kayne. Bakit ka agad-agad nawawala nang walang pasabi?
Nakakatampo ka. :(" Sa wakas, naalala ko rin ang pangalan niya. Si Kayne.
Hehehe.
"Wow.
At talagang naalala mo talaga ang pangalan ko ha? Salamat naman. Hahaha. About
that, well, it's a secret for now. I'll tell you about it next time."
"Grabe,
na miss kita!" Wala sa isip, ngunit totoo naman, na reply ko sa kanya.
"What?"
Putek! Bigla akong.kinabahan sa mensahe nyang iyon.
Noon ko
naramdaman ang siko ni Maia na tumatama sa aking tagiliran. Kanina pa kami
nagsimulang mag-inuman, pero dahil na rin sa kachat ko ngayon, natuon ang buo
kong atensyon sa phone ko. Hehehe.
"Hoy!
Tigilan mo nga yang phone mo. Andito si Gino o. Kausapin mo naman." Bulong
sa akin ni Maia. Ay oo nga pala! Sorry naman. Di ko na naalalang magkasama pala
kaming apat. Hahaha.
"Teka
lang! I've just had a change of heart beast. Mas nag-eenjoy ako sa ka-chat ko
ngayon. Let's talk about it later." Sagot ko dito. Nginitian ko naman si
Gino at si Jane na noon ay nag-uusap din. Mukhang di naman nila napapansin ang
pagkahati ng atensyon ko, so go lang ng go.
Sina Emrys,
Ikthus, at KeyRamKan. Si Kayne lang pala ang nasa likod ng mga username na yun.
Hehehe. Kinikilig tuloy ako sa di maipaliwanag na kadahilanan.
"Ha? I
mean, na-miss kitang kausap. Alam mo naman ang site na ito. Iilan nalang ang
mga kagaya mong matalino, matino, at may sense kausap. Hehehe." Paliwanag
ko.
"Well,
though I can say the same to you, but hindi po ako matalino. Hahaha. Mambobola
ka din eh."
"Wushu.
Humble ka rin. Halata naman eh. Lalo nung si Emrys ka pa. Andami kong natutunan
sayo. Di ka naman makaka-graduate ng MedTech kung hindi ka matalino eh."
"Naks
naman. Naalala mo pa pati ang kurso ko ah? Hmmmn. Hindi ako matalino Lev.
Masipag lang siguro mag-aral." Napangiti ako sa naging reply niya. This is
what I really like about him. Kahit nung Emrys days pa niya, mahahalata mo
talaga ang magagandang katangian niya.
God-fearing.
Matalino. Mabait. Humble. Compassionate. And a good conversationalist. Wala na
akong masabi pa sa taong ito. "O, sige. Ikaw na masipag mag-aral.
Hehehe."
Madami pa
kaming napag-usapan tungkol sa buhay-buhay, pero yung mga hindi pa masyadong
personal na mga bagay.
As the night
drifted away, I've got to know him better. And as our talk became deeper and
deeper, I've proven one thing about me and him.
I like him.
Oo, masyadong madali para sabihin iyon, pero nasa ganoon pa din namang estado
yun diba? Nothing deep. Admiration, maybe.
Medyo
tinatamaan na din kasi ako ng alcohol sa katawan kaya pakapal ng pakapal na din
ang mukha kong magtanong kay Kayne tungkol sa kanya. And he knows that I am in
a bar with my friends, and with my crush. Kahit sabihin nyang bukas nalang kami
magchat ulit para di ko mabastos ang mga kasama ko, ayokong bitiwan ang
sandaling iyon.
"Eh
baka naman kasi pag naglog-out ako ngayon, deactivated na naman yang profile mo
kinabukasan pagbalik ko. Hindi ko na naman alam kung san ka hahagilapin. Ayoko.
Okay lang naman eh. I can manage. :)" Paliwanag ko sa kanya.
"Hehehe.
Sigurado ka ha? Salamat Levi. Sa totoo lang, natutuwa ako sayo. Ikaw pa lang
ang nakikilala kong pinakaiba mula sa lahat." Bumilis ang takbo ng puso
ko. Right then, I knew that I need to make my advances to him. Salamat sa
alcohol, at nawala ang inhibisyon ko sa katawan.
"Hey
listen. Sorry but I forgot how you look like, honestly. Di ko na kasi
naretrieve yung picture mo dati, kasi dineactivate mo na si Emrys, kasama nun
ang picture mo. All I remember is that you have those beautiful eyes. Eyes that
told me something." Lakas-loob na pagsisimula ko.
"What
did it tell you?"
"That
physically, I am attracted to you. At dahil sa usapan natin ngayon, I can now
say that, not just physically but as a whole, I like you. Kaso nahihiya akong
mag-advance sayo. Alam mo naman ang dilemma ko sa site na ito diba? So yun. I
just need to tell you honestly. I really like you. :)"
Nag-antay
ako ng ilang segundo para sa sagot ni Kayne. Ngunit sa kagustuhan kong
maintindihan niya ang pinagmumulan ko, nagsend pa ulit ako ng isa pang message.
"Uhmm,
I don't know how to put it correctly. Even I don't know why I'm saying things
like this in such a short period of time. But all I know is that I am really
happy chatting with you like this. For the longest time, I've never felt
anything like this before with anyone else I knew from this site. Sana naman,
kahit di mo ako tanggapin bilang isang taong nagkakagusto sayo, atleast, wag
naman sanang pati tong namumuong pagkakaibigan natin ang maging kapalit nitong
kakapalan ko ng mukha. Hehehe. Love is too early for now, but like i said, I
like you. There! Ang haba no? I guess I deserve some standing ovation after
that long speech. Lol"
I'm just too
tired of being rejected, you know. I'm tired of going back to point zero
everytime I find myself crashing to the ground because some dude on this site,
even without any intimacy between us, suddenly dumped and treated me like a
garbage.
Si Kayne,
alam kong mabuti siyang tao. Yung tipong hindi nanghuhusga kahit sa panlabas na
kaanyuan ng isang tao. Halata naman. Sa naging usapan namin, nung siya pa si
Emrys at ngayong siya na si KeyRamKan, malalaman mo agad-agad na hindi siya ang
pangkaraniwang tao na myembro ng site na ito.
Siguro
malandi lang siguro ako't gusto ko lang talaga ng makakasama sa buhay, dahil na
rin nakasanayan ko na ang ganoong sitwasyon, nung kami pa ni Jeffrey. Pero
ewan. Basta.
Kung
i-reject man ako ngayon ni Kayne, okay lang. Matatanggap ko din eventually.
Sanay na ako. Manhid na ang buong puso ko.
"Levi,
we have to learn to love each other. But right now, I want say thank you, baby
ko. You are special to me, as well. And I really appreciate you for liking me
as I am." Mahinang tili. Pangingisay ng buong katawan. At pamumuo ng mga
butil ng pawis sa aking noo. I wasn't expecting this!
Wooh, grabe!
At talagang tinawag niya akong Baby. Oh goodness. You can kill me now. I can
die right now. Right at this very moment.
"Hoy!"
Untag sa akin ni Maia. "Okay ka lang? Nababaliw ka na ba beast? Ambastos
mo, alam mo yun. Di mo na nga kami kinikibo masyado dito, ganyan ka pa."
Ngiting-aso lang ang naibigay ko sa tatlong kasama ko. Buti nalang, medyo tipsy
na rin ang mga babae't plangak na ang itsura ni Gino. Wala na akong pakialam
kay Gino! May Kayne na ako.
"Hehehe.
Salamat naman. Siguro for now, kilalanin muna natin ang isa't isa, diba? Pero
sana naman, wag ka na ulit mawawala." Pagsusumamo ko kay Kayne nung
itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa kachat ko sa phone.
"As a
promise na hindi na ako mawawala, here's my digits. 0917*******. Ayan! Text mo
ko bukas."
"Sige!
Alam mo, noon ko pa yan gustong hingin eh. Kaso nahiya ako. :3"
"Bakit
naman?"
"Kasi,
nung nakita ko ang picture mo, na-realize ko talaga na imposibleng magka-gusto
ka din sa akin. Lol." Drama-mode.
"Yun
nga ang ikinatampo ko sayo nun eh. Di ka man lang nagbigay ng number, o kaya'y
nagbigay man lang ng picture mo sakin kapalit nung binigay ko sayo. I thought
you didn't like me. :(" Ayun! Misunderstanding pala ang nangyari kaya siya
nawala na parang bula. Tss.
"Hehehe.
Sorry ha? Parehas din kasi tayo ng iniisip eh. Pero gusto mo ba talaga makita
ang picture ko? Baka kasi magsisi ka." Babala ko sa kanya. Matatanggap
kaya niya ako?
"Shunga
ka? Ganun na ba ako ka judgemental sayo?"
"Hindi.
Hindi naman sa ganun.. Wag mong isipin yan. Nahihiya lang kasi ako. Anyway, eto
na picture ko. Sorry. Panget talaga ako. But, here. Bask in the light of my
hideousness. Lol." Sabay attach ng picture ko sa message na yun.
Kinakabahan ako. Alam ko namang di sya ganung klaseng tao, pero di ko maiwasan
eh.
"Ang
cute mo naman pala eh. :3"
"Mambobola.
Wag ka nga. Oo na, ikaw na pogi. Ako na baluga. Lol."
"Hoy
Lev, grabe ka. God created you. And everything and everyone God created are
beautiful inside and out. Standards lang naman kasi ng mga imperpektong tao ang
nagbibigay depinisyon sa salitang panget eh. Sa mata ng Diyos, pantay-pantay
tayo lahat." O diba? Sino ba ang hindi mahuhulog sa ganyang klase ng tao?
Haay. Nasayo na ang lahat!
"Oo na
sige na. Di na ako pangit. Sorry Kayne. Sorry Lord." Pagsuko ko sa
argumentona inilatag niya.
"Levi,
you are special. Not just in mine and in God's eyes, but also to the people who
trully knows and values your worth. Wag kang panghinaan ng loob dahil lang
nireject ka ng mga tao sa paligid mo. Have faith in yourself. Kasi kung di ka
maniniwala sa sarili mo, sino pa ang gagawa niyan, diba?"
Nganga. Head
shot. Sapul.
The negative
feelings I've had inside of me had finally met its match, the positive
compassion of Kayne's. This clearly states that what we both have, are entirely
the opposite. And yet, destiny smiled at me, and intertwined my path to his.
Sabi nila, opposites do attract.
Di ko
masyadong pinagtutuunan ng pansin ang kasabihan na yan dati. Kasi para sa akin,
sapat na ang pagiging komportable ng dalawang tao sa isa't isa para patakbuhin
ang isang relasyon.
Napagtanto
kong dumating ako sa punto ng buhay ko noon na inakala kong mas mabuti siguro
kung maraming pagkakahawig ang dalawang taong nagmamahalan. Kasi mas madali yun
para maikonekta ng isa ang sarili sa isa.
Pero ngayon,
di pa rin ako makapagdesisyon.
Sa tingin ko
kasi, magkabaliktaran ang katangian namin ni Kayne.
I am the
negative dude, he's the positive one
I am
pessimistic, while he's the optimistic one.
I am the
happy-go-lucky type, he's the serious one.
Haay. Kung
sakaling magiging kami, can we work our differences out? Sana naman di maulit
yung nangyari sa amin dati ni Jeffrey. Haaay.
Pero,
malalaman sa susunod na kabanata. Masyado pang maaga para mag-assume, pero
malay natin. Baka naman.
I can't do
anything for the moment, but to to hope, that opposites do attract.
Ang alam ko
lang, gusto ko siya.
Bahala na si
Batman. This is it!
"Ui,
okay lang ba kung mauuna na akong matulog? Medyo late na kasi at inaantok na
ako. Okay lang ba, John Lloyd?" Kapagkuwan ay sabi niya sa chat.
"Huh?"
Nagtagpo naman ang mga kilay ko. "Wrong send ka ata. Sino si John
Lloyd?" Di ko mapigilan, ngunit nagseselos ako sa isiping may iba din
siyang kalantari sa site na to. Tss.
"Hahaha!
Ikaw. Si John Lloyd. Napakadrama kasi ng mga linya mo. Alam mo yung mga linya
ni John Lloyd Cruz sa mga naging pelikula nya? Hahaha. Hugot na hugot kasi mga
message mo, most of the times eh. Hahaha. Peace! Good night John Lloyd."
Wala na akong
nagawa kundi ang tumawa ng tumawa sa huling message nito. Tinitingnan lang ako
ng mga kasama ko habang nagkakanda-matay sa kakatawa.
"Loko
ka Kayne. Kung ako si John Lloyd, sino ka? Hahahaha. Good night then,
Miss Bea Alonzo. Lol." Ang huli kong chat sa kanya bago bumalik ang focus
ko sa apat kong kasamahan.
John Lloyd.
Sabagay.
Tama din naman siya.
“Grabe. Ang landi mo brad! Ikaw na. Akalain mong magsu-SUMMA
CUMLAUDE ka jan sa mga the moves mo? Imba ka!”
-- to be continued - -