Followers

Sunday, January 25, 2015

String from the Heart Teaser



            ...Hindi niya maiwasan ang magtanong. Ano ba ang nakita sa kanya ni Jake? Bakit ba siya ang napili nito na i-bully at gawing alila? Hindi sa sinasabi niyang maghanap ito ng iba pero sana nga lang naghanap na ito ng iba o kaya naman tumigil na. Hindi na kasi nakakatuwa.
            Inalis niya ang pagkaka-akbay nito sa kanya. Muli rin naman nito iyong binalik. He did the same thing again. And also he did the same. Dahil sa panggigigil, kinurot niya ang kamay nito. Napahiyaw ito sa sakit.
            "Ouch! Bakit mo ginawa iyon?"
            Makikita sa mukha ang pagkabigla.
            Hindi siya sumagot. He just met his gaze. Ilang beses na rin naman niya ginawa iyon. Na madalas na binabalewala nito. Mukhang ngayon lang ito napuno sa kanya. Nawala sa mukha ang pagkabigla at napalitan iyon ng pagkaasar.
            "Sumosobra ka na, ah!" Asik nito.
            "Bagay naman `yon sa `yo! Talagang nagtanong ka pa kung bakit ko ginawa iyon? You know the answer! Hindi ka nakakatuwa, Jacinto! Tigilan mo na ako! Tama na ang dalawang araw na sumunod ako sa `yo! Hindi na ako papayag na magiging alila at biktima mo. Hindi ako ipinanganak para maging ganoon sa `yo!"
            Pulang-pula na ang mukha ni Jake habang nakatingin sa kanya. Halata na ang galit sa mukha. Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin, he also knew that his face was already red because of him. Kung galit ito, galit din siya!
            "Hah! Talagang palaban ka!" Nanggigigil na sabi nito. Mukhang pinipigilan ang sarili na makasakit. "Sa lahat ng na-bully at ginagawa kong alila, ikaw lang ang lumaban sa akin. Stop defying me, Ilagan! Ang lakas ng loob mo na saktan ako."
            "Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan na manakit? I'm also entitled to do such thing!"
            "You're also entitled to do that thing but I'm more entitled to do it. Ako ang bully dito! Ako ang mananakit. Sa mga ginagawa mo? Ilang beses mo na ba akong sinaktan? Not once, not twice but many times. Sa mga ginagawa mo, mas lalong hindi kita pakakawalan. Magsakitan na tayo kung magsakitan pero mananatili kang sa ilalim ng batas ko. Alila kita at amo mo ako."
            Nakakagigil talaga ang lalaking ito. Nakakabwisit! Talaga namang..
            Alam ni Hyde na sa malakas nilang sagutan ay sa kanila na naka-focus ang tingin ng mga classmate nila na kanina pa naman talaga mula nang makapasok sila. Hindi siya magpapatalo sa lalaking ito. Lalaki rin siya! Hindi kahinaan at hadlang sa kanya ang pagiging mahinhin o kilos babae kung makikipagsuntukan siya sa Jacinto na ito. Alam niyang praktisado ito roon pero lalaban siya kahit na maging dehado pa siya.
            "Wala akong paki--."
            Sa gulat niya, basta na lang siya nito hinawakan sa braso at hinapit palapit dito. Mas nakakagulat ang sunod na ginawa nito na hindi niya inaasahan. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mata nito na walang reaksyon sa kapangahasan na ginawa nito.
            Magkalapat ang labi nila!
            He was stunned. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Lalayo na sana siya dito nang maramdaman niya ang kamay nito sa likuran ng ulo niya. And then his lips started moving above him. Pinalalim nito ang halik ngunit siya ay nanatiling nakatikom ang bibig. Still in awe.
            Think Hyde! Mag-isip ka! Kinuha niya ang first kiss mo.  Sa isiping iyon. Malakas niyang itinulak ito.
           Ang sunod niyang ginawa, binigyan ito ng isang malakas na suntok....



AUTHORS NOTE

Hello po!! Im back! xD

Unang-una, maraming salamat nang marami sa mga tao sa group na hiningian ko ng something about sa teaser nito. Namely, Mama Lalie, Tofi Leofric, JM Perez, Papa JC Sy, Kuya Alex na gumawa ng cover photo ko. Kay Kuya Carlos at kuya Rye, Faustino, Seyren Windsor na bagong resident writer ng MSOB. At kay Red at Nhe. ;)
Siyempre kay Prince Justin na nagbigay ng constructive criticism. Salamat nang marami. Sa uulitin po.

Pati po pala sa mga nag-comment sa chapter 33-34 ng BomH. Angel, Alfred of T.O, 44, Jefferson Cabriana, Robert Mendoza, Braille Lance, Shai.  Panghuli kay YEAHITSJM.. (lol.. seriously? Kuya pa rin po ako kahit na ganoon.. haha. Kung saan ka komportable. Bahala ka. At tungkol naman sa cover. Hala ka! (nanakot) Hindi po ako ang may gawa nun. At `yong tungkol naman sa mga extra na may sense.. lol. Kailangan `yon. Pero sa lahat ng comment mo. SALAMAT ng MARAMI!! Sa uulitin..)

Heto na naman si magulong ako. Ang sabi ko papalitan ko `yong teaser but still stick to the original. Masakit sa imaginary bangs ang mag-isip ng bago .. xD..


9 comments:

  1. Bitin ung teaser mo nmn kuya vienne

    Jharz05

    ReplyDelete
  2. Ayan, hindi nagpatalo. Bangayan blues ang peg. Thanks for sharing your new story. Waiting for the update. Take care.

    ReplyDelete
  3. Yes may bago ulit akong aabangan!! :)

    -44

    ReplyDelete
  4. Love the story,,,, cant wait sa 1st chapter

    ReplyDelete
  5. Excited naq sa mga susunod na kabanata.. Alam mo Yan. Hehe. Good Teaser! :)

    ReplyDelete
  6. Namention pa ako. Hahaha. Nice start kuyang author. :)) di ako madaldal ngayon kasi di naman ending charot. Haha. Have a great day. :)

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  7. Nice one veinne hahahahha galinh


    Shai

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails