Athr'sNote-
Heto na po ang unang chapter. Ang laging "plain chapter" ng ating author na si - Prince Justin :)
--
Point Of View
- C h r i s t i a n -
"Christian yung mga bilin ko sa'yo ha? Mag-iingat ka, hwag masyadong magpapagabi.. may pasok kapa bukas."
"Opo, saglit lang po ako.. sisilip lang." balik ko sa paalala ni tita.
2nd day ko ngayon dito sa Manila, at bukas ay pasukan narin sa wakas.
Sana magkaklase kami ni Koko :)) hindi kasi sure si tita eh, siya kasi nag-asikaso sa pag-eenroll ko, tapos nasa Pampanga pa ako nun eh.
"Hi, night sky." nakangiting pagbati ko sa kalangitan.
Mula sa pagdating ko kahapon, eto ang unang pagkakataon na lumabas ako ng bahay.
Seven-thirty na ng gabi ngayon at matao nga talaga dito sa lugar nila tita.
At nagsimula na nga akong maglakad papunta sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa, haha.
Bago lang kasi ako dito, katulad nga ng iniisip ko, heto at ang daming napapatingin sa akin.
Siguro'y iniisip nila na bago lang ako dito, na bagong mukha.. na gwapong mukha. Whehehe.
Saglit naman akong napatigil nang may marinig. Parang boses mula sa mic?
"Threeeeeeee point!!!!"
Napangiti naman ako nang marinig muli ang maingay na tunog. Ibig sabihin may basketball court dito?
"Excuse me po.. sa basketball court po ba nanggagaling yun? Saan po yun?" pagpansin ko sa may nagtitinda at patukoy narin sa ingay na nagmumula sa mikropono.
"Ah oo diyan lang, deretso lang tapos makikita mo yung court.. may laban ngayon,.. liga ng barangay natin."
'Barangay natin'? Ang sarap naman pakinggan nun, nakakatuwa dahil kahit bago ako rito ay narinig ko ang ganung salita mula sa taga rito.
Tsaka, basketball? Nako, kinahiligan ko dati.. oo dati. Dahil kahit anong laro o praktis ko, walang improvement.
Pero okay lang kahit hindi ako magaling magbasketball, gwapo naman.. whehehehe :)
"S-salamat po." pagngiti ko pa.
Liga? Sabi ni kuya ko dati, malapit lang daw kila tita ang bahay nila Kobe tapos sobra rin raw itong adik sa basketball.
"Nandito kaya siya?" ang naitanong ko na lang sa sarili nang medyo binilisan ko na ang paglalakad papunta sa itinuro ng aking napagtanungan.
Parang na-excite ako bigla, mukhang makikita ko na nga siya?
"Patay."
Ang nasabi ko nang makita ang court, ang daming nanunuod.. puro kabataan.
Pati sa may labas, may mga tao.
Pilit akong tumitingkad-tingkad para makita yung mga naglalaro.
Tsk, hindi kasi ako makapasok sa loob eh. Tapos hindi ko rin masulyapan yung mga naglalaro.
Ang hirap talaga kapag 5'6 lang (-.-)
Tapos mula sa kinatatayuan ko, may mga basketball player pa.. siguro next silang maglalaro.
Mga ka-edaran ko lang 'tong mga ito. Matatangkad nga lang sila, ang hirap talaga kapag 5'6 lang ang height -.-
Ilang minuto pa akong nagtambay roon, hanggang sa naglakad na nga ako papasok.
Nakaka-ilang hakbang palang ako nang..
"Ay sorry, tol sorry."
Napapikit na lang ako sa inis.
Aww. Yung bola sa may batok ko pa talaga tumama. Pasalamat 'to mabait ako.
"Tol, ayos ka lang?"
Rinig ko pang tanong niya, kaya naman iminulat ko na nga ang aking mga mata.
"Ayos lang. Ayos lang." pilit na pagngiti ko habang hawak-hawak ko yung batok ko.
Mukha naman palang mabait. Isa rin siya sa mga naka-uniporme pang basketball.
Lalapit na sana siya para kunin yung bolang malapit sa akin nang agad akong umatras.
"Bakit?" agad na reaksyon niya.
Nanliliit ako eh, siguro mga 5'9 height niya.. mataas na yun kumpara sa height kong 5'6.
"Wala lang." sabi ko na lang at naglakad na nga ako papasok ng court.
"Isang bagsak nanaman po mga kaibigan.. three point ulit mula kay Hernandez!!!"
Wala sa sarili akong napatigil mula sa paglalakad nang marinig ang 'Hernandez'.
Pilido ni Kobe yun ah? H-hindi kaya?
Nang tuluyan akong makapasok sa court at nagkaroon na ng pagkakataong makita ang mga naglalaro ay agad kong kinumpirma kung tama nga ang narinig ko.
Aaminin ko, ninenerbyos ako.. nanginginig pa nga ako sa kaba eh.
"Kobe.." ang wala sa sarili kong naibulong nang makita ang taong matagal ko nang gustong makasama.
Saglit akong napatigil at sakanya lang ang tingin.
"I-ikaw nga." ang pagngiti ko pa.
Agad kong pinunasan yung luhang pumatak mula sa aking mga mata, eto ba yung sinasabi nilang 'tears of joy' ? Tsk, kahit kabaduyan pala talaga ay nangyayari.
Ang laki na ng pinagbago niya. Ang tangkad niya nga, mga 5'9 nga siguro.
Tapos naging tisoy na tisoy ang dating.. blond kasi kulay ng buhok niya eh. Mas maputi pa siya sa akin.
Nahihiya tuloy akong magpakita o magpakilala sakanya, ibang-iba na kasi ang dating niya ngayon.
Dati hindi kami mapaghiwalay, oras-oras ay magkasama kaming naglalaro, nagkukulitan at nakuha narin naming matulog ng magkatabi.
"Threeee point..!! Nanaman mga kaibigan...."
At sa nakita ko na lang na nakangiti na nga ako, ang galing niya.. totoo nga ang sinabi ni kuya.
Puro sigawan, mukhang kilalang-kilala nga siya rito.
Nang medyo mapalapit sila sa pwesto ko ay pasimple akong nagtago, mahirap na at baka makita niya ako.
Kanina, nakita ko palang yung mukha niya ay alam ko na agad na siya yun.. iba talaga kapag naging malapit sa'yo ang isang tao. Lalo pa't, higit pa roon ang nararamdaman mo.
Nanatili lang akong nakatingin sakanya nang maramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone.
Ba yan, istorbo, nagdadrama pa ako eh.
"Si tita." ang nasabi ko.
Bago lumabas ng court ay muli kong sinulyapan si Kobe at..
"Good luck, Koko." magaang sabi ko, pagngiti at patakbo na nga akong lumabas.
"Tita bakit po?" agad na sabi ko nang sagutin ko ang tawag.
"Christian? Uwi kana.. Nandito na mga pinsan mo.. dali hinihintay ka nila."
"Talaga po? Sige tita, eto tatakbo na po." masayang sabi ko at pagbaba na sa tawag.
Atlis, nakita ko si Kobe. Bukas sana talaga magkaklase kami.
Patakbo na sana ako nang biglang..
"Ay, sorry ulit.."
"Ikaw nanaman? Baka nananadya kana ah?" ang pabiro kong sabi.
Kanina sa batok, ngayon naman.. sa balikat.
"Pinapaikot ko kasi 'tong bola namin sa daliri ko tapos.. nasasaktong sa'yo bumabagsak eh."
Palihim naman akong natawa sa postura niya, nahihiya tapos nakangiti.
"Osige. Ayos lang, ayos lang." sabi ko na lang at tumakbo na nga ako paalis.
Matatangkad ba talaga mga tao dito sa Manila?
Hayy.. buhay, haha.
Bukas pasukan na! Hindi na ako makapaghintay, syempre mga bagong kaibigan rin.
-----
Point Of View
- K o b e -
"Ge una na kayo, sisindi lang ako."
Paalam ko sa mga kaklase ko.
"Tae sisindi ka nanaman? Mamaya na kauwi, first day na first day hihiwalay ka? dapat kumpleto tayo sa pagpasok." agad na kontra naman ng isa kong kaibigan..
"Oh sige hintayin niyo na lang ako dito, sisindi lang ako saglit." sabi ko at paglapit na sa tindahan.
"Marlboro lights nga po.." pagbili ko.
Sanay na kasi talaga akong naninigarilyo bago pumasok sa skwela eh, nung bakasyon naman.. matapos kumain doon lang ako naninigarilyo.
"Tol, alam mo pala kung ilan yung transferee galing sa ibang schools?" tanong bigla ng isa kong kasama.
"Hindi. Hindi rin ako interesado." simpleng sabi ko.
"Tae ka, ang dry mo talaga. Sabi ni mam Ordesa, 7 daw eh.. yung isa galing pa sa Pampanga."
Pampanga? Taga dun ako dati ah? Dati yun.
"Oh napano? Anong gusto mong gawin ko?" kunot ko.
"Tae ka talaga, lima daw yung mga babae tapos dalawang lalaki. Solid daw yung mga babae, puro magaganda daw sabi ni mam.. pagkakataon mo na, since birth kapa single eh."
Napailing na lang ako. Pasensya sila, hindi ako interesadong makipag-relasyon.
"Hindi pa ako interesado, tsaka na lang." balik ko at paghithit sa sigarilyo.
Medyo malayo pa naman kami sa school, kaya malaya pa akong makakapanigarilyo.
"Diba may parang introductory pa niyan mamaya? Tapos welcoming freshmen pa? tsaka greetings pa para sa mga transferees? Diba?"
Napatingin naman ako sa kasama ko, si Az.
"Aba, memorize mo mga mangyayari mamaya ah? May inaabangan ka ata?" agad na sabi ko.
"Gagu. Alam niyo ba yung nangyari sa laban kagabi? Yung sunod na game katapos natin?"
Napaisip naman ako. Hindi ko na pinanuod yun eh, umuwi ako kaagad katapos naming lumaban.
"Ahh oo.. sabi pala ni tito may magaling daw na player kagabi, siguro ka-height mo daw yun Kobe.. sabi ni tito magaling daw sobra, three pointer din daw." sabi naman ni Dennis.
Napangiti ako sa narinig.
"Edi maganda, edi hindi na boring laro natin niyan.." pagtango-tango ko pa.
"Yun nga. Isa siya sa transferee, nalaman ko sa mga kaklase natin last year.. grade 10, katulad natin." pag-iling iling pa ni Az, tumango naman si Dennis.
"Hwag niyong sabihing natatakot kayo? Wala naman panama sa atin yun eh." agad na tanong ko sa dalawa.
"Hindi yun ang iniisip ko. Sabi kasi nila mayabang daw yun.. nung enrolment kasi hindi natin siya nakita eh, hindi tuloy natin alam kung totoo.." balik ni Az.
"Mayabang? S-sabagay? eh kasi kagabi sabi ni tito nakipagsapakan daw yun eh. Katapos kasi ng laban, medyo napikon yung natalo nila tapos dahil sa bago sa lugar yung isa.. ayun siya nakorsonada, puro three point kasi ginawa."
Talaga? Mukhang may katapat na ako dito ah? Sabagay, edi mas maganda :)
"Pikon lang mga natalo kagabi, diba nga muntik narin tayong mapa-away?" nasabi ko na lang.
"Osiya tara.. baka nag-start na niyan yung walang katapusang introductory ng school natin." pahabol ko pa at pagtapon sa sigarilyo.
....
"Ang tagal naman magsimula. Nakaka umay na ah?" inis ko.
Kanina pa kami nakapila dito, buti na lang at hindi masyadong mainit ang panahon.
"Pinagtitinginan lang tayo dito eh." pag-iling pa ni Az.
"Ang tagal naman.. para makita na natin mukha nung transferee, yung mayabang daw." pahabol pa ni Dennis.
Tangna, nakaka-umay na talaga.
"Tara nga, punta na tayo sa room.. hindi naman nila tayo mahahalata, dali. Hayaan niyo na yung mga transferees na yun." inis ko at paghila na sa dalawang kasama ko.
-----
Point Of View
- C h r i s t i a n -
Seryoso ba 'tong nangyayari?
Iwe-iwelcome pa daw kaming mga transferees. Tsktsk.
Ma-eexpose niyan ako, joke haha.
Narito kami ngayon sa may gilid, sa may tabi ng stage. Lahat kaming transferees, 7 pala kaming lahat pero 6 lang kami dito.. kulang pa ng isa.
"Mam Ordesa, kumpleto na po lahat. Pwede na po tayong magstart."
Rinig kong sabi ng isang teacher, ninenerbyos talaga ako. First time ko makakasalamuha mga taga Manila, hehe.
"Okay, good morning everyone..!"
Mas lalo naman akong kinabahan nang magsimula na ngang magsalita yung may hawak ng mikropono kanina.
Saglit akong pumikit..
"Kaya ko 'to.. kaya ko 'to.." pagbulong ko pa.
Tsk. Ewan ko pero kinakabahan talaga ako eh.
"Oo kaya mo yan. Hwag ka lang masyadong kabahan."
Napamulat naman ako nang marinig na may nagsalita at pagtapik pa sa may balikat ko.
"Ikaw ulit? Nanaman?" gulat na sabi ko, natawa naman siya.
"Oo." pagtaas pa niya ng mga kilay niya. "Transferee karin pala katulad ko."
"Oo eh, layo lang ako ng konti ah? Masyado kang matangkad eh." nahihiyang sabi ko at pag-atras ng konti palayo sakanya.
"Yan kasi, hindi ka natutulog sa hapon.. next time matulog ka na sa hapon, tatangkad ka pramis." tonong paninigurado at pagtaas pa niya sa kaliwang kamay niya.
Napangiti ako nang itaas niya yung kaliwang kamay niya habang nagpapramis.
Ganun kasi kami ni Kobe nung mga panahong malapit pa kami sa isa't-isa eh.
(
flashback
Point Of View
- Third Person's -
"Sabay tayo ulit magbe-birthday.. para masaya ulit."
Masayang sabi ng isang bata sakanyang kaibigan, si Tenten.
"Talaga? Tapos sabi mo papahiram mo na sakin yang si Bumblebee, tapos sige papahiram ko rin 'tong Optimus prime ko." sabi naman ng isang bata, si Chan.
"Pramis. Pramis ko yan."
Tonong paninigurado ni Tenten at pagtaas pa niya ng kanyang kaliwang kamay tanda ng pangangako niya.
"Pramis talaga?" pag-uulit ni Chan at pagtaas naman niya ng kanyang kanang kamay.
"Oo pramis, pero mali nanaman yang pramis mo.. dapat etong isang kamay, yung kaliwa." naiinis na sabi ni Tenten at mabilis na pagbabab sa kanang kamay ng kanyang kaibigan at pagtaas niya sa kaliwang kamay nito.
"Yan dapat ganyan kapag nagpapramis. Sabi kasi ni kuya, kapag kaliwang kamay daw ang ginamit ng isang tao kapag nagpapramis.. ibig sabihin daw na totoo ang pramis nito." tonong pagmamalaki ni Tenten.
"Edi totoo niyan pramis mo ah? Papahiram mo sakin yang Bumblebee mo sa birthday ulit natin ah?" excited na sabi pa ng kausap nito.
Isa lang naman ipinagdadamot ni Tenten eh, yung Bumblebee niya. Favorite robot character niya ito.
Si Kuya Kash at kuya Seven nila ang nagregalo sakanila ng action figure na robot.. kay Tenten ay Bumblebee at kay Chan naman ay Optimus Prime.
"Oo nga, pramis." paninigurado ulit ni Tenten.
"Pramis?" pag-uulit ni Chan.
"Pramis nga." ulit pa ni Tenten.
At sa nagtawanan na nga ang dalawang magkaibigan.
Sa simpleng bagay ay nakukuha nang matuwa ng dalawang magkaibigan.
Patunay nga siguro ito na masyado ngang makapangyarihan ang salitang "pagkakaibigan".
end
)
"Uy tol natahimik ka? H-hindi ako nagbibiro, pramis nga."
Muli, napangiti ako. Talagang nakataas parin yung kaliwang kamay niya.
"Pramis?" pagsakay ko sa biro niya.
"Oo pramis nga. Pero, baka hindi tumalab sa'yo eh?"
Literal naman akong napatawa sa sinabi niya.
"Grabe ka tol ah? Pwera matangkad ka minamaliit mo na ako." sabi ko pa.
"Joke lang. Anyway, ako nga pala si Jaydon Feliciano."
Napatingin naman ako sa kaliwang kamay niya na nakalahad na ngayon.
"Christian David." pag-abot ko sa kamay niya at pagngiti.
"Prinsipe ka sa bahay niyo noh?" tanong niya bigla.
"H-huh?" agad na reaksyon ko.
"Parang walang kakalyo-kalyo yung palad mo eh." pagngiti niya.
Agad ko namang binawi yung kamay ko.
Namumula ba ako? T-talaga?
"Uy? Natulala ka nanaman?"
"H-hah?" muli, ang nasabi ko.
"Pramis, ang lambot ng palad mo.." pagngiti ulit niya.
Napakunot na lang ako, yung bang tingin na hindi makapaniwala.
"Pramis nga." pagtaas pa niya ulit ng kaliwa niyang kamay.
Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ba ako sa kakulitan nitong si Jaydon.
Naaalala ko kasi si Kobe dahil sa pa-pramis pramis niya.
Kamusta na kaya yung Optimus Prime ko sakanya? Iningatan niya ba? O nasa kanya pa kaya?
Yung Bumblebee niya nasa akin parin, sa totoo'y itinuring ko iyon bilang isang pinakamahalagang bagay na mayroon ako, galing kasi iyon kay Kobe.. kahit na pwersahan ko pang kinuha, nakaka-asar kasi siya eh.
"Uyyyy? Christian..?"
Napa-angat naman ako ng tingin. Argh. Kapag si Kobe talaga iniisip ko nawawala ako sa sarili.
"A-ano kasi yun?" ang naitanong ko na lang.
"Wala.. sabi ko tara na, tinatawag na tayo ni mam." nakangiting sabi niya at marahang pagtulak pa sa akin.
Hinayaan ko na lang, nakakatuwa dahil may parang kaclose na kagad ako dito sa school.
Pupunta na pala kami sa harap, sumilip ako at napakaraming istudyante.
Papunta na sana kami sa harap ng stage ng mga kasama kong transferees nang mapatigil ako.
Baka makita ako ni Kobe.
"Tara na, hwag kanang mahiya."
Rinig kong sabi ni Jaydon, at napasunod na nga uli ako sa marahang pagtulak niya.
Bahala na. Bahala na.
-----
Point Of View
- K o b e -
"Ba't naman ganyan mga kaklase natin, wala man lang maganda?"
"Ayun pala oh.."
"Ayan Kobe, ayan yung may gusto sa'yo diba? Y-yun yung ms. Campus last year diba? Uy.. Kobe tignan mo dali.."
"Ahh oo siya nga.. tangna Kobe, bawi."
"Hoy Kobe?"
"Kobe!!"
"H-hah?" ang nasabi ko mula sa gulat, sumigaw silang daw eh.
Napapalalim nanaman ang pag-iisip ko.
"N-napano ka? Anong nangyari sa'yo? Natahimik ka ata?"
Hindi na ako sumagot, muli akong tumingin sa labas mula sa bintana.
Pa-parang may mali kasi eh.
"Nakita niyo ba mga itsura ng transferees?" naitanong ko na lang sa dalawa.
"Paano namin makikita nagyaya ka kagad na pumasok dito, tamad mo'rin kasi eh."
Napailing na lang ako.
Si Chan ba yung nakita kong dumaan kanina?
"Guys, diba may transferee mula sa Pampanga?" tanong ko kagad sa dalawa.
Napapa-isip nanaman talaga ako. Kinakabahan ako, sa totoo lang.
"Oo, sabi ni mam meron daw." sagot ni Dennis.
Magtatanong pa sana ako nang..
"Section B! Sino nag-alis nung paskil sa labas? Yan tuloy may dalawang istudyante na naligaw kakahanap ng section niyo."
Napatingin naman kaming lahat sa harap nang magsalita si mam Ordesa.
"Mr. Feliciano and Mr. David.. pasok."
Napatayo ako kagad nang marinig ang pilido ni Chan.
Saglit akong napatigil..
H-hindi kaya?
"Kobe, napano ka?"
"Pinagpapawisan ka?"
Hindi ko na pinansin yung dalawa kong kasama, hinihintay ko kung tama nga ang nakita ko kanina at ang hinihinala ko ngayon.
"Guys, sila yung dalawang transferee. Si Jaydon at si Christian, mukhang magbestfriend yung dalawa.. kanina pa nagkukulitan eh."
Napatingin naman ako kay mam.
Magbestfriend? T-tsaka, Christian? Siya nga!
Christian David?
Napalipat naman sa may pintuan ang tingin ko nang may pumasok.
Isang matangkad, at natatawa ito habang may pilit na hinihila.
"Mam, nahihiya 'tong bestfriend ko eh." pagtawa pa niya habang pilit na hinihila yung tinutukoy niyang bestfriend.
Teka.. Bestfriend? T-tama ba yun? Magbestfriend sila?
Nang tuluyan nang makapasok yung kinukulit niya ay nakumpirma ko nga.
Si Christian nga.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano, bestfriend daw? Si Christian may bestfriend na iba?
A-akala ko ba..?
(
flashback
Point Of View
- Third Person's -
"Nakita mo sila kuya?"
Tanong kagad ni Tenten kay Chan nang makalapit siya rito, nanlalaki pa ang mga mata niya.
"Nagkiss sila diba? Pagkagising ko nakita ko sila, talaga.." sagot kagad ni Chan.
"Ano sila? Pwede yun? Nagkiss sila kuya?" hindi pa makapaniwalang tanong ni Tenten.
Sa edad nilang 8, hindi pa sila makapaniwala sa mga nangyayari.. masyado pang inosente ang kanilang mga isipan.
"Oo. Sabi ni kuya ko magbestfriend daw sila ni kuya mo eh." sabi pa ng kausap nito.
"Diba magbestfriend din tayo?" tanong kagad ni Tenten.
"Oo naman. Lagi tayo magkasama tapos pati laro. Kaya sabi ni kuya magbestfriend na daw tayo, mabait daw ako tapos ikaw daw makulit, edi parang sila lang daw." sabi ni Chan habang abala siya sa kanyang Optimus Prime.
"Pramis magbestfriend tayo?" tanong kagad ni Tenten at paglapit niya pa ng tingin kay Chan.
"Oo nga, pramis." pagngiti ni Chan at pagtaas niya pa ng kaliwang kamay.
"Pramis tayo lang magbestfriend? Parang sila kuya?" tanong pa ni Tenten at pagtaas rin niya ng kaliwang kamay.
"Pramis nga. Tayo lang." sabi pa ni Chan.
Kung titignan ang dalawang bata, tila alam na nilang panindigan ang kanilang mga pangako.
Siguro'y kung pareho nga talaga kayo ng hilig ng isang tao, malapit kayo sa isa't-isa at talaga namang masaya sa tuwing magkasama kayo.. ano mang edad niyo' ay matututo nga talaga siguro kayong mangako.
end
)
Point Of View
- Third Person's -
"Ang tangkad.."
"Ang kulit nila noh?"
"Tisoy yung isa oh.."
"Grabe kaklase talaga natin sila? Nadagdagan na ang mga gwapo.."
Bulung-bulungan sa klase habang pinapanuod nilang magkulitan ang dalawa.
"Pasok na dali.."
Pilit na paghila ni Jaydon kay Christian.
Ayaw sana lumapit ni Christian dito dahil sa kanina pa siya nito kinikiliti.
Kung titignan ang dalawa'y parang magkalapit na nga talaga ang mga ito sa isa't-isa dahil sa kakulitan nila.
"Mangingiliti ka lang eh." natatawang sabi pa ni Christian habang pilit na kumakawala mula sa paghila sakanya ni Jaydon.
Nagtatawanan ang dalawa. Mabilis na nagkagaanan ng loob ang dalawa.
"Ang kulit nila noh? Christian, Jaydon.. mamaya na kayo magkulitan, naligaw na nga kayo sa kakulitan niyong dalawa eh."
Nang magsalita si mam Ordesa ay pumasok na nga si Christian.
Kita niya yung mga tuwang-tuwang ekspresyon mula sa mga istudyanteng nakaupo na sa loob, eto pala ang mga magiging kaklase niya.
Saglit siyang napatigil nang mapunta ang tingin sa lalaking ngayon'y nakatayo.. at sa kanya rin ang tingin.
Katahimikan.. sa pagitan ng dalawa.
"Kobe.."
Ang nasabi niya.
Itutuloy
Jharz05
AlfredTO
YeahIt'sJM! , nice name.. JM :))
Bharu
-44 :))
Hi guys! Kayo ang nagbinyag sa 3rd story ko :)) Salamat ng marami!!
Nabitin ako Kuyang Author. Ang ikli. Haha. Pero btw nice start ha. Yun lang mga sobrang nakakabitin. Sobra. Haha. Thank you po sa mention. Haha.
ReplyDelete-yeahitsjm
Yeah! KA xcite nmn ehehehe
ReplyDeletebitin nga
ReplyDeleteNice one.... Excited sa next chapter
ReplyDeleteShit ang ganda ng panimula. Galing mo author. Kelan next na update?
ReplyDeleteKingkorn
E2 yung mga bata dati^^
ReplyDeleteOo kuya prinz justine sobrang nabitin aq sa playful jokes na story mo at tpos simula ng kwento bitin parin.... Anu b naman yan habaan mo naman ung story nsa climax na bigla g tapos agad......
ReplyDeleteJharz05
Next chapter na po nakakabitin to! Hahahaha ngayon palang kinikilig na ako!
ReplyDelete-44
:D :D
ReplyDeleteGaling-galing!!
Two thumbs up!
Good start..
Nakss, kilig ang umpisa. Para akong bumalik sa 16 yo. Thanks a lot.
ReplyDeleteYes............
ReplyDeleteYes...............
Thanks ……………
Red 08
galing ng kwento ah. kaabang-abang. selos naman agad si kobe. next chapter please..hehe. thanks.
ReplyDeletebharu
Nice nice nice.. im ready for more.. teka may kapangalan ako?ahah
ReplyDeleteAz