AUTHOR’S
NOTE: Have
a prosperous new year, RYESTERS! Pati na rin sa walang sawang nagbabasa ng akda kong ito, kahit natatagalan na ako sa pagaupdate. No further A/N muna ngayon. Let's all feel the 1st day of 2015 :)
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental. All images, videos and
other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo
credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS CHAPTERS
ADD US TO
YOUR BLOGGER APP
(Reading
List)
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Gio Yu’s
Final Requirement (On-going)
Vienne
Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s
The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Bluerose
Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin
Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie
Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XXIV
Dave’s POV
“Ano sa tingin mo? Kaya pa kayang ibalik?”
“I guess… I think, head over heels naman si Riel
sa kanya, just like Red to him.”
“I know. Maganda nga ‘yon e. Hindi ko rin naman
kasi siya matanggihan.”
“Madali na lang ‘yan, Bae. We’ll just act
according to what we’d planned.”
Iniharap ko ang sarili ko sa katabi ko sa kamang
si Seb. Namiss ko talaga siya. 1 week na rin kami dito sa Pilipinas. Gan’on nga
talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Every single day, mamimiss
mo talaga.
‘Yong sa plano? I just want to make things more
exciting.
“Okay lang naman sa’yo na halikan ko si Red ‘di
ba?”
Nagkibit-balikat siya. “Of course… It’s just a
kiss. You won’t mind if I will be kissing Riel too, right?” Tugon niya.
Ewan ko nga ba. Okay lang naman sa akin, pero
the moment that he said that, parang may kirot. Well, parehas lang din naman
siguro kami ng nararamdaman. Kailangan, kasi, gusto rin naman naming tulungan
si Red.
Dahil sa kanya, nasalba pa namin ang relasyon na
ito. Kaya’t we’re willing to help him.
“Mmmmm. S-siguro hindi na lang tayo lalampas
doon.” Sagot ko. As if hindi namin ginagawa ‘yong, alam niyo na.
“I miss you, Bae…” Aniya matapos ang ilang
minutong katahimikan.
Naramdaman niya na rin siguro ang awkwardness sa
topic na pinag-uusapan namin. I guess, it can’t be help. Kiss lang naman ‘di
ba? Game naman si Red. But, I doubt if he will permit Seb, to kiss his one and
only.
“I miss you, so much, too, Bae!” Pilit kong
taboy sa isiping iyon.
Hindi ko na napigiling hagkan at halikan siya.
Then our long night, started. Gehe!
Riel’s POV
“Ang daya neto!” Ani Liz.
Nandito kami ngayon sa Starbucks, libre daw ni
Jasper. Mag-aalas dose na nang umalis kami sa Bar.
“Bakit?” Tugon ko naman sa kanya.
“Tss! Nagtanong ka pa! Namiss na rin kaya namin
ang pagbabanda.” Inirapan lang ako.
“Oo na! Gusto ko lang muna kasing mag-drama
ngayon. Gan’on! Hayaan mo na, sa Sabado, ang banda na naman ang lalabas doon.
Tsaka may pasok kaya kayo ni Leer. At least kaming college, hawak namin ang
oras namin.”
“Oo na! Kayo na ang college na! Tss!”
“Hay nako! Tigilan niyo na nga ‘yan! Ano bang
gusto niyo?” Pagsuway sa amin ni Jasper.
Napairap lang si Liz sa hangin habang ako nama’y
ngingiti-ngiti lang. Ang arte nitong isang ‘to! Grabe!
“Namiss ko kayo, guys.” Out of the blueng saad ko
sa hangin.
Nagkatinginan lang silang lahat, maging si Kuya
ay gan’on din ang reaksyon sa sinabi ko. Kahit kasi magkasama kami sa bahay,
lagi ko namang ina-isolate ang sarili ko sa loob ng kwarto pagkatapos ng mga
gawain.
Masyado akong nag-isip these past few days
because of what I saw at the airport.
Isa pa… hindi ko alam ang buong kwento sa mga
nangyari sa kanya sa Amerika. Sana, makausap ko siya…
Gusto ko siyang hagkan… pero… hindi ko alam kung
ano ang aabutan ko sa mangyayaring pagtatagpong iyon.
Gusto ko na rin namang matapos ang paghihirap ko
e.
“Edi sana, tinawagan mo kami days before the
Gig. Pwede ka naman naming damayan sa pagdadrama mo. Hindi lang tayo basta
banda, Riel. We’re friends. Good friends. Always remember that.” Patutsada na
naman ni Liz.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
“Wushu! Parang si Nanay lang ah!” Biro sa kanya
ni Leer.
Inirapan niya lang ito saka umaktong babatukan
ang nauna.
“Diyan nagsisimula ‘yan.” Patay malisyang singit
naman ni Eli.
Natahimik lang ang dalawa sa bangayan nila.
Hindi na rin naman nagtagal si Jasper sa pagkuha ng aming order. Pampasaya ng
mood ang order ko. Namiss ko na rin kasi e. Caramel Macchiato tsaka Blueberry
Cheesecake! FTW!
Blueberry…
Cheesecake…
Napailing na lang ako sa naalala ko. Tss.
Pampasaya nga ng mood, tapos nang maalala ko lang ‘yon, naging pampalungkot
tuloy.
“Wuy! Moody lang ang peg? Gan’on?” Ani Liz sabay
siko sa akin.
“Wala. Wala. May naalala lang ako.” Tugon ko
naman sa kanya.
“Hay nako, Riel. Pwedeng magrest day ka muna sa
pagdadrama? Nahahawa rin kasi kami sa’yo. Ngayon na lang nga tayo ulit
nagkasama, magdadramahan naman tayo.” Dagdag pa niya.
“Yeah. Yeah. Sorry for making you worry, guys…”
Tama nga si Liz. Hindi ko dapat iniisip ang mga
bagay na nakakapagpalungkot sa akin whenever I am with them o sino man sa mga
kaibigan ko. Pero, hindi ko mapigilan e, I admit… I really need help.
Nakakabaliw na, kung sosolohin ko lang ito
lahat.
“Walang kaso naman ‘yon, Riel. It’s just that,
‘wag mong araw-arawin. Sabi nga, mas gagaan ang problema, kapag may masasabihan
ka. We all know, it’s Red. There’s no doubt about it. We don’t want to be as
nosy as our parents are, pero, just like our parents do, we just want to help
you.”
“Alam ko naman iyon, Jas. Hayaan niyo, I’ll open
up kapag hindi ko na talaga kaya.” Tugon ko.
“Sa akin nga hindi nagoopen-up e. ‘Yon, panyo na
lang ako lagi kapag umiiyak ‘yan. Tss.”
Dahil sa sinabing ‘yon ni Eli ay natahimik ang
lahat. Nagkatitigan na lang kaming dalawa dahil doon.
Tama nga siya. Lagi siyang nariyan kapag umiiyak
ako, pero, ni minsan ay hindi ako nagopen-up sa kanya ng nararamdaman ko.
Nakikita niya akong nahihirapan, pero, wala naman siyang kaide-ideya sa nangyayari
sa akin.
Imbes na maging masaya ang gabing iyon kasama
ang buong banda ay naging awkward na iyon dahil sa huling sinabi ni Eli.
Kumustahan na lang ang tangi naming nagawa, shrugging-off the first topic.
Nagpasya kaming umuwi noon nang pumatak ng alas
dos nang umaga. Si Jasper na lang din ang naghatid sa dalawa pa naming
kaibigan. Ako naman, kay Eli sumama.
Kahit awkward pa rin ang pagsasama namin sa
iisang kotse, wala naman akong magagawa, sa bahay siya nakatira. Hindi ko rin
siya pwedeng iwasan.
“Sorry kanina.” Aniya.
Siya na ang unang bumasag sa katahimikan. 10
minutes na rin lang naman at malapit na kami sa bahay.
“Okay lang. Tama ka naman ‘di ba? Kaya nga hindi
ako nakipagtalo na sa’yo.” Tugon ko.
“Gago kasi ‘yang mahal mo. Uupakan ko na sana
‘yon doon sa airport e. Kung hindi ka lang umiyak, nasa ospital pa sana ‘yon
hanggang ngayon.”
Naihampas niya pa nga ang kamay sa steering
wheel ng kotse niya. Nakita ko rin nagngitngit ang kanyang bagang dahil sa
galit.
“Kuya…”
“Ano? Pagtatanggol mo na naman? Riel naman!”
“Hindi naman sa gan’on.”
Itinabi niya ang sasakyan tsaka ito itinigil.
Marahas siyang lumabas sa kanyang pinto tsaka sumandal. Lumabas na rin ako.
Malapit na kami sa subdivision kung saan kami nakatira.
Alam kong ayaw niya lang itong paabutin pa sa
bahay. To settle things, dito na lang. Wala na namang masyadong dumadaan na
sasakyan.
20 minutes na rin ang nakalipas simula noong
itinabi niya ang kotse. Pasulyap-sulyap sulyap lamang ako sa kanya para malaman
kung kumalma na siya.
“Kuya…” Pagkuha ko sa atensyon niya.
Napalingon naman siya pero, kita ko sa kanyang
mukha ang kalungkutan.
“Gusto kong may gawin… pero… wala e… hanggang kapatid
na lang talaga ang papel ko ngayon sa buhay mo.” Aniya.
Nakatingin lamang siya sa kalawakan.
Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Yes,
magkapatid ang turingan namin, pero hindi maaalis ang katotohanang nahulog ang
loob niya sa akin noon. Hindi ko rin masasabing wala na iyon ngayon, kasi hindi
naman ako, siya.
Posibleng mayroon pa rin siyang pagtingin sa
akin… hindi lang bilang kapatid.
“Alam kong napag-usapan na natin ‘to noon, pero,
hindi ko mapigilan e. Sa lagay mo ngayon, parang hindi lang kasi kapatid ang
kailangan mo... may limitasyon ang pagiging kapatid ko sa’yo.”
Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Hindi higit sa kapatid ang kailangan ko ngayon.
I may seem to be weak sa nakalipas na taon, pero, kinaya ko naman, kasi andyan
silang mga kaibigan ko.
Para intindihin ako…
Para damayan ako...
Sila ang naging lakas ko. ‘Yon lang naman ang
kailangan ko e.
Kailangan ko na talaga sigurong… hindi… dapat na
pala… dapat ko ng harapin ang realidad na ito. Para matapos na… para malaman ko
na kung ano na ba talaga ang dapat kong gawin.
“Sorry for making you worry, Eli.” Nasabi ko na
lang.
“Ipinanganak ako para mag-alala sa’yo.” Aniya.
“Eli…”
“Oo… Sabi ko nga may limitasyon ang pagiging
magkapatid natin, ‘di ba?” Tugon niya saka napailing. Pilit niyang nilagyan ng
ngiti ang kanyang mukha.
Pero, I know deep inside, may malalim na
kahulugan iyon. Maskin ako’y alam ko kung ano ang gusto niyang iparating.
“Wala na rin naman akong magagawa, ‘di ba?
Matagal ko na rin namang tinanggap na hanggang doon na lang nga talaga tayo.
Ikaw kasi e.”
“Sorry na nga, ‘di ba?”
“Alam mo namang hindi kita matitiis.”
“Kaya nga.”
Nang magkatinginan kami’y doon na sumilay ulit
ang kapanatagan sa pagitan namin ni Eli. Laking pasalamat ko talaga na dumating
siya sa buhay ko. Agad ko na lang siyang niyakap.
“Ayan ka na naman.” Aniya.
Agad ko tuloy tinapos ang pagkakayakap sa kanya.
“Bakit, na naman? Parang niyayakap lang. Yakap
ng kapatid kaya ‘yon! Ikaw nga riyan, halos hindi na ako makahinga sa pagyakap
mo sa akin e.”
“E kasi po kaya, kinocomfort kaya kita.”
“Edi kinocomfort din kita!”
“Tss! O siya! Uwi na nga tayo. Kanina pa
tumatawag si Eri.”
“Ba’t ‘di mo sinasagot?”
“Nagmomoment kaya tayo. Minsan lang ‘to ‘no.”
Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Sentimental na tao nga pala talaga si Eli. Katulad ko. Kaya rin siguro hindi
kami bagay. We’re the same in many aspects.
Well, ako lang siguro ito. Ayoko ng may kapareho
ako sa lahat ng bagay.
Mas gusto ko kasi ‘yong opposite mo ang magiging
partner mo. At least, hindi kayo mag-aaway sa mga bagay na pareho ninyo gusto.
Nang makauwi kami, boses ni Eri ang
umaalingaw-ngaw sa loob ng bahay. Maskin si June ay nagising na rin dahil sa
ingay niya. Mag-aalas cuatro na rin pala kasi kami umuwi ni Eli.
Hindi na lang namin inintindi iyon ni Kuya.
Matutulog lang ako ng kaunting oras tapos, maghahanda na rin para sa almusal at
pagpasok namin ni June sa paaralan.
Sa school, nakangiting mukha agad ni Mr. Chiu
ang nakita ko.
Tss. Feeling close na ata itong mokong na ito.
“Ang ganda pala talaga ng boses mo.” Aniya nang
makarating kami sa harap ng classroom ng una naming subject.
“Kanino mo naman nalaman?” Naguguluhan kong
tanong sa kanya.
Ginamit niya ba agad ang kagwapuhan niya para
lang makapang-imbestiga tungkol saakin?
Naalala ko tuloy ‘yong ginawa ni Eli noon.
Hahaha! Kahit nasaktan ako noon sa ginawa niya, okay lang, dahil naman doon ay
naging mas mabuting magkaibigan naman kami.
“Ah… e…” Napakamot siya sa kanyang batok.
Natigilan na lang ako nang gawin niya iyon. Alam
niyo na. Si Red lang naman kasi ang laging gumagawa ng gesture na iyon. Siyang
siya lang.
Ang Makita ‘yon na gawin ng ibang tao’y nakakapagpaalala
sa akin ng lahat ng tungkol sa kanya. Pati na rin ‘yong nakita ko sa airport
noong Sabado.
“Sa mga kaklase natin.” Dagdag niya.
Wala sa sarili akong napatango na lang sa kanya.
Hinila na rin kasi ako ni June papasok sa classroom. Pagkalingon ko sa kaibigan
ko’y iningunguso na niya ang paparating naming instructor.
Papunta kami ngayon ni June sa Cafeteria para
doon kumain ng tanghalian nang may sumabay sa amin sa paglalakad papunta roon.
“Can I tag along?” Aniya.
Nagkatinginan lang kami ni June matapos sabihin
iyon ni Mr. Chiu.
“Uhm. Bakit sa amin, Mr. Chiu?” Tanong sa kanya
ni June.
“Just call me, Seb. Masyado naman atang pormal
kung Mr. Chiu lagi ang itatawag niyo sa akin. And as if I’m a VIP in this
school. Estudyante lang din naman ako rito.” Aniya.
“Okay, Seb. Bakit nga ba?” Tanong ko.
“Lunch? Kasi mas komportable ako sainyo. Lalo na
sa’yo, Riel.” Tugon niya.
Siniko naman ako ni June dahil sa sinabing ‘yon
ni Seb. Kinikilig din ‘tong isang ‘to, alam ko. Discreet din naman kasi siya.
Kaya nga siya pinagpa-aral ng kanyang mga magulang dito sa Naga, dahil sa
tinatago niya.
He’s from Legazpi. Ayaw kasi ng mga magulang
niyang maririnig niya ang sasabihin ng kanyang mga kamag-anak. Although,
tanggap siya ng pamilya niya, ‘yong sa relatives nama’y hindi.
May kakambal nga rin daw siya e. May ang
pangalan. As in the month, May. Mayo. Sunod sa Hunyo or June. Gets? Haha.
Pinandilatan ko na lang siya ng magaganda kong
mata. Chos! Hindi pa ako pwede makipaglandian ‘no! Walang closure sa relasyon namin
ni Red. Kailangan ko munang malaman ang lahat lahat sa side niya.
Hindi ko sinasabing kailangan muna na may
matapos bago magkaroon ng bagong simula. Ang punto ko’y kailangan munang alamin
ang hindi nagtapos na kwento sa pagitan namin ni Red.
Wala na rin naman kaming nagawa ni June kung
hindi isama na rin lang si Seb. Hindi naman kami ganoon kasamang tao. May
tendency lang. Evil laugh. Tsaka gwapo naman ‘tong si Seb. Baka nga hindi na
kami bumili ni June ng pagkain neto. Lol!
Erase! Erase! Nagiging malandi na naman ang utak
ko! Masyado kaming natuturn-on kay Seb. Alam kong nagpipigil lang din ‘to si
June e.
“Anong gusto niyo? Libre ko. Since pumayag
kayong isama ako. Kahit pilit lang.” Aniya saka ngumiti.
“Huy! Hindi ah! ‘Wag na lang! Baka utang pa
namin ‘yan sayo.” Sarkastikong tugon naman sa kanya ni June.
“De, Joke lang! Ikaw naman June. Matampuhin
masyado.” Natatawa niya pa ring sagot.
Itinuro na lang namin sa kanya ang gusto namin.
Sabi nga, ‘wag tatanggihan ang grasya. Minsan lang kami mailibre e. Wala na
masyadong nagpapatutor sa amin ni June. Naghanap na lang kaming dalawa ni June
ng mauupuan namin.
“Masyadong pafall ‘yang si Seb ha!” Bulong ni
June sa akin.
“Bakit? Nafall ka na ba?” Tanong ko naman.
“Malapit na! Ikaw ba?” Biro niya saka tumawa.
Nakitawa na rin naman ako sa kanya.
Ewan ko nga ba. Hindi naman mahirap magkagusto
sa isang tao e. Lalo na sa tulad niyang gwapo, makisig, mabait, at matangkad.
Pero, andito pa rin sa puso ko si Red e.
Hindi ako fan ng two-timing. Lol!
Natigil lang kami sa bulungan namin ng makita
naming papalapit na si Seb sa pwesto namin.
“Close na close talaga kayo, ha?” Tanong niya ng
makaupo na siya sa harap namin.
“Yup. Boarder ko rin kasi itong si June. Kaya
halos, 2 months na rin kaming magkasama araw-araw.” Tugon ko. Si June na ma’y
patango-tango lamang na ma’y ngiti sa kanyang labi.
“Si Riel ang una kong naging kaibigan simula
noong lumipat ako rito sa Naga from my hometown.”
“Bakit, taga-san ka ba?”
“Legazpi.”
“Malapit lang ba o malayo? And why?”
“More or less two hours na byahe. About the
reason why, it’s a long story. Tsaka si Riel palang ang may alam noon kung
bakit.”
Mukhang nagkakamabutihan na ata ang dalawa. Lol.
Napatango na lang ako nang tingnan ako ni June.
“Ah okay! Sino ba naman ako para mangulit.
Kakakilala niyo pa lang naman sa akin e. Syempre kailangan muna na siguradong
mapagkakatiwalaan ang isang tao bago masabihan ng sekreto. ‘Di ba?” Aniya.
Napatango na lang sa kanya si June. Bilib din
naman ako sa isang ‘to. Alam kung paano makipagkaibigan.
Nang matapos namin ang aming tanghalian ay agad
na rin lang kaming pumunta sa susunod na subject namin. Hindi nga namin alam
kung bakit nakasama pa sa block namin si Seb, late siyang nagtransfer, so dapat
naroroon siya sa isa pang block.
Anyways, bakit ba namin pinoproblema iyon ni
June. Hahaha!
Nagdaan ang araw na palaging nakikitag-along si
Seb. Sabi nga ni June, feeling close daw. Pero binawi niya naman dahil gwapo
naman daw si Seb.
“Hatid ko na kayo.” Pag-aalok niya. “I don’t take
no, for an answer.”
Sasagot pa lang sana ako, hayan na agad ang ‘I
don’t take no, for an answer’ daw. Tss. Wala na naman siguro kaming magagawa
‘di ba? He’s being nice naman.
Kaya ang nangyari’y sumama na lang kami ni June
sa parking lot para makisakay na sa kotse ni Seb. Hindi niya pa nga pala
nasasagot ‘yong gusto naming malaman ni June sa pakikipagkaibigan niya sa amin.
Itinuro na lang namin sa kanya ang daan papunta
doon sa subdivision kung saan kami nakatira ni June. Itinulak ako ni June sa
passenger’s seat nang pagbuksan ni Seb ang pinto roon. Kaya wala na akong
nagawa at umupo na lang.
May pingot ‘to sa aking mamaya si June.
“Uhm. Seb… magtatanong ulit ako, ha?” Tanong ko
nang makaalis na kami sa vicinity ng school.
“Sure! Ano ‘yon?” Excited niyang tugon.
“Bakit mo ‘to ginagawa? I mean, bakit nga kami?
Bakit si June? Bakit ako?”
Ayokong mag-isip na may motibo siya sa
pakikipagkaibigan sa amin ni June. Kung may gusto naman siya kay June, okay
lang naman sa akin. Crush naman siya ng kaibigan ko, so wala akong problema.
Kung sa akin naman… hindi ko alam!
Or assuming lang talaga ako. Hahahaha!
Tumingin na lang ako sa likod para makumpirma
kung nakikinig din ba si June. Hindi naman ako nagkamali.
“Hmmm… ‘di ba sabi ko nga, komportable ako sainyong
dalawa ni June?” Paunang salita niya.
“Oo.” Tugon namin ni June. Nagkatinginan pa
kami.
Mas excited pa atang malaman ni June ang dahilan
ni Seb kesa sa akin e. Lol!
“Gusto ko kayong maging kaibigan.” Simple niyang
saad.
“Ahh… okay…” Parang nanghihinayang na sabi ni
June.
Sa loob-loob ko ay natawa ako sa reaksiyon ni
June. Pero parang kulang e. Parang may hindi tama. Ang lakas pa naman ng
nararamdaman ko. O talagang feelingero na ako ngayon? Lol!
“Yon lang ba talaga?” Follow-up question ko.
“Nakakahiya…” Aniya.
“Huh? Magkakahiyaan pa ba tayo? E para ngang
close na close na nga tayo, ‘di ba? Close close tayo!” Saad naman ni June.
Natawa na lang si Seb sa patutsada ni June. Nang
tumingin siya sa akin ay tinanguan ko na lang ito na may ngiti sa aking labi.
“Ahh… e…” Ayan na naman siya sa pagkamot niya sa
batok niya. Umiwas na lang ako ng tingin.
“So?” Tanong muli ni June.
“I like… you… Riel.” Marahan niyang sagot.
Ako?
Natulala dahil sa narinig. Maging si June ay
gan’on din.
“Ang awkward naman ata! Seb, music nga, please.”
Biglang saad ni June makalipas ang mahabang dead air sa loob ng sasakyan ni
Seb.
Nang lingunin ko si Seb ay natataranta itong
ini-on ang iPod niya tsaka nagpatugtog. Kung sinasamantala ba naman talaga ng
tadhana ang pagiging sentimental ko. Passenger Seat pa ang tumutugtog ngayon.
Fuck you, destiny!
Ang unang kantang narinig ko sa unang beses ng
pagsakay ko sa kotse ni Red. Namiss ko na rin tuloy si Blake.
Nasa passenger seat nga ako. Hindi naman ‘yong
mahal ko ang katabi ko.
Anong dapat gawin? Laslas na beh! Tss.
Isang mahabang buntong-hininga na lang ang
pinakawalan ko.
“One way lang naman pala tayo e.” Ani Seb nang
makarating kami sa subdivision namin.
Parehong nakuha ng atensyon namin ni June ang
sinabi ni Seb. Kailan pa may mga pagkakapareho ang mga tao ngayon? As in?
“Yep. Doon ako sa sunod na subdivision.”
Napansin niya siguro ang malaking question mark sa mukha namin ni June.
Not again. Doon din nakatira ang pamilya Ariola
e.
“Talaga?” Tanong ko.
Tanging tango lang ang naisagot niya sa akin.
“Dito na lang kami Seb.” Biglang saad ni June.
Hindi ko pala napansing nasa bahay na kami.
Masyadong naoccupy ng pagkakapareho ni Seb at Red ang nasa isip ko ngayon.
Gestures and all. Gusto ko sanang itanong kung kilala niya ang mga Ariola,
pero, hindi na iyon lumabas sa bibig ko.
“So… pwede palang magkakasama na lang tayo
paguwi?” Aniya.
“Naku! Nakakahiya naman ata, Seb.” Si June na
panay ang tingin sa akin.
Pinandidilatan ko na lang siya. Bakit ako ang
magdidesisyon? Tss!
“Hindi! I insist.” Tugon niya kay June.
Hindi na ata ako nagsalita pa simula n’ong
sinabi niyang gusto niya ako. Nadagdagan pa noong kanta, tsaka sa subdivision
kung saan sila nakatira.
“So, Riel… is it okay with you?”
“Ah… e…” Wala akong maisagot.
“Sige na nga! Mapilit ka kasi e.” Si June na ang
sumagot.
“Okay! Walang kaso sa akin.”
“Salamat sa paghatid sa amin, Seb. Sa uulitin.”
“Salamat, Seb.” Nasabi ko na lang.
“Walang problema.”
Kumaway na lang siya sa amin tsaka umalis na.
Wala na akong imik pagkapasok namin ni June sa bahay.
Eri’s POV
“Mars! Andito ang bestie mo!” Sigaw ko matapos
akong papasukin sa bahay ng mga Santillan.
May kasama ako, pero, mamaya na sila magpapakita.
Wala lang, intro muna para ‘di naman mabigla ang mga kaibigan ko… para maayos
na matanggap nina Brett at Iris ang mga kasama ko.
“Oh! Mars! Anong masamang hangin ang nagdala
sayo dito? Mabuti naman at naisipan mong bumisita.” Bungad naman sa akin ni
Iris.
“Ito naman! ‘Di mo ba ako namiss?”
“Hindi nga!” Patuloy lang siya sa kanyang
ginagawa.
Tss. Magkumpare nga sila ni Riri. Bwiset! Bakit
ba may mga kaibigan akong tulad nila! Joke!
“Kainis! Nasaan ba si Brett? Si Beegee? Sila na
lang nga kakausapin ko.” Tampu-tampuhan ko.
“Asus! Kainis ka rin naman, ah! Parang hindi mo
ako bestfriend! Ano ba kasing pinaggagawa mo? Boylet ba?” Patuloy pa rin siya
sa kanyang ginagawa.
“Boylet? How I wish, meron nga. Kaso wala!”
Ngiwi ko. Kailan nga kaya ako magkakaroon ng boyfriend?
“Ano na pala ang silbi ng asdfghjkl mo? Baka mapanis na ‘yan, ha? Hindi mo na ginagamit ‘yang
asdfghjkl, ibenta na ‘yan! Olx.ph”
“Bastos! Ginagamit ko pa kaya!”
“Wushu!”
“Tse! Sina Brett na lang nga ang kukumustahin
ko! Walang kwenta ka namang kausap e!” Ngiwi ko ulit.
Kainis! Wagas kung makapanglait mga kaibigan ko!
Ano bang problema sa pagiging single? At least, free ako ‘di ba? Sarcasm! Ang
tagal ko nang naghahanap ‘no! Bwiset kasi e! Lahat ng nagugustuhan ko, lalaki
rin naman ang hanap!
World! What is happening? Ugh!
“Nasa kwarto namin. Binibihisan si Beegee.
Kakatapos lang maligo e. Tawagin ko na lang. Hintay ka na lang dito sa sala.”
Aniya.
Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya.
Baka manlait na naman kung may lumabas na naman sa bibig ko. Tss.
Ako na lang ba lagi ang aasarin?
Sorry Eri,
‘yan ang role mo rito. Saad ng author sa isipan ko.
Tss! Ano bang magagawa ko! Author ka, hamak na
character lang naman ako sa kwento na ito. Tss! Talagang sinagot ko si Rye!
Tss! Humanda ka! Nasa #OATSTAOMO din ako ‘no!
“BEEGEE!” Sigaw ko nang makita kong pababa na
ang pamilya.
Bakit ba umeeksena si Rye ditto? May sariling
kwento naman siya ah?
“Ano ba ‘yan, Mars! Ang ingay ha!” Ani Iris.
Paluin ba naman ako.
“Kainis kayo! Binubully niyo ako lagi! Pati si
Rye, binubully na rin ako! Hmpf!”
“Ang ingay mo kasi!” Dagdag pa niya.
“Napabisita ka ata, Eri. Ang tagal mo ring hindi
napadpad rito. Boring na rin ‘tong best friend mo rito e.” Ani Brett.
“Oo nga e. Marami lang akong inaasikaso. At
tungkol din doon ang ipinunta ko rito.” Seryosong tugon ko.
“Really? So, what is it?” Excited na tanong ni
Iris.
“Pakarga na muna kay Beegee! Namiss ko siya e.”
Iniabot naman sa akin ni Brett si Beegee. Buti
na lang talaga hindi siya kagaya ng ibang bata na umiiyak kapag kinuha sa
magulang.
Based on my research, kilala ng mga bata ang
amoy ng lagi nilang kasama. Oh, well. Kailan kaya ako magkakaanak?
Boyfriend muna, Eri! Boyfriend! Tss.
Naupo na lang akong muli nang makuha ko si
Beegee.
“May regalo sayo si Ninang, Baby Gee.” Pagkausap
ko sa bata. Panay lang ang tingin nito sa akin na para bang inievaluate.
“So… what brought you here, Mars.”
“Ito naman! Excited! Teka! Tatawagin ko lang.”
Agad akong tumayo tsaka tinungo ang pinto.
“Sino?” Sigaw ni Iris.
Hindi ko na sila nilingon pa. Nilalaro ko na
lang si Beegee habang papalapit ako sa pinto. Malapit lang naman kasi ang sala
sa main door ng bahay.
“Sila.” Sabi ko na nakaharap sa mag-asawa.
Agad namang pumasok ang mga kasama ko.
Gulat na mukha ng mag-asawa ang nasilayan ko.
So… totoo ngang hindi pa nila alam na umuwi na
ang pamilya Ariola.
Riel’s POV
First gig ng Fleet ngayon sa Synthesia Bar. Nasa
ikalawang set na rin kami nang aming mga kakantahin sa gabing ito.
Pinasalamatan nga kami ng kaibigan ni Iris dahil
dumadami na raw ang pumupunta sa bar niya simula noong mayroon ng gig doon.
Grateful naman kami dahil may naitutulong kami sa kanya.
Syempre, hindi naman ‘yon libre e.
Nandito na naman si Seb. May nakalinya na ngang
request mula sa kanya e. Seryoso ba talaga siya n’ong sinabi niyang gusto niya
ako?
Pero… hindi pwedeng gumulo ang laman ng utak ko,
ngayon pang, andito na ulit si Red. Oo… hindi pa kami nagkakausap… still, the
fact na nandito na ulit siya’y, hindi imposibleng magkita kami.
And when that time comes, sisiguraduhin kong
malalaman ko ang lahat lahat mula sa kanya. For now, ito na munang trabaho
namin ang iintindihin ko.
Para kang…
asukal…
Sintamis mong
magmahal…
Para kang…
pintura…
Buhay ko ikaw
ang nagpinta…
Para kang…
unan…
Pinapainit mo
ang aking tiyan…
Para kang…
kumot…
Na yumayakap
sa tuwing ako’y nalulungkot…
Kaya’t ‘wag
magtataka
Kung bakit
ayaw kitang mawala
Kinakanta na namin ngayon ang set kung saan
requests ng mga customers ang nilalaman. The song we’re singing right now is
from Seb. Kasama niya ngayon si June sa may counter. Tutal Sabado naman ngayon,
kaya’t isinama ko na rin siya.
Salitan kami ni Eli sa mga liriko ng kanta.
Minsan, second voice ako, minsan siya naman. Minsan nga rin kapag may babaeng
part, napipilitan na ring kumanta si Liz. Maganda rin naman ang boses niya.
Kung hindi
man tayo hanggang dulo
‘Wag mong
kalimutan
Nandito lang
ako
Laging
umaalalay
Hindi ko
lalayo
Dahil ang
tanging panalangin ko ay ikaw
Natapos ang pagkanta namin ng set na iyon. Inaya
kaming banda ng isang grupo ng customers doon para saluhan sila sa inuman.
Hindi naman kami tumanggi dahil paminsan-minsan lang naman.
Nang matapos namin ang isang bote ay agad kaming
pumunta sa backstage para sa kaunting oras ng pagpapahinga. Mukhang nag-ienjoy
naman ang mga kabanda ko. Lalo na si Kuya.
Kaya nga siguro, Bachelor of Music ang kinuha
niya.
Nakapikit ako sa isang sulok nang may tumawag sa
pangalan ko.
“Riel! Can I have some of your time? May
ipapakilala lang ako sayo.” Aniya.
Agad na lang akong pumanhik patungo sa kanya.
Sina Eli nga’y panay ang tingin sa akin. Maybe he’s asking who the hell this
guy is, asking some of my time.
“Si Seb nga pala, Kuya. Kaklase ko sa Chua.”
Pagpapakilala ko sa bagong kaibigan.
“Sebastian Chiu, pare. Nice to meet you. Elijah
Martinez, right?” Pagpapakilala niya sa sarili niya. Iniabot niya na rin ang
kanyang kamay kay Kuya para
makipagshakehands.
“Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?”
Supladong tugon nito sa kanya.
Binababa ko na lang ang kamay ni Seb na
nakalahad sa harap ni Kuya, dahil alam kong wala siyang balak makipagkamayan
dito. Knowing Eli, lahat ng mga naiinvolve sa akin for the past months ay
ganitong-ganito rin ang kanyang ginagawa.
Napailing na lang si Seb.
“Kay June. Maganda rin kasi boses mo, gaya ni
Riel. Kaya naitanong ko sa kanya.” Tugon niya na lang sa tanong ni Eli.
“Ah… e… ‘di ba may papakilala ka sa akin, Seb?
Tara?” Sabi ko sa kaibigan ko.
Hinila ko na rin lang paalis doon sa may
backstage para maalis na sa kanya ang nag-aalab na mga mata ni Kuya. Tss. Tinitigan
ko na lang si Eli mata sa mata.
‘Yon bang makuha ka sa tingin. Saying: Mag-uusap
tayo, mamaya. Gan’on din naman siya. Saying: Magpapaliwanag ka sa akin.
Oh well, wala naman akong ginagawang masama, ‘di
ba? Tss.
“Pagpasensyahan mo na si Eli, ha? Suplado talaga
‘yon.” Pagpapaumanhin ko sa kanya. “Asan pala si June?” Dagdag ko pa.
“Okay lang. May warning na rin… este… Walang
kaso ‘yon. Kasama ni June ‘yon mga ipapakilala ko sayo.” Naguguluhan man, ay
tumango na lang ako sa kanya.
May mali talaga sa kanya.
Wala pa ako noon sa reyalidad nang magsalitang
muli si Seb. Marami na naman kasing umiikot sa isipan ko.
“Riel. Meet Jared Isaiah Ariola…”
Nabigla ako sa pangalan na aking narinig. Ayoko
sanang iangat ang paningin ko sa kaharap ko ngayon. Pero… and’on din naman
‘yong excitement na makita siyang muli. Pinilit kong maglagay ng ngiti sa aking
mukha.
As usual, gwapo pa rin ang mahal ko. Ang taong
nagpapasaya ng mundo ko.
Pero napalitan muli iyon ng pagkabigla nang may
lumapit sa kanyang isang lalaki. Hinawakan nito ang kanyang kamay tsaka
isinandal ang ulo nito sa balikat niya.
Nailipat ko ang tingin ko kay June na hindi na
mapakali sa kanyang kinatatayuan. Panay din ang iling niya sa akin. Saying:
Wala akong alam.
Naglipat ulit ako nang tingin sa kamay ni Red na
hawak hawak din ang kamay n’ong lumapit sa kanya. Nang iangat ko ang paningin
ko sa kasama niya’y nakumpirma ko na siya ‘yong nakita ko. ‘Yong… kahalikan
niya sa airport.
“The guy beside him is Dave Colbert Zamora.
They’re couple.” Aniya.
That moment na hihilingin mo na lamunin ka na
lang sana ng lupa. Na sana hindi na lang ako talaga nag-iexist sa mundo.
Pero… hindi e. What’s happening now, is my
reality.
Na kahit ilang beses ko pang ideny ang existence
ko, hindi mangyayaring mawawala na lang ako rito na parang bula.
Am I really destined to be in pain, for the rest
of my life?
Pero… sabi ko nga, whatever comes, dapat
tanggapin ko ng taos sa aking puso. Ang tanging magagawa ko na lang siguro
ngayon ay magpakatatag para sa mga taong patuloy pa ring naniniwala sa akin.
“Red…” Hindi ko napigilang sambit sa kanyang
pangalan. Halos pabulong na lang nga iyon.
“Kilala mo siya?” Nalipat ang tingin ko sa
nagtatakang si Seb.
“Kilalang-kilala.” Matapang kong sagot sa kanya.
Hindi na sana ako sasagot e. Pero… ang makitang
may kahawak-kamay siyang iba ang nagpalakas ng loob ko. Tanging selos na lang
nga siguro ang makakapitan ko ngayon para maging okay pa sa harap nila.
Itutuloy…
Seriously ang pangit ng story na ito pinaka.tapusin nalang.
ReplyDeleteBoring ang kwento
ReplyDeleteTutal new year naman, next chapter na please! :(
ReplyDeleteGo Eli for Riel!! Get and hit those bastards out (Red, Seb & faggot Dave) of the club. Srart courting Riel. She deserves you.
ReplyDeleteSana mabilis yung update nakakabitin. Huhuhu. Hahaha.
ReplyDeleteAbnormal talaga si Red, anong ipoprove nya na pasakitan si Riel. Ulila na nga yong tao tapos sasaktan pa nya. Immature talaga.
ReplyDelete