Followers

Saturday, December 13, 2014

Playful Jokes -Chptr15



Athr'sNote-

#Kashhh

(

-44, hindi kana mapapa-iyak dito :))
-AlfredTO
-GilrexL
-NagtatagongGeo, yup! be positive :))
-Marlon, sa ngayon wala po munang nosebleed part, hehe.
-Dave, opo malapit na :)
-JCSY

Guys, maraming salamat sa pag-iwan niyo ng comments sa chptr14.. sana hanggang sa huli ay nandyan parin kayo.

)


Maraming Salamat sa lahat ng naghihintay, kahit na delay na delay na dely na ang mga updates ko.

 "Naglalandi-landian lang talaga ako para mapangiti kita." linya mamaya ni Jacob :)

 ".. paano mo malalaman kung hindi ka kikilos.. ay mali, paano mo malalaman kung hindi ka lalandi.. parang si Jacob lang." linya ni Kash mamaya :)



Happy reading..



--

Point Of View

 - K a s h -

6:00pm



 "Kash ah.. baka gusto mo lang manantsing niyan."

Rinig kong sabi ni Seven.

Heto ako at nakayakap lang sakanya. Kanina pa, magdamagan. Ayaw ko siyang bitawan.

 "Payakap muna, dito ka lang." mahinang sabi ko.

Ayaw ko yung napanaginipan ko, masyado akong natakot dahil doon. Kaya heto at mahigpit ang pagkakayakap ko kay Seven.

 "Kanina mo pa ako yakap-yakap, at kanina pa ako naghihintay ng kiss.. ba't puro yakap lang? ba't walang kiss?"

Literal naman akong napangiti dahil sa narinig, loko-loko talaga 'to.

Talaga ngang napapalitan niya ng katatawanan yung nararamdaman kong takot.


Katahimikan


 "Seven, may sasabihin ako." mahinang sabi ko.

 "Hmm..?"

 "Gusto ko lagi kang mag-iingat kapag hindi mo ako kasama ah? Alagaan mo yang sarili mo." seryosong sabi ko, hinarap ko narin siya.

Ewan pero parang may mali sa mga tingin niya.

 "Para sa'yo."

Kalaunan ay sabi niya, nang nakangiti na.

 "Para sakin? Hah?" kunot ko kaagad.

 "Para sa'yo, sige." 

 "Seven naman.." agad na sabi ko.

Natutunugan ko nanaman yung ekspresyon niya. Yung ekspresyon niya na ikinakatakot ko.

 "Seven naman.. hwag kang umiyak oh.." agad na sabi ko at mahigpit na paghawak pa sa mga kamay niya.

Maya-maya'y..

 "Joke.." biglang sabi niya at pagngiti.

Saglit akong napatigil, nanatili lang akong nakatingin sakanya.

Siya naman.. pangiti-ngiti, tinatakpan-takpan niya pa yung bibig niya saka tumatawa.

Hanggang sa pabiro ko na siyang binatukan.

Mas maganda na yung ganito, kaysa naman sa umiyak talaga siya.

 "Joke lang yun.. Kashy baby.." tonong nanlalambing niya.

 "Tara na nga.. kumain na nga lang tayo." pag-iling ko na lang, loko-loko talaga.

At sa lumabas na nga kami ng kwarto.

Kung kanina'y takot na takot ako, ngayon naman ay ayos na.. heto at panaginip lang pala talaga yun.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



 "Jacob behave ah?"

Muli akong napatango sa sinabi ni Marvs.

 "Oo nga." sabi ko.

 "Osige, alis na ako. Basta behave ka ah.." sabi nito at paghalik pa sa noo ko.

Hanggang sa umalis na nga siya. Hinatid niya ako rito sa may harap ng bahay nila Seven.

Message: Kash! Labas na!

Pagtext ko kagad kay Kash, may usapan kami ngayon eh.

 "Ang tagal mo naman.."

Napatingin ako sa nagsalita, si Kash na nga.

 "Tara na?" agad na pagngiti ko.

Sa tuwing nakikita ko talaga si Kash ay parang nakikita ko si bunso, yung kapatid ko.

Hindi ko lang pinapansin, baka mapadrama lang kasi ako.

 "Jacob ingatan mo yan ah?"

Napatingin ako sa isa pang nagsalita, si Seven pala.. tumango naman ako kaagad saka ito nginitian.

 "Ba yan Seven kanina ka pa, diba iniwan na kita sa loob?" inis kaagad ni Kash.

Ang kulit lang tignan ng dalawa.

 "Bakit ba? Ayaw mo naman kasi akong isama eh.." parang bata na sabi naman ni Seven.

Hay nako, parang mga batang nagtatalo lang silang dalawa.

 "Uwi nako, OP nako eh." pagsingit ko sa dalawa.

 "Seven pasok na, ang kulit mo naman." pagtulak-tulak pa ni Kash kay Seven.

 "Jacob tol.. ingatan mo 'tong maitim na 'to ah?" sabi pa ni Seven.

 "Ako na bahala.." pagsigaw ko naman.


.....

#KashJacob 'OA moments :))

.....



Point Of View

 - Third Person's -

*Angeles City



 "Ang sweet niyo ni Seven kanina.. na-OP talaga ako."

Pasimpleng sabi ni Jacob nang naglalakad na sila.

Magkasama sila ni Kash.

 "Ganun talaga kami, bakit ikaw? Kayo ni Marvs hindi ba?"

 "Isa rin yun, parang may batang alaga lang ako.. iyakin rin yun, lalo na kapag napag-iiwanan ko na siya." pagmamalaki ni Jacob.


 "Yun naman pala eh, bakit pa-OP-OP kapang nalalaman?" kunot ni Kash.

 "Wala." pagngiti at pag-iling ni Jacob.

At sa nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

"Kung naging tayo Kash? Kung sakali lang... magiging sweet rin kaya tayo?"

Wala sa sarili namang napatigil si Kash dahil sa sinabi ni Jacob.

 "Ang landi mo talaga." natatawang sabi ni Kash habang sinisiko-siko niya ito.

Natawa rin si Jacob.

 "Malandi talaga? Kapag magkasama talaga tayo ako ang laging kawawa.." pag-akbay pa ni Jacob kay Kash.

 "Kahawig ko ba talaga si bunso niyo?"

Biglang pagseseryoso ni Kash.

 "Sa totoo lang oo, kaya rin siguro na agad akong nagkainteres sa'yo." balik ni Jacob.

Habang nakatuon ang kanilang paningin sa iba't-ibang klaseng dekorasyon pangpasko sa bawat bahay na nadadaanan nila ay nagkekwentuhan narin sila.

Minsan lang ito.. ang naka-akbay si Jacob kay Kash, bonding, pareho silang masaya, walang malisya.. open sa isa't-isa.

 "Bilib ako sa'yo." ang wala sa sariling nasabi ni Kash.

 "Wala mama mo at wala rin ang bunso mong kapatid.. pero heto at maayos ka parin." pahabol pa ni Kash.

 "Hindi rin Kash eh, magaling lang ako magtago.. lalo pa't ayaw ko sa lahat ay ang pinag-aaalala ko ang mga kaibigan ko pati na sila tita." seryosong sabi ni Jacob.


Patuloy lang sa paglalakad ang dalawa, kung titignan ay parang simpleng magbarkada lang sila.. yung bang normal lang na walang naging problema sa isa't-isa.

 "Siguro kung ako? Hindi ko makakaya, si itay nga ay ilang pasko nang wala siya.. kaya hindi rin namin maiwasan ang malungkot nila inay." sabi ni Kash.

 "Nako Kash napapadrama tayo." pagtawa na ni Jacob.

 "Narito tayo para magsaya diba?" pagtigil pa sa paglalakad ni Jacob at pagharang pa niya paharap kay Kash.

 "Uyy Kash.. bawal magdrama.." sabi ni Jacob at marahang ini-umpog ang kanyang noo sa noo ni Kash.

 "Aray.." agad na reaksyon ni Kash at pagsapo sa noo.

 "Bakit ba kasi hindi naging tayo? Edi sana oras-oras napipikon ka dahil sa akin." natatawang sabi ni Jacob habang sapo-sapo rin ang sariling noo, medyo napalakas kasi ang pagbangga niya sa noo nila.

 "Tapos ano? Tapos oras-oras nilalandi mo ako? Kasi oras-oras ay makikipagbati ka at lalambingin mo ako?" pagsakay ni Kash sa biro ni Jacob.

At sa nagtawanan nga ang dalawa.

 "Ang sakit mo talaga magsalita." sabi ni Jacob at mabilisang..

 "ARAAAYY!!" wala sa sariling naisaboses ni Kash.

 "Kash, mas masakit akong mamitik sa'yo.. bleeeehh.." paglabas pa ni Jacob sakanyang dila na halatang nang-iinis at mabilis na nga itong tumakbo.

 "Pakatakbo mo na! Pag nahabol kita.. yari ka!" pagsigaw rin ni Kash at sa hinabol na nga niya si Jacob.

Kung magkulitan ang dalawa ay parang sila lang.. hindi nila pansin ang ibang tao.

.....


 "Ano game na?" tonong nanghahamon ni Jacob.

 "Sandali nga lang diba? Magreready lang ako.." tonong naiinis naman ni Kash.

Ngayon narito sila at kumakain.. ng mami. (alam niyo ba yun?)

 "Bakit kasi eto pa eh? Ang init tapos magre-race pa tayo." pagrereklamo pa ni Kash.

 "Hindi yan, kaya yan.. O ano game?" agad na sabi ni Jacob.

Isa..

Dalawa...

Tatlo..!

Hanggang sa nagsimula na ngang mag-unahan ang dalawa.

Dahil nasa may tabing kalsada lang sila'y may mga taong malaya silang nakikita.

Unahan, pabilisan.. pareho nang pinagpapawisan ang dalawa dahil nga sa mainit na sabaw.

Nakuha pa nilang magtawanan nang makita ang itsura ng isa't-isa.

 "Finish!"

Wala sa sarili namang napatigil si Kash nang marinig ang sinabi ni Jacob.

 "Ang bilis mo naman." simangot niya.

 "Ganun talaga.. yung prize ko? San na?" excited na sabi ni Jacob.

At sa dahan-dahan ngang ngumuso si Kash, ganun rin si Jacob.

Nang mapansing konti na lang at palapit na si Jacob ay mabilisan niya itong binatukan.

 "Aray naman eh." agad na reklamo ng isa.

 "Ang landi mo talaga." sabi naman ni Kash.

Saka nagtawanan ang dalawa.

Ilang sandali pa silang nagpahinga roon bago tuluyang umalis.

Habang naglalakad ay may napansin namang dalawang bata si Jacob.

 "Hi babies.." agad na sabi niya pagkalapit niya sa mga ito.

 "Kambal sila?" ang hindi makapaniwalang sabi naman ni Kash.

 "Ang cute nila noh? Ano pong pangalan nila?" sabi ng isa at pagharap pa dun sa kasama ng dalawang bata.

Naka-stroller ang dalawang bata, siguro'y mag-iisang taong gulang palang ang mga ito.

 "Aj at Cj ho." sagot nung babae, siguro'y yaya ito ng mga bata.

 "Oh talaga po?" manghang sabi naman ni Kash. "Oh Jacob patawanin mo dali, clown ka naman eh.." dagdag pa niya.

 "Wow naman Kash.. mas mukhang clown kaya yang kulay mo.." hindi papatalong sabi naman ng isa.

Nakuha pa nilang magkulitan sa harap ng dalawang bata.

 "Ang galing oh nagyayakapan yung dalawa." biglang sabi ni Jacob.

 "Edi maghanap karin ng kayakap mo." natatawang sabi ni Kash.

Saglit naman itong napatigil sa ginawa ni Jacob.

 "Sabi mo maghanap ako ng kayakap." pagngiti ni Jacob nang nakayakap na siya patagilid kay Kash.

 "Ang landi mo talaga." pagtawa na lang ni Kash.

Ayos lang kay Kash. Siguro nga'y miss lang talaga ni Jacob ang kapatid niya at siya na lang ang napagtitripan ni Jacob.

Nakita naman ni Kash na natatawa yung yaya nung dalawang bata.

 "Ate bagay po ba kami?" pagpansin naman ni Jacob dun sa babae.

Tumango naman ito na ikinangiti lalo ni Jacob.

 "Oh Kash bagay daw tayo.. pakiss nga."

Nang magsalita si Jacob ay agad namang tinakpan ni Kash ang magkabilang pisngi niya.

 "Jacob tigil-tigilan mo nga yang kalandian mo." natatawang sabi ni Kash habang nakatingin sa nakangusong si Jacob. "Bitawan mo na ako, landi mo talaga." dagdag pa niya dahil hanggang ngayon ay nakayakap parin sakanya si Jacob na pilit na inaabot ang mukha niya.

 "Oh Kash tignan mo si Blue at si Red.. nagkiss sila oh." agad na sabi naman ni Jacob nang bumaling siya sa dalawang bata.

 "No comment." ngiwi ni Kash.

 "Edi kuya maghanap po kayo ng ikikiss niyo.." pagtawa naman nung babae.

Hanggang sa..

 "Jacob naman eh!.." naiinis na natatawang sabi bigla ni Kash habang nakahawak sa may kanan niyang pisngi.

 "Maghanap daw ako ng ikikiss ko eh.." tawang-tawang sabi ni Jacob nang medyo makalayo na siya kay Kash.

At sa nakuha na ngang maghabulan ng dalawa sa kalsada.

 "Bye Aj at Cj!" pahabol pa ni Kash nang lingunin niya ang gawi ng kambal.

 "Malandi ka talaga!" malakas na pagsigaw pa niya nang muli niyang habulin si Jacob.

 "Okay lang, worth it naman." pagsigaw rin ni Jacob habang patuloy lang sa pagtawa.

.....


 "Oh eto try mo.." agad na sabi ni Jacob pagkalapit niya kay Kash na abalang namimili.

 "Jacob naman, ililibre mo nanaman ako?" agad na pagkunot naman ng isa nang makita niya ang hawak-hawak na Tshirt ni Jacob.

 "Assuming? Hindi ah.. ikaw magbabayad niyan." nakakalokong tono naman ni Jacob.

Napatingin naman si Kash sa mga taong katulad nila'y namimili rin.

Napapikit naman siya sa hiya, nakangiti rin siyang napapikt.

 "Dali sukat na.." natatawang sabi kagad ng isa.

 "Ang sarap mo talagang pagtripan, napaka-cute mo." ang naibulong pa ni Jacob.

Inabot naman ng isa ang damit.

 "Aba Kash, bawal magsukat dito ng may suot ka.. dapat alisin mo muna yung tshirt mo bago mo sukatin yan." agad na pagpigil ni Jacob nang isusuot na ni Kash yung ipinapasukat niya.

Nagulat naman siya nang ngumiti ng nakakaloko si Kash.

 "Edi alisin." simpleng sabi ni Kash at agarang paghubad niya sa suot na tshirt.

 "Yan pwede na?" pagbigay ng isang napaka-pungay na tingin ni Kash kay Jacob.

Napalunok naman ang isa sa ginawa ni Kash. Napatingin din ito sa mga babaeng pinapanuod sila.

Saka siya pailing na ngumiti.

 "Ang yabang mo Kash ah.." pagharap ni Jacob kay Kash. "Pinagmamalaki mo yang katawan mo.."

 "Sabi mo bawal magsukat nang may suot, edi yan.." balik ni Kash, sa mayabang na dating.

 "Itetext ko nga si Seven, sasabihin ko lumalandi ka." sabi naman ni Jacob at pagkuha pa niya ng cellphone niya.

 "Wow. Nagsalita yung hindi malandi ah? Jacob, mas malandi kapa sakin." pagpigil ni Kash sa pagtawa.

 "Malandi talaga? Grabe ka talaga sakin Kash." paglaki pa ng mga mata ni Jacob, habang nagpapalitan kasi sila ng salita'y pasimple namang natatawa yung mga taong pinapanuod sila.

Hindi na sumagot si Kash, sinukat na lang niya yung damit.

 "Maganda nga noh? Magkano 'to? Kunin ko na.." agad na sabi ni Kash nang makita na bagay pala sakanya yung piniling damit ni Jacob.

Hindi na kumibo si Jacob at agad na nga niyang binayaran yung nagtitinda.

 "Ate magkano?" tanong ni Kash sa tindera nang maihubad na niya yung damit.

 "Bayad na po."

Napatingin naman siya kay Jacob na nasa labas na at may kausap sa cellphone.

Napailing siya, wala pa siyang gastos simula kanina hanggang ngayon.. puro si Jacob ang gumagastos.

Agad na siyang nag-ayos at pinabalot yung damit.

Pagkalabas niya'y nagulat naman siya sa nakitang ekspresyon ni Jacob.

 "K-kanina kapa diyan?" medyo tarantang tanong ni Jacob.

 "Kalalabas ko lang. Bakit?" tanong rin ni Kash. "Napano ka? May problema?" pahabol pa niya.

 "Ah.. wala wala." pilit na pagngiti ni Jacob.

 "Sigurado ka? Sino bang nakausap mo? Baka mamaya pinapauwi kana ni Marvs? Tara na?" sabi ni Kash nang magsimula na silang maglakad.


Tumigil sa paglalakad si Jacob at hinarap si Kash.

 "Bakit?" kunot kagad nito.

 "Kash, payakap?" pagngiti ni Jacob.


Hindi pa man ito nakakasagot ay agad na nga siyang niyakap ni Jacob, kahit na napakarami ng tao.


 "Kash, gusto ko kapag malungkot ka o umiiyak ka ay itong napakahigpit kong yakap ang maaalala mo ah?"

Rinig niyang sabi ni Jacob.

 "Jacob? Napapadrama ka naman ata?" ang nasabi ni Kash.

 "Basta Kash, nandito lang ako palagi para sa'yo... kahit galit kapa sa akin."

Sa sinabi ni Jacob ay kumawala na nga kaagad si Kash.

 "Jacob ano naman yang mga pinagsasabi mo? Ba't naman ako magagalit sa'yo?" tanong ni Kash.

Hindi sumagot si Jacob, nakatingin lang ito sakanya.

 "Kahit gaano kapa kalandi, hindi kita ipagtatabuyan." pagtawa na ni Kash.

Hindi niya alam pero nang muli niyang makita yung seryosong mukha ni Jacob ay natawa na lang siya bigla.

Eto kasi ang pinaka nagpapaalala sakanya nang una nilang pagkikita.

 "Grabe ka talaga sakin.. tara na nga lang." pag-iling ni Jacob at pag-akbay pa sakanya.

 "Salamat nga pala ah? Binili mo nanaman ako ng damit." sabi ni Kash habang naglalakad sila.

 "Basta ikaw, kahit na ayaw mo sa akin." pabirong sabi naman ng isa.

 "Yan ka nanaman.. nilalandi mo nanaman ako." pagtawa ni Kash.

 "Oh yan, atlis napapatawa kita dahil sa kalandian ko. Naglalandi-landian lang talaga ako para mapangiti kita." pagtawa rin ni Jacob.

Napapikit na lang si Kash nang makita yung mga reaksyon nung mga taong nadadaanan sila at nakatingin sakanila, isama pa yung huling sinabi ni Jacob.

 "Tara na nga uwi na lang tayo, kanina kapa bumabanat eh.. tsaka hindi rin nagtetext si Seven, baka mamaya nagtatampo na yun sa sobrang selos." sabi na lang ni Kash.

 "Ay wag." agad na sabi ni Jacob.

 "Bakit? baka hinahanap kana rin ni Marvs niyan.."

 "Kash pwede bang dun kana muna matulog? Kahit ngayong gabi lang?" agad na pagputol sakanya ni Jacob.

 "Hah? Hahanapin ako samin.."

 "Hindi. Nakapagpaalam na ako kay tita, lam mo naman ako.. malakas ako kay inay mo." tonong pagmamalaki ni Jacob.

Kailangan niyang gawin ito, kailangan niyang mapapayag si Kash.

 "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ng isa.

 "Oo nga, basta tinan.."

 "Eh si Seven? Panigurado naghihintay yun sa ak.."

 "Nakapagpaalam narin ako sakanya. Basta Kash sige na?" pagputol at pagpilit ni Jacob.

Napatango na lang si Kash.

.....



Point Of View

 - K a s h -



 "Akala ko ba sa inyo?" agad na sabi ko nang sa ibang bahay kami huminto.

Matutulog ako ngayon kila Jacob.. pero heto at nasa ibang bahay kami.

Pumayag na ako, mapilit eh. Pinaalam ko rin kay Seven na dito ako kay Jacob matutulog, tapos todo "Oo sige" naman siya sa text.

 "Panget bahay namin Kash, kaya dito kita dinala kay Marvs, dito nalang tayo." rinig kong sagot ni Jacob.

Napakunot naman ako.

Ang ganda nung bahay, 'dark looking'. (hehe)

 "Kay Marvs? Alam niya? Baka magalit niyan siya?" sunud-sunod na tanong ko.

 "Hindi yan, alam naman niya eh. Nandito rin sina Alex at Vince kaya hindi ka ma-oOP sa ka-sweetan namin ni Marvs mamaya." tonong nagmamalaki naman ni Jacob.

Napailang nalang ako. Malandi nga talaga 'tong si Jacob.

 "Ang tagal niyo ah? Kanina pa kami gutom."

Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Si Alex pala kasama si Vince na nakaupo sa may mga upuan sa may gilid.

 "Guys, entertain niyo si Kash.. nilalandi niya ako eh." biglang sabi ni Jacob habang papasok kami.

 "Uy Kash? Nilalandi mo siya?" hindi makapaniwalang sabi naman ni Vince.

 "Wow. Kaya niyo ba ako dinala dito para pagtulungan?" natatawang sabi ko.

 "Nope, kaya ka namin dinala dito para naman makapagsaya tayo. Minsan lang naman.."

Napatingin kami sa nagsalita, si Marvs na pala.. wala itong suot na pang itaas at may dala-dalang isang case ng alak.

 "Oh baby.. pinagpapawisan ka?" agad naman na sabi ni Jacob at pagkuha pa niya sa shirt na nasa balikat ni Marvs, saka niya ito pinunasan.

Napailang na lang ulit ako, ang landi talaga ni Jacob..

Mukha ngang mapapasaya ang magaganap na "sleep over" ko dito haha.

Pagtingin ko kila Alex at Vince ay isa rin silang natatawa na napapa-iling.

 "Marvs, natitiis mo yang abnormal na yan?" pagbaling ko kay Marvs, natawa naman siya.

 "Kailangan eh." balik niya at ngiwing tinignan si Jacob na inaasikaso siya.

 "Sige lang, pagtulungan niyo ko." sabi naman nito.

 "Hay nako.. tara na nga, kain na lang tayo."  sabi nila Alex.

Sumunod na ako sa dalawa sa loob, nagugutom na ako.. ang kulit kasi ni Jacob sa daan eh, nakakapagod makipaghabulan at kulitan sakanya, pero masaya syempre.


 "Kash pagkatapos nating kumain maglalaro tayo ah?" biglang sabi ni Vince nang magsimula na kaming magsikuha ng pagkain.

 "Anong laro?"

 "Spin the bottle." simpleng sabi ng isa, sila Jacob at Marvs pala.. sumunod na.

 "Tapos may alak diba? Jacob ah? Hindi ako iinom." sabi ko habang abala sa pagkuha ng pagkain.

 "Oo syempre.. baka magalit si Seven kapag hinayaan kitang uminom." balik niya, napatango lang ako.

Nag-eenjoy kasi ako sa pagkuha ng mga pagkain, ang dami tapos mukhang masasarap pa.

 "Ba't naman pala ang dami ng pagkain? Wala naman sigurong may birthday noh?" naitanong ko nang mapansin na ang dami ngang pagkain.

 "Buti nga agad naming..."

Napatingin ako kay Vince nang bigla siyang tumigil sa pagsasalita?

 "Hah?" kunot ko.

Bakit parang pare-pareho lang yung mga ekspresyon nila?

 "Hoy?" pagtawa ko pa.

 "Ah eh, ano kasi eh.. may dumi yung mukha mo."

Agad naman akong napatalikod sa sinabi ni Marvs.

Kinapa-kapa ko pa yung mukha ko.

 "San banda?" nahihiya kong sabi.

Narinig ko namang nagsitawanan sila.


Pinagtitripan yata talaga nila ako.

...



Halos mapangiwi ako nang sa akin tumigil at nakaturo yung bote.

 "Okay okay.. Kash ikaw narin sa wakas.." nakakalokong sabi ni Jacob.

 "Ano?" alanganin kong sabi, nakikita ko kasi yung ngiting aso ni Jacob.

 "Sexy dance."

Napalunok naman ako sa sabay-sabay nilang sinabi. Kanina pa sila nagbubulungan, halatang pinaghahandaan nila yung turn ko.

 "Sexy dance.. Sexy dance.."

Pakiramdam ko'y namumula na ako, may pa-cheer cheer pa silang alam.

Nang makita kong nag-eenjoy na sila kaka cheer ay wala sa sarili na akong napangisi.

Mukhang nakalimutan na ni Jacob yung talent ko, yung talent kong magaling magbaliktad ng sitwasyon.

Nakita ko naman na napapatahimik na sila dahil sa dahan-dahan na akong tumatayo.. sexy dance daw eh.

Binigyan ko si Jacob ng isang napakapungay na tingin.. yung nang-aakit.. at sa isa-isa ko na nga silang tinitignan.

Pumagitna ako. Dahan-dahan.. sumasayaw, yung napakabagal, hindi ko man alam kung 'sexy dance' nga ang ginagawa ko ay tuloy lang ako.

Kita ko naman na sila na ang napatigil, sa akin lang ang tingin.

Hanggang sa dahan-dahan ko nang itinataas ang aking damit.

Syempre, pang-laban ko 'tong abs ko eh.

Konti na lang ay mahuhubad ko na yung suot kong damit nang..

 "Oh pwede naba yun?" pagngiti ko, kita ko naman na parang nagising sila bigla mula sa pagkakatunganga sa akin.

 "Guys move on, iikot na natin ulit yung bote." natatawang sabi ko.

 "Grabe ka Kash ah? Siguro laging pagod sa'yo si Seven?" tonong nakakaloko ni Vince.

 "Oo nga.. mukhang mas grabe kapa kay Jacob." pahabol naman ni Marvs.

 "Sabi niyo Sexy Dance, edi yun nga ang ginawa ko. Tapos ngayon, kung anu-ano mga sinasabi niyo." pagtawa ko.

Idinaan ko na lang sa biro at pagtawa.

Kung alam lang nila, puro kami iyakan ni Seven.


 "Osiya, move on.. game na ulit." sabi ni Marvs at yun na nga.

Hanggang sa puro tawanan at kalokohan pa ang naganap sa aming lima.

Masyado akong nawili dahil sa hindi narin nagtetext si Seven, ang huling sabi niya sa text ay mag-enjoy lang daw ako.. minsan lang daw niya kasi ako papayagan, haha.

.....


 "Pssst Kash.."

Napatingin ako sa tumawag.

Si Alex pala.

Binigyan ko lang siya ng nagtatanong na tingin.

Narito kasi kami sa kwarto ni Marvs na sadya atang napakalaki.

Akala ko ako na lang ang hindi natutulog, pero heto at gising parin pala si Alex.

 "Tara sa labas.." mahinang sabi pa niya.

Agad akong tumango bilang sagot, hindi pa ako inaantok eh.

At sa parang nag ninja moves pa kami habang palabas.

Alas-dos na ng madaling araw at knock-out na yung tatlo, si Alex lang ang hindi.

Sa aming lima kasi ay ako lang ang hindi uminom, ayaw ko eh.

 "Buti hindi kapa knock-out?" agad na biro ko pagkalabas namin.

 "Hindi kasi ako nakakatulog eh, kapag may katampuhan." simpleng sabi niya pagkaupo niya sa tabi ko.

Narito kami sa may pahabang upuan sa may tabi ng gate nila Marvs.

 "Si Ivan noh?" sabi ko habang sa taas lang ang tingin, bakit kaya iilan lang ang bitwin ngayon?

 "Ba't ganun noh? Yung taong hindi mo natitiis ay natitiis ka? Nakakatampo noh?"

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya, nakikita ko yung ekspresyon niyang nahihirapan, yung bang naguguluhan.

 "Malay mo naghihintayan lang pala kayo?" pagngiti ko, tinignan naman niya ako.

 "Sa palagay mo?" nakangiti na niyang sabi.

 "Nagtatampo rin ba siya sa'yo?" tanong ko kagad.

 "Ewan eh?" pagkibit balikat pa niya.

 "Sabi kasi ni inay, once na nagtampo ka sa isang tao.. ibig lang sabihin ay malapit o close ka sa taong yun. Hindi naman kasi nabibigay o nararamdaman yang salitang 'tampo' na yan kung kani-kanino lang.. basta asahan mo, kapag nagtampo ka sa isang tao.. means, importante siya sa'yo." tila lumulutang kong sabi habang nakangiti at nakatuong muli ang atensyon sa kalangitan.. ang sarap kasi sabihin nung mga bagay na alam mong tama eh.

 "Sana nga ganun lang noh? Sana nga nagtatampo rin siya sa akin, at sana nga'y naghihintayan lang kami." rinig kong napakagaan nang sabi ni Alex, natutunugan ko yung tonong 'umaasa'.

 "Tae kasi yang si Jacob eh, sabi niya magkakagusto ako sa lalaki, kaya ayan kapag magkasama kami ni Ivan napapaisip ako." biglang pagsimangot naman niya.

Napangiti na lang ako. Ang sarap sa pakiramdam na heto at kaibigan ko ang mga ito, si Marvs, si Vince, si Alex at si Jacob.

 "Alam mo, habang may chance kapa.. dapat duma-moves kana eh." sabi ko. "Kung ano yung nararamdaman mo, yun na.. paano mo malalaman kung hindi ka kikilos.. ay mali, paano mo malalaman kung hindi ka lalandi.. parang si Jacob lang." pagtawa ko pa na ikinatawa rin niya.

 "Salamat Kash ah? Ayos ka talaga kausap." paglahad naman ng kamay niya.

 "Ang OA Alex ah?" natatawang sabi ko.

Pero inabot ko parin yung nakalahad niyang kamay.

 "Napapa-isip tuloy ako kung gaano kaswerte sa'yo si Seven." ngiti pa niya.

 "Mas maswerte ako sakanya.. though minsan puro kami drama." pagngiti ko rin.

At sa naglakad na nga kami papasok, inantok narin ako bigla.

 "Uy dito tayo.." agad na pagpansin ko sakanya nang makitang hindi na kami pareho ng dinadaanan.

Ngumiti naman siya.

 "Habang may chance.. mag-dumamoves na." tonong nakakaloko naman niya.

Tinanguan ko na lang siya saka natawa..

 "Good luck." ngiti ko at sa naglakad na nga ako papasok sa kwarto ni Marvs.

...


Message: Good night Seven :) I miss you.

Pagtext ko kay Seven bago ako tuluyang natulog.

..

8:00am


 "Kash hwag ka munang umuwi.. dumito kana muna." tonong pangungumbinsi ni Vince.

Nasa may hapag kami, almusal.

 "Ba't ba ayaw niyo akong pauwiin?" pagbibiro ko. "Hinahanap na ako niyan ni Seven tsaka ni inay." dagdag ko pa.


Katahimikan


May nasabi ba akong mali?


 "Hoy!" medyo napalakas kong pagkuha ng atensyon nila.

 "Ano kasi eh.."

 "Ano?" kunot ko.

Iba na talaga nararamdaman ko, parang may mali eh.

 "Kash kasi si.."

 "Kash kumain kana muna, hatid na lang kita pagkatapos."

Pagputol ni Jacob sa sinasabi ni Marvs, nakita ko naman na nagtitinginan sila.

Naguguluhan man, kumain na lang ako.

Pagkagising ko palang, parang gusto ko na talagang umuwi eh, saktong paggising ko.. saktong parang ninerbyos ako eh, hindi ko alam kung bakit.

...


 "Pakisabi na lang kay Alex nauna na ako ah?" bilin ko sakanila nang makasakay na ako ng motor, hahatid ako ni Jacob, as usual.

 "Kash, ayaw mo ba talaga na magstay na muna dito?" paglapit pa ni Marvs.

 "Gusto ko naman syempre.. pero namimiss ko na yung iniwan ko sa bahay eh." pagbibiro ko. "Next time ge, isasama ko siya para mas matagal yung bonding nating lahat."

 "Osiya, basta Kash.. nandito lang kami. Basta nandito lang kami kapag kailangan mo nang makaka.. ay mali, matatambayan pala." paglapit narin ni Vince.

 "Sure." pagngiti ko at umalis na nga kami ni Jacob.

Hindi ko alam pero parang ninenerbyos talaga ako?

 "Kash ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Jacob.

 "Oo naman, salamat ah? Nag-enjoy ako, sobra." balik ko, tumango naman siya.

.....

 "Kash, kapag may kailangan ka tatawag ka ah? Hwag kang mahihiyang lumapit."

Papasok na ako ng gate nang muling magsalita si Jacob.

 "Oo nga, ulit ulit?" pagngiti ko. "Gusto mo lang niyan ng yakap eh?"

 "Ang landi mo." pagtawa niya saka na nga siya agad na umalis, kumaway-kaway pa ako kahit na hindi niya nakikita.

 "Good morning ate.." pagpansin ko kay yaya Cindy nang makita siyang nagdidilig.

 "Oh Kash? Nandyan kana?" hindi makapaniwalang sabi niya pagkaharap niya sa akin.

 "Ate Cindy, parang ayaw mo naman akong umuwi." pagbibiro ko. "Asan si Seven?" dagdag ko pa.

 "Si Seven? Ahh.. ehh..  nasa ospital?" alanganin niyang sabi.

 "Hah?" agad na reaksyon ko.

 "Sa ospital?" pahabol ko pa.

 "Nasabi ko ba yun?" tanong naman niya.

Hindi ko alam kung maguguluhan o maiinis o matatawa sa inaasta ni ate Cindy.

Agad na lang ako pumasok sa loob..

Ba't parang walang tao?

Dumeretso ako sa may kwarto namin..

 " Tenten, nasan sila inay? Chan, nasan si kuya mo?" tanong ko sa dalawang bata nang makapasok ako sa kwarto.

Pa-upo na sana ako sa tabi nila nang..

 "Nasa ospital po si kuya."

Napatigil ako sa sinagot ni Chan.

 "H-hah? Asan ba si mommy mo? pati si daddy mo?"

 "Kuya kanina po dumating daddy nila, tapos agad rin pong umalis tapos umiiyak po."

Mas lalo naman akong naguluhan dahil sa sinabi ng kapatid ko.

Agad akong lumabas ng kwarto, ayaw ko na 'tong nararamdaman ko.

 "Guys, si Seven?"

Agad na pagpansin ko sa dalawang pinsan na babae ni Seven nang madatnan ko sila sa may kusina.

Nang humarap sila sa akin ay mas lalo akong naguluhan.. pakiramdam ko'y pati ako ay maiiyak narin sa sobrang inis at gulo dahil sa wala akong makuhang maayos na sagot.

 "Sorry Kash, sorry.."

Sabi ng isa niyang pinsan.

 "T-teka.. anong sorry? ba-ba't kayo umiiyak?" halos naiinis ko nang sabi.

Bakit ba kasi hindi sila sumagot ng maayos? Naiinis na talaga ako eh, simula kanina.

 "Asan si Seven?" kunot ko pa.

"Nasa ospital siya Kash..."

Nang marinig ko nanaman yung salitang ospital ay tuluyan na nga akong napa-iyak.

 "Napano siya? A-anong ginagawa niya dun? Ka-kailan pa?" tanong ko, pilit ko paring pinipigilan yung paghagulgol ko.. k-kailangan ko pang maliwanagan.

Parang yung lahat ng inis ko simula kanina ay bumuhos ngayon, mas maganda nga siguro na hindi ako nakakuha ng maayos na sagot sa aking mga tanong.

 "Ano kasi Kash eh, k-kasalanan ko lahat 'to.. kung hindi sana ako nag-demand ng pagkain kagabi w-wala sanang maaaksidente.. Kash sorry.. si si.." hindi na ito natapos sa pagsasalita nang tuluyan na siyang napahagulgol.

Tila tumigil yung mundo ko. Tulala? Oo napatulala ako sa pinsan ni Seven na humahagulgol ngayon sa harap ko na tila nakiki-usap sa akin.

 "Sino?"

Ang tanging nasabi ko.





Itutuloy

8 comments:

  1. haaayys ang cute ng #J.Kash moments, kng di lng tlga nag exist si seven dito.. botong boto tlga ako sa knila xD.. Omg, anyare na naman kay seven ha? awtor andami namang nngyayare kay seven!!! wag mo nga siang pahirapan msyado nakakakaba!!! xDhaaayss OMG.wala sanang masamang nangyare sa knya..more #KASHVEN pa sana!yieeehhh.. xD


    -jex

    ReplyDelete
  2. Luh! ang ewan magcomment super loading T.T haaaays

    ReplyDelete
  3. Hahaha ang sweet talaga ng #Jash, mas kinikilig ako sa kanila. Sana sila parin kahit natanggap ko na ang #kashven. Haha

    #landi

    Anu kaya nangyari kay Seven?

    Yehey di na ako seen zoned ng prinsipe. Haha Marvs

    ReplyDelete
  4. Na anong nangyari kang seven.. huhuhuhu

    ReplyDelete
  5. Aq lng kaya ipalit mo ky seven kung mamatay xa author

    Jharz05

    ReplyDelete
  6. Sana walang massamang nangyari ke Seven. Idol ko pa naman siya. Thanks sa update. Heavy ang episode na to.

    ReplyDelete
  7. Halaaaaa. Sana hindi si seven yung na ospital at sana sumama lang sya sa ospital. :( cute ni Chan at TenTen. Authorrrrrrr. KashVen please.
    -rrr

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails