Followers

Wednesday, October 1, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 28: Akin Ka Nalang



The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 28
“Akin Ka Nalang”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz


Author’s Note:

Hello! Late update na naman ulet. Haaay. Pagpasensyahan niyo na. Second to the last na po’ng chapter ito. At sinisimulan ko ng isulat ang pangalawang serye ko. Pero di katulad nitong TLW, tatapusin ko na muna yun bago ko maipost, para iwas yamot sa ibang readers. Di bale, yung pangalawa ko naman po ay mas maikli kesa dito sa TLW kaya ayos lang. Level up yung pangalawa, kasi mejo pa tweetums pa tong TLW ko. Medyo mas tragic yun. Training ko palang tong sa TLW. Kaya sa lahat ng pumuna ng gawa ko, simula sa unang chapter hanggang dito, nagpapasalamat po ako sa inyo ng malaki. Utang ko po sa inyo ang development ko bilang isang baguhan na manunulat.


Salamat kina enzoh69, red 08, Alfred of TO, Boholano Blogger, jake, kay GEOLOGY STUD (#capslockparaintense), lei andrew, greysmyle, Jay05, at syempre syempre, ang mga kapatid kong sina Ken, Hao Inoue at si Jorge na push ng push sa mga kaadikan nila. Hahahaha! Please support Kuya Rye Evangelista (Love Is), Vienne Chase (Beat Of My Heart at Fated Encounter), at ang idol ko at ang LEGENDARY AUTHOR na si Kuya Bluerose Claveria (GEO – Mr. Assuming).

Malapit na pong matapos ang byahe nina Jayden, Alfer at Yui. Pakiantabayanan nyo po yung mga susunod ko pang akda. Pero at the mean time, eto ang bagay sa inyo. Enjoy.. :)



=======================================


At ako pa ba’y iibigin pa? Ang dinadasal, makikiusap nalang. Akin ka nalang, giliw..



== The LEAF ==


Putek lasing na lasing na ako. Nakipagbuno pa ako kay Yoh sa sobrang kalasingan at katigasan ng ulo ko. Grabe naman kasi yung nangyari sa amin kanina ni Alfer.

Para lang akong tinapunan at nasabugan ng daan-daang bomba sa harapan ko sa sinabi ni Alfer. Don’t bother asking me about it. Masakit pakinggan. Masakit tanggapin. Ayokong i-absorb sa utak ko ang mga masasakit na nangyari at mga salitang binitiwan ni Alfer.

Pero baka naman paandar lang ito ni Babe? Baka naman parte lang ito ng isang malaking surpresa niya sa akin. At isang araw, magugulat nalang ako na naririto na pala sa harapan ko si Alfer at yinayakap na ako’t babalik na kami sa dati. Haay. Nababaliw na ata ako.

“Yoh.. Panget ba ako? May.. may mali ba sa akin?” Desperadong tanong ko kay Yui at lango pa rin sa espirito ng alak.

“Yoh, wag mong sabihin yan. Yang mga tanong mo ay patunay lang na kahit anong gawin mo, may mga bagay talagang hindi natin hawak. You did your best, but Alfer was a jerk to even appreciate you. Please, wag ka ng umiyak.”

“Putang-inang buhay naman to, oo! Bakit ganito Yoh? Palagi.. palagi nalang ba akong masasaktan? Lahat nalang sila.. iniiwan ako Yoh. May magmamahal pa ba sa akin.. at hindi ako iiwan Yoh?” Ang sakit-sakit na. Bakit ba kasi nalang palagi ang nangyayari pag nagmamahal ako? Kasalanan bang magmahal ng buong-puso para parusahan ako ng ganitong klaseng paghihirap?

“Yoh, madami jan. Pero sa ngayon, tumahan ka muna ha? Alam mong ayaw kong nakikita kang nagkakaganyan.” Kitang-kita sa mga mata ni Yui ang grabeng pag-aalala sa pinapakita ko ngayon. May kontrol pa naman ako sa mga nangyayari, pero dahil na rin sa alak, nawala lahat ng inhibisyon ko sa katawan.

“Yoh, pero kasi.. si Alfer.”

“Kalimutan mo na ang gagong yun!” Napasigaw si Yui. Siguro nga nakukulitan na siya sa akin. Ahh, bahala na. Basta, lasing ako ngayon at nasasaktan ako ng sobra-sobra. Yun lang ang iniisip ko sa ngayon.

Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin, kung kaya umayos ako ng upo. “Mahal ko yun, Yoh.” Helpless na turan ko.

Nabigla naman ako ng marahas niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at tumitig ng seryoso sa akin habang may mga luhang nagtatangkang kumawala sa mga matang iyon.

Napatanga nalang ako na nakipagtitigan sa kanya. Tila andaming gustong ipahiwatig ang mga tingin na yun. At sa wakas, nagsalita siya.

“Tang-ina naman Jayden o! Di mo ba nakikita?! Mahal kita, at andito ako para sayo! Mahal na mahal kita!” Nakakapaso ang titig ni Yui sa akin. Ayokong lumaban ng titigan, pero di ko maalis sa kanya ang mga mata ko.

“H-h-ha?” Tanging katagang kumaripas palabas ng bibig kong nabubulol. Unti-unting lumuwag ang kamay niyang nakahawak sa mga balikat ko, hanggang sa tuluyan na itong kumawala.

Nalilito ako. Tama ba ang narinig ko? O baka naman dahil lasing lang ako. Pero gayun pa man, sa narinig, parang lumayas lahat ng espirito ng alak sa katawan ko.

“M-magbibihis lang a-ako.”

Deny. Deny. Deny. Yan ang ginagawa ko ngayon. Lasing lang ako, o baka naman pinapagaan lang ni Yui ang pakiramdam ko.

Syempre, best friend ko yun. Malamang sa alamang, mahal ako nun kasi nga magkaibigan kami.

“Yoh. Mahal kita.” Seryoso ngunit mahinang sambit niya. Kakakuha ko lang ng damit sa cabinet ko at sinara na ang pinto nito at hinarap siya. “Mahal na mahal kita Jayden.” Nakatungo lang siya habang nakaupo pa rin sa kama ko.

“Yoh, alam ko y-yun. Syempre, m-magkaibigan tayo.” Sumandal ako sa cabinet ko dahil nga nahihilo pa ako. “S-salamat sa pagdamay mo s-sakin palagi, Yoh.”

Nag-angat siya ng mukha’t tiningnan ako. Nanindig lahat ng balahibo ko. Umiiyak siya. Bigla nalang niya akong sinugod at inambahan ng suntok. Napapikit naman ako sa nangyari. At isang malaking ingay nga ang narinig ko.

Nang iminulat ko ang aking mga mata, ilang dangkal nalang ang pagitan ng mukha ko at ng nakayukong mukha ni Yui. Ang cabinet ko ang sinuntok niya. Nanginginig ako sa nangyayari. Umiiyak pa rin si Yui.

“Mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal na mahal kita Jayden! Di mo ba naiintindihan yun, ha?!” At kumawala na ang hikbi na kanina pa niya pinipigilan.

“Y-yoh..” I’m speechless. Nakatanga lang ako na nakasandal sa may cabinet ko at nakaharap sa umiiyak na si Yukito. Rinig na rinig ko sa iyak at hikbi nito kung gaano siya nasasaktan at nagdurusa. Sa nakikita ko, nawala na nga lahat ng kalasingan ko sa katawan.

“J-jayden.” Suminghot pa siya, nagpakawala ng malalim na buntong hininga, at tumitig sa akin. “Matagal ko ng g-gustong sabihin sayo to. B-bago pa ako tumulak papuntang Japan, bago pa naging kayo ni Alfer, bago mo pa sabihin na gusto mo siya. I was right here for you.”

All along, I thought was the only that is hurting deep inside. I failed to recognize his effort, the pain, and the sadness in my best friend’s eyes.

“Mahal na mahal kita Jayden. At ngayon, nagsisisi ako na nagpa-ubaya ako kay Alfer at tumakas sa kagustuhan kong ipaglaban ka.” Umiiyak pa rin siya. Ngayon ko lang siya nakitang nasasaktan ng ganito. “Tiniis ko ang dalawang buwang isolation mula sayo sa Japan, para tikisin at pilit na makalimutan  ang nararamdaman ko sayo, dahil alam kong si Alfer na ang nasa puso mo.”

Ipinaubaya niya ako kay Alfer? At alam ito ni Alfer? Isolation? Mahal ako ng best friend ko? Sa bilis ng mga rebelasyong iyon, di pa ako makabwelo para ma-absorb lahat ng mga yun. I never knew he felt this way towards me.

“At sa nakikita ko ngayon Jayden, putang ina! Ang sakit! Lahat ng nangyayaring ito, kasalanan ko! Kasalanan ko dahil hindi kita ipinaglaban. Dahil sa kaduwagan ko, ikaw ang labis na nasasaktan. Patawarin mo ako Yoh!”

At niyakap niya ako ng mahigpit.

“Yoh, akin ka nalang! Akin ka nalang ulit! Please?!” Hagulgol ni Yui sa aking balikat.

I don’t know how to react. Ten minutes ago, I was only thinking about how hurt I felt. But somehow, the tables had met an unexpected turn. Then I realize, how stupid and selfish I was. Best friend ko si Yukito, pero all I think about is myself, without even acknowledging na may problema din sya sa sarili niya. Kagaya ngayon.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin. “Yoh, hindi kita inoobliga na magkaron ng response sa mga sinabi ko. Ang akin lang, hayaan mo lang akong iparamdam sayo na mahal kita. Na andito ako palagi para sayo. Na hindi ka nag-iisa. Please Yoh, kahit nalaman mong higit pa sa isang kaibigan at kapatid ang turing ko sayo, please, wag kang magbago. Wag kang mailang sa akin. Ako pa rin naman to eh. Maghihintay ako.”

Bumuka ang aking bibig para magsalita sana. Pero ano naman sasabihin ko? I was taken by surprise sa lahat ng nangyayari. Ang bilis lahat. Hindi ko pa mahabol ang agos ng mga rebelasyong ibinunyag sa akin ni Yui.

“Yoh, please? Wag kang magbago sakin.” Ang mga mata ni Yukito ay sabay na nakikiusap. “Mahal kita, at ayaw kitang mawala sa akin. Kahit puchang i-friendzone mo ako, okay lang! Just.. just let me love you. Let me love you from afar. Please, Yoh?”

Walang salita ang namutawi sa aking mga labi. Bagkus, niyakap ko si Yui. Ipinaramdam ko sa kanya na walang magbabago sa amin. Mahal niya ako, at isa siyang espesyal na tao sa buhay ko. Wala man akong maibigay na kapalit sa nararamdaman niya para sa akin, siya pa rin ang Yoh ng buhay ko.


…..


“Good morning Yoh!” Masiglang bungad sa akin ni Yui nang makababa na ako kinaumagahan sa kusina para mag breakfast.

Wala ngang nagbago. Eto pa rin kami. Si Yui pa rin ang naghahanda ng breakfast naming tatlo ni Nanay. Malapad pa rin ang ngiti niya, tulad ng dati. Para lang walang nangyaring aminan kagabi.

“San ka na naman nagsusuot kagabi, bata ka?” Sermon ni Nanay ng makita ako. “Alam mo bang hinalughog ni Yui ang buong syudad makita ka lang? Ano ba nangyari?” Lagot ako kay Nanay nito. Mahaba-habang eksplenasyon at pagpapaliwanag ito.

“Nay. Okay na po yan. Kinausap ko na yan kagabi.” At sinuyo na nga ni Yui si Nanay para di na magsermon pa at pagalitan ako.

“Naku, pasalamat ka talaga at may Yui ka sa tabi mo bata ka! Kung hindi, makakarating to sa Papa mo.” Salamat talaga kay Yukito. I don’t know how will I survive without him.

What?! Tss. Ano ba tong naiisip ko?

Pero on the other hand, nangako ako na walang magbabago. Na kahit nalaman kong matagal na niya akong minamahal, walang awkwardness na papagitan at maglalayo sa amin sa isa’t isa.

“Yoh, upo ka na. Nagluto ako ng Tuna Mayo Omellete. Natutunan ko to kay Atty. Kuroi, yung abogado ni Papa sa Japan. Lika, masarap to.” Ang gaan-gaan lang ng mga ngiti ni Yui. Ang sarap tingnan. Para lang sinasabi ng mga ngiting iyon na, okay kayo. Na magiging okay din ang lahat.

Simula kagabi, parang absent pa rin ang dila ko. Di ako makapagsalita. Nahihiya ako sa inasta ko kagabi, at sa mga kahibangan na pinagagawa ko.

“Nay, alam na po ni Jayden.” Napatigil naman kami ni Nanay sa pagsubo nung kumakain na kami. “Nagtapat na po ako sa kanya kagabi.” May ngiting pilit na turan ni Yui.

Napatingin naman si Nanay sa akin. “Oh, ano daw sabi nitong batang to?” Adik lang ni Nanay. Bakit si Yui ang kinakausap habang ako ang tinitignan? At alam din ni Nanay? Nanlaki naman ang mga mata ko,

“Shocked pa yan Nay. Di ko naman minamadali eh. At isa pa, may pinanghahawakan na po ako na walang magbabago sa amin.” At nasilayan kong napangisi si Yui sa gawi ko. “Siguro, meron naman. Mas magiging sweet ako Nay para mapasagot ko sya.”

Namula naman ako sa sinabi ni Yui. Hello! Andito kaya ako sa harapan niyo, pero kung makapag-usap kayo, wagas! Adik lang eh.

“Oh, Jayden. Ba’t di ka maka-imik jan? Hangover?” At napahagikgik ng tawa si Yui. “Nagtapat lang si Yukito sayo, di ka na makapagsalita. Alam mo ba kung gaano karaming tapang ang kailangan para magtapat ka ng pag-ibig sa isang kaibigan? Effort naman jan, anak.”

“H-ha? P-po?” Nauutal kong sagot.

“Hayaan na po muna natin siya Nay. Medyo biglaan din kasi ang pag-amin ko kagabi. Wrong timing, kaya baka natatameme pa si Yoh ko.” Nginitian ako ni Yui. “Oh, Yoh, kain ka pa oh. Pakabusog ka. Hindi ka nag-dinner kagabi.”

Kung ibang tao lang itong si Yukito, siguro nasapak ko na ito sa sobrang ka-sweetan niya sa akin. Yung ka-sweetan na nakakailang ba.

Pero hindi. Siya si Yukito Ramirez Fujiwara. Siya si Yoh na best friend ko. Ayokong maramdaman niyang nire-reject ko siya. May kasalanan din ako sa kanya, alam ko.

At, kahit na umamin si Yui ng nararamdaman niya sa akin, hindi ko pa rin alam kung ano na ang mangyayari sa amin ni Alfer nito.

Yung kagabi? Hindi yun isang closure. Atleast I know that. Kailangan ko siyang makita. Kailangan ko siyang makausap. All I need is just a proper ground to identify where we are supposed to move.

At si Yui? Ano ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Ang alam ko, dati, medyo na attach ako sa kanya, romantically. Or baka naman na confuse lang ako sa kanya dati. Pero sa nalaman ko kagabi, mahal na niya ako dati pa kaya niya ako pinapakitaan ng ganun.

Ewan ko! Sasabog na ata ang utak ko sa kakaisip kung papaano na ang magiging siste ng buhay ko ngayon. Kung saan-saan nalang nililipad ng hangin ang utak ko sa kakaisip.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng maramdamang hinawakan ni Yui ang mga kamay ko. Agad naman akong napatingin sa kanya. Nakangiti lang siya.

“Yoh, wag mong isipin na minamadali kita. Take your time. Alam kong wrong timing ang confession ko sayo kagabi. Sorry. Di ko lang mapigilan. Mas nahihirapan ka tuloy. Sorry Yoh.” At naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

“O-okay lang Yoh.” Nangiti ako ng pilit. Nahihirapan ako sa sitwasyon, pero mas naaawa ako sa nararamdaman ni Yui.

“Basta dahan-dahan lang ah? Isa-isa lang Yoh. Makakapaghintay naman ako eh. Kahit sa dulo ng paghihintay na iyon ay walang Yoh na maghihintay sa akin. Kontento na din ako sa ganitong set-up. As long as di kita nakikitang umiiyak at nahihirapan, okay na ako.”

“Salamat Yoh. Salamat sa pang-unawa.”

Isa, dalawa, tatlong minutong titigan ang lumipas bago siya nakapagsalita. “I-I love you, J-jayden.”

Napatigil ako sa narinig kong tinuran ni Yui.

“S-sorry Yoh. Di ko na naman napigilan. Sorry.” Hinging-paumanhin nito sa akin habang nakatungo.

“N-naiintindihan ko Yoh. Salamat sa pagmamahal mo.” Yan nalang ang nasabi ko. Nagpapasalamat talaga ako sa atensyong binibigay nito sa akin, pero may parte pa din ng puso ko ang nakokonsensya kasi di ko alam kung paano ito sasagutin.

Kailangan ko ng bawasan ang mga issue ko sa sarili para magkaroon na ako ng peace of mind at heart. At para malaman sa sarili kung ano ba talaga ang isang Yukito Fujiwara sa buhay ko. Ayoko ng patagalin ang paghihirap nito.




========================================


== The WIND ==

Haaaay. Finally.

Libu-libong tinik at what if’s ang nalagas sa aking utak at puso. Sa wakas. Nasabi ko na rink ay Yoh ang ilang buwan ko ng pinipigilang damdamin.

Ayos na sa akin ang ganito. Atleast malaya kong naipapakita ang pagmamahal ko. Kahit ganito, atleast, may development na rin at umuusad tong pagmamahal ko kay Jayden.

Siguro, bonus nalang sa akin kung matututunan niya akong mahalin. Basta ang importante, nakikita ko siyang masaya. Yun nalang muna ang iisipin ko. Basta ako, andito ako palagi para sa kanya.

“I LOVE YOU, JAYDEEEEEN!” Sigaw ko ng makalabas na ako ng bahay nila para umuwi muna sa amin. Kahit may mga taong makarinig, at mga chismosang kapitbahay na magkakaroon ng mga bulung-bulungan, wala akong pakialam!

“Ang kulit mo Yoh. Uwi ka na! Lagot ka kay Mama Pearl niyan.” At nakita ko na naman ang mala-anghel niyang pagngiti at pagtawa nang dumungaw siya sa may bintana ng sala nila.

Ganyan lang Yoh. Kalimutan mo na muna ang sakit at pait na idinulot ng mundo sayo. Andito ako. Papawiin ko lahat yan, at papalitan ng mga ngiti at tawa. “I LOVE YOH!” Sigaw ko ulit habang papatalikod na naglalakad at tumatawid sa kalye.

Natawa naman ako sa nasabi ko. Tama! Ang “you” sa “I love you”, papalitan ko ng “Yoh”. Para cute. Hahaha!

“Beeeeep!” Nabigla ako ng biglang may isang van na huminto sa aking gilid. Woooh! Akala ko babanggain ako nito. Nang lingunin ko ang van, nakilala ko agad ito.

“Anak. Bakit ka mukhang nauulol jan sa kakasigaw? Maririnig ka ni Jayden mo.” Saway sa akin nang kakababa mula sa van na si Mama.

“Pearl, hayaan mo na yang anak mo. Binata na yan eh.” Sabi naman ni Papa na dumungaw sa nakababang binta ng van.

“Good afternoon Mama Pearl, Papa Conrad. Kumusta po?” Di ko namalayang nakalabas na din pala ng bahay si Yoh. Siguro nakita nito sila Mama.

“J-jayden, hijo. Okay naman kami.” Nanlaki ang mga mata ni Mama. “K-kumusta ka hijo?” Siguro dahil hindi pa alam ni Mama na alam na ni Jayden, kaya siguro aligaga ito.

“Ma, relax.” At inakbayan ko si Jayden. “Alam na po niya.” At nangiti kami pareho ni Jayden kay Mama.

“Ha? Ahh. Okay.” Nalilito pa rin si Mama, alam ko.

“Ayos naman po. Napasyal po tayo? May date kayo ni Papa?” Ngiti ni Jayden kay Mama.

“Oo.” At nagtilian sila Mama at Jayden dahil siguro pareho silang kinikilig. “Pero, di lang kami ang mag-de-date?”

“Ho?” Tanong ko.

“Tayo. Mag-oovernight tayo sa Tagaytay. Kaya Jayden, hijo, tawagin mo na si Manang Nimfa at mag-ayos na kayo ng gamit.” Ngiti ni Mama dito.

Natuwa naman ako sa sinabing iyon ni Mama. Tama. Kelangan muna ni Jayden ng bakasyon para makapagpalamig ng ulo at makapag-isip.

“Sorry hijo ah? Biglaan ko kasing inaya ang buong pamilya para di na kayo maka-hindi. Mas okay kasi yung di pinaplano na bakasyon, para siguradong tuloy tayo.” Si Papa.

“Tulungan na kita Yoh?” Alok ko kay Yoh. At tumango naman siya.

“Sige Yoh. Mag-aayos lang po kami Ma ha? Teka lang.” At pumasok na kami ni Yoh sa loob ng bahay.

Nung sinulyapan ko si Mama at si Papa, may mga tanong akong nabasa sa mata ni Mama. Alam kong di na yun makapaghihintay pa na sabihin ko kung pano nangyari na alam na ni Jayden. Pero pinagkibit-balikat ko lang ito.

Ang siste, sila Mama, Nanay, at Papa ang nasa Van pati na ang mga kapatid ko. At sa kotse naman na dala nina Ate papunta kina Yoh kami sumakay ni Yoh. Ako ang nagda-drive habang siya ay tahimik lang na naka-upo sa may front seat.

“Yoh. Okay ka lang ba?” Tanong ko habang nagda-drive.

“Okay lang ako Yoh.” Ngiting pilit niya sa akin.

“Nagugutom ka ba?”

“Hindi naman Yoh. Ikaw ba?”

“Okay lang ako Yoh. Ikaw pa lang, busog na busog na lahat ng parte ng katawan at kaluluwa ko.”

“Awtsu! Naisipan mo pa talagang ihirit yan ah!” At nagtawanan kami. “Sa kalsada ang mga mata Yoh. Wag kung saan-saan.”

“Yoh, ang pag-ibig ko sayo ay parang Nesfruita Dalandan.” Ngiti ko sa kanya. Nakakunot-noo naman siyang humarap sa akin.

“Ha? Adik ka na naman Yukito eh! Pati commercial ad, wala kang patawad.”

“Ay! Barahan agad? Di pa nga ako natatapos eh. Pwede?”

At natawa siya. “Oh, bakit?”

“Yoh, ang pag-ibig ko sayo ay parang Nesfruita Dalandan. Real na real!” Epic fail. Walang reaksyon.

“Dan dan dan, dalandan!” Pakengkoy na kanta ni Yoh. Dun palang kami napahagalpak ng tawa. “Nangangalawang na ata ang mga punchline at cheesy quotes natin Yoh. Anyare?”

“Hahaha! First time ko kasi na ganito ang setting natin. Alam ko namang sinabi natin sa isa’t isa na walang magbabago, pero, di ko lang kasi mapigilang wag ma-excite. Imagine, after so many months, malaya ko ng na-eexpress ang nararamdaman ko sayo Yoh. Grabe!” Tila nag hihisteryang turan ko.

Ninakawan ko siya ng sulyap at tinapunan ng isang ngiti. Pero napansin kong natahimik siya at pilit lang ang mga ngiti.

“Yoh, m-may problema ba?” Kinakabahan ako. Sana wala muna kaming problema, kahit ngayong bakasyon lang namin sa Tagaytay. “Na-iilang ka na ba s-sakin?”

“Hindi Y-yoh.” At humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. “P-pero, sigurado ka ba sa sinabi mo k-kagabi? M-mahal mo ako?”

“Oo naman Yoh. Alam mo, matagal ko ng dapat sinabi sayo eh. Pasensya ka na’t umabot pa tayo sa ganitong sitwasyon dahil sa kaduwagan ko. Ayoko lang mawala ka’t iwasan mo ako.” Seryosong turan ko.

“K-kelan pa, Yoh?”

“Nung araw na nagkabanggaan tayo sa may gate ng school. Nung araw na naging magkapareha tayo sa English class natin kay Ms. Tayko. Yun yung panahon na kinwestyon ko ang aking pagkalalaki. Hindi ko pa alam nun na nahuhulog na ako sayo, pero alam ko, malaki na ang epekto mo sa akin.”

“Y-yoh..”

“Naalala mo yung mga keso na banat ko, lalo na si Peter Pan?” Tumango siya. “Para talaga sayo yun. At yung crush ko na sinabi kong natotorpe ako? Ikaw din yun.” Ngiti ko sa kanya.

“A-at yung... sa beach. Y-yung kamuntikan na akong m-malunod. I-ikaw ang nagl-ligtas sa akin nun, d-diba?”

Di ako naka-imik. Di na ako ulit makatingin sa kanya. Yan kasi, pinaalala mo pa lahat Yukito. Nabisto ka tuloy.

Naramdaman ko na hinawakan ni Jayden ang kanang kamay ko na bakante kasi nga automatic naman ang kotseng dinadala ko. “Salamat Yoh. Wala ako ngayon kung wala ka nung panahon na yun.”

Napangiti ako. “Hindi ka na dapat magpasalamat dun Yoh. Sa tingin mo, mabubuhay ako ng wala ka? Simula nung makilala kita, hanggang ngayon, yung dalawang buwan ko sa Japan pa lang ang pinakamalungkot na parte ng buhay ko. Kasi wala ka sa tabi ko.”

Adrenaline rush. Sasabog na ata ang utak ko sa bilis ng daloy ng dugo papunta sa utak ko. Eto na yun Yukito. Tell him!

“Kahit ma-friendzone pa rin ako sa bandang huli, maghihintay ako sayo Yoh. Mahal na mahal kita, at kontento na ako dun. Sa lahat ng mga nangyari, natutunan kong mas okay na sa akin na hindi maging tayo, basta’t di kita nakikitang sinasaktan ng iba.”

“Y-yoh. S-sorry kung nasasaktan kita ng h-hindi ko sinasadya. Pero k-kasi.. ang hirap. Maski ako. Nahihirapan ako.” At nung tinapunan ko ulit siya ng tingin, may mga luha na namang umaagos sa mga mata nito. Kaya gamit ang kanang kamay ko, hinilig ko ang kanyang ulo at pinasandal sa balikat ko.

“Yoh, okay lang ako. Please. Wag mo akong intindihin. Please, tahan na. Nasasaktan ako lalo pag nakikita kang umiiyak. Tahan na Yoh.” Nagpapanic kong pang-aalo kay Jayden. “Bakasyon to Yoh. Hindi ito teleserye.” At tumawa ako para ibahin ang hangin sa loob ng kotseng iyon.

Sinapak ako ng mahina ni Yoh at tumawa ng mahina habang may mga luha pa rin sa mata. “Salamat Yoh.”

“Anything for you, Yoh. I’ll be your loyal knight in shining armor.”






==========================================



== The TREE ==


“N-nandito ako para.. para..” Nasa harapan kami ng isa’t isa. Nagtitigan ng mga ilang minuto.

Bakas sa mukha ni Jayden ang pananabik sa akin. Ilang linggo ko rin siyang tinataguan dahil sa mga hindi maresolbang mga issue ko sa sarili.

“..Para tapusin na ang lahat sa atin.” Napamuglat siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata’t nakikiusap na sana’y nagbibiro lang ako.

“B-babe!” At nagsilabasan na nga ang mga luha sa mata niya. “W-wag naman, B-babe.”

“I can’t do this anymore Jay, am sorry.” I can’t stare at him directly. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga sinabi ko. Mas tama na ito. Isang mabilisang sakit, kesa sa paasahin ko pa siya at saktan ng paunti-unti.

“W-why? Where did I go w-wrong?” Be strong Alfer. This is the right thing to do. Kayanin mo ang katangahan mo!

“You are hurting so much, Jay. And that’s because of me. And n-now, I can’t even stare at you, straight in the eyes. Ayoko ng saktan ka pa.” Sa tingin ko naman, lahat ng iyon ay hindi excuse pero may parte pa rin ng puso ko ang nagpo-protesta sa ginagawa ko.

“Fuck those excuses Alfer! Hindi yan rason para gawin mo sakin to!” Tumataas na ang boses ni Jayden. “I won’t accept those petty reasons!” Tatanggapin ko ang galit mo Jay. I was a jerk for causing you this pain. I’m sorry.

“I’m sorry Jayden. I don't expect you to understand my actions either. Just point the blame on me. It’s better that way. Sorry.” Ayoko na! At kahit mga ilang segundo pa sigurong pananatili ay bibigay na ako’t susugurin siya ng yakap at halik at sasabihing nagsisinungaling lang ako. Pero hindi na pwede. Kaya tumalikod na ako’t nagsimulang maglakad papalayo.

“Alfer!” Narinig ko pang tawag ni Jayden. “Alfer!” Isa pa niyang tawag nang makapasok na ako sa kotse ko. “ALFEEEEEEEER!”

At napabalikwas ako ng bangon. Butil-butil na pawis at mabibilis na hininga ang sumalubong sa akin, kasabay ng liwanag na tumatama sa akin mula sa bintana ng aking kwarto.

Putek! Binabangungot na naman ako. The same nightmare, every night, for two weeks, straight.

Nasapo ko ang noo ko. “What the hell is happening to me?!” Tanong ng utak ko.

“Sagutin mo ang sarili mong katanungan. Ano nga ba ang nangyayari sayo?” Segundang tanong ng puso ko,

Eto na naman ang dalawang ito. Kung bakit ba kasi magkaibang-magkaiba ang pananaw ng puso at ng utak sa isa’t isa. Haaaay.

Ang tanong na matagal ng naka-tengga sa sarili ko. Minahal ko ba talaga si Jayden?

“Oo, minahal, at mahal mo pa rin si Babe mo. Kaso, yung iba dyan, humaharang!” Patutsada ng puso ko.

“Mag-isip ka nga! Kung di mo ginawa yun, malamang, hanggang ngayon, at hanggang tumatagal yang relasyon niyo, pauli-ulit mo lang siyang sasaktan! Mag-isip ka Alfer. Puro ka kasi puso eh. Di mo iniisip na nakakasakit ka na.”

Pareho silang tama. Mahal ko si Jayden. At dahil sa katangahan at pagiging selfish ko, nasasaktan ko siya ng paulit-ulit.

Akala ko, after all this time, nawala na ang pride at ego sa sistema ko. Pero naririto pa rin pala.

Sinampal ko ang sarili ko. Isang malakas na sampal.

“Bakit ba kasi ayaw mo pang bitiwan yang pride na yan?! Tarantado ka!”At isang sampal pa ulit sa kabilang pisngi.

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang nangyari ang lahat ng iyon. Pero hanggang ngayon, inuusig pa rin ako ng konsensya ko.

Hindi tamang closure yun. Kung gusto kong makawala sa mga tanikalang nakagapos sa akin, kelangan ko makausap si Jayden. Para magkaron talaga ng maayos na pagwawakas ang kung anumang gusot ang meron kami.

Nung mga nakaraang araw, sinusubukan ko siyang puntahan sa kanila para makausap, o kaya naman ay lapitan pag nagkikita kami sa campus, pero nauunahan ako ng kaba at guilt sa dibdib. Kung magkakalakas-loob naman akong lumapit sa kanya, siya naman tong iwas ng iwas sa akin.

“Ahh siguro, umiiwas lang na magkaron ng ibang iisipin, dahil nga Finals Week na ngayon.” Sabi ko sa loob ko.

Sige. Pagkatapos nalang ng linggong ito. Bahala na.

“Anak, kumusta Finals nyo?” Tanong ni Mom habang kumakain kaming pamilya ng dinner kinagabihan.

“A-ayos naman p-po, Mom.” That was a lie. Di ako nakakapag-concentrate nitong mga huling araw para mag-aral dahil na nga sa problema ko kay Jayden.

Madami pa silang pinag-usapan over dinner. Pero hindi na ako nakisali. Total, wala namang ibang tumatakbo sa isip ko kundi siya lang. Si Babe lang, Si Jayden.

Tila nawalan na talaga ako ng ganang kumain pa ng maalala ko na naman si Jayden. Kaya nag-excuse na ako sa kanila at sa mesa na lukot ang mukha at dire-direchong tinungo ang terrace sa pangalawang palapag ng bahay para makasagap ng preskong hangin.

“Yeah. Karma really comes back around. And here you are, Mr. Samonte. Disturbed and devastated. Serves you right.” Sarkastikong kausap ko ang sarili. “Ang tanga mo kasi!”

“I gave you your chance to prove yourself and your so-called Love for him. Pero pumalpak ka Alfer. And now, Jayden is in so much pain because of you.” Tila nag-echo ang mga katagang iyon sa balintataw ko.

Tama si Yui. I’ve had my chance, and I completely ruined it. And now, I’m a laughing stock.

Sunud-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Tila may nakabarang kung ano sa daluyan ng hangin papunta sa baga ko.

“Son, let it out.” Naramdaman ko si Dad na nasa tabi ko na pala.

“D-dad? K-kanina pa k-kayo jan?” Tarantang tanong ko dito.

“Bago pa lang. Pogi problems ba yan? Naku, anak. Expert ako dyan.” Pagbibiro ni Dad, para lang gumaan kahit papano ang pakiramdam ko.

“Dad, alam mo yung pakiramdam na minsan sa buhay nyo, nagiging tanga kayo? Na kahit alam mong magiging masaya ka sa isang bagay, di mo magawang piliin yun dahil sa pride at ego nyo?” Bahala na. Siguro, kailangan ko lang talaga ng makakausap tungkol sa problema ko.

“Naiintindihan ko ang punto mo anak. Siguro, lahat ng tao, nadadaan sa sitwsasyong yan eh. Kahit ako man noon.” Panimula ni Dad. “Pero alam mo anak, sa ilang dekada na pamamalagi ko sa mundong ito, isa sa mga natutunan ko ay konektado sa problema mo.”

Napakunot naman ang noo ko na humarap kay Dad na ngayon ay nakatanaw sa malayo.

“Pride and ego are but a little sacrifice for us to be truly happy. Kung piliin mo man ang bagay na makakapagsaya sayo kaysa pride at ego mo, mas magiging payapa ang sarili mo anak. Oo, madaling sabihin, pero yun talaga ang consequences kung gusto talaga nating maging masaya.”

Nanatili lang akong nakatitig kay Dad.

“Kaya ikaw, piliin mo ang kung anumang makakapagpasaya sa iyo anak. Lower your pride. Hindi ka magiging masaya sa pride na yan.” Ngiti ni Dad sa akin. “Don’t worry, Son. Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Jayden. Suportado ko kayo.”

Napangiti ako sa sinabi ni Dad. Pero agad naman yung napalitan ng lungkot. “Di na pwede Dad eh. Marami ng nangyari. Nasaktan ko na siya ng paulit-ulit. At ngayon, binabakuran na siya ng iba. Di ko naman ito masisisi kasi mahal din nito si Jayden.”

“So that’s why lutang na lutang ka nitong mga nakaraang araw? Naku. Mahirap nga yan anak.”

Kapwa lang kami napabuntong-hininga ni Dad. Tama siya. Mahirap. Komplikado. Kasalanan ko din naman to eh.

“Anak I hope you don’t mind ah? Pero kung ikukumpara mo ang sarili mo sa taong bumabakod kay Jayden ngayon, kanino magiging mas masaya si Jayden, sa pananaw mo?”

Si Dad naman eh. Ang bigat nung tanong. Syempre mabigat yun kasi alam ko ang sagot. Di ko lang matanggap na ganun nga ang mangyayari.

“Sorry sa tanong, Son. Ina-assess ko lang ang sitwasyon nyong tatlo. Kung ayaw mong sagutin, okay lang. Basta----” Di ko na pinatapos si Dad.

“Sa kanya Dad. Mas magiging masaya si Jayden sa kanya.” Malungkot na tinuran ko.

Niyakap ako ni Dad. “Gawin mo ang sa tingin mo ay tama anak. Wag kang maging madamot. Yung tama lang. Kung may nagawa kang kasalanan, panindigan mo. Kung piliin mo mang pakawalan siya para sa ikaliligaya niya, gawin mo. Kung kayo talaga sa bandang huli, magiging kayo pa rin. And lastly, the very remedy for every mistake is to learn from it.”

“Sana nga Dad.” Sabi ko sa sarili ko.

Nakapag-decide na ako.

“Yui, ingatan mo sana si Jayden.” Tangi ko nalang nasabi sa sarili bilang pagsuko.


……


Friday afternoon. Huling araw ng Finals Week ng school.

Nalalanghap na naming mga estudyante ang amoy ng Summer Vacation.

Ito na rin ang takdang panahon na ibinigay ko para sa aming dalawa.

Ito na ang takdang panahon para magkaliwanagan.

Ito na ang takdang panahon para makalaya kami sa kanya-kanyang pagkakagapos.

Natapos ang exam ko ng bandang 2:30PM, at sa pagkakaalam ko kay Erin, isa sa mga Student Assistant na kasamahan ni Jayden, 4PM pa matatapos sa huling exam nila si Jayden.

Isa’t kalahating oras. Isa’t kalahating oras akong naghintay sa may fountain area ng campus. Sa may tambayan ni Jayden.

Natigilan ako ng makita ko si Jayden na naglalakad papunta sa direksyon habang nakasabit sa may tenga nya ang headphones niya. Di ako nito napapansin dahil nakatingin siya sa ibang direksyon.

Nanlalamig at nanginginig ang buo kong katawan sa mga nangyayari.

“Man up Alfer! Panahon na para i-tama ang lahat ng pagkakamali mo.” Sabi ng utak ko.

Agad akong lumapit dito.

“J-jayden.”

Napatigil siya sa paglalakad at natulala nung nakita ako sa harapan niya.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Sampung segundo kaming nagtitigan lang.

Aktong tatalikod na siya para umiwas sa akin nang pinigilan at hinawakan ko siya sa braso.

“Mag-usap tayo. Please?” At bumagsak sa leeg nya ang nakasuot niyang headphones. “Kahit man lang sa huling pagkakataon. Mag-usap tayo.”

Bumuntong-hininga siya at naunang umupo sa may bench ng tambayan niya. Sumunod naman ako. Kapwa na kami naka-upo sa may bench na iyon at parehong nakatanaw lang sa may fountain ng school. Katahimikan ulit. Ang awkward na kasi, kaya ako na ang bumasag nito.

“A-alam kong di naging m-maganda ang naging usapan natin two weeks ago. P-pero sana pakinggan mo itong sasabihin ko.” Panimula ko. Shit! Kinakabahan ako. Pero sige na. Bahala na.

Wala siyang imik. Pero alam kong naghihintay at makikinig siya sa akin. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago nagpatuloy. Andami ko atang kasalanan sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

“Alam kong hindi sapat ang mga sasabihin ko sayo ngayon para bawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo. Pero kasi, wala na akong maisip na mas mabuting paraan para ipakita sa iyo kung gaano ko pinagsisisihan ang mga nagawa ko sa iyo, kundi ipakita sa iyo mismo ang sinsiridad ko nang harapan.”

Nakatungo pa rin siya. Alam kong nakikinig siya.

“Sorry kung hindi ko napanindigan ang lahat ng mga naging pangako ko sayo. Sorry kung mas pinili kong pansinin ang pride at ego ko. Sorry kung naging makasarili ako. Binago ko ang persepyon mo ng pag-ibig, pero hindi ko pa pala nababago yung persepsyon ko. Patawarin mo ako kung dahil sa akin, nasasaktan ka at nahihirapan.”

Hindi natural sa akin ang umiiyak, pero ginagawa ko ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagkukulang ko kay Jayden. Ramdam na ramdam ko sa mga umiiyak niyang mata ang sakit na naidulot ko sa kanya.

“I was a jerk. I was a fool to let go of someone as special as you, Jayden.” Malungkot na pag-amin ko ng aking pagkatalo.

“A-ayaw mo na ba t-talaga?”


- Itutuloy - 

8 comments:

  1. naku jayden please kay yukito ka nalang mas magiging masaya ka sa knya.

    boholano blogger

    ReplyDelete
  2. "Gusto pa niya, Jayden, gusto pa niya," lol.. dinugtungan.

    Hihintayin ko ang ending nito Jace! Pati ang susunod mo na akda.. kudos po sa iyo!

    ReplyDelete
  3. Huwag mo na kasing istorbuhin silang mag Yoh...Malaki kasi ang fried chicken mo. Salamt sa update Mr jace. Take care.

    ReplyDelete
  4. YUkito-jayden syempre. Ayawan na sila ni Alfer

    ReplyDelete
  5. Oo nga kay yukito ka na lang na kaya kabg ipaglaban at tunay n nagmamahal sa iyo. Thanks. Nxt pls

    Randzmesia

    ReplyDelete
  6. Kay yukito pa ako.
    Pero nasayo na Jace ang ending kung alfer- Hayden or yui- Hayden siya.
    wait na ako sa ending.

    red 08

    ReplyDelete
  7. i can't wait for the finle of this story, Kuya Jace! hahaha. penge po number nyo kuya. wanted to be friends with you. sana Jay-Yui na ituuu! salamat for the update Kuya Jace. God bless you and your works.. :)

    - excellion

    ReplyDelete
  8. Jace ta* haha

    Ayaw na bag.oha nang story.. Si yukito na please.

    Ako jud ning gipulawan og basa bya :D

    -gelogy stud

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails