Followers

Thursday, April 22, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [20]

By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://men4menphilippines.ning.com/group/kuwentongkantonikuyamike/forum/topic/new?target=http%3A%2F%2Fmen4menphilippines.ning.com%2Fgroup%2Fkuwentongkantonikuyamike


Author's Note:

Gusto ko lang pong manghingi ng paumanhin sa delay ng pag update ko. Masyado lang busy. Salamat po doon sa mga patuloy na sumusubaybay

-------------------------

“K-kuya…? Ang sambit ko uli noong hindi pa rin siya natinag sa kanyang posisyon.

Ngunit hindi pa rin siya kumubo ni kumilos.

“Kuya, sagutin mo naman ako, o. Please…?” ang pagmamakaawa ko.

Wala pa rin.

Dahil sa napansin kong kakaiba, tinanggal ko ag kamay niyang nakatakip sa kanyang mukha. Nagpaubaya naman siya. At noong natanggal na ang kamay niya sa mukha, lumantad sa akin ang nakapikit niyang mga mata ngunit ang kanyang pisngi ay basang-basa sa mga luha na patuloy pa ring dumadaloy dito. Umiiyak si kuya at pilit niyang tiniis na itago ang sakit ng kanyang paghihinagpis.

“Kuya… mahal na mahal kita!” ang nasabit ko sabay yakap sa kanya at halik sa kanyang mga labi.

Hindi pa rin siya tuminag, hinayaang paglaruan ng mga sabik kong labi ang mga labi niya. Hindi ko ininda ang pagwawalang-kibo niya. Patuloy pa rin ako sa paghalik sa kanya, uhaw na uhaw at mapusok na para bang wala nang bukas pa, nilalasap sa aking bibig ang kasabikan ko sa kanya sa tagal nang hindi namin pagkikita.

Hanggang hindi na rin niya nakayanan ang naramdaman at tuluyan niya akong niyakap ng mahigpit, ginatihan ang aking nag-aalab na mga halik. Umaalingawngaw sa buong kwarto ang mga ungol namin. Mga ungol na nagpapahiwatig ng matinding kasabikan sa isa’t-isa.

At sa buong magdamag, ilang beses naming inuulit-ulit ang pagnamnam sa sarap na dulot ng aming wagas na pagmamahalan…

“Kuya, bakit kailangan mong lumayo pa? Kaya mo ba akong iwanan? Kaya mo ba akong magdusa? Kung mahal mo ako, ipaglaban mo ako, kuya…” ang pagmamakawa ko.

“Mahal na mahal din kita, tol… Kaya nga aalis upang hindi masira ang pamilyang ito, ang buhay natin. Minsan lang, kailangan din nating magsakripisyo, kahit panandalian lamang. Dito masusubok ang tibay at tatag ng ating pagmamahalan.”

“Pero masakit kuya eh…”

“Ako man tol ay nasasaktan din. Pero ito lang ang pinakamagandang paraan upang manatiling buo ang pamilyang ito at matupad ang pinangarap ng papa mo sa akin para sa pamilyang ito.”

“Huwag mo na kasing intindihin ang sinabi ni Papa kuya! Umalis tayo dito, magtanan tayo. Sasama ako sa iyo kahit saan!”

“Hindi ganoon kadali iyan tol… Tama ang papa mo. May responsibilidad na ako sa iyo, sa pamilyang ito. Kung gagawin natin ang sinasabi mo, hindi mo ba naisip na napakalaking eskandalo sa pamilya ang idudulot nito? Hindi mo ba naisip na baka atakehin sa puso ang papa mo o ang mama mo? O kaya…” nahinto siya ng sandali, “…ipakulong nila ako dahil sa ikaw ay underage pa. E di lalong maghiwalay tayo.”

Hindi ako nakakibo sa siabing iyon ni Kuya Rom. Napag-isip-isip ko rin na may punto siya.

“Sa simula pa lang Tol, mahal ko na ang maga magulang mo, lalo na ang papa mo. Alam mo naman siguro na bata pa lang ako noong namatay ang itay ko. Sabik na sabik ako sa pagmamahal ng isang ama. Ang totoo nga niyan, noong hinahatid-hatid pa kita dito noon at dito na rin natutulog, excited ako hindi lang dahil kasama kita kungdi dahil makikita ko rin ang mga magulang mo, lalao na ang papa mo na noon pa man ay parang tunay na anak na ang turing sa akin… Kaya kung napapansin mo, enjoy akong nakikipag kwentuhan sa kanila, nakikipagbiruan…”

Namangha naman ako sa narinig na iyon kay Kuya Rom. Napatunayan ko na kasi dati na sobrang close ang mga magulang ko sa kanya na palagi, kay Kuya Rom ako inihahabilin o pinapagwardiyahan kapag may lakad kami; kay Kuya Rom tinatanong kung behave ako sa lakad namin o may ginawang kalokohan, at kapag si Kuya Rom ang nagpapaalam para sa akin sa isang lakad, kahit saan pa ito, wala silang pagdadalawang isip na payagan ako. At ang isa ring napansin ko ay kapag nagpupunta si Kuya Rom sa bahay, ang tagal nilang mag-uusap ng kung anu-ano ang mga pinag-uusapan nila, minsan magkakantyawan pa at magtatawanan. At matagal pa bago siya aakyat ng kwarto na siya ko namang ikaiinis dahil sa sabik na nga ako ngunit matagal ang aking paghihintay sa kanyang pagpasok. At kapag pumasok na siya ay sinusungitan ko naman ito dahil sa tagal nga nilang mag-usap na tila ang pinag-usapan ang ang problema ng buong bansa. Kaya sa panahong iyon, naiinis talaga ako kapag darating si Kuya Rom at matsatsambahang nandoon din ang mga magulang ko dahil sigurado, out of place na naman ako sa kwentuhan nila.

Sa ibinunyag na iyon ni Kuya Rom ko narealize na malaking bagay pala para sa kanya ang pakikipagbonding ng mga magulag ko sa kanya. At napaka selfish ko. Hindi ko naisip na ang pagiging close pala nila ng mga magulang ko ay nakakapagbigay na ibayong kasiyahan sa kanya at nakapag-puno sa kanyang kasabikang mahanap ang pagmamahal lalo na ng isang ama.

Nanatili na lang akong nakatingin sa kanya. Hindi na nakakibo. Alam ko, magkaiba ang karanasan namin sa buhay. May magulang ako na nandyan lang para sa akin, mahal na mahal ako to the point na ni halos di ko na naapreciate ang pagmamahal nilang ito. Ngunit si Kuya Rom, ito pala ang kakulangan sa buhay niya na nagpapakumpleto sa naramdaman niyang paghahanap.

“Kaya napakalaking pasasalamat at kaligayahan ang nadarama ko tol noong inampon ako ng mga magulang mo.” Dugtong niya. Inilapit niya ang mukha sa akin, hinaplos ito ng isa niyang kama. “Dapat na mahalin natin sila Tol… pagbigyan sa kanilag kahilingan, plaigayahin dahil bukas, makalawa, hindi natin alam kung nand’yan pa sila. Kung kaya nating magsakripisyo para sa kanila sa maiksing panahon, gagawin natin ito. Mga bata pa tayo, mahaba-haba pa ang buhay natin sa mundo. At maliit na bagay lang naman ang kahilingan nila tol, di ba? Pagbiyan natin sila, pagbigyan ko ang gusto ng papa natin.”

Mistulang tinusok ang puso ko sa narinig na magagandang paliwanag ni Kuya Rom. Ang alam ko lasi sa kanya at barako, magulo, carefree, ngunit may malalim din pala itong pag-iisip. At mistulang nahimasmasan ako, at lalong humahanga sa kanya. “Tama si Kuya Rom… napakaganda ng kanyang sinabi.” Sa isip ko lang. “P-pero paano na lang tayo, Kuya?” ang tanong ko naman sa kanya.

“Huwag kang mag-alala. Panandalia lang naman ako doon. Babalik ako, tol. Hindi kita ipagpalit kahit kanino man. At iyong kanta natin, palaging mong ipatugtog, at ang singsing ko, palagi mong isusuot at iingatan ito, OK?”
At sa magandang paliwanag na iyon sa akin ni Kuya Rom, naliwanagan din ang isip ko.

Sa dalawang araw na ipinagkaloob sa amin ni Kuya Rom, sinagad namin ito. Noon ko nadama na wala pa rin palang nagbago sa pagmmahal ni Kuya Rom sa akin. Namasyal kami, kumain sa labas, nagpunta ng Tagaytay, nagsight-seeing, nanood ng sine, nag-bar… at noong makauwi na ng bahay, diretso kaagad sa kwarto. Sobrang sweet naming dalawa na parang kami lang ang tao sa mundo, walang pakialam sa kung ano man ang sasabihin sa mga makakakita sa amin na nagho-holding hands, nagyayakapan. Ang mga magulang ko rin ay tila hindi na ininda pa ang nakita nila sa amin, mistulang inintindi na lang ang kalagayan namin at hinayaan kaming namnamin ang mga huling araw na magkasama kami. At sobrang saya ang natamasa ko sa dalawang araw na iyon.

Ngunit sa araw ng pag-alis ni Kuya Rom, kung gaano ako kasaya sa piling niya sa huling dalawang araw na iyon ay kabaligtaran naman ito sa araw ng pag-alis niya. Hindi pa man kami nakaalis ng bahay patungong airport, walang humpay na ang pagtagos ng aking mga luha. Kahit anong gawing pang-aamo sa akin ni Kuya Rom, wala pa rin itong epekto sa matinding sakit na tumatagos sa puso ko.

Sumama ang mga magulang ko sa paghatid kay Kuya Rom. Noong dumating na kami sa airport, nandoon na rin si Shane. Nagkumustahan sila ng mga magulang ko, at ipinagbilin kay Shane si Kuya Rom na suportahan siya doon sa Canada at huwag itong pabayaan.

Habang nagkumustahan sila, kami naman ni Kuya Rom ay nagpunta sa isang sulok at nag-uusap. Mistula talaga kaming magkasintahan. Niyayakap-yakap niya ako, at hinahaplos-haplos ang buhok. Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak sa kabila ng maraming taong nakapaligid

“Tahan na Tol… nasasaktan akong nakikita kang ganyan.”

“Hirap kasi Kuya eh… Di ko yata kaya. Ilang oras na lang at ako na lang mag-isa ang maiiwan dito...”

“Masakit din naman ito para sa akin eh. Pero nag-usap na tayo tungkol dito diba? Hayaan mo at palagi kitang tatawagan o ititext, ok? At ikaw din, kapag may problema ka, tawagan mo lang ako, isusumbong mo sa Kuya ang lahat ng mga nang-aaway sa iyo.” Ang biro niya upang mapangiti ako sabay halik sa noo ko. Alam ko, gustong magpakatatag ni Kuya Rom para sa akin.

Tumango lang ako.

Nasa ganoon kaming seryosong pag-uusap noong may babaeng bigla na lang sumulpot sa harap namin at galit na galit nitong kinumpronta si Kuya Rom. Noong tiningnan ko, si Kris pala ito, ang girlfriend ni Kuya Rom.

“Romwel!” ang sambit niya. “Aalis ka pala, di mo man lang ipinaalam sa akin? Ano ba talaga ako sa iyo?! Ha?” ang sigaw ni Kris, ipinaramdam kay Kuya Rom na magkasintahan nga sila ngunit may mga bagay pala itong itinatago sa kanya.

Agad namang hinaltak ni Kuya Rom ang kanyang braso at hinila palayo sa amin, sa isang sulok na hindi namin marinig. Syempre, gulat na gulat ako. Nawaglit kasi sa isipan ko na may iba pa palang nagmamahal kay Kuya Rom na nawala sa isip kong itanong sa kanya. Ang masaklap, may nararamdaman akong selos. Hindi kasi klaro sa akin kung bakit ba may Jason na siya, may Kris pa. Kaya hindi maiwasang sumiksik sa utak ko ang mga katanungan.

Noong mapansin ni Shane na naiwan akong mag-isa, nilapitan niya ako. “Is that Kris?” tanong niya.

“Oo. Bat mo siya kilala?”

“Of course, Romwel told me everything.” Ang sagot niya, tiningnan ako, mistulang tinitimbang ang naramdaman ko. “Don’t worry Jason… ikaw ang mahal ni Romwel” ang nasambit na lang ni Shane.

“E… kung mahal nga niya ako… bakit kilangan pa niyang maggirlfriend? Bakit nakikipagkita pa siya sa babaeng iyon?” ang sagot ko naman, ipinahalatang may bahid hinanakit ang kalooban ko.

“E… malay natin, baka may dahilan siya.” Ang sagot naman ni Shane.

“Ano naman kaya ang pwedeng dahilan? Na lalaki siya at kailangan niya ay babae? Na mas masarap ka-sex ang babae? Na… in-love din siya doon?“

“Hahahaha!” pag butt-in ni Shane tumawa ng malakas.

“Ba’t ka natawa?”

“Wala… basta, magtiwala ka lang sa K-u-y-a mo” pag-emphasize niya sa salitang kuya na ibig sabihin ay may iba itong kahulugan.

Tahimik.

“Huwag mong pabayaan si Kuya Romwel doon Shane ha?” ang seryoso kong nasabi.

“Oo naman. I will make Romwel feel comfortable sa Canada. Tutulungan ko siya, at ako ang magbabantay sa kanya doon. Kapag may napansin akong hindi maganda, isusumbong ko kaagad siya sa iyo” sagot ni Shane.

“Talaga ha?”

“Oo. At hindi ako papayag na mapupunta si Kuya Romwel mo sa kung kahit kanino…”

“Promise?”

“Promise!” ang sabi ni Shane, ang mukha ay seryoso din at nakatingin sa akin na tila nanigurong totoo ang sinabi niya.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ni Shane noong lumapit naman ang mga magulang ko. Sino ba iyong babaeng iyon?” ang tanong kaagad ni mama sa akin. Nakita pala nila ang pagdating ni Kris at ang paghila ni Kuya Rom nito sa isang kanto.

“Si Kris iyon ma… girlfriend ni Kuya Rom!” ang sagot ko.

Hindi naman nakakibo kaagad si mama. Tinitigan ako na tila naramdaman ang saloobin ko. “Ah…” ang nasambit na lang niya habang tumango-tango.

Ngunit iba naman ang raksyon ni papa. “Girlfriend? E… di man lang ipinakilala sa atin? Ang gandang babae pa naman! At matangkad!”

“… gandang babae pa naman at matangkad!” ang bulong ko sa sarili, paggaya sa sinabi niya sabay talikod sa sobrang inis na natuwa pa siya na may girlfriend si Kuya Rom. “Atat na atat na talagang magkaroon ng apo! Hmmmpppt!”

Tiningnan ko sina Kuya Rom at Kris sa isang kanto. Pansin kong nag-palitan sila ng hindi magagandang salita. Halatang si Kris ay galit na galit habang si Kuya Rom naman ay makikita sa mukhang galit din bagamat nagpipigil ito. At maya-maya, biglang nag walk out si Kris.

Noong wala na si Kris, dali-dali namang lumapit si Kuya Rom sa amin at kaagad, ako ang tinumbok niya, nakangiti na at biglang ginulo ang buhok ko tapus hinalikan ako sa ulo. “Hmmmmmm!” Ang sambit niya na parang nanggigigil. Naramdaman niya kasing nainis ako sa nakita ko. Marahil ay pakunswelo niya iyon sa akin.

Marami pa sana akong gustong itanong kay Kuya Romwel at gusto ko pa sanang masarili siya ngunit nagkukwentuhan na sila ng mga magulang ko kasama si Shane kaya hindi ko na rin maipalabas ang mga saloobin kagaya ng kung bakit hindi niya binanggit sa akin ang tungkol sa pakikipagrelasyon pa rin niya kay Kris.

Hanggang sa nagpaalam na papasok na sina Shane Kuya Romwel sa check-in area. “Pa, Ma… aalis na kami.” Sabi niya kina mama at papa. “Tol… alis na ako. Pakabait ka dito ha?” Sabi niya sa akin sabay yuko at bulong sa tainga ko, “Tandaan mo lagi, mahal na mahal ka ni Kuya” sabay halik naman sa pisngi ko, “Mwah!”

Sa narinig ko, hindi ko na naman napigilang ang sariling humagulgol at humikbi. Niyakap ko si Kuya Rom ng mahigpit at tila isa akong batang inagawan ng kendi na nagdadabog. “Bakit ka pa kasi aalis eh!!!”

Ngunit wala nang magawa pa si Kuya Rom. Napapagod na rin siguro siya sa kaka-explain sa akin kung bakit kailangan pa niyang umalis. Tinitigan na lang niya ako. Hinaplos ang pisngi ko at pinahid ng kanyang kamay ang mga luhang dumaloy doon. Alam ko, gusto niya akong halikan. Ngunit nandoon sina mama at papa nakatingin sa amin kaya hindi niya magawa-gawa ito.

Nakatalikod na sina Kuya Rom at tinumbok na ang gate papasok sa check-in area noong hinabol ko pa ito. “Kuya Rom!”

Noong makaharap na siya, niyakap ko siya ng napakahigpit. Inabot ko ng isa kong kamay ang kanyang ulo at hinila ito palapit sa mukha ko. Bahagya naman siyang yumuko at noong maglapat na ang aming mukha, hinalikan ko ang bibig niya. Hindi siya pumalag at ginantihan din niya ang halik ko. Naghalikan kami sa gitna ng maraming tao, walang pakialam sa maaring sabihin o isipin nila. Mainit, mapusok, nag-aalab. Iyon ang pinakamemorableng halik na hindi ko maiwaglit-waglit sa isip sa buong buhay ko.

“Tol… I love you. Tandaan mo palagi iyan. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.” Ang bulong ni Kuya Rom sa akin sabay talikod at dire-deretsong pumasok sa gate.

Noong nilingon ko ang paligid ko, nagtitinginan naman ang mga tao sa akin. Alam ko, marumi ang mga isip nila. Ngunit wala na akong pakialam. Ang nangingibabaw sa isip ko ay matinding lungkot sa paglisan ni Kuya Rom.

Habang naglakad si Kuya Rom papasok na sa gate, mistulang tinadtad ang puso ko sa sobrang sakit na naramdaman at nakapatong sa mga balkat ko ang buong mundo sa bigat nito. Sinundan ng mga tingin ko ang paglalakad niya at noong nilingon niya ako at kinamayan bago siya pumasok doon, hindi ko na napigilan ang sariling humagulgol.

Nasa ganoon akong katinding lungkot at pag-iiyak noong magulat ako sa sigaw ng dalawang babae, “Romwel! Romwellllll!!!”

Ngunit hindi na narinig ito ni Kuya Romwel na tuluyan nang nakapasok sa check in area. Tiningnan kong maigi ang dalawa. Hindi ko sila kilala. Magaganda at mukhang mga estudynte pa.

“Siguro ay mga tagahanga lang niya.” Ang nasabi ko na lang sa sarili. At hindi ko na inalam pa kung sino ang dalawang babaeng iyon.

Hindi kaagad ako umalis ng airport. Alam ko kasing may 2 oras pa bago lilipad ang flight nila ni Kuya Rom at shane. Bagamat alam kong naghihintay ang mga magulang ko sa sasakyan, nanatiling nakatayo lang ako sa may gate kung saan pumasok si Kuya Romwel at Shane, patuloy na umiiyak, patuloy na inuukit sa isipan ang huling eksena kung saan ako nilingon at kinamatyan ni Kuya Romwel sa gate na iyon.

Aalis na sana ako sa lugar na iyon noong mula sa speaker ng airport, “Mr. Jason Iglesias, please approach gate number 5. To gate number 5 please Mr. Iglesias!”

Nanlaki bigla ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa narinig. Noong tiningnan ko ang gate kung saan pumasok ni Kuya Romwel, “Ito nga ang gate na tinutukoy!”

(Itutuloy)

7 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. kuya mike nakakabitin naman eh... huhuhu... pero ang ganda talaga ng flow ng story mo... keep up the good work! GOD BLESS(",)

    ReplyDelete
  3. huhuhu...kanina pa ako iyak ng iyak...kuya rom wag ka na umalis..pabayaan mo na si shane at yaan mo na lang dadi ni jason...kanina pa ako pinagtatawanan ng mga kawork ko...

    ReplyDelete
  4. sana ma post na ung mga kasunod na parts

    ReplyDelete
  5. sana po pakipost yong susunod na story...sana po HAPPY ENDING..iyak nga ko ng iyak dito eh,taz,sinasabayan ko pa ng BACK TO ME sa youtube kaya todo iyak po ako..hahhaha.
    silent reader po ako...
    gusto ko lang talagang magcomment kasi po...GANDA talaga ng story...kip it up po...

    ReplyDelete
  6. Hay! Buhay na buhay ung story. Super nakakabitin tlga. Actually last week ko pa to natapos bashin at bumibisita ako halos 3 or 5 times a day para lang makita kung my 21 na. Nadedepressed ako sobra! di na ako makatulog. More power sana walang version 2 ung ending (unlike nung nauna) kasi buhay na buhay talaga ung characters. Nafefeel ko sila. Thanks! Sana malapit na matapos, hehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails