Beautiful Andrew
by Glenmore Bacarro
part 1 of 2.
Chapter I
“Bakit sa akin pa nangyari
ito?” tanong ni Andrea, dama sa kanyang mga mata ang hinanakit at ang tila ba
ay panunumbat sa Diyos. Mariin siyang napapikit na wari ba’y ayaw niyang makita
ang awa sa mga mata ni Nel habang nakatitig sa kanya.
Panlimang araw palang niya sa
hospital pero mabilis ang mga pangyayari at nalaman na agad ang kanyang sakit,
ang pagkumpirma ay galling mismo sa kanyang nurse na si Nel. Naging malapit ang
loob niya sa kanyang nurse sa kadahilanang hindi niya naramdaman dito ang
anumang panghuhusga sa kanyang pagkatao, bagkus ay ang masuyong pagtanggap
bilang kung ano siya.
Andrew ang totoo niyang
pangalan, Isa siyang cross dresser, retokada, kabilang sa third sex, mula
pagkabata ay alam niyang hindi siya tulad ng iba. Pinanindigan niya ang kanyang
nararamdaman, naging mapangahas siya, bukod sa pagdadamit babae, pagkilos babae
at pagaayos babae ay nagpalagay din siya ng dibdib ngunit hindi kailanman
sumagi sa isip niya na ipapalit ang kanyang pagkalalaki. Walang problema,
natanggap nman siya sa mundong kanyang ginagalawan at naging masaya siya
hanggang dumating ang araw na ito…
“May pag asa pa, marami naman ng
makabagong paraan ngayon para masugpo ang kanser.” Pang aalo ni Nel. Sa isip
niya ay ang panghihinayang sa isang taong hindi nakuntento kung sa anuman ang
binigay ng Diyos sa kanya. Terminal stage, alam niyang bukod sa dasal ay may
pag asa pa sa tulong ng mga makabagong teknolohiya, ayaw niyang magbigay ng
maling pagasa, ngunit habang nakatititg sa taong ito ay hindi niya mapigilan na
bigyan ito ng kahit katiting na pagasa. Bilang isang nurse ay hindi niya
mapigilan na damayan ito sa kanyang paghihirap.
“Anong pag-asa, nurse? Himala?”
nagngingilid ang mga luhang tanong nito.
Hinagod ni Nel ang kanyang kamay
at masuyo itong nginitian, “may pag-asa hanggat naniniwala ka” tinitigan niya
ito at nakita niyang sumilay ang kislap ng pagasa sa kanyang mga mata, “handa
kana bang maging si Andrew ulit?” nakangiting tanong niya ulit.
Napadako ang mga mata ni Andrea
sa kanyang mga dibdib at di niya mapigilan ang pagsilay ng munting ngiti sa
kanyang mga labi, tumango siya kay Nel, “sisimulan ko na rin magpatubo ng
kilay” pagak siyang napatawa, “mabuti na lang pala nabura na lipstick ko”
pagpapatuloy pa nito.
Nakahinga ng maluwag si Nel,
parang nawala na ang kaninang may hinanakit sa mundo na kanyang pasyente.
---
Naging mabilis ang mga prosesong
pinagdaanan ni Andrew, pinatanggal ang kanyang pinaoperang dibdib sa madaling
panahon at sinimulan na rin ang kanyang mahaba habang gamutan.
“Kumusta na si Andrew?” bungad
ni Nel sa pasyenteng nakahiga, wala na ang dibdib nito at nasasanay na rin
siyang Makita ito na nakadamit pangospital o damit panlalaki ang sinusuot,
meron din pala itong itinatagong angking kagwapuhan, dangan nga lamang ay
maganda ito pag nagayos babae, itinatago ng mga kolorete ang kagandahang lalaki
nito.
“Eto, pinapakapal na ang kilay
at malamang magpapakalbo na rin” anitong tila may lungkot padin sa kaisipang
mawawala na ang ilang taon din niyang pinahabang makintab na buhok, “mabuti ng
ipakalbo ko na habang hindi pa naglalagas,…” tumingin siya kay Nel at
naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin, “nagsimula na ang chemotherapy
ko” wala sa sariling paglilinaw nito.
“Tutubo parin naman yan eh…”
“Oh, here’s my favorite nurse,
I’ve been looking for you at the whole hospital!” Mula sa bumukas na
pinto ay bumungad ang malamyos at masayang tinig, tila ba isang anghel na puno
ng buhay.
Napadako agad ang tingin ni Andrew sa pinagmulan ng boses, at mula sa
pinto ay nakita niya ang isang lalaking papalapit sa nakatayong si Nel. Matipuno, maganda ang katawan, bumagay dito ang dilaw at hapit niyang polo
shirt, maaliwalas ang kanyang mukha na animoy palaging bagong ligo.
Lumapit ito kay Nel at walang
pagngingiming hinagkan niya ito sa labi, isang mabilis at tila ba mapanuksong
halik, alam niyang halik iyon ng isang kaibigan dahil wala siyang nabasang
kahit anong malisya sa pagitan nilang dalawa, ngunit hindi niya mapigilan ang
panlalaki ng kanyang mga mata sa kanyang nasaksihan.
“Ooops!...sorry hindi ko
napigilan, nakakagigil ka kasi eh” wika ng lalaki habang nakangiti at pinisil
ang magkabilang pisngi ni Nel.
“Tarantado ka talaga!”
Nakangiting hinampas ni Nel ang lalaki. “O bat ngayon ka lang? Diba dapat
kahapon ka pa nandito? Nagkita naba kayo ni Dr. De la….”
“Teka, di mo ba ko ipapakilala
sa bago mong pasyente?” putol nito sa sasabihin ni Nel, at iginawi nito ang
tingin sa nakahigang si Andrew.
Tila huminto ang ikot ng mundo
ni Andrew, nakatingin sa kanya ang mala anghel na mukha ng lalaki, nakangiti at
sumilay ang malalim na biloy nito sa kaliwang pisngi, mga matang tila ba
nangaakit at puno ng buhay, bahagyang gumuguhit ang mga kunot sa noo nito sa
pagkakangiti na siyang tila humihila sa singkitin nitong mga mata, na binagayan
ng may katangusan nitong ilong. Malambot ang mga labi sa pagkakangiti na tila
ba ay ayaw ipakita ang mga ngiping pantay pantay.
Hindi napansin ni Andrew na para
siyang tangang nakatitig lamang sa mukha ng lalaki, hindi ito kagwapuhan,
ngunit sa pagkakangiti nitoy lumabas lahat ng kanyang karisma. Narinig na
lamang niya ang pigil na tawa ni Nel at ang pag ehem nito na tila ba may kung
anong bara siyang tinatanggal sa kanyang lalamunan.
“Ehem..hmmm.. Carl, meet my
favorite patient, Andrea” nakakalokong ngumiti ito kay Andrew “An..Andrew, I
should say,” tumingin ito uli sa kanya “and Andrew, this is Carl, my…”
“Hi Andrew, beautiful Andrew,
nice meeting you” pagputol ni Carl kay Nel, tumitig ito ng may napakatamis na
ngiti kay Andrew.
Ngumiti lamang siya bilang ganti at muli ay hindi niya mapigilan ang
pagtitig sa lalaking kaharap. Para bang kay sarap sa pandinig sa pagkakabigkas
nito ng ‘beautifu Andrew’
“What’s his case?” baling ni
Carl kay Nel.
“Ca..can…cer, breast cancer”
pautal na sagot ni Nel “t..terminal stage, but he has a high chance of
survival, especially if he continues his chemo as prescribed.”
“A high chance of survival,”
natigilan ito saglit “good news then, ayt?” tumitig uli ito kay Andrew, saglit
na nagtama ang kanilang mga mata, at sa pakiwari niya ay may nabanaag itong takot
sa mga matang kanina lang ay puno ng buhay.
“Anyway, Nel I’ll wait for you
at the station, I’ll treat you for lunch…and name what you want to eat then
I’ll buy it for you.” Iginawi niya uli ang kanyang tingin kay Andrew at
kinindatan ito sabay ng napakatamis na ngiti. Tumalikod na ito at tinungo ang
pinto.
Matagal ng wala si Carl pero
nanatiling nakatitig parin si Nel sa pinto, tanging siya lamang ang nakakaalam
kung anuman ang kanyang iniisip.
“S..sino sya?” tanong ni Andrew
“I mean ano mo siya? Both of you seems to be so close?” paglilinaw niya sa
tanong niya.
“Ah, si Carlos, kaibigan ko
siya, palagi mu yan nakikita ditto pakalat kalat, at wag kang magataka kung
ganun ang pakikitungo niya sakin dahil ganun siya sa lahat, sadyang makarisma
at mabait ang taong yun…” natigilan siya habang nakatitig kay Andrew, “wag mong
sabihing…nagkakagusto ka sa kanya?” wari ay nanunudyong biro niya ditto.
“Magagalit ka ba kung sakali?”
balik tanong ni Andrew.
Natigilan si Nel, may kung anong
agam agam at takot siyang nadarama. “H..hin..di, at alam kong walang magagalit
sayo dahil wala akong alam na karelayon niya”
“Talaga?” kumislap ang mga
matang bulalas niya, at hindi sya makapaniwala sa tinuran nito. Hindi niya
sukat akalain na sa tono ng pananalita ni Nel ay okay lang sa kaibigan nito ang
same sex relationship.
“At pwede pa kitang tulungan…”
pambibitin niya at ngumiti ng nakakaloko, Masaya siya nang nakita niya ang
kislap ng pag asa sa mga mata nito.
“P-promise?” parang batang
nagsusumamo si Andrew.
“Of course Andrew…beautiful
Andrew.” Humagalpak siya ng tawa pagkabigkas noon sa tono ng bagbigkas ni Carl. Natawa at sumabay nalang din si
Andrew sa matutunog na halakhak ni Nel.
---
“Second operation!?” tila pinagbagsakan ng langit
ang nadarama ni Andrew ng ipaliwanag sa kanya ni Dr. Santos ang gagawin nilang
hakbang “Tell me the truth doc, may pag asa paba ako?” tila siya batang
humahagulgol. Hindi niya aakalain na hindi pa pala nawawala ang mga cancer
cells sa kanyang katawan bagkus ay kumalat pa ito.
“That is the best choice para
hindi lumala pa, we should remove those cancer cells bago pa mandin iinvade
nito ang mga vital organs mo, there is a high chance for this second operation
to be successful.”
“How about the risks doc, I know
that there are possibilities that this operation will fail, and alam ko na
pwedeng sa susunod ay baka hindi kayanin ng katawan ko…and ayoko ng buhay na
patay doc, kung ikakamatay ko na lang din naman, why do such effort? No doc,
ayoko na.”
“Mr. Tabuso, we just want you to
know that we are doing the best we can do and we are offering the best choice
for you, hindi parin kami nag gi-give up, as soon as pumayag ka, we’ll do the
operation, I just hope that you'll say yes sooner than later, pagisipan mo.”
Hindi na siya umimik at
isinubsob niya ang mukha sa unan ng kanyang kama.
Kanina pa nakalabas ang doctor
ng narinig niyang bumukas ang pinto, alam niyang si Nel iyon.
Naramdaman niya ang paglapit ng
mga yabag sa kanyang kama, at ang pagupo nito sa katabing upuan.
“I need to be alone, Nel…”
humihikbing wika nito. Hindi ito sumagot. Isa ito kung bakit napalapit ang loob
niya kay nurse Nel, marunong itong makinig at hindi ito nagsasalita hanggat alam
niyang hindi pa handang kausapin.
“Bakit ako pa?” patuloy niya
“All I have wanted is happiness, i just needed someone to want me, to love me.
I did things to satisfy their wants. To be accepted, ang gusto ko lang naman
maging normal sa mundo ko. Pero bakit ito ang ibinigay Niya? Wala ba akong
karapatang lumigaya?”
Tahimik lamang siya, naramdaman
ni Andrew na pinulot nito ang natanggal niyang bandanang pantakip sa ulo nito,
masuyong mga kamay ang humagod sa kanyang likuran at batok, tila ba
inaalalayang humarap sa kanya.
Dahan dahang humarap si Andrew,
at nagitla siya sa taong kaharap. Si Carl.
Ngumiti ito, at dahan dahang
isinuot ang bandana sa kanyang kalbong ulo, itinali niya ito, sakto ang
pagkakahigpit na aimoy sanay sa paglalagay nuon. Dumako ang tingin niya sa
mukha nito, naksilay padin ang maiklig ngiti sa kanyang mga labi, hinagod niya
ang kanyang mukha, pinadaan ang mga daliri sa humpak na niyang mga pisngi,
napapikit si Andrew sa ligayang hatid nito, naramdaman niya ang pagdantay ng
mga daliri nito sa nakapikit niyang mga mata, at malamyos na pagdampi nito sa
nangingitim na bandang ibaba nito. Pinahid niya ang mga luhang kanina pa ayaw
tumigil, napamulat uli si Andrew, napatitig sa lalaking kaharap, itinaas ni
Carl ang mga kamay at inayos niya ang bandana sa ulo nito,
“Tahan na Andrew, my beautiful Andrew” kasabay
nito ay dinampian niya ng mahinhing halik ang pisngi nito.
Tulala, hindi maipaliwanag ni
Andrew ang nararamdaman, dagli siyang bumitaw sa pagpapantasya at mahinang
naitabig niya si Carl, lumayo ito ng bahagya at iniiwas ang paningin sa nuoy
nakatitig paring si Carl.
“Na..na..saan si n,,nurse Nel?”
mahina niyang sabi.
Imbes na sumagot ay ang nakakatulig na masayang
halakhak ni Carl ang pumailanlang sa apat na sulok ng silid.
“Ahahaha! You’re blushing.”
Tudyo pa nito na siyang lalong nagpamula sa kanya.
“Anong…” namimilog ang mga
matang halos himatayin sa kahihiyan si Andrew.
“Oh common, you are blushing…”
ulit nito at itinuro pa ang kanyang mukha. Sa inis ay isnubsob nalang ni Andrew
ang kanyang mukha sa unan at nahiga uli.
Ilang sandal ding hindi natigil
sa kakatawa si Carl, hanggang sa hindi na rin niya mapigilan ang mangiti at
makisabay sa nakakahawang halakhak nito.
“Tarantado ka!” sabi nitong
paharap sa kanya.
“yeah I know” sagot nito na
nakaniti parin. “Now you’re more beautiful that you are smiling.”
“Hmmpp..” paiwas niyang sagot.
“inaasar mo lang ako kasi retokado ako, ngayun pa na makapal na kilay ko, wala
nakong dibdib…hmmp!”
“Sorry, I didn’t mean that…”
Sumeryoso bigla ang mukha nito “you are beautiful in every single way, and…and
you look better than the girl in that picture.” Nginuso nito ang larawan niya
sa may side table, group picture iyon, sya kasama ang mga kaibigan, dinala iyon
ni Zachie ng malamang magtatagal pa sya sa hospital.
“Hmmpp..!” napairap siya at lihim
niyang sinumpa si Zachie sa pagdadala ng larawan na iyon.
bumalik uli ang mga ngiti sa kanyang mga labi. “wanna join me for lunch?” kumindat ito “treat ko wag ka mag-alala, baka sabihin naman ni Nel hindi ko inaalagaan ang paborito niyang pasyente.”
bumalik uli ang mga ngiti sa kanyang mga labi. “wanna join me for lunch?” kumindat ito “treat ko wag ka mag-alala, baka sabihin naman ni Nel hindi ko inaalagaan ang paborito niyang pasyente.”
Napangiwi siya sa narinig “So
utos lang pala ni nurse Nel kaya moko nilapitan ngayon?” ngumuso siya,
nagkukunwaring galit “pati ba pagiging mabait mo utos din ni Nel?”
“Ahahaha! You are so beautiful
when you’re doing that.” Napakatamis ng mga ngiti niya “halika na bago pa
magbago isip ko.”
Tumayo siya at sumunod sa nauna
nang si Carl, nawala na ang kanina ay takot at agam agam sa kanyang puso, tila
ba nawala ang kanyang karamdaman sa mga ngiting iyon.
---
Chapter 2
Naging malapit sina Andrew
at Carl sa isa’t isa, halos lagi silang magkasama na nakikita sa kabuuan ng
hospital, kung minsan ay nakakasama din nila si nurse Nel. Sweet at mabait sa
kanya sina Carl at nurse Nel, at sa ilang araw nilang magkakasama ay hindi niya
mapigilan ang mahulog ang loob kay Carl. Ang hospital ang naging tagpuan nila,
matagal na ding hindi naka confine si Andrew, dumadalaw dalaw na lang din ito
sa hospital para sa kanyang check up na kung siya lang ang masusunod ay hindi
na niya gagawin, kung hindi lang dahil sa kung minsan ay sinusumpong siya ng
panghihina at pagsusuka, at higit sa lahat sa hospital lang niya lagi nakikita
si Carl. Halos ginawang bahay na ni Carl ang hospital, hindi niya alam kung
saan ito nakatira bukod sa isang kwarto sa hospital na kanyang pinagtatambayan pag
naroon ito. Ang tanging alam lamang niya ay ulila na siyang lubos at ang
namayapa nitong ama ay stock holder sa hospital na ‘yon.
Himalang wala itong cellphone,
kahit halos lahat na yata ng tao sa mundo ay gumagamit nito, natanong niya
minsan at tanging kibit balikat lang sagot nito sabay sabing aanhin niya pa
ito? Ayaw man niyang aminin ay tuluyan ng nagagapi ng pag ibig ang lahat ng
kanyang takot, hindi niya kayang ipagtapat kay Carl ang nararamdaman dahil sa
tuwing nagbabalak siya ay parang lumalayo si Carl sa kanya, para bang nagtatayo
ito ng pader sa pagitan nila kapag nagtatangka siyang ipadama dito ang lihim
niyang pagibig. Ngunit alam niya, sa bawat salita at tingin sa kanya ni Carl ay
mayroon din itong nararamdaman para sa kanya, kailangan lang niya itong
paaminin, ngunit papaano?
---
“But why Carlo?!...’di bat handa na ang lahat?
Bakit ngayon umaatras ka?!” halos pasigaw na ang boses ni Nel, dinig na dinig
ito ni Andrew habang papalapit siya sa pinto ng Conference Room, sinabi ni
nurse Jamie na dito raw niya matatagpuan sina Nel at Carl.
“I told you my reasons, Nel… I
just can’t.” mahinahon na sagot ni Carl.
“No, Carl... you should do it,
please… for me, for all of us” tila nagmamakaawa na ang boses ni Nel.
“I changed my decision, I’m ready
for the consequences… you can’t chance my mind Nel. I don’t want you to
understand, I just want you to know.” Pagtatapos ni Carl.
“But Carl,” garalgal ang boses
ni Nel, pagdakay halos pabulong itong nagsalita “it’s because of him, right?
Its Andrew.”
Kumabog ang dibdib ni Andrew
pagkarinig niya sa kanyang pangalan, pipihitin na sana niya ang pinto ng
biglang may kung anong kirot ang sumirit sa kanyang dibdib, parang sasabog ito
at waring gustong kumawala ng nagpupumiglas niyang puso, sisigaw sana siya para
humingi ng tulong ngunit wala ng namutawing salita sa kanyang bibig dahil
tuluyan na siyang nawalan ng ulirat, mabuti na lamang at makapal ang balabal na
nakabalot sa kanyang ulo kaya hindi ganon kalakas ang hampas ng kanyang ulo sa
sahig.
Pagdilat ng kanyang mga mata ay
mukha agad ni Carl na alalang alala ang kanyang nabungaran.
“Are you okay beautiful?”
nakangiti ngunit nagaalalang tanong nito, hinalikan niya ito sa noo.
Napangiwi si Andrew sa tinuran
nito ngunit tumango na lamang siya at iginawi ang paningin sa dalawang taong
naguusap sa may pintuan, sina Dr. Santos at nurse Nel.
Lumapit ang mga ito ng may
pagaalala, “How’re you feeling Mr. Tabuso?” tanong ni Dr. Santos. Tahimik lang
na nakamasid si Nel, idinako nito ang paningin kay Carl at dagling tumango.
Tumango din si Carl na
naintindihan ang ibig sabihin ni Nel, masuyong hinalikan nito ang kamay ni
Andrew, tumalikod at tinungo ang pinto.
Masuyo ang halik at ramdam niya
na puno ng pagmamahal, ngunit bakit kung minsan ay umiiwas ito.
Naguguluhang itinuon niya ang
paningin kay Nel, matipid na ngiti ang isinukli niya dito.
“Ahmm…Mr. Tabuso, we really have
to do the operation” walang pasakalyeng paliwanag ni Dr. Santos, “base sa mga
signs and symptoms mo, maaring lumala o kumalat na ang mga cancer cells” dagling tumigil saglit ang doctor “Mr.
Tabuso, you have a high chance of survival, kung papaya ka lang sana… we're
just concerned sa kalagayan mo, Andrew” lumambot ang boses na pagpapatuloy ng
doctor.
“Give me time to think doc.” Ang
tanging nasagot niya at tumalikod sa dalawa, ayaw na niyang magi sip, gusto
niyang mapag isa.
Lumabas ng kwarto ang dalawa,
iiling iling si Nel at may mapait na ngiti sa kanyang mga labi, sa isang saglit
din ay napatiim bagang sya, tila ba may kung anong iniisip na nagpaparanas sa
kanya ng galit at sakit.
Chapter 3
“They told me, you’re still
not in to it… Andrew, beautiful Andrew, they knew best.” mula sa pinto ay
biglang sumulpot si Carl, nakatalikod siya dito at nakaharap siya sa bintana at
nakatanaw lang sa kawalan.
Napapikit siya pagkarinig niya
sa boses nito, nasasanay na siya sa pagtawag nito sa kanya ng Beautiful Andrew,
at ang malamyos nitong boses ang tila ba nagbibigay lakas sa kanya kung kayat
hindi pa sya tuluyang gapiin ng sakit niya gayung tinanggihan na niya ang ibang
mga gamot at maging ang magpaopera, natanggap na niya ang kamatayan niya,
ngunit sa bawat sandaling nakakasama niya si Carl ay sumusilay ang pagasa sa
kanyang dibdib.
Lumapit siya sa tabi nito at
itinuon din niya ang tingin sa kawalan, medyo mataas pa ang araw sa bandang
kanluran, ang liwanag mula sa bintana ay dagling tumama sa pagod niyang mukha,
wala ang sigla na dati rati ay laging nakasilay rito. Napabuntong hininga ito,
malalim na tila ba ninanamnam ng bawat himaymay ng kanyang katawan ang hangin
na kanyang nilalanghap, dinig na dinig ito ni Andrew.
“Ano ang pinaguusapan niyo
kanina ni nurse Nel,” tanong nito na hindi parin nakatingin sa kanya “narinig
ko ang pangalan ko…b-bago ako himatayin.” Sinulyapan niya ito.
“Nothing, it’s…it’s
about…n-nothing. Wag mo nang isipin yon, may mga bagay kang dapat pagtuunan ng
panahon kesa don.” Sagot ni Carl na iniiiwas nito na magtama ang kanilang mga
mata.
Napabuntong hininga si Andrew,
at hindi na nagsalita pa, tama si Carl may mga bagay na mas higit niyang
pagtuunan ng pansin, itinuon niyang muli ang tingin sa malayo.
“Come, I’ll show you something”
bigla ay bumalik ang sigla sa boses ni Carl, nakangiti ito at kita sa mga mata
ang tila sorpresa na gusto niyang ipakita dito.
Tatanggi na lamang sya ng
hilahin ni Carl ang kanyang kanang kamay at akayin siya patungo sa pinto.
Naglakad sila sa may pasilyo at
tumigil sa harap ng elevator, nasa pangalawang palapag ang kanyang kwarto.
Hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi ni Carl, sumakay sila at pinindot niya
ang number 5 ang pinakamataas na palapag.
Pagkalabas sa elevator ay
inakyat nila ang ilang hakbang na hagdang bakal patungo sa isang makipot na
pinto, tumigil sandal si Carl, humarap kay Andrew at ngumiti ng matamis.
“Ready?” tumango siya bilang
tugon, “here we go…”
Binuksan niya ang pinto, sa una
sinalubong sya ng nakakasilaw na araw, ilang sandali din siyang nagadjust ng
paningin matapos ang ilang pagkurap, at unti unti ay tumambad sa kanya ang
animoy mala harding tanawin, ang halos kabuuan ng rooftop ay puno ng halaman at
bulaklak, isang landscape masterpiece sa isang lugar na hindi mo aakalain na
pwedeng maging ganon.
Hindi niya akalain na sa itaas
pala ng hospital na iyon ay may mala langit na lugar, sa hilagang bahagi ay nakapila
ang mga bansot na kawayan na halatang alagang alaga, kasama ng mga ito ang
manaka nakang halaman na mala cherry tree
na nagsisimula palang mamukadkad ng mga matiting kad nitong bulaklak.
Sa isang sulok ay isang fountain
na bagamat hindi umaandar ay mas nagbigay buhay sa paligid dahil sa kumakapal
na mga lumot at ferns na nakakapit na ditto, sa kabila ay nakatayo ang isang
maliit na nipa cottage na tulad ng sa mga de kalibreng resort, dahil na din sa
nakita niyang nakausling aircon sa
isang sulok nito.
Nakatayo siya mismo sa pathway
na gawa sa bricks at pebbles, na tila ba isang hari na
maglalakad patungo sa kanyang trono, sa magkabilang gilid ay sari saring mga
bulaklak at halamang nakaayos na sobrang nakakaaya sa mata. Itinuon niya ang
tingin sa kung saan patungo ang pathway at hindi niya napigilan ang mapangiti
at mamangha ng makita niya ang isang maliit na gazebo, doon ay may bakal na
swing na nakasabit sa dalawang poste ng gazebo na halos puluputan na ng puti at
pulang vine roses na hitik na hitik
sa bulaklak.
Sa tabi nito ay isang maliit na
puno na wala ng mga dahon at may mga napakaraming sanga, parang patay ang
punong iyon, ngunit mas nabigyan nito ng kakaibang buhay ang kabuuan ng
tanawin.
Napakaromantiko ng lugar, at
hindi niya mapigilan ang ihakbang ang mga paa at tinungo ang duyan, naupo sya
doon at nilingon si Carl na seryosong pinagmamasdan sya.
“I never thought may ganitong
lugar ditto…” iginala niya ang paningin sa paligid “bakit ngayon mo lang ako
dinala ditto?” kunwari ay nagtatampong ingos niya rito. Napakamot lang ng ulo
nakangiti at pailing iling ang papalapit na si Carl.
Naupo ito sa tabi niya, at
itinuon ang tanaw sa nakakasilaw pang araw, napapikit siya at ninamnam niyang
muli ang paghugot ng napakahabang paghinga.
Pinagmamasdan sya ni Andrew, at
bumilis ang tibok ng kanyang puso, halos gusto niyang yakapin ito at haplusin
ang maamo nitong mukha, napagmasdan niyang tila humumpak ng kaunte ang mukha
nito, parang nagbawas ito ng timbang na syang lalong mas bumagay ditto dahil
mas napansin ang prominente nitong cheekbones
at panga.
“But this is not the thing I
want to show you” putol ni Carl sa kanyang pangangarap.
“Huh? May mas maganda pa ba
dito, saan?” aniyang luminga linga.
“Wait for me here” tumayo ito at
tinakbo ang cottage sa bandang likod.
Naghintay siya ng ilang saglit,
lumabas ito na may hawak na tabo na may lamang tubig.
“Come, fallow me.” Sumenyas ito
sa kanya na sundan siya.
Naglakad ito patungo sa sulok
kung saan ay nagtapos ang mga nakahilerang bansot na kawayan, huminto ito
saglit sa may harap ng halamang parang cherry
tree, hinawi niya ang isang sanga nitong halos mabali na dahil dami ng
kulay peach na bulaklak nito.
Sinulyapan niya si Andrew at
sinenyasang lumapit, “Come, I want you to see it.”
Lumapit siya, at hinanap ang
anumang bagay na tinutukoy nito ngunit wala siyang Makita, napakunot siya ng
noo at tiningnan si Carl ng may pagtataka.
“Ahaha…” pagak na tawa ni Carl,
“there…there it is beautiful Andrew” at itinuro ito.
Sinundan niya ng tingin ang
itinuturo nito, at hindi niya naitago ang pagkadismaya sa nakita.
Sa sulok ng gusali, isang bahagi
nito ang tila ba marupok sapagkat tila gumuguho na ang mga bato, at doon ay may
isang halamang tumubo sa isang halos naka hung na bato, na kung hindi dahil sa
mga ga-hiblang ugat nito na nakakapit sa mas matibay na parte ng pader ay
gumuho na rin ang batong kinapitan nito na kung mangyayari man ay maaaring
isasama din nito sa paguho pababa ang halamang nakakapit dito.
“I always see to it na hindi ito
nagagalaw ni Nel o ni manong Jessy…yung taga pagalaga sa garden na ‘to, baka
kasi pag sila ang nagalaga sa halamang ito ay baka tuluyang mahulog,” isinawsaw
niya ang kamay sa tabo at maingat na pinapatak ang tubig sa mismong mga ugat ng
halaman, kailangan pa niyang i-bend ang katawan upang maabot ito “imagine…five
floors, wouldn’t that be a certain death?” tila tanong nito sa sarili habang
ipinagpapatuloy ang pagdidilig. “hindi ko hahayaang mangyayari iyon sa kanya”
aniyang may pagmamahal sa mga mata.
Nakaramdam ng tila pag kainggit
si Andrew, mabuti pa ang halamang iyon at pinapakitahan ng pagmamahal ni Carl,
pagmamahal ng parang sa isang kabiyak. May
topak ba ang taong ito? Sa dinami rami ng halaman dito sa garden any yung
suicidal pa ang trip alagaan? tanong ni Andrew sa sarili.
“You’re like this plant, you
know?” bigla ay sabi nito.
“Huh?” naguguluhang tugon niya
“Ako? Bat mu naman nasabi yan?” pag kuwa’y tila kinilg sa kaisipang ang
halamang kinaiinggitan niya ay inihahalintulad sa kanya.
“That you still have a chance,
that as long as your roots grasped this wall you won’t fall” seryosong turan
nito. Patuloy lang ito sa matagalang pagdidilig.
“Ows? Then maybe you’re the
stone kung saan ako nakatuntong?” may panunuksong wika niya.
“Bakit mo naman nasabi ‘yon,
huh?” itinigil nito ang pagdidilig, ipinunas ang basang kamay sa laylayan ng
kanyang damit.
“That as long as you’re there I
wont fall?”
“Shouldn’t that be the
other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember
your roots hold me.” Napakaseryosong turan nito, noon lamang siya nakita ni
Andrew na naging ganon ang reaksyon.
Ngumiti lamang siya, gusto
niyang sabihin dito na sya ang dahilan kung bakit sya masaya at syang dahilan
kung bakit hindi pa sya tuluyang bumibitaw. Nais niyang iparamdam dito na mahal
na mahal na siya nito. Gusto niyang ipagsigawan sa mundo na handa niyang gawin
ang lahat maangkin niya lamang ito. Nakatitig sya sa mga labi niya at
pinipigilan lamang niya ang sariling siilin ito ng halik.
“This plant will bloom orange,
or perhaps yellow…yes, I like it yellow.” wala sa sariling pagiiba nito sa
usapan.
“Tangek! Adik ka talaga, puti at violet lang ang kulay ng bulaklak ng halamang yan. Everyday ata tawag nila dyan o yan yung periwinkle?”
“Hahaha...its catharantus. And yeah I know, but I want this
one to bloom in pale yellow, that’s why I think this one is special”
“E ano naman ibig sabihin niyan
sayo pag namulaklak nga yan ng dilaw?”
“Sus..tinatanong paba yon?
Syempre it means…” tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakaloko “it means you
are my Beautiful Andrew” sabay halakhak nito ng matutunog na tawa.
“Tarantado!” ngunit hindi niya
din mapigilan ang matawa, “halika na nga, baka lamukin ka pa d’yan.”
Chapter 4
“Do you believe in
miracles?” walang anu ano’y tanong ni Carl habang naglalakad sila pabalik sa
gazebo.
Napatigil saglit si Andrew sa
paglalakad at tiningnan kung seryoso ito, “oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?”
sagot niya.
“Oo…I do believe in miracles,
everyday is a miracle, life is a miracle itself…” sagot nitong malamlam ang mga
mata “even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”
Ngumiti siya sa tinuran nito,
“Have you found your miracle, Carl?” tanong niyan muli.
“Probably…” biglang lumungkot
ang mukha nito at iniiwas ang tingin, “Have you seen my miracle?” halos kasabay
din nitoy ang muling pagsaya ng kanyang boses.
“You have miracles, huh? Ano yun
aber?”
“That’s for you to find out,
you’ll know it’s my miracle when you saw it…” tumigil ito saglit at sumeryoso
ang mukhang tinitigan siya nito, “Andrew, I want you to live… I want you to
live and see my miracle.”
Naaaninag sa mga mata nito ang
tila pa paghihirap ng kalooban.
Nais niyang yakapin ito sa mga
sandaling iyon, nais niyang ipagtapat na dito ang nararamdaman, ngunit tulad ng
dati ay parang naramdaman ito ni Carl at umiwas.
“Sa..sandali l-ang, ibabalik ko
lang ‘tong tabo, at…at the cottage,”
“Sama na ko, isa pa gusto ko
ring makita ang loob niyan,” inginuso niya ang cottage.
Sumunod sya rito, pinagbuksan
siya ng pinto at pinatuloy
“Dito ako mas lumalagi pag wala
ako sa kwarto ko sa 2nd floor, this is my resting place, when I want
to unwind, to relax…”
Simple ang loob ng cottage,sa
gitna ay may isang kama na kasya ang dalawa, sa tabi nito at side table na may
lampshade, nakaharap ito sa isang tv at dvd set. Sa bandang kanan ay may pinto
patungo sa isang maliit na cr. Sa kaliwa ay may isang malaking bintanang
natatakpan ng malambot na puting kortina, nakaharap sa may kanluran kalinya sa
may gazebo, kita ang halos buong garden, dito ay may maliit na mesang salamin
at dalawang bakal na upuan na may dalawang kulay pulang throw pillow. Sa mesa
ay may nakapatong na orchid sa isang maliit na paso, may pulang bulaklak din
ito. Simple ngunit parang napakasarap tirhan kung masasabi na bang tirahan ang
cottage na yon.
Lumapit siya sa may bintana at
hinawi ang putting telang nakatabing, malapit ng lumubog ang araw, at halos
anino na lamang ng lahat ng bagay ang naaaninag, napakaganda ng tanawing
kanyang nakikita, hindi nakikita ng buo ang papalubog na araw dahil sa puno sa
may gazebo ay natatakpan ng mga dahon nito. …mga
dahon… napasinghap sya. Parang kanina lamang ay patay ang punong iyon.
Natawa si Carl, kanina pa pala
ito sa tabi niya at pinagmamasdan siya, may hawak iton dalawang bote ng San
Mig.Light. marahil ay nabasa nito ang iniisip niya, iiling iling na ipinahawak
nito sa kanya ang isang bote at ipinatong ang sa kanya sa mesa, may kung anong
inabot ito sa gilid ng bintana.
“Tirador?” manghang tanong ni
Andrew, talagang may sayad na ata ang
lalaking ito, sa isip isip niya.
Mula sa may mesa ay pinulot ni
Carl ang tansan, niyupi niya ito sa gitna gamit ang mga daliri at walang imik na
ibinala sa tirador, itinutok niya iyon sa puno at pinakawalan ang bala.
Parang sumabog ang paligid,
dahil ang katahimikan kanina ay binulabog ng mga pakpak na nagpapagaspas, halos
limampung ibon ang nagsiliparan mula sa patay na puno sa may gazebo. Hindi
mapigilan ni Andrew ang mamangha, dahil bukod sa mga ibon ay tumambad sa kanya
ang papalubog na araw na na-accentuate
ng mga sanga ng patay na puno, na tila ba mga ugat na nananalaytay sa kabuuan
ng papalubog na araw, mga aninong nagpabitak bitak sa araw, at tuluyang umagos
ang maladalandang sinag nito sa kabuuan ng silid.
“Hindi talaga ako magaling na
shooter, too bad not a single one fell” si Carl, abot tenga ang ngiti.
“It’s beautiful… the sun, the
tree…”
“Yup, that was not intended, I
used to watched the sunset d’yan sa gazebo kasi hindi ko nakikita ng buo mula
rito, but when the tree died, ditto ko na lagi pinagmamasdan ang araw sa
kanyang pamamalam…” tila may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng bigkasin
niya ang mga salitang iyon, “then the birds came…”
“Yeah…the birds,
unbelievable…and the tree.” ulit nito.
“Even death has its own beauty…”
wala sa sariling sagot ni Carl, seryoso ang mukha nito at sa mga mata ay
nagngingilid ang mga luha, iyon ang kauna unahang nakita ni Andrew ang lungkot
sa mga mata ni Carl “that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds
beauty to every goodbyes.”
Mataman niyang tinitigan si
Carl, “C-arl…” anas niya.
“I want you to live, Andrew”
mahina ang salitang iyon, “be like those birds, they fly, they sing and they
can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after
sunset.”
Pumatak ang unang butil ng luha
sa kanyang mga mata, hindi sya makaimik, tinanggap na niya na hindi na sya
gagaling, tinanggap na niya na tanging himala lamang ang makakapagpagaling sa
kanya. Paano niya sasabihin sa kanya na kaya ayaw niyang magpaorera ay dahil
takot na siyang baka paggising niya ay magbabago ang lahat, paano kung hindi na
sya magising at magiging pasanin na lang bilang lantang gulay?
Muntik na niyang ikamatay ang
unang operasyon, mas nanaisin na laman niyang hayaang gapiin ng cancer ang
kanyang katawan kaysa madiliin niya ang kanyang kamatayan.
Lumabas sa banyo si Carl at
mukha na itong nahimasmasan, nakalahati na niya ang iniinom niyang beer sa
kahihintay dito. Umupo siya sa isa sa mga silya, madilim na ng mga oras na iyon
tanging ang liwanag galing sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob ng
cottage. Sa garden nakabukas ang mga ilaw doon ngunit hindi parin ito kasing
ganda sa tuwing umaga.
“Andrew, can you promise me one
thing?” seryoso si Carl, at napakislot si Andrew sa tinuran nito, hindi na sya
nasasanaw na tawagin ito sa pangalan lamang niya.
“Yes, Carl?” pagdidiin nito.
“C-can you promise me that
you’ll never fall inlove with me?” tumitig sya sa kanya, binabasa ang kanyang
reaksyon.
“Ah-..wha..t?...” pautal na
tanong ni Andrew, gayong dinig na dinig niya ang sinabi nito.
“Promise me not to love me, that
you won’t fall…”
Paano ba niya sasabihin kay Carl
na nahulog na siya ng husto, na mahal naa mahal na niya ito. Heto sya ngayon at
pinapapangako niya siya upang waag siyang mahalin, ngunit bakit? Bakit ayaw
niyang siya ay mahalin, alam niyang nagsisinungaling lamang ito dahil ramdam
niya mahal rin sya nito.
“What if I can’t?” mapaghamong
sagot niya.
“Then perhaps, we should stop
seeing each other…” seryosong tinitigan sya nito.
....to be continued.
No comments:
Post a Comment