Followers

Wednesday, February 25, 2015

The John Lloyd Diary - Chapter 1



The John Lloyd Diary
Chapter I
by: Apple Green
jaceanime@gmail.com







Author’s Note:

Ohayou gozaimasu! This is Jace, signing back again after 48 years. Kumusta po kayo? I’ve changed my pen name to Apple Green kasi mejo cliché na kung gagamitin ko sarili kong pangalan for a pseudonym.

Anyways, here is the second series I was writing during the time I got Missing-in-Action. You might be thinking why the supposed-secon-series entitled “The One That Got Away” didn’t show up just yet. Well, honestly, di ko pa mahugot ang mga susunod na mangyayari sa istoryang ito, so pag-tyagaan nyo muna to.

This story is a little different from The Tree, The Leaf and The Wind, because TLW is an idealistic story, and this one is a realistic one. But I still do hope na magustuhan nyo pa rin ito, at suportahan as much as how you guys did for TLW. Enjoy.. 




===============================




How does one find love?

Hmmn. Paano nga ba? Paano nga ba nakikita o natatagpuan ang pag-ibig? Hinahabol ba ito? O hinihintay?

Hinahabol? Mahirap. Paano kung yung pag-ibig na hinahabol mo ay talagang hindi naman para sa iyo? Paano kung sa kakahabol mo sa pag-ibig, kusa naman itong lumalayo sa iyo?

Hinihintay? Hassle din. Paano kung ang pag-ibig na nakalaan sa iyo na hinihintay mo, ay hinihintay ka din? Kahit magkamatay ka na sa kakahintay sa tabi, kung hinihintay ka din niya, eh di wow! Maghintayan kayo buong buhay nyo.

Napaka-komplikado ng konsepto ng Pag-ibig. Sabi nila, kusang dumarating. Minsan naman, may mga tao ding sinasabing kailangan mo itong hanapin. Pero ano nga ba ang mas tamang gawin? Mahirap no?

Assuming that you have decided on the strategy that you will be using to find love, there will be a horde of follow-up questions later. And at the end of those, is the biggest question everyone is so undecisive about.

Totoo ba talaga ang sinasabi nilang FOREVER?

Well, no one knows. Ang alam ko lang, karamihan sa mga taong bitter ay hindi naniniwala sa salitang iyan. Na kahit yung mga masasaya sa buhay pag-ibig nila, ay hinahawaan ng mga taong-ampalaya.

Personally? I do not believe in that thing called forever. Sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa buhay, napagtanto kong walang ni isang bagay sa mundo ang hindi nagbabago.

Forever is nothing but a mere illusion people who are in love create, only to find out that they are wrong the moment they see their hearts broken.

Been there, done that.

Ampalaya? Bitter?

The hell I am! I ain't denying that.

Pero mas mabuti na din siguro ang maging isang realistic na tao, kesa sa malunod sa ilusyon ng pagiging idealistic na tanga. Diba?

Laklakan na ito ng reyalidad!

Gumising na tayo.

WTF! Wala Talagang Forever. Nyahahaha!

"Beep!" Pakenshet. Nakakagulat naman tong notification tone ng site na ito. Nagmumuni-muni ang tao eh. Panira. Tss.

Basa.

"Greetings of love and peace to you, mr. stranger. Hi. How are you?" Ang sabi ng message na natanggap ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at nakaharap lang sa aking laptop.

Emrys.

Yun ang username nung nagpadala ng mensahe.

Emrys.

His username seems familiar.

Emrys.

Very familiar.

Wait.

Itinuon ko ang paningin sa monitor ng laptop ko. Hinagod ng aking paningin ang screen para makita ang hinahanap na makakasagot sa katanungang naglalaro sa isipan ko.

There! Sa profile view history.

Emrys. Dalawang beses na pala siyang bumisita sa profile ko, pero ngayon lang tinubuan ng itlog para magkalakas-loob na i-chat ako.

Emrys. Kaya pala familiar.

Wala naman akong masyadong ginagawa, at dahil na rin sa sobrang stress na pinagdadaanan ko simula pa nung nakaraang linggo, pinili kong libangin na muna ang sarili ko pansamantala.

"Pansamantala." Pag-ulit ko sa katagang lumitaw sa aking pagmumuni. "Haay. Eto na naman po ako. Wag na kasing mag-drama. I-chat mo nalang si Emrys. Tsk."

Baliw ako. Minsan, kagaya ngayon, kinakausap ko ang sarili ko.

Napailing nalang ako. Nilipat ko ang pointer ng mouse sa salitang REPLY at sinimulang mag-type pagkatapos magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Hugot pa.

"I am exhausted and stressed. And to top it all, I am fucking annoyed of being taken for granted by the people around me." Ewan ko kung bakit iyon ang naging reply ko sa kanya. Friendly naman ang pag-approach niya sa akin.

"Sa una lang yan. Lilitaw din ang pakay niyan within five minutes." Si Konsensya.

Siguro dahil na rin sa pagkumbinsi ko sa aking sarili, na itong Emrys na ito ay kagaya lang ng ibang tao na nakikilala ko sa tuwing maliligaw ako sa site na ito. Mga taong expendible. Mga taong alam kong hindi magtatagal sa buhay ko. Kung kaya hindi ako masasayangan kung sakaling magalit man ito sa reply ko.

"Drama pa more."

Ang pangalan ng site? Itago nalang natin ito sa pangalang, Planeta ni Romeo.

Alam kong alam niyo to. Wag magmalinis. Lol.

At kapag sinabi kong "mga tao sa Planeta ni Romeo", ibig kong sabihin ay yung mga taong mabababaw lamang ang kaligayahan, para sa sarili kong opinyon. Sex, that's what.

Sa una, chat ng konti. Tapos maghihingian ng picture. At, kagaya ng sa kaso ko, kapag nagsend ka na sa kanila, nakapagsend man sila ng kanila o hindi, mawawala na lamang na parang bula. Ganun ang mga tao sa site na yun.

Physical features are important as what diamonds are to girls.

Napaka-bitter ng argumento ko no? Oo, marahil bitter. Hindi naman kasi ako nabiyayaan ng kagwapuhan at ng isang YUMMY na katawan. Pero, at least, kontento din naman ako sa sarili ko.

Narereject ako dun, lagi-lagi, dahil nga hindi siguro ako sapat para maglaway ang mga taong-landi sa site na iyon.

Di naman lahat. May matitino naman, pero siguro 1% lang ng kabuoang populasyon ng mga miyembro. Hahaha.

At dahil na nga paulit-ulit akong narereject doon, nasanay na ako. Kung dati, nung medyo kabataan ko pa, nung mga panahon pa ng kapusukan, ay pareha din ako ng karamihan sa mga tao dun.

Pero ngayon, nagbago na ako. Oo, may account na ulit ako dun, pero mas kampante ako sa pagkakataon na iyon. Thanks to the lesson and the maturity I gained these past few years.

Bakit ako nagbalik sa site na iyon, sa kabila ng kalakaran ng mga tao doon? Ewan. Siguro nangangarap pa din ako na baka doon ko makita si Mr. The One ko. Kagaya ng nangyari noon. Haay.

"Tss. Ganyan din ang sinabi mo noon. Ganoon din ang naging excuse mo. Oo, may nakita ka nga, at talagang inakala mong magtatagal kayo, pero sa bandang huli, ano nangyari sa inyo? Nganga!"

Oo. Dito ko nga nakilala ang Ex ko'ng inakala ko ay makakasalo ko sa panghabang-buhay.

Si Jeffrey.

Haay. Napapailing nalang ako sa isiping yun.

The name's Levi Hidalgo, a self-proclaimed wallflower. Iba ako mula sa karamihan. Simply because I am divergent. Lol.

Levi Hidalgo. Isang taong sandamakmak ang ka-dramahan sa buhay, na minsan ay lumilitaw lang sa mga panahon ng pag-iisa. Kung may emo na hardcore, ako naman ay isang emo na medyo palakaibigan. Kumbaga, hindi naman lehitimo, ngunit emo pa rin. Wait, does that made any sense? Lol.

Pero ang isang magandang bagay naman, para sa akin, ay yung hindi ko pagpansin sa mga sinasabi at iniisip ng ibang tao tungkol sa akin.

"We are all entitled to our own opinions, but those are just facets of the many numbers of possibilities. And one thing is for sure: you're opinions, no matter how hard you showcase it to the world, they aren't just necessarily the truth."

Yan ang nabuo kong kasabihan sa ilang taong pamumuhay bilang isang self-proclaimed critical-minded being. Naks!

"Beep!" Napabalikwas ako nang tumunog ang notification ng site.

Si Emrys.

"Hey, sorry for the late reply. Ha? Why? What happened? Who's taking you for granted?" Aba't nakiki-usyoso din ang lalaking ito. Tsismoso marahil, sa totoong buhay.

"My thesis groupmates. I thought this was supposed to be a group effort, but they just shoved all of the work load to me anyway. What the hell is wrong with the world?" Reply ko.

Talagang naiinis ako sa mga nangyayari ngayon, lalo na sa thesis namin. Dagdagan pa ng pressure at stress ng pagiging isang graduating student, nagmumukha na talaga akong katawan na naglalakad ng walang kaluluwa.

Oo. Ma-drama akong tao. Whiner, emo, and what not. Pero makikita mo lang ang persona ko na iyon kapag naging matalik na kitang kaibigan, yung tipong kapatid na ang turing ko sa iyo.

Sa panlabas na imahe, kabaligtaran naman noon ang pinapakita ko. Palakaibigan, palatawa, palabiro, at madaldal. Taliwas sa mga ipinapakita ko ngayon sa isang estranghero sa site. Si Emrys.

Di na rin siguro magrereply si Emrys. Ilang minuto na akong nag-aantay, ngunit bigo ako. Well baka naaalibadbaran na siya sa pagiging whiner ko. Kasalanan ko din kasi, nag-drama ako nang wala sa oras.

"Oh well. Ganyan din naman ang kinakalabasan ng mga tao dito sa site na to. Nawawala nalang agad-agad. Ngayon ka pa ba magrereklamo? Grow up, Lev. Di mo makikita sa ganitong klaseng lugar ang hinahanap mong LIFETIME PARTNER. Wake up!"

Masama bang umasa? Umasa, na kahit malapit na sa imposible, na makakakita ako ng kagaya ni Jeffrey. Umasa na makakatagpo ako ng isang taong magmamahal sa akin kung sino ako at kung sino ang hindi ako.

"My dear self, here's a fact about life: the real one isn't the same as those portrayed in the blogs and novels you were so foolishly reading in the books and on the Internet. Ang buhay mo ay hindi kagaya nung mga sinusulat ng mga Author ng mga binabasa mo, kung saan kontrolado nila ang lahat ng mangyayari. Ang totoong buhay ng tao ay hindi isang fairy tale na nagtatapos sa isang happily ever after. Ang totoong buhay ay isang HORROR MOVIE. Madaming nakakagulat at nakakatakot na eksena. Dapat handa ka, dahil kahit ikaw mismo ang susulat ng sarili mong nobela, hindi mo pa rin kontrolado lahat ng mangyayari sa paligid mo."

Oo na! Alam ko! Wag ka ng magdrama lalo jan. Alam ko namang isa lang si Emrys sa mga taong dadaan lang, ngunit hindi mananatili sa tapat ng bahay ko. Ineenjoy ko nga lang ang pagkakataon eh. Tss.

"Hey, listen. I'm sorry for pouring out all those frustrations and stress into you. Am just pissed about everything that's going on. Malas mo't ikaw ang napagbalingan ko nang hindi sinasadya. Sorry. And it's nice to talk to you, for a while."

With that being said, I gave up the hope of gaining a friend, again, in this site. Not that it will matter anymore to me though. Sanay na ako.

Wala na akong nagawa kundi isend ang mensaheng iyon, bago pa man ako makaramdam ng panghihinayang sa nangyari.

Beep! Ang notification tone na naman ng site.

Siguro may nagmessage na naman sa akin, na kalaunan ay mawawala din. This site, and me being here, is hopeless.

"Hey, are you saying goodbye already? Ayaw mo ba akong ka chat? Sorry na, may ginawa lang kasi ako sa kusina. But am all ears now. :)" Nagulat ako ng malaman kong si Emrys pa din ang lumikha ng beep na yun. At may smiley pa ang gago.

"I thought you were bothered with my melancholic bullshits. Hahaha. But don't tell me next time that I didn't warn you. :P" Hindi ko mapigilang mapangiti sa huling message niya. Seryoso ba ang lalaking ito? This is one of those rare times that I encountered someone different around these parts. "You can call me Lev, by the way." Follow-up message ko.

"Lev. Nice name! I'm Kayne. Hahaha. Lahat naman ata tayo nafu-frustrate sa buhay. Okay lang yan. Kalma. And give your groupmates a second chance Lev. I think, being the more mature one, it is your role to understand them. We should always strive hard to nurture relationships. And that we should never give up on people, especially with friends. :)"

I'm starting to like this conversation. He's a good conversationist. "Well, yeah. Siguro. Ewan ko. Ayoko na muna silang isipin. I've got a lot of stuff going on, and I need to have solutions to those things." Problema, ang kakambal buhay ko. That's another fact. Di ako nawawalan nyan.

"At times like this, you should probably ask God for help. Lift all your worries to Him. He will give you peace. Kaya mo yan Lev. I have this impression na you're a strong person, and that you have a good relationship with God."

Lord, sorry naman sa tanong ko ha? Pero, pastor o baka naman pari ang ka-chat ko ngayon? Baka naman naliligaw ang lalaking ito sa lugar na to? Alam naman siguro nito ang kalakaran ng karamihan dito, pero bakit andito siya?

Wait. Tiningnan ko ang profile niya. Wala namang gaanong importanteng impormasyon duon, dahil obvious na blangko ang profile nito, maliban nalang sa numero na pinagtutuunan ng pansin ng buong atensyon ko, at ang ilang impormasyon na tungkol sa kaniya.

"Wait, you're just 21 and from this city as well, right? It's what your profile tells me. O baka naman, di yan ang totoo mong edad at lokasyon?" Pag-kokompirma at pag-iiba ko na rin sa usapan. Ganun kasi ang ibang myembro, nagtatago ng impormasyon tungkol sa kanila.

"Yes. I am 21. Why?"

"I'm sorry for the stupid question huh? But I just have to ask, are you a Seminarian? Or anything of the religious things?" Alam ko naman ang tinutumbok ng tanong ko, ngunit hindi ko maitanong ng mabuti. Kinakabahan ako. Na-iintimidate.

"Nope. I'm a graduate of BS Medical Technology."

Wow. Susyal. Sa limang school na nasa syudad, alam kong ang pinaka-grandyoso at pinakasikat sa aming lalawigan ang pinanggagalingan nito. Isang private university na alam kong ang bukod-tanging nag-ooffer ng MedTech sa lugar na ito. Ang Raviola University.

Nanlumo ako. Nanliit sa sarili.

Kilala kasi ang Raviola bilang eskwelahan ng mga mayayaman at matataas na myembro ng lipunan sa aming lalawigan at sa mga karatig probinsya. Kung may De La Salle University sa Maynila, may Raviola University naman kami dito.

Mayaman at matalinong tao itong mokong na to. Sigurado ako dyan. The fact that he took up BS MedTech at Raviola, will prove my hunch.

Samantalang ako, pumapasok lang sa State U ng aming probinsya na nasa kabisera. Actually, magkatapat lang ang mga main gate ng mga skwelahan namin at ng Raviola. Pero, kahit ganoon pa man, mababakas ang malaking agwat ng mga estudyanteng labas-masok sa gate namin, at ng mga estudyenteng mula sa Raviola.

Alam kong mali, pero di ko lang mapigilan ang insecurity sa katawan ko. Competetive naman ang school namin, pero siguro karamihan sa mga ka-eskwela ko ay nakikisalo sa nararamdaman ko tungkol sa diperensya ng dalawang eskwelahan.

"Hey, still there Lev? Ayaw mo ba talaga akong ka chat?" Nagulat ako sa message na yun ni Emrys. Ay, Kayne pala. Di kasi ako nakareply agad, kasi nga naunahan ako ng intimidation.

"No. I mean, no, don't say that. Of course I do. May ginawa lang." Palusot ko.

Ayun na nga. Nagpalitan na kami ng mga messages. Konting kwento-kwento tungkol sa thesis namin at sa ibang bagay, na halos lahat ay tungkol lang sa akin. Napapansin ko kasing di siya masyadong open sa mga bagay na kanya, sa ibang tao. Pero okay lang.

There we are, having one of those rare conversations I ever had in this site. Him, comforting me and cooling off my frustrations with my groupmates, and using the word of God for me to reflect. And me, helplessly feeling awkward about the conversation we have.

Masaya naman sya kachat, kaso, medyo naiilang talaga ako. Insecurity and intimidation maybe?

"I know you didn't ask for it, but here's my picture anyway. Kalahati lang ng mukha ko yan, pero pagtyagaan mo nalang. Atleast, may ideya ka kung ano hitsura ng kachat mo. Sorry, masyado akong haggard dyan." Sabi niya kaulaunan, na may naka attach na picture na dali-dali kong binuksan.

OH MY FUCK! Ang gwapo niya!

Oo, alam kong di lahat ng mukha niya ang ipinakita sa larawang iyon, pero ang kahinaan ko naman ang tinamaan nun.

Shet!

Those eyes.

Those well-defined, expressive, yet innocent pair of pearls.

I'm gonna die.

Pero natigilan din ako sa kalagitnaan ng kasiyahang iyon. And then the truth hit me.

"This cute guy over here, just like all of the cute guys of this site, would never be yours for the taking. Sabi ko nga kanina, hindi ka karakter sa isang drama sa TV o pelikula, o sa isang nobela, na halos lahat na ata ng magagandang katangiang pwedeng taglayin ng isang lalaki, ay nasa kanila lahat. Hindi ka isang karakter na sinulat ng kung sinumang Author, na pinag-aagawan ng dalawa, tatlo, o apat na gwapong love interest, o kahit kahumalingan man lang ng isang gwapo at mayaman na lalaking nakabangga mo lang sa daan. Wake up Lev! This is the real world we are talking about. It gets uglier and crazier the second you let yourself drift to your fanciful imaginations."

Tama si Konsensya. Di ako gwapo, kaya imposible ang iniisip ko kanina. Kasama ng isang malalim na buntong-hininga, pinakawalan ko na lahat ng mga ilusyong nabuo sa aking isipan.

Alam kong bastos ang hindi magsend ng picture pabalik sa kanya, pero pinanindigan ko. Ayoko lang muna sigurong mawala siya sa oras na makita ang kahindik-hindik kong itsura. At least that's what other people here are letting me feel. Lalo na sa oras na hindi na sila nagreply pagkatapos makita ang picture ko.

Hahaha! Napaka-losser ko talaga.

I'll just enjoy Emrys' company first, while it last.

Magaan kasi siya kausap. Yung tipong hindi usual na tinatakbo ng mga naging usapan namin ng mga taong-landi sa site na to. Alam kong alam nyo ang aking tinutumbok. Lol.

Magkachat kami, hanggang sa nagpaalam ako na mauuna ng matulog kasi may klase pa ako kinabukasan. Pumayag naman sya, at sinabing matutulog na din siya.

It was really a worthwhile chat. And I did actually wanted to ask for his phone number. Pero sa mga na realize ko sa kalagitnaan ng usapan namin, di nalang ako nanghingi kasi baka mareject na naman ako.

Wala na nga akong nagawa kundi ang umasang sa susunod na balik ko sa planetang iyon, ay may message ako galing sa kanya. Bonus na kung magkasabay kaming naka-online at muling magkachat. Hehehehe.


=================


Madaling lumipas ang tatlong araw. Napakabusy ko nun, at di na ako nakabalik sa Planeta ni Romeo.

Kaliwa't kanan ang mga projects, exams at ang paghahabol ng deadline namin sa Thesis.

Nawala din pansamantala sa systema ko ang maamong mukha ni Emrys.

Wait. Ano nga ulit itsura niya?

Nakalimutan ko ang kabuuan nun. Makakalimutin ako.

All I remember is that he has those gorgeous eyes. Di ko na nakita o naalala ang iba pa, dahil na rin siguro nalulong ang mga mata ko kakatitig sa mga mata niya. At dahil na rin natakpan ng clinical mask ang ilong niya pababa sa bibig.

"Sorry masyado akong haggard jan." Naalala ko pa ang sinabi niya nung nagpadala siya ng picture. Internship days pa daw kasi nila yun kinunan, at dahil sa sobrang stress namamaga daw ng husto ang mga eyebags niya.

Pero wala akong pakialam. Haggard pa ba yun? Ang gwapo na nga niya eh. May pagka humble din pala yung mokong na yun.

Gusto ko ulit makita ang picture niya.

Ay. Oo, pwede pa. Total nasa may Message History lang naman yun ng account ko sa Planeta. Yep, I will definitely see his face again. Mamaya, pagkauwi ko sa bahay.

Binilisan ko ang mga dapat gawin sa school para makauwi ng maaga.

Pagkadating ko sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto at dali-daling binuhay ang aking laptop at naglog-in sa site.

Habang hinihintay kong magload ang site, nagbihis muna ako.

I need to see your picture, Emrys.

At sana, naka online ka. Namiss ko ang usapan natin sa chat.

Pagkatapos kasi ng gabing iyon, ngayon pa lang ako makakabalik sa Planeta, pagkatapos ng tatlong araw.

Sumalampak agad ako sa kama at hinarap sa akin ang aking laptop.

Nanlumo ako ng malamang wala man lang message na sinend si Emrys sa nakalipas na tatlong araw. Pero, ayos lang. Ako na mismo magsesend ng message sayo mamaya.

Kinalkal ko ang Message History ko. Hinahanap ko ang message niya na may naka attach na file, yung picture niya. Clinick ko na yun agad nang makita ko. Pero mas nagulat ako sa sunod na nagdisplay sa monitor ko.

"The account, with the username EMRYS, was deactivated. The file you are trying to retrieve was also deleted."

What the?!

Dine-activate na niya ang profile niya?

Ang daya naman!

Mukha akong nalugi sa itsura ko. Alam kong dapat sanay na ako sa mga sitwasyong ganito, pero ewan ko.

I was maybe just too immersed in the illusion that Emrys was special. And that the talk we had, also meant something for him. Turns out, I was, again, too full of myself and I assumed too much.

Haaay. Ang saklap ng buhay.

Nakakarma na ata ako sa mga nangyari sa amin ni Jeffrey noon. Hahaha.

Si Jeffrey. Kumusta na kaya siya ngayon?

"Haay. Ayan ka na naman eh. Akala ko ba ikaw mismo ang tumapos sa mahigit apat na taon nyong relasyon? Bakit namimiss mo na naman siya? Move on, dre. Wag kang bitter!"

Wow! Bitter agad? Di ba pwedeng namiss ko lang talaga ang mga pinagsamahan namin? Halos apat na taon din yun.

"Oo nga. Andun na tayo. Pero nakalimutan mo na ba ang nangyari nung nakaraan? Well, I can't blame him anyway. Ikaw din naman kasi, kung anu-ano nalang pumapasok sa isipan mo. And you're doing things recklessly. Kaya ayan ang napala mo."

Si Jeffrey. Ang kauna-unahang naging boyfriend ko na tumagal ng lampas isang taon. Halos apat na taon nga eh.

Karamihan kasi sa mga naging ex ko, buwan o linggo lang ang tinatagal. Pero nung dumating siya, nagbago lahat. From being a reckless and stupid brat that I was before, my world turned upside down nung naging kami.

Maraming nagsasabi na sayang ang pinagsamahan namin ng apat na taon. Pero para sa akin, hindi sayang yun. Kasi dahil sa kanya, na-unawaan ko ang totoong kahulugan ng relasyon at ng pagmamahal.

Epic fail. Ganun ko i-describe yung nangyari nung nakaraang buwan. Buti nalang hindi yun nangyari sa personal, kundi, pinagdasal ko na na sana nilamon na ako ng lupa nung oras na yun. Nakakahiya.

There I was, five weeks ago, sitting on a bus during our Educational Tour in Manila. Batch field trip naming mga Senior BS Hotel And Restaurant Management students yun. At dahil sa ganda ng tanawin na tinunghayan ng mga mata ko sa may Luneta Park, na noon ay nasisinagan na ng papalubog na araw, naalala ko tuloy yung Ex ko.

Mahilig siyang bumyahe at magsight-seeing ng mga mahahalagang lugar ng kasaysayan, katulad nito. Kahit nga mountain trekking and climbing ay hindi nito pinapalampas. Jeffrey was a nature-lover. At dahil dun, minsan ko ng pinangarap na bumyahe sa kung saan-saan na kasama siya.

Nang maalala ko ang mga plano naming iyon, agad siyang naligaw sa utak ko. The next thing I knew was that I already sent him a message through Facebook, which I regretted so much because I knew, everything was too late. Too late to bring us back together.

"I miss you."

Paking tape! Bakit ko ba kasi sinend yun sa kanya? Tss. Ngayon pa'ng di ko na mababawi ang message na yun. Haaay.

"Levi, ang Prinsipe ng Katangahan."

Wala akong nagawa kundi sabunutan ng paulit-ulit ang sarili ko, habang nasa byahe ang bus na sinasakyan namin pabalik ng hotel. Mag-gagabi na kasi nun.

Nung nakarating na kami sa kwarto namin sa hotel, sunod-sunod na messages ang sumampal sa akin.

"Lev, bakit ka pa nag message? Nakita yun ng boyfriend ko!"

"Pwede bang tumigil ka na? You ended everything, yourself. Nalimutan mo na ba?"

"Please. Leave us alone. Patahimikin mo na ako."

Para akong sinuntok sa magkabilang pisngi ng mga messages na yun.

Kung pwede lang sanang hilahin pabalik ang mga kamay ng orasan, di sana nangyayari ang mga ganitong bagay. With the big pride that I, unfortunately, received from my Dad, those were nuclear bombs detonated in front of me.

Kasalanan ko naman kasi. Ako yung tumapos nung lahat sa amin. Pero may rason din naman ako sa mga naging desisyon ko. Not that I am defending myself against it, but I was also stating the fact that Jeffrey and I didn't work out, after almost four years.

Haaay. Nakakagutom ang magbalik-tanaw sa nakaraan. Wala ka ng magagawa kundi tanggapin nalang ang lahat ng mga nangyari, at magpatuloy sa buhay.

Mistakes reminds us of where we have been, not where we are headed. Yun ang nagiging pampakalma ko sa aking sarili sa tuwing nilalamon ako ng konsensya tungkol sa mga bagay-bagay ng nakaraan.

Sabi nga ni Sir Ramon Bautista, FORWARD and direksyon ng buhay.

Buntong-hininga. Nag-ayos ng sarili. Kinuha ang wallet, cellphone, at susi ng kwarto. At lumabas.

Nagugutom ako. Kelangan ko ng makakain. Pumunta ako sa malapit na convenience store upang maghanap ng makakalkal habang tinatrabaho ang ilang projects.

Nung nakapasok na ako sa convenience store, napatigil ako bigla sa aking nakikita. Yung taong pumipila sa may counter.

Siya ba yun? Nakatalikod kasi siya. Hindi ko nalang pinansin. Siguro kamukha lang. Assuming pa more.

Mabilis akong naghanap ng chips at ibang makakain at agad na nagtungo sa counter para bayaran ang mga yun.

Nung narating ko ang counter, yung lalaki na kanina na nakita ko ang nagbabayad. Nakatalikod na naman ito sa akin. Pamilyar talaga ang dating nito.

Tsk. Wag naman sana.

Nung natapos na itong magbayad, inabot nito ang supot na pinamili mula sa cashier. Aktong aalis na siya nang lumingon sya sa may likod, sa direksyon kung saan ako nakatayo.

Ehrmergherd! What the fax machine. Siya nga.

Paking tape na pagkakataon! Pagtripan ba naman ako nang wala sa oras? Shet, to the power of one thousand syete mil. Buset!

At yun na nga. Nagtagpo ang aming mga mata.

Siya, ngumiti ng bahagya. Ako, nagkibit-balikat at umaktong hindi ko siya napansin.

Ewan ko kung ano tinatakbo ng isipan ni Jeffrey nung mga oras na yun, pero nag-antay siya sa labas ng convenience store. Di ko nalang pinansin.

Magkahalong hiya, galit sa kanya at sa sarili, at pagkadismaya sa nangyari noong nakaraang buwan ang nararamdaman ko sa pagkakataong iyon.

Kung bakit ba kasi medyo bitter pa ako sa lahat ng mga nangyari? Tss.

Ewan. Bahala na. Bahala na si Batman, o kung sinumang superhero ang pupwedeng sumagot sa akin ngayon. Wala akong pakialam!

Nung natapos kong bayaran ang mga pinamili ko, agad kong tinungo ang pinto ng tindahan, kung saan naghihintay si Jeffrey sa labas.

Dahil na rin siguro sa naapakan kong pride, pinlano kong hindi sya pansinin kung sakali mang ako ang hinihintay nito.

"Lev, kumusta?" Bungad nito sa akin nung nakalabas ako ng tindahan. Binilisan ko ang paglalakad papalayo doon at iniignora ang presensya nito. Pero sinabayan lang ako nito sa paglalakad. "Lev, can we talk?" Dagdag pa nito.

"Para saan pa? Di ba may boyfriend ka na? Sus. Sinasabi mo pa noon na hihintayin mo ako, hihintayin mo ako kung sakali mang makikipagbalikan ako sayo. Na gusto mo ako na ang huli mong mamahalin. Pero nasan na yang mga pangako mo dati? Buti nalang hindi ako naniwala."

Di ko na yun isinatinig. Wala din akong mapapala. Anyway, wala din naman akong karapatang magpahintay sa kanya. Ako ang nang-iwan.

The stupid thing I did during the field trip? It was a mistake. Inaamin ko, nagpadala ako sa emosyon ko. Bumalik din naman sa akin ang kamaliang iyon, diba? Na-karma ako. Tapos ang usapan.

"Lev!" Tawag pa nito sa akin habang sinusundan ako. "Levi, please."

"Ayoko na. Masyado ng maraming nangyari. We need to have a brand-new start, apart from each other Jeffrey. Sa apat na taong pinagsaluhan natin, siguro mas mabuti na ang ganito. Yung tipong di na natin nasasaktan ang isa't isa."

Mabilis pa rin akong naglakad hanggang sa inabot ko ang gate ng boarding house namin. Kahit anong tawag nito sa aking pangalan, dire-diretso pa rin akong pumasok. Dire-diretso lang ako hanggang tuluyan na akong pasalampak na nahiga sa aking kama.

Oo, nagkamali ako. Nasaktan ko sya. At nararapat lang sa akin ang sakit ng kalooban na nararamdaman ko simula pa noong maghiwalay kami, na kagaya nito.

Gustuhin ko mang bumalik sa piling niya, alam kong magiging komplikado na ang lahat kapag ginawa ko yun. Everything is too wrong at this point of time.

Haaay. Wala na akong nagawa kundi itulog nalang ang sakit na yun.

Siguro naman, paggising ko, wala na ang lahat ng nararamdaman kong kabigatan sa dibdib ko. O sya, itutulog ko nalang to.

"Better days are coming Lev. Antay-antay lang. Let things be, for now." Pakonswelo ko sa aking sarili.

Haay. Sana nga.



-- to be continued.. --

10 comments:

  1. PS: Guys, kung di kayo makapag-comment dito, please post your thought on FB using the official hashtag #TheJLDiary and make sure na naka public ang post na iyon for me to read it. Paki-like na rin po ng bago kong page, The Red Ink, na may URL na https://www.facebook.com/theredink13.. sana nagustuhan nyo ang unang pasabog!

    - Jace

    ReplyDelete
  2. Nice story sana masundan agad! :)

    -44

    ReplyDelete
  3. nice maganda sya... kaso di masyadong clear yung sa ex nya... pero all in all okay nmn

    ReplyDelete
    Replies
    1. in time, magiging malinaw ang lahat.. hehehe

      Delete
  4. Maganda ang storya ... .. tnx sa new story mr. Author

    ReplyDelete
  5. Mganda ung flow ng story. Realistic ang dating. I'll wait for the next chap. 😀

    -Kev

    ReplyDelete
  6. Ganito yung gusto ko.. Magandang basahin. Next chapter na! :))

    Chris

    ReplyDelete
  7. Haha nakakaexcite nman tong kwentong to!! MedTech din si Emrys haha makakarelate ako! XD

    -Uel

    ReplyDelete
  8. Hahaha. Natawa lang ako. Relate na relate pwera na nga lang kay Emrys. Diko pa na.experience maka convo ng ganyan sa PR.

    -Krey

    ReplyDelete
  9. Nice one :) keep up the good work kuya :) medyo kailangan lang pong ayusin yung mga detalye po pero maganda naman po :)

    -steven

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails