Followers

Monday, December 1, 2014

Love Is... Chapter 22



AUTHOR’S NOTE: Hello, RYESTERS! Kumusta naman kayo?

Sorry kung natagalan ako sa pagpost ng update! Sana maintindihan niyo ang rason ko. Work + Studies = Haggardous Versoza na peg. Ganun!

Anyways! Hello na lang sa lahat! Sa mga ka-BLUES ko. Sa BTBBC. Sa kapwa ko mga READERS. Sa mga COMMENTATORS. Kila SIR MIKE at SIR PONSE.

Salamat pala sa mga bumati sa akin last November 23. :3

So… without further ado… ito na… ang matagal niyo ng inaantay… Lol!

#LoveIs22

Enjoy! :D

PS: Kindly read this entry too. Kailangan niya ng tulong natin, guys. Please do help him. Maganda ‘yong gawa niya. Promise! Until December 3 na lang kasi.



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII
XVIII | XIX | XX | XXI


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Bluerose Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXII


Red’s POV

Matatapos na ang performance ng huling banda pero wala pa rin si Riel. Two possibilities: una, hindi pa sila nagkakaintindihan sa lahat ng mga nangyayari; pangalawa, they are, maybe catching up on things na hindi nila nagawa dahil sa pag-iiwasan nila.

Isang kanta na lang nang makatanggap ako ng text mula kay Eli. Si Riel na lang daw ang kulang sa kanila. Hindi naman daw kasi ito sumasagot sa mga tawag o text niya.

Ako lang naman ang nakakaalam kung nasaan siya kaya’t ako na ang susundo sa kanya. Siguro’y sapat na ang 30 minutes nilang paguusap.

“Riel… Magpe-perform… na kayo…”

I thought they’re just hugging each other. Walang kaso iyon sa akin. After all, Riel’s his bestfriend. Hindi naman ako maramot pagdating doon.

But, what the hell! My cousin is kissing my boyfriend!

Napatingin sila pareho sa aking direksyon.

“Red… mali ang iniisip mo.” Ani Riel.

Shit! Bakit hindi ako naniniwala sa boyfriend ko? I can’t believe may doubt ako sa sinabi ng kasintahan ko.

Dumaloy ang luha sa aking pisngi. And then, I saw myself running.

“Red!” Sigaw niya. But it seems like wala akong naririnig.

“Mali ang nakita mo! Pakinggan mo muna ako, please?!”

I want to believe him, pero, bakit ganito ang nararamdaman ko?

Tangina, Red! Halik lang ‘yon! Anong ginagawa mo?!

“Red! Pakinggan mo naman muna ako, o!” Sigaw niyang muli.

“Red!” Rinig kong sigaw naman ng aking pinsan.

Nilingon ko silang dalawa, it seems they’re fighting with something and then I heard Riel saying…

“Sinabi ko na sa’yo, di ba? ‘Di na pwede—.”

Doon lang lahat nakafocus ang pandinig ko. Tinatanong ko nga ang sarili ko kung bakit ko pinagdududahan ang pagmamahal sa akin ni Riel. Nangako pa naman ako sa kanyang kahit saktan niya man ako’y hindi ako magsasawang patawarin siya.

Pero, hindi naman siya ang may kasalanan dito e. No one is. Alam kong umakto ako nang hindi tama kahit na wala pa naman akong alam sa nangyari. It’s just a kiss… pero masama bang angkinin ko ang buong pagkatao ng minamahal ko?

“RED!” Napaangat ako ng tingin sa direksiyon ng tumatakbong imahe ng kasintahan ko.

Masaya ako dahil kahit maraming nagkakagusto o nagmamahal sa kanya, ako pa rin ang pinili niya. I should never doubt him, ever again. Alam ko namang ako lang ang mahal niya e. Ako lang, sapat na.

Bakit ko ba nakalimutan ang sumpaan namin sa isa’t isa?


Riel’s POV

“Red!” Sigaw ko.

Napanaginipan ko na naman ang nangyari noong nakaraang taon.

Gaya ng mga nakaraan kong panaginip, I can’t help but cry. I miss him so much. It’s been exactly a year since that accident, pero wala na akong naging balita tungkol sa kanya. Shit happens, I know, pero, bakit lagi na lang ako?

Heto na naman ako, mag-isa sa buhay. Wala ng Jared Isaiah Ariola, na nagpapasaya sa akin sa bawat umaga.

Kahit isang buwan lamang iyon, inilaan niya naman ang bawat oras niya para sa akin.

Nauna pa nga ako sa alarm clock ko na magising e. That nightmare, always haunt me. Sana nga, masamang panaginip na lang iyon, pero hindi e. It really happened.

Pinapaalalang ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala sa akin.


FLASHBACK (August 23, 2020)

“RED!” Tawag ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagagawa niya pa talagang ngumiti kahit nasa sitwasyon siyang ganoon. I know na narinig na niya ang busina ng paparating na van, pero bakit hindi pa rin siya umaalis doon.

Shit! ‘Wag niyang sasabihing balak niyang magpakamatay. Hindi ko kakayanin. My family is enough. Ayokong bumalik sa kalungkutang tinamasa ko noon.

Mas lalo ko tuloy binilisan ang pagtakbo. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari. I just want to be with him.

Whatever it is, basta kasama ko siya, tatanggapin ko na ang magiging kapalaran ko. He’s my life now, kung mawawala siya, dapat kasama ako.

“Red! ‘Wag mo akong iiwan!” Sigaw ko ulit.

Beep beeeeeeeeeeeep!

Hindi man lang siya gumagalaw sa kinatatayuan niya…

I thank God na naabutan ko siya. Nang magawa ko iyon, I hugged him so tight.

Beeeeeeeep!

END OF FLASHBACK


“Riel!”

Nagbalik ako sa realidad nang may tumawag sa pangalan ko. It’s Eli. Malamang tinawagan na naman siya ni June dahil sa nangyayari na naman sa akin.

Si Kuya lang naman ang merong susi sa kwarto ko. He demanded for it noong hindi ako lumalabas ng kwarto.

June is one of my boarders. Pinaupahan ko na kasi ang bahay simula noong magcollege ako. We’re both culinary students from Chua Culinary School. ‘Yong paaralan nila Tita Rina at Tito Armando.

Yakap-yakap niya ako. Hindi ko mapigilan e. Mas todo iyak nga ako kapag may kaharap na ako. Mas lalo ko lamang namimiss ang boyfriend ko.

Kasalanan ko. Oo, kasalanan ko kasi, hindi ko siya nailigtas. Imbes kasi na ako ang magligtas sa kanya, ako pala ‘yong nailigtas niya.

Masaya… akong… ligtas… ka… Huli kong narinig mula sa kanya.

“Tahan na. Naiiyak na rin tuloy ako.” Aniya.

Tuloy pa rin ako sa paghagulhol. Araw-araw nga akong umiiyak e.

“June, pakuha naman ng tubig, please.” Rinig kong sabi pa niya.

“Okay… teka lang.” Tarantang tugon naman ng kaibigan, kaklase at boarder ko.

Nahihiya man ako, wala akong magagawa.

I miss him so much.

Tumahan na rin ako makalipas ang isang oras. Eli was there during that time. Kahit late na siya sa unang subject niya, hindi niya pa rin ako iniiwan.

“Umayos ka nga! Red is not dead. Kung umiyak ka naman parang namatayan ka. Tss.” Sermon nito. “May pasok kayo ni June, ngayon. Pati tuloy ‘yong tao, naperwisyo na naman sayo.” Dagdag niya.

He’s like Mama. Ang daming sermon. Kasalanan ko naman.

“Uy! Okay lang sa akin ‘no! No worries, Eli.” Singit naman ni June. Napatingin tuloy ako sa kanya.

Alam kong maga ang mata ko ngayon, kaya hindi na lang ako papasok.

“Sige na, June. Prep ka na for school. Ipagpaalam mo na lang ako sa mga Chef. Sorry sa abala, ha?” Pagpapaumanhin ko.

“No. Okay lang ‘no. Sige, ako na ang bahala sa mga Chef.” Aniya. “Bye, Eli. Ligo na ako.” Dagdag niya tsaka umalis.

Tumango lang naman sa kanya si Kuya.

Buti na lang hindi ko rin problema ang pag-absent. Pinapayagan naman ako, not because, may kapit ako sa may-ari ng school, but because of my standing sa buong batch namin. At least kahit umaabsent ako, I make sure na nakakacatch-up ako sa lessons.

Thank God, for June. Lol!

“Tsk. Tsk. Tsk.” Panunuya niya.

“Kuya!” Pagmamaktol ko.

“Anong Kuya ka riyan! Kung dito na rin lang kaya ako mangupahan, para hindi mo naaabala mga borders mo? Buti na lang wala pa sina Kuya Melvin at Ate Rose. Maaabala mo rin ‘yong dalawa sa oras ng pagtulog nila. Tss.”

“Wag na ‘no! Ayokong araw-araw akong may sermon sa’yo. Ano ka, si Mama?” After kong sabihin ‘yon ay nagsign of the cross ako. Baka multuhin ako ni Mama ng wala sa oras e. Lol!

“Tss. Kung makakatulong ‘yon sa pagmove-on mo sa pagkawala ni Red, gagawin ko. Naman Riel! Hindi naman patay si Red e. Ilang ulit ko ba ‘yong sasabihin sa’yo?”

But I can’t help it! Anang isipan ko.

“He’s just in the United States, the hell I know where he is, pero, hindi siya patay, okay? Gago kasi ‘yong boyfriend mo e. Hindi man lang nagpaalam.” Dagdag niya.

Gago nga siya! Kung hindi ko lang ‘yon mahal taong ‘yon! Nako! Magkalimutan na talaga! Pero, dahil mahal ko, kaya ko iniiyakan ‘yon! Bwiset!

Napaisip na naman tuloy ako.


FLASHBACK

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Puti… purong puti ang nakikita ko ngayon. I thought I’m in heaven… pero… puting kisame lang pala iyon.

Nasaan ba ako?

“Nurse, gising na si Riel.” Sigaw ng pamilyar na boses.

Nasa ospital ba ako?

And then, naalala ko ang nangyari.

Nakita ko si Tita Rina sa tabi ng hinihigaan ko.

“Tita… si Red po?” Halos pabulong kong tanong. Parang ang tagal kong hindi nagsalita e. Paos, ‘yan ang boses ko ngayon.

“Riel... mamaya na natin ‘yan pag-usapan, ha? Ipapacheck ka na muna namin sa doktor, okay?” Aniya.

Tumango na lang ako.

Agad namang dumating ang mga nurse at isang doktor doon sa kwarto ko sa ospital.
Hinayaan ko na lang silang i-eksamen ako kung ano man ang kailangan nila.

Pagkatapos noon ay nalaman ko na ang lahat kay Tita Rina. Nandoon din sina Tito Armando at Joyce sa tabi ko.

“Magfo-four weeks ka na sanang walang malay, Riel. Thank, God, nagising ka na sa wakas. We’re all worried about you. Kakaalis lang ng mga kaklase mo rito. I’ll contact Elijah later para ibalita na gising ka na.” Aniya.

That long? Paano? Bakit?

“Si… Red… po?” Tanong ko.

Natigilan siya sa tanong ko. Nakita kong tumingin siya kay Tito Armando. They’re talking, pero sa pamamagitan ng paningin lamang. They’re having an eye to eye conversation.

“Riel…” Aniya ng hinarap niya ulit ako.

Inantay ko ang susunod niyang sasabihin, pero wala akong natanggap. Umiiling lamang siya sa harap ko.

“Wag mo na munang isipin ‘yon, okay? Magpagaling ka na muna.” Singit naman ni Tito Armando.

“Get well, Kuya Riel.” Saad naman ni Joyce.

Pero, hindi ko na napigilan. Kusa na lang tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko. I wanted to cry it out loud, pero hindi ko magawa.

“Hindi pa naghihilom nang mabuti ang mga sugat mo, be strong, okay?” Hinawakan ni Tita Rina ang kaliwang kamay ko. “We’ll help you, Riel.”

Umiling lang ako ng umiling habang umiiyak. Red is my life. Bakit siya nawala? Dapat ako ‘yon di ba? Bakit siya pa? I thought I had experienced enough pain, pero bakit may bago na naman? Sana ako na lang!

Sabi nila, dinala si Red sa Amerika for an operation, pero hindi ito na niya nakayaan, tapos doon na binawian ng buhay. The Ariola’s, decided to cremate his remains tapos naroroon ngayon sa bahay nila sa US. The family decided to stay there for a while, at uuwi na lang kapag kailangan.

Nanatili pa ako ng halos isang buwan sa ospital noon, rehabilitation, examinations and check-ups, pinagdaanan ko lahat ng iyon. Lagi namang nariyan ang mga kaibigan ko para sa akin.

Okay na rin kami ni Brett. Nang malaman ng pamilya nilang buntis si Iris, ay ipinakasal sila agad. Brett accepted the fact that he will be soon, become a father, and we’re fine being best friends again.

Ninong nga raw ako kapag lumabas na ‘yong baby nila.

Si Iris naman, ganoon din. Masaya ako para sa kanya kasi nakuha na niya ang kaligayahan sa buhay pag-ibig niya.

Ako? Every single day na mapag-iisa ako sa kwarto ng ospital ay bumabalik ang lahat ng sakit na nadarama ko dahil sa pagkawala ng kasintahan ko.

END OF FLASHBACK


“Aray naman!” Asik ko.

“Ewan ko sa’yo ha! Hindi na nga ako papasok para masamahan ka ngayon. Salita ako ng salita rito, wala naman palang nakikinig sa akin. Dahil diyan, nakapagdesisyon na ako. Dito na ako magboboarding house.” Aniya.

“Ano?! E ‘di ba, mas mapapalayo ka pa? Paano si Eri?”

“Este… Kami pala… Tinawagan ko na kanina, masaya pa nga siyang dito kami magboboarding house e. Wala akong problema sa traveling. Iniwan naman nila Dad saamin ang kotse e.”

“Wala ng available na kwarto.” Ngiwi ko.

“Malaki naman ‘yong kwarto sa baba ‘di ba? Mag-isa lang naman si Ate Rose sa kabilang kwarto, tapos double deck naman ‘yong nasa baba.”

“Wala na akong budget sa isa pang double deck! Ano ba naman ‘yan! ‘Wag na nga e!”

“Walang problema! Bibili ako ng sofa bed! Wala ng bawian. Dito na kami magboboard. Period!” Pagtatapos niya. “Hala! Tumayo ka na riyan at gumawa ng almusal!” Dagdag pa niya.

“Eeeeeeeee!” Pagmamaktol kong muli.

Pinandilatan niya lang ako ng mata.

Tss! Bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na kagaya niya! Joke! Thankful nga ako kasi andiyan siya palagi para i-comfort ako. Ang ayaw ko lang naman e ‘yong paninermon niya. Naaalala ko tuloy sa kanya ang pagninermon ni Mama (sign of the cross ulit).

Gaya ng request niya, nagluto na ako ng almusal namin. Ala siete na, kaya’t kailangan kong magmadali. Ako kasi ang tigapagluto ng makakain ng mga boaders ko. Kasama na iyon sa binabayaran nila sa akin.

7:30 naman ay darating na sila Kuya Melvin at Ate Rose. Mga Customer Service Representatives sila ng Concentrix malapit sa SM.

Kaya late na si Eli kasi, 7 AM talaga ang pasok niya. Ewan ko ba sa school nila. Ang aga kaya! Buti pa sa amin, 8 AM! Like a boss!

Pero, ayokong pumasok na ganito ang itsura ko. Absent absent din pag may time. Aasarin na naman kasi ako ni Yuki kapag nakita niyang ganito ako ka wasted. Bahala na si June sa kanya.

Susugod na lang ang barkada dito sa bahay mamaya.

‘Yon na ang naging routine na nila kapag nabalitaan nilang may nangyari na naman sa akin. Si Kuya, kasi e! Kainis!

Abala ako sa pagluluto nang kinuha ni Eli ang aking pansin.

“Riel. May bisita ka!” Sigaw niya.

“Sino?” Sigaw ko pabalik.

Malapit na kasing maluto ‘yong sunny side-up na nakasalang sa kawali. Buti na lang huli na iyon. Ini-off ko na lang muna ang apoy sa kalan tsaka inilagay sa plato ang luto ng piniritong itlog.

“Sino, Kuya?” Tanong kong muli nang makarating ako sa sala.

“Ni… nong…” Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Napalingon tuloy ako sa pinto tsaka nakita ang cute na cute kong inaanak.

“Beegee!” Sigaw ko sa galak. “Mga pasaway na magulang! Ipinasyal niyo na naman ang bata!” Kinurot ko na ang dalawa.

“Ito kasing si Brett, e! Ang kulit! Anyways! Gusto ko rin namang makalabas sa bahay ngayon! 2 weeks na kaming hindi pinapalabas nila Mommy e. Syempre, gusto ko ring makita ang Pars ko.” Ani Iris saka ako niyakap ng mahigpit.

“Sus! Pwede namang ako ang pumunta ‘di ba?”

“Eli called. Umiyak ka na naman daw.” Singit ni Brett.

Napatingin tuloy ako sa nakaharap lamang sa TV na si Eli. Humanda ‘to sa akin mamaya. Tss.

Ibinalik ko ang paningin kay Brett na may pilit na ngiti sa aking mukha. Kahit hindi ko ipakita sa kanya ang nararamdaman ko, alam kong malalaman niya pa rin iyon. He’s my bestfriend. ‘Yon ‘yong isang kapangyarihan niya na lagi kong iniiwasan pero hindi ko magawa.

Tsaka ayokong isipin niya ulit na kasalanan niya kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

“Just no, Brett. Okay?” Inunahan ko na siya sa pagsasalita. “Wag na nating isipin muna ‘yon. Pakarga nga sa inaanak ko.” Pag-iiba ko ng usapan.

Ibinigay naman ‘yon sa akin ni Iris.

“Hello, Beegee baby! Kumusta na ang napakacute kong inaanak, ha?” Baby talking. Buti na lang hindi naman ito iyakin. Tuwang-tuwa pa nga sa pagkuha at pagkarga ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin.

Ang sarap niyang panggigilan e! Hayst!

“May dala pala kami for breakfast.” Ani Iris.

Somewhat nawala na ‘yong bad air na papasok sana sa bahay. Dumating na rin sila Kuya Melvin at Ate Rose kaya’t sabay sabay na kaming kumain ng almusal.

Gaya nga ng desisyon ko, hindi na talaga ako pumasok sa school. Instead, sinamahan ko na lang ang dalawa sa check-up ni Beegee baby. Kaya si Eli, pumasok na lang sa second subject niya.

“You should lighten up. Babalik siya. I’m sure, miss na miss ka na n’on.” Ani Iris.

Nasa park na kami ngayon. Malusog naman si Beegee. Kahit 7 months siya noon nang lumabas siya sa sinapupunan ni Iris, wala namang naging komplikasyon iyon sa kanya. Ang taba pa nga niya ngayon.

“Hmmm.” Bumuntong hininga na rin ako. “I can’t help it. 1 year na e. Hindi pa ako nakakakuha ng dahilan kung bakit siya umalis ng walang paalam, kahit ni isa man sa atin. Tapos sa makalawa, anniversary na sana namin. Or is it? I mean, hindi naman kami officially naghiwalay ‘di ba?”

“You can always say that…”

“Let’s eat?” Tawag ni Brett. Sabay na lang kaming pumunta sa pinaglatagan ng blanket ni Brett.

Nagkibit-balikat na lang ako kay Iris. I don’t know what to think about it also e. as much as I want to, kulang e. It can’t be celebrated by me, alone.

Nasa lilim kami ngayon ng isang malaking puno dito sa park. Tulog na tulog na nga si Beegee. Maganda kasi ang panahon ngayon. Ang sarap pang lasapin ang simoy ng hangin.

“Just like the old times, eh?” Pagbuhay ni Brett sa tahimik naming kainan.

Napatango na lang ako.

Kulang pa rin. Ni hindi nga namin na-icelebrate ni Red ang unang monthsary namin. We’re both in the hospital that time. Tita Rina had said that we’re still under observation. Two days pa lang kaming naroroon, to be exact.

Our 25th every month aren’t celebrated since then, also.

Nakalabas na ako noon sa hospital nang sabihin sa akin ni Tita Rina ang totoong nangyari kay Red.


FLASHBACK

“Riel, may dapat kang malaman.” Untag sa akin ni Tita Rina.

Nasa sementeryo kami ngayon for our Sunday visit sa puntod nina Mama, Papa, Ate Karisma at Kuya Terrence. 2 months kasi akong hindi nakapunta dito, since the accident. Kaya’t heto kami ngayon dito ng pamilya Chua, nagpipicnic.

Mahigit dalawang oras na rin kami rito. Tulog si Tito Armando at Joyce sa may lilim, samantalang kami ni Tita Rina ay andito naman sa tabi ng mga puntod ng aming mga mahal sa buhay.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Napansin niya sigurong nagdadrama na naman ako ngayon.

Pinunas ko ang bakas ng mga luhang dumaloy kanina sa aking pisngi. I can’t help it. Ibinuhos ko lahat ng hinanakit ko sa mga nangyayari sa buhay ko for the past 3 years. Ranting it all to my parents’ grave.

“Ano po iyon, Tita?” Tugon ko matapos kong ayusin ang sarili ko para maharap siya.

“I’m sorry kung naglihim ako… kami… sa’yo ng matagal…”

“What do you mean, Tita? Tungkol po saan?” Naguguluhan kong tanong.

“Tungkol kay Red…” She paused. Tumingin siya sa kinaroroonan nina Tito at Joyce. “Your Tito is worried, kaya ko ‘to sasabihin na sa’yo…”

I’m so confused. Anong tungkol kay Red?

“I kept a promise to Red, not to tell you this, pero… maskin ako’y nakokonsensya na rin.”

Hindi ko na alam ang iisipin. Pero sana ‘yong hiling kong buhay pa siya. At least may panghahawakan ako, na kahit malayo siya, buhay naman siya.

I can accept the fact that he has chosen to go somewhere, pero ‘yong wala na siya, as in wala na… hindi ko alam kung anong gagawin ko na.

“Ano po iyon, Tita?” I really wanted to know.

If it will break or at least mend my heart.

“Buhay siya.”

Tumulo na lang ng kusa ang mga luha ko dahil sa kagalakan. Thank you, Lord.

END OF FLASHBACK


Inihatid na lang nila ako sa bahay. Alas cinco na rin kasi ng hapon. Matapos kasing kumain sa park, ay dumiretso naman kami sa mall. Ang dami ngang ipinamiling damit para kay Beegee ang mag-asawa e.

“Gusto mo ba ng part time?” Untag sa akin ni Iris.

Tulog na sa loob ng kotse si Beegee. Si Brett naman nag-aantay lamang doon sa loob.

“Sige sige!” Excited kong sagot.

“Good! Kaibigan ko ‘yong may-ari ng Synthesia Bar, hulaan mo kung anong kailangan nila.”

“Hmmm.” Nag-isip talaga ako. “Waiter? Cook? Bouncer?” Saad ko.

Natawa naman siya sa sagot ko. “No! Cook ata, pwede pa. Pero, hindi. Kailangan nila ng entertainer. If you can still contact the Fleet, mas okay. Pero, ibinibigay ko ‘to sa’yo as a solo artist.”

Napatango na lang ako. I miss singing, already. Naalala kong hindi pala namin natapos ang last performance namin noon sa School Fest. Lizbeth and Leer are still at school as Senior High’s. While, Jasper, graduated last March with us.

“I’ll give it a try. Kung hindi, andyan naman si Eli. Sige, I’ll call you, once na maconfirm ko sa mga kasama ko sa banda.”

“Okay! Sasabihan ko na ‘yong friend ko! Yes! We’ll get to hear you all, once again!”

Napangiti na rin lang ako. “Namiss ko na rin ang banda e.”

“Let’s call this a day, Pars! See you, some other time?”

“Yeah, yeah. Mga pasaway kayo! ‘Wag niyo munang ipapasyal si Beegee, ha? Call me, if you want to see me! Si Kuya kasi e! ‘Di ba nag-o-online schooling kayo ni Brett?”

“Yeah. Pero, nakakamiss kasi ang environment kapag totoong school ang pinupuntahan. Anyways, bye Pars!” Aniya tsaka bumeso sa akin saka parang batang nagmartsa papasok sa kotse nila.

“Ang bilin ko ha? Bye!” Sagot ko.

Ibinaba naman ni Brett ang salamin sa driver’s seat para kumaway sa akin. Kumaway na rin ako pabalik.

Abala ako sa pagluluto ng hapunan nang makatanggap ako ng mensahe sa messenger ko.

Skype tayo mamaya! May sasabihin kami.

Ano na naman kaya ang pakulo ng isang ‘yon?

Oh well, tapusin ko na muna ‘tong niluluto ko. Darating na rin maya-maya si June. Hindi ko alam kung seryoso si Eli sa pagtira nila dito ni Eri. Pero, wala na rin naman akong magagawa roon. I’d be glad if they’re here. Baka maging maingay muli ang bahay.

Inspeaking of Eri, wala pa akong natatanggap sa kanya ngayong araw. Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya?

“Riri! Ate is here!” Napailing na lang ako sa inaasta na naman ngayon ng isang ‘yon.

Iniisip ko pa lang kanina e, andito na agad.

“Yoohoo! Riri! May pasalubong si Ate, sa’yo!” Tss.

“Andito ako sa kusina, Ate!” Sigaw ko.

Simula kasi noong nakarecover ako from the hospital, ininsist na niyang tawagin ko na rin daw siyang ‘Ate’, since ‘Kuya’ ang tawag ko sa kakambal niya. Ewan ko nga kung sinabi ko bang payag ako.

Alam kong ginagawa lang nila ang lahat noon para mapasaya ako. Since, ayoko namang maging pasanin nila kapag kaharap ko sila’y, pinilit ko na lang ang sarili kong maging masaya kapag nariyan sila.

Hindi ko sinasabing plastik ako kapag kaharap sila. I just can’t help not to be sad, sa tuwing masasagi sa isipan kong wala sa tabi ang mahal ko. Importante rin naman sa akin ang mga kaibigan ko.

Kung wala sila, siguro, noong hindi ko pa alam na hindi pa patay si Red, nagpakamatay na rin ako.

“Wala man lang ba akong yakap mula sa kapatid ko?” Aniya. Napailing na lang ako.

Nakatalikod pa kasi ako, kasi, inihahanda ko na ang mga gagamitin sa hapag-kainan. Walang gana akong humarap sa kanya sabay irap pa. Ganito kami lagi kapag nagkikita. Since, dito na sila titira ni Eli, spell disaster, bhe. Lol! Joke lang.

“Ito naman! Parang hindi ako namiss!”

“Hindi nga.” Biro ko, tsaka ngumiti.

Napangiti na rin lamang siya.

“I miss you, my little brother!” Aniya nang mayakap ako.

“Para namang hindi tayo nagkita last week.” Tugon ko. Nagbitaw kami sa pagkakayakap. “Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo?” Dagdag ko pa.

Nakita kong pumasok sa kusina si Eli na may dala-dalang groceries.

“Eri naman! Hindi ka man lang tumulong! Ang dami kaya nito!” Inis nito sa kapatid.

Umirap lamang si Eri sa hangin.

“Well… sekreto!” Aniya, sabay tawa. “Kasama ba kami sa hapunan ngayon? Hindi pa kami kumakain e. Tsaka, dito na kami titira simula ngayon.” Dagdag niya sabay upo sa isang upuan sa hapag-kainan.

Sabi ko nga, seryoso si Eli sa pagsabing dito sila titira. Tss. Buti na lang pala, isinali ko na sila sa hapunan ngayon. Hindi pa rin pumapalya ang tantsa ko.

“Wala na rin naman akong magagawa kahit ayoko, ‘di ba?”

“Korek ka diyan!”

“Sinabi mo pa!” Sabay nilang saad.

‘Yon nga, dito na sila titira simula ngayon.

Nang dumating si June, sabay sabay na lang kaming kumain, kasama sina Kuya Melvin at Ate Rose na handa na para sa kanilang trabaho maya-maya.

Iniwan ko na lang sa kusina ang mga boarders ko kasi, nag-uusap-usap pa sila. Magkakakilala na naman sila, pero, naexcite sigurong dito na titira ang kambal. Hahayaan ko na muna sila.

Umakyat ako sa kwarto ko para maglog-in sa skype, gaya ng bilin sa akin ni Josh. Ano kayang sasabihin nila sa akin?

Pumunta sila sa US ni Riley, after ng kasal nila sa Manila. Honeymoon daw. Regalo ng kani-kanilang mga magulang sa kanila. Pero, ang alam ko, last of May dapat ang uwi nila. ‘Di tuloy sila nakapagenroll ngayong sem.

Agad kong inaccept ang video call ilang minuto bago ako makapag-online. Kanina pa siguro sila online, kaya nang makita lang na available na ang linya ko’y agad nila itong nicontact.

“Hello, friendship! Kumusta ka na?” Bungad nito sa screen.

“Pwedeng lumayo ka sa camera? Butas ng ilong mo ‘yong nakikita ko e.” Biro ko.

“Ayos lang ‘yan! Wala namang booger yan! Lol!” Aniya sabay humagalpak sa tawa.

“Ewan ko sa’yo ha! May nakita kaya ako!” Biro ko.

“Meron ba?” Tsaka kinalikot ang butas ng ilong niya.

“Eww!”

“Ito naman! Parang hindi naman ako kilala.”

“Oo! Kilala kita! Pero, ‘wag sa harap ko ‘no!” Tsaka humagalpak sa tawa.

“Kainis ‘to!” Tampu-tampuhan niya.

“Asan ba ang asawa mo? Ano nga palang sasabihin niyo sa akin?”

“Nasa kusina si Babe. Nagluluto. About that… anong oras ba pasok mo sa Saturday?”

Nakita ko naman si Riley na nakaboxer lamang na kumaway sa akin.

“Ano ba ‘yan, Babe! Sa akin mo lang dapat pinapakita ang katawan mo!” Pilit niyang tinatakpan ng kamay niya ang camera. “Magbihis ka nga muna!” Sigaw niya pa kay Riley.

“Ganun ba? Sorry! I wasn’t informed!” Panunuya niya kay Josh.

Natawa lang ako sa ginagawa nila.

“Ano ba ‘yan! Ang damot!” Saad ko.

Doon niya na lang inalis ang kamay niya sa camera ng kanilang laptop. Wala na rin doon si Riley.

“Huy! May Red ka na kaya!” Aniya.

Natigilan na lang ako, bigla. Out of the blueng naisip ko na naman si Red. Nainggit tuloy ako sa relasyong meron ngayon ang dalawa. 11 months na rin silang magkasama as couple, tapos kasal pa.

“Ay sorry.” Bigla niyang sabi. Siniko kasi siya ni Riley. Nakadamit na rin siya.

Napailing na lang ako. Ano ba ‘yan! Baka sumugod na naman si Eli dito sa kwarto ko.

“Okay lang. So… ano ‘yong gusto niyong sabihin? Tsaka ‘di ba, 4 AM pa lang diyan? Ang aga niyo naman ata.” Pag-iiba ko ng usapan.

“Ah… e… Uuwi kami mamaya.” Aniya tsaka ngumiti.

Magkatabi na sila ngayon ni Riley. May pagkain na rin sa harap nila ngayon.

“Kain tayo, Riel.” Medyo awkward na saad ni Riley sa camera.

“Kakatapos lang naming magdinner.” Tugon ko sa alok ni Riley. “Talaga?” Excited kong tugon naman kay Josh. “Pasalubong ko, ah!”

“Kaya nga maaga kami ngayon e. Ano bang gusto mo? 7 PM pa naman kami kailangan sa Airport. Tsaka, papasundo kami, ah?”

“Ano?!” Gulat ko.

“Yeah, yeah! Don’t worry, sa Pili na naman kami papasundo e. Kukuha na lang kami ng early flight pagkadating namin ng Manila. Tatawagan ko ang driver namin, syempre ikaw, tsaka sina Eri at Eli. Gagamitin naman ‘yong van namin sa bahay. Gusto ko lang na sumama kayo. Sama kayo ha?” Aniya.

Napaisip tuloy ako kung pwede ba ako, sa oras na ‘yon. Hmmm. Saturday?  8 AM ang pasok namin ni June. Tapos bakante kami ng 11 AM to 1 PM.

“Anong oras ba kayo darating?”

“Anong oras kaya, Babe?” Tanong ni Josh kay Riley.

Nakita ko na lang na nagbilang si Riley gamit ang kanyang kamay.

“Hmm. Since, maybe at 4 AM of Saturday, nasa Manila na kami niyan. Syempre may mga inspections pa rin niyan sa airport, probably, 4:35 AM or more ang labas namin sa Airport. Tapos, 11:10 AM naman ‘yong flight namin papunta diyan.” Ani Riley.

“So you should be at least, at the airport by 11:30 AM.” Bilin naman ni Josh.

“Oh! Okay. Just lemme know. Magagamit niyo pa naman siguro ‘yong numbers niyo dito, ‘di ba? May pasok ako by 8 AM to 11 AM e.”

“Yeah, actually, nakaroaming naman siya. Tawagan na lang kita, kapag nasa Manila na tuloy kami and or kapag boarding na kami papunta diyan.”

“Okay! Mas mabuti pa nga. Sabihan ko na lang sina Eli at Eri. Speaking of the twin, dito na silang dalawa titira.”

“Really?! Bakit?!” Gulat niyang tanong.

Napailing na lang ako ng todo. Ayoko pang humaba ang usapan namin dito. May pasok pa ako bukas e. Alas nuebe na rin, hindi na ako aabsent.

“Long story!” Saad ko.

“Make it shorter, then.”

“Hay naku! Chismoso! Pagkauwi niyo na lang. We have all the time for that.”

“About that, isa rin pala ‘yon sa sasabihin namin sa’yo.”

“Ano ‘yon? Gonna sleep na e. May pasok pa bukas. Absent ako kanina.”

“We had decided na dito na lang kami mag-aaral ni Riley. Kaya kami uuwi ay dahil sa pag-asikaso ng mga kailangang documents.”

Napatango na lang ako sa nalaman. Nakakalungkot naman. Anyways, desisyon naman nila iyon.

“Sige! Just call me, whenever you’re here na. Mag-aalarm na rin lang ako sa Sabado para ‘di ko malimutan. God bless you both and your trip!” Pagpapaalam ko.

Ewan ko ba. Bigla na lang akong nalungkot.

“Okay! Salamat! Bye!”

“Bye!”

Sabay nilang pagpapaalam sa akin.

Kinaumagahan, usual routine ko sa pagpasok at gawaing bahay ang ginawa ko. Ang ingay na nga ng bahay ngayon. Si Eri kasi, pagkagising niya’y laging boses niya na lang ang naririnig ko.

Sanay na naman ako sa kanya. Simula noong makabalik ako sa school after kong madischarge sa ospital ay ganoon na siya. Ewan ko nga ba kung bakit. May mga bagay lang na hindi ko makuhaan ng sagot patungkol sa mga ginagawa niya.

Anyways, ‘wag ko na sigurong problemahin ‘yon. Ang dami ko pang aasikasuhin.

“Kuya, bukas daw dating nila, Josh and Riley. Papasundo raw sila. And they wanted us to be there.” Saad ko kay Eli, matapos kaming mag-almusal.

Ready na rin siya sa pagpasok sa school. Si Eri naman, may sariling oras sa pagpasok. Iisang school lang naman sila ng kakambal niya, pero, hindi pa ito sumasabay.

“Really?” Singit naman ni Eri.

Tumango na lang ako bilang tugon. Nagliligpit na ako ng pinagkainan namin. Pinauna ko na si June na maghanda sa pagpasok.

“Hmm. Okay. Wala naman akong pasok bukas. Anong oras ba? May gagamitin na bang kotse?”

“Yup! ‘Yong van nila. 11:30 AM dapat andoon na tayo sa Naga City Airport. Tapos na rin naman ‘yong class namin ni June niyan.”

“Aww! Paano ako? May imi-meet kasi akong friend, tomorrow.”

“Edi ‘wag ka nang sumama.” Walang ganang tugon sa kanya ng kakambal.

“Tss.” Tugon naman ni Eri sabay irap.

Napailing na lang ako sa inaasta ng dalawa. Parang hindi magkapatid e.

“Alis na ako.” Pagpapaalam ni Eli.

Nang mag-ala siete y media ng umaga ay sabay-sabay kaming umalis nina Eri sa bahay. Andoon na rin naman sina Kuya Melvin at Ate Rose.

Nagkakagulo sa school nang dumating kami. Parang may kung ano na namang chismis na namang malaki.

“Ang hot n’ong transferee! Grabe!”

“Ang gwapo pa!”

“I know, right!”

“Chinito!”

“Yummy!”

“Sayang nga e, ‘di natin siya kaklase!”

Rinig kong usap-usapan ng mga kaklase at kamag-aral ko. Since bagong school nga ito, 1st year Culinary Students pa lang talaga ang naririto. Nahati lamang talaga kami sa tatlong sections.

“May transferee, raw? Tanong ko kay June.

“Meron nga. Guess what?” Tugon niya.

“Sirit na! Spill it out, June!” Impatient kong sagot.

“Kaklase natin siya.”

“Grabe nawala lang ako ng isang araw, may ‘talk of the campus’ na agad. Anong pangalan?” Kahit papaano’y curious din naman ako. Tamang tama lang ang pagtransfer niya kung gan’on.

Natigilan si June sa paglalakad. Sinisiko-siko niya pa ako.

“Anong problema mo?!” Asik ko.

Sinundan ko na lang ang tusok ng mga labi niya. Duck-face ever talaga itong si June.

Napanganga  na lang ako sa nakita. Syet! Totoo nga!

Napailing na lang ako ng todo. ‘Di pwede ‘to! May inaantay pa pala ako! Do or die ‘tong mission na ito! Hayst! Asan ka na ba kasi, Red?!

“Hi! I’m Sebastian Chiu. Nice to meet you, Gabriel Dela Rama. Pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay.

Kinuha ko naman iyon, ‘cause I don’t want to be rude. He’s being nice naman. Pero ang ikinagugulat ko lang ngayon ay kilala niya ako. What the hell?!

Panay din ang iling ni June sa pakikipag-eye to eye ko sa kanya. Asking how this freaking hot guy, knows my name already?

Umuwi kami ni June sa bahay nang naguguluhan pa rin talaga ako. Why the hell, kilala na ako ni Sebastian Chiu? Panay nga ang bangayan namin ni June sa jeep. Hindi niya man lang kasi naibalita sa aking may ganoon, kahapon.


Eri’s POV

“Anong oras dating niyo? Uuwi rin pala sila Josh. Bukas din ang dating. Sa Naga City Airport din ang lapag. Oh my God! Baka magkita-kita na kayo niyan!” Ngarag na ako simula kaninang umaga nang malaman kong susunduin din nila Riel sina Josh sa Sabado.

“Hmm. ‘Wag mo na lang kaming sunduin, tuloy. Kami na ang bahala.” Aniya.

“Okay. Mabuti na nga iyon. Baka magalit sa akin si Riri.”

“Okay. No worries. Hindi naman ‘to kung anong plano e.”

“I know. Ikaw na bahala sa mga susunod na mangyayari kung makikita niyo man siya sa Airport.”

“Yeah yeah. Pakisabihan nga si Dave na ang landi ng boyfriend niya! Unang pagkikita pa lang nila ni Riel, naging magulo na agad ang utak. Bahala ka sa plano mo ha! Kapag nain-love si Riel kay Seb. Wala na.”

“Kaya nga nabuo itong plano ‘di ba?”

“Ewan ko sa’yo no! Alam mo namang mahal na mahal ka n’ong tao e. Ikaw ba naman ang iyakan for almost a year now? Hayst! Bahala ka na nga! Naaawa na tuloy ako kay Riel sa pwedeng mangyari. Although, maganda ang ending nito, may mga doubts lang talaga ako.”

“Don’t think too much, Eri. Ako na ang bahala.”

Nang matapos ang tawag ay pumasok na ako sa unang subject ko. Buti na lang, nakapili ako ng oras sa pag-aaral ko. Nadala ng kagandahan ko e. Lol! Ang ganda ko talaga! Pupunta pa ako kila Iris mamaya! May nakita kasi akong damit na bagay kay Beegee.


Riel’s POV

July 25, 2021
11 o’clock in the morning

Dear Diary,

Isang taon na… Isang taon na buhat nang sagutin ko si Red. I remembered, napakasaya niya noon… Mas lalo na ako… Sa isang isla sa Palawan… Noong immersion namin noong high school.

Umaasa ako lagi… Araw-araw, sa pagbabalik niya. Yung paglalambing niya sa akin. Yung mga halik niya… Lahat ng tungkol sa kanya… Miss na miss ko na siya…

Hey, Diary. Alam mo ba kung kailan siya babalik?

Napatigil ako sa pagsusulat sa aking diary dahil sa tumulong luha sa pahina nito.

“Riel! Are you alright?” Saad ng kaibigan kong katabi ko lang ang upuan sa loob ng aming classroom. Last subject namin ngayong Sabado.

Hindi ko talaga mapigilang maiyak sa tuwing maaalala kong wala na sa tabi ko si Red.

Actually bumalik lang naman ako sa pagiging iyakin noong mangyari lahat ng kinatatakutan ko. Ang mawala, o malayo sa akin ang taong nagpaahon sa akin sa kalungkutan.

Well, nangyari na pala talaga iyon. It’s my 12th entry sa Diary ko. Every 25th kasi’y doon ko ibinubuhos lahat ng kadramahan ko sa tuwing sasapit ang araw na ito. A way to at least, remember that day. That day, sa isang isla sa Palawan.

Napatango na lang ako kay June. Inaantay pa kasi namin ‘yong van ng mga Alarcon para sa pagsundo namin sa mag-asawa sa Naga City Airport.

“Oo nga pala, 25 ngayon… Hindi ko man nakita ang pagmamahalan niyo ni Red, pero, dama ko naman kung gaano mo talaga siya kamahal. Pero Riel, don’t be so hard for yourself. I mean, Red is still out there.” Aniya.

Napatango na lang akong muli. Pilit ko na lang ginawang masaya ang sarili ko.

“Hindi ko mapigilan e. 25 ngayon June, importanteng araw namin ngayon. Instead of celebrating it, heto ako ngayon, weeping, because the other half of this important day is not with me.”

“Umayos ka na nga riyan.” Napatingin kami pareho ni June sa nagsalita.

Iniaabot niya sa akin ang kanyang panyo. Kinuha ko naman iyon tsaka pinunasan ang mga luhang kanina pa walang tigil na dumadaloy sa aking pisngi.

“Tss. Tara na, nasa labas na ‘yong van.” Dagdag niya.

Agad na lang din kaming pumunta sa kinaroroonan ng van nila Josh. Aabutin siguro kami ng 20 minutes papunta roon. May oras pa naman.

Hindi ko alam pero, parang naging mabagal ang byahe para sa akin. It was like, slowmo. Ewan!

Umidlip na lang ako para mapigilan ang pagdadramang nagbabadya na naman sa akin. Dapat masaya ako para sa pagharap ko sa mag-asawa ngayon. Kilala ko si Josh. Kilala niya rin ako. At syempre, chismoso si Eli. Kaya dapat maayos akong haharap sa dalawa.

“Riel! We’re here.” Rinig kong saad ni Eli sa akin.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ako. Sinag ng araw ang sumalubong sa mata ko. pagtingin ko sa orasan ay 5 minutes na lang, alas dose na.

“Papalabas na raw sila Josh.” Dagdag pa niya.

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko, tsaka agad na lumabas ng van. Pinilit ko ring ayusin ang sarili ko. Ang sama ng panaginip ko. Argh! Ano kayang ibig sabihin n’on?

“Riel!” Sigaw ng pamilyar na boses.

Hinanap ng paningin ko sa ilog ng mga taong lumalabas ngayon sa Airport ang imahe ng kaibigan ko.

Hindi naman ako nabigo. Isang malawak na ngiti ang nasilayan ko sa kanya. Tumakbo na nga e. Para namang taon ‘yong binilang ng umalis sila. Tss.

“I miss you, friend!” Aniya.

Pero imbes na sumagot ako’y hindi ko na nagawa. Napabitaw na lang ako nang makita ko ang imahe ng napakatagal ko nang gustong makita. Ng pinakamamahal ko.

“Ano ba ‘yan! ‘Di man lang ako namiss—.” Rinig kong asik ni Josh.

Pero… sa taong ‘yon lamang ako nakafocus.

“Red…” Saad ko sa hangin.

Kasama niya sina Mama, Papa, Andrei… at may isang hindi ko kilala.

Agad na nanikip ang dibdib ko nang makitang ipinulupot ng lalaking iyon ang kanyang mga kamay sa braso ng pinakamamahal ko saka siya hinalikan sa labi.

Napatalikod na lang ako. Tumulo ang mga luha. And I can’t control them.

“Riel...”

“Friend...”

Sabay sabay na saad ng mga kaibigan ko. Nakita rin siguro nila ang nakita ko.


“Alis na tayo.” Nanginginig kong saad sa kanila, tsaka pumasok sa loob ng van.



Itutuloy… 

9 comments:

  1. Aww mukhang medyo naging mabilis ang naging daloy ng story, kawawa naman si Riel sana magkaroon na ng linaw kung ano talaga ang nangyari Kay Red o Seb ba?

    ReplyDelete
  2. sana ma update agad...haysss

    ELI-RIEL SANA MAGKATULUYAN...HAHAHA

    ReplyDelete
  3. bitin. next update na

    ReplyDelete
  4. naluha ako dito.. Red!!!! May mggwa b ang ggwn mong pghhnganti kay riel? grabe ha. sana man lng naisip mo at dpt inaalala m ang pinngako mo kay riel!!! isa kang mlking duwag...

    kund hindi lng ako fan nio ni riel, mtgl n kong bumitaw s story nio. pero alam ko mahal mo pdin c riel, sana lang nman hnd gnyan ang gwn mo. awa mo . please wag kau riel..

    ReplyDelete
  5. Cnu si sebastian chui at ung gugulo sa love story ni riel at red.....

    Nakakaasar na kakaexcite ung story.....update agad kuya rye

    Jharz 05

    ReplyDelete
  6. HALA! Ang ganda talaga ng story mo Rye. Nahohook ako ng super lite. Naaapektuhan na ang trabaho ko. HAHAHAHAHA.

    Commendable. Very commendable.

    ReplyDelete
  7. Don't know what to say. Super naaawa nako kay Riri. <///3 Di biro yung isang taon ahh. Sakalin ko to si Red eh. Currrrsssseee you!!!

    ReplyDelete
  8. Di ko maintindihan. Ang daming nangyayare. Nakakalito. Sana next chapter maayos pag kaka execute. hahaha. :) btw thanks sa update mr author

    ReplyDelete
  9. kaines nemen tong si Red >.<
    paganda ng paganda to ah, sana sina Red at Riel pa rin magkatuluyan T_T
    niwey , thanks sa update kuya Rye ,
    -yelsnA
    #BTBBC

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails