Followers

Sunday, November 30, 2014

Playful Jokes -Chptr13




Athr'sNote-

Guys, pasensya na kung nabigo ko kayo tungkol sa #KashVen moments.

Ewan ko ba kung bakit talagang walang gana akong magsulat ngayon.

Napaka-dry ng chapter na ito, sorry guys.. sorry, lalo na sa mga naghihintay.

Naiinis talaga ko sa sarili ko, ilang araw na akong walang ganang magsulat.

Susubukan kong bumawi, basta magpasensya na muna kayo guys. Sorry talaga.


Guys, walang mag-eexpect ha? Sorry talaga dahil napaka-dry ng chapter na ito.

Again, pasensya na.



--



Point Of View

- Third Person's -



 "Tititigan mo na lang ba ako? Hindi mo man lang ba ako yayakapin? gaya ng gusto kong gawin ngayon?"

Tatlong tanong na siya talagang nagbigay ng kakaibang pagkagulat kay Kash.

Aatras na sana si Kash dahil sa kabang nararamdaman nang mabilisan siyang hilahin ni Seven.

Hanggang sa isang napakahigpit na pagyakap ang ginawa ni Seven.


Katahimakan


Yan ang sa kasalukuyang pumapagitna sa dalawa.

Si Kash na walang masabi sa sobrang gulat, at si Seven na talaga namang sobra kung makayakap.


Katahimikan


 "Ba't ka umiiyak? Napaiyak rin tuloy ako." pagbasag ni Seven sa katahimikang namamayani.

 "Nakakatampo kana talaga Kash, kanina pa kita hinihintay na magising." muling pagsasalita nito.

 "Namiss kita, sobra." dagdag pa ni Seven.

 "Tsaka.. ang gwapo pala ng mahal ko kahit maitim."

Sa muling pagsasalita ni Seven ay siya nang mabilisang pagkawala ni Kash mula sa pagkakayakap ni Seven.

Agad niya itong hinarap, nagbibigay ng ekspresyong naguguluhan.

 "Seven."

Ang tanging nasabi ni Kash, hindi kasi nito alam kung paano magre-react sa mga nangyayari.

Ang mga sinasabi ni Seven na mas lalo pang nagpapagulo sa lahat.

Nakangiti lang sakanya si Seven, kakaibang ngiti na talagang nagbibigay rason sakanya na halikan ito.

Kung kanina'y tanging pagyakap ang gustong gawin ni Kash kay Seven, ngayon naman ay ang mahagkan ang labi nito.

 "Ngumiti ka naman Kash, hindi kaba natutuwa na narito na ako? Para sa'yo.." nakangiting sabi ni Seven.

Nguni't nanatili lang ang naguguluhang ekspresyon ni Kash.. naguguluhan, gulat, hindi makapagsalita.

 "Hindi kaba talaga magsasalita?" tanong ni Seven.

 "Isa.." tonong pagbabanta na ni Seven. "Dalawa.." pagpungay pa ng mga mata nito.

Tila walang naririnig si Kash, nakatitig lang ito sakanyang kaharap.

 "Ayaw mo talaga ah.." muling pagsasalita ni Seven at sa ginawa na nga nito ang kanina pa niyang gustong gawin.

Halik, hinalikan niya si Kash.

Ito ang matagal na niyang hinihintay, ang muling mahalilkan si Kash.



-----


Point Of View

 - J a c o b -



 "Ba't dito tayo bumaba?" inis kong tanong nang makababa kami ng jeep. "Oo nga." dagdag pa ni Vince.

Nasa San Fernando kami nila Vince at Alex, kagagaling lang namin sa SM Pampanga.

Treat ni Alex, eto yung pinangako niya sa amin ni Vince, ang makagala kaming tatlo na siya lang ang gagastos.

 "December 1 kaya ngayon." agad na pagharap niya sa amin. "Si daddy ko." biglang pagbaba ng boses ni Alex.

Napatahimik naman ako. Oo nga pala at dito nakalibing yung daddy niya at.. death anniversary nito, matagal nang patay ang daddy niya at ngayon ay may step-father siya, bagong asawa ng mommy niya.

 "Late na nga eh. Hindi ko na sana kasi siya pupuntahan, nagtatampo ako sakanya eh, ang aga niya kaming iniwan ni mommy." sabi pa niya habang naglalakad.

 "Sorry tol." agad na sabi ko at pag-akbay sakanya.

 "Kaya pala sa SM SF tayo biglang naglibot, malapit dito." sabi pa ni Vince. "Tara dali, miss kana ni daddy mo. Dali.. dali.." pagtulak pa sa amin ni Vince.

Natawa naman si Alex, kami talaga makakapagpagaan ng loob niya.

...

Nakapasok na kami sa sementeryo, buti na lang dahil maganda at susyal rito. Kahit kasi gabi ay hindi nakakatakot, kumbaga sa isang 5-star hotel ay kumpleto ito sa lahat ng bagay.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa puntod ng daddy ni Alex ay napaiyak na nga siya.

Mahal na mahal niya talaga daddy niya, kahit na sinasabi niyang nagtatampo siya rito.

Hindi niya kasi gusto ang kanyang step-father, nakikisama lang siya dahil pakiusap narin ito sakanya ng kanyang mommy.

Nang malapit na kami ay agad kong sinenyasan si Vince na tumigil na sa paglalakad.

 "Hayaan na muna natin siya, sa lahat ng gwapo yan ang madrama basta tungkol sa daddy niya." pagngiti ko nang kami na lang dalawa ni Vince sa may 'di kalayuang pwesto mula sa puntod ng daddy ni Alex.

 "Kawawa siya noh? Buti na lang nandyan tayong dalawa, atlis.. hindi na niya iniisip na mag-isa na lang siya sa buhay, ngayong wala na yung daddy niya.." sabi naman ni Vince.

Nakatingin lang kami kay Alex, nakangiti kami dahil sa wakas at heto.. dahil sa amin ay maayos na ulit si Alex.

 "Dati araw-araw siya rito, lagi siyang nakaupo diyan sa may tabi ng puntod ng daddy niya, kung hindi tulala ay umiiyak naman." sabi ko pa.

Oo ganun si Alex dati, lagi siyang nasa puntod ng daddy niya.. umuuwi lang ng bahay para matulog.

 "Mahal na mahal niya kasi si daddy niya eh." sabi ni Vince.

Ngumiti si Vince, malaki kasi talaga ang pinagbago niya eh.

Napangiti narin ako. Buti talaga at nandyan kami ni Vince.. dahil kung hindi.. baka hanggang ngayon ay wala yung Alexis Baltazar na palabiro at palatawa.

.....

 "Umuulan?" biglang sabi ko nang mapatakan ang aking cellphone.

 "Oo nga noh?" kunot pa ni Vince.

 "Daddy alis na po kami.. umuulan na eh." sabi ni Alex at pagtayo pa niya.

Nakaupo kasi kami, foodtrip habang kwentuhan.

 "Tito yung sinabi ko ah? Ipinapag-paalam ko na po si Alex." natatawang sabi ko pa.

Tawa naman kagad si Alex.

Kanina pa kasi ako inaasar ni Alex, sinasabi niya sa daddy niya na mas gwapo pa daw sa akin yung taong gusto ko.

Kaya ayan, sinabi ko kay tito na magiging gwapo rin yung taong mamahalin ni Alex, sumpa ko yun haha.

 "Tito kung sakali na magkatotoo yung sumpa ko sa anak niyo, wag po kayong magagalit sa akin ah?" sabi ko pa at pataas-taas pa ng kilay.

Si Alex, eto tawa lang ng tawa.. sige lang daw at mang-asar ako.. hindi naman daw kasi mangyayari yun dahil malabo.

 "Tito alis na kami, palakas na yung ulan.." medyo napalakas nang sabi ni Vince.

At sa yun na nga, patakbo na kami..

 "Bye daddy.." pahabol pa ni Alex.

At tumakbo na nga kami ng pagkabilis-bilis.

 "Tae, bigla-biglang umuulan!.." pagsigaw ko habang patuloy lang kami sa pagtakbo.

Medyo malayo pa kami sa labasan, nasa may bandang dulo kasi yung puntod ng daddy ni Alex eh.



-----



Point Of View

 - Third Person's -



Mula sa mabilis na takbuhan ng tatlo ay wala sa sariling napahinto si Jacob nang may marinig.

Napatigil rin yung dalawa nang mapansing hindi na nila kasabay na tumatakbo si Jacob.

 "Napano yun?" kunot ni Alex.

Mas lalo silang naguluhan kay Jacob nang makita nila ito na parang may pilit na pinapakinggan.

 "Anong meron? Basa na tuloy yung phone ko." agad na sabi ni Vince pagkalapit nila kay Jacob.

Hindi na nila pinansin ang napakalakas na ulan.

 "May narinig akong umiiyak eh." sagot ni Jacob habang pasilip-silip ito sa kung saan.

 "Eh ano naman kung meron nga?" sabi kagad ni Alex.

Hindi na sumagot pa si Jacob.

 "Marvs?"

Ang wala sa sariling nasabi ni Jacob.

Kumanan ito at dahan-dahang naglakad patungo sa taong iniisip niyang si Marvs.

Sumunod lang ang dalawa kay Jacob.

Isang napakalakas na ulan ang nagaganap, hindi na pinansin pa ni Alex at Vince ito, lalong-lalo na si Jacob dahil patuloy parin ito sa dahan-dahang paglalakad patungo sa taong kanyang tinitignan.

At nang medyo makalapit na siya rito ay kusa na siyang napatigil.

Tama nga siya, tama ang kanyang hinala at narinig.

Si Marvs nga ang umiiyak. Hindi siya nagkamali sa narinig, kilala na nga niya talaga si Marvs.

 "Ayoko na po mommy, suko na ako.. masyado na po akong nasasaktan."

Sa sinabi nito ay napaisip siya, mommy? Ibig lang sabihin ay patay na ang kanyang mommy? Pero paano? Kailan pa?

Maski sina Vince at Alex ay nagulat, patay na ang mommy ni Marvs? Mag-isa na lang siya sa buhay?

 "Ayaw na po sa akin ni Jacob eh, siya na po mismo ang nagsasabing layuan ko na siya.. mommy ang sakit nun, ang sakit pong marinig ang ganung salita mula sa taong mahal na mahal mo, ang sakit.."

Sa muling pagsasalita ni Marvs ay napaiyak na nga si Jacob.

 "Mag-isa kana lang pala, ba't 'di mo sinabi?" ang nasabi ni Jacob mula sa kanyang isipan. "Edi sana, matagal nang natapos 'tong katangahan ko." dagdag pa nito.

Nang mapansin nina Vince at Alex na umiiyak na rin si Jacob ay lumayo na nga sila, alam nilang kailangang mapag-isa ng dalawa.

 "Mommy, aalis na po muna ako ah? Sasama po ako kay Ivan, sa probinsya nila sa Davao."

Halos gusto nang lumapit ni Jacob kay Marvs nang marinig ang sinabi nito.

Nguni't hindi niya kaya dahil sa nahihiya siya rito ng sobra, ibig lang kasing sabihin ng mga sinabi ni Marvs ay handa na nga itong umalis at makalimot.

Napaatras siya ng kaunti nang tumayo na si Marvs, katulad niya'y basang-basa narin ito.

 "Dun na po muna ako, baka po sakaling roon.. bumalik ako sa dati.. na baka makalimot na po ako."

Nang marinig ni Jacob ang sinabi nito'y mas lalo siyang kinabahan.

 "Mommy, maraming salamat po at hinayaan niyo na akong bumalik kay Jacob. Pero wala po eh, ayaw na niya sa akin, at mukhang wala na nga talaga ako sakanya." ang maayos nang sabi ni Marvs.

 "Mommy, alis na po ako.. bukas umaga na po ang alis namin.. maraming salamat, bye mom." pagpapaalam ni Marvs at tuluyan na nga siyang naglakad paalis.

Naiwang nakatingin si Jacob kay Marvs at napabaling ito sa puntod ng mommy ni Marvs.

Dahan-dahan niya itong nilapitan.

 "Tita." mahinang sabi niya.

 "Totoo nga po ang sinabi niyo at sasaktan ko lang ang anak niyo. Patawad po, patawad." ang mahinang sabi pa niya.

At muli, napatingin siya sa Marvs na naglalakad at unti-unting nawawala sa kanyang paningin.

Tila napako ang kanyang tingin rito, tulala.


 "Kung talagang gusto mong bumalik kayo sa dati, gawin mo na yung dapat mong gawin.. kumbaga sa outing ng barkada, ikaw na lang yung kulang. At dahil wala ka.. hindi sila matuloy-tuloy, walang nangyayari." ang naaalala niyang sinabi sakanya ni Kash.

 "Tol, nasa sa iyo naman yan eh. Ikaw na lang naman hinihintay ni Marvs, hindi ba't ilang beses pa nga siyang lumapit at nakiusap sa'yo? Kaso tanga-tangahan ka, kaya ayan." ang naaalala pa niyang sabi ni Vince.


 "Coby, gusto ko kapag nagtatampo ako sa'yo o kaya kapag galit ako sa'yo ay yakapin mo ako kaagad ha? Diba sa ganun naman nagkakaayos ang magbestfriend?"


At nang maalala na nga niya ang sinabi sakanya ni Marvs noong magbestfriend pa sila ay agad na siyang napatakbo pasunod sa direksyong tinahak ni Marvs.

 "Marvs.." ang paulit-ulit na sinasabi nito habang tumatakbo.

Nawala na sakanyang paningin ang taong hinahabol niya.

Isama pa na madilim at napakalakas ng ulan, bagay na talagang nagpalakas pa ng kanyang kaba.

At nang sa wakas at nakita niya ito sa may 'di kalayuan ay napangiti at muli siyang napaluha sa sobrang kagalakan na nakita niya ito.

Akala niya kasi'y wala na talagang pag-asa, lalo pa't nawala ito sa kanya paningin.. pero heto at mabilis na siyang tumatakbo palapit rito.

Nang makalapit na siya rito ay mabilisan niya itong niyakap mula sa likod.

Isang tagpo na resulta na tapos na lahat, ang takot at pagdadalawang-isip ni Jacob.

Isang tagpo rin na siyang muling nagpaluha kay Marvs.

Nang maramdaman niyang may yumakap sakanya ay nagulat siya. Nguni't nang maramdaman niya ang init at nang wala sa sarili niyang nahawakan ang dalawang kamay na pumalibot sa kanyang tiyan ay siya naring naging resulta nang muli.. isang mabilisang paggaan ng kanyang pakiramdam na tanging mga yakap lamang ng kanyang bestfriend ang makagagawa.

Isa lang naman kasi ang ibig sabihin nun eh, na kapag niyakap siya ng bestfriend niya.. alam na niya ang dahilan.

 "Diba sabi mo 'pag nagtatampo o galit ka sa akin ay yakapin lang kita? Kasi sa ganun nagkakaayos ang magbestfriend?" nakangiti nang sabi ni Jacob habang mahigpit ang yakap nito at halos nakasandal na ang baba nito sa may balikat ni Marvs.

Napangiti narin si Marvs.

Parehong hindi maipaliwanag ng dalawa ang kanilang nararamdaman, kung maniniwala ba sila sa nangyayari at hahayaan na lang ito.

 "Coby." agad na sabi ni Marvs at pagbaling nito paharap sa mukha ni Jacob, bagay rin na siyang nagpaangat ng kaunti sa tingin ni Jacob dahilan para halos magkalapit na ang kanilang mukha.

 "Naaalala mo ba yung biro mo matapos kong sabihin iyon?" tanong ni Marvs.

 "Ano yun?" maang kaagad ni Jacob nang maalala ang kanyang biro matapos sabihin ni Marvs ang bagay na iyon.

Pareho na ang iniisip ng dalawa.

 "Na pagkayakap mo sa akin ay halikan kita agad. P-pwede ba?" nakangiti pang sabi ni Marvs na siyang nagpangiti narin kay Jacob.

Hanggang sa isang panibagong tagpo na nga ang nangyari.

Isang halik na siyang mas nagpagaan pa sa kalooban ng dalawa.

Sa pagkakataong ito'y.. wala ng galit o sakit na namamagitan sa dalawa, kundi..

Kasiyahan at pagmamahal.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Ikaw nga talaga yan."


Nakangiting sabi ni Seven matapos niya akong halikan.

Heto at tulala parin ata ako?

 "Kash naman, baka gusto mo akong kausapin?" pagsimangot naman niya bigla.

Ewan pero hindi talaga ako makapagsalita. Basta masaya ako na pinagmamasdan ko siya.

 "Magtatampo na talaga ako sa'yo." mas lalong pagsimangot pa niya, yung bang naiinis na nagtatampo.

At sa dahan-dahan na nga akong ngumiti, yung totoo at napakagaan na ngiti.. dahil sa kasiyahan at kagalakan.

Nakatitig lang ako sakanya.

 "Seven, mahal na mahal kita.." mahinang sabi ko.

Nakangiti man ay naluluha parin ako, para kasi sa akin ay masyado talagang imposible itong nangyayari ngayon.

 "Kash, mahil rin kita.. mahal na mahal." pasimpleng sabi at pagngiti ni Seven.

At sa pagkakataong ito, ako na ang humalik, hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon.


....


Point Of View

 - Third Person's -


 "Dali na.. Seven naman eh.. maiinis na talaga ako sa'yo."

Nagtatampo at padabog nang sabi ni Kash at umusog palayo mula sa pagkakatabi nila ni Seven.

Sila'y kasalukuyang nasa kwarto ni Seven, magka-upo sa kama at magkatabi, nguni't heto nga at umusog palayo si Kash.

Pangiti-ngiti lang ng nakakaloko si Seven, gusto niya talaga itong pikunin.

 "Ano ba? Naiinis na talaga ako." inis nang sabi ni Kash, magkasalubong na ang mga kilay nito.

Hanggang sa hindi na napigilan ni Seven at literal na nga siyang natawa.

 "Oh tignan mo? Ang daldal mo na ngayon.. kanina ang tahi-tahimik mo." sabi pa nito, mas lalong napasimangot si Kash.

Nagtinginan sila.

 "Dali na kasi.." natawa naring sabi ni Kash, yung bang naiinis na natatawa.

 "Syempre alam kong ikaw na yan. Nung una nakita ko umiiyak tapos nagulat ako, wala pa akong ideya nun.. tapos.. tapos.." pagbibitin ni Seven sa kanyang sagot sa tanong ni Kash.

 "Tapos?.." agad naman na sabi ni Kash.

 "Tapos nung naamoy kita, yung amoy mo.. ayun, alam ko na." tonong pagmamalaki ni Seven, nakangiti pa ito.

Napalunok pa sa hiya si Kash, namula pa nga ata ito.

 "Talagang nahiya kapa sa sinabi ko?" natatawang sabi ni Seven.

Hindi naman kumibo si Kash, hindi narin nito magawang tignan ng mukha sa mukha si Seven.. sa hiya.

Hanggang sa parang patalon siyang nilapitan at niyakap ni Seven.

 "Ang swerte ko talaga sa'yo.." masayang sabi ni Seven nang maiharap niya ang kanyang mukha kay Kash, ngayon ay patagilid niyang yakap-yakap si Kash.

Kalaunan ay ngumiti rin si Kash... saglit niyang pinagmasdan ang mukha ng taong kaharap niya.

 "Maraming salamat sa nasa itaas at binigyan ka niya ng pagkakataong makakita pa. Kung masaya ka, mas masaya ako." magaang sabi ni Kash habang inililibot nito ang kanyang daliri sa mukha ng kanyang taong mahal.

Nakangiti lang si Seven, ngayong nakakakita siya.. pakiramdam niya'y si Kash lang ang gusto niyang pagmasdan, magdamag.

 "Seven." biglang pagseryoso ng mukha ni Kash.

Mula sa pagkakayakap ay kumawala kaagad si Seven

 "Kash naman, wala na nga sa akin yun.. kalimutan na natin yun." paninigurado ni Seven.

 "Bakit nga kasi? Hindi ka man lang ba nagalit? Hindi mo rin lang ba tatanungin kung bakit ko ginawa yun?" pagharap kagad ni Kash sakanya.

 "Alam ko ang lahat. Kash, lahat-lahat.. alam ko." seryoso nang sabi ni Seven.

 "Labing-isang numero." simpleng sabi ni Seven pagkahawak niya sa kamay ni Kash.

Napatigil naman sa gulat si Kash.

 "Hwag mong sabihing.."

 "Oo." agad na pagputol ni Seven sa sinasabi ni Kash.

 "Paano mo naman nabab.."

 "Mommy. Si mommy." pagputol ulit ni Seven.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Kash sa narinig.

 "Oo Kash, alam ni mommy.. pati narin si daddy.. Kash, wala na tayong problema, si lola naman.. kinausap na siya ni daddy." tonong pagpapanatag ni Seven.


Saglit na namayani ang katahimikan.

 "Oh bakit wala kang masabi?" nakangiting tanong ni Seven.

 "Ibig mong sabihin ay.. pati yung mga.. yung.." hindi na natapos si Kash sa muling pagsasalita ni Seven.

 "Mahal na mahal ko si Seven.. Miss ko na siya, yung mga yakap niya.. yung mga labi niya... Yung kapilyuhan niya.. Pati yung pagkagat niya sa labi k.."

 "Seven!" napalakas na sabi ni Kash dahilan para maputol si Seven sa kanyang sinasabi at literal na matawa.

 "Yung pagkagat niya sa labi ko.." tonong pang-aasar pa ni Seven at patuloy lang sa pagtawa.

Ngayon ay namumula si Kash sa hiya.

 "Loko ka. Sinabwat mo pa si yaya Cindy." nasabi na lang ni Kash.

 "Pakiss na nga lang." agad na sabi ni Seven at sinunggaban na nga niya si Kash.

Sino nga naman ang mag-aakala na sa muling pagbabalik ni Seven ay si Kash at si KASH parin ang hinahanap-hanap niya.


.....



Point Of View

 - K a s h -




 "Wala."

 "Meron."

Napatingin na lang ako kay Seven sa pagsabay niya sa pagsagot ko sa mga tanong ng pinsan niya.

Kami'y nasa sala, kumakain ng kung anu-ano kasama ang mga pinsan ni Seven at magkatabi rin kami.

Pakiramdam ko'y may mga ideya sila sa tungkol sa amin ni Seven. Pinagkakaisahan ata nila ako, at mukhang nakikiisa pa 'tong si Seven.

Isa-isa naman akong napatingin sa mga pinsan niya na nasa aming dalawa ang mga atensyon.

Halatang hinihintay nila ang paliwanag ko sa ginawang pagsingit ni Seven.

Ang tanong kasi ng mga ito ay..

 "May something ba?"

Sabi ko ay 'wala at sumabay naman si Seven na 'meron.

  "Okay okay. Oo meron nga." tonong pagsuko ko na at konting pagtaas pa ng kamay.

Nakita ko naman yung mga ekspresyon nilang medyo parang nagulat, at parang may nakumpirma.

Pagbaling ko naman kay Seven.. napakalaki ng ngiti nito, pataas-baba taas baba pa yung mga kilay niya.

 "Kape't gatas kayong dalawa ah.." sabi bigla nung isa niyang pinsan.

Napangiti na lang ako sa narinig, oo nga at heto at medyo maitim ako at si Seven naman ay talagang maputi.

At sa ipinagpatuloy na nga namin ang pagkain.

Ang sarap sa pakiramdam, parang walang problema.. parang napakagaan ng lahat, yung bang tanggap pala kami ng mga pinsan niya.


.....


Point Of View

 - Third Person's -



 "Kash wala kabang napapansin?" tanong ni Seven.

Ngayon ay nasa kwarto silang dalawa. Nakahiga, parehong nakatingin sa taas, magkahawak kamay.

 "Napapansin? na ano?" kunot ni Kash.

 "Na eto, magkasama tayo, dito tayo sa kwarto ko matutulog na magkatabi, tanggap tayo ng mga pinsan ko, alam ni mommy at daddy yung sa atin, at alam narin ni inay mo." sunud-sunod na sabi ni Seven.

Agad namang napaharap patagilid si Kash kay Seven dahil sa narinig.

 "Oo nga noh. Tapos si inay pala hindi ko pa naaasikaso simula kanina pang pagkagising ko. Tapos parang hindi ko pa siya nakikita simula kanina, oo nga noh?" sunud-sunod ring sabi ni Kash.

Ngumiti naman si Seven sa naging reaksyon ni Kash, hinarap na rin niya ito patagilid.

 "Kausap siya ni mommy, at paniguradong alam na ni inay mo niyan yung sa atin." nakangiting sabi ni Seven.

Napangiti narin si Kash sa narinig, mukhang wala na nga talaga silang problema.

 "Sigurado ka? P-pero.. paano nga pala natanggap ni mommy at daddy mo yung tungkol sa atin?" tanong ni Kash.

Ngumiti lang si Seven at hindi na sumagot pa.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit sila pumayag? O may dahilan nga ba talaga?

 "Hindi na mahalaga yun Kash, basta ba masaya tayo diba?" sabi na lang ni Seven.

Saglit na nagtitigan ang dalawa.

 "Gaano mo ako kamahal?" biglang tanong ni Kash.

Nag-isip saglit si Seven.

 "Hmm.. hindi ko alam kung paano ko sasabihin eh?" sagot naman ni Seven.

 "Ang daya naman..." walang ganang sabi kaagad ni Kash, dismayado.

 "Baka kasi abutin tayo hanggang bukas kapag sinabi ko kung gaano kita kamahal, gusto mo ba yun?" nakangiting tanong ni Seven.

Napatigil naman si Kash sa narinig.

 "Oh bakit hindi ka nagsasalita?" pagtawa pa ni Seven.

Nahihiya si Kash dahil sa narinig, sa tingin niya ngayon'y namumula siya.

 "Nako, ganyan ka talaga eh noh? Hindi nagsasalita kapag kinikilig." nakakalokong sabi naman ni Seven at agad na pagyakap niya sa kaharap.

 "Basta Kash, darating ang araw.. malalaman mo kung gaano kita kamahal." napakagaang sabi ni Seven.

 "At kapag dumating ang araw na yun, sana ay.. 'maintindihan mo kung gaano kita kamahal." pahabol pa ni Seven.

Agad namang kumawala si Kash sa yakap ni Seven.

 "Ang gulo mo naman." kunot kaagad ni Kash.

Ngumiti lang si Seven.

 "Eh ikaw, gaano mo ako kamahal? Kash, yung totoo." biglang pagseseryoso ni Seven.

Muling humiga paharap sa kisame si Kash. 

 "Gaano kita kamahal?" pag-uulit niya sa tanong ni Seven.

 "Gaano nga ba?" nakangiting sabi pa niya.

Nanatiling lang si Seven na nakaharap patagilid kay Kash, gustong-gusto niyang malaman kung gaano nga ba siya kamahal ni Kash.

Masakit man ay, nalulungkot siya sa mga pwedeng mangyari.

Pinagmasdan niya lang si Kash, sa mukha.

 "Sabi ni inay sakin, masasabi mo raw na mahalaga sa'yo yung tao kapag nagsimula kanang mag-alala para sakanya." paninimula ni Kash, sa taas lang ang tingin.

 "At masasabi mo naman daw na mahal mo na siya kapag nagsimula kanang hanapin siya at magsakripisyo para sakanya... Magulo diba? Parang pareho lang kasi." nakangiting sabi na ni Kash.

 "Pero Seven alam mo.. mahal na mahal kita, sobra.

 Paano ba naman kasi, nakita ko na yung hinaharap na kasama kita.. nanaginip kasi ako eh, magkasama daw tayo.

 Ang dami ngang nangyari sa panaginip ko eh, ang bibilis pa. Tapos parang kakaiba na talagang parang napaka-imposible.

 Pero ngayong narito kana, naisip ko na.. hindi pala imposible yun.

 Mahal kita eh, tapos mahal mo rin ako. Edi hindi imposible yun.

 Tapos.."

Habang patuloy lang sa pagsasalita si Kash ay napalingon siya kay Seven, na siyang dahilan kung bakit siya napatigil sa pagsasalita.

 "Ba't ka umiiyak?" agad na pag-aalala niya, hindi niya alam kung bakit pero maski siya'y napaiyak narin nang makita ang mga luha ni Seven.

 "Kash, hindi naman imposible yun diba? Yung mga nangyari sa panaginip mo.. mangyayari naman lahat yun diba?" humahagulgol nang sabi ni Seven, hindi na niya napigilan ang sarili.

Agad nang niyakap ni Kash si Seven, naguguluhan siya.. hindi niya alam kung bakit ganito ang mga sinasabi ni Seven.

 "Seven tama na.. lalo akong naiiyak eh.." umiiyak naring sabi ni Kash.

Hindi alam ni Kash kung ano ang dapat na gawin, talaga kasing grabe ang pag-iyak ni Seven na kung saan pati siya'y nadadala.

 "Kash sorry.. Kash.." 

Mas lalong naguluhan si Kash sa paghingi ng tawad ni Seven, para saan nga naman?

Hinaplos-haplos na lang niya ang likod ni Seven, at niyakap pa ito ng mas mahigpit, baka sakali na sa paraang ito ay mapatigil niya sa pag-iyak si Seven at mapagaan ang kalooban nito.

Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang tumigil si Seven sa pag-iyak.

Magkayakap parin ang dalawa, walang kibuan.

 "Kash mahal na mahal kita, alam mo naman yun diba?" biglang sabi ni Seven.

Tumango lang si Kash, at dahan-dahan niyang hinarap si Seven, saglit niya itong pinagmasdan.

 "Hwag kanang iiyak ha?" mahinang sabi ni Kash at marahang paghalik sa noo ni Seven.

 "Basta Kash ang gusto ko.. ako lang ha? Ako lang." mahinang sabi rin ni Seven.

 "Oo ikaw lang, pangako." paninigurado naman ni Kash.

At muli, nagyakapan ang dalawa. Nakuha narin nilang matulog, sila at sila nga ba talaga ang para sa isa't-isa?

Matutupad nga ba ang pangako ni Kash kay Seven?

Mangyayari nga ba yung mga bagay na nangyari sa panaginip ni Kash?

Tsaka, bakit ganun na lang ang mga reaksyon ni Seven? At kung bakit rin siya umiyak?


-----



Kinaumagahan


Point Of View

 - J a c o b -



 "Ang aga mo naman." nakangiting sabi ko pagkalabas ng bahay.

 "Syempre, ako pa?" pagmamalaki naman kagad ni Marvs.

Napailing na lang ako, excited lagi to eh.

 "Sabi mo sa text paalis ka palang ng bahay, tara na nga lang." sabi ko na lang at pag-akbay pa sakanya.

Pumasok na kami sa loob, kailangan ko na munang maligo at magbihis.

 "Wala ata sila tita mo?" agad na tanong niya pagkapasok namin ng bahay.

 "Umalis sila, binili niya ng pamasko yung mga bata." walang ganang sabi ko naman.

 "Oh ba't nagbubusit ka muna? Ba yan.. kababati nga lang natin eh." kunot kagad ni Marvs.

 "Ibibili rin sana ako ni tita ng sapatos eh, kaso ayaw mo akong paalisin.. ayan tuloy sayang." sabi ko habang papasok ng kwarto.

 "Edi ibibili kita, gusto mo terno pa tayo eh." pagnguso pa niya, natawa na lang ako.

 "Ewan ko sa'yo, sige diyan ka muna at maliligo lang ako." sabi ko pa pagkakuha ko ng tuwalya, lumabas na ako kaagad para maligo.

Saan kaya kami pupunta?

Basta ang sinabi niya ay maglilibot daw kami, kahit saan.

.....


 "Hoy!.. nakuha ko nang matapos magbihis hindi ka parin kumikibo diyan." pagpansin ko kay Marvs na kanina pa naka-upo sa higaan ko.

 "Hoy? Nakasimangot ka naman ngayon?" kunot ko pa.

Umakyat ako ng kama at pagapang ko siyang hinarap, nilapit ko rin yung mukha ko sakanya.

 "May naalala lang ako." mahinang sabi niya, nakasimangot parin.

 "Ano naman?" tanong ko.

 "Paano pala tayo magpapakasaya gaya ng sinabi mo kagabi, eh sa may boyfriend ka nga pala.. mahal pa nga ata tawagan niyo diba?"

Literal naman akong natawa sa sinabi niya.

Ayun, selos.. mukhang nagseselos.

 "Anong nakakatawa? Ikaw Coby ah.. mukhang pinagtitripan mo lang talaga ako." inis niya.

Mula sa pagtawa ay ngumiti ako.

 "Hindi paba nakekwento sa'yo ni Ivan yun? Eh ikinwento na nila Vince at Alex yun kay Ivan eh." tanong ko.

 "Na ano?" kunot niya.

 "Na trip lang yun, malay ko ba sa kaibigan naming yun.. minsan kasi  joker talaga yun eh." pag-iling ko pa.

Naalala ko tuloy bigla si Kash. Kamusta na kaya siya? Yung problema niya?

 "Talaga? Saan niyo naman nakilala yun?"

 "Sa atin, dito sa street natin. Bagong lipat yun eh. Gusto ko nga yun eh, masarap kasi kasama." tonong pagmamalaki ko naman.

Totoo naman eh, gusto ko naman talaga si Kash.. kahit ngayon, gusto ko parin siya. Pero syempre hanggang dun lang.

Tsaka iniinis ko lang lalo itong si Marvs kaya ko rin sinabi iyon.

 "Gusto mo nga? Edi crush mo?" agad na sabi ni Marvs.

Nanlaki pa ang mga mata na halatang hindi nagustuhan yung sinabi ko.

 "Oo naman, masarap kasi kasama.. hindi boring." pagmamalaki ko ulit.

 "Edi hindi ako masarap kasama? Tapos boring pa ako? Ganun?" agad niyang sabi, halatang naiinis.

 "May sinabi ba ako?" tanong ko naman at ngiting nakakaloko.

 "Dun ka nga. Ayoko nang umalis, bahala ka." inis niya at mahinang pagsapok sa akin palayo sa harap ng mukha niya.

 "Eto naman, tampo kagad.. sorry na po baby ko.." muling pagharap ko sakanya at tonong pambata.

Hindi siya nagreact, halatang naiinis na nagtatampo na ewan?

 "Si Kash yun, kaibigan namin nila Vince at Alex, mabait yun kaya naman napalapit na siya sa amin. Isa rin siya sa mga taong nagpa-intindi sa akin kung gaano ka-importante ang muling sumubok, siya rin yung isa sa mga nagtulak sa akin na balikan ka. Kahit na kilala ka lang niya dahil sa mga kwento ko." nakangiti kong sabi.

 "Talaga?" tanging nasabi niya, tonong naninigurado.. mukhang natamaan rin sa sinabi ko.

 "Oo nga, mabait kasi yun. Tsaka wag kang mag-alala, may ibang gusto yun, hindi rin siya interesado sa akin." sabi ko pa.

Tumango-tango lang siya.

 "Oh ayos na? Tara na?" nakangiti ko nang tanong.

Nakakatuwa talaga siyang tignan kapag nagseselos.

 "Kiss ko muna?" pagngiti narin niya.

Lalo akong napangiti sa sinabi niya, at yun na nga at hinalikan ko na siya.


-----



Point Of View

 - K a s h -



 "Ba't hindi mo agad sinabi?" napakahinang tanong ko habang nakaharap kay Seven.

Natutulog siya, habang ako ay heto at nasa gilid at pinagmamasdan lang siya.

Patuloy lang ako sa pag-iyak, napakahina.

Ang sakit, may nalaman ako na talaga namang nagpahina sa akin.

Alas-kwatro kanina ng madaling araw nang sinadya ako ng mommy niya dito sa kwarto ni Seven.

 "Seven naman eh.." nahihirapang sabi ko pa.

Ang sakit kasi eh. Mahal daw niya ako? Ganun ba ang klase ng pagmamahal na sinasabi niya?




Itutuloy


Kung may napansin kayong may umeksena sa story, sa tingin ko ay alam niyo na kung sino ang magiging bida sa next story na isusulat ko :))
#teamAlxsBltzr <3


- Playful Jokes

14 comments:

  1. Pasensya na sa dry na update guys :)) Susubukan kong bumawi.

    #Kashhh

    ReplyDelete
  2. Ayos...Ano kaya meaning ng sinasabi n 7....

    ReplyDelete
  3. Ang ganda mr. author. Sana wag mamatay si Seven. Kung mamamatay si Seven, tingin ko so alex ang papasok sa buhay ni kash. Hehe. Pero wag naman sana. Ang sweet nila talaga. Ibang klase kang sumulat mr. Author.

    -tyler

    ReplyDelete
  4. Tama kaya ang hinala ko...
    _eros author ako nga pala c tofi leofric hehehe..

    ReplyDelete
  5. It suck !walng sense na ang story mo, ikaw na mismo mo, minamaliit mo kung anung sinulat mo, and it seems na ginagaya mo lang sa ibang author story mo na pag may update dun ka lang nag susulat, diko na to tatapusin, napakawalang kwenta ng story mo, alam mo na kagad kung anung katapusan, waste if time....

    ReplyDelete
  6. Tsk tsk tsk tapusin mo na lang, wala ng sense,

    ReplyDelete
  7. Si Alex yun for sure

    ReplyDelete
  8. Ang sad nmn para kai kash ay seven,,,, huhuhuhu

    ReplyDelete
  9. Hala kinakabahan ako sa mangyayare kay Seven parang may mali eh. Huhu. Pero kinikilig parin ako kay na Kash at Seven and happy rin ako for Jacon and Marvs haha. Pero #KashVen parin!!

    -44

    ReplyDelete
  10. HhhMmm hindi dry ang term ko sa chapter nato awtor, kundi Plain! pero kahit ganun naitawid mo naman, awtor wag na kasing mag isip2 msydado sa lablyp okay? at para di mo na ako ma seenzoned bbawasan ko na kakachat, dito nlng ako babawi sa akda mo, asus ka pa nga awtor, oa much, wahahaha , sana HAPPy lang to, nakakaintrig kasi ung last secne ehh.. #kashven padin ako till the end❤,


    -jex (myunxel

    ReplyDelete
  11. Naku mukhang patapos na ata ang story, anong nangyari Kay Seven?

    ReplyDelete
  12. .wale papano na yung mga bata? sad haahah wala sila love story
    .tsaka di sya boring.. nakaka ngiting ewan na pag kinikilig. ganun sya pag binabasa hahaha

    -nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  13. Bakit parang mamatay si seven, my sakit b siya malubha author?

    Ung bagong bida sa story mo si alex b

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails