Followers

Sunday, February 8, 2015

Love Is... Chapter 28



AUTHOR’S NOTE: Hello! Pasensori kung nadelay ng isang araw. Natapos din ang exam week, though meron pang dalawang hindi pa namin nitake. Oh well! Sisiw na ‘yong mga subject na ‘yon. Lol! Tapos na ‘yong sa mga terror professors namin e.

Anyways! May update! ‘Wag niyo sana akong patayin, bugbugin sa kalalabasan ng kwentong ito. Although hindi ko naman kayang sundin ‘yong nisuggest ni Baestfriend Radish Cream Red-chan. Iniisip ko palang, naiiyak na ako. Oo, drama ‘to. Pero, may happy ending ‘to! Argh!

Oh well, papel! Kaway-kaway sa mga RYESTERS diyan. I miss you, guys! Sorry kung super busy na ako. Almost two months na rin lang naman. Konting antay na lang sa akin.

Belated TANJOUBI OMEDETTO GOZAIMASU, IAN BEBE-chan!

Kila Sir Mike at Sir Ponse. Patuloy pa rin po akong nagpapasalamat sainyo. For the opportunity and consideration. Salamat po!

Sa mga ka-BLUES ko riyan. Sorry kung hindi na rin ako active. Binabatukan na nga ako ng admin niyong baestfriend ko. Wala akong magagawa e. Busy. Wala namang nakakamiss sa akin. Lol! Sino ba naman ako. Lol! Ay ewan!

Sa mga members ng BTBBC. Pinunong Blue, President Red, VP Jigy, Sexytary Bunsoy Nhe, Auditor Yelsna, Ian Bebe, Kuya Japs, Kuya King, Sichem Bebe, Lex Bebe, Kuya Daryl. Miss you all! XOXO.

Syempre sa mga Bebe kong sina RED at BLUE, na tigatulak ever. Push niyo pa ako more. Salamat ng marami!

Sa Co-RA’s kong sina CrayonBox, Gio, Prince Justin, Vienne, Cookie Cutter, Alexander Blue Bebe Sebastian, Seyren,  at Apple Green. Penge ako ng copies nang mga natapos niyo nang kwento. Please? :D

Sa mga bida ng A/N na ‘to. Commentators, Readers and Critics. Maraming salamat pa rin sa oras niyo sa pagbabasa nitong kwentong isinusulat ko.  

Heto na po, #LoveIs28. Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII
XVIII | XIX | XX | XXI | XXII | XXIII


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Crayonbox’s Starfish (On-going)
Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Seyren Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Vienne Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Prince Justin Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXVIII


Riel’s POV

Nagising na lang ako sa init na tumatama sa balat ko. Nakatulog pala ako. Dahil na rin siguro ‘yon sa puyat. Oh well, mabuti na rin ‘yon.

Pagtingin ko sa oras gamit ang iPod ko ay mag-aalas diyes na rin naman pala. Kumakalam na rin ang sikmura ko gawa ng hindi pala ako nag-almusal kanina.

“Yong mga kakain diyan!” Sigaw noong mama sa unahan.

Napansin ko na lang na pumarada ito sa may seaside na may nakahilerang mga kainan. Agad namang nagsibabaan ang mga pasahero nang tumigil ang sasakyan.

Gumaca, Quezon na nga ito. Nang makita ko lang ang Lita’s Carindera’y hindi ako nagkamali sa kutob ko.

Oh well, papel. Ano pang gagawin? Edi kumain na rin lang! Kapag andito ka sa Gumaca, especially dito, sa kilalang Lita’s Carinderia, dapat sulitin mo na. Lol!

Nag-advertise pa ‘di ba?

Pagkababa ko sa bus ay nakuha agad ng pansin ko ang isang puting Mini Cooper na pumarada sa katabing lot ng bus namin. Namiss ko tuloy si Blake. Argh!

Seriously? Anong meron sa Mini Cooper ngayon? Kalat sila sa Naga, lately. Tss.

Pati ba naman ‘dito! Hayst! Anyways, ininda ko na lang ‘yon. Nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa kainan.

“Riel? Gabriel Dela Rama?”

Napalingon naman ako nang may tumawag sa pangalan ko? Seriously? May tumatawag din sa mga may pangalang Gabriel, na gano’n? Usually kasi, Gab at Gabby lang naman, ‘di ba?

Oo na! Inangkin ko talaga ang nickname na ‘yon. Sina Mama at Papa kaya nagbigay no’n sa akin.

“Zeke?” Gulat na saad ko nang makita ko ang imahe niya. Kinusot ko pa nga ang mga mata ko to confirm. Then, poof! Akala ko namamalikmata lang ako.

Agad akong lumapit sa kanya saka hinila siya sa hindi mataong lugar.

“What are you doing here?” Bulong ko.

“Woah! Woah! Woah!” Aniya sabay tanggal ng kamay ko sa braso niya. Napahigpit ata ang hawak ko.

“Let me ask the same question too, anong ginagawa mo rito? Saan ka pupunta?” Tanong niya.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Ba’t ko sasabihin? Close ba kami? Saka, ano naman ang pakialam nitong mokong na ‘to!

“Ano?” Natatawa niyang tanong.

“I don’t have to explain!” Padabog akong nagmartsa papasok sa Lita’s.

“Hey! Papunta ako ng Manila. It’s near noon, so I dropped by to eat. That’s all!” Aniya.

Nakasunod lang ‘to sa akin.

“Riel!” Hindi ko man lang siya nilingon. Ang presko nito! Grabe! Feeling close! Tss!

Naisipan ko sanang lingunin ulit siya. Pero naisip kong… putek! Baka i-contact siya ng kung sino sa Naga! Argh! Or worst, sabihin niya kay Red. ‘Wag na lang! Baka assumero na naman ako. Mas mabuti na lang umiwas sa pang-uusisa niya. Lalalalala! Hahahaha!

“Riel!” Ulit niya. Nahawakan niya na rin ang braso ko. “What’s your problem? Last Saturday pa ‘yan ha? Is it Red… or something?”

Doon na talaga ako napatigil sa paglalakad. Oo nga pala. Doon sa bar nila ako nagdrama dahil sa problema ko. Argh!

“What? Hindi kita titigilan hanggang hindi mo sinasabi sa akin. Wait! Alam ba ‘to ng hilaw mong kapatid? Ayoko mang tawagan si Red, gagawin ko pa rin.” Insist niya pa rin.

Napalingon na ako sa kanya na halos mabali ang leeg ko sa sobrang intense! What? As in, what? Tatawagan niya si… Red?

“Ha?!” Napasigaw na ako. Nagsitinginan tuloy sa amin ‘yong mga taong kumakain doon. Kaya hinila ko na lang ulit siya palabas ng Lita’s.

“Please! ‘Wag na ‘wag mong gagawin ‘yan. Hindi ito alam ng mga naiwan ko sa Naga.” Pakiusap ko.

“Then tell me, what is this all about? Makikinig ako.”

Tss. Binablackmail pa ako ng isang ‘to. Sabi ko nga, we’re not that close para sabihan siya ng problema ko sa buhay. Kila Eli nga’y hindi ko iyon ginagawa, tapos sa mayabang na Yamson na ‘to gagawin ko! Hell, no!

“Ano na? Should I call, Red?” Aniya sabay wagayway ng kanyang cell phone.

Fudge!

Inagaw ko iyon sa kanya, at nagtagumpay naman ako. Lol!

“Kung matatawagan mo. Bleh!” Panunuya ko sa kanya.

Para na nga akong bata sa panunuya sa kanya rito. Wala namang nakakakita. Lol! Meron pala! Bahala na, hindi naman nila ako kilala. Napadaan lang naman ako rito para kumain ng tanghalian.

“Of course… I still can.” Aniya sabay pakita sa akin ng isa pa niyang cell phone.

Natigilan naman ako sa ginagawa kong panunuya sa kanya. Parang kusang nahulog ‘yong panga ko dahil sa pinakita niyang spare na cell phone.

Napangiti naman siya ng wagas. Seriously? Nagpakatanga ako sa panunuya sa kanya para lang sa wala? Fuck this shit!

Argh! Siya na ang may dalawang cell phone! Tss. Mayaman nga naman! Tss!

“Oo na! Oo na!” Pagsuko ko. Binalik ko na rin sa kanya ‘yong isang cell phone niya.

“Good!” Wagas pa rin sa pagngiti. ‘Yong totoo? Elastic ba ang mga labi niya? Umabot na sa may tenga niya e. Sarcasm! Argh!

“Let’s talk about it over lunch? Gutom na ako e.” Walang ganang pag-alok ko sa kanya. Baka makalimutan niya pa. Magandang diversion ‘yon. Lol!

Pero! Argh! Kung hindi naman ako magpapaliwanag, lagot ako! Wala pa naman akong ipapamblackmail sa kanya. Tss!

“Okay! My treat!”

“Tss. ‘Wag na! May pera naman ako. Baka utang pa ‘yan e.”

Sige na! Ikaw na ang may pera! Nakow! Pakitang tao lang ‘to! Lol! Galante raw, oh! Tss. Woooooh! Edi wow!

Nagiging judgmental na ata ako. Hohoho!

“Sows! Nahiya ka pa. ‘Yong JD nga ako na ang nagbayad no’n e.”

Tss. Oo nga pala! Umalis lang ako ro’n nang hindi man lang nagpapasalamat sa kanya.

“Wag mo na ngang ipaalala ‘yon! Andito ako ngayon sa byaheng ‘to dahil gusto ko nang makalimot. Gusto ko nang magmove forward sa isang taong… Argh! Tara na nga!” Inis akong pumunta sa counter ng carinderia para mamili ng kakainin ko.

Bwesit! Bakit sa dinami-rami ng mga taong makakasalubong ko sa byaheng ‘to ay ang makulit at mayabang na Yamson pang ito ang pinadala. Hay buhay!

Pinaalala pa sa akin lahat ng nangyari ng gabing ‘yon! Argh! Makakalbo ko na ata ang sarili ko kung totoong sinasabunutan ko ‘to. Mababaliw ako sa isang ‘to e! Ang kulit!

Nagsimula lang naman ‘yang makipagfeeling close sa akin noong mawala si Red. I don’t know why. I also wonder. Gano’n nga rin ‘yong mga kaibigan ko. In fact, pinalalayo pa ako ni Eli sa kanya dahil siya’y totoong bully.

Ewan nga lang kung bakit siya nagbago nang gano’n kadali.

Oh well, papel! May mga tao naman talagang, basta gustong magbago, agad nila ‘yong magagawa. Hindi tulad ng sitwasyon ko ‘no! Usapang puso ‘to. Puso! Okay?!

“Ano na? Akala ko gutom ka na?” Bulong niya.

Nagbalik ako sa realidad.

“Anong ginagawa mo?”

Fudge! Ang bango ng hininga niya! Lol! Seriously? Kumakain ba ‘to ng toothpaste o umiinom ng mouth wash?

Dumistansya na lang ako ng konti. Gusto ko pa ring maamoy kasi ‘yong hininga niyang amoy toothpaste ba ‘yon o mouthwash. Napaisip tuloy ako kung ano ba talaga ang amoy no’n.

Napakibit-balikat na lang siyang nakangiti. Itinuon na niya rin ang kanyang atensyon sa pagpili ng makakain.

“Ate! Isa nga po nitong pusit, isang sinigang na isda, tsaka po nitong steak.” Turo niya sa mga ulam na kanyang napili. “Padagdag na rin po no’ng laing, at dalawang barbeque. Tsaka apat na kanin.” Dagdag pa niya.

Napanganga na lang ako sa mga inorder niya.

“Yon lang po ba, Sir?”

“Tsaka isang 1.5 na litro ng Coke. Paserve na lang po sa taas, ha?” Dagdag niya.

“Okay po, Sir.” Tugon sa kanya ng serbidora na panay ang sulyap sa kanya.

“Magkano po lahat?” Tanong niyang muli.

Nagawa ko na lang muna ay ang pagmasdan ang ginagawa niya at no’ng serbidora.

Tss. Oo, Ate! Ang gwapo niya! Mas gwapo pa nga sa akin e. Pero mas gwapo pa rin si… Argh!

“450 po lahat, Sir.” Bang landi naman nitong si Ate! Nagawa pang i-flip ang hair niya! Bawal ‘yan ‘di ba? Maghairnet ka, Ate! Mahaluan pa ng buhok mo ang mga pagkain e!

Napakainsecure ko naman ata. Lol! Wala naman akong karapatan! Tss!

Nang mabayaran na niya ay saka lang ako pumasok sa eksena. Nakakahiya naman kasi kung papasok ako nang walang cue ni Direk. Mapagalitan pa ako. Parang hindi ako ang bida sa kwentong ‘to. Lol!

“Iyo lang lahat ng mga ‘yon? Grabe! Sa’n mo ‘yon ilalagay diyan sa tiyan mo?” Turo ko sa wala man lang kataba-tabang tiyan niya. Baka nga anim na pandesal ang nakaumbok doon e. Lol!

Shock pa rin ako sa dami ng inorder niya.

Iniangat niya naman ang damit niya saka itinuro ang kanyang tiyan. Putek! Walo pala! Walo! Nang makita niya ang reaksyon ko ay natawa na lang ito.

Tss. Yabang! Oo na! Ikaw na ang may walong pandesal diyan! Lol! Pandesal talaga ‘no? Ewan! Meron din naman kaya si… si Eli! Walo rin ‘yon!

Tumango-tango pa ako.

“Okay! Okay! Sabi ko nga, my treat, ‘di ba? Since hindi ka naman makapili, ako na ang umorder. May gusto ka pa ba?” Napapailing niyang tugon.

“Ewan ko sa’yo! Ang dami na kaya no’n tapos dadagdagan ko pa. Nako! Okay na ‘yon! Wala na naman akong magagawa, nabayaran mo na rin naman. Ang grasya, hindi dapat tinatanggihan.” Pandesal mo pa lang nga, nabusog na ako! Lol!

Ano ba ‘tong pinagkakaabalahan ko! Putek!

“Good! Una ka na sa taas, may kukunin lang ako sa kotse.” Aniya.

Argh! Sumagi na naman tuloy sa akin ‘yong nangyari last week. Argh! Walo pa rin kasi ‘yong pandesal ni… Tapos ‘yong v-line. Fudge!

Umiiling na lang akong nagmartsa papunta sa hagdan. Kakalimutan nga Riel, ‘di ba? Kakalimutan! Argh!

Buti na lang at patapos na rin naman ‘yong ibang kumakain doon nang makarating ako sa taas.

Namiss ko ‘to. Dati rati’y kami nila Mama, Papa, at Ate ang magkakasamang kumakain dito sa tuwing bumabyahe kami papuntang Maynila. Memories of them, will never fade inside my head.

Napailing na lang ako nang maisip ko na naman ang plano ko sa byaheng ito. Moving on, huh?

Isa-isa na ring dumating ang mga inorder ng bruhong si Zeke. Nakakatakam na. Lol! Asa’n na ba ‘yong halimaw na ‘yon! Ang dami ko na atang naitatawag sa kanya. Ano naman? Sa isipan ko lang din naman ‘yon lumalabas.

Nakatanaw lang ako sa malawak na dagat na nasa harap kung nasaan kami ngayon. Buti na lang at mayroon nang 2nd floor itong Lita’s. Nakilala na kasi, kaya’t kailangan nilang magexpand para maaccomodate ang halos oras-oras na pagdrop-by ng mga byahero.

Kumalam muli ang tiyan ko. Ano ba ‘yan! Asa’n na kaya siya? Bababa na sana ako nang sakto namang dumating na siya.

“Di ka pa rin kumakain?” Aniya.

“Nakakahiya naman po kung mauuna akong kumain. Libre na lang nga ‘to, sasamantalahin ko pa. Nasaan ang manners do’n? Manners! Ewan ko sa’yo ‘no! Sa’n ka ba kasi galing?” Rant ko.

“Ah! Pasensiya ka na. Tumawag kasi si Dad. Napatagal. Ang daming binilin.” Natatawang tugon niya.

Anong nakakatawa? Napailing na lang ako. Ikaw na nga ang binigyan ng maraming gawain, matutuwa ka pa? Aba matinde! Edi wow! Siya na ang gustong maraming gagawin!

“O siya. Andito ka na rin naman. Kumain na tayo. Baka maiwanan pa ako ng bus ko.”

Umupo na lang siya sa harap ko saka namin sinimulang lantakin ang pagkain. We’re pigging out. Lol!

“Wag kang kain lang ng kain diyan, magkwento ka na.” Aniya.

“Masamang magsalita kapag may pagkain sa bibig. Mabilis lang ‘to, kain na nga muna!”

Natatawa na lang siyang umiling sa inasta ko.

“Sabagay, marami pa tayong oras para doon.”

Napailing na lang ako. Neknek niya! Pagkatapos ko nito, aalis na ako! Bahala siya kung i-contact niya man sina Eli o Red.

As if naman alam niya kung saan ako pupunta sa Maynila ‘di ba? Dalawang araw lang naman ako roon, tapos byahe na ako papuntang Palawan.

Malaki rin naman ang Maynila para mahanap ako ng dalawang ‘yon.

Great idea! Lol! Ang talino ko talaga!

Nakita ko na lang siyang umiiling.

“Creepy.” Aniya. “Ang hilig mo talagang magdaydream, ‘no?”

Pinandilatan ko na lang siya. Hindi naman siguro mind reader ‘tong isang ‘to. Oh well, papel!

“Natural na ‘yon sa akin, no! Hayaan mo na nga!” Asik ko.

Nang matapos ko ang pagkain ko ay nagpaalam muna ako sa kanya na pupunta ako ng rest room. Pero ang totoo, tatakasan ko na siya. Masyado nang matagal ang itinuon ko sa pagkain lang. Baka ako na lang ang hinihintay doon sa bus.

“CR lang ako ha?” Bilin ko. “Salamat pala sa pagkain. Nabusog ako. Kaya tuloy tinatawag na ako ng kalikasan. Number 2. Lol!” Palusot dot com!

Hindi ko na siya inantay pang sumagot. Hindi naman niya mapipigilan ang tawag ng kalikasan ko na hindi naman totoo. Pumanhik na lang ako pababa tsaka mabilis na lumabas ng Lita’s.

Umihip ang ang hangin. Lol! Imagine a deserted place.

Nganga. ‘Yon ang unang reaksyon ko nang wala akong madatnan na bus pagkalabas ko.

“Ale. Nasaan na po ‘yong bus na nakapark dito kanina? ‘Yong katabi po no’ng puting kotseng ‘yon?” Namumutla kong tanong doon sa aleng nagtitinda ng yema sa labas ng Lita’s.

“Umalis na po, Sir. Hindi pa naman nagtatagal.” Tugon nito.

“Po?” Pagkumpirma ko.

“Umalis na. Bakit? Nakasakay ka ba roon?” Pag-uulit nito.

Marahan na lang akong napatango sa kanya.

“Ay! Bakit ganoon? Iniwan ka na ata?”

Hopeless akong napaupo sa bench na nasa labas ng Lita’s dahil doon. Argh! Bakit ako naiwanan ng bus? Protocol naman ng driver o pahinante na siguraduhing walang maiiwan sa mga pasahero nila ‘di ba?

Nagbayad kaya ako! Tsaka ‘yong mga gamit ko! Argh! Paano na ako nito?

Naiiyak na ako. Naisip ko tuloy na hindi ata tama na umalis ako. Argh!

Nakita ko na lang si Zeke na binuksan ‘yong kotse niya. Argh! Wala na talaga akong choice kung hindi ang sabihin sa kanya ang lahat. Siya na lang ang pag-asa ko ngayon! Argh!

Pilitin ko mang takasan siya, parang hindi ko na iyon magagawa ngayon. I’m so hopeless, na kahit nasa huling option ko siya’y, gagamitin ko na. Siya lang naman ang kilala ko rito. Argh! Nakarma ata ako agad! Ang sama kasi ng naisip ko!

Nilibre na nga ako’t lahat-lahat, naisip ko pang takasan! Paliwanag lang naman ang kailangan niya.

Ngayon, isa ka ng maamong tupa, Riel, kasi may kailangan ka sa kanya. Tss. I hate this! Pero kailangan. Argh talaga!

Marahan lang akong lumapit sa kanya.

“Zeke…” Parang bata kong tawag sa kanya.

“How’s releasing the call of nature?” Natatawa niyang tanong. Pero hindi ko iyon inintindi. Hindi ko naman kasi talaga ‘yon ginawa.

“Naiwanan ako ng bus.”

“Huh?” Aniya saka nilingon ang katabing lote.

“Aww! Natagalan ka atang mag-CR. Akala nila, wala ka na rito.”

“Eeeeeeeh! Protocol nilang hanapin ang mga pasahero nila, ‘di ba?”

Napakibit-balikat na lang siya.

“Sabagay.” Tugon niya saka pinagpatuloy ang kung anong ginagawa niya sa loob ng kotse niya.

“Zeke…”

“Hmmm?”

“Pwedeng makisabay na lang ako sayo?”

“Sure!” Masaya niyang tugon.

Tss. Anong masaya do’n? Hindi ako magiging masaya ‘no! Magrereklamo talaga ako doon sa terminal kapag nakuha ko na ‘yong mga gamit ko! Bwiset!

“Tapos punta tayo doon sa terminal na dapat pagbababaan ko, ha? Kailangan kong makuha ang mga gamit ko.”

Napakibit-balikat na lang siya saka ngumiti. “Okay! Walang problema.”

“Mukhang masaya ka pa? Namomroblema ako’t lahat lahat, ikaw naman nagsasaya. Seriously? Pinagtatawanan mo ba ako dahil naiwanan ako ng bus? Tss. Bully ka nga talaga!”

Napailing na lang ito ng todo.

“Oy hindi ah! Nagbago na kaya ako!”

“Wushu! Hay nako, Yamson! Kung hindi lang kita kailangan, baka naitapon na kita sa dagat ngayon ngayon lang.”

“User ka na pala ngayon, Mr. Dela Rama?” Panunuya nito sa akin.

“Nako! Ngayon lang ‘no! Tatakasan na sana kita—.” Ooops! Nadulas ako.

“So ‘yon nga talaga ang plano mo?” Aniya tsaka tumawa ng malakas.

“What do you mean?”

“Well, kung matalino ka, Mr. Dela Rama. Maparaan naman ho ako.” Sagot niya sabay pakita ng malaking bag ko.

“Bakit andyan ‘yan sa kotse mo?” Clueless na tanong ko.

“Kinuha ko doon sa bus. I just thought na paplanuhin mong tumakas without any words with the matter at hand. Without saying anything about what’s really happening to you. Well, tama ang hinala ko. Hindi ba ako mapagkakatiwalaan?” Aniya.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Tama siya. Iniiwasan ko, kasi gusto ko, ako ang maghahanap ng sagot sa problema ko. Hindi kailangang may mainvolve na naman na iba rito.

“Hindi naman sa gano’n.”

“Trust me, then.” Aniya.

Napabalik na lang ulit ako ng tingin sa kanya. Kaya ko kaya? Lahat ng bagay na dinaramdam ko ay lagi ko lang kasing tinatago sa sarili ko. Minsan, lumalabas lang naman ‘yon kapag nagkakaroon lang ako ng emotional outburst.

But as long as walang nagtitrigger noon ay, kinikimkim ko na lang lagi lahat.

“Tara? Mahaba-habang byahe pa ‘to.” Pag-alok niya.

Kaya ‘yon, wala na rin naman akong nagawa. Kesa naman magpaiwan ako rito. Juice ko! Another fare to pay. Sa kanya na lang. Libre pa.

Bwiset kasing bus driver no’n! Bawal ‘yon ‘di ba? Wala namang consent ang pagpull-out ko doon! Argh!

“It must be hard? Mahal na mahal mo pa naman ‘yong tao.” Aniya.

Natapos rin ako sa mahabang pagkwento sa kanya ng dahilan ko kung bakit ako naririto sa byaheng ito. Dalawang oras na rin ang nakalipas nang magsimula kami sa byahe namin.

Napatango na lang ako.

“It is… Pero… ito lang ang paraan na alam ko, to move forward.” Tugon ko.

“Pero… hindi ko ‘yon alam ha? Na may mahal na siyang iba.”

Napakibit-balikat na lang ako.

Bakit ko pa ba inaalala ang lahat ng ‘yon. Lahat ng mga ‘yon ang gusto kong burahin sa
aking alaala. Ano pa ang silbi ng byaheng ito kong paulit-ulit ko rin lang namang aalalahanin.

“Let’s just not talk about it, okay?”

Marahan na lang siyang napatango sa pakiusap ko.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga kulay berdeng puno na nadadaanan namin. Totoo ngang sa mga greeny things narerelax ang utak ng isang tao.

Ilang beses kong itinatak sa isipan ko na hindi ito ang realidad. Na masamang panaginip lamang ‘to. Masamang panaginip na nagbabalat-kayo lamang na maganda. Pero, ipinamukha sa akin ng bawat araw na lumilipas na lahat ng nakikita ko at nararamdaman ay ang totoo.

If all of this was a dream… then it would have been better without pain…

Pero… unti-unti akong nasasaktan. Kasi, ito ang realidad. Ipinapamukha sa aking, mali lahat ang pinangarap ko.

Napailing na lang ako.


Zeke’s POV

Totoo nga ang sinasabi ng iba na kapag katabi mo ang taong pinapangarap mong mapasayo, magdidiwang ang lahat ng nasa sistema mo.

He’s my new found glory. Ang dahilan kung bakit ko binago ang sarili ko.

At first hindi ko ‘yon inaamin sa sarili ko. Mas gusto ko ngang binubully siya noon, although, sidekick lang naman kami noon ni Red.

Makita ko lang siyang napapahiya ay okay na ako. Kapag kulang naman ay ‘yong mga kaklase ko naman sa C Section ang pinagtitripan ko.

Gaya ni Red, nagbago ang pakikitungo ko sa kanya simula nang makita ko ang lungkot sa mukha niya.

In fact, hindi naman talaga bully si Red. Ako lang naman. Nagkataon lang na kaibigan niya kami simula pa noong Grade 1.

Alam naming may kung anong rason si Red for bullying him, unintentionally. Pero hindi namin alam na para lang pala ‘yon sa pagkuha ng atensyon ni Riel.

Hindi ko nga alam kung bakit e. Isang napakalaking tinik ang nag-iisang Gabriel Dela Rama sa mga tulad naming bully simula noong maging Presidente siya ng SC. Maging Disciplinary Board kasi ay hawak niya.

Ewan ko nga ba! Ginawa ang lalaki para sa babae, at ginawa naman ang babae para sa lalaki. Pero, bakit parang sa lalaki ako naaattract?

Does it mean I’m gay?

‘Yon lang ba talaga ang rule sa buhay?

‘Di ba pwedeng, kung ano na lang ang gusto ng tao, ‘yon ang masusunod?

Argh! Nagulo ko na lang ang buhok ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. Fuck this shit! Pero heto na ako. Tuluyan nang nahulog ang loob sa kanya. Lagi ko siyang ini-stalk, just like what Red did to him, every single day.

It’s not like, I’m doing the same thing. Wala e. Kapag nagkagusto ka talaga sa isang tao, even if it’s wrong, magagawa mo na rin.

Hindi ko nga lang siya noon malapitan dahil naging malapit na silang dalawa ni Red sa isa’t isa. Tapos noong nawala naman si Red, ang hilaw naman niyang kapatid na si Martinez ang naging malaking balakid sa akin.

Tss.

Napailing na lang ako. Panay ang sulyap ko sa katabi ko habang nagdadrive. Nasa Candelaria, Quezon na rin naman kami. Mga dalawang oras na lang, Manila na kami.

Ang maamo niyang mukha ang nagpaparelax sa akin ngayon. Kahit na parang ihing-ihi na ako dito sa sobrang saya na kasama siya. Lol!

Buti na lang ay nagkaroon na ako ng background kung paano siya mag-isip. Kanina? Inunahan ko na. Isa siya sa mga pinakamailap na tao noong nakaraang taon. Ang pagkawala ni Red ang nagpabago sa kanya.

Naroroon nga siya sa mga activities na ginagawa ng SC, pero, ang diwa niya’y lumilipad kung saan-saan. That’s me, stalking him, every single day. Ewan!

Feeling close na ako kung feeling close. Basta makalapit lang ako sa kanya. This is my way to his heart. Ito na ang pag-asang hinihintay ko. Hindi ko alam kung bakit binitawan ni Red ang katulad niya.

Bahala na nga siya! Bakit ko pa ‘yon pinoproblema. Pagkakataon ko na ‘to. Ang kailangan ko lang gawin ay ang makuha ang loob niya.

Ang magtapat sa nararamdaman ko sa kanya.

Kapag nangyari ‘yon, hinding-hindi ko siya bibitawan gaya ng ginawa ni Red sa kanya.

Naitigil ko na lang ang kotse nang marinig ko ang hikbi mula sa kanya.

“Red… please… ako na lang ulit…” Aniya sa gitna ng bawat hikbi nito.

“Riel!” Paggising ko sa kanya. Pero patuloy pa rin ito sa kanyang paghikbi.

Dahan-dahan na lang akong bumababa sa kotse para buksan ang pinto sa passenger side at gisingin muli siya.

“Riel! Riel!” Pagtawag ko sa kanya.

“Red... please…” Umiiyak pa rin siya.

“Riel!” Niyakap ko na siya nang mahigpit. “Riel… it’s okay. Andito ako. Hindi kita iiwan.”

“Red?” Aniya saka yumakap sa akin ng mahigpit. “Please… Red… ako na lang ulit, ha? Please… mahal na mahal kita… hindi ko kayang mawala ka…” Hagulhol niya.

Hinayaan ko na lang muna. It seems that, although, gusto na niyang kalimutan ang lahat ng masasakit na karanasang natamo niya ay bumabalik pa rin siya sa umpisa.

“Please… Red?” Aniya.

“Hinding-hindi kita iiwan. Pangako.” Sagot ko na lang.

Gusto kong punan ang pagkukulang sa kanya ni Red. Pero… hindi iyong sa katauhan ng taong naghatid sa kanya ng lahat ng ito.

Gusto ko na ‘yong ako ang nakikita niya. Na ako na ang masasandalan niya. It may be selfish to own him now. I’ll be one, para lang maging maayos na siya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paghalik sa kanya.

Ang malambot niyang labi ang matagal ko nang inaasam. Kaya pala overprotective sa kanya si Red. Ewan, one time, sinabihan na niya lang akong dumistansya sa kasintahan niya.

Hindi naman sa pinagnanasahan ko siya. ‘Yon lang ang naging epekto niya sa akin.

“Re-Zeke?” Gulat niyang tanong. “Anong…” Nahawakan na niya lang ang labi niya.

“Riel… let me explain…” Tugon ko.

“Akala ko si…” Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

“Gusto kita, Riel.” Lakas loob kong pag-amin sa kanya.

Napailing ito ng todo.

“Hindi pwede, Zeke.”

“Di ba gusto mo nang kalimutan ang lahat… si Red?”

I may sound desperate, pero, ‘yon ang sabi niya. Kaya nga siya nandito sa sitwasyon ngayon, ‘di ba?

“I’ll help you.”

“Ayoko sa paraan na gusto mo, Zeke.” Itinabi niya ako saka siya lumabas ng kotse.

“Riel…”

“Hindi, Zeke. Ayokong manggamit ng iba, just to forget the pain. Maling-mali iyon.”

“I am more than willing.”

“Hindi. Ayoko.” Umiwas na lang siya ng tingin sa akin.

May mabuting pagkatao nga si Riel. He’s anyone could ever ask for. Pero ito ang naiisip kong paraan para mabilis siyang makalimot.

“Mahal kita, Riel. Tutulungan kitang makalimot. Let me ease the pain.”

“Ano ‘yon, Zeke? Mahal? Mahal mo ako? Kanina sabi mo, gusto mo lang ako, ngayon, mahal na? Sa isang kisap-mata lang? Ganoon mo ba ako kagustong tulungan?”

Marahan na lang akong napatango. Nag-iwas na lang siya ng tingin.

“Pero… may nagmamay-ari pa ng puso’t isipan ko. Alam mo ‘yon. Kaibigan mo ‘yon!” Sigaw nito.

“Alam ko. Pero… nasasaktan ka na, dahil sa pagmamahal na ‘yon. Hindi na niya kayang suklian ‘yon. May mahal na siyang iba. ‘Yon ‘yong ginagawa mo ngayon ‘di ba? Ang makalimot?”

May sasabihin sana siya, pero… nang marinig niya ang sinabi ko ay natigilan na lang siya. Mahabang dead air ang dumaan.

“Hindi ko kaya... hindi ko kayang alisin siya sa buhay ko.”

Lumapit ako sa kanya saka mahigpit siyang niyakap.

“You don’t deserve the pain. Maling-mali si Red na ipagpalit ka niya. If you will let me, sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan. I’ll kill myself if I did. Promise.” Tugon ko sa kanya.

“Mali… maling-mali, Zeke.”

“Oo… mali… pero, kung ‘yon ang makakatulong sa’yo, try it. Kapag hindi gumana, then, hindi mo talaga kayang alisin siya riyan sa puso’t isipan mo. You’re really into deep, then.”

Desperado na nga ako. I just want him to try. ‘Yon lang naman. Pero… gagawin ko ang lahat para sa subok lang na iyon ay siguradong ako na ang pipiliin niya.

“Bakit Zeke?” Aniya.

“Kasi nga gusto kita… mahal kita, Riel. No’ng last year pa.” Tugon ko.

“Pero, hindi kita mahal. I can’t reciprocate that love.”

“I can wait… I can make you feel my love.”

Hindi ko na napigilan ulit ang sarili ko. Kapag natikman mo na talaga ang isang bagay, pwedeng hindi mo na ito tigilan pa. Hahanap-hanapin mo na. Just like Riel’s lips. I can’t even resist it. Hinalikan ko na lang siya ulit.

“Zeke, ano ba!” Aniya nang magbitaw kami sa halik na ‘yon.

Nagpumiglas siya sa akin saka tumakbo.

“Riel!” Sigaw ko.

Tanging ingay na lang mula sa preno ng isang kotse ang narinig ko.


Josh’s POV

Narito kami ngayon ni Riley sa food court ng SM matapos naming manood ng sine. Wala lang. Popcorn lang naman kasi ‘yong dinala namin sa loob. Pinagtitinginan na nga kami rito e.

Pake ba nila! Mamatay sila sa inggit! Ngayon lang ba sila nakakita ng mag-asawang parehong lalake? Gosh! Nasaang kabihasnan ba sila! Lol!

“Ang mata mo.” Natatawang saad sa akin ni Riley.

“Kasi naman!” Pinandidilatan ko kasi ‘yong mga taong panay ang sulyap sa amin.

Napailing na lang ito sa akin nang nakangiti.

“Ubusin mo na nga ‘yan. ‘Di ba gusto mo pang maglaro?”

“Tss. Kasi naman ito pa binili mo. Ang laki ng slice. Nagpansit na lang sana tayo.”

“E kasi naman po sabi mo kahit ano. Kung may mabibili sana ritong kahit ano, ‘yon ang binili ko. You let me choose what to eat. Bear with it.” Aniya na tumatawa na.

“Ewan ko sa’yo ‘no. Alam mo namang hindi ko tinatanggihan lahat ng ibibigay mo sa akin.”

“Wushu!”

Papaluin ko sana siya nang bigla na lang mahulog ‘yong baso ko saka nabasag. Nagsitinginan tuloy ‘yung mga taong nasa katabi namin. Napahawak na rin ako sa aking dibdib. Fudge! What just happened? Hindi ko naman ‘yon nasagi, ‘di ba?

“What happened?” Tanong niya.

Napailing na lang ako nang wala sa sarili ko. What the fudge!

“I don’t know.”

Agad na lang siyang lumuhod saka isa-isang pinulot ang mga basag na parte ng baso. Lumuhod na rin lang ako para tulungan siya.

“Ano pong nangyari?” Tanong ng isang utility man na lumapit sa amin.

“Sorry po. Nabasag ko.” Tugon ko sa utility man.

“Bayaran na lang po namin.” Dagdag naman ni Riley.

“Okay lang, Sir. Ako na bahala riyan.”

“Okay lang, Kuya. Tulungan ka na po namin.”

Fudge! Ano kaya ‘to! Kinabahan ako ng bongga! Argh!



Itutuloy…

19 comments:

  1. Grrrr.... Another exciting and heart warming confessions of zeke's love to riel....author can u give a try for both of them.. I really love to read over over again.. D naman po sa bag mama runong... Can u make the story longer or add another sequel to this..... Thank u mr. Author... Such a pleasure read ur masterpiece...

    * jmc

    ReplyDelete
  2. Grrrr.... Another exciting and heart warming confessions of zeke's love to riel....author can u give a try for both of them.. I really love to read over over again.. D naman po sa bag mama runong... Can u make the story longer or add another sequel to this..... Thank u mr. Author... Such a pleasure read ur masterpiece...

    * jmc

    ReplyDelete
  3. Grrrr.... Another exciting and heart warming confessions of zeke's love to riel....author can u give a try for both of them.. I really love to read over over again.. D naman po sa bag mama runong... Can u make the story longer or add another sequel to this..... Thank u mr. Author... Such a pleasure read ur masterpiece...

    * jmc

    ReplyDelete
  4. Ugh... Riel at Zeke ba ito? Omg. Can't wait. Basta please. Walang mamatay ha kuya Rye? Baka ikamatay ko yun. Hihihi

    - Michito

    ReplyDelete
  5. itutuloy na nman ahhhhhhhh.......ka asar..........joke lang po je je nice nice talaga ganda ng story keep up the good work po

    Jous....

    ReplyDelete
  6. itutuloy na nman ahhhhhhhh.......ka asar..........joke lang po je je nice nice talaga ganda ng story keep up the good work po

    Jous....

    ReplyDelete
  7. Ang ikli naman. Haha.

    - yeahitsjm

    ReplyDelete
  8. Ayan na d na talaga ako makakapg antay hahaix sana update na agad wag na patagalin please ganda na eh


    Franz

    ReplyDelete
  9. Nakaka kilabot naman ung mngyayari ky riel...... Eto na kaya ung way para makalimot si riel ung mgka amnesia xa kawawang red zeke na ung papalit sa kanya
    How sad story,.....


    Jharz

    ReplyDelete
  10. Nakakaexcite may bagong eeksena pero kinakabahan ako kay riel feeling ko nadisgrasya sya. Huhu sana hindi naman.

    -44

    ReplyDelete
  11. Aww MAKAKALIMOT NGA SI RIEL!!! AMNESIA NA ITU.... Then dun na eextra si zeke then then then hahahah basta exciting po grabe.... T.T

    ReplyDelete
  12. Magkakaroon ng amnesia si Riel. Hinde nya maaalala si Red at yong iba pa maliban lang kay Zeke na kanyang magiging Knight and shining armor at matatandaan din nya ang pamilyang Chua sa pagtulong sa kanya.

    ReplyDelete
  13. Dan dan dan dan...

    - Sichem

    ReplyDelete
  14. Maaksidente si Red tapps tuulingan siya ni Zeke tapos mawawalan siya ng alaala.. sasabihin ni Zeke na siya anh boyfriend hahahaha tapos malalaman ni Red ppuntahan niya tapos mahuhulo na ulit. Woooo exciting!! Hahahha

    ReplyDelete
  15. Hmmm....mukhang magkakaroon ng amnesia si Riel then si Zeke magpapanggap na boyfriend nya. Wawa si Red nganga.

    Payback time for what Red had done to Riel? I know the mind might forget but the heart knows whom he love, so happy pa rin ang ending. Spoiler? Just guessing though :-)

    Brix

    ReplyDelete
  16. Hmmm....mukhang magkakaroon ng amnesia si Riel then si Zeke magpapanggap na boyfriend nya. Wawa si Red nganga.

    Payback time for what Red had done to Riel? I know the mind might forget but the heart knows whom he love, so happy pa rin ang ending. Spoiler? Just guessing though :-)

    Brix

    ReplyDelete
  17. Hmmm....mukhang magkakaroon ng amnesia si Riel then si Zeke magpapanggap na boyfriend nya. Wawa si Red nganga.

    Payback time for what Red had done to Riel? I know the mind might forget but the heart knows whom he love, so happy pa rin ang ending. Spoiler? Just guessing though :-)

    Brix

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails