Followers

Saturday, October 4, 2014

Playful Jokes -Chptr1



Athr'sNote-


Hi guys! Second story ko, eto na!

Siguro po mga 10 chapters lang 'to. Ayaw ko kasing maulit yung mga kapalpakan ko dati.

Maraming Salamat sa mga naghihintay. Salamat talaga :))

Simple lang 'to, sana magustuhan niyo :))




Happy reading!


--


Point Of View

 - K a s h -



 "Tenten gising na.." mahinang sabi ko pagkapasok ko ng kwarto namin.

Nakapaghanda na kami ni inay ng almusal.

 "Mmmuuaaah.." paghalik ko pa sa noo ng kapatid ko. "Mmmmmmm." pagdikit ko pa ng ilong ko sa matangos niyang ilong.

Bakit ba kasi yung sakanya pointed na pointed, eh yung akin medyo pwede lang. Haha.

 "Kuya naman eh.." tonong pagbubusit nito saka tumagilid patalikod sa akin.

 "Gising na, kakain na tayo tapos magsisimba tayo." sabi ko saka ito kinikiliti-kiliti.

At nag-unat unat pa ito, hayy nako.. bakit kaya hindi ako maputi katulad niya? Edi sana.. big points!

 "Maghilamos ka muna ng mukha mo bago ka pumunta sa hapag. Mamaya kana magtoothbrush kapag maliligo kana." sabi ko na lang saka agad nang lumabas.

...

 "Ganito pala dito nay noh? daming kotse tsaka dyip." manghang sabi ko pagkababa namin ng dyip.

Sa manila kasi, medyo nasa liblib kami eh, yung bang nasa mga looban.

Dito kami ngayon sa harap ng simbahan, sa may Angeles.

 "Nung kami ng tita niyo.. dito rin kami laging nagsisimba, mga dalaga pa kami nun." tonong pagmamalaki ni inay.

Dati ay kinukwento nila inay na dito na sila nakatira sa Pampanga.

Ang hindi ko lang alam ay kung bakit tatlo na lang kami ngayon. Kung bakit sa side ni inay ay si tita lang ang kilala ko. Kung bakit, wala si itay at kung bakit hindi nagkekwento si inay.

Mas pinili ko na lang na hindi mag-usisa pa, magkekwento rin si inay, maghihintay na lang ako.

 "Kuya kuya.. yun yung kaibigan ko oh.. yung bata yun po oh.." biglang sabi ni tenten habang papasok kami ng simbahan.

Talagang pilit pa nitong tinuturo yung batang tinutukoy niya.

 "Kaibigan mo na yun?" biglang sabi ni inay.

 "Bakit po nay? kilala niyo yun?" tanong ko naman.

 "Yan yung malaking bahay, yung sa kasunod na bahay." balik ni inay.

Napa- O na lang ako, slow motion pa. Haha.

 "Nay, yung may parang park ba? yung malawak na harapan bago yung papasok ng bahay?" mangha ko pa.

Tumango lang si inay.

Grabe.

Yung bahay kasi nila ay malaki, may malawak na damo-damo tapos mga maliliit na puno, yung mga pang-subdvsn ba.

 "Ang galing, sakanila pala yun." mangha ko pa.

Gusto ko talaga yung bahay nila. Kahapon nga nung nakita ko yung nagti-trim nung mga damo ay nakipagkwentuhan pa ako.

Ang galing talaga. Nice nice :))

Dapat maging kaibigan ko rin yung kaibigan ni Tenten! Tama!

 "Wuy Chan nandito rin kayo?" rinig kong sabi nung kapatid ko, tuwang-tuwa pa ito.

 "Uy Tenten?" sabi naman nung isang bata.

Aba, pwedeng-pwedeng makipagkaibian si Tenten sakanya, itsurang pangmayaman kasi ang kapatid ko eh, haha.

 "Eto pala si inay ko tapos si kuya." pagpapakilala niya sa amin.

Aba, akala mo matatanda na kung mag-usap lang.

 "Hello po." ngiti naman nung bata.

Nako patay, may accent yung bata. Mukhang english 'to ah?

 "Eto pala si mommy ko tapos si kuya ko rin." pagmamalaki pa nung bata.

Napatingin ako dun sa mommy niya, maganda siya.

Tapos dun sa kuya, aba.. mukhang kaedaran ko lang ah? Kaso, maputi eh. Bawal akong dumikit haha.

 "Hi Tenten, kaw pala yung bagong kaibigan ni Chan." sabi nung kuya.

Nge? Ba't ganun? Humarap ito sa gawi namin pero yung tingin deretso parin, tapos kinakausap yung kapatid ko pero hindi naman siya nakatingin rito.

 "Opo, kayo pala yung kuya ni Chan." masayang sabi naman ng kapatid ko. "Chan may kuya rin ako.. eto oh.. pogi noh?" pagturo pa niya sa akin.

 "Pasensya na po." pilit na pagngiti ko dun sa mommy, tumawa kasi ito.

 "Hi po kuya ni Tenten." pagbati nung bata, nag-hi narin lang ako.

Napatingin ako kay inay, nakangiti rin lang ito.

 "Nay Malia, ang laki na pala ng panganay mo."

Nagulat na lang ako sa sinabi nung mommy nila, kilala niya si inay?

 "Ikaw bata ka, ba't ganyan ka parin manamit? Hindi naba nagagalit ang ate mo?" tanong ni inay, aba? tonong close? tapos tumawa yung mommy nila?

Binigyan ko kagad ng nagtatanong na tingin si inay.

 "Namasukan akong katulong sa ate niya." sabi naman ni inay ng tignan niya ako.

Napatango na lang ako. Edi kung sa ate niya siya namasukan dati, ibig sabihin mabait rin 'tong si mommy nila?

Edi malalapitan ko yung magagandang halaman at malilinis nilang damo? Ang galing talaga!!

 "Hi po." agad na pagngiti ko dun sa mommy nila.

Syempre, kailangan 'to para makapasok ako sa mala-park na ayos ng harap nila.

 "Malaki na pala 'tong si Karlo.. etong anak ko pala kasing edaran lang niya diba?" sabi nung mommy nila.

Napatingin ako sa dalawang bata, naglalaro na kagad.

Tapos napatingin ako dun sa kuya, nakangiti rin pero deretso parin yung tingin? ba't hindi kami tinitignan? saka bakit nakakapit sakanya yung mommy niya?

 "Bata ka, matanong ka parin talaga. Osiya magtabi-tabi na tayo sa loob at mamaya na ang kwentuhan pagkatapos." agad na sabi ni inay saka tinawagan yung dalawang bata.

Guys tignan niyo ako, ganito yung itsura ko oh..

??????????

Yan ganyan, hehe.

..

 "Huwag kang magulo, tingin ka ng tingin sa kaibigan mo. Mamaya na kayo maglaro, sa bahay." suway ko sa kapatid ko.


Katabi ko 'tong kuya nung kaibigan ni Tenten.

First time ko 'to, pramis. First time kong makaramdam ng parang pagka-ilang.

Yung bang hindi ako mapakali? Tapos napapa-isip ako bakit kanina pa siya inaalalayan?

Ewan na nga lang.

ETO!! Eto yung part na mukhang mas lalong magpapakaba sa akin.

Y-yung hawakan ng kamay.. nakakailang talaga eh.

 "Kuya hawakan mo po yung kamay nung kuya ni Tenten." rinig kong sabi nung kaibigan ng kapatid ko.

 "Ganun ba? S-sige, asan ba? asan yung kamay niya?" rinig kong sabi naman nung kuya niya saka nangapa-ngapa yung kamay niya na halatang inaabot o hinahanap yung kamay ko.

Asan? Asan yung kamay? .. tama ba ang narinig kong sabi niya?

Speechless.

Nakakahiya, kung anu-ano inisip ko, ang sama ko talaga.

Badtrip, badtrip. Umiiral nanaman yung ugali ko, ugaling mapanghusga.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na kusang inabot ang kanyang kaliwang kamay.

Siyang paghawak ko sa kanyang kamay ay siyang pagkaramdam ko ng awa.

 "Ayos ka lang?" wala sa sarili kong nasabi pagtingin ko sa mukha niya.

 "Oo, s-salamat." nakangiting sabi niya.

Pagtingin ko sa Diyos, ay siyang pagpikit ko.

Habang nakapikit, pinakikinggan ang tono ng kanta, nararamdaman ang kamay ng taong katabi ko..

Parang.. ang daming pumapasok sa aking isipan.

Kung kamusta kaya ang taong ito? Ano ang mga napagdaanan niya? Kung paano niya ito dinadala? Kung okay ba siya? Masaya ba siya? O nahihirapan ba siya?

Alam nating lahat kung gaano kahirap ang mawalan ng kakayahang makakita.

Yung bang parang puro dilim lang ang nakikita mo, ang hirap ng ganun.

 "E-excuse me..?"

Napamulat na lang ako sa narinig.

 "T-tapos na." rinig kong sabi niya.

 "Hah? T-tapos?" tanong ko pa.

 "Yung kamay ko." sagot niya.

Yung kamay? Hah?

Napatingin naman ako sa kamay niyang hawak ko, napatingin rin ako sa mga tao sa paligid namin.

Hanggang sa..

 "Ay sorry." mabilisang sabi ko.

Para bang.. napabalikwas yung kamay kong nakahawak sa kamay niya.

Ngiwi? Napapangiwi ata ako? E-eh kasi, hiyang-hiya ako.

Katahimikan.

Muli akong pumikit.

 "Sorry po, Lord sorry po." tonong pagmamakaawa ko pa sa aking isipan.

Kalalaki kong tao.. ba't.. ba't parang nahihiya na naiilang na.. na..? na.. na..?.. na..

 "Na kinikilig?" sabi ko pa.

Muli, iminulat ko ang aking mga mata..

G-grabe.. ba't ang daming nakatingin sa akin?

Napabaling ako sa aking kapatid.

 "Kuya ano pong kilig?" inosenteng tanong niya.

Speechless

Muli, napapikit na lang ako.

NAKAKAHIYA!!


-----



Point Of View

 - S e v e n -



 "Chan wag masyadong magulo ha?" pagbilin ko pa sa kapatid ko bago ito tuluyang tumakbo papunta sa may loob.

Kalaro niya yung si Tenten, narito yung dating namasukan kila tita, kwentuhan sila ni mommy.

At ako naman.. eto nakaupo lang, sa may damuhan. Medyo masarap kasi ang hampas ng hangin, magpapasko eh, ber months.

 "Ahm ate Lai, iwan niyo po muna ako mag-isa.. tatawag na lang po ako kapag may kailangan." sabi ko.

Binabantayan kasi ako ng isa sa mga katulong namin, lam niyo naman si mommy.

Parang bata pa ako kung ipabantay, pero hindi ko rin siya masisisi, eh sa ganito ako eh.

 "Sige po sir, tawag na lang po kayo." rinig kong sabi ni ate Lai, tumango lang ako.


Katahimikan ang namayani.

Napakatahimik ng paligid.

Siguro kung ako yung klase ng taong basta basta na lang sumusuko, malamang.. umiiyak na ako ngayon.

Subukan niyong isipin yung sitwasyon ko ngayon.

Nakaupo sa damuhan, mag-isa, napakatahimik ng kapaligiran at walang nakikita, madilim.. madilim na madilim.

Kung kayo? ano magiging reaksyon niyo? anong mararamdaman niyo? Takot diba?

Ako hindi, ang sarap ng hampas ng hangin eh, ang gaan,. napakagaan, sobra.

At dahil sa may tiwala ako sa taas at naniniwala ako sa milagro, heto at nagpapakatatag ako.


 "Hi.."

Nakuha ko pang magulat dahil sa may biglang nagsalita.

 "Hi." balik ko.

Pamilyar yung boses, siya yung kuya ni Tenten, naaalala ko kasi kanina sa simbahan ay parang ang gulo-gulo niya.

Tapos kinukwentuhan pa niya yung kapatid niya, nasa simbahan ang daldal-daldal, haha.

 "Ako pala yung kapatid ni Tenten." rinig kong sabi niya.

 "Alam ko." pagngiti ko.

 "Sungit ah.. ahm.. pwede bang makiupo?" sabi niya.

Tumango lang ako.

 "Ano nga palang pangalan mo?" rinig kong tanong niya.

 "Seven." simpleng pagsagot ko.

 "Seven? T-talaga? ang galing naman ng pangalan mo."

Base sa tono niya, alam kong mangha ito.

 "Oo eh, ikaw ba?" tanong ko naman.

 "Kash." balik niya.

 "Oh? Kash? Letter.."

 "Letter K." pagputol niya sa akin, napatango na lang ako.

 "Actually Karlo ang pangalan ko, Karlo S. Hernandez.. yung K yung A yung S at H pinagsama-sama ko.. kaya naging Kash, palayaw ko." tonong pagmamalaki pa niya.

Napangiti na lang ako.

 "Buti kapa, maganda ang kinalalabasan kapag pinagsasama-sama, Kash.. ang galing rin ng pangalan mo." mangha ko pa.

 "Bakit naman? Eh ikaw nga Seven, maganda kaya yun, astig nga eh." agad na sabi niya.

Medyo mukhang madaldal nga ito, may reaksyon at nasasabi kaagad eh.

 "Seven A. David... Sad, kapag pinagsama-sama." mahinang sabi ko.

 "Sinasabi mo bang sumasalamin iyon sa sitwasyon mo ngayon? Nako hindi dapat ganun ang iniisip mo." sabi niya.

 "Bakit naman?" agad na tanong ko.

 "Hindi naman pwera ganyan kayo ay dapat na kayong kaawaan, sa totoo lang.. maswerte nga kayo eh."

Sa tono niya, ramdam kong bigla itong nagseryoso.

Nanatili lang akong tahimik, seryoso siya eh.. at mukhang kailangan kong makinig.

 "Eh kasi.. dahil sa hindi kayo nakakakita ay,. mas napapairal niyo yung nararamdaman niyo kaysa sa nakikita ko niyo." mahinang sabi niya.

Napa-isip ako sa sinabi niya, tama siya. Parang yung sinabi ko lang kanina sa inyo na.. kahit napakadilim ng nakikita ko, ay mas pinapairal ko parin yung nararamdaman kong kaginhawaan at kagaanan, mula sa hampas ng hangin.

 "Alam mo ba ako.. mas napapairal ko yung nakikita ko, katulad nito.

Nakita ko yung napakalawak niyong damuhan, yung napakaayos at napakagandang mga halaman niyo.. na kung saan gusto kong mapalapit sa kapatid mo.

Para makapasok ako rito, para ma-enjoy ko yung view pati na yung mga magagandang halaman niyo.

Ang sama ko noh? Hindi ko man lang pinakinggan o inisip yung nararamdaman ko na bawal yung nais kong mangyari, na masama na magsasamantala ako sa bata para lang makapasok sa bahay niyo."

Sa sinabi niyang iyon, bumaling ako sa gawi niya, sa kung saan natutunugan ko ang pinanggagalingan ng boses niya.

 "Totoo nga yung sinabi mo, na maswerte kami." pagngiti ko, habang sa gawi niya lang ang tingin.

Hindi ko man masiguro kung direkta akong nakatingin sakanya, basta ayos na sa akin na sa gawi niya ang tingin ko.

 "Paano mo nasabi?" biglang sabi niya.

 "Na dahil mas napapairal namin yung nararamdaman namin kaysa sa nakikita namin.

Eh kasi, hindi kita nakikita.. na kung nakikita kita ay baka mag-iba tingin ko sa'yo.

Pero hindi, hindi kasi.. kahit na hindi kita nakikita ay nararamdaman ko na mabait ka, na mabuti kang tao.

Yun ang nararamdaman ko, kaya kahit na sabihin mo pang nananamantala ka.. mas pipiliin ko parin yung nararamdaman ko."

Pagpapaliwanag ko, totoo yung mga sinabi ko. Yun ang nararamdaman ko eh, na mabuti siya.

 "Pero mas maswerte parin kayong nakakakita, alam mo kung bakit?" tanong ko pa.

Muli akong nagharap ng tingin, na tila nasa malayo ang aking tingin.

 "Bakit?" simpleng sabi niya.

 "Minsan kasi.. hindi sapat yung nararamdaman mo lang.

Nandyan si mommy at si Chan. Oo ramdam ko na mahal nila ako, sobra. Pero.. naroon parin yung pagkasabik na makita mo sila, na malaya mo silang mapagmamasdan.

Ikaw ba.. nagkagusto kana ba sa isang tao?" pagharap ko ulit sa gawi niya.

 "Hmm.. tama ka rin diyan, mas masarap rin naman kasi yung nakikita mo sila.

Pero yang huli mong sinabi? Nako, wala pa. Hindi pa." rinig kong pagtawa pa niya. "Pero ba't mo natanong?"

Ngumiti muna ako bago sumagot.

 "Itatanong ko sana kung ano yung pakiramdam na nakikita mo yung taong gusto mo.

Ako kasi hindi pa nagkagusto, hindi ko sila nakikita eh." pagtawa ko pa.

 "Alam mo Seven, diyan ka mali." agad na sabi niya.

 "Minsan hindi rin maganda yung nakikita mo yung taong gusto mo, pramis." tonong paninigurado pa niya.

 "Talaga?" nasabi ko na lang.

 "Pero alam mo, mas masarap parin yung nagkagusto ka sakanya dahil sa nararamdaman mo, yung bang dahil sa pagkapanatag na nararamdaman mo kapag nariyan siya, at dahil dun.. nahulog ka sakanya." sabi pa niya.

Tama naman siya, pero hindi ko pa nararamdaman yun eh. Ilang kasi ako sa taong mga lumalapit sa akin.

Hindi ko lang alam kung bakit nakikipagkwentuhan ako sa madaldal na ito.

 "Kash, sa tingin mo ba mangyayari sa akin yun? Yung magkakagusto ako sa taong hindi ko nakikita dahil lang sa nararamdaman ko?" seryosong tanong ko.

 "Oo naman, at kapag yun nangyari.. huwag kang magdadalawang isip na umamin sa taong yun kahit hindi mo siya nakikita. Gamitin mo yung nararamdaman mo, hindi yung salitang takot sa isip mo." balik niya.

Posible kaya yun?

Ang magkagusto ka sa taong hindi mo nakikita? na magkagusto ka sakanya dahil sa nararamdaman mo?

 "May magkakagusto ba sa akin? Eh sa ganito nga yung sitwasyon ko." pagtawa ko pa.

 "Ba't ka tumatawa? Ano bang masama kung ganyan ka? Tsaka, sa gwapo mong yan.. tignan ko lang kung may tumanggi pa sa'yo." agad na sabi niya.

Ang bilis niya talaga sumagot, mukhang sanay sa daldalan ito ah?

Pero yung sinabi niya? Totoo kaya yun? na walang tatanggi sa akin?

 "Talaga? sa tingin mo walang tatanggi sa akin?" pagngiti ko pa.

Katahimikan

Teka, w-wala naba siya? Umalis naba siya?

Katahimikan

 "Seven." biglang sabi niya.

Ahh.. ayun nandyan papala siya.

 "Magtiwala ka naman sa sarili mo kahit na ganyan ka, mukhang hindi ka naman mahirap mahalin eh." sabi pa niya.

Napatango na lang ako.

 "Salamat, salamat." pagngiti ko ulit.

Nanatili lang kaming tahimik, napakatahimik na atmospera.. na tila ini-enjoy namin yung katahimikan.

 "May tanong pala ako.. kung okay lang." biglang sabi niya.

 "Sure." simpleng sabi ko.

 "Nabanggit mo na nandyan si mommy mo at si Chan, eh si daddy mo? wala ba siya?" tanong niya.

Daddy, si daddy na mahal na mahal ko kahit na hindi kami malapit sa isa't-isa, na kahit ayaw niya sa akin.

 "Umalis si daddy eh, business nanaman." paninimula ko.

 "Alam mo ba Kash, mahal na mahal ko yung daddy ko." tonong pagmamalaki ko.

 "Syempre naman, daddy mo eh. Sino ba naman ang hind.."

 "Kahit na ayaw niya sa akin." pagputol ko sa sinasabi niya.

Katahimikan.

Siguro alam niya ang ibig kong sabihin.

 "Kuya!.. uuwi na tayo!.." rinig kong pagsigaw nung kapatid niya.

Ayun! Sagot sa katahimikan, haha.

Pero aalis na sila? Sayang naman.. magkwentuhan pa sana kami.

Sarap niyang kausap, daldal eh.

 "Oh pano ba yan, mauna na kami." rinig kong sabi naman ni Kash.

 "Ge, salamat ulit. Balik kayo ha?" tonong pangungumbinsi ko pa.

 "Sure, nga pala.. nice to meet you, Seven." sa tono niya, alam kong nakangiti siya.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may kumuha sa kamay ko.

Siya pala, nakipagkamay pa.

 "Salamat ulit, sa uulitin." masayang sabi ko pa.

 "Ge, pasok kana? tara..? Dun kana lang sa loob, mainit na niyan dito sa labas."

Sa sinabi niyang yun ay tumango ako.

Saka niya ako inalalayan papasok sa loob.

Katulad nila Chan at Tenten, magkaibigan na rin ba kami?

Kung oo, may kaibigan naba ako?


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Karlo anak, bumili ka ng coke diyan sa may harap, sa tindahan." biglang sabi ni inay.

Kasalukuyan kaming kumakain, tanghalian.

Agad ko nang kinuha yung pambili saka lumabas.

Nang makalabas ako sa maliit na gate namin, napatingin ako sa gawi ng bahay nila Seven.

Grabe, sakanila talaga yung may magandang mga halaman. Nice nice talaga :))

Pagkabaling ko sa may tindahan sa lipat-daan ay siyang pag-iling ko.

Nandito yung tatlong dakilang seryoso. Tambay pala sila? Tanghaling tapat pa talaga!

Hanggang sa nagsimula na akong maglakad papunta roon.

Sana hindi sila dadaldal noh?

 "Pabili po ng coke, family size." agad na sabi ko nang makita si aling tindera.

 "Kash diyan pala yung bahay niyo?" sabi nung isa, si Vince.

 "Talaga? Diyan pala noh? Grabe." mangha ko kunwari.

Ayaw ko kasing kausap 'tong mga 'to. Mga seryoso, hindi tuloy ako makapag-joke. Hehe.

 "May multo daw na naglalagi diyan kapag gabi, nako.." tonong pananakot naman nung isa, si Alex.

Multo? Hindi ako takot dun. Sila pa ang matatakot sa kulay ko, whehehe!!

 "Oo nga eh, tignan niyo tanghaling tapat may mga multo." pagtawa ko pa.

Ewan ko ba pero talagang hindi ako naiilang sakanila, para bang ang gaan ng loob ko. Tinulungan kasi nila ako kahapon eh.

 "Mas nakakatakot kapa sa amin eh." seryosong sabi naman ni Jacob.

Huwaaaw, tanghaling tapat, biruan, seryoso ang ekspresyon? Grabe 'to.

 "Eto.." sabi ni aling tindera.

Agad kong kinuha yung coke saka nagbayad.

Aalis na sana ako pero may naisip ako bigla.

 "Guys gusto niyo ba ng coke? Pasasalamat narin dahil sa kahapon." pagngiti ko.

 "Libre ba?" tanong kagad nung dalawa.

 "Oo nga, syempre tinulungan niyo ako kahapon eh, oh ano tag-iisang coke kayo?" tanong ko pa.

Tumango naman silang tatlo.

 "Ahm aling tindera, tatlong coke nga po para sakanila daw." masayang sabi ko dun sa nagtitinda.

 "Wala bang biskwit?" sabi naman ni Jacob.

 "Oh tatlong sky flakes nga po raw." sabi ko pa sa tindera.

At nang makita nang nakabukas yung tatlong coke, at may tatlong biskwit narin, napangisi na lang ako.

 "Ge, enjoy." pagngiti ko sa tatlo.

Saka na nagsimulang maglakad.

 "Pogi yung bayad?"

Napatigil ako sa pagtawag nung tindera, humarap ako sakanila.

 "Sila po, sakanila po yan eh." inosenteng sabi ko.

 "Akala ko ba libre?" tanong kagad ni Alex.

Napatigil pa silang tatlo mula sa pag-inom ng coke.

 "Joke lang yun." pagtawa ko saka na naglakad papunta sa amin.

Whehehehehe! :))

...


 "Kuya ba't ka tumatawa?" agad na pagpansin sa akin ng kapatid ko.

 "May mga loko sa labas eh." pagpigil ko pa sa pagtawa.

Hay nako, mukhang magiging masaya ang buhay ko rito sa Angeles.


-----



Point Of View

 - S e v e n -




 "Chan?" mahinang sabi ko.

Katabi ko ang aking kapatid sa pagtulog, kapag ka kasi ganitong oras ay siya ang nauutusan ko.

 "Hmm..?" rinig kong balik nito.

Antok na antok na ang dating niya ah.

 "Kailan kayo maglalaro nung kaibigan mo?" tanong ko.

 "Hindi ko po alam, bakit po?" balik niya.

 "Diba diyan lang sa tabi natin yung bahay nila?" nakangiting sabi ko pa.

 "Opo."

 "Bukas tawagin mo, sabihin mo maglaro kayo tapos.. tapos ipasama mo yung kuya niya." tonong pangungumbinsi ko pa.

Para may makausap ako, masarap kasi kakwentuhan yun eh.

Naninibago nga ako sa sarili ko, hindi naman kasi ako mahilig makipag-usap sa iba.

 "Noh? noh? uyy Chan.." pag-alog ko pa sakanya, katabi ko lang eh.

 "Oo nga po, kuya tutulog nako oras na eh..." tonong nabubusit pa niya.

Napangiti na lang ako, kapag ganyan ang tono ng kapatid ko ay nakukulitan na siya sa akin.

Hanggang sa inayos ko na ang aking pagkakahiga, siniksik ko narin ang aking sarili kay Chan.

Sana bukas, makakwentuhan ko ulit yung si Kash.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



Loko-loko yung si Kash ah?

 "Joke lang yun."

Naaalala ko pang sabi niya kanina.

Kanina pinagtripan niya kami, nadala nanaman kami sa Joke niya.

Nagtitipid nga ako eh, napagastos pa. Lam niyo na, mahirap walang pera.

Message: Tol, bukas maaga kayo sa bahay ha?

Text ni Vince.

Birthday niya bukas, konting handaan tapos alak na pagdating ng gabi.

 "Oops.." tonong excited ko.

Kailangan ko nang matulog, para may energy bukas. Lasingan nanaman 'to.

Mahihiga na sana ako nang may magtext. Istorbo pa eh.

Message: Try mong invite si Kash, dali lasingin natin. :)) masaya yun! Pramis!

Text ni Alex.

 "Oo nga noh?" agad na sabi ko, napangiti tuloy ako.

Sakto, alam na namin bahay niya.

Bukas na bukas, pupunta ako. Kakausapin ko, papayag naman siguro, mukhang mabait naman yun eh.

Kahit joker.


-----



Kinabukasan

Point Of View

 - K a s h -



 "Good morning.. world.." nakangiting sabi ko habang nag-uunat unat pa.

Napatingin ako sa aking katawan, napangiti na lang ako.

Kapag ka kasi natutulog ako walang shirt eh, boxer o kaya pajama lang.

 "Good morning.. abs.." pagngiti ko ulit pagka-upo ko.

Dahil sa sarili ko, napatunayan ko na mas malakas talaga ang dating ng abs kapag ka medyo dark-skin yung nagdadala, parang yung abs ko, Hehe.

Pagkatayo ko ay saglit akong napatigil.

 "Aba?" nasabi ko na lang.

Ang aga-agang naglalaro ni Tenten. Kumain na kaya siya?

Naririnig ko siyang tumatawa, maliit lang bahay namin eh, kung saan pagkabukas ng pinto ng kwarto namin ay harap na ng sala.

Agad na akong naglakad papalabas.

 "Tenten ang aga mo naman naglalaro." naghihikab ko pang sabi pagkabukas ko ng pinto.

 "Hi po kuya Kash."

Napabaling ang tingin ko sa nagsalita.

 "Oh, hi Chan." pagngiti ko.

 "Nandito po si kuya Seven ko oh.." pagturo pa niya sa kuya niya.

Napatingin ako kay Seven, sa may bandang gawi ko ito nakatingin, nakangiti pa.

 "Hi Seven." masayang sabi ko.

 "Hi." simpleng balik niya.

 "Kash anak, magdamit ka nga muna, nakakahiya sa dalawang bisita oh.." biglang sabi ni inay.

 "Oo nga noh?" paglaki pa ng aking mga mata.

Nakaboxer lang pamo ako tapos kagigising ko lang.

Saka ko agarang tinakpan lahat ng dapat takpan.

Nakakahiya kay Seven!





Itutuloy


Mukhang nakalimutan ata ni Kash na hindi siya nakikita ni Seven ah? Haha.

Playful Jokes, chapter 1.. para sa inyo po :))

11 comments:

  1. The story is light and fun to read. When will be the next update?

    Anonymous101

    ReplyDelete
  2. Habaan mo to Author pls hahaha ang ganda nga nung isa mong story eh.

    SJ

    ReplyDelete
  3. I like the story sana mahaba pa to mga 15 or 20 chapters will do basta ang ganda simula pa lng hehe



    Franz

    ReplyDelete
  4. gusto ko ung character ni kash, naughty, playful pero may sense din kung mag-isip.

    macky

    ReplyDelete
  5. Speechless. Katahimikan. Hahaha nice, iniisip ko kung aning difference mo sa ibang writers... At yun nga, ang simple ng mga sentences mo, you find a way to explain this without making the sentences complicated. Yung di pligoy ligoy. Haha nga pala aside from can't we try meron ka pa bang ibang story. Thanks. Marvs :D

    ReplyDelete
  6. Ay nakalimutan ko, love story pala to. Parang at this point, Kash-Jacob ako. Pero feeling ko magbabago din haha Marvs

    ReplyDelete
  7. kinilig ako! pramis!!! :)

    ReplyDelete
  8. Curious ako sa mga susunod na mangyayari...next chapter please....

    ***ARIEZ***

    ReplyDelete
  9. May bagong aabangan.

    -hardname-

    ReplyDelete
  10. MR. AUTHOR ? bakit ang galing mo ? hehehehe

    LIKE LIKE LIKE LIKE LIKE



    -- nararamdaman ba ng puso ang hindi nakikita ng mata ? -- Angel's eye

    -- Esod

    ReplyDelete
  11. Ang gondo nito! Hoho! We'll wait for the next chapter. :D

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails