Followers

Saturday, January 24, 2015

Love Is... Chapter 26



AUTHOR’S NOTE: Hello! Pasensori sa pagkatagal-tagal na update!

Pero, heto na! Hahaha! Dahil sa mga nagtutulak sa akin na sina, RED RANGER at BLUE RANGER. Salamat! Sobra! Kaya push na ulit ang mga update every week. Just don’t pressure me, guys. Lol! Exam na kasi namin, the week after next.

Thank you pa rin sa patuloy na pagpaaccess sa akin dito sa blog, SIR MIKE, SIR PONSE at SIR ALLAN.

Credits to Bunsoy, NHEO! Bakit? Malalaman mo kung babasahin mo ‘to. Lol! Kay bestie BAESHIP RADISH CREAM-CHAN para sa pagproof read netong chapter na ito. ‘Yong magkausap kami sa phone tapos binabasa niya then kinocorrect na rin. ‘Yon! Kumusta naman na ikaw ‘yong unang nakapagbasa? Lol! At syempre kay BLUE RANGER, sa pagtulak sa akin. Okay na ulit ako. Sabi niya nga, may mga tao talagang hindi alam ang pagkakaiba ng CONSTRUCTIVE at DESTRUCTIVE CRITICISM. Kung ayaw niyo sa story na ito, aba! Pwede namang i-skip na lang ‘di ba? Walang pilitan ‘to mga pre! Panira ka lang ng mga comments na nagsasabing masaya, maganda ang kwento na ito. Go fudge yourself. Lol.

BTBBC! I miss you guys! Very! BLUE, RED, JIGY, NHEO, ANSLEY, MYUN, IAN, KUYA JAPS, KUYA KING, DARYL, KIM.

RYESTERS! Nakalimutan pala natin ang MOT MOT natin. Anyways, yae na. Marami pang susunod. I miss you, sopher!

Sa mga ever loving READERS (Silent or active), COMMENTATORS and CRITICS (in a good way – ‘yong natutulungan ako), maraming salamat!

Sa mga CO-RA’s ko, VIENNE, COOKIE CUTTER, BLUEROSE, PRINCE JUSTIN, APPLE GREEN aka JACE PAGE, CRAYONBOX at sa pinakabagong dagdag sa lumalaki naming pamilya, SEYREN! Welcome sa family!

BELATED HAPPY BIRTHDAY, PRINCE JUSTIN DIZON!

Without further ado, heto na. Matagal niyo na ‘tong inasam e. Well, doon pala sa matiyagang naghihintay sa akin. Sa story na ito. Pagbubutihan ko pa, guys.


Ito 'yong mga songs na nakafeature ngayon sa update. If you want to hear them. :)

Juliet by Lawson
19 You + Me by Dan + Shay
Brokenhearted by Lawson ft. B.o.B.
Wherever You Are by 5 Seconds of Summer
I Wish  by Emblem3


MARAMING SALAMAT!

Here’s the 26th Chapter of Love Is.

#LoveIs26
#LoveIsTheTurningPoint

Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII
XVIII | XIX | XX | XXI | XXII | XXIII


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s Beat Of My Heart (Completed)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Bluerose Claveria’s Geo – Mr. Assuming (Completed)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (Teaser)
Prince Justin Dizon’s Playful Jokes (Completed)
Prince Justin Dizon's Me And My Rules (On-going)
Seyren Windsor's Loving You... Again (On-going)
Crayonbox's Starfish (On-going)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXVI


Red’s POV

Natutuwa man ako sa nakikita ko ngayon sa malayo, hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil hindi na kami tulad ng dati… na hindi maipaghiwalay sa mga ganitong lakad.

I miss him so much…
                                             
I want to hug him…

I want to kiss him…

Pero… hindi pa ata ito ang tamang panahon para doon.

I need to fix things first, para hindi naman siya mabigla sa pinaplano ko.

Papasara na ang mall pero, hindi pa rin siya umaalis doon. Kaya naisipan ko na lang na tawagan si Eli para sunduin siya. Mas mabuti na ‘yong kilala ko ang makakasama niya sa pag-uwi.


Riel’s POV

Nagising na lang ako na parang gusto ko na lang kumawala sa nararamdaman ko for about a year now. It’s like, hindi ko na ‘to deserve. Gusto ko na rin maging masaya.

Pinagmasdan ko na lang ‘yong dalawang teddy bear na nasa tabi ko ngayon. Sobrang drama ko na ata. Hmmm.

Sabado ngayon, August 8, at naghahanda ako para sa gig namin mamaya ng banda sa Bar. Marami-rami na rin ang nakabisa naming kanta. Ang iba nga’y nakalagay na sa song book na ginawa ni Liz. Ano kaya ang mga irirequest ng mga customer ngayon?

Sana ‘yong lively na. Hahahaha! Pero, may isa akong kanta na gustong kantahin. Huli na ‘yon. Basta. Kailangan ko ng magmove-on sa buhay.

Dalawa lang naman ‘yon ‘di ba? Kung hindi uukol, hindi bubukol. Tadhana ang magsasabi kung kaming dalawa ang para sa isa’t isa o kaya nama’y hindi. Come what may.

Oo, umaasa ako. Somewhat, gan’on nga. Kahit sinasabi kong hindi ko na deserve ang maging malungkot. Oh, well. Hindi naman ako magiging mag-isa. Andyan naman ang mga kaibigan ko.

“Handa ka na ba?”

Napahawak ako bigla sa aking dibdib dahil sa gulat.

“Kuya naman! ‘Wag ka ngang bigla-bigla nagsasalita. Aatakehin ako sa puso sayo e!”

“Kasi naman po, nagdidaydream ka na naman. Tsk. Tsk. Tsk.”

“Hay nako! Hindi ko na iyon maiaalis sa sistema ko ‘no! Para namang hindi mo ako kilala.”

“Wushu! Dalian mo na riyan. Nasa Bar na raw sina Liz at Leer. On the way na rin si Jasper.”

Nang marinig ko iyon ay agad-agad kong pinasok ng lahat ng kailangan ko ngayon gabi. Lulunurin ko ang sarili ko ngayon sa alak. Lol!

“Ano na?” Tawag ko sa kanya. Andoon lang kasi siya sa loob ng kwarto ko nang makalabas ako.

Napansin kong pinagtuunan niya ng pansin ang teddy bears na nasa kama ko.

“Yeah. Yeah.” Aniya. Siya na rin ang nagsara ng pinto ng kwarto ko.

“Si June, ‘di ba siya sasama?”

“And speaking of June, may sasabihin daw siya sa’yo. Nasa kusina siya.”

Napatango na lang ako kay Kuya saka mabilis na pumunta sa kusina.

“May sasabihin ka raw, June? ‘Di ka ba sasama ngayon?” Bungad ko.

“Hmmm. ‘Di ba, the week after next, may week-long celebration ang Chua para sa Foundation? Uuwi muna ako ng Legazpi. Pinapauwi ako nina Mama e.”

“Oo nga pala no? Tapos 3rd week naman ‘yong alis namin papuntang Palawan. Hmmm.”

“Uwi ako dito bago kayo umalis. Ako na ang bahala sa bahay mo.”

“Gan’on ba?”

“Yup. May pasok e. Nakapagfile na ako kahapon ng leave of absence. Sa Wednesday ko pa malalaman ang resulta.”

“Okay. Mabuti naman at may magaasikaso dito sa bahay pag-alis namin papuntang Palawan. Hayaan mo, ibabawas ko na lang sa upa mo ang pagbantay dito sa bahay.”

“Ano ka ba! Para namang hindi mo ako, kaibigan. Okay lang sa akin.”

“Salamat, June!”

“Sows! Maliit na bagay! Ge lang!” Aniya.

Natawa naman ako sa patutsada niya.

“Hala! Alis na kayo. ‘Di na muna ako sasama. Ako na bahala dito. Magiiskype raw kami nina Mama e. Ako na rin maghihintay kay Eri.”

Napatango na rin lang ako sa kanya.

Pagkatapos n’on ay nagpaalam na kami kay June.

“Nag-i-enjoy pa ba kayo, guys?” Agad na tanong ko sa mga nasa loob ng bar nang makapwesto na ang banda.

“Woooooh!”

“Yeah!”

“Yes!”

Halatang nakainom na sila. 10 PM kasi ang schedule namin dito, 6 PM pa lang ay bukas na itong bar. Kaya siguro ganoon.

“Request niyo muna ang uunahin namin ngayon.”

Natuwa na lang ako nang makita ko ang sulat sa tissue para sa una kong nakuhang request.

“This is from Mr. Torpedo. Torpedo talaga, huh?” Natawa na rin ang mga tao sa loob. “Bakit ka torpe, Mr. Torpedo? Anyways, dedicated itong kanta sa babaeng grabe ang epekto sa kanya. Hmmm.” Sino kaya si Mr. Torpedo rito? Andito rin kaya ‘yong babaeng gusto niya?

“Oh, Mr. Torpedo. Kung sino ka man dito sa mga taong nasa loob, request granted!” Buti na lang meron kami ng kantang ito sa song book namin.

As what I have expected, lively ang mga song ngayon. Ipapanghuli ko na lang ‘yong madrama kong kanta. Lol.

“Juliet by Lawson, enjoy guys!”

Tinanguhan ko na lang si Jasper at si Kuya. Nagsimula naman silang tipahin ang kanilang mga instrumento. Si Liz naman at Leer ay naghihintay ng kanilang pasok.

People stop to turn and stare
Everywhere she goes
Dollar signs and crimson hair
She will steal your soul
Set her sights on billionaires
All she wants is gold
She is straight up rock and roll
I'm telling you she knows

She know oh oh oh ee oh oh

Nobody does it like Juliet
Juliet, what you do to me
The way she does it is criminal
Physical and it's killing me
Not denying these allegations
She know oh oh oh ee oh oh
Nobody does it like Juliet
Juliet, you are haunting me

Napangiti na lang ako sa aking kinakanta.

Ganito rin kasi ang nangyari sa akin nang mahulog ang loob ko kay Red. Pasok na pasok sa banga. Kaya sa isang taon na hindi ko siya kasama’y iniyakan ko talaga.

Pulls you with her perfect smile
Pretty soon you're done
One more sucker pays the price
Thinking you're the one
Many men have tried and failed
Captured by her hold
Stay away from Juliet
You will lose control

She know oh oh oh ee oh oh

Pagkatapos ng unang set ay agad akong pumunta sa bartender para sa plano ko ngayong gabi.

“Hinay hinay lang po. ‘Di pa tayo tapos dito.”

Si Eli pala.

“Kuya, ngayon lang naman ‘to e. Tsaka kailangan ko ‘to ngayon.” Napakibit-balikat na lang ako. “Lulunurin ko ang puso ko pagkatapos ng gabing ito.”

“For what?” Aniya.

“Deserve ko na naman maging masaya ‘di ba? Gusto ko lang na tapusin na ngayon ang paghihirap ko.” Tugon ko.

“Pero alam mong hindi ‘yan ang makakatulong sa’yo.”

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Alam ko naman ‘yon. I’m just fooling myself. ‘Di ba nga, kung gusto mong makalimot, mas maiging ito ang gawin kaysa naman sa ibang bagay. Resorting to things that could actually make you forget. Amnesia lang ata ang paraan para doon.

Pilitin mo man magmove-on, nand’on pa rin ‘yong mga alaala. Mas mabuti pang makalimutan mo talaga ang lahat.

Pero… hindi ko naman kayang irisk ang buhay ko, para lang magkaamnesia. Takot din naman akong mamatay kung hindi successful ‘yon.

I tried many times na iuntog ang ulo ko sa pader, pero hindi ata makukuha instantly ang pagkalimot.

Time and Acceptance talaga ang mga ingredients na kailangan ko.

“Tama na ‘yan.”

“Kuya. Isang baso pa lang naman ‘to. Tanong mo pa kay Zed.” Tugon ko sabay nguso sa isang bartender na nasa harap namin ngayon.

Tumango lang naman ito sa kanya.

“See?!”

Napailing na lang siya. Hindi niya alam Tequila ‘to. Lol.

“Zed, ano ‘yang iniinom niya.”

Muntik na akong mabilaukan ng itanong niya iyon sa bartender. Napagtuunan ko tuloy si Zed at todo ang iling ko para sabihin sa kanyang ‘wag siyang magsasalita. Buti na lang hindi ito nagsalita.

Phew!

Pero nagulat na lang ako ng kunin niya ang baso at sumimsim siya doon.

“Isang baso lang pala, huh? E tequila ‘to.”

“Kuya naman!”

“Anong Kuya? Nek nek mo ‘no!” Aniya tsaka inubos ‘yong natitira sa baso ko.

“Ikaw magbayad niyan, ha?!” Inis na inis akong umalis doon at bumalik sa pwesto ko sa stage.

I kept my cool. Bwiset na Eli ‘yon! Panira ng plano e. Ipininta ko na lang sa mukha ko ang saya para sa mga taong nasa harap ko. Susunod na set na, pero may iniabot sa akin kanina si Lina na request.

“Kumusta, guys?” Bungad ko.

Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng bar. Nakuha ko na rin ulit ang atensyon ng mga tao. Nakabalik na rin si Eli. Hindi ko talaga siya papansinin ngayon. Tss.

“Nakatanggap ako ng request galing sa mga kaibigan nina Rye at Jeff. Congratulations daw sa pagiging opisyal ninyo bilang magkasintahan. Congrats, ha? Hmmm. August 1. Magandang numero. I hope that your relationship will last for a lifetime.”

Sana hindi kayo matulad sa amin, na… isang buwan pa lang nga… Napailing na lang ako sa aking iniisip. Tss. Walang closure ‘yong amin e. Argh!

“This song is for you, Rye and Jeff.”

Ang sweet nilang dalawa. Namiss ko tuloy ‘yong mga lakad namin ni Red na parang wala ng bukas dahil hindi kami mapaghiwalay.

Memories… mabuti na siguro ‘to. Ang alalahanin lahat, para kapag nakapagmove-on ako, hindi sakit ang ihahatid noon sa akin.

It was our first week
At Myrtle Beach
Where it all began

It was 102°
Nothin' to do
Man it was hot
So we jumped in

We were summertime sippin', sippin'
Sweet tea kissin' off of your lips
T-shirt drippin', drippin' wet
How could I forget?

Naalala ko tuloy ‘yong mga araw namin sa Palawan. Totoong nangyari lahat ng ‘yon e. Sariwa pa iyon sa alaala ko. The vows we shared… The kisses we had…

Watchin' that blonde hair swing
To every song I'd sing
You were California beautiful
I was playin' everything but cool
I can still hear that sound
Of every wave crashin' down
Like the tears we cried
That day we had to leave
It was everything we wanted it to be
The summer of
19 you and me

Habang kinakanta ko iyon, may tatlong pamilyar na lalaki ang pumasok sa loob ng bar. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Una’y nakapulupot ang mga kamay ni Dave kay Seb. Pero noong magtagpo ang paningin namin ay agad niyang ipinulupot ang mga ito kay Red.

We had our first dance in the sand
It was one hell of a a souvenir
Tangled up, so in love
So, let's just stay right here

'Til the sun starts creepin', creepin' up
Right then I knew
Just what you were thinkin', thinkin' of
When I looked at you

Oh well, bakit ko ba pinagtutuunan pa iyon ng pansin. Sila naman talaga ‘di ba? Baka best friend nitong si Dave si Seb. Tss.

Pake ko ba! Argh!

“Syempre kung may kanta para sa mga in love mayroon din sa mga broken-hearted, ‘di ba?” Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Selos na selos na talaga ako.

Dapat ako lang ang humahawak sa mga braso niyang ‘yon. Tss. I’m in rage, pero hindi ko naman kayang makipag-away sa minamahal ngayon ng taong pinakamamahal ko.

Hindi ko maaatim na marinig sa kanyang, hindi na ako ang mahal niya. Magiging masama pa ako sa mata niya. I don’t want to lose him that way. Gusto ko na okay pa rin kami, even if it means, hindi na kami pwede sa isa’t isa.

Ibinulong ko na lang sa mga kabanda ko ang gusto kong kantahin.

Heart, get used to it. Nagsimula kami na magkaibigan. Kahit papaano, sana magtapos ito na magkaibigan pa rin kami.

Tss.

Masokista na ba ako ngayon?

Loving, even if it means nothing to him?

Argh!

Tinanguhan ko na lang si Leer. Doon naman siya nagsimulang magbilang.

“1… 2… 3…” Sigaw niya tapos palo sa drums.

Pumikit na lang ako. Masaya ‘tong kanta na ‘to. Lol! Masokista na nga ako. Kabaliktaran lahat ang nangyayari e.

“Listen.”

You're not the boy I used to know
How the hell did you get so cold?
I bet you kick yourself to know
Where I've been since you let me go (yeah)
Now you wanna be with me (yeah)
But you let your colours show
And it's a long way home (home)

Hey boy look at what you started
Played with love got you brokenhearted
I thought you were all I wanted
All good since the day we parted
Now table's turned,
Lessons learned,
You got burnt, yeah
Hey boy look at what you started
Played with love got you broke... brokenhearted

La la la...
La la la...
La la la...

Napailing na lang ako. Masokista ka nga, Riel. Dati rati’y ikaw ‘yong pain giver e. Ngayon, tumaob ka na dahil sa isang tao… sa taong hindi mo naman talaga kayang bitawan.

You’re even asking to be his friend at the end. What the hell! Pain absorber ka na talaga ngayon. Whatever.

Natawa na lang ako sa rason ng aking isipan. Baliw na kung baliw.

I was standing in the dark boy,
But now I'm in control
And we're a million miles apart
But tell me why you sold your soul
'Cause now you are the lonely one
Since you let your colours show
Baby it's a long way home (home)

Pagkatapos ng set na iyon ay pumunta na lang muna ako sa backstage. I hate this feeling even more. Andito siya ngayon. At dahil doon, kaya ako nagkakaganito.

“Okay ka lang ba?”

Napamulat ako dahil doon.

“Oo naman, Eli. Napagod lang siguro ako.”

Inilapag niya ang isang bote ng alak sa mesang naroroon tsaka ako tinitigan ng mabuti.

“Kailangan mo siguro ‘yan.”

“Mas matindi pa sa sipa niyan ang kailangan ko ngayon. ‘Yon bang kahit ano pa man ang mangyari, wala na talaga akong mararamdaman.”

Naghintay ako ng isasagot niya sa akin, pero wala akong narinig mula sa kanya. Ramdam na niya naman siguro ako.

“Uhm… CR lang ako.”

Agad na lang akong umalis doon. Kinapa ko ang bulsa ko sa pantalon sa likod kung andoon ba ang wallet ko, buti na lang andoon nga. I need to get off here. Nagiging masikip na ang lugar na ito para sa amin ni Red.

Sumakay ako ng jeep na may luhang pumatak sa aking pisngi. Shit!

Ano ka ba, Riel! Sabi mo tapos na, ‘di ba? Ititigil mo na, ‘di ba?

Agad akong nagtext kay Liz, pagkasend noon ay inioff ko agad ang cell phone ko. Tuloy pa rin ang plano ko. Hindi ako uuwi ng bahay na hindi ako sabog.


Eli’s POV

“Eli!” Pagkuha ng atensyon ko ni Liz, sabay pakita ng mensahe sa kanyang cell phone.

Please… Pakitapos niyo na lang ang gig kahit wala ako. Salamat!

Shit! Galing iyon kay Riel. Kaya pala ang tagal niya sa CR, kasi hindi naman talaga siya pumunta doon.

“Ano raw ‘yon, Eli?” Tanong ni Red.

“Umalis na si Riel dito sa bar.”

“San na raw pumunta?”

“I don’t know.”

“Teka, tawagan natin si June. Kung sakaling umuwi na siya, edi, makokontact niya tayo.”

“Sa tingin ko, hindi muna siya uuwi.”

Mas matindi pa sa sipa niyan ang kailangan ko ngayon. ‘Yon bang kahit ano pa man ang mangyari, wala na talaga akong mararamdaman.

Natameme ako ng sabihin niya iyon. Gustuhin ko man sabihin sa kanya na hindi na niya kailangan maramdaman iyon dahil, babalik naman talaga sa kanya si Red, hindi ko pa pwedeng gawin dahil iyon ang plano.

“Nasasaktan na siya, Red.”

“Alam ko… alam na alam ko, Eli.”

“Sorry! Ako ata ang may kasalanan. Nadala ako sa titig niya kanina sa amin ni Seb e. Nakalimutan kong tapos na pala ang planong iyon. Sorry talaga. I’m really sorry.” Ani Dave tsaka ipinulupot ang kanyang mga kamay sa kasintahan na si Seb.

“Kalimutan niyo na iyon. Ang problemahin natin kung saan hahanapin si Riel. Mahina pa ang tolerance noon sa alak.” Tugon ko.

“Ako na ang bahalang maghanap sa kanya.” Ani Red.

Napatango na lang ako.

Gustuhin ko naman na ako ang maghanap, nakiusap siyang tapusin namin ang gig dito.

“Kapag nakita mo siya, inform mo ako agad. Para hindi ako mag-alala masyado.”

“Okay. Ako na ang bahala.”

I hope everything’s fine pagkatapos ng gabing ito. Gusto kong sumaya na ang pinakamamahal ko.


Riel’s POV

Nakarating ako sa isang bar ‘di kalayuan sa bar na nilisan ko. Mas malapit, mas maliit ang chance na mahanap nila ako. Tss. Sana nga gan’on. Mas madali kasing sumakay dito pauwi.

Pumwesto ako sa may bartender ulit. Gusto ko mapag-isa ngayon. Marami mang nakakakilala sa akin dito, tinanggihan ko muna ang pakikipaghalubilo sa kanila.

“JD nga Kuya.” Pagkuha ko sa atensyon ng bartender.

“Okay, Sir.”

Maraming gwapo, magpakaflirt nga ako ngayon? Tss. Hindi naman ako gan’on! Ano bang pinagsasabi ng utak ko. Bang landi naman ata! Tss.

Mahigit tatlumpong minuto na rin siguro ako ngayon dito. Pero, hindi pa rin maalis sa isip ko ang lahat ng mapapait na alaala.

Siguro nga talaga, hindi iyon ganoon kadaling tanggalin sa sistema ng isang tao.

Sabi nga ni Bluerose sa mga kwentong kanyang naisatala, moving on isn’t just within a blink of an eye. Kailangan ng mahabang panahon para ang puso ay maghilom sa sugat na natamo nito.

Hindi lamang iyon, kailangan ring tanggap mo ang kahihinatnan ng pagsuko sa isang bagay. Lalong lalo na pagdating sa pag-ibig. Time and Acceptance. They should be in sync.

“Kuya, isa pa po.”

Napapapikit na lamang ako sa tuwing sisimsim ako sa basong ibinibigay ng bartender sa akin. Nakakatatlo na rin siguro ako. Hindi ko naman agad malagok ng isahan dahil hindi naman talaga ako sanay sa inuming ganito.

Beer nga lang ang pinapainom sa akin ni Eli, sa tuwing magkakaroon kami ng pagkakataon. Ano ako chics? Tss. Pero… naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ako pinipigilan uminom.

Noong una kasing nalasing ako, wala akong ginawa kung hindi ang umiyak na lang ng umiyak. That was the first time I was a mess. Naisipan ko rin kasing gawin ang kagaya nitong ginagawa ko, noon. Just before I had known, that Red, isn’t really dead.

Hay buhay!

Sabi nga ng isang kaibigan, kailangan muna maghirap, bago mo makuha ang sarap. Lol.

“Mag-isa ata ang Salutatorian ng Arneyo Batch 2020. Anyare?”

Napalingon naman ako agad sa nagsalita.

“Zeke...”

“Buti naman at kilala pa ako ng the Great Gabriel Dela Rama.”

Napailing na lang ako sa pinagsasabi ng isang ‘to. Hindi naman ako ang The Great sa batch. Kung hindi lang sana lumayo si Red, siya pa rin ang may titulong gan’on. I gave it to him anyway.

“Hindi naman ako nagkaamnesia to forget you, Mr. Ezekiel Yamson.”

“Hahahaha! Nag-assume lang naman ako.” Aniya saka umupo patalikod sa counter.

Isa siya sa mga kaibigan ni Red noon sa high school. Nasa ibang section nga lang dahil bulakbol sa pagpasok. Saying that, he doesn’t really need to go to school. As if naman daw maghahanap pa siya ng trabaho.

Tss. Yabang e no? Palibhasa sila ang may-ari ng bar na ito.

“Kahit kailan talaga ang yabang mo.”

Nagkibit balikat na lamang siya.

“Well, hindi ko naman itinatanggi.” Aniya tsaka tumawa ng malakas. “Wait up! The last time I check, ni hindi ka man lang binibigyan ni Martinez ng mga ganyang inumin.”

“Wala si Kuya ngayon, so I can drink whatever I want.” Kibit balikat ko ring sagot. “Don’t tell me, stalker na rin kita ngayon.”

“You can say that.” Aniya tsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko.

Mali lang siguro ang pagkakarinig ko. Napailing na lang ako ng todo. Lasing na kaya ako sa lagay na ‘to? Marami na akong naiisip na hindi ko na kayang iproseso.

Speaking of stalker. Argh!

“Hey guys! Did you know that Gabriel Dela Rama is here?” Sigaw niya sabay turo sa akin.

Napailing na lang ako sa ginagawa niya.

“Isang kanta lang, please?” Bulong niya sa akin.

“May magagawa pa ba ako? Halos mga kabatch kaya natin ang nandito.”

“Good! Libre ko na ang dalawang baso pa ng JD mo.” Masayang tugon niya.

“Pwede lahat na lang?” Natatawa kong tugon sa kanya.

“Sure!”

“Di ‘no! Joke lang!” Sineryoso agad e ‘no? Hahaha!

Agad akong tumayo tsaka pumunta sa stage ng bar. Tapos na siguro ang session dito ngayon. Pagtingin ko sa relo ko ay mag-aala una na rin pala. Oh well. Hindi ko pa pala nakakanta ‘yong gusto kong kantahin na panghuli doon sa Synthesia.

“Kumusta batchmates? Anong meron?” Bungad ko.

“Birthday ni Zeke!” Sabay sabay na sigaw ng mga tao roon.

“Oh?” Nagtatanong na sulyap ko kay Zeke.

Tumango naman ‘to sa akin bilang tugon. Kaya pala ready siyang ilibre ang mga nainom ko na. Tss. Yabang talaga. Lol. Tsaka bakit pwedeng magpapasok ng hindi invited? Hindi ko alam, kaya basta basta na lang akong pumasok dito.

Anyways, andito na rin naman ako, mabuti pang panindigan ko ang pagiging party crasher ko. Lol.

“So… party crasher pala ako dito.” Natatawa kong anunsyo sa mic.

“Okay lang!” Natatawang sigaw niya. “It’s a pleasure to have you here!”

Napailing na lang ako ng todo.

“Tutal, birthday naman ng mayabang na ‘yan!” Turo ko kay Zeke. Sumaludo naman ito sa akin. Hindi niya itinatanggi. “Sige na nga, may dalawang kanta kayo, mula sa akin. Birthday gift. Libre na raw ‘yong JD ko e.”

Nagthumbs-up lang si Zeke sa akin. Hiyawan naman ang narinig ko sa mga kabatchmate ko.

“Sino may gitarang dala? Naiwan ko kasi ‘yong akin sa Synthesia e.”

“Here!” Sigaw ni Zeke pa rin.

Agad niya lang itong ibinigay sa akin.

“Pinaghandaan?” Umiiling kong tugon sa kanya.

“Minsan ka lang naman kasi napupunta rito.”

“E kasi po, nag-aaral pa po ako. Anyways! Heto na! Happy Birthday, Mr. Ezekiel Yamson!”

Agad na lang akong tumipa sa gitarang ibinigay niya.

For a while we pretended
That we never had to end it
But we knew we'd have to say goodbye
You were crying at the airport
When they finally closed the plane door
I could barely hold it all inside

Torn in two
And I know I shouldn't tell you
But I just can't stop thinking of you
Wherever you are
You
Wherever you are
Every night I almost call you
Just to say it always will be you
Wherever you are

Napamulat ako nang wala akong marinig na ingay. Shit! Drama pala itong kinakanta ko.

“Pasensya na kung ito ‘yong kinakanta ko. Birthday party pala ‘to.”

“Ge lang! Tuloy mo! Kung may pinagdadaanan ka, ilabas mo!” Sigaw ni Zeke.

Napailing na lang ako sa kanya. Guess, I really need to let go of things. Sabi ko nga. Huli na ‘to. Pagkatapos nito, ano man ang mangyari sa pagitan namin ni Red, kailangan kong tanggapin ng maluwag sa aking kalooban.

It’s God’s will. Siya ang may gawa ng destiny ko. I’ll just have to trust him.

I could fly a thousand oceans
But there's nothing that compares to
What we had, and so I walk alone

I wish I didn't have to be gone
Maybe you've already moved on
But the truth is I don't want to know

Torn in two
And I know I shouldn't tell you
But I just can't stop thinking of you
Wherever you are
You
Wherever you are
Every night I almost call you
Just to say it always will be you
Wherever you are

“Sabayan niyo na lang ako, kung alam niyo ‘yong kanta, guys. Pasensya na talaga. Tama nga si Zeke. May pinagdadaanan lang ako ngayon.”

Nagthumbs-up lang lahat ng mga kabatch ko sa akin.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Letting my heart breakfree. Tama na nga talaga ang isang taon na pagmumumok.

Hindi sa lahat ng araw na magigising ako, kailangan kong malungkot dahil sa nangyayari sa buhay ko. There’s more to life, kailangan ko lang silang i-entertain.

Tss.

You can say we'll be together
Someday
Nothing lasts forever
Nothing stays the same
So why can't I stop feeling this way

Torn in two
And I know I shouldn't tell you
But I just can't stop thinking of you
Wherever you are
You
Wherever you are
Every night I almost call you
Just to say it always will be you
Wherever you are

Pagkamulat ko ng mga mata ko matapos ang kanta ay nakita kong nasa harap ko na si Zeke, nakalahad na rin ang kanyang kanang kamay na may hawak na panyo. I didn’t notice na umiyak pala ako.

“Salamat.” Saad ko sabay kuha sa kanya ng panyo.

Tumango lang naman ito sa akin.

“Ano ba ‘yan! Tama na nga ang drama. Tss.” Natawa ako habang pinupunasan ko ang pisngi ko.

“This next song is for you, Mr. Yamson. Happy Birthday!” Isinilid ko na lang muna ang panyo sa aking bulsa tsaka tuluyan ng tumipa sa gitara.

“Enjoy the rest of the night, guys!”

I wish this bed was an island
We could stay here inside until the sun went down
We'd turn these blankets to hammocks
And we'd be hand in hand until the stars came out

We escaped from the city lights
Only glow is the moon from the high tide
Say goodbye to the traffic on the freeway
Every single day we could play in the sea-waves
We can even pick new names
We can hide from the search planes
I'd be out surfing, you'd be out shirtless
Everything's perfect

Don't have a care in the world (I don't got a care in the world)
You got me all to yourself now girl
We've got no reason to leave (We don't got a reason to leave)
Cuz all I need is you and me

Pagkatapos ng kanta ay agad na lang akong pumanhik pabalik sa upuan ko kanina. Inaalok man ako ng mga kabatchmate ko sa bawat mesang nadaanan ko ay tumanggi muna ako.

Gusto ko na muna mapag-isa ngayon. Tsaka, party crasher lang naman ako rito. Lol.

“Feeling better?”

Tumango na lang ako sa kanya. Ngayon ko lang ata naramdaman ang tama ng alak sa sistema ko. Ganoon nga siguro kapag hinayaan mong maalis muna sa isipan mo lahat ng mga iniisip mo sa buhay.

“Thanks for letting the drama fill the ambiance here.” Natawa na lang ako. Gan’on din naman siya.

“Well, walang kaso ‘yon sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang Gabriel Dela Rama?”

“Sobra ka naman! Hindi naman ako sikat to be treated like I am a VIP.”

“Para sa akin, you deserve to be treated like you are one.”

Ewan ko na lang.

Is he tryin’ to say that he likes me? Ayoko namang mag-assume.

Tumaas na lang lahat ng balahibo ko sa katawan ng hawakan niya ang nakalatag na kamay ko sa bar counter. The last time I felt that, was with Red.

Napailing na lang ako tsaka inalis ang kamay ko doon para sumimsim sa baso ko na may alak.


Red’s POV

Sa dami ng pinuntahan kong bar, dito ko lang pala siya makikita sa bar ng mga Yamson. Tinext ko na lang si Eli na ako na ang bahala kay Riel. If things gets worst, sa bahay ko na lang iuuwi si Riel. Kahit sapilitan pa iyon. Magkaaminan na kung magkaaminan.

Ayoko na!

Tataluhin pa ata ako ng kaibigan ko e. Tss.

Agad lang akong lumapit sa pwesto nila. Kahit nga binabati ako ng mga kabatchmate namin doon ay hindi ko na pinapansin. Lasing na si Riel, and Zeke is taking advantage of the situation.

Matagal ko ng alam na may gusto rin siya kay Riel pero, dumidistansya lang siya noon dahil pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan namin. Pero, what the hell! Nalingat lang ako sandali, gumagawa na siya ng paraan.

Napailing na lang ako.

Sinong niloloko mo, Ariola? Ikaw ang lumayo, ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Nang makarating ako doon, agad ko lang tinapik ang balikat ng kaibigan ko.

“Red?”

“Yeah. Kumusta?”

Agad naman siyang napabalikwas sa pagkakaupo at pagkakaakbay kay Riel.

“Andito ka na pala, ‘di ka man lang nagpasabi. It’s my birthday, dude. Where’s my gift?”

“Tinatalo mo ba ako, Zeke?” Seryoso kong tanong sa kanya.

“I’m just comforting him. What’s wrong with that?” Aniya.

“That’s not it, Zeke. Alam mo kung ano ang sinasabi ko.”

“Okay okay!” Aniya sabay taas ng kamay niya. “Tss. Labo nito!” Dagdag niya tsaka umalis na doon.

“Hoy! Yamson! Saan ka pupunta?” Untag sa kanya ni Riel.

“Next time na lang, Riel! Andyan na ang totoong ‘The Great’ ng buhay mo.”

“Huh? Sino?!” Hindi niya ba napansing andito ako ngayon?

“Oh, Red! Ikaw pala! Tara, upo ka. Inom tayo.” Lasing na nga ‘to.


Riel’s POV

“Oh, Red! Ikaw pala! Tara, upo ka. Inom tayo!”

What the fucker?!

“Asan si Seb? At ‘yong boyfriend mo?” Tanong ko. Kahit pala lasing na ako kanina, ang makita lang siya ang nagpaalis ng epekto sa akin ng alak.

Now, I am playing like nothing is happening between us.

Putspa! Takte!

“Ah… eh…” Aniya sabay kamot sa batok niya.

Fuck! ‘Yan na naman ‘yang gesture na ‘yan! Ano ba! Pagmove-onin mo na nga ako! Takte talaga oh!

“Nevermind! Andito ka na rin lang naman, tara’t mag-inuman. Tawagin mo si Yamson, birthday n’on. Nilibre nga ‘yong isang bote ko ng JD e.”

“What?! Nakaisa ka na n’on?”

“OA ha? Isang bote lang naman!”

“You’re too drunk. Iuuwi na kita.”

Kung alam niya lang, nawala ‘yong epekto ng alak sa sistema ko dahil sa kanya. Ulit ulit? Sinabi ko na kanina ‘di ba? Tss.

“Sows! ‘Di pa ‘no!”

“You are!” Napatulala na lang ako dahil sa intensidad ng pagkakasabi niya n’on.

“Muntik ka na ngang madala kung saan e.”

Nag-igting na lang bigla ang mga eardrums ko.

“Oh, ano naman ‘yon sa’yo?” Tugon ko sabay lagok sa natitirang laman ng alak sa baso ko.

Nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin.

“See? Kuya, pasabi na lang sa amo niyo, salamat ha?”

“O-okay po, Sir.”

“Hindi, magkano ba lahat ng nainom niya?” Tanong nito sa bartender.

Nagcompute naman ‘yong bartender ng madalian tsaka ibinigay kay Red ang bill.

“Seriously, Riel? Ano bang iniisip mo para maglasing ng ganito?”

“Marami. ‘Wag ka ng magtanong kung ayaw mong magsisi. O siya! Uwi na ako. Kung babayaran mo ‘yang lahat, edi thank you na lang.” Agad na lang akong nagmartsa palabas doon.

Kahit pa hindi ko na kaya ang sarili ko sa sobrang ikot na nakikita ng paningin ko, tuloy pa rin ako. Magpapara na sana ako ng tricycle ng umikot ang paningin ko. I don’t know what happened next.


Red’s POV

Nagulo ko na lang ang buhok ko sa sinabi niyang ‘yon. Sinabi kong aaminin ko, pero hindi ko naman magawa dahil gusto ko na masurpresa pa rin siya kapag dumating na ang araw na iyon, pero… putang-ina! Hindi ko na alam ang iisipin ko.

“Keep the change. Pakisabi na lang kay Zeke ang pagbati ko.” Tugon ko sa bartender. Tumango naman ito sa akin.

Hinabol ko si Riel na malapit na sanang magpara ng tricycle. Pero hindi na niya iyon nagawa dahil naout-balance na siya. Buti na lang nasalo ko.

Nakakainis!

Pero natigilan na lang ako nang malaman na wala na pala ito ng malay.

Naglasing, hindi naman kaya ang sarili.

Binuhat ko na lang siya papunta sa kotse ko.

Fuck! Fuck! Fuck! Kasalan ko ‘to!

Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko ang umiinom ng tubig na si Mom.

“Red?” Tawag niya.

“Yes, Mom, it’s me.”

“Oh?” Agad niyang natakpan ang bibig niya nang makita si Riel na karga karga ko. “What happened?” Bulong niya.

“Naglasing po.” Tugon ko.

Napailing na lang siya.

“Why are you still up?”

“Kararating lang din kasi nina Seb at Dave. Nag-inuman din. Si Elijah na rin ang naghatid sa kanila.

“Okay, Mom. Later na lang po. Ihihiga ko na muna siya sa kwarto.”

“Okay, Son. Nakapagpabook na pala ako ng ticket namin ng daddy mo next week papuntang Palawan.”

“Okay, Mom. We’ll talk about that later. Good night!” Humalik na lang ako sa pisngi niya.

“Good night, Son.” Tumango na lang ako.

Pagkahiga ko kay Riel sa kama ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. I’m walking in circles dahil sa pag-iisip. Tss. This is all my fault. I need to think of a possible remedy.

“Red, I feel like I’m gonna puke.” Aniya.

Nataranta naman ako. Alam niya palang ako ang kasama niya. Dali dali ko lang siyang binuhat papuntang CR. Pinaupo ko na lang siya sa harap ng bathtub ko. Doon niya inilabas lahat ng ininom niya kanina.

“Hindi naman kasi kaya, uminom pa. JD pa talaga, huh? Seriously?” Nagawa ko pa talagang pagalitan siya.

“Wala na tayong magagawa, tapos na e. At least, gumaan ‘yong pakiramdam ko.” Tugon niya.

Katahimikan ang bumalot sa amin doon.

“Oh well, papel, andito na rin lang naman ako, pwedeng makitulog na lang? Sa ibang araw na lang natin ‘yan pag-usapan. Ang sakit ng ulo ko e.”

Sabay paghawak niya sa kanyang ulo ang pagtumba niya. Mabuti na lang at nahawakan ko ang braso niya.

“You can always ask for help. Andito lang naman ako.”

“Hindi na naman tayo gaya ng dati. Okay na ako. Makikitulog lang naman ako dito.” Aniya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I really miss him. I really want to kiss him. I really want to feel him.


Riel’s POV

Nabigla na lang ako ng maglapat ang aming mga labi. Ang tagal ko ‘tong inasam ulit. Pero… tama ba ‘tong ginagawa namin ngayon?

Umiwas ako ng tingin nang bumitaw siya sa paghalik sa akin.

“Hindi ‘to tama, Red.”

Iniharap niya ang mukha ko sa kanya tsaka ipinatong ang kanyang noo sa noo ko. Napapikit na lang ako. Shit! Hindi tama ‘to.

“Mahal na mahal kita, Riel.” Aniya.



Itutuloy...

18 comments:

  1. Ang tagal kong hinintay to! Worth it!! Ang ganda nakakaiyak ng sobra :( naawa ako kay Riel hahaha sana mabilis yung next update can't wait anymore!!

    -44

    ReplyDelete
  2. Sana si Eli na lang ang pupnta si Riel. Sobrang sobra na ang ginawa ni Red na yan. Ano bang kasalanan ni Riel? Thanks for the update. Take care.

    ReplyDelete
  3. Ang tagal ko inantyay ito kuya rye....... Nkaka excite qng next chapter na ito update na agad kuya wag mo na kami bitinin pa.....

    Jharz05

    ReplyDelete
  4. Kilig. Haha. Yun lang. Hahaha. Keep up the good story. Sana mahaba haba panto. Charot. Haha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  5. Kung ako si Riel at malaman ko na pinaglalaruan nya lang damdamin ko at kahit sabihan nyang mahal nya ako hindi ako maniniwala. Kasi kung mahal mo ang isang tao hindi mo dapat paglaruan ang damdamin nito lalo alam mong mahal ka nito.

    Kaya kung ako hihiwalayan ko sya at uumpisahang limutin.

    Brix

    ReplyDelete
  6. Sana mag make up din ng storya si Riel na mayroon na syang ibang mahal para ma challenge si Red. Kasi napaka senseless at immature yong ginawa nya kay Riel. Ulila na yong tao at walang kamag anak na dumamay gagawan pa nya ng kagaguhan.

    ReplyDelete
  7. Sana si gabriel namn ang ma inlove sa iba ayeee.. para mg sisi si red :) update na yan

    Franz

    ReplyDelete
  8. Maraming salamat sa greet :)) Bukas sa duty ko na babasahin 'tong update. Salamat ulit, Rye!

    - Prince Justin :]

    ReplyDelete
  9. Hahhaha grabe sobrang nabitin ako.. Wala pa ako dun sa kilig feeling... Hahaha pero ito yung isa sa pinaka favorite kong chapter.. Well every chapter is my favorite naman hahahah.. - dave

    ReplyDelete
  10. By that kiss. Mararamdaman nanaman ni Riel if Red still love him. Ang tanong kaya pa kaya nya tanggapin si red? Excited sa nxt chapter :D #Poging_Unknown

    ReplyDelete
  11. Sa halik na yun, mararamdaman ni Riel na mahal pa dn sya ni Red. Pero ang tanong hindi pa ba pagod si Riel para tanggapin si Red?
    #reader

    ReplyDelete
  12. Riel must move on. Si Red pinatagal nya ang walang sense na issue na sya lang ang gumawa at sinaktan pa nya si Riel. Dapat bigyan sya ng lessson para matauhan sa kanyang kagaguhan. Childish act, fool! If I were Riel I'll test him to prove Red's love is genuine and serious. Sinaktan ka nya at pahirapan mo din sya Riel to learn him alesson. Beep-beep

    ReplyDelete
  13. Ungas at isip bata si Red. Napakawalang bagay pinalaki nya. He doesn't deserves to be loved. Riel salutatorian ka, isip isip marami pa dyang deserving- Zeke, Eli, June etc. Piliin mo yong matured kahit di guapo. Beep beep again.

    ReplyDelete
  14. Maganda siguro kung mag karoon ng bagong characters na magkalove interest kay Riel. Either Zeke or an opposite sex na bukod sa maganda sophistikada pa. Para ma shock ang mga nakapaligid kay Riel na naki coordinate pa sa plano ni Red. At ito ay malaking sampal sa kanya at maging leksyon sa kanyang childish attitude. Go Riel! your turn for revenge para ma feel nya yong sakit mong pinag daanan. - Beep beep

    ReplyDelete
  15. Gucho ko ng new character, yung babae na magkakagusto kay Riel-bebeh :3

    - Sichem

    ReplyDelete
  16. Dapat hindi sumipot si Riel sa out of town na plano ni Red. Sa ibang lugar sya pumunta para maramdaman ni Red ang sakit na pinaramdam nya kay Riel. Ang maghintay ng wala palang hinihintay. O di ba quits na sila. Tapos may ibang eeksena sa buhay ni Riel :-)

    Xander

    ReplyDelete
  17. Sichem - gucho ko ding yong behbeh na tseksi, very tseksi para kay Riel. Sana dalawa. -Beep beep

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails