GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 10
sali kayo sa group.. More pictures of the characters.. And kwentuhan.. Close close tayo..!
Or add me sa fb
SI GEO
Naglalakad na ko papunta sa park nun ng matanaw ko yung kotse ni Paul na nakapark sa tapat ng isang malaking bahay.. Ano naman ginagawa ng bwiset na yun duon.. Mukhang nagtatalo sila nung babae.. Paki ko naman haha.. Hahakbang na sana uli ako papunta sa park ng may mapansin akong malaking pako sa kalsada. Light bulb! Haha Evil plan. Kinuha ko lang yung malaking pako saka kumuha ng bato at pinukpok.
Tinantya ko lang kung saan saktong dadaan yung kotse ni paul saka nilagay duon yung pako.. Nagtago naman ako sa isang kotse na nakapark duon saka inaantay yung pagdaan ng kotse niya. Makakaganti din ako sayong bwiset ka.!
Ilang sandali lang akong naghintay hanggang makita ko sa di kaluyan na inis na sumakay si paul sa kotse saka to pinaandar.. Napangiti lang ako ng makita na yung tinatahak ng kotse niya ay papunta dun sa pako na nilagay ko sa kalsada,. Hanggang BOOOMM! Tinakpan ko lang yung bibig ko para pigilin yung pagtawa ko.. Hahhaa buti nga sayo! Nakita ko naman na bumaba sya ng kotse saka pinagsisipa yung gulong niya natigilan lang ako ng makita yung pagpupunas niya ng luha.. Gulong lang iniyakan..? Ang isip bata ah.. Aixt lalapit ba ko.? Parang tanga dahil sa gulong..? Aixxt.. Nagsimula naman akong maglakad papalapit sa kanya.
"hey..?" saad ko para makuha yung atensyon niya.. Tumigil naman sya sa pagsipa sa gulong saka pinunasan yung mukha niya. " baka kapag gumanti yang gulong mo magsisi ka.?" pilit na ngiti ko lumingon naman sya sakin. " are you ok..?" tanong ko ng makita yung pamumula ng mata niya.
" I'm ok.. Umalis ka na wala ako sa mood para makipagbiruan sayo." saad niya saka binuksan yung likod ng kotse niya saka kinuha dun yung isa pang gulong.
" Do you need help.?"
" sabing umalis ka na di ba!" sigaw niya natameme naman ako pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko nanatili lang akong nakatayo habang pinagmamasdan yung ginagawa niya.. " marunong ka ba talaga nyan.?" saad ko pa ng makita na nahihirapan sya sa pagpapalit ng gulong hanggang mabitawan niya yung tools. " hey ok ka lang ba.?" tanong ko muli lang syang tumayo saka gigil na sinipa yung gulong. " damn it!! aixxt." nung mga oras na yun hindi ko mapigilan titigan yung mukha niya kita ko lang yung pagtulo ng luha sa mga mata niya. Haixt kasalanan ko.
" Paul..?"
" Geo please iwan mo na ko pwede..?"
"ayoko.. Hindi ka ok..?"
"buti alam mong hindi ako ok..? Hindi ako ok kaya leave me alone!" sigaw niya,
" Relax kasi.. Naflat lang yung gulong mo umiyak ka na..?"
" Shut up..!"
" gusto mo ako na magpalit ng gulong mo.?"
" marunong ka.?" saad niya na ang sama ng tingin sakin.. Marahan naman akong umiling natawa naman sya ng payak. " umalis ka na pwede.? Umalis ka na kasi wala akong panahon makipaglokohan sayo!" napabuntong hininga naman ako saka lumapit sa gulong na dapat palitan. Shet kasalanan ko to eh. " ako na.. Hindi ka nga marunong di ba.?"
" tutulungan lang kita.?"
" sabing ako na.!" tulak niya sakin napaupo naman ako sa kalsada.. Kita ko naman na natigilan sya. " I'm sorry..ok ka lang ba.?"
" yeah ok lang ako.." pilit na ngiti ko saka tumayo.
" ako nalang kasi pwede.. Umalis ka na.. Please..?"
" hindi to tungkol sa gulong noh.. May problema ka ba..?" tanong ko umiwas naman sya ng tingin. " I know hindi tayo ok.. Pero kahit ganun naman pwede ako maging kaibigan." pilit na ngiti ko kita ko naman na may tumulong luha sa mata niya pero agad niya tong pinunasan. " paul.?" hindi lang sya sumagot nanatili lang syang sa ibang dereksyon nakatingin.
" Makikinig ako..?" lumingon lang sya sakin.. Nagbigay naman ako ng simpleng ngiti. " Masyadong mabigat kapag sinasarili.. I know hindi tayo close.. Pero alam mo kung down ka.. Handa akong samahan ka sa baba ganun ako kabait." ngiti ko pa.
" Si mommy.. Iniwan na ko.." nakatungong saad niya. Kita ko naman na may tumulong luha sa mata niya. Ng mga oras na yun gusto ko sya yakapin. Gusto ko punasan yung luha na nangagaling sa mata niya.. Nang mga oras na yun nadurog yung puso ko. Kinuha ko lang yung panyo sa bulsa ko saka nilahad sa kanya. Natigilan lang ako ng may makitang dugo sa kamay ko.. Shet.. Mukhang nagasgasan pa ko sa pagtulak niya.. Aixt ok lang kasalanan ko naman eh.. Kinuyom ko lang yung isang palad ko na may dugo saka nilagay sa likod para hindi niya mapansin. " hindi ko kailangan ng panyo mo." saad niya.
" sige na.." ngiti ko shet ang hapdi nung isang kamay ko..
" geo ano ba..umalis ka na please.?"
"kunin mo na kasi." kita ko lang yung titig niya sa mukha ko ng mga oras na yun saka nagpakawala ng isang buntong hininga. "makikinig ako..pero punasan mo muna yang muhka mo saka yung mata mo..Hindi bagay sayo yung umiiyak." ngiti ko aktong kukunin niya yung panyo sa kamay ko ng higpitan ko yung hawak ko dito umiba lang sya tingin. "wag mo sisingahan huh.?"
" wag na.." simangot niya saka tinaggal yung pagkakahawak sa panyo.
"joke lang.. Ito na." saad ko saka nilagay sa kamay niya yung panyo.. Ang lambot ng kamay niya grabe.. Kainis.. Marahan niya lang pinunasan yung mukha niiya pati yung maganda niyang mata. Bakit ba ang gwapo niya.. Haixt. Papaframe ko nga yung panyo na yun haha.
" san pumunta mommy mo..?" pilit na ngiti ko.
" malay ko.?"
" baka naman namalengke lang.. Or magpapasalon.. Alam mo yun gawain ng mga babae..?"
" iiyak ba ko ng ganito kung namalengke lang si mommy..?" inis na saad niya. Sabagay may point sya haha. " Umalis ka na.. Nananapak ako pag badtrip. babalik ko nalang tong panyo kapag nalabahan ko na."
"no.. Ako nalang maglalaba.." agaw ko sa panyo na nasa kamay niya.
"bahala ka.. Umalis ka na.."
" Ayoko. Tingin ko kailangan mo ng kausap eh..?"
" damn it..! Maybe kailangan ko ng kausap pero hindi yung tulad mo..!" nakasimangot na saad niya saka sumandal sa kotse. " Nakakainis..! Malaman ko lang kung saang lumapalop nanggaling yang pako na yan.. Makakapatay ako.! Alam mo kung sino man naglagay niyan jan.. Gugulpihin ko sya hanggang mamatay..!" gigil na saad niya saka muling sinipa yung gulong umiwas naman ako ng tingin. Paktay hindi pa ko ready mamatay haha.
" Papatay agad dahil sa pako.?"
" oo.. Tangina..! Bumula sana bibig ng taong naglagay niyan sa gitna ng kalsada.."
" bubububub..! " hawak ko sa bibig ko. Napalingon naman sya sakin. " ooppss joke lang.. Hindi ako naglagay niyan.. Saka bakit ako maglalagay niyan.. Hindi naman ako yung tipo ng gumaganti noh at lalong hindi ako karpintero to have a nail.? IQ huh.?"
" ikaw naglagay noh!" saad niya na ang sama ng tingin sakin. Agad naman akong umiling.
" hindi noh.. Malay mo pumunta magisa yung pako jan..? Wag ka nga magbintang.! Minsan kaya may mga pako na tinutubuan ng paa.? Alam mo yun wansapanatym momment.?"
"gago ka.. Ikaw naglagay."
"hindi nga.."
" bumula man ang bibig.?" nakagat ko naman yung labi ko saka natakpan yung bibig ko.. " gago ka..!"
"uhmm aixxtt sorry.." napapakamot na saad ko..haixt
" haixt.. Wala naman akong ginawa sayo ah..!" napangiwi lang ako ng makita na nakagat niya yung labi niya sa gigil habang nakatingin sakin.
" inaasar mo kasi ako eh.. Don't worry babayaran ko yung gulong mo..?"
" damn it! Ang childish.! Umalis ka na nga.! Tatawagan ko nalang yung driver nila lolo.. Haixt kainis..!!!." ilang sandali naman akong natigilan.. May usapan nga pala kami ni chris.. shet.
" wait..anong oras na..?"
" eh kung ihampas ko sayo tong gulong.. Mukha ba kong orasan..?"
" nagtatanong lang eh.. Butasin ko pa yung tatlong gulong ng kotse mo eh!"
" edi butasin mo.. Bibigyan pa kita ng kape at biscuit."
"huh..? Para saan..?"
" sa burol mo bobo..! Papatayin kita pag hinawakan mo pa kahit isa sa mga gulong ng kotse ko."
" ewan sayo.. May usapan pala kami ni chris.. Alis na ko.." simangot ko. " sorry uli.. Sabihin mo nalang sakin kung magkano yan.. Para makabili ako ng talyer para sayo.. Or pwede ring bilihin ko lahat ng gulong sa pilipinas para sayo."
"gago! may usapan kayo nino..? Saan? "
"ni chris..sa park Why.?"
"gantihan ba ang gusto mo..?" sarkastikong ngiti niya.
"huh.. Hoy ano gagawin mo..?"
" gaganti din..?"
" sorry na nga di ba..?"
" hindi ako tumatanggap ng sorry eh.?" sarkastikong saad niya.. Napangiti naman ako. " bakit ganyan ngiti mo.?"
"ako rin..? I love you lang tinatanggap ko." ngiti ko.
" fuck you..! Dahil nabadtrip na ko.. Susumbong nalang kita kay aldred.." inayos niya lang yung mga gamit ng kotse niya saka nagdial sa cellphone niya.. Gago to sumbungero talaga haixt.
"sino tinatawagan mo.. Gago ang sumbungero mo..!"
"bobo! yung driver ni lolo tinatawagan ko.. Sa assumption ka ba nagaral.. Grabe bro ang assuming mo!"
"aixt kala ko si kuya aldred eh..?" ngiwi ko.. Ilang sandali lang syang nakipagusap saka binalik yung cellphone sa bulsa niya.
"nasa bahay ba si aldred.?"
" baka na kala blue yun.."
"ok sige.. Bakit ko tatawagan kung pwede ko naman puntahan nalang..?" ngiti niya.
"teka.. Wag mo ko sumbong..?!"
" pano kung gusto ko..?"
" aixt sorry na nga eh.. Babayaran ko naman di ba.. Wag mo na ko sumbong.. Please..? Wag mo naman sirain yung lovelife ko oh.."
" lovelife..?" natatawang saad niya.
" baliw ka ba.. Kanina lang umiyak ngayon tumatawa ka na..? Nurse ka ba sa mental.?"
" nurse..? Bakit nurse.?"
" bobo ka din noh.. May baliw ba na ganyan kagwapo..? Kaya nurse nalang." ngiti ko sinimangutan naman niya ko. " ooyy kinilig sinabihan ko ng gwapo..? Don't worry si chris lang mahal ko.. Wag kang umasa.. Pero dahil ang gwapo mo wag mo na ko isumbong.?"
" at sino naman nagsabi na umaasa ako sayo..? Assuming..sa assumption ka dapat nagaral gago..! Aalis na ko pupunta ko kala blue.. Para masumbong kita kay aldred." saad niya saka tumalikod agad ko naman hinawakan yung braso niya para pigilan.. Tumigil naman sya sa paghakbang saka tumingin sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. " bitawan mo ko.?" ngumiti lang ako sa kanya. " sabing bitawan mo ko eh.!"
" edi bitawan..madali ako kausap.. Basta wag mo ko susumbong." ngiti ko saka tinaggal yung kamay ko sa braso niya. Sarkastiko lang syang ngumiti saka humakbang. " paul.?"
" bye.." inis naman akong pumadyak.. Kainis naman eh.
" bubutasin ko yung gulong ng kotse mo.?" banta ko sa kanya.
"kahit pasabugin mo pa yan.. Makaganti lang ako sayo.!" sigaw pa niya.
"please...?" tumigil naman sya sa paghakbang saka lumingon sakin. " please..? Wag mo ko sumbong..sorry na nga eh..? pleaseeee..." aixt kapag nalaman to ni kuya aldred baka ipatapon ako nun pabalik sa cavite pano kami ni chris.. Haixt.. " sorry na kasi." nakita ko lang syang bumuntong hininga saka humakbang uli papalapit sakin. " hindi mo na ko susumbong.?" ngiti ko nang tumigil sya sa harap ko.. Napalunok lang ako.. Shet.. Ang lapit niya.
" bakit hindi mo sinabi..?"
" ang alin..?" kunot ang noong saad ko nagulat lang ako ng kunin niya yung isang kamay ko saka tinaas.
" bakit hindi mo sinabi na nasugatan ka kanina.?" saad niya habang nakatitig sa mata ko. Shet ano bang flavor ng ice cream ako hahha.. Natutunaw ako.
"Wag mo nga ako titigan.? uhm gasgas lang naman yan eh.. Pano mo nalaman.?"
" bobo ka nilagyan mo ng dugo yung braso ko." napatingin naman ako sa braso niya. Kita ko lang dun yung marka ng dugo.. Aixt.
" pupunasan ko nalang.. Wag mo na ko isumbong please..?"
" sorry.." seryosong saad niya. " hindi ko sinasadya yung pagtulak ko sayo kanina..nakakainis ka kasi eh.."
"Alam ko naman eh..wag mo na ko isumbong please.?"
" akin na yung panyo mo..?"
" bakit.? Bitawan mo na yung kamay ko pwede.. Baka may makakita satin Sabihin boyfriend kita.?"
" gago.. Hindi kita papatulan noh.. Akin na yung panyo.?!" saad niya saka kinuha sa bulsa ko yung panyo.
" ano ba kasi." simangot ko ipapaframe ko nga yun eh..
" Sorry.. Nasugatan ka pa dahil sakin." saad niya saka tinali sa palad ko yung panyo.. Ilang sandali lang akong natigilan habang pinagmamasdan yung ginagawa niya sa palad ko. " next time kasi wag kang pakialamero para hindi ka nasasaktan." saad pa niya hanggang matapos sya sa pagtali.
" kasalanan ko naman eh."
" Oo kasalanan mo.. Pero It doesn't mean na dapat masaktan ka.. Sorry is enough.. Kung hindi tanggapin yung sorry edi wala na sayo yung mali..nandun na sa taong makitid ang utak."
" Ayaw mo nga tanggapin yung sorry ko eh.?"
" tanga ka din nun.. Kung hindi ko tinanggap yung sorry mo di sana sinapak na kita.. Or worst baka nasa ospital ka na ngayon.. Di ba sabi ko papatayin ko kung sino naglagay ng pako sa kalsada..? Hindi naman kita pinatay ah."
" bakit magsusumbong ka pa.?"
" joke lang yun.. Pupunta ko kala blue para tumambay.. Wala naman si mommy sa bahay.. San pa ko pupunta..sila blue lang naman ang close ko."
" oo nga pala yung mommy mo.." napabuntong hininga lang sya saka pilit na ngiti.
" thanks sayo.."
"para san.?"
" kasi uhmm... Basta thank you."
"para san nga.?"
" daming tanong eh.. Basta thank you kasi kahit paano nakalimutan ko yung nangyare sakin.. Salamat sa pagbutas ng gulong ko.. Nalabas ko sa gulong yung galit ko.."
" so may utang na loob ka pala sakin.?" ngiti ko. Natawa naman sya.
" asshole.. Hindi kita isusumbong kay aldred don't worry..Sorry uli."
" sinumbong mo nga ako kay blue eh.?"
" hindi ko naman masyadong close si aldred pano kita isusumbong sa kanya.. Magisip ka nga."
" talaga.?eh kung bitawan mo na kaya yung kamay ko.?" ngiti ko habang nakatingin sa mukha niya . Binitawan niya lang yung kamay ko saka marahang tumango.
" Oo nga..tara hatid kita sa park.. Gamutin mo nalang sa bahay niyo yang kamay mo para di mainfect." saad niya saka naglakad.kumunot naman yung noo ko.
" hoy teka.. Ihahatid mo ko..?"
" Oo nga tara na.." saad niyang hindi man lang lumingon.. Nakapamulsa lang sya habang naglalakad. Agad naman akong humabol sa kanya. " wala talaga ako sa mood makipagasaran sayo.. Kaya please.."
" bakit mo ko ihahatid..?"
"kapag niloko ka ni chris.. Kunsensya ko pa."
"huh.?"
" Involve na ko sa pagsisinungaling mo sa kuya aldred mo kaya dapat bantayan kita.. Baka sabihin ni aldred alam ko naman pala yung nangyayare tapos wala akong ginawa.. Atleast masure ko man lang na may gusto nga sayo si chris o assuming ka lang talaga."
"he likes me nga.. Kulit mo.."
" eh ang assuming mo malay mo hindi pala.?"
"haixt..hinalikan nga niya ko..?"
" Im sure you asked for it right..?" saad niyang sa kalsada nakatingin.. " di ba.?" lingon niya sakin umiwas naman ako ng tingin. " alam mo ang love parang ulan.. Hindi pinipilit.. Kusang bumabagsak yan."
" Rain.?"
"yeah.. Anong oras ba kayo magkikita ni chris.?"
" 5PM..?" kita ko naman na tumingin sya sa orasan sa wrist niya.
"4:30 palang.. Ang aga mo.." saad niya. " huwag mo nga ako tingnan.. Promise hindi kita papatulan.. Masasaktan ka lang." natawa naman ako.
"ok ka na ba talaga paul..?"
" hindi ko alam.."
" pano ka na.. May lolo ka pa di ba..? Nasaan sya..?"
"nasa states sya ngayon.. And unfortunately.. Im alone now.. Wala na kong kasama.." saad niya hanggang makarating kami sa park umupo lang kami sa isang bench duon. " ang ganda pala dito.?" lingon niya sa paligid.
" ang tahimik di ba..?"
" Uhmm oo nga.. Dami sigurong memories ng lugar na to."
"Oo naman.. Alam mo dito ko unang naramdaman na magslow motion yung paligid habang tinitingnan ko si chris." natawa naman sya.. Haixt that smile.. Bumubukas ang langit shet.. Parang ang bagal ng oras..
"in love kanga sa kanya..ang corni mo eh." ngiti niya.
"mais na kung mais.. in love ako sa kanya.. Di ko nga alam kung bakit eh."
" I'm sorry huh.. Pero kasi.."
"pero ano.? Wag ka ng kumontra pwede.? Ang mga kontrabida nabubuhay lang sila sa mga telenovela..kaya wag ka nga.. Gusto niya ko at lalong gusto ko sya.. Ang kumontra sa impyerno agad ang bagsak.. Gets.?"
" Tingin ko.. Hindi ka mahal ni chris.. Nakikita ko gusto niya subukan pero hindi naman ganun ang love eh. Hindi sya napagaaralan at lalong hindi sya natututunan..kaya nga Falling in love eh.. Kasi yung fall.. Hindi you learn.."
" love is a learning process..matututunan niya ko mahalin.. Pwedeng bukas.. Or sa susunod na bukas kahit matagal.. Maghihintay ako.. Ganun naman talaga sa love.. Kapag may tyaga.. May nilaga.?"
" You know what lahat ngman ng bagay napagaaralan pero hindi lahat natututunan.."
" Mahal ko sya eh.. Kahit magpatayo pa ko ng school para mapagaralan niyang mahalin ako.. Gagawin ko..shut up ka nalang ok." ngiti ko.. " ang serious natin hindi ako sanay.." natatawang saad ko.
" Oo nga noh..alam mo seryoso naman talaga ko eh.. Ang sarap mo lang talaga asarin."
" ewan.. Nakakapikon ka kaya."
" Yun na nga eh pikon ka kaya lalong ang sarap mo asarin.." ngiti niya sinimangutan naman niya ko.
"eh ikaw... Bakit kayo naghiwalay nung baliw mong girlfriend.?"
"uhm si sarah..?"
" yeah.. Yung maluwag yung turnilyo.?" natawa naman sya.
" pinilit ko eh.. Alam kong hindi niya ko mahal pero nagpakatanga ako.. Pinilit kong paniwalain yung sarili ko na pwede or mapagaaralan niya ko mahalin.. Pero sumuko din ako.."
"kung mahal mo bakit ka sumuko..?"
"coz I want her to be happy.. Ganun ang love.. Kahit masakit.. Kahit mahirap.. Kahit halos madurog na yung puso mo.. Gagawin mo makita lang na masaya yung mahal mo.. Kahit hindi ikaw yung dahilan."
" Si chris.. Hindi naman sya mahal ni blue eh.."
" at hindi niya rin mahal ang sarili niya.. Tingin mo capable sya magmahal ng iba kung yung sarili niya hindi niya magawang mahalin.? Hindi naman mali na minahal niya si blue eh.. Ang mali lang ay yung kinalimutan niya yung sarili niya habang nagmamahal sya." seryosong saad niya. "kaya ikaw..mahalin mo yung sarili mo habang minamahal mo sya..ganun lang yun.. Equally.. Hindi lang naman basta basta ang love.. it can actually change your life forever.. So be careful..you'll be happy or you'll be miserable..choice .. Its a choice."
" naramdaman mo na yung one great love..?"
"uhmm hindi pa..?"
"yun daw kasi yung naramdaman niya kay blue.."
" Alam mo kung bakit hindi sya makamove on..? Kasi pilit niya parin pinapaniwala yung sarili niya na mahal sya ni blue kahit hindi naman..and One great love..? Love..? Malaking kalokohan yun..Si aldred lang ang mahal ni blue masasabi lang na one graet love yun kung mahal nila ang isa't isa.. Eh hindi naman di ba.. Hindi lang talaga sya makapagmove on.."
" pano ko kaya sya matuturuan magmove on..?" pilit na ngiti ko.
" tulungan mo syang mahalin yung sarili niya..?"
" how..?"
" Uhmm Pakita mo na may halaga sya. Pakita mo kung gano sya pwedeng maging importante sa isang tao.. Sinusubukan naman niya eh.. Malay mo.. You're the one .. The one na magbibigay ng saya sa kanya. Hindi naman masama subukan eh. Hindi masama sumubok pero dapat alam mo kung dapat na sumuko.." ngiti niya natigilan lang kami parehas ng huminto yung isang motor sa harap namin.. Pagtingin ko nakita ko lang si chris na seryosong nakatingin sakin.
"tol sinamahan ko lang sya." ngiti ni paul.
" ok..." maikling saad ni chris.
" Geo alis na ko.. Punta na ko kala blue." saad ni paul saka tumayo.
" san ka pupunta.?"
"kay blue..? Why gusto mo sumama..?" ngiti pa ni paul umiwas naman ng tingin sa chris.. " joke lang tol.. Una na ko."
"ano gagawin mo kala blue..?"
"tambay.. Why.?"
" wala.. Sige na.." walang emosyong saad ni chris.
" geo yung kamay mo wag mo kalimutan huh..ingat." ngiti niya.
" Sige paul.. Ingat ka.." ngiti ko tumango naman sya sakin saka nakapulsang naglakad.. Ilang sandali pa ay bumaba na ng motor si chris saka umupo malapit sakin. Ilang sandaling walang nagsasalita samin hanggang marinig ko yung buntong hininga niya.
" hi.." pilit na ngiti ko habang nakatingin sa mukha niya..ang lakas ng sex appeal niya.. Pwede bang maghubad na ko haha.. Joke lang.
" di ba sabi mo may gusto sya sayo..?"
" sino..?"
" si paul.."
"uhmm yeah..?" napapakamot na saad ko.
" bakit magkasama kayo..?"
"uhmm long story eh.."
" gano kahaba..?" simangot niya.
" aixt.. Uhm kasi naflat yung gulong niya eh.. Pano ko ba iexplain..uhm ganito kasi..aixt ang hirap naman.." muli isang buntong hininga lang yung pinakawalan niya.
" nevermind.. I like you geo.. Di ba alam mo na.. Kung gusto mo rin ako.. Dapat ako lang.."
"huh..?"
"akin ka na.."
"huh..?"
"tayo na.?"
"seryoso ka..? Di ba sabi ko ligawan mo muna ako..?"
" uhmm... Eh gusto mo naman ako di ba.. Gusto din kita.. "
" sabagay digital na pala ngayon.. Lahat instant.. Right.?" ngiti ko.
" oo ganun.."
" Pero Chris.. Mahal mo pa ba si blue..?" kunot ang noong tanong ko.. Natawa naman sya ng payak.
" ang tagal tagal na nun,. Move on na ko."
"are you sure..?"
"yeah .. Oo naman.."
" eh kasi parang.."
" geo.. Pwede ba wag na natin balikan yun.. Handa na kong harapin sya or si aldred.. Gusto kita.. Tapos! Ok.?"
"uhmm so gusto mo talaga ko.?"
" oo naman.. Tara.. Gusto mo ng ice cream..?" natigilan lang ako sa sinabi niya.. " gusto mo ba.?"
"ice cream..?" ngiti ko..
" yeah..? Do you like ice cream..?"
" Yeah super..!" excited na saad ko.
"cokies and cream..?" pilit na ngiti niya.. Natigilan naman ako..pano niya alam..? Haha.. " ano.. Please.. Cokies and cream gusto mo diba.?"
" uhm pano mo alam..?"
" So yun nga gusto mo.?" ngiti niya..marahan naman akong tumango.
"I asked my mom kasi kung ano pwede mo magustuhan.. Eh kasi di ba wala pa kong masyadong alam sayo.. So nangangapa pa ko..?"
"Alam na ng mommy mo..?"
"yeah.. And she likes you.."
" wow..?"
"yeah.. Lets go.." saad niya saka tumayo saka nilahad yung kamay niya sakin.. Ilang sandali naman akong natigilan habang tinitingnan yung kamay niya. " tara na..?" ngiti niya hinawakan ko lang yung kamay niya saka tumayo. " you know what.. Mas gwapo ka nga kay blue noh.?"
" uhmm kay blue.?"
"yeah.." ngiti niya saka sumakay sa motor niya. Lets go. " At mas malambot yung kamay mo." saad pa niya. "anong nangyare jan sa isang kamay mo.?"
" uhm gasgas lang.." maikling saad ko.
" ok.."
" Saan tayo pupunta.?" saad ko nalang para maiba ang usapan.. Haixt kahit hindi niya sabihin.. Si blue ay si blue.. At kahit kailan hindi ko sya mabubura sa puso ni chris.
" sa bahay.?"
" uhm sure.." nilagyan ko lang ng saya yung boses ko napatingin lang ako sa kamay ko na nakahawak sa balikat niya ng hawakan niya to.
" kapit kang mabuti.. And please wag kang bibitaw.." lingon niya sakin.
" kakapit ako chris.. Kahit ayaw mo pa.." natatawang saad ko natawa naman sya saka pinaandar yung motor niya.. Habang papunta kami sa bahay nila hindi ko mapigilan pagmasdan yung batok niya marahan ko lang syang inamoy.. Shet ang bango..
"hey amoy pawis ako.." saad niya.
"huh..?"
"inaamoy mo kasi ako eh.. Galing ako kala CJ.. Ang init dun."
" Mabango ka pa din naman.." saad ko hindi naman sya nagsalita. " sorry.." saad ko.
" for what.?"
" Uhm mali ata na inamoy kita.?" payak naman syang natawa.
" Walang kaso yun.. Tayo na di ba.. Kahit buong araw mo ko amuyin hindi ako magrereklamo.." saad niya.
"talaga..?"
" oo naman.." saad niya hanggang makarating kami sa tapat ng gate nila.. Bumusina lang sya pag bukas ng malaking gate ay agad niya ng pinaandar yung motor papasok..
" tara.?" saad niya pagtigil ng motor sa garahe nila. Bumaba naman ako saka inayos yung damit ko.. Ayt nakakahiya naman sa mommy niya.
" ok lang ba tong suot ko..?"
"uhm why.?"
"baka kasi hindi magustuhan ng mommy mo eh.?" pilit na ngiti ko natawa naman sya.
" she likes you kaya kahit ano pa suot mo magugustuhan niya.. Don't worry.. Tara ." saad niya saka naglakad papunta sa bahay nila agad naman akong sumunod sa kanya.
" sigurado ka bang gusto ako ng mommy mo.?"
"yeah.. Relax ka lang.."
"alam niya na ba talaga.?"
" geo kaming dalawa nalang ni mommy.. Magtatago pa ba ko sa kanya.. She likes you ok.. At kahit hindi ka pa niya gusto wala syang magagawa.."
" kasi naman kinakabahan ako eh." saad ko pero binigyan niya lang ako ng simpleng ngiti saka pumasok sa bahay nila sumunod naman ako sa kanya. Haixt kainis mukha namang mabait yung mommy niya.. Siguro naman ok lang talaga sa kanya yung relasyon namin.. Haixt bahala na nga.
" Mom were here.." sigaw ni chris.
" I'm here chris.." rinig kong sigaw din ng mommy niya mula sa dining area tinanguan naman ako ni chris saka naglakad.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumunod dito, naabutan lang namin dun yung mommy niya habang hinahanda yung ice cream sa mesa. " oh hi geo." ngiti nito saka bumeso sakin.
"uhm hi tita." bati ko din dito.
" mom you're right. cokies and cream.." ngiti ni chris saka umupo sa isa sa mga upuan.
" talaga tama ako.. Sabi sayo eh tara geo upo ka." saad nito saka umupo din .. Haixt umupo naman ako sa tabi ni chris.
" chris.. Lagyan mo yung mangkok niya." saad ng mommy niya lumingon naman sakin si chris saka ngumiti.
" Mom mukha ata kayong dragon.. Kinakabahan kasi si geo eh." natatawang saad ni chris habang nilalagyan yung mangkok ko ng scoop ng ice cream.
" geo.. I like you for chris.. Don't worry.." ngiti nito.
" talaga po.?"
"yeah.. So feel at home.. Bahay mo na rin to since kayo na ni chris.. Pwede kang pumunta dito anytime na gusto mo.."
" enjoy the ice cream!" ngiti ni chris sakin.
" Uhm tita salamat po.."
" no worries.. Basta mahalin mo si chris.."
"mom.." saad ni chris habang sumusubo ng ice cream.
" opo naman po.. Mahal ko po si chris." ngiti ko muli lang napalingon sakin si chris saka ako pinagmasdan binigyan ko lang sya ng simpleng ngiti. Muli niya lang binalik sa ice cream yung atensyon niya.
" That's great.. Finally ... Finally.."
"mom.. Kumain ka na nga lang ng ice cream.?" walang emosyon saad niya..
" why gusto ko makipagkwentuhan sa bagong mahal mo eh.."
" mom.."
" Its ok chris.. Para rin makilala ako ng mommy mo..?"
"pero.."
"uhm kinakabahan parin po ako.. Pero dapat po sanayain ko na yung sarili ko di ba..?"
"tama yun..how's aldred..?"
"si kuya aldred po..? Ok po sya sa Schoneberg po sya nagaaral.. active parin po sya sa theatre sa school nila.. Actor po yun eh."
" si blue..?" napatingin naman ako kay chris na tuloy lang sa pagkain ng ice cream.
"he's fine tita.. President po sya ng music club.. At sya po yung naghahandle ng banda na makakalaban nila chris sa battle of the band."
"oh really.."
"mom don't worry.. Kami naman ulit ang mananalo eh." sarkastikong saad ni chris.
" tingin ko rin naman.. Napanuod ko po si chris sa bar na tinutugtugan nila. Ang galing po niya.."
" geo..sana wag ka agad susuko sa anak ko huh.."
"mommy." inis na saad ni chris saka tumayo.
" What I mean is.. Yung love niyo wag niyo basta isusuko.. Madaming pagsusubok na dadating sa inyo.. Basta fight lang.. Ok fight fight..?" ngiti ng mommy niya.. Umiwas naman ng tingin si chris.
" tita.. Fighter po ako.. Never surrender.. Laban kung laban..!" ngiti ko saka sumubo ng ice cream. Haixt... Mamahalin mo rin ako chris.. At maghihintay ako.. Kahit matagal.
"lets go geo.."
"saan..?"
"sa kwarto ko.. Just want to show something." saad ni chris saka humakbang papunta sa living room.. Napatingin naman ako sa mommy niya.
"sige na.. I like you geo.. Please.. Tulungan mo sya..tulungan mo syang mahalin ka."
" tita..?"
"please.." seryosong saad nito marahan naman akong tumango.
" opo tita.."
" geo lets go..?" inis na saad ni chris tumayo naman ako ako saka sumunod kay chris. Haixt.. Kung hindi ko lang sya mahal.. Sinapak ko na sya haha. Naabutan ko lang syang inaantay ako sa hagdan.. " wag mo pansinin si mommy.. Parang ewan eh." seryosong saad niya.
" ok lang.."
" geo I like you.. Uulit ulitin ko ba..?" saad niya ngumiti naman ako saka umiling.
" you like me.. and I like you.. Don't worry chris.. Lahat ngsasabihin mo paniniwalaan ko... Mahal kita." saad kong nakatitig sa mukha niya nakita ko nmana na umiwas sya ng tingin.
" tara.." saad niya saka nilahad yung kamay niya sakin..tinanggap ko naman yun.. Magkahawak lang kaing umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya..
" ano papakita mo.?" tanong ko ng makapasok kami sa kwarto niya.. Ang linis grabe. Nasa ayos lahat parang bawal magkalat..haha.. Nang lingunin ko si chris nakita ko lang na hinubad niya yung tshirt niya. Napalunok naman ako.. Oh my..
" Gano mo ko kagusto geo..?" nangaakit na ngiti niya.
ITUTULOY
Hindi ko ma-fathom ang motive ni Chris. Thanks sa update. Take care. God Bless.
ReplyDeleteGo Geo convert mo yang si Chris. He'll soon realize your worth! #Chreo. Marvs :-P
ReplyDeleteAng galing mo tlga mg bitin kuya blue......eto na b ung first scene ni geo st chris? matutulungn kaya ni geo si chris sa paglimot at mahalin ang sarili
ReplyDeleteJharz05
Galing Galing Kuya!!! anGulo ng utak ni chris tlga! d q na ma predict!, at first.kay chris ako...pero ngaun #teamPaul<3 na.. nkakadspoint kasi ung motive ni chris..kaka walang gana hahha..sana may turning point sa character nia..at without hesitation babalik ang suporta ko sa knya:) <3
ReplyDeletethis made my day and ka-abang-abang, ang nxt chapter! Update na agad! :) :)
-Lex
At muli nnmang nambitin... Ahaha ..
ReplyDeleteAixt ang ganda super?.<3
ReplyDeleteTag ang galing tlqa .. Ang galing mang bitin ..:-) kuya bluerose !!! Kaya update kna agad ng next chapter.. Sobrang nabitin tlqa acuw..:-) .God bless ?
Jack and jill, Geo version?! Hahaha oh my! Okrahan na! Thanks Blue Ranger! :)
ReplyDeleteweeee, team PaGe pa ren .. hihihi
ReplyDeleteganda :) galing talaga ni Pinuno :) thanks sa po update
-Yelsna
Ang landi talaga ni Geo! Hahaha! _jm
ReplyDelete#TeamChrEo ako. At ang galing mo Bluerose! - K
ReplyDelete