Followers

Sunday, April 6, 2008

Idol Ko Si Sir (Book 1)

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

-------------------------------

Philippine Copyright 2009
By: Michael Juha

ISBN No. 978-971-011-022-3

All rights reserved

-------------------------------------------------

Magsi-second year college ako, 18 years old lang nung inilipat ng mommy sa probinsya upang dun na mag-aral. Sa Maynila kasi, kahit magagaling ang schools ay halos walang nangyayari sa pag-aaral ko, dahil sa bisyo at barkada. Siguro nakita nya na pag sa Maynila ako mag-aaral, walang ring patutunguhan dahil na imbes ang mga subjects ko ang ipasa, kung anu-anong bisyo nalang ang natututunan.

Nag-iisang anak lang ako. Nung puslit pa lamang ay namatay na rin ang daddy kong kano, kaya’t mom ko na lang ang nag-alaga sa akin. Actually, hindi naman mahina ang ulo ko, in fact, nasa gifted level ang IQ. Sadya lang talagang ayokong mag-aral at ewan ko rin ba, parang may kulang. Feeling ko wala akong kakampi sa mundo at dahil sa kahit na anong bagay ay naibibigay ng magulang, hindi ko naranasang maghirap. Sa pakiwari koy napaka boring ng mundo, walang ka-challenge challenge. Yan ang naisiksik sa utak ko simula nung bata pa lang. Kaya enjoy na enjoy ako sa barkada at sa bisyong sugal, droga, at kung anu-ano pa.

Siguro masasabi ko ring ang lahat ng bagay ay nasa akin na – hitsura, tangkad, kaginhawahan. Ngunit ang lahat ng to ay hindi ko iniisip o na-aappreciate man lang. Parang may iba akong hinahanap. Kaya nung mag-decide ang mommy na sa probinsya na ako mag-aral, pumayag na rin ako. “Ok lang... baka dun ko pa matagpuan ang challenge na hinahanap-hanap”, sabi ko sa sarili.

Hindi kalakihan ang school; may mga 400 ka estudyante lang ang population ng buong colllege department. Isa itong sectarian na pag-aari ng mga madre. Kahit na nasa probinsya sya, kumpleto at state-of-the-art ang mga facilities. Mailinis, nasa ayos ang lahat. At ang nagustuhan ko rin ay ang malalaking kahoy sa loob at paligid ng campus na nakapagbibigay ng malamig at preskong hangin.

Dahil sa hindi kalakihang population, halos mgakakakilala ang mga estudyante rito. Alam nila ang mga transferees, ang mga pamatay sa honor’s list, ang pabalik-balik an sa subjects, kung sino ang may ganitong ugali, body odor, habit, etc. Kaya nung pinaka unang araw ng pasukan, sa akin lahat nakatutok ang tingin ng mga kapwa estudyante. Kumbaga center of attraction na kaagad. At marahil ay dahil galing Maynila at mejo naiiba ang dating sa mestiso at tangkad an postura, marami kaagad akong naging kaibigan.

Simple lang ang paniniwala ko sa buhay. Ang lahat ay nakukuha sa pera; kung hindi man sa pera, sa ibang diskarte – pagpapa-cute, pambobola, panliligaw, pagpapa-impress, o simpleng pagparamdam na nanjan lang ako sa tabi, handang magbigay ng kung ano man ang gusto nung tao sa akin kapalit ng gusto ko. At kung ayaw pa ring bumigay at masyado ng nasaktan ang ego ko, pwedi na ang ultimate na sandata – blackmail. Kumbaga, wala sa bokabularyo ko ang santong dasalan; lahat ay nakukuha sa santong paspasan.

Wala akong problema sa mga estudyante at kaibigan. Unang impression pa lang nila sa akin ay “cool” kaagad; friendly daw ako, mabait, palabiro at andaming chicks na kinikilig. Sa dami ngang nakikipagkaibigan sa akin baka kung tumakbo akong presidente sa student council, mananalo ako kaagad ng walang kahirap-hirap. Ang problema ko lang ay ang isang teacher sa Sociology – si Sir James.

Si Sir James ay 23 years old lang, matalino, magaling magturo at mejo non-traditional ang approach sa klase. Kung hindi nga lang sya naka-upo sa teacher’s desk sa harap ng classroom ay sasabihin mo talagang isa sya sa mga estudyante sa klase namin. Matangkad, moreno, guwapo at estudyanteng-estudyante ang porma sa pananamit at pagdadala. Nakikipag-bonding sa mga estudyante, nakikipagbiruan, nakikipaglaro ng basketball, at malapit ang loob sa kanila.

Ngunit kung gaano sya kalapit sa mga estudyante sa labas ng klase, kabaligtaran naman pag nasa loob. Mahigpit sa mga rules at disiplina. Pero, patas naman. “Kapag nasa labas, barkada tayo, kahit ano pweding sabihin, pweding gawin; pero kapag nasa loob ng klase, ibang usapan na. Ako pa rin ang teacher nyo” Yan ang linya nya sa mga estudyanteng nakikipagbarkada sa kanya. Kaya gustong-gusto sya ng mga estudyante. Kumbaga, klaro ang rules, patas sa lahat, at alam nila kung saan sila lulugar, di kagaya ng ibang teachers na masungit, tyrant, o kaya’y parang wala lang...

Isang taon pa lang na nagtuturo si Sir James ngunit kilala na sya bilang isang magaling na guro at maraming nalolokong estudyante. Ngunit, siguro sadyang hindi pweding magkalapit ang loob namin. Sa unang meeting pa lang ng klase, na-experience ko na kaagad ang bagsik nya.

“Class, I’d like you to introduce yourselves, let’s start with the newcomer here from the big city, Mr. Miller...” yun ang hindi ko malimutang pambungad na salita nya kung san nagsimula ang pagka-badtrip ko.

Tumayo nga ako at nagself-introduce. Kaso, mejo nasobrahan yata ang pagka-presko ko. “My name is Carl Miller and, as Sir James said, I’m a transferee, 18 years old, single without experience, never been touched, never been kissed. In short, I’m a stupid, horny virgin, very much available and am planning to offer myself for auction” sabay hiyawan at palakpakan ng buong klase.

“Silence!!!” sigaw ni Sir James sabay lingon sa akin na namumula ang mukha, “Mr. Miller, this is a civil class for people who desire to be civil. And I have no intention of turning this into a brothel or a sex shop! We don’t care if you are a virgin, a stupid, or a maniac. We just want to know something civil about you, you understand?”

Biglang natahimik ang lahat, at syempre, hiyang-hiya ako sa sarili.

Simula nun, feeling ko pinag-iinitan na ako ni Sir James. Parang ang lahat na mabibigat na assignments ay sa akin napupunta. Pag sa klase nya hindi ako tumataas ng kamay o kaya’y sadyang walang maisasagot, pinapatayo ako nyan, at kapag may naisasagot naman, sinusupalpal. At hindi lang yan, ang tawag nya na sa akin ay ‘Blessed Virgin Carl’. “And... does Blessed Virgin Carl have something intelligent to add here...?” tanong nya sa akin isang beses nung mapansing ang isip koy lumilipad.

“A, er... I beg your pardon, Sir?”

“As I was saying, tell me what will an idiot say if he doesn’t understand the question because his mind is somewhere else?” paglilihis nya sa tanong pagpapatama sa akin at pagpaparamdam sa klase.

“Excuse me sir?” tanong kong mejo naguguluhan.

“Exactly! See...? That’s what an idiot would say!” ang sarcastic na sagot nya habang naka-gesticulate ang kamay turo sa akin pagpapatunay na ang sinabi ko ay tugma sa sasabihin ng isang idiot.

Nakakabingi ang tawanan ang buong klase.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang turing ni Sir James sa akin. Parang sa lahat ng mga estudyante sa campus, ako ang sini-single out nya at tinitira samantalang napaka-palakaibigan naman nya sa mga estudyante. Pero kahit na masama ang loob ko sa kanya, yun ang naging dahilan para pagbutihan kong maigi ang pag-aaral sa subject nya, para wag lang mapahiya, to the point na kahit saan-saan nalang ako naghahagilap ng research materials. Wala na akong ginawa kungdi ang magbasa ng magbasa tungkol sa sociology nya. Hanggang sa lahat ng aspeto ng subject ay naging kabisadong-kabisado ko at lahat ng tanong nya sa akin ay nasasagot.

Ngunit sadyang pinipiga pa rin ni Sir ang utak ko at hindi sya nawawalan ng mga tanong at argumento. Kaya’t kapag ako naman ang naka-porma, ginigisa ko rin sya sa katatanong ng mga bagay na nakukuha ko rin sa ibang sources. At naging maaksyon ang klase namin; punong-puno ng participasyon. Dahil sa katatanong ko, na-eencourage na rin ang ibang kaklase na mag-follow up at nabubuksan ang iba pang grey areas at related issues sa subject. “Gusto mo ng tagisan ng talino, sige, magtutuos tayo” sabi ko sa sarili.

Dahil doon, humanga na rin sa akin ang mga kaklase ko.

“Alam mo Carl, ang galing-galing mo. Dahil sa mga explanations mo sa tanong ni Sir at sa mga tanong mo na rin sa kanya, nagiging interesting ang klase. Iba ka talaga, tol!” sabi ng kaklase at kadikit kong si Ricky. “Pero napansin ko lang pare, ha, bakit parang mainit ang ulo ni Sir James sa iyo? At, sorry din sa tanong na to, bakit sa ibang klase ay parang dini-deadma mo na lang? Di ka ba natatakot na bumagsak sa ibang subjects?”

“Sa una mong tanong, heto ang sagot ko: malay ko sa kanya! Siguro insecure yan sa ka-pogihan ko, hehehe. Sa pangalawa mong tanong, di mo ba napansin sina ma’am pag nagkakalase? Natuturete pag tinitigan ko, nalulusaw, dre – hehehe” pagmamalaki ko sa sarili.

“So...?” tanong ulit ni Ricky na naguluhan sa sagot ko.

“So...? You don’t get it, tol? It’s obvious na type ako ng mga yun!” pag-emphasize ko. “E, kikindatan ko lang ang mga yan, ipapasa na ako e”

“Matindi ka, dre! E, panu kung di oobra ang plano mo at ibagsak ka pa rin?”

“Malabo yan, dre, dahil proven na sa Maynila ang style ko na yan. At pag ibinagsak talaga nila ako, baka gusto nila ng pera, o di kaya, ako... hehehe” Sabi kong naka-ngiting-aso. “Ngunit kung ayaw pa rin nilang bumigay, isa lang ang dahilan nyan, dre, love nila talaga ako at hindi nila kayang mawalay ako sa mga paningin nila – hahahaha! Atsaka, problema ba yun pag bumagsak, di balik ulit next sem, chicken feed lang yan.”

“Iba ka talaga, pareng Carl... Ok, balik tayo dun kay Sir James. Di kaya may iba syang motibo kung bakit pinag-iinitan ka nya palagi? U-owwww! I smell something...” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti at makahulugang tingin.

Hindi ko na inintindi ang ipinahiwatig na yun ni Ricky. Pero sa loob-loob ko, talagang naghanap ako ng paraan para makaganti. Di ko lang alam kung paano.

Sa mga nagdaang araw, hindi pa rin nagbago ang pag-trato sa akin ni Sir James sa klase. Bagkus, feeling ko lalo pang lumala. Kaya dahil sa inis at sama ng loob na parang hindi man lang na-appreciate ang ginawa kong effort sa klase nya, naisipan kong hindi na sisipot at hayaan na lang na i-drop niya ako.

May mga anim na sunod-sunod na sessions na hindi na ako nagpakita pa sa klase nung may natanggap akong note, “Carl, I would like to talk to you today at 4:30 pm; conference room – Sir James”

Expected ko na ang sulat na yun. So sinagot ko, “Sir, I will talk to you only in a private venue, not in school. Ayokong teacher-student ang turing ng usapan coz I’m dropping my subject. I suggest na lalaki-sa-lalaki ang usapan, at hindi guro-estudyante. Kahit saang venue, wag lang sa school” sagot ko sa note nya.

Kinabukasan, may note ulit ako, “Sa apartment ko nalang bukas; 8 pm.”

“Good!” sabi ko sa sarili. “Magtutuos tayo, Mr. James Cruz. Tingnan natin kung hanggang saan ang galing mo...”

Syempre, ni-ready ko ang sarili at naisipan kong mag-research tungkol sa buhay-buhay nya. Kinausap ko si Ricky at tinanong ang mga nalalaman nya tungkol kay Sir James.

“Alam mo, dre, kung personal na aspeto tungkol kay Sir, meron akong nalalamang konti. Aside sa pagiging malapit nya sa mga estudyante, inteligente, at guwapo, meron syang isang bagay na hindi naman confirmed ngunit sikreto – sikretong alam ng buong campus, hehehe” sabi nyang pabiro.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Si Sir James ay... silahis – daw ha, dahil hindi naman na-prove talaga yan e. Pero syempre, nagtataka din ang marami dahil kahit sa hitsura nyang yan at tindi ng appeal at maraming chick ang naloloko ay wala namang girlfriend o nililigawan, di ba? At ang na-involved sa kanya ay isang nagngangalang Henry, mestiso Chinese na nagtuturo din sa school natin last year pero nasa US na ngayon. Magkasama sila sa apartment kasi e. Kaya nga, yang ibang pagtrato nya sa iyo ngayon, naisip ko lang ha... U-uhhh!” Hindi na ni Ricky itinuloy ang sasabihin sabay bitiw ng isang napakapilyong ngiti. “Iba talaga ang level ng ka-gwapuhan mo, tol - hahaha!”

“Ganun ka pala ha...” sabi ng utak kong nanggagalaiti at may sumiksik na maitim na balak.

(Itutuloy)

---------------------------------------

Idol Ko Si Sir (Part 2)

Dumating ang araw ng aming “pag-tutuos” ni Sir James. At pinaghandaan ko ang oras na yun. Sa suot kong puting t-shirt at jeans hanep na hanep ang dating. “Tingnan natin kung hindi ka sasakay sa plano ko sa iyo” sabi ng utak kung sinulsulan ng demonyo. Sinadya kong magpaporma talaga para sa okasyon na yun. At kasali sa planong yun ang pagdadala ng isang boteng imported na alak, pulutang setseria, kunyari pasalubong. Ngunit ang pinakabida sa lahat ay ang phone-camera ko.

“Good evening James” ang pag greet ko sa kanya nung binuksan na nya ang gate. Hindi na ako nag-Sir pa.

“Good evening din Carl!” sabi nyang nakangiti.

“Himala, nakangiti sa akin” sabi ko sa sarili. “A, heto pala, James may dala akong maiinom habang nag-uusap tayo. May pulutan na rin.”

Pumasok kami sa living room, kinuha nya ang dala kong alak at mga setseria at inilagay sa mesa. Maganda ang flat nya, tamang tama lang sa laki, may sariling CR at shower, kusina, living room at bedroom. May maliit din syang corner kung saan nakalagay ang mga personal nyang gym equipment. Maayos na maayos ang kwarto, malinis, masinop.

“Hindi ka na dapat nagdala pa neto Carl, di namam pakikipag-inuman ang pakay ko e. Tungkol sa attendance mo sa klase ang pag-uusapan natin, yun lang. At kung maari, ayaw kung uminom.”

“Yun na nga, eh... Sa ibang estudyante, nakikipag-bonding ka, nakikipag-biruan, sumasali sa mga kung anu-anong sosyalan. Pero sa akin iba ang pakikitungo mo... Ang labo mo naman, James. Ano ba talaga ang problema mo sa akin?” Sabi kong kalmante pa rin at pigil ang sariling hindi ipinahalata ang sama ng loob. “Kaya’t para hindi ako tuluyang magtampo, dapat lang na mag-bonding din tayo. Hindi ako makipag-usap sa iyo kung di ka nakikipag-inuman sakin. At dapat, maubos natin yang isang boteng alak na dala ko. Take it, or leave it.”

Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagkagulat. “Are you kidding? Yang buong bote na yan at tayong dalawa lang? Ang tindi mo rin pala sa inuman, no? Pero alam mo, Carl, itong pag-uusapan natin ay hindi naman para sa kapakanan ko e; ito‎’y tungkol sa iyo, para tulungan ka, mabigyan ng advice jan sa pinaggagawa mo. Dapat nga ikaw ang unang taong maghahabol ng solusyon dito dahil personal mong kapakanan ang nakataya...”

“Wow naman, James. Hanep din ang diskarte mo” ang sagot kong mejo tumaas na ang boses. “At wag mong kalimutan, di teacher ang pakikitungo ko sa iyo ngayon, ka-level lang tayo. And if it’s me that you want to talk about, or if it’s about your stupid subject, then I don’t care a bit. At tungkol jan sa sinabi mong pag-tulong?” pag-emphasize ko sa salitang ‘tulong’ “well, thanks, but, no thanks dahil, I don’t need your help, man. I don’t need your damn, fuckin help, ok?” Tinitigan ko sya ng matalas, tila nagbabanta. “Ngayon, does this mean I have to leave now?” at akmang tatalikod na sana.

“No, wait... OK, ok. Iinum ako, pero hanggang kalahating bote lang tayo. Pwede na ba yun?”

“Deal!” sabi ko sa kanyang mejo nasiyahan. “Yun naman pala e...” bulong ng isip kong nasiyahan na rin sa sagot nya.

At nag-inuman nga kami, tagay system, yung iisa lang ang basong gamit at iikot sa aming dalawa ang tagay. Walang usapan, puro pakiramdaman lang, nagbabasa sya ng libro habang kuntento na ako sa pagsisigarilyo. Basta ang target ay makaubos ng hanggang kalahati ng bote at dun pa kami magsimulang mag-usap sa tungkol sa ano mang gusto nyang pag-usapan.

Nakailang tagay din kami nung sadyang tanggalin ko ang t-shirt. “Mainit, sensya ka na James...”

Hindi sya kumibo. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya ngunit tinanggal din nya ang t-shirt nya. Mejo na-appreciate ko rin ang ganda ng upper body ni Sir, kumbaga sculpted from chest hanggang sa abs at oblique muscles. Ngunit hindi na ako nagtaka dahil sa nakita kong personal mini-gym nya, sigurado akong nagwo-work out sya palagi.

“Disgrasya ka ngayon...” bulong ko sa sarili sabay bitiw ng pilyong ngiti. Maya-maya, nung mag-init na ang pakiramdam tumayo ako’t sumayaw-sayaw na parang macho-dancer, ina-unbuckle ang belt at tinanggal ang dalawang upper buttons ng fly at sadyang ibinababa ng konti ang jeans para lilitaw ang puting garter ng brief.

“Wala bang music?” tanong ko. Pagpaparamdam na nabo-bored sa sitwasyon naming walang imikan.

Pinatugtog nya ang isang mellow music na lalong nagpapalakas ng loob kong mag-tease. Tiningnan lang nya ako at pinagpatuloy na ang pagbabasa, napailing-iling.

“Tingnan na lang natin kung iiling-iling ka pa rin mamaya” ang pagbabanta ng utak ko.

Eksaktong kalahati na ng bote ang naubos namin nung inilatag na ni Sir sa mesa ang aklat na binabasa. “O, siguro naman pwedi na tayong mag-usap...” sabi nya habang nakatutok sa akin ang mapupungay na mata dala ng pag-epekto na ng alak.

Umupo ako sa harap ng inupuan nya. Gusto kong matawa dahil sa pagkabilis nyang malasing, palibhasa, hindi sanay. “Heto yung taong hinahangaan, tinitingala, minahal, at iniidolo ng mga estudyante ngunit nandito sa harap ko, halos isang sapak ko lang at mawalan na ng ulirat.” sabi ko sa sarili. Tinitigan kong maigi si Sir James. Kahit nanggagalaiti ako sa galit, napansin ko rin ang napaka-attractive nyang mukha. In fairness, makinis; may magandang hugis ng mata at kilay, may matungis na ilong at mamumula-mulang mga labi, makapal na mejo wavy na buhok. No wonder na madami ding nalolokang babaeng estudyante sa kanya dahil sa hayup nyang porma.

Nasa ganun akong paghanga ng sumigaw si Sir James. Dahil sa kalasingan, animoy bata itong, “Hoy, Carl, hindi ka naman nakinig eh…!”

“OK lang James, magsalita ka...” ang sabi ko habang pinagmasdan na lang ang bawat galaw nya. Ibayong pagmamalaki sa sarili ang nadama; ako hindi pa halos tinablan sa nainum habang si Sir James ay mukhang bibigay na. At tila nagtatalon na sa galak na nademonyong isip sa nakikinitang palapit na katuparan sa maitim na balak.

Tumungga ulit ako ng tagay, at isa pa. “O, gusto mo pa?” sabi kong sabay offer ng isang basong tagay sa kanya.

“OK, sige...” tinungga nya ang tagay. Tinagayan ko pa, at ulit tinungga iyon. Nakailang ulit din syang tumungga…

Lasing na lasing na sya nung magpuntang CR para umihi, halos di na na makatayo. Nasa bungad pa lang ng CR nung mapansin kong maduduwal na kayat takbo kaagad ako para alalayan sya. Nasa likuran nya ako at akap-akap sya. Di ko maintindihan ang naramdaman habang naglapat ang aming mga hubad at pawisang pang-itaas na katawan. May kiliting dumaloy sa buong katawan ko habang bumubundol-bundol naman ang harapan ko sa likuran nya. Namalayan ko na lang na tumigas ang pagkalalaki ko.

Nasa ganung ayos kami nung mapansin kong parang nahirapan syang i-unbuckle ang belt upang buksan ang fly. Kayat habang nakasandal sya sa akin, ibinaba ko ang mga kamay kong naka-akap sa chest area nya at ako an mismo ang nag-unbuckle ng belt at nagbukas ng fly. Ako na rin ang naghugot ng ari nya. Dahil sa tinigasan si Sir, sumagi ito sa brief nya. Hinawakan ko iyon at isenentro sa toilet bowl ang bagsak ng kanyang ihi.

“Tangna! Para akong nag-assit ng isang disabled neto” sabi kong di maintindihan kung matatawa o maiinis. Parang nakuryente ako sa ginawa kong iyon. Sa buong buhay ko, nun lang ako nakahawak ng ari ng iba – at sa tao pang kinaiinisan ko.

Nung matapos na syang umihi, hindi sya kumilos, nakasandal lang sa akin, marahil dahil sa hilo; ang dalawa nyang kamay ay naka laylay lang sa giliran, aka-akap ng isa kong kamay ang chest area nya habang ang isa kong kamay naman ay hawak-hawak pa rin ang kumikislot-kislot nyang ari.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanang na naramdaman sa eksenang iyon. Hanggang sa gumalaw ang mga kamay ni Sir at siya na mismo ang nagsiksik ng ari nya pabalik sa loob ng brief.

Mukhang nahimasmasan na sya ng konti at hinayaan ko na lang din syang mag-isang maglakad pabalik sa sala.

“Arggggghhhhhh! Shitttt!” sambit ng isipan ko habang pinagmasdan syang paika-ika, di malaman kung bubugbugin sya o mainis sa sarili dahil sa imbis na galit at paghiganti, ay may sumisingit na kung anong awa o kiliti ang nadarama sa naudlot an eksena.

Nakaupo na sya nung bumalik ako sa inuupuan ko paharap sa kanya. “OK ka lang?” tanong ko.

“OK lang. Salamat... nahihiya ako sa iyo.” sabi nyang parang hirap sa pagsalita dahil sa kalasingan.

“OK lang yun, James, pareho naman tayong lalaki, e.” Sabi ko. “Balik pala tayo dun sa dahilan ng pagpapatawag mo sa akin, ano nga ulit yun? Sige, makikinig na ako dahil tinupad mo naman ang hiningi kong kundisyon at halos maubos na nga natin tong alak e.”

“Gusto ko lang naman... bumalik ka sa klase ko eh. Sayang naman ang galing mo kung di mo ipasa ang subject ko... yun lang ang gusto ko, simpleng bagay lang.”

“Ah, yun lang ba? Chicken. Ok, papasukan ko ang subject mo pero sa isang kundisyon.”

“Ano na naman yang kundisoyn na yan? Putsa, andami mong kundisyon din no?” sabi nyang sabay kamot sa ulo na parang batang nakukulitan.

“Makikipag-sex ka sa akin.”

Animoy nataranta sya’t biglang humupa ang kalasingan, di makapaniwala sa narinig. Napailing-iling at binitiwan ang pilit an ngiti habang ang mapupungay na mga matang dala ng kalasingan ay nakatutok sa akin. “Shittt! Tell me you are kidding, Carl.”

“No, I’m not James!”

Tinitigan nya ako. Nag-isip. “Di ko kaya, Carl...”

“Di mo kaya dahil estudyante mo ako o dahil ayaw mo lang talaga?”

“What is the point?” tanong nya.

“Just answer my question. Papasukan ko ba ang klase mo o hindi?”

“OK, ok. Bago ko sagutin ang tanong mong yan, tanong ko lang din. Ikaw ba, gusto mo rin ba talagang gawin ito with me, o may gusto ka lang patunayan?”

Nag-isip ako. “Halimbawang ang sagot ko ay dahil gusto ko lang na may mapatunayan...?”

“Sa akin? O sa sarili mo? Is this an experiment, or a test?” bilis nyang pag follow-up.

Natulala ako sa sagot nyang yun. Hindi ko akalaing sa kabila ng kalasingan nya ay magawa pa nyang ma-corner ako. Hindi ako nakaimik.

“Carl, sasabihin ko to sa yo: alam kong matalino ka, at naamoy ko, nilalaro mo lang ako e. Magaling ka, kaya espesyal ka sa akin, alam mo ba yun? Dahil ibang-iba ka sa lahat ng mga naging estudyante ko. Kumbaga, there is special and interesting about you. But don’t get me wrong; it’s not your looks; it’s your intelligence and the way you look at things, sa age mong yan. At nalulungkot ako dahil sa kabila ng talino mo, you are misdirecting it, stifling its full potential, and in the process heading yourself to self destruction. Nanghihinayang ako. You are a genius, but with the mindset of an idiot. How to correct that mindset is a great challenge for me bilang guro mo. Maaring masama ang loob mo sa akin sa approach ko sa iyo; but I got to do what I think is right. At alam ko, you want to resist and make your own game plan. Ngayon, kung kasali sa game plan mo ang kundisyon na makikipag sex ako sa yo para lang pumasok ka sa klase ko, sige, sasakyan kita jan. But I got my game plan too. And in the end, let us see whose game plan succeeds...” Tumayo sya at kahit groggy, tuluyang hinatak pababa sa sahig ang kanyang jeans at brief.

Mejo tinamaan ako sa sinabing yun ni Sir James. Hindi ko akalaing masabi nya na ako ay espesyal. Hindi ko lang maintindihan at matanggap kung bakit ganun ang approach at pagtrato nya sa akin. Alam kong sa talino at husay ni Sir James bilang isang guro, may malalim syang ibig sabihin at ipinahiwatig. Para akong natauhan at nagdadalawang-isip kung ituloy pa ang binabalak.

Nung makita ko ang biglang paghubad niya ng lahat ng saplot sa harap ko, may ibang kiliti akong naramdaman at tila nabura din bigla lahat sa isipan ang mga katagang binitawan nya tungkol sa akin. Lalo akong humaga sa ganda ng porma ng katawang hunk na hunk ang dating.

Nilapitan ako ni Sir, hinawakan sa kamay, pinatayo at sya na mismo ang nagtanggal ng jeans at brief ko. Biglang gumapang sa buong katawan ko ang sarap na hindi maipaliwanang. At naramdaman ko na lang ang pagtigas ng aking pagkalalaki. Hinalikan ako ni Sir sa bibig, nagdikit ang aming mga katawan. Para kaming nagsasayaw, nagyayakapan, nagkiskisan ang mga dila habang ang mga ungol ay nagingibabaw sa buong kwarto at katahimikan ng gabi. Hanggang sa tuluyan naming naipalabas ang init ng aming mga katawan at bugso ng pagnanasa.

Nung mahimasmasan, hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang bagay na iyon. Nalilito, binabagabag ng maraming katanungan ang isipan.

Tiningnan ko si Sir an nakatihaya sa kama. Sa sobang kalasingan, tila walang buhay at walang kamalay-malay sa mga pangyayari. “Maalala kaya nya ang pianggagawa at ang nangyari sa amin sa gabing iyon” tanong ng isip ko.

Ngunit hindi ko na pinapahalagahan pang malaman ang kasagutan. Ang importante sa akin, ay nagtagumpay ako sa aking misyon: ang sikretong makunan ng video clip ang eksenang naglabas-masok sa bibig ni Sir James ang pagkalalaki ko, na sya kong gagamitin sa plano kong pag-blackmail sa kanya...

(Itutuloy)

----------------------------------------------

Idol Ko Si Sir (Part 3)

Kagaya ng napagkasunduan, pinasukan ko ang subject ni Sir James. Ngunit hindi na kagaya ng dati na ibinuhos ko ang oras at talento sa kakaresearch at pagpapapapel sa mga discussions. Nakaupo lang ako sa isang gilid, kung anu-ano ang pinagkakaabalahan. Nanjan yung nang-iinis sa kaklase, nagdo-drawing ng mukha ng kung sinu-sino, lumalabas paminsan-minsan, o kayay natutulog. Kumbaga, taken for granted at respeto ko na lang sa napag-kasunduan. Pag may test, sina-submit ko kaagad ang test papers kahit walang laman, o drawing lang ng mukha ni Sir James ang nasa papel. Ang importante para sa akin ay di nya na ako iniipit, iniinsulto, pini-pressure. Higit sa lahat, hindi na rin nya ako pinapahiya sa harap ng klase. “Bakit pa ako magpapakahirap jan, e ipapasa din naman ako neto, dahil kung hindi, malaking eskandalo ang mapagpipyestahan sa campus na to. Hawak-hawak ko yata ang video clip na magpapatunay kung gaanu kagaling sumuso si Sir, hehehe... Sarappppp talaga ng buhay!” sambit ng utak kong naalipin ng kademonyohan.

Natapos na lang ang semester, ni hindi kami nag-papansinan. Ang hindi ko maintindihan ay ang nararamdaman ko. Oo, natuwa ako’t para akong ibong nakalaya sa bagsik ni Sir James, ngunit sa kabilang dako, parang may kaunting kirot din sa akin ang biglang pagbabago ng setup. Kung dati, sa akin nakatutok lahat ang attention ng buong klase at ako ang bida at iniidolo dahil sa pagiging palaban sa mga pang-aalaska ni Sir James, sa pagkakataong yun ay pakiwari koy biglang nawalan ng sigla ang mundo ko. Parang may malaking kulang... Na-miss ko ang kasiglahan ng klase, ang pagtatawanan nila at pagsasali sa mga argumentong nabuo dahil sa mga sagutan ng tanong at kontra-tanong namin ni Sir James. At ang higit na nagpapakirot sa dibdib ko ay ang lungkot sa mukha ni Sir. Ibang-iba na sya. Hindi na sya yung dating Sir na masayahin, buhay na buhay sa klase, at may ngiting nakakakahawa at nakakabighani. Nawala na ang dating sigla nya. Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko sa sandaling makita ang malungkot nyang mukha. Paminsan-minsan, pumapasok na lang sya sa isip ko at napapatulala na lang bigla. Minsan naman, parang gustong-gusto ko syang makita. Ngunit binale-wala ko nalang. Nanaig pa rin sa akin ang pride sa nararamdamang tagumpay laban sa kanya. “Kaw kasi, hindi mo muna tiningnan kung sino’ng makakabangga mo” sabi ko sa sarili.

Nung bigayan na ng grades, tuwang-tuwa kong kinuha ang card at excited na excited. “Gaano kaya kataas ang grades na ibinigay ni Sir James sa akin? Flat 1.0 kaya? Hehehe” tanong ko sa sarili. Dahil kasama ko ang kaibigang si Ricky, pagmamayabang kong ibinigay sa kanya ang card. “Tol, basahin mo nga at ikaw na ang magsabi kung gaano kabait ni Sir James sakin. Ano dre, flat 1.0 ba ang grade ko sa kanya, ha?”

Nung tiningnan na ni Ricky ang card, laking gulat ko na lang ng, “Hahahahahaha! INC. Tol, INC! Ganyan kabait si Sir James sa iyo! Nasa line of one ang grades mo sa lahat ng mga subjects maliban sa kanya – incomplete, hahaha!”

Sa sobrang hiya ko, dali-dali kong tinalikuran si Ricky at deretsong pumunta sa Faculty Room. “Magtutuos tayo ngayon, Mr. James Cruz. Talagang gusto mo akong kalabanin ha? Sige...” ang sigaw ng utak kong nanggagalaiti.

Dinatnan ko si Sir James sa Faculty Room at nagliligpit ng mga personal na gamit, pansin ko ang sobrang lungkot sa kanyang mukha. “James! Don’t do this to me, ok! I attended your stupid class based on what we agreed, remember nung mag-inuman tayo? Why didn’t you comply with what we agreed? What did you do to my grade? Answer meee!!!” ang sigaw ko habang nasa pintuan palang ng Faculty Room, hindi alintana ang iba pang guro at madre sa paligid.

“Hey, hey! Let’s talk this over at the Conference Room, ok? Come follow me. ”Ang kalmante nyang sagot habang nagmamadaling lumabas patungong Conference Room. Sumunod ako.

Nung nasa loob na kami nang naka-lock na Conference Room, “Ok, Mr. Miller, you are free to scream or to hit me. Come on, give me your best shot!” ang pasigaw nyang sabi habang hinila pataas ang sleeves pagpapahiwatig na handa syang makipag-suntukan.

Mejo nag-init ang tenga ko sa inasta nyang yun kayat sinugod ko sya kaagad para paulanan ng suntuk ang mukha. Ngunit naunahan nyang puliputin ang isang braso ko na halos mawalan na ako ng ulirat sa tindi ng sakit habang ang isang braso nya ay ini-lock sa leeg ko. Halos hindi ako makakilos at makahinga. Nasa likuran ko sya, ang katawan namin ay nagkadikit. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari at sa galing nya sa martial arts.

“Ok, Mr. Miller, you want to talk things over the easy way or the hard way?” ang matigas at pagalit nyang bulong sa tenga ko habang nasa ganun kaming tensionadong ayos, parehong habol-habol ang paghinga. Dahil sa idiniin nya ang bibig nya sa tenga ko, amoy an amoy ko ang hininga nya habang nagsasalita. Kahit ako nasa ganung katinding galit, bigla nalang pumasok sa isip ang nangyari sa flat nya nung malasing sya at umihi sa CR, nakasandal sa katawan ko. Yun nga lang, baligtad ang puesto namin dahil sya na ang nasa likod. Parang may sumundot na kiliti sa akin ang tagpong iyon at unti-unting nalusaw ang galit ko.

“Urkkk! James, pakawalan mo ako please... I’ll talk to you, I’ll talk to you!”

“Marunong ka naman palang mag-please. Ok, then let’s do it the easy way. Shoot your question!” Pinakawalan nga nya ako, naupo kami, magkaharap at nanggagalaiti sa galit ang titig nya sa akin.

“Why did you give me an INC?” ang tanong ko kaagad sa kanya.

“Ow, good question, Mr. Miller... and I’m dying to really hear that question from you. Sa tingin mo ba, kung ikaw ang nasa kalagayan ko at ako ang nasa iyo, would you give me a good grade? Pasalamat ka’t INC lang yun, not an outright failure...”

“Di ba ang usapan lang naman natin ay mag-attend ako sa subject mo?” ang mabilis kong sagot.

“Exactly! But remember Carl, hindi sinehan ang pinapasukan mo. It’s a damn class! And what do you expect to do in a stupid class? Siguro naman alam mo, di ba? Do I need to remind?”

Hindi ako nakapagsalita. Naisip ko na lang na kahit kailan, hindi ako nakakalusot sa mga katwiran niya. Palagi akong pinapahirapan, palagi nalang akong talunan.

Naisip ko ang cp at kinapa iyon sa bulsa ko. “OK... fine. Pero heto, may ipakita ako sa yo. Easy ka lang...” At pini-play ko nga ang video clip n akuha ko nung malasing sya at may nangyari sa amin sa flat niya. Tiningnan nya ito.

Ngunit hindi pa man natapos ang clip, “Ah, blackmail...? Ow come on, Carl, don’t be so hard on yourself. Alam mo, dapat magpakalalaki ka e. If you want to achieve something, then work hard for it. Napakaganda ng feeling kung ang isang bagay ay nakuha mo dahil pinaghirapan mo, o pinagpawisan. Napakadaming tao sa mundo na deprived sa mga bagay na nasa iyo na, naghirap, nag-invest ng dugo at pawis para lamang makamit ang mga kahit simpleng bagay na kagaya ng damilt o sapatos. Karamihan nga ay hindi na makapag-aral. May iba nga jan, hindi makakain kung hindi binibilad ang katawan sa araw o magbanat ng buto. Yung iba, ni hindi na iniisip ang ibang bagay na taken for granted na lang ng mga taong katulad mong spoiled brat dahil ang mas mahalaga sa kanila ay kung ano ang ilalagay na pagkain sa mesa. Yung iba nga e kahit mesa wala, at yung iba naman ay nakakatulog na lang na walang laman ang sikmura... Alam ko yan dahil isa ako sa kanila nung maliit pa ako, walang magulang lumaki sa hirap. Nagreklamo ba ako? Gumawa ba ako ng masama? Namblackmail ba ako? Hindi Carl. Bagkus, naging mas tumibay pa ang hangarin kong magsikap at magpursige… Ngunit ikaw, heto, blackmail ang puhunan sa isang napakaliit na bagay na kayang-kayang kamtin sa malinis na pamamaraan. Don’t you feel guilty and ashamed? Wow naman Mr. Miller... Na-experince mo na ba ang tinatawag nilang ‘peace of mind’ and ‘inner satisfaction’? O kaya’y kahit yun nalang sarap ng feeling sa pagkamit ng isang bagay na pinaghirapan at pinagpawisan? Itanong mo nga minsan yan sa sarili mo para magkaroon ka naman kahit papanu silbi sa mundo. Anyway, whatever you think makes you happy, then go for it; I don’t care a bit. At oo nga pala, today is my last day. I am leaving this school dahil... sasabihin nalang nating I failed as a teacher. May isang estudyante akong in the beginning I thought kaya kong baguhin ang baluktot na pananaw at gawing huwaran ng mga kabataan. Nagkamali ako sa challenge na iyon para sa sarili. I guess I was just too ambitious... Hindi ko alam kung saan pupunta after today but kaya ko namang mabuhay sa isang malinis na pamamaraan; na hindi gumagamit ng dahas, intimidation, o pambablackmail. Sanay ako sa hirap; sanay ako sa mabibigat na trabaho... Ang importante, wala akong tinatapakang tao, walang inaagrabyado o iniipit...” Nahinto sya ng saglit at binitiwan ang napakalalim na buntong-hininga. “Sayang lang ang lahat ng nasimulan ko dito... para sa mga estudyante. Anyway, I guess it’s goobye, Mr. Miller; nice meeting you here” dugtong nya sabay tayo at extend ng handshake. “By the way, a few words of advice: napaka-swerte mo sa buhay, Carl, I think it’s time for you to count your blessings, be happy with what you have, and be a positive contribution to the humankind.” Pahabol nyang sabi bago tuluyang lumabas ng conference room at isinara ang pinto.

Para akong napako sa pagkakaupo at sinampal ng maraming beses. Hiyang-hiya ako sa sarili, di malaman kung anong gagawin. Umuwi ako ng bahay na puno ng kalituhan, pagsisisi at panghihinayang. Di ko alam kung bakit ako nalulungkot at tumulo na lang ang luha. Siguro ay dahil sa mga sinabi nya na tumatagos sa puso at isipan ko, lalo na nung malaman kong galing din pala sya sa kahirapan, naghirap ang mama nya at nagbanat sya ng buto para lang makatulong sa pamilya at makamit ang tagumpay. At naalala ko ang Mom ko, ang mga paalala nya, ang mga pinagdaanan nyang hirap sa buhay sa pagkamatay ng Dad, ang mga paghihirap nya sa pagpapalaki sa akin, at ngayong heto ako, malaki na sana at imbes na tatayong katuwang at kakampi nya sa dinaanang hirap, ako pa itong nagdagdag-pahirap sa kanya, at binale-wala ang mga bagay na nakamtan at tinatamasa ko dahil sa pagsisikap nya. “Tama si Sir James... napakaganda ng mga sinasabi nya” ang bulong ko sa sarili.

Kinaumagahan, sinadya kong pumunta ulit ng school. Bulung-bulongan na ang pag-resign ni Sir James. Marami ang nanghihinayang. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, at di maipaliwanag ang nararamdaman. Halos tumulo na ang luha ko nung maisipang puntahan ang Faculty Room at alamin kung umalis na ba talaga si Sir.

“Ay, Mr. Miller, I think he’s still on his way to the bus terminal papuntang airport...” ang sabi ng isang gurong napagtanungan ko.

Dali-dali akong pumuntang terminal. Hindi ako nahirapang hanapin si Sir James dahil pinapaligiran sya ng maraming mga estudyanteng nag send-off sa kanya sa terminal, yung iba ay umiiyak. Nung mapansin nilang nandun ako, nagbigay-daan sila para makalapit ako kay Sir. Ramdam ko sa mga tingin nila ang matinding galit nila sa akin.

Nung magkaharap na kami, lumakas ang kabog ng dibdib ko, at di malaman kung ano’ng sasabihin. Hiya, panghihinayang, lungkot at pagsisisi ang naghalong nararamdaman. Di ko rin maintindihan ang excitement na nadama nung makitang nakangiti sya sa akin. Parang gusto kong umiyak. “Hi James...” ang nasambit ko lang.

“Hi, Carl!” ang maigsi rin nyang tugon.

“E... Sorry nga pala sa lahat. Marami akong mga pagkakamali at hindi ko alam kung paanu mai-prove ang pagsisisi ko. Sana, nandito ka pa sa school. Dito, maraming nagmamahal sa iyo, marami ka na ring nagawa at nasimulan. At nahirapan akong patawarin ang sarili dahil sa pagiging dahilan ng iyong pag-alis. Hiyang-hiya ako sa iyo, sa mga estudyanteng nagmamahal sa iyo...” ang sabi ko, di malaman ang sunod pang sasabihin.

“Hahaha! Wag ka ngang mag-drama jan Carl. Wala na sa akin yun. Pinatawad na kita at masaya ako at nakapag-isipisip ka rin. At, tungkol jan sa pruweba na nagsisi ka, isa lang ang gusto kong gawin mo. Puntahan mo si Prof. Fuentes, nandun lahat ang instruction ko para sa iyo; kung ano ang dapat mong gawin para mabura ang INC mong grade. Pag ipinasa mo iyon ng maigi, maniniwala na talaga ako na nagsisisi ka na.”

“I’ll do it, James, thank you.”

“And I want your best, Carl. Show it to me!”

“Yes Sir!”

Nag-offer na sya ng shakehand dahil umandar na rin ang bus. Ngunit imbis na tanggapin ko ang kamay nya, niyakap ko sya ng mahigpit. Natawa nalang sya at tinugon nya na rin ang yakap ko. Nagpalakpakan ang mga estudyanteng kapaligid at nakatingin sa amin.

Habang papalayo na ang sinasakyan nya, binuksan nya ang bintana at pahabol syang sumigaw sa akin, “Hey, hindi nga pala tinanggap ang resignation ko!”

“Ha? Talaga?” ang sagot kong patakbong hinahabol ang bus. Hindi ko na rin narinig ang sagot pa nya at nag-gesticulate na lang syang parang ang ibig sabihin ay “Sa pagbalik na lang nya...”

Parang gusto kong maglulundag sa tuwa sa narinig kong pahabol nyang iyon. Itatanong ko pa sana kung bakit pa sya aalis kung hindi naman pala tinanggap ang resignation nya. Pero hinayaan ko nalang at napakalayo na ng bus. Ang mahalaga, hindi pa rin pala sya mawawala sa sunod na pasukan. At sa oras na iyon pa lang hindi ko na napigilan ang excitement an nadarama na makita syang muli, at maipakita sa kanya kung paano ko galingan ang task na ibinigay nya sa akin.

(Itutuloy)

---------------------------------

Idol Ko Si Sir (Part 4)

Pinuntahan ko si Prof Fuentes sa mismo ding araw na galing akong mag-send-off kay Sir James. Dun ko nalaman ang dahilan ng pag-alis nya. Ipinadala pala sya sa isang National Convention sa Maynila at pagkatapos, dideretso na sa isang special training. Mga dalawang buwan din sya dun. Imbis daw kasi na tanggapin ng school president ang resignation nya, binigyan pa sya ng promotion bilang Dean ng Student Affairs ng College.

“Ang tindi talaga ni Sir James! Ambagsik!” sabi ko sa sarili. Dun ko na rin napag-alaman ang assignment ko, “Immersion”.

“What is that, professor?” ang tanong kong parang biglang kumati ang anit ng ulo.

“Mr. James Cruz had contacted a family in the rural area to be your adoptive family. You will stay with them for two months, share family works and routine, eat what they eat, and live like you were a true member of the family. You will be required to make anecdotals or daily journals of your experiences and at the end of your immersion, you need to submit a detailed report, stating the lessons and values learned if any, and an analysis of societal and/or political impact of the lives of the people with whom you were ‘immersed’ with.”

Parang gusto kong matulala sa narining. “Medjo malalim at mahirap. Pero… kayang-kaya ko yan.” ang bulong ko sa sarili.

“And, you are not allowed to bring with you any electronic gadgets, not even your cp which will be of no use anyway because there is no signal in the area. You need only to bring a handful of shirts, jeans, shorts and underwear. You can bring cash but you are not required to use it unless in an emergency situation. The family will take care of your needs. Take note that Mr. James Cruz will be checking with the family whether you have fully complied with the rules. And one thing more, I need you to fill this up, to be signed by your parent or guardian.” Iniabot nya ang isang papel na parang waiver. “Is there any question?”

Magreklamo sana ako ngunit naalala ko ang promise sa sarili. “Ganun ba ka-delikado yang immersion na yan na kailangan pa ng... Ahhhh! Hanggang dito ba naman, pinapahirapan pa rin ako ni Sir? Pero, Kakayanin ko to para sa iyo Sir James, at para na rin sa sarili ko at sa Mom ko” pang-aamo ko sa sarili. “I have no questions, professor.” ang sagot ko nalang.

“Ok, then, good luck, Mr. Miller and tomorrow, you should be here at 7am with the signed waiver; someone will pick you up to drop you to your assignment.”

Kinabukasan, wala pang alas syete nandun na ako sa school, dala-dala ang waiver at ang kakaunting personal na gamit sa isang knapsack base sa instruction sa akin ni Prof Fuentes.

Sinundo nga ako at inihatid sa lugar. May mahigit apat na oras din ang biyahe at dahil sa dumating na kami sa kung saan makitid at mahirap ang daan papasok, naglakad pa kami ng halos dalawang oras. Puro malalaking kahoy, mahahabang damo, kawayan at pataniman ng nyog ang nadadaanan namin. Tumawid din kami ng dalawang maliliit na ilog, at umakyat sa isang matarik na burol. Halos mawalan na ako ng ulirat sa hirap ng paglalakad at dinaanan namin. Hingal-aso ako nung makarating. “Sa wakas...!” sigaw ko sa sarili.

Maaliwalas ang bahay ng adoptive family ko, yari sa kawayan, at ang atip ay nipa. Dahil nasa bukid, halaman at kahoy ang mga nakapaligid, at sa buong lawak na saklaw pa ng paningin ay makikita ang mga puno ng niyog. Napakapresko ng hangin at pakiwari koy napaka-simple ng pamumuhay ng mga tao.

Sinalubong kami ng mag-asawang nasa edad mahigit kwarenta at mga anak nila, “Kumusta, Carl, welcome. Wag kang mahiya sa amin at isipin mong tunay kang bahagi ng pamilya. Tawagin mo akong Tatay Nando, at heto naman si Nanay Narsing mo” ang sabi ni Tatay Nando habang nag-handshake kami at pagkatapos ay si Nanay Narsing naman. “Heto ang mga anak namin – si Anton, 16 ang edad, si Dodong, 14, si Clara, 11, at ang bunso, si Letecia, 9. Yung panaganay namin, si Maritess ay nasa syudad pa, nag-aaral kasi ng kursong Education, at nagsa-summer class para hindi masyadong mabigat ang subjects nya sa darating na semester” pagpapaliwanag ni Tatay Nando habang isa-isa kong kinamayan ang mga adoptive brothers and sisters ko.

Sa nakikita kong anyo nila, naiisip ko kaagad na sanay sila sa mabibigat na trabaho. Madungis at gusgusin ang mga suot, at sunog ang mga balat, naka-paa lang sina Anton at Dodong at mapapansin ang makakapal na kalyo sa kanilang mga paa. Kitang-kita sa mga mukha nila ang galak at paghanga sa postura ko. Siguro dahil sa pananamit, kinis at mestisong balat at tangkad. Kaya pati na rin mga kapitbahay, lalo na mga bata ay naki-usyoso. Akala nila siguro artista ang nakita nila.

“Ah, mga kapitbahay, eto pala si Carl Miller, estudyante ni James. Dito sya titira sa bahay ng mga dalawang buwan at tutulong sa mga gawain” ang pagpapakilala sa akin ni Tatay Nando sa mga kapitbahay.

“Magandang araw po sa inyong lahat” Pag-greet ko sa mga nakapaligid at nag-uusyosong mga kapitbahay.

Sumiksik sa isip ko na itanong kung bakit nila kilala si Sir James. Ngunit di ko nalang itinuloy. “Siguro may contact lang sila dahil sa assignment ko na to” sabi ko an lang sa sarili.

Nung magpaalam na ang guide ko pabalik sa school, pumasok kami ng bahay kung saan naka-hain na ang pananghalian. Pagpasok pa lang ay sala na kaagad kung nasaan nandun na rin ang kusina sa may dulo. Walang mga upuan at lamesa.

Bago kumain, napansin ko ang kakaiba nilang nakasanayan. Sa isang maliit na planggana may tubig at dun sila naghuhgas ng kamay, halos sabay-sabay hanggang sa ang tubig ay magkulay brown na. Para akong nandiri at nagdadalawang-isip kung maghugas din ng kamay dun. Ngunit naalala ko ang instruction ni Prof Fuentes na dapat akong mag-adapt sa kanila. Naisip ko rin na baka ma-offend sila kung di ako maki-sali. Kayat kahit alam kong madumi na ang tubig na hinuhugasan ng kamay ko, pilit kong iwinaksi iyon sa isipan.

Kamayan habang kumakain sa ulam na inihanda – tinolang native na manok, inihaw na isdang matabang, at ginataang gabi. At dahil sa walang lamesa, sa papag kami kumain. Ibang-iba ang lasa ng kanilang luto kesa sa mga pagkaing na-oorder sa restaurant o nakasanayan ko na. Medyo matabang at walang betsin. Dun ko natikman ang talagang tunay at sariwang lasa ng niluluto; walang preservatives, walang artificial flavors, o additives.

“Ansarap pala dito!” sabi ko sa kanila habang kitang kita ko ang sarap na sarap nilang pagsubo.

Nangiti na lang si Tatay Nando.

“Bukas, tayong mga lalaki, alas-kwatro palang, gising na dahil marami pa tayong gagawin” sabi ni Tatay Nando habang kumakain pa kami.

Sa unang gabi ko ay ramdam ko na ang hirap ng pagsubok. Feeling ko nasa ibang mundo ako. Walang koryente, walang TV, walang radyo, walang internet o texts messages man lang, at higit sa lahat, walang sigarilyo. Para akong mababaliw. Naninibago din ang katawan ko sa higaang kawayang sahig na nilalatagan lang ng banig. Mangiyak-ngiyak ako sa hirap.

Naka-idlip lang ako ng bahagya at namalayan ko na lang na gising na ang lahat. Kahit mabigat ang katawan, pinilit kong bumangon at sumama kina tatay Nando sa gawain sa nyogan na pinagkakatiwala sa kanila – sa paghahakot ng nyog, pagbabalat, pagbibiyak, hanggang sa pagpatuyo nito gamit ang pugon. At dahil hindi sanay ang katawan sa ganung klaseng bigat na gawain, sa pakiwari koy hindi matapos-tapos ang trabaho, napakabagal ng oras at napakainit. Nanginig at sumakit ang buo kong katawan, naligo sa pawis, kumirot ang sikmura, at humapdi ang balat. Kinabukasan at sa sunod pang mga araw, ganun pa rin ang routine. Gusto ng bumigay ng katawan ko. Ngunit pinilit ko ang sariling labanan ang mental at physical na epekto nun sa akin. Ginawa ko ang lahat para matuto at maka-adapt sa ganung klaseng pressure.

Sa ilang araw lang, nakabisado ko rin ang routine at takbo ng trabaho. Kahit ang nakakatakot na pag-akyat ng puno ng nyog ay nagawa ko na rin. At hindi naman ako nabigo sa ipinamalas na sipag at determinasyon dahil natuwa sa akin sina Tatay Nando at mga foster brothers ko. Nasaksihan nila kung paano ko sila sinabayan sa trabaho kahit hirap na hirap ako; kung paano ako nag-adapt sa pamumuhay nila. Halos araw-araw, yun ang routine namin. Kung hindi naman, nagbubungkal ng lupang taniman, o nag-aararo, o kaya’y nag-iigib ng tubig-inumin isang kilometro ang layo.

Napag-alaman ko na kung bakit nila pinag-igihang doblehin ang volume ng pagko-copra nung season na iyon. Ito ay dahil kailangan nila ng pantustos ng tuition fee ng panganay nilang anak na si Maritess na nasa college na at ang iba ay pambayad sa utang. Dahil pa nga dito, sinakripisyo na rin nila pansamantala ang pag-aaral nina Anton at Dodong. Kapag nakatapos na si Maritess saka na ulit sila mag-aaral, at susuporta na rin si Maritess sa pag aaral nila kapag siya naman itong makapagtrabaho.

Ngunit dun lubusang naantig ang puso ko nung magkasakit ang bunsong si Letecia at kailangang dalhin sa ospital. Wala silang pambayad at kahit nandun na sa mismong ospital ang bata ay di pa rin maasikaso ng duktor dahil sa walang maipakitang pambayad ang mga magulang. Iyak ng iyak si Nanay Narsing at Tatay Nando at nagmamakaawa sa mga duktor ng hospital. Parang dinurog ang puso ko sa tagpong iyon. Buti nalang nandun ako at may dalang pera at inako ko ang pagbayad. Ayaw sanang tanggapin nina Tatay Nando ang offer ko dahil mahigpit daw ang bilin ni Sir James na wag tatanggap ng pera galing sa akin. Subalit, inisist ko na ako ang bahalang mag explain dahil sa emergency naman ang sitwasyon na iyon.

Abot-langit ang pasasalamat ni Tatay Nando sa akin nung gumaling na si Letecia. “Alam mo, Carl, kalusugan ang puhunan namin sa buhay. Kahit ganito lang kami, masaya na kami wag lang magkasakit ang isa sa amin. At napaka-swerte pa rin namin dahil sa hindi sakitin ang pamilya ko, ngayon lang ito nangyari. Sa hanapbuhay naman, kahit papanu, may lupain kaming tina-trabaho, tinataguyod, at nakakain ng tama. Basta wag lang talagang magkasakit, yun lang ang hiling ko. At malaki rin ang pasasalamat ko dahil biniyayaan kaming mag-asawa ng mga masisipag, mababait, at masunuring mga anak. Sila lang ang maipagmamalaki ko.”

Tumayo ang balahibo ko sa narinig. Hindi ko akalaing sa kabila ng tindi ng kahirapan nila, magawa pa ring magsabi ni Tatay Nandong maswerte sila. Ang nasabi ko nalang sa sarili, “Napaka selfish ko... heto ang isang taong halos magpakamatay na sa hirap at tindi ng trabaho makamit lang ang kapiranggot na pera, anlaki na ng pasasalamat sa klase ng buhay nilang natamo. Ngunit ako, heto, kabaligtaran. Nasa akin na sana ang lahat ngunit hindi ko man lang nakita ang kahalagahan ng mga ito.” At ang isa ring binitiwan nyang salitang tumama sa puso ko ay ang pagka-proud nya sa mga mga anak nya. “Ako kaya? Naging proud din kaya ang Mom ko sa akin sa kabila ng pagiging pasaway ko...?” Hindi ko na napigilang tumulo ang luha.

Sa dalawang buwang pagtira kina Tatay Nando ko na-experience ang masasabing tunay na kahulugan ng buhay, ang pagsisikap, ang magbanat ng buto, ang danasin ang gutom at suungin ang anu mang pisikal na hadlang para lang makakain ng tatlong beses sa isang araw at maitaguyod ang ang mga pangangailangan ng walang ni konting pag-aatubili o hinanaing sa kabila ng lahat ng hirap. Inaamin ko na sa experience na yun, nagbago ang paningin ko sa buhay at sa mga bagay-bagay. Naintindihan ko na ng lubusan ang kahalagahan ng pagsisikap, ang pagsasakripisyo, at ang sarap ng pakiramdam sa kahit maliliit na tagumpay kapag itoy nakamit sa malinis at pinaghirapang paraan, o sa pagharap ng mga pagsubok, at malampasan ang lahat. At naintindihan ko na rin kung bakit sa kabila ng paghihirap ng isang tao ay kaya pa rin nyang humarap sa mundo na puno ng pag-asa at magsabing “napaka-swerte ko pa rin sa buhay...”

Higit sa lahat, naintindihan ko na rin na hindi sa dami ng pera o karangyaan, o bisyo at droga mahahanap ang tunay na kaligayahan.

Tumulo ang luha ko nung araw na makumpleto ko ang task na ibinigay sa akin ni Sir James at kailangan ko nang magpaalam Kina Tatay Nando, Nanay Narsing, Maritess, Anton, Dodong, Clara, at Letecia. Hindi ko lubos maipaliwanag ang nararamdaman. Masakit dahil kahit sa napakaiksing panahon ay naging parte na rin sila ng buhay ko, naging close kami sa isa’t isa, nagsama sa hirap at mga pagsubok at sumuporta sa bawa’t hirap an sinuung. At marami akong natutunan sa kanila na hindi ko natutunan sa loob ng eskwelahan.

Ngunit sa kabilang daku, may saya din sa puso dahil babalikan na ulit ang mundo ko na may malaking pagbabago sa paniniwala at pananaw sa buhay, baon-baon ang mga natutunang magagandang aral.

“Tay, wag po kayong mag-alala, bibisitahin ko po kayo dito. Hindi maaaring hindi ko babalik-balikan ang lugar na to kung saan ko natutunan ang tunay na kahulugan ng buhay” ang paniguro ko kay Tatay Nando bago ko sila inisa-isang akapin.

Tinahak ko muli ang makikitid at matarik na daan pabalik. At sa pagkakataong iyon, hindi ko na nararamdaman pa ang hirap at pagod na naranasan sa unang pagtahak ko doon. Kung tumibay man ang loob at pananalig ko sa buhay, tila ganun din ang katawan ko. Ang paulit-ulit na naglaro sa isipan ay ang mga katagang binitawan ni Sir James sa akin. “Napaka-swerte mo sa buhay, Carl... Count your blessings, be happy, and be a positive contribution to the humankind...”

Sa unang pagkakataon naramdaman ko sa puso ang peace of mind at inner satisfaction. Napakagaan ng pakiramdam. At lalo akong humaga sa kanya. “Tama ka, Sir James, napaka-swerte ko sa buhay... At napaka swerte ko rin na nagkaroon ng isang guro na katulad mo. Promise ko sa iyo na sa paghaharap nating muli, bagong Carl Miller na ang makikita mo; puno ng determinasyon at pagsisikap, puno ng kabuluhan, puno ng pagpapahalaga at pagpursige sa buhay…”

(Itutuloy)

----------------------------------------

Idol Ko Si Sir (Part 5)

Nung magkita kami ulit ni Sir James, hindi na sa Conference Room kung hindi sa bago nyang office sa Student Affairs. Nung pumasok ako, nakaupo na sya sa sofa, kagalang-galang ang dating sa suot nyang long sleeves na kulay brown, yellow-and-black tie, slacks, at itim na sapatos, kabaligtaran naman ng sa akin na white t-shirt at faded na maong na may mga butas-butas. Napansin ko rin ang bagong gupit at makintab nyang buhok. Sa loob-loob ko, “Shitttt.... hanep ang dating ni idol!” Umupo ako sa isang upuan sa harap nya, medyo kinakabahan, hindi maipaliwanag ang sobrang saya at excitement. Abot-tenga ang binitiwang ngiti nya sa akin at nang iniabot nya ang kamay, “Wow, ang gara ng office mo James, este, Sir! Iba ka talaga!” ang biro ko at biglang hablot ang kamay nya upang magdikit ang mga katawan namin.

Natawa lang si Sir habang tinugon ang mahigpit kong yakap, halos madikit na ang labi nya sa pisngi ko sa sobrang higpit ng yapos ko sa kanya. Tinapik nya ang likod ko at kinuha na ang report, binasa, umupo ulit sa sofa at tumango-tango. Hindi ko na iniisip pa kung ano man ang grade na ibigay nya sa akin. Ang mahalaga, nagawa ko ng maayos ang task at ibinuhos ko ang best ko. Pero syempre, excited pa rin ako sa magiging comment nya, pinaghirapan ko yata yun.

“I’m impressed! Excellent job, excellent report, excellent presentation, excellent insights!” Ang sabi nya sabay abot ng kamay pag-congratulate sakin.

Para akong lumutang sa ere nung marinig ang comment na yun. “Thank you, Sir! I really put my heart in it.”

“Yeah, and I can feel it still alive and throbbing...” Tumawa sya at tumingin sa akin.

Ngunit natulala na ako at nakatingin na lang sa kanya sa sobrang tuwa. Pakiramdam ko na-hypnotize ako sa sobrang di makapaniwala sa nakitang saya nya sa ginawa ko at sa di maipaliwanag na attraction at excitement sa sobrang pagka-miss sa kanya. “Dati tini-terrorize ako neto pero ngayon, napakabait na sa akin at tinitingala ko na sa sobrang taas ng respeto ko...” ang bulong ng utak ko.

Napansin nya yata na para akong tulala. “Hey, I’m kidding ok? Didn’t you get my joke?” ang pabiro nyang tanong, sabay angat ng palad sa harap ng mukha ko para i-check kunyari kung gumagana ang paningin ko. Natawa na rin ako sa ginawa nyang iyon.

“I know you tried your best, Carl. Nakikita ko sa sunog at puno ng rashes mong balat at mukha, at pagpayat mo” at sabay binitiwan ang malutong na tawa. “And I hope that this won’t just be in the papers, Mr. Miller. I expect to see a different Carl Miller this time – mature, responsible...” Nahinto sya ng bahagya. “Kumusta na pala sina Tatay Anton, Nanay Narsing, Anton, Dodong, Clara, at Letecia?”

“Kilala mo silang lahat?” ang tanung kong naguluhan, di makapaniwalang kabisadong-kabisado nya ang buong pamilya.

“Oo naman. Sila ang umampon sa akin. Nung puslit palang ako at namatay ang mga magulang. Walang kamag-anak ang mga magulang ko dito kaya dahil matalik na kaibigan ng nanay si Nanay Narsing, inampon ako ng pamilya niya. Mabait sila sa akin at itinuturing nila akong tunay na anak. At ngayong nakapagtrabaho na ako, sumusuporta na rin ako kahit papano sa pagpapaaral sa panganay nilang si Maritess. Yan ang kwento ng buhay ko. Lumaki akong mahirap at nagbanat ng buto. Kaya nung malaman ko na anak mayaman ka at spoiled brat at that, na-challenge ako na ipakita sa iyo ang ibang mukha ng buhay na naranasan ko, na naranasan ng marami ngunit hindi mo nakita... para mamulat ka sa kahalagahan ng kung ano man ang meron ka na pinaghirapan pang makamit ng iba. At kung naghirap ka sa dalawang buwan na pananatili mo kina Tatay Nando? Ako, buong buhay – yan ang mundong ginagalawan ko.”

“Ang tindi din pala talaga ng karanasan mo, ano?”

“Oo. At laking pasalamat ko na sa ganung klaseng buhay ako namulat. Dahil dito, naging matatag ang pagkatao ko, ang paninindigan, ang karanasan. Kaya kahit saan ako itapon, mabubuhay ako. At higit sa lahat, sa kanila ko natututunan ang pagpapakumbaba, ang patas na pagsuong sa mga hamon sa buhay, ang sipag at tyaga, ang pagpapahalaga sa trabaho at sakripisyo para makamit ang minimithi... lahat ng iyan utang ko sa kanila.”

“Kaya pala ang galing mo, James. Kaya’t idol talaga kita, sobra! Kahit noon pa mang pinag-iinitan mo ako, idol na kita talaga e. Nainis lang ako sa iyo noon dahil di mo ako pinapansin, hehehe” ang pag-amin kong mejo nahihiya.

“Hahahaha! Sobrang pansin nga kita e kaya kita dinidikdik. Kumbaga, parang isa kang mamahaling gem na kailangang ipolish ng ipolish para lalabas ang buong kinang.”

“Wow naman... lalim! Gem pala ha, ganyan ako ka-especial?”

“Dahil gusto kong mabago ang baluktot mong pananaw at nang sa ganun, pwedi na akong makipag-bonding sa iyo.”

“Hahahaha! Di mo kaagad sinabi. E di sana hindi ka na nahirapan.” sagot kong biro din sa kanya.

“E, at least, naranasan mo kung papanu makagat ng ahas, ang habulin ng putakte, ang pagsisipsipin ng mga lamok at linta ang dugo, ang umakyat ng puno ng nyog, ang gumamit ng itak at lagari, ang mag-araro at magbungkal ng lupa, at higit sa lahat, ang kumain ng tipaklong!”

“Hahahaha!” Sabay kaming nag tawanan. “Maalala ko pala, ba’t di man lang sina Tatay Nando nagbanggit na dun ka pala sa kanila lumaki?”

“Syempre, inexplain ko sa kanila. Alam nila lahat ang buhay mo, at ang kahalagahan ng task na iyon para sa iyo. Alam ko, naawa sila sa iyo ngunit wala silang magawa. Alam din kasi nila na hindi ka matututo kapag ang turing nila sa iyo ay bilang isang espesyal na bisita. Kaya labag man sa kalooban nila, pinabayaan ka talaga nilang magbanat ng buto at maki-hati sa mga trabaho.”

“Ganun ba? Naisahan mo na naman ako James e. Andami mo talagang pakulo. Iba ka talaga, idol! So... flat 1.0 na ba ang grade ko?” biro ko.

Ngumiti sya sabay tingin sa akin. “Di malayo Carl, di malayo...”

At nakamit ko nga ang gradong “1.0” sa subject ni Sir James.

Kagaya ng ipinangako ko sa sarili, ibinuhos ko lahat ng effort at talento sa pag-aaral. Syempre, inspired. At upang mapalapit pa rin kay Sir James na Dean na ng Student Affairs, sumali at naging active ako sa iba’t-ibang college clubs. At ang pinakamalaking karangalan na nakamit ko sa taon na yun ay nung ibinoto ako ng mga estudyante bilang presidente ng student council. Sa buong taon, naging consistent number one din ang pangalan ko sa honor’s list. Kung dati ang bakanteng oras ko ay iginugugol sa barkada at lumalabas halos gabi-gabi at nag-iinum o nakikipag pot session, sa panahon na iyon, mga gawain sa school at pag-paplano ng mga projects an ikabubuti sa mga estudyante at paaralan ang pinagkakaabalahan ko. Pati ang paninigarilyo ay tuluyang tinalikuran ko na rin.

Namangha ang lahat sa ipinamalas kong pagbabago. Naging matindi din ang team-up namin ni Sir James; sya bilang head ng student affairs at ako bilang student leader. Naging mas involved at participative ang mga estudyante sa mga activities at issues, at impressed ang administration sa daming projects na nagawa namin sa school. At lalo pa akong ginanahan sa mga ginagawa dahil sa magagandang feedback at commendations na natanggap. At sa mga kapwa ko estudyante, ako ay kanilang hinahangaan at iniidolo.

Ok na sana ang lahat. Ngunit may isa pa akong issue na hindi masettle-settle at mabigyan ng paraan kung paano ma-resolve: ang nararamdaman ko para kay Sir. Di ko alam kung kaawaan o sisihin ang sarili.

Simula nung mabago nya ang paningin ko sa buhay, humanga na ako ng sobra sa kanya to the point na hindi ko na sya maiwaglit sa isipan. Gabi-gabi o sa panahong ako’y nag-iisa, sya plagi ang laman ng utak ko. At ang nagpapatuliro sa akin ay kung bakit ko nararamdaman sa kanya ang isang bagay na dapat ay nararamdaman ko lang para sa isang babae. Maraming katanungan ang sumiksik sa isipan ko. “Bakit si Sir James pa? Kontento na lang ba ako sa ganito; na kinakalimutan ang sarili? Paano naman ang kaligayahan ko? Kailangan ko bang magsakripisyo at kalimutan ang sarili upang maiwasan ang maaring mangyaring hazzles, madamay si Sir, at masira lahat ang mga magagandang gawain at simulain naming dalawa sa school? Paano kung may nararamdaman din si Sir para sa akin at hindi na lang ako gagawa ng hakbang? At kung halimbawang gagawa man ako ng hakbang para sa nararamdaman ko at ma-frustrate lang, di kaya lalo lang akong masaktan at masira ang tiwala niya at ng mga tao sa akin?”

Oo, nakikita ng mga tao ang ngiti ko sa mga achievements na nakamit at pakikisama ko sa kanila. Ngunit ang hindi nila nakikita ay ang hinagpis at sigaw ng puso ko...

Masakit, at sobrang sakit na sa mga pagkakataong kaming dalawa lang ni Sir ang magsama, magtawanan, o magkwentuhan ng kung anu-anong bagay, ang kalooban koy sumisigaw na sana, mayakap o kaya’y maipadama man lang sa kanya ang damdamin ko.

Minsan, ang ginagawa ko na lang sa mga pagkakataong parang sasabog na ako sa halong pagkalito at lungkot sa gitna ng usapan namin, mag-excuse ako nyan at pupuntang CR. At doon ko ipapalabas ang ngitngit sa sarili.

Marahil ay nagtataka din sya kung bakit may mga pagkakataong bigla nalang akong nalulungkot. At kapag nagtanong nag-aalibi nalang ako masakit ang ulo, sikmura, di maganda ang pakiramdam…

Minsan din may mga oras na gustong-gusto kong mapag-isa. Pupunta nalang ako nyan sa likod ng main school building, uupo sa ilalim ng malaking puno at dun magmumuni-muni na parang gago. “Ganyan talaga siguro kapag na-inlove ka at sa isang ganitong pang klaseng… Ahhhh! Shiiittttt! Ang hirap tanggapin! Nakakabaliw!” ang sigaw ko sa sarili.

Napansin din ng kaibigan kong si Ricky na mayroon akong itinatago kaya’t palagi nya akong niyayayang lumabas. Last day na ng second semester nun nung parang di ko na talaga makayanan at nasumpungan kong sumama sa kanya. Nagbar kami, umurder ng beer.

Mejo nag-init na ang pakiramdam ko nung mag-open si Ricky ng topic. “Tol, buti naman at pinagbigyan mo ako ngayon. Antagal na rin nating di nakapagbonding. Na-miss ko na ang ganito ah!”

“Oo ako nga din eh. Sensya kana. Gusto ko sana kasi ma-maximize ang time ko para sa mga projects...”

“Naintindihan ko naman yun, tol. Pero, mag-enjoy ka naman paminsan-minsan. Remeber, ‘all work and no play makes Carl a dull boy’, hehehe. Bata pa tayo. I-enjoy natin ang buhay.”

“Nag-eenjoy din naman ako sa work ko eh. Kaso...”

“Kaso, ano...?” Mukhang na-excite si Ricky nung di sinadyang nabanggit ko ang salitang ‘kaso...’. “Oh, come on, Carl. Wag kang magkunwari tol, in love ka ano? Sino? Sino ang tangnang swerteng babaeng yan, ha?”

“Yan na nga ang problema tol eh...”

“Putsa, kala ko ba di ka namomroblema sa babae. sa gandang lalaki mong yan? Matalino, mayaman, campus idol, kilabot ng mga chicks, ng mga koleheyala, ng mga guro, ng mga madre, ng mga kung anu-ano pa? Anong pinoprob—“

“Lalaki sya tol.” ang casual kong pagkasabi pag cut sa sinabi nya.

Halos malaglag si Ricky sa inuupuan sa reaksyon nya. “Hah!? Tama ba ang narinig ko, tol na na-inlove ka sa lalake as in capital L-A-L-A-K-E... yung may lawit ng katulad ng sa akin at sa i--”

“Oo. At oo pa.”

Sinampal-sampal ni Ricky ang mukha nya. “Lasing na ba ako, o nakatulog na sa kalasingan? Tol naman... wag mong sabihing sa akin ka na-in love. Kahit ganyan ka kagandang lalaki... sige papatulan na kita” sabay tawa. “Tol, naman, wag kang magbiro ng ganyan please lang.”

“Seryoso nga ako, tol.”

“Shiiiiittttt! Tangina. Seryoso talaga. Ok, fine. Pero bigyan mo naman ako ng panahong mag-isip plis bago kita sagutin... naman o?”

“Tarantado! Hindi sa iyo.” Sabi kong sabay batok sa kanya.

“Raykupo! E, kanino? At bakit? Huhuhuhu! ano ba tong nangyari sa iyo, tangna ka. Sa kadami-dami ng babae jan na nagkandarapa sa iyo. Panu ka ba nagkaganyan, punyeta ka. Huhuhuhuhu!”

“Bago ko sagutin yan, promise ka muna. Una, wag kang mabigla. Pangalawa, atin-atin lang ito. Mai-promise mo ba yan sakin?

“E nabigla na nga ako, e hinayupak ka, ganyan ka pala wala akong kaalam-alam, uhuhuhuhu! Buti di mo ako pinagtripan, leche na iyan, panu ba gamutin yan? Huhuhuhu!”

“Mai-promise mo ba! Yan ang tanong ko! Wag ka ngang mag inarte? Mas ikaw pa ang mukhang bakla jan eh.”

“Ngekkk! At ako pa ngayon? Disgrasya na!”

“Ano mai-promise mo ba? O babatukan kita?”

“Oo na! Sige na, atin-atin lang, promise. Tangina na yan! Uhuhuhuhuhu!”

“Bakit ka ba umiiyak jan, tarantado ka. Sige ka pag nawalan ako ng gana di ko na sasabihin to sa iyo, at iiwanan na kita dito, ikaw pa ang magbayad ng lahat ng inorder nating yan.” ang pasigaw ko ng sabi.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ricky. “E, sorry tol... di ko kasi alam kung nagbibiro ka lang ba, o talagang seryoso e. Di ko alam kung paniwalaan ang mga sinasabi mo o ano. Di ka naman lasing, di ka naman siguro naka-bato... Seryoso ka ba talaga?” ulit nya.

“Seryoso nga, ano ka ba! E, kung ikaw nga nalilito sa sinabi ko, ako pa kaya...? Nahirapan na ako tol, sobra!” sabi kong sabay hampas sa dibdib.

“Hindi mo ba kayang kontrolin yan? O kaya, ibaling mo na lang sa akin, hehehe, jokes lang pare, pinapatawa lang kita.”

“Kung pwedi nga lang e, bakit hindi. E, kaso... Ewan ko ba, mababaliw na yata ako neto!”

“E, di sabihin mo sa kanya?”

“Ganyan lang ba ka-simple?”

“Alam mo, tol... sa akin lang ha? Pag may gusto akong isang tao o bagay at dumating ang opportunity na pweding i-grab yun, I’d grab that opportunity talaga. Kasi, pag nawala na, o lumampas na ang pagkakataon na yan at hindi ka man lang nag try, buong buhay mong sisisihin ang sarili kung sana sinunggaban mo ang opportunity at ano ang nangyari. Kung ngayon na at susunggaban mo ang chance at sasabihin mo sa tao na mahal mo sya at sasagutin ka nya na ayaw nya o ayaw nya sa iyo, at least, nag-try ka. There’s no harm in trying sabi nga nila. At sabi ko naman sa iyo ngayon na kung mag-exert ka ng effort to try, you have already won 50% of your battle. The other 50% ay yun na yung kung ano man ang maaaring isasagot nya sa iyo.” Ang buong seryosong tugon ni Ricky sa tanong ko.

“You mean OK lang sa iyo na heto, lalaki ako at lalaki rin yung liligawan ko?”

“What’s wrong with that? As long as masaya ka, masaya sya, at wala kayong inaagrabyado o sinasaktang tao... It doesn’t matter. Pero syempre, there is a price to pay, sabi nga nila, lalo na sa pag-ibig. Are you willing to give up something? Halimbawa, can you stand it kung biglang may mga magagalit sa iyo o mag-iba ang tingin sa iyo ng mga tao o kapwa mo estudyante? Or can you accept it if you get suspended or kicked out from the very school which you have learned to love? Can you take it if your mom gets furious with what you have decided to do with your life?”

“Mukhang may punto nga si Ricky.” Ang sabi ko sa sarili. “Thanks tol, kahit papano, meron akong insight galing sa yo.”

“All the time, tol. At kahit ano pa man ang gagawin mo, di mawawala ang respeto ko at saludo pa rin ako sa iyo. Maninindigan ka lang, jan lang ako susuporta sa iyo.” Ang sabi nya sabay extend ng kamay sa fraternal handshake namin at bigay ng hug. “Sandali nga pala... Sino naman yang tangnang lalaking yan? Bubugbugin ko na yan e! Pag nalaman ko kung sino yan ha, heto, dila lang ang walang latay ng taong yan! Sino ba ang lecheng lalaking yan?”

“Si Sir James!”

(Itutuloy)

---------------------------------

Idol Ko Si Sir (part 6)

Natulala si Ricky nung masabi ko ang pangalan ni Sir James. “O, ano, bubugbugin mo na ba?” hamon ko.

“Hah? Indi ah! Ala akong sinasabing ganyan. Ano ka... gusto mong ma-kick out ako sa school? At pareng Carl, ano ka ba naman... Maghanap ka lang ng lalaki sya pa? Kadami-daming lalaki jan sa campus, iba nalang, plis. Kung gusto mo yung sekyu sa main gate, may hitsura yun at sa palagay ko, may crush sa iyo ang tangina dahil kapag pumapasok ka na ng campus, ang lagkit ng tingin sa iyo, e! Kung yun na lang ang pag-tripan mo kaya, makikisimpatiya pa ako, akin yung night shift guard, ehehehehe!

“Gago ka, kahit kailan puro ka katarantaduhan! At akala ko ba sabi mong susunggaban ko pag may opportunity? May pa percent-percent ka pa jan. Ngayon, bubuwelta kana! Atsaka, hindi ako naghahanap ng lalaki, isaksak mo yan sa kokote mo. Para kang di mo ako kilala e!”

“Ok, ok, biro lang po! Pero yung opportunity na sinasabi ko, hindi suicide yun! Magpapakamatay ka na yata eh! Atsaka, nanahimik na yung tao, di ka na pinag-iinitan nun. Wag mo nang buhayin ang nakaraan. Teka...” napahinto sandali si Ricky sabay bitiw ng pilyong ngiti “Di ba nanggagalaiti ka sa galit sa kanya? Uyyyyyy, aminin! Tangna, mukhang kikiligin na ako sa estorya neto ah, ‘the more you hate the more you love’? Yun ba yun? Syeeeeeeeeeeeet!”

“Yun na nga eh. Nagsimula lang naman to nung na-realize ko ang pagkakamali ko at nakita kung paano nya ibinuhos ang oras at attention para lang ako mapatino at kung gaano nya ako binigyang halaga. Nung makita ko ang tatag, ang paninindigan sa kabila ng kung anong hirap ang pinagdaanan nya sa buhay, naaapreciate ko na lahat ng bagay sa kanya. Tangina. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko eh! Naaawa, humahanga… at gusto kong nanjan sya palagi sa tabi ko; makita, makausap. Hinahanap-hanap ko na sya, bro!”

“Grabe ka rin ano? Kung makapagsalita ka’y parang babae yang object-of-desire mo, tangina na yan. Hindi kaya ang hinahanap mo lang ay yung sinasabi nilang father-figure? Puslit ka pa kasi nung mamatay ang dad mo, di ba? O kaya‎’y naghahanap ka ng kapatid, dahil nag-iisa ka lang sa family, o di kaya‎’y sadyang bakla ka na talaga nung idinuwal ka na ng mommy mo, ehehehehehe!”

“Babatukan na kaya kitang tado ka. Ewan, hindi ko alam.”

Nahinto nalang ako bigla, dala ng tinamaan sa sinabi ni Ricky. “Baka nga siguro... naghahanap lang ako ng father-figure. Simula nung puslit pa lang ako, hinahanap-hanap ko na ang pagmamahal ng isang dad, tinatanong sa sarili kung ano ang feeling kapag ang isang pamilya ay buo at may dad na kalaro, kasama sa pamamasyal, nag-aalaga, nagpo-protekta, nagtuturo ng kung anu-anong bagay, nagbibigay ng advice at guidance sa mga problema...” At muling sumiksik sa isipan ko ang mga sandali na napapaiyak nalang dahil tinutukso sa school, o kaya’y nakikita ang ibang mga batang merong mga daddy na kasama sa pamamasyal. At bumalot na naman ang matinding pangungulila, di namalayang tumulo na pala ang luha ko. Sa hiya, bigla kong tinalikuran si Ricky.

“Hey Bro! Anong nangyari? May nasabi ba akong hindi maganda? Hey! Sama ako, san ka pupunta?!”

“Magpakamatay!” sagot kong pagmamaktol.

“A, ok... Sige, solohin mo nalang” ang biglang pag-urong ni Ricky. Alam niya na pag ganung umaalis na lang akong bigla, gusto kong mapag-isa. Alam ko rin, naguguluhan si Ricky at di makapaniwala sa nalaman nya.

Nagbukas ulit ang school year. Panghuling taon ko na yun sa college at kagaya ng nakaraang taon, pinag-igihan ko ang pag-aaral at mga gawain sa school. Ibinoto pa rin akong student council president at ginalingan ko lalo ang pag-aaral dahil gusto kong makakuha ng honors sa graduation.

Ngunit bumabagabag pa rin sa isipan ang hindi mamatay-matay na naramdaman para kay Sir. Habang tumatagal ito, lalong tumitindi. At kahit masakit, tiniis ko iyon; walang humpay na pagtitiis.

Second semester nung mapagdesisyonan kong gumawa na ng hakbang para dito. At nasumpungan ko ang payo ni Ricky na kapag dumating ang isang pagkakataon, i-grab iyon habang nanjan pa.

“Malapit na kaming maghiwalay ni Sir James. Bago pa man maging huli ang lahat, gagawin ko na ang bagay na to. Malay natin?” ang pag-encourage ko sa sarili.

Sa buong linggo na iyon, pinag-igihan kong maging mas malapit at maging mas sweet pa kay Sir James. Nanjan yung sadyang sasabay talaga ako sa kanya sa pag-uwi at pasakayin sya sa kotse, bibigyan ng kung anu-ano, gaya nalang ng polo shirt o pantalon, mga pocketbooks na paborito nya, souvenir items na binibili ko kung saan-saan, pagkain. At tinatanggap naman nya ang lahat ng ibinigay ko. Hanggang sa nung pinadalhan ko na sya ng mga bulaklak kunyari para sa office nya, kinausap na nya ako tungkol dito.

“Carl, first of all I really, really appreciate your effort and thoughtfulness. I am happy to have seen how you have changed and how you have become the person that everyone looks up to and emulate. As your mentor and friend, I am very proud of you; I mean it. I appreciate all the commendable things that you have done for the studentry and for the school. And there is no doubt that everyone is happy with your performance...”

“So...?” Pag interrupt ko habang nag-iisip sya sa sunod na sasabihin, tila nahirapang i-open ang issue.

“I have just observed that our closeness” pag emphasize nya sa katagang ‘closeness’ “seems to be sending a wrong signal...”

“I don’t get it James, can you go direct to your point?” Ang pag cut ko sa sinabi nya; may halong protesta at pagkainis sa narinig na katagang “wrong signal”.

“Ok... I want to keep a distance.” ang diretsahan na nyang sabi.

“What?!!” Ang nasambit ko sa pagkabigla sa binitiwan nyang salita. “Bakit? Anong nagawa ko?”

“Nothing. I just want it that way, Carl and I hope you will respect that.”

“Sir naman...? Wala naman akong masamang intensyon sa pagbibigay sa iyo ng kung anu-ano ah...”

“Are you sure, Carl?” at tumalikod na patungong pintuan.

Para akong sinuntok sa malaman at matalinghagang sagot na yun ni Sir. “Mukhang natunugan niya ang plano ko...” ang tanong ng utak kong naturete. “Sir, wag naman ganyan. Ano ba ang ginawa kong masama...?” Pahabol kong sigaw habang binubuksan na nya ang pinto palabas ng office. Ngunit hindi na nya ako pinansin.

Simula noon, iniiwasan na ako ni Sir James. Hindi na sya sumasakay sa kotse ko kapag niyaya ko at kapag may ipinabibigay ako sa kanya, ipinababalik nya. Kung pupunta naman ako sa office para i-refer ang mga proposals, iba na ang pakikitungo nya. Kumbaga, purely official business nalang. Hindi na sya nakikipag-usap tungkol sa mga personal na bagay. Sobrang nasaktan ako sa nakitang pagbabago. Kaya isang araw, naisipan ko na lang na gumawa ng sulat at inilagay iyon sa ibabaw ng tray nya.

“Dear Sir James, I am so sorry if I may have bothered you with this letter. But I have no other recourse than to put my thoughts in writing. For the past days, I have observed that you have changed; you are not anymore the professor whom I used to know; the friend who was so accommodating, so thoughtful, and so open with everything; the friend who pays attention even to the senseless things that I say, laughs at my corny jokes, and takes a little of the food that I am about to put into my mouth. You have no idea how this abrupt change has affected me and turned me crazy. Certainly, there must be a reason; a reason that I deserve to know and for which you owe me. Tonight, I will be coming over to your flat. I beg you to please allow me. I need to know what’s going on. Carl Miller.”

Alas 8 ng gabi nung dumating ako sa lugar... Bagong paligo, nilinis at siniguradong mabango ang lahat ng parte ng katawan, at suot-suot ang bagong t-shirt at maong, nakatayo ako sa harap ng gate. Syempre, ibayong kaba ang naramdaman, hindi magkamayaw kung tatanggapin ba nya ang request kong makipag-usap o kusa na lang ba nya akong pagtaguan. Naalala ko ang una kong pag-punta doon.

Halos walang ipinagbago ang kabuuang anyo ng flat ni Sir. Nandun pa rin ang mga matitingkad na pulang bougainvilleas na walang humpay sa pamumulaklak at nagsilbing arko at shade ng gate, ang kulay puting pintura ng mga metal grills, at ang sementong upuan sa gilid nun. “Deja vu?” ang nasambit ko sa sarili at malalim na buntong hininga ang binitiwan.

Hawak-hawak ng kabilang kamay ang isang supot na puno ng setserya at bote ng imported na alak, kumatok ako. Nakailang beses din. Akala ko hindi na ako ulit makakapasok pa sa kwarto na yun nung biglang bumukas ang pintuan. Si Sir James, naka shorts at t-shirt, at halatang bagong paligo. Parang lumundag sa tuwa ang puso ko sa di akalain na paghintay nya sa akin at sa nakitang anyo. Bakat na bakat sa suot nya ang matipunong katawan at ganda ng ipinamalas na ngiti. Ang nasambit ko na lang ay, “Hi James!”

“Hi Carl! Natanggap ko ang note mo so I expected na darating ka. What’s up?” ang sambit nya habang tuluyang binuksan ang pinto at pinapapasok ako.

“Heto, ok lang naman sana but I got some things to clear up...” hindi ko na itinuloy ang sinabi. “Heto pala may dala akong imported wine at pulutan” sabay upo sa sofa.

Tiningnan nya ako. “Sorry but I don’t drink, Carl. Soda drink na lang ang sa akin. Ayokong mangyari ulit yung nangyari dati… Nangyari lang naman iyon dahil you trapped me into doing it, right? Alam mo yun.”

Mejo natigilan ako sa narining. “Ibig sabihin, naalala pa pala nya ang nangyari sa amin...” sabi ko sa sarili na may magkahalong kaba at kiliting naramdman sa pagbukas nya sa issue na yun. “OK, fine... Kinorner kita nun para makainum. At, I’m sorry sa ginawa ko na iyon. I was mean. Pero, alam mo naman na talagang salbahe pa ako nun, diba?” ang pag-amin ko habang inilagay ang wine at mga pulutan sa mesa. “So, ako na lang ang iinum netong dala ko? Isn’t it a little impolite on the part of the host if his guest takes a drink and he’s not joining?” pagparamdam ko.

“Yeah, I think so.” ang mabilis nyang sagot. “But don’t forget that the host can also be polite by showing the door to his guest... Ano, you want me to do it the polite way or the impolite one?”

“Hahahahaha! Ang tindi mo talaga James. Ok, it seems I have no choice.”

Napangiti siya at tumango, “So impolite it is!” Kumuha sya ng isang baso, isang bucket na may ice at inilagay iyon sa mesa. Kumuha din sya ng isang soda drink sa refrigerator, binuksan at habang hawak-hawak, “OK, so ano ba ang napakaimportanteng pag-uusapan natin na kailangan mo pang maglasing?”

Binuksan ko ang bote, nilagyan ng ice ang baso, itinagay ang wine, at pinaikot-ikot ang laman nun saka tinungga. “Ahhhhh, sarap talagang uminom, James, di ka ba nainggit?” sabay lagay ulit ng wine sa baso at ulit, tinungga.

“Hey! Don’t beat around the bush, Carl. I don’t have a day!”

“Wait ka lang, James... sandali lang ha?” at ulit tumungga ako, at tumungga pa. Kitang-kita ko sa mukha ni James ang pagka-asar. Mejo naramdaman kong umiikot na ang paligid nang magsalita na ako. “Pwedi ba, James umupu ka sa tabi ko, please?”

Gusto kong matawa sa request ko sa kanya. Lumakas ang kabog sa dibdib at parang nakikiliti sa naglalarong hindi maganda sa isipan.

Kalmanteng umupo nga si Sir sa tabi ko, malapit pero may konting gap. “Ok, para lang matapos to... Now, go ahead Carl.”

Nag-isip muna ako ng malalim. “Hindi ko alam kung panu sisimulan ngunit ako ay sobrang nasaktan sa pagbabago ng pakikitungo mo sa akin, James. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali na kailangan mo akong iwasan. It drives me crazy, James... believe me” ang seryoso at malungkot kong sabi.

“Carl, una sa lahat, hindi kita iniiwasan. Gusto ko lang mag-set ng distance, a certain code, kumbaga. I feel that we have become too close for comfort. Para kasing nasasakal na tayo without even knowing it. Di mo ba napansin ang tingin ng ibang mga estudyante sa ginawa mong pagdidikit sa akin? Hindi lang ako teacher Carl, remember that; I am also an administrator. You should undestand that point. I have a code of ethics to follow; someting that prevents me from being inappropriately and dangerously close to any student – not just you.”

“You mean that our closeness is “inappropriate” or “dangerous”?

“Honestly? Yes. It has become inappropriate. Especially when you sent me those flowers? I felt like a – ugh! – shit.”

“Well then, if it’s the flowers, let go of the flowers. But please James, wag mo akong iwasan. Ibalik natin yung dating closeness natin.”

“Carl, you don’t get me, do you? It’s not about the damn flowers, ok? It’s about sense of propriety and respectability. Don’t you still get it? People are talking about us!” ang pasigaw nyang sabi.

Nagulat ako sa laman ng sinabi nyang iyon. “So, natakot ka sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao kaysa kung ano ang naramdaman ko, ganun ba yun? ang sagot kong pasigaw din.

“Oh I see... I forgot about you. Ok... Bakit, ano nga ba pala ang nararamdaman mo, Mr. Carl Miller? Bakit ba para kang mamamatay na sa maliit na bagay na hiniling ko? Sige nga, sabihin mo!”

Para akong sinampal sa tanong ni James na iyon. Sumisigaw ang isip kung sasabihin na hindi maliit na bagay ang hiniling nya at hindi maliit na bagay ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit nanaig pa rin sa akin ang matinding takot. At akoy napayuko na lang at napahagulgol na parang bata.

Marahil ay dala an rin ng matinding awa, nagulat nalang ako nung yakapin ako ni Sir James na parang may alam sya sa paghihirap ng kalooban ko. Hinaplos nya ang likod ko, ang buhok... Niyakap ko na rin sya, mahigpit na mahigpit... hanggang sa gumapang ang mga kamay ko sa mukha nya. Marahang hinaplos ng mga daliri ko iyon, tinitigan ko sya na ang mga mata ay animoy nakiusap at nagmamakaawa. Hanggang sa unti-unti kong inilalapit ang mga labi ko sa mga labi nya...

(Itutuloy)

---------------------------------------------------

Idol Ko Si Sir (part 7)

Mabilis ang mga pangyayari at naalimpungatan ko na lang na naglapat na ang mga labi namin ni Sir. Hihilahin ko na sana siya pahiga sa sofa nung bigla na lang syang kumalas sa pagkayakap ko at tumayo. “Carl, I have to ask you to leave...” ang tugon nya, habol-habol ang paghinga.

“James, I don’t understand!” sagot kong biglang nanlaki ang mga mata sa pagkalito.

“Just leave Carl, OK?” diin nyang mejo tumaas ang boses.

Parang nag-init ang tenga ko sa narinig at sa naunsyaming halikan. “No, James, unless you give me a really good reason why I should leave. Ano ba ang nangyari sa iyo? Palagi ka nalang ganyang gumagawa ng hakbang na hindi ko maintindihan? Dahil ba sa halik ko? Bakit, di mo ba nagustuhan ang halik ko, ha?” ang pasigaw kong sabi sabay duro sa kanya.

“Wag mong pag-initin ang ulo ko, Carl. I said leave now at baka masaktan pa kita”

“Di saktan mo ako kung gusto mo! Magaling ka naman sa martial arts e, kayang-kaya mo ako!” ang paghamon ko sabay kuha sa bote ng alak at tinungga iyon, at tinungga ulit hanggang sa halos maubos na ang laman nito.

Wala ng magawa pa si Sir kundi ang pagmasdan ako. At para mainis sya lalo, hinubad ko ang t-shirt ko at sumayaw-sayaw sa harap nya. Subalit sa sobrang hilo, naduwal ako na agad naman nyang naagapan at nasalo ang katawan. Pinaupo nya ako sa sofa. Hindi ko na nakayanang tumayo pa at sumuka na lang ako ng sumuka, nagkalat sa carpet at sa sofa. At pati pantalon ko’y nasukahan din. Yun na ang huli kong natandaan.

Mga 9am kinabukasan nung mahimasmasan na ako at magising. Masakit ang ulo, mahapdi ang sikmura, at tila disoriented. “Kaninong kwarto ba to? Bakit ako nandito?” ang tanong ng utak ko. Kinapa ko ang katawan, wala akong suot na damit pang-itaas. Naka shorts pero di ko alam kung kanino. Pilit kong ni-recall ang mga pangyayari hanggang sa naalala ko ang pag-inum, ang pagsasayaw, at ang pagsuka. Bumangon ako at paika-ikang lumakad patungong kusina. Sumalubong kaagad sa pang amoy ko inihandang almusal ni Sir James, nakalatag sa mesa ang fried rice, hotdog, scrambled egg at daing. “Hmmm, ang sarap!” sabi ko sa sarili. Dumeretso na ako sa may wash basin para maghilamos at pagkatapos ay umupo na sa may hapag kainan kaharap ni Sir james na nakaupo na rin at naghintay na lang sa akin.

“Morning Carl! Coffee or milk?” ang tanong niya na nakahanda ang mga kamay na ipasa sa akin ang kung ano man ang pipiliin ko.

“Morning James, coffee please...!” ang maiksi kong tugon at bitiw ng napakagandang ngiti. “Hmmm, ang sarap ng daing! Na-miss ko tong ganito kina Tatay Nando ah!” sabay tanggap sa kapeng ipinasa nya.

“Hahaha! Yeah, sa kanila nga galing yan, dala ni Maritess. Kumusta ka na at kumusta ang tulog mo?”

“Mejo masakit pa ang ulo pero inspired...” Di ko na dinugtungan pa ang sinabi. Nag-uumapaw pa kasi sa isipan ang sarap na nararamdaman bunga ng paghalik ko sa kanya nung nakaraang gabi. Pero sa loob-loob ko, gusto kong magtanong sya kung bakit ako ‘inspired’. “Ganda ng tulog ko, grabe! Wala akong matatandaan kahit na ano. For the first time in my life iyon pa siguro ang tulog kong dire-diretso... Pasensya kana pala sa akin kagabi ha? Ang naalala ko sumasayaw ako tapos yun na, deretso nang bumagsak at nagkalat.”

“Hahaha! Oo nga, lasing na lasing ka. Paanu ba naman, inubos mong mag-isa ang buong bote ng alak.”

Mejo na-disappoint ako ng di sya mag-follow up kung bakit ako inspired. “Ok, fiine” bulong ko sa sarili. “Sorry talaga James, pasensya na... Oo nga pala, sa kama mo ako natulog ah. Ikaw, san ka natulog?” ang tanong ko’ng na-excite sa possibility na nagtabi kami.

“Sa kama ko, syempre. Anlaki nyan eh, kahit isang buong pamilya pa ang hihiga jan, walang problema...”

“Talaga?”

“Talaga!”

“I mean talagang jan tayong dalawa natulog?”

“Oo nagtabi tayo. Bakit may problema ba?”

“Hehehe! Wala naman. E yung pagpalit ng shorts ko, panu mo ginawa?”

“Kakatuwa naman yung mga tanong mo. E di syempre, hinubad ko yung jeans mo. Pinunasan ko pa nga ang buong katawan mo ng hot towel dahil para kahit papanu makakatulong iyon para mawala ang pagkalasing mo?”

“Talaga? Ginawa mo yun? Ahhh, kakahiya!” ang sabi kong kunyari hiyang-hiya, di nagpapahalata na parang malaglag na ang puso sa sobrang galak. “E... di naka-brief lang ako nung pinunasan mo?

“Oo, yeah... yeah” tumango-tango sya, naka-concentrate lang sa pagkain.

“Kakahiya talaga! Shiiiit! E... yung anu ko, hindi naman nagwala?”

“Anong ‘ano’?”

“Hmmmm, kunyari pa to!” bulong ng utak ko. “Yung ano, ito... junior ko” turo ko sa harapan ko, mejo kinilig.

“Ah, hahaha! E... di ko na matandaan eh. Wala naman akong malisya jan, pareho naman tayong may ganyan...”

“Panis! Panis talaga!” sabi ko sa sarili. “E, bakit mo naman naisipang punasan ang katawan ko?”

“Wala akong choice e. nandito ka sa poder ko I have to do what is necessary. Kahit kanino, gagawin ko iyon. Pero so far, ikaw pa lang naman ang may malakas ang loob na uminom dito sa flat ko ng walang pakundangan kung kaya pa ba ng katawan o hindi.” sabay iling at bitiw ng ngiting nang-aasar. “Teka, bakit ganyan ang linya ng mga tanong mo?” dugtong nya.

“Wala lang... nahiya lang ako sa iyo, e. Baka isipin mong bumalik na naman ang pagka-bad boy ko.” palusot ko.

“Don’t worry, I understand...”

“Thanks James. Ambait mo talaga. Teka... nung magtabi tayo sa pagtulog, wala ba akong ginawa, o ginalaw?”

“Wala naman, good boy ka. Kaso, nagsasalita ka habang tulog.”

“Talaga? May naiintindihan kaba”

“Hindi masyado pero yung ‘i love you’ lang. Sino ba yang love interest na yan?”

Feeling ko humigpit ang balat ng mukha ko sa tanong niya. “A, e...” Di ko itinuloy ang sasabihin. Tinitigan ko lang si Sir James.

“Ummm, ano? Bat ganyan ka kung makatitig?”

“Wala lang...” Sandaling nag-isip kung itutuloy bang sabihin ang nilalaman ng kalooban. “A, e... James, pwedi ba akong magsabi sa yo kahit na ano?” ang kagat-labi kong tanong.

“Syempre naman, ikaw pa. Kahit nag-set na ako ng ‘distance rule’ para sa iyo, subalit dahil nandito ka na sa bahay ko, i- suspend ko muna iyan, wala akong magawa. At lubos-lubusin mo na dahil sa susunod, baka hindi na kita payagan pang pumunta dito na nag-iisa, alam mo na ang ibig kong sabihin...”

“Pero promise hindi ka magalit sa maaaring itanong ko?”

“Try me.”

Huminga ako ng malalim. “James... yung nagsasalita ako habang tulog?

“Yes?” sabay subo nya ng pagkain, pinagmasdang maigi ang mukha ko, tila inip na inip at excited sa susunod na bitiwan kong salita.

“Para sa iyo yung ‘I love you’!”

Nabilaukan bigla si Sir, napaubo at kumuha ng tubig habang ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko sa sobrang hiya at di maintindihang bilis na pagkabog ng dibdib.

“Carl, wag kang magbiro ng ganyan, ok?”

“Totoo yan, James. Since last year ko pa nadama sa iyo to, nung simulang magbati tayo at narealize ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. Tiniis ko lang, James. Isang taon akong nagtiis. Kaso, hindi ko na talaga makayanan e. Kung napapansin mo minsan kapag nag-usap tayo, malungkot ako. Ikaw palagi ang nasa isip ko, James. Maniwala ka, di ako gumagawa ng gimmik. Di ako nagbibiro. Di ako lasing o naka-droga. Di ko maintindihan ang sarili kung bakit ako nagkaganito. Litong-lito talaga ako, James. Kaya sensya nang nasabi ko to, di ko na talaga kayang itago pa.”

Napailing si James, nag-isip. Di malaman kung matawa o seseryosohin ang narinig. Tinitigan nya ako. “Ok, granting na maniwala ako sa sinabi mo, ano ngayon ang gusto mong mangyari?”

“Yun lang... ang malaman mo kung ano ang naramdaman ko para sa iyo, at ang malaman ko din kung may naramdaman ka sa puso mo para sa akin. Yun lang.”

Natahimik sya ng saglit tila nag-isip kung ano ang isasagot. “Alam mo Carl, hindi issue dito kung may naramdaman ako para sa iyo o wala. Ang issue dito ay kung tama ba o mali – ako, bilang guro at part ng administration ng school at ikaw, bilang estudyante. And in my prudent judgment, that is wrong Carl.”

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at biglang nanlumo. “Ok James, nandun na ako, it’s wrong if you say so, based on some code of something, whatever. But just this question... may naramdaman ka ba para sa akin? Sugutin mo ako, James... and look at me, please?”

Yumuko lang si James, walang binitiwang salita. Dahil dito, nagduda ako na meron din syang naramdaman para sa akin at sadyang itinatago lang nya dahil sa position nya sa school. At ito ang nagpalakas ng loob kong i-convince sya at pakawalan iyon.

“James, I don’t believe in right or wrong sa pag-ibig. Ito’y walang kinikilalang code of conduct, walang rules. Kaya nga hindi mo pweding husgahan ang pag-ibig kung tama o mali ito e, di ba? Ito nga, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nagkaganito. Can you blame me? Can you say I am stupid? Can I say God is stupid too because he gives me this feeling? But I feel it James. I don’t know why, but that’s the truth and it hurts, and it’s killing me. I can’t deny it, I can’t ignore it, I can’t suppress it. It just came up from nowhere, and that’s it. I know James na sa ginawa kong ito, there is a huge price to pay. But I am willing to give up everything, James – everything, maipaglaban ko lang ang nararamdaman ko para sa iyo!”

“Hindi ko talaga alam, Carl kung matawa o anu. But ok, you are correct in saying that we can’t judge feelings. Feelings per se are amoral. You can’t say if it’s right or wrong, or if it is good or bad. It’s part of being human. But what you do about your feelings makes the difference. If you kill because of love, then that is wrong. If you shoot down a teacher just because you love him, that is selfishness... and it’s not right, is it Carl?”

“So... you mean to say that you have feelings for me too, right, James? And the reason why you don’t want to open it up is because you are bound by your stupid code of ethics, your rules, your professional etiquette or morality standard whatever; because if I ‘shoot you down’ as you said, I am selfish, and that is wrong, am I right, James? Tell me... tell me James!” ang sabi kong pasigaw sa kanya.

Mukhang napikon si Sir sa sinabi ko. “I think you are missing something here Carl and I don’t think this discussion is gonna end up somewhere. I suggest we continue our breakfast and talk things over later, ok?”

“O yeah, now I’m missing something, ha? Hindi naman ako nakikipag-argumento James e. I just asked a simple question and all I need is a simple yes or no. Do you love me? That’s my simple question. Why is it so hard for you to answer that?”

“Babalik na naman ba tayo? I answered you already. And my answer was – and I will say it again – ‘that is not the issue’! Why is it so hard for you to understand? OK, ganito na lang, di ba in two-week’s time ay graduation na? The night before the graduation, I can invite you over. Bale treat ko yan sa iyo because I know that you are a candidate for the top honors. After all, it’s the end of the school year, and maybe we can have a nice, clean bonding before you leave the College and the people you’ve met here. What do you say?”

Kahit bitin na bitin pa ako sa walang kalatoy-latoy na sagot nya, pumayag na rin ako. At least, pumayag sya na mauulit muli ang pagtatagpo namin sa flat nya. “Baka sa pagkakataong iyon, mapilitan na talaga syang sabihin sa akin ang nararamdaman nya o kaya’y bibigay na din syang kusa” bulong ko sa sarili. “Do I have any choice?” ang sagot ko nalang sa tanong nya.

Dumating ang takdang araw, ang araw bago mag graduation at kung kailan kami muling mag-usap ni Sir. Di ko lubos mailarawan ang tunay na naramdaman. Masaya dahil sa wakas, ga-graduate na. At hindi lang basta gagraduate, may honors pang makamit at malamang may mga leadership awards din. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko maitatwa ang lungkot ding nadarama. Masakit isipin na bilang na lang ang mga araw ko sa campus. Hindi pa ako handang baguhin ang mga routines na nakasanayan, ang mawalay sa pananaw ang mga lugar sa school na palaging pinupuntahan, ang iwanan ang mundong naging bahagi na ng aking buhay. Sa likod ng utak ko ay sumiksik din ang takot ng pagharap sa bukas, ang pagtahak sa landas kung saan ay susuungin ang mga panibagong hamon. Pakiwari koy kulang pa ako sa kakayahang harapin ang mga ito. O baka nga lang siguro, dahil ayaw pa ng kaloobang tanggapin ang pagbabago, ang mawalay sa mga taong natutunan kong mahalin sa tatlong taon kong pag-aaral at pagsisikap sa lugar na iyon, ang mga masasayang alaala, at lalo na ang taong syang nagpapabago ng pananaw ko sa buhay, iniidolo, at sa kalaunan ay minahal – si Sir James. Sumiksik muli sa isipan ang mga nagdaang araw kung saan minamaliit ko pa ang eskwelahan at mga tao doon, ang matinding galit ko kay Sir hanggang sa naituwid nya ang baluktot kong pananaw at tuluyang hindi na sya maiwaksi-waksi sa isipan. Nagsusumigaw ang puso na sana maibalik pa ang panahong iyon o kayay mahabaan pa ang mga araw. Ngunit wala akong magawa kundi ang tanggapin ang masakit na katotohan na kinabukasan o sa makalawa ay ibang klaseng mundo na ang tatahakin ko...

Maaga akong nag-report sa school sa araw na iyon. Palibhasa, may final rehearsals sa graduation at syempre, nakaukit na sa isipan ang pagkikita namin ni Sir James sa gabi ding iyon. Kahit papano, may excitement din akong nadama.

Nasa gate pa lang ako ng campus nung may tumapik sa balikat ko. Si Ricky. At sadya palang hinintay ako para tanungin kong may alam na ba ako sa isang video clip na tinagurian nilang “mother of all scandals” na umiikot sa campus simula pa nung isang araw.

“Asus... pati ba naman ikaw e, nakikisawsaw sa mga intriga na yan? Kadami-daming may mga video clips jan e. At napakadami na ring scandal dito sa campus na to. Yung iba jan gawa-gawa na lang para may mapag-usapan.”

“Bro, iba to, maniwala ka, magkakainteres ka dito, sigurado ako”

At bakit mo naman nasabi yan, aber?”

“Dahil ang taong involved dito ay malapit sa puso mo.”

“Ha? Sino?” Ramdam ko ang biglang paglakas ng kabog ng dibdib.

“Si Sir James!”

(Itutuloy)

------------------------------

Idol Ko Si Sir (part 8)

Matinding kaba nag naramdaman ko nung marinig sa bibig ni Ricky ang pangalan ni Sir James na syang sentro ng tinaguriang “mother of all scandals”.

“Hah! Panu nangyari yun? At anong ginawa nya? Sinong kasama nya?” ang taranta kong tanung kay Ricky.

“Hinay-hinay lang, pareng Carl. Kaw naman masyado kang excited. Heto, naka-kuha ako ng copy, mejo mainit-init pa. Dun tayo sa may likod ng campus at panuorin natin.”

Nung pini-play na ni Ricky ang video, si Sir James nga ang nandun. Sa bibig nya ay naglabas-masok ang ari ng isang lalaki, ang isang kamay nung lalaki pwersahang dumidiin sa ulo ni Sir James na kaitang-kita ang kalasingan. Pawang ibabang parte lang ng katawan nung lalaki ang nakikita sa video. Halos di ako makapaniwala sa nasaksihan. Yun din ang video clip na gagamitin ko sanang pang-blackmail kay Sir James.

“Shiiiittttt! Paano nangyaring nakalusot yun? Arrrggggghhh!” ang sigaw ng utak kong halos sasabog na sa naghalong inis, matinding takot at pagkalito.

“O, di ba si Sir James yan, klarong-klaro!” Napansin ni Ricky na mejo hindi ako mapakali. “Sandali, bakit para kang namumutla ha, Carl? May alam ka ba dito?”

“Wala ah! E, ngayon ko nga lang nakita yan e. Parang di naman si Sir yan!” Ang tangka ko sanang pagdepensa kay Sir, at pag-iwas na rin sa tanong nya.

“Ano ka? Kahit pagbalik-baliktarin mo pa yan, mukha talaga ni Sir James yan, walang duda. Kahit sino ang tatanungin mo, si Sir James yan. Ano, gusto mong itanong natin sa iba pang kaklase?”

“Wag na! Wag na!” ang mabilis kong tugon dala ng sobrang pagkatakot. “E, yang lalaki, sino naman daw?”

“Eh, maputi e. Ang iniisip ng lahat ay baka ito daw yung dating tsinitsismis nilang na-link kay Sir James, yung dating nagturo din dito na mestiso Chinese, Henry ang pangalan? O, ano, love mo pa rin ba yan?”

Agad-agad akong tumalikod upang bumalik sa apartment. Nagtaka si Ricky sa bigla kong pag-alis. Marahil inisip nya din na nasaktan lang ako. “Saan ka pupunta? May rehearsals pa tayo. Hoy, lalaki lang yan! Tangna… Carl! Magpapakamatay ka na naman ba?” ang may halong pang iinis na sigaw ni Ricky.

“Hindi. May papatayin akong tao!” sagot kung di malaman kung ano ang gagawin.

Biglang bawi naman si Ricky. “Ah… hindi ako yun. Biro lang yung sa akin, hehe. Ga graduate pa ako bukas no! Sige, good luck! Patayin mo sya ng maayos ha?”

Bumalik ako sa apartment at hinanap ang memory card kung saan natandaan kong naka store yung video clip na nalimutan ko na sa tagal at hindi ko rin pala nabura. Ang alam ko, nakasaksak iyon sa luma kong cp. Nung tingnan ko ang cp wala na doon ang memory card. Naalala kong huling pinaayos yung lumang cp na iyon at malamang na tinanggal yung memory card at nalimutang ibalik. At nung mapansing may lamang scandal material, kinopya na at ibinenta sa mga intrigerong gutom sa tsismis.

Bigla akong nanlumo, pinagpapawisan at pakiwari koy umiikot ang paligid sa sobrang inis at galit sa sariling kapalpakan habang awa at pagkahabag naman ang nadarama para kay Sir James. Iniisip kong puntahan ang shop at kumprontahin ang may-ari subalit nangibabaw ang takot na baka lalong lalaki ang issue at mapagdudahan nilang ako ang lalaking nasa video. “Malamang di na nila natatandaan kung sino ang may ari nung memory card na iyon dahil sa tagal na nun” sa isip isip ko lang.

Agad akong bumalik ng campus at hinanap si Sir James. Ngunit hindi pa raw nakapagreport sa office sa araw na iyon. Tinanong ko na rin pati ang gwardiya at lahat sila nagsabi na hindi pa raw pumasok ng school si Sir James.

Pinuntahan ko ang flat nya. Kumatok ako at nabigla nung nandun lang pala sya, naka t-shirt at shorts, nagligpit ng mga gamit na para bang aalis na at sa tingin koy wala nang balak magreport pa sa work.

“James... ba’t hindi ka pumasok?”

Binitiwan lang nya ang isang pilit na ngiti, “Tinanggal na ako sa work, Carl. Kahapon ko natanggap ang notice at ang effectivity ay ngayon. At siguro naman ay alam mo na rin ang dahilan.”

Nanginginig ako sa magkahalong sobrang pagkadismaya at awa sa kanya sa narinig. “Oo alam ko yung sa tape. At bakit ang bilis naman nilang maghusga? Ni hindi man lang nila pinatapos ang closing ng school period o graduation man lang? It’s unfair!” sigaw kong pagrerebelde sa naging decision ng school.

“Wala tayong magawa, Carl, ganyan sila kahigpit...” Napahinto si Sir James na parang pigil ang sariling ilabas ang naramdaman. “Pero, ok lang. I have accepted it dahil totoo naman eh. Yesterday I was invited by the school director to her office and she asked me just one question – whether it was me in the video or not.”

“And you admitted it?”

“Yes, Carl... yes.” Ang mapagkumbaba at walang pagdadalawang isip na sagot nya.

“Di ba walang due process ang daliang pagtanggal nila sa iyo?”

“Mabuti na rin ang ganun, Carl. Prolonging the process could be tormenting; investigations will be made and things could get out of hand.” Tumingin sya sa kain “At pati ikaw, madamay. I believe that the management did a good job in addressing the case. They acted swiftly, I was spared from extreme embarrassment and the agony of facing a series of panel interrogations, and the school was spared too from being dragged down further into the mud. Kumbaga, they cut, and cut it clean.”

“Hindi ka man lang at least nag explain sa side mo?”

“What for...? And besides, there’s nothing to explain, Carl. I accepted responsibility and that’s it. May ginawa o nagawa akong mali, hindi ko itinatwa yun and I acknowledged my mistakes. Masakit, pero you reap what you sow, diba? Sabi ng iba, it’s karma. And I believe it. I deserve the punishment. At harapin ko ang punishment na iyan ng buong tapang dahil it’s what makes me a man. At dapat kong paninindigan ang pagharap sa consequence. Importante yun para sa akin. Kapag ang isang tao ay walang paninidigan, o kayay tinatakbuhan ang responsibility sa mga maling nagawa, balewala na rin ang pagkatao nya. Gaano man ka hirap o kasakit ang punishment sa ngawang pagkakamali basta pinanindigan ang pagharap nito, buo pa rin ang pagkatao ng isang tao at hindi mawawala ang respeto nya sa sarili at ng ibang tao sa kanya. It hurts, of course and it requires a great amount of courage and fortitude but ganun talaga, ‘truth sometimes hurts’. Magpakalalaki ka lang. And for me, I would rather look at the bright side. And it’s that the truth will set me free. At least nabayaran ko na ang pagkakasala ko at maluwag ang kalooban. At...” sabay hawak nya ng balikat ko “kagaya mo, isasara ko na rin ang kabanata ng buhay ko sa school na to, babangon muli, at bubuksan ang panibagong yugto ng hamon at pagsubok.”

Malalim ang mga katagang binitiwan ni Sir James. At nararamdaman ko rin ang iba pa nyang saloobin lalo na sa sinabi nyang panibagong hamon dahil sa nasa ganung sitwasyon din ako at ganun ang nadarama. Ang kaibahan lang siguro sa akin ay ang haharap ako sa panibagong pagsubok na puno ng pag aalinlangan at takot. Lalo akong humanga sa ipinamalas na tapang ni Sir James at sa paninindigan nya. Ang pagdepensa at pag protekta nya sa akin at ang positibo nyang pananaw sa kabila ng matinding daguk na kinakaharap.

“Napakabuti niya. Hanggang sa huli, kapakanan pa rin ng ibang tao ang iniisip. Ako kaya... kaya ko kayang pantayan ang paninidigan nya; ang tanggapin ang pagkakamali at harapin ang kaakibat na ‘punishment’? Paanu ko kaya maramdaman ang sinasabi nyang ‘the truth will set you free’?” Ito ang matinding mga katanungang nagpaantig sa puso at isipan ko.

Hindi ko na magawa pang magsalita. Nilapitan ko si Sir James, niyakap ng mahigpit at humagulgol na parang bata. “James, patawarin mo ako, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung paano ako makaganti sa kabutihan mo. Utang ko sa iyo ang lahat. Sa kabila ng mga kapalpakan ko, heto, ni hindi ka man lang nagpakita ng galit sa akin at bagkus, ikaw pa itong nagdurusa sa mga kasalanan ko.”

Hinaplos nya ang balikat ko. “Alam ko namang di mo sinadyang ikalat yung video clip e. Kaya walang dahilan para magalit ako sa iyo. Don’t cry over spilled milk; wala na tayong magagawa sa mga nangyari na. Ang magandang gawin na lang natin is to learn from this experience. Ang mga kamalian at sakit na dulot nun ay dapat kalimutan ngunit palaging tandaan ang mga naging leksyon nito sa buhay. Dahil jan sa mga pagkakamali natin tayo natututo, naging matatag. Higit sa lahat, naniwala ako na ang lahat ng mga pangyayari ay may dahilan...”

Tinitigan ko si Sir James. Binitawan nya ang isang ngiting animoy nang-aamo at bakas sa mukha ang katatagan, paninindigan at katapangan.

“Go Carl, hinihintay ka na sa rehearsals. Tomorrow is your big day. Enjoy it and make everyone proud of you. Kahit hindi ako makapunta, isipin mo palagi na ang mga ginagawa ko ay para sa iyo. And I am so proud of what you have achieved and made of yourself. Wag mo akong intindihin. Maaring naharap ako ngayong sa matinding pagsubok, ngunit tatayo ulit ako, mas determinado, mas matatag, at mas handang humarap sa mas malalaki pang pagsubok.”

Hinalikan ko ang isang pisngi ni Sir at dali-dali na akong bumalik ng school, mabigat ang damdamin ngunit baon-baon ang malalalim na aral na natututunan mula sa kanya.

Hindi na natuloy ang takda sana naming pagkikita ni Sir James sa gabi ng araw na iyon. Pinayuhan nya ako na mas makakabuti iyon para wag akong madamay at wag nang lalala pa ang issue lalo na kapag may nakakakitang pumunta ako sa flat nya. Kahit masakit sa kalooban at ang isip ay nag alinlangan, sinunod ko rin ang payo nya kahit sa kabila ng katotohanang maaring yun na ang huli naming pagkikita. Napag alaman ko na sa araw ng graduation ay aalis sya, hindi sinabi kung saan. Sa gabing iyon, hindi ako makatulog at si Sir James lang ang laman ng isip. Parang kumakawala ang puso ko at sumisigaw na puntahan sya at damayan. Ngunit nanaig din ang takot na baka hindi makatulong ang pagsuway ko sa payo nya, at lalong malagay kaming dalawa sa alanganin.

“Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Paano kaya ako makabawi sa lahat ng ginawa nyang kabutihan? Kailan kaya kami magkikita muli?” Ito ang mga katanungang bumabagabag sa isipan.

Araw ng graduation, perfect ang lahat – program, set-up ng lugar, stage decorations at ang mga bulaklak na nagsilbing palamuti, backdrop, coordinations ng mga taong naka-assign sa iba’t-ibang kumite, atbp. Nandun din ang lahat ng mga teachers. Well, halos lahat. Sumipot lahat ang mga guests, ang mga madre sa congregation na may hawak ng school. Higit sa lahat, full force ang mga ga-graduate sampu ng kanilang mga magulang. Ramdam ko ang saya sa puso nilang lahat. At sigurado ako, proud na proud sila, pati na rin ang mga magulang nila.

Ngunit sa lahat gumraduate, ako ang pinakaproud, at ang mom ko ang pinaka-proud na magulang sa lahat. Nalala ko na simula pa nung bata, wala akong natatandaang achievement sa school kung hindi ang puro pagpapahirap sa kanya, pagpupunta nya sa guidance coucilor o sa principal dahil sa pambubugbog ko sa kaklase o sa iba’t-ibang mga kalokohang ginagawa. Alam ko, abot-langit ang kagalakang nadama ng mom ko sa sandaling iyon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nun ko lang sya nabigyan ng karangalan, at sulit naman. At dama ko yun sa mga nakakabinging palakpakan ng mga tao sa pagtawag na ng aking pangalan, “Mr. Carl Miller, Summa Cum Laude!” At paulit-ulit ko pang tinamasa yun sa pabalik-balik kong pag akyat ng stage upang tanggapin ang iba’t-iba pang awards. Pakiramdam ko, ako lang ang nag-iisang gumraduate dahil ang lahat ng atensyon ay nakatutok sa akin.

Nung magbigay ako ng speech, sinabi ko kung ano ang naramdaman sa mga sandaling iyon at ano ang mga dapat pang gawin naming mga graduates pagkatapos matanggap ang mga diploma. Binigyang inspirasyon ko silang lahat sa pag emphasize sa mga katagang “katatagan” “determinasyon” at mga “hamon” sa buhay.

Sa kalagitnaan ng speech, hindi ko maatim na hindi lingunin ang isang upuang nabakante sa side ng mga administrators. Napahinto ako sandali at tila isang sibat ang tumama sa puso nung bigla na lang nag-flash sa isipan ang nang-aamung ngiting huli kong nakita sa mukha ni Sir James. At ang nasambit na lang ng isip ko, “Sir, para sa iyo ang lahat ng ito; kung hindi dahil sa iyo, wala sana ako ngayon dito.” Naalala ko ang kabaitan nya, at ang paghihirap sa kaparusahang dapat ay ako ang umako at magdusa. Habang tinatamasa ko ang tagumapay, matinding dagok naman ang kanyang pinagdusahan.

Pilit kong nilabanan ang pagdaloy ng luha. Nag-crack ang boses ko habang ipinagpatuloy ang speech. Ang buong akala ng lahat ay nadala ako sa sobrang kaligayahan sa nakamit na tagumpay. Nung matapos na ang talumpati ko, nakakabingi ang palakpak ng mga tao.

Nakababa na ako ng dalawang baitang sa hagdanan ng stage pabalik na sana ng upuan nung tila hinila ako ng mga sariling paa upang bumalik ulit sa podium. Nagtaka ang lahat sa bigla kong pagharap muli sa mikropono.

“A...” Ang nasambit ko lang, di malaman kung panu simulan habang ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib, nag-aatubili kung itutuloy pa ang pagsasalita o hindi na lang, lalo na nung makita ang audience na dahil sa hindi inaasahang pagbalik sa podium, lahat sila ay nakatutok, excited sa kung ano man yung importante ko pang sabihin.

Nakakabingi ang katahimikan. Sumiksik sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni sir James, “Kapag ang isang tao ay walang panindigan, o kaya’y tinatakbuhan ang responsibility sa maling nagawa, balewala na rin ang pagkatao nya.”

“I just would like to add a few words. I haven’t prepared this one but something in my heart tells me that I must share this...”

Huminto ako ng sandali, nag-isip kung ano ang isusunod.

“Everyone knows that I came from the big city. I grew up there and was used to the ways of hustles and bustles. Since I can remember, I have always been a huge headache to my mom and to everyone in every school I enrolled in. I was stubborn and stupid and carefree and misbehaved. I was hooked in cigarettes, alcohol, and drugs. I experienced getting jailed and kicked out from school several times... I was practically a lost person. Because of that, Mom decided to transfer me here, ‘for a change’ she said, although at the backseat of my mind I knew that it was for something else. And this something else was to change me for the better. This change I called ‘rehabilitation.’”

Tawanan ang audience sa term na ginamit ko, at yung iba ay napatingin sa mom ko na natawa na rin.

“From the very first day of my stay in this school, I never really believed that there was any difference; and neither did I believe that the nuns or any teacher in this school could deliver the ‘change’ that my mom wanted in me. In fact, when I saw the idyllic campus for the first time, my mind screamed that the place was so good I could organize a gangster or some kind of a mafia with me as the boss and the nuns as the mafiosos.”

Tawanan, palakpakan ang lahat.

“You can just imagine how hopeless my case was. I believed that everything in this world has its corresponding price; money that is, just like the shoes that are being displayed in supermarket stalls. And every single one of us has our own asking price too, just waiting to be named. So whatever Carl wants, Carl gets. At least, that’s how I looked at life. But... all that changed when –”

Napahinto ako sa pag aanticipate sa maaring reaction nila sa susunod kong sasabihin.

“I met Mr. James Cruz, my professor in Sociology.” Ang dugtong kong nag-crack na ang boses at pilit nilabanan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng emosyon.

(Itutuloy)

---------------------------------------

Idol Ko Si Sir (part 9)

“When I first met Professor James Cruz, I thought he was no different. I was wrong. He is one teacher whose dedication to duty goes beyond addressing the so-called intellectual sine qua non of his students. He understood my world and led me to see life from different viewpoints. With him, I learned the value of discipline, sacrifice, and fair play. With him I learned the true meaning of happiness, peace of mind, and inner satisfaction. With him, I regained my dignity and self-respect. And here I am a changed man, a living testament to his commitment. For the first time in my life, I have become truly proud of myself. For the first time in my life, I have made my mom the happiest person on earth. And there’s no doubt in my mind that many other graduates and students of this school feel the same way too; graduates and students like me with whose lives Professor Cruz had touched...” Tuluyan nang tumulo ang luha ko at nakita ko ang iba pang mga estudyanteng nagpapahid din ng luha.

“But recently things have turned out terribly bad for Professor Cruz. He had been hounded by a very serious controversy which has resulted to his expulsion from school. Many of us are aware of this, and many have been affected by what had happened. And although no one could tell for certain what real story that video clip holds behind it, Professor Cruz took full responsibility and accepted the punishment. It was so humbling, but yet so unfair on his part. This is the very reason why I decided to bring this matter up here – because there is another side of truth that only I know; the other part of the story which deserves to be unraveled if only to clear all air of doubts.

I remember the words Professor Cruz had said to me, ‘If you can’t stand by what you believe in or if you turn your back from the consequence of your misdeeds, you are worth nothing’. It breaks my heart to be here savoring the sweetness of success while the very person – innocent of any accusations and instrumental in all my triumphs – grieves in silence.”

Natahimik ako ng sandali, nag atubili sa susunod na kasuklam-suklam na mga katagang ibubunyag habang pinapahid ng mga kamay ang luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi.

“I am the other guy in the video.” ang tuluyan ko nang pagbulalas sa tinatago-tagong sikreto, ang boses ay halos di maintindihan dahil sa pigil na pag-iyak.

May narinig kaagad akong nag-boo at pansin sa mga mukha ng iba ang pagka-mangha, ang iba ay nagbubulungan.

“Yes, I am. I tricked Professor Cruz into drinking and when drunk, I forced him to do it on me. I recorded it without his knowledge so I could use the clip to blackmail him in case he didn’t give me a passing grade. But all my plans backfired. Instead, I realized how wicked I was… until the video clip made its way to some unscrupulous hands wrecking havoc on the dignity of the very person whom I learned to admire and idolize.”

Patuloy pa ring nag-boo ang ibang mga estudyante habang ang iba naman ay patuloy ding nagpapahid ng luha.

“I know that no amount of remorse could repair the damage I’ve made. And I take full responsibility for everything. I am deeply sorry to have caused pain and suffering to all those affected by my wrongdoing and lack of heart, especially our beloved Professor Cruz. I am the one who should be punished; I am the one who should be there suffering in his stead. I know that I have breached propriety by dragging Professor Cruz’s name into this solemn occasion. But this very school has also imbibed in me the value of truth and justice. And my heart aggrievedly screams justice for Professor Cruz. He is NOT the villain; I am. He is the victim and the aggrieved, and I am the scoundrel... and I deserve all your wraths!”

Nilingon ko ang upuan ng mga administrators at nakita sa mga mukha nila ang pigil na pagka-inis sa mga binitiwan kong salita.

“But all that I fervently hope is that the administrators of this school find compassion and understanding in their hearts to forgive Professor Cruz and reinstate him back to his job. I humbly ask you: punish me, or give back the dignity of Professor Cruz!”

Para akong natulala, hindi makapaniwala sa mga nasabi at halos mapako na sa pagkakatayo sa harap ng podium. Maya-maya, may narinig akong isang mahinang palakpak, at may sumunod pa, at lumakas ito, at may mga sumunod pa ulit, hanggang sa nakakabingi na ang mga palakpakan.

Nagsitayuan ang mga estudyante, nagsigawan, “We want Sir James back! We want Sir James back! We want Sir James back!” Tiningnan ko ang mom ko, tumayo na rin sya at nagsunuran ang iba pang mga magulang. Nakita kong nagpapahid sya ng luha ngunit dama ko ang matatag nyang suporta at pagmamalaki sa panindigang binitiwan ko.

Natapos ang graduation na di maipaliwanag ang tunay na naramdaman sa nangyari. Habang kitang-kita ko sa mukha ng mga graduates ang saya, kabaligtaran naman ang naramdaman ko. Tila biglang naglaho lahat ang excitement at ang pumalit ay pangamba, lungkot, pag-aalinlangan at pagkalito sa kung ano ang maaaring takbo ng buhay kinabukasan o sa susunod pang mga araw; kung saan ako patungo o paano magsimula. Nung umandar na ang sasakyang dala ng mom patungong apartment, walang tigil pa rin sa katatanong ang isipan. “Ano ang sunod kong gagawin? Magkita pa kaya kami ng mga kaklase at kaibigan ko? At si Sir James kaya, saan na sya? Magkita pa kaya kami ulit?”

Walang imik ang mom habang nagpapatakbo ng sasakyan. Marahil ay batid nya ang saloobin ko lalo na sa nangyaring nakakamanghang pagbunyag – sa mismong graduation ko pa man din – sa ginawa kong eskandalo na syang naging dahilan ng pagpapatalsik kay Sir James.

Ilang sandali lang nag-stay ang mom sa apartment ko. Tiningnan lang nya ito at dumeretso na kaming dalawa sa pinaka-sikat at mamahaling restaurant sa kalapit-syudad at doo’y nagsalo-salo. Dama ko ang sobrang tuwa na naramdaman nya para sa akin, sa mga nakita nyang pagbabago at sa nakamit na karangalan. Ngunit ipinaabot din nya ang lungkot sa nangyari kay Sir James.

Pinag-usapan din namin ang mga plano ko. Nag-suggest sya na mag proceed ako ng master’s degree o tumulong na lang sa pagma-manage ng negosyo namin.

Ngunit naging blangko ang isip ko at walang maisagot sa kanya. “Mom, can I think it over please? I need sometime to figure things out. Naguguluhan pa ako e... I think I need to sort out the mess which I created with Sir James.”

Pinagbigyan naman nya ako at pinaubaya na ang pagdedesisyon para sa sarili. Ngunit hindi rin nakalampas sa kanya ang intriga tungkol sa amin ni Sir James at sa maaaring parusang ibigay ng eskwelahan sa akin.

Nagulat nalang ako nung tinitigan nya ako at tinanong. “Son, ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Professor James Cruz? It’s like something strange is going on. I mean, I’m sorry to open this issue but I am a little worried...”

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, maaaring dala ng hiya dahil sa di maipaliwanag na saloobin. Ang sagot ko nalang na di makatingin-tingin sa kanya, kunyari naka-concentrate sa pagsubo ng pagkain “Mom, there’s nothing strange, believe me. I know what you mean... I’m not gay, ok?”

“Well, then I’m glad you say that. Remember, gustong-gusto ko nang magkaroon ng apo, son… at sana malapit na iyon” sabay ngiti at haplos sa pisngi ko.

“Of course Mom, yeah...” Parang may tumama din sa puso ko sa sinasabi ng mom na gusto nyang magkaapo, at syempre ang magkaroon ako ng isang normal na pamilya ang ibig nyang sabihin. Ngunit pinalagpas ko na lang yun sa kabilang tainga. “Doon naman talaga ako patungo e” bulong ko sa sarili.

Ngunit nung biglang pumasok na naman sa isipan ko si Sir James. “Ah... ewan ko ba talaga. Bahala na!” sagot naman ng isang parte ng utak kong natuliro.

“OK then, when you have finally made up your mind, tell me, son. Sana ikaw na ang mag manage sa negosyo natin para naman makapag-retire na ako.” sabi nyang pabiro sabay tawa. “Ngunit kung ano man ang gusto mong gawin pa sa buhay, I’ll be right behind you. Bata ka pa rin naman, you can take your time and enjoy.”

Naunang bumalik ng syudad ang mom at nagpaiwan muna ako sa apartment dala ng paghahanap pa rin marahil sa dating mga nakagawian. Nung sumapit ang gabi, nababagot akong di mapakali. Sumudot-sundot sa isipan ang di mamatay-matay na naramdaman para kay Sir James. Nasumpungan ko nalang na pumunta sa flat niya. “Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga tao kung sakaling makita man nila ako dun. Tutal, tinanggal na nila si Sir James sa school, ano pa bang pwedi nilang gawin?” sabi ko sa sarili.

Ngunit wala na pala dun si Sir James, nakaalis isang araw na ang nakalipas at walang makapagsabi kung saan nagpunta. Pinigilan ko ang sariling lumuha, hindi malaman kung saan dideretso at kung anong gagawing pag-aliw sa sarili. Tinawagan ko si Ricky para sana may makausap at maging karamay. Ngunit umuwi na rin pala siya sa lugar nila pagkatapos na pagkatapos kaagad ng graduation. Feeling ko nag-iisa na lang ako sa mundo. Pumunta na lang ako ng bar at doon sinarili ang matinding kalungkutan, hanggang sa malasing.

Kinaumagahan, nag-pack-up ako ng konting gamit, hindi tiyak sa gagawin at kung saan patungo. “Siguro naman, ngayong tapos na ako ng pag-aaral, problema na ng puso ang hahanapan ko ng lunas upang makalaya na akong tuluyan...” at binitiwan ang malalim na buntung-hininga.

Pumasok bigla sa isipan na puntahan sina Tatay Nando sa bukid. “Baka nandun si Sir James o kaya’y alam nila kung saan sya nagpunta.” sigaw ng utak ko.

Nakarating nga ako kina Tatay Nando. Lahat sila ay sumalubong sa akin: Nanay Narsing, Maritess, Anton, Dodong, Clara at si Letecia. Kumpleto silang lahat.

“Carl, napadayo ka!” sigaw ni Tatay Nando.

“Opo, tapos na kasi ang pasukan at graduate na po ako... at malamang babalik na rin sa malaking syudad pagkagaling dito. Nagpunta lang po ako upang magpaalam.” ang sabi kong malungkot ang tono ng pagsasalita. “Heto pala Tay, may biniling mga pasalubong ang mommy para sa inyong lahat”

Inilabas ko ang isang malaking bag ng mga damit, shirts, sapatos, at pantalon. “At alam nyo po, nag-offer ang mommy na sya na ang magpapaaral kay Maritess at Anton sa darating na pasukan, at pati na rin kina Dodong, Clara at Letecia pag nagka-college na sila. Bibisita daw po sya dito isang araw para po makilala kayo at pati na rin ang lahat ng mga kinakapatid ko dito.”

“Talaga, Carl? A, e... hindi ba nakakahiya? Narsing! Narsing! Papag-aralin daw ng mommy ni Carl sina Maritess at Anton!” ang buong kagalakang hindi magkamayaw na pagbalita ni Tatay Nando habang narinig ko namang nagsisigaw at naglulundag sa tuwa sina Maritess at Anton pagkarinig sa sinabi ng ama.

“Salamat naman Carl at hindi na namin po-problemahin ang panggastos sa pagpapaaral sa kanila. Si Anton talaga ay hindi na muna nag-aral ng College yan para lang matustusan namin si Maritess. Tinutulungan pa nga kami ni James sa mga gastusin, e. Hiyang-hiya na ako kay James. Kaya maraming-maraming salamat!” ang sagot ng halos halos mangiyakngiyak na si Tatay Nando. “Halika, dito tayo sa loob ng bahay. Kumain ka muna. Tapos na kaming lahat kumain ngunit sasabayan na kita. A... Anton!” sabay lingon kay Anton “Maglagay ka ng tuba sa pitsel! Mag-inuman kami ni Carl! At sumali ka na rin sa amin dito. Narsing!” tawag naman nya kay Nanay, “maghain ka at kakain kami ni Carl!”

“Tamang-tama po, Tay at ako po’y gutom na gutom na. Na-miss ko na rin po talaga ang mga luto ni Nanay Narsing.” sabi ko habang iniikot ang mga mata sa paligid nagbakasakaling makita si Sir James.

“Tamang-tama, maya-maya lang siguro darating na si James at makakasalo din natin sa pagkain.”

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang galak sa narinig. Ngunit di ako nagpahalata. “Nandito po si Sir James Tay? Saan po ba sya nagpunta?”

“Kay Kapitan. May plano syang gumawa ng project dito at nag-usap sila ngayon. Maganda ang naisip nyang proyekto, siguradong makakatulong sa buong baranggay. Bilib talaga ako sa batang yan, Carl! Magaling sa ano mang bagay. Napakabait pa. Nagtaka nga lang kami kung bakit napaaga ang uwi. Ang alam namin may graduation pa sa school eh. Pero sinabi na rin nya ang dahilan...”

“Talaga po? Alam nyo na po ang nangyari? Hindi po ba sya galit sa akin?”

“Hindi. Hindi… Mabait ang batang iyan, Carl.” ang maiksing tugon nya.

Tamang-tama ngang dumating si Sir James nung maihain na ni Nanay Narsing sa hapag kainan ang mga pagkain. Abot-tenga ang ngiti at hindi man lang na-sorpresa nung makita ako. Para akong na-hypnotized at lumutang sa ulap sa sobrang kaligayahan.

“Ey Carl! Naligaw ka yata ng pupuntahan. Sigurado ka bang dito talaga ang pakay mo?” Ang pabiro nyang sabi sabay kamay sa akin.

Tinanggap ko ang shakehand nya. Nagpapawis kaagad ang kamay ko at nakakabingi ang kalampag ng dibdib sa sobrang excitement sa mainit na pagtanggap nya sa akin. Sumigaw ang puso kong yakapin sya ngunit naunahan na ako ng hiya.

“Ok naman ako, James, kaw? Balita ko may project ka raw na gagawin dito?”

“Oo. Magpapagawa ako ng isang classroom, non-formal education para maturuang magsulat at magbasa ang mga Nanay at Tatay, pati na rin ang mga binata’t dalaga dito na hindi nakapag-aral. Ang layo-layo kasi ng lugar na ito sa paaralan at maraming hindi na nakapag-aral dahil sa layo. Kahit papano sa project na to, matulungan ko din sila...”

“Walang sweldo?” ang bilis kong tanong.

“Wala... tulong nga e.”

“E, panu ka kikita? Ang mga pangangailangan mo?”

“Yan ang challenge, Carl. Jan dapat paganahin ko ang utak ko.” Tumawa sya. “Di ba sabi ko sa iyo, mabubuhay ako kahit saan. I am not afraid to take challenges. The bigger and the more difficult the challenge, the better and the bigger are the rewards. Kailangan lang ay sipag, tyaga, determinasyon, at paniniwalang makamit mo ang goal mo. Pag pumalpak, e di simula nalang ulit...”

“Grabe ka talaga, James. Hindi ka nauubusan ng magagandang ideas! E... Kung tutulungan kaya kita?”

“Wag na baka mamalasin na naman ako.” ang casual nyang sagot sabay bitiw ng napakalutong na halakhak.

Tumawa na rin ang lahat.

“No, seriously, I can help you. My mom is thinking of a charity project for this baranggay and she’s having some problems trying to figure out what it is and how to get it started. Alam mo kasi, malaki ang pasalamat nya kina Tatay Nando, ng pamilya nya at sa mga tao dito sa pagtulong sa akin. She wants to return the help to everyone. In fact, she wants to meet you too, and thank you personally.”

“Wow! At may instant sponsor na kaagad ako!” ang masayang sambit ni Sir. “Ang swerte ko rin naman pala, kahit papano dito kay Carl...”

Parang may sumundot sa puso ko sa narinig na iyon.

“Nahihiya nga ako sa iyo, eh... sa malaking kasalanan ko” ang seryoso kong sabi. “Pero babawi din ako sa iyo, James, promise.”

Hindi na sya sumagot. Binitiwan lang ang isang nakakabighaning titig.

Ewan ko ba ngunit pakiramdam ko, kahit mga limang segundo lang syang tumitig sa akin, parang isang buong oras na nya akong tinitigan, at animoy yelo akong unti-unting natutunaw. Parang may halong kasabikan din ang mga titig nya, nakikipag-usap at nagtatanong.

At namalayan ko na lang ang pagtapik nya sa balikat ko. “Ey! Nandito ka pa ba? Lumilipad yata ang isip mo ah! Tingnan mo, namumula na naman ang mukha mo. Lalo ka tuloy pumogi, naiinsecure na ako sa iyo e!” Sinasampal-sampal nya ang mukha ko na parang gigil na gigil at sabik na sabik sa akin. “Biro lang... ito naman, di na mabiro e.”

Tawanan kaming lahat.

Nag-inuman nga kami, ako, si Tatay Nando, si James at si Anton. Coconut wine na ang tawag ay tuba, at tagay system. Kwentuhan, biruan, ini-experience ang pagtakbo ng oras na walang hinahabol, walang iniisip na deadline, ini-enjoy ang preskong hangin, ang mga berdeng tanawin, ang ingay ng mga ibon at nagkikiskisang dahon ng mga kahoy at halaman habang nalalanghap naman ang bango ng binabarbecueng manok at inihaw na mais nina Anton at Maritess. Nakikisali na rin sa umpukan sina Nanay Narsing at iba pang mga anak nila.

Napakasaya ko sa mga oras na iyon.

Gabi na nung matapos kami, mejo lasing na ang lahat. At dahil pinigilan ako ni Tatay Nando’ng bumalik sa apartment ko, doon na rin ako natulog.

“O, James, bahala ka na kay Carl ha? Wala tayong ibang kwarto. Malilit ang kwarto ni Anton at kasama pa nya doon si Dodong. Kaya sama nalang kayo ni Carl?” tanong ni Tatay Nando kay Sir James.

“Opo, Tay, walang problema. Ako nang bahala dito” ang may pag-aalangang sagot ni Sir sabay tingin sa akin.

Walang magawa si Sir James kundi ang maglatag ng banig sa kwarto nya para sa aming dalawa. Naglagay din sya ng mosquito net dahil marami daw lamok sa gabi at shorts lang ang suot nya sa pag tulog. Single lang ang mosquito net nya, wala na daw mahagilap na iba pa. Bago kami nahiga, naligo muna sya at pagkatapos ay ako naman. Dahil wala akong dalang shorts, pinahiram na rin nya ako. Naalala ko na naman ang huling pagkakataon na natulog kaming magkatabi sa flat nya. Lasing na lasing ako nuon, pinunasan nya buong katawan ko at pinasuot ng shorts nya.

May kilig at kiliting sumundot sa akin. “Hmmm, sana nagpakalasing na lang ako para punasan nya na naman ang buong katawan ko...” sambit ng utak kong malisyoso.

Pareho kaming naka-shorts lang. Nung mahiga, walang imikan. Nakaka-bagot ang katahimikan. Pakiramdaman, hindi ko alam kung anong posisyon ako hihiga. Nanjan yung tatagilid, titihaya, dadapa... Ngunit wala pa ring kibo si Sir kahit na paminsan minsan, ang balat namin ay nagdidikit at ang paa ko sa kapipiglas ay nasasagi sa paa nya.

Sa lapit namin sa isa’t-isa, nalalanghap ko ang amoy ng katawan nya at ang presko nyang hininga. At dahil sa patay ang ilaw, pilit kong inaaninag ang posisyon nya sa pagtulog. Nakatihaya lang, ang isang braso ay nakapatong sa ulo. Alam ko, gising pa sya at nagmamanman sa mga kilos ko, naghihintay kung ano ang susunod na mangyari. Sumisigaw ang isip na ipatong ang kamay ko sa dibdib nya o kaya’y hablutin ang katawan nya at yakapin ng mahigpit. Ngunit natakot din akong baka magalit sya o kaya’y mapahiya ako’t iwaksi ang kamay.

Maya-maya tumagilid na lang ako paharap sa kanya, nag-isip kung ano ang gagawin para mabiyak ang pakikiramdaman namin sa isa’t-isa.

”I-patong ko kaya ang hita ko sa hita nya? O... yung binti ko nalang sa binti nya, kunyari di ko sinasadya? Ah... bahala na. Bugbugin man nya ako, ok lang. Gagawin ko na talaga to” pag-udyok ng utak ko.

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib habang ang utak ko naman ay nagbibilang, “Isa, dalawa, tatlo... Ummpptt!” Ang pagpigil ko sa sariling wag gagawa ng ingay. Unti-unti kong inangat ang paa ko at dahan-dahang ipinatong iyon sa mismong umbok ng harapan nya.

(Itutuloy)

-----------------------------

Idol Ko Si Sir (part 10)

Madilim ang kwarto, malakas ang kabog ng dibdib sa naghalong kaba at excitement. Dahan-dahang dumampi ang hita ko sa harapan nya. Nakiramdam ako. Hindi sya kumibo, hindi kumilos, hindi man lang tinapik iyon. Pinabayaan lang nya ito. Dama ko ang umbok ng pagkalalaki niya at lalong bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Ilang sandali din ang lumipas at hindi pa rin sya kumilos. Natuyu ang lalamunan ko sa di maipapaliwanag ang naramdaman sa pag-antabay sa maaring sunod na mangyari. Napalunok ako ng sariling laway, tuliro ang utak, nag-isip kung galawin ang hitang nakapatong o idiin yun. Kinikilig, nakikiliti at nag-iinit ang aking katawan.

Lumakas ang loob ko sa pagbale-wala nya sa ginawa ko. Ipinatong ko na rin ang isang kamay sa dibdib nya at iniusog ang katawan, ang bibig ko ay halos madikit na sa tenga nya. Naaamoy ko ang shampoong ginamit nya sa pagligo nung gabing iyon. Nanatili syang walang kibo, hindi gumalaw.

“James... I love you.” Bulong ko.

Tahimik.

“Bakit ka nandito?” Sumagot sya ng pabulong din, seryoso ang tono. Nanatiling hindi sya gumalaw at painabayaan pa rin ang kamay at hita kong nakapatong sa kanya.

“Hindi ako mapakali kung hindi kita nakikita at nakakasama...”

“Bakit?”

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay hinahanap-hanap kita. Gusto kong nanjan ka palagi sa piling ko.”

“Bakit?”

“Yan ang sinasabi ng puso ko, James... at ikaw ang tinitibok nito.”

“Bakit?”

“Ewan...”

“Paanu kung nagsisinungaling ang puso mo?”

“Hindi ako magsasayang ng oras at panahon sa pagpunta dito kung alam kung hindi totoo ang sinasabi ng puso ko...”

“Bakit mo ako minahal?”

“Dahil iyon ang nararamdaman ko. Ikaw lang ang taong nagpapatino sa akin. Ikaw lang ang alam kong taong iniidolo ko. Ikaw lang ang taong alam na alam ang buong pagkatao ko, ang buhay ko, ang taong nakakaintindi sa akin, ang nagbalik ng tiwala ko sa sarili, at ang nagturo sa akin kung paano tahakin ang buhay sa mabuting paraan. Pangalan mo lang ang isinisigaw ng puso ko. Ikaw lang ang nakapagtitibok at nakapaghihinto nito ng sabay. Pag hindi kita nakita, napakalungkot ng mundo ko, walang kahulugan ang buhay, walang kulay...”

Mejo napangiti ako nung tinanong nya. “Di ba corny?”

“Corny, yeah. And love should be, and OA, and --”

“Stupid.”

“Yeah” ang maagap kong sagot, at sabay naming binitiwan ang pigil na tawa habang nakapatong pa rin ang kamay at hita ko sa kanya.

“Salamat sa pagdepensa mo sa akin sa graduation. I hated you doing it...”

“Bakit”

“Dahil you’ve blown up the issue”

“Yeah, but it straightened the record, case closed.”

“And you’re punished.”

“Yeah. And I don’t care a bit. I don’t need those medals anyway. I need you...”

Tahimik ulit. “Bakit ako ang napili mong mahalin?”

“Hindi ako ang pumili sa iyo, James, puso ko, at di ko alam kung bakit. Yan din ang tinatanong ko.”

“Paano kung mali ang iniudyok ng puso mo?”

“Kung ganun, ayoko nang maging tama pa ito.”

“Nasa alaala ko pa, Carl ang nangyari sa atin... at ang kapahamakang nagawa nito. Gusto mo bang maulit uli yun?

Tahimik. Niyapos ko sya. Idiniin ko ang mukha ko sa ulo nya, ang mga labi ko ay idinampi sa tenga nya. Hindi pa rin sya kumibo. Hinayaan lang nyang magdikit ang mga katawan namin.

“I’m sorry James sa mga nagawa ko. Ngunit mahal kita at handa kong paninindigan ang nararamdaman ko para sa iyo. Iba iyong nangyari sa atin noon James, sinugatan mo ang puso ko at matindi ang galit ko sa iyo sa panahong iyon. At alam mo ding magulo ang buhay ko noon. Nagbago na ako, James... dahil sa iyo.”

“Paanu kung susugatan ko uli ang puso mo?”

“Kung liligaya ka sa gagawin mo, wala akong magawa. Malaki ang kasalanan ko sa iyo. Nagsisi na ako. Ngunit kung kailangan ko pang i-pakita sa iyo kung gaano kalalim ang pagsisisi ko, gagawin ko. Tatanggapin ko kung anu man ang parusang ipapataw mo.”

“Hanggang kailan mo ako pweding mahalin?”

“Walang hangganan.”

“Habang may buhay?”

“Oo”

“Ayaw mo ba magkaroon ng normal na pamumuhay, na may pamilya, asawa, at anak? Ayaw mo bang bigyan ng lubusang kaligayahan ang mommy mo na mabigyan sya ng apo? Ayaw mo bang magkaroon ng anak at ibigay sa kanya ang hindi mo naranasan simula nung ika’y bata pa?”

Hindi ako nakakibo. Sumiksik ulit sa isipan ang huling binitiwang salita ng mommy na gusto nyang magkaroon ng apo. Naalala ko rin ang mga sandaling nahahabag ako sa sarili kapag nakita ang ibang mga bata na may daddy na kalaro o kasama sa pamamasyal.

Nagpatuloy sya. “Kaya mo bang habang namamasyal tayo, titingnan tayo ng mga tao at pagkatapos ay magtitinginan silang may bahid-malisya? Kaya mo bang habang nagsasama tayo sa isang bahay, may mga dadaang tao at titingnan tayong ang turing ay parang mga taga-ibang planeta o hindi normal na mga tao?”

“Kakayanin ko, James.”

Tahimik.

“Anong gusto mong mangyari ngayon?”

“Sana, magsama tayo palagi, gaya ngayon...”

“Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto kong magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak... ng isang normal na buhay?”

“Bakit... wala ka bang nararamdaman para sa akin?”

“Magkaiba ang dalawang bagay na yan, Carl; ang magmahal at ang mangarap”

“Bakit, ano ba ang pangarap mo?”

“Ang magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak... ng isang normal na buhay, ng mga supling na nagtatakbuhan at nagkukulitan, na inaalagaan, na binibigyang pansin at mag-aalaga sa aking pagtanda; ang magkaroon ng isang babaeng maging ina nila, na dadamay at katuwang sa buhay. Ikaw ba hindi sumiksik sa isipan ang ganun?”

Parang tinusok ang puso ko sa narinig. Dama ang namumuong luha sa mga mata ko. “Gusto ko rin, syempre. Pero, bata pa tayo, James. Twenty lang ako at ikaw, 25. Kailangan na ba nating magdesisyon sa mga bagay na yan ngayon?” ang sabi kong halatang nasaktan sa sinabi nya.

Hindi pa rin sya kumilos. “Oo, dahil kung gusto mong magtagumpay sa buhay, kailangang may direksyon ka, may plano.”

“Hindi mo ba ako mahal?”

“Bakit mo sisirain ang buhay ko at ko at ang buhay mo? Bakit mo sisirain ang pangarap ko?”

Tuluyan na akong naapektuhan sa diretsahang sinabi nya. Tinanggal ko ang kamay at hitang nakapatong sa kanya bilang pagpapahalata sa di nagustuhang tono ng kanyang pananalita. Tumihaya ako, inilagay ang isang braso sa ibabaw ng aking ulo. “Bakit? Bawal ba ang magmahal ng ganitong klase? Lahat ba ng taong nagmahal ng ganito ay nasisira ang mga buhay nila?” ang sabi kong halata sa tono na nasaktan.

“Hindi.”

“Yun naman pala eh. Bakit ganyan ka kung makapagtanong?”

“Dahil naniniwala ako na ang lahat ng klaseng pagmamahal ay dapat may focus, may target, may direksyon. Hindi lang basta nagmahal ka ngayon at bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Naniniwala ako sa pagmamahal na hindi lang puso ang umiiral kung hindi, pati na ang isipan... Ganyan ba ang pagmamahal mo?”

“Hindi ko maintindihan.”

“Give yourself sometime away from me...”

“Bakit?”

“Kung mahal mo pa rin ako after a year kahit malayo ka sa akin, jan ko malalaman na ang pagmamahal mo ay di lang umiiral sa puso...”

“Ba’t di mo nalang sagutin ang tanong ko ngayon? Kung mahal mo rin ba ako.”

“Love is patient... love knows no bounds. Love goes to where it’s meant to be.”

“Mahal mo ba ako?” ang pangungulit ko.

“Do you believe in destiny?”

“What’s the relevance?”

Hindi na sya sumagot. At sumiksik sa isip na talagang hindi nya ako mahal at imposibleng mahalin pa. Iniisip ko na naghanap lang sya ng excuse upang lumayo ako, malimutan sya, at hindi na guguluhin o kukulitin pa. Tuluyan nang dumaloy ang luhang kanina lang ay namumuo sa mga mata. Hinayaan kong bumagsak ang mga ito sa unan, sa papag na hinihigaan.

Hindi na ako kumibo, hindi na kumilos upang hindi mapansin ang paghikbi at hinanakit sa mga sinasabi nya. Pilit kong isiniksik sa isipan na kaya kong labanan ang sakit na nararamdaman, at ang pag-reject nya sa nararamdaman ko. Pilit kong inamo ang sarili na ang lahat ng tagpo namin at mga alala sa kanya ay pawang panaginip at kathang-isip lang.

Tahimik.

Maya-maya, tumagilid sya paharap sa akin. Nagulat na lang ako nung dahan dahan nyang ipinatong ang isang hita nya sa harapan ko at ang isang kamay nya sa dibdib ko. Hindi na ako kumibo. Ini-usog nya ang katawan palapit sa akin, ang bibig ay nakadikit sa tenga ko. Binulungan nya ako, “Carl, I love you. I do... Pero sana naintindihan mo ang sinasabi kong panagarap.”

Niyakap nya ako, mahigpit. Pinunas ng kamay nya ang luha sa pisngi ko. Nghalong saya at pagkalito ang naramdaman sa narinig at sa una nya nang mga nasabi. Akala ko, hindi mo ako mahal. Akala ko – hmmmpp!

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin nung idinampi nya ang mga labi nya sa labi ko. Nagyakapan kami na animo‎’y wala nang bukas pang darating, nag-aalab ang pagnanasa sa isa’t-isa. Sa pagkakataong iyon, batid ko ang nilalaman at isinisigaw ng puso niya. Puno ng pagmamahal at pananabik. Para kaming mga batang puslit, walang mga saplot, walang pakialam sa mundo at uhaw na uhaw. At tuluyan nang nagdikit ang aming mga katawan, ang sabay na pagpintig ng aming mga puso, ang pag-iisa ng aming isip at damdamin. Para kaming lumulutang sa ulap. At nang marating na namin ang ruruk ng kaligayahan, di maipaliwanag na kasiyahan ang nadarama. Tinamasa namin ang sarap na iyon ng ilang ulit pa, sa buong magdamag...

Nung humupa na ang pag-aalab ng aming mga katawan. Bumulong sya. “Kung talagang para tayo sa isa’t-isa, layuan mo muna ako, isang taon, walang contact. Kung nandito pa ako sa pagbalik mo… maaring para nga tayo sa isa’t-isa. Ngunit kung sa pagbalik mo’y nakahanap na ako ng babaeng pakasalan, sana matanggap mo rin iyon, ang marating ang sariling pangarap. Ngunit kahit pa mangyari iyon, pangakong hindi kita buburahin sa puso ko.

Tahimik.
Nagpatuloy sya. “Ikaw, maipangako mo ba sa akin na babalik ka, at na kung mahanap ko man ang sariling pangarap, matatanggap mo?”

“Oo. Babalik ako, at ano man ang madadatnan ko sa pagbabalik, tatanggapin ko ito ng buong puso….”

“Salamat Carl. Salamat…” sabay dampi ng mga labi nya sa pisngi ko.

Kinabukasan, lumuwas ako patungo sa malaking syudad, sa bahay ng mom. Yun na ang huli naming pagkikita ni Sir James. Batay sa pinagkasunduan, isang taon ko syang layuan. Walang kasing sakit ang mawalay sa taong mahal. Ngunit tiniis ko ang lahat, maipamalas lang kung gaano kalalim ang pag-ibig ko sa kanya.

Anim na buwan ang nakaraan at wala kaming contact sa isa’t-isa, at di ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya, except sa sinabi ng secretary ng mom ko na syang nagmo-monitor sa charity project nila ni Sir James. Successful daw ang implementasyon nito at maganda ang feedback ng mga tao. Na-feature din sila sa iba’t ibang news programs at mga magazines maging sa labas ng bansa. At dahil na rin sa success na natamasa, nakahanap sila ng iba pang mga malalaking sponsors at donors na syang dahilan upang mag-expand at mag-open na rin ng formal school.

Anim na buwan pa ang hihintayin at babalikan ko na ulit ang lugar na iyon upang tutuparin ang isang pangako. Hindi ko alam kung ano ang maging mangyari; kung ganun pa rin ba sya, o may iba nang tinitibok ang puso.

Ngunit ang mahalaga, ay maipamalas ko sa kanya na ang pagmamahal ko ay hindi lang sa puso umiiral. Ano man ang madatnan sa pagbalik, tatanggapin ko ito ng buong tapang, ng buong pang-unawa kahit ito’y nangangahulugan ng katuparan ng pangarap nya sa buhay – ang magkaroon ng sariling pamilya, asawa’t mga supling.

Matatanggap ko ang lahat dahil naintindihan ko na ang ibig sabihin ng sinasabi nyang pangarap. At ito na rin ang pinapangarap ko para sa sarili...
(End of Book 1)

22 comments:

  1. so interesting. nakaka-inspired. keep up the good works of this literary piece. Putting positive value to people looking for their selves. rary piece. Putting positive value to people looking for their selves.

    ReplyDelete
  2. Keep up this inspiring literary piece. di sya mahalay. sya mahalay.

    ReplyDelete
  3. ahahahaha nice story..naaliw ako good one ..

    joven 2.... nice one jojie

    ReplyDelete
  4. grabe. nabasa ko na din ang isa sa mga nakakaintrigang storya dito. ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit maganda siya.hehe.

    ReplyDelete
  5. the story was promesing & totally inspiring, no wonder its pass the criteria to publish in public.

    ReplyDelete
  6. almost 3hours q binasa to suuuuulit!!!!! napakagnda habng pauulit ulit na pintutugtog q ang sana ngaun lang ang kahapon grabe ang ganda tnx for this story!! very inspiring!!!!!

    ReplyDelete
  7. This is so damn great. I was really affected. I learned a lot from it. It really touched my heart. I became inspired and determined. I found the story so fulfilling and interesting. Oh damn, I can't get through with it. It's already 1:19AM but still,I'm looking for sequel. It can be a good movie if ever. Thanks for the writer. You really did a good job! Kudos! ^_^

    ReplyDelete
  8. sobrang inspiring.. such a good story... can't wait for the next book...

    ReplyDelete
  9. kamusta naman ang 2:43 am, tinapos ko talaga yung story..inspiring! excellent!..

    ReplyDelete
  10. HI~! IT'S ME AGAIN... I READ MANY OF THE STORIES HERE LIKE SUAACK, AKKCNB, AND MANY MORE. AND AS FAR AS I AM CONCERNED THIS IS THE BEST STORY I HAVE READ. IT DID NOT MAKE ME CRY, LAUGH, OR GIVE ME THAT EROTIC UMPHH... (IF YOU KNOW WHAT I MEAN HAHA XD) BUT THIS IS THE BEST STORY CONSIDERING THE PIECE ITSELF. IT HAS THE BEST MORAL YOU HAVE EVER SHARED. IT REALLY ENCOMPASSED WHAT LOVE IS. I AM SO GLAD TO READ STORIES FROM YOU! I HOPE YOU CONTINUE MAKING SUCH MOVING TALES. :D

    ReplyDelete
  11. grabe ganda ng story ... dami kong matutunang lessons... kahit 3 oras akong nagbasa ng story na to hindi ako nagsisi... worth it naman ang pagbabasa ko...

    kakakilig pa....

    anu kaya ang mangyayari sa book 2... kaka excite..

    ...

    ReplyDelete
  12. Мy cοԁeг is tгying to
    сonvincе me to move tо Ruby on Rails frοm ΡHΡ.
    I hаve alwayѕ dislіkеd the iԁеa
    becausе of the cоѕts. Вut he's keeps bothering. I'νе been using Blοgs Oгganizeг on νаriouѕ webѕitеs for about 12
    months and i аm neгvous about sωіtching to аnother program.
    I hаve heаrd good thіngs about blogеnginе.
    net. Is theгe a ωaу I can іmpοгt аll my wогdρгesѕ poѕts into it?
    Any hеlρ ωοuld be grеаtlу apρreсiаtеd!



    Feеl frеe tο visit mу ѕіtе
    :: Kitty Hand Paperback

    ReplyDelete
  13. I'm .26 years old, college professor and fell in love with one of my students two years ago. Naka-relate ako ng husto kung gano kahirap yung ganitong sitwasyon.

    Can't wait to read the Book 2. Very nice work. Kudos to the author.

    ReplyDelete
  14. wow! nice story.
    good job sa author of this story. Very inspiring story and so many lessons you may learn. Very touching din ang mga linya and nadadala ka sa emotion of their line.
    thumps up for the author of this story. Continue write a story that inspire other. More power and God bless.
    :)

    ReplyDelete
  15. what a story... i have read many of your stories kuya... it always make me crazy whenever i read your wonferful and super unending loving stories of your creations.. i salute u... ang galing grave.. though i work on a night shift but once i started reading your stories, ibang klase talga! i got 4 bottles of sanmig, tilapia for pulutan and hot dog while reading it... ibang klase ka! it inspires me on how you change life of others and even perception of others whenever reading it.. and i cant help my self telling srories on my coworkers whenever i read one. this is a commendatio and you deserve more! just let me know where to buy your books para naman makabawi.. sana din ay makabonding ko ang writer even an hour of your time dahil busy din.. continue inspiring readers and it impacs me much every story you created... hanep! God blesses you on this talent.. :) Jc here.. i added you on facebook, i just cant poke, like, nor do comments coz might cought by my friends.. rhumvs up like a diamond and platinum.. :)

    ReplyDelete
  16. Hi guys please help me please visit and patronize our blog. This blog contains bisexual love stories. Thank you http://bisexualhopingstories.blogspot.com/

    ReplyDelete
  17. PrinceMoonlight of Wattpad SocietyJune 14, 2015 at 4:59 PM

    Ang galing ng story na to!! naiyak ako, nainspired at lalo pang ginanahan sa pag-aaral. yah.. I'm in a Confuse Stage Personality. or Nasa Indenial na ata heheh.. pero relate na relate ako sa story, not in a way na nagkagusto ako sa teacher ko ah.. hehehhe basta nagkagusto sa kapwa ko.. sabi nga nila LOve is not about the gender.

    TSK!! naiiyak na talaga sa mga nangyari sa story.. mas lalo talaga akong nainspired pa para mas lalo kong maabot ang tagumpay at mga pangarap ko sa buhay.. sana dumating din yung taong mamahalin ako ng kung anu ako,, at mamahalin ko din siya sa kung anung meron din siya...

    i love you po sa author nito...

    ReplyDelete
  18. Replies
    1. I went to Central Bookstore at Gotesco Morayta kanina because it said somewhere in MSOB that this book is available there. Bibili sana ako but the bookstore sells legal/law books. There must have been a mistake. Anyway. I'll just try other bookstores. Though my favorite bookstore - Solidaridad - might not have this book. Ah, well. I'm sure it's there somewhere. I think the harder possibility is getting the book signed by this remarkable author.

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails