Followers

Friday, October 3, 2014

Playful Jokes -Prologue






Si daldal at si hindi-nakakakita, isama pa si seryoso.
Whehehehehe (--,)


--


Point Of View

 - Unang Bida - (--.)



Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang, "Joke" ?

Sabi nila, maraming napipikon dahil dito.

Sabi naman ng iba, maraming natutuwa o natatawa dahil dito.

Minsan naman daw, may mga taong nagkakatuluyan dahil lang sa Joke.



Iba-iba noh?

Ako kasi mahilig magjoke, yung bang..

 "Joke lang." pagtawa ko kagad.

 "Tol hindi nakakatawa yang biro mo, baka kung hindi kami dumating ay napagtripan kana."

Pagseseryoso nung isa sa mga tumulong sa akin.

Ang seryoso naman ng mga tao dito. First day ko rito sa Angeles City, whoo!! Mga kapampangan ang lalakas ng dating (--,)

 "Pasensya na. Salamat narin." pilit na pagngiti ko na lang.

Napapangiwi kasi ako dahil sa mga ekspresyon ng mukha nila.

Parang nagbibiro lang naman eh.. tapos ang seseryoso nila.

 "Ge, mag-ingat ka na lang sa susunod. Iwasan mo yang joke joke na yan." sabi naman nung isa.

Ba yan, parang mamamatay na ako kung makapagbilin sila.

Tumango na lang ako saka tumalikod at nagsimulang maglakad nang..

 "Sandali.." napatigil na lang ako sa narinig.

Ano nanaman ba? Arrghh! Humarap na lang ulit ako.

 "Anong pangalan mo?" tanong nung unang-unang nagsalita sakanila kanina, yung seryosong magkasalubong ang kilay.

 "Kash." walang ganang sabi ko.

Pangalan ko, yan lagi ang nagpapatagal ng usapan. Ayaw kasi nilang maniwala eh. Pero sabagay, palayaw lang naman eh.

 "Cash? As in yung pera?" sabi naman nung isa.

Okay. Eto nanaman tayo.

Tutal tinulungan naman nila ako.. ge na lang.

 "KASH. Letter K hindi C.. palayaw ko lang naman yun. Ang tunay kong pangalan ay Karlo S. Hernandez. Kapag kasi K, A at S ang ginamit ko ang pangit pakinggan.. Kas parang Kaskas.. oh diba? Edi nilagyan ko ng H, edi Kash. Oh malinaw naba? Ano pabang tanong?" napakahabang pagpapaliwanag ko.

 "Dami mong sinabi, nagdrama kapa. Anyway, nice to meet you Kash, i'm Jacob." napakasimpleng sabi nung kanina pa seryoso.

Nako? Ganito ba dito? Lalaki nakikipagkilala sa kapwa lalaki? Tapos nakalahad pa yung kamay?

Tsaka, english? Tae! Hindi ako marunong mag ganun. Oo nakakaintindi, pero yung magsalita? ay ewan.

 "Arte naman niyan." rinig kong sabi nung isa.

Huwaaaw?

Tandaan niyo 'to. Ang mga gwapong katulad ko.. nakikipagkamay lang sa mga babae. Okay?

[(Ang "Okay" ni Kash, tonong pang-Korean) narinig niyo naba yun?]

Pero dahil sa tinulungan naman nila ako kahit na bago lang ako dito, ge na lang.

 "Salamat." pilit na pagngiti ko nang abutin ang kamay niya.

Saka isa-isa sila nagsipakilala.

...

 "San ka galing anak? Bago lang tayo dito, huwag mo muna pairalin yang pagka-mapagmahal mo sa kapaligiran, sa hangin, sa mga halaman, sa mga puno, sa kahit saan lalo na yang kadaldalan mo." agad na sabi ni inay habang abala ito sa pag-aayos sa iba pa naming mga gamit.

 "Dami mong sinabi, nagdrama kapa."

Naaalala kong sabi nung si Jacob kanina.

Kay inay ba ako nagmana?

 "Ay ewan." sabi ko na lang, saka palihim na tumawa. "Nay, pasok na ako."

 "Gumising kayo ng maaga bukas, magsisimba tayo." sabi pa ni inay. 

At agad na nga akong naglakad papasok sa kwarto namin ng nakababata kong kapatid, si tenten 7 yrsold.

 "Tenten tara tulog na." inaantok kong sabi nang makitang naglalaro ang aking kapatid.

 "Kuya may kalaro na po ako." agad na sabi nito pagkatabi niya sa akin sa higaan.

 "Nge? Ang bilis naman." pagkunot ko pa.

 "Diyan lang po sa tabi natin yung bahay nila. May mommy siya may daddy siya may yaya siya tapos po may kuya pa." tonong pagmamalaki naman niya.

Tumagilid ako paharap sakanya.

 "Tenten, may inay at kuya ka naman eh." sabi ko saka siya niyakap. "Tulog na nga tayo, yayakapin ka ni kuya para makatulog kana."

Mahirap lang kami, hindi kami yung tipong nabibili lahat ng gusto. Wala rin kaming itay, tatlo lang kami sa buhay.

Gustong-gusto kong niyayakap 'tong kapatid ko.

Iba kasi 'to kumpara sa akin.

Oo may maipagmamalaki naman ako, pero siya? Nako, sobra-sobra.

Tisoy ang dating niya eh. Ang batang-batang gwapo niya pa, mana sa kuya (--,)

Ako nga lang ata ang maitim sa aming tatlo, siguro nadulok ako nang hindi ko alam, hehe.


----



Point Of View

 - Pangalawang Bida - (--.)



Sa panahon ngayon, sa ating bagong henerasyon.

Ano nga ba ang silbi ng mga taong.. hindi nakakalakad, hindi nakakarinig, hindi nakapagsasalita at higit sa lahat, hindi nakakakita.

At ano nga ba ang trato sakanila? Maganda? Espesyal? Mabuti? o Masama? Patas? Hindi patas?

Mahirap, mahirap maging isa sa mga taong ganun.

 "Kuya I have a new friend, ang kulit kulit niya rin po." rinig kong sabi ng aking kapatid.

 "Chan, huwag mong kakalimutan yung sinabi ni mommy okay?" agad na sabi ko.

Sabi kasi ni mommy na mas sanayin namin ang pagtatagalog. Lumaki kasi itong si Chan na english ang salitang ginagamit kapag kinakausap siya nila mommy at daddy.

 "Opo, kanina po yun ang ginawa ko, tapos yun kaibigan na kami. Nung nag-english nga po ako natatawa siya, hindi ko po alam kung bakit." inosenteng sabi naman ng kapatid ko.

7 years old na 'to. Mahilig maglaro, kaya ayan at nagkaroon nanaman ng bagong kalaro.

Mahal na mahal ko 'tong kapatid ko. Kahit na hindi ko alam kung ano ang itsura niya, gaano siya katangkad, kung maputi ba siya katulad ko, kung sobrang gulo ba niya at kung simple lang ba siya.

Si daddy kasi ay gustong-gusto siya, alagang-alaga at binibigay lahat ng gusto niya.

Pero ako? Ayaw ako ni daddy, useless daw, ang sakit noh? Pero buti na lang, nariyan si mommy.

 "Chan tawagin mo si mommy, sabihin mo may sasabihin ako." pag-utos ko sa kapatid ko.

Buti na lang at mabait itong si Chan, kahit bata palang siya ay alam niya ang sitwasyon ko.

 "Seven, anak bakit?" rinig kong boses ni mommy.

Agad akong napangiti.

 "Mommy bukas po magsimba tayo ah?" masayang sabi ko.

 "Oo naman, every sunday naman palagi diba? basta yung pinagpe-pray natin makukuha din natin yun." masayang sabi rin ni mommy nang hawakan niya ang aking kamay.

Si mommy, ang siyang laging nagpapalakas ng loob ko.

 "Opo. Diba po next week rin pupunta tayo ng ospital?" sabi ko pa.

Tuwing katapusan ng buwan, excited ako palagi. Pinapatingin kasi namin itong mata ko, nagbabakasakaling may improvements.

 "Masaya ako Seven anak, na hindi ka nawawalan ng pag-asa. Basta huwag kang mag-alala, matatapos rin 'to." pagpisil pa ni mommy sa ilong ko. "Oh siya, matulog na kayong dalawa, halika at ako na ang maghatid sa inyo sa kwarto niyo."

Wala si daddy, for two weeks. Business concerns, kahit iba ang trato sa akin ni daddy ay mahal ko parin siya.

Pamilya kami eh, kaya masaya ako at sila ang kasama ko.

 "Bukas agahan niyo ang paggising ha? Chan anak, matulog kaagad ha?" rinig kong sabi ni mommy habang hawak-hawak nito ang kamay ko, inaalalayan niya kami papunta sa kwarto namin ng kapatid ko.

Excited na akong magsimba bukas. Simbahan ang isa sa mga nagsisilbing pag-asa ko, maliban sa pamilya ay ang simbahan rin ang bumubuhay sa akin.

Hindi ako lumalabas ng bahay dahil nga sa problema ko.

Simbahan at ospital, yan ang laging pinupuntahan ko sa tuwing ako'y lumalabas kasama ang pamilya.

Taong bahay, yan ako eh.

Dahil sa hindi ako nakakakita, ilang ako sa tao.

Minsan kasi ay napagsasamantalahan ako, dahil nga sa ganito ako.

Kaibigan? Wala ako niyan, maliban sa mga pinsan at pamilya ko.

Pag-ibig? Wala rin. Pilit na sinasabi ni mommy na gwapo ako, daw? Edi sana may nagkagusto at nagmahal sa akin diba?

Tapos yung pangalan ko? Weird ba? Ewan ko ba kay mommy.

Seven A. David, pangalan ko nga pala :))


----


Point Of View

 - Pangatlong Bida - (--.)



 "Good Evening po tita, pasensya na po kung napagabi ang pagbisita namin." mahinang sabi ng aking kaibigan.

Tatlo kami, magbabarkada.

Narito kami ngayon sa sementeryo. Kay mama at kay bunso.

 "Ma, may nakita po ako.. kahawig ni bunso." masayang sabi ko.

 "Yun nga lang, maitim po." pagtawa pa ng isa kong kaibigan.

Ganito kami kapag kinakausap sila mama at bunso.

Bawal ang tahimik o madrama. Dapat masaya, na para bang nariyan talaga sila kaharap namin.

Bago nila ako iwanan, sinabi ni mama na huwag raw ako magiging malungkot, magpakatatag lang daw ako.

 "Ang itim nung Kash noh? Ngayon ko lang nakita sa street yun." biglang sabi pa nung isa.

 "Grabe ka, hindi naman maitim yun eh. Medyo dark lang." pagtawa ko rin.

Nung namatay si mama at si bunso akala ko tapos na ang masasayang araw ko, hindi pala.

Nandyan si tito at si tita na bumubuhay sa akin, at etong dalawang lokong matatalik kong kaibigan.

Kanina may tinulungan kami, muntikan na siyang mapagtripan.

Joker kasi, ang daldal pa, sobra.

 "Tita, crush po ni Jacob yung maitim kanina." biglang sabi ng isa kong kaibigan.

 "Tae naman kayo eh, nakakahiya kay mama." suway ko.

 "Bunso, si kuya mo ang gwapo pero inlove rin sa gwapo." sabi pa nung isa.

Saka tawanan, ganito kaming tatlo. Open sa isa't-isa. Masaya, sobra.

Crush ko daw si Kash sabi nung isa kong kaibigan. Grabe, madadaldal 'tong dalawa kong kaibigan, sila ang bagay dun sa Kash.

Kaming tatlo, seryoso kapag seryoso at sobra naman kapag biruan, gets? :))

At ako naman..

I do play with girls, pero pagdating sa lalake, medyo ingat ingat.

Mahirap magtiwala, tanging etong dalawang kaibigan ko lang ang nakakaalam ng pagkatao ko.

Bisexual.

Ano nga ba ang kahulugan niyan? Isa ba kayo sa mga may sapat na kaalaman para maintindihan yan o isa rin lang kayo sa mga walang panintindihan?

From my point of view, bisexuality is something.. exciting (--,)

By the way, Jacob M. Garcia nga pala.. your pogi pogi xD .. hehe.



-------------------------------------


Athr'sNote-

Ang gulo noh guys? Hehe.

Pero..

Paano kung magkagusto tayo sa taong mabait, matiyaga, makwento, madaldal, maingay, maalaga at maasikaso? Eh ang kaso.. ay sa tulad pa nating lalake?

Paano yun? Ano ang dapat nating gawin? Arrh! Problema nanaman!

Gusto ng puso kaso ayaw ng isipan.

Mind matters most? Eh kung yan ang paiiralin natin, paano naman yung Puso? Yung nararamdaman natin?



Eh paano naman kung magkagusto tayo sa taong walang kakayahang makakita?

Masasabi ba nating gusto natin siya dahil sa mahal natin siya? O gusto at napamahal tayo sakanya dahil sa.. Naaawa lang tayo sakanya?

Posible ba yun? Ay nako, gulo nanaman 'to!

..

Guys, hintay-hintay lang ha? Medyo busy ako sa paghahanap ng trabaho.

18 years old na ako, kailangan ng magtrabaho eh :))

Pero hindi ko parin kakalimutang magsulat, para sa inyo.

Maraming salamat sa lahat! Sir Mike at kuya Ponse.

Maraming salamat rin sa mga sumuporta sa "Can't We Try?", lalo na sa mga nagtiis.

At maraming salamat sa mga nagbigay ng komento sa ending ng "Can't We Try?" ang simple noh?

Maraming salamat rin sa mga nagsabing ipagpatuloy ko yung sariling style ko sa pagsusulat.

Marvs & Lantis, Salamat :)) Para sa inyo 'tong second story ko!! 

Hintayin niyo 'to. Medyo kakaiba 'to, pramis! Susubukan kong kalkalin yung natitirang laman ng aking utak. Haha

Gusto ko lang pong sabihin na ayaw kong gamitin yung word na "bulag", kung kaya't "hindi-nakakakita" ang aking gagamitin.


Karlo S. Hernandez
Seven A. David
Jacob M. Garcia

Si daldal, si hindi-nakakakita at si seryoso. :))


-
Playful Jokes (--,)

8 comments:

  1. All rights reserved :))
    Whehehehehe (--,)

    ReplyDelete
  2. Napakagandang umpisa. You're genius. You are intelligent beyond your years. Keep it up. The writing I mean. You'll go a long way. God bless.

    ReplyDelete
  3. Nc new story nanaman .(y) .. ano po schedule ng update mo? Ty

    -Blkwing

    ReplyDelete
  4. Ahhhh!! Abang-abang na naman nito!

    ReplyDelete
  5. Nkaka excite naman ung story mo pwde ka b makilala author....

    ReplyDelete
  6. Nice story to ah.....

    ReplyDelete
  7. ill wait for this :)
    -- Esod

    ReplyDelete
  8. Uy napansin mo ako. Haha Interesting story, subaybayan ko to and I'll try not to be a silent reader kasi deserve mo ng feedback at comment. Hehe katahimikan. Speechless. Haha Marvs

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails