Athr'sNote-
Guys, medyo fast-forward tayo, hindi man halata pero alam kong mahahalata niyo rin haha.
Anyway, eto na ang chapter 2!
Maraming Salamat sa mga bagong pangalan na nababasa kong nagmumula sa mga comments.
Yes! Achievement, haha. Maliit na bagay man pero para sa akin sobra na, salamat talaga sa inyo!
At guys pahabol, medyo walang sense na muna ang mga nangyayari, wala pa tayo sa mga drama-oa scenes eh.. Pinag-iisipan ko pa kasi, para iwas palpak.
Marvs! Dahil sa'yo, hindi mawawala ang Speechless.. isama pa ang Katahimikan! Haha!!
Vienne ' Rye, Salamat :))
Again, maraming salamat po sa lahat :))
Happy reading!
--
Point Of View
- K a s h -
"Nakakahiya talaga." inis ko pa sa sarili habang nagsusuot ng damit.
Ang tanga ko! Hindi nga pala ako nakikita ni Seven pero todo takip ko sa dapat takpan kanina habang papasok ng kwarto.
"Kuya bilis po, kakain na!" rinig kong pagsigaw pa ni Tenten.
Buti na lang talaga, walang nakakita sa katangahan ko kanina. Buti na lang at pagkatapos akong sabihan ni inay ay dumeretso siya kagad sa may hapag.
"Karlo wag tanga." sabi ko muna sa harap ng salamin bago tuluyang lumabas.
Pagkalabas ko ng kwarto ay agad narin akong pumunta sa may hapag.
Nakaupo si inay, tenten, chan at Seven.
Paano kaya kumakain si Seven? Sana hindi siya gaanong nahihirapan, mahirap naman kasi talaga yung sitwasyon niya eh.
"Kuya eto po.. tapos eto po.. eto pa po.." sabi ni Chan habang inaasikaso niya ang kanyang kuya.
Nilalagyan niya ng pagkain ang pinggan ng kuya niya.
"Kapag po ganitong kumakain kami, si mommy at etong si Chan ang nag-aasikaso sa akin." nakangiting sabi ni Seven.
"Mabuti na lang talaga at mabait yang si mommy mo." sabi naman ni inay.
Nanatili lang ako sa aking pwesto, nagmamasid, nakatago.
Pinapanuod ko si Seven kung paano kumain.
Kaya naman niya, kapa-kapa.. gamit ang kutsara't tinidor, dahan-dahan rin.
Teka..
Ba't kaya ganun noh? Mukhang magkaedaran lang si inay pati yung mommy nila Seven pero bakit "Nay Malia" ang tawag nila kay inay?
Bata pa si inay eh, mag 38 palang siya niyan. Tapos "bata" pa yung tawag niya sa mommy nila Chan.
Pero sabagay, syempre naging katulong siya sa pamilya nila kaya siguro konsiderasyon nadin?
"Asan po si Kash?" biglang sabi ni Seven.
"Nasa kwarto pa yun, palabas na niyan." sabi naman ni inay.
Hinahanap ako ni Seven? Haha.
"Mabait po pala siya, nakakwentuhan ko po kasi siya kahapon." nakangiting sabi naman ni Seven.
Napangiti rin ako, masarap talaga sa pakiramdam na may napapasaya kang tao, kahit na maliit na bagay lang ang ginawa mo.
"Mabait talaga yun, madaldal lang." pagtawa pa ni inay.
"Joker rin po si kuya." pahabol pa ni Tenten.
Mukhang nasisiraan na ako ah? Kailangan ko nang makisali sakanila.
Maglalakad na sana ako nang magsalita ulit si Seven.
"Nay Malia, pumayag na po ba kayo sa sinasabi ni mommy?" biglang sabi ni Seven.
Payag? Sinasabi?
"Oo eh, kailangan rin naman kasi.. nagpapasalamat nga ako at naialok ng mommy mo yun." balik ni inay.
Ang alin? Ang gulo naman nila mag-usap.
"Sa kusina at mga kwarto lang naman po ang aasikasuhin niyo diba?" tanong pa ni Seven.
"Oo, kaya asahan niyo na malilinis ng sobra yang mga kwarto niyo." tonong paninigurado pa ni inay.
Ha? Mamamasukan si inay sakanila? Kaya pala sabi ni inay kagabi na may trabaho na siya at yun pala.
Edi.. edi.. edi pwede na akong pumasok lagi sa bahay nila at pwede ko nang pagmasdan ng malaya yung mga halaman nila tapos yung malawak na damuhan!
Ang galing naman. Nice nice talaga! Galing galing pa!
"Ako naman po sana ang mang-aalok sa inyo." biglang pagseseryoso ni Seven.
"Sige, ano ba yun?" balik ni inay.
"Sabi po ni mommy na nangungupahan lang kayo dito, at gusto ko po sana na sa bahay na lang kayong tatlo tumira. Tutal ganun rin naman po eh." sabi ni Seven.
Teka, eh magmumukhang abusado na kami nun eh? Nakakahiya sa mommy nila, tsaka masyado naman silang mababait.
"Kung ako lang ay payag naman dahil nakasama ko narin yang mommy mo sa bahay dati ng tita mo pero.. kausapin ko muna si Karlo ah? medyo baka hindi niya magustuhan yan eh, ayaw niya kasi ng puro bigay.. kahit mukhang mapagsamantala yang batang yan." pagtawa pa ni inay.
Akala ko pa naman puri na, arrgh!
"Oh kumakain na pala kayo.." biglang sabi ko kunwari habang papalapit sakanila.
Sinamahan ko narin ng unat unat tsaka hikab, hehe.
"Maupo kana rito." sabi ni inay.
Yung dalawang bata, abala lang sa pagkain.
Si inay patapos na, si Seven naman ayun at dahan-dahang kumakain.
"Kuya pagkatapos po daw nating kumain dun tayo kila Chan." excited na sabi ng kapatid ko.
Aga-aga, puro laro ang inaatupag.
"Hindi ba magagalit yang si mommy mo Chan?" tanong ko nang magsimula ng kumain.
"Hindi po, si kuya rin po kasi mapilit eh." balik nung bata.
Tsktsk! Kuya pala ang may pakana eh.
"Anong ako? ikaw kaya.." tanggi naman nung kuya.
"Osige na lang, pupunta kami. Basta wag masyadong magpapagod sa kakalaro ha?" pagharap ko pa sa kapatid ko.
Kita ko naman na pangiti-ngiti lang yung si Seven.
Yung dalawang bata nag-apir pa.
Ayos narin 'to, atlis makikita ko yung mga halaman.
"Karlo asikasuhin mo sila ha? maglilinis lang ako sa harap." biglang sabi ni inay pagkatapos niyang uminom ng tubig.
"Nay ako na po magwawalis mamaya sa labas." sabi ko pa.
Pero mapilit, siya na lang daw.
"Seven, anong pwede nating laruin mamaya?" pagpansin ko naman sa taong kaharap ko.
Ano nga bang pwede?
"Pwede bang magkwentuhan na lang tayo? Lagi kasing pinagmamalaki nung mga katulong namin yung harap namin, yung malinis at malawak daw naming damuhan tapos may mga bulaklak pa at maliliit na halaman." sabi niya.
"Ahh.. Osige, ako bahala mamaya. Ikekwento ko yung itsura, bawat ditalye sige." excited kong sabi.
Sakto diba? Eh sa mahilig ako sa mga ganun, nice nice talaga!! galing galing narin!!!
"Karlo anak may bisita ka.." rinig kong sabi ni inay.
Bisita? Umagang-umaga bisita?
"Nay naman, ang aga-aga pa eh." balik ko.
"Hi."
Napatingin ako sa nagsalita, nakangiti pa ito.
"Oh Jacob?" gulat ko.
Ano namang gusto neto?
"Hi." sabi niya ulit.
"Aba.. ang aga-aga nagmumulto ka?" pagngiti ko.
"Hi." sabi niya ulit.
"Bakit nga?" tanong ko pa.
"Hi."
Napailing na lang ako sa kakulitan niya.
"Hi din. Hi. Hi. Hi." pagsuko ko.
"Good, ahmm.. may gagawin kaba mamayang gabi?" tanong niya.
Mamayang gabi? Hmm.. wala naman.
"Wala bakit?" simpleng sabi ko.
"Invite sana kita, birthday ni Vince. Dali sila rin nagsabing iinvite ka." tonong pamimilit pa niya.
"Hah?" nasabi ko na lang.
"Dali na, bilang kabayaran mo narin sa amin, sa pagtulong namin sa'yo tapos sa pangjo-joke mo pa." sabi niya.
"Tanong ko muna kay nanay ko." sabi ko na lang.
"Okay sige, salamat. Asahan kita ha? sunduin kita dito mamayang gabi kung sakaling payagan ka, mga bandang 7." masayang sabi naman niya.
Napatango na lang ako.
"Bye." ngiti niya.
"Ge, bye." balik ko.
Baka mangkulit nanaman eh.
Akala ko pa naman kapag lumipat kami ng tinitirhan maghahari 'tong katawan at kapogian ko.
Hindi pala. Haha.
Si Jacob, kayumanggi tapos may itsura rin, maganda rin yung katawan. Feeling tisoy nga eh, nung sa tindahan kasi kahapon todo iwas siya sa sinag ng araw, ang arte.
Si Seven naman, mukhang kasing katawan ko lang, tapos maputi at gwapo. Hindi nga lang nakakakita, pero malakas ang dating.
Tapos yung dalawang alagad pa ni Jacob, may mga ipagmamalaki rin.
Tsk tsk, mukhang mali ata kami ng nilipatan? Ay ewan.
"Ahm.. Seven?" mahinang sabi ko.
"Ano?" balik niya.
"May WiFi ba kayo?" nahihiya man ay tinanong ko parin.
"Oo, kailangan kasi ni mommy at daddy kaya ayun." balik niya.
Ang galing, may WiFi sila.
Kami nga wala eh, ang galing naman. Ano pa kayang meron sila?
"May kaibigan kana pala dito?" biglang sabi ni Seven.
"Ah si Jacob ba? P-pwede.. O-oo.. kaibigan ko narin kung maituturing, tatlo sila." patango-tango ko pang sabi.
"Akala ko kasi, kami palang kaibigan mo." sabi naman niya.
"Ay nako, kaibigan ko pa naman kayo ni Chan, wag kang mag-alala mas gusto naman kita kesa kila Jacob." tonong paninigurado ko.
"Talaga?" pagngiti pa niya.
Teka, teka?
Tama ba yung sinabi ko?
Arrggghh!! Sobrang kadaldalan ko kung anu-ano na nasasabi ko.
Nakakahiya, kalalaking tao ko may "mas gusto mas gusto" pa akong nalalaman. Aaaasssshhh!!!
-----
Point Of View
- J a c o b -
"Oh kamusta? Sasama ba daw?" agad na sabi ni Alex nang makarating ako kila Vince.
Mga nagre-ready na sila. Nasilayan ko narin yung case ng red horse sa may tabi ng kusina.
"Ewan? Magpapaalam pa daw eh." balik ko.
"Alam niyong yung nakatira dun sa malaking bahay diba? yung may malawak na harap." sabi ko pa.
"Oh napano?" kunot ni Vince.
"Kaibigan pala ni Kash, nandun kasi siya eh.. kasama pa nga niya yung kapatid niya." sabi ko.
"Oh eh ano naman? Selos ka noh?" sabi naman ni Alex.
Napailing na lang ako. Hindi talaga nakakausap ng matino 'tong dalawa.
"Diba nga hindi nakakakita yun?" sabi ko na lang.
"Eh ano naman?" pagkunot pa ni Alex.
"Ibig kong sabihin.. paano kaya sila naging magkaibigan ni Kash?" tanong ko.
"Ay ewan namin sa'yo, nagseselos ka lang panigurado. Mabuti pa, tumulong kana rito." sabi naman ni Vince.
Ay ewan, basta mahalaga makakasama sa amin mamaya si Kash.
"Bakit ba kasi ang aga? 8 palang oh, tapos nagreready na kayo." inis ko naman.
"Mamayang hapon, mga pinsan ko ang darating kaya dapat magready na hindi yung naghahabol pa tayo ng oras mamaya, si mama ko namalengke pa ng ilan." agad niyang sabi.
Okay okay. Bahala na.
Medyo nawalan talaga ako ng gana ngayong umaga.
"Jacob, hindi pwera maraming nagkakagusto dun kay Seven ay magkakagusto narin sakanya si Kash, lalake si Kash okay?" biglang sabi ni Alex.
Tumango na lang ako.
Ewan. Ewan.
Makapagsalita sila parang gusto ko si Kash, eh hindi naman kaya!!
-----
Point Of View
- S e v e n -
".. oo tapos sa may bandang dulo naman, maraming maliliit na halaman ng sili. Mahilig siguro kayo sa sili, tapos dun naman sa may gilid calamansi, wow naman kumpleto.. tapos etong damuhan ang lawak tapos ang ganda ganda tapos sa ano naman may mga..."
Nakangiti lang ako habang nakikinig kay Kash.
Tuloy-tuloy siyang nagsasalita, walang preno haha. Madaldal nga.
Naikwento man ng iba naming katulong ang itsura ng harap ng bahay namin ay mas masarap palang pakinggan yung kwento ni Kash. Tuloy-tuloy eh, walang preno tsaka halatang gustong-gusto niya yung mga sinasabi niya.
"Ayan, ayan, ayan ba't may tutubi? Ayun oh.. ay teka.. wag kang maingay.." biglang sabi niya.
"Ay nakatakas, siguro professional yun?" tonong panghihinayang pa niya.
"Kailan kaya darating yung araw na makikita ko yang mga sinabi mo, yung magagandang halaman.. malawak na damuhan.. ano sa tingin mo?" nakangiting tanong ko.
"Huwag kang mag-alala malapit mo naring makita itong napakalawak at napakagandang harap niyo. Kapag dumating ang araw na iyon, tayong dalawa mismo ang mauupo ulit dito sa damuhan at pagmamasdan natin ang napakagandang kapaligiran niyo." tonong paninigurado niya. "Syempre noh hindi ako papahuli, ang ganda kaya."
"Sana nga. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa eh." sabi ko pa.
"May tanong ulit ako, kung okay lang." biglang pagseseryoso niya at naramdaman ko pang tumabi siya sa akin.
"Ge, tanong mo na." mahinang pagtawa ko pa.
"Pinapadoktor mo ba yang mata mo? Ano daw sabi nung doktor?" tanong niya.
Parang bata talaga 'to minsan kapag nagsasalita, parang napakainosente ng dating niya.
"Tuwing katapusan ng buwan pumupunta kami sa ospital at nagpapa-check up." balik ko.
"Ahh.. ano daw sabi?"
"Sa totoo lang medyo problema talaga eh, pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa." mahinang sabi ko.
"Diba pwede naman yung donate ba yun? Yung sa mata ng ibang tao." sabi naman niya.
Parang bata lang talaga.
"Oo, kaso ayaw ko ng ganun eh, natatakot ako." pagsabi ko ng totoo.
"Ba yan, huwag ka ngang matakot. Paano kung dumating tayo sa punto na yun, tatanggi kapa? eh diba nga gusto mo nang makakita?" agad na sabi niya.
"Pero sabagay naiintindihan kita, basta ba magdasal ka lang at syempre magtiwala, makakakita karin." sabi pa niya.
Lihim akong napangiti
Masarap sa pakiramdam at nakakarinig ako ng mga ganito mula sa ibang tao maliban sa pamilya ko.
Nanatili lang kaming tahimik, ramdam kong nariyan parin siya sa aking tabi.
"May bisita ata kayo? May kotse oh papasok.." biglang sabi ni Kash.
"Hah?" nasabi ko na lang.
Si Daddy kaya? Pero ba't ang bilis naman niyang bumalik?
"Kash pwedeng pakitawag si mommy?" agad na sabi ko.
.....
"Napaaga ata ang dating mo? Hindi ba't hanggang sa susunod na linggo kapa?" tanong kagad ni mommy kay dad.
Nasa may salas kami. Dito rin naglalaro yung dalawang bata, sinamahan narin ni Kash yung dalawa.
Bale nasa salas kaming lahat.
"Medyo wala na kasing problema yung trabaho eh kaya umuwi narin ako kaagad para sa anak ko." sa tono ni dad, alam kong masaya siya.
Para sa anak niya? Kasama ba ako?
"Chan anak, hindi mo ba namiss si daddy?" biglang sabi pa niya.
As always, ganito naman palage, parang wala lang ako.
"Namiss po, mamaya na lang po tayo maglaro daddy, may kalaro po kasi ako eh." rinig kong balik ng kapatid ko.
"Sungit naman ng anak ko, osige mamaya kana kakausapin ni daddy." tonong panlalambing ni dad.
"Hindi kaba nagugutom? Teka.. ipaghahanda kita.." biglang sabi ni mommy.
"Daddy, kamusta po yung biyahe?" tanong ko.
Naghintay ako, pero hindi ito sumasagot.
"Dad? napagod po ba kayo?" tanong ko pa.
"Kamusta na po yung.."
"Diana, sa taas mo na ako dalhan ng pagkain, aakyat na ako sa kwarto at magpapahinga na muna ako." rinig kong sabi ni daddy.
Tumahimik na lang ako.
Ano bang dapat kong gawin para mahalin rin ako ni daddy? Talaga bang ganun kahirap magkaroon ng anak na hindi nakakakita?
Masakit ba yun para sa isang magulang? Ganun ba talaga ako kawalang-kwenta?
Ayaw ba niya talaga ako?
"Wuy, wag kang iiyak, diba matapang ka?" rinig kong sabi ni Kash at pagtabi pa niya sa akin.
"Nakita mo naman diba?" walang ganang sabi ko. "Wala kabang narinig?"
"Huwag ka mangdamay Seven, diba magkaibigan tayo? nang-aaway ka pala ah.. ikaw ah.." tonong pambibiro ni Kash at sinisiko pa niya ako sa tagiliran.
Napangiti na lang ako.
May kaibigan na nga talaga ako, haha.
"Pasensya na." mahinang sabi ko.
"May sasabihin ako." agad na sabi niya.
"Ge ano yun?" pagngiti ko.
"Gwapo ka parin pala kahit na paiyak kana." balik niya.
Saglit akong napatigil.
"Joke lang, kayo talaga ang bilis niyong madala sa jokes." pagtawa pa niya.
"Joke ba talaga yun?" agad na tanong ko.
"Oo nga. Pasensya na, mahilig talaga ako magbiro eh." patuloy parin ito sa pagtawa.
"Edi ibig mong sabihin ay panget ako." sabi ko na lang.
Tumigil naman ito sa pagtawa.
"Eto naman, napakaseryoso mo namn ata?" biglang sabi niya.
"Kash may sasabihin ako." mahinang sabi ko.
"Ge ano yun?" pagdikit pa niya sa akin.
"Masarap ka kakwentuhan, mapagbiro ka, madaldal tapos mabait rin. Parang.. parang ang sarap mong mahalin." pagngiti ko pa.
"Hah? Ah.. se.. Ah..." tonong hindi mapakali niya.
"Joke lang, uto-uto karin pala." pagtawa ko pa.
"Aarraaay!!" biglang pagsigaw ko.
"Yan ang napapala ng mga feeling joker." rinig kong tumatawang sabi niya.
Ang sakit niyang mamitik, yung daliri ko namumula na ata?
"Ang sama mo." inis ko na lang.
"Uyyy pikon.." paniniko pa niya sa tagiliran ko.
Nakakainis rin pala si Kash, pasalamat siya at hindi ko siya nakikita, kundi.. pitik rin ang abot niya.
"Ay wait.. may tumatawag." biglang sabi niya.
"Hello? Sino 'to?" agad niyang sabi. "Jacob? s-san mo nakuha number ko?.. hah? h-hindi pa ako nakapagpaalam eh.. talaga? akala ko ba gabi?.. h-hah?.. O-okay..."
Pakikinig ko, sino ba yung Jacob na yun?
Kaninang umaga pumunta yun kila Kash, tapos inaagkat niya si Kash.
"Ano daw?" agad kong sabi nang magpaalam siya sa kausap.
"Mamayang five susunduin na niya daw ako, napaalam na rin niya ako kay inay. Ewan ko ba dun, feeling close." balik niya.
"Sasama ka? Saan ba daw?" tanong ko pa.
"Oo eh, mukha namang mababait yung tatlo kahit na seryoso ang mga dating nila. Sa ano daw.. sa Mabalacat ata yun?" sagot niya.
Akala ko pa naman hanggang mamaya ko siya makakakwentuhan.
Nagkaroon naba kayo ng kaibigan? Yung bang medyo malapit sa inyo?
Ako kasi parang pakiramdam ko malapit na kami ni Kash sa isa't-isa eh.
Ganito rin pala yung pakiramdam ng may kaibigan, yung bang ayaw mo siyang aalis dahil maiiwan ka mag-isa.. o ayaw mo siyang aalis dahil gusto mo na kayo lang ang magkaibigan, selos ba yun?
"Kuya swimming tayo?.. sige na po dali.." rinig kong biglang sabi ni Chan.
"Nagsiswimming ka?" agad na tanong ni Kash.
"Hindi naman, nagbababad lang ako pero hindi ako lumalangoy, alam mo naman sitwasyon ko.." balik ko.
"Seven anak magswimming daw kayo ni Chan, ayan nandyan rin sila Karlo at Tenten, marami kayo." rinig kong sabi ni mommy.
"Kash gusto niyo ba?" tanong ko kagad kay Kash.
"Oo sige sige, tara tara.." excited nitong sabi, pabulong pa.
"Chan, pahiram mo si Tenten nung pangswimming mo ha?" agad na sabi ko naman kay Chan.
-----
Point Of View
- K a s h -
"Grabe, may swimming pool pala kayo dito sa likod? Nice nice.." manghang sabi ko nang makarating kami sa likod ng bahay nila.
Ako narin ang nag-alalay kay Seven.
"Hintayin muna natin yung dalawa nagbibihis pa." sabi naman niya. "Marunong bang lumangoy si Tenten?"
"Ahm.. hindi eh, minsan lang ata sa isang taon kung makapagswimming kami." nahihiyang sabi ko naman.
"Si Chan kasi marunog, kaya kahit dalawa lang kaming nagsiswimming ay walang problema."
Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya.
"Game po." biglang sabi ni Chan.
Aba, mga excited, si Tenten naman tuwang-tuwa.
"Dun lang kayo sa may hindi malalim. Wag makulit." sabi ko naman.
At agad na nga silang tumakbo papunta roon.
"Tara?" rinig kong sabi naman ni Seven.
Paglingon ko naman sakanya ay siyang agad kong pagpikit.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Kalalaki kong tao gumaganito ako, arrgghh.
"Nakakagulat ka naman." sabi ko na lang.
"Pwede bang paalalay hanggang dun sa pool, yung may parang pababa.."
Sabi niya kaya naman inalalayan ko na.
Ngayon nakashort na lang siya.
Akala ko maganda na yung katawan ko, hindi pala.
Mas maganda pala yung sakanya, pareho kaming slim, pero ma-muscle ang dating.
Kung yung abs ko nagpapaluha ng babae, yung sakanya parang pati lalake mapapaluha.
Napapailing na lang ako sa aking mga naiisip.
Erase.
"Ahmm Seven, nakita mo naba yung katawan mo?" sabi ko na lang habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta pool.
"Hindi pa eh, pero alam kong maganda." tonong pagmamalaki naman niya.
"Wow naman, naghahangin karin pala?" pagtawa ko pa.
"Hindi ba?" sabi naman niya.
"Hm.. tama ka naman pero mas maganda parin yung akin." paghahangin ko rin, hehe.
"Ge deretso lang ang lakad." sabi ko saka siya binitawan.
Agad kong inalis yung tshirt ko. Eto na! Swimming na 'to!! Haha.
"Oh Seven.." agad kong sabi nang muntikan na siyang madulas.
Buti na lang at agad kong nakuha yung katawan niya.
Ba't ba ako naiilang? Arrgghh!
Nagkadikit kasi yung katawan namin, yung dating tuloy parang niyakap ko lang siya.
"Tara.." sabi ko na lang saka siya ulit inalalayan.
"Oh dahan-dahan ha?" sabi ko nang pababa na kami ng pool.
Sa nakikita ko hanggang baywang namin yung tubig, tapos sa may dulo mga medyo 7-10 feet na siguro.
Yung kila Tenten naman mga 3-4 naman.
"Yan, ganito lang ako. Babad lang." nakangiting sabi niya.
"Ganun ba? Ge, magbababad rin ako." balik ko.
"Talaga bang nakatayo ka lang diyan? Hindi kaba naglalakad o ano man lang?" tanong ko nang mapansing nakatayo lang siya at nilalaro yung kamay niya sa tubig.
"Hindi eh, natatakot ako, baka kasi mamaya nasa malalim na pala ako." balik niya.
Hmm? Alam ko na.
"Ge ganito. Harap ka dito." paghawak ko pa sa magkabilang balikat niya at pagharap sa akin.
"Yan, lalayo ako ha? Tapos ikaw.. deretso lang ang lakad mo hanggang sa umabot kana sa akin. Basta kapag nahawakan mo na ako, yun na." excited kong sabi.
"Huwag mong pakalayo ha?" sabi naman niya.
"Ge, basta lakad ka lang ng deretso, ako na bahala sa'yo." paninigurado ko pa saka na ako nagsimulang naglakad paatras.
"Yan lakad na..!" pagsigaw ko.
Hindi naman malalim dito, mga nasa abs ko na :))
At nagsimula na nga siyang maglakad, dahan-dahan at pakapa-kapa pa.
"Ge kaya mo yan..!" pagsigaw ko pa.
"Malayo kapa ba?" balik niya.
"Ayan malapit na, nakaready na yung kamay ko, finish line mo." agad na sabi ko nang malapit na siya.
Hanggang sa..
Nakarating na siya.. at..
..
.. Speechless
Katahimikan ..
Teka.. teka paano ba magrereact?
Imbis kasi na kamay ko yung hahawakan niya ay iba yung nahawakan niya.
"S-sorry." biglang sabi niya.
Parang tumigil lahat, walang gumagalaw, napakatahimik.. tanging mga tawanan nila Tenten at Chan ang naririnig namin.
Teka.. t-teka..
Ano ba 'to? Tsaka ba't.. ba't parang may nagising?
ARRRGGHHHH!!
Awkward ba tawag dito?
Itutuloy
Sobra na, puro Kash at Seven ang awkward moment xD
Ge gawan natin si Kash at Jacob :))
Guys! May trabaho na ako YEHEY, sa fastfood! Maganda na para sa nagsisimula at batang katulad ko, haha.
Magsisipag parin ako sa pagsusulat, para sa inyo. Huwag sana maging masyadong busy ang buhay trabaho.
Congratulations. ButI naman at may work ka na. Salamat sa update. Take care.
ReplyDeleteHaha grabe natawa ako sa part ng speechless at katahimikan.haha Congrats on your new job! Galingan mo pa pagsusulat! :-) Marvs
ReplyDeleteMore Kash and Seven moments pls!! Hahaha
ReplyDelete-jst
Hmmm ang kulit lang. Update na agad please.
ReplyDeletetaga angeles ka nga rin ba kuya?. hehe
ReplyDeletecute story po :)