Athr'sNote-
At dahil may nag-pm sa facebook na nagde-demand, heto na.. napabilis na tuloy.
Sana magustuhan niyo..
Enjoy :))
--
Point Of View
- K o b e -
"G-grabe, 'di nga?"
Mas lalo lang akong nainis.
Ulit-ulit yung dalawa eh, si Az at Dennis.
Hindi ko na sana sinagot yung tanong nila. Mula skwela hanggang sakayan at dito.. tanong ng tanong. Nakakasawa lang.
"Oo nga. Siya nga yun. Sino ba namang hindi mababadtrip diba? Parang hindi na niya ako kilala."
Inis ko. Padabog lang akong nahiga sa may sofa.
Narito na kami sa bahay, kadarating lang namin.
"Kaya pala pinagtulog mo dito." patango-tangong sabi ni Dennis ma wari'y may nakumpirma ito.
"Oo nga noh? Kaya rin pala, alalang-alala ka nung nalaman mong hinanap ka niya at basang-basa siya sa ulan." dagdag pa ni Dennis.
"Pwede ba? Tumigil na muna kayo.. naiinis lang ako lalo eh." simangot ko pa.
"Kobe, may sasabihin ako.. hwag kang magagalit."
Napatingin naman ako kay Dennis at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.
"Mas gwapo sa'yo si Christian.."
Medyo pangiting sabi niya.
"Okay lang. Si Chan naman yun eh." pagngiti ko rin, tonong pagmamalaki pa.
Hmm.. kapag naaalala ko yung nag-alala siya sa akin nung nagkasakit ako, totoo'y natutuwa ako.
"So ngayon kilala niyo na siya. Kaya subukan niyo siyang pag-usapan ng masama sa harap ko, lilipad talaga kayo." sabi ko.
"Sus. Totoo nga sabi ni tita Sen, patagong obsessed." natatawang sabi ni Az.
"Tama. Sa susunod, lantarang obsessed na." dagdag naman ni Dennis.
Agad ko lang silang binatuhan ng unan.
"Kapag kayo hindi tumahimik, tignan niyo lang." simangot ko sakanila.
Tumawa lang sila.
Hay nako.
Kailan kaya kami makakapag-usap ni Chan?
"Bahala na muna kayo dyan. Doon lang ako sa kwarto."
Ang nasabi ko at agad na nga akong pumunta sa kwarto ko.
"Okay, Chan.. I miss you.."
Natawa na lang ako sa nasabi ko.
Dito nahiga kahapon si Chan :) kaya halos yakapin ko na yung buong higaan ko.. BUONG HIGAAN. Haha
-----
Point Of View
- J a y d o n -
"Woy? Sabi ko kung nakita mo ba ako sa seaside kahapon?"
Marahang pagsiko ko kay Chan, mukhang daydreaming nanaman ang dating eh.
"Ah? H-hindi, naisip ko lang na baka nandun ka kahapon."
Napatango na lang ako.
Kailan kaya siya tatangkad? Haha
"Tara nga punta tayo sa inuupahan ko.. gusto mo pa ng chocolates diba?" pagngiti ko at paglapit ko pa ng mukha ko sa mukha niya.
Kinailangan ko pang yumuko ng kaunti kasama ang aking katawan para lang maabot yung mukha niya . 5'6, all the way. Haha
"Kapag ako nainis, puputulin ko 'tong ilong mo." pagngiti ni Chan nang hawakan niya yung ilong ko.
"Kapag ako naman ang nainis, kakagatin ko 'tong labi na 'to." pagbibiro ko at paglagay ko pa sa hintuturo ko sa may lower lip niya.
Napakunot siya, hanggang sa unti-unti siyang napapangiti..
"Tanga. Mahal masyado labi ko para ipakagat ko sa'yo." pagtawa naman niya bigla at nakuha pa naming magkulitan.
----
"Ang tatangkad niyo naman.. dapat hindi mo na ako sinama." pagbulong ni Chan sa akin.
Nakilala na niya mga pinsan ko. Mga taga ibang school, kasama ko rin sa basketball dito sa liga sa amin.
"Atlis natatangi ka." pagngiti ko. "Nag-iisang maliit." at pagtawa ko na.
Nakuha pa naming magbasaan ng tubig. Habang naghuhugas kasi ako ng pinggan ay nilapitan niya ako.
"Nga pala, sama ka samin ah?" sabi ko nang lumayo na siya, masyado na daw siyang nababasa, haha
"Oo nga. Sa may court diba?" tanong niya, tumango lang ako.
"Oh bakit?" ang nasabi ko nang mag-iba bigla yung ekspresyon niya.
"W-wala. May naalala lang ako." sabi niya, tumango na lang ulit ako.
Praktis namin mamaya. Next week, may laban kami sa liga eh. Sana naman hindi na pikon makakalaban namin, para hindi kami mapaaway ng mga pinsan ko.
Nang matapos na ako sa paghuhugas. Saglit kong tinignan si Chan na nakapokus sa phone niya, kita ko lang yung guhit ng ilong niyo habang medyo nakayuko siya.
Pag ako talaga nainis, puputulin ko yung matangos niyang ilong. Haha
Agad akong lumapit sa may lamesa nang marinig kong tumunog yung phone ko.
"Oh hello?" pagsagot ko sa tawag.
Tawag, mga nasa bahay.
"Oh? K-kailan daw?
Saturday?
Ge ge, pa-inform yung school na pupunta ako.. Salamat."
At binaba ko na nga ang tawag.
Napangiti ako. Opportunity nanaman pala para magpapansin, haha.. nice nice .. :)
Agad kong nilingon si Chan, kumakain nanaman.. ice cream.
Ang bilis, kanina sa phone niya ang pokus niya, ngayon sa pagkain!
"Chan." masayang sabi ko pagkalapit ko sakanya.
"May sasabihin ako. Okay lang?" alanganing sabi ko, sana pumayag siya.
"Oo basta ikaw. Ano ba yun?" sabi niya at pagtingin niya sa akin, binitawan niya muna yung kutsarang gamit niya.
Hindi muna ako sumagot.
"Pahinge muna." sabi ko at paggamit sa kutsara niya.
Napangiti nalang ako sa naisip.
"Ang sarap. Favorite mo ba choco?" tanong ko pagkatikim ko sa ice cream.
"Kaya nga limang chocolate na nasa bag ko eh. Kung pwedeng ibaon ang ice cream, inuwi ko na.. kanina pa." pagtawa niya. "Salamat ah?" pahabol pa niya.
Haha, binigyan ko siya ng chocolate. Iuuwi niya nga daw eh, mamaya daw niya kakainin sa bahay nila.
Ang sarap sa pakiramdam, na napapangiti o napapasaya mo yung taong katulad ni Chan.
"Walang ano man. Basta rin ikaw." balik ko.
"Ano palang sasabihin mo?"
"May lakad ako sa saturday eh, gusto sana kitang isama.. kung okay lang sa'yo?" mahinang sabi ko at pagtingin sakanya ng deretso.
Binigyan ko siya ng tingin na nakiki-usap. Puppy eyes, sana umubra ka.
"Makakatanggi paba ako? Eh yung mga mata mo, parang luluha na eh." nakangiting sabi niya at paghawak pa sa ilong ko.
Ang cute talaga ni Chan. Totoo ba kaya 'tong nararamdaman ko sakanya?
Saglit ko pa siyang pinagmasdan, hindi ako nagreact sa sinabi niya.. hinayaan ko lang siya na hawakan ang ilong ko.. hindi ako gumalaw at pinagmasdan ko lang siya.
Paano ko ba siya nagustuhan?
"Jaydon naman eh, hwag mo nga akong tignan ng ganyan." biglang pagmamaktol niya at pabirong pagsampal pa niya sakin dahilan para maiba ang tingin ko.
Doon na ako natawa. Alam ko na kung bakit ko siya nagustuhan, kung bakit ako nahulog sakanya.
"Isa pang sampal mo.. kakagatin ko talaga yang labi mo." pagbibiro ko.
Nagulat naman ako nang mabilisan niya akong sinampal, yung pabiro ulit.
Agad niyang tinakpan yung labi niya at..
"Kadiri ka.." ngiwi niya saka niya ako ulit sinampal.
Sinamampal nanaman niya ako?
"Tara? Punta na tayo sa court?" natatawang sabi niya at agad na nga siyang tumakbo palabas.
Naiwan akong nakahawak sa kanang pisngi ko.
"Tatlong sampal yun ah?" ang nasabi ko.
Saka na lang ako napa-iling at tumayo na nga para sundan siya.
-----
Point Of View
- Third Person's -
Abala ang tatlong magkakaibigan sakanilang kinakain, hinihintay nila si tita Sen nila.
Nasa may plaza sila, malapit sa may basketball court sa lugar nila.
Street foods ang trip nila ngayon.
"Oh ang tahimik mo? M-may problema?"
Napa-angat ng tingin si Kobe nang may magsalita, si tita Sen na niya pala.
"Hi tita Sen, kain po.." alok kagad nila Az at Dennis sakanya.
"Salamat. Wait muna.." balik ng tita Sen nila at muling pagharap kay Kobe.
"May naalala kasi ako."
Ang biglang sabi ni Kobe habang sa kinakain nito ang tingin.
Saglit na napatigil ang tatlo.
Nakuha ng tatlo ang nais iparating ng tono ni Kobe, kaya naman tumahimik na nga sila.
"May tatlong tao kasi ang nagpapaalala sa akin kapag kumakain ako ng ganito." patukoy niya sa fishball na kanilang kinakain.
Nakangiti ito, na tila inaalala ang magagandang bagay na nangyari dati.
"Park, sa park.. lagi kaming kumakain ng mga ganito. Bata pa kami nun nung bestfriend ko pero mas matakaw pa kami sa mga kuya namin."
Agad namang itinaas ni Kobe ang kanyang tingin paharap sa langit, para sana mapigilan yung pagbagsak ng mga namumuong luha niya.
Nguni't masyado niya atang namimiss at masyado na nga talaga siyang nangungulila sa mga pangyayaring iyon, lalo na sa mga kasama niya ng mga panahong iyon.
"Ako, si kuya Seven ang kuya Kash ko.. pati na ang pinakamatakaw kong bestfriend, si Chan."
Agad na niyang tinakpan ang kanyang mga mata. Tuluyan na nga siyang napa-iyak. Tahimik, napakatahimik..
Halos maluha-luha rin ang tatlo, alam nila ang kwento ng buhay ni Kobe, pati na ang pagkatao nito.
Pasimpleng inilapit ni tita Sen si Kobe sakanyang balikat, niyakap niya ito.. alam niyang minsan lang umiyak 'tong si Kobe.. kaya naman kapag umiyak ito, may dahilan.
Nakita na lang ni tita Sen na wala na pala ang dalawa, sina Az at Dennis.
-----
Point Of View
- C h a n -
"Oh naka tatlong three point nako. 7 na lang, para yung dare ah?"
Halos mapangiwi ako nang lapitan ako ni Jaydon, seryoso nga siya sa dare.
Ba't ba kasi ako pumayag?
Kadiri yung dare namin eh. Akalain ko bang magaling nga siya? Akala ko kasi saling-pusa lang siya sa basketball eh. Kala ko tangkad lang, puro akala akala.. Tsk
"Oy Chan? Yung dare ah? 7 three point na lang oh.."
Paglapit pa niya sa mukha ko.
At dahil naka-upo ako, at sobrang tangkad niya.. parang isang posteng naputol ang dating niya.
"Oo na. Baka matalo pa kayo, balik kana dun." ang nasabi ko at bumalik na nga siya sa mga kasama niya.
Nakipagpustahan sila eh sa mga katulad nilang kabataan dito. Hindi naman pera pusta nila, tatlong malaking coke ang pustahan nila.
P-pero yung dare namin ni Jaydon.. tsk, patay ako nito.
(
flashback
"Mga tol, pustahan nalang. Coke lang naman.."
Abala sa pakikipag-usap yung mga pinsan ni Jaydon sa ibang naglalaro sa court.
Kami naman ni Jaydon, nasa likod lang, nakaupo.
"Oy Chan mamaya na kaya yan, ang takaw mo naman." sabi ni Jaydon at pabirong pagsiko pa sakin.
"Bakit ba? Binibili mo'ko tapos nagrereklamo ka na kinakain ko." sabi ko habang abala lang sa pagsubo, siomai. Haha
"Ay ewan. Maglalaro kami oh.. ayaw mo bang manuod?"
"No choice nako. Nandito narin ako eh, edi manunuod syempre." inis ko, kumakain ako eh.. istorbo.
"Hindi kaba mahilig sa basketball?"
Napatingin naman ako sakanya dahil sa tanong niya.
Kung alam lang niya.
"Mahilig kaya, kaya nga ako sumama eh. Nasaktong hindi lang talaga ako magaling sa ganyan." sagot ko.
"Nge? Gwapo nga, hindi naman marunong magbasketball." tonong nang-iinsulto niya.
"Syempre naman. 'Art of balance, remember?" tonong pagmamalaki ko.
"Wow. Kapal ah? Pero sabagay, pandak ka eh.. 'art of balance nga talaga."
Ngingiti na sana ako, nang-insulto nanaman siya.
Kaya naman itinuloy ko na lang ang pagkain.
"Penge nga..."
Pagtingin ko sakanya, nakanganga na siya kagad.
"Susubuan nanaman kita? Talaga lang ah?" pagkunot ko habang nakangiti.
Sinubuan ko na lang siya. Parang may kapatid pa tuloy akong kasama.
"Oh tol Jaydon, game daw. 3 cokes, pwede na yun.. parang praktis narin."
Sabi nung isa niyang pinsan pagkaharap samin.
"Ge, saglit lang." balik ni Jaydon saka naman lumapit sa may tainga ko.
"Pustahan? Game?" bulong niya.
"Sige." pagbulong ko rin sakanya.
Parang tanga lang.
"Dare ha?" agad na sabi ko pa, hindi ko na ibinulong.
"Ahm..." posturang nag-iisip niya.
Nakakatuwa siyang tignan, yung bang mawawala yung pagod mo kapag nakita mo siya. May ganun eh, diba?
T-teka, ano ba 'tong nasasabi ko?
"Dare." sabi niya.
"Sige ganito, dapat makagawa ka ng sampung three points, tapos.." sabi ko saka nag-isip..
"Tapos pag hindi mo nagawa yun, limang kotong. Oo tama, makokotong ka sakin." excited na sabi ko tsaka pa ako humalakhak, na para bang demonyo na siguradong mananalo, haha
Hundred percent, alam ko hindi niya magagawa.
Matangkad lang 'to eh. Mukhang hindi naman magaling..
Victory would be mine, mine.. mine..
"Ge. Tapos pag nagawa ko naman, ipapakagat mo sa'kin yang labi mo."
Wala sa sarili naman akong napatigil sa kakahalakhak at napalunok pa ako nang makita yung mga ngiti at tingin niya.
"Sira ulo ka ba? Ba't yun pa? Ang dami namang pwedeng.."
"Ayaw mo? Bahala ka.. kotongin na lang kita kapag nagaw.."
"Ge ge. Kagat na lang."
Agad ko namang natakpan bunganga ko matapos kong putulin yung sinabi niya.
T-teka, t-tama ba nasabi ko?
AAAARRRRGGGHHHHHHH!!!!!
Ayaw ko kasing ma-kotong eh. Tsk
"Then deal. Ge, sabi mo yan ah? Osiya, start na kami."
Naiwan nalang akong nakatingin sakanya habang papunta siya sa court.
Ano bang kasalanan ko para magkaroon ng kapreng kaibigan? Nasaktong loko-loko pa? Tsk
Bahala na!
Hundred percent, tiwala ako sa pursyento ko.. ako ang mananalo.
Kokotongin ko talaga siya ng malakas kala niya lang.
end
)
"Chan uy.. Chan.."
Napa- "h-hah?" na lang ako.
Si Jaydon pala, nakalapit na pala sa'kin.
"Sabi ko, nakapitong three point na ako, tatlo na lang mananalo na'ko sa pustahan natin."
Nakuha ko nanamang mapalunok.
Ano ba 'tong pinasok ko?
Napatango na lang ako.
Ang galing pala ni Jaydon, mukhang mas magaling pa ata siya kay Kobe?
"Ahm, k-kuya?"
Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Tatlong babae, matataba sila.
"P-pwede po ba naming punasan pawis niyo?"
SERIOUSLY?
T-talagang nasabi nila yun?
"Oh sure, ge.."
Napakunot naman ako nang marinig ang sagot ni Jaydon at paglapit pa niya sa mukha niya sa mga babae. Akala ko hindi siya kikibo dahil sa ugali niya nga sa ibang tao pero.. SERYOSO?
Nang makita kong pupunasan na nung mga babae yung pawis niya ay agad na akong tumayo.
"Oops, sorry.. hindi po pwede." agad na sabi ko at paghila kay Jaydon. "May magagalit po kasi." pahabol ko pa.
Agad ko namang kinuha yung baon kong pamunas saka inabot kay Jaydon.
"Hwag ka ngang magpapunas sakanila." inis ko, pabulong.
"Bakit?" maang naman niya, lalo naman akong napasimangot.
"Basta." sabi ko na lang.
At dahil hindi niya pa pinupunasan yung mukha niya mabilisan ko na ngang kinuha yung pamunas at ako na ang nagpunas sa mukha niya.
"Oh yan pwede na.. dun kana nga dali.." pagtulak ko pa sakanya, kita ko na natawa naman siya.. napa-iling nalang ako nang makabalik na siya sa gitna.
"K-kuya, a-ano niyo po siya?"
Napabaling naman ako sa tatlong babae.
"Pinsan ko, pasensya na sa ginawa ko ah? Baka kasi magalit yung karelasyon niya eh, baka mapa-away kayo." pilit na pagngiti ko.
Pagkaupo ko, inabala ko na lang yung sarili ko sa pagkain. Ang sarap ng siomai eh, ma-anghang sobra.
Kapag kasi pinapanuod ko si Jaydon, napapanganga na lang ako. Tsk, basketball player nga talaga.
At yung dare? Nako, hayaan niyo na. Hindi na lang ako kikibo, tatakasan ko na lang siya. Haha
Matapos kong maubos yung siomai ay nakaramdam ako ng uhaw.
Kaya naman agad akong tumayo at naglakad palabas ng court.
Kita ko naman na nakatingin sa akin si Jaydon ay nagbibigay ng nagtatanong na tingin.
Sinenyasan ko siya na bibili lang ako ng inumin, iminuwestra ko narin na naaang-hangan na ako.. naparami kain ko eh.
Nang tumango siya ay agad na nga akong lumabas.
Inilibot ko ang aking paningin, at sa nakita ko yung mga nakahilerang pwesto ng palamig.
Pahakbang na sana ako papunta doon nang may humarang.
Nakuha ko pang magulat.
"Az? D-Dennis?.." ang patanong na nasabi ko.
"Christian David."
Simpleng sabi ni Az at pagbigay nang mapanuring tingin, nakuha ko namang mapaatras.
"Totoo nga mga kwento ni tita Sen.." sabi pa nung Dennis.
Dahan-dahan akong umaatras dahil naguguluhan ako sa inaasta nila, dahan-dahan rin naman silang lumalapit.
"Pinsan, alam mo mas masarap yung mga ganitong mukha, yung bang maputi tapos makinis.."
Halos mapangiwi naman ako sa sinabi ni Dennis.
Mas masarap?
Parang nawala tuloy yung anghang sa panlasa ko pati yung uhaw na nararamdaman ko.
"Oo nga eh. Mas tatatak yung dugo, yung pasa na iiwan natin."
Nakuha namang manlaki ng mga mata ko sa sinabi ni Az.
"A-ano? Una na ako? Ako na magstart?" nakangising tanong ni Dennis, kita ko na tumango naman si Az.
"Anong problema niyo sa'kin?" kinakabahang tanong ko, paatras ako.. sila naman papalapit.
Nang makitang susuntukin na ako ni Dennis ay saka naman ako agad na napapikit..
Hindi ko magawang magreact, nakakabigla naman kasi sila eh.
Isa,
Dalawa..
T-teka anong nangyari?
Wala sa sarili naman akong napamulat nang walang nangyari.
Kita ko na nakalapit na yung mukha nung dalawa sa mukha ko.. seryoso na.
"Yung kaibigan namin."
Simpleng sabi ni Dennis
Kaibigan nila? Si Kobe?
"Yung kaibigan namin, si Kobe.." dagdag pa ni Az.
"N-napano si Kobe?" ang agad na tanong ko.
"Umiiyak dahil sa'yo."
"Si Kobe umiiyak.. swerte ka dahil, dahil sa'yo kaya siya umiiyak."
Aaminin ko, para bang nanghina ako sa narinig.
"Si Kobe?" ang mahinang nasabi ko pa.
"Miss na miss kana ng bestfriend mo, h-hindi ko man lang ba naisip yun?"
"Oo nga. Christian, umiiyak si Kobe.. ikaw kasi eh."
"Naturingan ka pa namang bestfriend ni Kobe."
"Tsktsk..."
"Ganyan ba ang bestfriend?"
Itutuloy
O.O
Ang sama ng ugali nung dalawa, binigla nila masyado si Christian, haha :))
Anyway,
Mga minamahal kong readers, commentators at new names na talaga namang nagpapagana sa akin.
-juss,
-yeahit'sJM,
-mr.alfredTO, moving on na po.. sana.. sana..
-44, kwarenta'y kwatro :))
-nagtatagongGeo, hmm.. Zagu namu, tang choco.. favorite ke eh :) haha, joke xD
-gilrexL,
-michito, hintayin mo yung nasa teaser.. malapit na :)
-patryckjr,
-jm, salamat :)
-jap, maraming salamat :)
-marlonMacario, behind the clouds.. is another clouds.. nice :)
-red08, ikaw ba yung nagsabing hindi absent? ikaw noh? may penalty ka.. five peso :) haha
-bharu, sayang naman.. ayaw mo talaga silang makita? :)
-az, mahirap eh :( crush ko lang pero masyadong marami yung naimbak kong feelings para sakanya.. kaya ayan.. ang OA ko tuloy -.-
-mr.MA,
-dave, salamat at nagko-comment kana :) hihintayin ko mga comments mo, Riel.
-jharz, hindi naman po ata eh -.-
Guys, mga commentators ko.. dahil sa inyo kaya ginaganahan akong magsulat :) kahit naka-duty ako.. isinisingit ko parin ang pagsusulat, ma-maintain ko lang yung suporta niyo :) Maraming Salamat :))
Isang espesyal na pagkilala kay..
PS. Moving on.. xD
Galing oh ha ha. Sana mag kausap na sina ten ten at chan sa next update kakakilig talaga ha ha nice ka talaga kua prince galing mo gumawa ng stoRy keep up da good work kc dami ka po na papasaya luv u point.....
ReplyDeleteJuss
Galing oh ha ha. Sana mag kausap na sina ten ten at chan sa next update kakakilig talaga ha ha nice ka talaga kua prince galing mo gumawa ng stoRy keep up da good work kc dami ka po na papasaya luv u po..........
ReplyDeleteJuss
Waaaaaaaaaaaaaaah.... nice grabe nmn az at dennis agad2x,,, buti narin para mag ka ayus na sila ni kobe at chan,,, mar author updTe pa more...
ReplyDeleteKagat sa labi? Masakit kaya on? Gusto ko subukan...lol
ReplyDeleteGraaabbeeeee. As in graviiiii.. aha. Kakakilig ahhh. Bang haba ng hair ni chan aah.. katakawang taglay pa. Ahah. Kinikilig ako sa knila ni jaydon. Pero kinikilig din ako pag sknla ni kobe. Paganda na ng paganda. Etong story mong to ang pinkakaabangan ko aha. Sna mabilis ung update. As in bukas agad. Ahaha. Bsta take ur time po. Ihhhh kinikilig padin ako.. kudos for that.
ReplyDeleteAhh gnyan tlga ang life l, hinayhinay lang mkaka move ka din. Cno ba kc yun ? Share mo nmn ahahah. Nu fb mo pla?pra maka kwentuhan ka.tnxx
Az
Waaaa... Wata great mind mr. Author... Thnks sa update.... T. C.
ReplyDeleteJess
Ang ganda ng bagong update!! Hahaha naiinis ako sa sarili ko kasi kinikilig ako kay Chan at Jaydon haha yung dare kasi nila eh. Tsktsk pano na si Kobe!
ReplyDeleteAng galing nung dalawa bute na lang sinabi na nila kay Chan yung mga nangyayare kay Kobe para matauhan naman sya!!! Hahaha sana magkausap na sila.
And thank u mr. Prince Justin sa mabilis na update haha.
-44 (always present!) lol
Ang salbahe netong si Dennis at Az. Hahaha. Ang cute cute ni Chan parang batang bata tapos walang muwang sa kanyang buhay na hiram. Haha. Namimiss ko din si Seven at Kash. :( ay ako naman pala ang kapatid. Hahaha.
ReplyDelete-yeahitsjm
Yey. Malapit na ahh. Sabi mo yan Justin! :) aabangan ko. Tas dapat may kilig moments naman sila Chan at Kobe! Magba valentine's oh. Hihihi
ReplyDeleteThanks sa update author! :) Lovelots
- Michito
nakakabigla nga, binisto nila si kobe kay chan haha. pero mas nakakabigla yung dare kay chan. pano yan, dilang kagat matitikman ni chan, baka lipstulelay pa. ang sarap nun hahahaha.
ReplyDeletebharu
yes bilis ng update.... inaabangan ko talaga to eh.... sana po medyo pahabaan lang... naiiklian ako eh..... sana punatangan ni chan si kobe. at magkaayos na sila... para lumabas na yung romantic scene nila... hahahaha...
ReplyDeleteMACHINEMAN....
hehe.. magkucomment na sana ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko pagkabasa ko netong chapter na to eh.
ReplyDeletetpos napasadahan ng tingin ko yung screen shot mo.
ako yun ah! haha!
natunaw ang puso ko.. kainis!
salamat ng madaming madami po!
bukod sa sobrang kilig na dulot ng kwento mo e kinilig pako lalo sayo. ahe!
ayun nga, nakakatuwa talaga ang flow ng kwento. kaso parang natatakot ako para kay Jaydon.. di kaya mabasag ang puso nya kalaunan?
ah, basta! ganda ng kwento mo bossing!
more! more! more!
:*
Parang namamangka si Chan nyan. Kawawa naman si Kobe. Thanks sa early update. Take care. Keep moving on.
ReplyDeleteok may kakag sa labi ni chan sino kaya ang mauuna ahahaha eheheh sana si kobe ang tagal kc nila mag usap ehh tuloy baka maunahan pa ni jaydon...
ReplyDelete#Chabe for chan & kobe
-Mr.MA
Okie sabi mo author prinze kaw masusunod......hehhehehehehhe
ReplyDeletePero bakit mo naman kami sinasabik sa pagkikita ng dalawang magKaIbigaN wag mo na bitinin pa, cnu kaya mananalo sa puso ni chan ung dating bf o ung bagong bf niya
.
Jharz
Cheesecake...!! Oo naman red lagi na ako nagcocomment alam ko yun isa sa nagpapainspire sa yo... Hahhahaha nakakakilig to promise ✋✋ medyo nabitin ako... Kaya update update update!! Hahaha take care red!! 😘😘 -dave
ReplyDelete..whoahh.... Mghaharap na si Chan at Kobe.. Excited much... Ikaw naman jaydon.. Kung mka demand ka naman ng kagat labi hahaha... Ako n lng pls.. ..haha
ReplyDelete..ngyon lng ulit nkpg comment..at nkpgbasa busy the past few weeks eh.. Can't wait for the next chapter.. Keep it up. Author.. :)
Magandang storya to sure na ko binabasa ko talaga lagi pero ngayon ko lang naisipan mag comment. Author paganda ng paganda ang bawat update. Excited na me.
ReplyDeleteali nmn hulata haaha na ita pin ing favorite mu haha
ReplyDeletedumalan kang HAU.. Udays ngeni :D
Pero will they have moments na ba wale? haha
nagtatagongGeo