Athr'sNote-
Pasensya na kung ito lang ang nagawa ko.. pagtiyagaan ang sobrang maiksing kilig moment ni Kobe at Chan, team #mr.BE-AN !!! hahaaha
Anong team kayo? Ako kasi.. team #ChanDon <3 :)
Maligayang araw ng mga puso! Sana lahat ng taong gusto natin ay gusto rin tayo noh? Sana sana.. -.-
(
Anyway,
Eto na ang hinihintay niyo para kay Kobe at Chan.. etong-eto na talaga.. sana :)) team #mr.BEAN hehe
At muli, sa mga minamahal kong readers.. commentators at pati na sa mga nagmamahal kina Chan at Kobe, ihabol pa si Jaydon :)
-juss,
-gilrex,
-marlonMacario,
-az, salamat naman at inaabangan mo pala 'tong M&MR ko, thank you :)
-jess, wata comment! haha salamat :))
-44, inaabangan ko talaga lagi yung comment mo.. lalo na yung "44" na pangalan mula sa mga commentators :))
-yeahit'sJM, miss ko narin sina Kash at Seven :(
-michito, sino gusto mong makadate? si Az? si Dennis? :)
-bharu, haha grabe ka kay Chan xD
-machineman, long time no comment!! welcome back :) haha
-ferdinand, :)) Salamat!
-alfredTO,
-mr.Ma, salamat sa #Chabe :))
-jharz,
-dave, hi riel :)
-JCSY,
-Angel, long time no comment!! welcome back! hehe
-nagtatagongGeo, nung feb 12 nasa HAU ako.. isa sa mga food stand dun pinagtatrabuhan ko, inutusan ako dun eh, nagkandaligawligaw nga ako haha. St Joseph Hall daw, kung saan-saan ko pa hinanap.. malapit gym lang pala. Haha. Wale, ating Zagu keta! sayang -.- itang Zagu Choco ku? nokarin neh? hehe
-44, check mo fb ko :) lagay mo lang "Edgard Lacxamana" tapos yun na :))
-jap, sayang wala si Jap na commentator.. sakanya ko kinuha pangalan nung isa sa mga asong pinsan ni Jaydon eh. Jap.. magparamdam ka.. haha
Guys, search niyo lang..
"Edgard Lacxamana" :)) pede tayo magkwentuhan :))
)
Maraming Salamat!
Enjoy..
--
May surprise ako sa inyo guys :) sana magustuhan niyo! Haha
Makikita niyo pagkatapos niyong basahin 'tong chapter na ito.. kaya guys, magbasa na muna kayo!! Hehe
- Kokokokokoko :))
--
Point Of View
- C h a n -
"Yung kaibigan namin."
Simpleng sabi ni Dennis
Kaibigan nila? Si Kobe ba tinutukoy nila?
"Yung kaibigan namin, si Kobe.." dagdag pa ni Az.
"N-napano si Kobe?" ang agad na tanong ko.
"Umiiyak dahil sa'yo."
"Si Kobe umiiyak.. swerte ka dahil, dahil sa'yo kaya siya umiiyak."
Aaminin ko, para bang nanghina ako sa narinig.
"Si Kobe?" ang mahinang nasabi ko pa.
"Miss na miss kana ng bestfriend mo, h-hindi mo man lang ba naisip yun?"
"Oo nga. Christian, umiiyak si Kobe.. ikaw kasi eh."
"Naturingan ka pa namang bestfriend ni Kobe."
"Tsktsk..."
"Ganyan ba ang bestfriend?"
Nang marinig ko ang mga huling sinabi nila..
Hindi ko alam pero parang biglang nag-iba yung pakiramdam ko.. yung ekspresyon ko.. lalo na yung tingin ko.
"Anong sabi niyo?" seryosong sabi ko.
Oo matangkad sila, pero nagawa ko parin silang tignan ng deretso.
"Bestfriend? A-anong klaseng bestfriend ako? T-tama ba narinig ko?"
Ako pa talaga ang dapat sabihan ng ganun? Na kung anong klaseng bestfriend ako? Ako yung iniwan, tapos ang labas ko pa ay walang kwentang bestfriend?
"C-Christian?.."
Kita ko yung alanganing tono at ekspresyon nung dalawa.
"Nagbibiro la.."
"Pakisabi sa kaibigan niyo, hwag siyang magsayang ng luha.. kung sa iyakan lang, mas grabe pinagdaanan ko." may diing sabi ko.
"Chan uy? Tara na? Panalo ako, yung dare?"
Napatingin ako sa nagsalita, nandyan na pala si Jaydon.
Muli kong binalingan ang dalawa.
"Pakisabi siya nang-iwan, kaya hwag siya masyadong madrama.. salamat."
Sabi ko sa dalawa at agad ko na silang tinalikuran.
Agad kong nilapitan si Jaydon at hinila siya palayo.
"Pinagtripan kaba nila?"
Nawala yung simangot ko nang magtanong si Jaydon, kita ko yung seryosong tingin niya nang lingunin niya ako.
"Hindi. Nagtanong lang.. tara na nga, hanap tayo ng mabibilhan ng inumin." pagbigay ko ng walang kasing lawak na ngiti, mahirap na.. baka akalain niya ay pinagtripan nila ako.
Alam ko mainit ang ulo niya sa dalawa, nagpipigil lang siya.
"Hwag na, nanalo naman kame eh.. yung coke, dun kana lang uminom."
"Sige sige, tara sa inuupahan niyo.. alis muna tayo dito?" pamimilit ko, alam kong napapasunod na lang siya.
Nasa may likuran niya kasi ako eh, tinutulak ko siya habang siya'y abala lang sa pagpunas sa pawis niya.
Parang may posteng tinutulak lang ako.. pero ang galing lang, pawisan siya pero walang ano mang baho akong naamoy, ang bango pa nga eh.. haha
"Pakatulak mo naman.. nagpupunas ako ng pawis eh, gutom ka nanaman noh? nagmamadali ka eh.."
"Jaydon bilis na, nauuhaw na kasi ako.. tara tara." pagmamadali ko pa.
"Oh tara bili na lang kita dito.." biglang paglakad naman niya pakanan.
Agad kong inilibot ang aking paningin, nang may makita akong pampublikong banyo..
"Jaydon, hintayin mo muna ako diyan ah? S-saglit lang, cr lang ako." mabilis na sabi ko at iniwan ko na nga siya.
Nang makarating ako sa banyo, na saktong pang-isahan lang.. agad ko nang sinara ang pinto.
Siyang paglock ko, siyang tuluyan nang pagbagsak ng mga luha ko na kanina ko pa pilit na pinipigilan.
"Naturingan ka pa namang bestfriend ni Kobe."
"Ganyan ba ang bestfriend?"
Ang sakit naman ng sinabi nila. Parang alam nila ang pinagdaanan ko nung panahong hinahanap-hanap ko yung presensya ng kaibigan nila.
-----
Point Of View
- K o b e -
"A-ayos kana?"
Marahan lang akong tumango sa tanong ni tita Sen.
"Gusto mo ba kausapin ko siya?"
Agad naman akong umiling.
"Hwag tita, h-hayaan niyo nalang po." tonong pakikiusap ko pa.
Ayoko. Nahihiya ako kay Chan. Ayaw kong malaman niyang umiyak ako dahil sa miss na miss ko na siya.
"Sigurado ka ah? Osiya uuwi na ako, hinihintay pa ako sa bahay. Az Dennis, dumito na muna kayo.. aalis na ako."
Nakahinga naman ako ng malalim, mabuti at hindi na nangulit pa si tita.
Pero mabuti na lang at nandyan siya, pati na sina Az at Dennis. Atlis, hindi parin ako nag-iisa.
Nang makaalis na si tita ay napakunot naman ako nang agad na lumapit ang dalawa sa akin.
"M-may kasalanan kami sa'yo.."
Sabay na sabi ng dalawa, alanganin at sabay pa talaga sila.
"Ano yun?" tanong ko.
Hindi naman sila sumagot, nakuha pa nilang magsikuan.
"Ewan ko sa inyo. Matutulog na muna ako, mamaya na lang yan." sabi ko na lang at paghiga na patagilid at patalikod mula sakanila.
Rinig ko naman na nagbubulungan pa sila.
"A-ano kasi, Kobe si ano.. si Christian."
Agad naman akong napaharap sakanila.
"Si Chan? N-napano?" agad na pag-aalala ko at nakuha ko pang mapa-upo mula sa pagkakahiga.
"Hindi, mali iniisip mo.. ahm.." tonong nag-aalangan ni Az. "Tae naman Dennis eh, ikaw na kasi magsabi."
Nakuha ko namang mainis dahil sa paputol-putol nila.
"Az Dennis, ano ba?" inis ko na.
"A-ah.. ano." biglang sabi ni Dennis mula sa pananahimik.
Napano kaya si Christian? Nag-aalala nanaman ako.
"Ano nga?" medyo napalakas ko nang sabi.
Nabibitin ako eh.
"Kinausap namin siya kanina eh."
"K-kinausap? Anong sinabi niyo? Ano bang nangyare? Ba't niyo kinausap?" tuloy tuloy na sabi ko.
Ba't nila kinausap? Tsk
"Yun nga, na eto.. na umiiyak ka kasi miss mo na siya. Yun lang."
Sinabi nilang umiiyak ako? S-SINABI NILA?
Sa nakikita kong ekspresyon ng dalawa, parang may mali eh.
"Tapos?" kunot ko.
"Nagalit siya. G-grabe naman pala yun, medyo nakakatakot pala yung dating niya kapag nagalit siya.."
Napapikit na lang ako sa narinig.
Ba't siya nagalit? Dahil ba sa ayaw niyang namimiss ko na siya? Na katulad niya, ay dapat ba na kalimutan ko narin siya katulad ng paglimot niya sa akin? G-ganun ba ibig sabihin nun?
-----
Point Of View
- C h a n -
'Kinagabihan, 8:00pm
"Yung waki muna." tuwang-tuwang sabi ko.
Ang kukulit ng magpipinsan, si Jaydon, si Jap at si Clark.
Selfie selfie sila, ako kumukuha.. nahihiya rin akong makisali sakanila eh.
Pero ngayon ko lang nakasama o nakabonding 'tong dalawang pinsan niya, mababait pala.
Nung una kasi hindi nila ako masyadong pinapansin, pero ngayon mukhang komportable na sila.
"Oh yung ngiti naman, yung pamatay niyong ngiti.." sabi ko matapos kuhanin yung waki pose nila.
Bawat sisilipin ko sila sa pamamagitan ng camera na gamit ko.. kay Jaydon lagi ang tingin ko.
Napapa-isip kasi ako, bakit parang ang bilis niyang nabura yung lungkot na nararamdaman ko kanina.
Yung kakulitan niya kasi, yung mga ngiti niya tapos inaasikaso niya pa ako na parang may bata siyang kapatid.. isama pa yung presensya ng dalawa niyang pinsan na ganito pala kasaya kapag talaga namang nakasumpong sila.
"Chan, ikaw naman.. dali kasama mo 'tong dalawang pinsan ko."
Agad naman akong napa-iling dahil sa sinabi ni Jaydon, parang nahihiya ako sa mga pinsan niya. Haha
"Woy dali na, hindi na nga kami nahihiya sa'yo eh.." sabi nung isa niyang pinsan, si Clark.
"Ang tatangkad niyo kasi eh.." nahihiya na natatawang sabi ko.
"Edi uupo, oh tara Clark upo tayo.. dali na, yung pose natin pang maangas naman.. saktong-sakto kay Christian.." agad na sabi ni Jap.
Napangiti naman ako. Mababait pala talaga 'tong mga ito.. kahit kapre sila. Hehe
"Oh.. 1.. 2........"
Pagbibilang ni Jaydon.
Kanya-kanya naman kami ng pose. Basta ako nakatingin lang sa camera, yung normal na ekspresyon ko..
Ganun kasi talaga yung mukha ko eh, maangas.. isama pa yung ipinagmamalaki kong paraan ng paglalakad.. na talaga namang normal din.
Pero dahil mabait ako, hindi masyadong pansin yun. Haha
......
"Sige na? Nagugutom na'ko.."
Mahinang pagbulong ko kay Jaydon.
May mga nagpapraktis kasi ng basketball at nanunuod kaming dalawa, nasa court kami.
Ngayon, niyayaya ko na siyang umalis para makakain na kami.
"Sige na nga, gutom ka nanaman. Saan mo ba gustong kumain?"
Agad akong napangiti.
"Hm.. sa karinderya? Para kanin naman kainin natin." excited na sabi ko.
Naaalala ko nung dati, kami nila kuya ko, kuya Kash at ni Tenten.. doon kami sa may malapit na karinderya sa lugar namin kami laging kumakain kapag naglilibot kami.
"D-doon? S-sigurado ka?"
Napakunot naman ako sa reaksyon niya.
"Hwag mong sabihing hindi ka kumakain dun?" ang nasabi ko.
Agad naman 'tong umiling.
"Hindi ah. Tinanong lang naman kita, sige t-tara?"
Agad naman akong tumango at ako na talaga ang humila sakanya. Kanina ko pa gustong umalis eh, pinagtitinginan lang kasi kami dito.
"Nagtext kana?" biglang tanong niya nang makalabas na nga kami ng court.
"Oo, sabi ni tita sakay nalang daw ako trike pauwi." balik ko.
Pagkatapos naming kumain mamaya, uuwi na ako. Ang haba ng bonding time namin, haha
"Hatid na lang kita, noh?"
Agad akong umiling.
"Hwag na, kaya ko naman.. tsaka magpahinga kana muna. Mula sa laro niyo kanina sa basketball ay hindi kapa nagpapahinga, kaya pahinga ka muna." mahinahong sabi ko.. hindi pa kasi siya nagpapahinga eh, puro kami libot.. libot.. puro libot.
"Hahatid lang naman kita, ang arte mo." parang batang sabi niya.
"Jaydon? Para kang tanga, nag-aalala lang ako. Basketball, tapos libot, tapos libot, puro libot. Nakakapagod na nga diba?" simangot ko.
Hinihintay ko isasagot niya pero agad niya lang kinuha yung phone niya.
"Oh? Hello? Az? B-bakit? Ako pagod? Paano ako mapapagod, eh kasa-kasama ko yung lakas ko. Osiya, byee.."
"Ano yun? Si Az?" agad na tanong ko pagka-alis niya ng phone sa may tainga niya.
"Wala. Sabi ko kain na tayo, tapos sige hatid na lang kita sa sakayan ng trike, ayos po ba yun mahal na prinsipe?" posturang nagpapaliwanag pa niya, napangiti naman ako.
"Alam mo, pinipilit mo talagang prinsipe ako sa bahay namin.. pwera malambot lang kamay prinsipe na kagad?" natatawang sabi ko.
"Ewan ko sa'yo.. ayaw mo magpatalo.. pero ang bagal mo namang pumick-up." pag-iling iling pa niya.
"Pumick-up? Ang gulo mo naman kausap." sabi ko na lang at napakamot pa ako sa may batok ko.
Napangiti naman ako nang makita ang aming hinahanap.
"Eto eto.. dito na lang tayo kumain." excited na sabi ko at halos patakbo na nga akong naglakad.
Paglingon ko kay Jaydon, kita ko na parang bumagal yung paglalakad niya tapos parang nag-aalangan pa.
"Tara na nga.. gutom na'ko eh." sabi ko at paghila ko pa sakanya.. napasunod na lang siya.
.......
Halos ilang minuto narin ang nakalilipas nang matapos akong kumain.
Pasimple lang akong nakatingin kay Jaydon, yung pagkain niya.. konti palang ang nababawasan, ang bagal niya kasing kumain.
Naguguluhan ako, parang hindi siya sanay rito.. parang first time nga niya kumain dito eh.
Pero, ang kwento niya sakin. Mahirap lang sila, nasaktong narito siya sa Manila at nakikitira sa upahan ng dalawa niyang pinsan.
Ako naman, ang pakilala ko ay ganun rin.. na mahirap rin lang. Ayoko kasi ipaalam pa sa iba na mayaman kami, hindi ako ganun. Tsaka ang gusto ko, ang pagkakakilala nila sa akin dito ay simpleng tao lang.. kaya nga palibre ako ng palibre. Pakapalan na, haha
"Baka naman matunaw ako?"
Agad akong napakunot nang magsalita siya.
"Umayos ka nga, ba't hindi mo bilisang kumain? Nakuha ko nang matapos oh.." sabi ko.
"Busog kasi ako eh." kita ko yung alanganing ekspresyon niya.
"Umamin ka nga. Hindi kaba kumakain sa ganito?" tanong ko kagad.
At dahil magkaharap kami, inilapit ko ng kaunti ang sarili sakanya, yung bang tingin na nananaliksik.
"Hwag mo nga akong titigan ng ganyan." agad na pagsimangot niya, pabiro rin niya akong sinampal.
"Gaya-gaya?" pagngiti ko na.
Ngumiti rin lang siya. At yung gustong-gusto kong ginagawa sakanya..
Hinawakan ko yung ilong niya. Pointed, ang ganda tignan.
"Tara na?" tanong niya, nakangiti lang.
Tumango ako at gad na lang kaming nagbayad at umalis na nga.
May pagkamaarte lang siguro 'to.
"Tuloy ba tayo sa saturday?" agad na sabi ko nang makalabas na kami sa kainan.
"Oo nga pala noh? Sama ka ah? Kasama ko sila Jap at Clark." pagharap niya sa akin bigla, yung bang may naalala bigla.. tapos tuwang-tuwa siya.
"Saan ba?" natanong ko na lang.
"Sa amin, sa Cavite."
Napa-"O.O" na lang ako.
Akala ko naman dito dito lang sa lugar namin.
"Ang layo naman pala." reklamo ko. "Ma-iwan na lang ako dito." dagdag ko pa.
Syempre kunwari lang yun, haha
Sasama ako sakanya, kapag ako kasi inaasikaso niya tapos yung tipong makikita mo pa sa ibang tao na iba yung pakikitungo niya pero sa'yo maganda.. kaya naman dapat pahalagahan ko rin siya.
Kailangang BUMAWI!
Kunwari hindi ako makakasama, sa surprise ko na lang idadaan.
"Ganyan ka naman.. sabi mo na kaninang umaga na sasama ka eh. Nakakawalang gana naman."
Palihim akong natawa sa tono niya.
Sabi na eh, masarap talagang pagtripan mga taong katulad niya.. lalo na kapag nagtatampo na sila. Haha
"Sorry ah? Hindi kasi ako pinapayagang pumunta sa medyo malayong lugar eh, kahit na sa Cavite lang naman.. hindi talaga ako papayagan nila tita eh." pagkukunwari ko, sinamahan ko pa ng malungkot na tono.. para may impact talaga, haha
"Ayan na yung sakayan oh, konting lakad nalang." walang ganang tono niya at pagturo sa may linya ng mga tricycle sa may kabilang kalsada. "Mauna na ako, salamat. Kalimutan mo narin yung dare, byee." rinig kong mahinang sabi pa niya.
Naiwan akong nakatingin lang sakanya. Naglalakad na siya paalis, nakatalikod na mula sa akin.
Nakonsensya tuloy ako. Yung dare papala, kanina ko pa pilit na hindi binabanggit at mukhang nahalata niya ata iyon kaya naman hindi na niya binanggit kanina.
Pero sa totoo lang, napangiti ako dahil nagtatampo rin pala ang isang tulad niya.
Hahabulin ko na sana siya nang..
"Christian?"
Napalingon ako sa tumawag, napatigil tuloy ako.. patakbo na sana eh.
"Po?" ang nasabi ko.
Kilala niya ako? Pangalan ko ba talaga tinawag niya?
"Tama ikaw nga." tuwang sabi pa niya.
Isang babae. Tantya ko mga ilang edad lang ang lamang niya sa akin.
Maganda siya, tan yung kulay niya, straight yung buhok.
"Ako pala si Senny David.. hi!" magiliw na sabi niya at paglahad pa niya ng kanyang kamay.
Nilingon ko saglit si Jaydon, nakita ko na wala narin ito.. kaya naman muli akong humarap sa babae.
"Hi, Senny David." pilit na pagngiti ko at pag-abot sa kamay niyang nakalahad.
David
David
David
David
David
Kahit ilang beses kong ulit-ilitin sa isipan ko.. magkapilido at magkapilido nga talaga sila ni Kobe.
"Familiar ba pilido ko?"
Wala akong nasagot sa tanong niya. Manghuhula ba 'to?
"Nga pala, pinsan ako ni Kobe.. ng bestfriend mo."
'Speechless..
Parang otomatiko lang akong natulala, nagulat.
"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong niya.
"P-pinsan mo talaga si Kobe?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Tapos alam niya rin na magbestfriend kami? Kanina sina Az at Dennis alam, tapos pati siya? Siguro close talaga sila kay Kobe.
......
"Wala ka talagang balak na lapitan o kausapin siya?"
Napatahimik ako dahil sa tanong ni tita Sen, tita Sen daw ang itawag ko sakanya dahil yun daw ang tawag sakanya nila Kobe.
"Ayaw mo naba siyang makasama ulit?"
Wala talaga akong maisagot.
Nasa may labas kami ng isang convenience store. Ang dami narin niyang naikwento sa akin at naitanong.
"Natatakot po kasi ako sakanya eh." mahinang sabi ko.
Totoo naman kasi.
Hindi ko alam kung gusto o ayaw na niya akong makausap.
Hindi naman talaga ako galit sakanya dahil sa umalis siya.. siguro tampo lang dahil sa hindi na siya bumalik.
"Ang kulit mo talaga, para kang bata. Diba nga sabi ko naghihintayan lang kayong dalawa."
Mula sa pagkakayuko ay napa-angat ako ng tingin.
Gusto kong maniwala pero ewan ko kung bakit mas naiisip ko yung mga negatibong bagay.
"Baka kasi hindi na niya ako gustong.."
Pareho kaming napatigil nang magring bigla yung nakalapag niyang phone.
Pareho rin kaming napatingin rito.
"Istorbo naman 'tong si Dennis." inis na sabi ni tita Sen.. si Dennis pala.
"Oh Dennis bakit?" agad na sabi ni tita Sen pagkasagot niya sa tawag.
Ni-loud speaker niya ito at hinayaan lang na nakalapag sa may lamesa, bale pareho naming maririnig yung sasabihin ng nasa kabilang linya.
"Tita Sen, kasama mo ba si Kobe?" agad na sagot ni Dennis.
"H-hindi eh? Bakit?"
"Tita Sen wala kami sa bahay eh, umalis kami ni Dennis.. pakitingin naman si Kobe sakanila. Bago kasi namin iwan yun nagbabalak nanaman uminom eh, baka uminom kasi."
Rinig kong sabi naman ni Az, magkasama pala yung dalawa.
"Hah? Ba't nanaman daw? Iinom nanaman?" agad na tanong ni tita Sen.
Umiinom na pala si Kobe? Tsk
"Ewan tita Sen eh, baka naglasing nanaman.. hindi kaya nun, babagsak nanaman yun." tonong pagmamadali ni Dennis.
Nagkatinginan kami ni tita Sen, parang alanganin yung ekspresyon niya.
"Osige sige.. ako na bahala.. tatawag nalang ako kapag nakapunta na ako dun." mabilis na sabi ni tita Sen.
Agad na niyang pinatay yung phone at tumingin sakin.
"Samahan mo'ko?"
Napa-iling naman ako kagad.
Ewan eh, parang ang lakas talaga ng pakiramdam ko na hindi na interesado si Kobe na makausap o makasama ulit ako.
Agad lang siyang tumayo at inayos yung bag niya.
"Tita Sen." pagkuha ko sa atensyon niya, tumingin naman siya akin.
"Bigay ko yung number ko tapos.. pwedeng paki-text ako kung nandun nga si Kobe? hindi naman kasi talaga umiinom yun eh." sabi ko.
Aaminin ko, nag-aalala ako. Hindi naman talaga umiinom yun eh. Alam ko dahil naging malapit kami sa isa't-isa.. kahit na matagal na yun at mga bata pa kami nun.
"Oh diba nag-aalala ka? Samahan mo na kasi ako, tara?" ngiti niya at paghila na sa akin.
Napasunod na lang ako.
Naglalakad kami ngayon papunta sa may sakayan, nag-aalangan parin ako. Pero nandito na eh.
Tsaka, nag-aalala rin ako para kay Kobe. Argh! Ulit-ulit na lang ako.
Oo tama, gagawin ko 'to. hindi ko na muna paiiralin yung kaba o negatibong bagay na naiisip at nararamdaman ko.
"Sakay na tayo."
Napatingin ako kay tita Sen nang magsalita siya, pinauuna na niya ako.. kaya naman nauna na akong sumakay sa tricycle.
Papasok narin sana siya nang muli siyang bumabalik sa pagkakatayo.
"Ay oo nga pala.. Christian, pwede ikaw na lang pumunta kay Kobe? May lakad nga pala kami ng boyfriend ko.. baka mag-away kapag nalate ako eh, oras na pala oh..."
Tarantang sabi niya habang pinapakita pa sakin yung oras. Halos mag-aalas diyes na pala ng gabi.
Argh. Late na akong makakuwi nito sa bahay.
Tsaka.. ako na lang mag-isa?
Si Kobe. Ako? Si Kobe? Ako?
"Tita Sen.. alam niyo namang.."
"Hindi hindi, basta please? pakiusap? ikaw na lang pumunta sa bahay niya."
Nagdadalawang-isip man, napatango na lang ako. Kita kong ngumiti naman siya kagad at hinarap ang tricycle driver.
"Manong.. sa may Flores street po. Eto yung bayad... salamat."
"Oh Christian ingat ah? Kaw na bahala kay Kobe.. byeee." masayang sabi niya at pagkaway-kaway pa, napapatango na lang talaga ako.
Nang makaalis na nga ang trike na sinasakyan ko, napapikit na lang ako.
"Patay. Pano na 'to?" ang naibulong ko pa.
Ilang saglit lang at tumigil na nga ang trike.
Pagkababa ko, kita ko yung pamilyar na bahay. Napangiti ako nang maalala yung inihandang pagkain sa akin, lalo na yung mabangong higaan na pinagtulugan ko.. isama pa si OptimusPrime.
Pagkapasok ko sa may gate ay dahan-dahan na nga akong naglakad papunta sa may pintuan ng bahay.
Naiinis ako sa tuwing naiisip ko na umiinom na pala 'tong si Kobe. Baka masermonan ko pa siya.
"Kobe?" alanganing sabi ko at pagbigay ng ilang sunud-sunod na katok.
Wala na akong pakialam kung gusto o ayaw niya akong makita. Bahala na.
Ilang pagkatok pa ang ginawa ko nguni't wala paring tugon kaya naman binuksan ko na nga ang pinto.
Pagkabukas, papasok na sana ako nang wala sa sarili akong mapatigil sa nakita.
"Kobe?" ang naibulong ko.
Naka-upo siya sa may mahabang sofa, chill lang ang dating. Yung bang simpleng upo tapos nakapamulsa, at nakatingin lang sa may maliit na lamesa sa harapan niya.
"A-ano kasi Kobe.. akala namin.."
Hindi ko na natapos yung sinasabi ko nang mag-angat siya nang tingin at saktong nagtama ang aming paningin.
Nakuha ko pang mapalunok.. nariyan yung pinaka-paborito kong ekspresyong natural ni Kobe.. yung bang pokerface lang.
Yung mata niya na sa mata ko rin lang ang tingin.
Magsasalita na sana ako nang..
"Kailangan ko paba talagang mag set-up ng ganito para lang makita kita ng malapitan?"
Itutuloy
Guys, eto surprise ko :] ipinakikilala, ang inyong author na si .. Prince Justin :]
Ooops, feeling kPop yung hairstyle ng author niyo diba? Haha
At dahil araw ng mga puso.. ang author niyo naglibot-libot at nagmumuni-muni lang kanina sa SM Clark :)) At dahil single ang author niyo.. ayan, walang red sa anumang suot niya.. ampalaya si Prince Justin eh xD
Nga pala, may gusto ako sa isa sa mga reader ng MSOB, hindi lang ako sure kung pati itong story ko ay binabasa niya, sana binabasa niya 'to.. at kung reader nga kita at pakiramdam mo ay ikaw ang tinutukoy ko.. comment ka naman ng "Kokokokokoko" hehe, manok :))
Walang pagdadalawang isip na akong nagpost ng picture ko.. kasi naman walang pagdadalawang-isip rin kayong sumusuporta sa story ko ngayon :) at dahil rin sa active na active kayo sa story ko kaya naman heto ang premyo niyo, ang makita ang mala-ipis na mukha ng author niyong si Prince Justin :))
Guys, hwag niyo na sanang ipagtulakan na payat ako ah? Whehehe
Guys, ingat :) sana maraming naging masaya ngayong araw ng mga puso.. hindi katulad ko na muni-muni lang sa mall.. next year na lang ako babawi, ampalaya pa ngayon ang february 14 ng author niyo eh xD hahahaha
Osiya, napahaba na masyado haha
Pero, anong masasabi niyo sa update maliban sa dry? Haha
Yung hinihintay niyong engkwentro ni Kobe at Chan.. mukhang heto na :)
Muli, maraming salamat sa mga readers, commentators at mga bagong pangalan na nakikita ko.. ang sarap talaga sa pakiramdam, kaya bilang ganti.. bubugbugin ko si Chan! Hahahaha
Ingat guys :))
- Prince Justin
Sinong payatot? Haha
ReplyDelete#kPophairstyle :]
ReplyDeletena miss ko c kash and seven...
ReplyDeleteNagpakita nga ng picture naka shade naman panu namn miakikita ung cute mong face prinz justine or real name na....... Toott"........
ReplyDeleteJharz
Ang payat mo Kuyanf Author. Pinakakain ka ba sa inyo? Haha. Binibigyan kaba ng baon ng parents mo? Haha. Gusto mo ba report ko sila sa bantay bata? Ay. Hahaha syempre joke. Haha.
ReplyDeleteNabitin ako ang ikli ikli. Di manlang magkaruon ng time si Chan at Tenten. Haha. Nacucutean talaga ako kay Chan para syang bata. Pero bitin pa din yung chapter ngauon. Hahaha.
-yeahitsjm
Wawa nmn c jaydon :( pro excited nmn din ako sa bean. Ehe. Dba ped3ng clang 2 nalang ? Aha. Swerte nem3n ni chan kung ganun ahaha.. next chap. Na po plz. as in tom.? Ahaha.
ReplyDeleteOyta eya menuking nilibut aha.
Ciempre inaabangan ko tlga. Aside from the good flow of the story ciempre im one of the characters aha..malay natin magka lovestory ako kahit sa sa story lang. (Ay teka c chan pala bida nkisali ee no ? Ahaha)
Az
Hindi lang ikaw ang single Mr Author. Happy single awareness day. Post mo kaya to sa wattpad para dumami pa readers mo. Hehhehe
ReplyDeleteMark_roxas
wow may update na
ReplyDeleteSarap lng basahin nito at sana wala ng mamatay dito
Author pag mekamate k pa keni kutusan daka haha
Gosh! Cute mo pala author! :)
ReplyDeleteAng gapo naman pala ng Author natin. Mas ok ang katawan na yan, hindi chubby. Cute nga eh. Ok din ang update. Salamat sa update. Take care.
ReplyDeletesino naman ang gusto mo dito author??
ReplyDeleteMr. Prince,,, u make our day complete....more update to come.... Pwersahan.... Jejejeje.... Joke lang Mr. Prince... Good Day...
ReplyDeleteT. C.
Heart catching story..... Nice to read again and again....
# cute mu Mr. Prince....
Jess
Ay naloka naman ako sa tanong mo author!? Di ko napaghandaan. Hahahaha. Pwedeng si Kobe na lang? #TeamKobe talaga kasi ako para kay Chan! Haha
ReplyDeleteAt hoy. Anong maikling kilig moment ka dyan. Ni hindi pa nga nakapag-usap yung dalawa ihh. Hahaha anyways, at least looking forward ako sa next chapter. Magkakausap na silaaaa waaaaaaaah!
- Michito
Ps. Gwapo mo author! Ikaw naaaaa hahahaha pero mag-e-extra rice din minsan ha? Huehue
Ahhhhhhhhhhhhhh bitin nmn mr author....
ReplyDeleteang daya mo author, iniintay kopa naman yung dare, bigla mong pinabawi kay jaydon haha. ang kulit lang ng dalawa. pero eto na yung magbespren, ano kaya mangyari sa kanilang pagkikita. malamang batuhan ng mga pangyayari, selosan at kung ano-ano pa. kaya malamang away to haha. pero mas maganda kung sa kwarto sila magaway haha. alam na.
ReplyDeletebharu
Ang ikli naman ata pero at least may chance na makapag usap ang dalawa. Nice update at Aabangan ko ang next update nito.
ReplyDeleteWahhhhh!! Thank you Mr. Prince Justin kasi lagi mong inaabangan kung anong icocoment ko haha :)) Pero bakit ka team #ChanDon? Team #mr.BEAN dapat eh haha
ReplyDeleteAbout dito sa story I admit kinikilig na talaga ako kay Chan at Jaydon pero hindi pwede loyal #mr.BEAN ako eh haha perp sobrang sakit sa puso nung nagtampo si Jaydon :( eto kasing si Chan eh inaabangan ko pa naman yung dare nila haha.
Grabe kahit napaka onti nung moment ni Chan at Kobe okay lang kasi next update sure na akong meron silang moment sana naman bumalik na sila sa dati haha. Please mr. Prince Justin!! :)
Pero naawa din ako kay Chan kasi naman si Az at Dennis eh yan tuloy nagdamdam si Chan.
Hello nga pala sa korean nateng author haha joke! Grabe payat mo inggit ako haha!
Present ako na-late lang ng comment napagod kasi ako kagabi hahaha
-44
hello Prince Justin!
ReplyDeletehello sating lahat! :)
hapi belengyams!
hapi new year narin kc for sure maraming nagpaputok. hahaha!
ingats!
super duper mega bitin ang kilig ngayon.
pero maganda parin ang kwento.
next chapter na agad pls! hihi..
ANG GAAAAAANDAAAAA!! na-hook agad ako sa unang chapter pa lang. kinikilig ako sa love story nila. di ko alam kung saan ako papanig. haha.
ReplyDelete-leandro of bulacan
Hi red!! Medyo naasar na ako kay kobe ha.. Masyadong maarte hahaha.. Medyo nalito lang ako ng beri light pero nagets ko naman hahaha.. Team BEAN pa din ako hahaha.. Update na agd hahaha jk👍👍👍 the best ka.!! At ang pogi mu sa picture bagay talaga sayo maging c red cheesecake konting laman lang at abs hahha.. - dave
ReplyDeleteHalallallalalalallalal 3chapter ata ang d ko nabasa huhuhuhu
ReplyDeleteWaiting waiting waitng sa nxt chap... Hahhaha grabe crush ko tlaga c chan khit pandak lol.....
Isa lang masasabi ko
Super nice :) hahah galing galing
Belated amplaya sau owtor hahaha donchawarry same lang tau...
Shai™ :)
Nice story po sinusubaybayan korin ito di lang ako ng ko comment hehehe
ReplyDeletemaraming salamat po sa story nyo....ingat po palagi Prince Justin...
ReplyDeleteAkala ko Kobe Hernandez at Christian David, so Senny Hernandez hindi Senny David?
ReplyDelete_@ShaqJD