Followers

Tuesday, October 21, 2014

Love Is... Chapter 18



AUTHOR’S NOTE: Konnichiwa minna! Kumusta kayo? Haha! Pasensya na sa delayed na update! Bumibusy tsaka tinamad ako this past few days e. Gomenasai! Totoo ang promise ko, para makabawi sainyo. 18 and 19 will be posted this week. Abangan niyo na lang kung kailan this week ko ipopost ang 19. Kailangan na rin kasi akong magmadali, baka matagalan na ako sa pagpopost dahil mag-aaral na ako this sem. Sana maintindihan niyo pa rin ako. :D Aishiteru!

Maraming salamat pa rin kila Sir Mike at Sir Ponse sa pagbibigay ng access dito sa blog.

Sa aking mga kapatid sa industriya (kung makaindustriya di ba?) JACE (na lumalablayp), VIENNE, BLUE (pagaling ka Pinuno!), GIO, PRINCE JUSTIN, at COOKIE MONSTER! Kumusta naman kayo? Haha!

Sa #BTBBC – RADISH, TURNIP, PINUNO, KUYA DAN, YELSNA, NHIE, AGENT K, at BEBEBUNSO! Iwagayway ang bandila ng Bitter to be Better Club! Nyahahahaha!

Sa mga mambabasa ko from facebook – GABRIEL GIOVANNIE, JAMES LANIPA, MARVIN D YU, JOSHIE MITOY, DAVE, MISHA, JERIC, at JHARZ. Pati na rin sa mga hindi ko nabanggit, at mga nag-aadd sa akin at sa group. Thank you! Tagos sa puso ko ang pagmamahal ninyo! :D

At syempre, hinding hindi ko makakalimutan ang mga commentators ko – TREV, YELSNA, YOEBO, ANON01, JAY 05, ANGELTHREESIXTY, ANON02, ANGEL, DAVE, at kay Kuya ALFRED OF T.O. (Wish granted. Haha!). Maraming maraming salamat sa pagtiyatiyaga! Aishiteru! :3

Tungkol doon sa comment ni DAVE, ANON01 and ANON02, sorry kung nabitin kayo sa Red and Riel moments. Ituring niyo na lang na commercial break yung 17. I just want to give Josh the floor kahit isang beses man lang. Isa rin naman kasi siya sa bumubuo sa kwento, mahal ko naman yun kahit papaano, kaya ginawan ko siya ng sariling chapter.

Since nasimulan ko na, na may mga POV’s ang ibang characters, ganun ang ginawa ko. Isang part po kasi ang story ng #RileyJoshEli. Mukha ng pag-ibig na hindi masuklian ng taong minamahal mo, na mostly ang nangyayari ay yung mahal ka ang nakakatuluyan mo.

Anyways, tapos na po ang kwento nila. Focus na tayo sa Main Characters.

Humanda kayo sa mga susunod na kabanata. Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya. Haha! So sorry! :D

Heto na! Nahabaan siguro kayo sa A/N. masipag akong maggreetings portion e. Haha!

Here it is, #LoveIs18. Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only, photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (On-going)
Bluerose Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XVIII


Riel’s POV

August 15, 2020. 2 weeks na rin ang nakararaan magmula noong makabalik kami sa aming pagiging estudyante. Naging abala kami sa nakaraang dalawang linggo na iyon dahil sa nalalapit na School Fest. Next week na iyon, kaya’t hindi na kami mapakali dito sa SC Room.

Brett’s not talking to me. Ibang iba na siya simula noong umuwi kami galing Palawan. Hindi ko nga alam kung anong problema niya tungkol sa pagiging mag-on namin ni Red. Sabi naman ni Red, tinutulungan pa nga raw siya ng pinsan noon, para lang mangyari kami. Tapos ngayon, ba’t ganito ang kinikilos niya, kung ganun naman pala?

He’s always guarded by Eri and Iris. Sa tuwing lalapit ako, sasabihan na lang ako ni Eri na ‘hayaan mo na muna raw siya, he’ll talk to you kapag handa na siya.’ Aba! Spokesperson na niya ba ngayon si Eri? Well, ang napapansin ko lang naman e yung palagi na siyang nakadikit kay Iris. Bestie na nga ang tawagan nila. Tapos, nagvolunteer pa si Iris noong pagkabalik namin sa school dito sa SC.

Tinitext ko naman tsaka tinatawagan, ni sumagot sa alinman doo’y hindi niya ginawa. Hay nako! Kung hindi lang dahil sa alam kong mahal niya si Iris, baka isipin kong nagseselos siya sa relasyon namin ng pinsan niya.

No! No! No! CTRL+A. Delete. CTRL+S. Ayokong isipin na ganun. Ayokong manira ng relasyon noon, kaya’t pilit kong inalis ang pagmamahal na iyon para sa matalik kong kaibigan. Damn! ‘Wag naman sanang ganun! Ayokong magkasira ang magpinsan dahil sa akin!

Si Red na ang mahal ko, at ayokong mamili sa kanilang dalawa, dahil lang sa sitwasyong kinakaharap namin ngayon. Sana assuming lang ako sa parteng iyon.

Si Josh? Di pa rin kami okay. Simula noong nagdesisyon si Kuya na sumali sa Baseball Team pagkauwi namin galing Manila, hindi na kami nagkausap pa. Although, vocal masyado sa akin si Eli about sa mga ginagawa niya to get Josh’s forgiveness, hindi pa rin maialis sa isip ko ang pagkaguilty. Ako ang dahilan e.

Recently ko lang nalaman na he’s dating Riley. Nalaman ko kay Eli. I felt sorry for him, kasi, parang sinasabi sa kanya ni Josh na okay na siya, na he’s over him. Pero sabi naman ni Kuya, okay lang sa kanya.

Ang gusto niya lang ay ang mapatawad siya ni Josh. Mas mabuti na raw kasing naibaling na ni Josh sa iba ang pagtingin, kaysa maghintay sa pagbabalik niya. I think okay nang isipin ko na, na let go na nga ako ni Eli sa puso niya, kasi willing na siyang magparaya para sa ikakaligaya ng iba.

Josh is different. Hindi na siya tulad noon na tinatago ang gender preference. I’m happy for him, pero, mas magiging masaya ako kapag nagkabati na silang dalawa ni Kuya, at syempre, kaming dalawa.

“President… Uhm… PRES!” Parang aatakehin ako sa puso sa gulat.

Nakita ko sa harap ko ang 3rd year representative na si Hydie. Nasa isang sulok kasi ako ngayon, ina-isolate ang sarili dahil nga hindi ko naman malapitan si Brett. So, ako na lang ang lalayo. Sinabihan ko na lang ang grupo na kapag may irereport sila’y ibigay na lang sa akin dito.

“Day dreaming na naman, Pres? Tss. Heto na po yung reports tungkol sa booths. Okay na po lahat.” Padarag niyang ibinaba sa mesa ko ang mga papel tsaka umalis.

Naging mailap na rin sa akin ang mga members ng SC, magmula noong nakabalik kami rito sa school, nakakapanibago.

Ganito ba ang epekto ng kasayahan ko ngayon sa buhay? Alam kong mahal ng madla ang boyfriend ko, pero sana naman maintindihan nilang, hindi sa kanila si Red. I mean, hindi rin naman sa akin si Red, pero, nakuha ko na ang puso niya. Kami na e. Hindi ko naman pinagdadamot sa kanila ang boyfriend ko.

Stressed ako sa dalawang linggo na yun. Sa mga hindi na pumapansin sa akin. Kay Brett. Kay Josh. Buti na nga lang bati na kami ni Eli. Kung hindi siguro’y, matagal na akong nagkasakit. Syempre, andyan palagi si Red para sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako.

“Hayaan mo na muna sila. They’ll accept it, eventually. Wala na naman silang magagawa di ba?” Saad ng pamilyar na boses.

Napatingin ako sa kanya, pero, sa asta ko, parang hopeless talaga ako sa mga oras na ito. Napailing na lang ako sa kanya. 50/50 ang buhay ko ngayon. Masaya dahil sa love life ko, but then, malungkot dahil sa mga kaibigan at kakilalang iniiwasan ako.

Minsan naiisip ko kung tama ba na sinagot ko si Red. But, I don’t want to sacrifice what I have now. Ayoko nang mangyari yun. Di ko pa rin ba deserve maging masaya?

“Kuya…” Walang gana kong baby talk sa kanya.

Nipat niya lang ang ulo ko. Brotherly na talaga ang turing niya sa akin. At masaya ako dahil doon.

“Lilipas din yan. Tiwala lang. Ako nga, di ba? Hindi ko sinasabing hindi na kita mahal ha? Natutunan ko lang na tanggapin ang katotohanan.”

Tumango ako sa kanya. “Pasalamat ako, dahil okay na tayo, pero…” Tumingin ako sa direksyon ni Brett tapos balik agad sa kanya. “May pumalit naman. Bestfriend ko pa talaga. Hayst! Anong kasalanan ko?”

“Hay naku!” Pinitik niya yung noo ko.

“Aray!” Parang nasa impulse ko na, na agad takpan ng kamay ko yung noo ko. Nauulit kasi kapag off-guard siya. Haha!

“Isipin na lang natin yung kakantahin natin sa opening tsaka sa closing ceremony. May practice kaya tayo bukas tsaka sa linggo. Lunes na yun, Riel. We can’t afford to fail.”

“Oo na! Meron na naman ah!” Hinalungkat ko yung drawer ng mesa ko para makuha yung listahan ng mga kantang napili ko at ng mga kabanda namin. Buo na kami, vocals, drummer, bassist, pianist, tsaka guitarist.

“Ba’t di ko alam?” Singit niya.

“Kasi naman po, busy ka kaya sa BASEBALL kahapon! Tss.” Sagot ko. Inirapan ko pa. Hindi naman sa bitter ako no, sinasabi ko lang ang totoong nangyari.

“Sorry naman! Kaya nga ako sumali doon dahil sa plano kong pagbabati namin ni Josh, di ba? Pero, hindi yan ang problema ngayon! Akin na nga ang listahan, nang mapag-aralan ko na.”

Hindi ko alam kung okay lang ba talaga sa kanya ang pakikitungo sa kanya ni Josh, tsaka ang takbo ng relasyon ng magbestfriend. Nakakakita ako ng pain sa mata niya e.

“Oh ito na po!” Sabay abot ko sa kanya ng listahan. Pinasadahan niya naman ito tsaka tumango-tango.

“Ang gaganda no?”

“Hmmm. Interesante. Nasa youtube naman siguro ‘to lahat? Pag-aralan ko mamaya.”

“Sige ba. Pero, ‘wag ka ng mag-abala tungkol sa pyesa. May chords na akong pinaprint sa mga kabanda natin. Kung magaling ka talaga, bukas tsaka sa linggo, makakaya mo yun no! Ang dali lang naman nun lahat.” Panunuya ko sa kanya.

“Aba! Hinahamon mo ba ako?” Sarkastikong tugon niya sa akin.

“Yep!” Taas noo ko namang sagot sa kanya.

“Let’s call this a day guys! Okay na naman lahat di ba?” Natigil kami ni Eli sa pagsasagutan dahil sa pagsasalita ni Brett sa kinauupuan nito sa may center table.

Tumingin siya sa kinaroroonan ko, pero mabilis niya lang na iniiwas iyon.

“Riel?” Ani Ate Xynth.

Nagkatinginan kami ni Eli. Tango lamang ang isinagot nito sa akin.

“Ah… e…” Napakamot ako ng ulo. “O-Okay guys. B-Bukas na lang ulit, para sa distribution of responsibilities. Half day lang naman tayo, tapos sa hapon, yung practice na ng banda.” Naimanage ko pang salita kahit sa simula’y nautal na ako.

Agad akong tumayo tsaka yumuko. “Good job, guys! Salamat sa tulong ninyo!” Pagtatapos ko.

“Let’s do this year’s School Fest memorable!” Masayang sambit ni Yuki.

“Yeah!” Walang kagana-ganang sagot ng iba.

“Ay? Bakit walang energy? Kailangan nating maging productive this year. Mapantayan o mahigitan man lang natin ang School Fest last year. Di ba? Di ba?”

“Yeah!” Mas mataas na energy ang pinakita ng lahat.

Mabuti na lang may madaldal na tulad ni Yukino sa SC. Napanisan na siguro kami ng laway ngayon dahil sa awkwardness na nangyayari sa mga seniors at iilang representatives na may problema sa akin.

As usual, nauna na naman silang tatlo na umalis sa SC room. Sino pa nga ba, sina Eri, Iris at Brett.

“May nasabi ba sayo si Eri, tungkol sa nangyayari?” Tanong ko kay Eli.

Naglalakad kami ngayon papuntang field. Ihahatid na niya raw ako roon. Papunta rin naman kasi siya ng Baseball Team HQ para kunin yung gamit niya roon. Bago kasi siya pumunta sa SC, may meeting na sila doon.

Mag-aalas otso na, pero hindi pa rin ako nakakapaghapunan. Nagpapahintay kasi sa akin si Red para sabay na kaming kumain. Lagi na lang niya nga akong nililibre e. Nakakahiya nga. Pero sabi niya, pinapakain ko naman raw siya sa almusal tsaka sa tanghalian, kaya siya naman daw ang taya kapag hapunan. So, wala na rin talaga akong nagagawa.

“Wala nga e. Kahit kinukulit ko na, wala pa rin siyang sinasabi sa akin. Anyway, andito na ang Prince Charming mo. Paalam na!”

“Paalam, Kuya. Ingat ka.” Ako na ang nag-initiate ng yakap. Lagi naman kaming ganito e. As in, okay na ulit kami.

Umalis agad si Eli sa harap ko, ang nagawa ko na lang ay sundan ang lumiliit niyang imahe sa paningin ko.

“Ano yun? Bakit may payakap-yakap na naman?” Iritang tanong nitong kararating lang.

Hinarap ko siya ng nakangiti. Plastik ako. Haha! Ilang beses na namin ‘tong pinagtalunan. Kainis! Seloso talaga ‘tong mokong na ‘to.

Agad akong lumapit sa kanya tapos kinurot sa tagiliran. Napaiktad naman siya sa sakit.

“Aray naman, Blueberry ko!” Aniya habang hinihimas ang tagilirang kinurot ko.

“Ayan ka na naman! Walang kiss sa isang linggo!” Banta ko.

“Naman! Babe! Walang ganyanan!” Aniya.

Napailing na lang ako sa sinabi niya.

“Hindi ako si Babe!”

“Blueberry naman! O sige na, sige na! Okay na sa akin!”

“Parang hindi naman e.”

Naglalakad na kami patungong parking lot para kunin si Lance. Ang motor niya.

“Oo na nga e. Blueberry naman! Ang tagal nun! Nung 3 days lang nga, namiss ko yang lips mo ng sobra e. Yun pa kayang 1 week? Hell no!”

Natawa ako ng palihim. Hayok masyado si Cheesecake! Para naman akong mawawala!

“Mas mabuti nga yun, di ba? Mamimiss natin ang isa’t isa. Okay lang yun para sa akin.”

Lihim akong napangiwi. Actually, hindi pala okay sa akin. 1 week? Grabe! Gabi gabi nga inaasam ko yung halik niya, pati sa panaginip, pinagdarasal ko na, tapos 1 week? Biro lang naman yun e! Haha!

“Ayaw!” Pagmamaktol niya.

“Sa tingin mo seryoso ako?” Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

“Huh? Oo. Yung 3 days nga di ba? Nakaya mo kaya yun!” Aniya.

“Okay, edi seryosohin.” Tugon ko naman. Ngumiti na lang ako sa kanya.

Ano ba naman ‘tong boyfriend ko! Alam niya naman kung gaano ako kasabik noon nung nag 3 days strike ako sa halik niya! Kainis! Hindi ko na yun uulitin! Konting lambing pa, bibigay na ako.

“Kahit gusto mong magdrive ngayon?” Iniwagayway niya ang susi ni Lance sa mukha ko. Kita ko lang ang pang-aakit nito.

Hayst! Kahit gustuhin ko man, wala pa akong lisensya no! Mahuli pa kami. Sa subdivision nga lang ako natutong magdrive e. Isang araw lang marunong na ako. Haha! Kasi naman, automatic yung motor niya. Haha! Sa susunod naman daw, kung paano idrive naman si Blake ang ituturo niya sa akin.

Umiling na lang ako sa kanyang alok. “Bawal! Baka mahuli tayo no! Wala pa naman ako ng lisensya, ni Student License nga wala.”

“Weh?” Panunuya niya.

“Oo na! Gustong gusto ko! Pero bawal nga di ba? Tsaka na lang kapag may lisensya na ako.” Pagsuko ko sa kanya. Argh!

“So wala na nung punishment? Wala na? Wala na, huh? Ayaw mo bang i-kiss ako?” Nang-aakit pa. Nagpout pa siya ng lips niya. Argh! Kung wala lang tao ngayon, tinuka ko na ‘to! Haha! Parang ang laswa ata ng term.

Inirapan ko na lang siya para maitago ang kanina ko pang tinatagong tawa. Kainis!

“Yieee! Gusto rin ng kiss ng mahal ko.” Pang-aalaska niya.

Pinanlisikan ko siya ng tingin, pero noong nakita ko ang nakangisi niyang mukha ay naibulalas ko na ang tawa ko.

“Sabi ko na, e!” Aniya, sabay tawa ng malakas.

Binatukan ko na. “Alam mo naman pala e! Bakit ka pa nagtatanong?! Tara na nga, gutom na po kaya ako.”

“Hehe! Oo na.” Iniabot niya sa akin ang isang helmet. Kinuha ko naman iyon tsaka isinuot.

Agad siyang sumakay sa motor tsaka ito pinaandar. “Sakay na!” Masayang pag-alok niya sa akin. Alam na. Haha!

Gabi-gabi kasi, turing niya sa labas naming dalawa tuwing dinner ay date. Well, iyon naman siguro ang tawag sa kahit anong lakad ng magkasintahan. Kahit saan pa man yan, o gaano kasimple lang, basta’t kasama mo ang partner mo, date na ang tawag doon. Syempre, dapat masaya kayo pareho.

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko. Napansin ko kasing nadaanan na pala namin yung subdivision kung saan ako nakatira.

Hindi siya sumagot. Hindi niya siguro ako narinig. Hayaan ko na muna nga. Malalaman ko naman kung saan e.

Nagulat na lang ako ng makarating kami sa bahay nila. Agad bumukas ang automatikong gate ng mga Ariola at idiniretso naman ni Red ang pasok ng motor doon hanggang sa makarating kami sa kanilang parking lot.

“Ininvite ka ni Mom. Sinadya kong di sabihin sa’yo para surprise. Haha!” Tugon niya sa mapagtanong kong ekspresyon ng tanggalin niya ang kanyang helmet.

Napatango na lang ako. 2 weeks na rin kasi ang nakararaan noong naghapunan kami rito pagkauwi namin galing Manila. Busy masyado sa School Fest e.

“Naaya na rin kasi ni Andrei si Reese, so nagpadinner si Mom. Tara?” Dagdag niya.

“Reese? Girlfriend ni Andrei?” Hula ko.

“Yup!” Sagot niya tsaka niya ako marahang hinila papasok sa kanilang bahay. Malamang kanina pa sila nasa hapag-kainan. Alas otso na kaya.

“Hi, Mom, Dad! Andrei, Reese. Andito na po kami.” Bungad niya sa nag-uusap usap sa hapag kainan.

“Magandang gabi po, Mama, Papa, Andrei, at uhm… Reese?!” Pagbati ko rin, pero nang makita ko kung sino si Reese, agad kong napagtanto na yung anak ng kapitbahay pala namin.

“Kuya Riel!” Masaya niyang bati sa akin.

“Magkakilala kayo?” Tanong ni Andrei sa kasintahan. Tumango naman ito sa kanya.

“Kapitbahay namin sila. Yung malaking bahay sa katabi namin. Sila yung may-ari noon. Reena ang tawag kasi ng Mommy niya sa kanya e. Kaya hindi ko tuloy nakilala sa pangalan.”

“Good to know na magkakilala pala kayo, ngayon ko lang nga rin napagtanto na mabuting kaibigan ko noong college ang mga magulang ni Reese. Next time, Andrei, Reese, invite niyo sila ha?” Ani Papa.

“Hala, kayong dalawa! Kumain na kayo, gutom na rin kami e. Kanina pa kami naghihintay sainyo.”

At agad na nga kaming dumalo sa hapag-kainan para kumain.


Iris’ POV

“So ano na ang plano niyo?” Tanong sa akin ni Bestie.

2 days nang makabalik kami sa school, tinanggap ko na si Eri bilang kaibigan. And after a week naging magbestfriend na rin kami. Kailangan ko ngayon ng masasandalan. Brett is not the same matapos niyang malaman ang namamagitan sa kanyang pinsan at sa bestfriend.

Umiling ako sa kanya. I really don’t know what to do now.

“Hindi ko alam, Bestie. Masyadong magulo na ang utak ko.” Pinilit kong di maiyak sa sitwasyon na kinakaharap ko ngayon. pero, sa tuwing nasa harap ko naman si Eri, kusang dumadaloy ang mga iyon.

Naramdaman na lang ang yakap niya sa akin.

“Hindi ko na alam ang gagawin, Eri.”

“Gusto mo bang kausapin na natin si Riel, tungkol dito? Nang-uusisa na rin kasi si Eli e.” Aniya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya tsaka umiling.

“Wag na muna. Gusto kong malaman muna kay Brett ang desisyon niya tungkol dito.”

“Ayan ka na naman kasi sa pagkamartyr mo e. I understand na kaya mo yang gawin yan, pero ako ang nakakadama ng sakit, e. Iris, I’m your bestfriend. Sana naman isipin mo naman sarili mo.”

Hindi ko mapigilan e. Mahal na mahal ko si Brett. Kahit arranged marriage ang nangyari sa pagitan naming dalawang, nararamdaman ko naman sa kanyang mahal niya rin talaga ako e. Yun nga lang, may kahati ako sa puso niya.

Sa totoo lang galit ako kay Riel. I despise him. Bakit siya pa ang naging karibal ko sa fiancé ko? Ayoko namang awayin siya, if I do that, baka tuluyan na akong iwanan ni Brett. His bestfriend is so important to him. Kasing halaga ko lang.

I don’t want to lose Brett in an instant. Mamatay ako kapag nangyari yun. Kaya hanggang kaya ko pa, hindi pala… kakayanin ko… pagtitiisan ko na lang. At least, mayroon naman akong pinanghahawakan sa relasyon namin na ito.


Josh’s POV

“Coach. Please po, payagan niyo na akong umalis sa varsity.” Pakiusap kong muli kay coach.

Tinawagan ko na lamang siya pagkauwi ko sa bahay, kasi nandoon si Eli sa HQ kanina sa meeting. I can’t let him hear what I am planning. Nagmomove on na ako. Why the hell, kailangan pa niyang sundan ako dito sa baseball team?

“Di ba sabi ko sa’yo Mr. Garcia, este Mr. Alarcon, hindi pupwede? Ikaw ang pinakamagaling na receiver ng team. I can’t let you go. Ano ba kasing problema?” Sagot ni Coach sa kabilang linya.

Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi. I can’t even tell him the reason. Ayoko namang tanggalin siya ni Coach dahil lang sa ayaw kong makasama siya. Besides, isa siya sa nagpamalas ng galing sa pagtira ng bola. Almost every time nga na magkakaroon kami ng practice, lagi siyang homerun.

“W-Wala po, Coach. Pero, sana po i-consider niyo. Marami na namang magaling di po ba? Tapos marami na rin ang umalis, bakit hindi po ako pwede?” Segue ko ulit. Baka makalusot na ngayon.

“Hindi ko na kailangan pag-isipan yan, Mr. Alarcon. You’re not going to quit the Baseball Team. Tsaka, gagraduate ka na naman. Why not, serve the team until you graduate?”

Argh!

“Okay po, Coach. Sorry po sa abala.” Pagsuko ko.

Pangatlong beses na ito. At wala talaga akong magagawa sa sitwasyon ko ngayon.

“Anong sabi ni Coach?” Tanong sa akin ni Riley noong nakabalik na ako sa kusina ng bahay.

Tanging iling lang ang naisagot ko sa kanya. Pero, hindi niya nakita ang sagot ko dahil sa pagharap niya sa kanyang niluluto.

“Wait lang ha? Malapit na ‘to.” Aniya.

“Sige, okay lang.” Tugon ko naman.

We’re exclusively dating. Alam na ito ng lahat sa school. Sabi ko nga, wala na dapat akong itago. Wala na namang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao si Riley e. Basta ang importante, ay ang kami, na binubuo namin hanggang sa sagutin ko siya. I still have doubts, pero, for the past two weeks, natututunan ko na siyang magustuhan ulit.

He’s sweet, caring, and certainly devoted. Kaya’t kahit papaano’y nasasanay na ako sa presensya at sa mga effort niya. Ngayon nga pinagluluto pa ako ng hapunan. Nagpresenta na siya kay Manang Rosa kanina pagkarating namin dito.

“So… anong desisyon ni Coach?”

Natapos ang pag-iisip ko tungkol sa mga ginawa niya para makuha ang loob ko for the past weeks dahil sa sinabi niyang yun. Inilapag niya ng marahan ang ulam na niluto niya para sa aming hapunan.

Napangiti ako sa nakita ko. Argh! Hindi ata ako makapagpipigil ngayon.

“Seafood Kare-Kare? Alam mo ba talagang magluto niyan o si Manang Rosa lahat gumawa? Pag-iiba ko ng usapan.

Napakamot siya ng ulo sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

“Tinulungan ako ni Manang. Hahaha! Pero, ako lahat ang gumawa ha!” Aniya tsaka bumaling kay Manang. “Di ba, Manang Rosa? Ako lahat ang gumawa?” Tumango naman si Manang sa akin.

Mukhang nakuha na niya ang loob ni Manang Rosa. Naku! May kakampi na siya sa bahay ngayon.

Matapos ang pagmamayabang niya, nakisakay na lang din naman ako. Hindi sa ssinasabi ko na hindi ako bilib sa kanya. Nakita ko naman ang totoo e. Iniiwasan ko lang talaga ang tungkol sa baseball team, wherein, Eli’s into na rin.

Habang kumakain, naiopen na niya na naman yung tungkol doon. I guess, wala talaga akong takas sa mokong na ito. Kailangan niya rin naman malaman dahil baka pwede nitong maapektuhan ang relasyon naming binubuo.

“So… hindi ka pwedeng umalis?” Medyo halatang nalungkot siya sa balitang iyon.

Sinagot ko na rin naman kasi siya na hindi pumayag si Coach. So, wala na talaga akong magagawa.

“Kailangan daw ako ni Coach e. Pangatlo na, pero hindi niya pa rin ako pinayagan. Besides daw, gagraduate na rin naman ako, bakit pa raw ako aalis?”

Tumango siya ng marahan sa sinabi ko.

“Maybe it’s time to face Eli, Josh. Wala kayong closure di ba? Halata namang gusto ka niyang kausapin tungkol doon.” Napatingala tuloy ako sa kanya. Hindi ko na naituloy pa yung isusubo ko sanang pagkain na nasa kutsara ko.

“Don’t worry, okay lang sa akin. If totoong gusto mo akong bigyan ng chance, I’ll give you my trust. Besides, hindi niyo talaga maiiwasan ang isa’t isa. Pareho kayo ng school, nasa iisang section din kayo. To move on, means to put an end to what’s left without closure.”

Napatango na lang ako sa kanyang sinabi. Pinagkakatiwalaan niya ako. Pero… paano kung…

“And I don’t care if he’ll gonna pursue you, again. Pinanghahawakan ko pa rin naman yung deal namin e. ‘Wag ka lang niya ulit paiyakin, baka kung anong gawin ko na sa kanya, the next time it’ll happen.” Dagdag niya, saka kumain na ulit.

“Thank you, Riley. Sa lahat lahat!” Binigyan ko lahat siya ng ngiti.

“No problem. Basta masaya ka, okay na ako.”

Wala na talaga akong mahihiling pa.

Love is taking risks. Hinding hindi natin makukuha ang inaasam na kaligayan, hanggang hindi tayo sumusugal sa mga bagay na alam nating puro pasakit lang naman ang ating makukuha.

Sabi nga nila, at the end of every battle, may mga talo, may mga panalo. Matuto lamang tayong tanggapin ang kapalaran natin sa huli. Pero, hindi naman nagtatapos ang buhay sa unang pagkatalo, may mga susunod pa, kaya’t habang hindi pa, paghandaan natin ito ng mabuti.

Gagawin ko ang payo ni Riley. I guess, I really need to face Eli, para masabi kong nakausad na ako sa pagmomove-on.


Red’s POV

Pagkatapos ng hapunan, masayang kwentuhan ang naganap. Hindi nga namin namalayan ang oras. Hinatid na lang namin sila Reese at Blueberry ko sa kanila. Sumangayon na rin naman si Andrei kasi, hindi pa naman siya pwedeng gumamit ng kahit ano sa mga sasakyan namin doon.

Tinatahak namin ang daan papuntang subdivision nina Riel. Mabuti nga na nalaman naming nasa iisang subdivision lamang ang mga kasintahan namin ni Andrei. Tapos, magkakilala pa.

“Salamat, Kuya Red sa paghatid. Hanggang sa susunod po. Bye, Kuya Riel.” Ani Reese sa amin ni Blueberry.

Tumango ako sabay ngiti sa kanya.

“Sige na Reese, kumusta mo na lang ako kila Kuya Jeric, Tita Marissa at Tito Franco. Magkatabi lang naman ‘tong mga bahay natin e.” Tugon naman sa kanya ni Riel.

“Kuya, ihatid ko lang muna si Reese sa kanila. Tita is expecting me.”

“Okay, sige. Samahan ko na muna si Riel dito.” Tugon ko sa kapatid ko. Agad naman silang umalis dalawa para pumasok sa kabilang bahay.

“Bagay na bagay sila di ba? Ang cute cute nila.” Saad ni Riel, habang nakatingin sa kapatid ko at sa kasintahan nito.

“Hindi sila bagay.” Pagbibiro ko.

“Huh? Ayaw mo ba kay Reese para sa kapatid mo? Mabait kaya yun. Matalino pa. Alam mo bang gymnast yun. Lumaban na siya sa ibang bansa at lagi niyang naiuuwi ang gintong medalya.” Mahabang pagbibida nito.

Natawa  ako ng palihim sa reaksyon niya.

“Hindi pa rin sila bagay.” Pang-aasar ko pa. Ang sarap kasi nitong asarin. Tapos kapag galit na, susuyuin ko naman. Hahaha! Tapos hindi naman ako natitiis. Ay! Oo nga Pala! 3 Days, natiis niya ako. Pero sa kiss lang naman.

“Hala! ‘Wag kang ganyan, Red! Maging masaya ka naman para sa kapatid mo. Saka ka na lang magalit kay Reese kapag sinaktan niya si Andrei no! Ikaw ha?! Duda nga akong sasaktan niya si Andrei e!” Asik niya. Inis na siya.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko.

“Ano?! Bwiset na ‘to! Pinagtitripan mo na naman ba ako?! Ganun? Gumaganti ka dahil sa kanina?” Aniya.

Hala! Haha! Nasagad ko na naman ata.

“Blueberry, hindi sila bagay, kasi…”

“Kasi ano?!” Asik nito.

“Kasi, tao sila.” Sabi ko sabay tawa ng malakas.

“Grrrr! Ang korni mo, sobra! Bwiset! Umuwi ka na nga! Sinira mo ang napakagandang gabi ko!” Padabog siyang nagmartsa papunta sa gate nila para mabuksan ito.

Napailing na lang ako sa inasta niya. Hahaha! Nagpapatalo na ba sa akin ang SC President ngayon? Kaya nga mahal na mahal ko ‘to e. Astigin noon, pero, malambot na sa akin ngayon. Naduwag lang pala ako sa wala noon e. Dapat pala, sinabi ko na lang agad, di ko na sana siya nasaktan pa.

“Ito naman hindi na mabiro!” Sumunod ako agad sa kanya nang mabuksan na niya ang gate.

“Ewan ko sayo!” Sagot niya sa akin.

“Sorry na!” Ang cute cute niya talagang magalit.

Agad niyang binuksan ang pinto tsaka pumasok sa loob.

“Tse!” Aniya tsaka padabog na isinara ang pinto.

Napailing na lang ako sa inasal niya. Alam ko na naghihintay pa yan ng panunuyo ko. Ang sarap sarap niya talagang asarin. Haha!

“Blueberry naman! Ayaw mo ba ng kiss? Good night kiss?”

Ilang minuto pa ang dumaan pero hindi siya sumagot.

“Sige, uwi na tuloy ako. Ayaw mo naman ng kiss e. Simula na ba ng 1 week strike natin?” Panunuya ko.

Agad namang bumukas ang pinto ng bahay niya. Sabi ko na nga ba, hindi niya kaya yun. Yung tatlong araw, sa tingin ko, naglalaway na siya sa kakaisip na mahalikan ako. Pagkatapos kasi nun, parang walang bukas niya akong hinalikan. Haha! Ehem, ehem, ako rin naman pala. Hoho!

“So… kiss strike?” Panunuya ko.

Kagat labi siyang umiling para sa sagot niya. Napangiti na lang ako. Agad ko siyang hinagkan. Napayakap na rin naman siya sa akin.

“Ayaw mo naman pala e. Biro lang kasi, agad ka namang nagalit.”

“Ikaw kasi e! Hindi magandang biro yun!”

“Anong hindi? Kaya nga ako tumawa kasi biro lang di ba? Dapat pala ikaw yung tawaging ‘pikon’ dito sa ating dalawa.” Sabi ko saka tumawa. “Aray!” Kinurot na naman kasi ako sa tagilirin.

“Ang pilyo mo talaga!” Aniya.

“Grabe ka, Blueberry ha! Baka may sugat na ako sa kakakurot mo sa akin.” Agad naman niyang itinaas ang t-shirt ko para makita kung meron nga.

“Wala naman ah!”

“Wala nga… di ka ba natitempt? Tara, matagal pa yun si Andrei.” Pang-aakit ko. Kailan kaya namin yun gagawin? Hehe!

“Ararararararay ko po!” Naibulalas ko na lang. “Ang sakit nun ha! Ba’t mo ginawa yun?”

“Tinatanong pa ba yan?” Aniya. Buti na lang hindi na naman nagwalk-out.

“Oo na! Sorry na po! Kung hindi lang kita mahal e.”

“So, kung ganun nga, ano namang gagawin mo, aber?”

“Ah… e… wala naman. Mahal nga kita di ba? So, wala akong balak na iba.” Napakamot na lang ako sa batok ko.

Wala talaga akong panalo dito. Kahit siguro, mananalo na ako, ipapaubaya ko na lang ang pagkapanalo para sa kanya.

Matagal ang yakapan na naganap. It is as if, hindi namin nakita ng matagal ang bawat isa.

“Mahal na mahal kita, Blueberry ko.”

“Mahal na mahal din naman kita, Cheesecake ko...” Aniya. “Anong drama naman ba ito?” Napansin niya siguro ang pagbabago ng tono ng boses ko.

From mayabang to emo. Haha! Ang hirap magtago ng nararamdaman sa kanya. Sa mata man o sa tono ng boses, alam na alam niya ang damdaming namamayani roon.

“Ano bang iniisip mo?” Aniya sa malambing na tono.

Umiling na lamang ako, wala naman akong pangamba sa relasyon naming ito. Buo ang desisyon ko nang pasukin ko ito. Whatever happens, will happen. Hindi naman dapat maging perpekto ang lahat ng bagay na umiikot sa amin.

Tiwala. Yan yung pinanghahawakan namin sa isa’t isa.

“Kung ano man yan, isipin mo na lang na malalampasan din yan. Maraming solusyon ang pwedeng sumagot sa mga problema. Kailangan lang natin isiping mabuti kung ano yung mainam na solusyon, para hindi tayo paulit-ulit na nagkakamali.” Aniya.

“Okay. Gagawin ko yang sinabi mo sa akin.”

“Andyan na si Andrei. Sige na!” Napalingon tuloy ako sa harapan kung saan naroroon ang kotse. Andun na nga ang kapatid ko, tamad na naghihintay at nakasandal doon.
   
“Good night kiss?” Tumango naman siya sa sinabi ko.

Naglapat ang aming mga labi. Banayad. Puno ng pagmamahal. Wala na talaga akong mahihiling pa. Riel is enough. Hindi ko na kailangan magloko, para lang malaman kung mahal ba talaga ako ng kasintahan ko.

“Kuya, gaano mo kamahal si Kuya Riel?” Tanong ni Andrei.

Nasa byahe na kami ngayon pauwi ng bahay. I don’t know why he asked, hindi naman ako bothered if he doesn’t want Riel for me. Ako naman ang masusunod sa buhay pag-ibig ko e.

“Ba’t mo naitanong? May problema ba?” Baling ko sa kanya. Agad ko namang binawi ang aking paningin para magfocus sa pagmamaneho.

“Wala naman. I’m just curious. Para kasi sa akin, Reese is my everything. Ganun ba talaga kapag first love? First love mo ba si Kuya Riel?” Aniya.

Napaisip tuloy ako. Tumango tango lang ako nang mapagtanto na ganoon din naman pala ako noon.

“I think so. Yun bang feeling na nasa isip mo siya lagi? Bothered ka sa impression na makikita mo sa kanya sa tuwing magkakaharap kayo? Yung nakikita mo ang future mo kasama siya? Ganun ba? Pero hindi si Riel ang first love ko.” Baling ko sa kanya.

Tumango na lang siya para sa sagot.

“I’ve been there. I’ve even done ridiculous things just be noticed by him. Ganoon ko siya kamahal. I am madly in love with him. Kaso, naduwag ako noong una.”

“Oo nga e. Bali-balita noon sa school. Binubully mo daw si Kuya Riel simula Junior High ninyo. Simula kasi noong lumipat ako sa high school division, marami na akong naririnig patungkol sa’yo.” Aniya.

Tumango tango na lang din ako sa nalaman.

“Pero bakit yun yung naisip mo? Instead kasi main-love tuloy sa’yo si Kuya Riel, he hated you because of that.” Napakibit balikat na lang ako.

“Nagpapansin lang ako.”

“Pwede naman sa ibang paraan di ba? Naisip ko nga rin yung gawin, pero, I can’t afford to be hated by someone so special to me.”

“Di sa school ni Iris dati nag-aaral si Reese? Paano mo siya nakilala?” Pang-uusisa ko. ang layo kaya noon sa school.

“Sa School Fest last year.” Tumango na lang ako.

“Buti hindi mo talaga ginawa yung ginawa ko. Pinagsisisihan ko na nga e.”

“Maybe because we’re different. Hindi ako naduwag.” Aniya saka tumawa.

“Edi ikaw na!” At nagtawanan kami.

“Almost two weeks palang kayo, pero, parang ang tagal niyo nang mag-on.”

“Well, maybe it is because the feelings are mutual. Na love at first sight daw siya sa akin noon e. Noong dinala siya dito ni Brett 2 years ago, noong birthday mo. Ganun din naman ako sa kanya. Kaya siguro, agad kaming nagclick sa isa’t isa.”

“Paano ko kaya masisiguro ang future namin ni Reese?”

“Just trust each other. Yun yung bubuo ng relasyon niyo e. If everything falls into something you can’t even imagined, pagkatiwalaan niyo lang ang bawat isa. Try to fix things as early as possible para maiwasan ang mas malaking lamat.”

Nakarating kami sa bahay na mas marami pang pinag-usapan. We’re not like this before, masaya ako dahil pagkatapos nitong araw na ito’y mas naging malapit kami ni Andrei sa isa’t isa.


Eli’s POV

Puspusan ang pag-iensayo namin para makabisa ang mga kantang napili ng lahat para sa opening ceremony ng School Fest. Masaya ako kasi, dahil kay Riel, nagawa ko na ang gusto kong gawin for the past 5 years napagkukubli ko ng gusto kong gawin sa buhay ko. Ang pagkanta at mag banda.

“Good job, guys! Handa na ba kayo para bukas?” Ani Riel.

Ala siete na ng gabi. Simula pa kami rito kaninang 10 AM. Kinabisa na namin yung limang kantang ipiperform namin bukas, para walang maging problema.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang instrumento nagparating ng excitement ang banda namin. Kahit kasi, binuo lang namin ito para sa gagawing School Fest, nagkakaisa naman kami sa pagmamahal sa musika.

“Sige! 6 AM bukas ha? Sa backstage. Nakaset-up na rin naman doon ang mga gagamitin nating instrument. Kailangan na lang sigurong itono sa kung anuman ang husto sa pandinig ninyo.” Hudyat ni Riel na pwede na kaming umuwi.

Abala ang lahat sa pag-aayos ng mga ginamit namin kanina nang makatanggap ako ng text mula sa hindi ko inaasahang magtitext sa akin.

Eli, pwede ba tayong magkita ngayon? Sa Café na malapit sa school. Andito na ako ngayon. Salamat.

Agad kong inayos ang aking bass para makapunta na roon.

“Riel. I need to go, Josh wants to talk. Susunduin ka naman ni Red, di ba? Sorry ha, di na kita masasamahan. Ingat ka na lang.” Niyakap ko na lang siya bilang pagpapaalam. Naramdaman ko naman ang pagtango-tango nito.

“Sige!” At agad na akong umalis.

“Eli!” Tawag niya sa akin, natigil tuloy ako sa pagtakbo. “Gambattene, Onii-chan!” Aniya.

Ngumiti na lang ako bilang pasasalamat.

Ano man ang mangyari sa pag-uusap namin ngayon, okay lang, as long as, magkakabati kami.

Pagkapasok ko sa Café na sinabi niya ay agad kong iginala ang aking paningin. Wala siya sa baba kaya’t umakyat ako sa second floor. Nakita ko ang imahe niyang nakatungo lamang sa kalawakang puno ng mga bituin.

“Sorry.” Nakuha ko ang atensyon niya. “Kanina ka pa ba?” Agad siyang umayos ng upo at umiling para sa sagot sa akin.

“A-Actually, kararating ko lang din nang itext kita. Alam ko namang may practice kayo ngayon. Kumusta?”

“Okay naman. Handa na kami bukas.” Tugon ko.

Tumango siya. “Mabuti naman at okay na kayo ni Riel.” Aniya tsaka umiwas ng tingin.

“Ah…” Hindi pa ba niya alam yun? “Oo, noong bago pa tayo umuwi galing Palawan.” Sagot ko.

Tumango tango lamang ulit siya.

“Anong gusto mo? Frappe? Coffee? Ako na ang bahala. Cake?” Aniya.

Umiling lamang ako. “Okay lang ako. ‘Wag ka nang mag-abala. Salamat.”

Marahan niyang ibinababa ang menu tsaka bumuntong hininga. Pareho lamang kaming akward sa nangyayari ngayon. It’s been two weeks then nang iwan ko siya roon sa hot spring. Kasalanan ko naman yun e. Kaya nga ako nag-ieffort para magkausap at magkabati kami. Yun lang naman.

I am not expecting beyond that. Alam ko na may lamat na ang pinagsamahan naming dalawa.

“Uhm… G-Gusto ko lang  na… na maayos na ang lahat sa pagitan natin. Alam ko na nag-over react ako sa nangyari noon sa Palawan. Wala naman akong karapatan na umasta ng ganon kasi wa—.”

“Sorry, Josh! Hindi ko sinasadyang paasahin ka noon. I’m sorry dahil, pinilit ko ang sarili ko na ituon ang pag-ibig na nararamdaman ko kay Riel, patungo sa’yo. Hindi ko dapat pinaramdam sa’yo na my oag-asa.” Pagputol ko sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Alam ko na naalala niya ang lahat ng ginawa ko sa kanya. I just want him to feel that I am so sorry for what I did to him. Ayokong mapaiyak siya, pero sa hui yun na ang nangyari.

Suminghap siya. “Okay na sa akin lahat, Eli. Ako naman ‘tong nagsimula e. Ako yung handang maging rebound. Nag-expect kasi ako ng sobra from you.”

“May kasalanan din naman ako e.”

“Pareho lang naman tayo.”

Tumango ako sa kanyang huling sinabi. Siguro nga. Pero, since ako yung nanakit, mas malaki ang guilt na dinadala ko.

“Sorry sa lahat ng ginawa ko sa’yo Josh, sana mapatawad mo talaga ako.” Pagbasag ko sa katahimikan.

“Okay na ako, Eli. Si Riley nga ang nagparealize nito sa akin, kaya kita kinausap ngayon. Sabi niya nga, hindi ako makakamove-on kung hindi tayo magkakausap. Closure kumbaga. To settle things.”

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin.

“Masaya ako dahil okay na kayo ni Riel. Wala man lang nga akong naitulong sa kanya. Dapat kasi ako yung gagawa ng paraan para magkabati na kayo e.”

“Ikaw nga ang dahilan kung bakit kami nagkabati. Bothered si Riel sa nangyari sa Palawan. Kaya naghanap siya ng paraan para magkausap kami. Then, nagkabati kami, dahil sa gusto niyang magkabati rin kayo.” Huminga ako ng malalim.

“I really wanted to say sorry to him. Hindi dapat ako nagalit sa kanya dahil sa nangyari sa atin. Wala naman talaga siyang kasalanan doon. Nadala lang ako ng sobrang emosyon.”

“Naiintindihan niya rin naman.”

Tumango tango siya sa aking sinabi. Riel is ideal. Marami ang pumipila para lang maging kaibigan siya.

“Pinapatawad na kita, Eli.” Aniya. “Kakausapin ko na rin si Riel, bukas.” Aniya. Nawala na ang lungkot sa kanyang mukha.

“Nakakagaan pala ng loob kapag nawala na ang galit. Salamat din for reaching out kahit na hindi kita pinapansin. Hindi na rin naman kita maiiwasan sa baseball team, mas mainam pang magkabati na tayo di ba?” Natawa siya sa kanyang sinabi.

Nakitawa na rin ako.

“Salamat!” Sagot ko.

“Si Riley... Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon. Sa kanya ko kasi naramdaman yung inaasam kong pagmamahal na magmumula sana sa’yo.” Aniya.

Napayuko na lang ako sa aking narinig. This means, hindi na dapat ako umepal pa. I should be happy for him, like what I did with Riel.

“And I think, gusto ko na rin siya.” Tumango na lang ako.

“Then, good. At least, give and take na ang nangyayari ngayon di ba?” Tugon ko. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Sabi ko naman di ba, tatanggapin ko kung anuman ang kalalabasan nito.

“Eli. Sorry ha?” Umiling ako sa sinabi niya.

“Wag kang humingi ng tawad. Okay lang sa akin.” Ngiti ang pinakita ko sa kanya.

Wala naman akong pinanghahawakan pa. I just want us to be okay, again. Kung pupwede, maging magkaibigan man lang.

“So… friends?” Sabay lahad niya ng kanyang kamay.

Nakangiti siya ng ibaling ko sa kanya ang aking paningin.

“Friends.” Sabi ko sabay tanggap sa kanyang kamay.

Malas ako sa aspeto ng pag-ibig. Okay lang naman. Okay lang talaga. At least, kahit friendzoned ako sa mahal ko at friendzoned na, sa mahal ako, masaya pa rin ako dahil kahit papaano’y maayos na ang lahat sa pagitan namin.

Hindi pa ito ang kwento ng buhay pag-ibig ko. Hindi naman na ako nagmamadali. Kahit kailan pa man yan, I’ll be waiting patiently.  



Itutuloy…

17 comments:

  1. Ang gnada ng takbo ng story. I appreciate it so much. Kung ako yung, I cant move on that fast. Thanks sa update. Take care.

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. WAAAAAAH! Wala pa akong balita sa'yo Prince! Di ko pa kasi nababasa ang 4 and 5 mo! Busy much e. Kumusta? May nabalitaan ako sa'yo. How true?

      Delete
  3. Hahaixtt ang GONDO! hahaha frst time q mag comment..super nakakanganga!! ehehe..(update na agad sa sunod!)

    -JamesL

    ReplyDelete
  4. I demand for Eli's story, Kuya Rye! Wahahaha..

    Ang last na part ay parang nagsasabi na may continuation pa iyon. Hindi pa natatapos dahil wala pa ang pag-ibig. :)

    ReplyDelete
  5. Eli and Riel! hahahah parang gusto ko don Brett at Riel. haha Siguro ang hinihintay ko is yung magkaroon ng problem si Red at Riel at panu nila mareresolve yung issue. Pero in the mean time, sana mag kachance si Eli. hahaha Marvs. ;-)

    ReplyDelete
  6. kala ko makikigulo pa si eli ei..
    well, good for josh and riley .. sana lang magkatuluyan na sila . ..
    super love RIEL and RED <3 hihi .. ang kulet nila :) thanks sa update kuya RYE :))

    ReplyDelete
  7. Still smooth ang flow.... free flowing kung baga... It's nice to. See na ok na ang mga characters... Still clueless padin ako sa dilemma na pedeng maganap especially sa love story nila RR.... Keep up the good work rye!!!!

    Arigato...

    "kawaranai mama de iyou ne"

    angelthreesixty

    ReplyDelete
  8. Still smooth ang flow.... free flowing kung baga... It's nice to. See na ok na ang mga characters... Still clueless padin ako sa dilemma na pedeng maganap especially sa love story nila RR.... Keep up the good work rye!!!!

    Arigato...

    "kawaranai mama de iyou ne"

    angelthreesixty

    ReplyDelete
  9. Still smooth ang flow.... free flowing kung baga... It's nice to. See na ok na ang mga characters... Still clueless padin ako sa dilemma na pedeng maganap especially sa love story nila RR.... Keep up the good work rye!!!!

    Arigato...

    "kawaranai mama de iyou ne"

    angelthreesixty

    ReplyDelete
  10. Kuya rye wag kang ganyan na sisirain mo love story ni red at riel dahil aamin na si brett sa nararamdamsn niya para dito.hanapan lng ng iba si brett at eli

    Jay 05

    ReplyDelete
  11. Hahahahaha excited na ako Cookies! Let the festivities commence!

    ReplyDelete
  12. Author ang ganda talaga nito! Pero nakakatuwa talaga sina Josh at Riley. Author wag traumatic ang mga mangyayari next chapters. Bawi ka naman sa min author.

    ReplyDelete
  13. Haist! Finally magkakaayos na sila! XD update po agad! XD hahaha

    -Trev

    ReplyDelete
  14. great story

    -brave

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails