Followers

Tuesday, January 20, 2015

Me & My Rules -Prologue



Athr'sNote-

Guys eto na ang patikim ng 3rd story ko :) Sana'y magustuhan niyo. Salamat :))


Bumblebee & Optimus Prime <3


--


Point Of View

 - Third Person's -



 "Rule number 1,

Pagkauwi ko dito sa bahay, gusto ko malinis at maayos. Walang gulo, basta lahat maayos. Gusto ko rin na nandito ka, na makikita kita sa oras ng pagpasok ko sa bahay."

Seryosong sabi ng isang binatilyo, naroon rin ang tonong otoridad nito.

Habang sinasabi nito ang kanyang unang "rule" ay sa papel lang na hawak ang tingin, pinapakita niya kasing hindi siya interesado sa kanyang kausap, sa pamamagitan ng hindi pagtingin rito.

 "Na makikita mo ako pagpasok mo ng bahay? Ibig mong sabihin ay dapat maaga lagi ako dito? Na dapat agad akong umuwi para makapaglinis ng bahay? Sobra naman ata yun?"

Agad na reklamo naman ng isa, hinihintay rin niya ang isasagot ng kausap.

 "Oo. Ganun nga."

Sa simpleng sagot nito ay halos mapamura siya sa inis.

 "Ang kapal talaga. Abuso lang ah?" pabulong pang sabi niya.

 "May reklamo ka?" agad na tanong ng isa, narinig kasi nito ang binulong niya.

 "Paano naman kasi, masyado na yung.."

 "Okay next rule, makinig ka."

Napatigil na lang siya sa pagrarason nang agad na itong magsalita.

 "Bastos ka na nga talaga.." ang naibulong pa niya mula sa inis.

Pinagmasdan na lang niya ito habang nagsasalita, habang abala ito sa pagbigay ng bawat rules.

Bawat isang "rule", hindi pwedeng hindi siya magre-react at kokontra. Lagi niya itong nirereklamo, ginagawa na nga siya nitong alipin.

Matapos niyang magreklamo ay ganun parin, tipid lang ang sagot ng kausap.

Kaya naman pinagmasdan na nga lang niya ito, pasimple.. patago.

 "Alam ko naman na gusto mo lang akong makasama, pakipot kapa kasi.. Koko."

Ang nakangiting pagbulong niya, maging siya'y natutuwa dahil sa makakasama na nga niya ito.. kaya nga pumayag siya sa "rules" na gusto nito.

 "Teka teka.." ang nasabi ni Christian nang tapos na palang magsalita ang isa, ngayon ay nakatayo na si Kobe at papasok na sana ng kwarto.

Nagkunot noo lang si Kobe.

 "Saan ako matutulog? Isa lang kwarto ng bahay ng tita mo, saan mo ako patutulugin?" alanganing sabi ni Christian, saan nga naman ba siya matutulog?

Napalingon siya kung saan tumingin si Kobe.

 "Hwag mong sabihing...?"

 "Sofa, o kaya sa lapag.. kaw na bahala. Basta yung rules, hwag mong kakalimutan."

Simpleng sabi ni Kobe at nagpatuloy na nga ito sa paglalakad papasok ng kwarto.

Naiwan naman si Christian na nanlalaki ang mga mata dahil sa sagot ng isa.

 "Ako? Sa sofa o kaya sa lapag? T-teka..?" ang hindi makapaniwalang sabi pa niya.

 "Oops by the way.. simula pala mamayang gabi, gusto kong magsimula ka na.. magluto ka yung masarap hah?"

Napatingin naman si Christian kay Kobe dahil sa sinabi nito.

 "Gusto ko yung masarap na ulam. Kapag masarap, sige dito ka sa kwarto ko matutulog.. kapag walang lasa, diyan ka sa sofa o kaya sa lapag. Bye."

Pahabol pa ni Kobe at tuluyan na nga nitong sinara ang pinto ng kanyang kwarto.

 "Kumakapal na talaga ang mukha mong payatot ka." ang nasabi na lang ni Christian mula sa inis.





.....

Ipinakikilala,


Kobe Hernandez

- 15 years old
- Gwapo
- Basketball player
- Matalino
- Maporma
- Ma-appeal
- Habulin
- Matangkad
- Mayabang
- Napaka-yabang
- Sobrang yabang
- Saksakan ng kayabangan



Christian David

- Gwapo
- 15 years old
- Walang sport
- Mabait
- Maasikaso
- Maunawain
- Masarap magmahal
- May magandang pananaw sa bawat bagay.

Ating abangan ang nalalapit na pagkikita ng dalawang "dating" hindi mapaghiwalay na bata.

Abangan rin nating kung ano ang mangyayari sa buhay ng dalawa, si Christian at si Kobe.

Bakit nga ba nagalit at lumayo si Kobe kay Christian at sa pamilya nito? Ano nga ba ang rason?

Mababalik nga ba ulit sa dati ang dalawang magkaibigan?

Well, let's see :))


 ----


Athr'sNote-

Nakakalito ba? Tsk, talent ko mang-lito eh, haha!

Anyway, eto na ang 3rd story ko. Uunahan ko na kayo guys, medyo magiging mabagal ang update. Medyo nangangapa pa ako sa bagong trabaho ko eh. Medyo nauubos oras ko dahil doon.

Pero hwag kayong mag-alala.. hindi ko naman pababayaan ang story na ito, para sa inyo.

Kung mapapansin niyo, iba-iba nangyayari sa mga story ko. Honestly, kung ano maisip ko ay yun ang isinusulat ko. Kaya expect niyo na na puro kabaliwan nanaman ang mangyayari, haha.

Maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta at nagcomment sa Playful Jokes, salamat talaga :)) paumanhin narin sa mga na-disappoint. May mga naguluhan at meron rin namang mga nakakuha.. ibig lang sabihin ay kailangan ko pang ayusin ang aking pagsusulat at paghandaan ang susunod kong istorya.

Etong third story ko, sana may mga sumuporta parin. Bawat story ko, iba-ibang eksperimento ang ginagawa ko, katulad nga po ng sinabi ko.. kung ano ang maisip ko ay isinusulat ko po.

Kaya sana po, patuloy niyo lang pong basahin at suportahin ang aking mga dadaang storya 
Maraming Salamat!!




 "Me & My Rules"

  - Prince Justin




PS. Medyo babagal update, nagtatrabaho na po ako.. hindi na'to training, trabaho na talaga!! Haha. Ingat.. guys :)

10 comments:

  1. wait ko po yan. kahit kelan pa yan. salamat.

    bharu

    ReplyDelete
  2. May bago nanaman akong aabangan! Galing mo talaga mr. Author favorite ko mga sinulat mo!!! Lalo na playful jokes!!!!!


    -44

    ReplyDelete
  3. MUkhang interesting ang galaw ng story mo author

    ReplyDelete
  4. Sana yung Chan at Tenten pa din yung tawagan nila. Hahaha.

    P.s. Di ko parin matanggap na wala ma si Kash. Hu hu hu. Hahaha

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  5. No ba yan? Love-Hate relationship? Approve ako nyan. Ok, umpisa na. Thank you Prince . Take care.

    ReplyDelete
  6. Maganda ito. May challenge. Thanks sa bago mong story. May pagkaabalahan at hinhintayin na update. God Bless

    ReplyDelete
  7. Post na yan......
    He..... He.... He.....

    Red 08

    ReplyDelete
  8. Dito ko n ba mlalaman kung nu ngyari ky kash sa buhay niya......nu b klaseng trabaho mo ngaun idol

    Jharz05

    ReplyDelete
  9. YESSSSSSSSS MAY BAGO NA!! :( kaka basa ko lang ulit nung FINALE nung kila Kash at Seven. :( haaay.

    -RRR

    ReplyDelete
  10. Kuya Pansinin mo naman Ako sa FB Hahaha <3

    -Stiil Waiting for your Reply-
    -JaehwanRavenOppa

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails