GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 16
AUTHOR'S NOTE:.. Chummy chummy update! I'm here again hehehe hindi ako makapagfb masyado.. Nagpapayaman eh hahahaha.. Joke.. Salamat syempre sa mga taong walang sawang sumusubaybay at tumatangkilik sa munti kong kwento.! Thefuck! Hahaha lalim! Hahaha basta yun thank you, thank you ang babait ninyo.
BTBBC..! Nhie super miss you na hehe.. Goodluck sa pagiging teacher.. Turuan mo naman ako oh.. Pano wag mainlove..? Haha joke. Kala jejevoy clark at ryl.. Super trio haha.. At kay red na ekstra sa trio haha.. Kay sichem na super love ang kpop.. Lalo na si myungsoo haha.. Salamat.. Kay mark ansley wag kang maniniwala sa age ni Red kalokohan yun! Hahha Suport din natin yung story ni JM perez.. Ayt link.. msg me or si jm hehe.. Kay micky cruz na super suport.. Salamat talaga bro. Peejan mabatan and gildon pamittan.. Ooyyy! Hahhaa.. Boardmate pala huh. Gilrex and gogz salamat ..! Hehe seyren windsor.. Naisip ka rin yan eh ahhaa palitan yung title.. Pero nevermind nalang hahhaa jes mar and joshua florentino.. Salamat mga brow hehe kay joel ventura at shaibord super thank you din sa suporta. Jm Torez Mangahas and Tofi Leofric and king gregorio salamat sa inyo. Ka bryan lopez mwuah salamat bro.
Marvin and Young hehe.. Abay ako sa kasal niyo haha.. Kay alvin or viene.. Hehhe.. Relax lang tayo kaya natin to hehe.. Kay bebe Ian Kitoy..! Bebe.. I love ya hehe.. Super salamat sa suporta mo.. Ikaw ang the best hehe.. Kay myun at edgard lacxamana na may something.. Ayt..hahhaa joke lang..salamat din kay rye evangelista kaya mo yan.. Walang susuko.. Kahit busy! Tuloy ang story.. Salamat din kay cokie cutter sa pagmention sakin sa story niya hehe.. Mwuah love you.. Kay prince justin.. Wait doble mention..? Hahhaa joke suport natin mga story sa msob.. Ang haba na ng authors note ko haha pasensya na sa mga hindi ko nabanggit hehe.. Sorry sorry..next time nalang.
Sali kayo sa group..! More pictures of the characters.. And kwentuhan.. Close close tayo..hehe
Or add me sa fb
SI GEO
Isang linggo yung mabilis na lumipas. Hindi ko alam kung bakit di ko na macontact si Paul.. Mukhang nagalit nga.. Tuwing pupunta naman ako sa bahay niya laging wala yung kotse. Kapag tinatanong ko naman sya kay blue lage lang daw nasa music room ng school nila.. Haixt mas ok yun para mabilis sya makamove on sakin.. Kami ni chris ok kami. Masaya lagi akong nasa bahay nila o kaya sa music room kakwentuhan yung mga kabanda niya.. Madami na rin akong nalaman sa kanya.. Minsan tumatambay lang kami sa pool side nila habang naguiguitara sya,, minsan naman nagswiswimming kami. alam ko unti unti ko ng napupunan lahat ng parte ng puso niya na nawasak dahil kay blue. Unti unti na syang nabubuo.. Unti unti na syang nakakalimot.. Nakikita ko na yung mga totoong ngiti niya..mga malulutong na tawa.. Yung chris na masayahin..
" Geo..pop corn." abot ni chris ng hawak niya.. Nasa mall kaming dalawa nun para manuod ng movie.. Ayoko sana pumunta sa mall..natatakot parin ako na baka makita kami ng boyfriend ni irene.. Haixt pero bahala na.. Magkahulihan na kung magkahulihan.. Ipaglalaban ko to kahit ano mangyare kahit si kuya aldred pa ang kalaban.
nagtaka lang ako ng isang malaking box lang ang binili niya.
" bakit isa lang.?"
" Ayoko ng pop corn eh."
" why..?"
"gusto ko ikaw.." ngiti niya saka umakbay sakin.
" weeehh... Bakit nga isa lang.?"
" kasi nga nagiisa ka lang sa puso ko..?" lingon niya sakin na may ngiti sa labi.. Natawa naman ako.
" ang corni mo..?"
" joke lang .. Ayoko di ako kumakain ng pop corn.." saad niya.
" huh.?
"Gusto ko ng fries..?" saad niya saka tumigil sa tapat bilihan ng fries. " tingin mo bakit gusto ko ng fries."
" why..?"
"kasi para kang fries.. Isang napakalaking jackpot prize." ngiti niya kinurot ko naman yung tagiliran niya.. Natigilan lang ako ng makita yung tingin samin nung tindera.
" ate pakibilisan..?" saad ko agad naman tong umiwas ng tingin.
" wala panga kayong order..?"
" uhm ate yung cheeze large..gusto mo.?" lingon niya sakin marahan naman akong umiling. " uhm ate chee" nagtaka lang ako ng matigilan sya paglingon ko sa likod nakita ko lang yung lalake na nakangiti kay chris.. Agad naman umiwas ng tingin si chris. " yan lang ate.. Pakibilisan po,.. Magsisimula na po yung movie." saad ni chris.
"long time no see tol." saad nito.
" kilala mo sya chris.?"
" oo naman.. Bestfriend ko yan eh." saad nung lalake.
" Wag kang maniwala.." maikiling saad ni chris.
" di mo ba ko papakilala sa kanya.?" ngiti nito.
"sigurado ka? baka magsisi ka pag pinakilala kita sa kanya.?" kita ko lang yung gigil sa mukha ni chris ng mga oras na yun.
" Kilala mo ba ko..?" tanong ko habang pinagmamasdan yung mukha niya.. Matangkad sya mestiso.. Parang may iba lang sa mga mata niya.. Parang panda..! Haha.. Eyebags,.!
" Oo naman kilala kita.. And I'm sure kilala mo ko.." ngiti niya marahan naman akong umiling.. Nakita ko naman na inabot na kay chris yung fries niya.
" let's go geo." hawak ni chris sa kamay ko.
" Wait geo.. I'm alex..Girlfriend ko si Irene.." saad niyang nakatitig sa mata ko.. Hindi naman ako nakagalaw.. Shet..! Sya yung letseng detective na panira ng lovelife ko! Nyemas.. Sayang wala akong dalang kutsilyo.. Gusto ko dumanak ang dugo ngayon! haha
" Ohh kayo parin pala hanggang ngayon.. So what do you want.?" inis na saad ni chris.
" Chris.. Let's go na." pilit na ngiti ko.
" natatakot ka ba geo.. Kala ko ba si paul? Actually kasama ko si irene ngayon.. Nasa Cr lang sya."
" huh.?" tarantang saad ko.
" And so.. ?" saad ni chris lalo lang akong nataranta ng makita si Irene na papalapit samin.
" chris let's go.. Please.?" bulong ko.
" why..?"
" basta tara na please.. Magstart na ata yung movie.. Tara na,?"
" chris..long time no see.." masiglang bati ni Irene paglapit samin.. The fuck! " geo you're here..magkasama kayo.?" obvious naman ata na magkasama kami. Maganda nga syunga naman..
" yeah.. Long time no see.." seryosong saad ni chris.
" hi Irene..?" bati ko sa kanya.
" So.. Anong ginagawa niyo dito.?"
" manunuod ng movie.." saad ni chris nakita ko naman na tumingin si Irene sa kamay ni chris na nakahawak sa kamay ko.. Agad ko naman tinanggal yung kamay niya.. aixt
" babe..sorry matagal ba ko.?" sabay sabay lang kaming napalingon sa likod ng marinig yun. Nakita ko lang si paul na nakangiti.. Damn it.. Shit di ko pa nga nasasabi kay chris eh. Aixxt.. Otoke otoke! Kinuha naman ni paul yung kamay ko.. Kita ko naman yung pagtataka sa mukha ni chris. " Irene kamusta..who is he..? Boyfri-?" ilang sandali naman natigilan si paul ng makilala kung sino yung kasama ni Irene.
"hi paul..alex nga pala.. Kung nakalimutan mo na." saad ng boyfriend ni Irene..
" Ano to Geo.?" tonong ni chris.. Nakagat ko naman yung labi ko.
" Mukhang mahaba habang uasapan to ah.?" sarkastikong saad nung boyfriend ni Irene sinimangutan ko naman sya.
" Pakialam mo.?" bara dito ni chris..
" Oo nga naman.. Ano nga naman pakialam mo alex..?" saad ni Paul na sa ibang dereksyon nakatingin.
" Wait sino ba talaga ang syota mo geo.?" tanong ni Irene napal
ingon naman ako sa kanya.. Napalunok lang ako ng makita yung deretsong tingin niya sa mga mata ko.. Aamin ba o hindi..!? Decide agad ayt.. Halos lahat ng mata nila nakatuon sakin.. Ano ba gagawin ko.? " What geo..? Mahirap ba yung tanong ko.. Sino sa kanila yung syota mo.?" ngiti ni Irene.. Putek kahit nakangiti sya I know deep inside nagkikiskis na sya ng bato para sa nagbabaga niyang apoy.. " sino geo.?"
" ako.?" sabay na saad ni chris at paul.. Damn it.. Nagkatinginan naman sila parehas.
" ako syota ni geo, chris..?" madiin na saad ni paul.
" nababaliw ka na ba paul?" gulat na saad ni chris.
" Oo.. Nakakabaliw si geo..? Feeling ko nga hindi na ko mabubuhay ng wala sya eh." ngiti ni paul. " di ba geo.?"
" uhmm.. Aixt teka nga." napapakamot na saad ko.
" Oh really paul.. Ang hirap lang paniwalaan ng sinasabi mo..Ikaw..?" natatawang saad nung boyfriend ni irene pero di man lang to tiningnan ni paul.
" ano naman mahirap paniwalaan dun.? Mas mahirap pa ata paniwalaan na pwede pala magexist yung mga walang kwentang katulad mo." walang emosyong saad nito.
" Tang ina mo!" galit na saad nito natawa naman ng payak si paul.
" until now nagagalit ka parin pala kapag sinasabihan ka ng walang kwenta.. Trurt hurts? right alex..? Well patapon naman talaga yung buhay mo.. Kaya ka nga itinakwil ng magulang mo di ba.?" wow may issue sila.. Pwede magaway nalang sila ngayon para makascape na kami ni chris..! haha..please.
" Hindi ko sila magulang naiintindihan mo.??"
" Oh I'm sorry.. Ibig kong sabihin.. Nang kinilala mong magulang.. wasted.."
" drop it paul.. Si geo ang pinaguusapan dito.. Hindi ikaw o si alex." inis na saad ni Irene.
" Geo pakiexplain nga.?" saad ni chris. " at pwede tol pakibatawan yung kamay niya kung ayaw mong magkagulo dito.?" saad ni chris agad ko naman tinanggal yung kamay ni paul sa kamay ko.. nyeta.
" Chris.. You like Geo.?" tanong ni Irene.. Habang nakaakbay sa kanya yung boyfriend niya.
" yeah.. May mali ba dun.?"
" Oo.. May plano kang gumanti..? In your dreams chris di mo na maaagaw si blue kay aldred.. Hanggang nandito ako."
"Nonsense Irene alam mo ayoko kita kausap eh.. Manunuod na kami ng movie.. At ikaw paul.. Nagusap na tayo di ba.?"
" Ang alam ko kasi kami ang manunuod ng movie ni geo eh.?" saad ni paul sabay kindat kay chris..napangiwi naman ako.. Ang cute naman niya.. Shet hahaha.. Kita ko naman na napatingin si chris kay irene na nakataas ang kilay.
" Chris kung may plano ka sa kapatid ko.. Stop it.. Kasi di ako papayag.?"
" Ano ba sinasabi mo.?" kunot ang noong tanong ni chris. " wala akong planong gumanti.. Hobby mo yun di ba bakit pinapasa mo sakin.. Bukod pa dun Irene.. Yung pamilya mo ba kilala yang boyfriend mo.? I'm sure hindi.. Or kung gusto mo samahan kitang ipakilala sya.? Kung gusto mo lang naman.?" sarkastikong saad ni chris.. Umiwas naman ng tingin si Irene.
" Wag mo sya idamay dito."
" Edi wag mo ko pakialaman.? If you'll mess up with me..? Magkakagulo tayo..So back off Irene." banta dito ni chris natameme naman to.
" Tingin mo natakot mo kami.? " sagot ng boyfriend ni Irene.
" Hindi ko naman kayo tinatakot.. What I'm saying is.. Wag niyo kami pakialaman kung ayaw niyo ng gulo.. I know you Irene.. Oh I mean I know you well..Eh ikaw.? Hindi mo pa kilala kapag nagalit.. Kaya wag niyo ko subukan. Aalis na kami.." seryosong saad niya. " at ikaw paul.. Bumili ka ng ticket mo kung gusto mo sumama manuod.."
" Pero chris.?" saad ni paul na nakatingin kay irene.
" Once and for all.. Ako ang boyfriend ni geo.. At wala akong planong itago yun.. Kahit sayo pa Irene.. I love him.. He loves me.. End of the story.. Bye.. And have a nice day." saad ni chris saka ako hinila.. Wala naman akong nagawa kundi magpahila sa kanya.
" chris.." saad ko habang papasok kami sa movie house.
" why.?"
" galit ka.?"
" nope.." ngiti niya.
" Sorry .. Si paul kasi.. Ano..uhmm.."
" ano.?"
" alam nila kuya aldred na sya yung boyfriend ko.."
" and.?"
" and.?"
" pumayag si paul na magkunwareng boyfriend ko."
" and.?"
" EH kasi si Irene.. Susumbong niya kasi ako kay kuya aldred kapag nalaman na ikaw boyfriend ko eh."
" Di ba sabi ko seloso ako.?"
"yeah.?"
" Subukan pang hawakan uli ni paul yang kamay mo.. Dudurugin ko yung mukha niya."
" UHm sorry about sa paghawak niya ng kamay ko.. Uhm chris pano kung malaman ni kuya aldred..?"
" yung pagpapanggap niyo ni paul.. Tigilan mo na yun huh."
" chris pano si kuya aldred.? Sigurado magagalit yun sakin.. Baka itakwil ako nun.."
"at ayoko makita syang kasama mo.. Ayoko.. Ok.?"
" hui sabi ko pano si kuya aldred.?"
" Ano ba meron kay aldred.? Wala akong pakialam sa kanya o kahit kay irene.... Basta naiinis ako kay paul naiintindihan mo.?"
" huh.?"
" hinawakan niya yung kamay mo!" inis na saad niya.
" teka sabi mo hindi ka galit.?"
" oo nga.."
" eh bakit ganyan ka.?"
"hindi ka tanga Geo.. Magkaiba yung nagseselos sa galit.?" simangot niya.. Natameme naman ako. Sabi ko nga.. hahaha
" nagseselos ka.?"
" hindi.. Tuwang tuwa ako.."
" chris naman eh.." nguso ko.
" Anong gusto mo maramdaman ko.?"
" uhmm.."
" Next time sasabihan mo naman ako.. Wala akong kaalam alam na nagpapanggap pala kayo ni paul..hindi ako tanga kaya wag mo ko pagmukaing tanga.. Ganyan ka pala."
" sorry na..?"
" Sorry..? Sorry your face." saad niya saka mahigpit na hinawakan yung kamay ko papasok sa sinehan.. Pagdating namin sa loob hindi pa nagsisimula yung movie.. Pagkaupo namin kita ko parin yung nakasimangot niyang mukha. Konti lang yung tao sa sinehan nun dahil siguro mahigit isang buwan na ng unang ipalabas yung movie na yun.
"hoy teka nga."
" ayoko ng explanation.? So shut up.?"
" chris.?"
" di ba sabi ko shut up.?!" gigil na saad niya.
" pero.?"
" I said shut up.!" lingon niya sakin.. Sumimangot naman ako saka umayos ng upo.. Hanggang maramdaman ko na hinawakan niya yung kamay ko.. Hindi naman ako lumingon sa kanya,. Pinisil niya lang to pero hindi parin ako lumingon" ano di ka na magsasalita.?"
" sabi mo shut up di ba.?"
" di mo man lang ako kukulitin.?"
" eh sabi mo nga shut up eh..? Ang labo mo pa nga chris.? Marunong kaya ako makinig at sumunod..? Sabi mo shut up.. So I shut up..? Madali ako kausap."
" haixt.. Kainis..!"
" tapos ngayon naiinis ka.?"
" eh di ba sabi ko seloso ako.?"
" oo nga.?" nguso ko.
" eh alam mo naman pala.. Kanina parang enjoy na enjoy mo na magkaholding hands kayo.? Ang tagal nun.." nagenjoy nga ba ko..? Haha kanina habang hawak ni paul yung kamay ko feeling ko parang bulak yung kamay niya super lambot.. At yung init na nagmumula dun.. Shet.. haha
" uhm eh hindi ko napansin eh."
" nagenjoy ka kamo.?"
" uhmm."
"ano.?"
" malambot yung kamay ni paul." ngiti ko binitawan naman niya yung kamay ko saka umiba ng tingin. " pero hindi ko naman sinabi na hindi malambot yung kamay mo.. Mas gusto ko parin yung pakiramdam na hawak mo yung kamay ko."
" break na tayo." saad niya.
" Sure." ngiti ko napalingon naman sya sakin. " what.?"
" papayag ka talaga.?"
" bakit kaya mo ba.?"
" fuck!"
" Sa cute kong to.. Im sure hindi mo kaya."
" di ba dapat magsorry ka.?"
"nagsorry na ko kanina.?"
" I mean... Lalambingin mo ko.. ?para patawarin kita.?"
" hindi ako sweet.?" pabagsak lang niyang sinandal yung likod niya sa upuan. " hindi ata ako tinubuan ng sweet na ugat kaya magdusa ka."
" Pasalamat ka mahal na kita kung hindi nasapak na kita."
" chris wala akong ginagawang mali.. At hindi kita niloloko. I love you kaya.. Si paul.. Yes he likes me pero he's not my type.. Kaya wag kang paranoid."
" eh nagseselos ako..?"
" wala ka ng karapatan magselos.. Break na tayo di ba.?"
" fuck..naniwala ka naman.?"
" oo lahat ng sasabihin mo paniniwalaan ko.?"
" edi tayo na uli.? May karapatan na ba ko magselos.?"
" wala pa.. Hindi pa kita sinasagot eh.?"
" Aixt geo." saad niya saka ginulo yung buhok niya natawa naman ako.. Chris is so cute hahaha.. Shet ang gwapo niya lalo na kapag naiinis. Yung lips and eyes niya ang hirap pgilan na wag titigan. " sagutin mo na ko pwede para may karapatan na ko magselos.?"
" fine sinasagot na kita." ngiti ko lumingon naman sya sakin na nakakunot ang noo. " sinasagot na kita.?"
" Alam mo kung wala lang tayo dito.. Kawawa ka sakin.."
" bakit ano gagawin mo..?"
"hahalikan kita hanggang di ka na makahinga.? Tapos kakagatin kita jan sa lips mo hanggang magdugo." gigil na saad niya..
"exciting yun."
" Oo.. At di kita titigilan hanggang maubusan ka na ng lakas.."
" UHmn gusto ko yan..pwede ba dito.? Parusahan mo ko chris..!" ngiti ko.
"ewan ko sayo!" simangot niya saka umayos ng upo.. Ilang sandali naman walang nagsalita samin.
"tapos ka na ba.?" tanong ko.
" naiinis parin ako sayo.. Geo ayoko na masaktan di ba.?"
" Pain..? Kapag nagmahal ka kasama naman talaga yun eh.. Ang maipapangako ko lang sayo is.. Sasamahan kita sa lahat ng sakit na mararamdaman mo.."
" I hate you."
" I love you." ngiti ko sa kanya.. Umiwas naman sya ng tingin.
" ewan."
" I love you.." ulit ko.
" Magsisimula na yung movie.."
" kapag nagsimula yang movie na yan na hindi ka pa nagAI love you. Break na tayo huh." lumingon lang sya sakin saka sumimangot.
" edi break.?" saad niya.
" fine.. Kapag nagsimula yan huh.. Break na tayo.."
" di ba sabi mo hindi mo ko bibitawan.?"
" Just ask for it..basta hiniling mo.. Gagawin ko.." saad kong nakatitig sa mukha niya.. Umayos naman sya ng upo.
"I love you." saad niya napangiti naman ako.
" hindi ko narinig."
" I love you na nga.?"
" takot ka pala eh." ngiti ko saka hinawakan yung kamay niya.. Dinala naman niya to sa labi niya saka hinalikan..
" humanda ka sakin mamaya."
" kahit ngayon na eh." ngiti ko.. Kahit saan niya ata ako repin papayag ako hahaha..
" baka kapag pumayag ako magsisi ka..?"
" game.?"
" Geo kakaiba ka talaga.?"
" oo naman.. Kiss me..? Yung masarap na masarap na kiss huh.?" kita ko naman na lumingon sya sa paligid,
" may makakakita satin.?"
" risk taker ako chris." saad ko napakamot naman sya ng ulo. " kaso ikaw duwag kaya nevermind nalang." ngiti ko.
" hindi ako duwag.."
"then kiss me here...?" bigla naman namatay yung ilaw hudyat na magsisimula na yung movie .. Hindi lang ako nakagalaw ng maramdaman yung paghalik niya sakin. Mapusok yun.. Agad lang syang humiwalay saka umayos ng upo..
" You like it.?" tanong niya. " watch na tayo start na ng movie."
" Uwi nalang tayo.?"
"huh.?"
" eh kasi.." nakagat ko lang yung labi ko.. Rinig ko naman yung mahina niyang tawa,.
" later.."
SI PAUL
" Aalis na ko.." saad ko kay Irene at alex ng maiwan kami nila chris.
" wait paul." habol ni Irene.
" what.?"
" akala ko ba kayo ni geo.?"
" narinig mo naman siguro si chris..? At kung may plano ka magsumbong kay aldred.. Think twice.. Baka kayo ang magulo ng boyfriend mo.. Hindi si geo." kita ko naman yung sama ng tingin sakin ni alex. Haixt kapag nakikita ko talaga sya .. Gustong gusto ko talaga sya sapakin.. badtrip.
" May alam ka sa family ni alex.??" tanong niyang nakatingin kay alex.
" tara na Irene pwede.?" saad ni alex.
"Don't tell me wala kang alam sa kanya..?" payak lang akong natawa ng umiling sya. " bakit hindi mo subukan magtanong.. Ah okay kahit magtanong ka nga pala hindi niya sasabihin.. Kawawa ka naman.." kita ko lang yung gigil sa mukha ni alex ng mga oras na yun.
" tara na Irene.. Tara na..!" saad nito na may pagbabanta.
" teka lang alex.. Gusto ko lang mala..-"
" I said let's go!" mataas ang boses na saad nito.. Kita ko naman na nakatingin na smain yung mga nagdadaan na mga tao.
" Alam mo alex.. Bakit hindi ka nalang umuwi.. Baka sakaling magkadereksyon pa yung buhay mo."
" alex." saad ni Irene.
" makakaganti din ako sayo gago ka.!"
" Edi gumanti ka.. Make sure lang na kaya mo na ko at hindi ka sabog kapag nagsuntukan tayo."
" tigilan niyo na nga..?" inis na saad ni Irene.
" Kausapin mo yang boyfriend mo wag ako.... Alex hindi mo man lang ba kakamustahin si lolo.?"
" hindi.?"
"wala ka na ngang kwenta.. wala ka pang utang na loob."
" hindi ko sya lolo bakit ko sya kakamustahin.. Gago ka ba.. Lolo mo sya.. Lolo mo..!"
" Yeah.. Pero alam mo masakit..? Mas kinikilala ka pa niyang apo kesa sakin.." kita ko naman na umiwas to ng tingin. " but don't worry matagal ko ng tinanggap yun.. Kaya kung uuwi ka sa kanya.. Go..parang ganun din naman di ba..? Sinusuportahan niya yang bisyo mo bakit hindi ka nalang umuwi para may kasama naman yung matandang yun. "
" shut up..! Tara na Irene.." hila nito kay Irene.. Haixt humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad.. Sino si alex sa buhay ko.? Sya lang naman ang hilaw kong pinsan. Anak sya ng ampon ni lolo pero hindi ko alam kung bakit mas tinuring pa silang pamilya ni lolo kesa samin ni mommy.. Si mommy na totoong anak niya.
Ilang sandali akong tumigil sa tapat ng cinema na pinasukan nila geo.. Kaya naman pala umamin ni chris.. Bwiset na geo na yun.. Kung hindi lang sya lumapit sakin baka tahimik ang puso ko ngayon.. Aixt.. Di ko alam kung paano pero.. Damn it.. Ayoko tanggapin pero para tong nanunuot sa buo kong pagkatao.. Habang maaga.. Pipigilan ko kung ano man tong nararamdaman ko.. Isang butong hininga lang yung pinkawalan ko saka muling naglakad.
Malayo palang yung kotse ko sa bahay natanaw ko na yung itim na kotse sa tapat. Aixt nakauwi na pala sya.. Pagparada ng kotse agad lang akong bumaba saka hinarap yung kotse.. Bumukas lang yung pinto nito saka bumaba yung isang matandang may tungkod.
" lo.. Nakauwi na po pala kayo.." seryosong saad ko tumango lang to.. Bakas na bakasa mukha nito yung kastiktuhan sa buhay.. Di ko pa ata nakitang ngumiti tong matandang to... Yung ngiting masaya. " pasok po tayo." saad ko saka binuksan yung gate. Simula pagkabata ko kahit kailan hindi ko naramdaman na minahal niya ko..kahit kailan hindi.. Pagpasok namin umupo lang to sa sofa.. Bakas na bakas yung kaseryosohan sa mukha nito ng mga oras na yun.
" kailan po kayo dumating lolo.?"
" kanina lang." saad nitong nakatitig sa mata ko hindi naman ako umiwas ng tingin.
" Ano po problema Lo.?"
" bakit hindi mo man lang pinigilan yung mommy mo..?!" maawtoridad na saad nito.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pinilit ngumiti.
" Well alam ni mommy na pipigilan ko sya kaya siguro hindi sya nagpaalam sakin.. Mas ok narin yun atleast masayasimommy ngayon.." sarkastiko naman tong natawa. " Lo.. Mahal ni daddy si mommy.."
" Nababaliw ka na ba!" sigaw nito napailing naman ako..
" di ko alam kung bakit simula bata palang ako. Sinisiksik niyo na sa utak ko na hindi kami mahal ni daddy.. Lo mahal niya kami.. Lalo na si mommy."
" kung mahal niya kayo bakit nagasawa sya ng iba..? Pagmamahal ba ang tawag dun."
" oo naman Lo? Tinakot niyo lang naman si daddy di ba.. Si mommy kaya pumayag dahil ayaw niya mawala si daddy.. Eh kayo Lo pagmamahal ba yung tawag niyo sa ginawa niyo.. Lo si mommy ang anak niyo hindi si Tita elena..kailan niyo ba matatanggap na si mommy ang pinili ni daddy at hindi yang ampon niyo!" gigil na saad ko. Tumayo naman to sa kinauupuan niya.
" Wala kang alam paul.. Wala kang alam.."
" then I want to know everything! Lo buong buhay namin ni mommy sumusunod kami sayo.. Bakit ba hindi niyo nalang kami hayaang maging masaya huh. Akala ko nung iniwan kami ni daddy nagkaroon kayo ng concern samin ni mommy.. Pero mali pala ako..kasi kayo pala yung may kagagawan kaya nasira yung pamilya namin."
" dahil jan sa daddy mo namatay si Elena..!"
" nagpakamatay si tita elena.. Panong naging kasalanan ni daddy yun.? Lo pinili lang ni daddy kung sino ang mahal niya."
" kung pinili niya si elena... Hindi mawawala yung anak ko."
" si mommy ang anak niyo.!" gigil na saad ko pero isang malakas na sampal yung yung dumapo sa pisngi ko.. Napatungo lang ako hanggang tumulo yung luha sa mga mata ko. " Lo Si mommy ang anak niyo.. Hindi si tita elena.. Pero bakit pinaparamdaman niyo samin kami yung outsider.. Lo wala na si tita elena.. Siguro naman pwede niyo na kami mahalin.?"
" Totoong anak ko si Elena.. At yang mommy mo...? Hindi hindi ko sya matatanggap..! Kasi anak sya ng lola mo sa ibang lalake.." tumulo lang yung luha ko habang nakatitig sa kanya. "Now tell me.. Now tell me paul.. Kaya mobang tanggapin yung taong bunga ng pagtataksil..? "
" Kung hindi niyo matatangap si mommy,. Bakit hindi niyo nalang sya hayaan.." hikbi ko.. Umiling naman si lolo..
" Hahanapin ko yung mommy at ibabalik ko sya dito. At yang daddy mo habang buhay sya magdudusa.!" saad nito saka naglakad papunta sa pinto..
" Hindi niyo na sya makikita." habol ko dito.
" Kahit saan hahanapin ko sila."
" wala kayong puso!" sigaw ko tumigil naman to sa paghakbang saka lumingon sakin. " Lo.. Tell me.. Pati ba yung buhay ko pinakialaman niyo..?"
" Oo.." saad nito di ko naman mapigilang mapaiyak.
" Pinaalis niyo sila.. Yung pamilya nila.? Lo bakit pati ako.?"
" Kung hindi ko ginawa yun.. Baka hindi na ikaw yung paul na kaharap ko ngayon.."
" Lo mahal ko sya.."
" Alam ko.. Kaya nga gumawa ako ng paraan para ayusin mo yung buhay mo eh..at one more thing apo.. Hindi ka niya mahal.. At hindi ka niya minahal." umiwas lang ako ng tingin.
" Oo hindi niya ko mahal.. Pero Lo Minahal ko sya.."
" Absurd! Lalake ka..! Naiintindihan mo..!" sigaw nito.
" Umalis na po kayo.."
" Si nathan..? Babae na sya ngayon.. Ibang iba na sya sa taong minahal mo dati."
" umalis na kayo!" sigaw ko.
" kung hindi ako gumawa ng paraan..? Baka pinagsawaan ka lang ng baklang yun."
" Lo umalis na kayo please bago mawala yung respeto ko sa inyo.."
" Ayusin mo yung buhay mo kung ayaw mong ako ang gumawa nun para sayo.naiintindihan mo.!" gigil na saad nito saka lumabas ng pinto. Pabagsak lang akong naupo sa sofa saka nasapo ng dalawang palad yung mukha ko.. I knew it.. I knew it.. !
Si nathaniel..o si nathan..Barkada ko sya back in high school alam ko may iba sa kanya pero tinuring ko parin syang kaibigan kahit ayaw sa kanya ng ibang kaibigan ko at lalo na ni lolo..naging malapit kami sa isa't isa hanggang isang araw inamin niya sakin kung ano talaga sya.. Maluwag ko yung tinaggap.. Walang nagbago sa pagkakaibigan namin. Hanggang isang araw nagising nalang ako na may iba na akong nararamdaman sa kanya.. Hindi na lang basta kaibigan.. Gusto ko sya protektahan sa lahat ng gusto manakit sa kanya. Sa lahat ng humuhusga sa kanya. Hindi ko alam kung paano pero tuwing nakikita ko syang umiiyak nasasaktan ako.
Hangang isang araw nagulat nalang ako na magsabi sya sakin na kailangan na nilang umalis ng pamilya nila.. Sinubukan ko syang pigilan.. Sunubukan kong aminin sa kanya yung nararamdaman ko pero tumanggi sya.. Alam ko iba yung mahal niya.. Alam ko may tao ng nasa puso niya.. Pumunta ng amerika yung pamilya niya ng taong yun.. Dun nagsimulang maging miserable yung buhay ko.. Iniwan kami ni daddy.. Nagpakasal sya sa iba.. Sinira ko yung buhay ko.. Inom dito.. Inom duon.. Sapakan dito sapakan duon.. Wala akong ginawa nun kundi makipagaway.. Makipagbugbugan..
Si Lolo lahat umayos sa lahat ng gulo na napasukan ko.. Si Lolo yung nagpapagamot sa mga taong nabugbog ko.. Nagbabayad wag lang ako idemenda.. Nakikusap wag lang akong patalsikin sa school.. I was so wasted that time.. Patapon.. Pero kahit paano nung panahon na yun naramdaman ko na mahal din ako ni lolo.. Na nagmamalasakit parin sya sakin.. Pero mali pala ako..kunsensya.. Yun ang naramdaman niya ng mga panahong yun.
Hanggang naDiagnose si mommy na may Stage 1 breast cancer.. Nung mangyare yun parang nagising ako sa isang masamang bangungot.. Nagpakatino ako habang ginagamot si mommy.. Inayos ko yung buhay ko.. Nangako ako nun na pagalingin lang si mommy .. Aayusin ko yung buhay ko.. Magaaral akong mabuti.. Gagawin ko lahat wag lang mawala yung nagiisang tao na mahal ko. . Naisip ko nun.. Di lang ako yung nasaktan sa mga nangyare.. Si mommy din.. Si mommy ang mas nasaktan.. Tuwing binabantayan ko sya sa ospital nakikita ko gabi gabi syang umiiyak.. Pilit niya yun tinatago sakin.. Pilit niya ko pinaniniwala na okay lang sya. Wala akong magawa nun kundi iparamdaman sa kanya na hindi sya nagiisa.. Na magkasama pa kami. Napuno ako ng galit nun kay daddy.. Sa ginawa niya samin.. Sa pangiiwan niya samin ni mommy..
Pagkalipas ng isang taon naging ok na si mommy pero kailangan parin ng tuloy tuloy na gamutan para mawala na ng tuluyan yung cancer sa katawan niya.. Simula nun may napansin akong pagbabago sa kanya.. Umaalis sya ng bahay magisa ng walang paalam.. Nagigising ako ng hating gabi na may nakaparadang kotse sa harap ng bahay.. Akala ko nun may iba ng gusto si mommy pero nagulat ako ng madiskubre ko na si daddy yung pumupunta sa bahay.. Nagalit ako kay mommy.. Pinilit ko syang kalimutan nalang si daddy.. Pero kahit anong sabihin or gawin ko hindi nakikinig si mommy hanggang isang umaga nagising nalang ako na wala na si mommy..na tumakas sila para hindi na magulo ni lolo.. Akala ko nun mali yung ginawa nila pero nung nalaman ko yung totoo mula sa bagong asawa ni daddy.. Dun ko naintindihan lahat.. Na mahal talaga ni daddy si mommy.. Na hindi niya kami totoong iniwan.
Tumayo lang ako sa sofa saka binuksan yung computer ko at nagopen ng facebook.. Hinanap ko lang yung profile ni nathan.. Base sa mga pictures na andun.. Masaya na sya sa taong totoong mahal niya... Simula nung iniwan niya ko tanging sa facebook nalang niya ko nagkakaroon ng balita sa kanya.. Humugot lang ako ng malalim na hininga.. Oo minahal ko sya.. Pero tinaggap ko na hindi sya para sakin at hindi ako ang para sa kanya.
" hi nate.. Congratz sa lovelife mo.. Ingat ka lage." message ko sa kanya saka pinatay yung computer.. Umakyat lang ako sa kwarto ko saka pabagsak na nahiga sa kama.. Hanggang unti uti na kong nakatulog.
SI GEO
Kumakabog yung dibdib ko paguwi sa bahay.. Naisumbong na kaya ako ni Irene..shet.. Papatayin ko talaga sya.! Pagbukas ko ng pinto naabutan ko lang si tita emma na nanunuod pa ngTV.
" geo..?"
" uhm tita gising pa kayo.. Alas onse na po ah.?"
" Uhm wala pa kasi tito mo.. Inaantay ko lang."
"overtime po.?"
" yeah.."
"si kuya aldred po.?"
" tulog na.. Maaga daw pasok nila bukas eh."
" kasama niya po si blue kanina.?"
" Oo.. Lagi naman magkasama yung dalawang yun.. May problema ba.?"
"uhm wala naman po."
" matulog ka na may pasok ka pa bukas di ba.?"
" yes tita.. Sige po punta na po ako sa room ko." saad ko.
" wait geo.?"
" what tita.?"
" Kung sino man yang pinagkakaabalahan mo.. Make sure na hindi ka niya sasaktan huh."
" tita.?"
" alam ko may syota ka na.. Pakilala mo naman sya sakin iho.. Para makilatis ko na din."
" alam niyo po.?"
" abvious ka geo.. Eh halos gabi gabi kang late na umuwi eh.. Malamang may pinupuntahan ka."
" uhm yes po tita may boyfriend na po ako." pilit na ngiti ko.
" Sabi na eh."
" Tita si kuya aldred.. Alam na po kaya niya.?"
" I don't know.. Eh mas late sayo umuwi yun eh.. Kaya hindi niya napapansin na late ka din umuwi," natatawang saad nito.
" ah ok.. Tulog na po ako."
"pakilala mo sya sakin."
" yes po tita.."
Hapon yun ng magpasya akong pumunta sa school nila blue.. May praktis yung banda nila chris kaya umalis na muna ako.. Nagdial lang ako sa cellphone ko para tawagan si blue.. Kainis bakit ba hindi sinasagot. Gusto ko sana itanong kung alam na ni kuya aldred yung samin ni chris.. Aixt. Ilang minuto pa kong nakatayo sa gate ng may mapansin akong papasok sa gate.. Shet si paul.
" paul!?" tawag ko sa kanya.. Tumigil naman to sa paglalakad saka dahang dahang lumingon sakin. " paul ikaw nga>" ngiti ko saka lumapit sa kanya.
" uhm geo anong ginagawa mo dito.?" ngiwi niya.
" si blue.. Pinuntahan ko lang.. Iniiwasan mo na ko ah.?"
" hindi ah.." iwas niya ng tingin.
" ows.. Lage kang wala sa bahay niyo eh.."
" pumupunta ka sa bahay ko.?"
" oo naman.. Eh di ba may usapan tayo na ipagluluto kita lage..?"
" forget about it.. Ok naman palang teacher si google.."
" I see.." ngiti ko.
" sige alis na ko.." saad niya aktong maglalakad sya papasok ng hawakan ko yung braso niya. Napatingin naman sya sa kamay ko kaya agad ko tong tinanggal." why.?"
" Si blue kasi hindi sinasagot yung phone niya eh...?"
" baka busy.. Sasabihan ko nalang na andito ka kapag nakita ko.."
" Eh kasi.. Nakakainip dito.. Sama ako sa loob.?"
" huh..? Uhm tawagan mo nalang si blue may gagawin pa kasi ako eh.?"
" sige na please..?"
" ayoko.." iwas niya ng tingin.. Natigilan lang ako ng makita sa kuya aldred na naglalakad papunta sa dereksyon namin ni paul. " what.?"saad ni paul na lumingon sa tinitingnan ko.
" si kuya aldred.." saad ko.
"ano naman.? Alam na ba niya yung tungkol sa inyo ni chris.?" marahan naman akong umiling.
" bakit hindi pa.?"
" eh hindi pa nagsusumbong si irene eh.?"
" Edi aminin mo na sa kanya.." saad pa ni paul inangkla ko naman yung kamay ko sa braso ni paul. " hui ano yan.?"
" magpanggap muna tayo..?"
" ayoko.." simangot niya saka naglakad pero agad ko syang hinila. " ano ba geo.?"
" pleasee... Gagawin ko lahat.. Ngayon lang please.??"
"fuck bakit kasi hindi pa aminin eh." simangot niya.
" sige na wag ka ng kontra." saad ko saka nilagyan ng ngiti yung mga labi ko.. Napailing naman si paul.. Haixt ang gwapo niya pero nevermind haha..
" hi kuya aldred." bati ko paglapit nito.
" anong ginagawa mo dito..?"
" bakit kuya sayo ba tong school..kailangan pa kong magpaalam sayo pag pupunta dito.?"
" ano ngang ginagawa mo dito.?" inis na saad nito. " sasagot ka ba ng maayos o sisipain kita pauwi.?" seryosong saad nito.. Napalunok naman ako.
" Dahil kay paul." ngiti ko saka lumingon kay paul.
ITUTULOY
HAHAHAHAHAHAHAHA!
ReplyDeleteBabasahin ko ito ulit sa bahay tapos tawa ulit.
OMG, Geo os inviting trouble. Tahnks sa update. Take care.
ReplyDeletebitin paganda ng paganda... :-)
ReplyDeleteKaya pala na inlove sa lalaki si paul,, nice... more pa more
ReplyDeleteNice nice :))
ReplyDeleteDi ko pa nabasa pero excited na akong magbasa mamya pag off. Pag wala akong accomplishment ngayong araw sa work dahil sa excitement, ikaw ang sisihin ko my fav-author, Mr. Carlos Bluerose. Joke lang. Bwehehe..
ReplyDeletehay ano ba yan makapambitin ei wagas.., hahaha ang landi ni GEO.., haba ng biyas..,
ReplyDeletethanks kuya Red . dahil sa 'yo namention ako !hehehe .. syempre ty din kuya Blue ..
ReplyDeletelilipat na ko .. team #ChrEo na ko .. sorry papa P. mas bet ko na sila ngayon , KILEG MUCH !! ang kulet nila nung nasa sinehan sila .. <3 kay Joseph ka na lang papa P. ^^v.. hehehe .. may history ka na pala sa Gay eh . deny ka pa .. ! lol !
super thanks sa update kuya Blue :))
-yelsnA
#BTBBC
Naka excite ung update ni author blue.....
ReplyDeleteNext chapter pls nakakakilig eh.....
Go geo chris love team
Jharz05
Ngayon ko plang to start basahin. At outo palang ang una na babasahin ko na on going. Mas gusto ko magbasa ng mga tapos na para tuloy tuloy at siguradong tapos. Anyway, fan mo ako author. Blue ang pinaka paborito kong gawa mo. Hanggang ngayon naalala ko pa rin si red at blue rangers hehe. Susubaybayan ko rin to. Thank you author, wag ka sana magsawa sa pagsusat ah. I love you.
ReplyDeleteBluenomore
Sa update na to parang gusto kong lumipat sa kampo ng chreo. Na feel ko na yung chemistry nila. But I still like the character of paul. He deserved to be loved also. So team PaGe pa rin ako. Go Paul, decide and do something about what how you feel towards Geo.
ReplyDeleteMr author thanks for the story ang ganda.
-Bubbles