Just For aMoment
By: Bluerose
CHAPTER 3
AUTHORS NOTE: SUPER THANKS SA LAHAT NG SUPPORT! Hehe.. Intense.. Basta thank you.. HAPPY BDAY KAY IAN KITOY! hehe love ya bebe.. Goodluck sa lovelife hehe..
Sa BTBBC na laging nakasupport mwuah mwuah guys.. Kay young, Red, Jigs and Rhafy.. Sa mga admin ng group super thanks guys hehe.. Kay NHie cas na lumalovelife na ngayon hehe humabol pa eh haha.. Kay park or sichem salamat bro sa support mo sa group hehe.. Pasabog ka eh.. At yung kpop virus.. Lakas mo makahawa haha. Kay nestea and micky cruz! Hehe salamat sa support.. Hope makavisit kayo sa page ni nestea.. Hi miles go.. miss yaw..
Kay RYE, VIENE, PRINCE JUSTIN, SEYREN, COKIE CUTTER.. At sa iba pang AUthor hehe.. Support po natin sila.. Solid yung mga story nila promise astig! Mwuah mwuah.
Kay lex novela .,. Miss ya bro VK TREBB, brye Stanton, Jhooharei tabao, Adrian pariz tiu, summer rain, Xheanne Yco, jay trinidad, junrey, shaibord, jazz price, JM perez, john kevin, jharz elemento.. SUPER BIG THANKS! Hehhehe.. Salamat talaga.. Sali kayo sa group more pictures of the characters.. Discussion.. Kwentuhan.. Close close tayo guys hehe.. Mwuah
https://www.facebook.com/groups/carlosbluerose
SI JOSEPH
Expect The unexpected.. May mga bagay talaga na nangyayare kahit ayaw mo or kahit di mo gusto O kahit lumuhod ka pa..O kahit lumuha ka pa ng dugo wala kang magagawa. It is what it is..stick with the plan.. Gods plan.. Tanggap lang ng tanggap remember mahirap kalaban si tadhana. Sayang ang energy.
Sabi nila na ang salitang "Move-on" daw ay shadow lang ng salitang "Acceptance" Kasi kahit gustuhin mo magmove-on kung hindi mo naman matanggap yung nangyayare. Or di mo matanggap na wala ng pag-asa ..You'll always go back to zero. Masakit oo.. Pero time heals all wouds naman di ba.. So All you have to do is accept it first then move on. Yan ang batas ng pagibig at lalo na ng pusong nasugatan.
" kahit ayaw mo.. Si Chris talaga ang kailangan natin.. Sya lang naman ang may kayang sabayan yung boses mo.. Saka yung fan base niya.. Bro it's huge.. Imagine kapag pinagsama yung Gravity at Antagonist.. Bomba yung pare!"
" kami ni chris bomba.. Sasabog kami parehas.."
"positive di ba..?"
" Pero negative yung gagong yun eh.."
"nakamove on na sya.. Saka alam mo ba na kakabreak lang nila ng girlfriend niya.." natigilan lang ako sa sinabi niya.. Di ata nabanggit ni erika yun.. Haixt sabagay busy yun sa bago niyang kinababaliwan.. Sino..? Secret haha
" nagkagirlfriend yun..?"
" yeah sabi ni Geo ilang buwan din sila nun.."
" Saklap talaga ng lovelife ng gagong yun.. Mayabang kasi."
"parehas kayong masaklap ang lovelife kaya shut up bro."
" nakakatawa.." simangot ko.
"ok .. Joseph kakausapin ko sya huh.. Pupunta ako sa bahay nila mamaya.."
"Kasi naman eh.."
" wag ka ng kumontra.."
" bahala ka.. Imposible naman na mapapayag mo sya."
" try me.." saad nito.
" fuck you.." inis na saad ko saka binaba yung phone ko.. Gigil ko lang na sinuntok yung kama saka tumayo aaiixxt kainis paglabas ko ng kwarto nakita ko lag si daryll na nanunuod ng tv.. At home na at home tong hayop na to.. May Tv kaya sya sa loob ng shell niya..? Hahaha
" Hoy.."
" why..?"
"sino nagsabi na buksan mo yang tv namin.."
" ako.." rinig kong saad ni mama sa likod ko.. Aytt dambuhala. Natawa naman si daryll.
" ma.." pilit na ngiti ko.
" what..?"
" wala.." inis na saad ko saka naupo din sa sofa kaharap si daryll. "pagong alam mo ba yung salitang AWKWARD?"
" oo naman. Spell As A-W-K.?"
"Shut up... Di ka naiilang sakin..? Eh kung magbalak akong agawin sayo si franz.?"
" hindi mo gagawin yun.. Saka ineenjoy ko lang tong place niyo.. Sa pagkakantanda ko kasi ito yung pangatlong beses kong nakapasok dito."
" tatlong beses na ba..?"
"yeah una yung naglaro tayo ng basketball.. Then yung sinugod natin sa ospital yung mama mo at ngayon.."
" kaaway mo kaya ako..?"
" dati.. Saka bestfriend ka ni franz.. So bestfriend narin kita.. Hindi ako marunong magtanim ng galit don't worry."
"aixt di ko na nga matanggap na bestfriend ko si franz.. Tapos gusto mo ibestfriend din kita..??? Putek mga baliw ba kayo.?"
" baliw ako kay franz.. Baliw si franz sakin. So I think we're crazy."
" bakit pati ako dinadamay mo..?"
" kasi one day mababaliw ka din sa isang tao.. "
" Nabaliw na ko kay franz dati at di na mangyayare uli yun."
" Really.. May alam ako.." ngiti niya kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya.
" so nadiscover mo na pano lumangoy..? Pawikan ka na ba ganun..?"
" hindi.. May nakita kasi ako nung party.. I mean hindi lang nakita.. Narinig ko."
" ano sinasabi mo..?"
" nung gabi sa party.."
" Ano alam mo..?"
" mine ano yun..?" rinig kong saad ni franz saka lumapit kay daryll.
" uhm wala. Mine.. Private life ni joseph yun so dapat di tayo makialam.."
"ano ba sinasabi mong pagong ka.?"
" luto na ba mine.?"
"yeah.. Tara kain na tayo." saad ni franz.. " kwento mo sakin mamaya huh." bulong nito kay daryll..
"pwede franz kapag bubulong ka make sure na di ko maririnig huh!" asik ko sa kanya.. Aaiixtt.. Ang mundo ay parang mental.. Napakadaming baliw! What the fuck! Tinapik naman ako ni daryll sa balikat bago sila pumunta sa kusina..Pabagsak lang akong sumandal sa sofa saka tinuon yung atensyon sa Tv.. Alam ko may mali na nangyare ng gabi yun.. Maling mali.. Haixxtt
" Let's eat na anak.?" saad ni mama lumingon naman ako dito. " may problema ka ba.?.. Ano yung sinasabi ni daryll about sa party..?" pinilit ko naman ngumiti saka umiling. Whgolesome to sa mama baka biglang atakihin haha..
" wala ma.. Kain na tayo." saad ko saka at tumayo.
" Meron eh.?"
" ma wala ayoko ng makulit di ba.?.. Stay here nalang pala don't eat." saad ko saka sya nilampasan.
" Mukha mo.." rinig kong saad nito natawa naman ako.
" I love you, you love me, we are happy family.. with a great big hug and a kiss from me to you.. won't you say you love me.." kanta ko.
" Arthuro..!!" sigaw ni mama napangiwi naman ako.
" Arthuro.?" sabay na saad ni franz and daryll habang nagaayos sa mesa.
" Ma it's arthur..!" gigil na saad ko.
" Mas bagay sayo ang arthuro. Masungit ang dating tapos wala pang lovelife.." ngiti ni mama saka naupo sa upuan .. Kita ko naman na natawa si daryll..
" ano tinatawa mo..? Mas nakakatawa parin panagalan ni franz.."
" Hoy Joseph arthur.."
" See ma.. Mas magandang pakinggan yung Joseph Arthur.. Ang mga may pangalan na arthuro.. Masasama.. Nangiiwan.. Taksil.." simangot ko.
" Your dad..?" tanong ni daryll.
" No.. I don't have a dad.. Bunga ako ng experiment.. So shut up.."
" yeah iho di ko nga alam kung sakin ba talaga nanggaling yang masungit na yan eh.. Baka nga napageksperementuhan ako ng mga elien." ngiti ni mama.
" Ayt sana tita pageksperementuhan din ako ng mga elien.. Ang gwqao ng finish product eh.." natatawang saad ni Franz.
" Di ka nila papansinin mukha ka kasing elien." simangot ko.
" Ayt wag nalang pala.. Ang sungit eh." iling ni franz.
" Ako ba talaga nanay mo.?" kunot na saad ni mama.. Umiwas naman ako ng tingin.. Haixt kahit ako sobrang laki ng doubt!! Haha.. Putek magkaibang magkaiba yung body type namin.. Sa mukha.. Di naman hugis pinggan yung sakin.
" Tama tita.. My god.. Ibang iba sa ugali niyo.. Ang bait bait niyo tapos itong elepanteng to.. Kapoke ata si mommy dionisia sa facebook.. Ang kulubot ng ugali eh." simangot ni franz humugot naman ako ng malalim na buntong hininga..
" Francisco Balagtas Ano ibig sabihin poke..? Parang alam mo yun ah.?"
" Kain na tayo." ngiti niya sumimangot naman ako.. Aixxtt minahal ko ba talaga tong panget na to.. Take note hindi ko lang sya minahal sobrang daming luha ang nasayang ko sa mukha niya haha.. Buset.. Buti nalang nauntog na ko.
"Gusto mo ba sa next life na kayo magkita nitong pagong mo..?"
"uhmm hindi.. Kain na tayo.." ngiti niya.
" Mine kahit siguro sa nextlife ikaw parin yung mamahalin ko." saad ni daryll.
"ma. Please pigilan mo ko itataob ko tong mesang to..!" simangot ko natawa naman si daryll.. Putek. " don't laugh itataob ko talaga to sa mukha niyo to.?!"
" Kalma Joseph lalo kang nagmumukhang bitter.." ngiti ni franz habang nakatitig sa mata ko inakbayan naman sya ni daryll.
" inaasar niyo ba talaga kong dalawa..?"
" Enough let's eat." ngiti ni mama.
"let's eat." sabay na saad ni daryll at franz. Tong pagong na to simula nung naging sila ni franz naging jologs na din.. Haixt putek yan ba nagagawa ng love.. Nasaan na yung astig na daryll haha..napangiwi lang ako ng makita na sinubuan pa nung pagong yung shrek.. True love nga sila.. haha.. Pag ako nagmahal hindi ko iwawala yung sarili ko.. Hinding hindi.
Pagkatapos namin kumain ay tumuloy lang ako sa labas ng bahay saka umupo sa bench na andun.. Maya maya lang ay lumabas din si daryll saka nilabas yung kaha ng sigarilyo mula sa bulsa niya..
" gusto mo.?" alok niya sakin.
" Di ba sinabihan ka na ni franz about smoking..?"
" Wag kang maingay." natatawang saad niya. " isang stick lang naman."
" Ewan." simangot ko.
"ayaw mo.?"
" Kailan mo ko nakita humawak ng yosi..?" simangot ko.
"ok." saad niya saka humithit sa yosing hawak niya.
" I have a favor." lingon ko sa kanya kita ko naman yung pagkunot ng noo niya.
" from me..?"
" Kaw lang naman kausap ko ah.. Kung bigwasan kaya kita.?"
" fine ano yun..?"
" Bro bawas bawasan niyo naman yung sweetness niyo ni franz sa harap ko putek naman eh..para ka namang others eh.."
" uhm normal na kasi samin yun eh."
" well mukha kayong abnormal sa paningin ko.. Sarap paghiwalayin ng panga niyo.. Kung hindi lang masama pumatay ??tangina matagal na kayong nasa ilalim ng lupa ni franz." inis na saad ko natawa naman sya saka tinapon sa basurahan yung yosi niya. " Seryoso ako.. Ang sakit niyo sa mata.."
" bro seriously nakamove on ka na ba kay franz.?"
" Oo naman.."
" bakit ayaw mo nakikita kaming sweet.?"
"pinamumukha niyo kasi sakin na single ako..Damn it.! Kapag ako nagkalovelife putek tandaan mo tatalunin ko yang sweetness niyo.. Makikipag torrid kiss ako sa harap niyong dalawa.. Remember that.."
" you sounds like erika na..?" ngiti niya.
" Shut up.. Di naman ako ganun kadisperado tulad ng pinsan mo.. Marunong ako maghintay."
" Yung nangyare sa party.. What was that.?" tanong niya napalingon naman ako sa kanya.. Kita ko naman yung nagtatanong na tingin niya. Haixt humugot lang ako ng malalim na hininga. " I know si chris nagsimula.. Pero.."
" Forget about it daryll...At wag na wag mo sasabihin kay franz.."
" So sa kanya ka galing nung araw na yun..? Narinig ko lahat ng paguusap niyo ni Chris.. Pinanuod ko din yung cctv ng bahay ng araw na yun So I know everything... Everything joseph.." seryosong saad niya.
"Look daryll.. Nung gabi yun.. Hindi ako yun.. If you know everything maiintindihan mo ko.. So let's forget about it.. Kakalimutan ko na yun.." napabuntong hininga naman sya. " and please.. Wag na wag mo sasabihin sa iba yun."
" Sure.. Just to warn you .. Wag mo na uulitin yun.. Don't you ever do that again.. Sabi ko nga kaibigan na kita so concern na ko sayo.. Di naman namin gustong mapahamak ka.. Namin ni franz.. Yung bagong mundong papasukin niyo joseph higit pa dun yung maeencounter mo..so be aware..That night hinayaan ko kasi I know chris..He's not capable to do such thing na ikakapahamak mo.. Di ka naman niya pinabayaan eh."
" I know.. Salamat."
" Pero hindi mo ba naisip na bagay kayo.?"
" Eh kung magsapakan nalang tayo.?"
" Just kidding.. Pero halikan niyo sa garden.. That was so wild..really wild."
" fuck daryll shut up..! Subukan mong lang sabihin kay franz yun.. Hahalikan ko ng ganun si franz."
" Asshole.." simangot niya natawa naman ako.
" So you better know how to keep a secret.. Kasi kung hindi.. Magsisisi ka." ngiti ko saka tumayo at inestretch yung mga braso ko. " wag na wag mo sasabihin na hindi kita binalaan huh." saad ko pa.
" fine. I'll zip my mouth wag mo lang hahawakan si franz na may pagnanasa."
"gago.. Pagnanasa..? Sa mukhang yun..? Baliw ka na nga.. Baka malibugan pa ko sa aso kesa sa mukha niya eh."
" basta deal.? Nilalait mo pa si franz eh."
"fine deal." simangot ko.. Yung nangyare ng gabing yun.. Haixt bwiset.. Wala akong kasalanan.. Wala.. Malinis ang kunsensya ko. Malinis na malinis haha.
M onday yun papunta ako sa school para pumunta sa music room.. Nagpasya lang akong dumaan muna sa isang mercury drug para bumili ng gamot ko. Pagpasok ko palang isang familiar na mukha na yung nakita ko..Si Chirs haixt Ano ginagawa ng bwiset na to dito.. Tumuloy lang ako sa pharmacy saka binili yung gamot. Pagkuha ko ng binili ko ay di ko na sya nakita.. Buti naman! ayoko magtagpo yung landas namin.. Baka magkaroon pa ko bigla ng kaso .. Mapatay ko lang sya haha
tumuloy lang ako sa snack section saka naghanap ng pwedeng makain mamaya sa music room... Ilang sandali na kong nandun ng may kumuha ng tsitsirya sa tintingnan ko.. Parehas naman kaming natigilan.. Shit.. Nang magangat sya ng tingin ilang sugendo din kami nagkatinginan.
" Fish cracker.?" saad ko saka nagbigay ng simpleng ngiti.
" Uhmm..fuck." saad niya saka tumalikod di naman sinasadya niyang masagi yung ibang nakalagay sa istante dahilan para malaglag yung mga nakalagay dun. " shit.."
" nakita lang ako naaburido na." natatawang saad ko saka kumuha ng dalawang piatos at tumuloy sa counter.. Paglingon ko sa kanya nakita ko lang na pinupulot niya yung mga nalaglag..buti nga haha..
Paglabas ko dun sumakay na ko ng tricycle papunta school. Iiwas ako sa kanya.. Ayoko maalala yung nangyare.. Isa yung malaking pagkakamali bwiset! Pagdating ko sa music room binaba ko lang yung gamit ko saka umupo sa maliit na stage.. " lagi nalang late si paul.. Bwiset,, sabi 8AM.. Eh magaalas nwebe na.. Kainis talaga.." Ano kaya nangyare sa paguusap nila ng mayabang na yun.. I'm sure tinanggihan ni chris yun.. Napakalabong pumayag sya as in isang malaking kalokohan yun.. Ilang minuto na kong nandun ng pumasok si paul kasunod ang isang lalake.. Natigilan naman ako.
Golden brown hair..? Justin bieber.? Haha ngumiti naman to ng makita ako.... Nice.. Nice smile..Chinito.. I think nasa 5'9 to.. mukhang mayaman Base sa suot nitong damit.. Pero yung golden brown hair talaga nagdala eh hahahaha.. buset.
" Joseph this is my cousin, Thomas..And this is joseph." Pagpapakilala dito ni paul tumango naman ako dito.. Ano ba sasabihin ko haha speechless ako sa hair color niya haha.
" Hi.." ngiti nito.
" hi.. Kala ko korean version ni justin bieber." natatawang saad ko.
" Thomas Martinez bro." ngiti nito tumango naman ako.
" so he's going to be our bassist.?" kunot ang noong tanong ko.
" yeah.. He's good bro saka sa looks pasok na pasok di ba.?"
"Idol mo si Justin Bieber.?" pilit na ngiti ko natawa naman to..
" nope.. Actually my ex girlfriend asked me to dye my hair.. So ito yung result..crazy right.. Yan ang nagagawa ng love.." putek love nanaman.. Wala na bang alam ang mga tao sa paligid ko kundi love.. Haha.
" so ex girlfriend pala eh..bakit di mo pa ibalik sa black hair.?"
" I used to it na.. Saka bagay naman di ba.?"
" ok lang.." pilit na ngiti ko. " anyway Paul so what happened sa pakikipagusap mo sa isda.?"
" sinong Isda.?"
" si fishball..? Yung malansang akala mo napakagwapo..?"
" huh..?"
" I mean si chris.. Hina mo naman eh."
" bakit fishball.?"
"akin nalang yun.. So what happened.?" nagkibit naman sya ng balikat saka umiling. " I told you.. Di papayag yun.. Yung idea mo kasi out of this world parang sinabi mo na mas malaki ang pluto kesa sa araw.. Malaking kalokohan." nakita ko naman si Thomas na kumuha ng guitara sa gilid saka nagsimula tumipa.. Hes good nga.
" praktis ka lang jan couz.." saad ni paul dito.
" sure.."
" So ano sinabi sayo.?"
" He's not in the mood daw para makipagusap."
"nasabi mo man lang ba yung about sa pagigig vacalist.?"
"hindi nga eh.."
"bakit.?"
" Wala nga daw sya sa mood at wala din ako sa mood kahapon para makipagsapakan sa gagong yun... So naisip ko na ikaw nalang kumausap sa kanya." napangiwi naman ako.. Badtrip ayoko nga sya makita .. Makausap pa kaya.. Bwiset naman oh.
" why me.?"
" Kasi kaya mong sabayan yung kasungitan niya.. Kahit nagsisigawan nakakapagusap kayo eh."
" fuck you ka ba.? Si Geo.. Pakausap mo sa kanya."
" may problema yun ngayon.. Nasa ospital yung daddy niya."
" kalimutan mo na kasi yung idea na maging vocalist natin si chris.. Kasi napakaimposible nun bro.. Ang imposible. Sobra!!"
" Joseph.. Give it a try.? Wala naman mawawala kapag sinubukan mo di ba.?"
" Ayoko.."
" Please..? Bro gusto ko talaga pumirma ng contract sa SBR.. Sa Friday na yun so napakaimposible na makakuha tayo ng vocalist ng ganun kabilis.. Kay chris may chance pa tayo pero sa paghahanap ng bago.. Bro yun ang imposible."
" yun nga yung point ko eh.. Baliw ba sila para madaliin tayo.. Alam naman nilang hindi ganun kadali yun."
" Please.. Kausapin mo sya.. Just give it a try.. Sya nalang talaga yung pagasa natin eh."
"kung matutuloy yung contract niyo.. I'll be staying here for good." ngiti ni Thomas habang hawak yung guitara.. Humugot naman ako ng malalim na buntong hininga.. Kumakanta kaya sya ng baby..? Haha.. joke.
" Bro you need this..And me.. I seriously need this.. Gusto ko patunayan kay Lolo na may mararating tong pinili kong path..Na yung music talaga yung gusto ko at mahal ko.."
" Pero paul.. Si chris yun>! Damn it ni anino nga niya ayokong ayoko nakikita tapos gusto mo kausapin ko sya..??"
"joseph please.. Kapag hindi tayo nakapirma ng contract papadala niya ko sa japan."
" bakit .. May bar lolo mo dun.?"
"bar..?"
" maghohosto ka.?"
" gago.. Sakin niya ipapahawak yung isa sa mga bussiness niya dun.."
" Putek ikaw na nga lang kaibigan kong hindi busy tapos iiwan mo rin ako.. Edi kayo na! buset." simangot ko.
" kaya nga kailangan ko to.. Ayoko umalis."
" di ba okay na kayo ng lolo mo.. Bumalik nanaman sya pangengealam ng buhay.?"
" No.. I understand him naman.. Gusto lang niya ayos yung future ko.. Namin ni Geo..Nagkaroon kami ng deal kapag natuloy yung contract.. Magiging masaya sya for me.. Pero pag hindi pupunta kong japan.. Isasama ko si Geo syempre." malungot na saad nito.. Shet. " Joseph sige na.. Susubukan mo lang naman eh.. Di ko naman kayang iwan ka.. Masaklap na nga lovelife mo tapos mawawalan ka pa ng kaibigan."
" gago..!" simangot ko.
" Ngayon lang ako makikiusap sayo joseph.. Please.. For me.. Para sa banda.. Para sa future.. At para sa gusto natin marating.." seryosong saad niya humugot naman ako ng malalim na hininga. " joseph.?" ilang sandali naman walang nagsalita saming dalawa.. Ang hirap.. Never ko pa nakausap ng maayos yung bwiset na yun tapos bigla ko syang lalapitan. kainis.... " joseph Isang try lang..?"
" Susubukan ko."
" kausapin si chris.?"
" yeah.. Haixt bahala na.. Shet pag nakulong ako dahil sa pagsapak sa kanya kasalanan mo huh."
" chill kasi relax.. Ang init ng ulo mo dun sa taong yun."
" Yung mukha niya kasi nakakabwiset.. Pag ngumiti pa sya.. Putek ang sarap niya isumpa maging palaka! ang yabang yabang."
" learn how to appreciate him.?" saad ni Thomas saka umupo sa tabi ni paul.. Di naman kasali nakikisali si justin este si Thomas haha.. buset.
" tama nga naman joseph.. Di naman sya mamahalin ni blue before kung masama talaga ugali niya di ba. Saka malay mo ganun sya sayo kasi ganun ka sa kanya.. Kailan mo nga sya unang nakita.. Ganun na ba talaga kayo.?"
" Sa party nug teacher niyo nung high school.. Ang alam ko una syang nabadtrip sakin because of erika.."
" erika..? De guzman..?" saad ni thomas.
"yeah.. "
"Uhm nakalimutan ko pala sabihin.. Bestfriend sya ni erika Thomas.. At patay na patay sa kanya si erika." natatawang saad ni paul.
" really.." ngiti nito.
" Pero di ko sya type friend lang kami nun." simangot ko. " alis na ko.. Pupuntahan ko si Chris."
" wala ata sya sa bahay ngayon.? Nakita ko sya kanina.."
" Eh nasaan sya ngayon.?"
" Uhmm.. Don't know..?"
" ask erika.. Baka alam niya." ngiti ni Thomas sabay naman kaming napalingon kay justin bieber este kay Thomas hahaha.
" Alam mo yung tungkol sa pagsstalk niya kay chris.?"
" Konti.." ngiti niya,
" haixt fine.." saad ko saka kinuha yung gamit ko. " alis na ko tatawagan ko si erika.. One more thing Thomas.. I'll suggest idye mo na yung buhok into black.. Mas bagay sayo."
" wag mo pakialaman yung buhok ko kung ayaw mong magkasakitan tayo." seryosong saad nito napakamot naman si paul..
" wala ng pakialamanan ng buhok joseph..?" ngiwi ni Paul.
" whatever." iwas ko ng tingin saka lumabas ng music room.. Eh sa hindi maganda sa paningin eh haha buset.
Nakasakay ako nun sa taxi habang nakatigil to sa tapat ng isang bahay.. Uhmmm bahay nga.. Haha.. I mean It's a house di pa nga lang tapos.. Hallowblocks lang and curtains nakikita ko.. Napansin ko yung motor ni chris sa unahan ng taxi kaya I'm sure he's here. Si erika nagbigay ng address nato madalas daw kasi si Chris dito kaya alam na alam niya.
Inabot ko lang yung bayad sa taxi saka bumaba mula dito.. Napagmasdan ko lang yung bahay at yung paligid.. Nakapunta na ko sa place na to.. Nung unang punta ko dito is when I was in high school. One of our schooolmate ang naginvite..
Humugot lang ako ng malalim na hininga ng makita si chris palabas ng bahay kasunod yung kaibigan nitong tibo.. Cj daw ang name sabi ni erika.. Haixt ang dami kong alam tungkol sa Christian Castillo na to.. Because of erika.. Stalker putek.
" What are you doing here..?" saad nito ng makita ako.
" Chris can we talk.?" mahinahaon na saad ko.. Kalma joseph.. Relax putek.. Haixt pero di ko kaya.. gusto ko sya sapakin.. Haha.. Pero calm down.. Hugot ng super lalim na hininga..
" about what.?"
" Hi I'm Cj.." ngiti nung kasama niya di ko naman to pinansin.. Putek di naman sya pinunta ko dito haha.
" Kilala mo naman sya Cj right.. Si joseph.."
"yeah of course.. Hi again." ngiti uli nito pero tumingin lang ako ng deretso kay chris.. Umiwas naman sya ng tingin.. Haixt Di niya kayang makipagtitigan haha..
" if you'll excuse us.. Pwede ko ba makausap si chris.?" saad ko dun sa tibo.. Haixt maganda naman bakit nagpakatibo.. Haixt gender.. Wag nga pala pakialaman haha.. Sya yun may magagawa pa ba tayo.. Haha move on.
"sure.. Pasok na muna ako chris kaw na bumili ng maiinom natin.. Bye pogi" saad nito saka tumalikod.. Naglakad naman si chris. Tibo ba talaga yun haha..
" Where are you going.?" tanong ko.
" bibili .. So talk. Ano sasabihin mo.?" saad niya habang naglalakd sinabayan ko naman sya.
" Chris Kasi we a need a vocalist.."
" And so..?"
" We need you.."
" what.?!"
" Fuck. . Hindi ka naman bingi di ba.. We need a vocalist At ikaw lang ang tingin namin na pwede.."
" nababaliw ka na ba.?"
" Sa gwapo kong to mukha ba kong baliw..? Seryoso ako.. be part our band..?"
"ayoko.." saad niya.
" fuck.. Teka wait .. Yung party.. Ikaw nagsimula nun natatandaan ko. Tagal ko na tong pinagiisipan eh.. Do you love me ba kaya mo ginawa yun.?" natawa naman sya ng payak.. Haixt yan ayoko sa gagong to eh.
" I love you..? Like seriously..? Are you out of your mind.. I LOVE when you Shut the fuck up! Umalis ka na.." sarkastikong saad niya.. Humugot naman ako ng malalim na hininga.. Haixt damn it.. Ang sakit nya sa ulo.. Hhaixt " I said go!" sigaw niya pagtigil namin sa isang tindahan .. Lumingon naman ako sa paligid kita ko lang na may mga nakatingin na samin.. Sinabi naman niya sa tindahan yung bibilihin niya.
" Chris.. Sige na..kailangan ka namin."
" Ayoko,. Pwede layuan mo ko.. Ayoko kita makita.."
" Fuck.." iling ko..
" you know what.. You are the last person na iniisip ko na lalapitan ako ngayon araw.. At nakakabwiset." saad niya saka muling naglakad pagkakuha ng mga binili niya.. Aixt sumunod naman ako sa kanya.
"Have you ever met a Human version of A migraine.. Fucking asshole that is you chris!!" gigil na saad ko. " nakikipagusap ako ng maayos pero sinasagad mo talaga yung pasensya ko.."
"Then go.. Umalis ka na.!"
" Fuck we really need you.. Di mo ba maintindihan yun huh.. Pipirma kami ng contract sa SBR .. At di namin makukuha yung contract na yun kung wala kaming vocalist.. Tangina ang dali dali .. Bakit di mo maintindihan huh!"
" Sino naman nagsabi na di ko naiintindihan huh.. Ikaw ang bobo kasi di mo maintindihan na ayoko.. Ayoko maging part ng banda niyo.. Ayokong nakikita ka.. At higit sa lahat ayoko makasama ka..!"
" Ako rin naman ah..ayokong ayoko.,"
" edi tigilan mo na ko."
"Kung pwede lang eh.. Pumayag ka na pwede.. 2 year contract yun.. At sa national television tayo magpeperform.. Don't you like that."
"I'm not interested.."
" fuck..!"
" wag mo na ko lapitan.!". Damn it.. Di ko naman mapigilan pagmasdan yung mukha niya..aixt naghalikan ba talaga kami ng gabing yun .. Shit di ko maimagine..
" please.. Fine please.. Be part of our band." seryosong saad ko huminto naman sya paglalakad saka nakipagtitigan sakin.. Nilabanan ko naman yung tingin niya. " please.."
"Why me..?!" inis na saad ni chris habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Badtrip kung di ko lang talaga kailangan to di ko lalapitan tong pesteng mayabang na to eh.
" Why not you..?" Simangot ko sa kanya.. " look chris.. Be part of our band at Susubukan kong maging kaibigan ka..?"
" Ayoko maging kaibigan ka.!"
" mas lalo na ko..!" inis na saad ko.
" Kung ayaw mo naman pala ko maging kaibagan.. Damn it! layuan mo ko!" saad niya saka mabilis na naglakad inis naman akong sumunod sa kanya..Badtrip kailangan nagpapahabol.. Kung bangasan ko kaya tong gagong to.. " wag mo ko sundan pwede..?"
" Hindi kita sinusundan.. Naglalakad lang ako..ASA ka naman." simangot ko,
" Tigilan mo na ko !" gigil na saad niya saka lalong binilisan yung paglalakad..napabuntong hininga naman ako saka mabilis din na naglakad.. Runner kaya ako haha
" Kung yung nangyare satin.. Fuck kinalimutan ko na yun..! Aba chris ano to aabutin ka nanaman ng ilang taon para makamove on lang sa pesteng one night stand na yun..! Pwede ba kalimutan mo na yun!" hila ko sa kanya dahilan para tumigil sya sa paglalakad. Kita ko naman yung sama ng tingin niya sakin. " ano..?!" asik ko sa kanya,
" I have my own band.. Who gave you the idea na iiwan ko ang gravity..? Are you out of your mind..?! Magisip ka joseph..at yung nangyare satin.. Sex lang yun.." natawa naman ako ng payak.
" Kung sex lang talaga para sayo yun.. Bakit iniiwasan mo ko..?" sarkastikong ngiti ko sa kanya..
" at sino naman nagsabi na iniiwasan kita huh..?gago ka ba di naman tayo close..?! Now stay away from me and go fuck yourself!" sigaw niya..
" Fuck myself..?? Or fuck you..?" ngiti ko sa kanya kita ko naman yung gigil sa mukha niya. " be my vocalist.? Just be my vocalist chris at sinisugurado kong dadalhin uli kita sa langit." saad kong deretsong nakatingin sa mata niya.
" Stay away from me kung ayaw mong dalhin kita sa impyerno!!"
" be with me at sabay natin lasapin ang impyerno! Game no sapakan nalang!" hamon ko sa kanya.. Bwiset kung hindi sya makuha sa santong dasalan.. Gagamitan ko na sya ng dahas.. Gigil ko lang na binaba yung gamit ko.
" I have better Idea." seryosong saad niya.
" What..?"
" Love me..?"payak na ngiti niya natawa naman ako ng payak.
" ASA.!" Saad ko saka kinuha yung gamit ko.
" Ok.. Alis na ko.." saad niya saka muling naglakad.. Napakamot naman ako sa ulo saka sumabay sa paglalakad niya. " what.?"
" Please..Chris I need this." mahinang saad ko.
" wala akong paki.."
" haixt fine.. Suko na ko.. Badtrip..! Papagulpi nalang kita kay erika at sa mga pusang alaga niya..!" gigil na saad ko saka tumalikod at nagsimulang maglakad.
" duwag!!" sigaw niya.
"isda..!" Sigaw ko din saka nagdirtyfinger.
" what..?"rinig kong saad niya lumingon naman ako sa kanya.
"fishball ka gago! " Nakakailang hakbang na ko ng muli akong lumingon sa kanya.. Nakita ko naman syang naglalakad na rin pabalik dun sa bahay ng tibo niyang kasama kanina.. Haixt.. Di pwede.. Fuck kailangan mapapayag ko sya.. Kainis naman kasi eh.. Sheett tangina nilulunok ko na pride ko.. Di pwedeng umalis si paul.. At lalong hindi pwede di matuloy contract namin..putek..!
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad papunta sa dereksyon niya.. Hanggang magtapat uli kami.. Alam ko nakita niya ko pero di sya tumigil sa paglalakad... Na parang wala syang nakita.
" Chris." saad ko pero wala akong sagot na nakuha sa kanya. " chris damn it!" inis na saad ko.
" Ano ba..?!" saad niya hanggang makarating kami sa tapat ng bahay ng friend niya. " umalis ka na."
" Magiinom kayo.?" saad kong sa ibang dereksyon nakatingin.
" So..?" Saad niya kinuha ko naman yung bote ng alak na hawak niya saka pumasok sa gate. " hey.!"
" Inom tayo.?!" asik ko sa kanya..
" shit." rinig kong saad niya natawa naman ako ng payak.. Ako yung tipo na hindi sumusuko.. Haixt kahit ayaw ko sa kanya.. I fucking need this.. Bahala na.. Nakita ko naman pumasok sya sa gate. " tangina ka aalis ka ba o hindi.?!" gigil na saad niya.
" Tangina ka din.. Gusto mo basagin ko tong boteng to sa mukha mo!"
" Joseph hindi ako papayag sa gusto mo.. Hindi..!"
" Fine aalis ako.. Magsapakan muna tayo.?!" hamon ko sa kanya.. Umiwas naman sya ng tingin.
" Hey.. Ano ba nagaaway ba kayo.?" saad nung tibo paglapit samin kinuha naman niya yung boteng hawak ko.
" Umalis ka na joseph.?!"
" Edi sapakan na.!" gigil lang akong lumapit sa kanya.. Haixt matagal ko ng gustong gawin to sa gagong to eh.. Makasapak lang ako sa kanya putek baka makatulog na ko ng mahimbing.. Nlawayan niya yung buong katawan ko.. Haixt para sa taong mahal ko lang tong katawan na to eh tapos pinagsawaan niya lang ng gabing yun.. Shit! Isang solid na sapak lang..
" Para kayong mga bata.. Tagay nalang natin yan." ngiti Ni Cj.. Kita ko naman yung gigil sa mukha ni chris. I know... Di marunong makipagaway tong gagong to.. Porket lumaking mayaman kala mo na kung sino.
" Ikaw unang sumuntok." saad kong dertsong nakatingin sa mata niya.. Haixt those eyes.. Shit bakit ko ba naalala yung gabing yun.. Badtrip. "So sino satin ang duwag huh.?"
" suma cumlaude ka ba talaga.? Sigurado ka.? Ganyan ba ugali ng isang suma cumlaude.?" sarkastikong saad niya saka ako tinulak at umupo sa upuan sa tapat nung tibo..
" Tara join ka..iinom nalang natin yan." saad pa nito saka tinuro yung upuan sa tabi ni chris.. Umupo naman ako dito.. Kita ko naman na hindi kumportable si chris na dun ako nakaupo.. Damn it.. I don't care magdusa sya. " I'm Cj.."
" Joseph." walang emosyon na saad ko.
" Cj kuha ka pang isang baso.. Bigyan mo sya ng sarili niya." simangot ni Chris.. Natawa naman ako ng payak.
" Bang arte mo .. Nagkatikiman na tayo ng laway kaya mag kang maginaso.!" simangot ko saka nagsalin ng alak kita ko naman yung titig sakin ni Cj.
" ano sabi mo.?" tanong nito.
" wala.!" asik ko dito. " oh kaw muna." lagay ko ng baso sa tapat ni chris..
" Pwede ba magusap tayo ng mahinahon..? Like chill chill lang..relax lang mga pare.. Ang init ng ulo niyo parehas eh.."
" Joseph umalis ka nalang pwede..?"
" Ayoko."
" Chris.. Hayaan mo na para may iba naman tayong marinig na kwento.. Nagsasawa na ko sa problema mo sa buhay eh.."
" Fuck you." iwas ni chris ng tingin.
" So nagkatikiman na kayo ng laway.?" ngiti nito sakin.. Aiixtt umiwas naman ako ng tingin.. Damn it nasabi ko ba yun kanina.. Talaga naman oh.. Secret nga lang yun eh .. Daldal mo joseph bwiset.
" What I mean is.. Kanina pa niya ko sinisigawan. Halos natikman ko na yung laway niya." palusot ko.. Haha.. Tange lang maniniwala dun.. haha
" Ikaw ang sumisigaw.. Hindi ako.." saad ni chris.
" Shut up.!"
" Are you single..?" nakangiting tanong pa ni Cj.. Natigilan naman ako.. Putek na tanong yan.
" Yeah." iwas ko ng tingin.
" Sakto.. Single din si Chris ngayon." ngiti niya.. The hell I care.. Haixt kahit sya ang huling tao sa mundo.. Hinding hindi ko sya papatulan.. Magkamatayan na.
" tambay na sayo yung baso.. Baka gusto mong inumin na.?" untag ko kay chris..
" Di ka naman kasi kasali dito eh.. Pwede ba umalis ka nalang."
" tangina sabing aalis lang ako kapag nagsapakan tayo... Or kapag lasing na ko.. Pero don't worry sisisguraduhin kong hindi mo ko maiiuwi sa inyo."
" Interesting.." saad ni Cj sabay naman kaming napatingin dito.
"shut up Cj.. Atikaw joseph pwede ba shut your fucking mouth..! kung ano man yung nangyare sating dalawa.. Kalimutan mo na..! Damn it! Napakadaldal mo.!" gigil na saad niya saka tinungga yung baso.
" sure.. Then be part of our band." saad ko habang nagsasalin ng alak sa baso.
" Kinukuha niyong vocalist si Chris..?"
" Yeah."
" Sakto pala Chris.. Di ba may problema ngayon yung banda niyo kaya di kayo makatutog.."
" Yun naman pala eh."
" Cj hindi pa kami disband kaya pwede ba.."
" Pero hindi na kayo nakakatutog ng maaayos..?"
" We need you chris.. Please.." seryosong saad ko.
" Ayoko.." saad niya. " ano patatambayin mo yung baso sayo.?" saad pa niya.. Humugot naman ako ng malalim na hininga saka to tinungga.
" Just wondering.. Parang bagay kayong dalawa.." ngiti ni Cj.. Autamatiko naman akong napalingon kay Chris.. Nagtama lang yung mata namin pero agad kong iniwas yung tingin ko.. Shit. Bagay.. Tao kaya kami haha.. At seriously.. May nagyare na samin.. Pero di ko maimagine..haha.. Buset malaking no.. Napailing lang ako saka natawa.. Natigilan lang ako ng marinig din yung mahinang tawa ni chris.
" That was the craziest joke I've ever heard from you CJ. Fuck..!" tawa ni Chris..
" Yeah right.." sang ayon ko.. Saka muling nagsalin ng alak sa baso.. Aktong iinumin ko to ng pigilan ni chris yung kamay ko.. Natigilan lang ako.
" wag kang swapang.. Si cj na.." saad nito.
" Fine.." saad ko saka nilagay sa tapat ni Cj yung baso. " yung joke mo panghorror.. Last na yun huh." seryosong saad ko dito.. Natawa naman to.
" Yan mas ok.. Chill lang." ngiti nito saka tinungga yung baso. Lampas dalawang oras na nun na umiikot yung baso samin tatlo..nakadalawang bote na din kami. Ramdam ko na rin yung epekto ng alak sa katawan ko. Shit naman kasi.. Tanghaling tapat tapos nagiinom kaming tatlo.. Hard pa..! Ramdam ko parin na di kumportable sakin si Chris.. Mas lalo naman ako haha.. Halos Si Cj lang yung nagdadala ng kwentuhan.. Hanggang maiwan kaming dalawa ng pumunta sa Cr si Cj..
" Umuwi ka na kung lasing ka na.." saad nito na sa ibang dereksyon nakatingin. " nahihilo na din ako. So uuwi na ko pagbalik ni Cj.."
" I remember everything nung gabing yun.. Ikaw naalala mo..?" Seryosong tanong ko sa kanya.. Ilang sandali lang syang hindi nagsalita.. Nagsalin naman ako ng alak saka nilagay sa tapat niya. " So.. Naalala mo ba lahat..?"
" yeah.." saad niya natawa naman ako ng payak.
" nagenjoy ka ba.?" sarkastikong saad ko.
" Pano kung sabihin kong Oo..?"
"Tara.?" saad ko saka tumayo. " Your place or mine.?" binigyan ko lang sya ng nangaakit na ngiti.. Bahala na shet..
ITUTULOY
Nakakaexcite yung next chapter hahaha umiinit na si Joseph at Chris hahaha.
ReplyDelete-44
It's getting more exciting. Baka magkaroon sila return bout. Boto ako sa kanilang dalawa. Thanks sa update Bluerose. Take care.
ReplyDeleteHahahaha gi joseph.... chris bomigay kana please
ReplyDeleteNapigil yung sigaw ko nung mabasa ko yung "itutuloy...". May mangyayari kaya talaga?mukhang kakagatin ni Chris yung pag-aaya ni Joseph sa kanya ah. Thanks sa update Bluerose oppa. Hart hart *
ReplyDelete-vhi
Great story ang aso't pusa....... Naging ka excite ngayon ung next chapter may amngyayari kaya ULIT sa kanilang dalawa, simula na kaya ang love story ng dalawa......
ReplyDeleteGaling mo talaga kuya blue
Jharz....
Mine.... lol nood ako kung paano
ReplyDeleteSana nman kung magsesex uli cla Joseph at Chris sana idetalye laht ng ungol at mga gawa nila kc naman nka2bitin
ReplyDeletemasya to, asot pusa lang sila. pero pag nalasing na pala, iba na sinasabi ng utak nila hehe. sa wakas magkakaron narin ng lovelife si chris. next chapter please.
ReplyDeletebharu
Hala. Nagkayayaan na! paktay ka na Joseph ano ba yang pinasok mo. Hahaha si Chris kunwari pakipot papayag din naman yan... hahah lamnadis.
ReplyDeleteNext chpater na agad author. Thanks sa update. Xoxo
-Grey
Bwahahaha! 😂😂😂😂 interesting... 😜😜😜
ReplyDeleteHahhaah next chap na nga... hahaha
ReplyDeleteano your place or mine?
Ang aangas...
Oke... 2 weeks ulit na paghihintay for the next chapter.. pero worth the wait naman talaga. Tagal nga lang talaga.. haixxt
ReplyDeleteAaaaaalllllllllexxxxxxxxxxxx.......... kakapagod phew
ReplyDeleteSex ulit sila ni joseh? Next na agad
ReplyDelete