Followers

Friday, December 19, 2014

Playful Jokes -Chptr16



Athr'sNote-


Maraming Salamat sa lahat.

Sana'y pare-parehong maging masaya ang ating darating na kapaskuhan, mga ka-Bi. (--,)

May surprise ako sa pasko guys :)) Hintayin niyo ah?!! Regalo ko yun sa inyo!! Hehe.



Happy reading..



--

Point Of View

 - K a s h -



 "Malayo pa po ba?"

Tanong ko sa tricycle driver habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.

Kanina, nakita ko na lang ang aking sarili na mabilis na lumabas ng bahay.. sinabi ng pinsan ni Seven ang pangalan ng hospital kaya heto at papunta ako roon.

 "Malapit na lang bata.." rinig kong sagot ng driver.

Ewan ko talaga pero hindi na ako makapaghintay na makapunta sa ospital, si Seven nasa ospital? B-bakit?

Hindi ako mapakali, ninenerbyos, natatakot.. basta halo-halo ang emosyon kong nararamdaman ngayon.

Yung napanaginipan ko.. eto naba ang ibig sabihin nun?

Nang sa wakas at tumigil na ang tricycle at narito narin ako sa may ospital na tinutukoy ng pinsan ni Seven ay agad na akong nagbayad at tuluyan na ngang tumakbo papasok.

Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko alam ang dapat na gawin.

At sa lumapit ako sa may mga nurse..

 "Ahm... S-Seven David po.." agad na sagot ko nang itanong nila ang pangalan ng taong hinahanap ko.

 "Sorry po sir pero wala pong Seven David na naka.."

 "Hah?" ang wala sa sarili kong nasabi.

Anong wala? Sabi ng pinsan niya'y narito siya.

Pero.. pero dapat ba akong matuwa? Na walang Seven David ang nasa ospital na ito?

 "Kash?"

Wala sa sarili akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

 "Seven?" ang nasabi ko.

Hindi ko alam pero kusa nga atang tumulo ang aking mga luha nang makita siya.

At nakita ko na nga ang sarili na mabilis na lumapit sakanya at agad siyang niyakap, napakahigpit.

 "Anong nangyare sa'yo? Alalang-alala ako, akala ko napano kana.. ba't hindi ka man lang nagtetext? Nakuha ko nang umiyak kanina sa tricycle dahil sa takot, ba't sinasabi nila na nasa ospital ka.."

 "Kash."

Mula sa sunud-sunod kong tanong at pagkakayap ko sakanya nang napakahigpit ay napakawala na lang ako nang magsalita siya.

 "Ba't ka umiiyak?" agad na pag-aalala ko, agad ko ring pinupunasan yung mga luha niyang bumabagsak.

 "Si mommy, pati si tita kasi...."

 "Kash?"

Pareho kaming napalingon sa nagsalita, si daddy niya umiiyak? Namamaga yung mga mata niya.

 "A-ano po ba talaga ang nangyari?" ang naitanong ko.

Tinitigan niya lang ako.. saka marahang ibinaba ang kanyang ulo tanda na ako'y pinapasunod niya.

Sumunod ako, dahan-dahan.. naglalakad.

Hindi ko binitawan yung kamay ni Seven, kaya naman sumunod narin siya. Kita ko na mabilis niyang pinunasan yung mga luha niya, pero pansin ko na ano mang oras ay babagsak rin ang mga ito.

Hanggang sa nakita ko na lang na tumigil si tito Rayven sa may harap ng isang room.

Nang makalapit ako'y humarap ako sa may paloob, si Seven naman ay nasa likod ko lang.

Ilang sandali akong napatigil sa nakita, s-si tita Myrna?

At sa mabilisan ko na ngang hinarap at niyakap si Seven na ngayon ay muling umiiyak.

Tahimik, tila ako, si tito at si Seven lang ang naririto at ang pag-iyak ni Seven ang nangingibabaw.

 "Seven.." agad na pagharap ko kay Seven paghawak sa magkabilang pisngi niya.

 "Kash, sorry.." napakalungkot na sabi niya habang nakatingin lang sa akin.

 "B-ba't ka nagsosor.."

Wala sa sarili akong napatigil nang mapatingin ako sa kaharap naming room.

Nangilabot? Nag-init ang dibdib? Nanginig bigla.. Natulala..

 "I-inay?"

Ang tanging nasabi ko at tuluyan na nga akong napaluha hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Seven.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



 "Nagtext na?"

Tanong ni Marvs, umiling lang ako.

Heto kaming lahat at nasa may sala, hinihintay naming magtext si Kash.

Tila lahat kami'y kinakabahan.

 "Alam na kaya niya?" nag-aalalang sabi pa ni Vince.

Kagabi, kaya ko niyaya na dito matulog si Kash ay dahil sa pakiusap narin ni Seven.

Nung una hindi ako pumayag dahil sa natatakot ako na baka magalit si Kash sa akin pero nang maintindihan ko ang dahilan ni Seven ay pumayag narin ako.

Kaninang madaling araw, tumawag sa akin si Seven, umiiyak siya at ipinapaalam ang nangyari sakanyang mommy pati na sa inay ni Kash.

Hindi ko alam kung ano niyan ang magiging reaksyon ni Kash at kung ano ang mangyayari.

Hindi kami mapakali, nagsinungaling kami kay Kash. Si Vince, Alex, Marvs at ako.. alam namin ang nangyayari pero siya ay walang kaide-ideya.

 "Tara?" determinado ko nang sabi.

 "Kailangan nating puntahan si Kash at si Seven, mag-aaway ang dalawa panigurado." pahabol ko pa.

At sa umalis na nga kami, nagpahatid kami sa driver ni Marvs.

.....



 "Ninenerbyos talaga ako eh." pagsabi ko ng totoo sakanila.

Nasa loob pa kami ng kotse, walang gustong bumaba sa amin, tila lahat kami'y takot kay Kash.

 "Ayan ayan.. tara magtanung na tayo." agad na sabi ko nang mapansing may lumabas na katulong.

Agad na akong bumaba, bahala na.

 "Nandyan po ba si Seven at Kash?" pagpansin ko sa katulong.

 "Bakit?" tanong niya.

 "Kaibigan ko po yung dalawa, sa amin rin po nagstay kagabi si Kash."

Nakita kong nag-iba naman yung ekspresyon niya.

 "N-nasabi ko kay Kash na nasa ospital si Seven, tapos nakita ko na lang kanina na nagmadali siyang umalis.."

Napapikit ako sa narinig, mukhang heto na nga ang simula.

 "Saan po bang  ospital?"

Agad na tanong ko, kailangan naming tulungang magpaliwanag si Seven kung sakali.

.....


 "Guys, let's go." agad na sabi ko at bumaba na nga ako ng kotse.

At sa nakita kong sumunod na nga sila.

Ilang lakad pa nang makita na namin ang daan papasok ng ospital.

Pagkapasok namin ay agad kaming nagtanong-tanong.. at sa agaran na na kaming dumeretso sa may elevator.

Habang naghihintay ay nakuha pa naming magtinginan.

Alam ko na pare-pareho kami ng nararamdaman.

Tahimik lang kami, walang kibuan..

Pare-pareho kaming nakatingin sa elevator at hinihintay itong magbukas, hindi na kami makapaghintay na mapuntahan sila Kash at Seven.

Nang sa wakas at nagbukas narin ang elevator ay maglalakad na sana kami papasok nang tila kusa kaming nagsitigil.

 "Kash." ang nasabi ko.

Blangko ang ekspresyon niya, nakatingin lang sa amin. Pansin ko rin yung pamamaga ng mga mata niya sapat na para iparating na nanggaling siya sa pag-iyak.

Parang may nagsasabi na hwag namin siyang lapitan, na hwag namin susubukang lapitan siya.

 "So ako nga lang talaga ang hindi nakaka-alam."

Biglang sabi niya at sa nakita ko na lang na nilagpasan na niya kami.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, ibang-ibang Kash ang nakikita ko ngayon, yung bang sa oras na dumapo ang isa sa mga daliri mo sakanya ay paniguradong hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari.

Nang medyo makalayo na siya ay agad kong sinabihan ang mga kasama ko na pumunta na sa taas para tignan si Seven.

 "Kaya ko 'to." paninigurado ko pa kay Marvs nang pigilan niya ako.

At sa sumunod na nga sila sa sinabi ko at patakbo ko nang sinundan ang direksyon ni Kash.

.....


 "Kash." ang nasabi ko nang makita ko rin siya sa wakas, akala ko'y hindi ko na siya makikita.

Aaminin ko, natatakot akong lapitan siya.. ibang-ibang Kash ang nakikita ko ngayon kahit na heto at parang tulala siya.

 "Jacob, hanggang kaya ko pang magtiis.. please umalis kana."

Nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

 "K-Kash." ang nasabi ko. "Mali yang iniisip mo, hindi namin intensyon na.."

 "Intensyon na itago ang katotohanang nag-aagaw buhay yung inay ko sa ospital? Na namamatay na siya lahat lahat ay wala parin akong kaalam-alam? Na ngayon heto at patay na siya.. A-anong bang gusto niyo, na?! Si Seven.. ikaw.. kayo!.. A-ano? Ba't hindi ka sumasagot?"


'Speechless..


Aaminin ko, hindi talaga ako makapaniwalang si Kash ito.

Masyado siyang nakakatakot, lalo pa't heto at sinisigawan na niya ako.

Naiitindihan ko siya, alam kong dahil sa galit niya kaya niya ito nagagawa.

Nakita ko yung mabilis na pagpunas niya sakanyang mga luha.

Yayakapin ko na sana siya nang..

 "Grabe kayo, grabe..."

Rinig kong sabi niya pagkabagsak ko, ang lakas ng binitawan niyang suntok.

 "Subukan mo pang magpakita sa akin Jacob, magkakalimutan na talaga tayo."

Rinig ko pang sabi niya at sa nakita ko na siyang mabilis na naglakad, palayo.

Hindi ko masisisi si Kash kung ganito ang inaasta niya, ikaw na mamatayan ng magulang na kung saan isang "goodtime" pa ang pinangibabawan mo at sa oras ng pagkamatay nito'y tila wala ka pang kaide-ideya. (nosebleed -,-)


-----



Point Of View

 - Third Person's -



 "Kaya ko lang naman kasi nagawa yun ay dahil sa ayaw kong mag-alala si Kash.. akala ko gagaling pa akala ko maayos rin p-pero, w-wala eh."

Umiiyak na sabi ni Seven kina Marvs, Vince at Alex.

Kagabi, habang nakahiga siya sa kanyang higaan at hinihintay ang pag-uwi ni Kash ay nagulat na lang siya nang taranta siyang tinatawag ng kanyang mga pinsan.

Yun na nga at kinailangan niyang agad na lumipad papuntang ospital.

Nang malaman niya ang sitwasyon ay agad siyang nag-alala para kay Kash.

Totoo nga'y balak naman niyang ipaalam kay Kash, akala niya talaga'y maaayos at maliligtas ang mommy niya pati na ang inay ni Kash.. kaya naman minabuti niya na hwag na munang ipaalam.

Ipapaalam na lang niya ito kay Kash kapag magaling na at ligtas na ang dalawa nguni't heto at, kabaligtaran ang mga nangyari.

 "Tama na Seven tama na.. nasabi lang ni Kash sa iyo yun dahil sa mga nangyari, intindihan mo na lang na muna siya." pangungumbinsi ni Alex.

 "Tama na, baka pati ikaw magalit rin niyan.. edi hindi na talaga kayo magkakaayos." dagdag pa ni Vince.

At sa namayani na nga ang katahimikan sa pagitan nila.

.....


Magdadalawang araw na ngunit hindi parin nagpapakita si Kash sakanila.

Heto at nasa burol sila, halos oras-oras ay nasa bahay ang magkakaibigan.

Maliban sa pagtulong at pag-asikaso kay Seven.. ay hinihintay rin nilang dumating si Kash.

Si Jacob, halos oras-oras rin kung maglibot gamit ang motor ni Vince, hinahanap niya si Kash.

Sinabihan niya si Seven na huwag nang mag-alala pa at siya na ang maghahanap kay Kash.

 "Jacob." agad na pagpansin ni Seven kay Jacob kapasok nito ng bahay.

Marahang lang umiling ito, tanda na bigo siyang makita si Kash.

 "Anak, magpahinga kana muna.. alas-diyes na ng gabi anak.." nag-aalalang sabi ng daddy nito.

Tumango lang si Seven, masyado na itong nahihirapan sa mga nangyayari. Tulala itong naglakad patungo sa kanyang kwarto.

 "Tito, kailan niyo ho ba sasabihin sa itay ni Kash?" agad na tanong ni Jacob nang makalayo na si Seven sakanila.

 "Gusto ko sana na si Karlo na ang magsabi sa itay niya, kaso mukhang hindi talaga natin makikita ang batang yun eh.." balik nito.

 "Hindi ko rin maiwanan ang bahay, ang daming dumarating na nakikiramay.. mas lalong hindi ko rin maiwanan ang anak ko, sobra akong nag-aalala sa mga pwedeng mangyari.. ngayong ganito ang sitwasyon." pahabol pa nito habang sa dalawang kabaong ang tingin.

 "Pwedeng mangyari?"

Tila nagising naman bigla mula sa pagtingin sa kabaong ang daddy ni Seven, dahil sa maya-maya'y itinanong ni Marvs.

 "W-wala." pagbigay niya ng pilit na ngiti.

 "K-Kash?" ang wala sa sarili pang nasabi nito nang mapansin ang lalaking nakatayo malapit sa may gate, papasok ito.

Agad namang napatigil mula sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay ang magbabarkada nang mapansin rin nila si Kash.

Deretso ang tingin nito sa pwesto ng dalawang kabaong, tulala, napakabagal na paglalakad, walang ekspresyon.. matamlay na dating.

Lalapit na sana si Jacob kay Kash nang agad siyang pigilan ng daddy ni Seven.

 "Hayaan niyo na muna siya, senyasan mo mga kaibigan mo.. dali." sabi nito at sumunod na nga si Jacob.

....


Tila isang napakabigat na damdamin ang dinadala ngayon ni Kash.

Halos dalawang araw siyang hindi nagpakita, sa totoo nga'y hindi niya alam kung paano niya natiis ang ganun.

Ngayon ay dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa kanyang inay, nakahiga.. walang buhay.

Natatakot, nahihiya at nakokonsensya.. yan ang nararamdaman niya ngayon.

Isa kasing realidad ang sobrang nagpapahirap sakanya. Na nag-aagaw buhay na pala ang kanyang inay pero nakuha niya pang magsaya.

Sabi nga ni Seven sakanya ay hindi niya dapat isipin ang ganoong bagay, wala nga naman siyang kaide-ideya na ganoon na pala ang nangyayari sakanyang ina.

Maliban sa pagkamatay ng ina niya, may isa pang bumabagabag sakanya.. yun ay ang mga masasakit na nasabi niya kay Seven, na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya.

 "Kailan mo ba balak ipaalam? ngayong patay na? o kapag nakalibing na? ano ba talaga ang gusto mong mangyari Seven?"

Patukoy niya sa pagkamatay ng inay niya. Mabuti at kahit papaano ay nakontrol niya ang sarili, dahil kung hindi ay kung anu-ano pa sana ang nasabi niya.

Oo naiintindihan niya yung rason o intensyon ni Seven, sadyang napakasakit lang talaga ng naramdaman niya nang makitang wala ng buhay ang kanyang inay.

 "Inay, s-sobra po ba yung nagawa ko? M-masama na po ba ako? N-nay.."

Ang pakikipag-usap niya sakanyang inay sa pamamagitan ng kanyang isip.

 "Pa.. patawad po nay."

Bulong niya pa at muli, isang napakatahimik na pag-iyak ang nangyari mula sakanya.

Heto siya, nakatitig sa mukha ng pinakamamahal niyang inay.

Umiiyak, nagtatanong, nalulungkot.. higit sa lahat, masakit.. napakasakit ng kanyang nararamdaman.

Kaya na siya nagdesisyong magpakita na ay dahil naalala niya yung mga panahong nag-uusap sila ng kanyang inay at itay.

 "Anak, hindi masama ang tumulong.. kahit sa anong paraan pa yan, basta malinis yang intensyon mo." ang naaalala niyang sabi ng kanyang inay.

 "Minsan kahit may maayos tayong intensyon, dedepende at dedepende parin ito sa taong iintindi.. kaya hangga't maaari anak ay matuto kang mag-isip at umunawa kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon." ang naaalala naman niyang sabi ng kanyang itay matapos ang sinabi ng inay niya.

Ilang minuto pa siyang nag-iiyak, hindi kasi siya makapaniwala na heto at wala na nga ang kanyang inay.

Hanggang sa wala sa sarili siyang napalingon sa kanyang likuran nang maramdaman niyang may yumakap sakanya, sa may baywang.

 "Tenten.."

Ang nasabi niya at mabilisan na nga niya itong niyakap.

...


Nawala ang atensyon ng mga tao sa kani-kanilang pinagkaka-abalahan nang makita nila si Rayven na buhat-buhat nito ang kanyang anak, si Seven.

 "Rayven anong nangyari?"
 "Si Seven?"
 "Tito what happened?"

Ang mga nasabi ng ibang tao.

 "Tito ano pong nangyari kay Seven?" tanong ni Jacob nang madaanan siya.

 "Kami na po bahala dito tito Rayven." agad na sabi ni Vince nang makalapit siya sa nagmamadaling si Rayven, binuksan narin niya kaagad ang pintuan ng kotse.

 "Tito ako na po magdrive, kailangan po nating makapunta kaagad roon.." ang medyo tarantang sabi naman ni Alex at agad na pagpwesto sa may harap.

Halos lahat ng tao ay sakanila ang atensyon.

Natataranta, natatakot, nagmamadali, hindi mapakali.. yan kasi ang sa kasalukuyang nangyayari sa pagitan ng magkakaibigan.

 "Alex ingat sa pagdrive." pahabol pa ni Marvs at mabilis na ngang pinaandar ni Alex ang kotse.


Kanina pagkapasok ni Rayven sa kwarto ng kanyang anak ay nagulat na lang siya nang makita ang kanyang anak na nakahiga sa may sahig at walang malay.

Sinubukan niya itong gisingin nguni't bigo siya kaya naman agaran na nga niya itong binuhat para dalhin sa ospital.

Sa kakaiyak mula sa pagkamatay ng kanyang asawa ay hindi na niya nagawa pang umiyak, maganda narin iyon dahil ayaw niyang mag-alala ang mga kaibigan ng anak niya.. lalo na si Kash na alam niyang pagkalabas na pagkalabas palang niya habang buhat ang kanyang anak ay nakita na nga sila nito.


-----



Point Of View

 - J a c o b -



 "Wala po sanang mangyayaring masama." ang naibulong ko habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong kotse ni tito Rayven.

Paglingon ko kay Kash, ayun.. halatang nagulat.

Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako.

Hanggang sa nagulat na lang ako nang makita siyang mabilis na tumakbo palabas.

 "S-san pupunta kuya mo?" ang agad na tanong ko sa kapatid niya pagkalapit ko rito.

Hindi sumagot ang bata.

Sa mga nagdaang araw, bakit puro ganitong ekspresyon ang nakikita ko.. masyado pa kaming bata para sa mga ganitong bagay.

 "Hwag ka masyadong magpapa-stress.."

At sa nakita ko na lang ang sarili na yakap-yakap na ni Marvs, napangiti naman ako.

Nagpapasalamat ako dahil heto siya, kasama naming tumutulong kina Seven at Kash.

 "San kaya pumunta si Kash?" rinig kong tanong pa niya.

Sasagot na sana ako nang agad akong napakawala, may tumatawag kasi.

 "Si Kash." ang nasabi ko nang makita ang pangalan ng tumatawag.

 "H-hello?" agad na sabi ko.

 "Jacob? P-patulong naman hindi ko kas..

 "Sige sige, nasan ka?" agad na pagputol ko sa sinasabi niya.

Alam kong nahihiya siya, tono palang eh.. Pero masarap talaga sa pakiramdam dahil heto at sa akin lumalapit si Kash.

 "Kami na muna bahala dito.. puntahan mo na siya, kailangan ka niya."

Napatingin ako kay Marvs dahil sa sinabi niya, marahan lang siyang tumango nang nakangiti, napangiti narin ako.

.....


Nang makita ko si Kash ay agad ko nang itinigil ang motor ni Vince sa harap niya.

Nakangiti siya, marahil ay natutuwa siya at narito ako.

Kinuha ko yung isang helmet at pabirong pinukpok ito sa ulo niya.

 "Sa susunod hwag mo na kaming tataguan ah? Ang hirap kaya ng nag-alala.. sobra.." pagngiti ko.

Tumango naman siya, kinuha rin niya yung helmet at pabiro rin itong ipinukpok sa akin.

 "Sa susunod din.. hwag na kayong maglilihim sa akin, nakamamatay." pagngiti na niya.

 "Yan, kahit hindi pala ako maglandi-landian ay ngingiti at ngingiti karin pala." pagtawa ko na. "Sakay kana nga, alam kong nag-aalala ka ng sobra para sa mahal mo." pahabol ko pa.

At sa umalis na nga kami, nang umalis na kami ay naramdaman ko na hindi siya mapakali.. halatang nag-aalala para kay Seven.

Kaya naman binilisan ko na ang pagpapatakbo.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Tito.."

Agad na sabi ko hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa pwesto ng daddy ni Seven.

 "Kamusta na po siya? A-ayos lang po? Ano raw po bang nangyari?" sunud-sunod na tanong ko pagkalapit.

 "Kailangan ka ng anak ko, kailangan ka niya.. hindi kana ba galit sakanya?"

Saglit akong napatigil.

Hindi naman talaga ako galit kay Seven, siguro naiinis lang ako dahil sa paglihim nila.. isama mo pa na may nangyaring masama kaya naman nagmukha talaga akong galit na galit sakanya.

Pero naiintindihan ko na kung bakit nila nagawa yun.

 "S-sorry po kung.. pinahirapan ko siya lalo." wala sa sarili kong nasabi habang pareho kaming nakatingin kay Seven na nasa loob ng room na tila mahimbing na natutulog.

 "Naging makasarili nanaman po ako.. hindi ko man lang naisip na hindi lang ako yung nawalan, na hindi lang ako yung nasasaktan.." dagdag ko pa.

At sa naramdaman ko na lang yung marahang pagtapik sa balikat ko, si tito.

 "Puntahan mo na siya.. ikaw lang ang bukambibig ng batang yan." rinig kong sabi pa ni tito at sa naglakad na nga ako papasok.

..

Naglalakad ako, dahan-dahan.. papalapit sa taong mahal na mahal ko.

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit hindi ko nagawang intindihin yung intensyon niya, na kung saan pinairal ko nanaman yung sakit na naramdaman ko.

 "Seven, tumayo kana nga diyan.. Pinag-aalala mo naman ako eh.."

Sabi ko nang sa wakas at makalapit na sakanya.

 "Sorry na.." pilit na pagngiti ko pa, pinipigilan ko kasi ang maiyak.

Agad kong kinuha yung kaliwa niyang kamay at hinawakan ito ng napakahigpit.

 "Kanina sabi ni Jacob hinahanap mo daw ako palagi.. puro ako, ako, ako na lang daw yang bukambibig mo..

B-bakit ba kasi hindi kita nagawang intindihin, yan tuloy nagkalayo pa tayo.." hindi ko na napigilan at tuluyan na nga akong napaiyak.

Nakikita ko rin kasi yung napakatamlay na dating niya, yung mata niya na kahit nakapikit siya ay halatang galing sa oras-oras na pag-iyak.

 "Patawad, Seven.. patawad.."

At sa ipinatong ko na lang ang aking mukha sa may sapin na hinihigaan niya... patuloy lang sa pag-iyak.

Hanggang sa naramdaman ko na lang bigla yung pagtugon ng kamay niya sa mahigpit kong pagkakahawak rito, agad akong nag-angat ng tingin.

 "Umiiyak ka nanaman.."

Mahinang sabi niya, nakangiti.

 "S-sorry.. hindi na ako galit sa'yo, ba-bati na tayo oh? Patawad kung masyado akon.."

 "It's okay.. bati na tayo." pagputol niya sa akin.

Napangiti na lang ako, agad ko siyang hinalikan sa noo.. napakatagal.

 "Yan ka nanaman eh, wala bang kiss sa labi?"

Literal naman akong napangiti sa narinig.

 "Hahalikan kita kung tatayo kana diyan? W-wala naman sigurong nangyaring masama sa'yo? Please, sabihin mong wala.. kundi iiyak ulit ako." sabi ko pagkaharap ko sakanya.

 "Kash may sasabihin ako.." biglang pagseseryoso niya.

Saglit akong napatigil, hindi naman sana masama ang sasabihin niya.

 "Kapag nalibing na sila mommy at tita Malia, aalis na muna ako Kash.."

Hindi pa man siya natatapos magsalita ay muli.. napaiyak na ako.

 "Alam ko.." umiiyak kong sabi.

 "Alam mo?"

 "Sabi ng mommy mo aalis ka, h-hindi ko nga lang alam kung kailan.. pero alam ko talagang aalis ka.." sagot ko.

 "Kash babalik ako, at pagbalik ko.. pangako magiging masaya na tayo, maghihintay ka ah? hihintayin mo ako ah?" umiiyak narin niya sabi.

Patango-tango akong sumagot, niyakap ko siya kaagad ng napakahigpit.

 "Hihintayin kita syempre, ako pa?" tonong pagmamalaki ko.

Kahit mahirap at kahit masakit, maghihintay ako. Hindi ko alam kung bakit siya aalis pero sabi ng mommy niya sa akin ay importanteng-importanteng makaalis daw siya.

Basta pangako ko sakanya, maghihintay ako.


-----



Point Of View

 - Third Person's -

*December 14



Tila isang napakahirap at napakabigat na daan ang sa kasalukuyang tinatahak ng pamilya David pati narin ni Kash at ng kapatid nito.. isama pa ang itay nila.

Isang napakalungkot ng tugtugin ang siya talagang pumapalibot sa kanila, bawat isa'y mababakasan mo ng matinding kalungkutan.


 "Napakadaya mo naman tanda.. hindi mo man lang ako hinintay, para saan pa ang paglabas ko ng kulungan? Hindi nanaman tayo kumpleto sa darating na kapaskuhan.."

Ang pagsasa-isip ng itay ni Kash habang nakatingin lang ito sa kabaong ng asawa.

 "Nay, p-paano na kami? Si Tenten? Nandyan narin si itay oh.. Na.. Nay naman eh.."

Ang siya namang pakikipag-usap ni Kash sakanyang inay sa pamamagitan ng pagtingin niya sa kabaong nito.

Umiiyak, napakabigat na damdamin, napakalungkot na tugtugin.. ilan lang sa pumapangibabaw sa kabuuan ng lahat.

 "Mommy.. magpapagaling po ako para sa inyo, kay dad, kay Chan.. para sa sarili ko pati narin kay Kash.. pero mommy mukhang mahihirapan po talaga ako eh, mommy.. nanghihina na po ako.."

Mahinang pagbulong ni Seven, kailangan na niyang tuparin ang pangako niya sa kanyang mommy at daddy.. na magpagaling.

Kahit na ngayon ay nahihirapan siya.


-----



Point Of View

 - K a s h -



Pagkauwi namin ng bahay ay halos puro ngitian at yakapan na ang naganap.

'Pagpapatawad, muling pakikisama, konting iyakan, bagong pag-asa, pagpapakatatag. Yan ang nagaganap ngayon sa amin rito sa loob ng bahay.

Kami naman ni Seven magkadikit lang sa may sofa, nakaupo.. magkahawak kamay.

 "Tulungan mo ako bukas ah?"

Sabi ko habang pinagmamasdan ko si Seven.

 "Tulungan? Saan?" kunot niya pagkatingin niya sa akin.

Saglit naman akong napangiti, namiss ko yung mukha niya.. yung ekspresyon niya na nagpapamukha talaga sakanya na parang bata.

 "Namiss moko noh?"

Nakangiting sabi niya at mahinang pagtulak pa sa noo ko.

Nagkunot noo naman ako, nagmamalaki kasi yung tono niya eh.

 "Ako rin papatulong sana.." sabi pa niya.

 "Sige ikaw muna magsalita.. ano ba yun?" agad na sabi ko.

 "Birthday kasi ni Chan bukas eh, kaso mukhang mahihirapan siya niyan kasi wala si mom.. kaya gusto ko sana na mapasaya namin siya ni Daddy."

Hindi ko alam pero nakuha ko talagang magulat sa sinabi niya napa.. (O.O) talaga ako.

 "Oh bakit?" agad na reaksyon niya.

 "Birthday rin ni Tenten bukas eh, December 15." masayang sabi ko.

Tila nag-usap naman kami sa pamamagitan ng aming mga mata.

 "Let's make them happy.." ngiti niya.

Nag-english siya (-.-) buti naintindihan ko, haha.

 "Oo dapat espesyal na espesyal yung birthday nila bukas." ngiti ko narin, haha.

 "Para narin kay tita Myrna at kay inay." napakagaan ko pang sabi, agad naman siyang tumango.


...


'10:00pm


 "Kuya Kash.."

Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Chan pala.

Narito ako sa may terrace nila Seven, nasa bandang gilid at napakatahimik.

Nakaupo lang ako, muni-muni, nag-iisip ng kung anu-ano.

 "Bakit Chan?" tanong ko kagad nang malapitan niya ako.

Kita ko yung bigat ng dating niya.. pareho sila ni Tenten, mga bata palang pero heto at naranasan na nga nila ang mawalan.

 "Asan po si Tenten?"

Bago ko sinagot ang tanong niya ay agad ko na siyang binuhat at ini-upo sa aking mga hita.

Pare-pareho kaming nanggaling sa pag-iyak. Mahirap, masakit, mabigat at masasabi mo nga ring "napaka-dilim" ng mundo namin eh.

Pero mabuti at heto, nariyan kami para sa isa't-isa. Yung pinsan ni Seven, nakausap ko na at sinabihan ko na hwag nang mag-alala pa, aksidente at walang may gusto ng nangyari.

Pasimple kong niyakap si Chan, naaawa kasi talaga ako sa dating niya eh kaya gusto kong mapagaan yung nararamdaman niya kahit papaano.

 "Nasa kwarto na eh, natutulog.. napagod kasi. Ikaw ba? Hindi kapa ba inaantok? Oras na oh.." pagpapakita ko pa ng oras sa cellphone ko.

 "Si kuya po kasi eh, ang gulo matulog.. lagi niya po akong natatamaan."

Natawa naman ako sa sinabi niya, loko talaga si Seven.. maaga nga pala siyang natulog dahil narin sa napagod siya. Ang akala niya niyan ay tulog narin ako.

 "Loko loko talaga yang si kuya mo." pag-iling ko pa habang natatawa.

 "Kuya Kash, may tanong po pala ako."

Sabi niya pagkaharap niya sa akin.

 "Ano yun?"

 "Ano po kayo ni kuya ko?"

Saglit naman akong napatigil. Nakakatameme naman yung tanong niya.

 "Anong ano kami?" balik ko.

 "Nung minsan po kasi nakita ko kayo ni kuya nagkiss, ano po yun? ba't niyo po ginagawa yun?"

Literal naman akong napa.. (O.O) sa sinabi niya.

 "Kami? Ah.. hmm..." pag-iisip ko ng maisasagot.

 "Hindi mo pa maiintindihan Chan eh.. basta mahal ako ng kuya mo tapos, mahal ko rin siya.. ayun ganun yun." pagngiti ko, natatawa rin kasi ako sa sagot ko eh.

 "Edi pwede rin po sa amin ni Tenten yun?"

'Speechless


Ang hihirap naman ng mga tanong niya. Hindi tuloy ako makasagot ng maayos.

Tsaka yung.. "kung pwede sila?"

Tsk.. napapangiwi ata ako ngayon?

 "Chan, matulog kana nga lang.. gabi na okay? May party pa tayo bukas." sabi ko na lang.

Kanina kasama namin silang nagmi-meeting patungkol sa birthday nila bukas.

Gusto kasi namin na lahat ng mangyayari bukas ay ang lahat ng gusto nila.

 "Sige po.. inaantok narin po ako kuya Kash.." sagot niya at mabilisan na nga siyang tumakbo paalis.

Nang mawala na nga siya sa paningin ko ay napangiti na lang ako.


.....

Kinabukasan

*December 15


 "Bunso..  Kobe Hernandez.. gising na po.."

Tonong panlalambing ko habang pinipisil-pisil ko yung ilong ng kapatid ko.

Kobe Hernandez ang tunay na pangalan ng kapatid ko, kaya niya naging palayaw ang Tenten ay dahil ipinanganak siya.. December 15, 10:10 morning.

 "Happy birthday sa bunso ko.."

Nakangiting sabi ko nang magising na siya at nakatingin sa akin.

Hinalikan ko siya sa noo, matagal.. napakatagal.

Kaming nalang tatlo ngayon, ako, siya at si itay. Kailangan naming magpakatatag.

Naramdaman ko naman na niyakap niya ako.

 "Ang sweet naman ng dalawang gwapong anak ko.. isang maitim at isang tisoy.."

Rinig ko kagad nang marinig ang pagbukas ng pinto.

At sa naramdaman kong nakisali narin si itay, niyakap niya kaming dalawa.

 "Alam niyo, ang gusto ng inay niyo ay masaya tayo palagi lalo na kapag may nagseselebra ng kaarawan.. kaya dapat mag-enjoy tayo ngayon ah?" sabi ni itay.

Nakangiti lang ako. Mabuti at nariyan na si itay, para sa amin.

.....

'4:00pm


 "Sigurado ba kayo dito?" natatawang sabi ni Vince.

Kanya-kanya na silang costume, si Vince, si Alex, si Jacob, si Marvs at si Ivan.

Pang itaas na lang ang kulang sakanilang lima at buo na ang.. 


 "Limang tagasilbing unggoy." pagtawa ko kaagad.

 "Ayos lang, kapag inalis naman namin 'tong costume.. mga gwapo na, unggoy nga lang." sabi ni Jacob.

At dahil halos pare-pareho sila ng height ay kapag nakacostume na sila'y hindi mo sila makikilala. Iisang itsurang unggoy lang kasi sila eh.

Sila ang mag-aasikaso sa mga bisita.

 "Makapagsalita Kash ah? Kayo ba ni Seven, natry niyo na yung costume niyo?" tanong ni Ivan.

Ayos na ata yung landian-tampuhan nila ni Alex, nag-uusap na sila eh, haha.

 "Optimus Primeeee at Bumblebeeee.." tonong nang-iinis ni Marvs.

 "Bakit ba? Maganda naman yung amin ah." agad na sabi ko.

 "Tsk tsk, oras na oh.. magready na lang tayo."sabi ni Jacob at pagtingin pa sa mga bata na naghihintay na.

Dahil sa mahilig sa mga laruan itong si Tenten at Chan, ayan mukhang kids party ang dating namin ngayon.

Kaya lang naging unggoy ang lima.. yun ang gusto ng dalawang bata eh. At paborito naman nila ang robot, ayan tuloy.. robot kaming dalawa ni Seven.

Paborito ni Tenten ay si Bumblebee kaya heto at ako si Bumblebee, si Chan naman ay si Optimus Prime kaya si Seven ang Optimus Prime ngayong hapon.


-----



Point Of View

- Third Person's -


 "Happy 8th birthday Christian at Kobe..."

Bati ng mga bisitang pumapasok.

 "Ang gwapo niyo namang dalawa."

Sabi pa ng ilan.

Naisipan kasi ng magbabarka na i-display ang dalawang bata sa may gate, sa papasok.

Kung titignan nga naman ay.. likas na maputi at gwapo ang dalawang bata.

 "Pasok po.." pagngiti ng dalawa.

Hindi pa man nagsisimula ay nag-eenjoy na sila.

Excited na kasi silang dalawa para buksan yung mga regalong iniaabot sakanila.

Iniisip nila'y mga laruan ang lahat ng mga regalong iniaabot sakanila ng mga bisita.

Napagalitan pa nga kanina lang si Tenten sa kuya niya dahil binubuksan na kasi niya yung ibang regalo sa sobrang tuwa at excited.

....


 "Kash dali na.. isa lang.."

Nakangiting pakiki-usap ni Seven kay Kash.

Nasa kwarto sila ni Seven.

 "Tumigil ka nga, Seven hindi pwede.. kanina kapa makulit diyan."

Inis naman ng isa habang inaayos yung susuutin nilang pang-itaas para makumpleto na yung robot nilang costume.

 "Bakit ba? Bawal ka ng bawal.. kiss lang naman pinagdadamot mo pa."

Simangot ng isa, kanina pa niya kinukulit si Kash.. yung isa naman ay iniinis siya at heto na nga at napipikon na si Seven.

 "Si Optimus Prime at si Bumblebee magkikiss? Pwede ba yun?"

Sabi ni Kash habang abala lang sa kanyang ginagawa. Kunwari ay hindi siya interesado kay Seven, na ayaw niya kunwari itong asikasuhin.. na hindi niya man lang ito tinatapunan ng tingin.

 "Naman parang yun lang.. Kash isa lang, please...."

Tonong nagmamakaawa na ng isa. Palihim namang natatawa si Kash, alam niyang konti na lang ay talagang maiinis na si Seven.

 "Ayoko. Tumigil ka. Ayoko."

Kunwari'y madiin niyang sabi.

Narinig naman niyang padabog na naglakad paalis yung isa.

Paglingon niya rito'y nakita niyang tinignan pa siya nito at nakita na nga niya ang inis na inis nitong ekspresyon.

Literal siyang napangiti at mabilisan na nga niya itong hinabol.

 "Nagtatampo yung alaga ko.."

Tonong nang-iinis pa niya nang mahabol niya ito at mabilis itong hinarangan.

 "Oh ayan, parang niloloko ka lang naman eh.."

Nakangiting sabi niya nang mabilisan niya itong hinalikan sa labi.


'Katahimikan


Saglit silang nagtitigan, dahil nasa kwarto sila'y isang napakatahimik na atmospera ang pumapalibot.

Nalungkot kaagad si Kash nang makita niya ang ekspresyon ni Seven, alam na niya ito, ang bagay na ayaw niyang nakikita mula sa taong mahal niya.

 "Kash, pwede?"

Napakahinang tanong ni Seven, labag man sa kalooban ni Kash dahil sa siya lang ang mas mahihirapan ay marahan parin siyang tumango.

Hanggang sa tuluyan na ngang umiyak si Seven, mabilisan naman niya itong niyakap nang napakahigpit.

 "Kash."

Rinig niyang sabi pa ni Seven habang umiiyak ito.

Nahihirapan man si Kash ay pilit parin niyang pinipigilan ang tuluyang mapa-iyak.

Kailangan niyang magpakatatag para lang hindi mahirapan sa pag-alis si Seven.

Gusto niya kasi ipakita rito na ayos lang sakanya ang pag-alis nito, para kahit papaano'y maging magaan ang loob nito pagka-alis.

 "Diba sabi mo babalik ka naman? Makapaghihintay naman ako eh, ako pa?"

Kunwari'y panatag na sabi ni Kash, alam niyang sa ganitong paraan ay mapapagaan niya ang kalooban ni Seven.

 "Kaya tama na ha? Hwag kanang umiyak.. diba sabi mo magpapakasaya tayo ngayong araw na 'to?"

Sabi pa niya nang hindi tumugon si Seven, patuloy parin ito sa pag-iyak.

Ilang sandali pa itong umiyak..

Hanggang sa..

 "Hihintayin mo ako ah? Babalik ako Kash, pangako."

Seryosong sabi ni Seven pagkaharap na niya kay Kash.

Tumango lang si Kash.

Pareho na silang nakangiti.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Seven at marahan rin niya itong hinalikaan sa noo.

.....


 "Happy birthday Christiannnnnn....

 "1.. 2... 3...."


Syempre hindi nawala ang laro, ang naglalaro ay ang limang unggoy.. Emcee naman ang dalawang robot.

Kahit na 8 years old na ang dalawang bata ay ganito parin ang ginawa ng magkakaibigan para sa dalawang bata.

Para narin mapalitan ng kasiyahan ang kalungkutang bumalot sa bahay.

 "Happy Birthday Kobeeeeeee......"

At sa isang napakalakas na tawanan ang namayani dahil sa pagpiyok ng boses ni Jacob.

Maging si Kash at si Seven ay hindi na nagawa pang makapagsalita ng maayos dahil sa kakatawa.

Ngayon ay isang napakasayang hapon ang nagaganap sa bahay nila Seven.

Mga tawanan, mga hiyawan, mga asaran at mga kulitan na siyang tila nagiging dahilan upang kusang maalis ang kalungkutan ng 'kahapon'.

Dahil rin sa kasiyahang nagaganap ay saglit na nakalimutan ni Seven at Kash ang kanilang problema.

Problema dahil hindi alam ni Seven kung sakaling pagbalik niya'y nariyan parin si Kash na naghihintay para sakanya.

At problema dahil hindi alam ni Kash kung babalikan pa siya ni Seven at kung makakaya niya ba kung wala ito sa tabi niya.




Itutuloy

5 comments:

  1. Sana mabilis lang yung pag alis ni Seven. Kawawa naman si Kash :(

    -44

    ReplyDelete
  2. Hay! L'Amour, L'Amour. Wish I was young again like them. Thanks sa update. Napakaganda. Sana happily ever after. Pls huwag mo silang patayin. Kahit sino sa kanila. Tama na ang patayan.

    ReplyDelete
  3. Bakit parang naging malungkot ang story? Sana naman Hindi gaanong mag tagal ang pag- alis ni Seven....

    ReplyDelete
  4. Sir ang ganda ng story. Pero saan po yung chapter 15? Biglang talon yung kwento po. Salamat po..
    ~Silent reader~

    ReplyDelete
  5. T_T sad nmn.

    O_O 10:10?

    Marvs :P

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails