Athr'sNote-
Okay, 2nd chapter.
Medyo OA 'to.. tiis tiis muna guys :)) hehe
I-excuse niyo na rin na muna yung english part.. sorry sa wrong grammars na mae-encounter niyo. Whahaha
--
Point Of View
- K o b e -
"Si Christian nga."
Ang naisaisip ko.
Habang nagsasalita si mam at pinakikilala ang dalawa, pareho lang kaming nakatingin ni Christian sa isa't-isa.
"Ikaw nga.." pagbulong ko pa.
Ngayon ay nakaupo na ako, aaminin ko.. naiinis ako.
Oo masaya ako dahil nandito siya, na umaasa ako na nandito siya para sa'kin.
Pero naiinis ako, bestfriend? S-silang dalawa?
Akala ko kami lang, nagpramis siya.. pero hindi niya ito pinanindigan.
May parte sa akin na natutuwa dahil nakita ko siya, pero may parte rin na naiinis na nagtatampo.. pinagpalit niya yung makulit niyang bestfriend dati sa mayabang na yan.
Gusto ko siyang kamustahin at yakapin, magbestfriend kami niyan eh. Pero hindi na lang, hindi na talaga.
"Ikaw na uy..."
Kita kong napatingin naman siya sa nagsalita, yung 'bestfriend niya.. 'daw.
"Ahhm.... I am Christian David, 15 years old."
Sabi lang niya at pagharap kay mam Ordesa.
"And magbestfriend kayo ni Jaydon right?" tanong ni mam.
Hinintay kong sumagot si Christian. Parang nag-iisip pa ito.
"Opo mam." biglang pagsabat naman nung Jaydon, kita kong tumango naman si Christian.
Dahil sa inis ay bumaling na lang ako sa bintana. Ge, sila na ang magbestfriend.
"Kobe, kahit nagbibiro yung matangkad.. halata parin yung pagkamayabang noh?"
Bulong sa akin ni Dennis, hindi ko na pinansin. Wala akong pakialam.
Ewan pero nawalan talaga ako ng gana.
"Akala ko pa naman dahil sakin kaya ka nandito.." pagbulong ko pa habang sa labas ng bintana ang atensyon.
-----
Point Of View
- C h r i s t i a n -
Nagpapakilala na kami isa-isa, lagi naman kapag 1st day.
Si Kobe, tsk.. mukhang hindi niya ata nagustuhan na nandito ako. Parang ayaw niya akong makita, pero yung tingin niya kanina parang may kung ano eh.. ewan na lang.
"Katulad nga ng sinabi ko kanina, ako si Jaydon Feliciano.. 16 na'ko, basketball player."
Napatingin naman ako kay Jaydon, nakakapanibago siya ngayon ah?
"Wuy.. parang nag-iba ata tono mo?" agad na pagbulong ko pagka-upo niya.
"Yun ako. Hindi lang halata." pagngiti niya.
"Sabagay, pang badboy talaga dating mo eh.. itsura palang." balik ko at pagtango-tango pa.
Ilan pa ang nagpakilala, nakaka-inip na. Hinihintay kong magsalita si Kobe eh, malaki kaya pinagbago ng boses niya?
"Az Ticsay, 15.. fresh."
Napatingin naman ako sa may bandang likod, nahawa na ako sa tawanan.
Fresh daw? Haha. Tapos yung pilido niya ang astig pa. Ticsay :)
"Dennis de Vera.. 15, taken.. hindi na'po fresh."
At isa nanamang malakas na tawanan ang nangibabaw dahil sa sunod na nagpakilala, mukhang magkaibigan.
"Kobe Hernandez, 15."
Tila nawala naman ang ingay dahil sa pagpapakilala ng isa, si Kobe na nga.
Ba't parang wala talaga siyang gana? First day? Diba dapat excited?
Nung nagbabasketball siya, halata sa mga mata niya na masaya siya at nag-eenjoy talaga.
Pero nung nagkatitigan kami kanina, parang ang laki ng pinagbago nung mga matang nakita ko kagabi mula sakanya.
"Sa mga hindi papala nakakakilala sa tatlong nasa likod.. si Az, si Dennis at si Kobe, varsity player sila ng school natin, larangan ng basketball."
Tonong pagmamalaki naman ni mam Ordesa, sunod nito'y bulungan.
Yung si Az pati si Dennis ay makikita mo na proud sila, na medyo parang nagmamayabang pero si Kobe, wala lang ang reaksyon.. deadma.
Paano ko kaya siya lalapitan? Natatakot na kinakabahan kasi ako eh, hindi ko alam kung siya parin yung dati.
"Okay ngayong tapos na magpakilala, ako naman.. para sa mga hindi pa ako kilala.
Ako si mam Bernadette Ordesa, 9 years na sa school natin.. isa sa mga humahawak ng sports club.
And as you can see, mabait ako.. palangiti, tsaka game sa pakikipag-ingayan kasama ang klase. Ganun ako eh, pero pagdating naman sa grades, kung nag-aaral ka ng maayos, edi maayos din grade mo."
"Patay."
Abala ako sa pakikinig kay mam nang marinig ang mahinang sinabi ni Jaydon na katabi ko.
"Anong patay?" natatawang sabi ko.
"Mahina ako sa klase eh, tsktsk." nahihiyang pagbulong pa niya.
Natawa naman ako, minsan mayabang ang dating, minsan makulit tapos ngayon ay heto at nahihiya.. dahil daw sa mahina siya sa klase.
"Anong nakakatawa?" kunot kagad niya.
"Wala wala.. makinig ka nalang." pagpigil ko sa pagtawa at paghawi pa sa mukha niya, paharap kay mam.
Aba, malambot ang pisngi niya. Haha.
"Sa klase may groupings lage, by group ang pagbigay ko ng grade.. alam ng iba yun, diba Az? Dennis? Kobe?"
Muli, napalingon ako sa pwesto ni Kobe. Naka- salumbaba lang siya, sa labas lang ang tingin.. sa bintana.. halatang hindi interesado.
"Mam pagpasensyahan niyo napo si Kobe, sinumpong po bigla." sabi nung katabi niya, yung Dennis ata yun.
Ahh.. magkakaibigan yung tatlo. Haha, ang slow ko naman.
"Moooody talaga yang tisoy niyo. Anyway, dahil 1st day natin ngayon.. wala tayong gagawin kundi ang magkwentuhan at maglaro ng kung anu-ano."
Rinig ko naman na tuwang-tuwa mga kaklase ko. So 7am to 12nn ang klase namin ngayon at si mam Ordesa ang magdamag naming makakasama.
"Tatawag ako isa-isa, tapos magtatanong.. honest dapat ang mga magiging sagot. Ang magsisinungaling, madadapa mamayang uwian."
Na nga ba eh.. puro ganito talaga nangyayari sa first day.
"Syempre uunahin ko na yung kanina pa pinagbubulungan ng mga babae dito, yung tatlong unggoy sa likod.
Az, tayo."
Agad naman akong napalingon sa pwesto nila, si Kobe ganun parin.. mukhang walang gana.
Kita kong tumayo naman si Az, nakangiti, nagpapacute pa ata.. haha.
"Mukhang maraming gustong magtanong sakanya eh, kaya ako na lang magtatanong para sakanila.
Anong height mo?"
"5'8 po."
"Sa tangkad mong yan, paano ka nagkasya sa puso ng mga babaeng nagbubulung-bulungan ngayon?"
Pagkatapos ng tanong ni mam ay kasunod naman nun ay hiyawan, ang daming kinikilig.
Mga kabataan nga naman, haha.
"Sa mga hindi papala nakakakilala kay Az, siya yung representative ng school natin last year sa naganap na Essay Contest, regional. 3rd place, ayos na diba?"
Oh talaga? Matalino pala siya kung ganun? Hindi halata eh. Mukhang puro yabang kasi, haha.
"Ah oo, may naisip nako. 44 kayong lahat dito, gusto ko maging 2 groups kayo, group 1 dito sa leftside then group 2 right side.
....
"Yan, since isa rin ako sa humahawak ng Debate Club.. debate ang magaganap ngayon."
Kita kong may mga na-excite, nadismaya.
Siguro yung iba akala nila ay laro ang gagawin namin.
"Don't worry, hindi sakin manggagaling ang pagdedebatihan niyo. Bigayan lang ng tanong ang bawat grupo, yun na yun."
"Nako, hindi ako sasali.. wala akong alam diyan." bulong ni Jaydon.
"Masyado mo namang minamaliit sarili mo, eh ang tangkad tangkad mo." pagbulong ko rin.
"Gwapo lang ako, hindi ako matalino." natatawang sabi niya, natawa narin lang ako.
"Group 1, anong gusto niyong simulang itanong sa group 2." rinig kong sabi ni mam.
Group 1 nga pala kami, sila Kobe nasa group 2.
"Open sakin ang bangayan guys.. basta kung ano ang isasagot niyo, siguraduhin niyong paninindigan niyo hanggang huli." pahabol pa ni mam.
Kita ko na may nagtaas kagad ng kamay mula sa group 2, pinatayo siya kagad ni man.
"Since, we're highschool students.. I mean teens, my question would be related about teenagers."
Napa-O.O naman ako nang marinig magsalita yung nagtaas ng kamay.
Kung titignan, simple lang siya.. hindi kagandahan sa totoo lang pero .. O.O talaga.
Ang galing mag-english ah.
"Okay, go ahead." mula sa grupo namin.
Mukhang wala pa man umiinit na ang pagitan, ganito pala dito.
Tinignan ko si mam, nakangiti lang siya.. yung bang ngiting sigurado o parang may hinihintay.
"Forever.
Group 1, for you guys.. what is Forever? Or does it.. exist?"
Tanong nung representative nila, nakita ko na natawa yung mga kagroup ko.
"Yan ba talaga tanong mo? Pang facebook lang ang trip?"
"Ano ba yan.."
"Siguro brokenhearted yan."
"Grabe naman, ang daming pwedeng itanong.. yung pang bitter pa."
Bulungan nila, muli kong tinignan si mam. Nakangiti lang siya, parang pangisi na ang dating.
"Why don't you guys just answer my question? Yah it's weird but.. I just did what mom said a while ago.. we're free to ask anything." sabi nung representative namin, ayaw magpatalo ang dating at tono niya.
"Well, since it's been asked by a weird person.. lemme just answer it then."
Pagtayo nung isang babae mula sa group namin.
Ang tatapang naman ng nasa grupo ako.
"For me, forever is nothing. If it does exist? No it's not. For me it's not. It's just a word, word from the couples.. or the what we call.. 'bitters." may diin na sabi.
I agree, definitely.
Napuno naman ng bulung-bulungan matapos sumagot ng babaeng mula sa group mamin, naupo siya na may nagmamalaking ngiti at tingin.
"Haha ayun, bitter. Bitter mula sa group 1." sabi nung isa sa group 2 at nagsitawanan na nga sila. "Diba Cath pangalan niyan? Cath bitter.." pahabol pa ng isa.
Nagtataka ako kung bakit hindi umaawat si mam, nakangiti lang siya at nakatingin sa grupo namin.
"Makabulong sila kanina, sinasabi nila na mga bitter daw yung nasa atin.. eh yung kagrupo pala nila yung bitter." sabi pa nung isa tsaka sila nagsitawanan. "Oo nga, wala daw forever? Bitter kasi siya.."
Kakaiba talaga mga kabataan ngayon, gusto puro away.. puro lamangan.
At sunud-sunod pa nga ang pang-iinsulto nila, teka teka.. kailangan kong ipagtanggol yung kagroup ko.
Pero pano?
Saglit akong nag-isip..
(
flashback
Point Of View
- Third Person's -
"Kuya bakit po ba nagagalit si Tenten sa atin?"
Tanong ng bata sa kanyang kuya. Si Chan, gusto talaga nitong malaman ang dahilan ng kaibigan.
"Hindi ko pa masabi sa'yo eh, kahit kasi ako naiinis ako sa sarili ko."
Malungkot na pagsagot ng kuya niya, pilit na nakangiti.. kahit na sa kaloob-looban nito'y umiiyak siya.
Napasimangot naman ang bata, si Chan.
"Nakakainis po si Tenten, nagagalit po bigla. Ayaw ko na po sakanya, hindi na po kami bestfriend." sabi pa nito, naiinis.. may diin.
"Chan mali yan." agad na sabi ng kuya niya.
"Kahit na ganyan si Tenten sa'yo.. hindi ka dapat magalit sakanya. Christian, tandaan mo ang sasabihin ni kuya ah?
Hindi nagbabago ang isang tao ng walang rason o dahilan.
Minsan hindi natin alam ang pinagdadaanan ng isang tao kaya hindi tama na basta-basta nalang natin silang bibitawan o huhusgahan.
Nakuha mo ba yun? Christian?"
Hindi man ito gaanong naintindihan ng bata, nguni't ito'y paniguradong tatatak sakanyang isipan.
end
)
Ng walang rason o dahilan? Hindi tama na basta-bastang manghuhusga? Bibitawan?
Oo tama, tama.
"Excuse me."
Ang agad na sabi ko pagkatayo ko.
Kita ko naman na napatahimik ang mga kaklase ko.
Kahit na mainis rin sila sakin, ayos lang. Dapat ipagtanggol ko kagroup ko eh.
"Tama mo ba narinig ko? Hindi dapat pinagtutuunan ang mga taong nagsasabing walang forever? O mga taong masyadong payak pagdating sa kabaduyan?"
Tanong ko, pag-uulit ko narin sa mga narinig ko.
Saglit kong tinignan si mam, nakangiti lang siya.
"Oo kuya Christian eh, yung ka-group mo kasi masyadong baduy. Ay hindi, samin pala nanggaling ang tanong.. ang ibig kong sabihin ay masyadong bitter." natatawang sabi ng isang babae.
Ngumiti lang ako, bawat isa sakanila'y binigyan ko ng segundong tingin.
"Guys, remember..." paninimula ko, nagsitingin naman sila sa akin.
"We can't blame her.." paglingon ko sa babae na sumagot kanina sa tanong nila.
"We can't blame people.." sabi ko pa at pagharap na ulit sakanilang lahat.
"We can't blame people saying that there's no forever. Just like ate Cath, maybe she have had experienced something hurtful.. or something bad from what she's expecting from the what we call 'forever.. so we aren't actually allowed to give some unusual comments againsts her answer.
Because you know what guys?People nowadays explains a word not based on their knowledge, but based on their experience.
Like me, I had experienced something before that can be reasonable for me to say that the word 'forever holds curse."
Mahabang sabi ko, kita ko yung iba't-ibang reaksyon.
Kahit hindi ko tinitignan ng deretso si Kobe, alam kong nakatingin siya ngayon sa akin.
Naisip ko na magtagalog, para mas may impact.. para sa isang tao 'tong huling sasabihin ko.
"Someone I used to know, ay mali.. bestfriend ko nga pala.. dati, daw.
Sabi niya, bestfriend kami hanggang sa huli, hanggang sa katapusan.
Pero wala eh, iniwan niya ako.. bestfriend daw? Eh umalis siya eh.
Kaya guys, hwag nating pagtawanan yung mga taong OA, umiiyak, nagdadrama o kung ano man.. may iba-iba tayong pakiramdam, karanasan.. iba-iba.
Again, people nowadays explains a word.. or act, based on their experiences.. but not based from their knowledge."
Pagtatapos ko at agad na pag-upo.
Ba't naiiyak ako?
Argh nakakahiya, agad akong tumingala at pasimpleng pinunasan yung namuong luha sa mata ko.
"Yan eh, pakahugot-hugot mo naman kasi.. nadala ka tuloy." rinig kong sabi ni Jaydon, tumawa na lang ako.
"Wala 'to." sabi ko pa.
-----
8pm
"Opo tita, papaload lang ako."
Pagpapalusot ko. Gusto ko lang lumabas, muni-muni, maglakad-lakad.
Alas-otso na ng gabi. Sobrang lamig ngayon. Naka- sweatshirt na nga ako pero malamig talaga eh.
"Saan kaya ako pupunta?" ang nasabi ko habang nakatingin sa magkabilang daan.
Bahala na..
-----
Point Of View
- K o b e -
"Ako pa talaga ang nang-iwan?"
Muli, ang naitanong ko.
Kanina pa ako dito sa basketball court, aaminin ko.. umiiyak ako.
Maraming nakakakilala sa akin dito, kaya naman ibinalot ko yung sarili ko sa jacket ko, ipinatong ko ito sa may ulunan ko, bale paa ko lang ang hinayaan kong makita ng mga tao.
Pero masyadong madilim ngayon dito sa court, wala kasing laro kaya naman patay ang mga ilaw.
Isang oras narin akong nagdadrama dito, umiiyak.
Naaalala kong sabi kanina ni Christian.
Someone he used to know? Bestfriend dati?
Nagbagao naba siya?
Ako daw ang nang-iwan.
Gusto ko lang naman na pigilan o sundan niya ako eh, pero wala. Iniwan niya ako habang nag-iimpake ako, kaya talagang umalis na nga ako ng tuluyan.
Buti pa si kuya Seven, ilang beses akong pinuntahan dito. Pero si Christian, hindi man.. kahit isang beses.
"Umiiyak kaba?"
Wala sa sarili akong napatigil nang may nagsalita, hindi ako maaring magkamali.. boses ni Christian yun.
Alam niyang ako? Nakilala niya? P-paano siya napunta dito?
"Oh ba't tumigil ka? Iiyak mo lang yan, dapat ilabas mo." rinig kong sabi pa niya.
Hindi ko magawang kumibo, h-hindi ko kasi alam kung paano magrereact eh, o yung tama at dapat kong reaksyon.
"Alam mo sabi ni kuya ko, kapag naiiyak ka daw.. dapat umiyak ka lang, dapat ilabas mo lang. Para daw sa susunod na umiyak ka.. hindi na ganun kasakit yung impact ng rason ng pag-iyak mo."
Sa tono palang niya, sa boses.. alam kong nanggaling nga siya sa pag-iyak.
"Ba't ka nga pala umiiyak? Brokenhearted ba? Family problem?" rinig kong sabi pa niya.
At sa napagdesisyon ko na nga siyang kausapin, alam narin niyang ako 'to eh.
Aalisin ko na sana yung jacket sa may ulunan ko at magsasalita na sana ako nang..
"Alam mo minsan masarap umiyak. Lalo na kapag nasasaktan kana, yung bang gusto mong iparamdam o ipakita sa taong iniiyakan mo na nagpapakababad ka sa pag-iyak dahil sakanya.
Kaso wala eh, malayo siya nung mga panahong umiiyak ako. Kaya hindi man lang niya nakita kung gaano ako umiyak nun.
Bestfriends kami dati, sanggang dikit, hindi mapaghiwalay, laging magkasama.. magkatabing natutulog, puro laro ang inaatupag.
Ganun kami dati eh, ang kaso ngayon hindi na. Iniwan niya ako eh, bestfriends daw.. mang-iiwan naman pala."
Hindi ko alam pero muli akong napaiyak, siya nga talaga si Christian, si Chan.
Iniwan ko ba talaga siya? Gusto ko lang naman na pigilan o habulin niya ako eh, para sa kahit ganoong paraan.. maramdaman ko na hindi ako nag-iisa.
"Pasensya na sa kadramahan ko.. naiiyak nanaman tuloy ako."
Gusto ko na siyang yakapin, umiiyak siya dahil sakin. Pero hindi ako makakuha ng lakas na loob na gawin yun, ako pala kasi yung mali eh, ako pala talaga yung nangalimot. Kasalanan ko pala.
"Kaya ikaw, iiyak mo lang yan.. hwag kanang mahiya. Ang tunay na gwapo.. umiiyak."
Sa tono palang niya, alam kong natawa siya sa huling sinabi niya. Si Christian nga talaga ito.
P-pero, may bestfriend na siya eh. Yung mayabang na Jaydon, yung mukhang paa.
"Katulad nga ng sinabi ko, sabi ni kuya ko iyak lang daw tayo kapag hindi na natin kaya.. para daw sa susunod na iiyak tayo, hindi na ganoon kasakit o kalakas ang impact."
Sabi pa niya.
Kung sanang hindi ako umalis, edi sana ayos pa kami ngayon. Walang iyakan.
"Osiya, mauna na ako.. iiyak mo lang yan, hwag kanang mahiya."
At sa naramdaman ko na lang na may tumapik sa akin, at narinig ko yung hakbang niya paalis.
Ilang saglit akong hindi nakagalaw, nag-iisip.. iniisip siya.
Dapat magkaayos na kame. Dapat bumalik na kami sa dati.
Agad kong inalis yung jacket at tumayo para sundan siya.
Hanggang sa nakalapit nga ako sakanya, hahawakan ko na lang sana yung braso niya para maiharap siya sa akin nang..
"Hello Jaydon?.. Oh talaga? Naglilibot din ako eh, malapit ka lang dito sa court diba?... Sige kita tayo.. ge ge.."
Sa narinig ako. Agad na lang akong napaatras.
May bestfriend na nga pala siya, at heto at magkikita sila.
Parang magbestfriends nga talaga sila.
Diba sa dalawang tunay na magbestfriend, kapag malungkot si bestfriend1.. at kapag narinig ni bestfriend1 yung boses ni bestfriend2 ay nawawala yung lungkot o ano mang sakit na nararamdaman niya.. kasi nga alam niyang hindi siya nag-iisa at may karamay siya. Ganun yun diba?
Parang sa parte ko, sobrang sakit. Alam niyo yung pakiramdam ng 'napag-iiwanan' ? Yan yung parang nararamdaman ko ngayon, na gusto ko na ako yung kasama niya, na ako yung nagpapangiti sakanya.
Pero wala eh. Ganyan talaga.
Tumalikod ako, ayaw kong makita siyang naglalakad paalis. Aalis na ang dahilan ay yung bestfriend niya.. na sana'y ako.
Nagpalipas ako ng ilang segundo, hanggang sa humarap na nga ako, wala na siya.. umalis na nga.
Napatingin ako sa dala kong bola, dito ko na lang idadaan.. kahit na iba-iba ang nararamdaman ko ngayon, kahit na medyo mabigat ang pakiramdam ko.. idadaan ko na lang dito, sa basketball.
Kahit mapagod ako..
------
Point Of View
- J a y d o n -
"Ang tagal mo. Inantok na'ko kakahintay."
Pabirong sabi ko nang makalapit na sa akin si Christian.
Akalain mo nga naman at magkakaroon na kaagad ako ng isang kaibigan rito.. maliban sa mga pinsan ko.
Iwas ako sa tao, sa totoo lang. Nadala na ako eh.
Pero etong isang 'to.. ewan pero napalapit na ata talaga ako sakanya eh. Ang liit niya kasi, haha.
"Pasensya na, nahirapan ako sa paghahanap eh.. pero.."
Sabi niya habang inililibot ang tingin, ang sarap tignan nung mga mata niya.. halatang namamangha ito sa nakikita.
"Seaside." simpleng sabi ko at inilibot ko narin ang aking paningin sa napakalawak na kaharian ng tubig. (exagge xD)
"Ang ganda.." rinig kong manghang sabi pa niya.
"Parang ako lang yan." sabi ko at pag-akbay sakanya.
"Parang ikaw?"
Medyo pagtingala niya paharap sa akin, tumango lang ako.
"Alam mo, ako yung tipong hindi malapitan.. yung bang hanggang tingin lang sila sa akin at patagong tumatangi.
Hindi nila alam kung ligtas o ayos ba na lumapit. At kung susubok man sila, nasa sakanila na lang kung mag-eenjoy sila o malulunod.
Parang ganun." pagpapaliwanag ko.
"Kasing lalim naman ng sinabi mo etong nakikita natin ngayon." sabi naman niya.
"Alam mo Christian, dati hindi ako ganyan. Upuan ako dati." pilit na pagngiti ko.
"Upuan? Ba yan Jaydon, ang weird naman ng mga sinasabi mo."
Nginitian ko lang siya.
"Parang upuan, kasi yung upuan ay nandyan lang palagi, iiyak ka o magpapakasaya.. nandyan lang ang upuan kahit saan.. para lang samahan ka.
Pero ngayon hindi na eh, mahirap talaga maloko.. kasi sa totoo lang, nagbabago ka, kahit hindi mo gusto." sabi ko pa.
Tsk, ba't pa kasi dito namin naisip na magkita ni Christian eh, yan tuloy napapahugot ako.. haha.
"Nasa tao rin yan. Pero wala eh, nagbabago talaga ang isang tao, lalo na kapag may pinagdaanan." pasimpleng pagngiti ni Christian habang malayo lang ang tingin.
"Alam mo ba Jaydon..
May nakilala akong 'upuan dati. Kaso ngayon tubig na siya eh, parang 'tong pinagmamasdan natin ngayon.. napakasarap pagmasdan pero nakakatakot namang lumapit."
Sa tono niya, alam kong seryoso siya. Siguro'y tinutukoy niya ay yung bestfriend niya.
"Ikaw ba Jaydon? Pwede mo bang sabihin sa akin kung gaano kalaki yung pinagbago mo?"
Muli, nagtama ang aming paningin. Sino kaya yung dating bestfriend niya? Bakit parang hanggang ngayon ay dinadamdam niya parin yung pag-iwan sakanya.
"Ako? Ahmmm.." posturang nag-iisip ko pa at pag-iwas sa tingin niya.
"Ewan eh. Kasi ngayon, nakikipag-away na ako, sapakan o ano pa yan. Hindi na ako takot, basta parang iba na ako bigla. Ewan talaga eh.. basta malaki yung pinagbago ko. Kahit yung pakikisama sa ibang tao, medyo naging mailap na ako." ang nasabi ko.
"Talaga? Buti ako? I mean... masyado kabang nagagwapuhan sa akin? kaya kinaibigan mo ako?" natatawang tanong niya, natawa narin ako.
"Eh kung ilaglag kaya kita dito?" patukoy ko sa aming pinagmamasdan ngayon.
"Aba akala mo lang.. pag nalaglag ako diyan dahil sa'yo paniguradong susunod ka para kunin ako.. diba diba? Hindi ka naman kasi masamang tao eh." sagot niya kagad.
Oo naman, susunod ako.. panigurado. Tsaka ko siya ilulunod, haha.
Napangiti ako sa naisip.
"Ewan ko sa'yo. Tara kain na lang tayo? Libre ko sige." sabi ko na lang.
Hindi pa man siya nakakasagot ay hinila ko na nga siya kagad.
"Libre mo? Sigurado ka?" rinig kong tanong niya nang sumunod siya sa hila ko.
"Oo nga. Bakit ano bang gusto mo?" tanong ko at pagtigil sa paglalakad.
"Bili tayo ng pizza, yun na lang."
Pagbulong niya, yung bang halatang nahihiya siya.
"Okay ilang box gusto mo?" natatawang sabi ko, nakakatuwa kasing makita yung ekspresyon niya eh.
"Isa lang syempre." agad na sagot niya.
"Sure ka? Hindi ba magkukulang sa'yo yun?" tanong ko ulit.
"Oo nga. I'm on a diet.. maintain dapat ang abs ko." natatawang sabi niya, napailing nalang ako at natawa narin.
"Tara na nga." nasabi ko na lang at naglakad na ulit kami.
"Ako na bahala sa drinks, hm.. gusto mo bili muna tayo ng coke float?" rinig kong tanong niya.
Tumango lang ako.
Nag-ala shooter nanaman kasi ako eh, yung bang basketball sa hangin, trip ko lang haha.
"Ge sure, basta ikaw." sabi ko lang habang patuloy sa kunwari'y pagshu-shoot ko ng bola sa ring.
"Jaydon!"
Nagulat at wala sa sarili akong napatigil nang marinig na sumigaw si Christian.
Napabigay na lang ako ng nagtatanong na tingin.
"A-amina yung bola dali.. three points for the win..."
Nakuha ko namang mapatulala sa sinabi niya.
"Jaydon dali!! Libre yung pwesto ko oh...." posturang nagmamadali pa niya.
Agad naman akong umikot at pakunwaring pinasa sakanya yung bola.
At sa pareho naming sinundan ng tingin yung bolang kunwaring shinut niya.
Hanggang sa..
Dahan-dahan.. unti-unti..
"Threeeeeeee POINT....!!!" malakas na pagsigaw namin at pabirong pagtalong paakbay ko pa sakanya.
"Tangna, shooter si Christian!!" masayang sabi ko pa at napakalakas na boses.
At sa nagtawanan na nga kami.
Ang sarap pala niyang makasama, marunong makisakay ng trip.
Iba nga siya sakanila, he's different, for real.
-----
Point Of View
- Az -
"Pinsan!! May kumakatok.."
Pagtawag ko kay Dennis.
Gabing-gabi may kumakatok, istorbo eh.
"Sino ba kasi yun? Ba't 'di mo tignan?" inis na sabi ni Dennis kalabas niya ng banyo.
"Ikaw na. May ginagawa ako dito eh." inis rin na sabi ko.
"Az!! Dennis!!"
Napatingin naman kami sa isa't-isa nang may nagsalita.
"Si Kobe yun ah?" ang nasabi ko.
Agad naman kaming napatakbo papunta sa may pinto.
"Kobe?" sabi ko kagad pagkabukas ng pinto ko.
"Nahihilo ako....."
"Oh anong nangyari?"
Ang nasabi ko nang mabilisan namin siyang nasapo ni Dennis.
"Lasing si Kobe? Uminom siya?" hindi makapaniwalang sabi ni Dennis, maging ako ay hindi makapaniwala.
Agad namin siyang dinala sa loob.
..
"Tae ba't naman kaya naglasing 'to? Hindi naman niya pala kaya." ang inis na sabi ko habang inaayos namin siya ni Dennis sa higaan.
"Parang tungkol siguro 'to sa napapansin natin sakanya.. diba kanina sa school biglang nawala sa mood? First day na first day."
Napaisip ako sa sinabi ni Dennis. Oo nga noh?
"Ano kayang problema nito?" ang nasabi ko pa.
"Tignan mo yung mukha niya oh.. maliban sa halatang bagsak, parang umiyak din. Sira ulo na ata 'tong si Kobe noh?"
Napailing na lang ako. Bumabalik nanaman siya sa dati, pero sa pagkakataong ito.. nakuha na niyang uminom.
First time niya 'to, ang uminom ng alak kaya heto at bagsak siya.
-----
Point Of View
- C h r i s t i a n -
Malapit nang mag alas-siete pero wala parin si Kobe.
Kanina ko pa siya hinihintay, syempre gusto ko na ulit siyang makita.
Sa ngayon kasi, hindi ko parin alam kung paano ko siya lalapitan eh, kaya naman sapat na yung patago ko siyang tignan o pagmasdan.
Pasimple akong nagpokus sa phone ko nang makitang papasok na si Az, paniguradong magkasama silang tatlo niyan eh.
Napa-kunot na lang ako nang makarating na si Az at Dennis sa pwesto nila pero wala parin si Kobe.
Late kaya? O talagang late yun lagi?
Ewan pero nawalang gana talaga ako, wala siya eh. Kailan kaya kami makakapag-usap?
Natatakot kasi akong lumapit sakanya, baka kasi hindi na siya interesado na makausap ako.
"Christian, yung bilin ko ha? Kapag yun hindi mo nagawa at nalaman kong iba ang pinagkakaabalahan mo.. uuwi talaga ako diyan para lang ibalik ka sa Pampanga."
Ewan ko pero biglang pumasok sa isip ko yung huling sabi sa akin ni kuya ko nung nag-uusap kami sa phone nang saktong pagdating ko dito sa Manila.
Argh!! Oo nga pala, kailangan ko nang lapitan si Kobe. Tsaka, kailangan narin naming mag-usap.
Dapat ko nang itigil yung pag-iisip ng mga negatibong bagay.
Kaya naman agad na akong tumayo, at pasimpleng lumapit sa pwesto ng dalawa.
"Excuse me?.." mahinang sabi ko.
Kita ko na nagulat sila, nagbigay rin ng nagtatanong na tingin.
"Si Kobe? Diba kaibigan niyo siya? Nasan siya? Absent ba? Hindi niyo ba kasabay? Papasok ba?" sunud-sunod na tanong ko.
Dahil doon ay mas lalo silang nagulat, naguluhan.
"Ahm.. n-nasa bahay niya."
Sagot ni Dennis.
"Hindi ba siya papasok?" tanong ko pa at pag-upo sa may kaharap nilang upuan.
"Sa totoo lang, may lagnat eh." alanganin na sabi ni Az, ako naman ang nagulat.
"Hah? S-sinong kasama niya dun? Nandun ba tita niya?" agad na tanong ko.
"Wala si tita niya.. pero teka, s-sino kaba? Ba't may alam ka tungkol sakanya?" hindi makapaniwalang sabi ni Dennis.
"Edi walang nagbabantay sakanya niyan? Ba't hindi niyo siya sinamahan? A-anong address niya?" agad na sabi ko.
Sa totoo lang, naiinis ako. Mga kaibigan ba talaga sila??
"Teka nga lang. Sino kaba? Ba't ganyan ka makapagsalita?"
Medyo inis nang sabi ni Dennis, medyo masama narin ng tingin niya.. ganito ba talaga 'tong mga ito?
"Pwede bang pakibigay nalang? Please? Kailangan eh, sige na." pakiki-usap ko.
"Sino ka nga muna? Ikaw yung transferee diba?" balik ni Az.
"Kaibigan ako ni Kobe." simpleng sabi ko.
"Bigay mo na lang. Hindi naman siguro pumapatay ng tao yan."
Nakahinga naman ako nang maluwag nang sa wakas at isinusulat na nila yung address.
Ano bang klaseng kaibigan sila? Hindi ba nila alam ang nangyayari kay Kobe kapag nilalagnat?
Agad na akong umalis ng skwela, bahala na kung mag-absent man ako.
..
(
flashback
Point Of View
- Third Person's -
"Kuya Kash!! Si Tenten po!!"
Malakas at tarantang pagsigaw ng isang bata, si Chan.
"Oh bakit? Napano?" agad na paglapit at pag-aalala ni Kash.
"Chan bakit?" tanong pa ng isa, si Seven.
"Si Tenten po.." nagmamadaling tono ng bata at pagturo sa kwarto nila Kash.
"Napano ba?" tanong kagad ni Kash at pagtakbo na sa kwarto nila ni Tenten.
Kanina, hinahanap ni Chan si Tenten at sinabihan siya ni Kash na nasa kwarto ito at natutulog pa.
Agad na pumunta si Chan, at pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya si Tenten na nakapalupot sa kumot.
Nilapitan niya ito, mainit at nanginginig. Agad siyang lumabas at tinawag sila Kash.
"Tenten? Nilalagnat ka?" ang tarantang sabi ni Kash at mabilis na paghaplos sa noo ng kapatid.
Nanginginig ito, sobrang namumula.
"Seven dali.. dalhin natin sa hospital." ang agad na sabi ni Kash at pagbuhat sa kapatid, sobrang nag-aalala ito.
....
"Kuya Kash, kamusta na po si Tenten?"
Medyo malungkot na tono ng bata pagkalapit niya kay Kash at Seven.
"Ayos na siya. Kailangan na lang niya magpahinga." pagngiti at tonong pagpapanatag ni Kash, alam niya kasi na importante ang dalawa sa isa't-isa.
Ngumiti naman ang bata at lumapit ito kay Tenten na ngayo'y nakahiga at natutulog.
Nang makalayo na si Chan kina Kash at Seven, ay muling nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa.
"Yun nga. Kapag nilalagnat ang kapatid ko.. ganun talaga. Sobra siyang nilalamig kaya nanginginig siya ng ganun tapos sobra rin kung mamula. Kaya nga alaga sa'kin yan eh, ayaw ko kasi siyang nagkakasakit. Ako yung nahihirapan kapag nakikita ko siyang ganun." pagpapatuloy sa sinasabi ni Kash kanina habang sa kapatid lang niya ang tingin.
"Pero mabuti na lang at ayos na siya ngayon.. hwag kanang mag-alala Kash.." tonong pagpapanatag ni Seven at pag-akbay niya kay Kash, inilapit niya rin ito sakanyang katawan.. payakap.
end
)
-----
Point Of View
- Third Person's -
Alas-siete na ng umaga nguni't hindi parin makatulog si Kobe.
Kanina, nang magising siya ng alas-tres ng madaling araw ay nakaramdam na siya ng matinding panginginig.
Nilalagnat na pala siya, katulad ng dati.. heto at nanginginig siya ng sobra, kasabay nun ay ang napakabigat na pakiramdam niya.
Kagabi, ang naaalala niya ay nagpakalasing siya ng sobra. Pumunta siya kina Az at Dennis pero nagpauwi rin siya.
Alam niya kapag lalagnatin siya, kapag nararamdaman na niya ang pamimigat ng katawan at mainit na parte mula sa mga mata niya.
Nguni't sa sobrang sakit ng loob, uminom siya.. naglasing. Unang beses, kaya naman hindi niya kinaya.
Tumawag siya sa dalawa kanina lang. Sinabi niya na hindi siya makakapasok dahil sa nilalagnat siya.
Ipinapaalam niya sa dalawa kapag may sakit siya.. pero hindi niya hinahayaan ang dalawa na mapuntahan siya o makita siya.
Ayaw niyang maawa ang dalawa. Ayaw niya rin na malaman nila ang pinagdadaanan niya sa tuwing lalagnatin siya.
Ngayon, heto at patagilid siyang nakahiga. Nakabalot sa kumot, at pilit na nilalabanan ang lamig.
"Kuya Kash.."
Ang pagbulong niya, umiiyak na siya. Nangungulila na siya sakanyang kuya.
Eto kasi ang nag-aalaga sakanya sa tuwing nagkakasakit siya.
Hanggang sa nagulat nalang siya nang makaramdam ng mainit na katawan, may yumakap sakanya.
Parang gumaan ang pakiramdam niya, parang nawala bigla yung lamig na nararamdaman niya.
Higit sa lahat, ang sarap ng pakiramdam niya dahil sa may nakayakap sakanya, iba ang yakap.. ramdam niya yun.
Hanggang sa dahan-dahan siyang lumingon para makita kung sino ang nakayakap sakanya.
At sa nakita niya ang isang tingin, mga matang nag-aalala.. mga mata na siya ngayong nagpapanatag sakanyang pakiramdam.
Itutuloy
kingkorn, new name :) salamat!
Dun sa nagcomment ng "eto yung mga bata dati" haha napangiti ako nang mabasa ko comment mo, salamat :))
yeahit'sJM
mr.alfredTO
jharz05
red08
bharu
and 44 again, guys salamat sa attendance niyo :)
simula prologue hanggang 1, ayan at present kayo.. sana makumpleto niyo attendance ah? hehe!
Salamat rin sa mga anonymous natin pati na sa mga silent readers!!
Gagawin nating manok si Tenten :)) haha
Hanggang sa muli..
- Prince Justin.. Kokokokoko <3
Ohh.. What an update. Nice pero bitin. I will wait for next update.
ReplyDeleteJap
Very touching talaga tong scene na to. Nakakaiyak. Salamat sa update. Magaling kang author. How old are you.?
ReplyDeleteBata pa si author mga late 20 lang xa eh.....
DeleteJharz05
okey po, lagi po akong present dito, wag lang lalagnatin, katulad ng kay kobe. salamat po sa update.
ReplyDeletebharu
Sobrang nakakaiyak yung sinabi ni Chan sa debate at yung nangyare sa basketball court :'( pero ngayon naeexcite na ako dahil sa susunod na chapter magkakausap na sila sana may kilig moments na yung dalawa!!! Can't wait sa next chapter. Iba talaga ang husay ni Prince Justin!! Kudos as always:)
ReplyDelete-44
Naiinis ako nung nabasa ko yung ITUTULOY. Hahaha. Bakit ang cute ng pagkakagawa mg story na ito? Lalo kapag may flashback ng pagkabata nila tenten at chan? Haha. :) good job ulit Kuyang Author.
ReplyDeletePs. Binabasa ko nga pala ulit yung Can't We Try. Wala kasi akong mapagkaabalahan e. Haha. ;) have a great day.
-yeahitsjm
At ngayon kakatapos ko lang basahin ulit kasi nagandahan ako hahaha. For sure complete ang attendance ko haha kaso nasa huli ako lagi :( nakakatampo joke!!! :))) hahahaha
ReplyDelete-44
hays bitin
ReplyDeleteCute po ang story na to.. Mas gumanda ngayon ang story.. Hahahaha sorry maganda naman yung una (yung kina kash) pero parang mAs exciting po ito.. Nice one ! - dave
ReplyDeletebitin.. update na kaagad.. hehe
ReplyDeletejay
Nakaka excite ung pagkikita ni tenten at chan...... Eto n kaya ang simula ng pagmamahalan nila, pero author bitin tlga sana ayusin mo at habaan mo pa ha, konting point of view what happen sa playful jokes .....
ReplyDeleteJharz05
Keep it up author prinze juztine.......
ReplyDeleteJharz05
Nice nice.. ang galing author.. I know busy ka pero sana mas madalas update. First time ko magcomment sa lahat ng nabasa ko.. keep it up Sir :-)
ReplyDeleteBati na sila yeheeee
ReplyDeleteYes...... Cute talaga Nila......
ReplyDeleteHa......ha.......ha.........sana ma perfect ko ang pag comment..
Promise....
Red 08
leche. cliff hanger. andun na eh hahahahaha
ReplyDeleteSunod na chapter na agad.., hahaha saa nextime habaan nmn ung story super bitin pa talaga..pero ang ganda nice job..,
ReplyDelete-joey :-)
Lalo ako na cucutan sa kanila hahaha dalawa simula ng maliit pa sila... Nabitin ako sa drama ng tawgin n tenten si kash saka nman may yumakap sa kanya heheheh
ReplyDeleteShai™
Nice sir ang galing galing naman heee astig tlaga..update update heehe cant wait for the next update
ReplyDelete-Mr.MA
Love the flashback! Kakainis nabitin ako hahahha inaabangan ko ito plagi... Nicely done author........ Worth to wait baga...
ReplyDeleteWaaaaaaaaaah sana magka ayus na sila.... :-)
ReplyDeletesuper ganda ng story,sna nmn habaan ng chapters..goodluck mr.author.. Very inspiring.. Nakakawala ng problema literaly.. Kht papano nwawala yung mga mabibigat na iniisip ko..dhil sa story na to at sa laht ng stories na nka line up thank u very much...
ReplyDeleteI'm baccccckkkkk.haha.. Anyway nbsa ko na yung prologue at chapter 1.. Exciting !.. Kaabang abang.. Ang kwento nila tenten at Chan..
ReplyDelete..Keep up the good work..PRINCE JUSTIN DIZON!.. MAKE US INSPIRED AND AMAZED!!!...
...madaya ka.sb ko wag mo patayin si SEVEN eh si KASH naman pinatay mo.. Haha..( di pa rin mka move on..prang Ms.Universe lng...HAHAHA)...
Can't wait for the next chapter ... TY.
..Yohoo.. Mg
wish granted para sa lovestory ng dalawang batabg to haahaa
ReplyDeleteslamat wale haha
next chapter na pls.....
ReplyDeletePag si Tenten at Chan, di nagkatuluyan... mata mo lang walang latay Prince Justin Dizon. Hahahahaha de peace yoh.
ReplyDelete- Michito