Author's note:
Hi guys! HAHAHA nakakatuwa masyado yung mga comments nyo sa first chapter ng love game, well first i would like to always thank sir mike and sir ponse. thank you po! ( insert kahtryn bernardo) haha. well anyways i hope na mag enjoy pa kayo for the next chapters, yeah pasensya na kung medyo failed yung pag gawa ko sa chapter 1 ha, lalo na yung pag lagay ng link ng account ko hahaha di ko kasi alam kung paano xD oh well, sa mga nabilisan po sa unang chapter pasensya na kasi sa college life po talaga ako nagfocus eh pasensya na po ulit.
eto mukhang mahaba na ata itong chapter na'to just for you guys. pero kung nabitin kayo ulit sige lang hahabaan ko pa lalo hahaha. comments and suggestions are highly appreciated negatives man o positives. thank you!
add nyo na lang ako search nyo na lang : Axel De los Reyes, lalabas ang gwapo kong mukha haha edi wow!
I would also want you to support my co RA'S here in MSOB and please enjoy your reading LOL
so here's your chapter 2 guys!
CHAPTER 2
Zandro’s pov
Nandito kami ngayon sa SIU, grabehan lang ha? School ba ‘to o mall? Parang di naman ata ako pwede dito, gwapo at magagandang mayaman lang ata pwede dito eh?
Sabagay,
Maganda lang ako, walang yaman.
O subukan nyong umangal mga sis, baka makita nyo pagkalalaki ko
Chraught lang mars.
Kung may pera lang sana kami, dito na rin ako. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni inay noong graduation
FLASHBACK
“ grabe ka sakin best, teka sasama ako sayo mag enroll sa SIU huh!”
“ K. Sana dun ka na lang din e. O sya maiwan na kita at mag cecelebrate na kami ng magulang ko”
“ sorry ha, mayaman ako eh, sa sobrang yaman ko piso lang wala pako haha, teka, di mo man lang ba sya kakausapin?”
“ di na no! Wala namang mapapala, suntukin pako nun haha o sya see you tomaro!”
“ HMMP! Bahala ka nga dyan. Okay bye popokpok pako eh mwuahhugs”
Pagkatapos naming mag usap ni axel, agad lang akong lumapit sa mga magulang ko at niyakap sila
“ Anak, pasensya na ha? Kung di ka na namin kaya pang tustusan sa pag aaral mo, kapos kasi tayo sa buhay eh, alam mo naman na isang kayod isang tuka tayo, kung di lang dahil sa scholarship mo ngayong highschool, di ko na rin alam kung saan tayo kukuha ng pang gastos natin sa pag papa aral sayo anak eh, pasensya na talaga ha? Hayaan mo, pag nakaluwag luwag tayo, balang araw mapapaaral ka rin namin ng itay mo, sa ngayon tiis tiis muna ah? Mahal na mahal ka namin anak kahit ganyan ka kakulit” ang maluha luhang pahayag ni inay.
Hindi ko alam na umiiyak na rin pala ako sa oras na iyon, hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit, magtampo o mainis man lang sa kanila dahilganito ang buhay namin.
Sa totoo lang, napakaswerte ko at nagkaroon ako ng mga magulang na tulad nila, na kahit salat sa buhay eh makikita mong nagmamahalan ang bawat isa.
Gaya ni axel, tanggap ako ng mga magulang ko..
Ay mali
Tanggap na tanggap nila ako, lagi nga akong inaasar ni inay na
Nung isinilang nila ako, himbis daw na umiyak ako pag labas
Ang sinigaw ko daw
DARNA!!!!
Hindi ko alam pero sa oras na sinasabi ni inay yan ay lagi kaming nagtatawanan at nararamdaman kong mahal na mahal nila ako.
Sila ang buhay ko, sila ang tumayong mga paa ko sa oras na gusto ko ng sumuko. Kaya kahit ganito ako, pipilitin kong mairaos sila sa hirap kahit anong mangyari at kahit buhay ko man ang kapalit.
Agad ko lang niyakap si inay at si itay pagkatapos namin magdrama.
Pag tapos ng ceremony, agad na rin kaming umuwi dahil may surprise daw sila para sa akin.
Wala akong kaideideya.
Isa lang ang iniisip ko
Sana pagpasok ko ng bahay
may lalaking naka boxer shorts lang tapos sasayawan ako ng sexy dance. HAHAHAHAHA CHARAUGHT LANG MGA TE.
Nagtataka na nga ako dahil kanina pa nakangiti tong dalawang matandang to eh haha.
Nung pagbukas ko ng pinto, nagulat lang ako sa nakita ko
Isang lalaking naka brief lang
Joke lang. HAHAHAHAHHHA
“ conratulations anak! “
Ang daming pagkain! Tapos may isang gift na naroon. Grabe san kaya nila kinuha to? Eh wala naman kaming pera?
Gulong gulo man eh niyakap ko ulit sila
“ inay! Itay! Maraming maraming salamat po, dapat po di na kayo nag abala, maiintindihan ko naman po kung wala tayong handa eh, hindi naman po importante iyon, ang mas importante ay nakapagtapos ako ng high school” ang mangiyak ngiyak kong sabi
“ anak, hindi ka lang dapat sa amin mag pasalamat, sa mga magulang din ni axel, sila ang may kagagawan nito. Eto nga oh, binigyan pa tayo ng pocket money daw tawag dito” saad naman ni itay
Kahit kailan talaga, napakaswerte rin ni axel sa pamilya nya. Napakabait nila tita kung tutuusin pero salamat pa rin talaga ako sa kanila dahil sila ang sumusuporta kahit papaano sa amin sa pang araw araw naming pamumukhay dahil trabahador si itay sa isang business nila tito.
END OF FLASHBACK
Gustuhin ko mang mag aral pero naiintindihan ko ang sitwasyon namin, at kahit kailan, hindi ako mag hahangad ng kahit ano mula sa kanila dahil alam ko kung anong estado sa buhay meron kami.
Well anyways, since nabasa nyo na ang buhay ko, back to reality na tayo mga te.
Nandito nga kami ngayon sa SIU
Busog na busog na ang mga mata ko grabe, ang dami ring mga mayayamang estudyante ang nag iinquire, maswerte na nga lang talaga si axel dahil mayroon syang kumbaga special treatment.
Ikaw ba naman maging valedictorian ng high school eh. Tapos scholar pa. Edi wow!
Nang matapos kami sa mga kabalbalan namin umupo lang kami saglit, aba nakakapagod kaya yon
Inikot ko lang ang mga mata ko ng may makita akong hindi inaasahan.
“BEST! BEST! BEST! OMG OMG OMG MY GAAADDD!!!”
“ ANO BA YON?! Punyeta to makatili ha? Pinagtitinginan na tayo oh!”
Inginuso ko lang ang gusto kong sabihin, aba sa haba ng nguso ko imposibleng di nya maintindihan yung gusto kong iparating ha?
Ng makita nya kung ano yung tinuturo ko
Ayun si baklang axel
NAESTATWA
PARANG INIPUTAN NG KALAPATI
PARANG BINUHUSAN NG YELO
PARANG SINEMENTO ANG MUKHA
“ TE? Matunaw oh? Laway mo oh? Ambaho pa naman” agad na pag sabi ko ng maulirat sya sa katotohanan
To talaga si kagwang minsan shunga shunga rin ano? Umalis na yung tao nakatulala pa rin
Ano yun naiwan kaluluwa te?
“ isa ka pa! Kanina ka pa barocha ng barocha dyan hindi ka pa nag papakilala”
Teka teka? Bat parang boses ni kuya jeam?
Teka tama sya hindi pa pala ako nag papakilala. HAHAHA
Hi mga sis! Ako si Nicollete Ariana Anderson ang bestfriend ni Axel
(parang di naman yan binigay ko sayo ah?)
Manahiik ka dyan author!
Well yan ang pangalan ko
Sa gabi
Zandro Procopio Feliciano sa umaga
Haynako! Ewan ko ba dyan sa mga magulang ko kung bakit ba naman isinama pa yung pangalan ng lolo ko sa pangalan ko, ang bantot bantot jusko day!
Ay teka san na nga ba tayo? Ah oo about kay bestie, masaya ako na nakapasok sya sa pinangarap nyang eskwelahan,
ako? Ayun sa TGU lang,
Tambay sa Gilid University,
mahirap buhay eh, mayaman naman sa lovelife, oha! Kaso may problema tayo mga friends.
Si Dave! Dun din pala sya mag aaral! Well, kilala lang naman syang notorious sa mga kabaklaan, natakot nga ako sa kanya kapag nakatingin sya sa amin eh ( assuming ka lang hoy!) parang papatay ng mga dyosa sis!
Kaso,
pano na si axel nyan? Di naman sya cross dresser kasi
Una gwapo
Pangalawa matalino
Pangatlo baby face at lalaki pa rin umasta ( di kasi sya nagsusuot ng pambabae gaya ko, kumbaga ang tawag sa kanya PAMINTA! HAHAHA)
Kaso
Pang apat, pandak na nga mataba pa! may times pang nagiging malamya!
WORST! DI PA KAYANG PROTEKTAHAN ANG SARILI! ( wow thank you ha! - Axel)
HAYS. Nababahala ako sa kanya, di natin maiiwasan na hindi sila magkita, nasa isang university lang sila eh tsktsk worst, hindi alam ni bestie na kilala sya ni dave at alam kung ano ang pagtingin na meron sa kanya :3 . Bahala na nga, o sya next chapter na lang muna ako guyth text me 0927*****15 haha.
Dave’s Pov
Shet! Tangina. Natapos din magpaenroll. Kung tinulungan lang sana ako ng mga magulang ko para mapadali ang proseso sa pag enroll edi sana kanina pako nakapag hayahay habang pinapaligaya ng mga babae dyan.
Sabagay, ano ba mapapala ko sa kanila? Eh halos isumpa at itakwil na nga nila ko eh, well, wala silang magagawa eto ako eh pariwara
AT higit sa lahat,
GALIT AKO SA MGA BAKLA!
Ako si Dave Sandoval, isang sikat na basketball player noong highschool at ngayon, isa sa magiging varsity ng SIU. Mabait ako, sa mga babae at kapwa ko tunay na lalaki,
pero galit na galit ako sa mga bakla, nandidiri ako sa kanila. Ayokong nadadaplisan ng kahit ano mula sa mga bakla
FLASHBACK
Nandito ako sa canteen dahil break ng may biglang lumapit sa akin na mukhang higher year
“ hi im harord”
“ uhhmm dave po”
“san ka kakain? Pwede ko bang kainin yan?” sabay dakot ng aking jr.
Nagulat ako sa nangyari kaya kahit maraming tao
“ gago to ah”
Blag
*blag*
blag*
Ending? Ayun, nasa orthopedic si gago, bali ang kamay eh.
END OF FLASHBACK
At dyan ang umpisa kung bakit ayoko sa mga bakla, mapanamantala. Kay alam ng lahat kung anong pwede kong gawin sa kanila.
“ BEST! BEST! BEST! OMG OMG OMG MY GAAADDD!!!”
“ ANO BA YON?! Punyeta to makatili ha? Pinagtitinginan na tayo oh!”
Agad akong napatingin kung sino yung sumigaw.
SA KAMALAS MALASAN NGA NAMAN OH! DITO PALA MAG AARAL ANG HAYOP NA BAKLANG TO!
Bwisit talaga! Subukan mo lang lumapit sakin, makakatikim ka ng galit ng isang Dave Sandoval.
FLASHBACK
“ Dave, tignan mo yun oh, tingin ng tingin sayo, mukhang type ka ata haha” eto nanaman ang bestfriend kong si ivan. Lahat napapansin nya kaya wala kang lusot dyan.
“ subukan nya kong lapitan babangasan ko pagmumukha nyan.”
“ grabe ka naman pre! Matalino yan gagi. Makakatulong satin yan haha!”
“ gago! Alam mo kung gano ko kagalit sa mga bakla. Isa pang tingin tatanggalin ko mata nyan” pilit kong paglakas ng tono para marinig nya.
Nagtagumpay naman ako haha umalis si bakla, nakakadiri talaga, kulang na lang hubaran ka ng mga titig nya pa lang yuck!. Eh takot sakin lahat eh, isa pa sikat ako dito sa school na’to dahil bukod sa player na ng basketball, sikat din ako sa pagiging notorious sa mga bakla.
END OF FLASHBACK
Agad lang akong lumihis ng direksyon para magkunwaring di sila napansin,
tangina talaga, sirang sira na ang araw ko. Bwiset! Subukan mo lang axel mangulo sa buhay ko, di ka gagraduate ng buhay dito.
Axel’s pov
Di ko alam kung ano magiging reaksyon ko ng makita ko syang dito rin pala mag aaral.
Ano kaya course nya?
Same course kaya kami?
Kung oo, sana maging magkaklase kami hihi. ( tigil tigilan mo yang kalandian mo ha)
Kaso maging mag kaklase man kami, alam kong magiging mailap sya sakin, eh galit sa mga kalahi ko yun eh! Gusto ko pang mabuhay no HAHAHA.
Kaso wala akong kakilala na highschool batchmate na dito rin mag aaral bukod sa kanya. Sya lang talaga. Gusto ko pa naman sana kahit papaano may kasa kasama akong mag eenjoy dito na product din ng highschool namin.
Saka na nga muna yang friends friends na yan ( friends nga ba?) tumigil ka author!
tinignan ko lang yung schedule ko
Shet namang schedule to! Monday to Saturday 10 am to 8 pm! Yung tataa? Papagraduatin nyo ba ko dito ng buo pa katawan ko?! Bwisit. Dibale na, since valedictorian ako, full scholar ako oha! Kelangan ko lang daw mamaintain yung grades ko. AJA!
Psychology major ako ngayon, pero shet nanaman! May math nanaman?!
Oo valedictorian ako ng batch namin pero aminado naman ako na pagdating sa math,
Nangongopya lang ako. HAHAHAHA.
Anyways, makakahanap tayo ng paraan nyan. Just enjoy your life and live to the fullest.
After namin mag enrol ni PROCOPIO, nag ikot muna kami sa megamall, ang laki talaga neto grabe pang mayayaman lang ata pwede pumunta dito.
“ procopio grabe ang laki nun tignan..............teka nasan yung hinayupak na yon?!”
*FACEPHALM*
Ayun si garampingat, umaaura sa gwapong nakatayo sa isang store.
Si bakla puro lalaki inatupad, i wonder kung virgin pa yang hayop na yan. HAHAHAHAHA.
Well ako, oo no! Isa lang naman ang gusto ko eh, kaso alam mo na NGANGAZONED.
“ best! Gwapo ni kuya! Nakuha ko number OMG. Kaso parang sayo nakatingin, punyeta ka. Wag mong aagawin sakin yun ha!”
“ eh unggoy ka pala eh, ni hindi ko nga kilala yun tapos sasabihan mo’ko nyan?! Pwera na lang kung ibibigay mo sakin number nya, nako mag isip isip kana. HAHAHA”
“ pakyu. Umaura ka ng sarili mo no! “
“ erhm, eshush me, ako kashi ang nilalapitan, hindi ako yung lumalapit GAYA NG IBA DYAN!”
“ EDI WOW! SANA BINAGGIT MO NA LANG PANGALAN KO DIBA?!”
“ okay. DI KASI AKO GAYA NI ZANDRO PROCOPIO FELICIANO eh.”
“ ay tangina ka”
At sabay na kaming tumawa. Masaya talaga kasama tong bestfriend ko, naiintindihan nya ko at ganun din ako sa kanya. MINSAN.
Magiging masaya kaya ang college life ko? SANA NAMAN. Sana magkaroon din ako ng chance malapitan ang isang dave sandoval.
Improving hah. Kaso mas maganda kung mahaba ung update. Pero maayosman ang pagkakagawa. Good job! :)
ReplyDeleteBitin po mr. Author :)
ReplyDeleteThanks sa update
-ylden
Thanks sa update Author!. Nakakaexcite ang susunod na mangyayari. Hindi pala alam ni axel na alam na ni dave na may gusto sya dito. Update na agad author. Hahahaha
ReplyDeleteBitin parin. Doblehin mo nlang kaya ang haba ng chapter na to author sa next update. Kung okey lang :)
Job well done!
So gay
ReplyDeleteNice :)
ReplyDelete