Followers

Thursday, January 26, 2012

Bulag Na Pagibig [12: Last Part]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Sorry po sa matagal na update. Bz lang at tinapos ko rin ang aking entry sa MSOB Anthology.

Maraming salamat sa pag-intindi.

-Mikejuha-

------------------------------------

“HIndi ako makakita kuya! Nabulag ako kuya!!!!” ang pagsisigaw ko.

“Tol… anong gagawin ko? Anogn gagawin ko???” ang sigw din ni kuya.

“Kumuha ka ng tubig kuya! Maghilamos ako! Baka may dumi lang sa aking mga mata!”

Narinig ko ang paggalaw ng wheelchair ni Dante. At maya-maya lang ay bumalik ito at inilatag sa aking kandungan ang tabo na may lamang tubig.

Dali-dali akong naghilamos.

Ngunit ganoon pa rin. Madilim pa rin ang paligid. Humagulgol na lang ako. “Hindi na ako makakita kuya…”

At naramdaman ko ang mga bisig ni kuya na yumakap sa akin. “Tawagan natin ang inay at itay tol… magpatulong tayo” ang mungkahi ni Dante.

“S-sige kuya. Paano natin sila tatawagan? Wala tayong celpon, nakikitext lang tayo sa kapitbahay.”

“Puntahan natin ang kapitbahay natin Tol.”

“Paano kuya? Hindi ako makakita”

“Paningin mo lang ang nawala tol… Makakalakad ka, makakatayo. Kapain mo ang hawakan ng aking wheelchair at itulak mo, sasabihin ko sa iyo kung itulak mo ito o ihinto…”

“S-sige kuya…”

At iyon nga ang ginawa namin. Bagamat hindi ako nakakakita, nakarating kami sa aming kapitbahay na ang tanging giya ko ay ang paghawak sa wheelchair ni Dante.

Natawagan namin ang aking mga magulang. At kinahapunan ng araw ding iyon, dumating sila.

Awang-awa sa kalagayan namin ang aming mga magulang. Napagdesisyonan ng mga magulang ko na dalhin ako sa ospital upang matingnan ng duktor ang aking kalagayan.

“I-inay… saan naman po tayo maghahagilap ng perang pambayad?” ang tanong ko.

“Bahala na anak. Ibenta na lang siguro natin ang ating puwesto sa relocation site… at babalik na lang kami dito ng itay mo.”

“E… paano po ang hanap-buhay ninyo?”

“B-bahala na. Bahala na… ang importante ay maipagamot ka kaagad”

“S-si Kuya Tom po nay… tumawag ba uli?” ang tanong ko noong naalala si Tom.

“Ay oo… may sakit pala siya kaya siya nasa Amerika!”

“A-ano ang sakit niya inay? Malala ba kung kaya sa Amerika siya nagpagamot?”

“Hindi ko naitangong, napuputol kasi ang linya eh. HIndi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya…”

“P-wede ba nating tawagan siya inay?”

“S-sige anak… may kaunting load pa ito. Kahit ma-miscall lang baka siya na ang tatawag.”

“H-hello? K-kuya Tom?!” ang sigaw ko noong naka-connect na linya.

”Tol…??? Ok, ok… ako ang tatawag.”

At noong nakatawag na si Tom, isiniwalat ko sa kanya ang nangyari sa akin. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang ko noong inako ni Tom ang gastusin sa aking pagpagamot at magpapadala kaagad siya ng pera. Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabing iyon ni Tom. At sa sobrang saya, hindi ko na nagawang magtanong pa kung ano ang nangyari sa kanya at kung gaano kalala ba ang kanyang karamdaman na kailangang sa Amerika pa siya nagpagamot.

Infected cornea daw ang dahilan kung kaya nawala ang aking paningin. Ang masaklap, manatili akong bulag hanggang may mahanap kaming donor na siyang mag-donate ng kanyang cornea na kabagay ng aking mata, dugo, tissue. At iyan ang malaking problema namin dahil mahirap daw makahanap ng donor. Syempre, sa mga namatay na tao iyon. At syempre pa, kung mayroon mang source, i-test pa ito kung hindi ire-reject ng aking katawan.

Kaya pakiramdam ko ay nawalan na naman ako ng pag-asa. May gagastos na sana sa aking paggaling ngunit ang donor naman ang wala.

“Gusto mo na ba talagang makakita tol?” ang tanong ni Dante isang araw sa akin habang haplos-haplos niya ang aking pisngi.

“S-sana… Kaso malabo yata eh. Wala naman palang donor. Di ba sa patay lang nakukuha iyon? At kapag pumayag din ang mga kamag-anak na i-donate ang kanilang mga mata ng namatay na kamag-anak nila?”

“Tama ka tol… Ngunit puwede ring sa isang buhay pa, na nasa matinding kalagayan na at wala nang pag-asang gumaling. O siguro sa isang malakas na tao ngunit handang ibigay ang kanyang mga mata, mabubulag nga lang siya.”

“E… sino naman ang gagawa noon? At para sa akin pa, na hindi naman niya kakilala?”

Hindi na siya umimik.

Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong hininga.

Akala ko ay hanggang doon na lang talaga ang aking hantungan noong isang umaga, “Tol… may nahanap na donor na para sa mga mata mo. Ginagawa na nila ang test at alam mo ba kung ano ang resulta?” ang masayang sabi ni Dante.

“A-ano kuya?” ang excited ko ring sagot.

“Compatible daw! Ibig sabihin, puwedeng i-transplant sa mga mata mo ang cornea!” sagot ni Dante.

“T-talaga kuya???”

“Talaga tol. At sa sunod na linggo na gaganapin ang operasyon mo. At ang sabi pa ng mga duktor, malaki daw ang tsansang magtagumapy ang opersyon.”

Halos hindi naman ako magkamayaw sa sobrang tuwa na naramdaman. Pakramdam ko ay gusto ko ng maglupasay, sumigaw.

Napansin kong tahimik lang si Dante. Maya-maya, “K-kung manumbalik na ang iyong paningin, ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan tol ha?”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Ano ka ba kuya… ngayon pa ba ako aalis sa piling mo? Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan kuya.” Ang sabi ko.

“Salamat tol…”

Tahimik.

“S-sino kaya ang nagdonate ng kanyang cornea sa akin kuya?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“E… h-hindi ko alam tol.”

“Sa isang namatay na tao ba iyon? O sa isang… taong may matinding karamdaman?”

“H-hindi ko alam tol”

At noong nabigkas ko ang salitang karamdaman, bigla ding pumasok sa isip ko si Tom. “Kuya… hindi kaya si Tom ang nagdonate ng cornea niya sa akin? Kung kaya nasa Amerika siya nagpagamot dahil matindi ang karamdaman niya at ibibigay na lang niya ang kanyang cornea sa akin?”

“M-maaari…” ang sagot ni Dante.

At sa sagot na iyon ni Dante, Hindi ko na napigilan ang hindi mapaiyak. “Ang bait talaga ni kuya Tom! Sa una pa lamang naming pagkikita, sinagip na niya ang buhay ko. Tinulungan niya tayo noong naputol ang iyong mga paa at ngayon, ang mga mata naman niya ang ibibigay niya sa akin. P-parang ayaw kong tanggpin ang mga mata niya kuya…”

“E… kung mamamatay din lang siya, tanggapin mo na. At least may isang parte ng katawan niya na mananatiling buhay at magiging ala-ala mo pa sa kanya.” ang sagot ni Dante.

“B-bakit malungkot ang boses mo kuya?” ang tanong ko noong nahalatang parang malungkot siya.

“Hindi… nalungkot lang ako sa kinahinatnan ni Tom. Ang bait-bait kasi niya.”

“K-kaya nga eh…”

Sa gabing iyon nagpaalam si Dante na umuwi muna gawa nang wala daw magbabantay sa baby. Ang kapitbahay na nagboluntaryong mag-alaga ay may aasikasuhin daw. Pinayagan ko na lang siya.

Kinabukasan, ipinaalam sa akin ng duktor na sisimulan na raw ang operasyon pagsapit ng hapon. Magkahalong kaba at excitement ang aking nadarama.

Noong dumating na ang takdang oras, inilipat nila ako sa operating room. “Nay… nasaan po si kuya?”

“Wala dito anak… Bukas na siya makarating may inaasikaso pa sa bahay. Hayaan mo, nandito naman ako e.” ang sambit ng inay. “H-handa ka na ba sa operasyon, anak?”

“G-gusto ko po munang pumarito ang kuya po… Hintayin po natin siya nay.” ang naisagot ko.

“E… nasa bahay nga siya anak.”

Na-disappoint naman ako. Syempre, si Dante ang nagpapalakas ng aking loob. “G-gusto ko pong makausap siya nay… k-kahit sa telepono lang po.”

Narinig kong nagbubulungan sila. Marahil ang mga duktor iyon na siyang mag-opera sa akin. At may narinig akong nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

“O sige, sandali lang ha? Tatawagan natin ang telepono ng kapitbahay…”

At maya-maya nga lang ay iniabot na sa akin ang isang cell phone. “Kausapin mo anak, si kuya mo iyan.”

“K-kuya? Nasaan ka? Ooperahan na ako!!!” ang sigaw ko.

“Nandito pa ako sa bahay tol… huwag kang mag-alala, pupuntahan kita d’yan!”

“Ngayon na kuya!!!”

“H-hindi pa ako puwede. Basta ituloy lang ang operasyon at darating ako ha? Sige na po… bait naman ang bunso ko eh…” ang panunuyo pa niya.

“Kuya naman e…”

“Basta, daratnig ako ha? O sya… may gaawin pa ako. Bye! I love you! Mwah!” At pinutol na niya ang linya.

Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. Naramdaman ko sa aking mukha na may inilagay na parang gas mask at iyon na ang huli kong natandaan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na inoperahan at walang malay. Wala akong natatandaan sa oras, wala akong ideya kung isang araw ba o ilang oras dahil purong madilim lang ang aking nakikita. “K-kuya??? Inay???” ang sigaw ko.

“Nandito ako anak…” ang sagot naman ni inay. “Tapos na ang operasyon mo, at tagumpay daw ito sabi ng duktor.”

“T-talaga po? Makakakita na po ba ako?”

“Oo anak… makakakita ka na raw. Dalawang linggo kapag natanggal na ang mga bendahe sa iyong mga mata.” Ang sagot ng inay habang niyakap niya ako at tinatapik ang aking likod.

“N-nasaan po ba si kuya nay?” ang tanong ko noong naalala si Dante.

“Parating na dito anak… huwag kang mag-alala.”

At napanatag naman ang aking kalooban. At maya-maya nga ay narinig kong bumukas ang pinto at may narinig akong boses, “Kaya mo ba? Kaya mo ba?”

At narinig ko rin ang sagot ni dante na, “Kaya ko, kaya ko…”

Narinig ko ang palapit na palapit na tunog ng wheelchair ni kuya. Pamilyar na kasi sa akin iyon. “Bakit ka nila tinanong kuya kung kaya mo?”

“Ito naman o… putol kaya ang mga paa ko. Akala nila hindi ko kaya” sabay haplos niya sa aking katawan.

Inabot ko naman ang kanyang kamay at hinawakan iyon. “Bakit ba ang tagal-tagal mo ah!” ang may halong pagmamaktol at pagtatampo ko. “Naiinis ako sa iyo… Kung kailan makakakita na ako atsaka ka pa wala sa piling ko. Mabuti pa si kuya Tom. Kahit wala siya dito, lahat ay binigay niya para sa akin.”

“Sorry na… pasensya na. Mas mahal naman kita kaysa pagmamahal ng kuya Tom mo para sa iyo...”

“Iyon na nga eh… mahal mo ako pero wala ka sa piling ko. Kung namatay ako? Kung hindi ako nagising pagkatapos ng operasyon? Anong gagawin mo?”

“O sya… huwag nang magalit kasi nandito na ako at malapit ka nang makakita” ang sambit niya sabay hapols sa aking pisngi at hinalikan ang aking mga labi. “Mwah!”

At doon napawi ang aking pagtatampo.

Araw ng pagtatanggal ng bendahe sa aking mga mata. Excited na ako. Nandoon sa aking piling ang aking itay at inay. At muli, nawaa na naman si Dante. “N-asaan na naman si kuya nay?” ang tanong ko noong dumating na ang duktor at assistant niya upang siyang magtanggal ng bendahe.

“Parating na, huwag kang mag-alala” sagot naman ng inay.

Ngunit may 30 minutos na lang ang nakalipas at wala pa rnig Dante ang sumipot. “O sya, tanggalin na natin?” ang sabi ng duktor na umalis lang sandali gawa ng panghingi ko ng ilangminutong maghintay kay Dante.

“Nasaan na si kuya?” ang naiinis ko namang sabi med’yo tumaas uli ang boses.

“Malapit na raw siya. Ipatanggal na lang natin ang bendahe mo, anak. Naghintay na ang duktor.”

At wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon bagamat mabigat ito sa aking kalooban ang pagtanggal sa bendahe. Inisip ko pa naman sana na habang binubuksn ang bendahe ko, nasa tabi ko si dante at hawak-hawak ko ang kamay niya.

Ngunit wala na akong magawa. Habang dahan-dahang tinanggal na ang bendahe, hindi ko naman maiwasang sumagi sa isip si Tom. Naawa ako sa kanya, nalungkot kung ano man ang nangyari sa kanya.

Noong natanggal na ang bendahe, kinakabahan ako dahil madilim pa rin ang aking paligid noong unang ibinuka ko ang aking mga mata. Ngunit unti-unti ding may nakikita akong malabong sinag at hugis at ilang saglit pa, ay may nakikita na ako, bagamat tila may maninipis na ulap pang nakaharan. “N-nakakakita na ako!” sambit ko.

Narinig ko naman ang palakpakan ng mga nakapaligid. At nakita ko na ang aking inay, ang itay, ang duktor at dalawang nurse. Sobrang tuwa kong nanumbalik ang aking mga mata.

Noong ibinaling ko naman ang paningin ko sa isang sulok, nakita ko ang isang taong nakangiti rin at pumapalakpak. “K-kuya Tom!!!!!” ang sigaw ko. “A-akala ko nagkasakit ka at pumunta ng Amerika upang magpagamot! Akala ko ikaw ang nagbigay sa aking ng iyon mga mata!”

Tumawa lang siya, nilapitan ako at niyakap. “Hindi Tol. Nagpunta ako ng Amerika dahil nagbakasyon kami ng daddy ko at nagkataong nagkasakit ako, diarrhea. At nagpaospital. Ngunit ok na ako, kung kaya noong nalaman ko ang nangyari sa iyo at may handang donor na rin para sa iyong mga mata, kung kaya nagpadala na ako ng pera at heto, dali-daling umuwi.”

“E… s-sino pala ang nagdonate ng mga mata niya sa akin?”

“H-ahayan siya o…” sabay namang pagbukas ng pinto at tulak-tulak ng nurse ang kanyang wheel chair.

At noong nakita ko ang mukha noong nakasakay sa wheel chair, ang kanyang mga mata ay may mga bendhae pa rin, hindi ko na napigilan an gsarilign hindi sumigaw ng malakas. “Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!” Dali-dali akong bumalikwas ako sa kama atsaka niyakap siya. “Bakit hindi mo sinabiiiii? Bakit hindi mo sinabi kuyaaaaaaa!!!! Ang daya moooo!!!!!” ang sigaw ko dahil sa matinding pagkaawa ko sa kanyang kalagayan.

“P-pasensya ka na tol… Alam ko kasing hindi ka papayag kapag nalaman mong ibigay ko sa iyo ang aking mga mata. Gusto kong ikaw ang makakita kasi…” napahinto siya ng bahagya noong ang boses niya ay nag-crack, tanda na napaiyak siya. “… kasi, ako naman talaga ang may kapansanan eh. At… sa ganitong paraan ko rin mabayaran ang mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Di ba ang dami-dami mong mga sakripisyo at pagsubok na hinarap nang dahil sa akin. Naawa ako sa iyo. Pero ok lang naman sa akin kasi alam kong hindi mo ako pababayaan, hindi mo ako iiwan, di ba? Iyan ang pangako mo sa akin…”

“Kuya…” ang naisagot ko na lang.

“Ngunit may good news naman ako sa iyo tol…”

“A-ano iyon kuya?”

“Magkapatid kami sa ina ni Tom…”

Napatingin ako sa aking inay at itay. “Tama si kuya Dante mo, tristan. Mahabang kuwento ngunit naging katulong ng pamilya ng mga Villas ang ina ni Dante. Nabuntis ito ng ama ni Tom at noong mdiskubre ito, pinalayas siya ng yumaong lola ni Tom sa tahanan nila. Nag-imbento lang daw ito ng kuwento upang makatikim sa yaman ng mga Villas…”

“At huwag ka ring mag-alala tol… dahil kasalukuyang naghahanap na rin ang daddy; daddy namin ni Dante ng maaaring maging donor ng cornea upang makakitang muli ang aking kapatid. Bilib na bilib ang daddy sa ipinakitang pagtulong niya sa iyo. Alam mo naman ang daddy, may dugong pilantropo, mataas ang respeto sa mga taong mapagbigay. Kahit saang sulok ng mundo, hahanapin namin ang donor na iyan. Makakita din siya, huwag kang mag-alala. At tungkol naman sa pagkaputol ng mga paa ni Dante, hindi na rin problema iyan” at ipinakita niya ang dalang box na noong binuksan, ang laman ay mga prosthesis, o iyong artificial na mga paa at parang normal lamang itong paa kapag isinuot at nakakalakad ng normal, nakakatakbo...

Tuwang-tuwa naman si Dante sa narinig. Noong inabot ang mga ito sa kanya, hinahaplos-haplos niya.

“M-makakalakad ka na rin k-kuya” ang nasambit ko bagamat nalungkot din ako sa kalagayan niya, kung kailang pa siya nabulag. “S-sana, ako na lang ang naghintay sa donor eh… kasi ganoon pa rin naman. K-kagaya ngayon, makakalakad ka na sana muli. K-kaso, di ka naman nakakakita.”

“Hayaan mo na. Mas gusto kong ako ang maghintay kaysa ikaw. Malay mo, hindi makahanap ng donor e, di tuluyan ka nang mabulag.”

“E, ngayon kung hindi makahanap ng donor, e di ikaw naman ngayon ang tuluyang mabulag?”

“Ok lang… mas nanaisin kong ako mabulag ng habambuhay kaysa ikaw. Sobra-sobra na ang mga sakripisyo mo sa akin. Hayaan mong ako naman ang magparaya… Atsaka hindi ka ba masaya na may bahagi ng katawan ko na nasa iyo? Ang sarap kayang isipin na nakikita ng taong mahal ko ang kulay at ganda ng mundo dahil sa aking mga mata.”

At muling niyakap ko si Dante. Iyong pakiramdam na sobrang touched sa ginawa niya. “S-salamat kuya” at hinalikan ang kanyang mga labi. Doon ko narealize kung gaano niya talaga ako kamahal.

“K-kung pwede nga lang sana kitang pakasalan eh… ginawa ko na. Kaso, hindi. Kaya at least, d’yan, sa mata kong nasa iyo, parang na ring buo tayo.”

“T-talaga kuya? P-pakasalan mo sana ako?”

“Oo… kung maaari lang.”

Iyan ang sinabi niyang tumatak sa aking isipan.

At habang naghintay si Dante sa donor ng cornea, nagpapraktis naman siya sa paggamit sa prosthesis na ibinigay sa kanya ni Tom. At madali siyang natuto. Kung hindi lang siya bulag, malamang na nakatatakbo na rin ito. Naengganyo kasi sa ikinuwento ni kuya Tom tungkol sa isang South African runner na si Oscar Pistorius na bagamat naka-prosthesis lamang ay sumali sa mga international at Olympic competitions na ang mga kalaban ay may mga kumpletong paa. At palagi siyang nanalo, at tinaguriang blade runner.

Lumipas ang anim na buwan, ipinadala kami ng daddy ni Tom sa America. Ako, si Dante, ang anak niya sampu ng aming mga magulang. Doon kasi nila naisipang ipaopera ang mga mata ni Dante, at gusto rin ng daddy nila Tom na isama kami dahil sa isang sorpresa na pinaplano niyang ibigay kay Dante kapag bumalik na ang paningin nito. Ginastusan talaga nila ang aming pagpunta. May nakita na kasing donor para sa mga mata ni Dante at kailangan na siyang maoperahan.

Sobrang saya ko at ng aking mga magulang noong nakarating na kami ng Amerika. Sa buong buhay ko, hindi ko akalain na makarating ako sa lugar na iyon. At syempre, ganoon din ang naramdaman ng aking mga magulang. Imagine, nagtitinda lang kami ng mga tingi-tingi na asukal, mantika, asin, ahos at iba pa sa kanto-kanto, at biglang nakatungtong kami sa Amerika. Parang isang panaginip lamang ang lahat.

Anyway, naoperahan si Dante at natapos ito. At ang sabi ng mga duktor, matagumpay daw na nagawa ito. Pati ang sistema niya ay hindi ni-reject ang cornea na inilipat sa mata niya.

Sumapit ang araw na tatanggalin na ang bendahe. Ibayong sigla ang aking naramdaman. Hindi ako magkamayaw sa aking gagawin.

“Tol… Di ba tatanggalin lang naman nila ang bendahe ng aking mga mata? B-bakit kailangan pang sumakay tayo ng van?”

“Ah… eh, a-ano… ang daddy ninyo ni kuya Tom ay nasa mansyon ninyo at may sakit, hindi siya makapunta at gusto niyang doon gaganapin ang pagtanggal sa bendahe mo at siya ang isa sa mga taong dapat ay una mong makita. Hindi mo pa siya nakita di ba?”

“Hindi pa...”

“Kaya ganoon.”

“At bakit parang bihis na bihis ata ako sa aking porma? Atsaka hinipo ko ang aking prosthesis, parang ang ganda-ganda ng aking sapatos na suot?”

“E…” ang nasambit ko na lang. Hindi ko kasi alam kung paano ipaliwanag. At ang naging alibi ko na lang ay, “G-ganyan talaga ang mga mayayaman dito sa Amerika kuya! Kapag mayaman ka dito, kahit nasa bahay ka lang ay naka-Amerikana ka!”

Lihim naman na napahagakhak sina Tom at ang aking mga magulang na kasama naming nakasakay sa sa van.

“N-niloloko mo naman ako tol eh. Nagtawanan ata sina kuya Tom at inay at itay eh!”

“Iba naman ang pinagtawanan nila ah! Huwag ka kasing magpahalata. Baka sabihin ng mga taong ignorante ka. Basta ok lang iyang suot mo. Promise!”

Nakarating din kami sa itinakdang lugar. Actually, sa mansion naman talaga nila iyon, sa malaking bulwagan na mistulang isang auditorium ang laki. Napakaganda ng lugar, punong-puno ito ng palamuti at handa na rin ang mga streamers, ang mga malalaki at mababangong bulaklak, ang mga sound system, ang mga pagkain, ang mga bisita, isang sorpresa na angkop para sa isang anak-mayaman na nawala ngunit natagpuan...

Pakiwari ko ay puputok ang aking dibdib sa sobrang magkahalong matinding kaba at excitement. “G-ganito pala ang mga mayayaman…” bulong ko na lang sa sarili. Para akong lalamunin sa ganda at pagka elegante ng lugar. Parang bahagi lamang ako sa mga palamuti nito.

Sa gitna ng bulwagan pinaupo si kuya, sa gitna ng magkabilaang nakahilerang mga upuan. Nagpahinga sandali at noong sinabi ng duktor na tatanggalin na ang bendahe sa mga mata niya.

“Tatanggalin na ang bendahe ko tol! Nasaan ka? Dapat nandito ka sa gilid ko!” ang sigaw niya noong aalis sana ako.

“Ikaw nga, wala sa tabi ko noong tinanggal ang bendahe ko eh. Dapat wala rin ako!”

“Tado ka! Halika rito! Hawakan mo ang kamay ko!”

“Nandito lang ako kuya…” ang sambit ko bagamat hinila na ako ng aking mga magulang sa gitna ng pasilyo.

Hindi na siya nakapalag noong sinimulan na ng duktor ang pagtanggal sa kanyang mga bendahe.

Inadjust ang ilaw sa bulwagan, iyong may pagka-dim light na bahagya. Noong tuluyan nang natanggal ang lahat ng bendahe sa mga mata niya, hinid ko naman mailayo ang aking paningin sa mukha niya. Pansin ko ang tila pagka-disoriented niya. Naalala ko ang naramdaman ko noong ako naman ang inoperahan at tinanggalan ng bendahe. Na-imagine ko ang nakikitang dilim sa simula hanggang sa unti-unting luminaw ang paligid.

Nakita kong inikot niya ang kanyang mga mata. At sabay sa pagliwanag ng kanyang mukha ay pinatugtog ang kantang, “All My Life”

videokeman mp3
All My Life – America Song Lyrics


All my life, without a doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share

All the things this changing world can offer
So I sing, Id be happy just to
Stay this way, spend each day, with you

There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time but then I chose to lay it on the line

I put the past away
I put the past away
I put the past away

All my life, I will carry you through
All my life, between each hour of the passing days
I will stay with you

There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time then I chose to lay it on the line

I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I wanted this all my life

Ang kantang iyan kasi ang paborito niya. Nagflash-back tuloy ang eksenang galit na galit ako noong pinag-aralan niyang kantahin at gitarahin iyan gamit ang hiniram na gitara ng kapitbahay.

“Kuya naman! Magpatulog ka!!! Ang sakit sa tainga!!!” Paano basag na nga ang tunog ng gitara, magkahiwalay pa ang mga tono nila.

“Kaya nga nagpraktis eh!” sagot naman niya.

“Ayoko! Ayoko! Ayoko! Arrggghhhh!”

At tumahimik siya, ibinalik sa kapitbahay ang gitara atsaka tumabi na sa akin sa pagtulog.

Kinabukasan, nakita ko ang kudigo niya sa mga chords at sa itaas ng papel ay may nakasulat na, “Theme song ko para sa mahal na mahal kong utol...”

Doon ako natouched sobra at naawa rin sa kanya kasi pinagalitan ko pa. Kaya noong nasa kuwarto na kaming muli, sinabi ko sa kanya na gusto kong kantahin niya muli ang “All My Life”

“Ayoko nga! Sagwa kaya ng boses ko!” ang pagtatampo niya.

“Hindi ah! Masama lang pakiramdam ko noon.”

“Sure ka na gusto mong kantahin ko?”

“Opo...”

At iyon ang simula. Palagi na niyang kinakanta iyan sa akin. Kapag nagagalit ako, naiinis, nalulungkot, kinakanta niya sa akin. Sinasabayan ko na rin siya. Wala akong pakialam kung naiingayan ang kapitbahay o sumakit din ang mga tainga nila. Basta para sa akin, ang kanta niya ang pinakamagandang kanta na narinig ko.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Naalala ko ang hirap ng buhay naming, ang aking mga pinagdaanan, ang mga sakripisyo ko sa pag-ibig kay Dante. Ang buong akala ko ay hindi kami aabot sa ganoon.

Noong narinig niya ang kanta, ang hinanap kaagad ng paningin niya ay ako. At noong nakita na, “Tol!!! Nakakita na muli ako tol!!! Andaming tao tollll!” sigaw niya.

Natawa lang ako sa pagsisigaw niya. At habang nasa ganoon siyang ka-excited, ipinakilala naman siya ng duktor sa kanyang daddy. Parang isang iglap lamang iyon dahil pagkatapos noon ay ineskortan na siya nito sa pagmartsa sa gitnang pasilyo patungo sa kinaroroonan ko kung saan naman ay pinagitnaan ako ng aking mga nakaposturang magulang: naka barong-tagalog si itay at naka Filipina-gown naman ang inay. Sosyal na sosyal.

Kitang-kita ko sa mukha ni kuya ang pagkalito na ang isip ay tila nagtatnong sa daddy niya kung anong nangyari o kung saan sila patungo.

At habang nasa ganoong kalituhan si Dante, unti-unti namang ibinaba ang streamer galing sa itaas ng bulwagan na may nakasulat na, “Congratulations Dante-Tristan on your wedding!” sabay laglag ng mga confetti na may iba’t-ibang kulay at ang pag-ilaw na ng buong bulwagan.

Kitang-kita ko sa mukha ni Dante ang matinding pagkamangha. Tinitignan niya ako, abot-tainga naman ang ngiti niya, nakuha kung ano ang ibig sabihin ng okasyon.

Noong nakarating na sila sa aming kinatatayuan, nagmano siya sa mga magulang ko at niyakap siya ng aking inay at itay. “Alagaan mo si Tristan Dante… ngayong mag-iisang dibdib na kayo.”

Nakita ko ang mga luhang dumaloy sa mga mata ni Dante. “Huwag kang umiyak ah! Magka-impeksyon iyang mga mata mo!” sambit ko.

At kinurot niya ang aking pisngi sabay sabi ng, “Ikaw kasi… di mo sinabi ang lahat ng ito”

“Surprise kuya… surprise!”

Niyakap niya ako at hinalikan sa bibig.

Kumawala ako, “Hindi pa nga sinabi ng pari na kiss the bride, er… partner eh! Baka pagalitan tayo!” biro ko.

At nagtawanan na lang kami habang ipinagpatuloy ang pagmamartsa patungo sa harap ng bulwagan kung saan nakalagay ang platform na aming puwesto para sa seremonya ng kasal.

At habang nagmartsa kami, ang kantang ito naman ang pinili kong ipatugtog. Nagustuhan ko kasi ang kahulugan ng kanta lalo na sa mata niyang siyang dahilan upang Makita ko ang kulay at ganda ng buhay, na sinabi din sa kanta, “...and you brought out the colors, what a gentle surpise; now I’m able to see all the things life can be, shinin’ soft in you eyes, now I’m able to see all the things life can be
shinin’ soft in your eyes...”


videokeman mp3
You Decorated My Life – Kenny Rogers Song Lyrics


All my life was a paper,
Once plain, pure and white;
‘Till you moved with your pen,
Changin’ moods now and then
‘Till the balance was right.
Then you added some music,
Ev’ry note was in place;
And anybody could see all the changes in me
By the look on my face.

And you decorated my life,
Created a world where dreams area apart.
And you decorated my life
By paintin’ your love all over my heart,
You decorated my life.

Like a rhyme with no reason in an unfinished song;
There was no harmony life meant nothin’ to me,
Until you came along.
And you brought out the colors,
What a gentle surpise;
Now I’m able to see all the things life can be
Shinin’ soft in you eyes
Now I’m able to see all the things life can be
Shinin’ soft in your eyes

And you decorated my life;
Created a world where dreams are apart.
And you decorated my life
By paintin’ your love all over my heart,
You decorated my life.

At noong nakarating na kami sa harap ng altar at pastor, siguro naman ay alam na ninyo kung ano ang sunod na nangyari: Nag-“I do” kami, nagsumpaan, atsaka itinuloy ang halikan...

Ngayon, sa Amerka na kami nanirahan kasama ang aming mga magulang. May maliit na shop na ibinigay sa amin ng daddy nina Tom at Dante, at minamanage namin kasama ang aking mga magulang.

Si Dante naman ay hindi lang nakakalakad gamit ang kanyang prosthesis kundi isang runner na rin kagaya ng kanyang idol. Gusto raw niyang sundan ang mga yapak ni Oscar Pistorius.

Kumpleto na ang aming pagsasama. At dahil nasa amin ang baby ni Dante, buo na ang aming pamilya. Buo na rin ang aming buhay.

Wakas.

PISO


By: Justyn Shawn

Authors' Note: 

Pagpasensyahan nyo na po ang gawa ko..hehehe wala na kasing bagong post ehh kaya naisipan kong mag post ng kwentong sablay..hahaha  

-------------------------------------------------------------------------------------------------


Napakaganda ng tanawin sa ilog na lagi kong pinupuntahan upang maligo at makapag isip-isip. Isa sa laging pinupuntahan ng mga tao rito ang ilog na iyon dahil sa mga nakapalibot na punong kahoy na nagbibigay ng lilim at preskong hangin na taglay nito. Di gaanong malalim ang ilog na ito at napakalawak, napakalinaw at sadyang napakalamig ang tubig dito.

Masasabing perpektong puntahan ng mga taong nais na magpalamig sa init ng panahon.

“Tol, ako nga pala si Zaldy. Taga kabilang bayan. Ikaw?” tanong nya sa akin na kumuha ng aking atensyon sa mga sandaling iyon sa aking pagmumuni-muni.

“Ahh..ehh. Jose pala.” Nauutal kong sabi sa kanya. Di ko kasi sya kilala pero sa kanyang ngiti ay parang nawala lahat ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon. Parang ikinulong nya ako sa taglay nyang kapangyarihang at napatitig na lang ako sa kanya.  Hindi man ako ang tipo ng taong nakikipagkilala kani-kanino lang. iba pa rin ang dating nito sa akin.

Si Zaldy. Tama lang ang laki. Hindi maputi at hindi din naman maitim ang kutis ng kanyang balat. Pantay ang kanyang mga mapuputing ngipin na una kong mapansin sa kanya nung nginitian nya ako at talaga namang nakakaagaw ng atensyon. Mayroon din siyang dimples na bagay na bagay talaga sa kanya at lumalabas sa tuwing siya ay ngingiti. Ngunit ang talagang nakakuha sa aking atensyon ay ang kanyang malamlam na mga mata na parang may kakaibang kapangyarihang taglay at parang ako ay kanyang hinihipnotismo sa mga sandaling yun. Dagdagan pa ng makakapal ngunit napakagandang kilay na tumerno sa kanyang mga singkit na mata.

“Oh bat parang natulala ka dyan? May dumi ba sa mukha ko? Tanong nya sa akin na para naman akong binuhusan ng malamig na tubig na nagpagising sa akin sa aking mahimbing na panaghinip.

“A-Ahh…E-ehh. Wala. Wala kang dumi sa mukha” nanginginig kong tugon sa kaya.

“Eh bat para kang nakatulala at nananaghinip dyan ng gising? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong tulad ko?” Mayabang na tugon nya sa akin habang sya ay papalapit at tumabing umupo sa akin. Ngunit nakapagpainit ng aking laman at tumaas sa aking ulo na naging dahilan upang mamula ang aking pisngi kahit na ako ay moreno ang kutis.

“Di naman ahh. Mas gwapo kaya ako sayo. May iniisip lang talaga ako kanina” mayabang ko ding sabi sa kanya. “Ano nga ulit ang pangalan mo?”itinanong ko ulit dahil sa nakalimutan ko ang kanyang pangalan.

“Zaldy pala.” Sabi nya sabay abot ng kanyang kamay sa akin. Nakipagkamay naman ako sa kanya at ngumiti at dali daling tinanggal agad kamay ko sa kanyang pagkakahawak dito. Baka kasi may mahalata na naman siya sa mga kilos ko. Pero sa totoo lang gusto ko ulit mahawakan ang kamay niya. Napakalambot kasi nito at para bang iba ang dalang init ng palad nya sa aking katawan.

Di ko alam ang magiging reaksyon sa kanyang ginawa pero nagdulot talaga ito sa akin ng kakaibang nararamdaman sa una pa lang naming pagkikita. Para akong maiihi na ewan.  Para akong kinikiliti sa pagkatabi pa lang namin at nang dumikit ang kanyang mga balat sa akin. Iba talaga ang naging epekto sakin ng mokong na ito.

“Lagi ka bang nandito Jose?” dagdag na tanong nya sa akin.

 “Oo, lagi akong nandito para makapag isip ng mga bagay bagay.” sabi ko sa kanya.

Itong ilog na din kasi ang nagging takbuhan ko sa twing ako ang may dinadalang hinanakit sa mundo. Noong naging isang ulilang lubos ako. Sa mga hinanakit ko sa magulang ko sa pag iwan nila sakin.  Mga pasakit na dinaranas sa buhay ko ngayon. Mga katanungang bumabagabag sa akin. Dagdagan pa ng natuklasan ko tungkol sa aking sarili. Sa aking katauhan. Na ako ay nagkakagusto din sa kapwa ko lalaki.  Dito sa mismong lugar na ito ko ibinuhos ang lahat ng mga ito. Sadya kasing stess reliever ang lugar na iyon sa ganda at para rin akong nakakakuha ng mga kasagutan na aking iniisip.

“Nga pala Jose, parang tayo lang ‘tong piso ohh.” Nakangiti ngang banggit sa akin.

“Bakit mo naman nasabing parang tayo lang yung piso? Ano yun piso lang halaga natin sa gwapo nating ito?” tanong ko sa kanya na naguguluhan din kung pano nya nasabi yun.

“ahh kasi si Jose Rizal ang nakalagay sa piso diba? Ikaw si Jose at ako naman yung Rizal. Kay Rizal din kasi kinuha yung pangalan ko.” Nakangiti nyang wika sakin. “…at isa pa hindi makukumpleto ang isaang daan kung walang piso diba? Parang ikaw at ako.  Di ako kompleto pag wala ka.  At di ako papayag  na piso lang ang halaga ko, ang cute cute ko kaya.” Matawa-tawa nyang dagdag.

“Ano daw? Di sya kompleto pag wala ako? Nakadrugs ba to?”natatawang sambit ng aking utak. Di ko alam ang mararamdaman pero para akong kinilig na ewan sa kanyang sinabi.

“Ahhhh…”yun na lang ang sabi ko sabay paiwas ko syang tiningnan . Di ko kasi alam kung ano mangyayari kung magtama na naman ang aming mga mata. Baka tuluyan na akong lamunin ng aking kamunduhan. Parang ngayon lang kami nagkakilala pero ang lakas talaga ng hatak nya sakin.

Habang nasa ganung posisyon ako ay naalala ko naman ang mga nakalipas na sandali sa aking buhay at mga bigat at sakit na pinagdaraanan ko. Ganito pa rin ba ang takbo ng buhay ko kung buhay lang sana ang mga magulang ko ngayon? Kaya ko pa kayang mamuhay sa mundo ng mag isa at walang karamay? Pagod na pagod na kasi ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Lugmok na lugmok ako. Hindi ko alam kung bakit sa lahat na lang ng pagkakataon feeling ko pasan ko ang bigat ng mundo. Puro pagdurusa na lang ang aking nararanasan. Gusto ko ng sumunod sa aking mga magulang na namayapa na.

 At nakita ko na lang ang aking sarili na tumulo na ang aking luha at agad ko naming pinunasan ito para di mahalata ni Zaldy. Ngunit huli na ang lahat. Kanina pa pala sya nakatitig sa akin at pinagmamasdan ako.

“Tol, alam ko may pinagdadaanan ka ngayon, alam ko din na gusto mo ng sumuko dahil sa mga nakita ko sayo. Di ka naman kasi iiyak ng wala lang eh. Pero masasabi ko lang na kaya mo yan. Lahat ng nangyayari sa atin ay may halaga at plano ang Diyos kung bakit natin ito pinagdaraanan ngayon.” Sabi nya sakin.

"Lagi mong tingnan kung hanggang saan o kung ano na narating mo kesa sa kung gaano pa kalayo ang pupuntahan mo. Lagi mong bilangin kung anong meron ka, hindi kung ano ang wala ka. Kapag nga ang tao ay nagdurusa, nagtatanong sila kung bakit ako? Bakit sa kanila nangyari ang ganung bagay? Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng pagbigyang ng problema ehh sa kanila pa ito binigay pero hindi sila nagtatanong kung bakit sila nakakatanggap ng biyaya diba?” dugtong niya. Bagama't may kirot na dulot sa akin ang mga katotohanang sambit ni Zaldy ay may kaunting kiliti naman itong dulot sa akin habang nangungusap ang nanlalambing niyang mga tingin sa aking mga matang bakas ang dinadalang problema.

"Ano kayang buhay ang mayroon ang taong ito? Sa kanyang mga sinasabi'y may bahid ng kaunting lungkot na mga titig ay dama kong tila pareho o mas higit pa ang kanyang karanasan?" ang tanong ko sa aking sarili habang pinakikinggan ng mabuti si Zaldy.

“Salamat tol. Pero di ko na ata talaga kaya ehh. Para akong pinagkaitan ng tadhana sa mga pinagdaraanan ko. Lahat na lang ata ng problema sa mundo pasan ko na. Ang sakit sakit ehh. Masakit dahil ganito ang buhay ko ngayon. Problema, problema at problema lang ang gumigising sa akin araw araw. Di ko tuloy maiwasang sisihin ang mga magulang ko. Kung hindi sana nila ako iniwan, naging masaya sana ako kahit papano dahil andyan sila at kompleto kami. May gumagabay sa mga mali ko, may nagtatanggol kapag ako ay inaapi at may magpapayo kung ano ang tama at mali sa mga desisyon ko hindi tulad ngayon na mag-isa kong kinakaharap ang lahat ng ito.”sambit ko kay Zaldy habang di ko maiwasang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Ang mga problema na nararanasan natin sa buhay ay para lang yang isang malaking hadlang sa mga daraanan natin. Sila ang nagbibigay sa atin ng lakas. Lakas upang labanan ang mga susunod pang pagsubok na darating sa ating buhay. At di natin napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok na dadating sa atin kung wala tayong problemang kakaharapin."sagot naman ni Zaldy sa akin.

Hindi ko akalaing ganito kalawak ang pananaw niya sa buhay. Marahil may pinagdaanan siyang higit sa  kalagayan ko ngayon. Pilit na ngiti na lang ang ibinalik ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili.

"Alam mo, ang isang diamante ay di pwedeng kumintab kung di mo kikiskisin ito. Ang ginto ay di mo mahihinang ng walang apoy. Ang mabubuting mga tao ay nakakaranas din ng matinding pagsubok sa buhay ngunit di sila nagpapadaig dito. Ginagamit nila ang karanasan nilang ito para magtagumpay sa buhay nila para maging mas mabuti at matatag tao." Ang matalinhaga niyang patuloy sa kanyang pagpapaliwanag ngunit dahil sa kanyang itsura, galaw at pangungusap ay nakaramdam ako ng kakaibang
init sa aking puso't naging mabagal at malakas ang tibok ng aking dibdib. Para akong ewan na hindi ko maintindihan dahil sa problema't seryoso ang aming usapan ngunit ang laman ng aking puso't isipa'y
unti-unting pinapalitan ng aming kalagayan at si Zaldy.

Habang patuloy lang siya'y natulala na ako kay Zaldy. Para akong nanaginip ng gising at di ko na napansin na tapos na siya sa  kanyang sinasabi.

"Tol? Natutulala ka nanaman sa akin... Ikaw ha.... Nakakahalata na ako." sabay bagon niya. Hinila pabalik ng kanyang sinabi ang aking ulirat at napansin ko na lang siyang biglang bumangon tangan ang piso
at tila nagpapahabol na tumungo sa gilid ng ilog.

“Tara na nga. Mag hanapan na lang tayo nitong piso. Ang drama na natin eh”. “Ihahagis ko ‘to tapos hahanapin natin ha?”dagdag na sabi nya sakin habang nakangiti at ako’y napa-oo na lang sabay hubad ng aking mga damit at iniwan ko na lang ang aking brief na aking tanging saplot sa aming paliligo.

Nakita ko sya sa kanyang ginagawa na naghuhubad din ng kanyang saplot sa katawan. Di ko maiwasang tumitig sa kanyang ginagawa at mamangha sa kanyang katawan. Hindi man maskulado pero hindi naman din mataba ang kanyang pigura. Sakto lang kumbaga. Tanaw ko mula sa aking kinalalagyan ang balahibong pusa niyang balbon sa katawan na tipo ko sa isang lalake.

“Hmmmmn ang sarap siguro lapain ni Zaldy?” intrega ng aking malanding utak.

“Oh, anong tinitingin tingin mo dyan? Kanina ko pa napapansing nakatitig sakin ahh? Type mo ba ako ha?” preskong pagpuna nya sa akin na nakapagpula na naman sa aking pisngi.

“Ahh. Ehh….di ahh” nanginginig kong sagot sa kanya.

Ramdam ko ang pagkahiya kanina sa kanyang mga sinabi kaya hinubad ko na lang ang natitira kong saplot para din maipagmayabang ko ang angking kagwapuhan at angking kakisigan. Di naman sa maipagmamayabang pero madaming nagsasabing hawigin ko daw si Derek Ramsay. Tipikal ang pagkamoreno ng aking balat dahil na rin siguro laging babad sa araw. Malalaki ang katawan at maskulado dahil na rin siguro sa mga mabibigat kong gawain upang mabuhay. May mapuputi at pantay na mga ngipin ngunit walang dimples tulad ng kay Zaldy.

Nakita ko ang kanyang reaksyon sa aking ginawa kaya napangisi na lang ako. “Ano ka ngayon ha?” sa isip ko lang.  “Oh? Bat ikaw naman ngayon ang nakatulala dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nakahubad sa harap mo? Hinubad ko na rin brief ko para wala na ako patutuyuin bago umuwi. Tayo lang din naman ang tao kaya hinubad ko na.” nakangiti kong sabi sa kanya.

May fiesta kasi sa kabilang bayan kung saan si Zaldy nakatira kaya siguro walang katao-tao ang lugar na yun nung mga panahong yun.

“Ahh oo nga noh? Tayo lang tao.hehehe Sige na nga, maghuhubad na din ako. Wala din akong dalang pamalit ehh” Nakangiti nyang sabi sa akin.

Matapos kong maghubad ay agad akong lumusong sa tubig upang makaupo sa may bandang sulok ng ilog. Mayroon kasi itong parang kweba na maliit upang gawing umpukan sa tuwing may gustong mag inom dun. Nakita ko naman si Zaldy na tapos ng maghubad ata may kinuha sa kanyang bulsa bago pa ako sundan sa aking pinuntahan.

Tangan niya ang piso at agad akong sinundan kung saan ako nandoon.  

“Game?..” tanong nya sa akin nang makarating siya sa aking kinaroroonan.

Ang sarap ni Zaldyng tingnan sa kanyang itsura. Hingal. Basa ang katawan. Hubot-hubad. “Ang halay mo talaga Jose.” Sambit naman ng echosera kong isipan.

Dali dali kaming nag unahan kung saan ni Zaldy tinapon ang piso para hanapin namin. Sisid sisid kong tinatanaw ang piso sa ilalim ng ilog kung saan ni Zaldy i“Hoy!..ano game na?..”tanong ulit nya sa akin.

“Ha? Ahhh… ehhh… O-oo..” di mapakaling sabi ko sa kanya.

Inihagis nya mula sa kanyang kinatatayuan ang piso sa malalim-lalim na parte ng ilog kung saan naming unahang hahanapin ito.

to itinapon. Hingal na hingal akong hanapin ito ngunit hindi ko talaga ito makita.

Napansin ko na lang na hindi na sumisisid si Zaldy at lihim na pinagtatawanan ako sa aking itsura. Hingal na hingal ako sa aking paghahanap pero wala talaga akong makitang piso. Una na pala itong nakita ni Zaldy at itinago lang sa akin at hindi sinabing nakita na nya ito.

Nainis ako sa kanyang ginawa kaya “Ikaw na lang mag laro sa piso mo” tamputampuhan kong sabi sa kanya. Hindi naman maalis sa akin na nag enjoy ako sa paghahanapan naming ng piso. Dagdagan pa ng damdamin kung unti-unting umuusbong para sa kanya.

“Sorry na. Hindi na mauulit hehehehe.”natatawa nyang sabi sa akin. “Oh ikaw naman mag tapon nitong piso” dagdag nya pang sabi sa akin. Ewan ko rin ba pero pag si Zaldy ang kasama ko, hindi ko kayang magalit sa kanya at parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Parang wala akong problemang pinagdaraanan.

Habang inaabot nya sakin ang piso ay palihim nya namang hinimas ang aking kamay. Di ko alam ang magiging reaksyon ko sa ginawa nyang iyon. “Pinaglalaruan ba ako nitong tarantadong ito?”isip ko na lang. “Eh bakit? Gusto mo din naman yan diba?”intriga na naman ng aking malanding utak.

Agad ko naman itong tinapon ang piso upang hanapin ito habang di pa nya nakikitang pinamulahan na ako ng aking pisngi sa pagkakahawak nya ng aking kamay. Sinisid ko kung saan ko ito itinapon.

Agad ko naman itong pilit na kinuha. Ngunit di ko pala alam na malapit na din ito makuha ni Zaldy at pagka dampot at pagka dampot ko ng piso ay sya rin naming dampot nya dito. Sa ginawa naming iyon ay di naman maiwasang magkahawakan kami ng aming mga kamay. Pero hindi ko binigay ang piso sa kanya habang inaagaw nya ito sa aking kamay habang nasa ilalim kami ng ilog.

May pustahan kasi kami na kung sino ang kulelat sa puntos ng aming hanapan ay manlilibre sa rides sa kabilang bayan kung saan ngayon may fiesta. Kaya ayaw ko ding magpatalo dahil wala akong ipanggagastos para doon.  Isip ko pa nung una baka date ang hanap nito kaya niyaya nya akong sumama sa kanya pero nagsabi naman sya sakin na gusto nya daw akong makilalang mabuti dahil gusto nya akong maging matalik na kabibigan. Napakagaan daw kasi ng loob nya sakin at halos pareho kami ng pinagdaraanan sa buhay.

Hindi ko talaga hinayaang maagaw ni Zaldy sa aking kamay ang piso na hawak ko na ngayon. Habang gusto ko sana nang lumusong upang kumuha ng hangin ay hinila naman ako ni Zaldy pababa at niyakap nya ako habang hawak pa rin ang kamay kong may tangan na piso. Ramdam ko naman sa aking likod ang kanyang malaki-laking armas na kumikiskis sa aking likuran dahil sa hubot hubad kaming naligo.

Sa pagkabigla ko naman sa kanyang ginawa ay buong lakas ko syang tinaboy sa akin at dahil nauubusan na din ako ng hangin sa katawan. Kaya nabitawan nya ako at nakaahon na habang hingal na hingal at pilit na hinahabol ang aking hininga.

“Ang daya naman.” Singhal ko kay Zaldy habang pilit ko pa ring binabalik sa normal ang aking hininga.  “kapag nakuha na ang piso, wala ng agawan. Ang daya daya mo ehh”dagdag ko pa dito.

Nang makapag ipon na ako ng nawalang hangin sa aking katawan at lakas sinabihan ko syang dun kami sa may mala-kwebang parte ng ilog kung saan kami nag-usap kanina magmumula upang hanapin ang piso.

Nauna akong makaakyat sa parteng iyon ng ilog. At agad naman akong sumigaw ng “Game!!!!” at dali dali kong hinagis ang piso sa di kalayuan habang di pa sya nakakaakyat sa dapat naming pwesto. Dali dali akong nagdive sa ilog upang hanapin ang piso na aking hinagis.

Di ko inaasahang sa kagustuhan ko ring makapanglamang sa kanya ay ako pa ang mapapahamak dahil mababaw pala ang parte ng ilog na iyon kung saan ako nag dive. Nabagok ang ulo ko at nawalan ako ng malay-tao.

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos kong lumusong sa tubig. Parang may mga puting alitaptap na nagliliparan na aking natatanaw. Masakit ang aking ulo. Nahihilo at di makahinga.


_______________________________
Zaldy
_______________________________


Nagpustahan kami ni Zaldy sa paglalaro ng piso. Ang napagkasunduan naming premyo kung sino man sa amin ang makakakuha ng mas madaming puntos ay ililibre kung ano man ang gusto nitong sakyang sa rides. Fiesta kasi noon sa bayan namin.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto ang pustahan na iyon. Wala kasi akong maisip na idadahilan sa kanya upang makasama ko sya mamayang gabi sa perya. Gusto ko siyang makasama. “Sana nga lang di nya akalaing date ito” sambit naman ng aking isipan.
Nakita ko siyang oumunta sa may mala-kwebang bato sa gilid ng ilog at agad ko syang sinundan. Hingal akong nakalapit dito.  “Game” sambit ko sa kanya.

Pero para naman siyang natulala na ewan habang pinagmamasdan ako. “Pinagpapantasyahan kaya ako nito?” isip ko lang pero may dala rin itong kilig sa akin.

“Hoy!..Ano? Game na!?!?”sambit ko ulit sa kanya at nagpabalik sa kanyang ulirat.

“Ha? Ahhh… ehhh… O-oo..” di mapakaling sabi niya sa akin.

Inihagis ko ang piso mula sa aking kinatatayuan sa malalim-lamin na parte ng ilog kung saan sa tingin ko hindi niya madali itong makita at makuha.
Agad ko naman itong sinisid noong nakita ko siyang sumisid na rin upang hanapin ang piso. Hindi siya gaanong marunong lumangoy kagaya ko kaya mas nauna akong makapunta at makuha kung nasaan ko inihagis ang piso.

Nung nakuha ko na ito pilit kong hindi ipinaalam sa kanya at lihim siyang pinagmasdan habang pilit pa rin niyang hinahanap ang piso kung saan koi to hinagis. Kay sarap niyang pagmasdan sa kanyang katayuan. Para akong naaawa na kinikilig na ewan.

Napag alaman niya na hindi na ako naghahanap ng piso na dapat na hinahanap naming noon at nakita niya rin na lihim ko siyang pinagmamasdan habang pinagtatawanan kaya napaamin na lang ako na nakita ko na ito.

“Ikaw na lang mag laro ng piso mo”sambit niya sa akin ng may halong pagtatampo pero aninag pa rin sa kanya na nasayahan din siya sa gingawa naming laro.

“Sorry na. Hindi na mauulit hehehehe.”natatawa kong sabi sa kanya. “Oh ikaw naman mag tapon nitong piso” dagdag ko pa dito. Alam kong nagtampo siya ng malaman ito kaya siya na lang ang hinayaan kong magtapon ng piso.

Habang inaabot ko sa kanya ang piso ay palihim ko namang hinimas ang kanyang kamay upang iparamdam ko sa kanya ang sorry na nagawa ko. Sa pagkakadikit naman ng aming mga kamay ay may dulot naman ito ng kakaibang kilig sa akin. Nag init ang aking mga laman.

Nakita ko siyang pinamulahan ng pisngi sa pagkakahawak naming ng kamay. ewan ko ba kung may dulot din ito sa kanyang kilig gaya ng naramdaman ko pero alam kong nagustuhan din niya ito.

Agad naman niyang itinapon ang piso at lumusong sa tubig upang kunyari ay di ko mahalata. “yun lang. kanina ko pa siya pinagmamasdan. Di ko mapigilan ehh”sa isip ko lang.

Malapit na niyang makuha ang piso kung saan man niya ito itinapon ngunit mas magaling ako maglangoy sa kanya kaya naman mabilis ko din naabutan ang pisong kanya sanang dadamputin.

Nag-agawan kami sa piso na nasa kamay na niya. Hindi ko naman talaga aagawin iyon kaso ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokoti ko at inagaw pa iyon.

Nagkahawakan kami ng kamay sa pag dampot ng piso. Pilit niyang iwinawaksi sa akin ang kamay niyang may tangan na piso pero hindi ko  hinahayaang makawala ito sa aking kamay. “piso nga ba ang habol ko o ang mahawakan lang ang kanyang kamay?” isip ko lang.

Nagpupumilit pa rin siyang makawala sa aking pagkakahawak sa kanyang kamay na may tangan na piso upang pansamantalang makakuha ng hangin. Hindi koi to pinayagan bagkus ay niyakap ko pa siya ng mahigpit habang kunyari ay abala pa rin akong maagaw ang piso sa kaya ngunit iba talaga ang pakay ko. Ang mayakap talaga siya.

Yakap-yakap ko siya na kunyari ay inaagaw ko ang piso. Di ko man pansin pero kumikiskis na pala ang aking sandata sa kanyang likuran na nagdulot naman sa akin ng kakaibang sensyasyon. Sensyasyon na para bagang kumuha ng aking buong lakas. Hanggang sa maramdaman ko nalang sinipa niya ako upang makaahon at makawala sa akin.

“Ang daya naman.” Singhal niya habang abot pa rin ang kanyang hininga.  “kapag nakuha na ang piso, wala ng agawan. Ang daya daya mo ehh”dagdag pa niya dito. Nakonsensya naman ako sa kanyang ginawa at napatango na lang sa kanyang sinabi.

Nakita ko naman siyang umakyat sa mala-kwebang parte ng ilog pagkatapos niyang makabawi sa nawala niyang hangin sa katawan. Nanlulumo ako sa pagsunod sa kanya dahil ako rin ay di pa nakakabawi sa aking normal na paghinga. Hingal pa rin akong sundan siya kung saan man siya naroroon.

Habang malapit na ako mula sa kanyang kinalalagyan ay mabilis naman siyang nagsalita. “Game!!..” sambit niya. At agad ko naman siyang nakita na nag dive. Magsasalita n asana ako na huwag mag dive doon kasi mababaw ngunit huli na ang  lahat.

Alam kong nabagok ang kanyang ulo sa kakaibang tunog sa pagkakadive niya. At napansin ko pang may dugi sa parte kung saan siya ng dive. Di ko alam ang gagawin ko. Para akong statwa sa aking lagay nang Makita ang kanyang kalagayan.

Dali dali ko namang inalalayan si Jose papuntang gilid ng ilog nang mapansin kong hindi na sya umaahon sa tubig at nang may nakita akong dugo galing sa kanyang noo.

Tarantang inalalayan ko  sya papunta sa gilid ng ilog upang ito ay subukang bigayan ng buhay sa pagkakabagok at pagkalunod. Agad ko namang tiningnan kung may pulso pa o kung himihinga pa sya. Di ko talaga alam ang aking gagawin sa pagkakita ko sa kanyang kalagayan. Tumibok ng mabilis ang aking puso sa kabang dulot ng pangyayari. Nanginginig ang aking mga kamay at buong katawan. Kinakapos ako ng hininga sa pagkakita ng kanyang kalagayan. Para akong maiihi na ewan. Natatakot. Kinakabahan. Balisa. Kung ano man ang pwedeng mangyari sa mga oras na iyon.

Sa totoo lang hindi ako marunong magbigay ng CPR. Kaya ginaya ko na lang ang mga nakikita ko sa tv pag ako ay nanunood sa kapitbahay namin.

Nanginginig kong inipit ng bahagya ang kanyang ilong gamit ang kanan kong kamay. Ang kaliwa ko namang kamay ay nabigyang laya upang bahagyang maitaas ang kanyang baba at ibuka ko ang kanyang mga labi upang bugahan ng hangin. Pagkatapos noon ay pinakinggan ko naman ang kanyang hininga kung may lumalabas na hangin mula dito at kung umaangat din ang kanyang dibdib. Yun kasi ang nakikita ko sa mga palabas. Ang pagma-mouth-to-mouth resucitation.

Ewan ko ba kung sa mga pangyayaring iyon ay dapat pa akong makaramdam ng ganoong bagay. Ang makaramdam ng iba sa pag lapat ng aming mga labi. Pero di ko talaga maiwasan. Napakalambot kasi ng kanyang mga labi at kay sarap halikan. Para bang nang aakit pa itong lapitan at ulit-ulitin kong lasapin ang kanyang mga labi. May spark kumbaga. Agad ko naman itong winaglit sa aking isipan dahil nasa bingit ng kamatayan si Jose.

Nang wala akong mapansing senyales na himihinga pa siya, o kung may pagbabago sa kanya ay agaran ko naman inulit ang pagma-mouth-to-mouth ko sa kanya. Ngunit sa mga sandaling ito ay hindi ko na naramdaman ang naramdaman ko kanina. Para akong binanlian ng mainit na tubig at dali dali kong ginawa ang mga nakita ko sa tv. Kinakabahan ako. Nanginginig. Nanghihina. Sumisigaw.

Jose...! Joseeeee!!!...


Itutuloy…..

Sunday, January 8, 2012

Kiss The Rain Chapter 10




Pauna: Guys Sorry talaga sa sobrang late ko na update. lately naging busy ako sa office at mas lalo pa magiging busy sa mga dadating na weeks. Salamat din sa mga walang sawang
nagbabasa sa story ko na ito. Wala akong maisip na chapter title para sa chapter na ito. saka di na muna ako babati dahil sa oras na ito ay paalis na din ako dahil may lakad kami ni EHEM..... (secret!) sige guys enjoy sa pagbabasa!




Guys Thank You!!!!






Kiss The Rain

Chapter 10



____________________________
Argel Joseph Francisco
____________________________


Tatlong araw ang nag daan simula ng mga pangyayari sa bar ay heto ako nasa bahay at nagkukulong pilit iniisip kung ano ang mga pagkakamali ko sa buhay ko.


Sa dami ng mawawala sa akin ay si EJ pa.


"Argel! Argel! Argel! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ni Daddy sa pinto habang kinakalabog ito.


Agad naman ako tumayo sa kinauupuan ko.


Pagbukas ko ng pinto ay agad naman lumipad sa pagmumukha ko ang kamo ng Daddy ko na siyang nagpag bulagta sa akin sa sahig.


"Aray! Dad ano ba problema at nananakit ka?" Angil ko sa ginawa niya sa akin.


“Tarantado ka! Anong sa tingin mo pinagagawa mo? Bakit mo sinuntok si Angelica at bakit sumasama ka sa mga bakla na iyon?” Gigil na gigil na tanong sa akin ng aking Daddy.


“Wala na ba akong laya ngayon? Saka bakit ninyo ba pinipilit sa akin si Angelica? Bakla? Mga totoong tao iyon Daddy. Di tulad ng mga dating mga nakaksalamuha ko na kung kalian lang may kailangan saka lalapit sa akin.” Sabi ko habang tumatayo sa sahig.


“Ipinagkasundo kita kay Angelica para di mawala lahat ng bagay na tinatamasa mo ngayon. Gusto ko lang maging maayos ang buhay mo at ano ka ba babae sinapak mo?”


“Mawala ang akin o sa inyo po? Maayos buhay ko? O sa inyo? Alam ninyo ba na dahil sa babaeng iyon ay nawala ang taong pinakamamahal ko?”


“It doesn’t matter Argel. Kung ayaw mo pakasalan si Angelica we have to do this the hard way. I’ll take your car, ATM and Credit cards.”


“Daddy you can’t do this. Ako na tangi ninyong anak papahirapan ninyo?”

“Oo. Ikaw nga ang nagiisang anak ko pero di mo kayang maibigay ang nagiisang hiling din namin ng mommy mo. Uulitin ko. Kaya ko ginagawa ito para sa ikakabuti ng buhay mo hindi ng sa amin.”


Di na ako muling sumagot kay daddy at tuluyan na itong lumabas sa kwarto.


Sumama ang loob ko sa mga nangyayari sa akin. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng laya at kinuha sa akin ang pinaka importanteng tao para sa akin.


Oo naramdaman ko iyon dahil sa hinuha ko ay naki Donnie na si EJ.


Dumaan ang mga araw at nabuhay ako na wala sa akin ang mga dating meron ako. Kotse, pera, at ang saya na nadadama ko na kasama ko sa tuwing kasama ko si EJ.


Sa mga araw na din na iyon ay naranasan ko din ang gutom, pagod, at sobrang kalungkutan.



____________________________
Erwin Joseph Fernandez
____________________________



Napako ako sa kinatatayuan ko sa oras na iyon habang naka tingin kay Argel.


Kitang kita ko mula sa aking lugar ang pagbabago sa itsura ni Argel. Pumayat ito at napakalungkot ng aura.


“Mhie, Ano tinitignan mo?” tanong sa akin ni Donnie.


Di ako agad naka sagot kay Donnie dahil sa titig na titig ako kay Argel.


Nakita ko naman na lumingon si Donnie sa tinititigan ko at nag iba ang ekspresyon ng mukha nito.


"halika na Mhie saka na tayo manood ng sine." sabi sa akin ni Donnie habang hinihila ang kamay ko.


Ngunit parang wala lang ako narinig sa sinabi ni Donnie at nanatili akong naka tayo doon na parang tuod.


Napaigtad naman ako bigla ng makita ko na lumingon at nagmadaling pumunta sa amin si Argel. Habang napatingin naman din sa amin si Angelica na nakataas ang kilay at galit na ekspresyon sa mata nito.


Ng makalapit sa amin si Argel ay bigla naman ako binangga ni Angelica at napaupo ako sa malamig na sahig ng mall na iyon.


"AY! BAKLA!!!" pag sigaw nito ng mabangga ako.


"Shut up Angelica." Mahinahon na sabi ni Argel.


Itinayo naman ako agad ni Donnie at bakas na sa mukha nito na naiinis na ito sa mga nangyayari. Sinenyasan ko naman siya na ok lang ang lahat at naintindihan naman niya agad ito at tumango sa akin.


Naisip ko na din ito na ang tamang pagkakataon na makausap si Argel.


Pagkatayo ko naman ay tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Angelica.


"Pwede ba huwag mo dito dadalhin ang katangahan mo? Saka mag ingat ka sa pagbangga ng mga tao dito baka mahawa pag nabangga mo." Pang aasar na sabi sa akin ni Angelica.


"Angelica enough! I said shut your fcuking mouth!" Gigil na sabi ni Argel kay Angelica.


"No you shut up! Let me do this. Tignan natin kung hanggang anoa ng itatagal ng taong kinahuhumalingan mo." Maangas na sagot ni Angelica.


Parang timang naman akong nakatitig sa dalawa at gulat din dahil sa alam pala ni Angelica na meron gusto sa akin si Argel.


"Uhmmmm.... guys excuse me aalis na kami ni Mhie." Sabat ni Donnie sa dalawa at parang batang hinila ang kamay ko.


Sumunod naman ako sa gusto ni Donnie at umalis na kami sa lugar na iyon.


Habang pababa naman kami sa groundfloor ng mall ay di pa rin maalis sa isip ko ang engkwentro namin na iyon at naudlot na balak ko makipagusap kay Argel.


“Mhie, sorry kung hinila kita paalis kaagad kanina..” Malungkot na sabi sa akin ni Donnie.


Imbis na sumagot ako sa kanya ay hinawakan ko na lang ang kamay niya.


Ng makalabas kami ng mall ay agad kami bumalik sa school grounds para kunin ang motor ni Donnie at umuwi na.


Bago sumakay naman sa motor ay inakap mo muna siya.


“Dhie, don’t worry kaya ko ito.”


“Mhie, basta pag need mo help andito lang ako. Lahat gagawin ko para sa iyo.” Sabi niya sa akin habang hinihimas ang likod ng ulo ko.


“Dhie, Maraming salamat talaga.” Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.


Pagkatapos naman ng tagpo na iyon ay inihatid na niya ako sa bahay ko.


Habang nasa daan naman kami di ko maiwasan na maiyak at magtanong sa sarili ko.


Bakit ganito pakiramdam ko matapos makita si Argel?


Bakit masakit pa din sa akin na makita silang dalawa ni Angelica na magkasama?


Bakit ganoon na lang ang ekspresyon sa mata niya tapos niya ako makita?


Iniluha ko na lang ng tahimik ang lahat ng nararamdaman ko sa oras na iyon. Tahimik upang di na magaalala si Donnie sa akin. Alam ko din na masasaktan lamang siya kung makikita akong ganito.


Nakarating naman kami sa bahay ng maayos at bago bumaba ng motor ay inayos ko muna ang sarili ko para di niya mahalata kung ano ang ginawa ko habang bumabiyahe kami pauwi. Pinagpasya ko na din muna huwag muna intindihin ang mga bagay bagay na iyon habang kasama ko ang taong mahal ko.


Pagkalapit naman namin sa bahay ay madilim ito sa labas. Agad naman ako pumasok sa loob at hinanap ko sila Mama at ang kapatid ko pero wala sila.


“Mhie, may note dito sa refrigerator!” sigaw ni Donnie sa akin.


Daglian naman ako bumaba para makita ang sinasabi ni Donnie. Pagkarating ko naman doon ay agad niya tinuro sa akin ang naka dikit sa ref na note.





Erwin,


Umalis kami ni Xang papunta ng Bicol. Na ospital daw ang tita mo kaya daglian kami umalis ng kapatid mo. Baka magtagal kami doon ng tatlo hanggang apat na araw. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. May enough stock ng pagkain sa ref at kusina. May pera akong iniwan sa cabinet mo. Pasama ka na din kay Donnie kung gusto mo.


P.S.
Pagbalik ko dapat may apo na ako kung sakali.




                                                                                                -Mama

Napatampal na lang ako sa noo ko sa nabasa ko at ng tumingin ako kay Donnie ay nag flash agad sa akin siya ng isang ngiti. Ngiting may laman at ibig sabihin.


“Doon ka sa sala matulog.”


“Mhie naman. Huwag naman please. ”  Angal sa akin ni Donnie na paawa effect ang itsura ng mukha.


“Mamaya na natin iyan pag usapan. Gusto ko manuod ng movie. Doon muna tayo sa sala at manuod ng DVD.”


“Sige Mhie nood na muna tayo.”


Agad naman ako nagpunta sa sala habang naka sunod siya sa akin.


Napangiti naman ako ng lihim. Dahil sa alam ko na mas matagal kong makakasama si Donnie sa araw na ito at ang idea na magkasama kaming matutulog sa iisang bubong.


Agad naman ako nagsalang sa dvd player namin ng isang romantic movie habang siya ay naupo sa sofa.


Ng nasa kalagitnaan na kami ng panood at ang eksena ay medyo cheesy na din ay napagpasyahan ko na yumakap sa kanya at idantay ang ulo ko sa balikat niya na ginantihan naman niya ng paghalik sa bumbunan ko.


“Dhie. Tabi tayo meme?” Pacute kong sabi sa kanya.


“Mhie. Sure ka?” nagtatakang balik na tanong niya sa akin.


“Ayaw mo? Sige dito ka na lang mamaya ah! Mag isa ka diyan.”


“Di po. Gusto ko. Now na?” sabi niya sa akin habang nakambang tatayo na sa kinauupuan niya.


“Hep hep hep! Hindi pa tapos pinanunuod ko. Mamaya na huwag muna excited marami tayong oras. dito ka muna paakap Dhie. Iingit ko sa kanila oh.” Sabi ko habang nakaturo sa TV at humahagikgik.


“So naiingit ka sa kanila? Di naman sila hug ah?”


Pagtingin ko naman sa TV ay tama nga naman siya. Nasa mainit na halikan ang dalawang bida sa pinapanood namin.


Nginisian ko na lang siya at ngumuso habang nakapikit. Di naman ako nagkamali at hinalikan niya ako.


Ang halikan na iyon ay naging maalab at punong puno ng pagmamahal. Halos di na kami huminga sa aming ginagawa. Ng maghiwalay naman an gaming mga labi ay automatic naman na hinanap ko ang remote ng TV at DVD Player at sabay kong napatay ito sa isang pindutan lang.


Napatingin naman sa akin si Donnie at ngumisi sa akin. Tinulak ko naman siya at nalaglag sa sofa. Habang ako naman ay parang tanga na kumaripas ng takbo papunta sa hagdanan.


“Nabitin ka? Gusto mo matuloy? Pwes Habulin mo ako Dhie!” Parang bata sabi ko sa kanya.


“Sige pag nahuli kita isang linggo ka di makakalad.” Naka ngising sabi nito sa akin habang hininimas ang likod niya dahil sa pagkakalaglag sa sofa.


Parang mga bata naman kaming dalawa na akala mo ay ngayon lang naka kawala sa kanikanilang mga hawla.


Pagkapasok naman sa kwarto ko ay agad niya ako dinamba mula sa likod at bumagsak kami sa kama. Mula sa pagkakadapa ay humarap ako sa kanya at binigyan siya ng isang mariing halik.


“dapat pala di na ako nagpahabol pa. nabitin ako eh!” natatawang sabi ko sa kanya.
Kesa sumagot siya ay isang mariing halik muli ang binigay niya sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na halos na wala na pala kaming saplot na bumabalot sa katawan namin.


Naging makabuluhan ang gabing iyon.


Iyon ang gabi na naging isa kami.


Iyon ang gabi na binigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko.


Gabi na pinatunayan ko na talagang mahal ko si Donnie.




________________________

7:00 pm Thursday
________________________



Kakatapos lang ng klase namin at naglilipit na kami ng gamit namin.


“Che, ano bago? Updates? Chika? Chenes?” sabi ni Jhepeth sa akin habang tinatapik ang likod ko.


“Oo nga friend ano bago?” Singit ni Kenji.


“Bago? Hmmmmmm! Dhie ano ba bago?” Tanong ko naman kay Donnie.


“Bago? AH! Si Mhie? Maingay yan!” Sabi ni Donnie sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti sa aming tatlong magkakaibigan na naka tingin at nakikinig sa kanya.


At heto nanaman ako. Umakyat nanaman sa dalawang pisngi ko ang dugo sa aking katawan. Sa sobrang pula ay pag tinusok mo ng karayom ay sisirit na ata ang kalahati ng dugo ko sa katawan ko.


“Hoy sira ka Dhie ano pinagsasabi mong maingay ako?!!” protesta ko sa sinabi ng aking nobyo.


“Kitam ano yan Mhie? Di ba maingay ka ngayon? Hahahaha!”


“Di ko ma gets….” Sabi ni Jhepeth habang nagkakamot ng ulo.


Habang si Kenji naman ay tawa ng tawa at halos mawalan na ng hininga.


“Ay ganun pala? Alam ninyo ba si Dhie? May mapa ng isang continent sa…..”


Nanlaki naman ang mata ni Donnie sa akin sa binitin kong sasabihin at ang dalawa ay nagaabang naman sa idudugtong ko.


“May mapa ng isang continent si Dhie sa bag niya.” Sabi ko sabay kuha ng binder ni Donnie na may mapa ng Europe sa likod.


Bigla naman bumagsak ang mukha ni Kenji at Jhepeth sa pagkadismaya.


Ako naman ngayon ang tawa ng tawa ng bigla akong batukan ni Jhepeth.


“Nyeta kayong mag jowa! Wala ako maintindihan sa pinagsasabi ninyo.” Naka busangot na sabi sa amin ni Jhepeth.


Imbis naman mainis ay napahagikgik ako sa pagka slow ng aking bestfriend.


“Slow…” napapahagikgik na sabi ni Kenji habang umiiwas sa amba ng panunutok sa kanya ni Jhepeth.


“Haller! Di lang ako makagets sa inyo mga impakto kayo! Kasi po ako lang ang 90% babae dito nuh!”


“90% percent? Ano yung remaining 10%?” nagtatakang sagot ni Donnie.


“90% girl sa body. 10% bakla sa pagiisip.” Taas noong sagot ni Jhepeth habang salo salo ang dalawang bukol sa dibdib niya.


“Ahhhhhh…….” Walang kakwenta kwenta naming sagot naming tatlo kay Jhepeth.


“Not interested?” buong pagtataka ni Jhepeth na tanong sa amin.


Parang sira naman kaming tatlo nila Donnie at Kenji na tumango sa kanya.


“Hay naku palibhasa mga baliko kayo kaya di ninyo ma appreciate ang ganda ng gawa ng diyos.”


“Jhepeth I love you!!” Sigaw ng classmate namin na palabas ng classroom namin.


“I love you too! Pero di kita type.” Mayabang na sagot ng babaeng bakla.


“Ok lang basta love kita!” balik sa kanya ng classmate namin bago kumaripas ng takbo sa corridor.


“Ayiiiiiiiihhhhhh! May nagkakagusto papala sa iyo amazona ka. Patulan mo na yun sayang yun. Baka wala ng dumating na iba at maburo yan. HAHAHA!” Pangaasar ko habang nakaturo sa kwan ni Jhepeth.


“Che, Gaga ka talaga. Di mabuburo yan andiyan naman si Kenji. Di ba Baby Kenji ko?” Sabi bi Jhepeth habang pumupulupot kay Kenji na parang ahas at humahalik halik sa pisngi nito.


“Friend help……” Sabi naman ni Kenji sa akin na kala mo ay tatakasan na ng ulirat dahil sa pandidiri sa ginagawa sa kanya ni Jhepeth.


“Sige bahala na kayo diyan. Maiwan na namin kayo. Mukhang gutom na itong Mhie ko at kakain muna kami sa labas.” Sabi ni Donnie na tinanguan ko lang at nginitian.


“Bye Che! Bye Friend!” naka ngisi kong paalam ko sa dalawa na nasa akto ng pilit na lampungan.

Habang palabas naman kami ng classroom ay kinawayan ko pa ang dalawa. Pababa naman ng hagdan ay biglang hinawakan ni Donnie ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.


“Mhie, Gututom ka na di ba? Lika kain muna tayo. Ano gusto mo kainin?”


“Dhie, gusto ko ikaw.” Parang timang kong sabi sa kanya.


“Tsk! given na yun. Mamaya nay an paghimagas. So saan tayo kakain aking minamahal?”


Kinilig naman ako sa sinabi ni mokong sa akin.


“Sige Dhie sa KFC na lang tayo tagal ko na di nakakain ng chicken.”


“Kagabi lang kumain ka ng chicken. Yun ulam natin di ba?”


“Matagal na yun. Ilang oras na din kaya.” Parang bata ko na sagot habang naka pout pa ang labi at pinipisil ang kamay niya.


“ KFC sabi ng Mahal kong Mhie kaya sa KFC kami kakain.” Sabi niya sa akin sabay bitiw ng matamis na ngiti.


“Sige na. Lika na Dhie di ako mabubusog sa ngiti mo.”


Naglakad na ako habang kalakadkad ko si Donnie palabas ng school.


Pag dating naman namin sa KFC ay mabilisang akong umorder ng kung ano anong makakain at mukhang napadami ata iyon. Habang si Donnie naman ay pinaghanap ko ng pwesto namin.


“Mhie, Sure ka mauubos mo ito? Sa January pa fiesta natin ah?” tanong ni Donnie na nanlalaki ang mata sa dami ng pagkain sa harap namin.


Dalawang double down, dalawang two piece chicken meal, dalawang California maki twister, dalawang mushroom soup, dalawang bucket of fries, dalawang brownies, dalawang crushers at siyempre di mawawala ang isang platong gravy na kala mo ay sabaw ng sinigang sa dami.


“Oo naman tutulungan mo ako eh. Kaya natin ito.”


Sinimulan na namin ang pagkain at dahil sa may bandang bintana na kitang kita ang view ng school namin at ang mga kalapit na establishments at walang ibang naka pwesto doon bukod sa amin ay malaya kaming naglalabingan at nagkukulitan habang kumakain andiyan yung magsusubuan at pupunasan ang bibig ng isat isa kapag may dumaplis na pagkain.
Hindi naman namin naubos ang pagkain na inorder ko kaya pina takeout ko na lang ito. Inshort naging takaw mata lang ako.


“Dhie mag 9pm na. Uwi na tayo. Doon ka pa din matututlog sa bahay. Wala sila mama pa eh. Itong dala ko lagay natin sa ref para may almusal bukas.” Sabi ko habang palabas kami ng KFC.


Tango, ngiti at halik sa kamay lang ang sinagot sa akin ni Donnie.


Paglabas naman namin ng mall ay agad naman siyang tumawag ng taxi dahil di niya dala ang motor niya. Pagkasakay naman namin sa taxi ay sinabi niya agad kung saan ang destinasyon namin sa driver.


At ng makarating naman kami sa bahay ay may napansin akong pamilyar na taong naka tayo sa may malapit  at nakatingala sa bahay namin.


“Si Argel…” mahinang usal ko at napatingin ako kay Donnie.





Itutuloy.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails