AUTHOR’S
NOTE: So
heto na naman ang boring na update! Yey! Lol!
WARNING! Sa mga ayaw
ng basahin itong akda ko. ‘Wag na kayong magtangka pa. Baka sabihin niyo na
namang kesyo ganito, kesyo ganyan. Nakakasawa na e. Boring pala, bakit niyo pa
binabasa?
Maraming salamat pa rin sa binibigay ninyong
opportunity, Sir MIKE at Sir PONSE! Hinding-hindi ko po matatawaran
ang inyong kabaitan!
Sa mga co-RA’s ko, BLUE, VIENNE, COOKIE CUTTER, CRAYONBOX, APPLE GREEN, SEYREN, ROGUE! Kaway-kaway!
I-welcome naman natin si AXEL,
dagdag siya sa ating lumalaking pamilya! :)
Sa mga Bebe ko, BAESTFRIEND RED, PINUNONG BLUE, NHE, at SICHEM BABY! Kumusta? Miss ko na kayo! Lol! Naalala ko tuloy no’ng
birthday ni Mama. Tawanan ba naman no’ng dalawa (Red and Sichem) ‘yong pagkanta
ko. Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko. Tss. Lol!
Sa mga ever supportive kong RYESTERS! Hello! Mga ADMINS!
Hindi ko kayo nirerequire na maging active lagi ha? I just want you to help
me confirming membership requests. Hindi ako laging on-line e. Kung meron lang
naman. Parang bulletin board lang naman kasi ang group, na kapag may teaser
doon ipopost. At syempre kapag may update. I might convert that to a page na
lang. Nag-iisip pa ako ng magandang Page Name e.
Sa mga READERS,
COMMENTATORS, CRITICS at EMAIL SENDERS,
maraming salamat sa suporta! Hindi ko ito ipagpapatuloy kung wala kayo. At
least, marami-marami pa naman kayong nagbabasa ng akda ko.
So ‘yon! #BASAMODE
na kayo, mga bebe ko! :D
Hope you’ll enjoy!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental. All images, videos and
other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo
credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS
CHAPTERS
ADD US TO
YOUR BLOGGER APP
(Reading
List)
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Crayonbox’s
Starfish (On-going)
Gio Yu’s
Final Requirement (On-going)
Axel De Los
Reyes’ Love Game (Upcoming)
Seyren
Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose
Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin
Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge
Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne
Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s
(Jace Page) The John Lloyd Diary (Upcoming)
Apple Green’s
(Jace Page) The One That Got Away (Upcoming)
Cookie
Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XXX
Red’s POV
Umuwi ako sa bahay na wala sa sarili. Buti na
lang at nakapagdrive pa naman ako ng maayos.
“What happened to your face?” Tanong ni Andrei
nang makita nila ako ni Reese pagkapasok ko sa bahay.
“Wala ‘to. I deserve this. Dahil sa akin, umalis
si Riel ng walang paalam. At walang nakakaalam kung saan siya pupunta.” Tugon
ko.
Pabagsak na lang akong umupo sa sofa.
“What?! What do you mean?” Wika Andrei.
“Umalis si Kuya Riel? Bakit?” Tanong naman ni
Reese.
Talunan akong napailing sa kanila. I really want
to know where he went. Para hanapin siya. To fix everything... Pero… ako naman
talaga ang dahilan ng paglayo niya. I should’ve listened to Mom. Nasa huli na
nga talaga ang pagsisisi.
Inilabas ko na lang ang dalawang maliit na box
sa aking bulsa, binuksan ang mga ito, saka ito tinitigan ng mabuti. Maibibigay
ko pa kaya ito sa kanya?
“Nasaan ang Medicine Cabinet ninyo? Kailangan ‘yang
magamot.” Ani Reese na may pag-aalala.
“No, Reese. It’s okay. Leave it there.” Agad na
lang akong tumayo para umakyat na sa kwarto ko. “Ihatid mo na lang si Reese.
Matutulog na ako.” Saad ko kay Andrei.
Wala sa wisyo itong napatango na lang sa akin.
I don’t even know what to do now.
Pabagsak akong nahiga sa aking kama. Thinking
about what is happening. Kung hindi ako umalis, hindi sana ganito ang mangyayari
sa pagitan namin ni Riel.
Ang ginawa niya lang naman ay ang mahalin ako.
Bullshit na insecurities mo ‘yan, Jared! Pwede
ka namang maging karapat-dapat sa kanya, kahit hindi ka umalis noon ‘di ba?
Pwede ka namang makipagkompetensya sa mga taong lalapit sa kanya! Napakalaki
mong tanga!
“Mom, Riel is missing.”
Dumaloy na lang sa pisngi ko ang kanina ko pa
pinipigilang luha sa mga mata ko. Kasalanan ko ‘to. Paano na ngayon?
Zeke’s POV
“Riel!” Sigaw ko habang tumatakbo sa kanyang
kinatatayuan.
Tanging ingay na lang
mula sa preno ng isang kotse ang narinig ko.
Nang makita kong tumigil ang kotse ay agad kong
niyakap si Riel. Thank God!
“Kingina! Magpapakamatay ba kayo!” Sigaw no’ng
driver ng kotse na babangga sana kay Riel.
“Kim? Kim Cipriano?” Dahil sa dumaang sasakyan
ay nakita ko kung sino ito.
“God dammit! Yamson?!” Aniya sabay aninag sa
madilim na daan. “What the fuck? Magpapakamatay ba kayo? ‘Wag niyo nga akong
idadamay, ha? Marami pang mga bagay sa mundo ang gusto kong maranasan. Kung
magpapakamatay kayo, may bangin dito! Maghanap kayo! Takte!”
“Sorry!”
“Sorry. Sorry. E kung hindi ko ‘yon naipreno,
ano pang silbi ng sorry mo?” Galit pa ring tugon niya. “Tss. Tabi na nga,
nagmamadali ako!”
Yakap-yakap ko lang si Riel na panay ang
panginginig. Tumabi kami sa kalsada tsaka naman pinaharurot ni Kim ang kanyang
kotse.
May trauma pa rin ba siya? Mag-iisang taon na,
‘di ba?
“If you want to forget everything, may alam
akong lugar. Payapa. Hindi matao. Kung nag-aalala kang pipilitin kita na
gustuhin ako, no worries. I’ll stop. I’ll let you heal your heart.”
Napaangat na lang ito ng tingin sa akin.
Makikita mo pa rin doon ang takot.
I want to help him. Pero, hindi talaga makukuha
ang lahat sa santong paspasan. I need to wait until he manages to remove every
pieces of Red in him.
Riel’s POV
Dalawang araw na…
Dalawang araw na rin ang nakalilipas…
I thought, that day, mawawala na talaga ako sa
mundo. I was lucky enough na hindi reckless driver ‘yong muntik na sanang
makasagasa sa akin.
Naisip ko nga na, sana pala, namatay na lang ako
noon sa unang aksidente. Hindi ko na sana nararamdaman ang lahat ng ito ngayon.
But, I can’t ask for that to happen. May mga
bagay talagang ang Diyos lamang ang nakakaalam sa mangyayari sa buhay natin.
Andito ako ngayon sa buhanginan malapit sa
resthouse ng mga Yamson sa Nasugbu, Batangas. Kanina pa akong alas cinco rito,
pinagmasdan ang papalubog na araw, ang kulay pastel na kalangitan at ang walang
hanggan na view ng karagatan.
Dito ‘yong sinabi sa akin ni Zeke na payapang
lugar, for me to clear up everything that’s in my head. To move on... Wala
naman akong masasabi pa tungkol sa lugar. Isa itong paraiso.
Nang mawala sa paningin ko ang araw ay marahan
na lang akong nahiga sa buhangin, pinagmamasdan ang kalangitang, punong puno ng
bituin.
Ito ba ang sinasabing moving on process? Ni
hindi ko nga maalis sa isipan ko ang mukha ni Red.
I think about him every second of the day.
Tama ngang, hindi agad makukuha ang pag-move-on
sa isahang pagtulog lang. Hindi rin iyon ganon kabilis katulad ng isang
kisap-mata.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata tsaka
dinama ang kantang nagpiplay ngayon sa iPod ko.
It's just another night
And I'm staring at the moon
I saw a shooting star
And thought of you
I sang a lullaby
By the waterside and knew
If you were here
I'd sing to you
You're on the other side
As the skyline splits in two
I'm miles away from seeing you
I can see the stars
From America
I wonder, do you see them, too?
And I'm staring at the moon
I saw a shooting star
And thought of you
I sang a lullaby
By the waterside and knew
If you were here
I'd sing to you
You're on the other side
As the skyline splits in two
I'm miles away from seeing you
I can see the stars
From America
I wonder, do you see them, too?
So open your eyes and see
The way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home
The way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home
Nang iminulat ko ang mata ko ay agad na nakita
ng mga ito ang imahe ng dalawang bituing mas matingkad ang liwanag kaysa sa
iba.
‘Yong isa ay ang Vega, at ‘yong isa naman ay ang
Altair. Alam ko, kasi napag-aralan namin ‘yon sa high school. Paborito ko pa
naman ang constellation.
Sabi ng aming guro noon, ang kwento ay
magkasintahan sila, pero ang malungkot na parte ng kanilang pag-iibigan ay dahil
sa bawat isang taong lumilipas, isang beses lamang sila kung nagkakasama.
It is from Tanabata,
or the Evening of the Seventh. Kung saan, every July 7 iyon ipinagdiriwang sa
Japan, dahil iyon ang seventh lunar month nila.
And then, dumaan na naman sa isipan ko si Red.
Parang kami lang. Pero… makalipas ang isang taon, nagkita nga kami, pero…
marami ng nagbago sa pagitan namin.
Kumusta na kaya siya?
What the fuck, Riel?! Magmomove-on ka ba or
what?
Kinanta ko na lang ang sumunod na liriko ng
kanta. ‘Yon na rin ang nagpabagsak sa mga luhang kanina ko pa pinipigilang
tumulo mula sa aking mga mata.
I can hear your heart
On the radio beat
They're playing 'Chasing Cars'
And I thought of us
Back to the time,
You were lying next to me
I looked across and fell in love
So I took your hand
Back through lands and streets I knew
Everything led back to you
So can you see the stars?
Over Amsterdam
You're the song my heart is
Beating to
On the radio beat
They're playing 'Chasing Cars'
And I thought of us
Back to the time,
You were lying next to me
I looked across and fell in love
So I took your hand
Back through lands and streets I knew
Everything led back to you
So can you see the stars?
Over Amsterdam
You're the song my heart is
Beating to
Nagising
na lang ako dahil sa tunog ng gitara. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay
napansin ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan, bonfire sa may ‘di kalayuan,
pagkain sa aking gilid, at si Zeke na nakatingala sa kalangitan habang
nagpapluck sa gitara.
Nakatulog
pala ako habang nagpiplay ang mga kanta sa iPod ko. Napakibit balikat na lang
ako. Kasi naman, ang pinakinggan mong playlist ay ‘yong kung hindi pampatulog,
ay ‘yong pinapaiyak ka naman!
Umiiling
akong natawa sa kawalan.
Naubos
na nga, wala ng nagpiplay mula rito.
“Marunong
ka?” Agad na tanong ko nang matanggal ko ang earpods na nasa tenga ko.
Nailipat
niya naman ang atensyon niya sa akin. Iniayos ko lang ang sarili ko para
makaupo. Hindi pa siya sumagot.
“Chasing
Cars, huh?” Saad ko sa title ng kantang tinutugtog niya.
Tanging
ngiti lamang ‘yong natanggap kong sagot.
“Akin ba
‘to?” Turo ko sa pagkaing nasa tabi ko. Tumango naman siya bilang sagot.
Napailing
na lang ako.
“Napipe
ka na ba? Ba’t ‘di ka nagsasalita riyan?” Umiling ako sa patuloy na hindi niya
pagsagot sa akin. Whatever! Kakain na lang nga ako!
Agad ko
na lang ‘yong kinuha saka ito sinimulang kainin. Naramdaman ko na rin kasi ang
gutom. Pagsulyap ko sa oras na nasa iPod ko ay quarter to 9 na rin naman pala
kasi. Halos apat na oras na pala akong naririto.
Umiiling
pa rin akong nakatingin sa kanya pagkatapos ng unang subo ko. Pangiti-ngiti
lamang ‘tong nakatitig din sa akin. Ano ‘to, Yamsom? Argh!
We’ll do it all, everything
On our own
We don’t need, anything
Or anyone
Natigilan
na lang ako sa aking pagsubo ng marinig ko ang pagkanta niya. Nakatingin lamang
siya ng diretso sa akin. Naalala ko na naman ‘yong mga sinabi niya kanina sa
akin no’ng nasa byahe pa kami.
I don’t
know… oo, gwapo siya. Well, okay na naman ang pakikitungo niya sa akin. Not to
mention his built, pero, sinabi ko pa rin! Lol! Thoughtful. I can say na wala
ka nang hahanapin pa sa kanya.
Kung
pagkain lang siyang nakahain sa hapagkainan, kanina pa siya ubos. Do you get my
point? Pero, wala e. Walang sparks. Kahit no’ng hinalikan niya ako.
Paanong
ang isang Ezekiel Yamson ay sa lalaki rin magkakagusto?
Hindi
katulad noon sa kaibigan niya na, nagdidikit lamang ang balat nami’y parang
nagdidiwang na ang lahat sa sistema ko. No’ng ngang hinalikan niya ako, sabog
confetti! Gano’n! Hayst! Pinilit ko na lang itong iwinaksi sa aking isipan.
Advantage
lang siguro ‘yon ni Red noon, dahil may gusto ako sa kanya.
If I lay here
If I just lay here
Would you just lie with me and
Just forget the world?
Sa akin
pa rin ang buong atensyon niya. I can’t help but just look away. Ayokong
magbigay ng maling motibo sa kanya. Ayokong maging PAASA!
Alam
kong may mga taong nadidevelop naman pagdating ng panahon. Pero hindi ko iyon
naisip sa pagitan namin. Or maybe, I’m still into Red, pa rin kasi.
That…
I’m into deep… na kahit pilitin ko ang sarili kong umahon, hinding-hindi ko iyon
magagawa… dahil… unang subok pa lang, lunod na ako.
I don’t quite know
How to say
How I feel
Those three words
Are said too much
They’re not enough
If I lay here
If I just lay here
Would you just lie with me and
Just forget the world?
Forget what we’re told
Before we get too old
Show me a garden
That’s bursting into life
Patuloy
lang ang pagkain ko habang kinakanta niya iyon. I don’t know what he’s up to. I
don’t mind, naman. As long as hindi ako magbibigay ng motibo, safe ako. Hindi
ko alam na maganda pala ang boses niya.
Si Zeke
‘yong tipo ng taong… sa unang sulyap mo palang ay makukuha na talaga ang
atensyon mo. ‘Yon bang head-turner. Kahit mabali pa ang leeg mo sa kakatitig sa
kanya habang naglalakad siya, ay okay lang. Worth it, kumbaga.
Mas
napagtuunan ko lang talaga ng atensyon noon si Red, kasi… siya ang gusto ko.
Siya ‘yong kapag nakikita ko, bumabagal ang takbo ng mundo ko.
‘Yon
‘yong sinasabi ng lahat ‘di ba?
Siya
‘yong pangarap na gusto kong abutin. Bituin na sana’y sa akin lamang nagniningning.
Let’s waste time
Chasing cars
Around our heads
I need your grace
To remind me
To find my own
If I lay here
If I just lay here
Would you just lie with me and
Just forget the world
Forget what we’re told
Before we get too old
Show me a garden
That bursting into life
Pero… in
reality… kahit nga pangarap ay hindi natutupad. Ang mga bituin, ay hindi gano’n
kadaling sungkitin.
Well,
nangyari ‘yong pangarap na iyon. Pero… may mga pangarap din talagang may
expiration date.
Guess,
we can’t have it all. The fact na nangyari ‘yon sa buhay mo, ay ipagpasalamat
mo na lang. Kasi… kahit papaano’y pinaramdam sa’yo ng mundo, how it feels like
reaching your dreams.
All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes
They’re all I can see
I don’t know where
Confused about how as well
Just know that these things
Will never change for us at all
If I lay here
If I just lay here
Would you just lie with me and
Just forget the world
“What’s
with the song, Zeke?” Tanong ko sa kanya nang matapos siya sa kanyang pagkanta.
Napakibit-balikat
na lang siya.
“I just
wan’t to sing it, that’s all.” Aniya tsaka napangiti.
“Weh?
Alam ko, na kahit may pagkamayabang ka… saying… ‘kasi maganda ang boses ko’, and the likes, pero… I know… may
malalim ‘yong kahulugan. ‘Yon ‘yong nakikita ko sa’yo. Being tough isn’t just
being tough, Mr. Yamson. You know that.”
Napailing
na lang ito sa akin.
“Guess,
hindi ko talaga matatakasan ang mga mapanuring mata ng isang Gabriel Dela
Rama.” Aniya saka tumawa.
“Well…”
Napakibit-balikat naman ako. “We’re schoolmate’s way back in high school. So…
kilala mo ako pagdating sa aspetong ‘yan.” Tugon ko.
“Very
well.”
Nakatitig
siya sa akin ng diretso.
Nag-iwas
na lang agad ako ng tingin.
“Oh? I
thought, you’re gonna evaluate what my eyes are saying? Bakit nag-iwas ka ng
tingin?”
“I did…
already.” Sagot ko. As I have said, ayokong magbigay ng motibo. Maling
pagkakaintindi niya lang, ay malaki na ang magiging epekto.
“So…
anong sinasabi ng mga mata ko?”
“Can we
talk about it some other time? Inaantok na ako e.” Iiwasan ko hangga’t maaari.
Guess, I can’t really remove every bits of Red in me. Hindi ko binibigyan ng
pagkakataon ang iba na makapasok sa buhay ko.
Tatayo
na sana ako ng pigilan niya ako.
“Akala
ko ba umalis ka para makapagmove-on? Dalawang araw na ang nakalipas Riel. Pero…
nakikita ko sa’yong hindi mo pa iyon ginagawa.” Mahinahon niyang saad.
“Kasi…”
“Kasi
ano? Makikinig ako. Sabi ko nga ‘di ba, I’ll help you.”
“Kasi…
hindi ko kayang alisin si… si Red sa buhay ko.” Napaupo na lang akong muli.
“So…
wala nga talaga akong pag-asa?” Malungkot niyang tanong.
“I’m
sorry, Zeke. Pinipilit ko ang sarili ko e… but… I keep on coming back to square
one. Parte na ng buhay ko si Red.”
“He’s a
jerk. Sinasaktan ka niya.”
“I’m
really sorry…”
It’s
been 4 days, pero wala pa rin akong nahihita sa bakasyong ito. Palagi kong
naiisip na hindi ko kayang alisin sa sistema ko ang lahat-lahat tungkol kay
Red. Ganoon ko siya kamahal.
Mahal
niya rin naman ako e. Sinabi niya noong gabing iyon. Kahit nga hindi niya iyon
sinabi, naramdaman ko pa rin. Masokista na ba talaga ako, ngayon? Kahit pa bago
kami nagkalayo, ramdam ko na mahal na mahal niya ako.
Pero…
ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang pagmasdan siya mula sa malayo.
Makokontento na siguro ako noon. May nagmamay-ari na sa puso niya. I can’t ask
God, na kung pwedeng maghiwalay na lang sila. Lalabas lamang na selfish ako.
Itong
bakasyon kong ito ay hindi naman mapupunta lamang sa wala.
Nakaupo ako
ngayon dito sa porch ng resthouse. Ang sarap langhapin ng hangin dito.
“Good
morning!” Masayang bati sa akin ng kagigising pa lang atang si Zeke.
“Good
morning, din!” Natatawa kong tugon sa kanya.
“Ba’t ka
tumatawa? Binati lang naman kita, ah? May mali ba sa itsura ko? Sinigurado ko
kayang maayos ako, bago humarap sa’yo—.”
“Oo na.
Oo na! Gwapo ka nga e. Masaya ka ata ngayon?”
“Gwapo
naman pala ako, bakit hindi ka naiinlove sa akin?” Aniya.
Napag-usapan
na namin ‘to kagabi e.
“Wushu!
Sabi ko nga kagabi, you deserve better than me. Malay mo, sa byahe natin
papuntang Palawan mamaya, makita mo na ang hinahanap ng puso mo.” Naiiling
akong ibinalik ang paningin ko sa malawak na karagatan sa harapan ng kanilang
resthouse.
“Tss.
Love. Ewan ko sa’yo. Nga pala…” Nakuha niya naman ang atensyon ko. “Kung gusto
mo ng mga kasagutan sa lahat ng tanong mo. May kilala akong makakatulong sa’yo.
They’re in Palawan, already. Nakausap ko kagabi.”
“Huh?
Sino naman?”
“Basta.”
Tugon niya na nakangiti.
Kagabi
kasi, tuluyan ko nang pinutol ang expectation sa akin ni Zeke. Na hinding hindi
ko na talaga bibitawan pa si Red. Even if it means, hurting myself again and
again. Buti naman at naintindihan niya ako.
Nagmana
nga siguro ako sa bestfriend ng author nito. Hayst!
Helena’s POV
“Seth.
Anong masasabi mo sa twist na nangyayari ngayon?” Out of the blue kong tanong
sa asawa ko.
Nang
tawagan ako ni Red noong Linggo ay hindi ako mapakali dito sa Palawan. Nawawala
raw si Riel!
Nasa
kama na kami ngayon, he’s reading the book I bought him.
“Hmmm?”
Aniya.
“Do you
think, magiging exciting kaya ito, kung si Riel naman ang magtuturo ng leksyon
sa anak natin?”
“What do
you mean?”
“Wala
lang, pinagbigyan na natin ang anak mo e, better give Riel the stage now. Hindi
sa gusto kong matuto si Red. Maling-mali naman talaga ‘yong ginawa niya.”
“I don’t
think, Riel’s like that. Mabait na bata ‘yon. Tsaka, pinagbigyan naman talaga
natin ‘yong anak mo ‘di ba?”
“Sabagay.
Kaya nga okay na okay siya sa akin para sa anak natin. Well, about Red… alam
mong tutol ako doon ‘di ba? Mapilit lang talaga ang anak mo.”
Nakakainis
kasi si Red! Ewan ko ba sa kanya. Malapit ng matapos ang preparasyon para sa
kasal. Ang problema lang kung tatanggapin pa siya ni Riel. I think so, pero
gusto ko kasing bigyan ng pagkakataon si Riel na malaman lahat, and then, make
his own revenge. Sweet revenge kumbaga.
Nakatanggap
ako kanina ng tawag kay Zeke. Kababata ni Red. Amanda, my bestfriend’s son.
Nabunutan ako ng tinik nang sabihin niya sa aking kasama niya si Riel. Halos
tatlong araw na rin kasi naming pinapahanap si Riel sa Maynila.
Kaya
pala hindi mahanap ng mga imbestigador ay dahil nasa Batangas pala sila.
Gusto
kong makita ang anak ko na maghabol sa nag-iisang taong kanyang minamahal.
“So what
are you planning?”
Napangiti
na lang ako.
“Basta.
Ako na ang bahala. We’ll see Riel, tomorrow evening. Well… I… I mean, si Riel
naman ang magdidesisyon no’n.”
Napakibit
balikat na lang ang asawa ko sa sinabi ko sa kanya.
Spoiled
nga siguro ako pagdating sa mga lalaki ng buhay ko. Since ako lang naman ang
babae rito, lahat ng gusto ko, wala silang kontra. Minsan nga lang, sumusuko na
lang din ako kasi, mahal ko rin naman ang mga lalaki sa buhay ko.
Ako
naman muna ngayon.
Riel’s POV
Alas
cuatro y media nang makarating kami sa Palawan ni Zeke. Ako lang sana ang
pupunta rito, para bisitahin doon sa isla ang Pamilya Aquino. Sila ang una kong
pupuntahan pagdating namin doon.
Tapos,
kung papayagan nila ako’y doon muna ako titira hanggang sa dumating na ang mga
tiga-Arneyo. Pero, dahil kasama ko si Zeke. Kailangan naming maghanap ng
matutuluyan. Siya na raw ang bahala ro’n.
Pero
nakiusap kasi siyang samahan ako. Para na rin maipakilala niya ako sa tutulong
sa akin. I’m not moving on na rin naman e. Bakasyon na lang ‘to at sa susunod
na linggo naman ay Immersion na nang mga Seniors ng Arneyo.
Naghahanap
na kami ngayon ng masasakyang bangka patungo sa isla kung saan naroroon ang mga
alaala ng nakalipas. Nakalipas na gusto kong itago at alalahanin pa rin sa
aking isipan.
Ito na
ang desisyon ko… ang ipagpatuloy ang pagmamahal sa nag-iisang taong nasa puso
ko. Masokista na nga talaga siguro ako. Ang bilis pala talagang umikot ng
kapalaran, ano?
“Alvin?”
Tawag ko sa isang pamilyar na taong nakita kong sumampa sa bangkang sasakyan
din namin ni Zeke, papunta roon sa isla.
Napalingon
naman ito sa amin. Nakompirma ko naman ang mga hinala ko. Although, he’s
different now. Ang nerdy looking, na hindi pala imik sa klase namin na si Alvin
Rios ay makikitaan na ng pagbabago.
Ang alam
ko ay sa Maynila siya pinag-aral ng kanyang mga magulang sa kolehiyo. Sumisigaw
din kasi ng karangyaan ang pamilya nila. At sa kilalang unibersidad siya
nag-aaral.
“Riel?”
Tugon naman nito.
Napangiti
na lang ako rito. Sumampa na lang kaming dalawa agad ni Zeke sa bangka. Nang
makaupo kami sa may upuan sa harap niya’y agad kong napuna ang mga pagbabago sa
kanya.
“Ikaw
nga. You look different.”
Natawa
na lang ito sa aking puna sa kanya.
“Not the
nerdy, Alvin Rios, huh?” Tugon niya.
Napakibit-balikat
na lang ako saka tumawa. His eyeglasses are not there anymore.
“Saan ka
pupunta?” Tanong ko.
“Sa
isla. May bibisitahin lang ako.” Aniya tsaka biglang napasulyap sa katabi ko.
Takte!
Nakalimutan kong may kasama pala ako rito.
“Oh! By
the way! You know Zeke, right? Ezekiel Yamson. Our batchmate from C Section.”
Muwestra ko kay Zeke sa kausap ko. “Zeke, kilala mo rin naman siguro si Alvin,
‘di ba? Alvin Rios?” Muwestra ko naman kay Alvin sa katabi ko.
“Uh…
Yeah… Nice to meet you, Alvin.” Ani Zeke tsaka inilahad sa kaharap ang kanyang
kamay para makipagkamayan. Although, nakikipagkamayan siya rito’y may pagtataka
pa rin sa kanya.
“Me too…
Ezekiel.” Tinanggap niya naman ang nakalahad na kamay ng nauna.
“Magkakilala
na ba talaga kayo?” Tanong ko. Napailing si Zeke, habang tumatango naman si
Alvin.
“Is
there something wrong? Nagkakailangan ata kayo?” May weird akong nafifeel sa
dalawang ito. Hmmm.
Nag-iwas
na lang ng tingin sa amin si Alvin.
Wala na
kaming imikan noong marami ng nakasakay sa bangka na aming sinasakyan patungo
sa isla. Medyo malayo rin naman kasi siya sa amin.
Napansin
ko lang mula noong pumalaot kami’y hindi maputol ang titig ni Zeke sa kanya. I
wonder kung may nangyari ba sa nakaraan kaya nagkakailangan silang dalawa.
Hindi
naman kami gano’n kaclose ni Alvin. Siya kasi ‘yong tipong pagkatapos ng klase
ay uuwi agad. O kaya nama’y laging nasa library kapag spare time. Nerd nga.
Hindi ko
na lang inintindi ang dalawa. Binusog ko na lang ang sarili kong mga mata sa
pagtingin sa bawat nadaraanan naming isla at sa malawak na karagatan.
Papalubong na rin ang araw kaya’t kulay pastel na ang kalangitan.
Naalala
ko tuloy ‘yong immersion namin last year. Memories that are worth to keep.
Now
that, I have accepted to myself, that whatever happens, between me and Red, ay
tatanggapin ko nang maluwag sa aking kalooban. Isang taon na rin naman akong
nasaktan, edi, all the way na lang kung gano’n ang kalalabasan.
At
least, magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Acceptance lang pala ang kailangan
ko.
Lumayo
man ako’t lahat-lahat. Hindi ko na talaga maaalis sa sistema ko ang gagong
‘yon. Masokista na nga ako. Although, naaawa rin naman ako sa sarili ko,
tatanggapin ko pa rin.
Napahawak
ako sa aking ulo nang nakaramdam ng pagkahilo. Baka dahil sa byahe lang na ito.
Pero… naalala kong madalas na mangyari ‘to sa akin ng nakaraang buwan. Ininda
ko lang kasi, timing din na puyat ako noon.
“Okay ka
lang?” Tanong ni Zeke. Napansin niya siguro ang paghawak ko sa aking ulo.
Napalingon
na rin sa amin si Alvin.
“Yeah.
Okay lang ako. Nahilo lang ako. I don’t know. Baka dahil sa byahe lang na ito.”
Napatango
na lang sa akin si Zeke.
‘Yon
lang naman talaga ang posibleng dahilan. Pinilit kong alisin ‘yon sa akin
isipan. Bumuti na rin naman ang lagay ko pagkalipas ng ilang minuto.
Halos
umabot sa tenga ang ngiti ko nang matanaw ko na ang isla. Makikita ko na ulit
sina Nanay Mel, Tatay Fred, Rea, Greg at ang kambal na sina Kiko at Kikay.
Nakapagpangako pa naman kami na babalik dito.
Ito na
‘yong pagkakataon na ‘yon. Although, hindi ko kasama ‘yong iba kong kagrupo
noon sa immersion. Eli will be here next week, so, makikita niya ulit ang
pamilya Aquino.
Pagkababa
ko sa bangka ay agad kong dinama ang buhangin. It’s good to be back! Ngayon,
hindi ko lang mahahanap ang sarili ko. Dito ko ulit ipagpapatuloy ang lahat ng
tungkol sa amin ni Red.
I’m
ready for next week.
“Riel!
Alis na ako.” Pagpapaalam ni Alvin.
Naglipat
ako ng tingin kay Zeke, na nakatitig pa rin sa kanya. Curious man ako’y hindi
ko magawang magtanong. Mamaya siguro. Lagot ka sa mala-talk show na interview
ko sa’yo, Yamson.
“Saan ka
ba kasi pupunta?” Tanong ko.
“Sa host
family namin last year. Monthly ako pumupunta rito e. A day or two ako
namamalagi sa kanila. Balita ko ring, dito mag-iimmersion ulit ang mga Seniors
ng Arneyo next week. I am planning to visit, so kita na lang tayo. Tapos na rin
naman ang exams.”
“Oh, I
see. Sige ba. Tutugtog ang banda sa last night e. Facilitator din kami.” Tugon
ko.
Nakatitig
na nakikinig lamang sa amin si Zeke. Ano bang meron? Fudge! Kating-kati na
akong itanong ‘yan kay Zeke!
“Talaga?
Edi kasama niyo rin si Jasper? Ah… e… how about Josh?” Aniya. Nag-iwas na rin
siya ng tingin sa akin.
“Oo.
Josh will be one of the facilitators, while Jas is our bassist. Teka? Anong
meron kay, Jasper? Magkakilala kayo?”
“Oo nga
naman?” Nagulat naman ako sa tanong nitong katabi ko. What’s up with him and
Alvin ba? Argh!
“Ah… e…
Wala wala! Sige! Alis na ako. Baka hinahanap na nila ako. Pakisabi na lang kay
Josh, na kung meron siyang time, ay pakipuntahan na lang sina Nanay.
Napatango
na lang ako sa kanya. Agad naman nitong nilisan ang lugar kung saan kami ngayon
nakatayo ni Zeke.
“Tell
me, Zeke. Anong meron kayo ni Alvin noon? Kasi alam mo ‘yon. Naguguluhan ako sa
kinikilos ninyong dalawa simula noong nagkita kayo sa port.”
Bumagsak
lang ang kanyang balikat. Napabuntong hininga na rin lang siya.
“Ano sa
tingin mo?” Aniya.
“Hello?!
Kaya nga ako nagtatanong kasi wala akong kaide-ideya.”
“Let’s
just talk about it later. We need to go.” Aniya.
“Tss.
Umiiwas? Gano’n? Don’t get me wrong, okay? Sinabi mong may gusto ka sa akin,
tapos may nakalipas pala sainyo ni Alvin? Ano ‘yon Zeke, diversion? Kelan pa
‘to?”
“Later,
okay? Sasabihin ko sa’yo lahat. Kailangan na nating puntahan ‘yong pakay natin
dito. We’ll have dinner with them. We can’t be late.”
Panay na
ang irap ko sa hangin habang naglalakad kami papunta roon sa sinasabi niyang
makakatulong sa akin sa paghahanap ko ng mga kasagutan. Mura roon, mura rito.
Mura everywhere! Kainis! Ayoko pa namang pinaghihintay sa ganyang mga scoop!
“Tss.
Umiiwas pero panay naman ang titig kay Alvin kanina. Kung nakakatunaw lang
siguro ang mga titig mo, nahalo na siguro si Alvin sa tubig alat ng dagat
kanina.”
Kanina
pa ako dada ng dada rito, pero hindi niya man lang ako pinapansin. Tss.
“We’re here.”
Aniya na nagpatigil sa akin.
Literal
na napanganga ako nang makita ko ang napakagandang resthouse. Meron pala nito
rito? Baka hindi pa ‘to naitatayo rito noong napunta kami for immersion.
Halos
kasing laki ito ng resthouse nila Zeke sa Batangas.
“Huy!”
Sigaw ni Zeke.
“Peste!
‘Wag kang manggugulat! Uupakan kita! May ‘di ka pa sinasabi sa akin!”
“Tss.
Alam mo! Nakakaturn-off ang kakulitan mo! Buti na lang nireject mo agad ako. I
would have gone to hell, kung naging tayo.” Aniya.
“Kapal,
huh?!”
Akala mo
naman kung sinong gwapo! Kapag mahal mo ang isang tao, dapat tanggap mo lahat
ng kapintasan sa buong pagkatao niya. I guess this crazy bastard doesn’t really
love me at all! Hindi sa umaasa ako ‘no! Nireject ko na nga e!
Kasi
nga, may laman na ‘yong puso niya. ‘Yong totoong mahal niya.
Malayo
lang kaya dinadivert niya lahat sa kung sino na lang. Ooops! Parang below the
belt na ata ‘yon. Peace! Lol!
“Tara na
nga! Gutom na ako e.”
“Tse!
Suplado nito! Gutom na rin naman ako.” Umirap na lang ako sa kawalan pagkatapos
ko ‘yong sabihin.
“Oh!
You’re here!” Pamilyar sa akin ang boses ng nagsalita.
Unti-unti
ko na lang inilakbay ang paningin ko patungo sa pinto ng resthouse kung saan
naroon kami ni Zeke.
“Hi!
Tita!” Pagbabago ng tono ng boses ni Zeke.
Naestatwa
lang ako sa kinatatayuan ko. Agad naman itong lumapit sa kinatatayuan naming
dalawa saka ko nakumpirma kung sino nga ito. Nakasunod na sa kanya ang asawang
may ngiti sa kanyang labi akong nasilayan.
“Mama...
Papa...” Namutawi sa aking mga labi.
Nakita
ko na lang na nakalahad ang mga kamay ni Mama. Tanda na handa na siya para
yakapin ako. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Kahit na nga, naging
emosyunal na ako’y nagawa ko pang tingnan si Zeke.
Tanging
tango na lang ang nakita ko sa kanya.
So… it’s
them? Sila ang makakatulong sa akin? Ang sasagot sa mga katanungan ko?
Agad
kong inalis sa likod ko ang bag ko’t marahang itong inilapag sa buhanginan,
tsaka ako tumakbo palapit sa kanila para yakapin ang mga ito.
Namiss
ko sila!
Nasa
harap kami ngayon ng hapagkainan matapos ang madramang pagtatagpo kanina.
Magtatatlong oras na rin buhat noon. Nalaman ko na rin ang lahat mula sa
kanila. Kaya heto ako ngayon, walang imik.
“Okay
lang na magalit ka kay Red, dahil sa ginawa niya sa’yo. Maiintindihan namin.
But let him, tell you everything okay? Sana maayos niyo pa rin ito.” Nag-angat
ako ng tingin kay Mama tsaka tumango.
“Opo.
Mama.” Tugon ko.
“I want
you to teach Red a lesson. ‘Yong maiisip niyang mali talaga ang ginawa niya.
Pinaabot niya pa ng isang taon. Well, we’re sorry too. Kasi pinagbigyan namin
si Red. Pasensiya ka na, Riel, ha?” Dagdag pa nito.
“This
time, sabi nga ng Mama mo, ikaw naman ang gagawa no’n sa kanya. Ikaw lang kasi
ang makakagawa no’n.” Saad naman ni Papa.
“Hindi
ko po ata kayang gawin ‘yon…” Napaangat ako ng tingin sa kanila. Napangiti
lamang si Mama sa akin. Si Papa naman ay napatango.
“Ang
swerte ng anak namin sa’yo.”
Napangiti
na rin lang ako.
“Dapat
po sana, sisimulan ko ng alisin si Red sa buhay ko. Kaya nga po ako, umalis ng
Naga. Pero, kahit anong pilit ko, hindi ko magawa…” Nakikinig lamang sila sa
akin.
Napagtuunan
ko ng pansin si Zeke na nasa porch, malayo ang tingin. Malinaw ko ring nakita
roon ang magandang hubog ng crescent moon sa langit.
“Mahal
na mahal ko po si Red, the fact na para na siyang mantsa sa paborito kong
damit. Kahit ilang beses kong labhan, kahit ilang beses kong buhusan ng bleach,
kahit ilang beses kong ibabad, kahit ilang beses kong kusutin, ay hinding-hindi
na talaga maaalis doon. ”
“Ikaw
ang bahala. Next week andito na sila for the immersion. Hahayaan kita. You
deserve to be mad after all. Pero, hindi ko ata maipapagawa sa’yo ang gusto
kong mangyari sa anak ko. Nakaligtaan kong, hindi ka gano’ng tao.”
“Masaya
na po akong malaman ang dahilan ng pag-alis niya. At least, nabunutan na ako ng
tinik.”
“Siya
nga pala, ‘wag kang magagalit kay Dave. He’s just helping Red. ‘Yong sa
airport, wala ‘yon sa plano.”
“Mama
naman, e! Pinaalala niyo pa!”
“Ay!
Hahahaha! Sorry!” At nagtawanan na lang kami.
I’m
sorry to disappoint you, guys. Hindi naman kasi makitid ang pag-iisip ko. Kung
kailangang intindihin, iintindihin ko. Pero… pinag-iisipan ko ang magiging
parusa ni Red. Mokong na ‘yon! Inisip niyang papalitan ko siya? Bwiset!
Nagkuwentuhan
pa kami hanggang sa pumatak ng alas dose ng hating gabi. Kanina pa walang imik
si Zeke. Nasa iisang kwarto kami ngayon. Nasa may bintana siya, patuloy pa ring
nakatingala sa kalangitang punong-puno ng bituin.
“Hey!
Are you okay? May sasabihin ka pa pala sa akin.” Pagkuha ko ng pansin niya.
Marahan
naman siyang tumango sa akin.
“Alam mo
ba ‘yong kwento behind the stars, Vega and Altair?” Tanong niya. Nasa
kalangitan pa rin ang atensyon niya.
“Uh…
yeah. Bakit?” Tanong ko. Lumapit na rin tuloy ako sa kabilang bintana.
Nirelate
ko palang 2 days ago sa buhay pag-ibig ko e. Now that I have a clear
understanding about what happened, aakma na ‘yon ngayon. Gago kasing Red ‘yan!
Bullshit na insecurities niya! Kahit kailan hindi ko inisip na kulang pa siya
sa buhay ko.
Sa halos
isang buwan na naging kami, hindi ko naramdaman na may kulang. Putang ina!
Dadramahan ko talaga ang mokong na ‘yon kapag andito na siya.
“We had
a one-night stand.” Out of the blue’ng pagsasalita niya na naman?
“Ha?! Nino?”
Naguguluhan kong tanong.
“Ni
Alvin.” Seryosong sagot niya.
“Oh!”
Literal na napa-o talaga ang bibig ko.
Kaya
pala gano’n na lang sila kailang sa bawat isa kanina sa bangka.
“Wait!
When was that? And paanong sabi mong gusto este mahal mo ako?”
“A year
and a half, ago. Bago pa umalis si Red. Nakalimutan ko na kasi ‘yon, at wala
namang nakakaalam kaya’t namaintain ko ang image ko. Kaya naituon ko rin ang
pansin ko sa’yo.”
“Paanong?
‘Di ba schoolmate natin si Alvin? Paano mo malilimutan ‘yon?”
“First
of all, I don’t know his name. Pangalawa, hindi ko alam na sa school natin siya
nag-aaral. Nagulat nga ako na kilala mo siya. Hinanap ko siya ro’n. God knows
how hard I did, just to find him.”
“What?
Seriously? Paano nangyari ‘yon? Sa mga panahong ‘yon, lagi kong napapansin si
Alvin sa classroom.” May sira na ba ang paningin niya?
Mabilis
akong nagbukas ng facebook app. Nakita ko ang nasa 80 nang messages ko, may a
hundred and plus na rin akong notifications at sampung friend requests, pero
hindi ko iyon binuksan. Agad kong nitap ang search box saka initype doon ang
pangalan ni Alvin.
Lumabas
naman ito agad, pero bago na lahat ng pictures niyang naroroon, the way he was
when we met him at the port kanina. Hindi siya ‘yon e. Nerd siya! Nerd!
Naghanap
ako sa photos niya, at may nakita naman ako no’ng high school days. Agad ko
itong iniharap kay Zeke.
“That’s
him, a year ago. Hindi pala! All his high school days!”
Tinitigan
naman niya ito ng mabuti.
“It’s
him? Are you sure? Hindi naman ‘yan ‘yong itsura niya no’ng magkakilala kami sa
bar. ‘Yong itsura niya kanina, ‘yon ‘yong nakilala ko sa bar.”
“Yes,
it’s him. We’re from the same Section, Zeke. Hindi kami close, pero, kilala ko
siya kahit sa anong parte ng mukha niya. Hindi ko alam na sa sobrang pagkanerd
no’n e, hindi mo rin aakalain nagbabar din naman pala…” Nag-isip pa ako ng
konti.
“And to
think, he’s like me. Alam mo na. Ikaw din. Wow ha! Ang galing mong magtago
no’n. Ang galing niya rin.” Dagdag ko. Napakibit-balikat na lang siya sa akin.
“He’s
unforgettable.” Aniya.
Napatango
na lang ako sa sinabi niya.
Napakamisteryoso
talaga ng pag-ibig. Kahit maraming araw na ang nagdaan, kahit natabunan na ng
maraming alaala ang mga nangyari, kapagka pala isa ‘yon sa mga alaalang tumatak
sa pagkatao mo, hinding-hindi na iyon maaalis.
Naisip
ko lang. Hindi niya naman mairerelate ang kwento nila sa kwento ng stars na
Vega at Altair. At least ‘yong dalawang bituin, magkasintahan sila, kahit
malungkot na sa bawat isang taon lamang silang nagkakalapit sa isa’t isa.
Ay ewan!
Poproblemahin ko pa ang isisermon ko sa gagong Red na ‘yon e!
“‘Di ba
sabi ni Alvin, dalawang araw siya rito? Puntahan mo kaya?”
Napatango
na lang ito sa akin.
“Hala!
Matulog na nga tayo. Paghahandaan ko pa ang pagdating ng magaling mong
kaibigan!”
“Ano kaya
kung pagselosin mo.”
“Ayoko!”
Hindi ko ‘yon gagawin! Faithful ako. Lol!
“Sige
na! Isang beses lang. Let’s see kung anong magiging reaksiyon niya. You deserve
to have at least one shot to hurt him. Aba, isang taon ka ring pinaiyak ng
gagong ‘yon. Kung hindi ko lang sana nakita ulit si Alvin, hindi na talaga kita
titigilan.”
“Zeke!”
Itinaas niya naman ang dalawang kamay.
“Sabi ko
nga.” Aniya saka tumawa.
Kanina
nagdadrama, tapos ngayon naman, nagbibiro na. Tss.
“Let me
think about it—.” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mahilo na naman
ako. Napahawak na lang ako sa aking ulo.
Umiikot
na naman ang mundo ko.
“What
happened?” Nag-aalalang tanong nito sa akin.
“Nahilo
na naman ako.” Mabilis na tugon ko. “Masyado na ata akong nagpupuyat these past
few days.”
“Teka
nga lang, I’ll ask Tita if they have meds for that. Baka low blood ka na.”
Aniya saka mabilis na lumabas ng kwarto. Pipigilan ko sana siya pero, hindi ko
na ‘yon nagawa.
Inayos
ko na lang ang sarili ko sa kama tsaka nahiga ng maayos. Itutulog ko lang ‘to,
bukas okay na ulit ako.
Ang
inaalala ko lang ay napapadalas na ‘to ngayong month.
Itutuloy…
Puahahahaha!
ReplyDeleteAburidong-aburido yung character ko :v
Mura pa murr xD :v
Woi Kuya Rye, nahawa lang ako sa tawa ni Little Red :3
- Sichem
Ang ganda ng update nato buti nalang na realize ni Riel na si Red lang kaso ang kinakatakot ko mukhang may sakit si Riel sana naman hndi malubha pano na sila mag sasama ng matagal ni Red hayys :( wala talagang forever -.- JK hahahahaexcited na ako sa susunod na update kaso ayoko din kasi feeling ko malapit na tong matapos sana hindi naman. Pls mr.author!!!!
ReplyDelete-44
nararamdaman kong malapit ng matapos ang kwento hehe. Riel laging ka yata nahihilo, baka may amnesia ka at baka pagising mo, maaalala mong ikaw pala si anabel dela rama.... hmmm bagay! hahaha.
ReplyDeleteBharu
Hay antagal ng update Kuya Rye! Pero worth the wait. Hindi po ako nabo-boring-an kuya. Haters lang yaaan!
ReplyDeleteUnconditional love ituuu :D kaso mukhang may sakit pa ata si Riel! Awts
- Michito
More power author! :)
Hay kuya rye nkaka excite lalo ung next chapter nitong kwento mo anu kya magiging plano ni riel para bgyan ng lesson si red, the question is anu ang sakit ni riel na madalas nitong pagkahilo
ReplyDeleteMalapit na muli mgsama sina cheese and blueberry
Jharz
No comment na lang ako, baka magalit ang Mahal na author.
ReplyDeleteAng kulit ni zeke... Excited na ako sa next chapter... Pwede bang batukan lang ni riel c red ahahaha -dave
ReplyDeleteButi naman at napaka maintindihin netong si Riel. Hahaha.
ReplyDelete-yeahitsjm
Tsk...tsk...ang martir naman ni Riel. Dapat maki-ayon sya sa plano nila Zeke at ng mom ni Red para maramdaman naman ni Red yung sakit na binigay nya kay Riel. Tapos pag durog na ang puso ni Red saka nya sabihin na palabas lang ang lahat. O di nagisa si Red sa sarili nyang mantika ;-)
ReplyDeleteThanks for the update author. I hope wala namang malubhang sakit si Riel masyado na syang kawawa kung magkakasakit pa.
Brix
Di mo tlaga makakalimutan ang sang taong nagkaroon ng malaking parte in our life. Yeah dude, another lesson from this chapter. Pero lapit na ata ang ending. Sana may poreber dito *o*
ReplyDelete#avid_reader
hi mr. author. :) i really like the story.. mula chapter 1 til now. talagang nailalabas nito yung iba't ibang emotions ko. galit, saya, lungkot, pait, sakit, kilig... huwag mo lang sanang patayin si Riel sa ending .. baka magpakaEndless Love: Autumn in my Heart sila hehe .. more power and Godbless.. sana ako din mkpgpost ng story n gawa ko ...
ReplyDelete-- Ihno Sansenin
nakakabwustit na c riel!!
ReplyDelete