Followers

Sunday, February 1, 2015

Love Is... Chapter 27



AUTHOR’S NOTE: Magandang buhay! Sorry kung hindi ko naiupdate agad ‘to!

Waley na waley ‘to pramis. Pasalamat na lang ako sa aking editor. Hahahaha!

Maraming salamat pa rin sa walang sawang nagbabasa ng kwentong ito. Sa mga commentator na ang daming suggestions. Titingnan ko ang magagawa ko. Malapit na rin naman kasi ‘tong matapos (or not yet), kaya, ewan ko lang. Hahaha!

Kila Kuya Ponse, na si Sir Allan din pala at kay Kuya Mike para sa pagbigay sa akin ng opportunity na ito.

Sa mga ka-BTBBC ko. Syempre sa minamahal kong RYESTERS, sa Feb. 14 pala monthsary natin, wala ng ibang okasyon. Lol!

Kay Bunsoy NHE, na pumapag-ibig. Hashtag Humabol sa Valentine’s Day. Hashtag 30 is <3 daw. Lol!

Kay BLUE and RED, sa push. Ang cute ng boses ni Pinuno, grabe! Lol! Nahiya naman ako sa “nahihiya ka sa akin” dahil sa kung ano man na rason. Oh well, papel. Ang masasabi ko lang po ay I’M TOTALLY OVER IT. Lol! Capslock para intense.

Sa mga co-RA’s ko: VIENNE, JACE, GIO, SEYREN, CRAYONBOX, PRINCE JUSTIN, COOKIE CUTTER. Hello! :)

Songs: Settle Down by The 1975 and Say Something by A Great Big World ft. Christina Aguilera

O siya! Heto na! Enjoy! #LoveIs27 #LoveIsCollectingPiecesOfMe


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.



LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII
XVIII | XIX | XX | XXI | XXII | XXIII
XXIV | XXV | XXVI


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s String From The Heart (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin Dizon's Me And My Rules (On-going)
Seyren Windsor's Loving You... Again (On-going)
Crayonbox's Starfish (On-going)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXVII


Riel’s POV

Nabigla na lang ako ng maglapat ang aming mga labi. Ang tagal ko ‘tong inasam ulit. Pero… tama ba ‘tong ginagawa namin ngayon?

Umiwas ako ng tingin nang bumitaw siya sa paghalik sa akin.

“Hindi ‘to tama, Red.”

Iniharap niya ang mukha ko sa kanya tsaka ipinatong ang kanyang noo sa noo ko. Napapikit na lang ako. Shit! Hindi tama ‘to!

“Mahal na mahal kita, Riel.” Aniya.

Kung mahal mo nga ako, bakit ka umalis? Bakit kailangan nating magkalayo? Bakit umabot ng isang taon? Bakit mo ako pinagpalit?

Sa kabila ng mga tanong na ‘yon sa aking isipan, just like the first time, parang naging musika lang lahat ng mga sinasabi niya sa akin. It’s like, I’ve never cried a river because of losing him.

“Mahal na mahal din kita, Red.”

Pero… hindi ito tama, di ba?

Hindi naman iyon lumabas sa bibig ko.

He kissed my forehead, down to my nose, and on my cheeks…

Nadala na ako ng aking kalasingan. Kung kasalanan man ito, handa naman akong magkasala kasama siya.

I’m sorry, Lord, God. I’m sorry, Dave. Sorry, Kuya.

Nang maglapat muli ang aming mga labi ay doon ko na ibinuhos lahat ng isang taon na pagkasabik sa kanya. It’s like, hindi ko siya iniyakan ng buong isang taon. Parang walang nangyari sa isang taon na ‘yon.

Marahan niya akong inihaga sa kanyang kama saka hinalikang muli.

“Miss na miss na kita.” Aniya.

“I want to feel you again, Red…” Masuyo kong pakiusap sa kanya.

“Me as well, Riel…”

Nagkatitigan na lang kami. Ngayon ko na lang ulit natitigan ang mga mata niya. Dahil sa mga sinasabi ng kanyang mata noon, hindi ako nagkamaling, bigyan siya ng pagkakataon para makalapit sa akin.

Gan’on pa rin naman ang mga matang nakikita ko. Sincere, puno ng pagmamahal… pero hindi ko naman alam kung akin ba ang lahat ng iyon.

Pumaibabaw na siya sa akin tsaka ako mapusok na hinalikang muli. It is passionate at mararamdaman mo ang pagmamahal. Just like the first time we did it.

Ginawa na kaya nila ni Dave, ‘yon?

Nang maghalikan nga sila sa airport, ‘yong pagdidikit ng balat nila sa bawat hahawak si Dave sa braso niya… Ugh! ‘Yon palang nga, ayoko nang isipin e, ano pa kaya kung ginawa na nila ang gagawin namin ngayon. Argh!

Nang magbitaw kami sa malalim na halikan na iyon ay pinilit kong ako naman ang papaibabaw sa kanya. Nagawa ko naman, kahit hinang-hina ako dahil sa bigat pa rin ng nararamdaman ko dahil sa alak.

Tama siya, hindi ko naman kasi kaya, uminom pa ako. Take note, JD ‘yon ha. Ewan! Pero… ‘yon kasi ang makakatulong sa akin, kahit ilang oras lang.

Ayun, olats pa rin e. Kahit kasi, ilan pa n’on ang inumin ko, kung nakikita ko naman siya ngayon… wala pa ring epekto.

Dahan dahan ko na lang hinubad ang suot-suot niyang t-shirt saka siya muling hinalikan. Hinubad ko na rin ‘yong akin. Hindi ako marunong. Natigang kaya ako ng isang taon.

Para lang akong nakuryente nang maglapat ang katawan ko sa katawan niya. Argh!

Matapos ang pagsasalo namin na iyon, ay hindi ko namalayang nakatulog na pala si Red. He must be tired. Maskin ako’y gan’on din. Pero, sa dami ng iniisip ko ngayon, parang hindi ko ata kayang magpahinga.

Ngayon ko lang na naman ulit namasdan ang maamo niyang mukha. Ang mukha na kinahumalingan ko simula pa noong Grade 10 kami.

Ang mukha niyang ngiti pa lang, ulam na... Ang mahahaba niyang pilik-mata… Ang matangos niyang ilong… Ang mapupula niyang labi…

Pagkasabi ko noon ay hindi ko napigilang magnakaw ng halik. Napailing na lang ako sa ginawa ko.

Akala ko, kapag nakita mo na ang future mo, kasama ang taong minamahal mo, kayo na talaga ang para sa isa’t isa. It seems… in my case, what I saw as my future is merely my illusions of forever… of a lifetime with him.

Hindi pala healthy ang puro pangarap lang. Dreams do come true, but for some instances o sa ibang tao ay hindi. I still believe that it is, I still am. Pero… alam niyo ‘yong feeling na, mag-isa na lang ata akong nangangarap para sa hinaharap ko.

Natigil ako sa pag-iisip ng bahagyang kumilos si Red. Hindi ako magsasawang tingnan ang mukha ng katabi ko ngayon. Miss na miss ko na rin siya e. Kaya nagnakaw ulit ako ng isa pang halik.

Pero…

Sabi ko nga, ngayong gabi lang ito. It’s like a one night stand, no feelings at all. Kasi… wala naman na kaming relasyon. Yes, ours, didn’t have a closure, pero… may iba na siyang minamahal.

Sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao, you can do whatever it is, just to make them happy. I want him to be happy, even if it means, I will suffer from this decision I’ll be making.

Mayroon na siyang iba… hindi ko na pwedeng ipagpilitan pa ang sarili ko sa taong may minamahal nang iba.

This is it, Riel. Last na talaga ito.

Marahan akong umalis sa kama para hindi magising si Red. Nasapo ko nga rin ang aking ulo dahil sa sakit nito. It seems, bumalik na ulit ang tama sa akin ng alak.

Pagtingin ko sa orasan ay mag-aalas cuatro na pala. Dali dali ko na lang sinuot ang damit ko’t pagkatapos ay humalik ulit sa labi ng minamahal ko. Hindi ko sana iyon pagsasawaan kung akin pa rin siya.

“Huli na ‘to, Red. I’m setting you and my self, free. Sana… maging masaya kayo ni Dave... mahal na mahal kita.”

Kahit may naramdaman akong pait at least, nasabi ko iyon nang nakangiti.

Nang makalabas ako sa gate ng mga Ariola, ay naisip ko na lang na maglakad pauwi. Masasabi ko na ngayon na iniyakan ko ng isang taon si Red, dahil totoong mahal ko siya. Siya lang ang nasa puso ko. Siya ang buhay ko.

Pero… hindi ko na dapat idepende ang sarili ko ngayon sa taong hindi na akin. If destiny permits, umaasa pa rin naman ako na kami pa rin sa huli. But I can’t wish for that to happen. I am not that selfish to own him all for myself…

Sabi nga, hindi lang umiikot sa’yo ang mundo. Kailangan nating tanggapin na ang lahat ay may katapusan, kahit ano pa man ‘yan. Na hindi lahat ay puro saya. Na lahat ng naisin natin ay pwedeng mangyayari.

Ang saya palang maglakad pauwi. Lol. Ang saya ring pagmasdan ang mga bituin sa langit.

“Riel?” Napaangat ako sa nagtanong.

“Kuya Max!” Masiglang bati ko.

Bagong lipat sila sa subdivision namin. Actually, kaharap lang ng bahay namin ang bahay nila. Siguro mag-iisang buwan na rin.

“Lasing ka ba?” Tanong niya. Napansin niya sigurong pasuray-suray ang lakad ko.

“Hindi na rin naman masyado. Dito ka pala nakaassign?”

“Oo. Maglalakad ka lang ba pauwi? Ang layo pa kaya ng subdivision natin mula dito. Wala ka bang dalang pera? Teka, pahihiramin kita–.”

“Nako, Kuya Max! ‘Wag na, kaya ko na ‘to. Malapit lang naman, nalakad ko na kaya simula do’n sa subdivision na ‘yon…” Turo ko sa subdivision kung saan ako nanggaling. “…hanggang doon sa may sa atin, 15 minutes lang naman kapag nilakad mo. Exercise na rin ‘to.”

“Nahiya naman ako sa exercise mo.” Natawa na lang ako sa sinabi niya.

“No offense meant, Kuya.” Napaayos tuloy ako ng sarili ko.

“Biro lang! Hahahaha! Kung pwede ko lang sanang iwan muna ‘to, ihahatid na lang kita, 5 minutes lang naman kapag nakamotorsiklo, kaso, nag-ooperate e.”

“Okay na ako, Kuya.”

“O siya, mag-iingat ka.”

“Salamat, Kuya Max.” Tumango na lang ito sa akin saka pumasok ulit sa premises ng pumping station.

Kumaway na lang ako sa kanya saka nagsimulang maglakad ulit. Pampawala na rin ito ng pagkalasing ko.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ay naisipan ko munang magmuni-muni. Pagkapasok ko sa gate namin ay agad lang akong sumampa sa duyan na nasa garden.

Dito na lang kaya ako matulog? Lol!

Magiging okay na ba talaga kaya ako?

Napailing na lang ako ng todo. Pinili ko ‘to, kaya dapat ay ‘yon na nga talaga ang gawin ko.

Kailangan ko ng pahinga... kailangan ko muna ng mahabang pahinga.


Eli’s POV

Alas cuatro na ng umaga ay hindi pa rin ako makatulog. Lasing ako pero, hindi ko magawang matulog, thinking that Riel, is not okay.

Nasabi na kaya ni Red?

Argh! Nagulo ko na lang ang aking buhok dahil sa pag-iisip noon. Putek! Dapat sinabi na niya. Gugulpihin ko talaga ang lalaking ‘yon!

Naisipan ko na lang na lumabas muna ng bahay, may duyan naman, doon na lang siguro ako magpapaabot ng liwanag. Hindi rin naman ako makatulog e.

Gumawa na lang ako ng kape, walang tulugan na ‘to.

Napailing na lang ako nang makarating ako sa garden.

Hindi siya uuwi kung nasabi na sa kanya ni Red. I mean, they’re gonna catch-up with each other kung nasabi na ni Red iyon sa kanya.

Bakit ba kasi maraming taong gusto pa nilang malaman ang halaga nila sa kanilang minamahal kung harap-harapan naman nila itong nararamdaman at nakikita?

Test of love? That’s bullshit!

‘Di nila alam na gumagawa lang sila ng paraan para masira ang relasyon nila.

Doubts, ‘yan ‘yong pinaka-kaaway ng mga taong nasa relasyon. Kahit kasi ilang taon pa ang pagsasama ninyo, hinding-hindi kayo tatagal.

Walang forever, walang for a lifetime, sa mga taong hindi kayang makontento sa kung ano ang ipinapakita sa kanila ng taong mahal sila.

Nagulo ko na lang ang buhok ko sa sobrang frustration sa nangyayari ngayon. Tama naman na nagpaubaya ako noon, pero, parang… Argh! Ewan! Wala na naman akong aasahan e. Ako na lang ‘to. Unrequited love na nga ‘to, na para sa lasing na ‘to na nasa duyan, ay pawang pagmamahal na lamang ng isang kapatid.

Panay na lang ang bulong ko sa hangin nang pumasok ulit ako sa bahay para kumuha ng kumot. Uupakan ko na talaga ng todo ‘yang si Red e. Nakakayamot na kasi.

Kapag umiyak pa ‘yang isang ‘yan, talagang hindi ko tatantanan si Red nang walang blackeye sa mukha. Tss.

“Gising ka na?”

Muntik ko pang mabitawan ang hawak-hawak kong cup dahil sa nagsalita. Napalingon-lingon tuloy ako.

“Kuya.”

Tawag muli nito. Doon ko na lang napagtanto na may binabantayan pala ako dito sa garden. Mag-aala cinco na rin naman, pero hindi pa gan’on kaliwanag. Halos ala sais na rin kasi kung magpakita ang araw ngayon.

Tutok na tutok kasi akong pinagmamasdan ang imahe ng Ursa Major sa kalawakan kanina habang nagmumuni-muni sa mga bagay na nangyayari ngayon..

“Hindi rin naman kasi ako makatulog, kaya, binantayan na lang kita.”

“Gan’on ba?”

Nagkatitigan kami pero agad na lang akong umiwas ng tingin. Ayokong pagmasdan ang mukhang niyang pilit lamang ang sayang ipinapakita sa ibang tao. It’s like facing a different person. ‘Yong hindi mo naman kilala.

Naramdaman ko na lang na tumayo na siya galing sa pagkakahiga sa duyan. Parang instinct ko na ring agad siyang daluhan dahil na out of balance siya matapos niyang makatayo.

“Ano ba kasing pumasok sa kukote mo’t naglasing ka? Hindi ka naman sanay umimon, ‘di ba?” Asik ko.

“Kuya. Natanong na sa akin ‘yan ni Red. Alam mo naman ang sagot ‘di ba? Tapos na naman ‘di ba? Okay na naman ako. Ang kailangan ko ngayon, pahinga. ‘Yon lang, mamaya, o bukas, okay na ulit ako. Saka mo na lang ulit ako tanungin niyan.”

“Kahit na!”

“Ewan ko sainyo! Hindi ko kailangan ng sermon, okay? Pag-iintindi ang kailangan ko ngayon. Alam ko na mali ang ginawa ko, at hindi ko iyon pinagsisihan. ‘Di ba pwedeng kahit ilang oras man lang makalimot ako?”

Natigilan na lang ako.

“Gusto ko na rin maging okay, Kuya. Quota na ako e. Buti nga hindi mas malala doon ang naging option ko para makalimot. Nakapagdesisyon na rin naman ako.”

Hindi ko na namalayan na nabitawan ko na pala siya. I’m still stunned.

Nakita ko na lang na papasok na siya sa bahay.

“Riel…”

“Itutulog ko na lang ‘to. Don’t worry. I’ll just ask June, to do the chores today. I’ll be fine, don’t worry.” Aniya saka pumasok.

Napaupo na lang akong muli. This is too much, Red! Fix this already! Naihampas ko na lang ang kamao ko sa mesang katabi ko.  

Lunes ay ramdam ko pa rin ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Riel. Nasa school na ako, pero, lutang pa rin ang utak ko.

“Ang lalim ata ng iniisip natin, Mr. Martinez.”

Napaangat tuloy ako ng tingin sa nagsalita.

Nerd. ‘Yon lang ang masasabi ko.

“Ako ba kausap mo?”

“Malamang. Sino ba ang Martinez dito ngayon? Ah! Ang lalim ng iniisip mo ngayon ‘no, Mr. Martinez?” Aniya tsaka kinausap ‘yong bag ko na katabi ko ngayon dito sa stairway.

Napailing na lang ako.

“Kilala ba kita?”

“O. MY. GOSH! Seriously? Dalawang buwan na tayong magkasama dito sa school. Magkablock at seatmates pa. Tapos ‘di mo pa ako kilala? Napakaimposible mo talaga!” Kinakausap niya pa rin ang bag ko. Tinuturo-turo pa.

Huh? Kaklase ko? Seatmate ko?

“Oh well! Napakaimposible mo talaga! Tandaan mo ‘tong mukhang ‘to! Tsaka ang pangalan ko, okay?! Hilario Benedicto, RIO BENEDICTO, capslock para intense! Kung maganda ang boses mo, pwes! Kami naman ang may-ari ng number 1, recording company dito. Darating ang araw na kikilalanin mo rin ako!” Asik niya.

Dali dali na lang siyang nagmartsa sa hallway. Napailing na lang ako. Ano naman kung gan’on nga? It’s not like, ang recording company lang nila ang naandito sa Pilipinas ‘di ba? Tss.

Hindi naman lahat ng Bachelor of Music, itutuloy ang career sa pagiging Recording Artist. Tss. Sa’n niya ba ‘yon nakuha?

May gusto siguro ‘yon sa akin. Ilapit ba naman ang mukha niya sa mukha ko, tapos halata namang namula siya. Tss.

“Eli!” Sigaw ng magaling kong kapatid.

“Sa’n ka naman ba galing?”

Kanina ko pa siya inaantay dito sa may stairway na kaharap lamang ang 2nd gate ng school. Mga isang oras na rin, kaya nga naisip ko na naman ang nangyari kahapon.

“Si Tita Helena kasi, nagpatulong sa akin. Alis na nila on Wednesday papuntang Palawan.”

“Agad? That’s two weeks early for the plan.”

“Yep! Marami pa raw kasing aasikasuhin, alam mo na. Dapat nga, mahaba-haba ang preparasyon, gagawin lang nilang 2 weeks. O ‘di ba? Kaya, push na ‘to!”

Napailing na lang ako.

What if… Argh! Dahil sa mga sinabi ni Riel kahapon, hindi ko na alam kung matutuloy pa ba ang plano. I’m still hoping for the best, though. Ayoko namang masayang ang lahat ng ito.

Red! Ayusin mo na ‘to! Marami ng tao ang naiinvolve rito!


Josh’s POV

Ano na kayang nangyayari kay Riel? Is he okay na kaya? Argh! Takte kasi si Red! It’s been 2 weeks since umuwi kami dito sa Pinas at hindi pa ako nagpapakita sa kanya simula noong sunduin nila kami sa airport.

Umuusok na siguro ang ilong no’n sa galit dahil hindi namin siya binibisita.

Matapos kasi ‘yong tungkol sa pagtitipon namin sa bahay ng mga Ariola noong nakaraang linggo, pinagbawalan muna ako ni Riley na makipagkita sa kaibigan ko. Kasi naman daw, baka maibuga ko ang sekreto. Argh! Kating-kati na nga ako e.

Kaya tuloy panay ang iwas namin sa mga lugar na pwede kaming magkatagpo ni Riel. Gusto ko pa naman sanang makitang magperform ulit ang Fleet, kaso nga lang, kahit patago, hindi pa rin pwede.

Kahit text or sa tawag, iniiwasan ko na rin. Sasabihan ko na lang na busy kami sa pag-aasikaso ng papeles namin.

Hay buhay! Kung hindi ko lang mahal ‘tong katabi ko ngayon, matagal ko na ‘tong ipinasalvage. Joke! Knock on wood! Hinding-hindi ko iyon gagawin!

“Gising ka pa rin?” Syet! Bedroom voice pa lang ulam na!

“Hmmm. May inaalala lang ako.” Tugon ko. Pigilan mo, Josh. Pigilan mo!

Nakatihaya siya at ako naman ay nakadapa. Ang kaliwang binti ko ay nakapatong sa kanyang tiyan habang ang ang kaliwang binti niya na ma’y nakapatong sa kanang binti ko. Unan ko ay ang kaliwang braso niyang nakayakap sa akin. Yakap naman ng braso ko ang ulo niya.

It’s like we’re playing ‘touch the color’. Ang saya ‘di ba? Hahaha!

Kakatapos lang namin kasing mag… ‘yong alam niyo na… para magka-anak agad. Nagawa pa nga naming magsuot ulit ng damit. Although, pajama lang ‘yong kanya. Lol!

Inilapit na niya na lang ako sa kanya saka ipinatong ang kanyang baba sa ulo ko.

“Is it Riel? Miss mo na ba siya?” Aniya.

“Sobra! Kaso, ‘di naman pwede ‘di ba?”

“Pwede naman, it’s just that, kilala ka ng lahat. If something’s going out about the plan, wala na.”

“I know… pero, tama bang patuloy pa rin siyang nasasaktan kahit hindi na naman dapat?”

Alam ko, na pagkatapos nang lahat ng ito, magiging masaya ulit siya. Paano kung… Ewan! May mga tao pa naman na kapag, naihanda na nila ang sarili nila sa pagmove-on… hindi-hindi na iyon mababago pa.

Sana… kahit gano’n ang mangyari, gustuhin pa rin ni Riel na tanggapin muli si Red. I’m still rooting for them. Sila ang naging inspirasyon ko kaya ako masaya ngayon sa buhay.

“Tulog ka na, may aasikasuhin pa tayo bukas.”

“Gusto mo na ba talagang tumira sa Amerika?” Tanong ko.

Nang magbago ang sitwasyon dito, parang nagulo ata ang utak ko.

“Sabi ko nga ‘di ba, kahit saan basta kasama kita.”

Takte talaga ‘tong mokong na ‘to. Pinapakilig pa ako e. Tss. The fact na kasal na kami, syempre, kahit saan talaga dapat kasama ko siya. Hindi ako papayag na magkahiwalay kami.

Tama nga siguro ang kasabihan na, kahit mag-asawa na kayo ng minamahal mo, hindi dapat matapos doon ang courtship, paglalandian at kung ano pa, nang sa gan’on, patuloy pa rin ang pagkilala ninyo sa bawat isa.

Anak na lang talaga ang kulang sa amin, masayang pamilya na kami.

“Next sem na lang tayo mag-aral? Dito?” Aniya.

“You mean? As in?” Napatingala tuloy ako sa kanya.

Napatango na lang ito.

“Sabi ko nga ‘di ba? Kahit ano, basta para sayo, okay ako.”

Naging madali na ang buhay ko, simula noong magsama kami. Mahal na mahal niya ako, mahal na mahal ko rin siya. Nakadepende ako sa kanya. Nakadepende rin siya sa akin. We’re even.

“Thank you, Babe. I love you so much!”

“As long as masaya ka, masaya na rin ako. I love you too, Babe.”

Putek! Boses pa lang ulam na e! Baka magkaround two pa kami. Lol.

Yakap pa more, like wala ng bukas pa! Lol!


Riel’s POV

“Mr. Dela Rama?” Tawag sa akin ng sekretarya ng kompanya kung nasaan ako ngayon.

“Po?” Tugon ko. Nakaupo ako ngayon sa may tanggapan ng opisina ni Tito Armando.

“Pinapapasok na po kayo ni President Chua.” Anito.

Agad na akong tumayo saka inihanda ang aking sarili. Noong lunes, nakapagdesisyon ako na kailangan ko munang magbakasyon. I really need to get away here. ‘Yong walang magpapaalala sa akin ng sakit. Ng pagmamahal na gusto ko ng bitawan.

To move forward… to collect the pieces of me…

Isang malalim na buntong-hininga na lang ang aking pinakawalan saka pumasok sa opisina ni Tito Armando.

Pagkapasok ko doon ay ngiti ni Joyce ang bumungad sa akin.

“Hi, Kuya Riel!” Anito tsaka tumakbo at niyakap ako.

“Wala kang pasok ngayon, Joyce?” Iniangat ko ang paningin ko tsaka nakita ang mag-asawang Chua. “Tito Armando, Tita Rina. Magandang hapon po.” Bati ko sa kanila sabay yuko.”

Nang bitawan ako ni Joyce ay agad akong pumanhik patungo sa mag-asawa at agad na nagmano.

“Nabalitaan niya kasing pupunta ka rito, kaya umabsent na lang ngayong hapon.” Saad ni Tita Rina.

“Kasi naman, hindi ka na pumupunta sa sementeryo, sa amin din. ‘Di na tuloy tayo nagkakapaglaro.” Napailing na lang ako at ngumiti.

Naalala ko tuloy na mahigit isang buwan na rin akong hindi nakakadalaw sa puntod ng mga magulang, kapatid ko at ni Kuya Terrence. Ano bang pinagkakabusyhan ko nang nakaraang buwan?

“Oo nga e.” Tugon ko na lang.

“Bakit ka pala napunta rito? Is there anything you need?” Tanong ni Tita Rina.

Napailing na lang ako. Sabi ko pa naman noon, hindi ko gagamitin ang kapit ko sa may-ari ng school kung saan ako nag-aaral, pero… heto ako ngayon at ‘yon ang pakay sa kanila. What a shame, Gabriel Dela Rama! Wala ka na atang isang salita ngayon.

I think so. I’m open for changes. Lol!

“About that, Tita… ‘di po ba, pinakiusapan na rin naman kayo ni Ms. Salveda about sa pagleave of absence namin para sa immersion ng Seniors sa Arneyo?”

“Oo. Tungkol doon, okay na ang papers. Kayo lang naman ni Ms. Matsuo ang pinagfile e.”

Tumango na lang ako.

“Hihilingin ko rin po sana ang tulong niyo para maaprubahan ang leave of absence ko next week.” Lakas loob kong saad sa kanila.

Iyon ang ipapakiusap ko. Kahit isang linggo lang.

“Bakit?” Tanong ni Tito Armando.

“Sa’n ka pupunta, Kuya Riel?” Tanong naman ni Joyce.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Nang magbalik sa akin ang atensyon nila ay agad ulit na nagtanong si Tito Armando.

“May problema ba, Riel? Makikinig kami. Kapamilya mo naman kami.”

Napailing na lang ulit ako.

“Wala po, Tita, Tito, Joyce. Kailangan ko lang po ng pahinga. Isang taon na rin naman po akong pagod. I think, kulang pa nga ‘yong isang linggo, pero okay lang po. I just need to find my self again.”

Matagal-tagal na katahimikan ang bumalot doon. Panay lamang ang kuha ng selfie ni Joyce kasama ako. Kapag inihaharap na niya sa akin ang camera ng cell phone niya ay ngumingiti na rin lang ako.

“Ehem…” Napaangat kami ng tingin parehas ni Joyce ng gawin iyon ni Tito Armando.

“Ibigay mo na lang ito sa Registrar.” Aniya sabay abot sa akin ng isang mahabang envelope.

“If you need anything, Riel… ‘wag kang mahiyang lumapit sa amin. Alam mo naman na handa kaming tulungan ka sa anumang bagay.”

“Maraming salamat po. Tatandaan ko po iyan. Ang akin lang po ay ayokong abusuhin ang kabaitan na ipinapakita ninyo sa akin. Malaman ko lang po na andyan kayo, para sa akin ay malaking bagay na.”

“Saan ba ang punta mo? Kailan ang alis mo? Ihahatid ka na namin.” Tanong ni Tita Rina.

“Honey.” Pagpigil na umiiling sa kanyang si Tito Armando.

“I need this for myself, Tita.”

Tumango na lang ito sa akin.

“Maraming salamat po sa lahat. Babalik po ako. I just need to do this, para maging okay na ulit ako. Sana nga, pagkatapos nito, okay na ulit ako.”

Niyakap na lang ako ng mahigpit ni Tita Rina at Joyce.

“Mag-iingat ka, Kuya.” Ani Joyce. Tanging tango at ngiti ang isinagot ko sa kanya.

“Hihilingin ko lang po sa inyong sana ay wala munang makaalam.

Pagkabalik ko sa bahay ay pinilit kong itago sa lahat ang mga plano ko. Ako lang ‘to. Mag-isa ko ‘tong gagawin, para sa akin, at para sa lahat ng taong nakapaligid na sa buhay ko.

Usual routine. Maskin nga si June ay hindi nahahalata ang pagpapanggap ko. Josh is missing in action for the past 2 weeks. Ang tipid nga ng reply. Agad pang pinuputol ang linya kapag tinatawagan ko.

Baka nga busy sa pag-asikaso ng papeles nila. Edi hayaan na lang. Sows. Ge lang. Maliit na bagay. Nagagaya na rin tuloy ako kay June. Bukambibig niya na ‘yan araw-araw. Sa’n kaya niya ‘yon natutunan?

Nang dumating ang sabado ay hinanda ko na lahat ng kailangan ko. Nakaempake na ako’t lahat lahat. Kailangan ko na lang ng malinis na pag-alis dito bukas ng madaling araw.

10 PM nang magsimula ulit kami sa gig namin dito sa Bar ni Lina. Nagiging kilala na rin ito dahil sa amin.

Sa bawat pagtatapos ng set ay inaanyayahan kami ng mga customer na dumalo sa kanila. Pinagbibigyan namin sila pero, lagi lang akong isang bote. Nangangalahati pa lang nga ako sa bawat boteng iniinom ko ay kinukuha na ‘to sa akin ni Eli.

Okay lang naman sa akin. Maliit na bagay.

Tsaka hindi ako pwedeng malasing ngayon. Aalis ako ng alas cuatro mamaya e. Kunyare na lang na nayayamot ako kapag kiukuha niya iyon. Buti, benta naman iyon sa kanya.

“Nakakalungkot naman! Last set na pala ‘to!” Anunsyo ko sa mga taong nakikinig sa amin nang makabalik kami sa mini stage na naroroon sa loob ng bar.

“Gustuhin naman naming mag-extend ay hindi na iyon sakop ng ibibigay sa amin ngayon ni Lina. ‘Di ba, Lina?” Napailing na lang ito sa amin.

Inanyayahan ko sana ang mag-asawang Santillan, pero, hindi raw sila pwede dahil wala ang mga magulang nila. So walang magbabantay kay Beegee. Hindi ko pa pala nakikita ‘yon nang isang linggo na.

Babalik naman ako. Kaya pagbalik ko na lang siguro.

Sina Josh at Riley naman ay sumaglit lamang dito no’ng matapos ang ikalawang set namin. Ewan ko nga sa kanya e. Nawala ata ang pagkadaldal no’n sa harap ko.

Hindi rin napadpad ngayon dito sina Red, Dave at Seb. Hindi naman sa hinahanap ko. Mabuti ngang hindi ko nakita e. Baka magbago pa ang isipan ko.

“Kapag tumatanda pala tayo, marami tayong maiisip na mga bagay-bagay patungkol sa hinaharap natin. ‘Yong para bang gusto na nating kumawala sa mga bagay na araw-araw nating nararanasan. Like, we want to break free. Para maging masaya na tayo.”

Just a realization.

“Hindi naman talaga puro lungkot ang pinagdadaanan natin e. ‘Yon pala, mayroon namang saya. Having your friends, your family, significant others. Pinagtutuunan kasi natin ng atesyon ang problema kaya natatabunan ‘yong masasaya.” Natawa na lang ako sa sinasabi ko.

“Wala lang. Share ko lang guys. Hugot? Pero tama naman ‘di ba? We should learn to appreciate things, kahit maliit man ‘yan, basta nagdala iyon ng saya o importansiya sa buhay natin.”

“Wooh!”

“Hugot pa more!”

“Sige lang!”

“Problema lang ‘yan!”

“Kaya nga tayo na’ndito ‘di ba?”

Sigawan nila. Magaalas dose na pagtingin ko sa relo ko. Alas singko naman ang byahe ko. Kailangan ko lang siguraduhin na tulog na mamaya ang lahat sa bahay bago ako umalis.

“Ano ba ‘yan! Hahahaha! Move on na nga tayo! Balik sa kantahan!”

Sinenyasan ko na lang si Eli na umiiling sa akin ng nakangiti. Hindi niyo ako masisisi, may pinagdadaanan e. Ang taong may pinagdadaanan ay maraming mahuhugot. It’s from the heart. Lol!

“Settle Down by The 1975, enjoy guys!”

Nagsimula naman tumipa sa gitara ang dalawang bassist naming si Jasper at Eli. Tsaka pumasok sa rhythm si Leer at Liz.

A soft sound
To the way that she wears her long hair down
Covering up her face
And oh what a let down
And I don’t seem to be having any effect now
Falling all over your face

But you’re losing your words
We’re speaking in bodies
Avoiding me talking ‘bout you
But you’re losing your turn
I guess I never learn
‘Cause I stay another hour or two

For crying out loud, settle down!
You know I can’t be found with you
We get back to my house
Your hands, my mouth
Now I just stop myself around you

Kumanta lang ako ng kumanta. Ito na lang talaga ang paraan para kumalma ang lahat sa sistema ko. Kinakabahan naman din ako kahit papaano. Well planned naman ang pag-alis kong ito, pero… alam niyo ‘yong hindi ko alam ang mangyayari.

Nang umuwi kami sa bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto ko. Hindi ko man lang nga pinapansin si Eli. Mahalata pa ko ng mokong na ‘yon e. Hayst!

Hindi na ako matutulog. Una kong ginawa ay ang magsulat ng pamamaalam muna sa kanila. Kasi nga hindi ako ‘yon gagawin ng personal. Ayokong malaman nila ang plano ko. Ayokong kukulitin ako ni Kuya sa bawat araw na malayo ako.

Gusto ko munang mapag-isa.

Kaya nga no’ng isang araw ay bumili ako ng bagong sim card. May kopya na rin naman ako ng mga numero sa phonebook ko. Uso naman kasi ‘yong sa phone nakasave ‘yong mga numbers kesa sa sim card. No offense meant. Lol!

Kaya ‘yon, sinira ko ang luma kong sim card tsaka ginamit ‘yong bago. Sa pamamagitan nito, malaya na ako kapag nakaalis ako ng walang problema.

Mahirap palang gumawa ng sulat. Nagdadrama na nga ako rito. Lol! Babalik din naman ako, bakit parang sa sulat ko, hindi na. Lol! Natawa na lang ako sa sarili ko. Natuluan nga rin ng luha ko ‘yong sulat ko para kay Eli.

Naalala kong aalis din pala si June bukas. Paano na kaya sina Kuya Melvin at Ate Rose. Hayst! Paano na ‘to!

Nagpaikot-ikot ako habang nag-iisip. Argh!

Ayun, gumawa na rin lang ako ng sulat para sa kanila. Inabot ako ng 3:30 sa pag-iisip tungkol doon. Hayst! Kailangan ko nang magmadali. Pero kailangan ko munang i-check kung may gising pa ba.

Nagkunwari akong iinom ng tubig, kaya pumanhik ako pababa ng kusina. Base sa nakikita ko, wala namang gising kaya nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto at nagbihis ng madalian.

Inilatag ko na lang sa kama ko ang mga sulat na may mga pangalan ng kung para kanino ito. Hindi ko na ata ‘to maiisa-isang ilagay sa mga pinto ng kwarto nila.

This is my opportunity to go without any hassle. Ng walang pipigil sa akin.

Dahan-dahan na lang akong bumababa, sinisiguradong walang tao, kasi katabi ko lang ang kwarto kung nasaan si Eri ngayon. Mahirap ng takasan ang babaeng ‘to.

“Yes!”

Bulong ko, pero ang gesture ko ay para lang sumigaw ng napakalas sa tuwa, dahil tagumpay ang paglabas ko.

Pinagmasdam ko na lang ang bahay.

“Babalik ako, Mama, Papa, Ate Karisma. Hahanapin ko lang ulit ang sarili ko.” Saad ko sa hangin.

Buti na lang at may agad na dumaang tricycle kaya’t nakasakay na ako agad papuntang terminal ng bus. Pasalamat talaga ako sa nakuha kong pera galing sa mga benefits ni Ate Karisma, hindi ko naman kasi iyon ginamit pa.

Ngayon ko lang nadama ang lungkot nang makarating ako dito sa terminal ng bus. Pero… heto na ako e. Kanina, parang ang saya ko pang nakaalis sa bahay, pero ngayong andito na ako, wala na. Hayst!

No turning back now, Riel.

Agad na lang ako pumunta sa Ticketing Office ng bus to confirm my reservation. Bus number 18 daw. After that, hinanap ko na lang iyon.

Nang makita ko ‘yon ay agad na akong pumanhik doon. ‘Yung sa may gitna kasi ang pinareserve ko. Nasa may bintana rin ‘yon.

Nang makaupo ako ay bigla ko lang naalala ‘yong byahe namin noong immersion namin. Napailing na lang ako, trying to shrug off all the memories of the past. Masasaya man ‘yon, kailangan kong makalimutan na dahil andoon sa mga alaalang ‘yon si Red.

Nakatuon ang pansin ko sa labas, pinagmamasdan ang mga taong abala sa pagpapaalam sa kani-kanilang kamag-anak, kasintahan, kaibigan o kung ano pa man.

Nakakainggit. Pero… okay lang. Sekreto ang pag-alis kong ito. Kaya hindi dapat ako mainggit sa mga ganyan.

Nang mapuno ang bus, saktong alas cinco ng umaga ay agad na rin itong umalis. Inilagay ko na lang ang earpods ko sa tenga ko’t sinimulan ang nakahandang playlist para sa byahe kong ito.

Napailing na lang ako at ngumiti nang magsimula ‘yong kanta sa iPod ko.

Say something, I'm giving up on you
I'll be the one, if you want me to
Anywhere I would've followed you
Say something, I'm giving up on you

And I am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all

And I will stumble & fall
I'm still learning to love
Just starting to crawl

Sa byahe kong ito, marami akong iiwanan. Dapat pagbalik ko ay bagong Riel na ang dadatnan ng lahat mula sa akin. Hindi naman ‘yong babaguhin ko ang sarili, ‘yong Riel na handa ng maiharap ang sarili sa lahat na hindi pilit na ngiti ang nasa mukha.

‘Yong Riel na, tanggap na ang lahat.

Sisimulan ko iyon sa pagkolekta ng mga naiwala kong parte ng sarili ko for that one long year.

Say something, I'm giving up on you
I'm sorry that I couldn't get to you
Anywhere I would've followed you
Say something, I'm giving up on you

And I will swallow my pride
You're the one that I love
And I'm saying goodbye

Say something, I'm giving up on you
And I'm sorry that I couldn't get to you
And anywhere I would've followed you (Ooh-oh)
Say something, I'm giving up on you

Say something, I'm giving up on you
Say something...

Nagising na lang ako sa init na tumatama sa balat ko. Nakatulog pala ako. Dahil na rin siguro ‘yon sa puyat. Oh well, mabuti na rin ‘yon.

Pagtingin ko sa oras gamit ang iPod ko ay mag-aalas diyes na rin na pala. Kumakalam na rin ang sikmura ko gawa ng hindi pala ako nag-almusal kanina.

“Yong mga kakain diyan!” Sigaw noong mama sa unahan.

Napansin ko na lang na pumarada ito sa may seaside na may nakahilerang mga kainan. Agad namang nagsibabaan ang mga pasahero nang tumigil ang sasakyan.

Gumaca, Quezon na nga ito. Nang makita ko lang ang Lita’s Carindera’y hindi ako nagkamali sa kutob ko.

Oh well, papel. Ano pang gagawin? Edi kumain na rin lang! Kapag andito ka sa Gumaca, especially dito, sa kilalang Lita’s Carinderia, dapat sulitin mo na. Lol! Nag-advertise pa ‘di ba?

Pagkababa ko sa bus ay nakuha agad ng pansin ko ang isang puting mini cooper na pumarada sa katabing lot ng bus namin. Namiss ko tuloy si Blake. Argh! Pati ba naman ‘yon! Hayst! Anyways, ininda ko na lang ‘yon. Nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa kainan.

“Riel? Gabriel Dela Rama?”

“Zeke?”



Itutuloy…

12 comments:

  1. Si zeke ung taong tutulong ky riel para malimot sa lahat...... Ang tanong panu na ang emersion matatanggap pa ba niya si riel ulit After moving on process niya nakaka excite ung susunod na chapter

    Jharz 05

    ReplyDelete
  2. Hay nako. Too much pain na Riel. Tama yan, move on na lang. Dapat si Red ang ipa-salvage eh. Hahahahaha

    - Michito

    ReplyDelete
  3. Wow timing pala pagbisita sa msob may update na... Ahahaha cant wait sa nxt chapter kuya rye hehhehe i love this story halos favorite ko lahat ng songs mo sa story kuya keep it up kuya god bless you

    ReplyDelete
  4. I hope you find your happiness to a more understanding and loving person, whether a male or female. Wishing u d best Riel!

    ReplyDelete
  5. Ay. Nakakalungkot naman. Hu hu hu. :(
    Sana next chapter agad. Hu hu hu.
    -yeahitsjm.

    ReplyDelete
  6. UD po agad author :)

    ReplyDelete
  7. Mabuti nakaisip si Riel na magbakasyon. Sana si Eli na ang ibigin niya. Thanks sa update Mr Author.

    ReplyDelete
  8. Eto na mukhang babalik kay Red ang ginawa nya. I hope matauhan sya na mali ang ginawa nila (kasama mga kasabwat nya) kay Riel. Wala tayong karapatan na maglaro ng damdamin. Nawa makuha pa rin nya ang loob ni Riel sa huli.

    Brix

    ReplyDelete
  9. Ang tagal naman ng update nito namimiss ko sobra si reil haist anyway salamat na din sa update author , go riel mag move on kana pero di pa pwde bwisit kac si red ei pinapatagal pa lalo baka tuloy wala na siyang mababalikan pa...hay next chapter na agad sobrang nabitin ako sa chapter na eto sobrang namiss ko ei...thank you godbess...happy hearts month sau author...

    -joey 😍😍😍😘😘

    ReplyDelete
  10. salamat sa update. matagal akong nawala, ilang buwan nagkasakit hehe. na miss ko si riel, ito na pala nangyayari sa kanya, malungkot. pero isang araw magiging masaya ka uli. di nmn pwedeng puro lungkot nalang.

    Bharu

    ReplyDelete
  11. Lagot ka na talaga Red. Hinayaan mong magwala si Riel tapos hayan pang nagkita sila ni Zeke sa bus stop. Ohh. Alam na dis!

    - vhian

    ReplyDelete
  12. Brix - agree ako sa yo. Wala tayong karapatang paglaruin, paikutin o mag take advantage ng damdamin ng kapwa. Kagaya ni Riel na ulila na kinawawa pa. Pabor ako kahit si Zeke or Eli. Kalimutan na lang yong ungas na si Red. Mr. Beep-beep.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails