Followers

Sunday, January 11, 2015

Playful Jokes -Last Chapter



Athr'sNote--

Maraming Salamat sa lahat!

Muli, isang simpleng pagwawakas :)



--

Point Of View

 - S e v e n -

*After 3 years



 "Mamaya ng gabi ang alis ko."

Pilit na pagngiti ko habang nakatingin lang sa naka-ukit na..

 "Kash&Seven"

Katulad na katulad ng naka-ukit sa ngayong yakap-yakap ko na teddy bear, mula ito kay Kash.



 "Chan." pagharap ko naman sa kapatid ko. "Lagi mong bibisitahin si kuya Kash mo dito ah?" bilin ko.

Tumango naman siya, parang seryoso nanaman ang dating niya, halatang may iniisip nanaman siya.

Ilang minutong namayani ang katahimikan, yakap-yakap ko lang ang teddy bear na bigay ni Kash.

 "Kuya Kash, miss ko na po si Tenten."

Biglang sabi ng kapatid ko, mahina.

Base sa ekspresyon niya, malungkot nga talaga siya.

Hawak-hawak niya lagi yung Bumblebee na action figure.

Regalo namin ni Kash sa dalawang bata yung dalawang action figure. Kay Chan ay Optimus Prime at kay Tenten naman ay Bumblebee.

At dahil sa alam kong malungkot ang kapatid ko, hindi na muna ako nagsalita.

Bestfriends nga naman yung dalawa, pero heto at hindi na sila magkasama.


 "Kash, p-pasensya na ah? hindi ko talaga makuha loob ng kapatid mo eh, galit parin sakin." malungkot na sabi ko.

Matapos malaman ng lahat ang tunay na nangyari, maging ako.. ay marami ng nagbago.

(
flashback


Halos tatlong linggo narin ang nakalilipas nang makalabas ako ng ospital.

Heto at nagkaron narin ako ng pagkakataon na makausap si Tenten, kapatid ni Kash.

 "Tenten." alanganing pagtawag ko, pansin ko narin kasi ang pag-iwas niya sa akin.

Paglingon niya sa akin ay wala sa sarili naman akong napatigil, lalapitan ko na kasi sana siya.

Hindi ko na nagawa pang magsalita, mismong ekspresyon at tingin na ni Tenten sa akin ang nagsasabing hindi ko siya pwedeng lapitan.

 "S-sorry, maski ako.. hindi ko naman gusto eh." pabulong na sabi ko pa nang maglakad na siya palayo sa akin.

end
)


 "Kuya Kash, ganun niyo po ba talaga kamahal si kuya ko?"

Napatingin na lang ako sa kapatid ko dahil sa sinabi niya.

Seryoso ito, dahil rin sa tanong niya ay ilang sandali ring namayani ang katahimikan.

Naiiyak nanaman ako, naaalala ko nanaman yung mga masasayang oras na magkasama kami ni Kash, yung panahong naririnig ko siya na kinakausap ako at sinasabing gumising na, nguni't wala akong nagawa.



(
flashback


T-teka.. anong nangyayari?
B-ba't hindi ako makagalaw? Kanina pa nagkekwento si Kash, kanina ko pa gustong tumugon sa mga sinasabi niya pero hindi ko magawa.

Kanina pa siya umiiyak, kanina pa niya ko kinakausap.. pero wala akong magawa.


 "Seven.. miss na kita, g-gumising kana kasi.. Seven nahihirapan na ako, k-kailangan kita eh.. alam mo naman yun diba?"

Nang muling magsalita si Kash ay tuluyan na nga akong nawalan ng pag-asa.

Bakit hindi ko man lang magawang gumalaw?

Oo heto ako at nakahiga.. maaaring natutulog nga ngayon o walang malay ang dating ko sa mga doktor, kay dad at kay Kash.

Pero eto oh! Gising ako, naririnig ko siya eh!

P-pero bakit hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan? Ni hindi ko magawang tumugon sa mga sinasabi ni Kash, at ni hindi ko man magawang imulat ang aking mga mata.

Kash.. naririnig kita. Kash, gising ako, Kash.. hwag kang sumuko, paki-usap. Kash, hwag kanang umiyak oh.. nakiki-usap ako.. Kash..


end
)


 "Kuya, magagalit niyan si Kash sa'yo.."

Agad kong pinunasan ang aking mga luha nang marinig ang sinabi ng kapatid ko.

Oo nga pala at naikwento ko sakanya ang ilan sa mga sinabi ni Kash sa sulat na iniwan niya para sa akin.

 "Sira kasi yang si kuya Kash mo eh.. siya kaya nagpapaiyak sa akin." natatawang sabi ko kahit na heto at naiiyak parin ako.

 "Kuya." pagngiti rin ng kapatid ko. "Magiging inspirasyon ko po kayong dalawa ni kuya Kash pagdating sa larangan ng pag-ibig." tila determinado at tonong pagmamalaki pa niya.

Mas lalo naman akong natawa.

 "Bakit po?" agad na reaksyon niya.

 "Basta ba... kapag nagmahal ka, gusto ko handa kang masaktan at umiyak.. puro ganun kami ng kuya Kash mo eh." nasabi ko na lang.

 "Kuya, kahit po labing-taong gulang palang ako.. sa edad ko pong ito, nakakuha po ako ng isang magandang aral mula sa inyong dalawa ni Kash."

Saglit naman akong napatigil at napatingin na lang sa kapatid ko, seryoso ito at sa mata naman nito'y nakikita ko ang tuwa at pagmamalaki.. kagalakan.

 "Natuto po ako dahil kay kuya Kash, dahil sa inyo. Minsan po talaga kahit mahirap.. tama si daddy, kailangan po nating magsakripisyo.. kahit mahirap, kahit masakit." seryosong sabi pa niya at pagbigay ng isang napakagaang tingin at ngiti.

Dahil dito'y may napatunayan ako.. mahal nga talaga ako ni Kash, hindi lang niya ako mahal.. mahal na mahal niya ako.

Maski ang isang murang edad ay nabigyan niya ng eksplanasyon at panintindihan patungkol sa isang bagay.

Matanda na nga ang kapatid ko, marunong na itong mag-obserba at umintindi. Though minsan.. isip bata.

Agad kong kinalkal ang aking bag, may ibibigay ako sakanya.

 "Christian."

Pagtawag ko sakanya, nilingon naman niya ako.. nagbibigay ng nagtatanong na tingin.

Pasimple kong inilahad ang isang sulat.

 "Para sakin?" kunot niya.

 "Oo, galing kay kuya Kash mo. Ikaw, si Tenten at ako.. may tag-iisa tayong sulat mula sakanya." sabi ko.

 "Ba't ngayon niyo lang po ibinigay sa akin?" agad na tanong niya at pag-abot sa sulat.

 "Basahin mo yung nakalagay sa likod." simpleng sabi ko, sinunod naman niya. "Gusto ni Kash na mabasa mo yan kapag matanda kana, na kapag nakaka-intindi kana." pagpapaliwanag ko pa.

 "Sa tingin ko, sapat na ang mga sinabi mo ngayon.. para masabi kong nakaka-intindi kana., kahit na minsan.. sagad ang pagka-isip bata mo." pagngiti ko pa.

 "Eto naman ay para kay Tenten, gusto ko ibigay mo yan sakanya kapag nagkaroon ka'na ng pagkakataong malapitan at makausap siya." pag-abot ko pa ng isang sulat.

Nang makita kong nakatitig lang siya sa sulat ay saglit akong napatigil at napa-isip.

Naaalala ko yung panahong, binabasa ko ang ginawang sulat ni Kash para sa akin.

Oo masakit dahil sa sulat na yun ay nalaman ko ang lahat. Pero dahil sa huling sinabi niya sa sulat, para bang nagka pag-asa ulit ako.

Napangiti ako nang abutin na ni Chan ang sulat at..

 "Kash.. siguro doon na muna ako sa lolo ko sa ibang bansa, mga apat o limang taon na muna siguro ako maglalagi doon." sabi ko at inakbayan ko na nga ang aking kapatid.

 "Hwag kang mag-alala, si Christian na ang bahala sa kapatid mo.. kung ako kasi, wala eh wala talaga akong panama sakanya eh pero kung sa kapatid ko.. paniguradong babagsak yun." tonong paninigurado ko pa.

 "Kaso kuya Kash." biglang sabi ng kapatid ko, sa mahinang tono. "Nasa manila na siya eh, matagal na siya doon..."

Totoo ang sinabi ng kapatid ko, magtatatlong taon narin simula ng umalis si Tenten, naiwan si tito Gabbo dito.

Nagpasundo siya sa tita niya kaya naman napunta siya sa manila.

 "Christian.." mahinang pagbulong ko pa.

Naaawa rin ako sa kapatid ko, pati kasi siya'y nahihirapan. Hindi rin kasi siya pinapansin o kinakausap ni Tenten.

(
flashback


 "Aalis kana?"

Rinig kong tanong ng kapatid ko.

Hindi ko magawang lumapit sakanilang dalawa ni Tenten.

Heto si Tenten at nag-aayos na ng mga gamit niya.

Kung titignan ay parang isang ganap na binata na ito kung makaasta at makakilos, seryoso, nagmamadali at medyo walang gana ang ipinapakita ng ekspresyon niya.

 "Akala ko ba sabay tayong lalaki? Diba sabi mo sabay ulit tayo magbe-birthday sa susunod?"

Tono palang ng kapatid ko, alam kong nagtatampo na siya.. na tila ba napag-iiwanan ang dating niya.

Hindi siya pinapansin ni Tenten na parang wala siya, na parang hindi siya nakikita nito.

 "Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" seryosong tono na ng kapatid ko.

Hindi ko alam kung paano ako eeksena sa dalawa, parang mga binata talaga ang dating nila ngayon.

Ilang sandali pang namayani ang katahimikan nang..

 "Ba't mo kinuha? Akin yan eh?!"

Napapikit naman ako nang medyo napalakas ang boses ni Tenten. Sinigawan niya si Chan, tono palang.. halatang asar na asar siya.

 "Sakin na lang 'to. Oh eto sa'yo.. bahala ka, ang drama mo."

Napalunok naman ako sa sinabi ng kapatid ko, pati na sa ginawa niya.

Yung paboritong action figure kasi ni Tenten na Bumble bee ay walang paalam na kinuha ng kapatid ko.. tsaka naman niya iniwan kay Tenten yung Optimus Prime niya. Bale, pinagpalit ito ni Chan.

 "Kobe tandaan mo 'to.. Ingatan mo yang Optimus Prime ko, pag yan nakita kong sira.. sasapakin talaga kita." seryoso at madiin namang sabi ng kapatid ko.

Napa- "O.O" naman yung mukha ko, k-kapatid ko ba talaga 'to?

Nakita ko rin si Tenten na parang walang nasabi, natameme ata?

 "Kobe payatot, payatot, payatot.. payatot... bahala ka. Payatot!" inis na sabi ng kapatid ko at lumabas na nga siya ng kwarto.

Agad akong nagtago.. at nang sa wakas at makalayo narin siya'y agad na nga akong pumasok para lapitan si Tenten.

Pagpasok ko'y nag-aayos na ulit ito ng gamit.

Dahil sa nakatalikod siya mula sa pwesto ko'y malaya kong nailagay patago yung Optimus Prime ni Chan sa may isa niyang bag.

Ilang sandali ko pa siyang pinanuod mag-ayos nang magtama na ang aming paningin.

Tinignan niya lang ako saglit at muling ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

 "Tenten, galit kapa ba sa akin?"

Sa wakas at nakapagsalita narin ako, sa totoo'y natatakot talaga ako sakanya.. sa awra niya ngayon.

Katulad ng inaasahan ko'y hindi nga siya sumagot.

 "Naiintindihan kita, naiintindihan ko kung bakit ganyan ka sakin." mahinang sabi ko.

 "Kobe, sana dumating yung araw na maayos tayo.. kayo ng kapatid ko.

 Mag-iingat ka.. hwag mong pababayaan ang sarili mo, Kobe."

Naiiyak nanaman ako kaya agad na akong lumabas ng kwarto.. bago ako naglakad palabas ay marahan ko pang tinapik sa balikat si Tenten.

Pagkapasok ko sa kwarto ko'y tuluyan na nga akong napahagulgol.

 "Kash, p-patawad.. Kash.."

Hindi ko man lang nagawang ibalik ang loob sa akin ni Tenten, masyado akong nakakahiya.. nahihiya ako kay Kash.


end
)


 "Kuya Kash.. hwag po kayong mag-alala, gagawa po ako ng paraan.. ako na pong bahala kay Tenten, promise."

Natuwa ako dahil sa biglang pagsigla ng mukha ng kapatid ko, na para bang siguradong-sigurado siya sakanyang sinasabi at sinabayan niya pa ng pagtaas ng kaliwang kamay niya, tanda na nangangako siya.

Alam ko kung saan nakatira ngayon si Tenten, ilang beses ko narin siyang pinuntahan at sinubukang sunduin pero.. wala talaga eh.

Kaya ngayon, ang pinag-usapan namin ng kapatid ko ay hayaan na muna namin si Tenten, siguro konting panahon pa, magiging maayos rin ang lahat.

 "Christian, hintayin mo na ako sa kotse.. magpapaalam lang ako sa kuya Kash mo." pagharap ko sa kapatid ko, tumango naman siya kaagad.

 "Bye kuya Kash.. sa susunod po kaming dalawa na ni Tenten ang pupunta rito." nakangiting sabi ng kapatid ko at tumakbo na nga siya palayo.

 "Kash.." mahinang sabi ko habang pinagmamasdan ko ang buong pangalan ng taong mahal ko.

 "Alam mo paba yung huling sinabi mo sa sulat mo?" pagngiti ko. "Aasahan ko yun ah? Hihintayin mo ako diyan, sabi mo yan ah?" nakangiti at hindi na makapaghintay ko pang sabi.

Sa tuwing nalulungkot ako, minsan ay eto ang nagpapangiti sa akin.. yung katagang *'Hihintayin kita Seven, gusto ko dito natin ituloy ang lahat.*

Naalala ko rin tuloy yung mga panahong nalaman ko ang nangyari, mga panahong dinala ako ni Jacob dito.


(
flashback


 "K-Kash?" naguguluhang sabi ko.

 "A-ano 'to? A-anong nangyari?" maluha-luha ko nang sabi.

 "Bumalik na ako oh.. d-diba sabi mo magsasama tayo? K-Kash?" ang pilit na pagtawag ko sakanya at tonong 'pagmamakaawa.

At sa napahagulgol na nga ako.

Ang gulo, ang hirap. h-hindi ko maintindihan. P-paano? Tsaka.. b-bakit? Kailangan ba talagang mangyari 'to?

Mga ilang minuto pa akong umiyak nang mapansin kong naglalakad papalapit sa akin si Jacob, may hawak ito.

 "Kaya mo yan, Seven.." mahinang sabi niya at pag-abot sa akin ng hawak niya.

Sulat?

Tinignan ko ito, galing kay Kash?

 "Iniwan sa akin ni Kash yan, bago siya bumalik ng manila. Sinabi niya na ibigay ko raw yan sa'yo.. at siguro eto na nga yung tamang pagkakataon para ipaalam lahat sa'yo."

Napatulala naman ako sa sinabi niya, ipaalam ang lahat? Hah?

 "Sa ngayon, hahayaan na muna kita na basahin yan. Alam kong importante yan at alam kong diyan ka rin makakakuha ng sagot.."

 "A-ano bang ipinupunto mo?" ang agad na tanong ko.

 "Basahin mo na lang.." simpleng sabi niya at paglakad na papalayo sa akin.

Naiwan naman akong nakatingin sa hawak kong papel, sulat.

P-parang natatakot akong buksan ito, parang may bagay na alam ko na.. pero ayaw ko lang makumpirma.

 "Kash, a-ano 'to?"

At muli, ako'y napaiyak.


end
)


 "Basta Kash, hwag kang mag-alala.. magiging maayos na ako, hindi na ako magmumukmok. Doon na muna ako kila lolo sa ibang bansa, pero syempre kasama kita, yung pinagsamahan natin, ikaw." pilit na pagngiti ko pa.

Naiiyak nanaman ako, pero kailangan kong magpakatatag.. hinihintay naman ako ni Kash eh.

 "Si Kobe... kapatid ko na bahala sakanya, magpapalipas raw muna ng ilang taon yung kapatid ko tsaka niya susundan si Kobe, hwag kang mag-alala.. siya na ang bahala, pero kapag nagkaproblema.. dun na ako eeksena. Mukhang may.. 'alam mo na' yung dalawa."

Kahit na naluluha na ako'y nakuha ko paring matawa, naaalala ko kasi yung dalawa nung mga panahong close na close sila sa isa't-isa.

 "Osiya Kash, alis na ako.. ilang taon kitang hindi mabibisita. Pero syempre, nandito ka.. ikaw lang, basta hihintayin mo ako diyan ah?" nakangiti nang sabi ko at pagturo pa sa may dibdib ko.

 "Kash.. Kash.. Kash.. Kash.. I love you, I miss you.. I love you." napakagaang sabi ko pa at paghalik sa naka-ukit na..

 "Kash&Seven"



-----




Point Of View

 - J a c o b -



 "Baka pwede niyo namang bilisang magsibihis noh?!" medyo malakas na sabi ko.

 "Baka naghihintay na si Seven. Bilisan niyo!!" pagsigaw ko pa.

Kanina pa ako nakaupo dito sa may sofa sa baba, sila nasa taas sa kwarto ni Ivan, doon na sila nagsiligo at nagsibihis.

 "Mukhang ayos narin si Seven noh? Halos tatlong taon rin natin siyang inaalalayan, panigurado.. tuwang-tuwa niyan si Kash." nakangiting sabi naman ni Marvs, napangiti narin ako.. tama siya.

Kahit kami, kahit ako.. nahirapan at nalungkot rin, ganun kasi talaga kapag nagmamahal ka eh. Oo mahal ko si Kash, kaibigan ko siya eh.

 "Edi.. let's go!!"

Napatingin naman kami sa sabay-sabay na pagsigaw nila Vince, napa-iling na lang ako.

 "Tara, naghihintay na si Seven." pagtayo ko na.

Kami ang maghahatid kay Seven sa Manila ngayon, sa airport. Uuwi na muna kasi siya sa ibang bansa eh, doon na muna raw siya.

Palabas na kami ng pintuan ni Marvs nang..

 "Wait lang.. groupie muna, sayang outfit natin oh.. katapos sa airport ay sa MOA naman tayo, kaya sinagad-sagad ko na ang pagpoporma." agad na pagmamalaki ni Vince at mabilisang pag-agaw pa sa phone ni Marvs.

Napa-iling na lang kami.

 "Okay.. pagbigyan." sabay sabay at walang ganang sabi namin.

Nagsi-pose na lang kami, ma-satisfied lang siya, hehe.

....


 "Salamat sa inyo ah? Sobrang nagpapasalamat ako dahil sa nandyan kayo." nakangiting sabi ni Seven sa amin.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta airport.

 "Wala yun." simpleng sabi naman ni Marvs.

 "Siguro nga medyo mahirap intindihin yung mga bagay bagay na nangyayari ngayon sa buhay natin, mahirap, magulo at minsan ay masasabi pa nating trahedya.. pero wala eh, may kaakibat na aral yan. Kahit na mismong tayo'y hindi na natin ito gusto." sabi naman ni Alex.

 "Nasa sa atin na lang kung paano natin ito dadalhin." pahabol ko sa sinabi niya.

 "Lesson rin kung maituturing, medyo masakit man tanggapin pero patunay lang yan siguro kung gaano kahalaga ang isang relasyon." dagdag ko pa.

 "Ngayon ang problema natin.. yung dalawang bata. Nagdadrama nung minsan sakin si Chan eh." sabi bigla ni Marvs.

 "Hayaan niyo, maaayos rin 'to.. may tiwala ako sa kapatid ko." panatag na sabi ni Seven.

 "Eh ikaw ba? Ayos kana ba talaga?" pagharap ko pa sakanya, nasa may harapan kasi kami ni Marvs eh.

Tumango naman siya.

 "Oo, magagalit si Kash kapag nagdrama pa ako.. bawal narin akong umiyak, lalong magagalit yun." sabi pa niya.

 "Nako, ngayon mo lang naisip yan? Tsktsk." pag-iling naman ni Vince.

 "Pero atlis, ayos na.. wala ng problema. Ayos na ah?" pagtatanong ko ulit.

 "Ay oo nga pala Jacob, may sulat pala para sa'yo si Kash.. may iniwan siya sa lalagyan ng damit ko eh." biglang sabi ni Seven.

 "Talaga?" tuwang-tuwa kong sabi.

Nang iabot niya ang sulat ay sa akin na nakatingin ang lahat.

 "Hwag kayong umasa, hindi ko ipapaalam sa inyo kung ano sinabi ni Kash.." agad na sabi ko sakanila.

Muli akong naupo paharap, ano kayang isinulat ni Kash?



-----




Point Of View

 - S e v e n -



 "Seven... Bye!!"
 "Kapag minsan bibisita kami diyan!!"
 "Mag-iingat ka dun ah?"
 "Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang!!"
 "Magpadala ka ng maraming chocolate!!"
 "Seven!! Lagi kang tatawag ahh!!"

Nakangiti ako habang pinakikinggan ang mga sigaw nila.

Bawat isa, nakangiti at halatang excited sa mga binibilin nila.. meron ring mga ekspresyong nalulungkot.

Singka-taas sila ng kaway, singka-tingkad.. palakasan rin ng sigaw.

 "Salamat!!" pagsigaw ko narin at pagngiti.

Siyang pagtalikod ko ay naluha na nga ako, ang hirap palang umalis lalo na kapag may maiiwan ka.. mga matatalik mo pang kaibigan.

Si Kash, oo hindi ko na siya mabibisita.. pero alam kong alam niyang dala-dala ko siya sa puso't isipan ko. Baduy noh? Eh sa ganyan talaga eh (--,)

....


 "Bye.. guys." malungkot na pagbulong ko.

Heto at nagsimula na nga ang pag-alis ng eroplano.

Bago ako umalis ng bahay, binilinan ko na si Christian.

(
flashback

 "Christian, yung sinabi ko ah? si Kobe, ikaw na bahala sakanya. Nang huli ko siyang puntahan.. basketball ang pinagkaka-abalahan niya." bilin ko.

Nasa kwarto kami, tinutulungan niya akong mag-ayos ng gamit ko, para sa pag-alis.

 "Oo nga ako na bahala dun sa payatot na yun. Tsaka ba't pati yung pinagkakaabalahan niya nirereport mo?"

Tinignan ko naman siya. Yung tono niya kasi ay mukhang naiinis.

 "Ba't ka nakasimangot?" tanong ko.

 "Eh kasi binabanggit mo pa yang basketball na yan.. alam mo namang.."

Hindi pa man siya natatapos magsalita ay natawa na ako kaagad.

Oo nga pala at badtrip siya sa larong basketball.. kahit anong gawin niya ay lampa siya pagdating sa larong ito.

Nang malaman niyang nagbabasketball si Kobe, pinilit niyang pag-aralan ito nguni't bigo siya.. wala paring improvement.

 "Nako Christian, siguraduhin mong mapapa-amo mo yung si Kobe. Sa edad na labing-isa ay 5'7 na nga ang height niya. Eh ikaw? tignan mo 5'5 ka lang, tsk kawawa ka pag nagkita kayo, hindi ka niya makikilala dahil sa liit mong yan." tonong nanlalait ko at pag-iling iling ko pa.

Masarap kasi inisin 'to eh.. hindi siya nagpapatalo. Yan ang kapatid ko, hindi basta-basta nagpapatalo. Pero kadalasan.. asar talo (--,)

 "Wala akong pakialam kung mataas siya o kung ano man yan. Gwapo ako, yun lang.. tapos." simpleng sabi niya.

Napa-iling naman ako. Sa totoo lang, mas gwapo na si Kobe ngayon kaysa kay Christian.

 "Christian mas gwapo siya sa'yo.. hwag kang mahangin diyan." pagtawa ko, yung nang-iinsulto.

 "Oh talaga? Osige siya na matangkad, siya na magaling mag bastketball, siya na mas gwapo pero.."

Napatigil naman ako nang tumayo yung kapatid ko.. 

 "Pero?" tonong panghahamon ko.

 "Mas malakas ang sex appeal ko.. uilitin ko.. Sex Appeal." pagmamalaki niya at paghubad pa ng suot niyang sando.

Sus, pareho lang silang dalawa ni Kobe. Syempre, dahil sa aming dalawa ni Kash nagmana yung dalawang bata. (--,)

 "Sige lang, maghangin ka lang.. bagsak rin ang dating mo kapag nagkita kayo ni Kobe." pag-iling iling ko pa, yung bang naaawa ako kunwari sakanya.

 "Ewan ko sa'yo. Bilisan na nga natin mag-ayos.. umalis kana!! Panira ka eh, naturingan pa naman kitang kuya." inis na sabi niya at pagsuot ulit ng damit niya at pagtuloy sa pagtulong sakin.

Natawa na lang ako, asar talo.

Pero sana, sana nga.. maibalik niya sa dati si Tenten.


end

)


Siguro nga may mga bagay talaga na nakatakda, siguro nga bago ka maging masaya ay dapat ka munang masaktan o malungkot.

Sa totoo lang, hindi ako masaya. Wala si Kash, wala yung taong mahal ko. Pero kailangan kong magsimula eh.. bilin niya kasi na asikasuhin ko ang dalawang bata at alagaan ko ang sarili.

Ayaw niya daw akong umiiyak, katulad nga ng sinabi ko.. gusto niya na magsimula ako ulit.

Pero siya lang, siya lang ang gusto ko. Mag-isa man ako ngayon.. alam kong nariyan lang siya at binabantayan ako.

 "Kash.." mahina at nakangiting sabi ko.

Naalala ko tuloy bigla yung ilang sinabi niya sa sulat.

Yung laging nagpapangiti sa akin sa tuwing nalulungkot ako, sa tuwing gusto ko nang sumuko.

*
"
...
...
....
...

... masaya ako Seven, masayang-masaya ako. Ngayong binabasa mo 'tong liham na ito.. paniguradong nagtatatalon na ako sa tuwa. Masaya ako, masayang-masaya ako dahil sa hindi ako nabigo. Masaya ako dahil sa ngayong binabasa mo itong sulat ko.. patunay lang na isa na ako sa bumubuhay sa'yo. Hawak mo ang puso ko, hawak mo rin ang pagmamahal ko.. isa lang ang gusto ko, gusto ko na dalhin mo yan dito sa taas. 'Hihintayin kita Seven, gusto ko dito natin ituloy ang lahat. Magpapakasaya tayo, dito maaari na nating mahalin ang isa't-isa na walang iniisip na kung ano man.. dahil dito, alam ko.. maayos ang lahat.

Maghihintay ako Seven, hihintayin kita.. Pangako.

- Kash

PS. Tsaka na yung "I love you" mo ah? Dito na sa taas, kaya bilisan mo!! Hehe <3
"
*

 "Sira ka talaga Kash, kaya napamahal ako sa'yo eh.."

Pagngiti ko at pasimpleng pagpunas sa mga luha ko.

Last na 'to.. bawal na akong umiyak niyan.. magagalit lang yung maitim na yun.

 "Kash.. kapag nagkita na tayo, sisipain talaga kita.. tignan mo lang." pagtawa ko pa.

Para akong sira dito, umiiyak tapos tumatawa.

Ganito nga talaga siguro kapag nagmamahal ka. Lalo na kapag, si Kash ang minamahal mo :) nakakabaliw :) pero masarap (--,)

 "Hintayin mo lang ako.. Mahal na mahal kita, Kash."



---


Siguro nga may mga bagay talaga sa mundo na napaka-gulo.

Siguro nga may mga bagay talaga na napakahirap intindihin, lalo na kapag nagmamahal ka.

Minsan may mga bagay na hindi kapani-paniwala. Minsan kasi ay nangyayari yung mga bagay na hindi natin gusto, o hindi natin inaakala.

Masakit, masakit talaga kapag nagmamahal. Pero pauna lang yun, kalaunan.. puro halik ng tagumpay na ang makakamtan mo.

Kasi minsan, isang realidad ang nais iparating sa atin ng salitang "Aral".

Kaya wala na sigurong mas sasakit pa sa naranasan ni Seven. Yung bang pagkagising mo ay wala na pala yung taong mahal mo, yung taong naging rason ng muling paggising mo.

Pero katulad nga ng sinabi ni Seven..


 "Hintayin mo lang ako.. Mahal na mahal kita, Kash."










The End





Commentators :)

-Clang
-Jex
-44
-RRR
-Marvs
-Blkwing
-Eros
-Esod
-Anonymous101
-SJ
-Franz
-Macky
-JohnAries
-Angel
-Hardname
-Jst
-Tyler
-Machineman
-Az
-Red08
-Kevin
-Darkboy
-Jay05
-Jhay05
-Jharz05
-RobertM94
-Ben
-Jm
-NagtatagongGeo
-Tiunggo
-Geologzjames
-ChuChi
-IAmYours
-Mark
-JeffersonCabriana
-Khym213
-MarkCaliso
-Simba87
-ReaganHambog
-Marlon
-GilrexLaurente
-JCSY
-Dave
-AlfredTO
and -Vienne and -Rye
Anonymous and Silent Readers

Mula Prologue hanggang chapter 18, lahat ng pangalang nagbigay ng iba't-ibang komento, nagshare ng ideya, nagbigay ng opinyon, natawa, nasiyahan, naluha, nabitin, nainis, napasimangot, napangiti, kinilig at lalong-lalo na sa mga napamahal na kay Kash.. Maraming Salamat!!

Nais ko ring pasalamatan yung mga mambabasa na nakukuha o nadadama yung mga ginagawa kong eksena, yung nakukuha nila yung nais iparating o ipunto ko.. Salamat po sa inyo!!

May susunod akong story, hulaan niyo kung sino yung dalawang magiging bida :)

Bumblebee & Optimus Prime :]

Hanggang sa muli (--,)

- Prince Justin

26 comments:

  1. Nice. Thanks for this story.. im looking forward to your new story.. im sure puro lilig moments un.ehe. til ur next story cabalen


    Az

    ReplyDelete
  2. To be honest. Disappointed ako sa chapter na to. Medyo magulo and sad ending. Pasensya na mr author. I know that is reality and it is your story. Thank you pa din sa story mo, More power mr. Author.

    -Tyler

    ReplyDelete
  3. ammmmmm... nalito ako .... si kash ang namatay.... hindi si seve na may sakit???

    ReplyDelete
  4. Nalito ako promise...

    1234567890

    ReplyDelete
  5. bakit parang bitin...anu po nanyari kay cash....wala ba chapter 19

    ReplyDelete
  6. Ang sad ng ending pero ganyan tlaga ang buhay pagibig. Walang kasiguraduhan lalo n kung ang isa eh bibitaw lamang sa isang di inaasahang pagkakataon. Anyways, cingrats mr. Author for sharing a wonderful story in this blog. May thr good lord always bless u. Cheers!

    Reagan hambog :)

    ReplyDelete
  7. Yoko sana mag-comment kasi sobrang nalungkot ako sa ending pero dahil sa mention sige eto na hehehe!... I hate tragedies. Sobrang saklap nito. Di happy ending. Pero si author magaling na risk-taker pa na sumugal sa tragedy. Kaya kudos sayo at excited na kami sa Tenten-Chan story :) - simba87

    ReplyDelete
    Replies
    1. nice one... sana isunod nya yung kwento nong dalawa ni ten-ten at chan...

      Delete
  8. Sana happy endng lang...

    ReplyDelete
  9. Kakabasa ko lang neto kahapon kaso nakita ko last chapter na hinintay ko lang talaga mag last chapter para tuloy tuloy. Haha. Ano ba nangyare dinonate ni Kash kay Seven yung puso nya? Nalilito ako pero naiintindihan ko naman pero nakakalito talaga. Haha. Good job Mr. Author kahit na ang daming pumapasok na character throughout the entire story nakakatuwa pero sana mas maganda kung hindi malungkot although di naman malungkot talaga kasi pinakita dun talaga pinakita yung totoong ibig sabihin ng true love yung tipong handa kang mag sakripisyo for the love of your life at hindi lang basta sakripisyo yun, its just that kaya lang naging malungkot kasi yung ending na hindi sila happy ending kasi may isang nawala. Hay buhay nga naman. Charot. Haha. Good job po ulit.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  10. hindi nman patay si kash diba?
    nc ending

    ReplyDelete
  11. Ay sayang si kash pala ang ang donate sa ky seven para mabuhay :) akala ko happy ending pero sad pala na alala ko tuloy yung Here besides you


    Franz

    ReplyDelete
  12. Kudos mr author the last chapter is a downpour of tears. Goodjob after. BTW what will be the title of your nxt story?

    Looking forward to read the story of tenten and chad... plsss post the title ofnyour nxt stoy

    -sten

    ReplyDelete
  13. awesome ending, and also every chapter is full of surprises and emotions,.

    your great Mr. Author, thank you for this wonderful story. GODSPEED!

    -jay trinidad

    ReplyDelete
  14. Hmm naguluhan ako sa ending. Hehe pero maganda yung story, nkakalungkot lang.. :)

    ReplyDelete
  15. kakaasar......grrrrrrrrr... bakit naputol yung kwento ni kash habang kausap yung daddy ni seven? kakagawa ko lang ng account ko ngayon para lang makapagcomment.. sana naman hindi kana nagshortcut para nabuo yung binabsa namin...

    ReplyDelete
  16. kakasura ka naman mr. author eh... kulang...

    ReplyDelete
  17. T.T kash is so dead T.T huhuhuhu im so disapointed sa story pero wala eh. huhuhuhu ngayon ko lang nabasa after many months or weeks huhuu. kaw awtor ka. ikaw sipain ko jan eh huhuu. hays. sana huh happy ending next time pag may deads nanaman haluh ewan T.T


    ~jex T.T

    ReplyDelete
  18. Ang gulo ng ending, hnd mu alam kung namatay c kash o anu tlg nangyari 0906 377 97__

    ReplyDelete
  19. I think they have part 19, kc hnd alam kung panu namatay c kash

    ReplyDelete
  20. Denonate Cguro Ni Kuya Kash Ung Puso Nya Kasi Kita Nmn Sa Sulat At Baka Nagtatampo Sii Tenten Kasi Nya Si Seven Ang May Kasalanan Kung Bakit Namatay Si Kuya Kash Nya, At Sarap Pakinggan Na Hihintayin Kita Dito, Dito Natin Pagpapatuloy Pagmamahalan Natin. How Sweet :) :) <3

    ReplyDelete
  21. Panget nung ending.

    ReplyDelete
  22. Nasan yun part 19? Bakit ang gulo ng ending? Ano ikinamatay n Kash? Sana s susunod maayos n mailatag ang bawat detalye ng istorya. Kaasar naman.

    ReplyDelete
  23. napakalalim nmn ng pag mamahal ni kash..., walang hint bago ung after 3years..., napa noooooo talaga ako .. , salamat sa novel na ito.., kudos sa author..,

    ReplyDelete
  24. Nauna ko basahin ang Chan at Kobe, pero ayun. Di siya kumpleto. Dun ko nalaman na deads na si Kuya Kash, pero naman Mr Author. May papatayin kang character, yung main protagonist mo pa na laging may POV. Siempre, dalang dala na mga readers sa kanya. Ang sakit. Magaling ka naman po mag sulat, siguro kung may proof reader ka, eh madaling maayos ng mga gulo sa plot devices. Masaya pa rin ako kay Kash & Seven, kahit sabihin na nating diko ma imagine mga mukha nila. Medyo kulang sa description eh.. Kudos and more power. Mag sulat kapa po, babasahin ko yan. Salamat!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails