Followers

Sunday, February 15, 2015

Love Is... Chapter 29



AUTHOR’S NOTE: Belated Happy Motmot, RYESTERS! Belated Valentines Day lang, hindi Happy! Lol! #Bitter #BTBBC

BIG TIME! Na SORRY! Talaga sa pagkadelay ng update ngayong week. Sabi ko Saturday, pero hindi ko naipost. If you’re a member of the Rye Evangelista’s Stories, may anunsyo po doon si Baestfriend about what happened. If not, ‘yon, nawalan sa amin ng kuryente last night and it took 11 hours. Gahd! Akalain niyo ‘yon? And ngayon namang araw na ito, naextend ako sa work. Hayst! 24 hours ho ako sa work kanina (simula kagabing 8PM hanggang 8PM ngayong gabi). Oh well, papel. Pera pa rin naman ang labas no’n. Hayst! Enehu! Heto na at maipopost ko na rin. Kapit na! mahaba-haba ito. As your requests says. Hahaha!

Sa mga exoited, kalma lang mga bebe, baka masundan ko agad ‘to. BAKA. Baka lang, ‘wag muna kayong umasa, paasa ako e. Lol! Wala akong pasok sa school ng Monday, Wednesday, and Thursday. Kaya kapag inspired ako, magsusulat ako. Lol! Maglalaro rin pala kami ng Dragon Nest. Sinong naglalaro? PM niyo kami, dali! Lol!

Sa aming ginagalangan mga admin sa MSOB Family, SIR MIKE at KUYA PONSE, salamat pa rin po ng marami. Hindi po ako magsasawang magpasalamat sa konsiderasyon na ibinibigay niyo sa akin.

Sa mga fb friends ko, old and new, sa makulet na Dlanor, kay Chef Benchot, Sa kapatid kong si K, na miss na miss ko na, kay Misha Xela, kay Dave, na hindi na raw bitter, o siya, ikaw na. Lol! Kila Myun Xel, Jharz, Bryan, Vinla, Aelton, Nhe, Misha, Park Shi Hae, JM, Mar Cats, Jeric, Reggie, Franz, Jay Jhay, at Ansley. At marami pang iba. Maraming maraming salamat!

Sa mga everloving kong RYESTERS, it’s okay na hindi kayo active sa group, as long as hindi ninyo ako iiwan. I may not as active as what I am before, lagi ko namang sinusubaybayan ang group. Likes niyo lang ay okay na ako. Keep in touch, babies! :D Maraming salamat! Mahal na mahal ko kayo! XOXO

Sa mga Ka-BLUES ko riyan. HAPPY MONTHSARY, 1K RUSHERS! Alam niyo na kung sino kayo. Ayun, ‘di ko pa rin nababasa ang istorya ni Joseph, my loves. Naiinis ako kay Chris e, inaagaw niya sa akin ang Elepante ng buhay ko. (Dream on, bitch!) Lol! Kaway-kaway na lang, madlang pipol! :D

Sa hindi natitinag na #BTBBC. ADVANCE MONTHSARY! Kumusta kayo, guys? Nagpacake si Kuya KING, ‘di man lang tayo nakakain. Lol! Sana makapagdate rin tayo sa araw na ‘yan. Nang mangsira tayo ng relasyon! Lol! Joke lang pows! :D

I miss him, super. Pero hindi na kami tulad ng dati. Kaya move-on na lang ako, beh. That’s life. Matuto tayong tumigil na lang umasa, para hindi tayo patuloy na nasasaktan. #HugotPaMore Gusto ko tuloy mapanood ang That Thing Called Tadhana. Marami akong matututunan do’n. Lol!

Sa mga everlu, neverendingsawabels sa pagdrop ng comments sa bawat Chapter. Sisimulan ko na ulit ‘to. Namiss ko rin e. Natuwa kasi ako masyado sa sobrang exoited nila sa susunod na kabanata. Don’t you wish this story to end? Lol! Naghuhukay po ako ng sarili kong libingan. Lol! Kila JMC, MICHITO, JOUS, YEAHITSJM, ANONYMOUS1 (Na nagsabing “omg nakakabitin”), FRANZ, JHARZ, 44 (I super love the number!), ANONYMOUS2 (na nagsabing “amnesia na itu”) Ano sa tingin niyo, guys? Kila ANONYMOUS3 (na nagsasabing magkakaamnesia rin si Riel, tapos si Zeke and magiging Knight in Shining Armour niya. Hmm), SICHEM (na napadaan, Hahahaha), sa nag-iisang may google account na si GREY USON, at kay BRIX. Maraming salamat! Naaappreciate ko lahat ng pag-iingay niyo sa post ko. ‘Til next time! :D

Syempre sa aking mga bebe, BAESTFRIEND RED at BEBE BLUE. Salamat pa rin sa pagtulak, kahit nasa bangin na ako ngayon. Lol! Maraming maraming salamat talaga!

O siya, mahaba na itey. #BASAMODE na kayo.


Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII | XVIII
XIX | XX | XXI | XXII | XXIII | XXIV | XXV


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Crayonbox’s Starfish (On-going)
Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Seyren Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne Chase’s Strings From The Heart (On-going)
 Apple Green’s (Jace Page) The John Lloyd Diary (Upcoming)
Apple Green’s (Jace Page) The One That Got Away (Upcoming)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXIX


Red’s POV

Dalawang araw na ang nakalipas magmula noong nagkasama kaming muli ni Riel. Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyaring ‘yon sa pagitan namin. Isa lang ang bumabagabag sa akin ngayon.

Bakit siya umalis agad?

Abala kami ngayon sa pag-alis nina Mom papuntang Palawan. Gusto niyang ihatid namin sila sa Manila, para na rin makapili na ako ng singsing para sa proposal at para sa kasal.

I’m excited, pero lutang ako sa kakaisip kung bakit pagkagising ko noong umagang ‘yon ay wala na akong katabi sa kama.

“What’s bothering you, Jared?”

Napailing na lang ako sa aking mga iniisip.

“You’re spacing out. Kanina ka pa namin tinatawag ng Dad mo for breakfast. May problema ka ba?” Dagdag pa ni Mom.

“Wala po, Mom.” Tugon ko rito.

“Are you still thinking about what happened last Monday? Pwede namang magpahatid na lang kami sa driver papuntang Manila. I’ll just send to you, pictures of the rings para makapili ka. Go talk to Riel.”

“No, Mom. Okay lang po. Pagkabalik ko na lang po galing Manila, saka ko pupuntahan si Riel. I need to see the rings, personally.”

“Anak…” Ani Mom saka ako niyakap. “Dapat kasi sinabi mo na that night. ‘Yon ‘yong pagkakataon niyo to catch up ‘di ba? Hindi ka dapat nag-aalala ngayon. You know it is okay for us to leave without you. Hindi naman kami mapapano.”

“Yeah. Na-occupied lang siguro ako ng pagkasabik sa kanya.” Napangiti na lang si Mom sa sinabi ko.

“I know, right? Sa tingin mo, magkakaapo na kaya kami ng Dad mo?”

“How I wish, Mom.” Pareho na lang kaming tumawa.

“So, what’s your plan? You know we can always manage.”

Umiling na lang ako sa alok niya. Gusto kong ako personally mismo ang pipili ng mga singsing.

Gusto kong maramdaman ‘yong nararamdaman ng mga namimili ng singsing para sa minamahal nila. ‘Yong kapag nahawakan mo ‘yong tamang singsing, makikita mo ‘yong hinaharap kasama ang minamahal mo.

“I’m coming with you. Dalawang araw lang din naman ako mawawala. Saka ko na lang ulit kakausapin si Riel.”

“Okay. Ikaw ang bahala. Sana makapaghintay pa siya.”

“Maghihintay siya, Mom. Maghihintay siya.”

‘Yon ‘yong itinatak ko sa aking kaisipan. He will wait. He always does. Ako lang naman ‘yong hindi e. Kaya nga nagkagulo-gulo na ang lahat. Hay!

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay tumulak na kami papuntang Manila. Si Andrei lang ang maiiwan sa bahay. Ayaw niya kasing iwan ulit si Reese. Tama na raw ‘yong 1 year nilang long distance relationship. Baka raw kung saan pa kami makapunta e.

Peg-ebeg nge nemen!

May kasama naman kaming dalawang driver. Kaya, walang problema sa byahe.

“You can sleep, son. Gigisingin ka na lang namin kapag nasa Lita’s na tayo. Doon tayo maglalunch. Namiss ko nang kumain doon e.” Ani Mom.

“Okay, Mom.”

May limang oras pa naman ako para matulog.

Nang ipinikit ko ang mga mata ko ay bumalik sa akin lahat ng nangyari noong isang taon.


Flashback

Nang iminulat ko ang mata ko ay puting kisame ang nakita ko. Naging sariwa ang lahat sa akin. Napaluha na lamang ako nang makita ko ang katabing kama kung saan nakahiga ang minamahal ko.

“Red!” Sigaw ni Mom. “Mabuti naman at gising ka na! Pinag-alala mo kami masyado!” Umiiyak na saad niya.

“Mom… si Riel…”

“Under observation pa rin siya” Aniya saka tumingin sa katabi kong kama. “It’s been two weeks, already.”

“Paanong?” Naitanong ko na lang.

Ako ‘yong sumalo ng impact ‘di ba? Ako ‘yon ‘di ba?

Napailing na lang si Mom.

“Siya ang lubos na napuruhan sa aksidente, son.”

Todo iling na lang ang naisagot ko sa kanya.

“Ano ba kasing nangyari? Did you two had a fight?” Tanong niya.

“Kasalanan ko po. Kasalanan ko po.” Umiiyak at umiiling na tugon ko. “Kung nakinig lang sana ako sa pakiusap niya, hindi sana ‘to mangyayari. Dapat ako ‘yon, Mom. Ako dapat ang nasa kalagayan niya ngayon. Pero…” Napahagulhol na ako. “Ako pala ang nailigtas niya.”

Masaya… akong… ligtas… ka…

I really thought it was me…

Kahit malabo ang paningin ko ay nakita ko si Mom na naitakip ang kanyang kamay sa bibig.

“I’m sorry, Tita. May kasalanan din po ako.” Napatingin kami ni Mom sa kararating pa lang na si Brett.

“Hindi ko po napigilang halikan si Riel… mahal ko rin po siya. Mahal ko po ang bestfriend ko.” Napatungo na lang ito matapos niya ‘yong sabihin.

May pait akong naramdaman sa sinabi ni Brett, pero… dapat inintindi ko muna ang sitwasyon noon. Hindi ko man lang inisip ang lahat. Ang tanga-tanga ko. Napakalaking gago ko!

Nakinig muna sana ako sa gustong ipaliwanag ni Riel. Fuck you, moron! Argh!

Oo, mas nauna niyang nakilala si Riel, pero nauna ko namang makuha siya. Pero… wala e. Nawala ako sa katuturan dahil lang sa selos na naramdaman ko.

“Diyos ko naman, magpinsan nga kayo! Pero, napag-uusapan naman ang lahat ‘di ba? Hindi sana umabot sa ganito.”

“I’m sorry, Mom. Kasalanan ko po. Ako po ang may kasalanan nito.”

“Kasalanan ko po… kung hindi ko po sana ‘yon ginawa…” Ani Brett.

“Tama na ‘yan. Wala na tayong mababago sa nangyari na. All we need to do, is pray for Riel’s fast recovery. Lahat naman nadadaan sa usapan ‘di ba? Jusko, ‘di na sana kayo umabot sa ganito.”

Ibinalik ko na lang ang paningin ko sa katabi kong kama. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya.

Hindi ko na mapigilan ang buhos ng mga luha sa aking mga mata.

I’m really sorry, Riel. Kung hindi lang sana ako nagpakagago sa naramdaman ko ro’n sa nakita ko that night, hindi ka sana nariyan. I’m sorry… Kumapit ka, ha? ‘Wag na ‘wag mo akong bibitawan.

It’s been 3 days since magkamalay ako. And Riel is still unconscious. Marami pa ring aparato ang nakakabit sa kanya. We can’t expect for Riel’s fast recovery daw kasi nga, siya ang napuruhan.

Pero… sinabi ng doktor na posibleg magkamalay na siya anumang oras. Kailangan na lang naming hintayin ‘yon.

Hindi pala namin naicelebrate ang unang monthsary namin bilang magkasintahan. Balak ko pa naman sanang maghiking kasama siya. ‘Yong kami lang. With the nature.

“I’m so sorry, Red.”  Galing sa pagkakatitig ko sa katabi kong kama ay nailipat ko iyon sa nagsalita.

Napailing na lang ako ng todo. Tanggap ko na ang lahat. Gabi-gabi ko iyong pinag-iisipan. At natatapos iyon sa konklusyong ako ang may kasalanan. Ako naman talaga ang hindi umanawa sa sitwasyon e. Hindi sana mangyayari ‘to.

“Naintindihan ko na ang lahat. Ganoon nga siguro kapag nagmamahal. Gaya ng sitwasyon mo, itinago mo na lang sa sarili mo ‘yong nararamdaman mo sa bestfriend mo, para walang masaktang iba. Nagmahal ka lang naman, ‘di ba?”

Nailipat ko na lang muli ang paningin ko sa minamahal ko.

“Iris and I got engaged. Wala ka ng poproblemahin sa akin. Nang mangyari ang lahat ng ito. Sinabi ko sa sarili kong hindi talaga ako ang para sa kanya. That I’m made for someone else. And that’s Iris. Magiging ama na rin ako. And I’m happy.” Aniya.

“Talaga?” Gulat na tanong ko. Tumango na rin lang siya.

“She’s 2 weeks pregnant. Kanina lang namin nalaman.”

“I’m happy for you.”

“Sorry talaga, kung…”

“Wag na natin ‘yong isipin, Brett. We’ll just have to pray for Riel’s fast recovery.” Tumango na lang ito sa sinabi ko.

Makalipas ang dalawang araw ay nadischarge na ako sa ospital. Pero, hindi ako umalis sa tabi ni Riel. Kahit may pasok kami, ay hindi ko man lang iyon inintindi.

Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero, kaya ko naman sigurong makahabol. Kahit magself-study ako, o kung ano pa man, hindi ako mangungulelat sa klase.

Pero habang dumadaan ang araw, ay nawawalan ako ng pag-asa. Alam kong hinihintay na lang namin ang pagkakaroon ng malay ni Riel. Bakit ganoon? Para akong nauupos na kandila sa paghihintay sa kanya.

“Mom. Hindi ko na ata kayang makitang nakahiga riyan si Riel. I’m losing hope.”

“What do you mean?”

Alam kong hindi naman dapat. Wala man lang paliwanag sa gusto kong gawin. Ewan ko nga ba. Kapag umalis kaya ako, magiging okay na ang lahat? Unplanned plans? What the fuck are you thinking, Jared?

End of Flashback


Nang makarating kami nina Mom sa Manila ay ang kaibigan niya kaagad ang pinuntahan namin para makita ang mga singsing.

Unang hawak ko pa lang sa napili kong singsing ay agad ng nagplay sa aking isipan ang inaasam kong hinaharap kasama ang minamahal ko.

Sa sarili naming bahay… mga anak namin… masayang pamilya…

“Mukhang may napili ka na agad, son ah?” Kinikilig na saad ni Mom.

Agad namang naputol ‘yong nakita kong hinaharap. Tsaka malapad na napangiti.

“Yes, Mom. Ito na ‘yong hinahanap kong singsing.”

Kinabukasan ay hinatid namin sina Mom at Dad sa airport papuntang Palawan. Hawak-hawak ko pa rin ‘yong dalawang box kung saan nakalagay ang napili kong mga singsing.

“Kailan ang uwi mo sa Naga? Kailangan mo nang makausap si Riel. Pero syempre, wala munang tungkol sa proposal at kasal ha? Masasayang lang ang punta namin sa Palawan niyan.”

Napailing na lang ako sa sinabi ni Mom.

“Mom. Kahit sabihin ko, hinding-hindi iyon masasayang. Doon kaya gaganapin ang kasal. Hindi naman mauuwi ang lahat sa wala, kasi doon kami nagsimula, doon din kami magiging isa ulit. Saturday morning po siguro kami uuwi. May bibilhin pa ako e.”

“Yieee! Excited na ako! Mabuti na lang may nagbenta doon ng resthouse. Hindi na natin poproblemahin ang tutuluyan doon. Go for it, son! Aantayin namin kayo doon.”

“Helena… ‘Wag masyadong excited. Sa anak mong kasal ang pinag-uusapan natin, hindi ‘yong atin.”

“Eeeeeee! Tatlong taon pa ‘yong renewal of vows natin e. Kaya wala namang masamang maging excited. Hello, Seth! Kasal ‘to ng anak mo, at ng minamahal niya, nila ni Riel!”

“Oo na! Oo na! Tara na’t baka maiwan tayo ng eroplano.”

“O siya, son. Bring home the bacon!”

Nakadrugs ba ‘to si Mom? Napailing na lang ako sa kanya saka ngumiti.

“Ingat kayo sa pag-uwi, ha?” Huling bilin niya matapos ko silang yakapin. Tumango na lang ako.

“Kayo rin po.”

Sa byahe pauwi ng Naga ay natulog lang din naman ako. Ibinilin ko na lang sa mga driver namin na kapag oras na ng tanghalian ay tumigil na lang kung saan may makakainan at gisingin na lang ako.

Hindi ko pa rin mabitawan ang dalawang box na may lamang singsing. Hindi niyo ako masisisi. Kahit hindi ko pa sigurado ang magiging outcome nito, iniisip ko na lang na ngiti sa kanyang mga labi makikita ko at matamis na ‘oo’ niya ang maririnig ko.


Flashback

“Are you out of your mind, son? Ba’t ka napunta sa desisyong ‘yan?” Naguguluhang tanong niya.

Maskin ako’y hindi ko maintindihan, Mom.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Jared? Naaawa naman ako sa gagawin mo kay Riel. He doesn’t deserve this!” Dagdag pa niya.

“I know, Mom. He doesn’t deserve me either. Mas mabuti nang gawin ko na ‘to ngayon, para hindi pa masyadong malalim ang ugnayan namin sa isa’t isa.”

Ano ba ‘tong pinagsasabi ko. Labag ang lahat ng ito sa loob ko.

“What the hell, son! Are you stupid or something? One month… that one month, nakita kong kahit hindi pa iyon gano’n katagal, malalim na ang koneksyon niyo sa isa’t isa.” Sermon nito.

She’s walking in circles, thinking about something.

“God! Anak! May natanggal bang turnilyo sa utak mo? Hindi tamang sasabihin mo sa tao na mahal mo siya, and then, kapag nakakita ka lang ng iba, magbabago na ang pakikitungo mo sa kanila. Na gano’n lang kadali sayo ang makipaghiwalay sa kanya.” Dagdag pa niya.

I kept my mouth shut. Sermon na rin lang ‘to, edi, makinig na rin lang. Pero… hindi na mababago ang desisyon ko.

“Damn it, Jared! Isang buwan na. Hindi mo alam kung gaano na napalapit sayo si Riel. Hindi ba niya nasabi sayong importante ka sa buhay niya?”

“Tama na ‘yan, Helena.” Ani Dad.

“Pero, Seth!” Nagkatitigan na lang silang dalawa. “Okay, fine! Fine.”

-----

Nandito na kami sa airport papuntang Amerika. Wala na ‘tong atrasan pa. Tanging sila Tita Rina, Tito Armando at si Reese lang ang nakakaalam ng pag-alis naming pamilya. Nagalit nga sa akin si Andrei nang magdesisyon akong ganito ang gawin.

Pero… Sina Mom na ang nagpaintindi sa kanya noon.

3 weeks na ang nakakalipas pero, wala pa ring malay si Riel. Mas mabuti na ‘yon. My unplanned plans will work because of that.

“Nakakainis ka, anak! Hindi mo ba talaga mahal si Riel? Gusto kitang sampalin, tanggalan ng ngala-ngala, i-vacuum ang lungs, at chop-chopin ang mga intestine, whatever the size of it, alam mo ba ‘yon?”

“I’m sorry, Mom.”

“Sumang-ayon ka na rin naman, bakit hindi mo lang din panindigan. Mag-ina nga kayo, hindi nagpaplano ng mabuti.” Napailing na lang si Dad matapos niya ‘yong sabihin.

“E pinilit mo rin kaya ako! Sayang lang ang mahabang sermon ko sa anak mong ‘yan.”

“Tss. Okay lang sa akin na hindi ‘to matuloy.” Singit ni Andrei.

“Psst! Andrei! Magpaalam ka na kay Reese!” Napakamot na lang si Andrei ng kanyang ulo tsaka hinarap si Reese.

I’ll be back after a year, Riel. Hindi ko alam ang rason sa pag-alis kong ito, pero sana maintindihan mo pa rin.

-----

It’s been 7 months since umalis kami ng Pilipinas. Naging mabilis naman ang pag-aadjust namin dito. In fact, hindi naman talaga kami nagdrop sa Arneyo. Online-based lang ang pag-aaral namin. The perks of being the children of the Chairwoman of the Board, huh?

Araw-araw kong binibisita ang facebook niya sa pagbabakasakaling makakakuha ako ng impormasyon sa kanya. Ang pag-stalk sa kanyang muli ang ginagawa ko. Doon ko rin, nagawang i-contact si Eri, dahil walang masyadong post si Riel.

Napailing na lang ako sa dumaan sa aking isipan. Ang nakaraang pitong buwan ang nagpaintindi sa akin na ang rason kung bakit ako umalis ay ang isiping, ayokong tanggapin ako ni Riel ng ganoon kadali dahil may kasalan ako sa nangyari.

Na dahil sa gusto ko lang palang paniwalain ang sarili kong, Riel deserves to be mad at me. Riel deserves someone better then me. Someone more mature that I am.

Parang si Eli…

Na dahil gusto kong hanapin ang sarili ko para maging mas worthy sa binibigay na pagmamahal sa akin ni Riel.

Pero…

Knowing him, hindi siya ganoong tao. Oo, may personality siyang ganoon, pero kapag malapit sa kanya ang isang tao’y agad niya itong aakuin ng buo, papatawarin, kahit pa anong bigat ng kasalanan nito sa kanya.

Kabaliktaran ata ng naisip kong mangyayari ang nangyayari ngayon. Sabi ni Eri, nagbago na ang lahat kay Riel. Spacing-out, daydreaming, natural na ‘yon sa kanya, pero, every single day, ‘yon ang nakikita sa kanya ni Eri.

Kasalanan ko ang lahat ng nangyayaring ito.

After graduation, doon ako nakapagdesisyon na bumalik na ng Pilipinas, to fix things. Isang taon na rin siyang nasasaktan dahil sa walang kwentang pag-alis ko.

Na nakalimutan ko ang sumpaan namin noon…

Na nagawa kong iwan rin siya gaya ng pag-iwan sa kanya ng nag-iisang pamilya niya…

“Kailan mo balak bumalik ng Pilipinas? Maayos na ba ‘yang plano mo ngayon? Nako, Kuya! Kapag ‘yan basta-basta lang, hinding hindi na ako sasama!”

“July 25, Drei. Ito na ‘yong pinagpaplanuhan ko, kasama kayo, ‘yong matino. To get Riel back. To get things back to normal. I need your help, for this to work. Ayoko na ulit magkamali.”

I need to go back, because what I did was not what I have expected to happen. It was one-sided. Na ang totoo, kailangan niya talaga ako. Na mali lahat ng naisip kong pwedeng mangyari.

End of Flashback


“Sir.”

Nagising na lang ako sa tawag sa akin ng aming driver. Pagkamulat ko ng aking mata ay building na isang fastfood restaurant ang nakita ko.

“Tanghali na ba?” Pagtingin ko sa aking cell phone ay quarter to twelve na pala. “Tara’t kumain muna tayo. Sakto ‘yong dating natin.”

Nang matapos kaming kumain ay agad ulit kaming tumulak sa byahe. Nakasandal lang ako sa may bintana, nilalasap ang hangin, nang may mahagip ang paningin ko na isang puting Mini Cooper.

Sinundan ko iyon ng tingin. Hindi ako pwedeng magkamali. Sasakyan ‘yon ni Zeke. Sa stickers pa lang na nasa likod ng sasakyan ay hindi ka na magkakamali. Saan na naman kaya siya pupunta? Business trip, siguro.

Napakibit balikat na lang ako. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa posisyon ‘yon.

-----

It was a gloomy evening. Tinatahak namin ang mahabang daan pauwi ng Naga. Panay ang sulyap ko sa katabi kong si Riel. Nakatingin lamang siya sa side ng kanyang bintana.

Kanina niya pa ako hindi pinapansin. He must be super angry with me. Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa pag-alis ko nang hindi nagpapaalam, wala man lang siya sinabi o ginawa.

That was when I did the proposal in front of many people in the island, noong nagkoconcert sila for the final gathering ng mga host families at mga estudyante.

Kung saan namin sinabi ang aming vows para sa isa’t isa…

Kung saan naging isa kami…

It was bothering me, yes. Kasi kung gusto niya, why is he so quite at this very moment?

Napangiti na lang ako nang magplay ang kantang nag-ugnay sa aming dalawa. Kinanta ko pa nga iyon sa pagbabakasakaling gano’n rin siya. Pero, unti-unti na lang akong tumigil, dahil sa bawat sulyap ko sa kanya, ay parang hindi siya naapektuhan ng kanta.

Parang hindi iyon ‘yong kantang pareho naming paborito…

‘Yong kantang nag-uugnay sa amin bago pa maging kami…

‘Yong kantang paulit-ulit kong pinapatugtog noon sa Amerika.

Is this my karma now?

Na, oo, papakasalan niya nga ako, pero, hindi na kami tulad ng dati?

Namuo ang luha sa paligid ng mata ko. Patuloy pa rin ako sa pagdrive para makauwi na kami. Iniisip ko na lang na baka pagod lamang siya. Na baka, naiilang lang siya. Na baka, kailangan niya muna ng konting katahimikan.

Pinunas ko na lang ang namumuong luha sa aking mga mata.

“Red!” Sigaw nito sa akin.

Sa wakas, narinig ko na rin ang boses niya. Hindi ko tuloy napigilang mapalingon sa kanya.

“Anong nangyayari sayo?” Aniya saka inagaw ang manibela.

Halos mabulag ako sa pagkasilaw sa ilaw na nasa harap namin ngayon. Fuck!

Nakita ko na lang ang sasakyan na umiba ng direksiyon at papabangga sa isang malaking puno.

“Red!” Sigaw niyang muli saka ako niyakap ng mahigpit.

Nag-activate naman kaagad ang air bag.

Pagkamulat ko ng mata ko ay ang umuusok na makina ng sasakyan ko ang nakita ko. Yakap-yakap pa rin ako ni Riel.

“Riel. Are you alright?” Tanong ko.

Pero wala akong narinig mula sa kanya.

“Riel?”

Iniharap ko ang kanyang mukha sa akin. Dumaloy doon ang masagang dugo galing sa kanyang ulo.

Fuck!

“Riel? Riel?” Marahan kong pag-alog sa kanya.

Pero wala pa rin akong natatanggap na response mula sa kanya.

I tried to listen to his heartbeat, pero wala akong marinig.

“Come on! Riel! Please…”

“Ahh!” Ngayon ko na lang naramdaman ang sakit mula sa naipit kong binti. Masyado atang malakas ang pagkakabangga namin.

“Riel…”

-----

“Sir! Sir!”

Napamulagat na lang ako bigla.

Hinabol ko ang hininga ko. Thank it’s just a dream. A bad dream.

“Okay lang po kayo?”

Napatango na lang ako sa kanila.


Eli’s POV

Kakatapos ko lang maligo noon nang maisipan kong mag-almusal muna. Ano kaya ang niluto ngayon ni Riel? Hmmm…

“Oh, June? Magandang umaga. Asa’n si Riel?” Tanong ko sa punong-abala sa kusina. Usually kasi, silang dalawa ang na’ndito sa kusina sa tuwing umaga.

“Magandang umaga, Eli! Ewan. Tulog pa siguro. Napagod siguro kagabi sa gig ninyo. Hayaan mo na. Linggo naman. Kain ka na muna.” Tugon niya.

Napalingon na lang ako sa pinto ng kwarto niya sa ikalawang palapag saka ako nagbalik ng atensyon kay June.

“Sabay-sabay na sana tayo. May balak sana akong pumunta sa puntod ng mga magulang at kapatid ni Riel pagkatapos nating magsimba. Matagal na rin ‘yong hindi nakakapunta doon.”

Napatango na lang ito sa akin.

“Teka, gigisingin ko lang sila ni Eri.” Aniya.

“Ako na, June. Ikaw na bahala riyan sa hapag-kainan. ‘Wag mong iiwan ‘yan sa akin.”

Natawa naman ‘to ng payak.

“Okay.”

Agad na lang akong pumanhik sa taas para gisingin ang dalawa. Alas sais na rin ng umaga. Wala akong problema kay Eri, kasi tulog mantika naman talaga ‘yon. Si Riel kasi, alas cinco palang ay gising na ‘yon. Walang palya. Kahit pa pagod o puyat pa siya.

Una ko na lang ginising si Eri. Para makapaghanda na siya. Aabutin pa ‘yan ng siyam-siyam sa pag-aayos lang ng sarili.

“Eri! Gising na! Magsisimba tayo!” Sigaw ko sabay todo katok sa pinto ng kwarto.

“Oo na! Oo na! Andyan na!” Sagot nito.

Limang minuto na ako rito sa pinto ay wala pa ring Eri na nagbubukas nito.

“ERI! Sisirain ko ‘tong pinto!” Sigaw kong muli.

Nakarinig naman ako ng agarang pagtakbo galing sa loob saka bumukas ang pinto ng kwarto na tinutulugan nila ni Ate Rose.

“Kainis naman ‘to e!” Aniya.

Napailing na lang ako. Kapatid ko ba talaga ‘to?

“Maghilamos, magmumog at magsuklay ka nga muna! Ka babaeng tao nito, hindi man lang ayusin muna ang sarili bago humarap sa mga tao.”

“E antok pa ako e!”

“Maghanda ka na kasi magsisimba tayo. Gigisingin ko lang si Riel. Kapag hindi ka pa handa pagbalik ko, hindi ka kakain ng almusal!”

“Oo na! Oo na! Kainis naman ‘to e! Pwedeng mamayang hapon na lang tayo magsimba?”

“May pupuntahan pa tayong iba, dali na!”

Tinalikuran ko na lang ang bruha kong kapatid. Padabog naman nitong isinara ang pinto. Sige lang. May pera ka naman. Kapag nasira ang pinto, ikaw ang magpapaayos niyan.

Huminga lang ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng pinto ni Riel. Okay na kaya siya?

“Riel! Pwede ba akong pumasok?” Sigaw ko.

Walang sumagot. Tulog pa nga siguro. Pero… napakaunusual talaga.

“Riel! Papasok na ako.” Pagpaalam kong muli.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto niya. Himala namang hindi ito nakalock. May double lock ito mula sa loob, pero pinagbilinan ko siyang ‘wag ‘yong ilalock sa loob kapag matutulog lang.

For emergency purposes lang. May susi naman ako rito sa kwarto niya kapag ‘yong sa doorknob lang ang nakalock. Parati niya kasing nakakalimutan ang susi niya.

“Riel?” Tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa kwarto niya.

Nilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng kanyang kwarto, pero wala siya roon.

“Riel?” Tawag ko sa kanya.

Sinubukan kong pakinggan mula sa pinto ng banyo niya kung mayroon bang naliligo o tao doon. Nang wala akong marinig ay pinihit ko na lang ang doorknob nito.

“June! Wala rito si Riel. May nasabi ba siya sa’yo?” Sigaw ko nang wala akong madatnan sa banyo.

Narinig ko naman ang dali-daling pag-akyat ni June. Pati nga si Eri ay nakiusyuso na rin.

“Wala si Riri?” Ani Eri.

“Wala naman siyang nabanggit kahapon. Hindi na rin naman kami nagkita kagabi pagdating niyo.” Tugon sa akin ni June.

Bakit parang hindi tama ang nararamdaman ko?

“Eli!” Pagtawag sa atensyon ko ni Eri.

Nakita ko namang may binabasa na siya. Lumapit na rin lang ako.

“Ano ‘yan?”

“Kumuha ka ng iyo.” Aniya sabay turo sa mga papel na nasa higaan ni Riel. Mayroon doong para sa aming lahat na naninirahan dito sa bahay nila.

“Oh my G! Umalis ng walang paalam si Riri!”

Nang marinig ko iyon ay agad kong kinuha ang sulat na para sa akin. Gano’n din ang ginawa ni June.

Kuya… Sorry kung hindi ako nagpaalam sa pag-alis kong ito. Pasensiya na talaga. Pinagplanuhan ko ‘to, and I don’t want you to stop me. Kilala kita. I won’t be long, 1 week lang ‘to. Makikita niyo na lang ako sa Palawan. Basta.

Don’t worry too much. Magiging okay din ako. Sana nga. Gusto ko na rin namang ibalik ang masayahing Riel. ‘Yong malakas. ‘Yong after ng unos, nakatayo pa rin. Isang taon na rin akong lampa. I need to get rid of these feelings once and for all. To move forward. To be happy.

Sana maintindihan mo ako.

Please take care of yourself, June, Eri, Ate Rose and Kuya Melvin. Ikaw muna ang aasahan ko sa pamamahala ng bahay. May sulat din naman ako kay June. Alam na niya ang gagawin.

Bye for now, onii-chan! Smile! :)

Naisuntok ko na lang ang kamao ko sa pader.

“Eli…” Sabay na sambit ng dalawang kasama ko ngayon sa kwarto.

“Kasalanan ‘to ni Red e. Dapat sinabi na niya lang. Fuck!” Nasuntok ko na naman ulit ang pader.

“Eli! Tama na ‘yan. Hindi na mababago ang nangyari na kahit pa ilang beses mong suntukin ang pader. Let’s just talk about this with everyone. Or Red, at least.” Ani June.

“Mabuti pa nga. Baka ‘yong pagtama ng kamao ko sa mukha niya ang magpapabago sa sitwasyon ngayon.” Padabog na lang akong umalis doon sa kwarto ni Riel.

Gaya ng plano ko, nagsimba pa rin kami tsaka pumunta sa puntod ng pamilya ni Riel. Akala ko noong una ay dumaan siya rito bago umalis. Pero wala kaming nadatnang kandila o bulaklak man lang.

Mamayang hapon pa kasi ang mga Chua rito.

Umalis siguro siya ng napakaaga. 7 AM ang bukas dito e.

“Naitext mo na ba ang lahat?” Baling ko kay Eri matapos akong mag-alay ng dasal sa dalawang puntod na may apat na pangalan.

“Yep. Wala pala akong number nila Josh and Riley.” Tugon niya.

“Hayaan mo na muna ‘yong dalawa. Baka wala ‘yon ngayon dito sa Naga.”

Napatango na lang ito sa akin.

“May nagconfirm na ba?” Tanong kong muli.

Argh! Bwiset!

“Sina Yuki at Xynthia, okay daw. 3 PM naman ang usapan ‘di ba?”

Tumango na lang ako sa kanya.

Naituon ko na lang muli ang atensyon ko sa puntod ng kapamilya ni Riel.

‘Wag po kayong mag-alala. Pagkatapos din ng pag-uusap namin mamaya ay hahanapin ko ang anak ninyo. Saad ko sa aking isipan.

Kapatid na ang turing ko kay Riel. So, papanindigan ko ‘yon. I’ll make sure, he will be okay.

“Elijah, Ericka, June! Andito rin kayo?”

Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag sa amin. Ang pamilya Chua pala.

“Ang aga niyo po ata rito, Tita Rina?” Tanong ko matapos naming magmano sa kanila.

“Oo nga e. Nag-aya kasi itong si Tito Armando ninyo na maglunch na lang sa labas. Kaya naisipan na rin naming magsimba at pumunta rito ng maaga. You may join us.” Anito.

“Baka hindi po kami makasama.” Tugon ko.

“Bakit naman, iho?” Tanong naman ni Tito Armando.

“Kuya! Nasaan po si Kuya Riel.” Tanong ni Joyce.

Napatingin na lang ako sa dalawang kasama ko bago sumagot.

“Umalis po kasi si Riel ng hindi nagpapaalam.”

“Ngayon na ba siya umalis—.”

“Rina.” Pagputol ni Tito Armando sa kanya.

“Oh! Nadulas ata ako.” Anito.

“Tita? May alam po kayo sa pag-alis ni Riel? Saan po siya pumunta?” Sunod-sunod na tanong ko.

Nakita ko na lang napailing si Tito Armando sa asawa.

“Hindi po sa amin sinabi ni Kuya Riel.” Singit ni Joyce.

“Tara. Pag-usapan natin to over lunch.” Pag-alok sa amin ni Tito Armando.

Kaya ‘yon. Inantay lang namin sila ng ilang oras para sa kanilang pagbisita sa puntod ng kanilang anak at ng mga Dela Rama. Itinuturing na rin kasi nilang kapamilya ang pamilya ni Riel.

Kasal na rin lang kasi ang kulang, bago namatay ang magkasintahan. Kung kailan pa sila nagkasundong itali na ang sarili sa isa’t isa, doon naman natapos ang lahat.

Nakaupo kami ngayon dito sa may lilim habang pinagmamasdan ang pamilya Chuang nagdadasal.

“Sa tingin mo, saan kaya niya balak pumunta?” Tanong ni Eri.

Napakibit-balikat na lang ako.

“Aalis pala ako ng alas siete mamaya.” Ani June.

“Oo nga pala. Uuwi ka ng Legazpi.”

“Hmmm.” Napabuntong hininga na lang siya. “Pakikiusapan ko na lang sina Mama na uuwi ako agad dito. Ibinilin muna sa akin ni Riel ang gawaing bahay e.” Dagdag niya.

“Kung iyon ang inaalala mo, stay there as much as you want. Kami na ang bahala. Sabi nga nina Kuya Melvin at Ate Rose kanina, okay lang sa kanilang, sila muna ang mag-aasikaso sa mga kailangan nila.” Tugon ko.

“Ewan. Nalulungkot ako sa nangyayari kay Riel.”

“Lahat naman siguro tayo.” Ani Eri.

“Tss. Kasabwat ka kaya sa nangyayari ngayon. Take note, simula pa noong umalis si Red.” Umiiling kong tugon sa kanya.

“Oo na! Oo na! Naexcite lang ako para doon sa proposal at kasalang magaganap.”

“Mangyayari pa kaya ‘yon ngayong umalis ng walang paalam si Riel? ‘Di ba ang plano, kasama siyang pupunta sa Palawan? Argh! Bakit pa kasi ako pumayag sa planong ‘yon!” Nagulo ko na lang ang buhok ko.

“Ang magagawa na lang natin ngayon ay ang pag-uusapan ang pwedeng mangyari. Sa lahat ng involve sa planong iyon. Paano kung…” Hindi na naituloy ni June ang kanyang sasabihin.

Napatango na lang ako sa kanya. Alam ko na ang gusto niyang iparating. Hindi iyon imposible. Wala pa rin naman kasing alam si Riel tungkol sa totoong nangyayari. Baka matuluyan ko si Red kapag nag-iba na ang pakikitungo ni Riel sa lahat.

“Let’s go?” Napaangat na lang kaming tatlo ng tingin sa tumawag sa amin.

Agad na lang kaming tumayo tsaka sumunod sa kanila.

“What do you want to eat?” Nakangiting tanong sa amin ni Tita.

Nang makapili kami ng aming kakainin ay tsaka kami nagsimula sa aming pakay sa pagsama sa kanila… para malaman ang dahilan o balak ni Riel sa pag-alis. Kahit alam kong sinabi niyang magiging okay din siya, hindi pa rin sa akin mawawala ang pag-aalala.

“Pumunta si Riel sa opisina noong Miyerkules para humingi sa amin ng tulong. ‘Yon nga, he asked for one week leave of absence. Kailangan niya raw ng pahinga, para hanapin ang sarili niya.” Ani Tito Armando.

“Maliban doon ay wala na kaming alam kung saan siya pupunta. We want to respect his decision. We all know that it is about him and Red. Akala ko ba, bumalik na siya to fix things, bakit nagkakaganoon si Riel ngayon?” Dagdag naman ni Tita Rina.

Umiiling na napatungo na lang ako sa kanila.

“Hindi ko rin po alam ang nasa isip ni Riel, ngayon. Ang alam ko lang ay nasasaktan siya ng sobra sa maling nakikita niya ngayon. Kasalanan ‘to ni Red e. Dapat sinabi niya na lang agad. Hindi ‘yong sasaktan niya pa ulit si Riel.”

Gigil na gigil na ang mga kamay kong dumapo ngayon sa mukha ng gagong ‘yon.

“Please, Eli. Hindi na kami masyadong nakakapagbond ni Riel magmula noong nagkaroon na siya ng mapagkukunan ng pang-araw-araw niya. Pero, nag-aalala pa rin kami sa kanya. Tulungan ninyo siyang malampasan lahat ng ito.” Pakiusap sa amin ni Tita.

Napatango na lang ako sa kanya.

Hindi ko alam kong paano ko iyon gagawin. Mailap siya sa aspetong iyon, kapag napupuno lamang siya saka niya ito nailalabas. Pero, alam kong may responsibilidad ako sa kanya. Bilang kapatid niya. Bilang isang taong nagmamahal ng sobra sa kanya.

I want the best for him. Kapag walang nagawa si Red, to end Riel’s suffering. Hinding-hindi na siya makakalapit kay Riel. Isinusumpa ko ‘yon.


Josh’s POV

“O, Bruhang Haponesa! Napatawag ka ata? Anong meron?” Bungad ko sa tumawag na si Yuki.

“Gaga! Alam mo na ba?” Aniya.

“Ang alin? Na sumuko ka rin naman sa pagpapakipot mo kay Kuya Ryou? Na ikakasal na kayo? Oh! What’s new?” Biro ko.

“Ewan ko sayo ‘no! Nasaan ka ba? Papunta kami ngayon sa bahay ni Riel.”

“Bakit?” Pagputol ko sa kanya.

“Patapusin mo muna nga kasi ako!” Sigaw niya sa kabilang linya.

Nagkatinginan na lang kami ni Riley. Nasa kanya kasi ‘yong isang earpod, nasa akin naman ‘yong kabila. Nakikinig kasi kami sa mga kanta sa Spotify kanina.

Isang oras na rin kasi ang nakalilipas nang mabasag ‘yong baso. Kumakain pa rin kami rito sa food court. Nakalimutan ko na sana e! Pero, bumalik ‘yong masamang kutob ko. Argh! Ano kaya ‘yon? Kumuha na lang ulit ako ng fries saka kinain.

“Okay! Okay! Pwedeng humingi ng sorry! Masyado kang ano, ha! Maaano kita riyan!”

“Tse! Oh, heto na! Mukhang hindi mo pa nga alam!”

“Ano nga! Paano ko malalaman kung hindi mo naman sinasabi!” Putek naman na haponesang ‘to!

Sumenyas na lang si Riley sa akin na tumahimik na lang para malaman ang sasabihin ni Yuki. Tss. Oo nga naman. Paano pa masasabi ng tao kung panay ang butt in ko sa pagsisimula ng kwento niya. Lol!

“Nasa SM kami ngayon para bumili ng makakain pagpunta ro’n. Umalis si Riel ng walang paalam. And Eli, wants us to talk about it.”

“What?! Umalis si Riel ng hindi nagpapaalam? Paano na next week?”

“Yon na nga ang pag-uusapan. So? Nasaan kayo? Pasabay na kami, ha?” Aniya, sabay hagikhik, may kasama rin siya.

“Nasa food court kami. Sinong kasama mo?”

“Talaga? Tamang-tama! Marami pa naman ‘tong pinamili namin. May tigabitbit pa! Si Besh ang kasama ko. Meet us, here. Dali!”

“Ah, gano’n? Gagawin niyo lang naman pala kaming alalay e! Bahala kayo! Aalis na kami!”

“Naman ‘to! ‘Wag kang kakain mamaya, ha!”

Napatawa na lang si Riley sa sinabi ni Yuki. Nagulat din kasi ako nang sabihin ‘yon ni Yuki. Aba! Ang damot niya ha! Kainis!

“Tara na po, mahal ko. Baka naghihintay na sina Eli roon.”

“Wushu! ‘Wag nga kayo sa linya ng tawag na ‘to maglandian! Dali! Bumababa na kayo rito! Bye!” Ani Yuki saka naputol ang linya.

“Aba! Bastos na ‘yon!” Pinagmumura ko pa ‘yong cell phone as if si Yuki ‘yon.

“Tara?” Ani Riley na nakatayo na.

“Yan na nga ba ang sinasabi ko e! Argh! Masama talaga ang kutob ko sa nangyayari ngayon.”


Eri’s POV

“Papunta na raw sila Yuki. Kasama na nila sina Riley at Josh. Tinawagan ko na rin sina Iris at Brett. Aantayin lang nilang magising si Beegee, tapos papunta na rin sila sa bahay.”

Baling ko kay Eli na kausap si Tito Armando at Tita Rina. Si June naman ay walang imik sa kanyang upuan.

Alam kong nag-aalala siya sa nangyayari ngayon. Para saan pa ang dalawang buwang pagiging magkaibigan nila ni Riel, magkaklase’t sa bahay pa nito siya tumitira.

May kasalanan din ako sa nangyayari ngayon. Ako ang pinakaunang accomplice sa planong ito ni Red, at malaki na ang sekretong naitatago ko sa lahat.

In fact, ako ang may plano sa pagpapaselos sa kanya. Fuck! Ako ata ang may kasalanan ng nangyayari ngayon. Mukhang mapapaamin ako mamaya sa pagtitipon namin. Sana saluhin ako ni Red!

Speaking of Red, nasaan na kaya ‘yon? Ang alam ko na lang ay hinatid niya sina Tita at Tito sa Manila at para na rin makapamili siya ng singsing. Tinext ko na lang siyang pumunta sa bahay, without stating the problem.

Hay! Paano na ‘to mamaya?


June’s POV

Hayst! Paano na ‘to? Pinoproblema ko na nga ang pag-uwi ko sa Legazpi mamaya e. Riel! Pinag-aalala mo ako! Ano ba ‘yan!

Ano ba ‘yan! May POV na ako rito! Hindi ko naman kwento ‘to! ‘Yong totoo? Argh! Kasalanan ‘to ng author ‘no! ‘Wag kayong ano!


Brett’s POV

Ilang beses ko nang tinatawagan si Red, simula noong nicontact kami ni Eri dahil sa pag-alis ni Riel ng walang paalam. Pero hanggang ngayon, ay wala pa rin akong naririnig mula sa kanya.

Napaupo na lang ako sa sofa nang sumuko ako sa pagcontact sa kanya.

“Baka tulog, bumabyahe ‘yon pauwi, ‘di ba?” Anang asawa ko.

Nagulo ko na lang ang buhok ko. Hinahantay pa kasi naming magising si Beegee bago kami tumulak sa bahay ni Riel. Wala kaming mapag-iiwanan sa kanya ngayon kaya’t isasama na lang namin siya.

“Ito na ang malaking problemang kahaharapin niya. Paano kung… Argh!”

“Doon na lang natin ‘yan pag-usapan kasama ang barkada. Saka natin ipaalam kila Tita Helena.”

“Nag-aalala lang ako sa bestfriend ko, Mmy.”

“Alam ko naman ‘yon. Pero, kilala mo naman si Pars ‘di ba? Mas pa sa alam ni Red tungkol sa kanya. Hindi naman siguro gagawa ng maling hakbang si Riel sa pag-alis na ‘to. It’s either, he wants to forget, or just want to take a break from all of the things that’s happening around him.” Saad niya.

“Paano kung hakbang na niya ‘to para magmove-on?”

“Then, Red and all of us should accept what’s gonna happen.”

Hindi ko na talaga alam ang iisipin. Sumang-ayon na rin lang naman ako sa plano ng pinsan ko, paninindigan ko na rin. Whatever happens, dapat matanggap ‘yon ng lahat.


Red’s POV

Kakarating lang namin sa bahay. Alas siete na rin ng gabi, pero kailangan kong puntahan si Riel. May mga text at missed calls nga ako galing kay Brett at Eri.

Binabagabag pa rin ako ng napanaginipan ko kanina. Fudge! Ano kayang ibig sabihin no’n? Pinilit ko na lang iwaksi iyon sa aking isipan.

Nang mabasa ko ang text ni Eri ay sinabi kong hindi na niya ‘yon kailangang sabihin sa akin dahil, ‘yon na ‘yon talaga ang gagawin ko sa oras na makarating kami sa bahay.

Masaya kong inilagay sa bulsa ko ang mga kahon ng singsing na napili ko. Tsaka ko pinaandar si Lance at tinungo ang subdivision kung nasaan ang bahay ni Riel.

Nang makarating ako sa gate nila ay nakita ko ang mga nakaparadang kotse sa tabi. I think, kay Brett ‘yong isa, kila Josh at Riley at syempre ‘yong kay Eli. May pagtitipon ata ang barkada ngayon. Magandang timing ito.

Isang mahabang buntong hininga lamang ang pinakawalan ko.

This is it, Red.

Time to catch things up with your one and only.

Tinext ko muna si Eri na nasa labas na ako ng bahay.

“Red!” Tawag niya sa akin ngunit pabulong lang ito.

“Nariyan ba si Riel?” Tanong ko sa kanya.

Umiiling lang itong sumagot sa akin. Nasaan si Riel? With the Chua’s?

“Umalis ka na muna! Dali.” Bulong niya.

“Bakit?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Si Red na ba ‘yan? Eri! ‘Wag ka nang magsisinungaling sa akin.” Rinig kong tanong ni Eli sa kanya mula sa loob ng bahay.

“Ako nga!” Sigaw ko.

Nakita ko na lang na parang nawalan ng pag-asang tumabi si Eri sa pinto at tumambad sa akin ang imahe ni Eli. Nakakuyom ang dalawang kamao at galit na sumugod sa akin.

Napahawak na lang ako sa aking pisngi ng maramdaman ang sakit mula sa suntok na natanggap ko sa kanya. Napaupo na rin ako sa damuhan.

“Gago! Dapat sinabi mo na sa kanya no’ng gabing ‘yon. Hindi sana tayo mamomroblema ngayon. Wala na, Red. Umalis si Riel ng walang paalam. Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari? Hindi ka kasi nag-iisip! Tang-ina!” Asik nito.

Natulala na lang ako sa narinig.

Umalis… si Riel? Bakit?

Naramdaman ko na lang na inakay na ako ni Eri upang tumayo.

“Eli! Hindi pa natin alam ang mangyayari!” Ani Eri.

“Who cares about that?! Ang inaalala ko ang kalagayan ni Riel.”

“Eli! Tama na ‘yan!” Nakita ko na lang sa may pinto ang imahe ng buong barkada.

Nakita ko rin si June na nandon, pero may hawak siyang bag.

Marahan siyang lumapit sa akin.

“Pwedeng ako, rin?”

Hindi pa nga ako nakakasagot ay agad ng dumapo sa pisngi ko ang suntok niya.

“Naiirita ako sa nangyayari, Red! Fudge! Magbabakasyon nga ako, pero kasabay no’n ang pag-aalala sa kaibigan ko. Bahala na nga kayo! Uuwi muna ako ng Legazpi!” Aniya tsaka padabog na nagmartsa palabas ng gate.

“Ihahatid na kita, June. Baka may malumpo pa ako, kung andito ako, habang nakikita ko ‘yan.” Angil ni Eli.

Dumaan lang siya sa gilid ko.



Itutuloy…

18 comments:

  1. Bitin akala ko mahaba hahaix update pa po please yung malaman na nila na my masamg ngyari ky riel please po please please please please :(

    Franz

    ReplyDelete
  2. Karma is hunting you Red. Brace yourself for it might hit you severely. Of course damay din lahat ng naki-isa sa plano.

    Nasaan na kaya si Riel? I hope di naman ganun ang impact ng accident (which is amnesia).

    I want a happy ending author. Pero turuan muna ng leksyon si Red. Hindi dapat nilalaro ang damdamin ng iba.

    Brix

    ReplyDelete
  3. Buti nga sa iyo red. Mabuti pa si Eli walang ginawang pasakit ke Gab. Sana pagbalik ni Riel kay Eli na siya. Walang mapapala si Riel sa taong selfish. Thanks sa mahabang update Mr Authorr. Take care. God Bles .

    ReplyDelete
  4. Boring ang part na haist. :(

    ReplyDelete
  5. Argh. WHUT IZ THE MEANING OWV THIZZ!? Hahahaha ang intense ng chapter! Azar

    Napano na si Riel? Ots ganern? Update agad kuya Rye ha? Sabi mo yan hihihi thanks

    - Michito

    Ps. Magkaroon sana ng amnesia si Riel. Or atleast yung kahit japeyk lang. :) Harharhar

    ReplyDelete
  6. Boring na to.... Wag ng pahabain pa.... Kakawalang gana magbasa....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag niyo na lang pong basahin. Lol! -- Rye Evangelista

      Delete
  7. Pare pareho lang kayong lahat pati yong mga boarders ni Riel. Riel doesn't deserve you guys as his friends. Let him be with someone more deserving with love and happiness. Go Zeke! Ligawan mo na sya. Mas OK ka! Thumbs up. -Mr Beep-beep.

    ReplyDelete
  8. OK din si Eli. Sya ang isa pang concern na concern kay Riel. Either Eli or Zeke. Kahit sino sa dalawa, boto ako huwag na huwag na si Red. He needs to learn a lesson for his stupidity and childish, Ungas na Gago pa, isip bata. - Mr. Beep beep again.

    ReplyDelete
  9. Patay na si Riel! May He rest in peace ... for good. Marami na syang pinagdaanan. Walang happy ending itong storya .. but there's a moral lesson. Kudos to you Author.

    ReplyDelete
  10. Ikaw din ba ang writer nung kay yuki? Bat di na tinapos un? Ok pa naman sana ang story kaso nawala bigla eh, di na tinapos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po ako, Mr. Anonymous. This is my first story. Yukito Ramirez, ba? Final Requirement? Tatapusin niya 'yon. Wait niyo na lang po. -- Rye.

      Delete
  11. ay bitina carlos dami kac flash back's., kulang sa kwento., sana may kasunod na agad na update...pakakasalan narin nmn pero bakit pa pahirapan muna para masaktan ng lubos ung tao...
    haist..

    ReplyDelete
  12. Sana naman hindi magbago si Riel sayang lang ang effort ni Red pero hindi ko naman masisi si Riel nasaktan kasi siya.

    Sana di sya ma-fall kay Zeke hindi pwede!!! Hahaha

    Matutuloy pa kaya ang kasal nila? Sana naman matuloy pls. Hahaha

    thank u mr. author at nagustuhan mo ang pangalan ko. Haha

    -44

    ReplyDelete
  13. Grabe ako talaga bitter!!???? Mana lang pi ako sayo hahah Hmmmffftt grabe ka binitin mo ako.. Hahahaha.. Naiinis na din ako kay red ah.. Update update na po agad hahaha... - dave

    ReplyDelete
  14. Baka nagka amnesia si riel and di na nia maalala si red and zeke would be the one na andun for him and his friends?
    Kakabitin aa. Hahaha

    ReplyDelete
  15. Mr Author, Rye E., galing naman ng twist ng storya mo. You are gifted to write eventhough its your first time. Best of luck. -- Mr. Beep beep again. :)

    ReplyDelete
  16. Galing galing talga ni mr author ganda ng story. More update pa po je je

    Juss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails