Followers

Wednesday, October 1, 2014

Love Is... Chapter 15



AUTHOR’S NOTE: Hi guys! Sorry kung natagalan ang update! Pero may promise ako di ba? So, dalawa pa rin ang update this week. Alam niyo yung nakahanda na ang bawat umpisa ng Chapters ko? Haha! Ang daming lumalabas na ideya e. :D

Maraming salamat pa rin kina Sir MIKE JUHA, at Sir PONSE!

Nagpapasalamat rin ako sa lahat ng walang sawang nagbabasa sa akda ko na ito. Kina VIENNE CHASE, ANGEL THREESIXTY, JAMES LANIPA, GABRIEL GIOVANNE, RED IAN BENEDICT LOPEZ, HARDNAME, YELSNA, ANGEL, BOHOLANO BLOGGER, BHARU, YOEBO, JAY 05, JST, and TREV.

Congratulations, doon sa mga nakakuha ng sign ni Riel. Haha! Ang spoiler niyo pa nga! Anyways, wala na akong magagawa. Haha!

Magsaya muna tayo, ha? Baka mainis kayo sa akin kapag nangyari na yung ‘turning point’ ng story na ito.

Love is never perfect. Yan ang iiwan ko sa inyong palaisipan sa kahahantungan ng kwento na ito. Pero! Happy ending pa naman ito, para sa ibang pares. :D You’ll never know. :D

So, here it is! #LoveIs15! Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV


ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s FINAL REQUIREMENT (On-going)
Vienne Chase’s BEAT OF MY HEART (Up-coming)
Jace Page’s THE TREE, THE LEAF and THE WIND (On-going)
Bluerose Claveria’s GEO – MR. ASSUMING (On-going)


CHAPTER XV


Riel’s POV

Naging masaya ang unang parte ng activity. Bonding time ito ng mga estudyante at ng mamamayan dito sa isla. We had a great time with them. Isa pa, napaka-accomodating nila.

Amazing Race ang nangyari. Kaya kahit papaano’y nalibot namin ang isla. Muntikan na nga kaming maligaw sa gubat ng grupo ko. Buti na lang, Eli’s very attentive sa mga dinadaanan namin.

Kahit papaano’y nagtatagal na ang pagkausap niya sa akin. Pero alam niyo yung may barrier pa rin. Kinibit balikat ko na lang iyon. Ayos na sa akin ang ganito. Hindi man ganun noong dati, at least hindi na siya naiilang.

Napansin ko rin na may kislap na ang kanyang mga mata. Has it started? Between him and Josh? Sana nga. It turns out, may development naman ang pagiging close nila.

Kagabi ko lang naalala ang essence ng cell phone na dala ko. Hay! Kung hindi pa ako masyado nacontain ng sobrang saya, hindi ko marerealize na pwede pala kaming magpalitan ng mensahe ni Red buhat ng pumunta kami rito. Ganun din naman siya.

Ewan! Haha! Ang una ko pa talagang tinext kagabi ay si Josh. Well anyways, nag ‘good night’ naman ako sa boyfriend ko. Oo! Boyfriend ko!

Nang dumating ang oras para sa part two ng activity ngayong araw ay kaming mga estudyante na lamang ang pupunta sa activity area. Informed kami lahat sa gagawin ngayong hapon. Pamamaalam na namin ito sa mga mamamayan ng isla dahil balik na kami bukas sa syudad. Doon kasi kami magsisimula sa Field Trip namin kinabukasan.

Inayos namin ang mga kahoy na gagamitin para sa bonfire mamayang alas siete, pagkatapos ng hapunan mamaya. Kaming mga estudyante ang naatasan na mag-asikaso ng daloy ng programa. Yun nga lang ay ang mga Group Leaders ang gagawa nito. Yung ibang estudyante’y naatasan na lamang para sa iba pang gagawin.

Kaya yun, hindi ko rin makakasama si Red. Leader siya doon sa grupo nila. Nagreklamo nga si Josh e. Sana raw ako na lang yung Leader sa grupo namin, para makasama niya si Eli. Yun nga rin ang gusto ko, pero yun yung napagkasunduan noong unang araw. Assistant Leader lamang ako.

“Hayaan mo na nga. Para namang hindi mo na makakasama yung tao e!” Sabi ko sa kanya. Nagiinarte na kasi. Ayaw niya ba akong kasama?

“E! Naman kasi! Ayaw mo bang makasama si Red? Di ba kayo na nga?” Pagmamaktol niya.

Natawa na lang ako sa mga kilos niya. Hibang na nga kay Eli. Nako, alam kong gusto niyang andito si Eli, kasi umaaligid si Riley. Panay nga ang sulyap sa kanya. Ito naman si Josh, panay ang iwas ng tingin.

“Hay nako, Josh! Si Riley no? Ano bang plano mo?” Tanong ko.

“Wala. Silang dalawa yung nagplano para sa akin.” Diretso niyang sagot sa akin.

Natawa na lang ako.

“Wow! Haba ng hair ah?”

“Aba! Wala akong kinalaman doon no! Ang hirap kayang magdesisyon. Tapos ang labas ko tuloy, unfair, kasi bias lang ako sa isa. Kainis!” Aniya.

“Yie! Haba ng hair! Nagrejoice ka ba, girl… este, boy?” At tumawa na ako ng malakas.

Buti na lang at kami-kami lang yung naandito. Yung barkada. Pansin ko nga na panay ang sunod ni Eri kay Iris ngayon. Akala ko ba ‘at war’ sila? Cease-fire na ba?

Nagsiuwian muna kami pagpatak ng alas cinco. Kailangan din naman kasi naming tulungan ang aming host family sa paghanda ng aming hapunan. Kailangan, kasi huling gabi na namin ito dito.

Plano naming hindi muna banggitin ang pag-alis. Paniguradong magiging mahirap ito sa amin. Sa konting panahon na iyon, ay napamahal na sila sa amin. Kaya mamaya na lang ang drama.

Nabanggit ni Nanay Mel ang tungkol doon, dahil magaling magdivert ng usapan si Ate Xynthia, samahan pa ni Matthew, ay naiwala rin nila ito. Mamaya na lang sa bonfire namin iyon ioopen-up sa kanila.

Pinauna na namin sina Tatay Fred, Nanay Mel, Rea, Greg, Kiko at Kikay doon sa activity area kung saan gagawin yung bonfire. Nagpaiwan kami para mag-usap-usap.

“Guys! Anong plano dito?” Turo ni Rina sa hawak niyang picture frame na may lamang picture namin kasama ang pamilya.

Kuha ito kahapon pagkatapos noong activity. Buti na lang at napakiusapan namin si Mr. Buenafe na bilhan kami nitong picture frame sa bayan. Pinaprint na rin namin sa kanya yung picture. Kaya heto’t yun na lang ang aming iiwan sa kanila.

“Isabit na siguro natin yan ngayon dito sa dingding. Paniguradong magdadrama tayo mamaya, kaya’t lubusin na rin lang natin hanggang pag-uwi.” Suggestion ni Zsarina.

“Oo nga. I think it’s better na ilagay na natin ngayon kesa mamaya.” Sang-ayon naman ni Matthew.

“Ano sa tingin mo Elijah?” Baling sa kanya ni Ate Xynth. Syempre siya ang leader namin, kaya siya ang masusunod.

“Sige. Isabit na natin ngayon. Bilisan na rin natin guys. Magsi-seven na e.” Aniya.

“Lagyan na lang natin siguro ng tabing muna. Kung mapansin nila mamaya, hayaan natin silang alisin yun, kapag hindi naman, hayaan din lang natin. At least in that sense, baka maiwasan natin ang sobrang drama. Di ba? Baka hindi na natin gustuhin pang umalis ng isla.” Dagdag ko.

Tumango lamang silang lahat sa suhestyon ko. Kaya yun nga ang ginawa namin. Sila Matthew at Eli na ang naghanap ng pako at martilyo na gagamitin.

“Guys! Let’s make this night memorable for them.” Sabi ni Ate Xynth. Sabay sabay lamang kaming nakangiting tumango sa kanya. Nakaharap kami ngayon sa picture frame na naisabit namin.

Of all the things, pagpapaalam ang mahirap. Kahit saang aspeto pa man yan. Hay! Let’s not talk about sad things. Alam niyo naman ako, kapag umiyak, tuloy tuloy na yan.

Nakarating kami sa activity area na marami-rami na rin ang taong naroroon. Bago kasi sindihan ang bonfire ay ang dramahan part muna raw. Para pagkatapos ng lungkot ay saya naman. Yun naman lagi di ba?

“Magandang gabi po sa lahat ng naririto.” Panimula ni Mrs. Almonte. “Alam kong malungkot mang isiping huling gabi na namin dito sa isla, ngunit… hindi naman dito matatapos ang pagsasamahan na nabuo na natin. Some students might visit here someday, and that’s not impossible.”

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga tao doon. Halos nasa tatlong daan kaming estudyante dito, isama pa ang mga mamamayang nakatira rito. Nakapalibot kami sa bonfire na nasa gitna.

“Sana’y, kung may bumalik man po sa amin dito’y, taos puso niyo pa rin kaming tatanggapin dito sa isla.” Dagdag niya.

Hayst! Hindi pa nga, madrama na agad ‘tong si Mrs. Almonte. Nahawa na tuloy kami. Nakakatuwa lamang malaman sa mga tao dito na handa pa rin nila kaming i-welcome dito sa isla, sa pagkakataong makapunta kaming muli rito.

Lalong nadagdagan ang drama doon. Yung mga leaders lamang kasi ang magsasalita sa mga mensaheng gusto naming maipaabot sa aming mga host family.

Nasa kalahating papel lamang ang dapat naming sabihin doon, baka kasi kung anong oras na kami abutin kapag masyadong mahaba ang aming sasabihin. May mga grupong doon na rin nila mismo ibinigay ang mga bagay na iiwan nila para sa pamilyang kanilang tinirhan.

May seryoso, may nagpatawa, may umiyak, at kung anu-ano pa.

Natuon ang pansin ko nang si Red na ang magbibigay ng kanilang mensahe.

“Nanay Cecil, Tatay Roy, Crystal at Joven. Maraming salamat po sa tatlong araw na pag-aalaga sa amin. Malaki na po ang naging parte niyo sa buhay namin at hinding-hindi po namin kayo makakalimutan…” Huminga siya ng malalim bago nagsimulang muli.

“Nagpapasalamat din po ako ng personal sa inyo dahil kayo ang naging tulay para maging masaya ang buhay pag-ibig ko.” Bigla na lang akong namula sa sinabi niya.

“Yie!” Sabay sabay na pang-aasar ng mga kagrupo ko sa akin. Except Eli. I thought he’s cool with that already. Ikinibit balikat ko na lang muli iyon.

“Ako at ang aking grupo’y lubos po ang pasasalamat sainyo.” Pagtatapos niya.

Nagpalakpakan ang lahat matapos ang kanyang sinabi. Sumunod sa kanya si Brett. Sunod naman ay si Iris sa grupo nila Josh. Masyadong madrama nga e. Hindi ko akalaing, magbiblend-in si Iris sa ganitong ambiance. Well, better not to judge someone dahil lang sa kung anong kinalakihan nila.

Tumayo si Eli, kahit hindi pa naman siya tinatawag ni Mrs. Almonte. Susunod na talaga kasi kami. Simple lang ang mensahe namin, kasi ayaw namin talaga ng lungkot. Ang puno’t duloy ako lang naman.

They’re talking about what just happened last month. Sabi ko nga okay na ako e. Kung iiyak man ako’y dahil yon sa pag-alis namin dito sa isla.

“Para po sa amin, ang pamilya Aquino’y higit pa sa mahihiling ng bawat isa sa amin bilang sarili naming pamilya. Oo’t mahirap ang buhay dito, ngunit… araw-araw nila kaming pinapahanga…” Pagsisimula ni Eli.

Lahat kami’y napahawak sa balikat nila Nanay Mel at Tatay Fred. We want them to feel, what we feel about having them as our host family.

“Puno ng pagmamahalan ang madarama mo sa loob ng kanilang bahay. Si Nanay at si Tatay, ay hindi nagkulang sa pag-aruga sa amin. Ang mga kapatid naming sina Rea, Greg, at ang kambal na sina Kiko at Kikay ay napakagiliw at napakabait…” Nakita kong nagpupunas na ng kanyang luha si Nanay Mel.

“Nay. ‘Wag po kayong umiyak. Maiiyak na rin kami niyan e.” Ani Ate Xynth sa kanya.

“Hindi ko mapigilan e. Mamimiss ko kayong lahat kapag umalis na kayo.” Tugon niya naman kay Ate Xynth.

“Nay. Kapag may pagkakataon po’y babalik kami. Pangako po namin yan! Di ba, guys?” Sabi naman ni Matthew sabay baling sa amin.

Sabay sabay naman kaming sumang-ayon doon. Tumango naman siya.

“Ito talagang asawa ko, napakadrama. Hindi naman natin mapipigilan ang pag-alis nila. Ganyan talaga sa buhay, may mga nagpapaalam. Pero… hindi nangangahulugan yun na makakalimutan na natin sila. Naging parte na sila ng buhay natin kaya’t habang-buhay na silang nasa puso’t isipan natin.” Lahat kami’y sumang-ayon sa sinabi ni Tatay.

“Pakakatandaan namin yang sinabi mo, Tay.” Sabi ko.

Tumango naman lahat ng mga kagrupo ko.

“Inaanyayahan ko po ang aming buong pamilya dito sa unahan.” Ani Eli.

Sumang-ayon na rin kaming lahat. Inakay namin sina Nanay Mel, Tatay Fred, Rea, Greg, Kiko at Kikay sa unahan.

“Ikinagagalak po naming ipakilala sainyo ang aming pamilya.” Saad muli ni Eli nang makarating na kami doon sa unahan.

Nagsipalakpakan ang mga tao na nasa harap namin. Ganoon kami kaproud na maging parte ng pamilya nila. It’s not perfect, but definitely a must have.

“Group hug!” Ani Matthew.

Natawa na lang kami sa kanyang naisip. Mabuti na nga iyon, masyado nang madrama kaya’t kailangan na naming tumugil. Maraming pang magsasalita sa unahan, baka masabihan pa kaming ‘overtime’ na masyado.

Natapos ang gabing puno ng drama. Hayst! Buti na lang at hindi na namin kailangan pang magdrama. Sinindihan na lang ng mga guro ang bonfire na inihanda namin.

Nagulat nga kami ng biglang tumunog ang sound system ng pangsayaw na mga kanta. Kaya naman pala sabi nila, lungkot muna raw bago ang saya. Yun, nagkahilahan na kaming grupo pati na ang Pamilya Aquino. Nagsayawan kaming lahat doon.

Nakauwi kaming hindi napansin ng pamilya ang aming inilagay sa kanilang dingding. Tulad nga ng sinabi ko sa kanila, hinayaan namin yun ng ganun. Siguro’y napagod sila sa kakasayaw kanina kaya’t diretso agad sila sa kwarto.

Ako? Masayang-masaya. Red and I had our first dance. Nyahahaha! Ewan! Prom lang?

Kinaumagahan ay hindi naging madrama ang aming pagpapaalam. Pinigilan namin si Nanay Mel na umiyak. Kasi kung gagawin niya yun, ay aalis kaming mabigat ang loob. Buti na lang at napagsabihan siya ni Tatay. Kailangan pa naman talaga naming bumalik.

Isa si Tatay Fred sa mga maghahatid sa amin. Kaya’t makakasama pa namin siya sa byahe. Doon na rin naman namin kasi napagdesisyunan na sumakay sa kanyang maliit na bangka. May mga bangkang mas malaki at de motor na rin kasi ang dumating doon para sunduin kaming lahat. Yung iba’y doon sumakay, at ang iba nama’y pinili na lang na doon sa mga maliliit na bangkang gamit ng kanilang host family.

Sabi nga ni Tatay, buti na lang daw at hindi maalon, kung magkaganun ma’y hindi kami papayagan. Kaya’t nagpapasalamat kami sa Panginoon na ligtas naman kaming nakabalik sa bayan.

“Mag-iingat kayo lagi mga anak!” Huling saad niya sa amin bago muling pumalaot para makauwi na.

“Kayo rin, Tay. Alagaan niyo po sina Nanay at ang mga kapatid namin.” Tugon ko sa kanya.

“Paalam, Tay!” Sabay sabay naman na sinabi ng mga kagrupo ko.

Alas nuebe na noong magsimula kami agad sa Field Trip. Nagtungo kami agad sa Puerto Princesa para sa una naming pupuntahan, ang Underground River. Napili naming magbabarkada na kami-kami na lang ang magkakasama sa pagpasok doon.

Namiss namin ang bawat isa kaya’t sumangayon kami. Buti na lamang at mayroon na doong mas mahabang bangka. Dahil ang napili nila’y yung isahang upuan lang, mabuti na lamang at nagkasya kaming walo doon, kasama na si Kuya Emong, ang tour guide namin.

Nagpaalam muna kami ni Eli sa aming kagrupong sina Rina, Matthew at Zsarina. Nabuo ang aming pagkakaibigan dahil sa immersion, and we won’t forget that bond. Sa ngayon, back to normal muna.

As usual, magkasunod ang puwesto namin ni Red. Nasa unahan niya ako, samantalang siya naman ay nasa likod ko. Kanina pa nga ako pinamumulahan dito e. Nakayakap kasi siya sa akin. Alam niyo na yung pwesto namin. Disturbing sa mga mata ng tao! Buti na lang at mga kamag-aral ko lang naman ang naririto.

“Uhm, Red. Hindi ba, masyadong nakakahiya?” Tanong ko sa kanya nang masyado na kaming pagtinginan ng mga nakakasabay namin.

Umiling lang siya.

“There’s no reason to be ashamed of. I’m proud of our relationship. I am proud of you. Kapag mahal niyo ang isa’t isa, there’s nothing to worry. Wala namang pakialam ang mga tao sa mundo natin, at wala silang magagawa, dahil ang importante ay yung nararamdaman natin para sa isa’t isa.” Aniya.

Feeling ko tuloy hindi ako proud sa relasyon na ito. Kaya yun, tinapangan ko na ang sarili ko. Tatahimik na lang ako. Maging proud! That’s it!

Nang makapasok na kami sa kuweba ay alingawngaw ng boses ni Eri ang narinig namin. Bawal pa naman ang masyadong maingay dito, we might disturb animals living inside.

“Waaah! Takot ako sa bats! Please! Lalabas na ako! Palabasin niyo ako!” Pagsisigaw niya.

“Tss.” Iling ni Iris.

“Bestie! Iris! Sabihan mo silang lumabas na tayo, please!” Dagdag niya pa.

Bestie? Magbest friend na ba sila?

“Shut up! Kakapasok pa lang nga natin, lalabas agad? And, stop calling me bestie! Hindi ko pa tinatanggap friendship mo no! Baka isa lang ‘to sa mga plano mo para makuha ang asawa ko!” Asik ni Iris.

Buti na lang magkalayo sila. Baka magsabunutan pa yan e. Iris is with Brett, syempre, at nasa unahan naman si Eri ni Eli. Si Josh naman ang nakaupo sa may likod ni Eli. Sina Ate Xynth at Yuki naman ang nasa hulihang upuan. Kung hindi niyo maimagine, heto ang order ng pagkakaupo namin: Kuya Emong, Ako, Red, Eri, Eli, Josh, Iris, Brett, Yuki, at Ate Xynth.

“Anong pwede kong gawin para maniwala ka?” Lumingon ako sa likod, nakita ko na lang na umiwas ng tingin si Iris.

“Eri! Stop being so childish!” Matigas na sambit ni Eli sa kakambal. Kaya ayun, nakaismid na umayos si Eri. Nasa likod lamang siya ni Red kaya kita ko.

Ibinaling kong muli ang aking atensyon sa unahan bago nagsalita.

“Guys, we’re here to enjoy. Yun na muna okay? Kung may mga away man, let’s do that pagbalik sa school.” Natigilan ako sa pagsasalita ng humigpit ang yakap ni Red sa akin.

“Wag mo na nga silang intindihin. Nagseselos na ako. Sa akin lang ang atensyon mo, okay?” Bulong sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanya.

Nasilaw ako sa flashlight na tumapat sa aking mukha. Napapatong tuloy ako ng mukha sa dibdib ni Red.

“Yie! Ang mga love birds sa unahan, nagmomoment! Kayo ang magtigil diyan!” Sigaw ni Ate Xynth.

Kahit na silaw na silaw pa rin ako, ay nag-init ang aking pisngi sa narinig.

“Oo nga. Ayaw namin langgamin dito. Better stop, or do it some other time. Chummy chummy! Tss.” Sabi naman ni Yuki.

“Ang iingay niyo!” Mahinang sigaw ni Eli.

“Sabi ko nga, tatahimik na.” Natatawang sambit ni Yuki.

“Tss.” Aniya.

Napakasuplado talaga nitong si Eli. Pero tama naman siya. We need to stay as quite as possible. Dapat nga yung tour guide lang ang magsasalita.

“Eli!” Rinig kong mahinang suway ni Josh. “Sorry, Yukino.” Pagpapaumanhin niya kay Yuki.

“Yeah. Whatever.” Sagot niya kay Josh.

Alam ko namang okay lang iyon sa kanya. Rules are to be followed. Para saan pa’t siya ang Disciplinary Chief.

Wala ng naririnig na salita mula sa amin pagkatapos noon, tanging ang tour guide na lang namin ang nagsasalita. Nahihiya nga ako kay Kuya Emong, dahil hindi na namin siya pinapakinggan kanina.

Nakita namin ang mga stalagmites at mga stalactites doon. May hugis mushroom, puso ng saging, mais, bell peper, at marami pang iba.

Inabot kami ng halos isang oras sa tour na iyon. Saktong alas onse na nung matapos ang lahat sa pagtotour sa Underground River, kaya’t nagdesisyon na ang aming mga guro na oras na para sa aming tanghalian. Lulan ng aming mga bus dito sa Palawan. Pumunta kami sa Hotel Centro para sa aming tanghalian. Doon din daw kasi ang hotel na aming tutuluyan mamayang gabi.

Napakaelegante nga ng dating e. Parang lahat mayayaman lang ang pumupunta rito. Pumasok kami sa isang malaking hall, at nakita namin ang mga nakahain na sa mesang mga pagkain. Agad kaming pinaupo nila Mrs. Almonte sa mga upuan na naroroon at sinimulan namin ang lahat sa pagpapasalamat sa grasyang nasa harap namin na galing sa Panginoon.

“Hay! Nabusog ako! Grabe, ang sasarap ng pagkain! Nakalimutan ko ang salitang diet!” Ani Josh.

“Hala Josh! Baka lumobo ka ulit! Ewan ko nga sa katawan mo noon e. Araw araw naman kayong nagbibaseball, pero ang taba mo pa rin. Teka! Bakit ka nga pala pumayat?” Pag-uusisa ni Yuki.

Naalala ko tuloy yung mga rebelasyon niya tungkol sa kanyang pagpayat. Naalala ko ring hindi pa kami okay ni Eli. Argh!

Hinawakan ni Red ang kamay ko. Napansin niya sigurong malungkot na naman ako. Napaangat ako sa kanyang mukha, at nakita ko ang mumunting pag-iling na ginagawa niya.

“Everything will be fine, soon.” Aniya. Tumango na lang ako sa kanya.

“Ah… e. May rason kaya pumayat ako ng ganito.” Nahihiyang tugon niya kay Yuki.

Sasabihin niya kaya? Ako palang ang nakakaalam nun e.


Josh’s POV

“Hala Josh! Baka lumobo ka ulit! Ewan ko nga sa katawan mo noon e. Araw araw naman kayong nagbibaseball, pero ang taba mo pa rin. Teka! Bakit ka nga pala pumayat?” Pag-uusisa ni Yuki.

“Ah… e. May rason kaya pumayat ako ng ganito.” Tugon ko sa kanya.

Sasabihin ko ba sa kanya? Sa kanila? Napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Riel. Siya palang ang nakakaalam kung bakit ako pumayat ng ganito. Nakakainggit. Magkahawak kamay pa sila ni Red. Tss! Haha! Bitter!

Nakita ko sa mga mata niyang kung komportable ako, okay lang naman na sabihin sa kanila. Naisip ko nga rin yun, kaibigan naman ang turing ko sa kanila e. Sa tingin ko mapagkakatiwalaan naman sila. Kaso nga lang, katabi ko si Eli. Nakakahiya!

“Uhm… Ano kasi…” Hindi ko pa rin masabi-sabi sa kanila. Feeling ko namumula na ang pisngi ko sa hiya. Argh! Hindi pa naman niya alam na siya ang dahilan ng pagpapapayat ko!

Biglang tumayo si Eli at nagsalita. “Tapos  na ang lunch break, guys. Tara na sa sunod na destination.” Aniya at kumindat sa akin.

Natulala naman ako sa kanyang ginawa.

“Ay! KJ! KJ! Naman! Hoy, Josh! Pagbalik sa school, huh? Sabihin mo na yan sa amin.” Ani Yuki. Sabay sabay namang tumayo ang barkada.

Naiwan kami ni Eli doon sa aming mesa. Hindi ko rin alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. He rescued me there, and it makes my heart pound like hell. Samahan pa ng kindat na yun. I feel like I’m in heaven!

“Alam ko na ang dahilan. Kaya nga sabi ko, lagi ka lang sa tabi ko di ba? Sa araw araw na kasama kita, ang dami kong natutuklasan na kahit imposible’y mangyayari kapag in love ang isang tao.” Napatingin ako sa kanya. “The way you blush, falling fast is unstoppable.” Dagdag niya.

What does it mean?


Eri’s POV

Wala akong kaimik-imik noong nasa hapag-kainan kami. Oo, nainis ako sa trato sa akin ni Iris doon sa Underground River, pero noong naalala ko yung sa isla. Nawala agad ang inis ko.

Nang magsitayuan ang barkada sa mesa, naisipan ko munang pumunta sa rest room. Alas dose y media pa lang naman, ala una naman yung next na byahe namin. Napahilamos na lang ako ng mukha pagkarating ko sa harapan ng lababo.

“Hayst!” Malakas na buntong hininga ko nang humarap ako sa salamin.

Sino nga ba naman ang maniniwala sayo kung unang-una sa lahat ay bad impression agad ang ipinakita mo sa isang tao. Nadala lang naman ako sa charms ni Brett e. Ang gwapo niya kaya! Argh! What am I saying?!

Nagulat na lang ako nang may pumasok doon sa wash room. Nagtagpo ang aming mga mata sa pamamagitan ng salamin. Siya agad ang unang umiwas ng tingin. Bumaba na lang ang tingin ko doon sa sink. Narinig ko na lang ang click ng door knob, sign na inilock ito.

“Andito na rin naman tayo, pag-usapan na natin lahat.” Aniya.

Napaangat ako ng tingin sa salamin at nakita ko lang siyang nakapilig ang katawan sa pintuan. Sa kanyang mga paa ang kanyang tingin.

“Back when we’re at the island, for some instances, second night, at around nine in the evening. Nasa dalampasigan ka rin ba nun?” Tanong niya. “Hindi kasi ako sigurado kung ikaw yung—.”

“Ako yun. Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo ni Brett.” Sagot ko sa kanya.

“Sinasabi ko na nga ba—.” Matigas niyang tugon sa akin. Pero pinutol ko agad.

“Pero! Pero… wala akong ibang intensiyon. I’m sincere about asking you your friendship. Ramdam kita, Iris. At kasama na dun ang pagsuko ko sa paghabol kay Brett. May kahati ka na sa kanya, ayoko nang dumagdag pa.” Paliwanag ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin nang harapin ko siya. I know mahirap maniwala. First impression lasts, huh? I’ve learnt that from Riel.

“You don’t need to believe me right away. I’m just saying, you can rely on me. I’ll be a friend. And if you’ll consider, you’re best friend too. I’ll listen to all the weight you are carrying.” Sabi ko.


Riel’s POV

Tumungo kami sa sunod naming destinasyon. Hindi kompleto ang Palawan Escapade mo kapag hindi ka nakapag-island hopping. Dalawang isla palang ang napupuntahan namin dito, sa dami ba naman kasi namin.

Napagkasunduan ng aming klase na island hopping na lang itatry namin. Pinapili kasi kami ni Mr. Buenafe sa listahan ng kung anong pwede naming gawin. Yung iba’y inabala ang sarili sa pamimili ng kung anu-ano.

Kaming klase’y tumulak na muna papuntang El Nido. Balita namin, maraming magagandang beaches doon. Well, we won’t know kung hindi namin pupuntahan.

Nang makarating kami sa El Nido, Bacuit Bay, ay nagsiunahan kami sa pagsakay sa mga bangka. Di kami pwedeng lumangoy o kung anuman. KJ nga ang school e. Ang magagawa na lang namin ay ang kumuha ng mga larawang pwede naming maipost sa facebook o kung saan pa man. Remembrance kumbaga. Mamayang gabi raw kasi’y Pupunta kami sa Maquinit Hot Spring doon sa Coron.

Okay na rin siguro yun, at least nakita naman namin yung mga isla dito sa Palawan. Nakasakay na kami sa bangka ngayon. Dito pa lang nga sa Bacuit Bay ay tanaw na ang napakagandang likha ng Panginoon.

Ang malakyrstal na kulay ng tubig ay pwede ng salamin sa sobrang linaw. May mga isda ring malayang lumalangoy doon. May ibang section din na island hopping ang pinili. Nakita ko nga sina Yuki at Riley. Sa pagkakataon kasing ito’y by section ang groupings. Kaya’t hindi namin makakasama si Yuki. Good to know na island hopping din ang pinili nila.

“Ba’t yun andito?” Nakakunot ang noong sabi ni Josh sa tabi ko.

Napailing at natawa na lang si Red na nasa kabila ko naman, hawak hawak ang kamay ko. Nanghihinayang din kasi yan dahil napahiwalay ng sakay si Eli at Eri sa bangka namin. Nauna na sila, agad kasing hinila ni Eri si Eli pagsakay ng bangka.

“Hoy, Red! ‘Wag mo akong pagtawanan ha! Kainis kayo ni Riel! Bakit unfair sa akin si kupido? Pinana niya si Riley para ma-in love sa akin, samantalang si Eli, kailangan ko pang amuhin para ma-in love lang sa akin. Pumapalya na talaga siya, kung magresign na lang kaya siya sa trabaho niya!” Umismid siya lalo.

Nakita kong kumakaway sa kanya si Riley, pero tinalikuran niya lang ito. Kaming tatlo, at pito pang kaklase namin ang magkakasama dito sa bangka na nasakyan namin. Kaya’t kung mag-usap kami’y pabulong.

“Josh, matanong ko nga, in love na ba sayo si Eli?” Napaharap siya sa akin at natigilan saglit. Umiling siya ng marahan.

“Then, dapat hindi ka muna maging bias. I know, in love ka kay Eli, but there’s someone out there na nagpapahiwatig ng pagmamahal sayo…” Sabi ko sabay tingin sa direksyon kung nasaan ang bangkang sinasakyan ni Riley.

“I know, hindi ko dapat ‘to sinasabi sayo kasi hindi iyon ang ginawa ko. Ako kasi alam ko na kung sino ang mahal ko. Ikaw, mahal mo nga si Eli, pero noong pumasok si Riley, alam kong nagulo yang puso mo.” Dagdag ko.

“Alam ko naman yun e. Hindi ko nga maintindihan ang tabas ng puso ko. Pareho akong naghuhuramentado sa kanilang dalawa.” Aniya.

“Yan na nga. Sinasabi lang naman ni Riel, wag mo siyang gayahin. Pero sa part ko, okay lang kasi ako ang pinili niya. I’m cool with that.” Sabi naman ni Red.

Hinampas ko na. Ang pilyo pilyo!

“Aray! Para saan yun?” Natatawang daing niya. Pinanlisikan ko na lang siya ng mata. Parang makuha ka sa tingin na expression. Itinaas niya lang ang kanyang mga kamay at ngumuso.

“Wag ka ngang ngumuso, hahalikan kita!” Dagdag ko pa.

“Sige ba. Game ako dyan.” Aniya.

“Ehem! Ehem! Andito kayong dalawa para payuhan ako, hindi yung naglalandian. Tss.” Singit naman nitong isa.

“Inggit ka lang!” Sabay naming tugon sa kanya.

“Tss.” Aniya saka umiling.

“Oo na! Inaamin ko naman na hindi ko binigyan ng pagkakataon si Eli noon, pero anong magagawa ko. Punung-puno na ang puso ko nun ng taong ‘to.” Sambit ko. Itinuro ko rin si Red.

“Yie! Ba’t mo pa pinatagal? In love ka naman pala nun sa akin e.” Pagsingit ni Red. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi.

“Yeah. Yeah. Paano ba naman kasi siya magkoconfess sa’yo noon nang halos araw araw ibully mo siya?” Pagbara ni Josh sa kanya.

“Nagawa ko lang naman yun para—.” Sagot sana ni Red, pero pinutol ko na.

“Enough! Ang pag-uusapan natin ngayon e, yung tungkol sayo.” Napansin ko kasing nalungkot siya nung sinabi ni Josh ang pagbully niya sa akin. He’s kinda guilty, that’s why.

“Tss. Edi advice na lang nga, ‘wag na yang tungkol sa inyo. Baka ihulog ko kayong dalawa dito sa dagat e.” Ani Josh.

“Okay! Atat masyado?” Asik ko sa kanya. Bumaling ako kay Red. “Quiet ka lang nga muna dyan, Red. Or kung may sasabihin kang advice, yun na lang. ‘Wag na yung… alam mo na.”

“Okay!” Aniya.

“So, going back. Yun, ikaw lang naman ang makakaresolba sa problema mo. This time, give Riley the chance. Hindi ka man lang kasi nagtext sa akin nung gabing umamin siya sa harap ng mga tao.”

“Yun nga nga. Sorry kung sinadya ko talagang hindi ka muna itext noon. Alam mo yung sobrang gulo? Pinagkasunduan pa nila na ‘may the best man win’ daw. Kainis!” Pagmamaktol niya.

“Nila? You mean, Eli and Riley? Paanong? Si Riley lang naman yung sumunod sayo nun ah? Susundan nga kita nun, kaso biglang sumunod sayo si Riley, kaya hinayaan ko na lang.” Naguguluhan kong tanong sa kanya. O baka naman kasi hindi ko lang talaga nakitang sumunod si Eli.

“Hayst! Ganyan ka complicated ang kwento ng pag-ibig ko.” Aniya. Pinanood lang namin ni Red ang kanyang malalim na buntong hininga.

Hindi namin namalayang malapit na pala kami sa unang isla na aming pagdadaungan. Mala-Boracay ang puti ng buhangin rito. Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Punung-puno pa ng mga kulay berdeng halaman.

Nagtipon-tipon kaming mga pumunta sa islang yun para sa orientation kung ano bang isla ito. Mayroon lamang kaming 15 minutes para manatili rito, kaya sinulit namin nina Josh ang pagkuha ng mga larawan.

Nalaman namin na itong islang ito’y tinatawag na Helicopter Island. Hugis helicopter daw kasi ito kung makikita mula sa himpapawid. Pero, ito yung hugis ng helicopter na ginagamit ng militar noon.

Wala dito sila Eli, Eri, Iris at Brett. Malamang sa ibang isla muna sila pumunta. Mga ilang minuto rin nama’y dumating ang bangka na sinasakyan nina Yuki at Riley. Kaya’t nayamot lalo si Josh.

“Hi, Best!” Bati niya.

“Tss.” Tinalikuran niya lang ito.

Mas pinapakita niya tuloy na mas angat nga sa kanyang puso si Eli. Pero, naisip kong siguro’y ganyan rin lang talaga ang pakikitungo niya sa kaibigan.

“Don’t tell me, si Riley ang dahilan kung bakit ka pumayat ng ganyan?” Tanong agad ni Yuki. Nang makababa na siya sa bangka.

“Talaga? Nagpapayat ka para sa akin?” Napailing na lang ako sa sinabi ni Riley. You’ve got the wrong idea, brother. Pero, binawi ko agad ang sinabi ko. Argh! It sounds so biased too.

“Hala! Hindi no! Ikaw talaga Yuki! Saan mo ba yan napupulot mga hinuha mo?” Pagtanggi niya.

Hay naku! Si Yuki pa talaga ang tinanong mo niyan? Tsismosa kaya yan! Si Riley naman parang nanghinayang.

Nabigla na lang ako nang hilahin ako ni Red papunta kung saan na direksyon.

“Nakakaselos na ha! Hindi mo ako iniintindi ngayon.” Aniya tapos binitawan ang aking kamay.

“Wushu! Tampu-tampuhan! E humihingi ng payo ang kaibigan natin, so tinutulungan ko lang. Ikaw naman! Para namang hindi tayo laging magkasama.” Paliwanang ko.

“Hindi e. Yun ang nararamdaman ko.”

“Wushu! Sige na nga! Mamaya ko na lang tutulungan si Josh. Ikaw na muna ang aasikasuhin ko.” Pinagsalikop ko ang aming mga daliri. Napatingin siya sa ginawa ko, kaya’t noong magtagpo ang aming mga mata’y ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

Nakita ko ang literal na pagkurba ng kanyang labi mula sa simangot patungo sa ngiti. Ewan ko ba sa kanya. Possessive, masyado. Sabi niya nga, there’s nothing to be ashamed of, kaya yun nga. Wala na akong pakialam kung may makakita sa amin na ganito kalapit sa isa’t isa. Proud din naman ako na boyfriend ko siya.

Naglalakad kami sa buhanginan ngayon palayo sa mga kaibigan naming hindi pa rin natatapos sa kung ano mang sinimulan kanina bago ako hinila nitong boyfriend ko.

“Gusto ka raw makita nina Mom, Dad, at Andrei, pag-uwi natin. Alam na nila. Okay lang ba sa’yo?” Aniya.

Nabigla ako. Syempre! Kilala ko naman si Mrs. Ariola, pero yung Daddy at kapatid niya ay hindi pa. Sa school din nga pumapasok si Andrei, pero, hindi ko man lang siya nakikita.

“Talaga? Sigurado ka bang sinabi nila yan?” Tugon ko.

“Yup!” Nakangiti lamang siyang sumagot sa akin. “Tinawagan ko sila pagkauwi namin sa bahay nong gabing sinagot mo ako. They’re so happy. And then, Mom proposed the dinner, pagkauwi natin.” Paliwanag niya.

Palihim akong natuwa sa sinabi niya. Dalawang araw pa lang nga buhat nung sagutin ko siya e, makikilala ko na agad ang mga magulang niy! Ano to? Pamamanhikan? Haha! I’m so full of my fantasies.

“So, okay lang ba sayo? Ihahatid na lang kita sa bahay niyo after. Or pwede ka na rin namang matulog sa kwarto ko. Promise, behave ako!” Inilahad niya pa ang kanyang kanang kamay para sa pagpangako.

Hay naku! Kahit maging naughty ka, okay lang sa akin! Nyay! Ano ba ‘tong iniisip ko! Hindi ata love ang nararamdaman ko kung hindi lust! Oh my gosh! Hindi ito maaari!

Erase. Delete. Empty Recycle Bin. Boom! Wala na ang lahat ng pagnanasa sa katawan ko.  Hahaha!

“Okay.” Tipid na sagot ko sa kanya. Nang sipatin ko ang reaksyon niya’y labis akong natuwa. Meeting the Ariola Family, huh? That’s more like it.

Nang magtawag na ang bangkero para sa sunod naming destinasyon ay saka lamang kami bumalik sa aming bangka. Pinagalitan nga kami nitong si Josh, dahil hindi man lang daw namin siya isinama. Sa isip ko, ba’t ka namin isasama, e moment namin yun. Naging walang kwentang kaibigan tuloy ako.

Habang nasa laot kami’y itinuro sa amin ng bangkero ang mga magagandang beaches dito. Meron ngang Secret Beach ang pangalan. Naguluhan man kami kasi, secret tapos marami namang nakakaalam, ipinaliwanag niya namang may kung anong sekreto daw kasi kapag pumunta run. ‘Wag na lang daw namin alamin, kasi bawal pa naman kaming maligo sa dagat. Andun daw kasi yung sekreto. Ikinibit balikat na lang namin iyon.

Nakita din namin sa daan ang Star Beach. Hindi naman hugis bituin ang isla na yun, paliwanang naman noong bangkero’y sikat daw kasi ito. Mas marami ang pumupunta sa beach na yun. Ang ganda naman kasi ng tanawin doon.

Dumaong muli kami sa isang isla. At sinabi sa aming sa islang ito’y nakatayo ang Matinloc Shrine. Dati raw itong Dominican Seminary o kombento. Tumulak ulit kami sa laot pagkatapos ng labing limang minuto. Marami rami na kaming nadaanan at pinagdaungan, tulad ng 7 Commando Beach, Entalula Island, Shimizu Island, Nagkalit-kalit Waterfalls at iba pa.

Mag-a-ala cinco na noong bumalik na kami sa Bacuit Bay. Habang papalapit kami roon ay tanaw namin ang papalubog na araw sa horizon. It is amazing. Kahit maraming isla ang nakaharang sa view nito, makikita mo pa rin ang ganda dahil sa pastel na kulay ng kalangitan.

“Ang ganda no?” Ipinatong ko ang aking ulo sa balikat ng katabi ko. Wala naman kasing imik si Josh e. Galit pa siguro sa pang-iiwan namin.

“Hmm.” Aniya. “Teka. Uhm. Pano ba?” Dagdag niya. Naramdaman ko ang pagkamot na naman niya sa kanyang ulo. Nakakadisturb na talaga ha! May kuto o dandruff ba talaga siya? Baka mahawa ako e!

“Ano ba yun?” Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya.

“Is it necessary for us to have an endearment? I mean, para lang malaman ng lahat na tayo. Na akin ka na, na sayo na ako.” Tingnan mo ‘to, kapag maraming tao, ang tapang-tapang, kapag ako ang kinakausap, nahihiya. Babatukan ko na ‘to e.

Napailing na lang ako sa aking iniisip. “Okay lang naman sa akin kung meron, okay lang din na wala.” Nagkibit balikat ako. Pero halata sa akin ang kasiyahan.

“Hay, nako! Kayong dalawa! ‘Wag nga kayong magpakasweet pag kasama niyo ako. Lalo na ngayong may pinoproblema pa ako.” Singit ni Josh. Pero hindi na muna namin siya pinansin.

“So, anong gusto mo?” Ani Red.

“Ikaw?” Sagot ko.

“Alam ko na yun, ikaw rin naman ang gusto ko e, mahal pa nga kita. Pero, ang tanong ko’y hindi sino, what I mean is, kung anong magiging tawagan natin.” Pinamulahan ako ng marealize na double meaning pala yung sagot ko sa tanong niya. Natatawa naman siyang ipinaliwanag sa akin ang lahat.

“Yikes! Baduy baduy! Tss.” Napatingin kaming dalawa kay Josh na ngayo’y inilalagay na sa tenga niya ang dalang earphone at ikinabit ito sa kanyang cell phone.

Nagkatinginan kami ni Red at sabay na napailing. Napakahopeless naman nitong kaibigan namin. Dapat chill lang siya. Nagkasundo na naman pala ang dalawang manliligaw niya e. Ano pa kayang pinoproblema niya?

Bumyahe kami ulit pauwi doon sa Hotel Centro, para sa aming hapunan. Pinapunta na rin kami sa aming mga kwarto para maiwan ang aming mga gamit doon. Hindi pa namin yun naasikaso dahil sa itinerary ngayong araw. Pinagbilinan lang kami na maghanda para sa pagpunta namin sa Maquinit Hot Spring.

Malapit lang ang Coron kaya’t matapos lamang ang aming hapunan ay pumunta na kami roon. Kahit gabi na, sa view nito, ay relaxing pa rin. Ano pa kaya kung magrelax na kami roon. Nakarating kami doon ng alas siete.

Masyado kaming madami kaya’t by batch ang pagpapapasok. 30 minutes ang ibinigay sa amin para magrelax. Kulang na kulang kaya yun. Pero, dahil nga sa sitwasyon namin, wala kaming magagawa. Nauna ang A at B Section sa pagpasok doon. Ayos lang naman na magkakasama ang babae at lalaki dahil hindi naman ito tulad noong nasa Japan na mga hot springs na kailangan talagang maghubo’t hubad.

As usual, kasama ko si Red. Hindi pa rin kami nakakapagdesisyon kung ano ba ang magiging tawagan namin. Kaya’t isinantabi muna namin iyon. Relax nga raw e. So yun dapat ang gawin namin ngayon.

Magkakasama ulit kaming magbabarkada, ganun pa rin, usap-usap pag may time. Ina-isolate lang talaga ako nitong boyfriend ko, like he doesn’t want me to talk with somebody else.

“Hoy, Red! Napakapossessive mo naman! Amin na nga yan si Riel!” Ani Eri. “Lagi mo na lang siyang inilalayo sa amin! Kaibigan din namin siya no!” Dagdag niya pa.

“Ayoko nga! Kung may sasabihin kayo sa kanya, sabihin niyo na sa harap naming dalawa.” Tugon naman sa kanya ni Red.

Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa pinaggagagawa nitong nakayap sa likod ko. We’re both topless, kaya’t ramdam ko ang balat niya sa likod ko. Nakakapanindig balahibo man ay, nilalabanan ko para wala akong magawang kung ano sa kanya. Marami pa namang tao.

“Guys, sorry ha? Aalamin ko pa kung paano ‘to magiging di possessive sa akin. Sige na, I’ll make it up to you, pagbalik sa school.” Pagpapaumanhin ko sa kanila.

“Hmph!” Pag-irap niya kay Red.

Nilubayan nila kami. Si Eli, nakatulala sa harap namin ni Red. Natauhan lamang siya nung kalabitin siya ni Josh. Hinawakan ni Eli ang kamay ni Josh at marahan isinama sa pag-alis niya. Kumaway na lang sa amin si Josh para magpaalam.

“Alam mo, nagtatampo na ang mga yun. Bakit ba ang possessive mo?” Napailing na lang ako.

Maraming mga kaklase namin ang nakakakita sa posisyon namin ngayon, pero kilala naman nila ako e, pero yung B Section hindi masyado. Hindi pa siguro nila alam na okay na kami ngayon ni Red. Okay na okay na nga pala. Kami na e.

“Ngayon lang naman e. Pagbalik sa school, paniguradong magiging puspusan ang pagiensayo namin para sa nalalapit na tournament. Ikaw din naman, di ba? You’ll be surely so busy because of the School Fest. I might not be able to join you there. Masama bang akin ka muna ngayon?” Aniya.

Kinilig naman ako sa sinabi niya, at the same nalungkot. Yeah, we’ll be busy, for sure. And I might regret, kung hindi ako magpapakasaya kasama siya ngayon. Guilty lang ako kasi yung mga kaibigan ko ay nagtatampo na. Anyways, sinabi ko na naman sa kanilang, babawi ako.

“Okay, sayo na muna ako. So, please don’t be upset about what will happen in the future, okay? We’ll make time for each other when we get back to school.” Nakapatong na kasi ang mukha niya sa balikat ko. Nagdadrama kaya’t aaluhin ko.


Eli’s POV

Pinapakita na nga sa akin ang katotohanan, hindi pa rin ako natitigil sa kahibangan na nararamdaman ko sa isang tao. Unrequited love, you say? That’s bullshit!

Natauhan na lang ako sa pag-iisip nang may kumalabit sa akin. It was Josh. My poor, Josiah Alarcon. I thought, seeing him blushing at me, makes me fall so fast. That maybe, he’ll drag me out of this bad dream. But seeing my first love with his boyfriend was a lot more painful. Hindi na talaga ako makakawala pa sa kulungan na ito.

Hinila ko na lang siya palayo doon. Doon sa masakit na katotohanang ilang ulit nang isinasampal sa akin.

“Sorry for dragging you here.” Saad ko ng makapwesto kami sa isang sulok malayo sa dalawa.

“Okay lang. Hindi naman ako umangal e.” Sagot niya.

Hindi ko talaga alam ang gagawin sa buhay ko. Wala na naman akong aasahan pa kay Riel, pero bumabalik pa rin ako. Nagbabaka sakali. Kailan ka ba titigil, Elijah Martinez? Kailan mo ba tatanggaping, wala na talaga?

“Sorry… Sorry kasi, sinasabi kong nahuhulog na ako sa’yo pero… pero, wala pa ring nangyayari sa akin. I’m always going back to where I've started, but still getting the same pain at the end. Gusto ko nang makaalis, Josh. But… but I can’t do this anymore.”

Narinig ko ang singhap niya. Natigilan ako. I made him cry, again. This is the third time, and I am hurting even more because of that.

Gusto ko siya. Gustung-gusto. I don’t want him crying. I don’t want him crying because of someone else. I don’t want him with other guys than me. I want him to be with me all the time. Pero hindi yan sapat para sabihin kong mahal ko siya, katulad ng pagmamahal ko kay Riel.

“Bakit ka umiiyak, Josh?” Napaangat ang tingin ko sa lalaking dumating.

“Umalis ka nga, Riley! Nag-uusap kami dito ni Eli.” Pagtataboy sa kanya ni Josh.

“E ba’t ka ba kasi umiiyak?” Tanong niyang muli kay Josh. “Siya ba ang nagpaiyak sayo?” Pag-akusa niya sa akin.

Nakakuha na rin kami ng atensyon.

“Ano ba! Wala kang pakialam, okay? Umalis ka na sabi e!”

Tulala pa rin ako sa kinatatayuan ko. I really don’t deserve, Josh. Pinapaiyak ko lang siya lagi.

“May pakialam ako, kasi mahal kita, Josh. Hindi mo pa rin ba yun naiintindihan! Ayokong nasasaktan ka!”

Maybe, Riley is much better to be with Josh. They know each other very well. They’re best friends. Kami? Nagkakilala lang naman kami noong gabing iniyakan ko ang pagbabusted sa akin ni Riel, and it was 7 days ago.

“Pero si Eli ang mahal ko, Best! Si Eli lang…” Ani Josh, at humagulhol na sa pag-iyak.

Gusto ko siyang daluhan pero parang inugatan na ako dito sa kinatatayuan ko. Mahal niya ako. Pero, hindi ko pa iyon masusuklian ngayon. I really need to forget what I feel towards my first love.

“Oo nga, mahal mo siya. Pero mahal ka ba niya?” Tanong sa kanya ni Riley. Hindi naman makasagot si Josh sa kanya.

Ano ba naman kasing isasagot niya sa best friend niyang mahal siya hindi bilang isang kaibigan at kapatid? At wala siyang isasagot kasi, ako ma’y hindi ko iyon masabi sa kanya.

Nasapo ko na lang ang pisngi ko nang makatanggap ako ng suntok mula kay Riley. Buti na lang at maraming nakapalibot doon sa amin at nasalo ako. Doon na ako natauhan sa lahat ng nangyayari.

“Ano ba, Best! Umalis ka na nga!” Inawat na siya ni Josh. Pero hindi siya nito pinakinggan.

“Hoy, Martinez! Sabi mo ‘may the best man win’ di ba? Tinanggap ko yun, kahit alam ko na sayo na umiikot ang mundo nitong best friend ko. Pero, putang ina! Kung sasaktan mo lang naman siya, mas mabuti pang bitiwan mo na lang siya!” Asik ni Riley sa akin.

“Hindi! Hindi si Eli ang may kasalanan nito, Best. Wala siyang kasalanan kung bakit ako umiiyak.” Pagpigil pa rin sa kanya ni Josh.

Nakita ko na lang ang sarili kong umalis doon sa hot spring.

“Hoy, Martinez! ‘Wag kang duwag! Harapin mo ‘to!” Galit na sigaw sa akin ni Riley.

“Eli…” Rinig kong tawag sa akin ni Josh. Natigilan ako.

I can’t help it. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. I’m not worth the wait for him. Mas mabuti pang kalimutan niya na lang ako, kesa naman magpakamartyr siya sa nararamdaman sa akin.



Itutuloy…

12 comments:

  1. Yie!! nu ba yan nakakakilig si Red. Naku Josh complicated love story mo ah? Sana nga si Riley na lang kasi alam nating mamahalin niya si Josh. Author wag naman sana maging tragic yung mga susunod na chapters.

    ReplyDelete
  2. talagang nag-research si kuya rye , hehehe nice :) nagmukang makatotohanan ..
    pero sana kuya rye walang mategi kahit isa sa mga characters...
    yelsnA

    ReplyDelete
  3. ahhh.. grabe,, akin knalng ELI hhhhaahaha..

    az

    ReplyDelete
  4. jusko!!! ikaw na josh!!! nahiya si rapunzel!!! tnx rye!!!!

    -violetklaus aka angel threesixtye

    ReplyDelete
  5. I feel sorry for Josh. Mahirap din mag move on pag mahal mo ang tao. Kawawa din si Eli dahil he's struggling emotionally. ,,, Thanks sa update Mr Author.

    ReplyDelete
  6. Ang haba ng buhok ni Josh, kuya!

    Gaya ng sabi ko sa iyo, itutulak kita para sa sariling kwenti ng Riley at Josh at Eli..
    At team Eli ako,..

    Aft the sweet moments? Ano ba ang mangyayari para maging sour, bitter moments? Hehe..

    Abang-abang na lang..

    Galing-galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. May naisip na ako Vienne. Haha! They don't need to be separated. :D

      Delete
  7. hindi naman sya mahal ni eli. mas deserve nya si riley.

    ReplyDelete
  8. Possessive lover is hart hart! XD pero not too much ahh! XD

    -Trev

    ReplyDelete
  9. HaaayYy nakakaasar yung red riel kaiingit much... Hahahha.. Tinry ko syang basahin ng umaga... As usual napapatili pa din ako sa sweet moments.. Nakakakilig.. Wooohh.. More more!! - dave

    ReplyDelete
  10. Wag naman sana mgksroon ng amnesia si riel para makalimutan niya si red tpos si eli ang maging bf niya

    Kawawa naman si red niyan

    Jay 05

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails