Followers

Thursday, January 1, 2015

Love Is... Chapter 25



AUTHOR’S NOTE: Surpresa! Haha!

HAPPY NEW YEAR, RYESTERS! READERS! ADMINS! COMMENTATORS! EVERYONE!

Maraming salamat pa rin kila Sir Mike at Sir Ponse sa pag-iintindi ng aking endeavors sa buhay.

RYESTERS. FB FRIENDS. BTBBC. BLUES. Kaway-kaway! :D

Enjoy reading. :D


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII
XVIII | XIX | XX | XXI | XXII | XXIII


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Bluerose Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin Dizon’s Playful Jokes (On-going)

Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXV


Riel’s POV

Conceal don’t feel, Riel.

Parang hindi ko ata kaya. Kailangan ko nang umalis dito.

“Nice to see you again, Red.” Lakas loob kong saad sa kanya. “Sige! Enjoy the night, huh? Balik lang ako sa backstage, Seb.” Pagpapaalam ko.

Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya. Pagkatalikod ko’y nakita ko si Eli at sa likod naman niya’y ang mga kabanda ko.

Pinilit kong lagyan ng ngiti ang aking mukha, I did, pero… sa ngiting iyon, may kasabay ding luha ang dumaloy sa aking pisngi.

“Kuya… ‘wag dito, please…” Garagal kong pakiusap sa kanya.

Hinawakan ko na rin ang nanggigil niyang kamao. Alam kong konting kalabit na lang sa kanya’y susugurin na niya si Red.

Nakiusap na lang ako na ‘wag muna naming pag-usapan ang tungkol sa nangyari kanina. Kailangan pa naming tapusin ang gig namin dito sa bar. Huling set na rin naman. I just need to deal with this shitty feeling I am having right now.

Nang lumabas kami galing sa backstage ay imahe niya pa rin ang una kong nakita. Hindi ko alam kung ako lang ‘to, pero, nakikita ko sa kanyang mga mata ngayon ang pagkaguilty. Ewan. Tatapusin ko muna ang trabaho ko rito.

Kailangan ko na ang unan ko.

“Are you still enjoying the night, guys?” Pagkumusta ko sa mga taong naroroon pa rin sa bar.

Inaayos pa kasi ng mga kabanda ko ang kanya-kanya nilang instrumento.

“Sa pag-ibig daw… we can never always expect a happy ending. May mga instances kasi na kahit alam mong kayo na forever… malalaman mo na lang na hindi pa pala… na wala pala talagang forever para sa inyong dalawa. ‘Yong akala mo perpekto na kayo para sa isa’t isa, pero… may mali pala kayong hindi napuna…”

Bitter ako. Oo na.

“Pero… depende naman ‘yon ‘di ba? Depende ‘yon sa dalawang taong nagmamahalan…”

Dapat pala hindi ako masyadong naattach sa kanya.

“Kasi, kung ang pagmamahalan ninyo sa isa’t isa ang pundasyon ng relasyon… I think… you can always conquer any odds… ‘Yon bang wala sa mga pagpipilian niyo ang mahiwalay… ang mangaliwa… ang iwanan ang bawat isa… ang sumuko.”

Shit. What am I talking? Naiiyak na tuloy ako.

“Love is not worth the sacrifices, if it’s not well fought. Kapag sumuko tayo without trying… parang sinabi na rin natin sa mga partners natin na… hindi natin talaga sila mahal… na laro lang pala talaga ang lahat…”

Ako kaya? Kaya ko kayang lumaban? I am preaching about a well fought love, pero… ako mismo… naduduwag na lumaban.

“Still… depende pa rin iyon sa tao…” Natawa na lang ako sa sarili ko. “Kung ipaglalaban o isusuko na lang…” Para kasing, hindi ko rin naman tanggap na may susuko sa isang relasyon na tumad ng mayroon kami ni Red… noon…

Can I just get an amnesia, right now?

“Enjoy the night, guys.”

Napailing ako ng todo. What am I suppose to do?

I drove by all the places
We used to hang out getting wasted
I thought about our last kiss
How it felt the way you tasted
And even though your friends tell me
You’re doing fine
Are you somewhere feeling lonely
Even though he’s right beside you?
When he says those words that hurt you
Do you read the ones I wrote you?

Sometimes I start to wonder
Was it just a lie?
If what we had was real
How could you be fine?

Cause I’m not fine at all…


Eli’s POV

Nakapikit lang si Riel habang kumakanta. Dama ko ang bigat na dinadala niya ngayon sa kanyang mga balikat. Hindi ko rin alam kung makagagaan ba sa kalooban niya kung uupakan ko na lang ang mokong na iyon. Kasi para sa akin, oo.

Pero… ayoko nang makakadagdag pa sa mga iniisip niya ngayon. Mahal na mahal ko siya to the extent na kahit ano mang gusto niyang gawin ko, gagawin ko. Kaya heto ako ngayon, dahil sinabi niya… kapatid.

Matapos kong kantahin ang chorus, ay naibaling ko na naman ang atensyon ko sa kanya. Ayokong tingnan ang mukha ni Red ngayon. Baka masira ko ang ritmo ng musika dahil sa gigil na akong upakan siya.

I’ll have him taste my fist after this. ‘Yon lang siguro ang paraan ko, para mailabas ko ang sama ng loob ko sa taong nanakit sa damdamin ng pinakamamahal ko… sa kapatid ko… Tss.

The pictures that you sent me
They’re still living in my phone
I’ll admit I like to see them
I’ll admit I feel alone
And all my friends keep asking
Why I’m not around

It hurts to know you’re happy
Yeah, it hurts that you’ve moved on
It’s hard to hear your name
When I haven’t seen you in so long

It’s like we never happened
Was it just a lie?
If what we had was real
How could you be fine?

Cause I’m not fine at all…

Gusto ko na lang yakapin siya ngayon.


June’s POV

“Ikaw ba talaga si Red? ‘Yong Red na ayaw man lang pahawakan sa iba ang kanyang minamahal? Sorry kung nakikibarge-in ako, kahit bago lang ako rito, pero… kaibigan ko si Riel… nand’on ako n’ong mga oras na walang tigil siyang umiiyak dahil sa’yo.” Sigaw ko.

Sinundan ko kasi si Red dahil lumabas siya ng bar dahil sa kinakanta ni Riel ngayon. He stopped… pero hindi niya pa ako nililingon.

“Kung ikaw nga ‘yon. Pwes, parang mali ata ang pagkakakwento sa akin ni Riel tungkol sa’yo. Mas okay pang si Eli na lang ang mahalin niya, instead of you.”

I’ve waited for a response pero wala akong natanggap. Guess, I’m right. Hindi niya deserve ang mga luhang nasayang ni Riel sa isang taon.

Papaalis na sana ako nang humarap siya sa akin. Kahit galit ako sa kanya, parang nawala iyon dahil sa nakita kong luhaang mukha niya.


Red’s POV

“P-pwede ba kitang makausap?” I can’t control myself anymore.

Ayoko na nitong ginagawa ko sa kanya. Mali kasi ang nangyayaring outcome.

Inalok ko na lang si June na pumunta sa Starbucks para malayo kami sa bar ngayon. Para na rin masabi ko sa kanya ang lahat-lahat. I know mapagkakatiwalan ko siya. Akala ko nga si Eli ang susunod kong makukuha for the plan.

Pero… inis na siya sa akin ngayon. Kita kong pinipigilan niya lang ang sarili niya para kay Riel. I won’t blame him if he will do that. I deserve it naman, kasi sinasaktan ko ang taong importante rin sa buhay niya.

“Ano?! Oh my G, Red! Para sa kasal, kailangan mo pang saktan si Riel? Fudge! Baka hindi ka na niya tanggapin dahil sa ginagawa mo!” Untag ni June.

Sinabi ko na lahat-lahat sa kanya. Pero, sabi ko, magbabago na ata ang plano ngayon.

“Please calm down… baka may makarinig sa’yo e.” Bulong ko sa kanya.

Nagsitinginan na nga rin lahat ng mga customers na naroroon dahil sa biglang pagsisigaw ni June. Umakto na lang siya na parang hindi siya ‘yong pinagtitinginan.

“Lipat nga tayo sa Ministop. May bibilhin lang ako para kay Riel.” Aniya.

Hindi na rin naman ako nakatanggi dahil tumayo na siya agad. Hindi ko pa siya kilala. It just happen na kaibigan siya ni Riel kaya, mapagkakatiwalaan ko siya.

“Bigbang? Blueberry and Cheese?” Tanong ko nang makita ko kung ano ‘yong kinuha niya para bilhin.

“Hmmm. Bakit?” Aniya sabay tango. “Oh! Oo nga pala! Ikaw pala ‘yong Cheesecake niya. Nakakakilig na sana e. Kaso nawala ka naman. Teka lang, babayaran ko na muna ‘to.”

“Isang box na kunin mo. Ako na ang magbabayad.” Pagpigil ko sa kanya.

“Seryoso ka?”

“Hmmm. Kailangan niya ng marami niyan ngayon. Nasaktan ko siya e.”

“S-sige.”

Matapos kong bayaran iyon ay agad kong ibinigay kay June. Mahaba-habang usapan siguro ang mangyayari sa pagitan namin ni June. Hihingi ako ng tulong sa kanya sa paggawa ng panibagong plano.

‘Yong sa kasal. Hahayaan ko na si Mom doon.

Ayoko na nitong unang plano. Kakausapin ko na rin lang sina Dave at Seb tungkol sa pagbabagong mangyayari.

Bumalik kami ni June doon sa bar, pero wala na doon ang banda nina Riel. Inis na rin nga sa akin si Dave kasi kanina niya pa raw ako tinatawagan. Naiwan ko pa naman sa kotse ang cell phone ko.

“So… ano na ang plano? Nag-ienjoy sana akong pagselosin siya e. Kaso nakakaguilty din naman. Lalo na kanina.” Ani Dave.

“What do you mean?” Untag ko kay Dave.

“Hindi na nakayanan ni Riel ang emosyon. He cried… sa harap ng mga tao. Then, niyakap siya ni Eli, tapos nagpaumanhin na lang sila sa mga tao. Naintindihan naman ng mga naririto, kaya ‘yon, umalis na lang ang banda.”

Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko.  Argh! This is all my fault.


Riel’s POV

“Riel. Labas ka na please! Ayaw nila Eli ng luto ko e. Sabi ko sa’yo, pang pastry lang ako.” Sigaw ni June sa labas ng kwarto ko.

Tss. Sino bang niloko niya?

Simula pagkauwi namin kagabi, hindi na ako lumabas ng kwarto. Hindi ko naman pinoproblema ang gutom dahil may mga makakain akong nakaimpak dito.

Ano ako, ulol? Kahit nagdadrama ako, hindi ko naman iniisip na magpakamatay. Hunger strike? Tss. Wala sa vocabulary ko ang magpagutom. Lol!

Hayst! Ano ba ‘tong ginagawa ko!

“Riel! Kahit papasukin mo na lang ako, please?” Sigaw niyang muli.

Sumuko rin siya. Ayoko kasing makausap muna sila Eli tungkol dito.

“Sigurado ka bang ikaw lang ang nandyan?” Tanong ko.

“Oo.”

“Hontou ni?”

“Hontou ni hontou! Papasukin mo na ako. Dali!”

“Demanding! Tss.” Ang dami kong arte, papapasukin ko naman.

Hinila ko na lang siya agad-agad, baka nagnininja moves na naman si Eli. Makapasok din ‘yon dito sa kwarto. Nilagyan ko na nga ng lock sa loob ang kwarto kasi nga may susi siya rito.

“Aray naman! Ang sakit ha!” Bulyaw nito.

Hindi ko siya inintindi kasi agad-agad kong isinara ang pinto tsaka nidouble lock.

“Hay naku! Kung si Eli ang inaalala mo, no worries! Umalis po siya.” Aniya.

Napatingin na lang ako sa kanya. Nakaupo na rin siya sa gilid ng kama ko na may kung anong hawak-hawak.

“Uh huh…”

“Landi neto!” Sabi ko sabay irap sa kanya.

“Mas maarte ka kaya sa akin. Tss.” Sagot naman niya.

“He! Tumahimik ka nga! Sa’n ka pala pumunta kagabi? Pero, hindi naman ako nag-alala, FYI. Malaki ka na naman!”

“Kinausap lang ako ni…” Agad niya na lang itinikom ang bibig.

“Nino?” Tanong ko?

“Ah… e… ni Dino! Yes! Si Dino!” Taranta niyang sagot.

“Sino naman ‘yan?”

“Wag mo nang alamin! Oh!” Aniya sabay abot sa akin ng isang box na nasa plastic ng Ministop.

Binuksan ko naman iyon at syempre, heaven ang nasilayan ko. Lol!

“Thank you, June!”

“Tss! May bayad kaya ‘yan!” Tugon niya.

“Ah… okay… Ibabawas ko na lang sa upa mo.” Akala ko pa naman libre. Tss.

Agad na lang siyang tumawa matapos kong sabihin iyon. Wagas nga e. Gumugulong pa sa kama ko.

“OA naman nito!” Umupo na lang ako sa upuang nasa study table ko.

Nababaliw na ata ‘tong kaibigan ko.

“Crush mo ‘yong Dino, ano?” Tanong ko matapos kong kumagat sa bigbang na blueberry and cheese ang flavor.

I miss you, Cheesecake! Argh! Iniyakan ko ng magdamag pero namimiss ko na agad! Bakit pinairal ko kasi ang pagiging pusong mamon ko kagabi! Hayst! Hindi tuloy namin nakanta ‘yong last song sa set.

Nakita ko na lang na tumigil siya sa pagtawa tsaka umayos ng kanyang pagkakaupo.

“Oo. Pero… hindi ko naman siya kayang abutin e.” Nag-iwas din siya ng tingin sa akin. “Teka! Hindi ‘yon ang pag-uusapan natin dito! Kainis ‘to! Ang galing mangdivert! Tss.”

“Nagtanong lang naman ako. Sinagot mo rin naman.” Tugon ko saka nagkibit-balikat.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain sa aking bigbang. Napag-isipan ko na rin kagabi na kausapin si Red. Hindi ako matatahimik hanggang wala akong nahihita sa isang taon kong pag-iiyak sa kwarto ‘to.

I mean… siguro nga… sila n’ong Dave. Tss. Pangalan pa lang hindi ko na matake! Mas maganda pang pakinggan kesa sa pangalan ko! Argh!

Laking Amerika pa! Argh! Baka ‘di ko kayaning makipag-away d’on! Baka magnose-bleed ako! Chos!

“So… okay ka na ba?” Natigilan tuloy ako sa pagmumuni-muni ko.

May kasama pala ako rito sa kwarto. Tss.

“Hindi ko alam…” Tugon ko. Kumuha na lang ulit ako ng isa pang bigbang. Mauubos ko ata ito ngayon. Anti-depressant ko ‘to e. Lol.

“Pahingi naman ako!”

“Pinababayaran mo sa akin, tapos hihingi ka? 15 pesos isa!” Inilahad ko pa talaga ang kamay ko sa kanya.

“Tss. Binibiro lang naman kita kanina e.”

“Alam ko…”

“Alam mo naman pala e. Pahingi na, dali!”

“Bayad muna. 15 pesos!”

“Grabe ka ha! 10 pesos lang naman ‘yan e!”

Natawa na lang ako sa inaasta niya. Binigyan ko na lang. Idinadivert ko lang talaga ang usapan. Lol!

“Magbibigay din naman pala, pinagdrama pa ako! Siya nga pala. May pinapasabi si Iris. ‘Di ka raw kasi macontact. Nasaan ba cell phone mo?”

Naka-off pala ‘yon simula nang magkulong ako dito sa kwarto. Siguradong mangungulit na naman kasi si Kuya kagabi, kaya inioff ko na lang. Galing ko ‘di ba? Lol!

“Nicontact daw siya ni Ms. Salveda ba ‘yon. Hmmm. Oo! Si Ms. Salveda raw.”

Nakuha na niya ang atensyon ko. Si Ms. Salveda? Bakit kaya? Magpapakasal na ba siya? Kanino kaya? Hmmm.

“Ano raw sabi ni Ms. Salveda?” Tanong ko.

“Hay nako! Tawagan mo na nga lang si Iris! Nahihirapan akong alalahanin lahat ng sinabi niya e!”

“Yan tayo e! Este ikaw lang pala! Tumatanda ka na talaga!”

“Tss. Marami lang akong iniisip. Kausapin mo na lang siya. Magsisimba ako. Ikaw ba?”

“Mamayang hapon, siguro. Sige! Salamat sa bigbang, ha?” Ini-on ko na lang ang cell phone ko. Nang ma-on na iyon ay agad kong tinawagan si Mars.

“Tss. Hindi sa akin galing ‘yon! Kay Red. Sa kanya ka magpasalamat.”

“Hello, Mars! Teka lang! May kaklaruhin lang ako kay June.”

Parang may narinig kasi akong Red sa sinabi niya.

“Anon gang sabi mo, June?” Tanong ko.

“Ah… e… wala, wala! Wala naman akong sinabi e.”

“Meron! Ulitin mo! Kanino galing?”

“Huh? Sa akin? ‘Di ba, sabi ko ako bumili niyan para sa’yo?”

“Hindi e!”

“Ewan ko sa’yo ‘no! Mahuhuli na ako sa sunod na Mass! Bye!”

“June! Pisti!”

Bastos na bata ‘yon! Kinakausap ko pa e! Baka nga nagkamali lang ako sa narinig ko. Tss. Bahala na nga!

“Hello, Mars! Sorry kung pinaghintay kita. Si June kasi, parang may tinatago sa akin. Anyways, ano ‘yong tungkol kay Ms. Salveda? Magpapakasal na ba siya? Sino ang mapapangasawa niya?”

“Okay lang! Nag-enjoy nga ako sa convo niyo ni June e.” Sagot niya saka tumawa.

“Isa ka pa.”

“Hahahahaha! Tinatawagan kita kagabi, hindi naman kita macontact! Alam ko na ang nangyari. Hmmm. About Ms. Salveda, sila na ni Mr. Buenafe.”

“Talaga?!” Gulat na pagkumpirma ko.

“Uh huh!”

“Kailan pa?”

“Kamakailan lang. Hindi ko pa alam ang buong detalye e. Anyways, hindi iyon ang itinawag niya sa akin. Gusto mo bang pumunta ng Palawan?” Aniya.

And memories replayed inside my head.

“Pars! Nariyan ka pa ba?”

“Ah… e… Sorry! May naalala lang ako.”

“I know right! Take note! Doon din sa immersion site natin last year mag-iimmersion ang graduating batch ngayon.” Excited niyang tugon.

Pero hindi naman iyon ang naalala ko. Mahirap talagang kalimutan ang mga masasayang alaala… lalo na’t kasama si Red sa mga ‘yon.

“So… Anong gustong mangyari ni Ms. Salveda? Tsaka may pasok kami niyan.”

“Gusto niyang magfacilitate tayo, since nakapunta na tayo doon. Take note! Free lahat! Yay!” Tugon niya.

“E paano kayo? Paano si Beegee?”

“Iiwan namin kila, Mom. May basbas na rin naman kami. Approved na rin ang leave of absence namin sa school.”

“Ang bilis ha! Like, kailan pa ‘to sinabi sainyo ni Ms. Salveda?”

“N’ong Wednesday lang. Naexcite kami masyado e. Kaya process agad! Tsaka ayaw mo n’on? Makakabalik tayo sa isla?”

Wow! The perks! Hahaha! Sila na!

“Teka, kailan ba? Wala bang School Fest ngayong August sa Arneyo? ‘Di ba dapat ngayong month dapat ‘yon?”

Naalala ko tuloy ‘yong nangyari sa School Fest last year. Argh! Pwedeng mareformat na lang ang utak? As in? I badly need it. Tsk.

“Kay Ms. Salveda ka na lang magtanong. Apply ka na for leave of absence sa Chua, kailangan kasama ka namin, huh? Ang barkada lang naman ang inimbitahan e. Tapos kasama si Jasper kasi, gusto nilang mag-concert ang Fleet doon.”

“Teka? As in?”

“Yup! Later na lang Pars, huh? Magmamass kami ngayon. Ikaw ba?”

“Mamaya siguro. Bakit lahat ata kayo, may lakad ngayon? Sina Eli at Eri wala rin dito. Si June umalis din.”

“Nagkataon lang siguro. Sige, Pars! Later! Bibihisan na namin si Beegee e! Bye!”

“Teka!” Tss. Binabaan na ako. Nagmamadali sila masyado! Kainis! So wala pala akong makakasama man lang mamaya.

Nintext ko sina Yuki at Ate Xynth. Anila, may gagawin din daw sila, at alam na rin nila ang mangyayaring immersion. Gan’on na ba ako kapre-occupied ng tungkol kay Red, na halos hindi na ako nakakasabay sa ginagawa ng mga kaibigan ko?

Ang pamilya Chua na lang nga ang gagambalain ko.


Red’s POV

“Okay, guys! That’s our plan. Salamat sa pagpunta.” Masaya ako dahil umayon sila sa panibagong planong nabuo namin. Salamat din kay June.

“Masakit pa ba?” Tanong sa akin ni Eli.

“Yeah. Pero, okay lang. May kasalanan din naman ako.”

“Buti nga’t nag-iba ka na nang plano. Kung hindi sana’y hindi lang ‘yan aabutin mo sa akin. Matagal na akong nagtitimpi e. Kulang pa nga ‘yan.”

“Oo nga e. Mabuti na lang at natauhan na ako.” Nakatanggap din naman ako ng suntok kay Brett. Pero, buti na lang naghilom na ‘yong pasa. Ngayon, may panibago na naman, pero hindi ako nagrereklamo.

“Red!” Tawag sa akin ni Eri.

Nalipat naman ang atensyon namin ni Eli sa kanya. Napailing na lang sa kanya ang kapatid. Si Eri nama’y nagsasign of peace sa kakambal.

“Tsk. Tsk. Tsk. Kaya pala, huh? Kung hindi kalang babae at hindi kita kapatid, may ganyan ka rin siguro sa akin.” Ani Eli sa kakambal.

“Eli naman! ‘Di ba mahal mo naman ang maganda mong kakambal?”

Kinutusan na lang ni Eli ang noo ni Eris aka umalis.

“I love you too, twin bro! Ang sakit n’on ha!”

“Sorry for that.” Natatawa kong pakikiramay sa kanya.

“Tss. Nalocate ko na ang mahal mo. Nasa SM daw siya ngayon. Sa WOF.”

“Thank you, Eri!”

Agad na lang akong umalis doon sa bahay. Si Lance na lang siguro gagamitin ko ngayon. Wala naman akong intensyong magpakita sa kanya e. Gusto ko lang siyang sundan ngayon.

Just like the old times. Stalker mode, on! Lol!

Mabilis ko lang pinaharurot ang motor ko papuntang SM. Namiss ko ‘to. Buti na lang inaalagaan ng mga driver namin dito sa bahay. Hindi na ako mag-aabalang magpaalam pa. and’on naman si Eri para magpaliwanag.

Gaya nga ng sabi sa akin ni Eri, agad akong tumungo sa WOF kung nasaan ngayon si Riel. Nakita kong naglalaro siya ngayon sa may basketball ring. Ang dami na nga niyang tickets e.

Ano kaya ang balak niyang ipagpalit doon? Halos 30 minutes na rin akong nagmamasid-masid sa kanya doon nang makita kong pumunta na siya sa counter kung saan ipinagpapalit ang mga nakuhang tickets.

Itinuro niya doon ang dalawang bear na parang isang item lang ang exchange sa mga ticket. Kulay asul iyong isa, at dilaw naman ang pangalawa. And then I realized na, blue and yellow. Blueberry and Cheesecake.

Pero hindi niya iyon nakuha. Kaya nanghihinayang siyang umalis na lang doon sa WOF. Gusto kong makuha iyon para sa kanya. Pero, kailangan ko siyang sundan. Argh!

“Miss, ilan ba palit para doon sa blue tsaka yellow na bear?” Tanong ko doon sa bantay ng exchange counter.

“750 tickets po, Sir. Ipapagpapalit niyo po ba?” Tugon naman nito sa akin.

“Ilan ba ang kulang n’ong magpapapalit sana kanina? ‘Yong ngayon-ngayon lang.” Tanong ko ulit.

Kasi kung iipunin ko ang 750 tickets na iyon ngayon, baka kung anong oras na ako abutin n’on. Tss.

“250 po. Naawa nga ako sa kanya. Pero, ‘yon po ang policy e.”

“Wag mong ibibigay sa iba, ha? Kukunin niya ‘yan mamaya.”  Tanging tango lang ang naisagot nito sa akin.

Maybe she’s wondering why? Hahaha! Sabi ko nga, walang pakialam ang mga tao sa relasyon namin ni Riel. Sana lahat ng mga nagmamahalan maging opposite or same man ‘yan, dapat wala silang ikinakatakot.

‘Yan ang natutunan ko sa Amerika. Balak ko nga sanang dalhin sa Amerika si Riel. Kasi, kahit papano’y tanggap ang mga tulad namin doon.

Bumili na lang ako ng 50 pieces ng token tsaka pumwesto sa basketball ring na bakante roon. Sana, sapat na ‘to para sa 250 na tickets. Gagalingan ko na lang. Hindi man ‘to ang sports na inclined ako, marunong naman ako.

Itatanong ko na lang ulit kay Eri kung nasaan na si Riel pagkatapos ko rito.

Sa awa ng Diyos ay umabot ng 283 ang nakuha kong tickets. Mahigit isang oras din akong naglaro roon. Sana andito pa rin siya kung sakali.

Nang sumagot si Eri sa pagpapahanap ko sa kanya kay Riel ay wagas akong napangiti. He’s still here. Nasa Astroplus daw.

Nagbilin na lang ako roon sa babae na ‘wag niyang ibibigay sa iba ‘yong item. Matapos kong gawin ‘yon ay agad akong pumanhik pababa para i-stalk ulit siya.

Who’d have thought that I’d be here by myself?
Who’d have thought that you’d be bad for my health?
Now I know, now I know I’m just a man on a wire
Who’d have thought about the cause and effect?
Yesterday’s love is not tomorrow’s regret
Now I know, now I know I’m just a man on a wire

No I can’t look down
I’m trying to fight the feeling
I will fall to the ground
If I ever see you
‘Cause I

Feel like I’m walkin’ on a tightrope
My heart is in my throat
I’m counting on high hopes to get me over you
And I’ve got my eyes closed
As long as the wind blows
I’m counting on high hopes to get me over you, you

‘Cause I’m a man on a wire, on a wire
I’m a man on a wire, on a wire

Bumagal ang paglalakad ko mula sa concretong hagdan na napili kong daanan pababa ng first floor. Ayan na naman kasi siya sa mga emotional na kanta. ‘Yon pa talagang may mga tama. Natatamaan ako e. Argh!

Mabuti na lang at abala siya sa pagkanta sa loob ng Astroplus. May hawak-hawak din siyang CD na sa palagay ko’y ang album ng The Script na No Sound Without Silence. Nakumpirma ko naman iyon dahil sa cover n’on.

I have one, too!

Tsaka isa rin kasi sa mga kanta na naroroon ang kinakanta niya ngayon.

Pumwesto na lang ako sa may Rafabels para makita ko siya nang malapitan. Umorder na rin lang ako ng Caramel Macchiato tsaka Blueberry Cheesecake. Naisipan ko rin siyang bigyan.

Who’d have thought I’d see you with someone else?
Who’d have thought that I’d be in such a mess?
Now I know, now I know I’m just a man on a wire


Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko dahil sa sunod niyang sinambit. Mali nga talagang pagselosin ko siya, para malamang ako pa rin ang minamahal niya. I’ve always known that, he’s a one man, man. Pero, nagpakagago ako.

Ngayon ko lang narealize na sino ako para i-test siya?

Gago! Gago!

“Pabalot naman ng dalawang pirasong Blueberry Cheesecake, please.” Tugon ko sa counter.

But I walk that line
I try to keep my senses
Make it to the other side
I know the consequences
And I

Feel like I’m walkin’ on a tightrope
My heart is in my throat
I’m counting on high hopes to get me over you
And I’ve got my eyes closed
As long as the wind blows
I’m counting on high hopes to get me over you, you

‘Cause I’m a man on a wire, on a wire
I’m a man on a wire, on a wire
‘Cause I’m a man on a wire, on a wire
‘Cause I’m a man on a wire, on a wire

I’m really sorry my love, for trying to attest your love for me. Hindi ko na pala ‘yon dapat gawin kasi ipinangako mo na ang puso mo sa akin.

Love is not about the proof. Dapat ‘yong nararamdaman ninyo sa bawat isa ang ang importante. ‘Yon lang, masasabi na nating mahal talaga tayo ng minamahal natin, at syempre, gan’on din tayo sa kanila.

The higher it gets oh
The more I miss the ground
No safety nets oh
Now you’re not around
I have to keep walking
To keep me from falling down

Kung wala naman talagang feelings, hinding-hindi gagana ang isang relasyon. Sa isang buwan na pinagsamahan namin noong nakaraang taon, masasabing kong, sapat na ‘yon, para mapatunayan ako lang ang minamahal niya.

How could I forget that? Stupid jerk! Tama nga si Dave. Gwapo nga, matalino nga. Mahina naman ang pick-up. Bakaero!

“Miss. Pwedeng favor?”

“Ano po iyon, Sir?” Tugon naman sa akin n’ong waitress.

“Pwedeng pakibigay doon sa kumakanta itong Cheesecake saka itong mga ticket.” Inilagay ko na lang ‘yong mga ticket sa loob ng paperbag kung saan nakalagay ‘yong initake-out kong Cheesecake para sa kanya.

“Okay po, Sir. Ano pong sasabihin ko kung magtanong siya kung kanino galing?”

“Pakisabi na lang na galing sa stalker niya. Salamat.”

“O-okay po.” Nagtataka ma’y ginawa naman n’ong babae ang ipinakiusap ko. Lumipat na lang ako ng pwesto para hindi niya ako makita kung sakaling maghanap siya.

Nakita kong gulat siya. Hindi nga ako nagkamaling maghahanap siya. Pero parang nasabihan naman siya noong babae na umalis na ako.

Hindi na niya natapos ang kanta dahil sa paghahanap sa nagbigay sa kanya ng Cheesecake at tickets.


Riel’s POV

Nakaupo ako ngayon dito sa may food court. Ginutom kasi ako sa paggala ko ngayon dito sa mall. Hayst!

Hinaplos ko na lang ang dalawang teddy bear na dahil sa isang ‘stalker’ ay nakuha ko. May bonus pang Cheesecake. Kinakain ko na rin iyon.

“Sayang! Hindi ko pa nakakausap ang tatay niyo, blueberry, cheesecake. Kainis kasi siya e! Naaksidente lang naman kami, kailangan pa niyang lumayo sa akin. Hindi ko siya maintindihan! Bumalik nga, nagdala naman ng kabit! Tangina! Ang sakit!”

Buti na lang andito ako ngayon sa sulok. Sa tingin ko naman ay walang makakapansin sa akin dito. Kukonti na rin lang naman ang mga kumakain.

Hindi ko na napigilang umiyak e. Pinipigilan ko lang na humagulhol. Ayoko na nitong nararamdaman ko. Please… kailangan ko nang makakapitan ngayon.



Itutuloy…

13 comments:

  1. Why would red question the love of reil? Its obvious naman na mahal nila ang isat-isa. Author pagbogtan mo na si eli na maging boyfriend niya si reil. Nakikita naman yong effort na kat reil.

    ReplyDelete
  2. Ang bilis ng update. Sana laging ganire. Hahaha. :)

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  3. Ganda ng pasok ng unang araw ng new year,.
    Bilis ng update,.sana laging ganito,.

    Isa ako sa mga silent reader's.
    Ganda po ng tlga story kaso na bibitin ako sa sobrang tagal ng update.,
    Any way salamat po sa update,
    Kahit dito man lang sa blog na ito
    Maging okay ako..hehehe

    Breaille lance

    ReplyDelete
  4. Bakit naman kasi ginawang complicated and simpleng relationship kng magkasakitan lang? Tsk tsk tsk. Salamat sa update Mr Rye. Take care.

    ReplyDelete
  5. Nasurpresa ako sir sa update ha!! Nasurpresa din ako sa pagkabitin.. Di ko namalayan tapos na agad ako magbasa.. Hmmfft hahaha -dave
    P.s kinilig ako dun sa isang line na I mean… siguro nga… sila n’ong Dave. Tss. Pangalan pa lang hindi ko na matake! Mas maganda pang pakinggan kesa sa pangalan ko! Argh! omg ikaw pa lang nagsabi na maganda name ko hahaha

    ReplyDelete
  6. Kuya riel tapes in mo na ung paghihirap ni riel pls......gusto ko n siyang sumaya 2015 Naman na eh hehehehehe.......

    Jharz05

    ReplyDelete
  7. For others it might be boring but for me its nice. I love it. Hahaha
    Siguro yun din ang common mistake natin minsan ang itanong kung sino o ano ba tau pra sa iba, na kailangan patunayan pa but love can never be go that way love is something to be felt knowing within us thats its true and pure and if time comes na wala move forward its how we enjoy every moment having that person beside us and if its eternal kau pa din hanggang sa dulo loce will find its own way to find its keeper..

    ReplyDelete
  8. Sana gumanti din si Riel na sya naman may kahalikan na 'Babe' na ipakita nya kay Red. See whats his reaction. Hahaha. Sweet revenge

    ReplyDelete
  9. Riel doesn't deserves that idiot Red. Kung gusto mong icontinue ang relationship nyo, pahirapan mo sya. Ang pag ibig hinde nakukuha sa materyal na bagay. Huwag kang padala sa pagbigay bigay nya ng mga cheesecakes at Teddy bears. LOL. Kung totoo ito maghanap ka na lang. Nandyan si Eli

    ReplyDelete
  10. Riel huwag mong daanin sa paiyak iyak mas worse kapa sa babae, Do something!! Saktan mo din sya!! Pagselosan mo sya. Halikan mo si Eri sa harapan nya. Puro kadramahan.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails