Followers

Tuesday, October 7, 2014

Love Is... Chapter 16



AUTHOR’S NOTE: Maraming salamat sa paghihintay! Sorry talaga dahil ako’y bumibusy! Naipost ko na kanina sa facebook ang dahilan so, ayoko nang ulitin dito. Haha! Ako’y tamad! Peace!

Maraming salamat pa rin kina Sir Mike Juha at Sir Ponse sa opportunity na ito. Sorry sa mga kapalpakang nagagawa ko bilang isang baguhang manunulat. Hangad ko lamang ang inyong tamang paggabay sa akin, sa aming manunulat dito sa blog.

Salamat sa mga visible kong tagapagbasa na hindi nakakalimutang magdrop ng kanilang mga mensahe pagkatapos magbasa. Mahal ko kayo! Angel, Yelsna, Az, Angel Threesixty, Alfred of T.O., Vienne, Anonymous #1, Trev, Dave, at Jay 05. Miss ko na si Marvs. :(

Salamat din kila James Lanipa, Ei Ji, Nhie Cas, Kierlan Fami (na miss ko na), Gabriel Giovannie, Mark Ansley, Red Ian, Jeric Asher, Angel Threesixty, sa paglalike ng mga posts ko, at sa pagtulong sa akin na makakuha ng ideya tungkol sa magiging tawagan nila Riel at Red. Thank you, thank you! You’re always making my day. :D Ang nanalo ay si Red Ian Benedict Lopez ang kapatid kong sing puti ng radish! :D Better luck next time, guys. May mga susunod pang patulong ako. Kaya, be creative.

Wala lang. Paborito ko kasi ang Blueberry Cheesecake. I’m craving! Syet!

Please add me up, and join our fb group. Nasa baba yung links.

May ginawa rin akong blog guys. If you want, you can us to your reading list in your Blogger Apps: Blogaway for Android and Blogger for iOS. Here’s the link -- Anything under The Sun Blog.

So, without further ado! Here it is, #LoveIs16. Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only, photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV


ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf and The Wind (On-going)
Bluerose Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XVI


Josh’s POV

“Eli…” Pagpigil ko sa kanya.

Pero… Wala akong nakuha na kahit anong sagot mula sa kanya. Is he really going to leave me here?

Sorry… Sorry kasi, sinasabi kong nahuhulog na ako sa’yo pero… pero, wala pa ring nangyayari sa akin. I’m always going to where I’ve started, but still getting the same pain at the end. Gusto ko nang makaalis, Josh. But… but I can’t do this anymore.

Ang sakit sakit lang kasi. Nangako siya e. Pero siya rin naman yung hindi tumupad noon. Alam niyo yung, ipinagsisikan mo lang pala yung sarili mo sa kanya, tapos mauuwi lamang sa wala.

“Sabi ko naman kasi sayo, hindi ka mahal nun. Pinapaasa ka lang nun. Bakit ba kasi ayaw mo sa aking maniwala?” Ani Riley na naggagalaiti pa rin sa galit.

Umiyak na lang ako ng umiyak doon. Nandoon pa rin yung mga kaklase ko na nakiusyuso kanina pa. May kasalanan din naman pala ako. Ako yung pumilit sa kanya. Ako yung willing maging rebound niya. Ang tanga ko! Hindi ko kasi naisip na hinding hindi ko siya matutulungan dahil, sarado na ang puso niya sa isang tao lang.

“Josh!” Sigaw nang pamilyar na boses ng isang kaibigan. Ang kaibigan kong karibal ko sa puso ni Eli. Bakit ba hindi ko kayang magalit sa kanya? Siya ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ng ganito.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalayo doon sa kumpulan ng aming mga kaklaseng nakiusyuso sa nangyari kanina. Hindi pa rin ako matahan sa kakaiyak. Okay lang naman di ba? When you’re hurt, crying is the best way to somewhat, heal the pain. Kahit papaano, mailalabas mo lahat.

Pinaupo niya ako sa isang bench doon nang makaahon kami. Mahigit sampung minuto na rin siguro ang nakalilipas buhat nang pumasok kami rito.

“Ano bang nangyayari? Ayaw kasi akong palapitin ni Red kanina e. Hindi ko tuloy narinig lahat. Tell me, Josh.” Saad niya. Inaalo niya na rin ako sa pamamagitan ng paghaplos sa likod ko.

“Heto o.” Napaangat ako sa nagsalita. Si Red pala na may dalang towels.

“Salamat, Red.” Inabot ni Riel ang isang towel at ipinatong sa aking likuran.

“Ano na, Josh?” Pangungulit niya.

“Hindi ka pa rin maalis sa puso niya. He’ll never fall for me, Riel. Never.” Sabi ko. Nang maalala ko na naman yung sinabi niya’y hindi ko na naman mapigilan ang pag-iyak.

“A-Ano?” Aniya. Hindi makapaniwala sa aking sinabi.

Tumango na lang ako sa kanya. Maiintindihan niya na yun.

“Si Riley? Nasaan siya? Siya na lang muna ang gusto kong makausap Riel. Sorry kung… kung magagalit muna ako sa’yo ngayon.” Sinabi ko yun para sa sarili kong kapanatagan. Alam kong maiintindihan niya yun. Pinapangako ko na paghumupa na ito’y kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya.

Kailangan ko muna ng makakasama ngayon, yung kilalang kilala ako. Yung buong buhay ko nang pinagkatiwalaan. Yung taong kahit ilang beses ko mang itinaboy, hindi pa rin sumusuko. Yung nakahanda para manatili sa tabi ko. Yung taong mahal ako.

Ito na siguro ang gustong sabihin sa akin ng tadhana.


Riel’s POV

Natutulala lang ako sa aking kinauupuan. Hinayaan ko na si Red na tawagin si Riley, dahil yun ang request ni Josh sa amin. Hindi ko naman siya masisi kung galit siya ngayon sa akin. Nakakalungkot lang dahil ako yung dahilan sa nangyari kanina.

“Wag mo na muna yung alalahanin. Magiging okay din ang lahat.” Ani Red.

Kanina pa kasi ako walang imik. Bumalik kasi kami sa hot spring nang makarating si Riley doon sa pinagdalhan ko kay Josh. Pinigilan ko kasi siyang sumunod kanina nang hilahin ko ang best friend niya. Iniisip ko lang naman na hindi siya makakatulong kay Josh, kung mainit pa ang ulo niya.

I can’t help not to worry. Lalong lalo na’t ako yung dahilan ng pagtatalo nilang tatlo. Eli’s not yet over me? For reals? The last time I check, gusto niya lang ako. Kaya nga inagahan ko na yung pagbusted sa kanya e, para hindi na lumalim pa. Pero sa nalaman ko kay Josh, it means nasa puso niya na pala ako.

“Sa tingin ko, narealize ni Eli na mahal ka na niya pala, matapos mo siyang ibusted. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa’yo. You’re perfect.” Dagdag niya.

Napailing ako sa sinabi niya. “I’m not perfect. Buhay ko pa lang, hindi na perpekto.”

“You’re perfect as you. I mean, yes, you have your flaws. Pero, iba ang turing ng mga tao sa’yo kung pananaw nila ang pagbabasehan. Ako, I find you, perfect. Perfect for me.” Pinamulahan na lang muli ako sa sinabi niya.

“Ano ba! Seryoso muna pwede?” Irap ko sa kanya.

“I’m just making the conversation as stress-free as possible.” Aniya at natawa.

Kainis! Tinutulangan niya ba talaga ako sa problema ko?

“Syempre hindi sa akin okay na malamang, may iba pa palang nagmamahal sa mahal ko. Kaya nga, ginawa kong possessive ang sarili ko, just to make sure na wala ng iba pa ang makahawak sa’yo. Di ba nga sabi mo, I am yours and you are mine. Pinapanindigan ko lang naman yun.” Huminga siya ng malalim. “I thought, okay na sa kanya. Sinabi niya, babakuran ka raw niya doon sa immersion natin, as his sibling. Yun yung ibinulong niya sa akin noon.”

Napatingin tuloy ako sa kanya dahil sa narinig ko. Yun pala yun? Bothered pa naman ako noon nung nabulungan sila. To think na kapatid talaga yung turing niya sa akin doon sa immersion.

“Pero bakit ganito ang nangyayari ngayon?” Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat na lamang siya. “Kausapin mo siya. I think that’s the best way to know.”

“Papayagan mo ako?”

“Oo naman. ‘Wag lang siyang magkamali.” Aniya.

Ngumiwi naman ako. “Bakit si Eli agad? Paano kung ako pala yung nagkamali?” Yes. Let’s say ganun nga di ba?

I just want to know kung ano ba ang magiging pananaw niya run. I doubt, magagawa ko naman yun no. I’m deeply in love with him.

Napatingin siya sa akin matapos ang ilang minuto. Evaluating me. Ganyan siya lagi. Ngumiti lamang ako pabalik.

“I trust you. Kaya nga papayagan kita.” Napatango na lang ako ng marahan. Tumalon sa tuwa ang puso ko. Mahirap makakuha ng tiwala, lalo na sa panahon ngayon.

“Okay.” Matipid kong sagot sa kanya.

Kakausapin ko si Eli, as soon as possible. I want to help Josh too. Tutulungan ko siya sa paraan na alam ko. I know it’ll be hard. Knowing that, mailap pa sa akin si Eli. The fact that, he’s still into me, kahit ako man ay iiwas, dahil may nagmamay-ari na sa puso ko.

After 30 minutes nga ay umalis na kami doon sa hot spring. C at D section naman ang pumalit sa amin. We’re heading back to the hotel para magpahinga. Yun kasi ang bilin ng mga kasama naming teachers. We’ll be early tomorrow for our last day.

Gaya noong nasa Manila kami, nasa iisang dormitory type na kwarto ang bawat sections. Kaya’t hindi kami nahirapan ni Red sa pagsasabi ng aming ‘good nights’ hindi naman kami nagkakalayo e. Ngayon kasi’y hinati ang girls and boys. Bali magkakasama ang girls sa isang side at ganun din ang boys.

Kinabukasan, alas cinco pa lang ay gising na kaming lahat. Mas mainam daw na agahan namin ngayon para sa paglilibot. Ngayong umaga raw kasi ang pagpunta namin sa mga souvenir shops. Mas maganda raw kasi kung pupunta kami sa Mt. Tapyas ng dapit hapon. Maganda raw kasi ang view doon ng sunset. Kaya yun, magliliwaliw lamang kami ngayong umaga sa mga kalapit bayan ng Puerto Princesa.

Nang mga oras na iyon ay halata pa rin ang tamlay ni Josh. Lagi na nga niyang kasama ang best friend niya. Sunod ng sunod lang naman ito. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot dahil, hindi ko pa rin nakakausap si Eli.

“Red. Tulungan mo akong makausap ngayong umaga si Eli. Kailangan ko na siyang makausap ngayon.” Pakiusap ko sa kanya. Kailangang kailangan na talaga. Wala namang masyadong gagawin ngayon. Basta, I need to settle things with Eli agad.

Tumango lang naman siya sa pakiusap ko.

Pagkatapos ng breakfast ay agad kaming tumulak sa mga pamilihan ng mga souvenirs dito sa Puerto Princesa. Mamayang hapon na lang raw kami roon sa Coron, para diretso na kami pag-akyat sa Mt. Tapyas. Mahaba-habang lakaran daw kasi papunta sa viewdeck nito.

10 AM na nung itinext ako ni Red. Naghiwalay kasi kami para makita niya si Eli. Nasa may isang park daw sila. Kaya’t agad naman akong pumunta roon. Nagpaalam na lang ako kina Ate Xynth at Yuki na may pupuntahan lamang.

Sinalubong ako ni Red, nang makarating ako doon.

“Ikaw na ang bahala.” Aniya at hinalikan ako sa noo. Nagulat man ako sa ginawa niya’y hindi ko pinahalata. Somewhat, parang gusto niya lang iparating na may tiwala siya sa akin.

Hindi muna kami ang isyu ngayon. Si Josh at siya ang concern ko rito. I need to clear things with Eli, para tuluyan na siyang makapag-let go ng nararamdaman niya sa akin.

“Kumusta?” Umupo ako sa tabi niya.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at pilit na lumalayo. Gusto ko ng patayin ang awkwardness sa pagitan namin. Gusto ko na maging kaibigan siyang muli.

“Ang saya dito sa Palawan no? Kumusta na kaya sila Nanay, Tatay at mga kapatid natin?” Sabi ko.

Starting the conversation. Ayoko siyang biglain. May oras pa naman e. Kailangan ko munang makuha ang buong atensyon niya sa gusto kong mangyari dito sa pag-uusap namin.

“Hindi ko alam.” Tugon niya.

“Sana dinala ko na lang pala yung spare phone ko doon sa bahay. Hindi ko naman alam na wala silang cell phone doon e.” Ang gamit ko kasi ngayon ay yung kay Ate Karisma.

“Ang tahimik mo naman!” Pilit kong tawa. Gusto ko lang ibalik yung dati. Yung pag-uusap naming walang manners. Kahit yung nagsasalita kami kahit may laman pa ang bibig sa mga lunch out namin sa gazebo. Miss ko na yun.

Pero hindi na ata mangyayari yun ngayon. May pader na humaharang sa akin para makapasok. Ramdam kong gustung gusto niya akong itaboy.

Matagal na katahimikan ang namayani doon. Wala naman kasing nakakapansin sa amin dito. Malayu-layo ito sa kung saan nakahilera ang mga pamilihan ng souvenirs. 

“Eli…” Huminga ako ng malalim. “Pwedeng maging magkaibigan na lang tayo?” Sincere naman ako sa sinasabi ko e. “Best friends… I know, hindi madali. Mahal kita Eli. Pero, bilang kaibigan. Si Red kasi yung mahal ko. Mahal ko siya, kasi siya yung tinitibok nitong puso ko.” Naglipat siya ng tingin sa akin. Pansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Pinipigilan niya lang ang umiyak.

“Alam ko naman yun e. Na kaibigan na lang ang pwede mong ibigay sa akin. Riel… Ayokong mawala ka sa akin. Magmula noong sinabi mong hindi na tayo pwede, mas narealize ko na hindi lang pala kita gusto, mahal na kita.” Aniya. Nakita ko rin yung tumakas na butil ng kanyang luha patungo sa kanyang pisngi.

Napayuko ako sa aking pagkaguilty. Napagtanto kong tama pala ang hinala ni Red sa pagtingin niya sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagkagusto sa akin e.

“Hindi naman ako mawawala sa’yo e. Andito pa rin naman ako. It’s just that, it won’t be the way that you want it. Bilang kaibigan na lang. Matalik mong kaibigan. Gaya ng dati, Eli. Gusto kong maibalik yun.”

Nag-iwas siya muli sa akin. Bumuntong hininga na lang ako. Iintindihin ko lahat. I’m at fault here. Hindi ko pa kailanman ito naranasan sa buhay ko. Nasanay akong ako ang sinusuyo noon dahil sa mga kasalanang nagawa ng mga pasaway kong kamag-aral. Nagbago lang naman lahat noong natuto akong magpatawad sa mga nagkasala sa akin ng sobra.

“Si Josh… Please give him another chance. Mahal ka niya, Eli. Alam kong mali, pero binago niya ang lahat ng nakasanayan niya para lang mapalapit sa’yo.”

“Alam ko naman yun. But, he doesn’t deserve me. Papaasahin ko lang siya.”

“Hindi mangyayari yun kapag pinalaya mo na ang sarili mo. Move forward, Eli. Josh is much willing. Nahihiya nga ako sa kanya. Tinutulungan niya akong magkabati tayo, pero sa prosesong ginagawa niya, hindi ko man lang nakitang, nasasaktan na pala siya.”

Halo-halong emosyon ang nangyayari na sa sistema ko ngayon. Galit sa sarili. Awa kay Josh. At lungkot sa nasira naming pagkakaibigan namin ni Eli. Nagsimula na rin akong umiyak.

“Sorry kung pinaasa kita. Sorry kung hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon na iparamdam sa akin lahat ng nararamdaman mo. Sorry sa lahat, Eli.” Paghingi ko ng tawad. Naitakip ko na lang ang aking mga kamay sa aking mukha at nagsimulang umiyak.

Napatigil ako sa pag-iyak ng bigla niyang haplusin ang likod ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.

“T-Tahan na. S-Sorry kung pinaiyak kita. Ayaw kong nakikitang umiiyak ka dahil sa akin.” Aniya. Nakatingin lamang siya sa malayo.

Inayos ko ang sarili ko. Somewhat, nakaramdam ako ng kaginhawahan sa aking dibdib. I want him to let his heart speak for him.

“Ayoko ring umiiyak ka dahil sa akin, Eli.” Marahan kong tugon sa kanya.

Tumango naman siya sa sinabi ko. Binigyan niya ako ng panyo, kinuha ko naman ito. Konting oras na katahimikan ulit ang namayani roon. Maybe we just need to calm ourselves first. At least, nabawasan na yung drama. Seryosong usapan naman ang kasunod.

“Mahirap kasi e. Ang hirap mong kalimutan.” Pagbasag niya sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya at napailing.

“Hindi mo naman kailangang kalimutan ako e. At hindi ko yun papayagan. I want to be friends with you. Gaya noong pinatawad kita.” Inilipat ko ang tingin ko sa malawak na karagatan na nasa harap namin, kitang kita roon ang mga isla ng Palawan. “I just want you to move forward. Yung palayain mo na ang sarili mo. Para maging masaya ka na. Dagdag ko.” Pagbaling kong muli sa kanya. “Mapapatawad mo rin ba ako?”

Nagtagpo ang aming mga mata. Pagkabigla ang nakita ko sa kanya. Napakahirap ngang magmove-on. Mapapadali lang naman yun kung pipilitin nating maging masaya para sa sarili natin.

“Maiintindihan ko kung hindi pa sa ngayon. Ang gusto ko lang ay yung buksan mo na ang puso mo sa iba. Gusto kong sumaya ka rin katulad ko.” Dagdag ko.

“S-Sino ba naman ako para hindi magpatawad?” Mahina niyang tugon. Napangiti naman ako. Konti na lang. “Hindi naman ako galit e. Umiiwas lang ako… dahil… ayokong masaktan sa katotohanang isinasampal sa mukha ko.” Aniya.

Kailangan ko munang makinig sa lahat ng kanyang nararamdaman. Mahirap nga diba. 5 days to be exact. Pilitin man nating magmove-on, every single day, maaalala pa rin natin ang sakit.

“Kailangan ko ring dumistansya. Pero, kahit ilang beses mo man akong saktan. Hinding hindi ko tatangkaing hindi ka patawarin. Seryoso ako noong sinabi kong gusto kitang maging kaibigan. Bonus na lang siguro yung nagkagusto at minahal kita dahil… sa lahat ng taong nakilala ko… ikaw lang yung nakapagpabago sa pananaw ko.” Dagdag niya.

Katulad ng ginawa ko kay Red, umiling ako sa sinabi niya. I’m flattered, yes. Perfect nga raw ako. But I’m not. Ayokong maclassify as perfect, kasi, dadami ang expectations ng mga tao sa’yo. You’re not even allowed to commit mistakes. I’m just me. Kung yun man ang pananaw nila, ay okay lang. Higit sa lahat ng nakakakilala sa akin ay ang aking sarili lamang. 

“So, are we cool? Pwede bang tawagin na rin lang kitang Kuya? Namimiss ko na kasi si Ate eh. Wala ng nag-aalaga sa akin bilang kapatid. Sige na, Eli. Pwede ba, Onii-chan?” Parang batang pakikiusap ko.

Natawa na lang siya sa inasal ko.

“Guess, I’ll have to be your sibling, para hindi ka na mawala sa akin.” Aniya.

Napangiti na lang ako. “Sabi ko naman sa’yo, hindi ako mawawala di ba? I’m still the Riel, you used to know. Pwera na lang kung kunin na rin ako ni Lord.” Napaisip ako sa aking sinabi, Nang mapagtanto ko... “Ay Diyos ko, ‘wag muna po.” At napasign of the cross ako. Nako! ‘Wag muna no! Kahit andun na ang pamilya ko, no, no, no!

Narinig ko na lang ang tawa ni Eli. Masaya ako at kahit papaano’y nawala na yung pader na humaharang sa amin. Sana tuluy tuloy na ‘to.

Sabay lang kaming bumalik kung saan nagkukumpulan ang mga kaklase namin. Nakita ko si Red na nakangiti sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Eli at sabay napailing. Pasalamat ako’t hindi seloso masyado ang boyfriend ko.

Tumakbo ako papalapit sa kanya, kaya naiwanan ko si Eli sa paglalakad. Nakangiti akong sinalubong ni Red. Oh! That’s smile! Naghihina ang tuhod ko!

Bumaling na lang ako sa direksiyon ni Eli at tinawag siya. Ang bagal kasing maglakad!

“Kuya! Bilisan mo naman!” Sigaw ko.

Nakuha namin ang atensyon ng mga kamag-aral namin.

“Kuya?” Tanong sa akin ni Red. Tanging tango lamang ang naisagot ko sa kanya. Ngumiti siya pabalik. Alam niya na ang nangyari sa pagitan namin. Successful. We’re back as friends, ulit. Ay hindi pala! We’re siblings, now.

Nahagip ng paningin ko si Josh. Maskin siya’y gulat din sa pagtawag ko kay Eli ng kuya. Kumaway ako sa kanya para lumapit, pero umiling lamang siya. Nalungkot tuloy ako bigla.

Nakarating sa pwesto namin si Eli. Nakipag-high five lamang ito kay Red. Wow ha? So wala man lang pa lang ilangan sa kanilang dalawa. Pero, malungkot pa rin ako. Iniiwasan ako ni Josh. Gusto ko lang naman ibalitang okay na kami ni Eli e.

“Bakit nakabusangot na naman yang mukha mo? Okay na tayo di ba?” Pinilit kong ngumiti sa kanya. Inilipat ko ang paningin ko sa papaalis na sina Riley at Josh doon sa kumpulan ng mga estudyante.

“Kakausapin ko siya mamaya. Malaki ang kasalanan ko sa kanya e. Kung hindi niya naman ako matanggap ulit, okay lang sa akin. Kailangan rin na magkabati kami.” Tumango ako sa sinabi niya.

“Just be sincere. Josh will understand later on.” Ani Red. Tumango lang naman si Eli sa sinabi niya.

“By the way, sinabi ko na pala kay Brett na tayo na. Hindi niya pa pala alam?” Biglang singit ni Red. “Nagkausap kami kanina habang nag-uusap kayo ni Eli. Bigla na lang ngang umalis e.”

“Omo! Oo nga! Lagot! Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya!” Nasapo ko na lang ang noo ko.

Naturingan pa naman akong best friend pero, hindi ko man lang nasabi sa kanya yung mahalagang kaganapan sa buhay ko!


Brett’s POV

Nasaan na ba ang best friend ko? Kagabi ko pa gustong makausap yun dahil sa bilin ni Ms. Salveda sa akin. Nagtext kasi siyang kailangang maifurnish agad yung plano sa School Festival pagkabalik namin. 3rd week of August na kasi yun.

Tinext ko na nga, hindi naman sumasagot. Pati sa tawag ganun din. Buti na lang naisipan kong itext si Red. Tutal, nililigawan niya naman yung best friend ko, so siya na lang. Lagi naman silang magkasama.

Yung kagabi? PDA masyado si Insan. Inggit man ako, I need to let go, kasi, Iris is with me. Ayokong pagselosan niyang muli ang kahati niya sa puso ko. Ayoko siyang masaktan. At ayoko ring umiyak na naman ako sa bisig niya kapag ganun. Yung nangyari sa isla? Mabigat na pasanin sa buhay ko.

Agad kong nakita si Red sa mga souvenir shops na nakahelira doon sa sinabi niyang lugar. Namimili siya ng kung anu ano.

“Nasan si Riel? May bilin kasi si Ms. Salveda. Kailangan niya yung malaman.” Pag-uusisa ko.

“Andun sa parke. Kasama si Eli. Nag-uusap lang sila dahil sa nangyari kagabi.” Aniya.

Tumango na lang ako. Yeah, I heard Eli, Riley and Josiah had an argument. Hindi namin nalaman yun noong gabi dahil pumunta kami doon sa isa pang spring na nasa ibabang parte. Ayoko kasing mafeel na naman ni Iris na ang atensyon ko lagi ay na kay Riel. I can’t help but stare, whenever he’s around.

“Paanong nainvolve si Riel doon?” Pagtataka ko.

“Kasi, si Riel yung dahilan noon. Hindi pa rin matanggap ni Eli na nibusted siya ni Riel. So, hindi niya magawang mahalin si Josh. Josh is like head over heels with Eli. Parang unrequited love lang.” Paliwanag niya.

Napatango na lang ako sa aking nalaman. Katulad lang nung akin, para kay Riel. I did wonder kung sinabi ko ba kay Riel ang nararamdaman ko, eventually ba, mamahalin niya ako?

“By the way, alam mo na ba? About me and Riel?” Tanong niya. Napalunok ako sa kanyang sinabi. About him and Riel?

“Oo naman. You’re courting him, right?” Yun naman talaga ang alam ko sa pagitan nila di ba? Hinarana niya pa nga si Riel doon sa Immersion e. Pero, alam niyo yung may biglang sakit na nadama itong puso ko.

“No. Not that. I’m through courting him.” Aniya.

Huh? Sumuko na ba siya? Nibusted na ba siya ni Riel? O kaya nama’y…

“W-What do you mean?” Pag-uusisa ko. Somewhat, ayoko sanang marinig ang sasabihin niya. Pero, gusto ko rin naman makumpirma. Sana mali ako ng naiisip.

Ayoko na palang maging sila. I’ll be selfish. Kahit best friend ko lang si Riel. Gusto ko, akin pa rin siya. Ayokong may ibang taong umaaligid sa kanya.

“So, hindi mo pa pala alam? Akala ko kasi nitext ka na ni Riel e.” Aniya. Napailing na lang ako. “Congrats mo naman pinsan mo! Kami na ni Riel. Noong July 25 pa.” Natulala na lang ako sa aking kinatatayuan. Buti na lang hindi niya pansin kasi abala siya sa pamimili ng mga souvenirs doon.

“Tsaka—. Huy, Brett! Saan ka pupunta!” Aniya. Pero hindi ko na siya nilingon pa. Ang sakit. Ang sakit sakit.


Riel’s POV

Lagot! Hindi ko nga nasabi kay Brett!

Halos 11:30 AM na noong bumalik kami sa hotel para kumain ng tanghalian. Bothered pa rin ako tungkol sa hindi ko pagpapaalam kay Brett na kami na ni Red. Nangako pa naman kami noon sa isa’t isa na wala kaming lihiman.

Pero hindi ko naman balak ilihim yun sa kanya e. Nakalimutan ko lang. Naging masaya ako e. So, contained na contained ang utak ko, to think pati siya’y nakalimutan kong balitaan. Argh!

“Kausapin mo na lang mamaya.” Ani Eli. We’re good, pero may problema na naman akong malaki. Yung kay Josh nga di pa naaayos, tapos si Brett na naman ngayon. Ibang klase pa naman yung magtampo.

“Yup! Tama si Eli. You should stop thinking about it and start to eat. Matatapos na kami’t lahat lahat, hindi mo pa rin nagagalaw ang pagkain mo.” Sabi naman ni Red.

“Bakit? Anong pinoproblema mo, Riel?” Tanong ni Ate Xynth.

“Si Brett. Hindi ko kasi nasabi sa kanyang kami na ni Red.” Sagot ko.

“Lagot! Magtatampo nga yun. 3 days na ang nakalilipas, hindi niya man lang nalaman. Anong klaseng best friend ka!” Ani Yuki naman.

“Mas nauna pa kaming nakaalam kaysa sa best friend mo? Tsk. Tsk. Tsk.” Pag-iling ni Ate Xynth.

“Kayo naman! Imbes na tulungan niyo ako rito, pinapalala niyo pa ang sitwasyon.” Pagsusumbat ko sa kanila. Inirapan ko na lang din.

Wala si Josh sa table namin. Wala din si Brett, Iris at Eri. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Josh na kasama si Riley. Nang nilibot ko ulit, nakita ko naman yung tatlo. Magkakasama rin. Argh! What happened to us?

Pagkatapos ng lunch ay dumiretso kami papuntang El Nido, para sa mga produktong naroroon. Nako! Kahit saan pa kaming bilihan ng mga souvenirs mapadpad, hindi naman ako makakabili ng mga pasalubong. Unang una sa lahat, wala naman akong papasalubungan. SC Members siguro at si Ms. Salveda. Other than them, wala na.

Inisip ko na lang kung paano kami magbabati ni Brett.

Bandang alas tres ng hapon kami tumulak pabalik ng Puerto Princesa, actually dumaan lang naman kami dahil sa Coron ang destinasyon namin.

Nang makarating kami doon, nakita ko si Brett, Iris at Eri na magkakasama. Hindi ko kasi matiempohan sila kapag bababa sa bus. Nasa unahan sila e, samatalang kami’y nasa bandang hulihan. Tuwing lalapitan ko naman kasi sila’y umiiwas agad. Ni hindi man lang nga ako matingnan ni Brett.

Isang beses noong nainis na ako, lumapit talaga ako ng hindi nila napapansin. Nakita ko ang lungkot sa mukha ng best friend ko. Why? Dahil ba sa nalaman niya? Na kami na ni Red? Is that a big deal, na hindi ko sinabi sa kanya? Sure, it is! Ano ka ba Riel! He’s your effing best friend! BEST FRIEND! Capslock para intense!

“Riel…” Ani Eri. Siya na lang kasi ang humarap sa akin. Sina Iris at Brett ay lumayo na naman.

Umiling siya. “Brett needs to do this. I know hindi mo naiintindahan, pero, this is for them. Para sa ikakatahimik ng lahat.” Dagdag niya. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na magsalita. Agad din kasi siyang sumunod doon sa dalawa.

Okay! Hahayaan ko muna siya! But damn it! Anong problema niya! Suportahan dapat kami di ba? We’re best friends after all! There’s no freaking way, na magtampo siya dahil kami na ni Red! Ugh!

Nakakadagdag sa bigat na pasanin ko ang isipin tungkol sa pagtatampo sa akin ni Brett! Ang dami pa naman nitong steps ng hagdan na inaakyat namin ngayon. Patungo kami ngayon sa viewdeck nitong Mt. Tapyas. Papalapit na ang paglubog ng araw ngayon, kaya’t nagmamadali kaming akyatin ito.

Mabuti na lang daw at hindi pa tag-ulan ngayon. Wala kasing masisilungan doon sa tuktok kapag umulan.

Habang paakyat kami roon ay nagkukwento ang tour guide namin tungkol sa lugar na iyon. Nasalanta ng bagyong Yolanda ang parteng ito ng Coron, kaya’t yung malaking krus na nasa tuktok ay sira. Pero, nasa prosesa na ito muli ng pagpapatayo. Itinuturing din kasi itong sagrado. Yun bang lugar kung saan malalapit ka sa Panginoon. Dahil daw kitang kita roon ang mga ulap na inaanod ng hangin.

Hingal na hingal ako ng makarating kami sa viewdeck! Syet! Yan lang ang reaksyon ko sa pagakyat na yun. Tiring! Pero noong nakapagpahinga na ako ng kaunti, doon ko naappreciate ang sakripisyo sa pag-akyat. Worth it naman pala.

“Ang ganda no?” Ani Red nang makalapit na ako sa railings kung saan siya dumiretso. Nagpaiwan kasi ako doon sa entrance kanina dahil pagod na pagod talaga ko. Ayoko namang maging KJ. Kaya’t pinilit kong iwan niya na lang ako.

The view is amazing! Ito ang paraiso na nasa mundo ng mga buhay. Argh! Napawi ang pagsisisi ko kanina dahil umakyat pa ako.

Tumango na lang ako sa kanya. Inilapit niya ang kanyang sarili sa akin kaya’t nagdikit ang aming mga braso. Kuryente. Ganun. Yung parang naground lang? Bakit ba hindi pa ako nasasanay!

Hinawakan niya ang ulo ko at inihiga niya ito sa kanyang balikat. Wala na nga palang hiya-hiya ngayon. Walang pakialam ang mundo sa pagmamahalan naming dalawa. Ang saya ng buhay ko.

“Riel…” Aniya.

Napaangat tuloy ang tingin ko sa mukha niya. Nakatungo lamang siya sa kulay pastel na langit dahil sa papalubog na araw.

“Ano yun?” Tanong ko.

“We’ll do everything para hindi na tayo magkahiwalay ha? Nakita ko na ang future ko kasama ka. Sisiguraduhin kong mangyayari yun.” Napangiti ako sa sinabi niya.

Masaya akong malamang nasa future niya na ako. Hindi ko pa man nakikita ang sarili ko sa mangyayari sa hinaharap, panghahawakan ko kung ano yung binitawan namin noong pinag-isa namin ang aming mga puso. The vows we shared is so important to me.

God knows, how much I love this person beside me. 2 years of neglecting the feelings I have for him was such a waste. Dapat, nagalit na lang ako sa kanya, at the same time, minahal ko rin. Yes, nagsisisi akong hindi ko initindi lahat ng ginawa niya sa akin, until he saved my life.

“Pinapangako ko, Red. Ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit anong mangyari sa hinaharap, kung magalit ka man sa akin o kamuhian. I will love you forever.” Sabi ko.

Naramdaman ko na lang ang halik niya sa aking noo. Ito na naman siya. Kinikilig kasi ako e.

“Ipinapangako ko rin na ganun din ang gagawin ko, mangyari man iyon sa hinaharap.” Aniya.

Pagkatapos nun ay sabay naming pinanood ang papalubog na araw. Iintayin lang din naman kasi namin ang pagkawala nito bago kami bumaba. Medyo kakaunti lamang kasi ang ilaw sa daanan.

“Huy! Love birds! ‘Wag naman kayong magsolo riyan! Field Trip ‘to! Hindi honeymoon niyong dalawa! Tara’t maggroupie na lang tayo. Sayang ang view ng papalubog na araw.” Ani Yuki. Kasama niya na lahat ng kabarkada namin.

Nasapo ko na lang ang noo ko sa pinagsasabi nitong bruhang ‘to! Honeymoon? Agad-agad? Ni hindi pa nga kami kasal! Argh!

Ayun, syempre awkward pa rin. Andoon ang tension e. Like, Riley’s beside Josh. Pero hindi napigilan ang pagtatabi nila ni Eli. Nasa likod naman kami ni Red. Tapos sa unahan sina Brett, Iris, Eri at Ate Xynth. Nasa kabila naman si Yuki na hawak-hawak ang monopod. Halos iba’t ibang post nga ang ginawa namin e.

Saktong alas cinco ng hapon kami bumaba mula sa viewdeck ng Mt. Tapyas. Medyo madilim na pero, kita pa rin sa kalangitan ang pastel nitong kulay. Ala siete kasi’y papunta na kami sa airport patungong Manila. Alas nuebe kasi ang flight namin.

Malungkot man na tapos na ang aming bakasyon, ay masaya rin naman dahil sa mga karanasang aming nakuha sa immersion at sa field trip. Mamimiss ko ang Palawan. Sana’y makabalik ako, kami ni Red, kami ng barkada dito.

Pagkarating sa hotel ay agad kaming sinabihan na ihanda na lahat ng aming mga gamit para sa aming pag-alis. Baka raw kasi may maiwanan kaming importante ay hindi na namin iyon mababalikan pa. Kaya agad kaming nagsiayos ng aming mga gamit sa aming mga bagahe.

Diretso sa hall ang punta namin nang matapos kami sa pagliligpit. Nakapagpaligo na rin nga ako e. Ang lagkit sa pakiramdam nung maghapong liwaliw.

Hiwahiwalay pa rin kami ng upuan. Hindi na lang nga ako nagsalita noong napansin ko e. Medyo hindi na rin naman nakikialam sina Yuki at Ate Xynth. Buti na lang, kasi maskin ako’y hindi ko masasagot alinman sa mga katanungan nila.

Naging mabilis ang byahe pauwi ng Manila. Ayun. Pagkarating sa hotel ay knock-out agad kami. Maaga ang uwi namin papuntang Camarines Sur. Tapos, Tuesday agad, may pasok na ulit kami. Hayst! Exhausting but, worth it naman.

Nagising ako nang tumunog ang cell phone ko. Napabalikwas ako ng makitang si Brett ang nagtext sa akin. Ito na kaya ang magpapagaan sa kalooban ko? Okay na ba ulit kami?

Pero, disappointed ako nang mabuksan ko iyon. Forwarded message lang ni Ms. Salveda. Hindi ko pa pala kasi naibibigay bagong number ko sa kanya. Naiwan ko yung luma e, doon sa spare phone ko.

Nag-isip ako ng pwede kong itext kay Brett nang gabing yun. Baka naman okay na sa kanya. Kapag nagreply siya sa akin, means okay na. Pero kung hindi, okay, hintay hintay ulit. Humingi siya ng space, so, I’ll give him that.

Nagkocompose ako, pero dinidelete ko naman dahil di ako sigurado. Hayst, Brett! What happened to us? Wala talaga akong kaide-ideya sa kilos mo ngayon. Hindi ko naman kasi alam kung saan siya nakapwesto dito sa loob ngayon. Medyo dim na kasi ang ilaw. 10 PM na rin kasi.

Brett. Anong meron sa atin? I’m super bothered! Pwedeng mag-usap tayo as soon as possible? Laman ng mensahe ko para sa kanya.

Limang minuto. Sampu. Dalawampu. Tatlumpu. Isang oras. Wala akong natanggap. Tulog na siguro. Ang tagal ko kasing magreply e. O kaya naman talagang wala siyang inaasahang reply mula sa akin, kaya’t natulog na lang siya? Argh! Kaya pinilit ko na lang matulog kahit bothered ako sa kinikilos niya.

Brett naman! Hindi pa nga ayos sina Josh at Eli, dadagdag ka pa sa problema ko!

Konting oras na lang ang hihintayin namin ay makakauwi na rin kami sa wakas. Sana wala namang nangyari sa bahay ko! Nga pala, pinabantayan ko naman doon sa kapitbahay namin.

Magaala sais na ng matanaw ko ang Naga-Pili Boundary. We’re really back to our hometown. Hayst! Ayoko mang bumalik agad sa school, ay hindi maaari dahil priority ko ito: maintaining grades, at ang SC responsibilities.

“Nagtext sa akin si Mom. Ready na raw dinner natin.” Ani Red.

“Talaga?” Agad kong sagot sa kanya. Totoo nga pala yung sinabi niyang gusto akong makilala ng pamilya niya. Tumango lamang siya sa akin bilang sagot.

Alas siete noong nakarating kami sa school. Pumasok ang bus namin sa loob, kasi doon susunduin ang bawat estudyante. Naroroon na rin naman ang mga sundo nila. Nagpaalamanan na para bang hindi sila papasok bukas.

“Brett!” Tawag niya sa pinsan. Bababa na sana sila ni Iris noon, pero natigil dahil sa pagtawag sa kanya ni Red. “Dinner sa bahay, isasama ko si Riel. Mom invited you and Iris. Punta na lang kayo doon ha?” Dagdag niya. Maskin siya’y hindi alam ang problema kay Brett.

Tumango lamang ito na hindi ako tinitingnan. Nakasunod naman sa kanila si Eri at Eli. Si Eri, agad dumalo kila Iris, si Eli nama’y nagawa pang magpaalam sa amin.

Agad na lang kaming nagtungo sa kotse ni Red na iniwan niya dito sa school. Ang napakagara niyang mini cooper.

Binaybay namin ang daan patungo sa kanilang bahay. Balak ko nga sanang iwanan na muna yung mga bagahe ko sa bahay. Dadaan din naman kasi sa subdivision e. Pero sabi niya, ‘wag na muna raw. Kasi baka raw doon ako matulog ngayong gabi. I’m considering the offer, pero hindi pala kasi wala akong dalang uniporme dito. Gamit na lahat ng damit ko.

“Sa tingin mo, pupunta kaya sina Brett at Iris. Gusto ko kasing makausap si Brett e. Hindi ko pa rin makuha kung bakit siya nagkakaganun.” Tanong ko sa kanya.

Ikinibit balikat niya lang ang tanong ko. “I doubt it. Hindi siya sumagot kanina e. I’ll try asking him later. Baka masabi niya sa akin.” Aniya. “By the way, nakaisip ka na ba nung magiging tawagan natin?” Hayst! Naalala niya. Wala akong maisip e.

Umiling na lang ako. “Uhm… Ano kaya kung Riri at Rere. Sungit at Pikon. O kaya nama’y Mako at Loko. Ano sa tingin mo?” Naisip ko lang out-of-nowhere. Mga usual endearment na naririnig ko. Nakakakilig kasi e.

“Explain every paired endearment. First, Riri and Rere. Saan mo yan nakuha.” Nakakunot ang mukha niya noong tiningnan ko siya. Nasa daan ang atensyon niya.

“Riri is short for Riel. Rere is for Red.” Matipid kong sagot.

“Okay, nakuha ko ang punto.” At tumangu-tango siya. “How about Sungit and Pikon? Sino si sungit, sino naman si pikon? Baka magkagalit tayo sa endearment na yan ha? Explain.”

“Ako si Sungit. Kasi nga di ba noon, ganun ako sayo. Ikaw naman si Pikon. Ang dali mo kayang mapikon noon. Konting sungit ko lang aburido ka kaagad. Parte ba yun ng plano mo o totoo yun? Yie! Aminin.” Pagpapaliwanag ko. Kiniliti ko pa siya sa kanyang tagiliran. Natawa na lang siya sa ginawa ko.

“Oy ha! Hindi ako Pikon! Nasa plano ko lang yun.” Aniya.

“Weh?” Maniwala ako. Kitang-kita sa mukha niya nun e. Hindi naman pala kasi ako kayang pataubin, sinubukan pa. Haha!

“Hindi nga! ‘Wag na lang nga yan! Hindi pa nga tayo nagtatawagan niyan, nag-aaway na tayo.” At nagtawanan kami.

“Malapit na tayo.” Ano na kayang itsura ng bahay nila. This is my second. And ‘Meet the Ariola’s’ na ang peg ko. Una kasi nung birthday ng kapatid niya. Isinama ako ni Brett e. “Yung Mako at Loko naman? Never heard about that before.”

“Nako! Pangsosyal kasi ang endearments ninyo. Honey, Baby, Babe, Wifey, Hubby at kung anu-ano pa, kaya’t hindi mo talaga yun alam.” Pang-aalaska ko.

“Tss.” Sagot niya.

“Pikon!” Pang-aasar ko pa.

“Hindi nga ako pikon.” Sagot niya.

“Pikon. Pikon. Nyenyenyenyenye!” Wala lang. Inaasar ko lang talaga siya. Haha!

“Pag di ka tumigil sa kakasabi ng pikon diyan, hahalikan kita!” Aniya.

Napahawak tuloy ako sa bibig ko.

“Good boy.” Ngumiti siya sa naging reaksiyon ko. “So, what’s Mako ang Loko?” Dagdag niya.

Argh! Pikunin ko na lang kaya siya? Gusto ko rin naman ng halik niya e? Ay! Ano ba tong pinagsasabi ko! Baka mabuntis ako kaagad nito! Ay! Hindi pala ako, babae. Lalaki pala ako! Haha!

Iniwas ko na lang ang mukha ko patungo sa bintana ko. Napapangiti man ako sa iniisip ay sumagot pa rin ako sa kanya.

“Mako is for Mahal ko. At Loko is for Love ko.” Marahan kong tugon sa kanya.

Argh! Bakit gusto ko nang halik?

“Nice. Magaganda lahat, kaso gusto ko, pagkain. What’s your most craved food?” Aniya.

“Ikaw ba?” Balik tanong ko.

Food? Paborito ko ang Cookies and Cream ice cream. Paborito ko rin naman ang Choco Brownie Cake. Madami akong paborito e. Pero mas sumasaya ako kapag kumakain ako ng…

“Cheesecake!” Sabay naming saad.

“Blueberry!” Sabay ulit kami!

“Wow! Talaga? So… it means we’re match made in heaven?” Masaya niyang tanong. Napatango na rin lang ako. Masayang malaman na may pagkakapareho kami.

“I guess, and hope so.” Dagdag niya. “Andito na tayo.”

Pumasok kami sa awtomatikong bumubukas na gate ng mga Ariola. Nakita ko na ito at masasabi kong mas gumanda na ito. Two years ago pa noong una ko itong makita at mapasok.

Nauna sa paglabas si Red sa kanyang kotse. Lalabas na rin sana ako pero agad siyang nakapunta sa pinto ko. Siya pa mismo ang nagbukas. Gentleman masyado! Haha! Ginagawa akong babae nito e!

Nakita ko ang buong pamilya niya na nakatayo sa kanilang tanggapan ng mga bisita. Wow lang! May sala na pala sila sa labas ng bahay!

“Tara? They’re waiting.” Tumango na lang ako.

Magkahawak kamay kaming tinungo ang lugar kung nasaan ang kaniyang mga magulang. Ngiti at kilig ang nakikita ko kay Mrs. Ariola. Ang asawa naman nito’y nakaakbay lamang sa kanya. Nakita ko si Andrei na nasa tabi lang. Parang ilang lang. I know right! Haha! Pero okay lang yan, Andrei. Gwapo rin naman ako. Walang magiging kawalan sa kapatid mo. Haha!

“Red! Riel! Welcome back!” Masayang bati sa amin ni Mrs. Ariola. Tumango naman sa akin si Mr. Ariola.

“Yes, Mom. Thanks for waiting. Mom, Dad and Andrei. This is Riel. Gabriel Dela Rama. Ang blueberry ng buhay ko.” Pinamulahan ako ng pisngi. Syet lang! So siya pala ang cheesecake ng buhay ko? Haha!

“Uhm… Hello po, Mr. and Mrs. Ariola, Andrei. Magandang gabi—.” Agad akong pinutol ni Mrs. Ariola.

“No no no no no! From now on, tatawagin mo na kaming Mommy at Daddy o kaya nama’y Mama at Papa, kahit saan tayo magkikita okay? Kahit sa school! Doon din naman ang tuloy nito, why not practice right now?” Nagkatinginan kami ni Red sa sinabi ng Mommy niya.

As in? Haha!

Nagkibit balikat lamang si Red. Masaya siya. Yun ang nakikita ko. Kung masaya siya, ay magiging masaya na rin ako. May boyfriend na ako, may mga in-laws pa ako. Haha!

Napatango na lang ako sa kanila.

“Magandang gabi po, Mama, Papa at Andrei. Nakauwi na po kami.” Sabi ko at ngumiti.



Itutuloy…

11 comments:

  1. Hmmm naku ang hirap ng problema mo Riel. Baka makigulo pa si Brett at Eli wag naman. Hay author lagi mo talaga kaming pinapakilig at meeting the in- laws na. Ano kaya ang dahilan para maghiwalay sila.? Third party?

    ReplyDelete
  2. Author update na agad excited na ko for the next update.

    ReplyDelete
  3. grabehan nato naiihi naako sa kilig!!!! may naalala tuloy ako sa blueberry cheesecake na yan!!!! #jungkook_is_love

    angelthreesixty

    ReplyDelete
  4. Nakakakilig talaga kuya rye ung kwento mo.....saya wag na baguhin ang takbo ng love story ng dalawa na sina blueberry at cheesecake...inggit much

    Jay 05

    ReplyDelete
  5. Sino ba naman ang hindi kiligin sa chapter na to? Kahit akoy matanda na, bata pa rin ang puso ko. Thanks sa update Mr Rye. Take care. God Bless you.

    ReplyDelete
  6. Hi Rye pasensya na di ako masyado nagcocomment. Hehe may hinihintay akong part sa story mo. Hehe Anyway, updated ako lagi sa story mo. Nagbago na pala gusto ko, Eli-Riel muna ako para maiba hahaha :-) Marvs

    ReplyDelete
  7. Ang sarap naman sa feeling na tanggap siya ng pamilya ni Red!

    -Trev

    ReplyDelete
  8. di napili yung mako and loko ko , hahaha . oh well. cute naman talaga yung blueberry at cheesecake .. ;) thanks sa update kuya Rye ;)) kilig much <3 . -yelsnA

    ReplyDelete
  9. Kainggit naman talaga to c riel eh.. Kahaba ng hair.. Ng loka.. Hahaha.. Sobrang nakakakilig oh my oh my.. Lalo na yung sa bandang last na.. Grabe.. Sir rye asan na kaya yung red ko.. San na ba yung rainbow?? Hahaha - dave

    ReplyDelete
  10. ihhhh kilig much.. next episode na itu.. goodluck sa mga gngawa mo mr.A.

    Az

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails