AUTHOR’S
NOTE: Hello!
Pasensori kung nadelay ng isang araw. Natapos din ang exam week, though meron
pang dalawang hindi pa namin nitake. Oh well! Sisiw na ‘yong mga subject na
‘yon. Lol! Tapos na ‘yong sa mga terror professors namin e.
Anyways! May update! ‘Wag niyo sana akong
patayin, bugbugin sa kalalabasan ng kwentong ito. Although hindi ko naman
kayang sundin ‘yong nisuggest ni Baestfriend Radish Cream Red-chan. Iniisip ko
palang, naiiyak na ako. Oo, drama ‘to. Pero, may happy ending ‘to! Argh!
Oh well, papel! Kaway-kaway sa mga RYESTERS
diyan. I miss you, guys! Sorry kung super busy na ako. Almost two months na rin
lang naman. Konting antay na lang sa akin.
Belated TANJOUBI OMEDETTO GOZAIMASU, IAN
BEBE-chan!
Kila Sir Mike at Sir Ponse. Patuloy pa rin po
akong nagpapasalamat sainyo. For the opportunity and consideration. Salamat po!
Sa mga ka-BLUES ko riyan. Sorry kung hindi na
rin ako active. Binabatukan na nga ako ng admin niyong baestfriend ko. Wala
akong magagawa e. Busy. Wala namang nakakamiss sa akin. Lol! Sino ba naman ako.
Lol! Ay ewan!
Sa mga members ng BTBBC. Pinunong Blue,
President Red, VP Jigy, Sexytary Bunsoy Nhe, Auditor Yelsna, Ian Bebe, Kuya
Japs, Kuya King, Sichem Bebe, Lex Bebe, Kuya Daryl. Miss you all! XOXO.
Syempre sa mga Bebe kong sina RED at BLUE, na
tigatulak ever. Push niyo pa ako more. Salamat ng marami!
Sa Co-RA’s kong sina CrayonBox, Gio, Prince
Justin, Vienne, Cookie Cutter, Alexander Blue Bebe Sebastian, Seyren, at
Apple Green. Penge ako ng copies nang mga natapos niyo nang kwento. Please? :D
Sa mga bida ng A/N na ‘to. Commentators, Readers
and Critics. Maraming salamat pa rin sa oras niyo sa pagbabasa nitong kwentong
isinusulat ko.
Heto na po, #LoveIs28. Enjoy!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental. All images, videos and
other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo
credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS
CHAPTERS
ADD US TO
YOUR BLOGGER APP
(Reading
List)
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Crayonbox’s
Starfish (On-going)
Gio Yu’s
Final Requirement (On-going)
Seyren
Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose
Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Vienne
Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Prince Justin
Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Jace Page’s
The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Cookie
Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XXVIII
Riel’s POV
Nagising na lang ako
sa init na tumatama sa balat ko. Nakatulog pala ako. Dahil na rin siguro ‘yon
sa puyat. Oh well, mabuti na rin ‘yon.
Pagtingin ko sa oras
gamit ang iPod ko ay mag-aalas diyes na rin naman pala. Kumakalam na rin ang
sikmura ko gawa ng hindi pala ako nag-almusal kanina.
“Yong mga kakain
diyan!” Sigaw noong mama sa unahan.
Napansin ko na lang
na pumarada ito sa may seaside na may nakahilerang mga kainan. Agad namang
nagsibabaan ang mga pasahero nang tumigil ang sasakyan.
Gumaca, Quezon na nga
ito. Nang makita ko lang ang Lita’s Carindera’y hindi ako nagkamali sa kutob
ko.
Oh well, papel. Ano
pang gagawin? Edi kumain na rin lang! Kapag andito ka sa Gumaca, especially
dito, sa kilalang Lita’s Carinderia, dapat sulitin mo na. Lol!
Nag-advertise pa ‘di
ba?
Pagkababa ko sa bus
ay nakuha agad ng pansin ko ang isang puting Mini Cooper na pumarada sa
katabing lot ng bus namin. Namiss ko tuloy si Blake. Argh!
Seriously? Anong
meron sa Mini Cooper ngayon? Kalat sila sa Naga, lately. Tss.
Pati ba naman ‘dito!
Hayst! Anyways, ininda ko na lang ‘yon. Nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa
kainan.
“Riel? Gabriel Dela
Rama?”
Napalingon naman ako
nang may tumawag sa pangalan ko? Seriously? May tumatawag din sa mga may pangalang
Gabriel, na gano’n? Usually kasi, Gab at Gabby lang naman, ‘di ba?
Oo na! Inangkin ko
talaga ang nickname na ‘yon. Sina Mama at Papa kaya nagbigay no’n sa akin.
“Zeke?” Gulat na saad
ko nang makita ko ang imahe niya. Kinusot ko pa nga ang mga mata ko to confirm.
Then, poof! Akala ko namamalikmata lang ako.
Agad akong lumapit sa
kanya saka hinila siya sa hindi mataong lugar.
“What are you doing
here?” Bulong ko.
“Woah! Woah! Woah!”
Aniya sabay tanggal ng kamay ko sa braso niya. Napahigpit ata ang hawak ko.
“Let me ask the same
question too, anong ginagawa mo rito? Saan ka pupunta?” Tanong niya.
Umiwas na lang ako ng
tingin sa kanya. Ba’t ko sasabihin? Close ba kami? Saka, ano naman ang pakialam
nitong mokong na ‘to!
“Ano?” Natatawa
niyang tanong.
“I don’t have to
explain!” Padabog akong nagmartsa papasok sa Lita’s.
“Hey! Papunta ako ng
Manila. It’s near noon, so I dropped by to eat. That’s all!” Aniya.
Nakasunod lang ‘to sa
akin.
“Riel!” Hindi ko man
lang siya nilingon. Ang presko nito! Grabe! Feeling close! Tss!
Naisipan ko sanang
lingunin ulit siya. Pero naisip kong… putek! Baka i-contact siya ng kung sino
sa Naga! Argh! Or worst, sabihin niya kay Red. ‘Wag na lang! Baka assumero na
naman ako. Mas mabuti na lang umiwas sa pang-uusisa niya. Lalalalala! Hahahaha!
“Riel!” Ulit niya.
Nahawakan niya na rin ang braso ko. “What’s your problem? Last Saturday pa ‘yan
ha? Is it Red… or something?”
Doon na talaga ako
napatigil sa paglalakad. Oo nga pala. Doon sa bar nila ako nagdrama dahil sa
problema ko. Argh!
“What? Hindi kita
titigilan hanggang hindi mo sinasabi sa akin. Wait! Alam ba ‘to ng hilaw mong
kapatid? Ayoko mang tawagan si Red, gagawin ko pa rin.” Insist niya pa rin.
Napalingon na ako sa
kanya na halos mabali ang leeg ko sa sobrang intense! What? As in, what?
Tatawagan niya si… Red?
“Ha?!” Napasigaw na
ako. Nagsitinginan tuloy sa amin ‘yong mga taong kumakain doon. Kaya hinila ko
na lang ulit siya palabas ng Lita’s.
“Please! ‘Wag na ‘wag
mong gagawin ‘yan. Hindi ito alam ng mga naiwan ko sa Naga.” Pakiusap ko.
“Then tell me, what is
this all about? Makikinig ako.”
Tss. Binablackmail pa
ako ng isang ‘to. Sabi ko nga, we’re not that close para sabihan siya ng
problema ko sa buhay. Kila Eli nga’y hindi ko iyon ginagawa, tapos sa mayabang
na Yamson na ‘to gagawin ko! Hell, no!
“Ano na? Should I call,
Red?” Aniya sabay wagayway ng kanyang cell phone.
Fudge!
Inagaw ko iyon sa
kanya, at nagtagumpay naman ako. Lol!
“Kung matatawagan mo.
Bleh!” Panunuya ko sa kanya.
Para na nga akong
bata sa panunuya sa kanya rito. Wala namang nakakakita. Lol! Meron pala! Bahala
na, hindi naman nila ako kilala. Napadaan lang naman ako rito para kumain ng
tanghalian.
“Of course… I still can.”
Aniya sabay pakita sa akin ng isa pa niyang cell phone.
Natigilan naman ako
sa ginagawa kong panunuya sa kanya. Parang kusang nahulog ‘yong panga ko dahil
sa pinakita niyang spare na cell phone.
Napangiti naman siya
ng wagas. Seriously? Nagpakatanga ako sa panunuya sa kanya para lang sa wala?
Fuck this shit!
Argh! Siya na ang may
dalawang cell phone! Tss. Mayaman nga naman! Tss!
“Oo na! Oo na!”
Pagsuko ko. Binalik ko na rin sa kanya ‘yong isang cell phone niya.
“Good!” Wagas pa rin
sa pagngiti. ‘Yong totoo? Elastic ba ang mga labi niya? Umabot na sa may tenga
niya e. Sarcasm! Argh!
“Let’s talk about it
over lunch? Gutom na ako e.” Walang ganang pag-alok ko sa kanya. Baka
makalimutan niya pa. Magandang diversion ‘yon. Lol!
Pero! Argh! Kung
hindi naman ako magpapaliwanag, lagot ako! Wala pa naman akong ipapamblackmail
sa kanya. Tss!
“Okay! My treat!”
“Tss. ‘Wag na! May
pera naman ako. Baka utang pa ‘yan e.”
Sige na! Ikaw na ang
may pera! Nakow! Pakitang tao lang ‘to! Lol! Galante raw, oh! Tss. Woooooh! Edi
wow!
Nagiging judgmental
na ata ako. Hohoho!
“Sows! Nahiya ka pa.
‘Yong JD nga ako na ang nagbayad no’n e.”
Tss. Oo nga pala!
Umalis lang ako ro’n nang hindi man lang nagpapasalamat sa kanya.
“Wag mo na ngang
ipaalala ‘yon! Andito ako ngayon sa byaheng ‘to dahil gusto ko nang makalimot.
Gusto ko nang magmove forward sa isang taong… Argh! Tara na nga!” Inis akong
pumunta sa counter ng carinderia para mamili ng kakainin ko.
Bwesit! Bakit sa
dinami-rami ng mga taong makakasalubong ko sa byaheng ‘to ay ang makulit at
mayabang na Yamson pang ito ang pinadala. Hay buhay!
Pinaalala pa sa akin
lahat ng nangyari ng gabing ‘yon! Argh! Makakalbo ko na ata ang sarili ko kung
totoong sinasabunutan ko ‘to. Mababaliw ako sa isang ‘to e! Ang kulit!
Nagsimula lang naman
‘yang makipagfeeling close sa akin noong mawala si Red. I don’t know why. I
also wonder. Gano’n nga rin ‘yong mga kaibigan ko. In fact, pinalalayo pa ako
ni Eli sa kanya dahil siya’y totoong bully.
Ewan nga lang kung
bakit siya nagbago nang gano’n kadali.
Oh well, papel! May
mga tao naman talagang, basta gustong magbago, agad nila ‘yong magagawa. Hindi
tulad ng sitwasyon ko ‘no! Usapang puso ‘to. Puso! Okay?!
“Ano na? Akala ko
gutom ka na?” Bulong niya.
Nagbalik ako sa
realidad.
“Anong ginagawa mo?”
Fudge! Ang bango ng
hininga niya! Lol! Seriously? Kumakain ba ‘to ng toothpaste o umiinom ng mouth
wash?
Dumistansya na lang
ako ng konti. Gusto ko pa ring maamoy kasi ‘yong hininga niyang amoy toothpaste
ba ‘yon o mouthwash. Napaisip tuloy ako kung ano ba talaga ang amoy no’n.
Napakibit-balikat na
lang siyang nakangiti. Itinuon na niya rin ang kanyang atensyon sa pagpili ng
makakain.
“Ate! Isa nga po
nitong pusit, isang sinigang na isda, tsaka po nitong steak.” Turo niya sa mga
ulam na kanyang napili. “Padagdag na rin po no’ng laing, at dalawang barbeque.
Tsaka apat na kanin.” Dagdag pa niya.
Napanganga na lang
ako sa mga inorder niya.
“Yon lang po ba,
Sir?”
“Tsaka isang 1.5 na
litro ng Coke. Paserve na lang po sa taas, ha?” Dagdag niya.
“Okay po, Sir.” Tugon
sa kanya ng serbidora na panay ang sulyap sa kanya.
“Magkano po lahat?”
Tanong niyang muli.
Nagawa ko na lang
muna ay ang pagmasdan ang ginagawa niya at no’ng serbidora.
Tss. Oo, Ate! Ang
gwapo niya! Mas gwapo pa nga sa akin e. Pero mas gwapo pa rin si… Argh!
“450 po lahat, Sir.”
Bang landi naman nitong si Ate! Nagawa pang i-flip ang hair niya! Bawal ‘yan ‘di
ba? Maghairnet ka, Ate! Mahaluan pa ng buhok mo ang mga pagkain e!
Napakainsecure ko naman
ata. Lol! Wala naman akong karapatan! Tss!
Nang mabayaran na
niya ay saka lang ako pumasok sa eksena. Nakakahiya naman kasi kung papasok ako
nang walang cue ni Direk. Mapagalitan pa ako. Parang hindi ako ang bida sa
kwentong ‘to. Lol!
“Iyo lang lahat ng
mga ‘yon? Grabe! Sa’n mo ‘yon ilalagay diyan sa tiyan mo?” Turo ko sa wala man
lang kataba-tabang tiyan niya. Baka nga anim na pandesal ang nakaumbok doon e.
Lol!
Shock pa rin ako sa
dami ng inorder niya.
Iniangat niya naman
ang damit niya saka itinuro ang kanyang tiyan. Putek! Walo pala! Walo! Nang
makita niya ang reaksyon ko ay natawa na lang ito.
Tss. Yabang! Oo na!
Ikaw na ang may walong pandesal diyan! Lol! Pandesal talaga ‘no? Ewan! Meron
din naman kaya si… si Eli! Walo rin ‘yon!
Tumango-tango pa ako.
“Okay! Okay! Sabi ko
nga, my treat, ‘di ba? Since hindi ka naman makapili, ako na ang umorder. May
gusto ka pa ba?” Napapailing niyang tugon.
“Ewan ko sa’yo! Ang
dami na kaya no’n tapos dadagdagan ko pa. Nako! Okay na ‘yon! Wala na naman
akong magagawa, nabayaran mo na rin naman. Ang grasya, hindi dapat
tinatanggihan.” Pandesal mo pa lang nga, nabusog na ako! Lol!
Ano ba ‘tong
pinagkakaabalahan ko! Putek!
“Good! Una ka na sa
taas, may kukunin lang ako sa kotse.” Aniya.
Argh! Sumagi na naman
tuloy sa akin ‘yong nangyari last week. Argh! Walo pa rin kasi ‘yong pandesal
ni… Tapos ‘yong v-line. Fudge!
Umiiling na lang akong
nagmartsa papunta sa hagdan. Kakalimutan nga Riel, ‘di ba? Kakalimutan! Argh!
Buti na lang at
patapos na rin naman ‘yong ibang kumakain doon nang makarating ako sa taas.
Namiss ko ‘to. Dati
rati’y kami nila Mama, Papa, at Ate ang magkakasamang kumakain dito sa tuwing
bumabyahe kami papuntang Maynila. Memories of them, will never fade inside my
head.
Napailing na lang ako
nang maisip ko na naman ang plano ko sa byaheng ito. Moving on, huh?
Isa-isa na ring
dumating ang mga inorder ng bruhong si Zeke. Nakakatakam na. Lol! Asa’n na ba
‘yong halimaw na ‘yon! Ang dami ko na atang naitatawag sa kanya. Ano naman? Sa
isipan ko lang din naman ‘yon lumalabas.
Nakatanaw lang ako sa
malawak na dagat na nasa harap kung nasaan kami ngayon. Buti na lang at mayroon
nang 2nd floor itong Lita’s. Nakilala na kasi, kaya’t kailangan
nilang magexpand para maaccomodate ang halos oras-oras na pagdrop-by ng mga
byahero.
Kumalam muli ang
tiyan ko. Ano ba ‘yan! Asa’n na kaya siya? Bababa na sana ako nang sakto namang
dumating na siya.
“Di ka pa rin
kumakain?” Aniya.
“Nakakahiya naman po
kung mauuna akong kumain. Libre na lang nga ‘to, sasamantalahin ko pa. Nasaan
ang manners do’n? Manners! Ewan ko sa’yo ‘no! Sa’n ka ba kasi galing?” Rant ko.
“Ah! Pasensiya ka na.
Tumawag kasi si Dad. Napatagal. Ang daming binilin.” Natatawang tugon niya.
Anong nakakatawa?
Napailing na lang ako. Ikaw na nga ang binigyan ng maraming gawain, matutuwa ka
pa? Aba matinde! Edi wow! Siya na ang gustong maraming gagawin!
“O siya. Andito ka na
rin naman. Kumain na tayo. Baka maiwanan pa ako ng bus ko.”
Umupo na lang siya sa
harap ko saka namin sinimulang lantakin ang pagkain. We’re pigging out. Lol!
“Wag kang kain lang
ng kain diyan, magkwento ka na.” Aniya.
“Masamang magsalita
kapag may pagkain sa bibig. Mabilis lang ‘to, kain na nga muna!”
Natatawa na lang
siyang umiling sa inasta ko.
“Sabagay, marami pa
tayong oras para doon.”
Napailing na lang
ako. Neknek niya! Pagkatapos ko nito, aalis na ako! Bahala siya kung i-contact
niya man sina Eli o Red.
As if naman alam niya
kung saan ako pupunta sa Maynila ‘di ba? Dalawang araw lang naman ako roon,
tapos byahe na ako papuntang Palawan.
Malaki rin naman ang
Maynila para mahanap ako ng dalawang ‘yon.
Great idea! Lol! Ang
talino ko talaga!
Nakita ko na lang
siyang umiiling.
“Creepy.” Aniya. “Ang
hilig mo talagang magdaydream, ‘no?”
Pinandilatan ko na
lang siya. Hindi naman siguro mind reader ‘tong isang ‘to. Oh well, papel!
“Natural na ‘yon sa
akin, no! Hayaan mo na nga!” Asik ko.
Nang matapos ko ang
pagkain ko ay nagpaalam muna ako sa kanya na pupunta ako ng rest room. Pero ang
totoo, tatakasan ko na siya. Masyado nang matagal ang itinuon ko sa pagkain
lang. Baka ako na lang ang hinihintay doon sa bus.
“CR lang ako ha?”
Bilin ko. “Salamat pala sa pagkain. Nabusog ako. Kaya tuloy tinatawag na ako ng
kalikasan. Number 2. Lol!” Palusot dot com!
Hindi ko na siya
inantay pang sumagot. Hindi naman niya mapipigilan ang tawag ng kalikasan ko na
hindi naman totoo. Pumanhik na lang ako pababa tsaka mabilis na lumabas ng
Lita’s.
Umihip ang ang
hangin. Lol! Imagine a deserted place.
Nganga. ‘Yon ang
unang reaksyon ko nang wala akong madatnan na bus pagkalabas ko.
“Ale. Nasaan na po
‘yong bus na nakapark dito kanina? ‘Yong katabi po no’ng puting kotseng ‘yon?”
Namumutla kong tanong doon sa aleng nagtitinda ng yema sa labas ng Lita’s.
“Umalis na po, Sir.
Hindi pa naman nagtatagal.” Tugon nito.
“Po?” Pagkumpirma ko.
“Umalis na. Bakit?
Nakasakay ka ba roon?” Pag-uulit nito.
Marahan na lang akong
napatango sa kanya.
“Ay! Bakit ganoon?
Iniwan ka na ata?”
Hopeless akong
napaupo sa bench na nasa labas ng Lita’s dahil doon. Argh! Bakit ako naiwanan
ng bus? Protocol naman ng driver o pahinante na siguraduhing walang maiiwan sa mga
pasahero nila ‘di ba?
Nagbayad kaya ako!
Tsaka ‘yong mga gamit ko! Argh! Paano na ako nito?
Naiiyak na ako.
Naisip ko tuloy na hindi ata tama na umalis ako. Argh!
Nakita ko na lang si
Zeke na binuksan ‘yong kotse niya. Argh! Wala na talaga akong choice kung hindi
ang sabihin sa kanya ang lahat. Siya na lang ang pag-asa ko ngayon! Argh!
Pilitin ko mang
takasan siya, parang hindi ko na iyon magagawa ngayon. I’m so hopeless, na
kahit nasa huling option ko siya’y, gagamitin ko na. Siya lang naman ang kilala
ko rito. Argh! Nakarma ata ako agad! Ang sama kasi ng naisip ko!
Nilibre na nga ako’t
lahat-lahat, naisip ko pang takasan! Paliwanag lang naman ang kailangan niya.
Ngayon, isa ka ng
maamong tupa, Riel, kasi may kailangan ka sa kanya. Tss. I hate this! Pero
kailangan. Argh talaga!
Marahan lang akong
lumapit sa kanya.
“Zeke…” Parang bata
kong tawag sa kanya.
“How’s releasing the
call of nature?” Natatawa niyang tanong. Pero hindi ko iyon inintindi. Hindi ko
naman kasi talaga ‘yon ginawa.
“Naiwanan ako ng
bus.”
“Huh?” Aniya saka
nilingon ang katabing lote.
“Aww! Natagalan ka
atang mag-CR. Akala nila, wala ka na rito.”
“Eeeeeeeh! Protocol
nilang hanapin ang mga pasahero nila, ‘di ba?”
Napakibit-balikat na
lang siya.
“Sabagay.” Tugon niya
saka pinagpatuloy ang kung anong ginagawa niya sa loob ng kotse niya.
“Zeke…”
“Hmmm?”
“Pwedeng makisabay na
lang ako sayo?”
“Sure!” Masaya niyang
tugon.
Tss. Anong masaya
do’n? Hindi ako magiging masaya ‘no! Magrereklamo talaga ako doon sa terminal
kapag nakuha ko na ‘yong mga gamit ko! Bwiset!
“Tapos punta tayo
doon sa terminal na dapat pagbababaan ko, ha? Kailangan kong makuha ang mga
gamit ko.”
Napakibit-balikat na
lang siya saka ngumiti. “Okay! Walang problema.”
“Mukhang masaya ka
pa? Namomroblema ako’t lahat lahat, ikaw naman nagsasaya. Seriously?
Pinagtatawanan mo ba ako dahil naiwanan ako ng bus? Tss. Bully ka nga talaga!”
Napailing na lang ito
ng todo.
“Oy hindi ah! Nagbago
na kaya ako!”
“Wushu! Hay nako,
Yamson! Kung hindi lang kita kailangan, baka naitapon na kita sa dagat ngayon
ngayon lang.”
“User ka na pala ngayon,
Mr. Dela Rama?” Panunuya nito sa akin.
“Nako! Ngayon lang
‘no! Tatakasan na sana kita—.” Ooops! Nadulas ako.
“So ‘yon nga talaga
ang plano mo?” Aniya tsaka tumawa ng malakas.
“What do you mean?”
“Well, kung matalino
ka, Mr. Dela Rama. Maparaan naman ho ako.” Sagot niya sabay pakita ng malaking
bag ko.
“Bakit andyan ‘yan sa
kotse mo?” Clueless na tanong ko.
“Kinuha ko doon sa
bus. I just thought na paplanuhin mong tumakas without any words with the
matter at hand. Without saying anything about what’s really happening to you. Well,
tama ang hinala ko. Hindi ba ako mapagkakatiwalaan?” Aniya.
Napaiwas na lang ako
ng tingin sa kanya.
Tama siya. Iniiwasan
ko, kasi gusto ko, ako ang maghahanap ng sagot sa problema ko. Hindi kailangang
may mainvolve na naman na iba rito.
“Hindi naman sa
gano’n.”
“Trust me, then.”
Aniya.
Napabalik na lang
ulit ako ng tingin sa kanya. Kaya ko kaya? Lahat ng bagay na dinaramdam ko ay
lagi ko lang kasing tinatago sa sarili ko. Minsan, lumalabas lang naman ‘yon
kapag nagkakaroon lang ako ng emotional outburst.
But as long as walang
nagtitrigger noon ay, kinikimkim ko na lang lagi lahat.
“Tara? Mahaba-habang
byahe pa ‘to.” Pag-alok niya.
Kaya ‘yon, wala na
rin naman akong nagawa. Kesa naman magpaiwan ako rito. Juice ko! Another fare
to pay. Sa kanya na lang. Libre pa.
Bwiset kasing bus
driver no’n! Bawal ‘yon ‘di ba? Wala namang consent ang pagpull-out ko doon!
Argh!
“It must be hard?
Mahal na mahal mo pa naman ‘yong tao.” Aniya.
Natapos rin ako sa
mahabang pagkwento sa kanya ng dahilan ko kung bakit ako naririto sa byaheng
ito. Dalawang oras na rin ang nakalipas nang magsimula kami sa byahe namin.
Napatango na lang
ako.
“It is… Pero… ito
lang ang paraan na alam ko, to move forward.” Tugon ko.
“Pero… hindi ko ‘yon
alam ha? Na may mahal na siyang iba.”
Napakibit-balikat na
lang ako.
Bakit ko pa ba
inaalala ang lahat ng ‘yon. Lahat ng mga ‘yon ang gusto kong burahin sa
aking alaala. Ano pa
ang silbi ng byaheng ito kong paulit-ulit ko rin lang namang aalalahanin.
“Let’s just not talk
about it, okay?”
Marahan na lang
siyang napatango sa pakiusap ko.
Itinuon ko na lang
ang atensyon ko sa mga kulay berdeng puno na nadadaanan namin. Totoo ngang sa
mga greeny things narerelax ang utak ng isang tao.
Ilang beses kong itinatak
sa isipan ko na hindi ito ang realidad. Na masamang panaginip lamang ‘to. Masamang
panaginip na nagbabalat-kayo lamang na maganda. Pero, ipinamukha sa akin ng
bawat araw na lumilipas na lahat ng nakikita ko at nararamdaman ay ang totoo.
If all of this was a dream… then it would have been better without pain…
Pero… unti-unti akong
nasasaktan. Kasi, ito ang realidad. Ipinapamukha sa aking, mali lahat ang
pinangarap ko.
Napailing na lang
ako.
Zeke’s POV
Totoo nga ang
sinasabi ng iba na kapag katabi mo ang taong pinapangarap mong mapasayo,
magdidiwang ang lahat ng nasa sistema mo.
He’s my new found
glory. Ang dahilan kung bakit ko binago ang sarili ko.
At first hindi ko
‘yon inaamin sa sarili ko. Mas gusto ko ngang binubully siya noon, although,
sidekick lang naman kami noon ni Red.
Makita ko lang siyang
napapahiya ay okay na ako. Kapag kulang naman ay ‘yong mga kaklase ko naman sa
C Section ang pinagtitripan ko.
Gaya ni Red, nagbago
ang pakikitungo ko sa kanya simula nang makita ko ang lungkot sa mukha niya.
In fact, hindi naman
talaga bully si Red. Ako lang naman. Nagkataon lang na kaibigan niya kami
simula pa noong Grade 1.
Alam naming may kung
anong rason si Red for bullying him, unintentionally. Pero hindi namin alam na
para lang pala ‘yon sa pagkuha ng atensyon ni Riel.
Hindi ko nga alam
kung bakit e. Isang napakalaking tinik ang nag-iisang Gabriel Dela Rama sa mga
tulad naming bully simula noong maging Presidente siya ng SC. Maging
Disciplinary Board kasi ay hawak niya.
Ewan ko nga ba! Ginawa
ang lalaki para sa babae, at ginawa naman ang babae para sa lalaki. Pero, bakit
parang sa lalaki ako naaattract?
Does it mean I’m gay?
‘Yon lang ba talaga
ang rule sa buhay?
‘Di ba pwedeng, kung
ano na lang ang gusto ng tao, ‘yon ang masusunod?
Argh! Nagulo ko na
lang ang buhok ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. Fuck this shit! Pero heto na
ako. Tuluyan nang nahulog ang loob sa kanya. Lagi ko siyang ini-stalk, just
like what Red did to him, every single day.
It’s not like, I’m
doing the same thing. Wala e. Kapag nagkagusto ka talaga sa isang tao, even if
it’s wrong, magagawa mo na rin.
Hindi ko nga lang
siya noon malapitan dahil naging malapit na silang dalawa ni Red sa isa’t isa.
Tapos noong nawala naman si Red, ang hilaw naman niyang kapatid na si Martinez
ang naging malaking balakid sa akin.
Tss.
Napailing na lang
ako. Panay ang sulyap ko sa katabi ko habang nagdadrive. Nasa Candelaria,
Quezon na rin naman kami. Mga dalawang oras na lang, Manila na kami.
Ang maamo niyang
mukha ang nagpaparelax sa akin ngayon. Kahit na parang ihing-ihi na ako dito sa
sobrang saya na kasama siya. Lol!
Buti na lang ay
nagkaroon na ako ng background kung paano siya mag-isip. Kanina? Inunahan ko
na. Isa siya sa mga pinakamailap na tao noong nakaraang taon. Ang pagkawala ni
Red ang nagpabago sa kanya.
Naroroon nga siya sa
mga activities na ginagawa ng SC, pero, ang diwa niya’y lumilipad kung
saan-saan. That’s me, stalking him, every single day. Ewan!
Feeling close na ako
kung feeling close. Basta makalapit lang ako sa kanya. This is my way to his
heart. Ito na ang pag-asang hinihintay ko. Hindi ko alam kung bakit binitawan
ni Red ang katulad niya.
Bahala na nga siya!
Bakit ko pa ‘yon pinoproblema. Pagkakataon ko na ‘to. Ang kailangan ko lang
gawin ay ang makuha ang loob niya.
Ang magtapat sa
nararamdaman ko sa kanya.
Kapag nangyari ‘yon,
hinding-hindi ko siya bibitawan gaya ng ginawa ni Red sa kanya.
Naitigil ko na lang
ang kotse nang marinig ko ang hikbi mula sa kanya.
“Red… please… ako na
lang ulit…” Aniya sa gitna ng bawat hikbi nito.
“Riel!” Paggising ko
sa kanya. Pero patuloy pa rin ito sa kanyang paghikbi.
Dahan-dahan na lang
akong bumababa sa kotse para buksan ang pinto sa passenger side at gisingin
muli siya.
“Riel! Riel!”
Pagtawag ko sa kanya.
“Red... please…”
Umiiyak pa rin siya.
“Riel!” Niyakap ko na
siya nang mahigpit. “Riel… it’s okay. Andito ako. Hindi kita iiwan.”
“Red?” Aniya saka
yumakap sa akin ng mahigpit. “Please… Red… ako na lang ulit, ha? Please… mahal
na mahal kita… hindi ko kayang mawala ka…” Hagulhol niya.
Hinayaan ko na lang
muna. It seems that, although, gusto na niyang kalimutan ang lahat ng masasakit
na karanasang natamo niya ay bumabalik pa rin siya sa umpisa.
“Please… Red?” Aniya.
“Hinding-hindi kita
iiwan. Pangako.” Sagot ko na lang.
Gusto kong punan ang
pagkukulang sa kanya ni Red. Pero… hindi iyong sa katauhan ng taong naghatid sa
kanya ng lahat ng ito.
Gusto ko na ‘yong ako
ang nakikita niya. Na ako na ang masasandalan niya. It may be selfish to own
him now. I’ll be one, para lang maging maayos na siya.
Hindi ko na napigilan
ang sarili ko sa paghalik sa kanya.
Ang malambot niyang
labi ang matagal ko nang inaasam. Kaya pala overprotective sa kanya si Red.
Ewan, one time, sinabihan na niya lang akong dumistansya sa kasintahan niya.
Hindi naman sa
pinagnanasahan ko siya. ‘Yon lang ang naging epekto niya sa akin.
“Re-Zeke?” Gulat
niyang tanong. “Anong…” Nahawakan na niya lang ang labi niya.
“Riel… let me
explain…” Tugon ko.
“Akala ko si…”
Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
“Gusto kita, Riel.”
Lakas loob kong pag-amin sa kanya.
Napailing ito ng
todo.
“Hindi pwede, Zeke.”
“Di ba gusto mo nang
kalimutan ang lahat… si Red?”
I may sound
desperate, pero, ‘yon ang sabi niya. Kaya nga siya nandito sa sitwasyon ngayon,
‘di ba?
“I’ll help you.”
“Ayoko sa paraan na
gusto mo, Zeke.” Itinabi niya ako saka siya lumabas ng kotse.
“Riel…”
“Hindi, Zeke. Ayokong
manggamit ng iba, just to forget the pain. Maling-mali iyon.”
“I am more than
willing.”
“Hindi. Ayoko.”
Umiwas na lang siya ng tingin sa akin.
May mabuting pagkatao
nga si Riel. He’s anyone could ever ask for. Pero ito ang naiisip kong paraan
para mabilis siyang makalimot.
“Mahal kita, Riel.
Tutulungan kitang makalimot. Let me ease the pain.”
“Ano ‘yon, Zeke?
Mahal? Mahal mo ako? Kanina sabi mo, gusto mo lang ako, ngayon, mahal na? Sa
isang kisap-mata lang? Ganoon mo ba ako kagustong tulungan?”
Marahan na lang akong
napatango. Nag-iwas na lang siya ng tingin.
“Pero… may
nagmamay-ari pa ng puso’t isipan ko. Alam mo ‘yon. Kaibigan mo ‘yon!” Sigaw
nito.
“Alam ko. Pero…
nasasaktan ka na, dahil sa pagmamahal na ‘yon. Hindi na niya kayang suklian
‘yon. May mahal na siyang iba. ‘Yon ‘yong ginagawa mo ngayon ‘di ba? Ang
makalimot?”
May sasabihin sana
siya, pero… nang marinig niya ang sinabi ko ay natigilan na lang siya. Mahabang
dead air ang dumaan.
“Hindi ko kaya...
hindi ko kayang alisin siya sa buhay ko.”
Lumapit ako sa kanya
saka mahigpit siyang niyakap.
“You don’t deserve
the pain. Maling-mali si Red na ipagpalit ka niya. If you will let me,
sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan. I’ll kill myself if I did. Promise.”
Tugon ko sa kanya.
“Mali… maling-mali,
Zeke.”
“Oo… mali… pero, kung
‘yon ang makakatulong sa’yo, try it. Kapag hindi gumana, then, hindi mo talaga
kayang alisin siya riyan sa puso’t isipan mo. You’re really into deep, then.”
Desperado na nga ako.
I just want him to try. ‘Yon lang naman. Pero… gagawin ko ang lahat para sa
subok lang na iyon ay siguradong ako na ang pipiliin niya.
“Bakit Zeke?” Aniya.
“Kasi nga gusto kita…
mahal kita, Riel. No’ng last year pa.” Tugon ko.
“Pero, hindi kita
mahal. I can’t reciprocate that love.”
“I can wait… I can
make you feel my love.”
Hindi ko na napigilan
ulit ang sarili ko. Kapag natikman mo na talaga ang isang bagay, pwedeng hindi mo
na ito tigilan pa. Hahanap-hanapin mo na. Just like Riel’s lips. I can’t even
resist it. Hinalikan ko na lang siya ulit.
“Zeke, ano ba!” Aniya
nang magbitaw kami sa halik na ‘yon.
Nagpumiglas siya sa
akin saka tumakbo.
“Riel!” Sigaw ko.
Tanging ingay na lang
mula sa preno ng isang kotse ang narinig ko.
Josh’s POV
Narito kami ngayon ni
Riley sa food court ng SM matapos naming manood ng sine. Wala lang. Popcorn
lang naman kasi ‘yong dinala namin sa loob. Pinagtitinginan na nga kami rito e.
Pake ba nila! Mamatay
sila sa inggit! Ngayon lang ba sila nakakita ng mag-asawang parehong lalake?
Gosh! Nasaang kabihasnan ba sila! Lol!
“Ang mata mo.”
Natatawang saad sa akin ni Riley.
“Kasi naman!”
Pinandidilatan ko kasi ‘yong mga taong panay ang sulyap sa amin.
Napailing na lang ito
sa akin nang nakangiti.
“Ubusin mo na nga
‘yan. ‘Di ba gusto mo pang maglaro?”
“Tss. Kasi naman ito
pa binili mo. Ang laki ng slice. Nagpansit na lang sana tayo.”
“E kasi naman po sabi
mo kahit ano. Kung may mabibili sana ritong kahit ano, ‘yon ang binili ko. You
let me choose what to eat. Bear with it.” Aniya na tumatawa na.
“Ewan ko sa’yo ‘no.
Alam mo namang hindi ko tinatanggihan lahat ng ibibigay mo sa akin.”
“Wushu!”
Papaluin ko sana siya
nang bigla na lang mahulog ‘yong baso ko saka nabasag. Nagsitinginan tuloy
‘yung mga taong nasa katabi namin. Napahawak na rin ako sa aking dibdib. Fudge!
What just happened? Hindi ko naman ‘yon nasagi, ‘di ba?
“What happened?”
Tanong niya.
Napailing na lang ako
nang wala sa sarili ko. What the fudge!
“I don’t know.”
Agad na lang siyang
lumuhod saka isa-isang pinulot ang mga basag na parte ng baso. Lumuhod na rin
lang ako para tulungan siya.
“Ano pong nangyari?”
Tanong ng isang utility man na lumapit sa amin.
“Sorry po. Nabasag
ko.” Tugon ko sa utility man.
“Bayaran na lang po
namin.” Dagdag naman ni Riley.
“Okay lang, Sir. Ako
na bahala riyan.”
“Okay lang, Kuya.
Tulungan ka na po namin.”
Fudge! Ano kaya ‘to!
Kinabahan ako ng bongga! Argh!
Itutuloy…
Grrrr.... Another exciting and heart warming confessions of zeke's love to riel....author can u give a try for both of them.. I really love to read over over again.. D naman po sa bag mama runong... Can u make the story longer or add another sequel to this..... Thank u mr. Author... Such a pleasure read ur masterpiece...
ReplyDelete* jmc
Grrrr.... Another exciting and heart warming confessions of zeke's love to riel....author can u give a try for both of them.. I really love to read over over again.. D naman po sa bag mama runong... Can u make the story longer or add another sequel to this..... Thank u mr. Author... Such a pleasure read ur masterpiece...
ReplyDelete* jmc
Grrrr.... Another exciting and heart warming confessions of zeke's love to riel....author can u give a try for both of them.. I really love to read over over again.. D naman po sa bag mama runong... Can u make the story longer or add another sequel to this..... Thank u mr. Author... Such a pleasure read ur masterpiece...
ReplyDelete* jmc
Ugh... Riel at Zeke ba ito? Omg. Can't wait. Basta please. Walang mamatay ha kuya Rye? Baka ikamatay ko yun. Hihihi
ReplyDelete- Michito
itutuloy na nman ahhhhhhhh.......ka asar..........joke lang po je je nice nice talaga ganda ng story keep up the good work po
ReplyDeleteJous....
itutuloy na nman ahhhhhhhh.......ka asar..........joke lang po je je nice nice talaga ganda ng story keep up the good work po
ReplyDeleteJous....
Ang ikli naman. Haha.
ReplyDelete- yeahitsjm
omg nakakabitin
ReplyDeleteomg nakakabitin
ReplyDeleteAyan na d na talaga ako makakapg antay hahaix sana update na agad wag na patagalin please ganda na eh
ReplyDeleteFranz
Nakaka kilabot naman ung mngyayari ky riel...... Eto na kaya ung way para makalimot si riel ung mgka amnesia xa kawawang red zeke na ung papalit sa kanya
ReplyDeleteHow sad story,.....
Jharz
Nakakaexcite may bagong eeksena pero kinakabahan ako kay riel feeling ko nadisgrasya sya. Huhu sana hindi naman.
ReplyDelete-44
Aww MAKAKALIMOT NGA SI RIEL!!! AMNESIA NA ITU.... Then dun na eextra si zeke then then then hahahah basta exciting po grabe.... T.T
ReplyDeleteMagkakaroon ng amnesia si Riel. Hinde nya maaalala si Red at yong iba pa maliban lang kay Zeke na kanyang magiging Knight and shining armor at matatandaan din nya ang pamilyang Chua sa pagtulong sa kanya.
ReplyDeleteDan dan dan dan...
ReplyDelete- Sichem
Maaksidente si Red tapps tuulingan siya ni Zeke tapos mawawalan siya ng alaala.. sasabihin ni Zeke na siya anh boyfriend hahahaha tapos malalaman ni Red ppuntahan niya tapos mahuhulo na ulit. Woooo exciting!! Hahahha
ReplyDeleteHmmm....mukhang magkakaroon ng amnesia si Riel then si Zeke magpapanggap na boyfriend nya. Wawa si Red nganga.
ReplyDeletePayback time for what Red had done to Riel? I know the mind might forget but the heart knows whom he love, so happy pa rin ang ending. Spoiler? Just guessing though :-)
Brix
Hmmm....mukhang magkakaroon ng amnesia si Riel then si Zeke magpapanggap na boyfriend nya. Wawa si Red nganga.
ReplyDeletePayback time for what Red had done to Riel? I know the mind might forget but the heart knows whom he love, so happy pa rin ang ending. Spoiler? Just guessing though :-)
Brix
Hmmm....mukhang magkakaroon ng amnesia si Riel then si Zeke magpapanggap na boyfriend nya. Wawa si Red nganga.
ReplyDeletePayback time for what Red had done to Riel? I know the mind might forget but the heart knows whom he love, so happy pa rin ang ending. Spoiler? Just guessing though :-)
Brix