AUTHOR’S
NOTE: Belated Happy
Motmot, RYESTERS! Belated Valentines Day lang, hindi Happy! Lol!
#Bitter #BTBBC
BIG TIME! Na SORRY! Talaga sa pagkadelay ng update
ngayong week. Sabi ko Saturday, pero
hindi ko naipost. If you’re a member of the Rye Evangelista’s Stories, may anunsyo po doon si Baestfriend about what happened. If
not, ‘yon, nawalan sa amin ng kuryente last night and it took 11 hours. Gahd!
Akalain niyo ‘yon? And ngayon namang araw na ito, naextend ako sa work. Hayst!
24 hours ho ako sa work kanina (simula kagabing 8PM hanggang 8PM ngayong gabi).
Oh well, papel. Pera pa rin naman ang labas no’n. Hayst! Enehu! Heto na at
maipopost ko na rin. Kapit na! mahaba-haba ito. As your requests says. Hahaha!
Sa mga exoited, kalma lang mga bebe, baka masundan
ko agad ‘to. BAKA. Baka lang, ‘wag
muna kayong umasa, paasa ako e. Lol! Wala akong pasok sa school ng Monday, Wednesday, and Thursday. Kaya kapag inspired ako,
magsusulat ako. Lol! Maglalaro rin pala kami ng Dragon Nest. Sinong naglalaro?
PM niyo kami, dali! Lol!
Sa aming ginagalangan mga admin sa MSOB Family, SIR MIKE at KUYA PONSE, salamat pa rin po ng marami. Hindi po ako magsasawang
magpasalamat sa konsiderasyon na ibinibigay niyo sa akin.
Sa mga fb friends ko, old and new, sa makulet na
Dlanor, kay Chef Benchot, Sa kapatid kong si K, na miss na miss ko na, kay Misha
Xela, kay Dave, na hindi na raw
bitter, o siya, ikaw na. Lol! Kila Myun
Xel, Jharz, Bryan, Vinla, Aelton, Nhe, Misha, Park Shi Hae, JM, Mar Cats,
Jeric, Reggie, Franz, Jay Jhay, at Ansley.
At marami pang iba. Maraming maraming
salamat!
Sa mga everloving kong RYESTERS, it’s okay na hindi kayo active sa group, as long as hindi
ninyo ako iiwan. I may not as active as what I am before, lagi ko namang
sinusubaybayan ang group. Likes niyo lang ay okay na ako. Keep
in touch, babies! :D Maraming salamat! Mahal
na mahal ko kayo! XOXO
Sa mga Ka-BLUES
ko riyan. HAPPY MONTHSARY, 1K
RUSHERS! Alam niyo na kung sino kayo. Ayun, ‘di ko pa rin nababasa ang
istorya ni Joseph, my loves. Naiinis ako kay Chris e, inaagaw niya sa akin ang
Elepante ng buhay ko. (Dream on, bitch!) Lol! Kaway-kaway na lang, madlang
pipol! :D
Sa hindi natitinag na #BTBBC. ADVANCE MONTHSARY! Kumusta
kayo, guys? Nagpacake si Kuya KING,
‘di man lang tayo nakakain. Lol! Sana makapagdate rin tayo sa araw na ‘yan.
Nang mangsira tayo ng relasyon! Lol! Joke lang pows! :D
I miss him, super. Pero hindi na kami tulad ng
dati. Kaya move-on na lang ako, beh. That’s life. Matuto tayong tumigil na lang
umasa, para hindi tayo patuloy na nasasaktan. #HugotPaMore Gusto ko tuloy mapanood ang That Thing Called Tadhana. Marami akong matututunan do’n. Lol!
Sa mga everlu, neverendingsawabels sa pagdrop ng
comments sa bawat Chapter. Sisimulan ko na ulit ‘to. Namiss ko rin e. Natuwa
kasi ako masyado sa sobrang exoited nila sa susunod na kabanata. Don’t you wish this story to end? Lol!
Naghuhukay po ako ng sarili kong libingan. Lol! Kila JMC, MICHITO, JOUS, YEAHITSJM, ANONYMOUS1 (Na nagsabing “omg
nakakabitin”), FRANZ, JHARZ, 44 (I
super love the number!), ANONYMOUS2 (na
nagsabing “amnesia na itu”) Ano sa tingin niyo, guys? Kila ANONYMOUS3 (na nagsasabing magkakaamnesia rin si Riel, tapos si
Zeke and magiging Knight in Shining
Armour niya. Hmm), SICHEM (na
napadaan, Hahahaha), sa nag-iisang
may google account na si GREY USON, at
kay BRIX. Maraming salamat!
Naaappreciate ko lahat ng pag-iingay niyo sa post ko. ‘Til next time! :D
Syempre sa aking mga bebe, BAESTFRIEND RED at BEBE BLUE.
Salamat pa rin sa pagtulak, kahit nasa bangin na ako ngayon. Lol! Maraming
maraming salamat talaga!
O siya, mahaba na itey. #BASAMODE na kayo.
Enjoy!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental. All images, videos and
other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo
credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS
CHAPTERS
ADD US TO
YOUR BLOGGER APP
(Reading
List)
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Crayonbox’s
Starfish (On-going)
Gio Yu’s
Final Requirement (On-going)
Seyren
Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s
Just For A Moment (On-going)
Prince Justin
Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge
Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne
Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s
(Jace Page) The John Lloyd Diary (Upcoming)
Apple Green’s
(Jace Page) The One That Got Away (Upcoming)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako.
2 (On-going)
CHAPTER XXIX
Red’s POV
Dalawang araw na ang nakalipas magmula noong
nagkasama kaming muli ni Riel. Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyaring
‘yon sa pagitan namin. Isa lang ang bumabagabag sa akin ngayon.
Bakit siya umalis agad?
Abala kami ngayon sa pag-alis nina Mom papuntang
Palawan. Gusto niyang ihatid namin sila sa Manila, para na rin makapili na ako
ng singsing para sa proposal at para sa kasal.
I’m excited, pero lutang ako sa kakaisip kung
bakit pagkagising ko noong umagang ‘yon ay wala na akong katabi sa kama.
“What’s bothering you, Jared?”
Napailing na lang ako sa aking mga iniisip.
“You’re spacing out. Kanina ka pa namin
tinatawag ng Dad mo for breakfast. May problema ka ba?” Dagdag pa ni Mom.
“Wala po, Mom.” Tugon ko rito.
“Are you still thinking about what happened last
Monday? Pwede namang magpahatid na lang kami sa driver papuntang Manila. I’ll
just send to you, pictures of the rings para makapili ka. Go talk to Riel.”
“No, Mom. Okay lang po. Pagkabalik ko na lang po
galing Manila, saka ko pupuntahan si Riel. I need to see the rings,
personally.”
“Anak…” Ani Mom saka ako niyakap. “Dapat kasi
sinabi mo na that night. ‘Yon ‘yong pagkakataon niyo to catch up ‘di ba? Hindi
ka dapat nag-aalala ngayon. You know it is okay for us to leave without you.
Hindi naman kami mapapano.”
“Yeah. Na-occupied lang siguro ako ng pagkasabik
sa kanya.” Napangiti na lang si Mom sa sinabi ko.
“I know, right? Sa tingin mo, magkakaapo na kaya
kami ng Dad mo?”
“How I wish, Mom.” Pareho na lang kaming tumawa.
“So, what’s your plan? You know we can always
manage.”
Umiling na lang ako sa alok niya. Gusto kong ako
personally mismo ang pipili ng mga singsing.
Gusto kong maramdaman ‘yong nararamdaman ng mga
namimili ng singsing para sa minamahal nila. ‘Yong kapag nahawakan mo ‘yong
tamang singsing, makikita mo ‘yong hinaharap kasama ang minamahal mo.
“I’m coming with you. Dalawang araw lang din
naman ako mawawala. Saka ko na lang ulit kakausapin si Riel.”
“Okay. Ikaw ang bahala. Sana makapaghintay pa
siya.”
“Maghihintay siya, Mom. Maghihintay siya.”
‘Yon ‘yong itinatak ko sa aking kaisipan. He
will wait. He always does. Ako lang naman ‘yong hindi e. Kaya nga
nagkagulo-gulo na ang lahat. Hay!
Pagkatapos naming kumain ng almusal ay tumulak
na kami papuntang Manila. Si Andrei lang ang maiiwan sa bahay. Ayaw niya kasing
iwan ulit si Reese. Tama na raw ‘yong 1 year nilang long distance relationship.
Baka raw kung saan pa kami makapunta e.
Peg-ebeg nge nemen!
May kasama naman kaming dalawang driver. Kaya,
walang problema sa byahe.
“You can sleep, son. Gigisingin ka na lang namin
kapag nasa Lita’s na tayo. Doon tayo maglalunch. Namiss ko nang kumain doon e.”
Ani Mom.
“Okay, Mom.”
May limang oras pa naman ako para matulog.
Nang ipinikit ko ang mga mata ko ay bumalik sa
akin lahat ng nangyari noong isang taon.
Flashback
Nang iminulat ko ang mata ko ay puting kisame
ang nakita ko. Naging sariwa ang lahat sa akin. Napaluha na lamang ako nang
makita ko ang katabing kama kung saan nakahiga ang minamahal ko.
“Red!” Sigaw ni Mom. “Mabuti naman at gising ka
na! Pinag-alala mo kami masyado!” Umiiyak na saad niya.
“Mom… si Riel…”
“Under observation pa rin siya” Aniya saka
tumingin sa katabi kong kama. “It’s been two weeks, already.”
“Paanong?” Naitanong ko na lang.
Ako ‘yong sumalo ng impact ‘di ba? Ako ‘yon ‘di
ba?
Napailing na lang si Mom.
“Siya ang lubos na napuruhan sa aksidente, son.”
Todo iling na lang ang naisagot ko sa kanya.
“Ano ba kasing nangyari? Did you two had a
fight?” Tanong niya.
“Kasalanan ko po. Kasalanan ko po.” Umiiyak at
umiiling na tugon ko. “Kung nakinig lang sana ako sa pakiusap niya, hindi sana
‘to mangyayari. Dapat ako ‘yon, Mom. Ako dapat ang nasa kalagayan niya ngayon.
Pero…” Napahagulhol na ako. “Ako pala ang nailigtas niya.”
Masaya…
akong… ligtas… ka…
I really thought it was me…
Kahit malabo ang paningin ko ay nakita ko si Mom
na naitakip ang kanyang kamay sa bibig.
“I’m sorry, Tita. May kasalanan din po ako.” Napatingin
kami ni Mom sa kararating pa lang na si Brett.
“Hindi ko po napigilang halikan si Riel… mahal
ko rin po siya. Mahal ko po ang bestfriend ko.” Napatungo na lang ito matapos
niya ‘yong sabihin.
May pait akong naramdaman sa sinabi ni Brett,
pero… dapat inintindi ko muna ang sitwasyon noon. Hindi ko man lang inisip ang
lahat. Ang tanga-tanga ko. Napakalaking gago ko!
Nakinig muna sana ako sa gustong ipaliwanag ni
Riel. Fuck you, moron! Argh!
Oo, mas nauna niyang nakilala si Riel, pero
nauna ko namang makuha siya. Pero… wala e. Nawala ako sa katuturan dahil lang
sa selos na naramdaman ko.
“Diyos ko naman, magpinsan nga kayo! Pero,
napag-uusapan naman ang lahat ‘di ba? Hindi sana umabot sa ganito.”
“I’m sorry, Mom. Kasalanan ko po. Ako po ang may
kasalanan nito.”
“Kasalanan ko po… kung hindi ko po sana ‘yon ginawa…”
Ani Brett.
“Tama na ‘yan. Wala na tayong mababago sa
nangyari na. All we need to do, is pray for Riel’s fast recovery. Lahat naman
nadadaan sa usapan ‘di ba? Jusko, ‘di na sana kayo umabot sa ganito.”
Ibinalik ko na lang ang paningin ko sa katabi kong
kama. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya.
Hindi ko na mapigilan ang buhos ng mga luha sa
aking mga mata.
I’m really sorry, Riel. Kung hindi lang sana ako
nagpakagago sa naramdaman ko ro’n sa nakita ko that night, hindi ka sana
nariyan. I’m sorry… Kumapit ka, ha? ‘Wag na ‘wag mo akong bibitawan.
It’s been 3 days since magkamalay ako. And Riel
is still unconscious. Marami pa ring aparato ang nakakabit sa kanya. We can’t
expect for Riel’s fast recovery daw kasi nga, siya ang napuruhan.
Pero… sinabi ng doktor na posibleg magkamalay na
siya anumang oras. Kailangan na lang naming hintayin ‘yon.
Hindi pala namin naicelebrate ang unang
monthsary namin bilang magkasintahan. Balak ko pa naman sanang maghiking kasama
siya. ‘Yong kami lang. With the nature.
“I’m so sorry, Red.” Galing sa pagkakatitig ko sa katabi kong kama
ay nailipat ko iyon sa nagsalita.
Napailing na lang ako ng todo. Tanggap ko na ang
lahat. Gabi-gabi ko iyong pinag-iisipan. At natatapos iyon sa konklusyong ako
ang may kasalanan. Ako naman talaga ang hindi umanawa sa sitwasyon e. Hindi
sana mangyayari ‘to.
“Naintindihan ko na ang lahat. Ganoon nga siguro
kapag nagmamahal. Gaya ng sitwasyon mo, itinago mo na lang sa sarili mo ‘yong
nararamdaman mo sa bestfriend mo, para walang masaktang iba. Nagmahal ka lang
naman, ‘di ba?”
Nailipat ko na lang muli ang paningin ko sa
minamahal ko.
“Iris and I got engaged. Wala ka ng
poproblemahin sa akin. Nang mangyari ang lahat ng ito. Sinabi ko sa sarili kong
hindi talaga ako ang para sa kanya. That I’m made for someone else. And that’s
Iris. Magiging ama na rin ako. And I’m happy.” Aniya.
“Talaga?” Gulat na tanong ko. Tumango na rin
lang siya.
“She’s 2 weeks pregnant. Kanina lang namin
nalaman.”
“I’m happy for you.”
“Sorry talaga, kung…”
“Wag na natin ‘yong isipin, Brett. We’ll just
have to pray for Riel’s fast recovery.” Tumango na lang ito sa sinabi ko.
Makalipas ang dalawang araw ay nadischarge na
ako sa ospital. Pero, hindi ako umalis sa tabi ni Riel. Kahit may pasok kami,
ay hindi ko man lang iyon inintindi.
Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero, kaya ko
naman sigurong makahabol. Kahit magself-study ako, o kung ano pa man, hindi ako
mangungulelat sa klase.
Pero habang dumadaan ang araw, ay nawawalan ako
ng pag-asa. Alam kong hinihintay na lang namin ang pagkakaroon ng malay ni
Riel. Bakit ganoon? Para akong nauupos na kandila sa paghihintay sa kanya.
“Mom. Hindi ko na ata kayang makitang nakahiga
riyan si Riel. I’m losing hope.”
“What do you mean?”
Alam kong hindi naman dapat. Wala man lang paliwanag
sa gusto kong gawin. Ewan ko nga ba. Kapag umalis kaya ako, magiging okay na
ang lahat? Unplanned plans? What the fuck are you thinking, Jared?
End of Flashback
Nang makarating kami nina Mom sa Manila ay ang
kaibigan niya kaagad ang pinuntahan namin para makita ang mga singsing.
Unang hawak ko pa lang sa napili kong singsing
ay agad ng nagplay sa aking isipan ang inaasam kong hinaharap kasama ang
minamahal ko.
Sa sarili naming bahay… mga anak namin… masayang
pamilya…
“Mukhang may napili ka na agad, son ah?”
Kinikilig na saad ni Mom.
Agad namang naputol ‘yong nakita kong hinaharap.
Tsaka malapad na napangiti.
“Yes, Mom. Ito na ‘yong hinahanap kong
singsing.”
Kinabukasan ay hinatid namin sina Mom at Dad sa
airport papuntang Palawan. Hawak-hawak ko pa rin ‘yong dalawang box kung saan
nakalagay ang napili kong mga singsing.
“Kailan ang uwi mo sa Naga? Kailangan mo nang
makausap si Riel. Pero syempre, wala munang tungkol sa proposal at kasal ha?
Masasayang lang ang punta namin sa Palawan niyan.”
Napailing na lang ako sa sinabi ni Mom.
“Mom. Kahit sabihin ko, hinding-hindi iyon
masasayang. Doon kaya gaganapin ang kasal. Hindi naman mauuwi ang lahat sa
wala, kasi doon kami nagsimula, doon din kami magiging isa ulit. Saturday
morning po siguro kami uuwi. May bibilhin pa ako e.”
“Yieee! Excited na ako! Mabuti na lang may
nagbenta doon ng resthouse. Hindi na natin poproblemahin ang tutuluyan doon. Go
for it, son! Aantayin namin kayo doon.”
“Helena… ‘Wag masyadong excited. Sa anak mong
kasal ang pinag-uusapan natin, hindi ‘yong atin.”
“Eeeeeee! Tatlong taon pa ‘yong renewal of vows
natin e. Kaya wala namang masamang maging excited. Hello, Seth! Kasal ‘to ng
anak mo, at ng minamahal niya, nila ni Riel!”
“Oo na! Oo na! Tara na’t baka maiwan tayo ng eroplano.”
“O siya, son. Bring home the bacon!”
Nakadrugs ba ‘to si Mom? Napailing na lang ako
sa kanya saka ngumiti.
“Ingat kayo sa pag-uwi, ha?” Huling bilin niya
matapos ko silang yakapin. Tumango na lang ako.
“Kayo rin po.”
Sa byahe pauwi ng Naga ay natulog lang din naman
ako. Ibinilin ko na lang sa mga driver namin na kapag oras na ng tanghalian ay
tumigil na lang kung saan may makakainan at gisingin na lang ako.
Hindi ko pa rin mabitawan ang dalawang box na
may lamang singsing. Hindi niyo ako masisisi. Kahit hindi ko pa sigurado ang
magiging outcome nito, iniisip ko na lang na ngiti sa kanyang mga labi makikita
ko at matamis na ‘oo’ niya ang maririnig ko.
Flashback
“Are you out of your mind, son? Ba’t ka napunta
sa desisyong ‘yan?” Naguguluhang tanong niya.
Maskin ako’y hindi ko maintindihan, Mom.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Jared?
Naaawa naman ako sa gagawin mo kay Riel. He doesn’t deserve this!” Dagdag pa
niya.
“I know, Mom. He doesn’t deserve me either. Mas
mabuti nang gawin ko na ‘to ngayon, para hindi pa masyadong malalim ang ugnayan
namin sa isa’t isa.”
Ano ba ‘tong pinagsasabi ko. Labag ang lahat ng
ito sa loob ko.
“What the hell, son! Are you stupid or
something? One month… that one month, nakita kong kahit hindi pa iyon gano’n
katagal, malalim na ang koneksyon niyo sa isa’t isa.” Sermon nito.
She’s walking in circles, thinking about
something.
“God! Anak! May natanggal bang turnilyo sa utak
mo? Hindi tamang sasabihin mo sa tao na mahal mo siya, and then, kapag nakakita
ka lang ng iba, magbabago na ang pakikitungo mo sa kanila. Na gano’n lang
kadali sayo ang makipaghiwalay sa kanya.” Dagdag pa niya.
I kept my mouth shut. Sermon na rin lang ‘to,
edi, makinig na rin lang. Pero… hindi na mababago ang desisyon ko.
“Damn it, Jared! Isang buwan na. Hindi mo alam
kung gaano na napalapit sayo si Riel. Hindi ba niya nasabi sayong importante ka
sa buhay niya?”
“Tama na ‘yan, Helena.” Ani Dad.
“Pero, Seth!” Nagkatitigan na lang silang
dalawa. “Okay, fine! Fine.”
-----
Nandito na kami sa airport papuntang Amerika.
Wala na ‘tong atrasan pa. Tanging sila Tita Rina, Tito Armando at si Reese lang
ang nakakaalam ng pag-alis naming pamilya. Nagalit nga sa akin si Andrei nang
magdesisyon akong ganito ang gawin.
Pero… Sina Mom na ang nagpaintindi sa kanya
noon.
3 weeks na ang nakakalipas pero, wala pa ring
malay si Riel. Mas mabuti na ‘yon. My unplanned plans will work because of
that.
“Nakakainis ka, anak! Hindi mo ba talaga mahal
si Riel? Gusto kitang sampalin, tanggalan ng ngala-ngala, i-vacuum ang lungs,
at chop-chopin ang mga intestine, whatever the size of it, alam mo ba ‘yon?”
“I’m sorry, Mom.”
“Sumang-ayon ka na rin naman, bakit hindi mo
lang din panindigan. Mag-ina nga kayo, hindi nagpaplano ng mabuti.” Napailing
na lang si Dad matapos niya ‘yong sabihin.
“E pinilit mo rin kaya ako! Sayang lang ang
mahabang sermon ko sa anak mong ‘yan.”
“Tss. Okay lang sa akin na hindi ‘to matuloy.”
Singit ni Andrei.
“Psst! Andrei! Magpaalam ka na kay Reese!”
Napakamot na lang si Andrei ng kanyang ulo tsaka hinarap si Reese.
I’ll be back after a year, Riel. Hindi ko alam
ang rason sa pag-alis kong ito, pero sana maintindihan mo pa rin.
-----
It’s been 7 months since umalis kami ng
Pilipinas. Naging mabilis naman ang pag-aadjust namin dito. In fact, hindi
naman talaga kami nagdrop sa Arneyo. Online-based lang ang pag-aaral namin. The
perks of being the children of the Chairwoman of the Board, huh?
Araw-araw kong binibisita ang facebook niya sa
pagbabakasakaling makakakuha ako ng impormasyon sa kanya. Ang pag-stalk sa
kanyang muli ang ginagawa ko. Doon ko rin, nagawang i-contact si Eri, dahil
walang masyadong post si Riel.
Napailing na lang ako sa dumaan sa aking isipan.
Ang nakaraang pitong buwan ang nagpaintindi sa akin na ang rason kung bakit ako
umalis ay ang isiping, ayokong tanggapin ako ni Riel ng ganoon kadali dahil may
kasalan ako sa nangyari.
Na dahil sa gusto ko lang palang paniwalain ang
sarili kong, Riel deserves to be mad at me. Riel deserves someone better then
me. Someone more mature that I am.
Parang si Eli…
Na dahil gusto kong hanapin ang sarili ko para
maging mas worthy sa binibigay na pagmamahal sa akin ni Riel.
Pero…
Knowing him, hindi siya ganoong tao. Oo, may
personality siyang ganoon, pero kapag malapit sa kanya ang isang tao’y agad
niya itong aakuin ng buo, papatawarin, kahit pa anong bigat ng kasalanan nito
sa kanya.
Kabaliktaran ata ng naisip kong mangyayari ang
nangyayari ngayon. Sabi ni Eri, nagbago na ang lahat kay Riel. Spacing-out,
daydreaming, natural na ‘yon sa kanya, pero, every single day, ‘yon ang
nakikita sa kanya ni Eri.
Kasalanan ko ang lahat ng nangyayaring ito.
After graduation, doon ako nakapagdesisyon na
bumalik na ng Pilipinas, to fix things. Isang taon na rin siyang nasasaktan
dahil sa walang kwentang pag-alis ko.
Na nakalimutan ko ang sumpaan namin noon…
Na nagawa kong iwan rin siya gaya ng pag-iwan sa
kanya ng nag-iisang pamilya niya…
“Kailan mo balak bumalik ng Pilipinas? Maayos na
ba ‘yang plano mo ngayon? Nako, Kuya! Kapag ‘yan basta-basta lang, hinding
hindi na ako sasama!”
“July 25, Drei. Ito na ‘yong pinagpaplanuhan ko,
kasama kayo, ‘yong matino. To get Riel back. To get things back to normal. I
need your help, for this to work. Ayoko na ulit magkamali.”
I need to go back, because what I did was not
what I have expected to happen. It was one-sided. Na ang totoo, kailangan niya
talaga ako. Na mali lahat ng naisip kong pwedeng mangyari.
End of Flashback
“Sir.”
Nagising na lang ako sa tawag sa akin ng aming
driver. Pagkamulat ko ng aking mata ay building na isang fastfood restaurant
ang nakita ko.
“Tanghali na ba?” Pagtingin ko sa aking cell
phone ay quarter to twelve na pala. “Tara’t kumain muna tayo. Sakto ‘yong
dating natin.”
Nang matapos kaming kumain ay agad ulit kaming
tumulak sa byahe. Nakasandal lang ako sa may bintana, nilalasap ang hangin,
nang may mahagip ang paningin ko na isang puting Mini Cooper.
Sinundan ko iyon ng tingin. Hindi ako pwedeng
magkamali. Sasakyan ‘yon ni Zeke. Sa stickers pa lang na nasa likod ng sasakyan
ay hindi ka na magkakamali. Saan na naman kaya siya pupunta? Business trip,
siguro.
Napakibit balikat na lang ako. Hindi ko na
namalayang nakatulog na ako sa posisyon ‘yon.
-----
It was a gloomy evening. Tinatahak namin ang
mahabang daan pauwi ng Naga. Panay ang sulyap ko sa katabi kong si Riel.
Nakatingin lamang siya sa side ng kanyang bintana.
Kanina niya pa ako hindi pinapansin. He must be
super angry with me. Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa pag-alis ko
nang hindi nagpapaalam, wala man lang siya sinabi o ginawa.
That was when I did the proposal in front of
many people in the island, noong nagkoconcert sila for the final gathering ng
mga host families at mga estudyante.
Kung saan namin sinabi ang aming vows para sa
isa’t isa…
Kung saan naging isa kami…
It was bothering me, yes. Kasi kung gusto niya,
why is he so quite at this very moment?
Napangiti na lang ako nang magplay ang kantang
nag-ugnay sa aming dalawa. Kinanta ko pa nga iyon sa pagbabakasakaling gano’n
rin siya. Pero, unti-unti na lang akong tumigil, dahil sa bawat sulyap ko sa
kanya, ay parang hindi siya naapektuhan ng kanta.
Parang hindi iyon ‘yong kantang pareho naming
paborito…
‘Yong kantang nag-uugnay sa amin bago pa maging
kami…
‘Yong kantang paulit-ulit kong pinapatugtog noon
sa Amerika.
Is this my karma now?
Na, oo, papakasalan niya nga ako, pero, hindi na
kami tulad ng dati?
Namuo ang luha sa paligid ng mata ko. Patuloy pa
rin ako sa pagdrive para makauwi na kami. Iniisip ko na lang na baka pagod
lamang siya. Na baka, naiilang lang siya. Na baka, kailangan niya muna ng
konting katahimikan.
Pinunas ko na lang ang namumuong luha sa aking
mga mata.
“Red!” Sigaw nito sa akin.
Sa wakas, narinig ko na rin ang boses niya.
Hindi ko tuloy napigilang mapalingon sa kanya.
“Anong nangyayari sayo?” Aniya saka inagaw ang
manibela.
Halos mabulag ako sa pagkasilaw sa ilaw na nasa
harap namin ngayon. Fuck!
Nakita ko na lang ang sasakyan na umiba ng
direksiyon at papabangga sa isang malaking puno.
“Red!” Sigaw niyang muli saka ako niyakap ng
mahigpit.
Nag-activate naman kaagad ang air bag.
Pagkamulat ko ng mata ko ay ang umuusok na makina
ng sasakyan ko ang nakita ko. Yakap-yakap pa rin ako ni Riel.
“Riel. Are you alright?” Tanong ko.
Pero wala akong narinig mula sa kanya.
“Riel?”
Iniharap ko ang kanyang mukha sa akin. Dumaloy
doon ang masagang dugo galing sa kanyang ulo.
Fuck!
“Riel? Riel?” Marahan kong pag-alog sa kanya.
Pero wala pa rin akong natatanggap na response
mula sa kanya.
I tried to listen to his heartbeat, pero wala
akong marinig.
“Come on! Riel! Please…”
“Ahh!” Ngayon ko na lang naramdaman ang sakit
mula sa naipit kong binti. Masyado atang malakas ang pagkakabangga namin.
“Riel…”
-----
“Sir! Sir!”
Napamulagat na lang ako bigla.
Hinabol ko ang hininga ko. Thank it’s just a
dream. A bad dream.
“Okay lang po kayo?”
Napatango na lang ako sa kanila.
Eli’s POV
Kakatapos ko lang maligo noon nang maisipan kong
mag-almusal muna. Ano kaya ang niluto ngayon ni Riel? Hmmm…
“Oh, June? Magandang umaga. Asa’n si Riel?”
Tanong ko sa punong-abala sa kusina. Usually kasi, silang dalawa ang na’ndito
sa kusina sa tuwing umaga.
“Magandang umaga, Eli! Ewan. Tulog pa siguro.
Napagod siguro kagabi sa gig ninyo. Hayaan mo na. Linggo naman. Kain ka na
muna.” Tugon niya.
Napalingon na lang ako sa pinto ng kwarto niya
sa ikalawang palapag saka ako nagbalik ng atensyon kay June.
“Sabay-sabay na sana tayo. May balak sana akong
pumunta sa puntod ng mga magulang at kapatid ni Riel pagkatapos nating
magsimba. Matagal na rin ‘yong hindi nakakapunta doon.”
Napatango na lang ito sa akin.
“Teka, gigisingin ko lang sila ni Eri.” Aniya.
“Ako na, June. Ikaw na bahala riyan sa
hapag-kainan. ‘Wag mong iiwan ‘yan sa akin.”
Natawa naman ‘to ng payak.
“Okay.”
Agad na lang akong pumanhik sa taas para
gisingin ang dalawa. Alas sais na rin ng umaga. Wala akong problema kay Eri,
kasi tulog mantika naman talaga ‘yon. Si Riel kasi, alas cinco palang ay gising
na ‘yon. Walang palya. Kahit pa pagod o puyat pa siya.
Una ko na lang ginising si Eri. Para
makapaghanda na siya. Aabutin pa ‘yan ng siyam-siyam sa pag-aayos lang ng
sarili.
“Eri! Gising na! Magsisimba tayo!” Sigaw ko
sabay todo katok sa pinto ng kwarto.
“Oo na! Oo na! Andyan na!” Sagot nito.
Limang minuto na ako rito sa pinto ay wala pa
ring Eri na nagbubukas nito.
“ERI! Sisirain ko ‘tong pinto!” Sigaw kong muli.
Nakarinig naman ako ng agarang pagtakbo galing
sa loob saka bumukas ang pinto ng kwarto na tinutulugan nila ni Ate Rose.
“Kainis naman ‘to e!” Aniya.
Napailing na lang ako. Kapatid ko ba talaga ‘to?
“Maghilamos, magmumog at magsuklay ka nga muna!
Ka babaeng tao nito, hindi man lang ayusin muna ang sarili bago humarap sa mga
tao.”
“E antok pa ako e!”
“Maghanda ka na kasi magsisimba tayo. Gigisingin
ko lang si Riel. Kapag hindi ka pa handa pagbalik ko, hindi ka kakain ng
almusal!”
“Oo na! Oo na! Kainis naman ‘to e! Pwedeng
mamayang hapon na lang tayo magsimba?”
“May pupuntahan pa tayong iba, dali na!”
Tinalikuran ko na lang ang bruha kong kapatid.
Padabog naman nitong isinara ang pinto. Sige lang. May pera ka naman. Kapag
nasira ang pinto, ikaw ang magpapaayos niyan.
Huminga lang ako ng malalim nang nasa tapat na
ako ng pinto ni Riel. Okay na kaya siya?
“Riel! Pwede ba akong pumasok?” Sigaw ko.
Walang sumagot. Tulog pa nga siguro. Pero…
napakaunusual talaga.
“Riel! Papasok na ako.” Pagpaalam kong muli.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto
niya. Himala namang hindi ito nakalock. May double lock ito mula sa loob, pero
pinagbilinan ko siyang ‘wag ‘yong ilalock sa loob kapag matutulog lang.
For emergency purposes lang. May susi naman ako
rito sa kwarto niya kapag ‘yong sa doorknob lang ang nakalock. Parati niya
kasing nakakalimutan ang susi niya.
“Riel?” Tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa
kwarto niya.
Nilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok
ng kanyang kwarto, pero wala siya roon.
“Riel?” Tawag ko sa kanya.
Sinubukan kong pakinggan mula sa pinto ng banyo
niya kung mayroon bang naliligo o tao doon. Nang wala akong marinig ay pinihit
ko na lang ang doorknob nito.
“June! Wala rito si Riel. May nasabi ba siya
sa’yo?” Sigaw ko nang wala akong madatnan sa banyo.
Narinig ko naman ang dali-daling pag-akyat ni
June. Pati nga si Eri ay nakiusyuso na rin.
“Wala si Riri?” Ani Eri.
“Wala naman siyang nabanggit kahapon. Hindi na
rin naman kami nagkita kagabi pagdating niyo.” Tugon sa akin ni June.
Bakit parang hindi tama ang nararamdaman ko?
“Eli!” Pagtawag sa atensyon ko ni Eri.
Nakita ko namang may binabasa na siya. Lumapit
na rin lang ako.
“Ano ‘yan?”
“Kumuha ka ng iyo.” Aniya sabay turo sa mga
papel na nasa higaan ni Riel. Mayroon doong para sa aming lahat na naninirahan
dito sa bahay nila.
“Oh my G! Umalis ng walang paalam si Riri!”
Nang marinig ko iyon ay agad kong kinuha ang
sulat na para sa akin. Gano’n din ang ginawa ni June.
Kuya… Sorry
kung hindi ako nagpaalam sa pag-alis kong ito. Pasensiya na talaga. Pinagplanuhan
ko ‘to, and I don’t want you to stop me. Kilala kita. I won’t be long, 1 week
lang ‘to. Makikita niyo na lang ako sa Palawan. Basta.
Don’t worry
too much. Magiging okay din ako. Sana nga. Gusto ko na rin namang ibalik ang
masayahing Riel. ‘Yong malakas. ‘Yong after ng unos, nakatayo pa rin. Isang
taon na rin akong lampa. I need to get rid of these feelings once and for all.
To move forward. To be happy.
Sana
maintindihan mo ako.
Please take
care of yourself, June, Eri, Ate Rose and Kuya Melvin. Ikaw muna ang aasahan ko
sa pamamahala ng bahay. May sulat din naman ako kay June. Alam na niya ang
gagawin.
Bye for now,
onii-chan! Smile! :)
Naisuntok ko na lang ang kamao ko sa pader.
“Eli…” Sabay na sambit ng dalawang kasama ko
ngayon sa kwarto.
“Kasalanan ‘to ni Red e. Dapat sinabi na niya
lang. Fuck!” Nasuntok ko na naman ulit ang pader.
“Eli! Tama na ‘yan. Hindi na mababago ang
nangyari na kahit pa ilang beses mong suntukin ang pader. Let’s just talk about
this with everyone. Or Red, at least.” Ani June.
“Mabuti pa nga. Baka ‘yong pagtama ng kamao ko
sa mukha niya ang magpapabago sa sitwasyon ngayon.” Padabog na lang akong
umalis doon sa kwarto ni Riel.
Gaya ng plano ko, nagsimba pa rin kami tsaka
pumunta sa puntod ng pamilya ni Riel. Akala ko noong una ay dumaan siya rito
bago umalis. Pero wala kaming nadatnang kandila o bulaklak man lang.
Mamayang hapon pa kasi ang mga Chua rito.
Umalis siguro siya ng napakaaga. 7 AM ang bukas
dito e.
“Naitext mo na ba ang lahat?” Baling ko kay Eri
matapos akong mag-alay ng dasal sa dalawang puntod na may apat na pangalan.
“Yep. Wala pala akong number nila Josh and
Riley.” Tugon niya.
“Hayaan mo na muna ‘yong dalawa. Baka wala ‘yon
ngayon dito sa Naga.”
Napatango na lang ito sa akin.
“May nagconfirm na ba?” Tanong kong muli.
Argh! Bwiset!
“Sina Yuki at Xynthia, okay daw. 3 PM naman ang
usapan ‘di ba?”
Tumango na lang ako sa kanya.
Naituon ko na lang muli ang atensyon ko sa
puntod ng kapamilya ni Riel.
‘Wag po
kayong mag-alala. Pagkatapos din ng pag-uusap namin mamaya ay hahanapin ko ang
anak ninyo. Saad ko sa aking isipan.
Kapatid na ang turing ko kay Riel. So,
papanindigan ko ‘yon. I’ll make sure, he will be okay.
“Elijah, Ericka, June! Andito rin kayo?”
Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag sa
amin. Ang pamilya Chua pala.
“Ang aga niyo po ata rito, Tita Rina?” Tanong ko
matapos naming magmano sa kanila.
“Oo nga e. Nag-aya kasi itong si Tito Armando ninyo
na maglunch na lang sa labas. Kaya naisipan na rin naming magsimba at pumunta
rito ng maaga. You may join us.” Anito.
“Baka hindi po kami makasama.” Tugon ko.
“Bakit naman, iho?” Tanong naman ni Tito
Armando.
“Kuya! Nasaan po si Kuya Riel.” Tanong ni Joyce.
Napatingin na lang ako sa dalawang kasama ko
bago sumagot.
“Umalis po kasi si Riel ng hindi nagpapaalam.”
“Ngayon na ba siya umalis—.”
“Rina.” Pagputol ni Tito Armando sa kanya.
“Oh! Nadulas ata ako.” Anito.
“Tita? May alam po kayo sa pag-alis ni Riel?
Saan po siya pumunta?” Sunod-sunod na tanong ko.
Nakita ko na lang napailing si Tito Armando sa
asawa.
“Hindi po sa amin sinabi ni Kuya Riel.” Singit
ni Joyce.
“Tara. Pag-usapan natin to over lunch.” Pag-alok
sa amin ni Tito Armando.
Kaya ‘yon. Inantay lang namin sila ng ilang oras
para sa kanilang pagbisita sa puntod ng kanilang anak at ng mga Dela Rama.
Itinuturing na rin kasi nilang kapamilya ang pamilya ni Riel.
Kasal na rin lang kasi ang kulang, bago namatay
ang magkasintahan. Kung kailan pa sila nagkasundong itali na ang sarili sa
isa’t isa, doon naman natapos ang lahat.
Nakaupo kami ngayon dito sa may lilim habang
pinagmamasdan ang pamilya Chuang nagdadasal.
“Sa tingin mo, saan kaya niya balak pumunta?”
Tanong ni Eri.
Napakibit-balikat na lang ako.
“Aalis pala ako ng alas siete mamaya.” Ani June.
“Oo nga pala. Uuwi ka ng Legazpi.”
“Hmmm.” Napabuntong hininga na lang siya.
“Pakikiusapan ko na lang sina Mama na uuwi ako agad dito. Ibinilin muna sa akin
ni Riel ang gawaing bahay e.” Dagdag niya.
“Kung iyon ang inaalala mo, stay there as much
as you want. Kami na ang bahala. Sabi nga nina Kuya Melvin at Ate Rose kanina, okay
lang sa kanilang, sila muna ang mag-aasikaso sa mga kailangan nila.” Tugon ko.
“Ewan. Nalulungkot ako sa nangyayari kay Riel.”
“Lahat naman siguro tayo.” Ani Eri.
“Tss. Kasabwat ka kaya sa nangyayari ngayon.
Take note, simula pa noong umalis si Red.” Umiiling kong tugon sa kanya.
“Oo na! Oo na! Naexcite lang ako para doon sa
proposal at kasalang magaganap.”
“Mangyayari pa kaya ‘yon ngayong umalis ng
walang paalam si Riel? ‘Di ba ang plano, kasama siyang pupunta sa Palawan?
Argh! Bakit pa kasi ako pumayag sa planong ‘yon!” Nagulo ko na lang ang buhok
ko.
“Ang magagawa na lang natin ngayon ay ang
pag-uusapan ang pwedeng mangyari. Sa lahat ng involve sa planong iyon. Paano
kung…” Hindi na naituloy ni June ang kanyang sasabihin.
Napatango na lang ako sa kanya. Alam ko na ang
gusto niyang iparating. Hindi iyon imposible. Wala pa rin naman kasing alam si
Riel tungkol sa totoong nangyayari. Baka matuluyan ko si Red kapag nag-iba na
ang pakikitungo ni Riel sa lahat.
“Let’s go?” Napaangat na lang kaming tatlo ng
tingin sa tumawag sa amin.
Agad na lang kaming tumayo tsaka sumunod sa
kanila.
“What do you want to eat?” Nakangiting tanong sa
amin ni Tita.
Nang makapili kami ng aming kakainin ay tsaka
kami nagsimula sa aming pakay sa pagsama sa kanila… para malaman ang dahilan o
balak ni Riel sa pag-alis. Kahit alam kong sinabi niyang magiging okay din
siya, hindi pa rin sa akin mawawala ang pag-aalala.
“Pumunta si Riel sa opisina noong Miyerkules
para humingi sa amin ng tulong. ‘Yon nga, he asked for one week leave of
absence. Kailangan niya raw ng pahinga, para hanapin ang sarili niya.” Ani Tito
Armando.
“Maliban doon ay wala na kaming alam kung saan
siya pupunta. We want to respect his decision. We all know that it is about him
and Red. Akala ko ba, bumalik na siya to fix things, bakit nagkakaganoon si
Riel ngayon?” Dagdag naman ni Tita Rina.
Umiiling na napatungo na lang ako sa kanila.
“Hindi ko rin po alam ang nasa isip ni Riel,
ngayon. Ang alam ko lang ay nasasaktan siya ng sobra sa maling nakikita niya
ngayon. Kasalanan ‘to ni Red e. Dapat sinabi niya na lang agad. Hindi ‘yong
sasaktan niya pa ulit si Riel.”
Gigil na gigil na ang mga kamay kong dumapo
ngayon sa mukha ng gagong ‘yon.
“Please, Eli. Hindi na kami masyadong
nakakapagbond ni Riel magmula noong nagkaroon na siya ng mapagkukunan ng
pang-araw-araw niya. Pero, nag-aalala pa rin kami sa kanya. Tulungan ninyo
siyang malampasan lahat ng ito.” Pakiusap sa amin ni Tita.
Napatango na lang ako sa kanya.
Hindi ko alam kong paano ko iyon gagawin. Mailap
siya sa aspetong iyon, kapag napupuno lamang siya saka niya ito nailalabas.
Pero, alam kong may responsibilidad ako sa kanya. Bilang kapatid niya. Bilang
isang taong nagmamahal ng sobra sa kanya.
I want the best for him. Kapag walang nagawa si
Red, to end Riel’s suffering. Hinding-hindi na siya makakalapit kay Riel.
Isinusumpa ko ‘yon.
Josh’s POV
“O, Bruhang Haponesa! Napatawag ka ata? Anong
meron?” Bungad ko sa tumawag na si Yuki.
“Gaga! Alam mo na ba?” Aniya.
“Ang alin? Na sumuko ka rin naman sa
pagpapakipot mo kay Kuya Ryou? Na ikakasal na kayo? Oh! What’s new?” Biro ko.
“Ewan ko sayo ‘no! Nasaan ka ba? Papunta kami
ngayon sa bahay ni Riel.”
“Bakit?” Pagputol ko sa kanya.
“Patapusin mo muna nga kasi ako!” Sigaw niya sa
kabilang linya.
Nagkatinginan na lang kami ni Riley. Nasa kanya
kasi ‘yong isang earpod, nasa akin naman ‘yong kabila. Nakikinig kasi kami sa
mga kanta sa Spotify kanina.
Isang oras na rin kasi ang nakalilipas nang
mabasag ‘yong baso. Kumakain pa rin kami rito sa food court. Nakalimutan ko na
sana e! Pero, bumalik ‘yong masamang kutob ko. Argh! Ano kaya ‘yon? Kumuha na
lang ulit ako ng fries saka kinain.
“Okay! Okay! Pwedeng humingi ng sorry! Masyado kang
ano, ha! Maaano kita riyan!”
“Tse! Oh, heto na! Mukhang hindi mo pa nga
alam!”
“Ano nga! Paano ko malalaman kung hindi mo naman
sinasabi!” Putek naman na haponesang ‘to!
Sumenyas na lang si Riley sa akin na tumahimik
na lang para malaman ang sasabihin ni Yuki. Tss. Oo nga naman. Paano pa
masasabi ng tao kung panay ang butt in ko sa pagsisimula ng kwento niya. Lol!
“Nasa SM kami ngayon para bumili ng makakain
pagpunta ro’n. Umalis si Riel ng walang paalam. And Eli, wants us to talk about
it.”
“What?! Umalis si Riel ng hindi nagpapaalam?
Paano na next week?”
“Yon na nga ang pag-uusapan. So? Nasaan kayo?
Pasabay na kami, ha?” Aniya, sabay hagikhik, may kasama rin siya.
“Nasa food court kami. Sinong kasama mo?”
“Talaga? Tamang-tama! Marami pa naman ‘tong
pinamili namin. May tigabitbit pa! Si Besh ang kasama ko. Meet us, here. Dali!”
“Ah, gano’n? Gagawin niyo lang naman pala kaming
alalay e! Bahala kayo! Aalis na kami!”
“Naman ‘to! ‘Wag kang kakain mamaya, ha!”
Napatawa na lang si Riley sa sinabi ni Yuki.
Nagulat din kasi ako nang sabihin ‘yon ni Yuki. Aba! Ang damot niya ha! Kainis!
“Tara na po, mahal ko. Baka naghihintay na sina
Eli roon.”
“Wushu! ‘Wag nga kayo sa linya ng tawag na ‘to
maglandian! Dali! Bumababa na kayo rito! Bye!” Ani Yuki saka naputol ang linya.
“Aba! Bastos na ‘yon!” Pinagmumura ko pa ‘yong
cell phone as if si Yuki ‘yon.
“Tara?” Ani Riley na nakatayo na.
“Yan na nga ba ang sinasabi ko e! Argh! Masama
talaga ang kutob ko sa nangyayari ngayon.”
Eri’s POV
“Papunta na raw sila Yuki. Kasama na nila sina
Riley at Josh. Tinawagan ko na rin sina Iris at Brett. Aantayin lang nilang
magising si Beegee, tapos papunta na rin sila sa bahay.”
Baling ko kay Eli na kausap si Tito Armando at
Tita Rina. Si June naman ay walang imik sa kanyang upuan.
Alam kong nag-aalala siya sa nangyayari ngayon.
Para saan pa ang dalawang buwang pagiging magkaibigan nila ni Riel,
magkaklase’t sa bahay pa nito siya tumitira.
May kasalanan din ako sa nangyayari ngayon. Ako
ang pinakaunang accomplice sa planong ito ni Red, at malaki na ang sekretong
naitatago ko sa lahat.
In fact, ako ang may plano sa pagpapaselos sa
kanya. Fuck! Ako ata ang may kasalanan ng nangyayari ngayon. Mukhang mapapaamin
ako mamaya sa pagtitipon namin. Sana saluhin ako ni Red!
Speaking of Red, nasaan na kaya ‘yon? Ang alam
ko na lang ay hinatid niya sina Tita at Tito sa Manila at para na rin
makapamili siya ng singsing. Tinext ko na lang siyang pumunta sa bahay, without
stating the problem.
Hay! Paano na ‘to mamaya?
June’s POV
Hayst! Paano na ‘to? Pinoproblema ko na nga ang
pag-uwi ko sa Legazpi mamaya e. Riel! Pinag-aalala mo ako! Ano ba ‘yan!
Ano ba ‘yan! May POV na ako rito! Hindi ko naman
kwento ‘to! ‘Yong totoo? Argh! Kasalanan ‘to ng author ‘no! ‘Wag kayong ano!
Brett’s POV
Ilang beses ko nang tinatawagan si Red, simula
noong nicontact kami ni Eri dahil sa pag-alis ni Riel ng walang paalam. Pero
hanggang ngayon, ay wala pa rin akong naririnig mula sa kanya.
Napaupo na lang ako sa sofa nang sumuko ako sa
pagcontact sa kanya.
“Baka tulog, bumabyahe ‘yon pauwi, ‘di ba?”
Anang asawa ko.
Nagulo ko na lang ang buhok ko. Hinahantay pa
kasi naming magising si Beegee bago kami tumulak sa bahay ni Riel. Wala kaming
mapag-iiwanan sa kanya ngayon kaya’t isasama na lang namin siya.
“Ito na ang malaking problemang kahaharapin
niya. Paano kung… Argh!”
“Doon na lang natin ‘yan pag-usapan kasama ang
barkada. Saka natin ipaalam kila Tita Helena.”
“Nag-aalala lang ako sa bestfriend ko, Mmy.”
“Alam ko naman ‘yon. Pero, kilala mo naman si
Pars ‘di ba? Mas pa sa alam ni Red tungkol sa kanya. Hindi naman siguro gagawa
ng maling hakbang si Riel sa pag-alis na ‘to. It’s either, he wants to forget,
or just want to take a break from all of the things that’s happening around
him.” Saad niya.
“Paano kung hakbang na niya ‘to para
magmove-on?”
“Then, Red and all of us should accept what’s
gonna happen.”
Hindi ko na talaga alam ang iisipin. Sumang-ayon
na rin lang naman ako sa plano ng pinsan ko, paninindigan ko na rin. Whatever
happens, dapat matanggap ‘yon ng lahat.
Red’s POV
Kakarating lang namin sa bahay. Alas siete na
rin ng gabi, pero kailangan kong puntahan si Riel. May mga text at missed calls
nga ako galing kay Brett at Eri.
Binabagabag pa rin ako ng napanaginipan ko
kanina. Fudge! Ano kayang ibig sabihin no’n? Pinilit ko na lang iwaksi iyon sa
aking isipan.
Nang mabasa ko ang text ni Eri ay sinabi kong
hindi na niya ‘yon kailangang sabihin sa akin dahil, ‘yon na ‘yon talaga ang
gagawin ko sa oras na makarating kami sa bahay.
Masaya kong inilagay sa bulsa ko ang mga kahon
ng singsing na napili ko. Tsaka ko pinaandar si Lance at tinungo ang
subdivision kung nasaan ang bahay ni Riel.
Nang makarating ako sa gate nila ay nakita ko
ang mga nakaparadang kotse sa tabi. I think, kay Brett ‘yong isa, kila Josh at
Riley at syempre ‘yong kay Eli. May pagtitipon ata ang barkada ngayon.
Magandang timing ito.
Isang mahabang buntong hininga lamang ang
pinakawalan ko.
This is it, Red.
Time to catch things up with your one and only.
Tinext ko muna si Eri na nasa labas na ako ng
bahay.
“Red!” Tawag niya sa akin ngunit pabulong lang
ito.
“Nariyan ba si Riel?” Tanong ko sa kanya.
Umiiling lang itong sumagot sa akin. Nasaan si
Riel? With the Chua’s?
“Umalis ka na muna! Dali.” Bulong niya.
“Bakit?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Si Red na ba ‘yan? Eri! ‘Wag ka nang
magsisinungaling sa akin.” Rinig kong tanong ni Eli sa kanya mula sa loob ng
bahay.
“Ako nga!” Sigaw ko.
Nakita ko na lang na parang nawalan ng pag-asang
tumabi si Eri sa pinto at tumambad sa akin ang imahe ni Eli. Nakakuyom ang
dalawang kamao at galit na sumugod sa akin.
Napahawak na lang ako sa aking pisngi ng
maramdaman ang sakit mula sa suntok na natanggap ko sa kanya. Napaupo na rin
ako sa damuhan.
“Gago! Dapat sinabi mo na sa kanya no’ng gabing
‘yon. Hindi sana tayo mamomroblema ngayon. Wala na, Red. Umalis si Riel ng
walang paalam. Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari? Hindi ka kasi
nag-iisip! Tang-ina!” Asik nito.
Natulala na lang ako sa narinig.
Umalis… si Riel? Bakit?
Naramdaman ko na lang na inakay na ako ni Eri
upang tumayo.
“Eli! Hindi pa natin alam ang mangyayari!” Ani
Eri.
“Who cares about that?! Ang inaalala ko ang
kalagayan ni Riel.”
“Eli! Tama na ‘yan!” Nakita ko na lang sa may
pinto ang imahe ng buong barkada.
Nakita ko rin si June na nandon, pero may hawak
siyang bag.
Marahan siyang lumapit sa akin.
“Pwedeng ako, rin?”
Hindi pa nga ako nakakasagot ay agad ng dumapo
sa pisngi ko ang suntok niya.
“Naiirita ako sa nangyayari, Red! Fudge!
Magbabakasyon nga ako, pero kasabay no’n ang pag-aalala sa kaibigan ko. Bahala
na nga kayo! Uuwi muna ako ng Legazpi!” Aniya tsaka padabog na nagmartsa
palabas ng gate.
“Ihahatid na kita, June. Baka may malumpo pa
ako, kung andito ako, habang nakikita ko ‘yan.” Angil ni Eli.
Dumaan lang siya sa gilid ko.
Itutuloy…
Bitin akala ko mahaba hahaix update pa po please yung malaman na nila na my masamg ngyari ky riel please po please please please please :(
ReplyDeleteFranz
Karma is hunting you Red. Brace yourself for it might hit you severely. Of course damay din lahat ng naki-isa sa plano.
ReplyDeleteNasaan na kaya si Riel? I hope di naman ganun ang impact ng accident (which is amnesia).
I want a happy ending author. Pero turuan muna ng leksyon si Red. Hindi dapat nilalaro ang damdamin ng iba.
Brix
Buti nga sa iyo red. Mabuti pa si Eli walang ginawang pasakit ke Gab. Sana pagbalik ni Riel kay Eli na siya. Walang mapapala si Riel sa taong selfish. Thanks sa mahabang update Mr Authorr. Take care. God Bles .
ReplyDeleteBoring ang part na haist. :(
ReplyDeleteArgh. WHUT IZ THE MEANING OWV THIZZ!? Hahahaha ang intense ng chapter! Azar
ReplyDeleteNapano na si Riel? Ots ganern? Update agad kuya Rye ha? Sabi mo yan hihihi thanks
- Michito
Ps. Magkaroon sana ng amnesia si Riel. Or atleast yung kahit japeyk lang. :) Harharhar
Boring na to.... Wag ng pahabain pa.... Kakawalang gana magbasa....
ReplyDeleteWag niyo na lang pong basahin. Lol! -- Rye Evangelista
DeletePare pareho lang kayong lahat pati yong mga boarders ni Riel. Riel doesn't deserve you guys as his friends. Let him be with someone more deserving with love and happiness. Go Zeke! Ligawan mo na sya. Mas OK ka! Thumbs up. -Mr Beep-beep.
ReplyDeleteOK din si Eli. Sya ang isa pang concern na concern kay Riel. Either Eli or Zeke. Kahit sino sa dalawa, boto ako huwag na huwag na si Red. He needs to learn a lesson for his stupidity and childish, Ungas na Gago pa, isip bata. - Mr. Beep beep again.
ReplyDeletePatay na si Riel! May He rest in peace ... for good. Marami na syang pinagdaanan. Walang happy ending itong storya .. but there's a moral lesson. Kudos to you Author.
ReplyDeleteIkaw din ba ang writer nung kay yuki? Bat di na tinapos un? Ok pa naman sana ang story kaso nawala bigla eh, di na tinapos
ReplyDeleteHindi po ako, Mr. Anonymous. This is my first story. Yukito Ramirez, ba? Final Requirement? Tatapusin niya 'yon. Wait niyo na lang po. -- Rye.
Deleteay bitina carlos dami kac flash back's., kulang sa kwento., sana may kasunod na agad na update...pakakasalan narin nmn pero bakit pa pahirapan muna para masaktan ng lubos ung tao...
ReplyDeletehaist..
Sana naman hindi magbago si Riel sayang lang ang effort ni Red pero hindi ko naman masisi si Riel nasaktan kasi siya.
ReplyDeleteSana di sya ma-fall kay Zeke hindi pwede!!! Hahaha
Matutuloy pa kaya ang kasal nila? Sana naman matuloy pls. Hahaha
thank u mr. author at nagustuhan mo ang pangalan ko. Haha
-44
Grabe ako talaga bitter!!???? Mana lang pi ako sayo hahah Hmmmffftt grabe ka binitin mo ako.. Hahahaha.. Naiinis na din ako kay red ah.. Update update na po agad hahaha... - dave
ReplyDeleteBaka nagka amnesia si riel and di na nia maalala si red and zeke would be the one na andun for him and his friends?
ReplyDeleteKakabitin aa. Hahaha
Mr Author, Rye E., galing naman ng twist ng storya mo. You are gifted to write eventhough its your first time. Best of luck. -- Mr. Beep beep again. :)
ReplyDeleteGaling galing talga ni mr author ganda ng story. More update pa po je je
ReplyDeleteJuss