Followers

Saturday, October 11, 2014

Playful Jokes -Chptr3





Athr'sNote-

Sa nagtanong, opo at taga Angeles rin ako :)) kayo po ba?

Anyway, guys! Maraming Salamat sa inyo ah? Eh kasi medyo may napansin akong konting pagbabago from my first story hanggang sa 2nd story na ito. Medyo may tumaas, whehehe.

Pasenya na kung medyo boring o plain pa yung chapters, siguro sa 5th chapter medyo maayos na, okay hintay hintay muna po!

Maraming salamat rin sa nag-congratulate sa akin dahil may trabaho na ako. Whoo!! First two days ko, medyo nakakapagod na nakakapanibago.. whaha.

Again, Salamat sa lahat!!


Happy Reading :)


--



Point Of View

 - Nay Malia - (Kash's Mother)



Napadalhan nanaman ako ng sulat. Panigurado galing sa asawa ko 'to.

Hindi ko pa man nabubuksan, napapangiti na ako.

Naalala ko kasi yung mga ginawa niya para kay Tenten, kay Karlo at sa akin.

Mali man kung titignan, pero para sa mga anak namin, kaya niya nagawa yun.

"Malia tanda,"

Nakita ko palang yung panimula niya, wala sa sarili na akong napaluha.

Namimiss ko na yung asawa ko, yung mga panahong si Karlo at ang ipinagbubuntis ko ang tanging nasa isipan niya, na kung saan kaya todo asikaso siya sa akin.

Sabi nga niya,

 "Mag-asawa tayo eh. Hindi lang yun, dalawa na ang anak natin at higit sa lahat.. nagmamahalan tayo."

Kaya kahit anong klaseng ka-OAyan na ang pag-aasikaso niya sa akin, sinasakyan ko na lang.

Kaya "tanda" ang tawagan namin ay maaga kaming nagsama, bente anyos., na kung saan.. naging dahilan kung bakit nagkagulo-gulo, pero hindi ko iyon pinagsisisihan, kailanman.

 "
Malia tanda,

Kamusta kana? Miss mo naba ako? Ako kasi  miss ko na kayo, lalo kana tanda :) Si Tenten ba matigas rin ang ulo katulad nating dalawa? alam ko gwapo rin yan, mana sa akin eh! si Karlo? kamusta na yung pinakagwapo kong panganay? eh yung pinakamaganda kong asawa, kamusta? maganda paba? Haha, miss na kita, I love you.. baby :)

- Gabbo

"

Matapos kong basahin ang sulat, hindi ko na napigilan ang mapahagulgol.

Alam na alam talaga ako ng taong ito, alam niya ang nararamdaman ko.


Talaga ngang pinanindigan niya yung sinabi niya.

 "Huwag kanang umiyak, tanda naman eh.. bahala ka, iiksihan ko yung sulat ko niyan sige.. kapag ka kasi pinahabaan ko, panigurdo.. mapapadrama kapa, wag kana kasing umiyak.. paano natin mapaninindigan yung napagusapan natin niyan?"

Naaalala kong sabi niya.

Isa lang ang masasabi ko, wala akong pinagsisisihan.

Para kay Karlo at Tenten, kaya may isang bagay kaming nagawa na hindi ayon at tama kung titignan.


-----



Point Of View

 - J a c o b -




 "Vince, marami bang bisita?" agad na tanong ko pagkapasok sa kwarto niya.

Bale nasa loob kaming tatlo, tapos na kaming tumulong, pahinga muna kaming tatlo.

 "Hindi naman, si Kash pupunta ba?" balik niya.

 "Oo, lam mo na.. diskarte." pagngiti ko.

 "Nako, may mga chickas na darating diba? Patay, baka magustuhan nila si Kash." sabi naman ni Alex.

 "Basta lalasingin natin si Kash ah?" pagngiti pa ni Vince.

 "As if naman hahayaan ko kayo? Hindi man lang kayo nahiya sa nanay niya o kaya sakanya man lang." inis ko sa dalawa.

Dahil malapit ako sa mga unan ay binatuhan ko na sila.

 "Akala ko ba payag ka?" natatawang sabi ni Alex.

 "Uto-uto talaga kayo noh?" inis ko pa.

 "Uyyyy.. defensive.." tonong kinikilig pa ni Vince.

Napailing na lang ako. Wala talagang alam na matino 'tong dalawa.



...

4:44pm


 "Vince, alis na ako. Sunduin ko na si Joker." pagbulong ko sakanya.

Ayan simula na ang kainan, yung iba nga umiinom na.

Sound system? Yan ang nagdadala sa party niya ngayon.

 "Ge ge.. Oh.." pag-abot pa niya ng susi.

Syempre, kailangang manghiram ng motor.

At agad na nga akong umalis.

Angeles pa ang punta ko nito. Tae naman kasi si Vince, ba't sa bahay pa ng ate niya dito sa Mabalacat niya naisip gawin yung birthday.


..

 "Hi." agad na sabi at pagngiti ko pagkatigil ko sa harap niya.

Nasa tindahan siya at may kasamang bata.

 "Kuya sino po siya?" sabi nung bata.

Aba.. tisoy yung bata ah.

 "Si Jacob, isang kaibigan." agad na sagot ni Kash.

Isang kaibigan.

Ang sakit naman sa tenga nun.

 "Ahm Jacob, kapatid ko nga pala si Tenten." pagharap pa sa akin ni Kash.

 "Kapatid mo? Grabe ah? Ba't ang puti niya?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Nakuha ko pang magpigil sa pagtawa, halatang inis na kagad yung Joker eh.

 "Oh Karlo anak, aalis kana pala?" rinig kong sabi ng isang babae.

Pagkalingon ko, nanay niya pala.

 "Good afternoon po, sunduin ko na po sana si Kash." pagngiti ko.

 "Kuya cake ko ha?" sabi naman nung bata.

Lihim akong napailing.

Patay, wala pamong cake si Vince. Sayang, pa-impress sana ako.. aarrgghh..!

 "Nako Tenten, gurang ang may birthday eh, walang cake pag ganun." sabi naman ni Kash.

Kita kong nalungkot naman yung ekspresyon nung bata.

Eto, kailangan ko nang dumamoves :))

 "Pag-uwi ni kuya mo may dala siyang cake, huwag kang mag-alala." paninigurado ko sa bata.

 "Osiya, mag-iingat kayo ha? Jacob yung sinabi mong mababait ang mga tao doon, sana totoo." sabi naman ni nanay nila.

 "Ako po bahala." pagngiti ko pa.

 "Kash, tara sakay na." pagbaling ko naman kay joker.

 "Nay pasok na po kayo sa loob, huwag po kayong mag-alala." sabi naman niya.

 "Mag-ingat kayo." balik nung nanay nila saka na sila pumasok nung bata.


 "Oh let's go?" pagngiti ko nang makapasok na yung nanay niya.

 "Sigurado ka? Marunong kabang mag-drive? Hindi ba tayo mababangga niyan? Baka mamaya.."

 "Sakay na dali, ang daldal pa eh." pagputol ko na sa sinasabi niya.

At sumakay na nga ito.

 "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman ipapahamak ang sarili natin, lalo na ako.. sayang naman yung itsura ko kung magagasgasan lang." tonong pagmamalaki ko pa.

 "Hindi pa man ako umiinom ng alak nasusuka na ako, parang hangover na nga eh." agad na sabi naman niya.

Napangiti na lang ako. May reaksyon o nasasabi talaga siya kaagad, madaldal nga talaga.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Oh Kash, mabuti at dumating ka. Tara dito at kumain ka muna." sabi kaagad ni Alex, tinanguan ko naman ito.

 "Salamat." sabi ko pa.

Ang daming tao, at ang lakas pa nung pagpapatugtog nila.

 "Happy Birthday." agad na sabi ko nang saktong dumaan sa harap namin si Vince.

Mukhang maraming inaasikaso.

 "Oh Kash, kaw pala. Salamat, ge kain na muna kayo ni Jacob diyan." pagtigil pa niya.

 "Ge tol, mamaya kana mag-asikaso at samahan niyo kame dito sa lamesa, baka lumapit yung mga yun oh.." pagturo pa ni Jacob sa gawi nung mga babae.

Ano kayang meron sa mga babaeng yun?

 "Wait lang, darating si girlfriend eh, lam mo na." masayang sabi naman ni Vince.

Hanggang sa naupo na lang kami, si Alex si Jacob at ako. Si Vince hindi ko alam kung san napunta.

 "Okay mamili ka diyan Kash, anong gusto mo? o kaya naman alak kagad?" sabi ni Alex.

 "Alex tumigil ka nga, alak kagad? sira kana ba? ang aga pa, ang aga-aga pa." inis kagad ni Jacob.

 "Ahm.. tara magsikain na lang tayo, mas malakas pa yung boses niyo sa speaker." pagsingit ko.

At kumain na nga, nakakahiya man ang dating ko ngayon, ge na lang.

Kumakain na kami nang biglang may magsigawan.

Napatingin na lang ako kung saan-saan, tila kinikilig lahat ng tao.

Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa may bandang gilid, kung saan may babae, kasama si Vince.

 "Vince, alam mo ba na bago ako pumunta ngayong hapon sa birthday mo.. marami sobra, napakaraming nakiusap na bigyan kita ng "the gifted minute".. ewan ko kung bakit pero since, today's your birthday, okay I am giving you "the gifted minute"."

The Gifted Minute?

 "Anong ibig sabihin ng The Gifted Minute?" agad na tanong ko sa dalawa, kay Alex at Jacob.

 "A one minute confession." simpleng sabi ni Alex.

One minute confession?

 "Halimbawa, tayong dalawa." biglang sabi naman ni Jacob.

 "Tayong dalawa?" kunot ko kagad.

 "Oo, example.. magkaibigan tayo.. magkaibigan na nagkakamabutihan, na para bang may unusual feelings tayo para sa isa't-isa na inappropriate para sa simpleng pagkakaibigan lang." pagpapaliwanag pa niya, sinamahan niya pa ng mga postura na parang guro lang ang dating.

 "Anong konek nung The Gifted Minute dun?" tonong nang-iinsulto ko naman.

 "Okay eto na lang, HA-LIM-BA-WA.. Kash, may gusto ka kunwari kay Jacob.

Kaso hindi alam ni Jacob yun, pero medyo may idea na siya.

So halimbawa nasaktong may special event or a day na something special sakanya or sayo.. basta parang ganun.

Then para ma-confirm niya yung idea niya.. bibigyan ka niya ng The Gifted Minute.

Because in that one minute, you can say anything you want.. anything, bawal magsinungaling. At habang nagsasalita ka, yung taong nagbigay sa'yo, mananatiling tahimik lang, simply because.. it's your moment.

Ayan tignan mo si Vince kung paano niya gagamitim yung The Gifted Minute."

Hindi ko man nagustuhan yung example niya ay hinayaan ko na lang.

At dahil gusto kong malaman kung paano talaga gamitin ang The Gifted Minute, pokus ako kay Vince.

 "Go." simpleng sabi nung babae kay Vince.

 "Look, ayan na." sabi pa sa akin ni Alex, excited pa talaga.

 "Anika, siguro eto na nga yung time, time na ipaalam ko na sayo yung tunay kong nararamdaman.. gusto kita, gustong gusto.. pero, parang mahal na ata kita..."

Sa narinig kong yun na sinasabi ni Vince, pinilit ko na lang na hindi makinig.

Sobrang cheesy na kasi eh.

 "Oh alam mo na?" sabi naman ni Alex, tumango na lang ako.

Pasimple ko namang tinignan si Jacob, milagro tahimik.

Kanina ang lakas mang-asar pero ngayon parang biglang nawalan ng boses.

Tsaka parang ang sama ng tingin niya kay Alex, o sadyang ganun lang ang paraan niya ng pagpapakita na seryoso siya?

Ewan.

 "I love you." rinig kong pagtatapos ni Vince, at kasunod nun ay sigawan, hiyawan.

Ako kaya? May magbibigay kaya sa akin ng "The Gifted Minute" ?

Kung sakaling ako naman, may pagbibigyan kaya ako?

Kung may magbigay sa akin, anong kaya ang posibleng gagawin ko?

Magsasalita ba ako? Madaldal parin ba kaya ako? Magkakaroon ba ako ng lakas ng loob para umamin? At ite-take ko ba yung chance?

Ano sa tingin niyong gagawin ko?

Eh kung kayo naman ang mabigyan, ite-take niyo ba? Magiging masaya ba kayo?

Katulad ni Vince, maglalakas loob kayong magsalita at umamin?


 "Kash.. Kash.."

Nakuha ko pang magulat sa pagtawag sa akin ni Alex.

Dami kasing iniisip eh.

 "Si Jacob, si Jacob." pagturo niya pa sa may palabasan ng bahay nila Vince.

Napatingin ako sa tabi ko.
Aba, nawala bigla si Jacob.

 "San siya pupunta?" agad na tanong ko nang makitang naglalakad palabas si Jacob.

 "Ewan rin, pero pwede bang pakisundan mo siya? Kung ayos lang?" nahihiyang sabi pa niya, napatango na lang ako kaagad.

...


Wala pa namang ala-sais ng hapon pero medyo madilim na kaagad.

Ayun si Jacob, nakaupo lang, mukhang malalim ata ang iniisip.

Hanggang sa dahan-dahan ko itong nilapitan.

 "Nagyoyosi ka pala?" simpleng sabi ko pagkatabi ko sakanya.

Parang ibang Jacob ang nakikita ko ngayon.

 "Kapag napapaisip lang." pagngiti naman niya, deretsong tingin lang, sa kawalan.

 "Anong problema? ba't bigla kang umalis?" tanong ko.

Hindi naman siguro masama kung alamin ko, tutal sinama niya rin naman ako rito.

 "The Gifted Minute." simpleng sabi niya pagkatapon niya ng sigarilyo. "One minute confession." pagngiti pa niya.

Hindi simpleng pagngiti yung nakikita ko sakanya. Yung bang.. ngiting may kahulugan?

Ay ewan, ang gulo.

 "Pwede bang malaman ang problema? makikinig lang ako." mahinang sabi ko.

 "Alam mo ba nabigyan narin ako niyan." tonong pagmamalaki niya.

 "Talaga? anong ginawa mo? hindi kaba kinabahan nun?" agad at excited kong sabi.

Hindi naman pala problema eh.

 "Syempre sinamantala ko na yung pagkakataon." balik niya.

 "Ah tapos anong ginawa mo?" sabi ko na lang.

 "The usual, naglakas loob, nagsalita, umamin." pagngiti pa niya.


 "Yun naman pala eh, edi anong nangyari pagkatapos?" agad na tanong ko.

 "Kahihiyan dahil sa, sinabi ko na gusto ko siya, na mahal ko siya, na handa akong magbago para sakanya, na matagal na akong may nararamdaman sakanya..."

Habang nagsasalita siya, alam kong seryoso siya pero nananatili lang siyang nakangiti.

 "Paano naging kahihiyan yun? eh naging sincere ka nga eh, pinarating mo rin yung nasa loob mo." sabi ko na lang.

 "Eh kasi nga, niloko lang pala ako, pinagtripan, sinamantala niya yung nararamdaman ko, sa madaling sabi, kahihiyan." agad na sabi niya, medyo nag-iba rin yung tono niya.

Napaisip tuloy ako.

Paano nga talaga kung ako ang mabigyan? kung magsasalita at aaminin ba ako ay magiging maganda ang resulta? o katulad ng kay Jacob ay kahihiyan rin ang kalalabasan ko?

 "Kung totoo yang sinasabi mo, ba't parang hindi ka man lang naiyak ngayon? Ibig kong sabihin, wala kabang nararamdaman na sakit o ano?" seryosong sabi ko.

 "Hindi na kasi dapat pa pahalagahan yung mga bagay na nang-iwan ng sakit sa'yo, lalong-lalo na yung mga bagay na walang kwenta. Hindi mo narin kailangan pang ipakita na naapektuhan ka.. para lang maiparating mo na naging totoo ka." pagtayo pa niya.

 "Well let's go Kash? Hatid na kita." paglahad pa niya ng kanyang kamay.

Hindi narin siguro maganda na yayain ko pa siyang bumalik sa loob.

Itago man niya, alam kong medyo nasasaktan o may apekto pa sakanya yung nangyari sakanya dati.

 "Ge, tara." pagngiti ko at pag-abot sa kamay niya.

.....


 "Kuya ang sarap nung cake, ang bait nung may birthday."

 "Kuya sa susunod bili rin tayo ng ganung cake ha?"

 "Kuya marami po ba kayong kinain dun?"


10 o'clock na ng gabi, at kanina ko pa iniisip yung mga sinabi ni Jacob.

Si Tenten kanina pa ako kinakausap, pero sadyang na-stuck ata ako sa mga sinabi ni Jacob kung kaya't hindi ko na mapansin yung mga sinasabi ng kapatid ko.

 "Tenten, matulog na." nasabi ko na lang.

(
flashback


 "Wuy Jacob wag kanang magdrama diyan, natural lang naman yun eh." sabi ko habang nasa kalagitnaan kami ng byahe, nakamotor.

Nasaktong nasa stop light kami, kaya naman nagsalita na ako.

 "Ang alin?" tanong naman niya.

Palusot pa, kanina pa siya tahimik. Halatang apektado nga ito sa nangyari dati.

 "Na mabusted, syempre babae yun kaya naman nasasakanya talaga yung desisyon. At tsaka normal naman yun ah, ang mabusted ka sa babae, kaya hindi kahihiyan yun." tonong pangungumbinsi ko pa.

 "Alam mo ba kung bakit kahihiyan ang turing ko sa nangyari dati?" tanong naman niya.

Yung tono niya, parang nakakakonsensya eh.

 "Minsan kana na nga lang magkagusto, minsan kana nga lang magmahal at magseryoso.. at minsan kana nga lang mabigyan ng The Gifted Minute.. kahihiyan pa ang nangyari." tonong panghihinayang niya at pag-iling pa.

 "Jacob, hindi nga sabi kahihiyan yun. Natural lang na mabusted tayo paminsan-minsan sa mga babae." tonong naiinis ko pa.

 "Kahihiyan, kasi.. kasi sa lalaki ako nabusted, naloko na, napagsamantalahan at pinagtripan pa. Hindi ng babae, kundi ng lalake." sabi niya at saka mabilis na pinatakbo ang motor.

Speechless.

Lalaki?

Si Jacob? sa lalaki?

Sorry, masyado kasi akong matanong eh.

Mula nun, ay katahimikan na ang namayani sa aming dalawa, mga ingay mula sa mga tao o sasakyan ang tanging nangibabaw.

end
)

 "Sorry, ang daldal ko kasi." inis ko pa sa sarili saka na lang humarap sa kapatid kong natutulog.

Kalaunan ay, napangiti na lang ako.

Binili pa kasi siya ng cake ni Jacob.

 "Salamat sa cake, Jacob." mahinang sabi ko pa.


-----



Point Of View

 - S e v e n -



Alas-dyes na ng gabi. Hindi parin ako makatulog.

Kanina pa kasi ako hindi mapakali eh.

Paano nito? Paano niyan ako haharap kay Kash?

Puro kapa-kapa pa kasi ako kanina eh, yung kamay niya yung inaabot ko pero iba yung nahawakan ko.

ARRGGHHH!

Nakakahiya talaga.

Gusto ko sana na lagi siyang makakwentuhan, pero paano na niyan? Eh sa nahihiya na ako sakanya dahil sa katangahan ko, kainis talaga.

 "Wala yun, pero dapat paganti."

Naaalala kong sabi niya kanina nang magsorry ako.

 "H-hah? talaga? kailangan pa yun? pero sige para patas at hindi nakakahiya sa'yo."

Alanganin man, nagdadalawang isip man.. ay nasabi ko parin yan.

Eh sa gusto ko na maging okay ulit kami eh.

Pero, pero mas lalo akong nahiya sa sinagot niya.

 "Joke lang, ikaw talaga. Paano kung iba yung nagsabi? edi papayag ka? nako ang swerte naman nila nun."

Sagot at pagtawa pa niya.

AAARRGGGHHHH!!

Nakakahiya TA-LA-GA !!


NAKAKAHIYA kay KASH!!




Itutuloy


Oh ayan, patayin na lang natin si Seven, haha.

Guys oh look, habang nagsusulat ako ay hindi ko napansin na out of nowhere kong nailagay yung pangalan ni Nicollo, na dapat ay si Seven sana.



Namimiss ko lang siguro yung dalawa.

9 comments:

  1. paki habaan naman yung susonod na chapters... sobrang ikli.....

    ReplyDelete
  2. Ganda aang chapter na to. Thanks Mr Author. Pwede habaan ng konti next time. God Bless.

    ReplyDelete
  3. Wow sa ipod ka lang nagsusulat? speechless. hahaha. Kaya pala kaya pala. Pero galing parin. Keep it up! Namiss ko tuloy si Nicollo at Kurt. ;-) Marvs

    ReplyDelete
  4. Haha.. ang kulit. Plain sya pero puno ng damdamin. Hehe. Nakakatuwang basahin. Keep it up mr. Author. Thanks

    -Tyler

    ReplyDelete
  5. ang cute ng story, sna habaan mopa mr,A. excited sa next chap.

    Az

    ReplyDelete
  6. natanong lng para mabisita ka nmn hahaa

    ReplyDelete
  7. Salamat sa maagang update. Take care. God Bless.

    ReplyDelete
  8. ay bat wala ung comment ko. hmp anyway sabi ko speechless ako na sa ipod ka lang gumagawa ng story. hahaha galing! Pansin ko din lagi mo sinasabi bland or boring yung story kahit di naman. haha As a writer wag ka matakot na di mo nameet expectations ng readers mo for as long as ginawa mo best mo. haha Next please! Marvs :-D

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails