Followers

Wednesday, December 31, 2014

Playful Jokes -Chptr18



Athr'sNote-
 

Guys, binilisan ko na.. nahuhuli na ako sa araw. Salamat sa lahat.



--


Point Of View

 - Third Person's -



 "Kailangan mo na siyang makita.. bago pa mahuli ang lahat."

Ang paulit-ulit na naririnig ni Kash mula sakanyang isipan.

Heto siya at naglalakad pasunod sa daddy ni Seven.

Nanginginig, ninenerbyos.. dahil sa kaba at takot.

At sa tumigil na nga ang daddy ni Seven mula sa paglalakad, gayun rin siya.

 "Sana, hinihintay ka lang ng anak ko kaya ganyan siya.. sana matulungan mo ang anak ko.. Karlo."

Isang seryosong tono ang binitawan nito, kahit na may pakiki-usap ang dating ng daddy ni Seven.

At dahan-dahan na ngang binuksan ni Rayven ang pintuan.

 "Maiwan na muna kita." sabi pa nito at naglakad na nga ito palayo.

Naiwang tulala si Kash, kay Seven lang ang tingin.. dahan-dahan niya itong nilalapitan.

Ilang sandali lang ay tuluyan na ngang pumatak ang kanyang mga luha.

Tila isang napakahirap na palaisipan ang sa kasalukuyang hinaharap ni Kash. Hindi niya alam kung ano ito, naguguluhan siya, nahihirapan, hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niya pang pagdaanan ang ganitong bagay, hindi niya lubos maunawa kung karapat-dapat ba sa katulad niya ang ganitong klaseng sitwasyon.

Tatlo ang namamagitan sa kwarto..

Si Kash, si Seven.. at ang makina na kung saan, ang tila siyang nagsisilbing buhay ni Seven.

Dahan-dahang lumuhod paharap si Kash sa nakahigang si Seven.

Ilang sandali niya itong pinagmasdan, ang katawan, mga kamay at ang mukha nito na wari'y naglalarawan lang ng napakahimbing nitong tulog.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay nito, mahigpit, napakahigpit.. na para bang nais niyang iparating rito na kumapit lang, na nariyan na siya, na sana'y lumaban pa siya.

 "Seven." pagbulong niya.

Patuloy lang ito sa pag-iyak, napakasakit dahil nakikita niya ang kanyang taong mahal na heto at.. heto at nakahiga, ni hindi niya alam kung naririnig ba siya nito.

 "Alam mo nanaginip nanaman ako kagabi.." pilit na pagngiti niya, tonong nagmamalaki rin.

 "Sabi dun sa panaginip ko..

(
flashback (panaginip)


 "Kash?"

Manghang sabi ng isang lalaki mula sa malayong pwesto ng taong tinawag nito.

 "Ikaw nga.." tuwang sabi pa niya at mabilisan na ngang pagtakbo papalapit rito.


Ang isa naman ay nakasimangot lang, si Kash.

Nakatingin siya kay Seven na papalapit sakanya, at mababakasan niya ito ng matinding pagkasabik.

Hanggang sa naramdaman na lang niya na niyakap na nga siya nito ng napakahigpit.

 "Ikaw nga.. Kash, amoy mo palang eh."

Maya-maya'y sabi ni Seven, sa tono nito'y halatang gulat na gulat siya.. na hindi makapaniwala na nakita niyang muli ang taong mahal niya.

 "Ang tagal mo."

Tonong nagtatampo naman ni Kash.

 "Totoo ba talaga 'to? K-Kash? I-ikaw ba talaga yan?"

Talagang sa ekspresyon palang ni Seven at tono niya'y makikita mo talaga na hindi siya makapaniwala.. na sa sobrang tuwa niya'y nakuha na ngang pumatak ng mga luha niya.

 "Yan ka nanaman Seven, diba sabi ko hwag ka nang iiyak?" agad na pagpunas ni Kash sa mga luha nito.

Lumuluha man ito'y nakangiti parin siya, sadya nga talagang tuwang-tuwa siya dahil sa nakita na niya si Kash.

 "Hindi kasi talaga ako makapaniwala Kash eh.. tignan mo oh.. ikaw talaga yan." sabi pa nito habang pilit nitong nilalaro ang pisngi ni Kash. "Payakap nga." pahabol pa niya at sa niyakap na nga niya si Kash nang napakahigpit.

Nagtagal sila sa ganoong tagpo.

Napaisip naman si Seven nang hindi na kumibo pa si Kash matapos niya itong yakapin.

Naghintay pa siya ng ilang sandali nguni't hindi talaga ito kumibo.

Kaya naman kumawala na siya at tinignan niya ito.

Nakita niya si Kash, nakasimangot, nakatingin lang sakanya at nakanguso.

 "Bakit?" ang nasabi ni Seven.

 "Wala man lang bang kiss? Ang tagal ko nang naghihintay eh.." parang batang sabi ni Kash.

Literal namang natawa si Seven.

 "Ay.." biglang nasabi niya nang may maalala. "Oo nga pala Kash, naaalala mo paba yung dati? Yung sinabi ko na pagbalik ko.. baka pwede na nating magawa ng maayos?" ang pagtaas-baba pa ng kilay ni Seven at pagbigay ng ekspresyon na tila eksperto ang dating.

 "Seven hanggang dito ba naman?" paglaki ng mata ni Kash.

Kokontra pa sana si Seven nguni't agad na nga siyang hinalikan ni Kash.


end
)

--

Guys, yun ang napanaginipan ni Kash :))
Magulo talaga, panaginip eh xD whehe!!

-----



Point Of View

 - Third Person's -



 "Bakit raw po ba ganun? A-ano po ba yung sakit ni Seven?"

Tanong ni Kash sa daddy ni Seven.

Kasalukuyan silang nasa may labas ng kwarto ni Seven, nakaupo at nag-uusap.

 "May problema siya sa puso. Sa ngayon Karlo.. hindi natin alam kung kailan siya magigising.." sagot nito.

Walang naisagot si Kash, saglit siyang napa-isip dahil sa narinig.

 "Alam mo Karlo, lumalaban yang anak ko.. kahapon, mismong doktor akala'y wala na talaga.. pero sadyang lumalaban talaga yang si Seven.. yun nga lang ay hindi natin alam kung kailangan siya magigising."

Napatango siya at wala sa sariling napatingin ng deretso sa kung saan, tulala.. nag-iisip.

Isa lang ang sa ngayon ay alam niyang dapat niyang gawin, ang kausapin ang doktor.

Tanungin ito, at humingi ng tulong rito na gawin ang lahat.. maging maayos lang ang kalagayan ng taong mahal niya.

Naiisip niya na baka hindi lang sa puso ang problema nito, baka may iba pa.. nagsusuka kasi ito dati, nahihilo at nakuha pa nitong mawalan ng malay nang minsan.



-----



Point Of View

 - Third Person's -


*After 2 days


 "Nay.. kamusta?"

Ang tanong at pagbigay ng pilit na ngiti ni Kash.

Ngayon ay heto at nasa sementeryo siya, sa puntod ng kanyang inay.

 "Nay.." pilit na pagngiti pa niya kahit na alam niyang ilang sandali lang ay tuluyan na ngang babagsak ang mga luha niya.

Masyado na siyang nahihirapan sa sitwasyon niya.

Dalawang araw na siyang malungkot, blangko, walang gana at halos tulala narin.

Masyado siyang nahihirapan dahil sa mga nangyari.. nawala na ang kanyang inay, at ngayon ay heto at tila may kukunin pa sakanya ang tadhana.

Nang makausap niya ang doktor at malaman ang buong impormasyon patungkol sa sakit ni Seven ay talaga namang ikinahina niya.

 "It's a 50/50, issue. Hindi natin alam kung magtatagumpay kung sakali, kaya naman natatakot naring sumugal ang magulang ng bata."

Ang naaalala niyang sabi sakanya ng doktor ni Seven.

 "Nay.. a-ang hirap po pala.."

Ang umiiyak na niyang sabi.

Akala niya.. kaya niya ang nalaman pero hindi, mali siya. Hindi siya makatulog, oras-oras ay naiiyak siya kapag naiisip niya ang mga posibleng mangyari sa bawat segundong dumadaan., natatakot siya, nalulungkot, minsan ay tulala pa.

...


Kinahapunan, 5:00pm


Kanina, habang nagpapalipas ng oras si Kash sa may inay niya ay maraming bagay at tanong ang pumasok sakanyang isipan.

At ngayon, heto at nasa may simbahan siya.. nag-iisa, napakatahimik at dahan-dahang naglalakad papasok, deretso ang tingin.

Saglit siyang tumigil mula sa paglalakad at pinagmasdan ang lumikha.

Tinatanong kung tama ba ang mga bagay na pumapasok sakanyang isipan, kung ano ang mga dapat na sagot sakanyang mga katanungan.

Hanggang sa siya'y ngumiti na nga, gusto niyang mapasaya si Seven, gusto niya itong kausapin.. may nais siyang sabihin rito.

Dapat maging positibo siya para narin sa taong mahal niya, hindi siya dapat sumuko.

 "Sana po'y tulungan niyo ako.. panginoon ko." pagbulong pa niya.



-----



Point Of View

 - J a c o b -

Kinabukasan, 10:43am



 "Sigurado ka? Kash?"

Hindi makapaniwalang tanong ko habang sinusuot ko yung Jacket ko, malamig ang panahon ngayon eh.

Punta daw kaming SM, bonding.. kaming dalawa lang.

 "Oo nga, pero okay rin kung isama natin si Marvs.. oh ano? tara na?" excited pang sabi ni Kash.

Balik sa normal si Kash, nandyan nanaman yung masayang awra at kadaldalan niya.

 "Ay wag na." pagngiti ko. "Hayaan mo si Marvs, nandun naman siya kila Ivan eh, tayo na lang dalawa." dagdag ko pa.

At yun na nga, pumunta na kami sa SMC.

....


 "Siguro nga Jacob, kung naging tayo.. medyo malanding couple tayo noh?" natatawang sabi ni Kash.

Naglilibot kami ngayon dito sa SM, habang naglalakad ay nagkukulitan.

 "Ewan ko kasi sa'yo eh.. arte mo pa kasi.. edi sana, lam mo na." pagtawa ko at pabirong pagtulak ko pa sakanya.

Napa.. "Oppss" naman ako sa kinalabasan ng ginagawa kong pagtulak.

Napalakas ata?

 "Sorry .." sabay naming sabi ni Kash sa dalawang lalaki.

 "Sorry rin.." balik ng isa habang nakatingin sa may bandang dibdib ni Kash.

Nabasa yung damit ni Kash, tsk.. bottled water na nga lang ang lakas pang makatalsik nung tubig.

 "Ay hindi hindi.. okay lang, pasensya narin.." agad na sabi ni Kash.

 "Next time bumili po kayo yung mineral water na maliit ang butas.." patukoy ko sa pagbuhos pa nung tubig kay Kash, tanga naman kasi nung may hawak.

Suot ni Kash yung binili kong damit sakanya, yung binigay ko nung nag-night market kaming dalawa.

 "Sorry ulit.." kita kong pilit na pagngiti ni Kash at paghila pa sa akin.

 "Tanga tanga nun.." inis kong sabi nang medyo makalayo na kami.

 "Jacob ah, tayo na nga yung may kasalanan eh." agad na sabi ni Kash habang tinitignan yung parteng nabasa sa damit niya.

 "Suot mo kasi yang bigay ko tapos babasain lang nila?" simangot ko pa.

 "Hubarin mo na lang Kash." sabi ko na lang habang pilit niyang punupunasan gamit ang panyo yung bandang dibdib niya.

 "Wala akong pangpalit eh." sabi niya.

 "Suot mo na lang 'tong jacket ko." pagngiti ko na at tinging kinikilig.

 "Jacob ah, nagtataksil ka." natatawang sabi niya habang pinupunasan naman niya yung sapatos niya.

 "Tange." agad na sabi ko. "Bilis oh, suotin mo na 'to." tonong pagmamadali ko.

 "Dito nako maghuhubad? Ang daming tao oh.." pagtingin pa niya sa mga dumadaan.

 "Oo dito na, kung sanang kahiya-hita yang katawan mo edi mahiya ka.. pero Kash, maganda katawan mo kaya eto na dali, basa kasi yan oh." sabi ko habang hinuhubad ko na yung jacket ko.

Mabilisan namang hinubad ni Kash yung damit niya at agad ko namang inabot yung jacket ko.

 "So how do you feel, Kash? Ramdam mo na yung katawan ko diyan." pagtaas-baba ko pa ng kilay ko.

 "Hwag mo nga akong englishin, tara na nga.. dun tayo sa taas."

Napangiti na lang ako sa reaksyon niya, alam kong pinagtitiyagaan niya lang talaga kagaguhan ko, haha.

At sa naglakad na nga kami papunta second floor.

Nakipagkulitan narin ako, kailangan ko siyang mapasaya kahit ngayon lang. Alam kong mabigat ang problema niya, nagpapakatatag lang 'to kahit mahirap, kahit pilit pa dahil sa mahirap nga talaga ang sitwasyon niya.

..



 "Jacob, pwede ko bang hawakan yang kamay mo?"

Literal naman akong napatigil nang marinig ang sinabi ni Kash.

Ngayon ay nakaharap siya sa akin, nakangiti.

 "Kash? S-sigurado kaba? Baka kasi.."

 "Arte pa eh, tara na dali." agad na sabi niya.

At sa nakita ko na lang na mabilisan niyang hinawakan ang aking kamay.

 "Akala niyan nila mag.."

 "Magboyfriend? Hayaan mo sila." pagngiti ni Kash.

Ewan ko pero natawa talaga ako, yung tawang natutuwa.. yung masarap sa pakiramdam.

 "Jacob, may sasabihin ako."

Pagtigil at pagharap sa akin ni Kash.

Nagbigay lang ako ng nagtatanong na tingin, nakataas ang kilay.

 "Pwede ba na tratuhin natin ang isa't-isa ngayong araw.. bilang magboyfriend? Kahit ngayon lang, please?"

Saglit akong napatigil sa sinabi niya.

 "Hindi naman siguro masama 'tong gagawin natin.. alam naman natin yung limitasyon natin eh, kaya.... sige." pagngiti ko at mabilisang pagyakap sakanya.

Yung mahigpit, yung parang kayakap ko talaga yung taong mahal na mahal ko.

At sa naramdaman ko na nga na niyakap narin niya ako.

 "Jacob masaya ako dahil nagkagusto ka sa akin, na naging mabait ka sakin, na kahit papaano'y inaasikaso mo ako."

Agad ko naman siyang hinarap dahil sa sinabi niya.

 "Kash ah? Napapadrama tayo." sabi ko at paghawak ko pa sa magkabilang pisngi niya.

Hindi ko maiwasan pero ang sarap talaga niyang titigan.

 "Jacob, bawal ang kiss.. tigil-tigilan mo yang mga tingin mo ah.." pagsimangot ni Kash at pabirong pagsampal sa akin.

 "Tara na nga lang." pagtawa ko at paghawak na sa kamay niya.

Hanggang sa nagpalibot-libot pa nga kami.

Katulad nga ng sinabi niya'y nagpaka-sweet kami sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung bakit ganito si Kash, pero kahit ganun ay tuloy lang.. gusto ko rin naman kasi eh, masarap kasi talaga kasama si Kash.

Magkahawak kamay kami, nakakatuwa dahil parang kami talaga.


-----



Kinahapunan, 2:34pm

Point Of View

 - Third Person's -



Pagkauwi ni Kash sa bahay ay agad siyang dumeretso sa kwarto at nahiga.

Halos ilang oras rin silang nagkulitan ni Jacob kanina sa SM.

Ngayon naman ay pinagmamasdan niya ang dalawang bata, si Tenten at Chan.

Naaawa siya kay Chan, ang alam kasi nito'y nagpapahinga lang ang kuya sa ospital.

Tatayo na sana siya para lumabas nang magising si Chan.

 "Oh Chan, ang aga pa nagising kana.." pagpansin niya.

Matagal bago ito nakasagot, nakatingin lang ito sakanya.

Saglit rin siyang napangiti, kahawig kasi nito si Seven, parehong gwapo.

 "San po kayo galing? Hinahanap po kayo kanina ni Tenten." ang biglang sabi nito.

 "Halika nga." ang nasabi nalang ni Kash.

Lumapit naman ang bata at agad siyang niyakap ni Kash.

 "Mag-bestfriend naba kayo ng kapatid ko?" tanong ni Kash pagkakawala niya.

 "Opo, sabi kasi ni kuya Seven ko na ako po daw mabait tapos si Tenten po daw medyo mayabang.. edi bagay po daw kaming magbestfriend." pagmamalaki kaagad ng bata, napangiti naman si Kash.

 "Ganun ba? Pagpasensyahan mo na yang si Tenten ah? makulit talaga yan eh." pagtingin pa ni Kash sa kapatid na natutulog. "Chan, may gusto sanang ipakiusap si kuya Kash, okay lang?" dagdag pa nito, tumango lang si Chan.

 "Lagi mong pagtitiyagaan yang si Tenten ah? Makulit at medyo mayabang kasi yah eh.. minsan naman busit yan, ganyan kasi talaga yang kapatid ko eh. Pero ikaw syempre dahil bestfriend ka niya, aalagaan at uunawain mo siya ah?" nakangiting sabi ni Kash at pagbibigay ng tonong nakikiusap at nangungumbinsi.

 "Opo." simpleng sabi ng bata kahit na hindi pa ganun kalawak ang panintindihan nito.

 "Alagaan mo siya, intindihin, pakisamahan at hwag na hwag mo siyang pababayaan ha?" sabi pa nito. "Ganun kasi ang tunay na magbestfriend eh." pahabol pa niya.

Patango-tango lang ang bata na tila kuhang-kuha nito ang mga sinasabi ni Kash.

.....


Bago maghapunan ay sinadya ni Kash ang kanyang itay sa may kusina, ang itay kasi nito ang pumalit sa pagluluto.

 "Tay.."

Agad na pagtawag niya nang makita niya ito.

 "Oh Karlo anak.." balik nito.

 "Tay babalik po akong manila.. asikasuhin niyo po yung dalawa ah? Si Chan at si Tenten."

Nakangiting sabi niya habang tinitikman ang luto nito.

 "Sige anak.. basta yang sarili mo ah? Si Seven, malalagpasan niyo rin yang problema niyo."

Saglit itong napatigil sa sinabi ng kanyang itay.. hindi niya alam kung anong mangyayari, kung malalagpasan nga ba talaga nila.

 "Basta tay, si Tenten pati si Chan.. hwag niyo po silang pababayaan." pag-uulit niya.

.....


Matapos magbihis ni Kash at ayusin ang kanyang mga gamit ay nagpaalam na nga siya sa kanyang itay.

Mas minabuti narin niyang hindi magpakita sa kapatid niya, mahihirapan lang siya.

Hindi na siya nagpahatid sakanyang itay, dadaanan niya pa kasi sila Jacob.

..

 "Magkakasama kayo ah?"

Pagpansin ni Kash kila Jacob nang makapasok siya sa bahay nila.

 "Kash ang tagal mo ah." balik ni Vince. "Oh? Aalis ka?" dagdag pa ni Ivan nang mapansin ang suot niyang bag.

 "Oo eh, babalik ako sa Manila.." simpleng sabi ni Kash at pagtabi sakanila.

Nakapalibot kasi ang lima sa isang lamesa, kwentuhan at inumang napaka-aga.

 "Pero sa ngayon.. gusto ko muna kayong makasama, ayos lang ba yun?" ngiti pa ni Kash.

At sa nagkwentuhan na nga ang magkakaibigan, si Kash ay puro pagkain ang inasikaso.

Halos mag-iisang oras narin ang nakalilipas nang tumayo si Kash.

 "Guys, una na ako.. salamat sa inyo ah?" biglang sabi nito dahilan para mapatingin sakanya ang lima.

 "Alex, Ivan, Vince, Marvs at Jacob.. salamat dahil lagi kayong nandyan para sa akin.." napakagaang sabi pa ni Kash.

 "Kash naman.. dumadrama kapa." sabi ni Marvs. "Hatid na kita Kash, may kotse naman eh." dagdag pa ni Jacob.

 "Hindi ayos nako.. basta guys yung pakiusap ko ah? Kayo na bahala sa dalawang bata, kina Tenten at Chan." agad na sabi ni Kash at pagtaas pa niya ng kilay.

 "Kash, kung makayakap ka parang ang layo ng pupuntahan mo ah? Parang hindi kana babalik." natatawang sabi ni Alex, nagbigay lang ng pilit na ngiti si Kash.

Nakuha niya pa kasing yakapin isa-isa ang lima, nais niyang iparating ang salitang "pagpapasalamat".

 "Jacob.. dito saglit." pagharap niya kay Jacob at paglakad na nga palabas, sumunod naman si Jacob.

 "Bakit Kash?" agad na tanong nito nang nasa may gate na sila.

 "Jacob, kaw na bahala.. salamat." pagngiti niya at pag-abot ng bagay na kanyang pinaghandaan.


......



 "Tito k-kamusta na po siya?"

Ang agad na tanong ni Kash sa daddy ni Seven nang makalapit siya rito at makapagmano.

Kadarating niya lang mula sa biyahe.

 "Heto at ganun parin, hwag kang mag-alala.. iba 'tong si Seven, hindi agad sumusuko yang batang yan." pagmamalaki naman nito.

 "Ahm.. tito." pagkuha niya sa atensyon nito. "P-pwede po bang iwanan niyo po muna kami ni Seven?"

Naguluhan man si Rayven ay pinagbigyan na nga niya ang bata, tinanguan niya ito at agad nang naglakad palabas.

.


Nang sa wakas at tanging si Seven at si Kash na lang ang nasa loob ng kwarto ay agad na ngang lumuhod paharap si Kash kay Seven.

Mahirap man ang sitwasyon ay pilit na pinipigilan ni Kash ang pag-iyak.

 "Seven.." mahinang pagtawag niya rito.

 "K-kamusta na?" pilit na pagnonormal niya sakanyang boses, konti na lang ay babagsak na nga talaga ang kanyang mga luha.

 "Eto oh may dala ako.. saglit lang..." tonong pagmamalaki niya at pagpunta kagad sa mga dala niya.

 "Diba gusto mo ng teddy bear? Eto oh.." agad na sabi niya nang makuha niya ito at ipinuwesto ito sa may tabi ni Seven.

Kinuha niya ang kamay ni Seven at iniyakap ito sa may teddy bear...

 "Para sa'yo yan, may "Kash&Seven" pa yan sa may tagiliran niya.. pinasadya ko pa para sa'yo." dagdag pa niya habang nakangiti.

 "Seven.." pagtawag niya ulit rito.

 "Seven.. g-gumising kana kasi eh.. Uyy.."

At sa tuluyan na ngang napaiyak si Kash, agad niyang niyakap ang kanyang taong mahal.

Ipinuwesto niya ang kanyang ulo sa may bandang leeg at balikat nito at doon siya nag-iiyak.

 "Akala ko ba matutupad yung mga nasa panaginip ko? S-Seven naman kasi eh.. gising na.." pakikipag-usap niya pa rito.

Kung titignan ay tila isang batang nag-iiyak si Kash, ang isa'y tila natutulog lang ng mahimbing at ang isa naman ay parang isang bata lang na kung saan pilit na hinihikayat itong gumising.

 "Kash.. pagbalik ko dito, gusto ko na ikwento mo yung mga napanaginipan mo ah?"

Ang naaalala niyang sabi sakanya ni Seven nang mga panahong hindi pa ito nakakaalis.

Dahil doon ay dahan-dahan siyang tumabi kay Seven, patagilid siyang humarap rito at dahan-dahan rin niyang iniangat ang ulo ni Seven at ipinatong ito sa braso't balikat niya.

Nasa gitna rin ang teddy bear na binili niya para rito.

Ngayon ay parang normal lang ang dalawa..

Pinunasan ni Kash ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti, nais niyang ikwento rito ang kanyang napanaginipan sa normal na paraan.

Na parang bang wala silang problema, na parang ayos lang ang lahat.

Bago nito sinumulang magkwento ay saglit pa siyang napapikit, heto at hindi pa nga siya nagsasalita'y naiiyak nanaman siya.

Hanggang sa niyakap na nga niya si Seven, nakuha rin niya itong halikan sa may noo.




Itutuloy

6 comments:

  1. Nakakaiyak nanaman :'( grabe naaawa na ako kay Kash sananaman gumising na si Seven!

    -44

    ReplyDelete
  2. Ang saklap lang.. tsk. Tsk..

    Magiging okay si Seven! Mangyayari yon.. sana.

    Sana makaya ni Kash ang mga problema!

    Galing-galing!!

    ReplyDelete
  3. mukhang malapit nang matapos ang istorya pero sa totoo lang, parang wala yata akong nabasang dahilan ng pagkamatay ng nanay ni Kash at mommy ni Seven... ang natatandaan ko ay naaksidente silang dalawa.. pero anong klaseng aksidente yun? nabagsakan ba sila ng bumagsak na AirAsia plane? LOL

    ReplyDelete
  4. Mukhang tragedy ang istoryang ito..
    Pero sana hindi👌

    ReplyDelete
  5. Mukhang tragedy ang istorya naten.. Pero sana hindi 👌

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails