Followers

Friday, October 24, 2014

Playful Jokes -Chptr6




Athr'sNote-

Jacob is <3

Guys! Pangalan ko sa trabaho ay Jacob, bawal yung real name ko kasi may kapangalan na.. bawal rin yung Justin kasi mayroon na.. kaya ayan.. "Jacob" ang kinalabasan ko.

Kung dati ay team Seven ako.. ngayon ay.. team Hakob na :)) haha.


Anyway,

(
-Marvs, payat talaga eh, 5'7 nga yung height ko pero ang payat payat ko naman.. haha. Nagpamedical ako para sa requirements sa trabaho, tsktsk underweight!! nakakahiya xD
-Jst, magseselos po si Hakob, patay tayo kapag nagseryoso siya haha.
-Machineman & Mr.AlfredTO, sige po, susubukan kong mas habaan pa.
-Kay RobertM94, salamat po :)) 


)

May Team Seven ba diyan? si Machineman team Seven daw!
Si Marvs naman, mukhang team Hakob!!

Tapos may "Kash-Seven is harthart", haha nice nice talaga, nakakatuwa kayo guys, Salamat talaga!

Oops, humabol si Jex para sa team Seven. Si Jay05 naman.. team Hakob.. tsktsk, close fight?

Si Red08 na adik kay Seven, binusit pa ako!! Paki-baril nga, haha.

Ang nagtatagong si Geo! team #Kashven raw, galing galing naman.. hehe :))


(
Guys! Yung paraan ng pagbati o pagreply ko sa mga comments niyo.. ay idadaan ko base sa pag-update ng mga bagong comments, para mas medyo dumaldal ang dating ko.. whehehe.
Magulo ba? Haha sana nagets niyo, magulo ako magpaliwanag eh.
)

Maraming Salamat sa patuloy na suporta at pagbabasa, maraming salamat talaga.

Kung mapapansin niyo, hindi nag-aaral ang mga tauhan, natatakot kasi ako na baka magkamali nanaman ako, na baka hindi ko maasikaso yung pag-aaral nila sa kwento nila. Hindi sapat yung kakayahan ko, kaya pasensya na.

Pero, Salamat parin! :))


Happy Reading..




-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Goooooood morrrrninggggg...." masiglang sabi ko habang paunat-unat pa.

At niyakap ko rin yung kapatid ko habang masarap pa ang tulog nito.

 "Tenten gising na.. nawili ka naman sa bagong higaan..." sabi ko pa habang tinataastaas-baba yung kanan niyang kamay.

 "Kuya naman eh.." nabubusit nitong sabi habang nakapikit parin, nagising ko pala.

Natawa na lang ako, napagod nga sa pakikipaglaro kagabi lalo pa't nasa iisang bahay nalang sila ni Chan.

Pagtingin ko sa pwesto ni inay ay wala na siya, malamang nagluluto.

Nanatili lang akong nakayakap sa kapatid ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagvibrate ng aking phone.

Message: Good morning Kash :))

Text ni Jacob.

Tsk! Naalala ko tuloy yung joke niya kahapon.

Nakakabadtrip talaga ang mga tao ngayon. Ang sarap pasabugin ng sira-sirang bakal. (teka pano nga ba yun? Haha)

Message: Good morning din. Buti nagising kapa? Sayang, akala ko pa naman tuloy-tuloy na ang pagpapahinga mo.

Reply ko, nakuha ko pang matawa.

Ewan ko pero parang nagkakagusto ako sakanya? Ang gulo talaga eh, tapos komportableng-komportable na ang pakiramdam ko sa tatlo, kay Alex, Vince pati na sakanya.

Message: Huwag mo akong mabusit-busit ng ganyan, baka masanay ako at hanapin ko yang pang-aasar mo tuwing umaga xD

Nang mabasa ang text niya..

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na nakatip ang mukha, sa unan.

 "Bakit ako kinikilig?" malakas na sabi ko pa.

Buti na lang talaga at nakatakip sa unan ang aking mukha.

Nakuha ko pa atang magpagulong-gulong? 

 "Kuya ang gulo mo.." rinig kong sabi ng aking kapatid.

Inalis ko ang unan sa aking mukha at tinignan ko ito, nakaupo na.

 "Tenten good morning..." masayang sabi ko saka ito hinalikan sa noo, sa pisngi, sa matangos niyang ilong.

Good vibes? Umagang-umaga.

Pero.. pero paano si Seven? Eh sa alam ko na talagang may gusto ako sakanya eh.

Ang gulo?


-----



Point Of View

 - S e v e n -



 "Chan gising kana?" mahinang sabi ko pagkagising ko.

Mahirap talaga yung ganito, yung bang pagkagising mo ay dilim parin ang haharap sa'yo.

 "Opo, tara kuya kain na po tayo.." rinig kong balik nito.

 "Wait, one minute.." agad na sabi ko.

Kasama na nga pala namin sa bahay si Kash at Tenten.

Medyo nakaka-excite narin gumising sa umaga, na may makakakwentuhan ka at may makakasama ka.. at may makakalaro pa itong kapatid ko.

Wala sa sarili na lang akong napangiti.

Naalala ko kasi yung pagkainis niya sa akin kagabi, galing kong magjoke noh?

Siguro wala nga lang 'tong nararamdaman ko, kaya imbis na hayaan ko ay sakyan ko na lang.

Makikipaglaro na muna ako sa nararamdaman ko, tutal ay iba ito kaya naman paniguradong lilipas din.

Pero habang hindi pa lumilipas, sakyan ko na muna, enjoy ba.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



Message: Kash.

Pagtext ko ulit kay Kash.

Hindi na kasi nagreply mula kanina, tsk.

Yung nabanggit ko nga palang "move on".. nako.. 'kuno' lang yun. Haha!!

Message: Busy ako. Tumigil-tigil ka muna.

Reply niya.

Ang daya, sino kayang pinagkakaabalahan niya?

Ah oo nga pala, kila Seven na siya nakatira. Wag naman sana si Seven ang inaasikaso niya, tsk.

Si Kash, gusto ko na nga ba siya? O sadyang.. nasabik lang ako sakanya dahil sa maituturing ko siyang bagong kakilala at bagong kaibigan?

Sa tingin niyo?

Message: Text moko kapag hindi kana busy ha? Tanong ko lang kung baka gusto mong sumama sa akin mamaya.

Pagtext ko ulit, maisama nga si Kash, nang medyo ma-expose ang kaitiman niya. Haha.


-----



Point Of View

 - K a s h -



Saan naman kaya ako isasama ni Jacob?

Sasama ba ako?
Ay ewan.

 "Paload po, tm fifteen.." agad na sabi ko sa tindera pagkalapit ko.

Sakto kasing cut na ang unli eh.

Matapos magpaload ay naglakad-lakad na muna ako.

Mamaya na ako tutulong kay inay sa paglilinis, gusto ko na munang mapag-isa at mag-isip isip.

Sa tuwing naguguluhan ako, sa tuwing gusto kong mag-isip isip.. eto ang ginagawa ko.

Lakad, maglakad lakad.

Gusto ko sana na makakuha ng sagot, patungkol sa mga nararamdaman ko.

Hindi naman ako ganito eh, bago 'tong nararamdaman ko, at hindi ko maintindihan dahil sa parang nagpadala ako at sinakyan ko pa ito.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sariling naka-upo, sa isang upuan na kahoy, mukhang marumi pero ayos na.

Katahimikan ang namayani, parang ang sarap pakinggan ng katahimikan.


 "Problema yan apo."

Wala sa sarili akong napatingin sa nagsalita, matandang babae.. lola na nakatungkod.

 "Lola upo po kayo." agad na sabi ko nang makitang gustong tumabi nito sa akin.

Sa nakikita kong itsura ni lola, medyo halatang nahihirapan ito.

 "Ayos lang po ba kayo?" mahinang sabi ko.

Tumango lang ito nang nakangiti.

 "Alam mo bang pwesto ko 'tong kinauupuan mo?"

Napangiti na lang ako sa hiya, kay lola pala pwesto ito.

 "At lahat ng nauupo rito ay kinakausap ko, alam ko kasing mababait ang mga nauupo sa upuang ito." sabi pa ni lola.

 "Mababait po?" agad na tanong ko. nakucurious ako kay lola, lalo na sa mga sinasabi niya.

 "Sa panahon ngayon, sino ba naman ang uupo sa upuang luma at marumi?"

Napatango na lang ako sa sinabi ni lola, yun pala ang ibig sabihin niya.

Pero.. ayos naman 'tong upuan, nakakakomportable nga sa pakiramdam eh.

Pero yung linya niya na  "Sa panahon ngayon, sino ba naman ang uupo sa upuang luma at marumi?", kung titignan.. kakaiba diba? parang may nais siyang ipahiwatig o iparating.

 "Maaari ko bang makita at mahawakan ang palad mo?" napakagaan pang sabi ni lola.

 "Opo, opo." agad na sabi ko at paglahad ng aking kamay.

Marahan niya itong hinawakan, at pinagmasdang mabuti.

 "Makalyo po ba?" nahihiyang sabi ko, nakita kong napangiti naman ito.

 "Apo, naniniwala kaba sa hula?" sabi ni lola.

 "Opo." agad na balik ko, tonong pagmamalaki pa.

Sa hula, sa wish, o sa ano pa man yan, naniniwala ako.. lalong-lalo na sa taas.

Tinuruan kasi kami ni inay na magdasal at kasabay noon ay ang magtiwala.

Bata man si Tenten kung titignan, pero kilala na niya ang nasa itaas, minsan kasi ay pinagmamalaki niya na minsan ay naghihingi siya ng laruan sa nasa taas, kinakausap niya pa nga raw ito bago matulog.

Kung titignan, pang bata lang ang dating diba? Pero hindi, hindi kami pinalaki ni inay ng ganun.

 "Naniniwala karin ba sa kapalaran at tadhana?" biglang tanong pa ni lola.

 "Syempre naman po." pagmamalaki ko ulit. "Mahilig rin po kasi ako magbasabasa ng iba't-ibang kwento, hindi nga lang po halata. Kahit nga po sa mga multo o sa alien ay naniniwala rin ako." dagdag ko pa.

Ewan ko pero hindi na ako nahiyang sabihin iyon.

 "Magandang bagay ang marinig na may kabataan pang naniniwala sa mga ganyan. Natutuwa talaga ako sa henerasyon ngayon." napakagaan na sabi ni lola, natutunugan ko ito ng kagalakan.

Saglit akong napatitig kay lola, nakangiti lang ito, nakatingin sa kung saan.

 "Magandang bagay rin po ang marinig na may natutuwa sa aming henerasyon ngayon. Hindi po kasi lahat, natutuwa sa mga kabataan, ng pahanong ito." nakangiti kong sabi, nakatingin rin sa gawi ng tingin ni lola.

Parang may nararamdaman ako eh, basta parang napakagaan ng loob ko kay lola.

 "Sa edad mong yan apo, hindi ako makanipawala na.. sa iyo nanggagaling ang mga salitang iyan." rinig kong sabi ni lola.

 "Lola.." pagharap ko sakanya. "Sabi po sa akin ni inay, wala sa edad yan, nasa isip at puso raw po.. doon nanggangaling ang mga salita, minsan nga raw po ay nasa mga nakikita rin yan." tonong pagmamalaki ko ulit.

 "Sabagay apo, lahat talaga ng tao ay nagkakaroon ng mga sapat na kaalaman base sa kanilang karanasan." pagngiti ulit ni lola.

 "Hindi po." agad na sabi ko, napatingin naman ito sa akin.

 "Sabi ni inay, minsan po ay kung sino pa yung walang karanasan ay siya pa po yung mas may abilidad at sapat na kakayahan." tonong pagmamalaki ko ulit.

Muling inabot at hinawakan ni lola ang aking kaliwang kamay.

 "Tila lahat ng aking binanggit ay mali.." sabi ni lola.

 "Eto ang sigurado akong tama, darating ang araw o panahon.. ikaw mismo, malalagay sa isang karanasan o sitwasyon na kung saan magbibigay sa'yo ng sapat na kakayahan."

Nakatitig lang ako kay lola, nahihiwagaan kasi ako sa mga sinasabi niya. Naguguluhan rin ako.

 "Maaari mo itong hadlangan, kung mapapairal mo ang sinasabi mong.. wala sa edad kundi nasa isip at puso." napakagaang sabi ni lola.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkapanatag.

Kung sakali, paano ko hahadlangan ang isang bagay o mangyayari kung hindi ko alam kung ano ito? Medyo naguguluhan talaga ako.

Pero para talagang napanatag ako. Na para bang nagkaroon ako ng ideya o back up? Kahit na wala akong kaide-ideya sa kanyang mga nais iparating.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



Nagreply kanina si Kash na sasama raw siya mamaya, pagkatapos niya raw tumulong sa paglilinis ng bahay.

Message: Jacob, hindi ako pwede ng hapon, gusto ko kasi na ako ang gumawa ng mga gagawin ni inay para hindi siya masyadong mapagod.

Biglang text ni Kash.

Message: Ge, pwede kabang gabi? don't worry hindi tayo gigimik.

Agad na reply ko.

Pero teka.. teka.. saan nga ba kami pupunta?

Arrggh!! Wala lang akong masabi kanina kaya yun ang naitext ko. Tsk.

San ko ba siya pwedeng dalhin?

Maraming mapupuntahan dito sa Angeles pero hindi ko alam kung saan mas magandang dalhin si Kash.

Jenra? Nepo? Fastfood? Nepo Quad? Night market?

Ahhh.. alam ko na.. sa.,

Totobits !!

(Mga taga Angeles, lam niyo yan. Haha.)

At agad ko na ngang tinext sila Alex at Vince para magtanong.

Message: Mga tol, hanggang anung oras bukas ang totobits?

Matapos magtext ay agad kong nilapitan yung lalagyan ko ng damit.

 "Sana marami na.. sana.. sana.." tonong nagmamakaawa ko pa.

Yung ipon ko, sana medyo marami-rami na.

 "100.. 200.. 250.. 330.. 350.. 450.. Four hundred seventy-five.."

Pagbibilang ko.

Dapat 600+ na eh, kaso binilhan ko ng cake si tisoy, kapatid ni Kash.

Ang sarap sa pakiramdam, na dumidiskarte ka ng patago, haha.


Message: Mga 10? Ewan tol eh?
Message: 9? Ewan?

Reply ng dalawa.

Okay! Pwedeng-pwede kami roon ni Kash.

Message: Kash, kapag pwede ka ng 6, text mko, asap.

Agad na text ko kay Kash, mas maganda na maaga kami umalis para maaga ko siya maiuwi.

Maglilibot-libot narin kami sa Angeles, marami naman kaming mapupuntahan eh.

Didiskarte narin ba ako?


-----



Point Of View

 - K a s h -



Alas-tres na ng hapon natapos ko narin ang mga pinalinis ni inay, nakakahiya kasi kung wala akong gagawin dito, at ayoko rin mapagod si inay.

Favorite part kong nilinis ay yung napakalawak na damuhan sa harap, nakitrim-trim narin kasi ako.

Ngayon naman ay ang kwarto na namin, naayos man ni inay kagabi ay inayos ko parin ulit.

Hanggang sa may hindi sinasadya akong nakita sa may lalagyan ng damit namin.

Picture?

Agad ko itong kinuha at tinignan.

 "Ako 'to ah?.. ang bata ko pa dito.." wala sa sarili kong nasabi nang makita ang aking sarili sa larawan.

Si inay kasama ko, medyo malaki na yung tiyan niya, ahh.. ipinagbubuntis niya pa rito si Tenten.

At napatingin narin ako sa isang tao pa na nasa larawan.

 "Si itay.."

Wala sa sarili kong nasabi.

Nang mapansin ang pagkakahawig namin ay halos napaiyak na ako.

 "Tay.." sabi ko pa habang pilit na pinapahina ang pag-iyak.

Saglit kong tinitigan yung larawan naming tatlo, nakangiti kaming tatlo rito. Namiss ko tuloy si itay.

Saglit ring namayani ang katahimikan, na tila mahinang pag-iyak ko lang ang tanging nangingibabaw, napakahina man.

Muli kong binalikan yung lalagyan ng damit namin.

Baka may makita pa ako.

Hanggang sa may nakita akong isang papel, sobre?

Kukunin ko na sana nang mapatigil ako nang biglang may kumatok.

 "Kash anak.. hinahanap ka ni Seven.." boses ni inay.

Nataranta man ay pilit ko paring inayos ang sarili.

 "Palabas na po.." agad na sabi ko matapos pakalmahin ang sarili.

Agad kong kinuha yung sobre at agad itong nilagay sa ilalim ng aking unan, binalik ko narin yung picture.

Muli kong inayos ang aking sarili bago tuluyang lumabas.


-----



Point Of View

 - S e v e n -



 "Huy.. hinahanap mo daw ako?"

Narinig ko palang yung boses ni Kash, palihim na akong natuwa, napangiti ba.

Pero parang medyo may mali sa boses at tono niya?

Siguro napagod lang sa kakalinis, at habang naglilinis siya ay kinukwentuhan pa niya ako.

 "Oo eh, nakakainip kasi, walang maingay." nakangiti kong sabi.

 "Wow naman, maingay ba ako?" agad na balik nito at naramdaman ko pang tumabi rin ito sa akin.

 "Madaldal?" sabi ko naman.

 "Okay, kilala naman ako sa ganun eh, hindi nga lang halata.. hindi nga ba?" rinig kong pagtawa pa niya.

Hindi talaga nauubusan ng masasabi 'tong si Kash.

Nakakagaan siya ng loob, ramdam ko rin na mabait siya, na maaasahan, na mapagkakatiwalaan, at alam ko na masayahin siyang tao, eh sa base sa mga sinasabi niya at kapag nagdadaldal siya.. haha.

Minsan tuloy, napapaisip ako kung..

Ano kaya ang itsura ni Kash?

 "Seven may kekwento pala ako." pagsiko-siko pa niya sa aking tagiliran.

Nahimigan ko rin yung tono niya ng, pagka-excited.

 "Dami mo talagang kinukwento.. pero sige sige.. ano ba yan?" excited ko ring sabi.

Masarap kasing nakikinig sakanya, kahit kasi hindi ko siya nakikitang nagkekwento ay ramdam ko naman yung kagalakan sa pagsasalita niya.

 "Pamilyar kaba sa 'the gifted minute?"

Saglit akong napaisip sa tanong niya.

The Gifted Minute?

Nge?

Ano yun?

 "Hindi noh? Buti na lang ako, alam ko." tonong pagmamalaki naman niya.

 "Ano ba yun?" tanong ko na lang, nambibitin pa eh.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Ganun pala yun? Nakaka-kaba naman pala kung sakaling mapagbigyan ka. Parang do or die?"

Agad na sabi ni Seven matapos kong ikwento yung tungkol sa 'The Gifted Minute.

 "Seven kung ikaw, kung sakali.. anong gagawin mo? Magsasalita kaba? Kasi diba.. medyo nakakataranta yun." balik ko naman.

 "Ako?" agad na sabi niya.

Tinignan ko ito, mukhang napapaisip.

 "Ewan?"

Napailing na lang ako sa napakasimple at walang kaemo-emosyong sagot niya.

 "Baliw ka nga ata." nasabi ko na lang.

 "Eh sa hindi ko alam ang gagawin eh. Ikaw ba? Anong gagawin mo kung sakali? Sige nga.." tonong nanghahamon naman niya.

Ahhh.. talagang ayaw magpatalo eh.

 "Ako? Dalawa lang naman ang naiisip kong maaari kong gawin." simpleng sabi ko.

 "Seven, alam ko na hindi ka masyadong pamilyar sa mga ganitong bagay, kaya.. makinig ka na lang." mula sa seryoso ay pagtawa ko pa.

Ayaw ko kasi ng masyadong seryoso, baka kasi biglang mapadrama itong si Seven, ayoko naman kasi na makita siyang malungkot.

 "Seven, alam mo ba yung puntong.. pwedeng-pwede kayo sa isa't-isa, na walang humahadlang, na walang nagbabawal o ano man.. yung bang.. mutual o parehas ang nararamdaman niyo..

Kung ganun man ang magiging sitwasyon namin ng taong magbibigay sa akin ng isang minutong pagkakataon..

Syempre magsasalita ako.. dahil malaya kong masasabi ang mga gusto at dapat kong sabihin, dahil sa alam kong pwede kami, na dahil sa alam kong hindi masasayang ang mga sasabihin ko, na sa huli.. masasabi ko yung salitang.. worth it." tonong pagmamalaki at masayang sabi ko.

 "Sabagay, tama ka naman diyan. Kahit ako rin naman ay ganun ang gagawin.

Pero Kash, hindi pwera na hindi ako nakakakita ay hindi ako pamilyar pagdating sa mga ganyang bagay.

Ikaw narin ang nagsabi, may damdamin at pakiramdam ako.

Nagkakagusto rin ako Kash, kung alam mo lang."

Napangiti ako sa narinig.

Si Seven talaga, matatag at matapang.. na dapat lang.

 "Pasensya na kung nasabi ko yun." nahihiyang sabi ko naman.

 "Wala yun ano kaba, oh yung isa." agad na balik niya.

 "Yung isa?" sabi ko kagad.

 "Diba sabi mo dalawa yung pwede mong gawin kapag napagbigyan ka nung 'the gifted minute."

Napa-"Ahhh" na lang ako sa sinabi niya, oo nga pala.

 "Yung isa naman.." paninimula ko.

Saglit akong napatigil, si Seven kasi nakatingin na ngayon sa gawi ko, deretso ang tingin.

Parang ano kasi eh.. parang nagtititigan kami.

Napangiti na lang ako, maswerte ako at naging kaibigan ko 'tong si Seven.

Hindi man ito nakakakita, natural parin na gwapo at napaka-lakas ng dating.

 "Seven.." mahinang sabi ko, sa mata parin niya ang titig.

 "Alam mo ba yung tipong.. bawal kayo? yung bang may malaking pader sa pagitan niyo?" dagdag ko pa.

 "Na mahirap ang sitwasyon niyo?" agad na sabi naman niya.

(Guys, sa mga oras na ito.. pareho ang nararamdaman ng dalawa, parehas sila ng iniisip... na bawal sila sa isa't-isa. Gets?)

 "Oo, diba ang hirap ng ganun?" pilit na pagngiti ko pa.

 "Alam mo Seven, kung sakali man na ganun ang sitwasyon namin ng taong magbibigay sa akin ng isang minutong pagkakataon..

Hindi ako magsasalita at pagmamasdan ko lang siya." mahinang sabi ko pa.

Aaminin ko, medyo natatamaan ako sa mga sinasabi ko.

 "Bakit naman? Eh paano kung mahal ka pala niya at mahal mo rin siya, hindi kaba talaga magsasalita?" tanong naman niya, parang may kakaiba na sa tono niya.

 "Oo, hindi ako magsasalita.

Katahimikan, yan ang ibibigay ko sa isang minutong pagkakataon na ibibigay niya.

Eh sa masakit eh, na dahil alam mong masasaktan ka lang sa sasabihin mo, na alam mong pareho lang kayong masasaktan at mahihirapan.

Yung bang, kahit ilang minuto pa ang umikot sa pagitan niyo, na kahit ilang minuto ka pang magsalita sa harap niya ay.. walang mangyayari, na alam mong.. masasayang lang ang mga sasabihin mo.

Na ang kahihinatnan niyo lang ay wala, kung hindi sakit ay hirap.. at panghihinayang.

Kaya kung mapunta man ako sa sitwasyong ganun, yun ang gagawin ko.

Ang pagmasdan siya at hayaang maghari ang katahimikan sa aming pagitan." mahabang sabi ko.

Tsktsk, napapadrama tuloy ako.

Saglit na namayani ang katahimikan, nanatili lang akong nakatingin kay Seven.

 "Kahit na, masaktan mo yung taong nagbigay sa'yo ng isang minuto?

Na kahit na alam mong mahal ka niya, mahal mo siya?

Na kung saan.. alam mong hinihintay ka niyang magsalita pero mas pipiliin mo parin ang hindi magsalita at pagmasdan lang siya?" biglang sabi niya, iba na ang ekspresyon nito, malungkot? tama ba yung nakikita ko?

Masama mang tignan pero mabuti na lang na hindi ako nakikita ngayon ni Seven, kung kaya't malaya akong umiling.

Maging ako kasi, hindi pabor sa aking naisip na isagot. Pero kailangan, kung ayaw mong masaktan diba?

Wala sa sarili ko tuloy na naalala yung lolang nakausap ko kanina.

 "Sa edad mong yan apo, hindi ako makanipawala na.. sa iyo nanggagaling ang mga salitang iyan."

Ang tanong niya kanina.

Minsan rin, napapaisip ako kung bakit ganito ako mag-isip?

Na akala mo ay may asawa't mga anak na ako kung makapag-isip.

Pero, mabuti na lang at lagi kong naaalala ang sinabi ni inay dati.

 "Karlo anak, tatandaan mo.. hindi nababase sa edad o karanasan ang pagdedesisyon ng isang tao, nasa isip at puso yan.. minsan pa nga'y nasa nakikita at nararamdaman yan. At minsan naman ay, walang kinalaman ang anu mang karanasan."

Sabi ni inay dati, na kailanman ay hindi ko nakalimutan.

Hindi ba't ang pagdedesisyon ay isang paraan narin ng pag-iisip?


-----



Point Of View

 - J a c o b -



Message: San kana? nandito na ako sa harap :))

Agad na text ko kay Kash nang nasa harap na ako ng tinutuluyan nila, bahay nila Seven.

Alas-sais na ng gabi, kaya naman medyo nagdidilim na.

 "Late ba ako?"

Napabaling ako sa gawi ng nagsalita, si Kash kalalabas lang ng gate.

 "Hindi pa naman, wala ka namang gagawin?" agad na tanong ko, nakangiti.

Namiss ko ata si Kash? tsktsk.

 "Wala na, natulungan ko na si inay sa pagluluto, syempre utos-utos siya tapos nakapagpaalam narin ako." agad na sabi nito, napatango na lang ako.

 "Kung ganun, tara?" nakangiting sabi ko, tumango ito at nagsimula na nga kaming maglakad, papunta sa sakayan ng jeep.

Habang naglalakad ay nagkekwentuhan kami, walang awkward, walang hiyaan.. komportable lang.

 "Kash, sabi mo tatlo lang kayong lumipat dito, san si itay mo?" agad na tanong ko matapos niyang ikwento ang paglipat nila rito mula Manila.

Nakita kong tumahimik naman ito, parang may iniisip.

 "Ahm.. sorry, parang mali ata naitanong ko?" nahihiyang sabi ko, mahina.

 "Wala si itay eh, hindi ko alam kung nasan siya. Hindi ko matanungan si inay, parang may iniiwasan kasi siya sa tuwing sisimulan kong magtanong, patungkol kay itay. Pero... mga bata-bata pa ako, kasa-kasama pa namin siya." biglang sabi nito habang patuloy lang kami sa paglalakad.

Nakayuko lang siya, ako naman panakaw-nakaw lang ng tingin.

 "Sorry ulit." sabi ko pa.

Yan tuloy, imbis na mag-enjoy kami ay napadrama pa dahil sa katatanong ko.

 "Wala yun, kaw naman. Magkaibigan naman tayo." agad na sabi niya, nakangiti.

Magkaibigan?

Aray, ayaw ko talagang naririnig yan.

 "Pero Kash ang galing mo, ibig kong sabihin ay.. yung bang kahit biglang nag-iba mood mo, na medyo malungkot ay nakangiti ka parin, tapos eto at nakukuha mo paring makipagbiruan sa akin." bilib kong sabi.

Diba karamihan ay dinadamay pati mga kasama o kaibigan? Yung bang sabihin na nating badtrip tayo sa bahay.. tapos sa mga kaibigan natin ilalabas, yung bang ganun.

 "Ano ba yang sinasabi mo?.. eh sa magkaibigan nga tayo eh, hindi naman pwera umiyak ako bigla, nalungkot ako bigla, may problema ako kanina, namumublema ako ngayon.. ay ipapakita ko na sa inyo, syempre kapag kaibigan.. kaibigan, diba? iba yung sa sarili mo.. iba rin yung sa pakikisama mo." balik niya.

Ngayon, nakuha ko na. Iba talaga si Kash. Parang bang.. worth it yung kadaldalan niya? Haha.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Yung ano.. yun oh, yung.. teka ano bang tawag dun?" sagot ko sa tanong ni Jacob.

May paturo-turo pa akong nalalaman, hindi ko kasi alam ang tawag don.

Tinanong niya kasi ako kung ano ang gusto kong kainin.

Totobits? Oo totobits nga ata ang sinabi niya kanina, oo tama nasa totobits nga kami.

Basta dito sa may kainan, iba-iba.. may tusok-tusok pa nga siyang binanggit eh.


 "Gusto mo pa?.." biglang tanong niya, habang kumakain kami.

 "Nakarami na tayo eh, tapos bili kapa ng bili.." tonong medyo may pagsuko ko na.

Kanina pa kami lamon ng lamon eh, bawat lapag niya.. kinakain ko, kahit na busog na ako.

Eh nakakahiya naman kasi sakanya, libre niya tapos tatanggihan ko pa?

 "Jacob, ayoko na.. baka hindi na tayo makapunta sa night market niyan.." sabi ko pa.

Rinig ko naman na bigla itong tumawa.

Tinignan ko siya..

Teka.. teka parang may mali ah?

 "Jacob naman eh.." inis ko bigla, pero hindi ko rin mapigilan ang pagtawa kaya naman mas lalo itong tumawa.

Ako lang pala ang kumakain, ng marami. Siya naman painom-inom lang ng softdrinks.

Tsk, ba't hindi ko napansin? Arrgghh, tanga ko.

 "Kaya mo pabang tumayo?" nakakalokong tono pa niya.

 "Tara na nga lang.." pag-iling ko na lang.

Natatawa rin ako, hindi ko kasi maiwasan, lalo pa't nakakatawa yung itsura niya habang pilit na nagpipigil sa pagtawa.

.....


 "Yung black." balik ko sa tanong niya.

Namimili kasi siya ng hikaw. Tapos tinatanong niya ako kung anong mas maganda sa tatlong klaseng hawak niya.

 "Butasan mo ako ah?" agad na sabi niya nang mabayaran yung hikaw.

20 isa sabi ng nagtitinda, tapos 35 kapag dalawa.

Isa lang ang binili niya, tapos ang galing pa, tinawaran niya kasi ng kinse, haha.

 "Huy Kash?"

 "H-hah?" agad na balik ko.

 "Sabi ko butasan mo ako.. dito oh.." pagturo pa niya sa kaliwang tainga niya.

 "Eh hindi naman ako marunong eh, masugat pa kita." agad na sabi ko.

 "Daya, ikaw meron oh.. sino nagbutas niyan?" tonong ayaw magpatalo pa niya.

 "Si tita ko, matagal na 'to, si itay pa daw ang may pakana nito." balik ko naman habang hawak-hawak yung hikaw ko sa kaliwang tainga.

 "Kaya nga ikaw na magbutas sa akin, para ikaw may pakana." pamimilit pa niya, napatango na lang ako.. kulit eh.

Nakakahiya rin sa nagtitinda, pinapanuod niya kasi kami.

..

 "Ang panget naman niyan, yung isa.. yan yan!!.. ay hindi mo pala bagay.. oh yung isa, ayun try mo yun.. yung floral.. yan ayan!, oh bagay na bagay mo pala oh." manghang sabi ko, kanina pa ako nagsasalita.

Ginawa akong tagapili ni Jacob, tsktsk. Kung may pera lang ako, sana namimili narin ako ngayon.. kaso wala eh, nga nga.

 "Magkano daw?" agad na tanong ko kay Jacob pagkalapit niya sa akin, tinanong niya kasi sa tindera yung presyo.

 "300, tapos tinawaran ko ng 270.. galing ko diba?" tonong pagmamalaki naman niya.

Kuripot nga siguro si Jacob? Kasi may tawad-tawad pang nalalaman eh?

 "Galing ahh.. oh tara dun naman tayo." balik ko at nagsimula na nga akong maglakad.

 "Oh." rinig kong biglang sabi ni Jacob.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito, nakita ko naman na inaabot niya sa akin yung binili niyang floral na polo shirt.

 "Hah?" kunot ko kagad.

 "Sa'yo na, para naman remembrance.., baka sakaling bumalik ka ng Manila ng hindi ko alam." seryosong sabi niya.

 "Para kang tanga, tara na nga.." natatawang sabi ko pa saka paghila sa kanya.

 "Sige na oh, kunin mo na." sabi pa niya habang hila-hila ko parin siya, binalingan ko ito, seryoso parin ang mukha.

Dakilang seryoso talaga 'to, tsktsk.

 "Jacob naman, madami akong damit, tumigil ka nga.. nahihiya tuloy ako sa'yo." pag-iwas ko pa ng tingin.

 "Kunin mo na kasi.." pamimilit pa niya.

 "Hindi." agad na sabi ko.

 "Sayang, binawasan ko pa naman yung ipon ko.. tsk nasayang lang pera ko." tonong nangongonsensya naman niya bigla.

Nakuha ko pang mapapikit, ang kulit talaga, kinusensya pa talaga ako.

 "Sige na nga." pagkuha ko na dun sa hawak-hawak niya. "Salamat." pahabol ko pa nang makita itong pangiti-ngiti na.

At naglakad-lakad na nga kami. Pangiti-ngiti parin siya.

 "Uwi naba tayo?" tanong ko bigla.

Sa totoo lang, ayaw ko pa umuwi, kung maaari nga ay gusto kong maglibot-libot pa kami.

 "Sandali, bibili lang ako saglit ng cd, yung nakakatakot." sabi niya nang nasa lugar ng mga CD ang tingin niya.

At nakita ko na lang ito na patakbong lumapit roon.

Panigurado, nakakatakot pa siya sa panonoorin niya. Hehe.

Pagkalapit ko ay siyang rinig kong biglang pagtugtog ng paborito kong pangsayaw na musika.

 "Dito muna tayo ah?.. tapusin muna natin yung paborito ko." mahinang sabi ko nang makasingit sa tabi niya at nakisali sa pamimili.

 "Paborito mo yan?" tanong kagad niya, tango at ngiti ang binalik ko, sinamahan ko pa ng pagtaas-baba ng kilay.

 "Sayaw ka nga, dali marami namang tao hindi ka mapapansin, kahit slight lang.." pagsiko-siko pa niya sa akin.

Parang napa-"hah?" na lang ako, pinagtitripan ata talaga ako ni Jacob?

Umiling-iling lang ako, nakakahiya.. kumbaga sa edsa ay traffic dito, ng mga tao.. kaya't maraming makakakita.

 "Ayaw mo talaga?" tanong pa niya.

 "Ayoko nga, hindi naman ako marunong sumayaw eh.." nahihiyang sabi ko pa habang sa mga CDs lang nakatingin.

 "Ge, ako na lang." rinig kong sabi niya.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya, medyo nawili kasi ako sa mga CDs na nakikita ko.

Hanggang sa narinig ko na lang na may mga tila hiyawan, na mga babaeng kinikilig, may pusong babae pa nga ata.

Pagkalingon ko sa gawi nila ay halos nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

At nakita ko na lang ang sarili na mabilisang hinila si Jacob, hinila palayo sa lugar na iyon.

Nakakahiya si Jacob!! Arrgghh!!


 "Kash..." biglang sabi niya, patuloy parin kami sa paglalakad, palayo.. hawak-hawak ko parin ang kamay niya.

 "Jacob nakakahiya, hindi kaba nahihiya?" sabi ko nang hindi siya tinitignan, patuloy lang ako sa paghila sakanya.

 "Atlis, napangiti kita, alam ko yun.. at nakita ko." rinig kong biglang sabi niya.

Wala sa sarili akong napatigil.



Itutuloy


Tsk, si Kash ang nakakahiya, nawala sa sarili eh?

Anyway, anong masasabi niyo sa pang-underweight kong picture? Haha.

Pinag-iisipan ko pa yung balak kong pagshare ulit ng picture ko.

At kung sakali man na mapag-isipan kong ishare, hindi ko na kayo bibiguin.

At alam kong hindi kayo mabibigo kapag nakita niyo ang mala-underweight na si Prince Justin :)) este Jacob xD

Baka may kiligin? Haha. (naghahangin si Author) tsk.

Maraming Salamat guys :)) ingat..

8 comments:

  1. hahaha nakakatawa yung last scene. Adik din tong si Yacob eh. Medyo naguluhan ako sa ibang convo, pero nagets ko din. Nakakatawa din yung baka di mo kayanin pag nagaaaral sila hahaha. High school graduate na ba? Naging tambay sila. haha San ba address mo papadalahan kita pagkain para magkalaman ka naman. Ngayon ko lang napansin may pag weird ka po mr. author - pero feeling ko matalino ka. haha Nakakatuwa team yacob ka na din. Kawawa naman si Seven bibigyan ko pa siya ng chance. Good job! Marvs

    P.S. bakit mo tinanggal yung picture mo? hahaha

    ReplyDelete
  2. NICE ONE ... nakapuntos don si jakob.ano kaya ang lihim tungkol sa tatay nya .interesting naman .sana si seven naman magpakilig kay kash. kaso bulag sya eh.. ano kaya sususnod na mangyayare... team seven pa rin ako... author pakita ka ulit ng picture mo. thanks sa update.....

    MACHINEMAN.

    ReplyDelete
  3. Woo! Hndi na ako makatiis! Team Seven ako! Inaaway nyo cia ii! Hahaha!
    Nice author galing galing! Abangan ko next update :) _jm

    ReplyDelete
  4. night market pa usto hahaaha.. kuya post mo na para mahunting nakita haahahaha


    -nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  5. "Team Seven po ako, pero...nakakakilig 'tong chapter nato para HAKOB! arghhhh,nakakawili! anyways ty author sa update... wa kana kasi pong matakot, ipakita muna po larawan nio po<3... hahaha..BITIN CHAPTER! baliw lng si jacob hahahahhaah..sayaw tlga gnun?????:):):):)


    -jex

    ReplyDelete
  6. Team seven ako. Team seven forever. Seven and kash hart hart. Author hwag mo naman awayin si seven oh? His kind. At I know ma's gugustohin ng parents ni seven na si kash ang makakatuluyan ni seven.

    Tiunggo

    ReplyDelete
  7. At babasagin ko na ang pag.ka laki laking tatak ng silent reader sa noo ko :D

    Naka six chapter nako pero ngayun lngnag comment haha team Seven parin ako though iba tong chapter nato.. nice one mr.author ���� :)


    -geologzjames/geostud here

    ReplyDelete
  8. Makiki comment na ako.para madagdagan ang imention mo.hahaha

    Well anyway.gsto ko sana team seven eh.pero mukhang lamang na si papa jacob.haha

    Gawan mo ng paraan para ganahan ang team seven!
    Hahaha


    -ChuChi

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails