GAPANGIN MO AKO. SAKTAN MO AKO. II
Written by: Cookie Cutter (I-add ako sa Facebook)
THRIFT SHOP - MACKLEMORE
_________________________________________________________________________________
---
Book 1: Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final Chapter | Epilogue
Teasers: Dimitri | Riza/Jonah | Corina/Jun | Gio | Gab | PM/Arthur
Book 2, Part 1: Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 and 10
_________________________________________________________________________________THRIFT SHOP - MACKLEMORE
(Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang video at hindi ko po pag-aari ang larawan para sa kuwentong ito. For representation lang po ang mga ginagamit na materyal. Kung may hindi nagugustuhan ang paggamit ko sa mga materyal na ito, pakisabihan po ako nang matanggal agad. May mga maseselan na bahagi ang kabanatang ito. Maraming salamat.)
(Note: Nasa PART 2: MGA ALA-ALA na tayo!)
MARAMING SALAMAT SA MGA NAGHINTAY, SA MGA NAGCOMMENT, SA MGA NAG MESSAGE SA FACEBOOK AT NAG-EMAIL NA DI KO NABANGGIT. MALAPIT NA ANG FINALS NAMIN PERO PAGSISIKAPAN KONG MAKAHANAP NG TIME PARA SA INYO. MARAMING SALAMAT SA PASENSIYA AT WALANG HANGGANG PAG-UUNAWA! <3
HI NA DIN SA MGA MSOB FAMILY KO NA MAGAGALING DIN GUMAWA NG KWENTO, KINA VIENNE CHASE (Beat of my Heart, Fated Encounter), RYE EVANGELISTA (Love is...), PRINCE JUSTIN DIZON (Can't we try?), BLUEROSE CLAVERIA (Geo - Mr. Assuming), DYLAN KYLE SANTOS (Less Than Three), JACE PAGE (The tree, the leaf, and the wind) SA SUPER FRIEND KO NA SI GIO YU (Final Requirement), KINA KUYA PONSE AT KUYA MIKE AT SA IBA NA DI KO NABANGGIT [o naabutan, huhu]. SA MGA HINDI PA PO NAKAKABASA SA IBANG AKDA NILA, BASA NA!
(Note: Nasa PART 2: MGA ALA-ALA na tayo!)
MARAMING SALAMAT SA MGA NAGHINTAY, SA MGA NAGCOMMENT, SA MGA NAG MESSAGE SA FACEBOOK AT NAG-EMAIL NA DI KO NABANGGIT. MALAPIT NA ANG FINALS NAMIN PERO PAGSISIKAPAN KONG MAKAHANAP NG TIME PARA SA INYO. MARAMING SALAMAT SA PASENSIYA AT WALANG HANGGANG PAG-UUNAWA! <3
HI NA DIN SA MGA MSOB FAMILY KO NA MAGAGALING DIN GUMAWA NG KWENTO, KINA VIENNE CHASE (Beat of my Heart, Fated Encounter), RYE EVANGELISTA (Love is...), PRINCE JUSTIN DIZON (Can't we try?), BLUEROSE CLAVERIA (Geo - Mr. Assuming), DYLAN KYLE SANTOS (Less Than Three), JACE PAGE (The tree, the leaf, and the wind) SA SUPER FRIEND KO NA SI GIO YU (Final Requirement), KINA KUYA PONSE AT KUYA MIKE AT SA IBA NA DI KO NABANGGIT [o naabutan, huhu]. SA MGA HINDI PA PO NAKAKABASA SA IBANG AKDA NILA, BASA NA!
Part 2: "Mga ala-ala"
Chapter 11: "Walang halaga"
- PM Realoso“Kung pera pa iyang sorry mo, sentimong bayad lang iyan sa milyon mong inutang.”
---
Chapter 11
“Ge, alis ka na jan kasi ang bigat mo.” Narinig ni PM ang boses ni Gio.
“Kahit di ka nakacondom Gio, ang sarap mo pa rin. Don’t worry, sa susunod na movie ko ikaw ang lead actor, sigurado iyan. Pero kung gusto mong bilisan, magresign ka na lang kay Mr. Realoso para maprocess ko ang movie mo.”
Gio is sex trading! Haha, I knew it. Tumatanggap siya ng indecent proposals. Ngisi ni PM sa sarili.
“Wag na. Ayos naman ang movie project ni PM eh. Basta ha, yung next project dapat ako!” Sabi ni Gio. Narinig ni PM na sumarado ang cubicle door.
“Sige. Ako na muna maunang lumabas Gio para walang makakahalata.” Kaagad na umupo sa isang bench na bente metros ang layo mula sa kinatatayuan ni PM. Tumalikod siya mula sa main door ng bathroom para hindi siya mahuling nagmamanman.
Maya-maya, nanatiling nakaupo si PM. Nakita na niya ang baklang isa sa kanyang creative staff na mejo chubby na dumaan. Matapos ang limang minuto, nakita na niya si Gio na naglalakad pabalik ng classroom.
Kaagad na tumayo si PM at sinundan si Gio.
“Ang dumi mo na talaga, Gio, ano?” Panimula ni PM.
Nagulat si Gio sa boses na nagsalita kaya kaagad siyang tumalikod upang tingnan ang tao sa kanyang likuran. Nang nakita niya ang mukha ni PM, nanlaki ang kanyang mga mata at tila ba mauubusan ng salita.
“P-PM?! K-kanina ka p-pa ba?”
“Of course, no!” Sigaw ni PM. “Dumaan lang ako.”
“Ah okay.” Tumalikod si Gio na halatang kinakabahan. Bumilis ang kanyang paglalakad, ganun din si PM hanggang sa makaabot na sila sa set. Nang napansin na ng crew and staff si PM na pumasok sa set, kanya-kanya silang pumwesto para simulan ang taping.
“Where’s Arthur?” Tanong ni PM.
“Over here!” Sigaw ni Arthur habang tumatakbo palapit kay PM.
“Art. I’m going home. I want you to take over, okay?” Ngiti ni PM kay Arthur.
“Will sure do!” Tumango si Arthur at ngumiti pabalik kay PM.
“Oh. EVERYONE GATHER AROUND!” Sigaw ni PM. Nagsitigilan ang kanyang crew at staff at lumapit kay PM para makinig sa kanyang announcement.
“I would like to thank everyone for coming today. It’s around eleven in the evening, and I’m so glad we are halfway in terms of taping the scenes.” Ngiti ni PM. Pumalakpak lahat.
“However, I have a concern.” Ngumiti si PM na puno ng sarcasm. Nilibot niya ang kanyang mga mata para hanapin si Gio. Nang mahanap na niya si Gio, pinako niya ang paningin niya rito.
“We all know grave sexual trades are not allowed in my team, and most importantly in my NGC, correct?” Nakatingin pa rin si PM kay Gio.
Sumagot ang lahat nang sabay: “Yes sir.”
“Yes, you say?” Mas demonyo na ang ngiti ni PM nang nakita niya si Gio na kinabahan.
“Yes sir!” Sigaw ng lahat, pati si Gio.
“So, we all know then indecent proposals are in no way justifiable, correct?” Ngumiti si PM kay Gio. Nararamdaman ni PM ang kaba ni Gio dahil nanginginig na ang tuhod nito.
“Yes sir!” Sigaw ng lahat, pati si Gio.
“Very good. So this should be easy…” Lumapit si PM kay Gio at tinuro ang direksyon nito.
“You’re fired.” Mga salita ni PM.
Nanlaki ang mga mata ni Gio at di makagalaw ang kanyang mga kalamnan. Nararamdaman niya ang tibok ng puso at ang kanyang daloy ng dugo ay naghahabulan palayo sa kanyang mukha habang nakatingin ang mapaglarong mukha ni PM na nakalingon sa kanya.
Lumingon sa lahat si Gio at napansin niyang dahan-dahan dumarami ang mga titig sa kanyang direksyon. Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa sobrang kaba. Ano naman ang laban niya, totoo naman.
Shit! Alam ni PM. Patay patay. Sabi ni Gio sa sarili.
“I-I’m sorry, sir.” Mahinang sagot ni Gio habang yumuko.
“No, not you, Gio.” Kaagad na inangat ni Gio ang kanyang mukha at tumingin kay PM. Bakas sa kanyang mukha ang mga katagang “HA?!”
“The guy behind you.” Narinig ni Gio mula kay PM. Kaya lumingon si Gio sa kanyang likod at nakita niya ang kanyang naka-sex kanina sa bathroom na director na nagtatrabaho bilang creative staff ni PM para sa kanyang movie.
“Ako?” Tanong ni Pinky, ang baklang mejo may kalakihan ang katawan.
“Oo, ikaw.” Maikling sagot ni PM.
“I’m sorry, Sir Realoso. Pero may proof ka ba?” Panghahamon ni Pinky.
“Gio just apologized for it. Isn’t that enough proof against you, Pinky? Inaya mo pa talaga siyang magresign sa project ko para masimulan mo na ang papers ng movie mo para mapirate mo siya mula rito para mablackmail mo ng paulit-ulit para makantot ka na naman ng paulit-ulit. Ganon ba, Pinky? I expected more from you.” Mas lumaki ang ngiti ni PM na halatang sarkastiko.
Nagkatinginan si Gio at Pinky. Tumingin si Pinky kay PM. Nawala sa mukha ni Pinky ang tapang at napalitan ng pagsuko.
“Okay. I’m out from the project after tonight-” Tumango si Pinky.
“No.” Diretsong sabat ni PM, “you’re not only removed from the project. You’ll be out from the company for good. I will escalate this concern to the HR tomorrow morning, so you better get to your office and pack up. NGC thanks you for your service. Good night.” Ngumiti si PM at tumalikod. Nagsimula na siyang maglakad, kinuha ang kanyang bag at lumakad palabas ng classroom na nagsilbing set nila.
Nanatiling di gumalaw ang buong crew and staff habang panaka-nakang tinitignan nang buong panghuhusga si Gio at Pinky. Unang lumakad si Pinky at naghanda ng bag. Sumunod ang iba at bumalik sa kanilang kanya-kanyang pwesto.
Nanatili namang nakatayo si Gio at naligo sa hiya.
“Let’s get moving Gio.” Utos ni Arthur habang chinecheck ang camera. Ngunit sa halip na bumalik sa pwesto si Gio, hinabol niya si PM na nasa labas na ng building.
“PM!” Sigaw ni Gio nang magkalapit na sila ni PM.
Tumalikod si PM at tumingin kay Gio. “Oh, bakit?”
“Naiintindihan ko kung gusto mo akong patumbahin. Pero di mo naman ako kailangang ipahiya sa ibang tao! Ano na lang ang sasabihin nila tungkol sa akin? Na totoong nakuha ko ang mga role dahil sa sex. Sana inisip mo rin ako, PM. Sana inisip mo rin ang reputasyon ko bilang tao!” Lumuha si Gio habang naghihintay sa sagot ni PM.
Tumawa lang si PM at umiling.
“Exactly Gio. Naalala mo ba kung ilang beses mo ako pinahiya?” Tanong ni PM kay Gio. Natigilan si Gio at seryosong nakatingin kay PM.
“Di ko rin magets eh kung bakit kailangan mo pa akong ipahiya sa harap ng maraming tao noon. Di ko rin magets kung bakit hindi mo inisip kung anong sasabihin ng mga tao tungkol sa akin noon. Di ko rin magets kung bakit hindi mo inisip ang kapakanan ko at ang reputasyon ko bilang tao. At ang masakit pa Gio, inakala kong bestfriend kita. Ang kaibahan lang sa ginawa ko sa’yo ngayon, hindi na tayo magkaibigan.”
Punong-puno ang kalungkutan na nararamdaman ni Gio sa mga oras na iyon.
“But you know what. You’ll get over it. Naalala mo pa ba nung sinabi mo sa lahat ng tao na isa akong pakantot? Kita ng lahat ang video. Naharass ako at nabully. But after eight years, tinatawanan ko na lang ang video. Siguro it’s best for you to savor the pain because let’s say after eight years or so mawawala din yan. Salamat ka nga eh hindi kita pinalabas na masama. But I’m sure suspended ka ng ilang araw sa lahat ng exposure after ng premier ng movie mo. Not that bad, ain’t it? Pinky just lost his job and his credibility. So if you’ll excuse me.” Tinapik ni PM ang pisngi ni Gio at ngumiting demonyo.
Tumalikod na si PM at diretsong naglakad patungo sa sasakyan na dala nila ni Arthur kanina. Mabilis ang mga galaw ni PM, o baka kay Gio lang mabilis lahat ng pangyayari dahil sa kanyang kalungkutan.
Ang sunod nakita ni Gio ay ang sasakyan ni PM papaalis ng gate ng SEA University.
Ganito pala ang nararamdaman ni PM noon… Ang sakit.
---
Gab489: Hi PM. I’m sorry.
Gab489: I’m sorry please forgive me.
Gab489: Please reply ka naman oh.
Gab489: Please patawarin mo na ako.
Mga text ni Gab489 na basang basa ni PM nang nakauwi na siya sa bahay nila ni Arthur.
Montemayor88: If you’re not going to stop texting me, I will.
Maya-maya nagvibrate ang phone ni PM.
Gab489: Oh well I guess galit ka pa rin.
Montemayor: Oo, sobra. Bukas na lang, okay? Matutulog na ako.
Nang ilalagay na niya sana ang kanyang cellphone sa side table, nag vibrate ito. May tumatawag. Kaagad niya itong kinuha.
“Hello?” Garalgal na sagot ni PM.
“Hi anak. Please do me a favor.” Boses ni Jonah.
“Oh, bakit mom?”
“I’m really lacking out of choices. Can you be one of the guests tomorrow for Freshies Night?” Natigilan si PM sa narinig mula kay Jonah.
“Mom…”
“But if you don’t like, I won’t push you. I’ll just have to look for another person-”
“Mom, listen. I got over it. So coming in as a guest shouldn’t be a problem to me. Alright? I’ll be there.”
“Thank you, son.”
“Now let’s all go to sleep because we’re all tired.” BLEEP.
Hindi na pinakialaman ni PM ang kanyang cellphone. Nilagay na niya lang ito sa side table ng kanyang kama. Nakatulog siya pagkahiga’t-pagkahiga niya sa kama.
---
Kinabukasan ng gabi, nagdrive si PM patungo sa SEA University. Matapos niyang makapark, bumaba siya at dumiretso sa pinagkakaguluhan ng maraming tao. Maya-maya napansin niya si Jonah na kumaway-kaway sa kanya.
“Mabuti na lang at nakarating ka! Hali ka na, ipapakilala na ang mga couple para sa Freshies Night.”
Hindi nakasagot si PM dahil sa paghila ni Jonah sa kanya papunta sa kanyang pwesto sa harap ng audience, nakaharap sa stage. Nakasuot ng navy blue na shirt si PM na hapit sa kanyang katawan, skinny jeans at naka boots siya. Nag-cardigan siya na kulayl black na lalong nagpapagwapo sa kanya.
Habang papalapit na siya sa kanyang pwesto ay di maiwasan lumingon ng mga babae sa kanya. Sino ba naman ang hindi makakalingon sa makisig na lalake na malaki ang katawan at gwapo pa.
“Dito ka. Mamaya i-iintoduce na kayong mga guest, tapos ang mga couples.” Sumibat na si Jonah sa backstage.
“WELCOME TO SOUTH EAST ASIA UNIVERSITY, FRESHIES NIGHT!!!” Sigaw ng host.
“I’m Alynna, I’m your student body head, and your master of ceremony for tonight. Excited na ba kayong magparty pagkatapos?!” Sigaw ni Alynna.
Naghiyawan ang mga tao. Ngumiti si PM nang maalala niya kung gaano ka-wild ang mga tao noong panahon niya pa.
“Alright, let’s not keep you waiting. Here are your four lovely couples for the night!” Nagsipalakpakan at mas lumakas ang hiyawan ng audience nang lumabas na ang mga couples. Pero mas lalong kinaingayan ng mga tao ay ang pang-apat na pares na lumabas.
Di na nagulat si PM sa nakita.
“Justin and Brianna, Trevor and Janice, Mark and Princess, and ang kinaguguluhan ng lahat, Marko and Tristan!”
Nagkatinginan si Marko at PM. Umiling na lang si PM at ngumisi kay Marko. Samantalang kumindat naman si Marko sabay kalabit kay Tristan para tingnan si PM. Kumaway din naman si Tristan kay PM. Tumango si PM bilang pag-acknowledge.
Matapos lumabas ng apat na pares ay umupo sila sa mga couch na nakaset up sa stage.
“And of course, ladies and gentlemen, meron tayong special guests!”
Guests? Pag-ulit ni PM sa kanyang utak. Inakala niyang siya lang mag-isa ang mag-gi-guest sa event na iyon.
“Thank you Miss Geneva. Ang ganda nga naman talaga.”
Nang kukunin na niya sana ang tubig na nasa kanyang mesa na nasa kanyang harap, mas nagulat siya sa nakita.
Snickers. Nagulat si PM. Kinuha niya ang snickers at nagsalita, “Hindi kaya andito si…”
“Our second guest, NGC’s arts department head. Dimitri Salviejo.” Nagsigawan ang mga babae at malakas ang hiyawan. Nang lingunin niya si Dimitri, nakasmile ito sa kanya. Hindi nagpakita ng emosyon si PM at blangkong nakatingin kay Dimitri.
“Pogi girls noh? Eto isang pogi pa, award-winning director, all the way from hollywood, and currently shooting his film in our very own South East Asia University, make some noise for PM Realoso!”
Mas dumadagundong ang palakpakan na umingay sa buong kapaligiran ng SEA University.
“Thank you so much, everyone. Please upo tayong lahat.” Umupo ang apat na pares kasama sina Marko at Tristan pati na rin ang mga guests ng event na iyon na sina PM at Dimitri.
Nagkatabi sa isang couch na nasa taas ng stage sina PM at Dimitri habang kaharap nila ang mga freshies night couples.
“H-Hi P-PM.” Mahiyaing bati ni Dimitri kay PM. Tumaas ang kilay ni PM at sarkastikong ngumiti kay Dimitri.
“Just like the old days, right?” Hindi maiwasan tingnan ni PM ang suot ni Dimitri na polo shirt na mas humahapit sa kanyang maskuladong katawan habang naka-baggy pants at sneakers si Dimitri.
“Y-Yes.” Utal-utal na sagot ni Dimitri. Nakatingin si Dimitri sa nakalatag na snickers sa mesa ni PM. Napansin ni PM na nakatingin si Dimitri sa kanyang mesa kaya kinuha niya ang snickers.
“Buti naman at kinain mo na ang snickers this time.” Ngiti ni Dimitri kay PM. Ginantihan naman ni PM ang ngiti ni Dimitri.
“I'm sorry, who says about eating this shit?” Tinapon ni PM ang snickers sa kalapit na damuhan.
Di man sabihin ni Dimitri, bakas sa kanyang mukha ang dismaya sa ginawa ni PM. Gustuhin niya man magalit kay PM, alam naman niya na kahit anong sisi ang gawin niya, isa naman siya sa mga dahilan kung bakit nagbago si PM.
Napansin ni PM ang lungkot sa mukha ni Dimitri kaya tinapik niya ito.
“Oh, I didn't know that would bother you. Don't worry, bilhan mo na lang si Corina pag-uwi. I'm sure she would love some sweet stick down her throat.” Malisyosong tawa ni PM habang umiiling. Binaling niya sa audience ang atensyon niya at pinaramdam kay Dimitri na hindi na siya mahalaga pa.
Tuloy-tuloy ang question and answer ng mga unang tatlong couple hanggang sa dumating na sa huling couple na nagrerepresenta sa LGBT, sina Marko at Tristan.
“I'm sorry, pero bakit ang pogi at pogi ang nagmamahalan? Paano naman kami?” Patawa ng host sa mga audience.
“It's alright. Haha, di naman ako pogi talaga noon eh si Marko lang naman ang dahilan bakit nagpapapogi ako.” Kinilig naman si Marko sa sinabi ni Tristan. Umiling na lang si Marko at umiling.
“Hahaha, kinilig naman ako doon. Anyway, our last pair for tonight, Marko and Tristan everyone!” Umulan ng palakpakan sa bawat sulok ng stage.
“Alright. So, let's start with our guest Brittany. Brittany, your question to them please.” Sabi ng host kay Brittany.
“Thank you so much Alynna. I'm still nineteen years old, just as old as you guys might be, but this is the first time I've seen brave gay couple na out na out sa public. This is the first gay couple sa freshies night-”
“I'm sorry, I disagree. Sometime like eleven or twelve years ago, we used to have the very first gay couple on freshies night.” Butt in ni Dimitri kay Brittany Geneva.
“Tell me something about it.” Tumingin si PM kay Dimitri at hinahamon ito. Mistulang nakakita ng multo si Dimitri at namutla ang kanyang balat sa hamon ni PM.
“W-Well... I was with a guy I just let go. Grabe. He was great. He was smart. He was cute. He was strong. He was just amazing. Now, if you may Miss Geneva let me go ahead and ask the first question na lang. I hope you Marko and Tristan really do love each other.”
“Of course, sir.” Sagot ni Tristan.
“Good. If ever a girl would come around and make you feel straight. Of course, magiging confused ka na niyan between the guy you are with presently at sa babaeng crush mo. Would you try and see how things would work with the girl or would you stick to what you already have?” Tanong ni Dimitri kay Marko at Tristan.
“Aren't there any smart questions out there.” Sigaw ni PM ngunit hindi nakatuon ang mic sa kanyang bibig. Kinatawa ito ng mga tao pati na sina Tristan at Marko.
“Just like some of gay guys that might be in the closet right now, and just like any other guy who are very well socialized by our society, di naman maiiwasan na magkagusto both sa babae at lalake kung nasa confused state ka pa. Please don't get me wrong, hindi ito generalization, para lang ito sa mga naattract sa dalawang kasarian. I might not know how other behavior and preferences other gay guys or gay girls there might be. Anyway, siyempre if that would happen to me, matetest talaga ang commitment ko. But I'd like to believe I would stay with Marko whatever happens. Di naman mahalaga ang mga darating eh, what's important ay kung ano ang meron ka ngayon.” Humiyaw at pumalakpak ang mga babae sa audience.
Nagkapalitan ng awkward glance si Dimitri at PM nang matapos nang sumagot si Tristan.
“Tristan, stop talking bullshit.” Mura ni PM na dahilan ng mabilis na pagkamatay ng hiyaw at palakpak.
“I don't know if you're gay “gay” or trying to look manly by saying you can be straight kasi that can be one of your options kung bisexual ka, but you do have to know that whatever the case may be, cheating is still CHEATING.” Sabay baling kay Dimitri.
“You don't bullshit me by saying na you can be bisexual kasi one way or another, if that happens, you're still going to choose whether straight ka or gay ka. I just want to ask, attracted ka ba sa opposite sex, Tristan?” Nagkatinginan ang mga tao sa malakas na dating ni PM.
“Uhhh.” Pag-iisip ng isasagot ni Tristan kay PM.
“Yes... or no?” At andun na naman ang signature demonyo smile ni PM.
“Yes.” Lumingon si Marko kay Tristan na halatang may halong dismaya.
“See? You're talking bullshit. And you know what Marko? You're going to have a sad love life with a guy who claims to be bisexual. Number one, dahil hindi lang kalahati ng populasyon ang kalaban mo at pwedeng ipagpalit sa'yo ng jowa mo, kundi buong mundo mapababae o mapalalaki pwedeng ipagpalit sa'yo. Number two, it's either straight or gay ang boyfriend ng mga gay. I'm sorry, mali. It's either straight talaga siya o magiging straight pa siya. That's the thing about bisexuality eh. And I'm not talking bullshit about those fake bisexuals na halatang bakla o tomboy dahil sa preference nila, I'm talking about those legit bi. You have to know na there's gonna be a bigger challenge everyday to struggle for curiosity. For example, if you're with a gay guy, it can't be helped but you might get curious how it feels like to be with a straight girl, or vice versa. So please, stop all the fucking bullshit kasi the world stinks and another stench wouldn't make the world right. Let me ask you now, Tristan, is Marko your first boyfriend?” Mapanghamon na tanong ni PM habang nakaplastar pa rin sa kanyang mukha ang demonyo niyang ngiti. Hindi makapaniwala ang mga tao sa narinig mula kay PM.
“Y-Yes.” Yumuko si Tristan.
“So test drive mo pa pala si Marko sa pagiging bakla mo, tama?” Ngisi ni PM.
“Hindi-”
“You're full of crap. I bet my money iiwan mo rin si Marko. Also, gay guys out there, please don't expect you'll end up with your current boyfriend in a happy ever after shit. Kasi, it's not gonna happen. That world doesn't exist. So please lang pakitigil ang pagiging tanga because it ain't gonna work out. Being gay is full of fuck shit. Akala niyo gay ang mga gay dahil sa tanginang love na iyan? Guess what love, all the reason why gay people exist is sex. They're only after sex. Di ba, Dimitri?” Sabay baling ng tingin kay Dimitri.
“Alright, haha. Let's take a short break dahil medyo umiinit na rito.” Awkward na tawa ng host.
“Alynna, did somebody tell you it's rude to cut the show off kung may nagsasalita pa?” Yumuko sa hiya ang host habang tumayo si PM at umiling.
“Take for example, Dimitri Salviejo. He used to be with Angelo Montemayor. But later on, it so happens na hindi niya pala ito minahal at ginagamit niya lang itong pamparaos. Tanginang pokpok ka pala Dimitri kasi nagpakantot ka pa kay Angelo. Pero we all know what happened to Angelo Montemayor and we all fucking know how an asshole you'd become before noon Dimitri, tama?”
“This isn't really the perfect time to discus-” Mahinang tawa ni Dimitri.
“Oh, bakit nahihiya kang sabihin ko sa kanila ang kagaguhan mo? Would that be counted lying kung sasabihin ko sa inyo noon na kinuntsaba ni Dimitri ang dating bestfriend ni Angelo para ipahiya ito sa stage? Now, how does it feel Dimitri na ngayon ang pinagmukhang putangina sa harap ng maraming tao? Masaya ba? Right! Let's not also forget how many times you were beating him up on his last days. Tapos, here you are Dimitri sasabihin mo ng LGBT Advocate ka and you're a proud bisexual? Fuck you! LGBT spits on your face for being a pretentious little prick you are. Also, I don't think the LGBT community would be too proud to declare a member who assaulted another LGBT. The essence of LGBt was supposed to be true to themselves, not pretentious about who they are. And if you thought you can gain sympathy by saying you're an LGBT dude? Fuck off. Fuck YOU.” Sunod-sunod na mura ni PM kay Dimitri. Walang nagawa si Dimitri kundi ang yumuko at pigilan ang kanyang luha. Ngunit kalaunan hindi nakapagpigil si Dimitri kaya nilapitan niya si PM na init na init na at mayabang na nakangiti sa harap ng kanyang mukha.
“Look, Angelo, I'm sorry if I made you feel that way? Hindi mo ba alam kung ilang araw kung pinagsisisihan ang ginawa ko at alam mo ba na araw-araw akong pinapatay sa kaloob-looban kung paano ko wawastuhin ang mga mali ko?” Puno ng lungkot ang mukha ni Dimitri nang hinila niya si PM para magkaharap sila.
Umiling lang si PM at ngumiti. “You just have to suffer. That's all.” Winaksi ni PM ang kamay ni Dimitri na nakahawak sa kanyang braso sabay balik sa kanyang kinauupuan.
“That's all. Your turn to ask question Miss Brittany.” Tumayo ulit si PM at niilapag lang ang mic sa sofa. Pumunta siya sa backstage habang nararamdaman niya ang mga titig ng mga tao na puno ng katanungan na sumusunod sa kanya.
Sino ba naman ang hindi macucurious sa word vomit na ginawa ni PM. Ikakaila man ni PM, diretso siyang naglakad kahit wala siyang patutunguhan, makaalis lamang sa mga titig ng mga tao na puno ng katanungan. Maya-maya, nararamdaman niya ang kirot sa kanyang puso at bumabalik ang galit sa kanyang dibdib. Pilit niya lang pinigilan ang kanyang luha hanggang sa di na niya ito napigilan pa. Sa oras na pumatak ang luha ni PM, huminto siya sa paglalakad.
“Angelo. Handa naman akong pagbayaran lahat ng kasalanan ko eh. Aaminin ko oo, sa simula gusto kitang labanan, gusto kitang palambutin. Pero please naman, wag mo nang ipamukha sa akin ang kagaguhan ko noon dahil hindi mo alam kung gaano ito kasakit sa puso ko araw-araw.”
Mistulang mga pana ang mga salita ni Dimitri na tumutusok sa tenga ni PM na mas lalong kinagalit nito.
Hindi napigilan ni PM ang kanyang emosyon kaya hinarap nito si Dimitri at tinaga ng isang suntok ang pisngi ni Dimitri. Napaatras si Dimitri sa lakas ng pagkakasuntok ni PM.
“Yan kasi ang problema sa'yo. Magaling ka lang sa simula. Ayos lang lahat sa'yo kung ikaw ang nananakit, pero sa oras na bumabalik ito sa'yo sasabihin mong nagsisisi ka na at pinapatay ka nito araw-araw. Pero alam mo, di ko na problema iyan! Dinala mo iyan sa sarili mo! Kung araw-araw man sumasakit ito sa'yo, kasalanan mo na iyan! Siguro kahit pagbalik-baliktarin ang mundo, pabor pa rin sa akin ang konsensiya mo. Pero eto ang tatandaan mo Dimitri, wala na akong paki kung masakit sa'yo ang konsensiya mo. Hangga't hindi pa nawawala ang sakit na binigay mo sa akin sa loob ng putanginang labingdalawang taon na iyon, may karapatan akong maghiganti ng paulit-ulit.” Sabay suntok ulit sa mukha ni Dimitri. Ngunit sa pagkakataong ito, natumba na si D imitri ngunit nakatayo naman ulit.
“Hayaan mo na lang akong humingi ng tawad sa'yo. Please.” Iyak ni Dimitri kay PM.
“Sana nga eh ganon lang kadali lahat. Sana iyang tanginang sorry mo, nakakagamot ng hapdi. Pero alam mo ano ang masamang balita? Hindi. Kung pera pa iyang sorry mo, sentimong bayad lang iyan sa milyon mong inutang.” Tumalikod si PM mula kay Dimitri at pinagpatuloy ang paglalakad ngunit mas mabagal.
“Angelo, please naman oh. Ganyan na ba talaga katigas ang puso mo? Kahit mapatawad mo lang ako.” Iyak ni Dimitri.
“Ewan ko,” panimula ni PM. “Tanungin mo ang sarili mo at baka malalaman mo rin ang sagot.”
“At sana please lang, wag ka nang lumapit sa akin. Baka mawalan pa ng ama si Monte.” At tuluyan nang lumayo si PM kay Dimitri.
Nang makalayo-layo na siya, sinubukan niyang lumingon muli sa pinanggalingan niya. Nakita niyang naroroon pa rin si Dimitri... yakap ang kanyang pitong taon na anak na si Monte. Halatang inalalayang ng bata ang kanyang papa.
At ang imahe ng ama at anak ay mas lalong dumurog sa puso ni PM. Naalala niya si Martil at ang kanyang tinuring na kapatid na si Angela.
TANGINA NIYONG LAHAT! FUCK YOU! FUCK YOU SA INYO! FUCK YOU! BAKIT KAILANGAN AKO ANG PALAGING TALO?! Iyak ni PM habang nakayukong tumatakbo. Sa kaiiyak niya, di na niya napansin na may nakabangga siya.
“PM?” Tunog babae. Umangat ng tingin si PM at nakita niya si Ana Lee.
“Ana Lee? H-Hi. W-Why are you here?” Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mukha para hindi makita ni Ana Lee ang pag-iiyak niya.
“I'm from here. I study here. At alam ko na ikaw ang tinutukoy mo kanina. PM, I'm so sorry.” Malungkot ang mukha ni Ana Lee habang sinalubong ng yakap si PM.
Hindi mapigilang mag-iiyak ni PM sa balikat ni Ana Lee.
“You know Ana Lee, this isn't supposed to be the time to cry with me. Go ahead and enjoy freshies night. I'm heading home.” Kumalas si PM sa yakap ni Ana Lee at pinagpatuloy ang paglalakad.
“Sigurado ka?” Sigaw ni Ana Lee nang makalayo na si PM. Isang tango lang mula sa malayo ang binigay ni PM kay Ana Lee. Nagkibit-balikat na lang si Ana Lee at patuloy sa paglalakad patungo sa kabilang direskyon.
---
Hindi na pinasok ni PM ang kanyang sasakyan sa kanyang garahe. Kahit nagkita pa sila ni Ana Lee kanina ay hindi niya napigil ang kanyang pag-iiyak. Tuluyan ngang sa isang pangyayari natapon lahat ang “PM” na ating kilala at mistulang bumalik si Angelo, ngunit kagaya ng dati, nasasaktan.
Pagkauwi niya sa kanila ay nakita niya si Arthur na nakaboxer briefs at bagong gising. Narinig ata ni Arthur ang pagbukas ni PM ng pintuan sa kanilang bahay na siyang pinakamalapit sa SEA University kesa sa kani-kanilang condo unit. Nang pumasok si PM sa kusina, naupo si PM sa malaking round dining table nila ni Arthur at biglang dinabog ang mesa.
“PM! Jesus, what happened to you?” Concerned na bati ni Arthur pagkatapos itabi ang niluluto at patayin ang electronic stove. Kumuha ng upuan si Arthur at tumabi kay PM na parang nadaganan ng mundo.
“Arthur... Man, fuck! Fuck! Fuck! Fuck!” Dabog ni PM.
“Hey, tell me what happened?” Pag-aalala ni Arthur para gumaan ang loob ni PM.
“I flipped out, Arthur. I lost my cool and put my guards down. I went all out to that fucking asshole and insulted him in front of many people. I got carried away and the next thing I laid eyes on him, he was with his kid! And it hurts even more! He got a child with him while I lost my family because of him! Why does it have to be me again? Why do I have to fucking bear the pain he gave me?!” Iyak ni PM sa mesa.
Tahimik lang na nakikinig si Arthur. Nang mas umingay pa ang iyak ni PM ay kaagad na kinuha ni Arthur si PM sa kanyang mga braso at niyakap ito ng napakahigpit.
“You can't run away from the lost, ANGELO. The only way to get over the pain is to face it yourself until you wake up one day and it hurts no more. Otherwise, it'll always come running back to you again and again and again and again.” Haplos ni Arthur sa ulo ni PM habang nag-iiyak ito sa kanyang maskuladong dibdib.
“It's been eight years Art. Eight fucking years! Isn't that enough?!” Tanong ni PM kay Arthur.
“Yeah, it is. It's so long, yet it's unsettled. But what you have to know is moving on isn't like 'it's been so long, then I should be over it' thing. It's a long process, very long that you will never, ever, ever know when you're over it. It just disappears soon.”
“What do you think should I do then?” Umangat ang ulo ni PM at hinarap si Arthur. Kitang-kita sa mga mata ni Arthur ang lungkot sa mukha ng kanyang taong mahal.
Isang ngiti lang ang binato ni Arthur kay PM. Pinadaloy ni Arthur ang kanyang hinlalaki sa ilalim ng mata ni PM para punasan ang kanyang luha at hinalikan ito sa noo.
“Shouldn't it be more appropriate if we go and ask your mom?” Ngiti ni Arthur. Hindi nakapagsalita si Arthur. At sa oras na iyon, alam na ni PM ang ibig sabihin ni Arthur.
“Now, just let me finish what I'm cooking so we can eat dinner. I'm kinda groggy since I just woke up, I had a very deep sleep after the whole day since yesterday directing our film. I can go with you back to your home place and take a break from all our dumb shit. Maybe this is the time calling you for some meditation and inner peace thing. Anyway, we can take all three days starting tomorrow. Next set is going to be in Tagaytay.” Tumayo si Arthur at tinapik ang ulo ni PM. Bumalik sa pagluluto si Arthur.
“I don't know if I feel better. But I sure did stop crying.” Mahinang tawa ni PM.
“Sure you did.” Lumingon ulit si Arthur kay PM at ginawaran ito ng nakakatunaw na ngiti. Gumanti din ng ngiti si PM nang napansin niya ang laptop ni Arthur sa gilid ng mesa.
“So, you've started editing.” Kinuha ni PM ang laptop papalapit sa kanya at tinignan ang gawa ni Arthur.
“Yeah. I did. We're moving pretty fast since we don't have much time before we can renew our documents.”
Di sumagot si PM. Dahil sa pagkamiss niya kay Angela at Martil, napagdesisyunan niyang buksan ang kanyang facebook na noon pa ay di na niya binubuksan pa simula noong una siyang nagamot mula sa depresyon.
9138 friend requests, 425 messages, 57,294 notifications
Dami naman nito. Sabi ni PM sa sarili. Binuksan niya ang kanyang wall post at ang unang bumulaga sa kanya ay ang profile picture nila ni Dimitri noong pinakahuling panalo nila sa National Math Competition mga walong taon na ang nakaraan. Binaha ito ng libo-libong likes at mga comments na “Sayang.” “Rest in Peace” “Sorry for being a victim of society.” at iba pa.
Umiling na lang si PM sa kanyang nakita at nagsalita: “Kilala niyo lang ako noong namatay na ako. Tangina niyong lahat.”
Binuksan niya ang kanyang wall at napansin niya ang mas marami pang “I miss you.” “I'm sorry.” “We will remember you.” na mga wall posts. Tumawa na lang siya dahil kaplastikan ang tingin niya rito.
Ngunit natigilan siya noong nakita niya ang isa sa message na galing kay Dimitri.
(April 2017)
Sana dinugtungan pa ng Panginoon ang buhay mo para man lang kahit sa huling hinga mo mapatawad mo ako. Siguro nga ngayon, hindi pa ikaw ang gusto ko makasama. Pero aaminin ko, pagkatapos noong graduation kanina? Nalito ako. At hindi ko ito itatago, nasaktan ako noong narinig ko kay Riza na nawala ka. Angelo, I'm really really sorry. Sana nasa maayos ka na diyan sa taas.
(November 2026)
Hi. Tagal na rin pala simula noong nawala ka. Alam mo, nagsisisi ako na hindi ako nakapaghingi ng patawad sa'yo. Ngayon ko lang nabuksan ang facebook ko para magmessage lang sa'yo. Malaman di mo na ito mababasa dahil siguro naman alam nating lahat na ayaw mo na ako sa buhay ko. Di naman kita masisisi. Pero kung sakaling nababasa mo 'to, I'm sorry. Kahit nagmamatigas ako at kahit kinakalaban kita kung minsan, kahit magmukha akong tanga, hihingi at hihingi pa rin ako ng patawad sa'yo. Kahit di mo ako pakikinggan, hihingi pa rin ako ng patawad sa'yo. I just woke up kasi kanina your face was the last one I saw before I lost consciousness. Naalala mo ba iyong jewelry box na pinaglagyan mo ng picture natin at binaon mo malapit sa paborito nating tambayan noon? Kinuha ko ito para magkaroon man lang ako ng ala-ala sa atin. Don't worry, wag ka magalit kasi ibabalik ko rin ito kung saan mo ito binaon. Grabe. Alam mo, after all, mahal pala talaga kita. I love you Angelo. Pero alam ko na mahirap na para sa'yo na tanggapin ako ulit, lalo na't may pamilya na ako. Pero malay natin, balang araw, ipaglalaban ko ito. I just want to let you know na kapag magsisimula na akong lumaban, hindi na ako aatras. I'm sorry ulit.
Bullshit. Sabi ni PM sa kanyang sarili. Ganyan din pala ang mga bullshit na pinagsasabi mo sa akin noon Dimitri. Tangina ang tanga ko pala noon ano para maniwala sa'yo? Paano mo ako napaniwala. Napakagago ko talaga. Umiling na lang si PM sabay hampas sa kanyang noo.
“I'm done packing the food and I'll just take a quick shower, PM. Let's just eat my food on the way. I'll be ready in ten minutes.” Tumakbo si Arthur patungo sa kanilang kwarto. Natawa na lang si PM sa pagkakwela nitong kanyang kaibigan.
Binuksan ni PM ang mga litrato nila ni Angela at Martil na kanyang inupload noon pa. Masaya si PM na nakikita niya ulit ang mukha ng kanyang pamilya. Hindi niya maiwasan ngumiti kahit lumuluha ang kanyang mga mata. Kahit hindi man siya umiiyak, hindi pa rin maikakaila mula sa kanyang mga luha ang kanyang pagkamiss sa nasawing pamilya.
Ngiti na lang ang kayang ibato ni PM sa laptop ni Arthur. Matapos ang ilang minuto, lumabas na si Arthur na basa ang buhok, nakabihis nang green na v-neck at naka-shorts na puti habang tsinelas lang.
“Let's go?” Tanong ni Arthur sabay akbay kay PM.
Tumayo si PM at ngumiti kay Arthur sabay punas sa kanyang pisngi para alisin ang luha.
“Come on.” Tumango si PM sabay sarado sa laptop ni Arthur. Dinala niya ito ngunit pinigilan siya ni Arthur. Hinawakan ni Arthur ang laptop niya at nilagay sa mesa sabay iling kay PM. Napalingon na lang si PM kay Arthur.
“Didn't I tell you it's our day off which means no work, right?”
Tumango na lang si PM at dumiretso sa kanyang sasakyan na sinundan naman ni Arthur. Pumasok si Arthur sa sasakyan at tumabi kay PM.
“Manong, kayo na po ang bahala.” Ngiti ni PM sa kanilang caretaker nang nasa labas na sila ng bahay. Tumango lang ang caretaker at kumaway kay PM.
---
Alas dos na ng umaga nang tumunog ang door bell nila Vergel. Nagising si Cresilda at si Vergel na nasa baba lang ang kwarto.
“Sino ba naman itong impaktong ito na gagambala sa alas dos ng umaga?!” Sigaw ni Vergel nang papalapit na siya sa pintuan. Naiwan si Cresilda sa silid.
“Ano ba-” Sisigaw sana si Vergel nang natigilan siya nang binuksan niya ang gate ng kanilang bahay.
“Hindi ata kayo lumipat Verge ah.” Tumango ang taong nasa labas.
Hindi makapagsalita si Vergel sa lalaking nakatayo sa kabilang bahagi ng kaniyang gate.
“ANGELO! TANGINA PASOK!” Kaagad na pinagbuksan ni Vergel ng gate si PM at niyakap ito ng mahigpit.
“Ang laki mo nang tao! Di kagaya noong maliit ka pa! Ngayon mas matangkad ka na sa akin!” Niyakap pa ng mahigpit ni Vergel si PM at hinila ito papasok ng bahay mula sa gate nila.
“CRESILDA! GISING! GISING! MAY BISITA TAYO!” Sigaw ni Vergel sa sala.
“Ano ba naman yan natutulog na nga yung ta- ANGELO!!” Sigaw ni Cresilda sabay salubong ng yakap kay PM.
“Parang nasabihan yata kayo ni Gio ah.” Umupo si PM sa kanilang sofa.
“Siguro.” Sarkastikong sagot ni Vergel nang narinig niya ang pangalan ng anak. Umasim ang mukha ni Cresilda kay Vergel sa inasal nito.
“Ano ba ang pakay mo ngayon Angelo eh napabisita ka ata ng alas-dos ng umaga?” Malambing na tanong ni Cresilda kahit bagong gising ang mukha.
“Eh...” Pag-aalangan ni PM sabay tingin kay Arthur sa kanyang tabi. “Kung pwede lang sana dito muna kami ni Arthur kahit ngayong gabi lang? Tapos bukas papasama din ako sa puntod ni nanay. Kung pwede lang naman.” Yuko ni PM sabay pagkakakita ng hiya.
“Siyempre naman!” Sagot ni Cresilda. “Meron pa kaming isang guest room na nasa taas. Lumaki na rin kasi ang bahay noong nawala ka. Marami-rami na rin ang renovation na ginawa namin. Pero hindi ito kagaya sa nakagisnan mo PM ha. Pang-pinoy lang to!” Tawa ni Cresilda.
“Ayos lang po.” Tipid na ngiti ni PM.
“Our house, okay to you?” Tanong ni Vergel kay Arthur.
“Certainly.” Tango ni Arthur kay Vergel.
“Hala, sige. Umakyat na kayo at kami na ang bahala ritong maglock ulit. Ipapasok na lang ni Vergel ang sasakyan niyo at pagkatapos babalik na kami sa pagtulog. Tutal tagarito ka naman PM eh kaya kayo na ang bahala ng kasama mo, okay?” Tumayo na si Cres at naglakad na pabalik sa kanilang silid.
“Sige matutulog na ako anak, bahala ka na sa buhay mo.” Sabay sara ni Cres sa pintuan. Binigay na ni PM ang susi ng sasakyan at umakyat na si PM at Arthur sa taas dala ang bag na hinanda ni Arthur kanina.
“You sure are pretty at home.” Ngiti ni Arthur nang umakyat na sila sa second floor.
“Not quite.” Nakarating na sina PM sa ibig sabihin na kwarto ni Cresilda. Binuksan na ito ni PM at dahil sa pagod sa pag-iiyak, kaagad niyang nilatag ang sarili sa kama. Sinara na ni Arthur ang pintuan at tumabi kay PM sabay yakap dito.
“You should get a good sleep. Please remember I'm always here for you and I'll never leave your side.” Bulong ni Arthur sa tenga ni PM. Hinigpit pa ni Arthur ang yakap kay PM. Nag big spoon si Arthur kay PM. Hindi na sumagot si PM, ngunit pinatulo lang nito ang luha.
Kailangan ko ng lakas para masaktan ulit bukas... Bukas... Sabi ni PM sa sarili habang nakapikit bago matulog.
---
“Hey, good morning.” Mahiyaing bati ni Arthur sabay kusot sa kanyang mata nang lumabas na siya ng silid at papababa na siya ng hagdan kung saan nakikita na siya nina Cres at Vergel na kumakain ng agahan.
“Come. Eat.” Imbita ni Vergel kay Arthur. Umupo si Arthur sa harap ng mesa at sunod dumating si PM.
“Nakatulog ka naman siguro ng maayos.” Wika ni Cresilda nang umupo na si PM paharap sa kanya.
“Ata.” Matipid na sagot ni PM. Nakashades ito dahil sa halatang di maayos ang lagay ng kanyang mga mata dahil sa walang humpay na pag-iyak kagabi.
Nagsimula nang kumain si PM at Arthur. Ngunit parang walang gana pa rin si PM kung kumain. Nagkatiniginan na lang si Cresilda at Vergel.
“Sigurado ka ba na gusto mo bisitahin ang puntod ng nanay mo? Baka iiyak ka na naman.” Si Vergel kumakain.
“Di naman siguro maiiwasan iyon eh. Tsaka ngayon ko lang makikita ang puntod ni nanay simula noong tinuklaw siya ng apoy.” Malungkot na tono ni PM.
Maya-maya may narinig silang mga yapak na papababa sa hagdan.
“Ayan na ang anak mo Cresilda, pakainin mo na iyan.” Galit na tono ni Vergel. Di na lumingon pa si PM dahil alam niyang si Gio ang bababa. Samantalang si Arthur, hinihintay ang pagkikita nila.
“Magandang umag-” Di natapos ni Gio ang kanyang pagbati nang nakita niya sina PM. Mistula siyang nabalot ng hiya at nakayukong lumapit sa mesa. Ang natitirang upuan na lang ay ang nasa harap ni PM.
“Kumain ka na anak.” Ngumiti si Cresilda sa kanyang anak. Tumayo si Gio sa tapat ng ina at hinalikan ito sa pisngi. Dumiretso siya kay Vergel at magmamano sana ngunit hindi ito pinansin ni Vergel. Kinuha na lang ni Gio ang kamay ni Vergel at nagbigay-mano ngunit wala pa ring kibo si Vergel at parang wala lang si Gio sa kanyang tabi.
Maya-maya ay umupo si Gio sa upuan sa harap ng pwesto ni PM. Kahit nakashades ito ay mabilis niya pa rin itong nakikilala.
“M-Mabuti naman at na-napadaan ka, direk.” Wika ni Gio kay PM. Hindi magawang tingnan ni Gio si PM sa mata kaya kahit kumakain siya ay nakayuko pa rin.
Isang tingin lang ang binato ni PM kay Gio, tapos bumalik ulit siya sa pagkain.
“Sige PM,” Wika ni Cresilda, “Sasamahan na kita sa puntod ng nanay mo-”
“Wag.” Pag butt in ni Vergel. “Yung anak mo na.” Mala-otoridad ang boses ni Vergel.
Tumingin si Cresilda kay Vergel na parang puno ng katanungan. “Wag na Cres. Ang anak mo na ang pasamahin mo kay PM.”
“Ayos lang ba iyan sa'yo anak?” Baling ng tingin ni Cresilda kay Gio. Umangat ng tingin si Gio at tumingin kay PM. Tumango ito ng marahan at bumalik sa pagkain.
“Tapos na po ako. Sa sala na lang ako maghihintay kung aalis na kami.” Tumayo si PM at dumiretso sa kanilang sala. Maya-maya mabilis din natapos si Arthur at sumunod kay PM.
---
“Ang tagal mo ring nawala dito sa probinsya, Angelo.” Wika ni Gio nang nasa sasakyan sila. Si Gio ang nagmamaneho, habang nasa backseat sina PM at Arthur.
“Siguro.” Tipid na sagot ni Gio.
“Dami ring nangyari simula noong nawala ka rito.”
“Pansin ko nga.”
Lumingon si Gio sa rear mirror at kita niya si PM na nakatingin sa labas ng bintana.
“Nakakamiss iyong mga kulitan natin noon ano?” Pagpapahaba ni Gio sa usapan.
“'Noon.'”
Nahiya na si Gio sa inasal ni PM kaya di na niya dinugtungan ang usapan pa. Si Arthur tahimik na nagmamasid sa paligid ng probinsya.
Nang nasa harap na sila ng opening ng sementeryo, kaagad na bumaba si PM at Arthur at nasa likod si Gio. Ni-lock muna ni Gio ang kanyang sasakyan bago sumunod kina PM.
“Kung mauna ka kaya samin nang mapakita mo kung saan ang puntod ni nanay?” Sarkatiko ngunit galit na tono ni PM kay Gio. Mabilis namang umuna si Gio at tinunton ang puntod ni Martil.
Kaliwa, kanan, kaliwa, diretso, sa gilid, eto ang mga ginawang hakbang ng tatlo papunta sa puntod ni Martil. Matapos ang ilang minuto, nasa harap na ng mata ni PM ang puntod ni Martil.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ni PM ang kanyang nanay sa napakahabang panahon.
Di napigilan ni PM ang kanyang mga luha at iyak. Kaagad siyang dumapa at humawak sa puntod ng nanay.
“NAY! TANGINA BAKIT DI NIYO KO HININTAY! BAKIT KELANGAN NIYO PANG MAWALA SA PANAHONG LUGMOK AKO! BAKIT?!” Bumabalik ang mga ala-ala kay PM na tila ba kahapon lang nangyari lahat.
Hindi na rin napigilan ni Gio at ni Arthur ang kanilang sentimento para kay PM. Napaluha na rin sila.
“NAYYY! YOU SHOULD HAVE WAITED FOR ME!! I COULD HAVE SAVED YOU!! YOU COULD HAVE BEEN WITH ME RIGHT HERE RIGHT NOW!! ANG DAYA DAYA MO!!” Iyak ni PM. Dumapa na rin si Arthur at binigyan ng napakahigpit na yakap-simpatya si PM.
“Tol, sorry talaga...” Iyak ni Gio. Nagpintig ang tenga ni PM, kaagad siyang tumayo at sinuntok si Gio. Nahiga si Gio sa ginawa ni PM. Kita ni Gio ang galit sa mukha ni PM.
“TANGINA KA! GAGO KA! BOBO KA! MAY MAGAGAWA PA BA IYANG TANGINANG 'SORRY' MO, HA?! MAIBABALIK BA NIYAN ANG NANAY KO?! ALAM MO ANG PROBLEMA MO KASI, HINDI MO AKO PINAPAKINGGAN NOON! PINAGLARUAN MO AKO NA PARANG ANG LAKI LAKI NG UTANG KO SA'YO! MALAKI BA UTANG KO SA'YO?! TANGINA, NACHUPA LANG KITA NANG DI KO ALAM TAPOS KELANGAN KO PANG BUMUNTOT SA'YO PARA HINGIN ANG SORRY MO! NAGMUKHA AKONG TANGA GIO, PARA SA'YO, PARA MAPATAWAD MO AKO! KUNG DI MO LANG SANA AKO BINABOY NOON, E DI NAKAUWI SANA AKO NG MAS MAAGA. E DI SANA, NALIGTAS KO PA ANG TANGINANG BABAENG IYAN!” Sabay turo sa puntod.
“Alam ko naman yan Angelo eh. Alam ko na malaki ang kasalanan ko kung bakit namatay ang nanay mo. Kung may magagawa lang sana ako para maibalik siya, gagawin ko! Kung kailangan ko mamatay para ibalik siya sa'yo, gagawin ko!”
“PERO WALA!” Sigaw ni PM sabay kaladkad kay Gio sa puntod, “kita mo iyan?! Tingnan mo maigi! Maibabalik mo pa ang buhay niya?! Kaya mo bang pagbayaran ang kababuyan mo sa akin?! Tangina, hindi mo kaya! Alam mo kung anong masakit, kahit magsorry ka pa nang magsorry, hindi pa rin tutugma ang sakit na nararamdaman mo sa sakit na nararamdaman ko. Araw-araw ko iniisip kung ano ang naging kasalanan ko sa'yo bakit kailangan ko magdusa. Magkaiba kasi Gio eh. Ang pagdurusa mo, dahil sa sariling kasalanan mo. Ang pagdurusa ko... dahil sa'yo!” Sabay sipa sa tiyan ni Gio. Umigtad si Gio sa sakit ngunit pinilit niya pa rin tumayo.
“PM. Don't do it!” Pagpigil ni Arthur nang kumuha ng malaking bato si PM. Ginapos nang mahigpit ni Arthur si PM para wag mabato si Gio.
“Killing Gio won't make your mom come back to life.” Yumuko si PM at nabitawan ang bato na hawak-hawak. Kaagad na yumakap si PM kay Arthur at umiyak sa dibdib nito.
Habang umiiyak si PM sa dibdib ni Arthur, “Gio, you have to leave unless you want to die.”
Lumapit si Gio kay PM, “Sorry-”
“GET THE FUCK OUT OF HERE, NOW!” Sigaw ni Arthur para lumayo si Gio. Isang haplos lang ang nagawa ni Gio kay PM bago ito tinapik nang napakalakas ni Arthur. Kaagad na naglakad na umiiyak si Gio mula kay PM.
“Come on, PM. We have to head back and look for a better place to stay.” Akbay-akbay ni Arthur si PM na patuloy pa rin sa pag-iiyak. Dahan-dahan silang naglakad palabas ng sementeryo at pabalik ng bahay nila Gio.
---
“Sigurado ba kayo na ayaw niyo nang manatili sa bahay namin? Wala namang problema kung doon muna kayo pagsamantala.” Wika ni Cresilda habang nakasakay si PM at Arthur sa loob ng kanilang sasakyan.
“Baka mapatay ko pa ang anak niyo.” Matipid na sagot ni PM kay Cres. Umiling na lang si Cresilda.
“Dito na lang tayo.” Pagpapahinto ni Cresilda sa sasakyan. Bumaba na ang tatlo at nanlaki ang mata ni PM.
“Eto iyong kalye sa harap ng bahay namin-” Sabi ni PM.
“Oo nga. At ito ang bahay niyo.” Sabay bukas ni Cresilda sa gate ng isang magandang bahay na napipinturahan ng puti.
Nagtataka si PM sa bahay na tinutukoy ni Cresilda dahil ang pagkakaalala ni PM ay nasunog na ito.
“Pinatayo to ni Gio matapos kang mawala. Gusto niya kasing sariwain ang mga ala-ala niyo at kahit sa bahay man lang, at least alam niyang buhay ka pa. Pasok kayo.” Pumasok silang tatlo sa loob ng bahay at maayos at mas magara ang mga furniture sa loob.
“Sinong nakatira dito?” Tanong ni PM.
“Wala. Mga pitong taon na rin to dito. Gusto kasi parusahan ni Gio ang sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa'yo araw-araw.” Malungkot na tono ni Cresilda.
“Alam ko mahirap sa'yo tita pero sana naman maunawaan mo ako.” Umupo si PM sa sofa, sumunod na rin si Arthur dala-dala ang bag na naglalaman ng gamit nila.
“Salamat po tita sa tulong niyo ngayong araw at kagabi na rin. Dadaan na lang po kami kung aalis na kami. Sa ngayon, magluluksa muna ako.” At tumulo ulit ang luha ni PM.
Tumayo si Cresilda at ginulo ang buhok ni PM. “Mahirap nga ang pinagdadaanan mo PM. Pero sana naman balang araw mapatawad mo si Gio. Kahit malaki ang kasalanan niya sa'yo, na kahit kung sa akin niya ginawa iyon ay siyempre magagalit ako. Pero kagaya ng koneksyon ko sa kanya, anak ko pa rin siya. Sana alalahanin mo na bago kayo nagkagalit ay para kayong magkapatid, at tinuturing ka namin ng tito mo na parang anak na rin namin. Mahirap para sa aming dalawa ng tito mo na makita kayong magkapatid na magkagalit. Sa totoo lang, parang galit si Vergel kay Gio, pero ang totoo, nasasaktan din siyang nakikita kayong magkagalit. Kaya parang awa mo na. Kahit di man ngayon, pero sana naman bago kami mawala ng tatay Vergel mo, makita namin kayong magkabati ulit. Hiling ko lang naman iyon.”
“Sana nga tita eh, ganon lang kadali lahat.” Umiling si PM.
“Sige. Mauna na ako, kapag may kailangan kayo ilang lakad lang ang bahay namin.” Ngumiti si Cres bago umalis ng bahay.
Nang makalabas na ng bahay si Cresilda, umiyak ulit si PM nang walang humpay. Nilalabas na niya lahat ng sakit na naipon nang walong taon. Lumapit si Arthur kay PM at isang mainit at puno ng simpatya na yakap ang binigay niya kay PM. Ginantihan din naman ni PM ang yakap na binigay ni Arthur sa kanya. Umiyak siya sa dibdib nito at humiga silang dalawa sa sofa.
“It fucking hurts. It fucking hurts.” Iyak ni PM. Inangat lang ni Arthur ang mukha ni PM at tinitigan ito. Nagkakatitigan sila ng ilang sandali. Pinunasan ni Arhur ang mukha ni PM at hinalikan ito sa noo.
“It does hurt. But you can share the pain with me.”
Nagkatitigan pa sila ulit.
Maya-maya, kaagad na hinalikan ni PM si Arthur sa labi. Nagulat si Arthur sa ginawa ni PM. Nang humalik ulit si PM kay Arthur, di na umayaw si Arthur at ginantihan din ang halik ni PM. Hanggang sa nagkaespadahan ang kanilang mga dila at sinisipsip na nila ang isa't-isa.
Hanggang sa nagtanggalan na ng mga damit. Naghalikan pa rin silang dalawa. Nasa baba si Arthur at nakapatong si PM. Balat sa balat na ang dalawa dahil wala nang saplot ang natira. Hinalikan ni PM ang leeg ni Arthur habang binabate ito. Hindi mapigilan ni Arthur umungol sa sarap na ginagawa ni PM sa kanya. Hinalikan ni PM si Arthur sa kanyang buong katawan, sa dibdib, sa tiyan, sa abs, sa legs. Hanggang sa sinubo na ni PM ang harap ni Arthur.
Hindi magkamayaw sa ungol si Arthur sa bawat taas-baba na ginagawa ni PM sa kanya. Ramdam na ramdam ni Arthur ang init ng bibig ni PM hanggang sa sinasabayan na niya ito. Hinila ni Arthur si PM nang inalis na nito ang titi mula sa bibig nito at hinalikan ni Arthur si PM nang mahigpit.
Pinatungan ni Arthur si PM at nagpalit sila ng pusisyon. Pinaliguan din ni Arthur si PM ng halik sa buong katawan nito habang pinapasok na ni Arthur ang kanyang mga daliri sa butas ni PM. Bumuka ang bibig ni PM dahil matagal na rin silang hindi nakapag-sex nitong si Arthur.
“Fuck, Arthur. Yeah, uhh, fuck me like I'm your little slut.” Mura ni PM kay Arthur. Mas tumaas ang libog na nararamdaman ni Arthur mula kay PM kaya bumilis nang bumilis ang kanyang pag finger kay PM.
“Fuck me Arthur! Fuck me hard! I don't care if it hurts just stick your fucking cock into my slutty hole!” Sigaw ni PM kay Arthur. Dahil dito, dinagdagan pa niya ng isa pang daliri ang fininger niya kay PM. Hanggang sa naging dalawa, naging tatlo.
“FUCK! THAT FEELS GOOD!” Sigaw ni PM. Kaagad na tumayo si Arthur para kumuha ng condom ngunit pinigilan siya ni PM.
“No. Fuck me raw. Fuck me bareback. That's all I want.” Maawaing mukha ni PM.
“But it'll hurt.” Pag-aalaa ni Arthur kay PM. Umiling lang si PM kay Arthur at tumawa.
“Exactly. It'll hurt. I love getting hurt.” Ngumisi si PM kay Arthur. Pinaupo ni Arthur si PM mula sa pagkakahiga at umupo na rin si Arthur sa tabi ni PM.
“Or do you?” Mariin na tanong ni Arthur kay PM. Nagkatitigan si PM at Arthur.
“PM, I'm sorry. I can't do this. I can't hurt you if you're hurt. That'll make things even worse. I care for you and I can't take advantage of you like this. I'm sorry. I'm really sorry. I shouldn't have done that.” May pag-aalalang wika ni Arthur.
“You know what, you're such a pussy.” Tumayong hubo't-hubad si PM at dumiretso sa kwarto sa taas.
“UGH!” Sigaw ni Arthur sabay dabog.
Gabi na nang nakagising si PM. Bumaba siya upang kumuha ng tubig at planong wag pansinin si Arthur dahil sa hindi pagsunod sa hiling niya kanina. Nang makababa na siya, pansin niyang hindi niya nakikita si Arthur ngunit may nakahain nang pagkain sa mesa. Maliban dito, napansin din ni PM na hindi na siya amoy pawis, at naka t-shirt na siya at shorts.
Nagpapagoodshot dahil hindi ako nabigyan ng sex kanina. Tss. Sabi ni PM sa sarili. Kaya dumaan lang siya sa kusina at kumuha ng tubig. Nang makainom na siya, nararamdaman niya naiihi siya kaya dumiretso siya sa banyo kung saan nanlaki ang kanyang mga mata.
Nasa sahig si Arthur at ang kanyang suka ay nasa paligid ng banyo. Nakahandusay ang ulo ni Arthur malapit sa toilet bowl at pansin mong wala itong malay.
Naalarma si PM sa kanyang nakita kaya kaagad niya itong kinaladkad palayo ng banyo at pinahiga sa kalapit na sofa.
“Fuck! Arthur. Are you alright?” Sabay tapik sa mukha ni Arthur. Ngunit walang sagot na natanggap si PM.
“What the- Art wake the fuck up! Fucking open your eyes, man!” Lumakas ang tapik na ginagawa ni PM kay Arthur ngunit wala pa ring sagot mula kay Arthur.
Nang pinakiramdaman ni PM ang temperatura ni Arthur ay masyado itong mainit. Sa kauuyog ni PM kay Arthur ay bahagyang dumilat ang mga mata nito.
“You scared me, Art!” Sabay hampas sa dibdib nito.
“I-I'm sorry. I don't feel r-really well. Dinner's r-ready, g-go e-” Ngunit hindi natapos ni Arthur ang kanyang sinabi dahil kaagad itong nahimatay kaagad. Mas lalong nataranta si PM kaya kaagad niyang kinuha ang cellphone niya sa mesa at hinanap ang number ni Jonah para humingi ng tulong. Ngunit...
GAB VICTORIO CALLING...
REJECT CALL.
Hinanap ulit ni PM ang number ni Jonah at tinawagan ito, ngunit...
GAB VICTORIO CALLING...
REJECT CALL.
“Tangina Gab wag ka munang magulo ngayon please lang.” Pagmamaktol ni PM na may halong inis sabay hanap sa number ni Cresilda.
CONNECTING CRESILDA...
YOU ARE CONNECTED.
“Hello, tita Cres?” Bati ni PM kay Cresilda.
“O bakit, PM?”
“Si Arthur po, mainit at nagsusuka sa CR. Nakita ko po siyang walang malay. Baka pwede pong mahatid siya sa Manila?”
“Naku! Parang walang makakapagdrive ngayon kasi nagkukulong din si Gio sa kanyang kwarto eh. Baka pwedeng dito na lang sa probinsya?”
“Sa Manila na lang po para mas sigurado. Sorry po ah pero andun kasi ang doctor ni Arthur na nakakaunawa talaga sa mga kung anu-ano niya eh. Sige po hihingi na lang ako ng tulong sa iba.” Sabay patay ng tawag.
Tatawagan na sana ni PM si Jonah nang...
GAB VICTORIO CALLING...
REJECT CALL.
CONNECTING JONAH...
YOU ARE CONNECTED.
“Mom! Si Arthur nahimatay, mainit, at nagsusuka!” Sigaw ni PM sa cellphone.
“Sabi ko na nga ba! Di kasi iyan natulog at tinawagan ako niyan kagabi. Binabantayan ka raw kasi depressed na depressed ka. Eh ayaw niyang ulitin mo ang pagiging suicidal mo kaya nakabantay siya sa'yo.”
Tangina ka Arthur. Alam mo namang nagamot na ako tapos pinapatay mo ang sarili mo! Ang bobo mo talaga!! May pag-alalang bulong ni PM sa kanyang isip habang naluluha sa ideyang grabeng pag-aalaga pala ang ginagawa ni Arthur sa kanya.
“Mom, tulong...” Lumuha si PM.
“May kakilala akong driver jan. Ipapasundo ko si Arthur mula diyan pa dito sa Manila. Ipapadala ko na lang siya sa kanyang doktor para sigurado. Anjan na siya siguro mga ten minutes.”
“Sige mom, bilisan mo please.” Mas tumindi ang luha ni PM. Sabay baba ng cellphone.
Naramdaman ni PM ang mga hinlalaki ni Arthur sa kanyang pisngi at pinunasan ito. Hinila ni Arthur si PM papalapit sa kanya at hinalikan ito sa noo, kagaya ng ginagawa niya palagi.
“Naaaw, come on. Stop crying. Don't you know it hurts me also when I see you crying? I'm sorry I didn't have sex with you... I just don't want to take advantage of you, that's all. I respect you so much PM I can't just throw your value away. I know sex might be a way for you to destress, but there's so much help I could give you aside from sex. Like, respect, or love. Now let me give you a hu-” At nawalan na naman ng malay si Arthur.
“Hold on. Somebody's gonna take you to your doctor, okay? Why didn't you take rest!” Iyak ni PM sa dibdib ni Arthur ngunit hindi na ito sumasagot.
“Arthur, please...”
GAB VICTORIO CALLING...
Itutuloy...
Gapangin mo ako. Saktan mo ako. 2
You've done a good job Author. The story is intense and unpredictable. You made us wanting for more. Author please do update regularly in order for us not to reread again the last chapter(sounds demanding (: ).
ReplyDeletePs. I'm hooked with this story but the update isn't that fast. I love the facing of the story. It's like I am reading a book of a well known author. Good job for making such an awesome story like this.
Sincerely,
Your reader started with your first publish book here in msob which is "Gapangin mo ako. Saktan mo ako."
Tiunggo :)))
Thank you Boy Cookies. Ang galing mo talaga! :-) First time ko magcomment pero lagi ko inaabangan ang update mo since book one.
ReplyDelete-Andro
Magaling pa din. Ang hirap ng pinag dadaanan ni PM. Kaya mo yan. Stay strong PM. That's another great chapter mr. Author. 2 thumb's up!
ReplyDelete-tyler
Kudos cookie!
ReplyDeleteErickson of Gen. Trias, Cavite
I thought in the previous chapter that Gio was having sex with. uhm, who was that again? His co-actor.. I forgot his name.. haha!! But I was wrong. :) This one is a great chapter. Full of emotions as if like I also feel PM's pain. :) I wonder why does Gab keep calling PM.. Is it an emergency? I don't know. Hahaha!! I hope that Gab and PM would end up being lovers.. :)
ReplyDeleteYou've done a great job Author, well, as always.. :) I agree with sir Tiunggo.. Please do update regularly in order for us not to reread again the previous chapters so that we can relate to the new one.
-- Kinlser --
Call me a bad person pero sana...
ReplyDelete...
Mamatay na si Arthur haha. xD
Ang ganda talaga neto. Ang hahaba ng mga chapters. Sana mas mabiis yung update. Ang ganda ng story talagang pinag isipan at alam na alam ng author yung takbo ng storya. I'm torn between PM-Dimitri and PM-Gab tandem. :)))))
ReplyDeleteThe best story ever...worth the wait and time...love it thumbs up author.....para akong nanonood ng teleserye while reading it, ramdam na ramdam ko yung bitaw ng mga salita....
ReplyDeleteGrabe, wala talaga akong masabi dito sa story mo. Ang intense. Ang talino.
ReplyDeleteAng taba taba ng utak mo Author.
Hook na hook ako. Grabe. Kung mayama lang talaga ako. Ipapa TELESERYE ko to. HAHAHAHAHA.
Brilliant.
wow ! very nice PM ...
ReplyDeleteiparamdam mo sa kanila kung ano ang naramdaman mo dati ..
tsk, thanks to Mr. Author, na appreciate ko ng husto ang kwento mo .. i love PM's revenge ..
GODBless po Cookie :)
Ang galing galing... atleast ngayon umiiyak na si PM. Konti nalang, nararamdaman ko pabalik na si Angelo. Hehehehe
ReplyDeletegrabe author pinaiyak mo naman ako.
ReplyDelete--
ReplyDeleteganda ng story talaga ! supper like
Ang gNda tLG. Najyak ako ng todo todo
ReplyDelete.
nice and well done . keep up the good work!
ReplyDeletehmmm... Parang naamoy kong buhay pa ang kapatid ni Angelo... At parang alam ko na rin ano ang connection ni Angelo sa mga Grandiyoso. Nice one Mr. Author! Kaabang-abang ang bawat chapters!
ReplyDeleteDominico
Waaaaa.author ang galing galing.naku sana may puwang ang pagpapatawad sa puso kay pm.except kay corina at jon..
ReplyDeleteEddieBoy
the best story evah!!!!!!!
ReplyDeleteurgent update pls... hehe
-craving for more.
Sana author si Angelo at dimitri pa rin! Update n po. Thanks....
ReplyDeleteWow.. its been 3 mos since the last time i reaf the previous chapter.. all i can say is that wow !!! Walang kakupas.kupas :)
ReplyDelete-geostud
Good job authore galing ng story sana hinde mawala si arthur sa story wow sana my karugtong na ule...
ReplyDeleteMerry chrismas po sa inyo
Salamat :-)
Ako po pala ang nag mesege sa fb nyo si rhoane po
Wow authore galing mo sana po hendi ma wala si arthur sa story galing sana po may karugtong napo
ReplyDeleteTank u for that beaurful chapter mr.authore
Pm stay strong and sana magbabayad ang umapi kay angelo
Salamat talaga
Merry chrismas po
Salamat sa pag mesege nyo sa fb ko sa chapter :-)
Wow authore galing mo sana po hendi ma wala si arthur sa story galing sana po may karugtong napo
ReplyDeleteTank u for that beaurful chapter mr.authore
Pm stay strong and sana magbabayad ang umapi kay angelo
Salamat talaga
Merry chrismas po
Salamat sa pag mesege nyo sa fb ko sa chapter :-)
Asan na po ung next chapter? Tagal na po namen hinihintay. Hehe
ReplyDeleteWala pa ring update...
ReplyDeleteSan na po next chapter nito? Sooo slow to update! Ganda p nmn story
ReplyDeleteTagal naman po ng update author. Sana may update na po.
ReplyDeleteito lang talaga na story ang chinicheck ko dito. sooo hookkkeeddd on this story. sanan may update na...
ReplyDelete