AUTHOR’S
NOTE: Hello!
Hahaha! Sorry kung natagalan! Anyways! Meron na ulit!
Gagawin ko lang mabilis ang AN na ito. Hoho! I’m
working on the 20th Chapter na kasi. And it is 11:30PM already. Ang
sakit na rin ng ulo ko because of the pagkakaudlot ng tulog ko kanina.
Thank you pa rin kina Sir Mike Juha, at Sir
Ponse, para sa patuloy na pagbigay ng access sa akin dito even if it takes days
for me to update. Maraming salamat po!
Sa mg aka-Co RA’s ko! Kon’nichiwa!
Sa mga flood likers ko diyan na walang paawat! O
sige na! Babatiin ko na rin kayo! Haha! Kay James, Jeric, Dave, JC, Giovannie, Jigs,
Mark Ansley at Kierlan. Maraming salamat!
Sa BTBBC! Kumusta naman kayo? You know who you
are guys! Miss ko na ang 1ooo+ epic comment chat box natin sa group ni Abang
Pinuno! Papagawa na ako ng teeshirt, soon! :D
Special greetings para sa bunso namin na matampuhin. NHIE CAS! FTW! :D
Special greetings para sa bunso namin na matampuhin. NHIE CAS! FTW! :D
Sa mga palaging nagkocomment sa bawat chapters!
Maraming salamat! Kina Kuya Alfred of T.O., Prince Justin (na all the way RiRe
fan), JamesL (na bagong commentator), Vienne (na demanding. Haha!), Marvs
(Malapit na Marvs. Gusto ko lang busugin kayo ng kilig scenes. Baka kasi mainis
kayo sa akin kapag nangyari na yun. Haha!), Yelsna (na hindi nagpakilala sa
unang comment XD), AngelThreesixty (na tatlo ang comment. Haha! Do
itashimashite, AngelThreesixty-kun!), Jay 05 (Pain is inevitable, Jay 05.
Haha!), Angel (na nakahabol) at kay Radish-chan (thanks for the help and
friendship! Aishiteru, Cream!).
Syempre sa mga readers na hindi ako iniiwan
kahit matagal na ako mag-update. Thank you so so so much!
Baka matagalan na ako sa mga susunod na chapters
guys! Mag-aaral na kasi ako this sem. Pero, don’t you worry! I’ll update as
soon as possible. Hindi ko kayo iiwan sa ere. Lilipad kayo, kasama ko. :D
Mahaba pa rin ba? Haha! Anyways, this is it!
#LoveIs19
PS:
Inalis ko ang Light SPG na scene muna rito. Abangan
niyo na lang sa #LoveIs20. Nagextend ako ng tatlong chapter hanggang sa ending
e. Sorry kung ibibitin ko muna kayo patiwarik. :D
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental. All images, videos and
other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo
credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS CHAPTERS
ADD US TO
YOUR BLOGGER APP
(Reading
List)
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Gio Yu’s
Final Requirement (On-going)
Vienne
Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s
The Tree, The Leaf and The Wind (On-going)
Bluerose
Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin
Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie
Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XIX
Riel’s
POV
“Guys!
Ready na kayo?” Tanong ko sa mga kabanda ko para sa School Fest.
6:30 ng
umaga kompleto na kami. Inantay pa kasi namin si Eli. Masaya siya pero,
halatang hindi okay.
Nalaman
ko sa kanya kagabi na okay na sila ni Josh, pero wala siyang nabanggit kung
gaano ka okay ba sila. I’ll ask him na lang personally mamaya, pagkatapos ng
opening ceremony. Ayokong maalala niya pa ang nangyari kahapon, kung ano man
iyon.
“Kinakabahan
ako.” Ani Lizbeth. Ang pianist namin.
“Relax
ka lang Liz. Mapapawi yan once marinig mo na ang hiyawan ng mga kamag-aral
natin.” Payo ko sa kanya. Tumango naman ito sa akin tsaka ngumiti.
Ala
siete y media ay tapos na kami sa pagset-up sa mga kailangan namin sa stage.
Ang mga
kopya ng pyesa ng mga kantang aming gagamitin, ay nakalagay na rin doon kung
sakali man na mayroon kaming malimutan.
Sinigurado
na rin namin na maayos ang pagkakakabit ng mga wires ng aming mga instrument
para walang palya.
Eksaktong
alas otso ay sinimulan na ang program. Pero bago yun ay nagdasal muna kami,
kasama ang mga staff, volunteers, at ang SC, for the success of the School
Fest. Nagdisperse na lahat sa kani-kanilang designation at nag-aantay na lang
ng tamang oras sa paghihintay.
Kailangan
ako sa stage dahil isa ako sa magbubukas ng School Fest. Word from the head of
the organizers of this year’s School Fest. Kaya pumunta muna ako roon.
Pagkabalik
ko sa backstage ay kinumusta ko na lang ulit ang mga kabanda ko.
Tumingin
ako sa kinauupuan ni Eli. Nakita kong panay ang buntong hininga niya.
“Kuya,
may problema ba?” Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
Napaangat
siya ng tingin sa akin at doon ko nakumpirmang mayroon nga siyang problema.
“W-Wala,
Riel. Okay lang ako.” Aniya.
“Kinakabahan
ka? Relax ka lang, okay? Debut mo ‘to. Debut nating banda.” Nginitian ko na
lang siya.
Hindi
na muna ako manghihimasok sa problema na kinakaharap niya. I know it is about
Josh. Masaya na rin ako kasi, kakausapin na rin ako ng kaibigan ko. Namiss ko
ang kakulitan niya e.
Pero,
hindi dapat iyon makaapekto sa kanya. I’ll try to cheer him up.
“Yeah…
Don’t worry. Gagalingan ko.” Aniya sa masiglang tono.
Okay na
rin siguro ‘to.
Tumango
ako sa kanya saka tinapik ang kanyang balikat.
“It’s
your time to shine, Kuya. Maraming maghahabol sa’yo pagkatapos nito.” Natawa
siya sa sinabi ko.
“Magpapahabol
na lang siguro ako.” Nakitawa na rin ako sa kanya.
“Guys!
Riel! Please be ready in 5 minutes. Patapos na ang program, kayo na ang susunod.”
Ani Yukino. Siya ang naatasan na Stage Manager.
“Good morning!
Excited na ba kayo?” Bungad ko sa aking mga kamag-aral nang nakapwesto na kami
sa stage.
Kaming
banda ang magtatapos ng program para sa opening ngayong araw. Sanay na ako na
nasa stage lagi. Mantakin niyo ba naman kasing ako na lang lagi ang isinasalang
noon last year sa mga activities na katulad nito.
Hindi
pa ba maaalis ang stage fright mo niyan? Oha? Hahaha! Pero, parte kasi ng buhay
ko ang musika. Somewhat, kahit nininerbyos ako, kapag narinig ko na ang saliw
ng musika na kakantahin ko, parang nawawala na iyon.
Puro
hiyawan ang maririnig sa mga kamag-aral naming nasa harap namin ngayon, kasama
na yung mga tiga ibang school. They’re excited. May battle of the bands naman
yearly ah? Pero, bakit sila ganito kaexcited? Haha!
Baka
excited lang kasi, hindi gaya noong last year, ako lang lahat ang nagpiperform.
“We
call ourselves as Banda-bandahan. Cool name, right?” Sabi ko. Nagtawanan naman
ang mga kamag-aral namin. “Sarcasm!” Dagdag ko.
Pati
nga yung mga directors, administrators, school staffs, at faculty ay nakitawa
na rin.
“Anyways,
nabuo lang naman ang banda for this year’s School Fest. Naisip ko kasi na baka
nagsasawa na rin kayo sa pagsosolo ko. Di ba?”
Narinig
ko na lang ang hiyawan nila sa tanong ko. Alam ko naman na masaya sila sa performance
ko last year. Kung hindi, sana palagi akong naboboo tsaka binabato ng patatas,
este kamatis. Haha!
“Pero,
hindi po ito tungkol sa akin ngayon. Kasama ko ngayon ang mga kabanda ko. Lahat
po sa mga kasama ko ay baguhan sa pagbabanda.” Tiningnan ko isa-isa ang mga
kasama ko. Tumango lang naman sila sa akin.
“Ipapakilala
ko po sila isa-isa. Kaya relax lang kayo ha?” Naisip namin sa pagpapakilala ko
sa kanila ay magpiperform sila ng maikling pyesa, para naman matandaan sila sa
kung ano mang ginawa nila dito.
“Elijah
Martinez, for bass guitar.” Tumingin ako kay Eli para sa hudyat ng sample niya.
Agad din naman siyang tumugon.
Palakpakan
naman ang kasunod noon nang matapos siya.
“Ang
galing niya no?” Matapos ang kanyang sample. “Maganda rin boses niyan, gusto
niyo ng sample?” Tumingin ako kay Eli, pero umiling lang ito ng pagkadami-dami.
Natawa na lang ako.
“Ay
sorry po. Mahiyain pa si Kuya e. Mamaya na lang.” Pagpapaumanhin ko. Sinumpong
na naman ‘tong mokong na ’to. Narinig na naman niyang masaya ang mga tao sa
galing niya e.
“Jasper
Halili, for electric guitar! Sa piano, si Lizbeth Aragon! At si Leer Santiago,
for drums!”
Gaya
kay Eli. Ginawa rin nila ang kanya kanyang sample. Pumalakpak din ang mga
nanonood sa kanila.
“Para
sa mga Grade 7, transferees at mga bisita natin na hindi pa ako kilala, ako nga
pala si Gabriel Dela Rama, para sa acoustic guitar at main vocals.
Hajimemashite!” Pagpapakilala ko sa aking sarili. “Rock on muna tayo, kaya, our
first song is entitled She Looks So Perfect by 5SOS. Enjoy!” Tinanguan ko na
lang ang mga kasama ko para sa pagsisimula.
Naunang
pumasok na instrumento si Jasper.
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Simmer down, simmer down
They say were too young now to amount to anything else
But look around
We work too damn hard for this just to give it up now
If you don’t swim, you’ll drown
But don’t move, honey
Ang
sarap sa pakiramdam na may nakakasama kang banda sa pagkanta. Hindi kami yung
maituturing na magaling pero, dahil nagkakaisa kami, pwede na rin kaming
maitapat sa iba.
Nakikita
ko naman sa kanilang naienjoy nila ang atmosphere ng banda. Maybe we should
give this a try. Maybe we could also team-up for the battle of the bands next
year.
You look so perfect, standing there
In my American Apparel underwear
And I know now, that I’m so down
Your lipstick stain is a work of art
I got your name tattooed in an arrow heart
And I know now, that I’m so down
Hey, hey!
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hiyawan
ng mga kamag-aral namin ang sumasabay sa kantang aming tinutugtog.
Nagtagpo
ang aming mga mata ni Eli. He’s next. Parte na niya ngayon ang susunod, sana
maganda ang pagtanggap sa kanya ng mga tao. Ako pa lang kasi ang nakarinig ng
boses niya e. Mabuti nga’t nagkabati kami.
Let’s get out, let’s get out
‘Cause this deadbeat town’s only here just to keep us down
While I was out, I found myself alone just thinking
If I showed up with a plane ticket
And a shiny diamond ring with your name on it
Would you wanna run away too?
‘Cause all I really want is you
Napangiti
ako sa sigawan nang marinig nila ang boses niya. Sabi ko na nga ba e. Hindi
nagkamali ang tenga ko sa pagsasabing maganda ang boses niya.
Hinintay
ng mga mata ko ang pagtatagpo ng aming mata. Halata sa kanya ang pagkagalak.
That’s my Kuya! Haha!
Nang
tumingin siya sa direksyon ko’y binigyan ko lamang siya ng isang wink.
You look so perfect, standing there
In my American Apparel underwear
And I know now, that I’m so down
I made a mixtape straight out of ‘94
I’ve got your ripped skinny jeans lying on the floor
And I know now, that I’m so down
Hey, hey!
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Natapos
ang buong performance namin na puro sigawan ng mga kamag-aral at bisita galing
ibang schools ang aming naririnig. Ang mga directors, administrators, school
staffs at faculty ay masayang pumapalakpak sa kanilang kinauupuan.
“This
is it, Arneyo University! The School Fest is officially open!” Pagkasambit ko
noon ay sumunod naman ang mga fireworks, at hiyawan ng mga tao.
Pagbalik
namin sa stage nakita ko agad si Red. Nakingiti ng wagas. Napangiti na rin
tuloy ako.
“Galing
talaga ng Blueberry ko!” Aniya habang nakalahad ang mga kamay para mayakap ako.
Wala na
naman akong magagawa e. Gusto ko na rin siyang yakapin!
Simula
pa kasi kaninang umaga hindi ko pa siya nakita. Hindi na ako nagpasundo
kaninang umaga sa bahay kasi nga inagahan ko ang pagpunta dito sa school. Miss
ko rin siya.
Ngumiti
na lang din ako sa kanya tsaka yumakap sa bisig ng aking kasintahan. The
warmth: ang yakap niya mismo ang nagpapadama sa akin ng sobrang kaligtasan.
Yung feeling na payapa.
“Kumusta
naman ang pahinga mo? Anong oras ka ba pumunta dito sa school?” Sunud sunod na
tanong ko sa kanya.
“Kaninang
7:30, actually sabay kami nila Mom at ni Andrei.” Aniya.
“E,
ba’t di ka nagpakita sa akin?”
“Yie!
Namiss agad ako ng Blueberry ko.”
“Alam
mo naman pala, e! Bakit di ka nagpakita?”
“Surprise?”
Nasapo
ko na lang ang noo ko sa sinabi niya. Surprise? Seriously? Haha!
Kukurutin
ko sana siya ng mapansin ko na dumudulas lang yung mga daliri ko sa pagkurot sa
tagiliran niya.
“May
proteksyon ka, ah? Ayaw mo na makurot?” Natatawa kong tanong sa kanya.
Napakamot
naman siya ng batok.
“Ahehehehe.
Konti lang. Medyo masakit kasi e.” Aniya.
“E,
kung medyo masakit lang pala, bakit ka may proteksyon? Tsk. Tsk. Tsk.”
“Sige
na nga! Masakit!” Nag-iwas siya ng tingin.
Argh!
Bakit kasi hindi niya sinasabi! Naguilty tuloy ako. Halos araw-araw ko siyang
nakukurot simula noong makabalik kami dito sa school.
“Sorry…”
Paghingi ko ng tawad.
Idinantay
ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya.
“Sana
sinabi mo, edi sana tinigil ko na.” Hayst! Nagdadrama na naman ako.
“Ano ka
ba! Okay lang no!” Aniya matapos niya akong iharap sa kanya.
“E!
Naman kasi! Nagiguilty tuloy ako.”
“Alam
mo, okay lang talaga sa akin. I can endure the pain, as long as I can see you
smiling. Hindi ko lang napigilan maglagay ng proteksyon ngayon.” Paliwanag
niya.
Kumalas
ako sa pagkakayakap at nagsimulang maglakad palabas ng backstage. Kainis! May
kasalanan na naman ako sa mahal ko! Argh!
“That’s
unfair, Red! Ayoko naman na ako lang ang masaya, tapos ikaw pala nasasaktan na.
Napakasadista ko talaga.” Sabi ko nang mahawakan niya ang braso ko saka niyakap
muli.
Hindi
ko naman magawang pagsusuntukin ‘tong mokong na ‘to! Argh! Nagagawa ko lang
naman yun kapag pilyo siya e. Pero, guilty ako kasi, nasasaktan din naman pala
siya.
Oo nga pala…
He’s my superman, but he’s not invincible.
“Blueberry…
Okay lang sabi e. Hindi ka sadista. Pinaparusahan mo lang naman ako sa pagiging
pilyo ko, di ba?”
“Kahit
na!”
Naiiyak
na tuloy ako.
“Masaya
na naman ako, kapag masaya ka e. Pain demands to be felt, yes, but we can also
neglect that it exist, once na mayroong pumapawi dito. For me, ikaw yun. Kahit
kasi, sadista ka, handa naman akong maging masokista, para sa’yo. Para, hindi
ka mawala sa tabi ko.”
Napatulala
ako sa kanyang sinabi. I don’t know how to react. Ganito na ba kalaki ang
epekto ko sa kanya?
Na,
handa siyang masaktan para lang sa pagmamahal ko?
Naisip
ko tuloy kung sapat ba ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya, para masuklian
yung ibinibigay niya sa akin. Sapat na bang ibigay ko ang sarili ko sa kanya?
Mahal
na mahal ko naman siya e. But, I think, it isn’t enough for me to say that he
is satisfied with what I am giving in return.
“Basta
ba hindi ka aalis sa tabi ko, handa akong tanggapin lahat. Ganun kita kamahal.
I’d rather die, than live without you.” Aniya.
Tuluyan
ng tumakas ang lintik na mga luha mula sa mata ko. Kanina pa ako nagpipigil e.
Katahimikan
ang namayani doon sa aming dalawa. Dinala niya kasi ako sa loob ng control room
para sa sound system, ground lights at iba pa na nakainstall sa stage.
Tanging
hikbi lang ang ingay na maririnig doon.
“Tahan
na, Blueberry ko.” Aniya. Hinahaplos na rin niya ang likod ko.
“Ang
unfair kasi, Red e. Kung kaya mong gawin yun para sa akin, gagawin ko rin yun
para sa’yo. Mahal kita e. Mahal na mahal.”
Love is
not about how long you are with your special someone. Sabihin na natin, ang
bilis naman, pero, ang puso ang nagsabi noon e. Matagal ko na siyang mahal. Mas
lalo lang ngayon.
I don’t
want to lose him either. Kung mawawala siya, dapat mawala na rin lang ako. I
want to keep this relationship as long as God permits. Hindi man natin alam
kung ano ang buhay pagkatapos nating mamaalam sa mundong ibabaw, we can always take
that love with us, eternally.
“Oo na.
Sige na. Bakit pa kasi tayo nakarating sa usapan na yan. E, kurot lang naman
yung issue dito, di ba? Iyakin ka pa nga.”
Kukurutin
ko na naman ulit sana siya ng maalala kong mali na pala yun sa ngayon. Hinampas
ko na lang siya ng marahan sa dibdib.
“Kainis
ka! Minsan lang nga ako mag-emote e!” Asik ko sa kanya.
“Kung
ano man ang pagdaanan natin in the future, basta magkasama natin yung
haharapin, malalampasan natin yun. Sa tingin ko, may pangako na tayong,
bibitawan sa isa’t isa ngayon.” Aniya.
“Ano
yun?” Tanong ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Napailing
na lang siya nang makita ang mukha ko. Pinahid niya ng kanyang hinlalaki ang
basa kong pisngi.
“That,
we’ll be with each other… until our last breath.”
Kahit
siguro hindi niya sabihin, wala na naman akong ibang ibibigin pa, kung hindi
siya.
“Promise?”
Tanong niya.
Ngumiti
ako pagkatapos niyang sabihin yun.
Tumango-tango
ako. “Ipinapangako ko..”
Ngumiti
siya matapos ko yung sabihin.
“Pinapangako
ko rin.” Aniya tsaka ako masuyong hinalikan sa labi.
Napaawang
ang labi ko nang bumitaw siya sa halikan namin. Argh! Nabitin ako doon ah!
“Pakasal
na tayo?” Blurt-out niya bigla.
“Sige…”
Buffering… 65%.
“Talaga?”
Masaya niyang tanong.
Huh?!
Ano nga ang tanong? Pa-Pakasal na tayo? Ano?!
“Wait!
Ano ngang tanong mo?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Pakasal
na tayo?” Tugon niya.
“ANO?!”
Bulalas ko.
“Magpakasal
na tayo. Grabe! Tsk! Nabingi ka na ba dahil sa sobrang pagmamahal ko sa’yo?”
Aniya pagkatapos ay tumawa ng malakas.
“Gago
ka!” Tss. Ang yabang! Tinalikuran ko na. Natigilan siya sa pagtawa.
“Ayaw
mo?” Biglang pagseryoso niya.
Nabothered
tuloy ako.
“G-Gusto!”
Pagbawi ko. “P-Pero, nag-aaral pa tayo e.”
“Okay
lang naman, ah? It is as if mabubuntis ka, after ng kasal.”
Pinamulahan
tuloy ako ng mukha! Shits! Hindi naman yun yung iniisip ko e! Okay! Okay! Yun
nga! Narealize ko lang na mali pala yung naisip ko nang sabihin niya yun.
Nakagat
ko na lang ang labi ko. Tss. Maling palusot, Mr. Dela Rama.
“Di
ba?” Aniya. “Hindi naman kita pipilitin kung hindi ka pa naman handa e. Pero,
pagbigyan mo ako minsan ha? Yung alam mo na. Wala munang pasok doon sa ano.”
Kumindat pa sa akin ang mokong.
Humanap
ako sa paligid ng pwedeng maipambato sa kanya. Sana meron ditong malambot.
Ayoko na siyang saktan! Shit! Buti na lang mayroong unan doon sa may upuan ng
control room staff.
Agad ko
yung kinuha at buong lakas na ibinato sa kanya.
“Gago!”
Natawa na lang siya sa aking reaksyon.
Sino ba
nagsabi na hindi pa ako handa! Matagal na kaya! Hoho! Teka! Ano ba ‘tong
pinagsasabi ko! Tama nga ang sabi niya na mas green ako mag-isip kesa sa kanya!
Punyemas!
Naghabulan
lang kami ng naghabulan doon sa loob ng control room. Natigil lamang kami ng
makatanggap ako ng tawag mula kay Yuki.
“Oh,
bakit?” Sagot ko.
“Thank
God! Naman, Riel! Kanina pa ako text ng text sa’yo! Hindi ka naman nagrereply!
Kailangan ka dito sa Mendoza Hall. Kakausapin ka ng mga Directors.” Aniya sa
kabilang linya.
Agad ko
naman tiningnan sa screen ng cell phone ko kung meron ngang mga text. Shit!
Naisilent ko nga pala ‘to kanina noong nasa stage kami.
“Sige
sige! Papunta na ako.” Sagot ko saka pinutol ang tawag.
“Shit,
Red! Kakausapin ako nina Mama! Tara na!” Hinila ko na lamang siya palabas doon
sa room tsaka nagmadaling pumunta sa grounds.
Hingal
kaming dalawa ni Red ng makarating kami doon.
Akala
ko naman kung ano ang sasabihin sa akin nina Mama at ng ibang Directors.
Iko-congratulate lang pala ako para sa opening ng School Fest.
Nakikita
ko naman sa mukha ng mga kamag-aral ko, at ng mga bisita ang saya. Marami
kasing booths dito na pwedeng mapag-aliwan ng lahat. May Wedding Booth, Café,
Cosplay, at marami pang iba. May mga nagpa-movie marathon din nga e, tsaka
seminars.
Base
lahat sa resources at kung anong klaseng orgs, club, or groups ang
kani-kanilang pakulo.
Ang
trabaho ko ay ang mag-obserba sa mga nangyayari. Nagpaalam kasi si Red dahil sa
may meeting sila tungkol sa tournament. Cancelled kasi ang practice sa mga
susunod na araw para sa School Fest.
Nagkasama
lang kaming muli nang uwian na. Magkakasama kaming umuwi nila Mama at Andrei.
Inihatid na lang nila ako sa bahay.
“Hayst!
What a tiring day!” Nabulalas ko na lang nang makahiga ako. Kakatapos ko lang
magpatuyo ng buhok. Naligo kasi ako pagkarating ko rito sa bahay.
Good night, Cheesecake ko! I love you!
Yan ang
gabi gabi kong text sa kanya kapag matutulog na ako. Hindi ko na nahihintay pa
ang reply niya. Once kasi makahiga na ako dito sa kama, tuluy-tuloy na ang
pagpikit ng mata ko.
Nagising
na lang ako bandang alas cinco ng umaga dahil sa alarm ko. Gaya nga sabi ko,
nakatulugan ko na naman ang paghintay sa reply niya.
Good night, Blueberry ko! I love you too!
Yan
naman ang laman lagi ng kanyang mga reply sa akin. Kung mauna man siya sa
pagtitext, sa reply ko, mayroon ulit siya ng sagot: I love you more.
I couldn’t
ask for more. Kahit kasi hindi niya sa akin sabihin na napakaimportante ko para
sa kanya, kahit hindi niya sabihing ako lang, sapat na, sabihin niya lang na
mahal niya ako, panatag na ang kalooban ko.
Pagkarating
ko sa school, sa SC kaagad ang diretso ko. Kailangan kasing magreport ng mga
Head sa akin para sa mga nangyari kahapon. Wala namang naging major problem
kaya maayos naman ang pagbubukas ng School Fest.
8PM ay
nagdisperse na ulit ang lahat para sa 2nd day. Marami kaming aasahan
na bisita from other school. Since open house, marami-rami ang papasok sa
school para sa mga pakulo ng bawat orgs, club at mga accredited groups.
Nalungkot
ako bigla sa nabasa kong text kay Red. Hindi niya raw ako masasamahan ngayon
dahil may aasikasuhin siya. Pinatawag daw sila ni Coach para sa paghahanda sa
tournament.
Akala
ko ba cancelled na ang practice nila? Nakakayamot naman! Plano ko pa naman
magpakasweet sa kanya ngayon.
“Ang
aga aga, nakasimangot ka riyan.” Aniya sa masiglang tono.
“Kasi
naman e! Di ba wala kayong practice ngayon? Kainis naman si Coach Reyes! Ito na
lang nga yung time na magkakasama kami ng matagal ni Red e! Kainis!” Parang
bata kong protesta.
Natawa
na lang siya sa reaksyon ko.
“Mr.
President, ‘wag ka nang magmaktol dyan. Tinawagan ako ni Red, so… ako muna ang
date mo ngayon.” Aniya pagkatapos ay ngumiti.
Napabuntong
hininga na lamang ako. Mukhang seryoso ngang hindi niya ako masasamahan.
“Kuya
naman e! Kainis talaga si Coach Reyes! Kaya nakakalbo e! Pati rest days,
nagtatrabaho pa rin! Kainis talaga yung panot na yun! Tss.”
“Grabe
ka naman!” Humagalpak siya sa tawa.
“E
totoo naman ah! Kainis kaya siya! Palagi na lang kapag may mahabang oras kami
para magkasama ni Red, tatawag naman siya ng practice o di kaya’y meeting!
Grrrr!”
“Wala
naman akong sinabing hindi yun totoo ah?” Tanong niya, pero tawang tawa pa rin
siya.
Kahit
nga umuusok na ang ilong ko sa sobrang inis ko kay Coach Reyes, natatawa na rin
ako dahil sa reaksiyon nitong kasama ko.
“Ito.”
Abot niya sa akin ng susi ko sa bahay. “Pinabibigay ni Red.” Kinuha ko na lang
ang susi sa kamay niya.
“So…
where do you want to go? Pwede ka naman sigurong mag-enjoy kahit ako ang kasama
mo di ba?” Napailing na lang ako saka ngumiti.
“Oo
naman. Kasama ko kaya ang the best Kuya! Haha!”
Ginawa
ko na rin ang trabaho ko sa School Fest na ito. Ang mag-obserba. Base sa output
na inireport sa akin ng mga Head ng staffs at volunteers, smooth nga ang daloy
ng activities.
“Thank
you sa pag-sama sa akin, Kuya ha?” Sabi ko nang maihatid na niya ako sa bahay.
“Walang
problema no. Nag-enjoy naman ako. Ikaw ba?” Tanong niya.
“Oo
naman. Kasama kaya kita. Tapos hinatid mo pa ako rito. Salamat talaga, Kuya.”
Tugon ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin saka ngumiti.
“Cheer
up, it’s your big day tomorrow right? Sige na! Bye!” Hindi na niya ako hinantay
na makasagot pa.
Ano?!
Big day ko bukas? Napaisip tuloy ako. Wait! Birthday ko pala bukas! Ba’t ko
nakalimutan!
Dahil
birthday ko bukas. Baka maimbitahan ko ang barkada, sina Mama, Papa, Andrei,
sina Reese at ang pamilya Chua.
May
stock pa naman ako. Naipanggrocery na rin kasi ako nina Joyce nang makabalik
ako galing sa Palawan. Nagkita na naman kasi kami nung isang linggo sa
sementeryo.
Kaya,
ang ginawa ko ay ang maglinis.
10PM na
nang matapos ako. Grabe! Sa laki ba naman kasi nitong bahay. Aakalain mo bang
ako lang ang mag-isang nakatira dito. Napagmasdan ko na lang ang portrait
naming pamilya sa gitna ng pader sa sala.
“Ma,
Pa, Ate. Wala kayo sa birthday ko bukas.” Pagi-emote ko. “Pero, kahit literal na
wala nga kayo rito, alam ko naman na andyan lang kayo lagi sa tabi at
binabantayan ako.” Pinunas ko ang takas na maliit na butil ng luha na tumakas
sa mata ko.
“Magpapakatatag
ako para sa inyo… Siguro ipinakiusap niyo sa Panginoon na ibigay niya sa akin
si Red, ano? Kahit papaano kasi’y nakakalimutan ko na mag-isa na pala ako sa
buhay.”
Nakaramdam
ako ng malamig na hangin na parang yumakap sa akin. Nilingon ko ang bintana at
saka ang pinto pero sarado na naman ito. Kinilabutan tuloy ako.
“Ma,
Pa, Ate. ‘Wag niyo naman akong takutin ng ganyan! Mag-isa kaya ako dito!”
Natatawa kong sumbat sa larawang nasa harap ko.
Pero sa
loob loob ko, takot na ako.
“Pwedeng
sa panaginip na lang kayo magparamdam o magpakita? Okay na yun sa akin, ha?”
Iniligpit ko lang ang mga ginamit kong panglinis sa tabi. Nilock ang pinto.
Tsaka kumaripas ng takbo papunta ng kwarto ko.
Grabe
naman ‘tong pamilya ko. Mag-isa na lang nga ako rito, tatakutin pa ako.
Kinuha
ko na lang ang cell phone ko para sipatin kung meron akong text galing kay Red.
Hindi naman ako nadisappoint. May missed calls pa nga ako. Nag-alala siguro
kasi hindi ako nagrereply.
Date tayo bukas, ha? Advance Happy Birthday! I love you!
Blueberry! Namiss kita, sobra.
Busy? I love you! (*-*)
Hey! Blueberry!
Mga
text niya. Hindi na siguro mapakali yun. Ang kulit na e. May apat pang missed
calls. Magrereply na sana ako nang tumawag na siya.
“Hello!”
Sagot ko sa kabilang linya.
“Thank
God! Pinag-alala mo na naman ako. Ano bang nangyari?” Aniya.
“Sorry!
Sorry! Sorry! Naglinis kasi ako ng bahay. Nakalimutan ko kasing birthday ko
pala bukas.” Tugon ko. Natatawa ako sa pagiging makakalimutin ko.
“Akala
ko naman kung ano na ang nangyari sa’yo. I swear, pupuntahan na sana kita riyan
kung hindi mo pa sana sinagot ‘to.”
“Pasensya
na, Cheesecake ko. Nakalimutan ko kasing dalhin sa baba itong cell phone ko e.
Sorry na, please?” Paghingi ko ng tawad.
“Alam
mo namang hindi kita matitiis.” Medyo irita niyang tugon.
Ang
kyut niyang inisin. Pero, hindi ko na yun gagawin. Siguro kailangan ko na ring
magpakasweet. Gusto kong ipakita rin sa kanya ang pagmamahal na ipinapakita
niya sa akin.
“Salamat.”
Seryoso kong tugon sa kanya. “Salamat sa pagmamahal. Sa lahat lahat, Red. Hindi
ako nagsisising pinatawad kita.”
“Ano ka
ba. Ako dapat ang magsabi niyan sa’yo.”
“Hindi…
Ako dapat… Marami ka ng nagawa para sa akin. Natabunan na lahat yung mga
nangyari noon. ‘Wag mo ng alalahanin yun. Gusto ko yung ngayon.”
Konting
katahimikan ang namayani doon. Tanging ang paghangos lang naming dalawa ang
naririnig namin sa magkabilang linya.
I thank
God, because He gave me Red. Satisfied na ako sa buhay ko, hanggang nasa tabi
ko siya.
“Hey…
still up?” Aniya sa kabilang linya.
“Hmmm.”
Tugon ko.
“I love
you…”
“I love
you, too.”
“I love
you, more.”
“So
date tayo bukas?” Tanong ko para doon sa unang text niya.
“Pwede
ka ba bukas umalis ng school?”
Napaisip
tuloy ako. Pwede nga kaya? May responsibilidad pa naman ako.
“Magtatanong
ako. Baka, afternoon siguro. Hindi ka na naman busy bukas di ba? Tatanggalan ko
talaga ng natitirang buhok si Coach Reyes, kapag inagaw na naman niya ang oras
mo sa akin!”
Natawa
na lang siya sa sinabi ko.
“Wag
naman. Ginagawa niya lang ang lahat para handa kami sa tournament. Eto naman,
selos kaagad kay Coach. ‘Wag kang mag-alala, hindi ko siya papatulan.
Hahahaha!”
“Ah
basta!” Nakitawa na rin ako sa kanya.
“Sige
na, pahinga ka na. Alam ko na naman ang nangyari sa maghapon mo e. Nagreport na
si Kuya.” Aniya.
“Aba!
Kuya?! Ako lang pwedeng tumawag nun sa kanya no!” Ang selfish ko naman ata kay
Eli. Hahahaha!
“Sabi
niya nga.” Pagsuko niya. “O siya, Blueberry ko. Tulog na.”
“Okay
po, Cheesecake ko. Good night! I love you!” Pagpapaalam ko.
“I love
you too, good night!”
“I love
you mooooooore!” Pahabol ko.
“Talagang
naihabol mo pa, no?”
“Makulit
ako e.”
“Ikaw
na ang magbaba.” Aniya.
Nakakalungkot
naman. Gusto ko pa sanang mag-usap kami e! 11PM na rin pala. Shizz! Kailangan
ko rin palang gumising ng maaga bukas. Panigurado, dito na naman yun
mag-aalmusal. Ipaghahanda ko siya ng paborito niya.
“Hmmm.”
Sabi ko bago pinutol ang linya.
Ang
swerte ko talaga sa boyfriend ko.
“Good
morning, sleepy head! Happy Birthday sa pinakamamahal kong Blueberry! Almusal
na po tayo!” Napabalikwas na lang ako sa aking kinahihigaan nang may magsalita.
Nakita
ko na nakangiti sa harap ko ang imahe ng boyfriend ko. Sinipat ko ang cell
phone ko na nasa side table na katabi ng kama ko. 5:30 na. Imposible! Nag-alarm
ako ng alas cinco e!
Kinurot
ko ang sarili ko to ensure kung panaginip lamang ito. Pero hindi. Shits! Maayos
ba ang buhok ko? May snail trail ba ako sa mukha? Shits! Hindi ko na muna
inabala ang sarili ko sa pagbati sa kanya.
Mabilis
akong pumunta sa banyo ko saka naghilamos at nagsipiliyo. Argh! Bakit hindi
nag-alarm ang cell phone ko! Shits!
“Sorry
kung deniactivate ko yung alarm mo. Gusto ko ako ang magprepare ng breakfast
natin ngayon e.” Aniya ng makalabas ako sa banyo.
Naalala
ko na may susi na pala siya sa bahay. Argh!
“Pinlano
mo ‘to no! Kaya pala humingi ka ng duplicate. Tsk. Tsk. Tsk.” Kainis kasi siya!
Ako dapat ang magluluto ng almusal namin ngayon e.
“Wala
man lang bang ‘thank you’? Ako ang unang naggreet sa’yo.” Aniya tsaka
nagtampu-tampuhan.
Emotero.
Haha!
Kinuha
ko sa kanya ang tray na may lamang pagkain at inilapag ito sa study table ko.
Pagkatapos ay hinagkan ko ang pinakamamahal ko.
“Maraming
salamat, Cheesecake! Masayang masaya ako ngayon, dahil sa’yo!” Taos puso kong
pasasalamat sa kanya.
Red’s
POV
“Mmy.
Birthday ni Riel sa 20. Ano kayang magandang gawin?” Tanong ko kay Mommy nang
makarating kami sa bahay pagkahatid namin kay Riel.
“Talaga?”
Tanong niya. Tumango na lang ako sa kanya.
Gusto
ko kasi na ako ang gumawa ng lahat. Pero, wala pa akong maisip e. Hindi ko pa
nga ito naikukonsulta sa barkada.
“Bakit
di mo nabanggit agad?” Tanong ni Mommy.
Kinaumagahan,
tinext ko lahat sa barkada bukod kay Riel. August 19 na ngayon, pero hindi pa
rin nababanggit ni Riel ang tungkol sa kaarawan niya.
Mukhang
tambak siya ng isipin tungkol sa School Fest, kaya’t kahit sariling kaarawan ay
nakalimutan na. He’s turning 18 tomorrow, and I want it to be special.
Napagkasunduan
namin ni Mommy na doon na lang sa bahay ni Riel, gaganapin ang celebration. Ang
siste, hihingi ako ng duplicate key kay Riel para malayang mai-set nina Manang
ang gaganaping handaan doon habang nasa school kami.
Tinipon
ko sila pagkatapos ng meeting nila sa SC Room. Naipaduplicate ko na rin kasi
kanina ang susi, pagkahatid ko kay Riel dito sa school.
“Sa
tingin ko, kahit ano naman, magiging masaya na yun. Lalong lalo na’t ikaw pa
ang nag-organisa.” Ani Ate Xynth.
Naitanong
ko kasi kung ano ang magiging sistema at kung ano ang makapagsusurpresa kay
Riel.
“Yeah!
That’s what makes Riel so special.” Biglang dugtong ni Brett.
Nag-iwas
siya ng tingin sa akin.
“Alam
ko. Salamat, Brett.” Naguguluhan man ako sa kinikilos niya, ikinibit balikat ko
na muna.
Nang
matapos ang pag-uusap namin, ay binigay ko na lang kay Eli ang susi ni Riel sa
bahay niya. Siya na muna ang sasama sa kanya ngayon para maasikaso ko ang mga
gagawin bukas.
Okay na
naman ang lahat sa barkada.
“Ikaw
na muna ang bahala sa kanya ngayon, Kuya ah?” Sabi ko kay Eli.
“Tengene!
Nakakakilabot naman kapag ikaw ang nagsabi niyan. Si Riel lang pwedeng tumawag
sa akin niyan. Hindi pa kayo kasal ng kapatid ko.” Aniya.
Napakamot
na lang ako ng batok tsaka napangiti.
“Okay
okay! ‘Wag mo na lang muna ipahalata na may plano tayo. Bukas pa kasi natin
maisiset-up sa bahay niya yung surprise.” Tumango tango naman ito sa akin.
“Wag
kang mag-alala. Ako na ang bahala.”
“Sige,
bukas ako naman ang makakasama niya maghapon e.”
“Okay!”
“Sige,
salamat talaga!”
August
20, 4:30AM nandito na ako sa bahay ni Riel. Sinurpresa ko ang mahal ko. I’m
grateful that he is happy. Kinain lang namin yung niluto kong hotdog saka sunny
side-up. Yun lang kasi ang nakaya kong gawin ng turuan ako nina Manang.
Dala ko
ngayon si Blake para sa plano kong ilayo muna si Riel sa school at sa bahay
nila para magawa nina Mommy ang plano. Nasabihan ko na rin ang pamilya Chua sa
mangyayaring pagdiriwang.
Handa
na lahat kahapon. Lulutuin na lang ngayon tsaka ang pagset-up dito sa bahay ni
Riel.
Kinonsulta
ko na kagabi sina Brett pati na rin si Ms. Salveda para payagan nila si Riel na
umalis muna.
Isa
pang plano ay ang hindi pagbati sa kanya ng barkada. Para may tampo effect sa
parte ni Riel. Para gustuhin niyang umalis muna sa school.
Nang
makarating kami sa school. Nasunod naman ang plano. Si Eli nga lang ang bumati
sa kanya. Ayaw niya raw na magalit sa kanya si Riel. Hinayaan ko na lang din.
“Walang
nakaalala sa birthday ko, sa SC pati na rin kahit ni isa sa barkada.” Aniya.
Magkakasama
kaming tatlo ngayon nina Eli dito sa bench na malapit sa hallway. Nag-oobserba
na kasi siya sa mga kaganapan sa 3rd day ng School Fest.
Maayos
naman ang pagkakaorganisa ng School Fest e. It is all because hindi siya
nagpabaya sa kahit na pinakamaliit na detalye nito.
“Baka
nakalimutan lang.” Tugon ni Eli sa kanya.
Buti na
lang at nakayuko si Riel. Hindi niya napapansin na sumisenyas sa akin si Eli
para pagaanin na ang loob niya.
“Naipaalam
na kita kay Ms. Salveda. Pati na rink ay Brett. Okay lang naman daw na umalis
ka muna.”
“Isa pa
yun! Best friend ko pa naman, pero hindi ako binati. Kainis! Galit pa rin ba
yun sa akin? Naiinis na ako sa kanya ha!”
“Relax
lang, Riel. Birthday mo ngayon. Magpakasaya ka na lang muna. Saka mo na isipin
yung mga hindi bumati sa’yo. Maaalala nila yan mamaya.” Pampalubag loob ulit ni
Eli sa kanya.
Nagkatinginan
kami tapos parang sinisabi niyang umalis na muna kami. Yun na nga ang ginawa
ko. Nagtext na saakin sina Mom, nagpiprepare na sila para sa gagawing handaan
sa bahay ni Riel.
I’m
really lucky that my family supports me with my love life.
Apat na
oras na kaming palipat-lipat ng laro dito sa WOF ng E-Mall. Naisipan din naming
magvideoke.
Nang
mapagod siya sa kakakanta ay pinilit ko siyang sumayaw. Buti na lang maraming
game doon na makipagshowdown sa kanya.
Nang
sumayaw siya, napanganga lang ako. Akala ko sa aspetong ito ko siya
malalamangan. Hindi man maganda ang boses ko, magaling naman akong sumayaw.
Wagas
ang kanyang kasiyahan nang matapos ang sayaw na kanyang sinabayan. Napangiti na
lang ako nang lapitan ko siya.
Di ko
na pala dapat iniisip na malamangan siya. Kami’y isa na. Anuman na kulang sa
kabiyak, ay dapat punan ng isa. O di ba? Feeling ko mag-asawa na talaga kami.
“Marunong
ka rin palang sumayaw? Hindi naman kita nakikita sa school dati na sumasayaw.”
Tanong ko sa kanya.
“Hindi
ako confident e. Sa kanta lang talaga ako mas angat, kaya hindi ko na
pinagtuunan ang pagsasayaw tsaka pinakita yun. More on hobby ko na lang.”
Aniya.
“Kaya
mo pa ng isang round?”
“Game!”
“Pero
ako ang makakashowdown mo.”
Seryoso
niya akong tiningnan, mata sa mata. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napakamot
tuloy ako ng batok dahil sa hiya na nararamdaman ko kapag titig na titig siya
sa akin.
Para
kasing minamagmet ang mga labi ko para halikan ang mapupulang labi niya.
Pigilan
mo, Red. Pigilan mo! Makukurot ka na naman neto e!
“Seryoso?!”
Tanong niya. Tungo saka ngiti lang ang naisagot ko sa kanya saka nag-iwas ng
tingin.
“Wow!
Sige nga!” Pag-aya niya sa akin.
Nakiusap
siya sa mga nandoon para kaming dalawa muna ang sumunod. Pinagbigyan naman
kami. Napahanga rin siguro sila sa galing ng kasintahan ko.
“Ako na
ang pipili ng sayaw.” Sabi ko sa kanya. Extreme kasi ang pipiliin ko.
“Lagi
ka rito ano?” Tanong niya.
Napangiti
na lang ako. Yeah! Kapag pumapalpak ang plano ko sa pagpapapansin sa’yo. Dito
ko binubuhos ang failure na yun. At least kasi kapag sumasayaw ako, gumagaan na
ang pakiramdam ko.
Good
Feeling Extreme ang pinili ko.
“Wow!
Gusto ko yan!”
Napatingin
tuloy ako sa kanya.
“Alam
mo ‘to?” Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Tumango
lang siya saka pumwesto sa harap ng screen. Argh! Mapapalaban ata ako nito.
“Tumatambay
ka rin dito?” Dagdag ko.
“Yup!
Kami nila Yuki. Sugapa yun sa sayawan e.” Aniya.
Napakamot
na lang ako ng batok. Wrong choice of song, dude! Gusto ko pa naman sanang
magpasikat sa kanya. Gusto ko na puriin niya rin ako. Wala na naman akong
magagawa.
“Magsisimula
na.” Aniya.
Pumwesto
na rin lang ako sa tabi niya.
Oh, sometimes I get a good feeling, yeah
I get a feeling that I never never
Never never never had before, no no
I get a good feeling, yeah
Oh, sometimes I get a good feeling, yeah
I get a feeling that I never never
Never never never had before, no no
I get a good feeling, yeah
Napapangiti
lang ako ng sobra sa tuwing makikita ko ang nakangiti niyang mukha. Sapat para
masabi kong, kahit pinlano namin na hindi siya batiin ng barkada, at mayamot
siya kanina, nag-enjoy naman siyang kasama ako.
Palakpakan
ang mas lalong nagpasaya sa kanya. Kahit nga yung mga naglalaro doon ay
napatigil dahil sa hiyawan na nagawa ng aming pagsasayaw sa mga taong nandoon.
Ang galing niyo!
Ang gugwapo pa!
Ilan sa
mga narinig kong papuri ng mga nanuod sa amin.
Parang
wala siyang pakialam sa nasa paligid namin ng bigla niya akong yakapin.
“Ang
galing mo!” Aniya. Di niya pa rin alintana ang mga tao sa paligid.
Nakuha
ko na ang gusto kong mangyari.
“Ang
sweet mo ata ngayon?” Tanong ko. Nagtataka pero masaya ako. Wala rin naman na
akong pakialam sa sasabihin ng mga tao sa relasyon namin e. I’m more than
willing, kasi hindi naman sila ang makakasama ko sa buhay.
“Ayaw
mo?” Aniya sa malambing boses.
“PDA?”
Sabi ko.
Nang
mapagtanto niya ang aking sinabi ay agad siyang napakalas ng yakap sa akin.
Parang lahat ng pagod galing sa pagsayaw ay nawala na parang bula.
“Kuya!
Kayo?” Mayroong naglakas ng loob na magtanong sa amin.
Ngiti
at tango lamang ang naisagot ko sa kanya.
Hinawakan
ni Riel ang kamay ko saka hinila palabas ng WOF. Kagat labi niyang iniharap ang
mukha niya sa akin. Halatang hiyang-hiya siya sa inakto niya kanina. Haha! Ang
kyut niyang magblush, grabe!
“Shit!
Red! Okay lang naman na maging sweet tayo in public, pero bakit bigla ata akong
nahiya!” Gigil niyang saad. Naihilamos niya na lang ang kanyang mga kamay sa
kanyang mukha.
Tumawa
na lang ako sa reaksyon niya. “Masasanay ka rin, Blueberry ko.” Saad ko.
Nang
magtagpo ang paningin namin ay napatawa na lang din siya.
“Shit!
Epic talaga yung, pagyakap ko sa’yo!” Aniya ng tumatawa.
“Okay
lang naman yun, di ba sabi ko, wala dapat tayong pakialam sa mga sasabihin ng
mga tao?”
“Oo
alam ko, pero, hindi ito tulad ng sa school. Bago lahat ng nakakita sa atin.
Ewan! Bahala na nga sila! Basta masaya tayong dalawa!”
Agad na
lang kaming tumungo sa basement ng Mall para kunin si Blake. Nag-aya na kasi
siyang umuwi. Wala na naman akong magagawa. Nagtext na sina Mom na tapos na ang
lahat.
5:30 na
ng hapon, kaya nandoon na lahat ng bisitang inimbitahan namin.
“Gusto
mong kumain?” Tanong ko sa kanya.
Panay
ang ngiti niya bawat pagpinid ko ng aking paningin sa kanya.
Umiling
lamang siya.
“Wag
na, maaga pa naman tsaka busog pa ako. Uwi na lang tayo sa bahay. Magluluto ako
ng kung anu-ano. Gusto ko sanang imbitahan ang barkada, sina Mama, Papa at
Andrei, sina Reese at ang pamilya niya, ang pamilya Chua, sina Ms. Salveda at
Mr. Buenafe, pero baka gahulin na tayo sa oras.”
Tumango
na lang ako sa sinabi niya. Naitext ko na sina Eli na pauwi na kami.
Nang
makarating kami sa tapat ng bahay niya ay nakadama ako ng excitement. Ano kaya
ang magiging reaksyon niya? Masaya na siya kanina, sana mas sumaya pa siya sa
surpresa namin sa kanya.
Nakarating
kami sa pinto ng bahay na may ngiti sa aking labi.
5… 4…
3… 2… 1…
Saktong
pagbukas niya ng pinto ay ang pagbukas ng ilaw sa sala at ang mga bisitang
aming naimbitahan.
“HAPPY
BIRTHDAY, RIEL!” Sigaw nilang lahat. May sumabog pa na confetti sa kinatatayuan
niya.
Kompleto
ang barkada, sina Ms. Salveda, Mr. Buenafe, ang pamilya ni Reese at ang Pamilya
Chua, nakangiti ring hawak ni Mom ang cake na pinili ko para kay Riel.
Inakbayan
ko lang ang kasintahan ko na parang naistatwa sa kanyang kinatatayuan.
Itutuloy…
*facepalm* KINILIG AKO TANGE!!! feel na feel na dito ang RielXRed feels....arghhh..ankyut tologo!!! :) :)... kakaexcite naman! Update na Kuya Rye <3.
ReplyDelete-JamesL
Ahaha yun oh ang swerte talaga ni Riel kay Red. Author nasaan sina Josh at Riley? Miss ko na talaga sila. Humabol talaga author? Siguro naman ngayon di na baka nga ako naunang mag comment. Update na as soon as possible.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteYun oh ang swerte talaga ni Riel kay Red kaso nasaan sila Josh at Riley? Namimiss ko na sila. Author Siguro di nako naghahabol. I'm really excited for the next update.
ReplyDeletemakapangbitin nmn to wagas hahhaha., anyways nakakakilig ng wagas...sana di na nmn matatagalan ang update nito...nice job author salamat sa walang sawang pagpapakilig sa aming mga readers... :-)
ReplyDeletenice .. gusto ko sanang magpakabitter eh , kaso nangibabaw ang KILEG :) hakhak .. kilig mats to the atay , tagos to the balun-balunan XD
ReplyDeletegaling mo talaga magpakileg kuya RYE :) thanks din pala sa magandang update :))
- yelsnA
P.S ayAn ha , di ko nakalimutan name ko XD