AUTHOR’S
NOTE: Hello!
Ito na po ang pinagkaabalahan kong update! Advance isang araw yan ha? Haha!
Anyways, this is all Josh’s POV. Yung simula nga lang ay kay Riel, dahil gusto
kong tapusin yung scene sa #MeetTheInLaws. Kaya yun.
Maraming salamat pa rin sa lahat ng mga
sumusuporta at nananatiling tagapagbasa ng akda na ito. Maraming maraming
salamat talaga!
Salamat pa rin kila Sir Mike Juha at Sir Ponse
para sa patuloy na pagbigay sa akin ng opportunity na ito.
Sa mga Flood likers kong sina JAMES LANIPA, DAVE
CAMPOSO, ANDREFFER ESTOCONING GAQUIT, GABRIEL GIOVANNIE SEGURITAN RONQUE, ANGEL
THREESIXTY, CARLOSBLUE ROSE, MARK ANSLEY AGLAPASIN, REDWINE REDWINE, JERIC
ASHER CUÑADO, NHIE CAS, RED IAN BENEDICT
LOPEZ, ALVIN OLIVERA SANCHEZ, JACE ALJAYU, MISHA XELA, JOSHIE MITOY, MARVIN D
YU, EDGAR LACXAMANA at KIERLAN FAMI.
Sa aking mga commentators na sina, JST, PRINCE
JUSTIN DIZON, ANGEL, ANGELTHREESIXTY, JAY O5, Sir ALFRED OF T.O., MARVS, TREV,
YELSNA, and DAVE. Maraming salamat sa mga papuri. I am trying my hardest to
satisfy your reads. Sana lagi pa rin kayong andyan. :D
Sa mga kapatid ko sa industriya, VIENNE CHASE,
JACE PAGE, BLUEROSE, GIO YU, COOKIE CUTTER, PRINCE JUSTIN DIZON. Hi lang. Haha!
Mag-update na rin kayo, plith?
Salamat pala kay NHIE CAS for a very wonderful
fan art. :D Nasa group siya, kung gusto niyong makita. :D #BlueberryCheesecake
Heto na! Late ako sa sinabi kong oras ng
posting! Pagpapasensyahan niyo na ako. Dinagdagan ko kasi, kaya 22 pages na
siya. O di ba? ‘Wag na magtampo, please? :D
Enjoy reading! #LoveIs17 #LoveIsMyConfusedHeart
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental. All images, videos and other materials used in
this story are for illustrative purposes only, photo credits should be given to
its rightful owner.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS
CHAPTERS
ADD US TO
YOUR READING LIST
(Blogger App)
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Gio Yu’s Final
Requirement (On-going)
Vienne
Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s
The Tree, The Leaf And The Wind (On-going)
Bluerose Claveria’s
Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin
Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie
Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XVII
Riel’s
POV
Masaya
ang naging hapunan sa bahay ng mga Ariola. Napuno ito ng bukingan tungkol sa
kabataan ni Red. Kaya’t marami akong nalaman tungkol sa kanya. Hindi naman kasi
ako stalker noon. I’ve never resorted to such things, kasi magmumukha lang
akong masama sa mata niya.
“Pwede
ka naman ditong matulog e.” Parang batang pakiusap ni Mama sa akin.
Oo,
Mama na talaga ang tawag ko sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay sa Mommy, Mom,
o kaya nama’y ‘My. Okay naman na sa kanila ang pagtawag ko ng ganoon.
Napakamot
na lang ako sa aking batok. Kanina pa siya nangungulit na dito na lang daw ako
matulog sa kanila. Sa kwarto raw ni Red. Gustuhin ko man ay gusto ko ring
macheck ang bahay. It’s been a week, na wala doong tao.
“Sorry
po, Ma. Kelangan ko rin po kasing i-check yung bahay. Tsaka may pasok po kami
bukas.” Ngiti na lang ang pinangtapos ko sa tugon ko sa kanya.
“Sabi
ko naman sa’yo, palabhan na lang natin e. May dryer din kami. Bukas tuyo at
plantsado na rin yun.” Aniya. Tinutukoy niya yung uniporme kong dala sa field
trip. Yun kasi ang sinuot namin noong last day.
Tumingin
ako kay Red para magpatulong. Maskin siya’y gusto akong matulog dito. Haha!
Alam na this. Pero, sabi ko nga, we’re just starting. May hiya naman ako. Tsaka
may bahay naman ako. Baka bisitahin ako nina Mama, Papa, Ate at Kuya Terrence
sa panaginip, dahil pinabayaan ko na ang bahay namin.
“Hayaan
niyo na si Riel. Besides, this is not the last, di ba? Marami pang
pagkakataon.” Pangungumbinsi ni Papa sa kanila. Nahalata siguro niyang, ilang
pilit na lang ay susuko na ako. Pero kailangan ko talagang umuwi e.
“Eeeeeeeee!”
Parang batang pagtutol ni Mama.
Napangiti
na lang ako sa reaksiyon niya. Ganito pala dito sa kanila. I’ve never imagined
na para lang silang magbabarkada. Well, kami nina Mama, Papa at Ate ay ganun
din naman, pero may niset na limitasyon sina Mama para doon. Naintindihan din
naman namin sila.
“Kahit
labag sa loob ko, sige na nga. This isn’t the last. So, we better not to be possessive
to Riel, Mom.” Ani Red.
“Red!”
Pinandilatan niya ang anak. “Dapat pinaglaban mo! Ayaw mo bang makatabi si
Riel?” Pangtitempt nito sa anak.
Napailing
na lang kami ni Papa sa kanila. Si Red kasi’y natatawa na. Nako, alam ko na ang
iniisip niya. Nasa byahe pa lang kami’y yun na ang nasa isip niya. Ngunit,
subalit, dapatwat, kahit gusto ko ma’y ‘wag muna. I’m not a hypocrite. Haha!
May tamang panahon para doon. Hindi ko alam kong ako lang ba ang nag-iisip
noon, pero! Ah, basta! Haha! Nakapagdesisyon na ako. Haha!
“Marami
pa pong pagkakataon, Ma. Promise ko po iyan. Nandoon din po kasi yung mga gamit
ko sa eskwela. Sorry po kung hindi talaga kita mapagbibigyan.” Sabi ko.
“Sige
na nga!” Pagsang-ayon niya. “Pero, promise mo ‘yan ha?” Dagdag niya.
Tumango
naman ako bilang tugon.
“O
siya! Ihatid mo na si Riel, Red. Pero, papasamahan ko kayo sa driver. Medyo
malalim na ang gabi, kaya’t hindi na pwedeng, ikaw lang mag-isa ang maghatid
kay Riel.” Aniya.
“Sige
po, Mom.” Sagot naman sa kaniya ng anak.
“Sige
po, Mama, Papa! Sa uulitin na lang po. Maraming salamat din po sa pagkain.
Nabusog talaga ako. Paalam po!”
“Sige
na, Riel. Sa susunod ha?” Pag-uulit niya.
“Helena.”
Pagkuha sa kanyang atensyon ni Papa, pinandilatan niya ito.
“Hehehe!
Naninigurado lang naman ako Seth, e.” Lumapit siya dito tsaka nilambing.
“Ikaw
kasi! Pagkatiwalaan mo na lang si Riel. He promised, that’s enough.” Aniya.
“Oo na!
Ikaw! Napaka mo!” At nagtawanan kaming lahat doon. Si Andrei lang ang busy.
Naglalaro lang siya sa kanyang iPad.
“Bye,
Andrei!” Nakuha ko ang atensyon niya at tumango.
“O
siya! Lakad na kayo.” Ani Papa sabay tapik sa aking balikat.
“Mag-iingat
kayo ha?” Si Mama naman sabay beso sa akin.
“Opo.”
Naisagot ko na lang.
Gaya
nga ng napag-usapan, kasama namin yung isang driver ng mga Ariola. Nasa
backseat kami nakaupo ni Red. 10 minutes lang naman ang byahe papunta sa amin
kaya’t mabilis lang kaming nakarating doon.
Tinulungan
na ako ni Red sa pagbitbit ng maleta ko. Ako na lang daw kasi ang magdala noong
back pack ko. Wala na naman akong magagawa e. Nauna na niya itong kunin sa
compartment ng kotse.
“Manong
Art, pahintay na lang po ako dito sa labas. Hatid ko lang po si Riel sa loob.”
Rinig kong bilin niya sa kanilang driver. Tumugon naman ito sa kanyang
pakiusap, kaya’t hindi na ito bumababa pa ng kotse.
Nasa
pinto na ako ng bahay ng makasunod siya. Nang makapasok kami’y mas sumaya pa
ako. Nakita ko na naman kasi ang magagandang ngiti ng pamilya ko sa aming sala.
Mayroon kasi kaming malaking picture doon sa gitna ng dingding sa aming sala.
“Magandang
gabi po, Mama, Papa, Ate! Nakauwi na po ako.” Masayang pagbati ko sa mga nasa
larawan.
Napabaling
ako sa pumasok na si Red, dala dala ang aking maleta. Agad niya itong iniayos
sa tabi at tumabi sa akin.
“Magandang
gabi po, Mama, Papa, Ate Karisma.” Aniya.
“Ma,
Pa, Ate. Si Red po pala. Jared Isaiah Ariola. Boyfriend ko po. Ang cheesecake
ng buhay ko.” Pagpapakilala ko sa kanya.
Bumaling
ako sa kanya, nabigla naman ako ng sa akin pala siya nakatingin. Ang lapit! My gosh!
Agad ko na lang iniiwas ang aking mukha sa kaniya. Payak siyang natawa.
“Nice
to meet you po! ‘Wag na po kayong mag-alala kay Riel. Ako na po ang bahala sa
kanya, simula ngayon. Maaasahan niyo po ako.” Aniya.
Napatingin
ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Nakangiting mukha niya ang sumalubong sa
nanlalaki kong mata. Syempre no! I’m overwhelmed. Kahit hindi sa personal niya ito
sinabi sa magulang at kapatid ko, it really means a lot.
Sa
tingin ko, nakita niya na naman ang mga magulang ko e. 2 years pa lang naman
buhat noong nawala sila. Palagi silang pumupunta sa school kapag kailangan,
tulad ng Family Day, Meetings, at kung anu ano pa. Nandoon din naman siya noong
lamay at inilibing sila.
“Sige
na. Gumagabi na. May pasok pa tayo bukas.”
“Gusto
ko sanang dito matulog ngayon.” Malambing na sabi niya. Niyakap niya na rin
ako.
“Hoy!
May pasok kaya bukas!” Asik ko. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko o
assuming lang talaga ako. Somewhat ba, gusto ko rin yung iniisip niya? Haha!
“Pwedeng
‘wag na lang tayong pumasok? I want to be with you the whole day tomorrow.”
Aniya. Nakabaon na ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat.
“Ano?”
Naiangat ko tuloy ang ulo niya. “Hoy, Mr. Ariola! Hindi pupwede ang iniisip mo
no!” Pinitik ko na ang kanyang noo.
“Aray!”
Aniya. Natatawa pa.
“Ang
pilyo pilyo mo! Graduating na tayo, kaya’t bawal ang bulakbol. Tsaka balik
practice ka na rin sa soccer. Di ba may tournament sa October? Inaasahan ka pa
naman ni coach! Tsaka, kailangan ko din namang pumasok para sa SC no! Malapit
na kaya ang School Fest!”
“Eee.
Ayoko nang mag-aral. Baka matalo pa kita sa standings, magalit ka sa akin.”
Sino ba nagsabi noon? Kainis ‘to! Haha!
“Inspeaking
of academics. Don’t worry about that. Wala naman akong pakialam sa standings e.
Ang importante sa akin ay mamaintain ko yung grades ko for scholarship. Kaya,
no worries, okay?”
“Hmm.”
Aniya. Ibinaon niya na naman kasi ang mukha niya sa balikat ko.
“Hala,
sige na! Pagagalitan ako nito nila Mama at Papa dahil ginabi ka ng uwi.”
Pagtataboy ko sa kanya. Este, pangungumbinsi. Mag-aalas onse na kaya ng gabi.
May pasok pa bukas.
Naiangat
niya ang kanyang mukha at hinarap ako. Nasilayan ko ang pinapangarap kong ngiti
mula sa kanya. Maswerte ako’t pinagbigyan ko siyang muli. Hindi ko alam kong
anong mangyayari sa hinaharap, I’ll just let my fate take me to anywhere. As
long as kasama ko siya, alam kong magiging masaya ako.
“Did
you enjoy our family’s company?” Tanong niya.
Tumango
ako. “Sobra. Thank you for bringing me there.”
Umiling
siya sa sinabi ko. Kumunot naman ang noo ko. Natawa naman siya sa reaksiyon ko.
“I
mean, ako dapat ang magpasalamat sa’yo. Sa pagpapatawad mo sa akin. Sa pagpapapasok
mo sa akin sa buhay mo. This is all I am dreaming, for so long. I’m happy that
it is happening now. I will never waste this chance.” Aniya.
Tumango
naman ako sa kanya.
“See
you tomorrow?” Sabi ko.
“Yeah,
see you tomorrow.” Sagot ko sa kanya.
Nagpalipat-lipat
ang tingin niya sa mga mata ko at sa aking labi. napangiti na lang ako sa kanyang
iniisip. I know right. Maskin ako’y hindi ko mapigilan. I really wanted to kiss
him. Nagpipigil lamang ako.
Dahan
dahan kong inilapit sa kanya ang aking mukha. Hindi naman siguro masamang ako
ang mag-initiate ngayon, di ba?
Hindi
pa man ako nakalapit ng tuluyan ay mabilis na naglapat ang aming mga labi.
Sabik? Haha! Hindi na naman niya kailangan magpaalam e. Besides, kami na naman.
Matamis.
Marahan. Puno ng pagmamahal. Yan lamang ang masasabi ko. He’s into it.
Nakapikit pa siya. Ayoko namang magmukhang walang nararamdaman no. I do the
same. I feel the same, anyway.
Napaawang
ang labi ko nang bumitaw siya. Napadilat na rin lang ako. 3 minutes na kaya
yun? Haha!
“Thank
you.” Aniya. Tumango na lang ako. Lutang pa rin ako sa pagbibitaw namin e.
Kainis! Bakit nga ba may pasok kami agad bukas! Dapat may pahinga kami di ba?
Ugh!
“See
you tomorrow. Good night, blueberry ko. I love you.” Aniya.
Napangiti
na lang ako sa huli niyang sinabi. “See you tomorrow. Good night din sayo,
cheesecake ko. I love you too.” Tugon ko sa kanya.
Inihatid
ko na lang siya sa may gate. 11:20 na ng gabi, at maaga pa kami bukas.
Kailangan na niya talagang umuwi. Kailangan ko na rin matulog.
“Text
ka kapag nakauwi ka na ha?” Bilin ko.
“Okay!
Tawagan na lang kita?” Aniya.
“Text
na lang no. Baka matagalan pa tayo niyan sa pag-uusap. May pasok tayo bukas,
remember?” Tumango naman siya. “Sige na! Late na masyado.”
“Okay!
Bukas, sunduin kita ha? Ipagluto mo ako ng breakfast.” Aniya, tsaka ngumiti.
With matching puppy eyes. Tumango na lang ako. Nako! Kailangan ko na talagang
magkatrabaho! Mapapadalas ata ang kain niyan dito. Haha!
“Bye!”
Huli niyang saad sa akin.
Kumaway
na lang ako sa kanya.
May
ngiti sa labi ko nang pabagsak akong humiga sa aking higaan. Namiss ko ‘tong
higaan ko. 11:30 na noong nareceive ko ang text mula sa kanya.
Nakauwi na po ako. See you tomorrow. I love you! Laman ng kanyang text.
Okay. Good night! I love you too, Cheesecake. Sagot ko naman.
Agad
naman itong nakapagreply ulit sa akin. Sweet
dreams, Blueberry ko. I love you, more. Aniya.
Hindi
na ako nagreply pa. Magkikita pa naman kami bukas e. Bukas na lang ulit ang
kulitan.
Josh’s
POV
“Okay
na ako rito, Best. Bukas na lang ulit. Salamat!” Pinilit kong maging masaya
para sa kasama ko ngayon. Alam kong halata niyang pinipilit ko lang ang sarili
ko na maging masaya. Pero, hindi niya naman ako masisisi. And I can’t help it
too.
“Sigurado
ka ba? I can… I mean, pwede naman akong matulog dito. Wala pa naman sila Tita.”
Aniya. Yep. Mom and Dad went overseas. Nasa London sila ngayon para sa isang
mahalagang appointment sa isang client.
Sanay
na naman akong mag-isa e. Hindi naman nila nakakalimutang kumustahin ako.
“Yup.
Sige na, bukas na lang ulit. Salamat sa paghatid sa akin. Naabala ka pa tuloy.”
Umiling
siya sa sinabi ko. “Okay lang. Tutal, seryoso naman ako sa—.”
“Please,
‘wag muna ngayon, Riley. Please?” Ayoko na munang pag-usapan.
Hindi
ko alam. Hindi ko pa alam ang iisipin ko sa bagay na yan. I’m really tired of
it. Love is just making me suffer. Bakit pa kasi ako na inlove? Hindi ko naman
inakala na magkakaganoon ang pag-ibig para sa akin.
“S-Sorry.”
Aniya.
“No…
Ako dapat ang magsabi niyan sa’yo. Sorry, Riley. I’m so sorry. Pero, hindi pa
ako ready e.”
“Naiintindihan
ko. Maghihintay pa rin ako, Josh. I’ll wait until you have decided. Kahit anong
mangyari, andito pa rin ako. I’ll be your best friend until the end.” Aniya.
“Salamat,
Best.” I’m really thankful that he’s always here for me.
Agad na
rin lang siyang umalis pagkatapos ng pagpapaalaman namin. Pagkatapos kong
magfreshen-up ay padarag akong nahiga sa aking kama. Hindi ko na talaga alam
ang gagawin ko.
Pwede
bang hindi na lang ako pumasok bukas? Gusto ko na lang magkulong dito sa bahay.
Ayaw ko munang makita si Riel. Maiingit lang ako sa kanila ni Red. Buong araw
ko ring iniisip yung pagtawag niya ng ‘Kuya’ kay Eli. Ayoko na muna kasing
itext siya. Nahihiya ako e. Sinabi ko pa naman na magagalit muna ako sa kanya.
Argh! Nakakahiya! Pero, sana maintindihan niya ako.
Higit
sa lahat, ayoko munang makita si Eli. Hindi ko pa alam ang magiging pakikitungo
ko sa kanya. Kailangan ko na munang magmove-on. Yan ang dapat kong gawin. Pinag-iisipan
ko rin naman ang pagbigay ng pagkakataon para kay Riley. Pero, hindi ko ata
maatim na gawin lang siyang panakip butas.
Oo,
sinabi kong handa akong maging rebound lamang para kay Eli. Pero, noong
binatawan niya ako, narealize kong hindi naman talaga madaling gamitin mo ang
isang tao para lamang makalimot. I will never ask that to someone again,
neither do that too.
New
Josiah Alarcon ang makikita ng lahat. Hindi na rin ako magtatago. Wala na akong
pakialam sa sasabihin ng lahat sa akin. Just like Riel, I’ll be brave enough to
face the reality. Na hindi lahat matatanggap kung sino ka. We can’t please
everybody, anyway. Ang tanging magagawa na lang natin ay ang lumaban… lumaban
para sa ating sarili.
“Good
morning!” Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang gulat sa pagsasalita niya.
“Anong
ginagawa mo rito?!” Inis kong tanong sa kanya. Imbes na batiin ko siya’y
sinungitan ko pa ngayon.
Aba!
Ayokong atakehin ako sa puso dahil sa gulat, ano! Pwede namang hinintay niya
muna akong makita siya. Buti na lang nasa huling step na ako ng hagdan. Baka sa
sobrang gulat ko’y nagpagulong-gulong na ako pababa.
“Ito
naman! Nakakahalata na ako ha! Ako na ang binubully mo ngayon.” Aniya.
Napailing
na lang ako. “Hindi kita binubully no! Natural kaya ‘to! Ganito kaya turingan
natin. Takot ka lang sa ideyang baka bustedin kita dahil binubully mo ako.”
Bigla na lang lumabas sa bibig ko.
Napahawak
tuloy ako sa aking bibig. Tss. Bakit ba nasabi ko yun! Ibig sa bihin ba, handa
na akong magpaligaw sa kanya? Pinag-isipan ko ‘to kagabi e. Pero, hindi talaga
ako makapagdesisyon.
“So…
P-Pinapayagan mo na akong manligaw?” Ngiti sa kanyang mukha ang nakita ko.
Argh! Ano ba ang gagawin ko?
Inaamin
ko noon, attracted ako sa best friend ko. Pero, never kong inisip na it’s love.
Lagi niya kayang pinapamukha sa akin na walang magkakagusto sa akin. Kasi nga,
mataba raw ako, pagkain lang daw inaatupag ko. Pagdating sa bahay, kakain at
matutulog lang ako. Ganun!
E ano
naman kasing gagawin ko. Wala namang nakikipagkaibigan sa akin. Since nursery,
magkasama na kami. Mabuting magkaibigan ang Mom at Mommy niya. Kaya, hindi na
kami napaghiwalay pa. Kahit binubully niya ako, lagi naman siyang andyan kapag
ibang kaklase ko na ang bumubully sa akin.
Sabi ko
nga, he’s my savior, but an enemy as well. Pero okay lang. Tanggap ko naman
noon yung pambubully niya. Tiis tiis din, kasi tagapagligtas ko naman siya.
Ako lang ang pwedeng mambully sa kanya. Maliwanag? Famous line niya kapag may umaaway sa akin. Ibang klase
talaga siya.
“HUY!”
Nagbalik ako sa aking ulirat ng sigawan ba naman ako sa tenga.
“Bwisit
ka talaga, alam mo ba yun?!” Asik ko. Tumawa lamang siya ng malakas. “Putek!
Wala akong marinig!” Dagdag ko pa.
Kinakalikot
ko na ang tenga ko sakaling bumalik ito sa normal, pero hindi pa rin. Argh!
“Wag
kang magpapahabol sa akin! Lintik lang ang walang ganti!” Sinugod ko siya, pero
agad siyang tumakbo.
Ganito
kami dito sa bahay. Kapag aalis si Mom, pinapapunta niya rito si Riley para may
makasama ako. Hindi na naman ako bata e. Pero, most of the time, hindi siya
nakakapunta dahil sa dates nila nung bruhang ex-girlfriend niya. Agawin ba
naman oras ko sa best friend ko! Tsk.
“Nyenyenyenyenye!
Habulin mo ako, Best!” Pambubuska niya. Kainis!
Ilang
minuto pa kaming naghabulan pero hindi ko siya mahabol. Kakaligo ko lang kaya!
Tsaka, papasok ako ngayon. I can’t be at school if my uniform is drenched with
sweat. That’s kinda gross! Kaya, ako na mismo yung tumigil. Andun na siya sa
taas. Ako, umurong at pumunta na ng kusina. Kumakain na ako ng almusal nang
bumaba siya.
“Talo!”
Aniya.
“Ewan
ko sa’yo!” Tugon ko sabay irap sa hangin. Kinuha ko na lang yung baso ko na may
juice saka ininom.
“Uy,
juice! Pange ako ha, nauhaw ako kakatakbo.” Inagaw niya sa akin yung hawak kong
baso. Nabuhusan tuloy yung polo ko. Kainis!
Mas
lalo akong nainis nang makita kong tinitingnan niya yung baso. Syet! Baso ko
nga pala yun! Dati wala yung malisya, ngayon meron na! Argh! Tumayo ako para
sana agawin sa kanya yung baso. Bakit ako bothered? We kissed already! Pero,
shit! Bakit ko ba iniisip yun?!
Nanlaki
na lang ang mga mata ko sa nakita ko. Nanunuya ang kanyang mga mata ng sumimsim
siya sa baso ko. Argh! Nakita niya ba yung pinaginuman kong part? Argh! Kahit
indirect kiss yun, importante yun! Argh!
“Riley!”
Asik ko sa kanya.
“What?
Nakiinom lang naman ako ah?” Aniya.
Nasapo
ko na lang ang aking noo.
“Iniisip
mo bang nag-indirect kiss tayo? No worries. Sa kabilang side ako uminom.”
Seryosong sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. “Joke! Doon ako sumimsim
sa mismong pinag-inuman mo!” Aniya sabay tawa.
Umakyat
ata lahat ng dugo ko sa aking katawan papuntang ulo. Argh! Napakaimpossible
talaga nitong taong ‘to! Paano ba ako maiinlove sa kanya, kung lagi niya na
lang akong inaasar! So? May possibilities pala. Argh!
“Riley!
Humanda ka mamaya! Kung wala sigurong pasok, siguradong pinatay na kita
ngayon!” Seryoso kong saad sa kanya.
“Hoy!
Yang matang yan, para lang demonyo! Ikaw naman kung magalit, parang hindi pa
natin ginawa!”
“Hindi
natin yun ginawa no! No consent! Bwisit ka! Ikaw yung kumuha ng first and
second kiss! Putek ka! Dapat kay El—.” Napahawak ako sa aking bibig dahil sa
sasabihin ko sana. Argh!
Nag-iwas
siya ng tingin sa akin. Nakagat ko na lang ang aking labi. Argh talaga! May
move on move on pa akong nalalaman. Tsk. Agad na lang akong pumanhik pataas
para magpalit ng uniform.
Kainis!
Ang tanga tanga mo, Josh! Di ba move on na kay Eli? Oo, simula pa lang ‘to, pero
dapat ‘wag mo nang balikan yung tungkol sa kanya. As in! Kahit makita mo pa
siya ngayon, yung dati lang. Casual lang. Na dahil lang sa magkaklase lang
kayo. Ganun lang.
“Manang
Rosa, si Riley po?” Pagtatanong ko sa isa sa mga kasama ko dito sa bahay.
Pagkababa ko kasi’y hindi ko nakita ang anino niya.
“Umalis
na, Iho. Nagmamadali nga e.” Anito. Tanging tango na lang ang naisagot ko sa
kanya.
Just like
as I thought.
Inihanda
ko na lang ang sarili ko sa pagpasok ngayon sa paaralan. I’m a bit guilty sa
nangyari. Ginawa ko siyang panyo noong iniwan ako ni Eli doon sa hot spring.
Pero, heto ako ngayon at siya naman ang pinapaiyak. I don’t know if he is, pero
guilty talaga ako.
Hindi
ko siya nakita sa kahit saan mang sulok ng school. Ni sa basketball court nga
e, wala siya.
“Hindi
pa siya nagawi rito.” Ani Matthew. Siya lamang kasi ang kaklase kong kakilala
na nakita ko roon.
“Salamat!”
Agad ko na lang nilisan ang basketball court.
Pinuntahan
ko rin si Yuki doon sa B Section. Hindi ko kasi natiyempuhan dahil sa kakaiwas
ko sa barkada. Andun lagi sina Riel at Red na sweet na sweet sa isa’t isa.
Ayoko namang ipahalata na bitter ako, kaya’t hindi na ako sumama pa sa kanila.
“Wala,
kanina pang umaga.” Aniya.
Nanlumo
ako sa aking nalaman. Walang pagpaalam akong tumalikod kay Yuki. Pumunta ako sa
A Section room para magpahinga. Argh! Kasalanan ko ‘to e! Bakit ba kasi,
nabanggit ko pa ang pangalan na yun!
Kanina
ko pa siya tinitext pero hindi naman siya nagrereply. Pati nga mga tawag ko,
hindi rin niya sinasagot. My gosh, Best! Asan ka ba? Anong nangyari na sa’yo?
Natapos
ang morning classes na wala pa rin akong natatanggap na text o kaya nama’y
tawag mula sa kanya. Kaya’t nagbilin na lang ako kay Yuki na kung sakaling
pumasok si Riley, ay itext niya ako.
“Josh!
Tara! Sabay ka sa amin maglunch?” Pag-alok sa akin ni Ate Xynth. Kasama na niya
rin ang buong barkada maliban kay Yuki. Hindi pa ata tapos ang kalse nila.
Nagkatinginan
kami ni Riel. Isang malungkot na titig mula sa kanya ang nakita ko. Argh!
Sorry, Riel! Hindi pa ako handa sa ngayon. I really need this break. Gusto ko
man itanong lahat lahat sa’yo, ay hindi pa ako handa. Isa pa, kailangan kong
ayusin ‘tong problema ko kay Riley.
Ako na
lang ang nag-iwas ng tingin. Bumaling na lang ako sa kausap ko na si Ate Xynth.
“S-Sorry,
Ate. May emergency meeting kasi kami ngayon sa varsity. Doon na rin ako
maglalunch. Next time na lang siguro? Sige! Maiwan ko na kayo. Malilate na ako
e.” Pagsisinungaling ko. I have to do everything para makaiwas muna sa kanila.
“O-Okay.”
Aniya at tumingin sa mga kaibigan namin.
Nilakbay
ko ang malayong opisina ng varsity ng basketball doon sa covered courts ng
school. Nanggaling na ako rito, pero magbabakasakali pa rin ako. Pero, dismayado
akong pumunta na lamang sa Baseball Team quarters. Wala na rin naman akong
mapupuntahan. Kaya’t dito na lang ako.
Nang
matapos ang klase sa hapon ay diretso ang uwi ko sa bahay, wala naman kaming
practice ngayon. Simula na kasi ng puspusang training ng Soccer Team para sa
tournament na mangyayari sa October. Nagkataon rin naman na wala kaming
pinaghahandaang laban.
Pagod
na pagod ako. As in. Hindi ko na ata kailangan magdiet ngayon dahil sa natunaw
na taba sa akin kanina sa school.
Bago
ako natulog nitext ko muna si Riley, baka mapakiusapan ko e. Gusto ko siyang
makausap. Tungkol sa nangyari kanina. Sa amin. Sa lahat. I hope na kausapin na
niya ako.
Best, we need to talk. Please, pumasok ka na bukas. Okaya
naman, punta ka dito sa bahay. Dito ka na lang matulog, please? Basta, we need
to talk, okay? Pinagisipan ko
talaga ng mabuti ‘to. Hindi na naman iba sa akin ang pagtulog niya rito. It’s
just that, iba na ngayon. May ilang factor na.
Sa
paghihintay ko ng text o tawag niya’y nakatulog ako. Pagod na pagod talaga ako
sa paghahanap sa kanya.
Nagising
ako dahil sa ingay na nagmumula sa mumunting hilik. Napabalikwas tuloy ako.
Dali dali kong binuksan ang lampshade na nasa tabi ng kama ko para makumpirma
kung may katabi nga ako.
Nangilid
na lang ang luha ko sa aking mga mata nang malaman kung sino ang aking katabi.
Ang best friend ko. Mahimbing na natutulog. Salamat naman at nagpakita na ‘to
sa akin.
“Hmm.”
Daing niya.
Kinusot
kusot niya ang kanyang mga mata. Lagot nagising ko ata! Agad kong pinatay ang
lampara at umayos sa aking pagkakahiga.
“Sorry.
Hindi na kita ginising pagkarating ko rito.” Bakit ang sexy ng bedroom voice
niya? Argh!
“Ah… e…
O-Okay lang. Pasensya ka na rin kung hindi na kita nahintay.” Tugon ko.
“Okay
lang. Alam kong pagod ka sa paghahanap mo sa akin.” Nanlaki ang mata ko sa
sinabi niya. Binuksan kong muli ang lampshade at nakita ko ang mukha niyang
nakangiti.
“Alam
mo naman pala! Bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag? Alam mo bang
nag-alala ako sa’yo! Gulity rin ako! Kainis ka talaga!” Walang preno kong
sermon sa kanya.
“Ssssssh!”
Aniya. “Wag ka ngang sumigaw. Alas dos na kaya ng umaga!” Pabulong ngunit may
intesidad na saad niya.
“Sorry?!”
Pabulong ngunit halata ang inis na pagpapaumanhin ko.
Ngumiti
na lang siya sa inasta ko. Kainis!
“Alam
mo, napakaimposible mo talaga! Sa tingin mo, magkakagusto ako sa’yo dahil sa
ginagawa mo sa akin?” Sa kisame ko na lang itinuon ang paningin ko.
Ayokong
mafeel ang awkwardness kapag nakatingin ako sa mga mata niya. Some kind of Gabriel
Dela Rama’s powers, baka mabasa niya rin ang sinasabi ng mata ko. Di ba, mas nakikita
sa mata ang katotohanan, kesa sa mga lumalabas na salita sa ating bibig?
“Wala
pa rin ba ako diyan sa puso mo, Best? Si Eli lang ba talaga ang laman niyan?”
Aniya.
“Hindi
ko alam. I’m trying to move on, Best. Pero, sana naman maintindihan mo ang
sitwasyon ko. Oo, sinabi mong handa kang maging rebound para sa akin, pero
noong nasaktan ako dahil kay Eli, narealize ko na hindi tamang manggamit ka ng
puso ng iba para makalimot…” Huminga ako ng malalim. “Ang siste, masasaktan ka
na nga, sasaktan mo rin ang iba.”
“Depende
naman yun e. Minsan, ang pagbigay mo ng pag-asa sa iba ang makakatulong sa’yo
para makapag-move on. Para maging masaya.”
“Hindi.”
Tugon ko. “Ayaw kong gawin yun sa’yo, Best. Ikaw na lang ang meron ako na
kaibigan ko. Na mapagkakatiwalaan ko. Na laging nariyan kapag kailangan ko.
Ayokong mawala ka sa buhay ko. Kahit bully ka, importante ka sa buhay ko. Mahal
kita e.”
“Mahal
mo ako?”
“Oo
naman. Kaibigan kita e.”
“Ah.
Kaibigan.” Biglang lungkot yung naramdaman ko sa tono niya.
Agad ko
siyang hinarap. Pero nakatalikod na siya sa akin.
“Best.
Hindi ganun yun. Mahal kita, alam mo yun. Ang pagmamahal ko sa’yo ay yung hindi
nawawala. Yung kahit hindi maging tayo, mahal pa rin kita.”
“Kasi
nga, mahal mo ako dahil kaibigan mo ako. Dahil best friend mo ako. Baka nga
dahil kapatid ang turing mo sa akin e.” Hindi niya pa rin ako nililingon.
Niyakap
ko na lang siya mula sa likod. “Best, gusto kitang bigyan ng pagkakataon. Kahit
noon pang nasa isla tayo. Ayoko lang ng kumplikado. I want to end first what’s
not meant to be, before giving a chance to something possible. Di ba?”
Yep.
Gusto kong tapusin muna ang nararamdaman ko para kay Eli. Kung mainlove man ako
sa best friend ko, dapat yung siya lang yung laman ng puso ko. Ayoko na may
kahati siya sa akin.
Naramdaman
kong tumango siya. “Makakapaghintay ka naman di ba? Walang problema na sa akin
ang panliligaw mo. Basta, studies first. Graduating na tayo. Tsaka may
kanya-kanya tayong affiliation sa school. Pangako, kapag handa na ako ako mismo
ang magsasabi sa’yo.”
Hinawakan
niya ang kamay kong nakayakap sa kanya at marahan itong tinanggal sa
pagkakayakap sa kanya. Unti-unti siyang humarap sa akin at nakita ko ang mga
daloy ng luha sa kanyang pisngi.
“Ba’t
ka umiiyak.” Nag-aalala kong tanong.
Umiling
lamang siya, saka ngumiti. “Salamat.” Aniya.
“Para
saan?”
“Sa
pagbibigay ng pagkakataon. Kahit hindi pa ako siguradong mapapasaakin ka. Okay lang.
Handa naman akong magparaya. Basta, nakikita kong masaya ka sa taong mamahalin
mo, masaya na rin ako. Wala naman akong magagawa di ba? Puso mo yan. At
syempre, ang may ari niyan ang dapat masunod.”
Napatango
na lang ako sa kanyang sinabi.
“I’ll
try not to be so sensitive kapag nababanggit mo si Eli. Na ganto siya, ganyan
siya. Gaya noong nangyari kahapon. Wala akong laban sa first love, kahit
magkaroon man ng second, third, fourth and so on, ang first love ang hinding
hindi mo makakalimutan sa lahat.” Aniya.
“Bakit
naman?” Tanong ko. Ni hindi ko nga yun iniisip e. Ano naman kung ganun?
“Kasi,
sa first love ka natutong magkagusto, magmahal, gawin ang hindi usual. Lahat
gagawin mo, mapansin ka lang noong minamahal mo…” Panimula niya. “Gaya mo,
dahil sa kanya, nagawa mong isuko ang pagkaing minahal mo na simula pa noong
pagkabata…”
“Hoy
hindi ah! Kinakain ko pa rin naman yun no! With moderation nga lang.” Pagputol
ko sa kanya. Payak siyang natawa sa aking sinabi.
“Pero,
nagawa mo pa ring baguhin ang sarili mo. Sabi nga nila don’t change yourself just to make someone love you, be yourself and
let the right one fall for you. Pero dahil sa insecurities, hindi natin
mapigilan na gawin yung hindi naman dapat. Lalo na kapag may karibal tayong
opposite natin.”
Tama
siya. Yes, my insecurities dropped me. Gabriel Dela Rama is my rival. Pinilit
kong maging katulad niya in some ways, but I have never been happy like him after.
Guess, this is the end of my agony. Kailangan kong tumayo sa pamamagitan ng
sarili kong anino. This is me, and it should be me, who’s making my own
destiny.
“Ikaw
ang first love ko.” Marahan niyang sambit.
Natigil
tuloy ako sa pag-iisip ng kung anu-ano dahil sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng
saya, pero may mga bumabagabag sa isipan ko.
“P-Paano
nangyari yun? D-Di ba si Mia ang first love mo? Love at first sight nga di ba?
Di ba?” Naguguluhan kong tanong.
Umiling
siya sa sinabi ko. “It’s not Mia, Best… Ikaw. Pero, hindi ako nagkalakas ng
loob na sabihin yun sa’yo. Akala ko noon, fondness lang, dahil magkasama na
ta’yo since nursery. That we grew up with each others company…”
Huminga
siya ng malalim. I don’t know why is he telling me all of this, pero, okay
lang. At least pinakinggan ko ang side niya. Mahal niya nga ako.
“Kaya’t
ang ginawa ko’y ibaling sa iba ang atensyon na ‘yon. Mia and I were just using
each other. She’s using me for fame, I am using her to get rid what I am
feeling towards you. Pero hindi ako nagtagumpay. Nakita ko na lang ang sarili
kong tumatakbo pabalik sa’yo dahil ayaw kong mahulog ka sa ibang tao.”
Wala
akong masabi sa confessions niya. May kakaibang tibok ang puso ko, somewhat,
I’ve realized that love is not that unfair for me, yet. Kailangan ko lang
palang buksan ang puso ko sa iba para lumigaya.
At heto
na siya sa tabi ko. Ramdam ko na puno nang pagmamahal ang taong ‘to para sa
akin. Konting panahon lang ang hihingin ko, kailangan ko munang ayusin ang mga
nasirang bagay sa daang tinahak ng landas ko.
Katahimikan
ang bumalot doon sa kwarto, akala ko nga’y tulog na siya. Nang lingunin ko
naman ay hindi pa pala. Wala akong naisagot sa lahat ng mga sinabi niya sa
akin. Speechless and overwhelmed, I still have Riley on my side. Kaya’t
bibigyan ko siya ng pagkakataon.
“Uhm…
‘Wag na lang tayong pumasok mamaya? 4 AM na o.” Pagbasag ko sa katahimikan.
Itinuro ko rin ang wall clock sa harapan namin.
Tumango
naman siya sa sinabi ko. Nakangiti na siya ng harapin ako. Di tulad noong
pasulyap sulyap lamang ako sa kanya na seryosong nakikipagtitigan lamang sa
kisame.
“Sure.
Saan mo gustong pumunta?” Masayang tanong niya.
Napailing
na lang ako. “Ikaw ang bahala. Ikaw kaya ang nanliligaw.” Nakangiti kong tugon
sa kanya.
“O-Okay!
Then, it’s a date!” Aniya. Tumango naman ako.
Yep.
Handa akong pagbigyan siya sa panliligaw. Pero, hindi ko siya sasagutin
hangga’t wala pa akong naaayos sa mga nasira ko.
Dahil
wala naman kaming balak pumasok, 9 AM na ako nagising. Wala na si Riley sa tabi
ko noong sipatin ko ang side ng kama ko kung saan siya tumabi sa akin sa
pagtulog. Agad ko na lang inayos ang aking higaan tsaka naghanda sa pagbaba ko.
Wala
siya nang nakababa ako. Sa sala, sa banyo, sa kusina. Tanging si Manang Rosa
lang ang nadatnan ko roon.
“Oh,
iho! Gising ka na pala. Kung si Riley ang hinahanap mo, umalis na. Nagmamadali
na naman siya. May aayusin daw e. Nagbilin na lang siya na kapag nagising ka na
ay pakiinin na lang kita ng almusal.” Tumango na lang ako kay Manang.
May
ngiti sa labi ko nang makaupo ako sa mesa.
“Siya
ba nagluto ng mga ito, Manang?” Tanong ko sa kanya.
“Hay
naku! Oo, ako agad ang hinanap ng batang yun ng magising siya. Turuan ko raw
siyang magluto. Ang saya nga niya, habang nagluluto kami.” Tugon nito sa akin.
“Sige na, kainin mo na yan. Susunduin ka raw niya dito ng bandang alas onse.
Saan ba kayo pupunta? Hindi rin kayo pumasok ng paaralan ngayon.”
“Date
po, Manang.” Nakangiti kong tugon sa kanya.
“Talaga?
Akala ko ba’y may girlfriend yung kaibigan mo. Ano nga bang pangalan nun?
Myrna? Myra? Mi—.”
“Mia
po. Wala na sila Manang. Nagulat nga rin po ako noong nagtapat siya. Alam niyo
bang sinabi niya pa sa lahat ng tao doon sa isla na gusto niya ako, na mahal
niya raw ako?” Natawa na lang ako sa aking nasabi.
Dati-rati’y
kinaiinisan ko yun, pero ngayon, parang wala na lang.
“Aba,
Matinde! Mahal ka nga noon. Teka! Alam na ba ‘to ng Mommy mo? Pati ni Alicia?”
Pangungusisa niya pa.
Nako si
Manang, umandar na naman ang kanyang imahenasyon. Alam ng buong bahay na ganito
ako, simula sa kanya na aming mayordoma, ang aming mga kasambahay, mga driver,
hardinero at guards. Pero siya lang yung pinakaclose ko sa kanila. Bago kasi
siya naging mayordoma, siya yung naging tagapag-alaga ko simula ng isilang ako.
Umiling
na lang ako sa kanya.
“Pag-uwi
na lang nila, Mom at Dad. Alam niyo naman yun. Manang ha! ‘Wag masyadong
tsismosa. Nagsisimula pa lang ‘to.” Bilin ko sa kanya.
“Paano
na yung pinagtuunan mo nang oras mo para magpapayat? Wala na ba yun?” Aniya.
Hayst! Si Manang talaga.
Umiling
na lang ako. “Wag na po natin siyang pag-usapan. Si Riley po, bibigyan ko siya
ng pagkakataon.”
“Basta
kung saan ka sasaya, anak, doon ka. ‘Wag mo dapat ipilit ang hindi nararapat.
Palaging una ang sarili bago ka magbigay ng pagkakataon sa iba.” Aniya.
Tumango
ako sa kanya. “Sige na Manang, kakain na po ako.”
“O
siya! Maiwan na muna kita rito. Kung may kailangan ka, tawagin mo lamang ako.
Masaya ako para sa’yo, anak.”
“Salamat
po, Manang Rosa.” Sabi ko saka siya umalis.
Kahit
nagdadiet ako, kakainin ko ‘tong niluto niya. Kahit pa, tulong lang ang
naiambag niya rito, at least, nag-effort pa rin siya.
10:30
pa lang ng umaga ay bihis na ako. Iniisip ko kasi kung saan kami pupunta
ngayon. Sa awa kasi ng Diyos, hindi naman ako naging chaperone sa mga dates
nila noon ni Mia. Isa pa, ayoko namang makita ang bruhang yun. Famewhore lang
pala! Kainis!
Nasa sala
na ako nang mayroong bumusina sa tapat ng aming bahay. Hintayin ko na lang daw
siya sa loob ng bahay. May ibibigay daw kasi siya e.
Hindi
na rin naman siya iba, kaya’t malaya siyang makakapasok sa amin. Ewan ko lang
ngayon kung bakit kumakatok pa siya sa pinto. Ano bang pakulo nito?
Paparating
na sana yung isang kasambahay namin para pagbuksan siya, pero pinigilan ko. Gusto
kong ako ang makakita ng paandar niya. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang
napakagwapong nilalang. Argh! How tempting! Napailing na lang ako sa aking
naisip.
“Ang
gwapo ko no?” Pagmamayabang niya.
“Tss.”
Inirapan ko na lang siya. “Yabang kamo! Ano bang paandar mo? Kumatok ka pa
talaga ha? Pwede ka namang pumasok ng walang manners.”
“Para
maiba naman.” Aniya tsaka tumawa.
“Pasok
na nga muna. Sayang ang lamig e.” Sabi ko saka binigyan siya ng daan. May kung
ano siyang tinatago sa kanyang likuran kaya’t paharap siya sa akin nang siya’y
pumasok ng bahay.
“Ano
yan?” Tanong ko. Nagkibit balikat lamang siya sa tanong ko.
Sinara
ko muna ang pinto bago siya muling hinarap.
“Gwapong
gwapo tayo ah?” Aniya.
“Siyempre,
hindi pwedeng ikaw lang no.” Tugon ko. “Ano ba kasi yang nasa likod mo?”
Pag-uusisa ko. ‘Wag niyong sabihing bulaklak yan! Freaking hell! Hindi ako
babae!
“Napakaexcited
mo naman! Oh!” Sabay pakita niya sa isang bouquet ng bulaklak.
Natawa
na lang ako sa kanya. Argh! Sinabi ko na sa kanyang ayokong binibigyan niya ako
ng bulaklak! Please, no! Hindi ako babae!
“Manang
Rosa!” Tawag ko sa aming mayordoma.
“Ano
yun, Josh? Oh, andito na pala ang prince charming mo.” Aniya. Nakita ko lang na
ngumiti sa kanya si Riley.
“Manang!”
Asik ko. Ngumiti lamang siya sa inasta ko. “Pakilagay na lang po ito sa vase.”
Sabi ko.
“Yiie!
May paflowers flowers pang nalalaman si amboy! Pero!” Sumeryoso ang mukha ni
Manang. “Hindi babae ang alaga ko. Treat him right!” Aniya tsaka inirapan si
Riley.
Natawa
na lang kaming dalawa sa inakto ni Manang. Well, tama naman siya. Tsokolate,
matatanggap ko pa. O kung ano pa man. ‘Wag lang talagang bulaklak. Hindi pa ako
ibuburol no!
Umalis
na lang kami agad doon sa bahay. Wala nang pagpaalam na naganap. Alam naman ng
guard na aalis kami e. Siya ang nagdadrive ng kotse nila ngayon. Well, it’s a
date, so di namin kailangan ng chaperone.
“Kain
muna tayo?” Aniya.
“Okay!”
Masayang tugon ko sa kanya.
Pumunta
kami sa Avenue Plaza para sa aming lunch. Diretso ang punta namin sa Chili
Peppers, doon daw kasi siya nagpareserve.
“Pasensya
ka na, kung dito lang muna tayo sa Naga ha? Medyo, gahol ako sa oras sa paghahanda.
Next time, paghahandaan ko talaga ng matagal.” Paghingi niya ng paumahin.
“Ano ka
ba! Okay lang no! Ang dami namang pwedeng mapuntahan dito sa Naga. Okay na okay
lang sa akin.” Tugon ko.
Inaantay
na namin yung order niya. Nagpareserve na kasi siya rito, kaya’t iintayin na
lang namin ang mga pagkain. Mag-aalas dose pa lang naman. Saka inubos ko yung
niluto niya para sa akin kaya medyo di pa naman ako gutom.
“Good
afternoon, Sir. Here’s your orders, Baby Come Back and Jurassic Ribs.” Anitong
waiter na nagserve sa aming mesa. “Enjoy your meal.”
Napangiti
na lang ako sa kaharap ko. Tsk! Alam niya ang mga paborito ko rito!
“Nagresearch
ka, ano? Paano mo ‘to nalaman?”
“Kay
Tita Andrea, bakit?” Sagot niya tsaka tumawa.
“Ano?
Tinawagan mo pa talaga si Mom?” Napakaimposible talaga nito.
“Nope!
Mom did it for me. Alam na niya.”
“Hoy!
Baka kung anu anong sinasabi mo kay Tita ha! Nanliligaw ka pa lang!
Nan-li-li-gaw, okay?”
“I
know. Mom isn’t nosy. He’s supportive. Matagal na niya ‘tong alam. Nagalit nga
sa akin yun, kasi lalaki rin daw gusto ko. Pero, nang malaman niyang ikaw, okay
na sa kanya.” Paliwanag niya.
Napatango
na lang ako. “How about Tito Bob?”
“Nag-iwas
siya ng tingin sa akin. Argh! Nakalimutan kong di pala sila in good terms! May
pamilya ng iba ang Dad niya. May kapatid na nga rin siya doon sa bagong asawa.
“Sorry!”
Paghingi ko na lang ng tawad.
“Okay
lang. ‘Wala akong pakealam sa sasabihin niya, besides he never been a father to
me. Let’s not talk about it. We’re here for our first date. Pwedeng yun na lang
muna isipin natin?” Pilit siyang ngumiti. Kaya’t itinikom ko na lang ang bibig
ko.
Nang
matapos naming kainin ang mga inorder niya ay agad kaming tumuloy sa susunod
daw na destinasyon. Pumunta kami sa SM para manood ng sine. Well, typical date.
Pero, okay lang naman sa akin. Simula pa lang naman ito, and this isn’t
planned. Napagdesisyunan lang naman namin to kanina e.
Napili
naming panoorin ang Lucy. Maganda siya. nag-enjoy ako pati siya. Marami na
akong reviews na nabasa sa net, na nagsasabing maganda ito. Then noong napanood
ko na sa personal. Umayon naman ako.
Pagkatapos
ay pumunta kami sa WOF, pampatay daw ng oras. Mamaya pa raw niya ako iuuwi sa
bahay e. May dinner pa daw siyang naipareserve. Kaya’t heto kami ngayon, at
naglalaro dito sa WOF ng SM.
“Gusto
ko nung bear, Best! Dali, padamihin natin tong tickets natin.” Pakiusap ko sa
kanya. Worth 500 tickets kasi yung bear. Kainis! Ang laki kasi, ang mahal pa
naman nun sa Deparment Store.
“Sige
ba, para sa’yo. Makukuha natin yun.” Aniya tsaka ngumiti.
Bumili
siya ng worth 500 pesos na token. Sana magkasya na ‘to. 1200 kasi yun sa Dept.
Store. Kung sakaling lagi kaming panalo sa bawat games na aming lalaruin, baka
makatipid kami. Pinaghirapan pa namin yun.
Isa
lang naman ang mabilis at madaming maglabas ng tickets dito e. Yun ay ang
basketball, kaya’t doon namin itinuon ang aming atensyon. Kahit baseball player
ako, marunong din naman akong magshoot ng bola sa basket. Paano pa’t kaibigan
ko ‘tong ace player ng varsity sa school.
“Game?”
Aniya.
Tumango
na lang ako sa kanya. Kaya’t nagsimula kami agad. Hay! Ewan! Pinagtitinginan na
nga kami ng mga naglalaro dito sa loob. Lahat sila’y mangha sa pinapakitang
galing ni Best. Kung alam lang nila di ba?
Doon
ako nagkamali, may mga nakakilala pala sa kanya doon, mga babaeng tiga-ibang
school. Syempre kilala siya dahil may tinatawag na interhigh competition. Kaya
hindi yun maiiwasan. Wala naman akong pakialam no. It is as if I’m holding
something between us. We’re just in courtship stage, wala pang lalim.
Ang
daming tumitili. Ang daming napapahiyaw. Sino ba namang hindi, ang galing kaya
niya. Tapos, nabeat niya pa ang record. Kaya yun. First game palang, meron na
kaming 50 tickets. Yung akin naman 15 lang. Haha! Distracted ako sa mga taong
nanonood e.
Nang
maubos ang aming tokens ay agad naming binilang yung mga nakuha naming tickets
para maipalit na namin doon sa teddy bear na gusto ko. Nalungkot ako noong
kulang kami ng 150 tickets pa. Di pa kasi kami makakalaro, mayroon na kasing naglalaro
doon.
“Date?”
Biglang saad ng pamilyar na boses.
“Uy,
Alvin. Ikaw pala? Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko.
“Wala.
Kanina pa ako rito. Actually napadaan lang, tapos nakita ko na may
pinagkakaguluhan, kaya’t nakiusyuso ako.” Aniya.
Naibaling
ko ang pansin ko sa katabi ko. Sinisiko na niya kasi ako.
“Ah!
Nga pala. Di ba kilala mo na naman si Riley?” Pagkumpirma ko.
Tumango
lamang si Alvin sa kasama ko. “Best, si Alvin. Teammate ko sa Baseball.”
Pagpapakilala ko naman sa kanya.
Nakita
kong matalim na tiningnan ni Riley si Alvin. Anong nangyayari?
“Woah!
Hands up ako, pare. Wala kang dapat ipagalala sa akin.” Aniya. Argh! Ito
talagang si Best oo!
Umaliwalas
naman ang mukha nitong mokong. “Mabuti na yung nagkakalinawan tayo, pare.”
Aniya tsaka inilahad ang kamay kay Alvin. Tinanggap naman ito nang una.
“Ayan,
200 tickets. Kulang pa kayo di ba? Ano bang ipagpapalit niyo diyan?”
“Yun!”
Turo ko sa nakasabit na malaking bear doon sa item counter. Napailing na lang
siya.
“Kahit
kailan talaga, isip bata ka talaga. Tsk. Tsk. Tsk.” Napangiti na lang ako sa
kanya. “Ipagpalit mo na, baka maunahan pa kayo e.” Dagdag niya.
Tumango
naman ako. Tatayo na sana ako, pero nauna si Riley sa akin.
“Ako
na. Maghintay ka na lang rito.” Tumango na lang ako sa gusto niyang mangyari.
Kaya’t naiwan kami ni Alvin dito sa waiting area.
“Alis
na rin ako. May pupuntahan pa ako e.” Pagpapaalam niya.
“Sige.
Ingat ka.” Tugon ko.
Malayu-layo
na rin yung nalakad niya nang bumalik siya.
“Nga
pala, alam mo na ba yung tungkol sa bagong member?”
“Hindi
pa. Meron? Bakit di ko alam?”
“Wala
ka kasi kanina. Nagpameeting si coach para doon, tapos yun, pinakilala sa amin.
Nagulat nga ako e. Akala ko kung sino, si Eli lang pala. Sige tuloy na ako.”
Lutang
ako sa aking nalaman. Argh!
What
the fuck?!
Epic
ang reaksiyon ko. Elijah Martinez joins the Baseball Team, for reals? Are you
kidding me? Paano ako makakamove on, kung lagi ko siyang makikita?
Itutuloy…
Naks, magiging soap opera pa yata ito. Thanks sa update again. Pwede Tito or kuya na lang ang tawag? Hindi kasi ako royalty. Take care. God bless you.
ReplyDeleteCuuutttteee... But sorry sir rye.. Mas kinikilig talaga ako sa red and riel moments hahaha.. Grabe.. Para akong kinikiliti.. Hahaha but interesting din yung kay josh ha..masayadong mahaba din ang buhok.. I love it talaga.. Next chapter na pleeaaassee hahaha.. - Dave
ReplyDeleteP.S natawa ako dun sa Full name talaga nung namention ako sa A/N mo ha.. Thanks much :)
Pansin ko lang ah parang di tanggap ni Andrei yung relasyon nila Red at Riel. Pero nakakatuwa talaga yung mag-bestfriend alam mong meron ng namamagitan sa kanila. Ba naman mangyayari- gugulo ka naman Eli!
ReplyDeleteSana umikot na lang yung storya kina riel at red... para sa akin mas maganda sana kung sa mga bida lang iikot ang kwento... kasi mas nakakakilig yung storya nila... gawaa na lang ng bukod na kwento sina josh at riley.....
ReplyDeletekabog ngayon si riel ni josh... haha eli will definitely turn josh's head upside down... this will be an interesting fight hahha for now teamRJ ko
ReplyDeleteangelthreesixty
Nice story kuya rye ganda ng moments nila riley at josh hope na silang dalawa lng po....
ReplyDeleteJay 05
Ganda ng story. Pero sana boss rye hiniwalay mo n lng ung ke josh sa team reid (red and riel). But overall its a good story. Keep up the good work.
ReplyDeleteTnx sa update kuya rye abangers tlaga ako nito. :-)
ReplyDeleteHAKHAK, nu kaya nakain ni eli at sumali sya sa baseball team?
ReplyDeletegeh eli ! guluhin mo pa damdamin at isipan ni josh ..(hihi ansama XD )
excited na sa mangyayare <3 thanks uli sa update kuya rye .. -yelsnA
Ang epic naman ni Eli! Tsk. Ang hirap kaya magmove-on!! XD
ReplyDelete-Trev