By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://men4menphilippines.ning.com/group/kuwentongkantonikuyamike/forum/topics/ang-kuya-kong-crush-ng-bayan-21
-----------------------------
Lumabas si Kuya Rom sa kuwarto ko na hindi na man lang ako kiniss. Marahil ay masakit din iyon sa kalooban niya ngunit tinatagan lang niya ang loob at pinanindigan ang nasa isip na turuan akong masanay sa ganoong pakikitungo.
Buong magdamag na hindi ako nakatulog. Nasanay na kasi akong nasa tabi ko si Kuya Rom at kayakap ko, ka-wentuhan, kaharutan bago matulog. Alam ko, masakit din ang kalooban niya sa mga nangyayari ngunit ewan. Marahil ay talagang matatag lang ang loob niya.
Kinabukasan, sabay-sabay kaming lahat na nag-almusal. Magkaharap kami ni Kuya Rom ngunit wala kaming kibuan. Para kaming hindi magkakakilala. Pansin ko sa mga mata niya na hindi rin ito nakatulog nang maayos.
Nasa kalagitnaan kami ng almusal noong binasag niya ang katahimikan. “Balak ko pong magpunta ng Canada Pa… Ma… tutulungan ako ni Shane at doon ako magtrabaho sa kumpanya nila. Nag-usap na rin no po kami sa phone kagabi.”
Bigalang napatingin si papa kay Kuya Rom, bakat sa mukha ang pagkabigla. “Bakit pumasok sa isip mo iyan? Ano ba ang plano mo?”
“Mas maganda na po sigurong doon ko na lang hahanapin ang swerte ko…”
Pansin ko naman ang biglang paglungkot ng mukha ni mama. At ramdam ko din na nalungkot si papa, hindi lang niya ipinahalata ito. Marahil ay naisip niyang kung aalis si Kuya Rom, ay baka hindi na babalik pa ito. “Dahil ba iyan sa pagbabawal ko sa inyong dalawa ni Jason na magsama o mag-usap?” tanong uli ni papa.
“O-opo…” ang may pa-aalangang pag-amin ni Kuya Rom na nanatiling nakayuko at ibinaling ang tingin sa akin nang hindi natinag sa pagkayuko.
Mistulang piniga naman ang puso ko sa nakakaawang anyo ni Kuya Rom. Nagmamakaawa ang mga mata niya, nakikipag-usap. Pakiramdam ko ay gusto niya akong lapitan, yakapin, suyuin. Ngunit sa tingin na lang niya ito pwedeng ipadama. Nagtinginan kami ng palihim.
“Mas mabuti na po sigurong sa ganitong nasa malayo ako upang siguradong hindi namin masuway ang utos ninyo” dagdag ni Kuya Rom.
“Bakit ba Romwel? Ang sambit ni papa, ang boses ay tumaas. “Napakabigat ba na bagay ang hiniling ko upang magawa mo ang desisyon na iyan?” tanong ni papa sa kanya, ipinahiwatig na tutol siya sa pag-alis ni Kuya Rom.
“Opo… malaking bagay po”
“Malaking bagay? O, come on Romwel. Grow up! Kung ikaw kaya ang nasa lugar ko at nakita mo ang dalawa mong anak na may ginawang… ugh!” bahagyang napatigil si papa, hindi nakayanang sabihin ang nasaksihang ginawa namin ni Kuya Rom. “Ano ba ang gagawin mo? Kung ibang tao lang ako, baka ipinabugbog na kita, o ipina-salvage, o ba ipinakulong. Ngunit hindi ko ginawa iyan, Romwel bagamat na-disappoint ako sa iyo sa nakita ko. Ito ay dahil naintindihan ko na mga bata pa kayo… mapusok at mapangahas. Nilawakan ko ang pang-unawa ko sa inyo. At mataas ang expectation ko, malaki ang plano ko para sa iyo - na sana, isang araw ay ikaw tatayong lider ng pamilyang ito. Matatanda na kami ng mama mo, at si Jason ay wala pa sa tamang edad at experience… At nakita ko sa iyo ang lahat ng magandang kalidad. Pinangarap kong magkaroon ng mga anak na lalaki, Romwel na siyang maglaganap sa mga ‘Iglesias’, magpatuloy sa pagpapatakbo ng mga lupain na minana ko pa sa mga kanuno-nunuan ko.”
“Naintindihan ko naman po iyon eh…”
“Ganoon naman pala. E bakit ka pa aalis? Napakalaking paghihirap ba para sa iyo ang kagustuhan kong magiging tama ang lahat sa pamilyang ito? Gawin mo lang naman ang pagiging kuya mo kay Jason at tulungan mo na rin kami dito ng mama mo. Matatanda na kami Romwel. Kapag may nangyari sa amin habang wala ka, maaatim mo ba ito?”
Hindi nakakibo si Kuya Romwel. Pakiramdam ko naman ay tumagos sa puso ko ang paliwanag ni papa, medyo nagliwanag ng kaunti ang isip ko sa sinabi niya.
Tahimik.
“Mahal ko po si Jason pa, higit pa po sa kapatid...” ang biglang nasambit ni Kuya Rom, ang boses ay halos mag-crack.
Pakiwari ko ay may biglang sumabog na bomba sa gitna ng hapag kainan. Si mama ay napatakip sa bibig, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi ko lubusang maipaliwanag ang tunay na naramdaman sa pagsiwalat ni Kuya ng aming sikreto. Nainis dahil sinabi niyang mahal niya ako ngunit feeling proud dindahil sa kabila ng lahat, walang takot niyang sinabi sa mga magulang ko ang naramdaman niya para sa akin, hindi alintanang sa pagbunyag niyang iyon ay maaring sumiklab muli ang galit ni papa.
“Pakiulit nga ang sinabi mo?” Ang tanong uli ni papa sa kanya, gustong makasiguro sa narinig.
Ngunit nag butt-in ako, ipinaramdam kay Kuya Rom na pinanindigan ko rin ang naramdaman ko para sa kanya sa harap ng mga magulang ko. “Mahal ko rin po si Kuya Rom pa! At nagmahalan po kami!”
Alam ko gulat na gulat din si mama sa narinig. Ibinaling ng papa ko ang mga tingin niya sa akin, kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. “What???! Shut up Jason! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo! Anong nalalaman mo sa pag-ibig? Wala ka pa sa tamang edad!” ang nasambit niya sabay tingin kay mama na hindi rin malaman ang gagawin o sasabihin. “Hindi ka na nahiya sa sarili mo? Hndi ka na naawa sa amin ng mama mo?” ang galit na tanong ni papa sa akin.
Ano pa nga ba ang isasagot ko; wala. Gusto ko mang mangatwiran na hindi ko kagustuhan ang isinisigaw ng puso, hindi rin ko ito maaring sabihin sa gitna ng init ng ulo ni papa. Kapag nasa ganoong galit kasi siya, mahirap siyang kontrahin dahil lalo lang itong magpalalala sa sitwasyon. Yumuko na lang ako at tumahimik.
“K-kaya nga po aalis na lang ako para po walang madamay at hindi po magugulo ang pamilyang ito. Ito lang po ang naisip kong solusyon.” Ang pag butt-in ni Kuya Rom.
“Arrgggggghhhhh!” ang sambit ni papa ang dalawang kamay ay itinakip sa mukha, halatang naguguluhan. “Aatakehin ako sa puso nito! Gusto niyo na yata akong mamatay!”
Tahimik. Lahat kami ay hindi makapagsalita.
“Gaano ka ba katagal doon?” tanong ni papa kay Kuya Rom.
“Pinakamatagal na po ang dalawang taon pa… gusto ko lang pong mag-isip-isip. At kung papayag po kayo, babalik din ako dito sa pamilyang ito...” Paliwanag ni Kuya Rom.
Hindi nakasagot kaagad si papa, mistulang inanalyze-ang sinabi ni Kuya Rom. Maya-maya, nag tone down ang boses. “Ano pa nga ba ang magagawa ko?” Ang naisagot niya na tila nahimasmasan. “Pero tandaan mo ito, Romwel… kapag may nangyari sa amin ng mama mo na wala ka dito, kasalanan mo ang lahat nang ito” dagdag ni papa, pangongonsyensya kay Kuya Rom.
“Hindi po mangyari ang ganyan pa. Hindi ko papayagang may mangyaring hindi maganda sa inyo ni mama. Kayo na lang po ang natirang pamilya ko…”
Sa takbo ng pag-uusap nilang iyon ni papa at Kuya Romwel, ramdam kong nagkaintindihan sila sa solusyon at desisyon ni Kuya Rom na siya’y aalis. Ngunit para sa akin, ito ay napakabigat. Hindi ito kayang tanggapin ng kalooban ko. Ayokong lumayo si Kuya Romwel. Ayokong tuluyang siyang mawalay sa akin. Dahil kapag nangyari ang ganoon, alam kong maaarign hindi na siya babalik o kaya ay mahanap na siyan iba. Sumisigaw ang isip ko sa pagtutol.
At namalayan ko na lang na tumulo ang mga luha ko. Tumayo ako, “Excuse me!” ang sambit ko sabay takbo patungo sa kuwarto ko, ang mga kamay ay pahid-pahid ang mga luhang dumaloy sa pisngi.
Nagmukmok ako sa kwarto. Maya-maya, pinuntahan ako ni mama. Nakatayo lang siya sa may pintuan at tinitingnan ako. “Galit ka ba sa akin ma…?” ang tanong ko habang pahid-pahid ko ang mga luhang patuloy na dumaloy sa aking pisngi.
Lumapit si mama sa kama, naupo sa gilid nito at niyakap ako. “Hindi Jason… naintindihan kita”
At sa narinig, hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol sa mga bisig niya. “Bakit ganito ma? Bakit mahal ko si Kuya Rom? At bakit kailangan naming magkalayo?”
Hinaplos-haplos naman ni mama ang likod ko. “Jason… umiyak ka lang nang umiyak, ok lang iyan. Ipalabas mo ang lahat ng mga hinanakit mo. Nandito lang ako. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit mahal mo si Kuya Rom mo nang higit pa sa kapatid pero bata ka pa, anak. Pilitin mong labanan ang sariling emosyon. Kung tunay mang pagmamahal nga iyang naramdaman mo ngayon o bahagi lang iyan sa proseso ng iyong pagmamature, isipin mo palagi na ang mundo mo ay hindi lang dapat umiikot sa iisang tao o sa kung sino man ang itinibok ng puso mo. Buksan mo ang iyong mundo at lawakan ang iyong pang-unawa, intindihin ang kalagayan ng iba pang mga taong nagmamahal sa iyo. Si Kuya Rom mo, intindihin mo siya at bigyan ng space. Si papa mo, intindihin mo ang kanyang naramdaman bilang ama na nagmamahal din sa iyo. Ako… bilang ina na nababalisa din kapag may naramdaman kang hindi maganda. May sakit sa puso ang papa mo. Hahayaan mo bang mawala ang papa mo o atakehin dahil sa kagustuhan mong makapiling si Kuya Romwel mo? At ako, masakitin na rin… at nalulungkot kapag nakikita kang ganyan.”
Tila nahimasmasan naman ako sa paliwanag ni mama sa akin. “Ma… hindi ko alam ang gagawin ko.”
“Basta anak, turuan mo ang sariling tanggapin ang lahat. Palawakin mo ang iyong pang-unawa. Isipin mo na hindi lahat ng mga pangyayari sa mundong ito, kasama na ang ating mga nararamdaman ay alam natin ang dahilan. Minsan malalaman na lang natin ang dahilan nito kapag nalampasan na natin ang lahat, at natutu tayo sa mga leksyon nito. Pero sa ngayon, hindi pa natin masabi. Basta, lakasan mo lang ang loob mo. Lahat ng tao ay dumadaan sa mga pagsubok. Ang iba nga d’yan ay mas matindi pa kaysa naranasan mo. Alam kong mahirap para sa iyo ngayon pero ok lng ang umiyak, ok lang ang i-unload mo ang lahat ng mga hinanakit mo, nandito lang ako anak.”
“Salamat ma…” ang nasabi ko.
“Bakit di mo dalhin mo dito ang mga kaibigan mo. Mag-jamming kayo dito sa bahay, mag-party kayo... para malimutan mo ang mga hinanakit mo, walang problema.”
At iyon nga ang ginawa ko. Kinabukasan, nagpa-party ako. Mga dati kong kasamahan sa team kasama na rin si Kuya Paul Jake. Sa kwarto ko kami nag jamming dahil nandoon ang music corner ko at videoke system. Dahil pinagbawalan nga kaming magsama ni Kuya Rom, hinahanap nila ito. Ang sagot ko na lang ay nasa bukid siya at may ipinagawa si papa sa kanya kahit na ang totoo, hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta o ano ang ibinigay sa kanyang assignment ni papa. Ayaw kasing magsalita ng mga katulong namin kapag tinatanong ko. Bilin daw iyon ni papa. Naniwala naman ang mga kaibigan kong may lakad nga si Kuya Rom. Niloloko nga nila ako na kung pwede ba daw na lahat sila ay magpaampon na rin sa mga magulang ko. Tawanan.
Ngunit si Kuya Paul Jake ang nakakaamoy na may hindi magandang nangyari sa amin ni Kuya Rom. Habang nagkakantahan ang mga ka-tropa ko, ikinikwento ko sa kanya ang lahat. At ang nasabi lang niya ay na sang-ayon siya sa sinabi ng mama ko.
Ngunit may isang sikreto ding ibinunyag si Kuya Paul Jake sa akin na siyang lalong nagpatindi sa bigat na dinadala ng kalooban ko. Nakita daw niya si Kuya Romwel sa syudad at kasama ang dating girlfriend na ang pangalan ay si Kris. Nakita ko na ang babaeng iyon noong sinundo niya si Kuya romwel sa Athletic meet sa karatig-bayan. Maganda ito, matangkad, pang-modelo ang porma. At napansin daw ni Kuya Paul Jake na sobrang sweet ang dalawa. Ang masaklap, parang galing daw ang sinasakyan nilang taxi sa isang motel.
Syempre, hindi ko na naman maiwasan ang hindi mapaiyak sa narinig na balita. Ansakit kaya. Pagkatapos niyang sabihing lalayo na siya, atsaka pa iyong nalaman ko din na nagkabalikan na naman sila ng girlfriend niya. Naisip ko tuloy kung sinadya ba niya akong saktan upang magalit ako sa kanya at hindi na maghahabol pa o talagang ayaw na niya sa akin. Parang sobra-sobra na kasi ang sakit na naramdaman ko at parang hindi ko na makayanan ang mga ito.
Kaya sa kabila nang ginawa kong pag-aliw sa sarili at pag-iimbita sa mga kaibigan sa bahay, hindi pa rin mapawi-pawi ang sobrang sakit na aking naramdaman. Araw-araw sa kainan ko lang naikikita si Kuya Rom, kasama sina mama at papa. At hindi kami nagkikibuan. Puro palihim na tingin lang. Para bang mga tao kaming hindi magkakakilala, nagkakahiyaan, ngunit may kinikimkim para sa isa’t-isa. Kapag nahuli ko siyang tinitingnan ako, bigla siyang yuyuko. At kapag ako naman ang nahuli niyang tumitingin sa kanya, parang hindi ko rin kayang salubungin ang mga tingin niya. Hirap. Grabe. Hindi ko rin alam ang kung ano man ang laman ng isip niya… Minsan tuloy di maiwasang maitanong sa sarili kung mahal pa ba niya talaga ako...
Isang linggo, dalawang linggo, tatlong linggo, isang buwan ang nakaraan, ganoon pa rin ang setup namin. Wala akong alam kung saan at ano ang mga ginagawa niya. Bagamat nakakasama ko siya sa hapag kainan kasama sina mama at papa, wala naman kaming imikan, puro lang nakawan ng tingin.
Isang gabi habang nagmumukmok ako sa kwarto, pumasok si mama. “Jason, may sasabihin ako sa iyo.”
“Ano iyon ma?” sagot ko.
“Sa makalawa na ang alis ni Kuya Romwel mo patungong Canada…”
Mistula naman akong natamaan ng kidlat sa narinig at biglang umiyak at humagulgol na. “Maaaaaaaaa! Ansakit po!”
“Kaya nga kinausap ko ang papa mo na kung maari ay pagbigyan kayong makapag-usap at makapag-bonding kahit nitong nalalabing 2 araw na lang na nadito si Kuya Rom mo. At pumayag naman siya. Kaya nandito si Kuya Romwel mo” ang sabi ni mama. “Romwel! Pasok ka na!” ang sigaw ni mama nakaharap sa may pintuan.
Nong bumukas ang pinto, bumulaga sa paningin ko si Kuya Romwel.
“O sige, bahala na kayo rito… aalis na muna ako” ang pagpaalam ni mama na dumeretsong lumabas at isinara ang pinto.
Hindi ko lubos maisalarawan ang sobrang saya noong makita si Kuya Romwel na nakatayo sa harap ng pintuan at nakatingin sa akin. Bagamat masakit din ang loob ko sa nalaman na sweet na uli sila noong girlfriend niyang si Kris, nanaig pa rin ang pagnanais kong mayakap siya at mahalikan. Bagong paligo, suot ang bago at puting sweatshirt na may stripes na blue, naka-faded jeans… bagay na bagay sa kanya na mistula siyang isang modelo o artistang tingnan. Walang ipinagbago ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Nandoon pa rin ang maganda at nakakabighani niyang mga mata. Ngunit ang buhok niya ay noon ko lang napansin; pinahaba pala niya ito na lalo namang nagpatingkad sa taglay niyang maganda at flawless na mukha.
Tatakbo na sana ako upang salubungin siya ng yakap at halik ngunit hindi pa man ako nakabalikwas sa kama, bigla na lang itong dumeretso sa sofa ng music corner ng kwarto ko at naupo doon. Tinitigan kong maigi ang mukha niya. Pansin ko ang lungkot na ipinamalas nito.
Hindi ko maiwasang hindi malito sa ipinakita niyang kilos. At dahil dito, tila tinablan ako ng kung anong hiya o pagtatampo, nagtatanong sa sarili kung siya pa rin ba ang kuya ko na mahal ako, o may nagbago na sa kanya, dahil sa sinabi sa akin ni Kuya Paul Jake. At dahil sa pagtatagpi-tagpi ko sa kwento at sa nakita ko sa kanya, parang tinadtad ang puso ko sa sobrang sakit, sama ng loob at awa sa sarili. Dali-dali kong hinablot ang kumot at doon, umiyak nang umiyak upang hindi niya mahalata.
Nanatili akong nakahiga, nagtakip ng kumot, at bagamat umiiyak, ang mga tenga ko naman ay nakikinig sa sa mga kaluskos sa kwarto, kasama na sa mga kantang pinapatugtog niya sa component system.
Nakaraan ang 30 minuto at nanatili pa rin kami sa kani-kaniyang pwesto; ako nakahiga sa kama, nagmamanman sa bawat galaw niya at siya, nakaupo lang sa sofa, nanonood ng tv na tila malalim ang iniisip o baga naghintay ng kung anong darating.
Maya-maya, narinig ko na lang na pinatugtog niya ng malakas ang paborito naming kanta. Ewan kung pinatugtog niya iyon upang iparinig iyon sa akin o sadyang gusto lang niyang marinig iyon.
“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me
There were times I felt like giving up
Haunted by memories I can't give up
Wish that I never let you go and slip away
Had enough reasons for you to stay
Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling out your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home... back to me
Sleepless nights 'cuz you're not here by my side
Cold as ice I feel deep down inside
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home
Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling our your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home back to me...”
Pinakinggan kong maigi ang bawat kataga ng kanta at isiniksik sa utak ko ang mensahe nito na akma sa amin, sa kalagayan namin, sa mga nangyayari sa amin.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Bumalikwas ako sa higaan at tinumbok ang sofa kung saan siya nakaupo. Umupo na rin ako sa tabi niya. Parang wala lang sa kanya ang ginawa kong iyon. Nakayuko siya, takip-takip sa mukha ang isang kamay na tila natutulog o ano.
Kahit na nakaupo na ako doon, wala pa rin siyang imik. Mistulang hindi niya napansin ang pagtabi ko sa kanya o sadyang ayaw lang niya akong pansinin.
Hindi na ako nakatiis pa at ang nasambit ko, “K-kuya, nandito pa ang singsing mo sa daliri ko…” sabay abot sa kamay ko kung saan nandoon ang daliri na nakasukbit ang singsing niya…
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
nakakabitin ang kwento mo kuya mike... sana this week maging excited ang kwento mo kahit may katagalan bago ang next story hehehe... more power at GOD BLESS po(",)
ReplyDeleteKuya Mike inaantay ko kahapon Part 20 kaso wala pa.... Matatagalan pa poba next chapter? Excited nako sa continuation... hehehe. Thanks po!
ReplyDeleteUPDATE na po.! antagal nmn.! silent reader po acu dito kuya.. :D
ReplyDeleteKuya Mik! Nakakabitin! Haha! Nkakaexcite tuloy! Post mo na yung next chapter! :DD
ReplyDeletemy Ged! its 2:30 in the morning, and i want to sleep but i want to read, how can i do both??? lol
ReplyDeletesana lahat ng nanay katulad ng nanay ni Jason,,i lover her na,,nwei still, the story made me feel so sad, huhu something has change?
ReplyDelete